Followers

Sunday, April 22, 2012

Beautiful Liar Part 2


Beautiful Liar Part 2
by: Emirp

~♥~

Pag pasok ko sa bahay. Walang pagkaing nakalagay sa lamesa. Naisip ko na baka may emergency kaya wala sila mama.

Magulo ang kwarto namin, nagkalat ang mga pinagbihisan nilang damit. May patak ng pulbos sa sahig. Halata mo na nagmadali sila.

Nagluto na lang ako ng pancit canton na calamansi flavor at itlog. Ang sarap ng kain ko nung oras na yun habang nanonood.

Nung panahon na yun wala pa kong cellphone. Pero hinihiram ko yung kay mama. Buti nung oras na yun nasa akin yung cellphone at nag fb fb muna ko para malibang kahit papano.

Wala talaga akong magawa. Nag belly dancing ako ng walang hanggan. (hobby ko kasi yon) Pero ang boring parin. Naisip ko sana naglakwatsa nalang ako para hindi ako batong bato sa bahay. Wala rin eh. Kaya natulog na lang ako.

Pag gising ko wala pa din sila. Pero maya maya dumating yung dalawa kong pinsan. (Mga aprentis sa pabrika)

P1: asan sila Ante? (mga bisaya kasi sila kaya Ante ang tawag hindi Tita)
Prime: hindi ko alam pumunta yata kay Papa.

Ilang oras pa at dumating na nga sila Mama. Kasama ang dalawa kong kapatid.

P1: Ante kamusta si Angkol (Uncle yan, pero parang ganyan ang bigkas nila)
Mama: sinamahan naming magpacheck up. May sakit daw sa Lapay. Ang bilis bumagsak ng katawan niya. Namayat agad. (malungkot na tono na di maiwasang maiyak)

Nalungkot ako sa sinabi ni Mama. Ramdam ko ang pag mamahal niya sa aking ama sa kanyang pag iyak. May kutob na ako na bakay may sakit siya sa atay dulot ng pag inom. At iyon nga.

Dumating ang araw hindi na pumasok si papa sa trabaho. Hinihintay nalang ang aming Graduation para umuwi sa Mindanao.

Prime: Papa kain na po (pag kay papa nag po po at opo ako. Kailangan e. Demanding :D)
Papa: oh sige Anak

Over kasi nagbago na ang boses ni Papa parang hirap na siyang magsalita. Kaya feeling ko maiiyak ako habang kumakain.

Sa School...

Anielyn: Prime kamusta na Papa mo? (alam na kasi nag mga kaibigan ko ang karamdaman ni Papa)

Prime: okay naman kaya lang naawa ako kasi yung boses niya iba na e.



Sa pagkakataong tinakpan ko ng panyo ang mata ko. Kasi feeling ko maiiyak ako. Yun na nga. Hindi ko napigilang umiyak, humagulgol ako ng mga oras na iyon.

Naisip ko na sa mga kaklase ko lang ako pwedeng umiyak ng ganito. Hindi ko alam pero nahihiya akong maglabas ng totoong emosyon sa pamilya ko.

Divine: Okay lang yan Prime
Prime: kasi naman i. (hindi ko talaga mapigilan)
Jhumel: tumahan ka na bakuls.

Na kaka touch sila kasi pina paalala nila yung mga kalokohang ginawa ko dati.

Anielyn: diba Prime ito yung suot mong jogging pants. Yung nabutas kasi nadapa ka nung tinulak ka ni Jhumel.
Jhumel: ang lampa kasi ni bakuls.

Tawanan sila.

Anielyn: Prime tahan na, diba dati. Sinulatan mo ng pentel pen yung mukha ko tapos nilampaso mo ko sa sahig.

Kahit papano natuwa ako dun nung naalala ko yung mga harutan namin na yun.

Divine: wag ka ng umiyak. Gagaling din ang papa mo.
Mara: oo nga Prime. Mag pray ka lang kay God.

Mga relihiyosa din kasi ang mga kaibigan ko kaya God is always with Us

Time ng Math...

Katabi ko sila Edelyn at Sarah pag time ng Math kaya naging kaibigan ko sila.

Edelyn: anung nangyari sayo bakuls.
Prime: wala bakuls

Si Edelyn at Sarah din ang dahilan kung bakit mataas ang grade ko sa Math.

Prime: ui bakuls pakopya sa worksheet. bilis.
Edelyn: hay naku! oh ayan.
Sarah: kopya na naman siya.
Prime: over ka Sarah, porket maganda ka gumaganyan ka na ha.
hindi naman kasi ako nagrereview e, stock knowledge lang.
Edelyn: ang daming alam!

Nung uwian na nakatambay kami sa gate. Balak nung iba na pumunta sa SM kasi may sayaw dun ung dancer ng school namin.

Nung time na yun tulala ako nakita ko kasi si Elijah. Nakita ko. Hinatid siya ng mata ko hanggang makasakay. (alam niyo na siguro meaning non? :D)

Anielyn: hala malungkot na naman siya.
Prime: e kasi ano...
Divine: Yung papa mo

Ang totoo si Elijah ang nasa isip ko non. Hindi ko nalang sinabi.

Jhumel: Prime sama ka sa kanila?
Prime: wala akong pamasahe. hindi alo binigyan ni Mama ng baon. (beautiful liar. haha Ganyan Yan!)


Agnes: Oh sige libre na kita sa pamasahe sa jeep at bus.
Prime: salamat Agnes!
Jhumel: bakulaw ako din
Agnes: tumahimik ka nga bakulaw, ang dami dami mong pera ang kuripot!

Nasa jeep na nga kami ang saya. Ang hindi lang sumama si Mara at Divine.

Ang bilis ng andar ng jeep. Parang kaming nasa ride sa perya. Ako yung nasa last part yung sa may pinto. Si Glady naman ang nasa dulo kaya pag pumepreno. Napupunta kaming lahat sa unahan. Kawawa si Glady kasi naiipit siya. Pero enjoy yung time na yun kasi parang nakalimutan ko ang mga problema.

Sa SM...

Ang saya may upuan pa kami na nireserb para sa school namin. Magagaling naman lahat ng sumali. Hindi na namin tinapos ang contest. Pero nabalitaan namin school namin ang panalo.

Nag ikot ikot kami, kung saan saan. Picture picture kahit saan. Pasaway talaga si Jhumel kasi laging pinagtitripan si Glady kasi nga maitim. Picture ng picture kaya ayun ang daming waki waki na picture si Glady. Pati sa operator sa elevator nag papicture kami. Para talaga kaming mga baliw.

Nung magutom kami bili nalang kami ng mumurahing tinapay at ice cream. Okay lang yun.

Nung pauwi na naglakad lang kami papuntang bayan kasi wala na kaming masakyan saka para tipid.

Hanggang sa nakarating na kami sa bayan. At kanya kanya na ng sakay pauwi.

Pagkauwi ko nakahiga si Papa, nanonood. Nagbless ako. Tapos kumain ako ng tinapay na may palamang itlog.

Nang gabing yon sabay sabay kaming kumain. Wala akong kawala kaya kailangan kong kumain ng gulay. Kasi magagalit si papa pag puro karne lang.

Sunday...

Pag sunday nag cha church service kami ni Jhumel. 5pm pa naman yun. Pero mga 2pm palang umalis na ko. Nagdala ako ng bag na may lamang tubig, pulbos at towel.

Prime: Mama, punta ko sa kaklase ko saka mag simba na din.
Mama: oh sige magpa gabi ka ng mapagalitan ka ng ama mo. (ganyan yan!)

Lumabas na ko ng kwarto at nag paalam kay Papa, tumango lang siya.

Pumunta muna ko kela Edelyn. Sakto nandun din si Jhumel. Kaya chikahan kami harutan basta ang saya pag wala kang ibang iniintindi.

God is Good. AMEN!

Pagkatapos naming mag church service nagpasama si Jhumel isang subdivision. Pupuntahan daw nya ate nya, masaya ako kasi doon ang bahay ni Elijah. Nung malapit na kami sa may kapilya nagulat ako kasi.

Prime: hala may Patay!!

Takbo kami ni Jhumel ng malayo. Medyo may takot kasi ako pag nakakakita ako ng burol kaya hindi ko naiwasang sumigaw. Ganun din pala si Jhumel.

Jhumel: umikot nalang tayo sa ibang daan para hindi natin makita ung burol.
Prime: saan?
Jhumel: basta may iba pang daan dyan.
Prime: sige.

Nakalabas na nga kami ng subdivision. Lakad lang ulit kami papuntang kanto.

Jhumel: bakulaw burahin mo yung picture ko dun, kundi iaupload ko yung mga scandal mo.

May inupload kasi ako na waki waki picture niya, kaya ayun nagagalit habang naglalakad kami. May waki waki pic din kasi ako sa kanya, scandal tawag namin.

Prime: oo na, bakulaw ka kasi!
Jhumel: siguraduhin mu lang bakulaw ka!
Prime: oo na bakulaw ka kasi ang daya daya mo...

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi...

Jhumel: Prime. Prime. Prime
Prime: bakit? OA!

Nagulat ako nasa tapat na pala kami ng Gym, at nakatambay dun si Elijah, nakita din kami.

Elijah: witwit (basta sumipol siya)

Binilisan namin ang lakad, pero may kilig sa akin yun.

Prime: over nagulat ako dun ah!
Jhumel: oo na, nakita mu lang crush mo e.
Prime: ewan ko sayo! Bye Bakulaw!
Jhumel: oo ung picture. Bye!

Pag uwi sa bahay bless ako agad kay papa. At kumain na ko saka pumasok sa kwarto. Chikahan kami nila ate, mama, at tita(nay ang tawag ko) ko.

Prime: nay sabi ni Pastor gusto nilang puntahan si papa, magdadasal lang daw.
Tita: baka kung ano pa isiping ng papa mo, wag mo ng papuntahin, sabihin mo ipagdasal na lang.
Mama: lalo na ngayon mainitin ang ulo ng ama mo.
Prime: oki oki. Ay mama peram cp mo mag ri research ako.
Ate: mag e fb ka lang dyan. Ga graduate kna mag ri research ka pa!
Tita: tingnan mo nga ung ilong mo humahaba na sa kasinungalingan mo.
Prime: oo na over kayo. Ma peram na. Bilis.

Ganyan ang laging usapan namin. Bonding na rin kumbaga.


Isang araw pumayag ako na pumunta ung mga kaklase ko sa bahay. Mapilit kasi sila eh. Saka sa pagkakaalam ko wala sila papa kasi check up niya. Siyempre kasama si Mama at Ate. Yung bunso naman pumasok sa school.

''ang cute naman ng bahay niyo'' mga sinasabi nila. Nakatira kasi kami sa bahay na pag aari ng kompanya na pinag tatrabahuhan ng tatay. Kaya maayos, maganda at malinis naman. Saka tahimik at payapa. Eksaherada!.

Hindi ko naman sila pinakain kasi pang ulam lang namin yun e. Naintindihan naman nila. Pero binigyan ko lang sila ng mapapapak.

Walang katapusang kwentuhan. Landian . Si Jhumel inaasar na naman si Glady. Hanggang sa nauwi sa crush ang usapan.

Jhumel: bakit ang daming nag kaka crush kay Elijah, noh Prime at Mara?
Mara: ganyan talaga teh!
Prime: ewan bakuls!
Anielyn: hala Prime crush mu din si Elijah? akala ko si Mara lang.
Jhumel: ang tagal na bakulaw, kaya nga laging nadyan kela yan para makita lang siya.
Anielyn: hala siya pala yung crush ni Prime.
Prime: oo na bakulaw talaga kayo!

Nasa kasarapan kami ng usapan ng bigla dumating sila Mama, kasunod si Papa. ''patay! paano na yan'' sabi ko sa isip ko.



Itutuloy...

1 comment:

  1. Ganda po...gustung-gusto ko ung mga ganitong tipo ng kwento...next na po pls...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails