Followers

Monday, April 30, 2012

Break Shot - Chapter 2 (Admin Andrey's Story)


Nagpatuloy ang ikot ng buhay ko kasama ang malaking pagbabago sa aking pagkatao. Nagkaroon ng Sports Fest saaming school na inorganize ng MAPEH Club officers kung saan ako ang Vice President. Kasama ako sa nag-organize ng mga schedule ng games para sa 1 week activity na iyon at ako rin ang incharge na scorer para sa basketball. I was enlightened when i learned that Matthew joined in the Basketball Team ng aming section. And tell you, halos mabaliw ako sa kilig ng araw na naglaro sina Matthew. Panay kasi ang sukyap niya sa kinauupuan ko matapos magshoot, habang nagdidrible, o kaya ay pag may time-out na lagi niya sinasabayan ng ngiting nakakaloka. Siyempre ngingiti rin ako at nag sesenyas ng "go go" para mabuhayan siya.

Hindi ako sinabayan ni Ella nang matapos ang game dahil nagmamadali siyang umuwi. Lalabas na sana ako ng campus nang makita ko si Matthew sa may gate na parang may hinihintay. Dumiretso ako sa kinaroroonan niya at binati siya sa pagkapanalo ng team. "Congrats ah. Ang galing niyo kanina." ang sabi ko kay Matthew sabay ngiti na nagpapacute.

"Salamat. Na-inspire din ako maglaro kanina kasi nandun yung mga special saakin."Ang sagot niya na nakatingin sa mata ko. Sa mga oras na iyon parang matutunaw ang lola niyo sa magkasamang hiya at kilig. Malay mo ako ang tinutukoy niya.

"Ah. Siyempre. Masaya kaya gumawa ng mga bagay lalo na kung inspired ka." Sagot ko na lang sabay layo ng tingin sakanya. "Oo nga eh. Ang saya talaga. Salamat sa suporta ah. Mauna na ako, mukhang nauna na yung hinihintay ko."

Nginitian niya ako ng huling beses at saka umalis. Medyo na-disappoint naman ako doon. Akala ko pa naman ako ang hihintay niya. Sino naman kaya yung hinihintay niya? May napupusuan na rin kaya siya sa school? Gusto ko sana itanong iyon sakanya pero tingin ko wala ako sa lugar para gawin iyon. Nagpatuloy ang mga araw at laging nanalo ang team nina Matthew. Sila ang tinanghal na grand champion at nagsaya ang buong section namin dahil doon.

Maulan noon at may dala akong payong. Wala akong kasukob kasi absent si Ella. Papunta na ako sa may gate pero hindi ko namalayan na may tao pala doon sa may kubo. Nung makita ko si Matthew, nagdalawang isip ako na lapitan siya dahil ewan ko kung kakayanin ko kung sakaling makatabi ko siya sa lilim ng payong sa ilalim ng ulan. Kaya pumasok muna ako sa kubo bago siya pinasukob. Maganda ang view sa kubong iyon. Sa harap kasi ng office ay malaking quadrangle, ilang mga puno, at sa pinakadulo niyon ay dalawang kubo. Kaya habang nakaupo kami doon, feeling ko nasa ibang lugar kami dahil sa effect ng ulan at beauty ng nature sa quadrangle.

"Ba't nagiisa ka dito?" Ang tanong ko. Wierd iyon dahil hindi niya kasama ang tropa niya.

"Buti na lang dumating ka. Akala ko hindi na ako makakauwi. Nanghiram kasi ako ng libro sa second year. Yung isa nating topic nandoon eh. Na stranded tuloy ako sa kubo kasi ayokong mabasa yung libro." Paliwanag niya na nagpasaya naman sakin. So im sort of a savior huh?

"Tsk. Tsk. Ikaw na talaga. Halos nasasaiyo na ang lahat. Magaling sa sports, matalino, masipag, masayahin, mabait.." tumigil ako at tiningnan bahagya ang mukha niya "...gwapo din, pero mas gwapo ako ah.." Ang sabi ko na nagpatawa naman sakanya." Siguro wala ka nang mahihiling pa..."

 "Haha. Hindi naman. Marami pa ring wala saakin. Pero nagiging masaya ako dahil kuntento na ako sa mga mayroon ako. At saka hindi naman talaga ako matalino. Nagsisikap lang talaga ako maging valedictorian dahil maraming college ang nag-ooffer ng full scholarships sa mga ganun. Ginagawa ko lahat ng iyon para sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Ang makita silang namumuhay ng maginhawa at masaya ang panlaban ko sa tuwing tinatamad ako. Lalo na si mama, gusto kong ipadama sakanya ang marangyang buhay. Yung buhay na hindi mo na kailangang magtanim at magbilad maghapon para sa kakarampot na pera. Hindi niya kasi nalasap ang ligaya ng kabataan dahil napaka-aga nag-asawa. Kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko, nag-aaral, nag-tatrabaho, nagpapagod para lang makatapos ng pag-aaral. Malay mo ako pa ang makagpalaya sa aking pamilya sa kahirapan" Ang sabi niya na parang nagliliwanag pa ang mukha. Doon ako tuluyang bumigay at hinayang tuluyan siyang pumasok sa kastilyo ng buhay ko. Na-Inspire ako masyado sa sinabi niya. At habang nakaupo kami pareho, I saw two different kind of persons equipped with different armors and weapons in the same battle . Heto ako, i have almost everything ngunit walang pangarap, at hayun siya, wala ni kahit ano ngunit puno ng pangarap.

"Wala akong masabi. But i want you to succeed, Matt. And i believe you are capable of doing so. Pag ipinagpatuloy mo yan, you are always a few steps way from your dreams." Ang sabi ko na lang sabay ngiti sakanya ng matamis. Nagkatinginan uli kami pero this time, hindi naman ako nag-blush o ano. I looked at him na may puno ng paghanga. Tumagal iyon ng limang segundo at ginulo-gulo niya ang buhok ko.

"Wag na..Nagpapasikat ka lang ng English mo...Nosebleed ako dun ah. Tara, uwi na tayo. Mukhang tayo na lang ang tao rito." Ang sabi niya sabay tayo. Tumayo na rin ako at binuka ang payong. Naglakad kami palabas ng campus at nagkwentuhan ulit ng mga bagay na maisipan. Feeling ko ang tagal ko na siyang kaibigan. Ang sarap niya palang kausap dahil makikita mong interested talaga siya sa mga sinasabi mo. Habang naglalakad kami grabe ang tibok ng puso ko. I was almost worried that he may hear it shouting his name. He seemed vibrant naman sa pag-uusap naming iyon.

"Bhest, I noticed iba ang level ng saya mo lately ah. Blooming ka lagi. May bago ka na naman bang napupusuan? O baka gf mo na agad? May hindi ba ako alam?" sunod sunod niyang tanong pag upo ko nang sumunod na araw. Nararamdaman ko rin ang sayang sinasabi ni Ella.I feel extra happy talaga dahil nag-oopen na si Matthew saakin. Mas excited na ako pumasok sa school at makita siya.

"hehe. hindi ah. Diba nga sabi ko pause muna tayo sa girlfriends na yan. Basta...sasabihin ko rin sayo balang araw." Ang sabi ko na lang. I really intend to tell my bestfriend about Matthew someday. Ang kinatatakutan ko lang, ang magiging reaksyon niya.

"Ayoko ng ganyan ah. Diba walang lihiman? O sige, may sasabihin din ako saiyo. Pero sasabihin ko lang until the day na sabihin mo ang dahilan ng iyong extrang kasiyahan. Deal?"

"D-deal..." Ang nasabi ko na lang though gusto ko itanong kung ano din yung secret niya. Then the bell rang.

Pinatawag ni Ms. Hanna, English teacher namin, si Ella nang breaktime namin. Kaya naman wala akong magawa sa room. Gaya pa rin ng dati, ang upuan namin ni Ella ay nasa last row samantalang ang upuan ni Matthew ay sa front row. Tinitingnan ko siya habang na sa likod at nag-isip isip. Maya-maya bigla siyang tumingin saakin at nahuli akong nakatingin sakanya. Hindi na ito unusual pero nahihiya pa rin ako kaya tumingin ako sa nakalatag na literature book sa aking armchair. At the corner of my eyes, nakita kong tumayo siya. Pumikit ako at nagwish na sana ay hindi papunta sa kinaroroonan ko...kahit at one point, i hope so. Dumilat ako at pagtingin ko ay nasa tabi ko na si Matthew. Nataranta bigla ang lolo niyo.

"Manghihiram sana ako ng Math book. Meron ka?" tanong niya. Truth is, hinahayaan ko lang mag-ipon ng alikabok ang aking mga aklat sa bahay. Pero naalala ko na dala ko pala ang Math ni Ella na nahanap ko sa bahay kahapon. Nilagay pala ni tita sa mini library namin.

"Ah...oo. Eto oh." Ang sabi ko sabay kuha sa aking bag.

"Salamat ah. Isosoli ko bukas." At pagkatapos noon ay ilang minuto ng katahimikan.

"Asan ang tatay mo?" I almost the question was lame because he may say na nasa bukid, nagaararo, o kaya nasa bahay, pinapaliguan ang manok. But I was wrong. Akala ko nga I will not receive an answer dahil may nabasa akong iba sa naging ayos ng kanyang mukha.

"Ah..okay lang kung hindi mo sagutin. Hehe. Na-curious lang ako. hehe...nevermind..."

Katahimikan ulit.

"Ang tatay ko...iniwan niya kami nung buntis pa si mama sa bunso namin ngayon. Hindi ko alam kung saang lupalop na siya nakarating pero balita ko nag-asawa na raw. Grade six ako noon at mismong araw ng graduation siya nawala. Ang sama ng loob ko noon at sinabi sa sarili na hindi na ako mag-aaral at magta-trabaho na lang sa bukid. Lagi ako pinipilit ni nanay. Nagmamakaawa na nga siya na ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa high school dahil ito na lang raw ang tanging maipamamana saakin nilang dalawa ni tatay. Ngunit nasaan ba si tatay ng mga araw na iyon. Iniwan niya lang kami at hinayaang si mama ang mag-isang magtaguyod saamin. Nung gabing nanganak si mama ako ang naghanap ng komadrona. Ako nag-alaga sa apat kong kapatid. Ako gumawa ng paraan para makakain kami kahit dalawang beses sa isang araw. Halos manlimos na lang ako sa mga oras na iyon. At....may mga ginawa ako na...mga bagay na...mga sakripisyo para lang manatili kaming humihinga..." Tumigil muna siya na parang inaninag ang mga madilim niyang ala-ala...natuklasan ko din iyon ngunit sinira nito ang lahat ng aking pinaniniwalaan.

"kahit anong trabaho marangal sa marangal na dahilan...Wag mo isipin na masama iyon...kung ano man iyon" ang sabi ko na lang.

"Isang buwan pa lang noon matapos manganak si mama ay gusto na niyang maglaba para sa kapit-bahay namin. Ngunit sinundo ko siya doon at pinilit umuwi. Halos lumuhod na ako nang magmakaawa na magpahinga pa siya kahit isang buwan pa dahil makasasama sakanya iyon. Sinabi kong kaya ko pa naman makadiskarte ng isa pang buwan. Pumayag din naman siya kahit masama sa kalooban niya. Natapos ang isang buwan na iyon na halos hindi na ako matulog. Kapag umaga, sa bukid, mga extra extra sa bahay, kapag gabi...kapag gabi...naghahanap ng mapagkukunang pera. Kahit anong paraan. Kalahati lang ang binibigay ko kay mama at ang kalahati ay iniipon ko para kung sakaling may emergency ulit. Malaki din ang kita ko pero matapos ang isang buwan, tumigil na ako sa ilang mga racket ko. Sa bukid na lang ako nagtrabaho. Nung malapit na ang pasukan, kinausap ako ni mama na mag-aral. Ngunit hindi ko maisip kung papaano niya kami bubuhayin kung mag-aaral pa ako. Kaya nagmatigas ako kahit umiiyak na si mama. Hanggang sa araw ng enrollment dito..hindi ako bumabangon. Tapos sabi ni mama "Ito ba talaga ang gusto mo? Sa Bukid? Gusto mo magaya saamin ng tatay mo? O sige!" Kumuha siya ng tali. Yung tali na ginagamit sa kalabaw at ibinigkis sa dalawang kamay at paa ko. Pinaglakad niya ako papunta sa bukid namin at pag dating doon ay ibinigkis ako sa puno. Sabi ko "maa...." pero umalis na siya. Naiwan ako doon ng umiiyak. At hanggang hapon ako doon. Walang tubig o pagkain. Nung hindi ko na talaga kaya doon ko na-realize na ayaw ko ng ganoong buhay. Gusto ko mag-aral at magtagumpay balang araw. Ia-ahon ko ang pamilya ko sa kahirapan. At saka ko tinawag si mama. Akala ko umalis na siya ngunit nandoon lang pala siya sa malayo, binabantayan ako. At sumigaw ako "Maaa....Gusto ko na Mag-aral...." at tumakbo siya palapit saakin at inalis yung tali. Saka niyakap na ako ng mahigpit. Alas tres ng hapon noong makarating kami dito sa school. Nagsisitayuan na yung mga teacher dahil tapos na ang enollment. Pero nagmaka-awa ako at hayun.....andito na ako...kausap ka..."Nang matapos siya magsalita ay saka naman tumulo ang luha ko sa isang mata. Hindi ko iyon naramdaman basta puno lang ang ko ng paghanga sakanya. Tiningnan niya ako sa mata at nagulat nang makita niya yung luha sa mata ko. Pinahid niya iyon gamit ang isang kamay. Mabuti na lang at konti lang kami sa room at siguro walng nakakita nang mabilis niyang kilos.

"Baliw...ba't ka umiiyak sa kwento ng iba?" Tanong niya na napangiti. Ginulo niya ang buhok ko. At doon, naintindihan ko na ang lahat ng pagsisikap niya. Doon ko rin nabigyang kahulugan ang salitang pangarap. Hindi ako tumingin sakanya dahil nahihiya ako. Hindi dahil may nararamdaman ako sakanya ngunit dahil sa kawalang direksyon ng buhay ko. Pangarap lang ang wala ako...iyon lang ang mayroon siya. Bago pa ako makapagsalita ay tumunog na ang bell.

I was left awestruck there. Nung makaupo na siya ay tiningnan ko siya at lumingon din siya sa akin. Nginitian niya ako.

That night, I decided to write a Diary as i start the search for my dream...

Dear Diary,

Today, someone I like taught me how important dreams are. Dreams are the driving force that urges us to keep pushing forward. I'm sure if i will have a dream myself, i will live life to the fullest. I would achieve things that i deserve. As for now, i don't have a dream yet. But I have to have one. Would you help me, Diary? I know you are curious who the person I like was. Let us just hide him in the name of Sparkles. :)

3 comments:

  1. ^^ganda nito lalo na itong line na ito...

    >> pangarap lang ang wala ako.... iyon lang ang meron cya...

    haist napakamakahulugan kung iyong iisiping mabuti ang mga salitang iyan....


    "LHG"

    ReplyDelete
  2. grabe. muntik na tumulo luga ay luha pala. muntik ng tumulo ang luha ko..hehehe nice nice. keep it up :)

    ReplyDelete
  3. Alvin Jay Climaco AmancioJune 29, 2012 at 3:34 PM

    Bawat storya na ginawa o na post dito ay makahulugan.... I've been a reader quite a short time lang pero I always came back to this blog to check for updates.. Kasi di lang masaya dito kundi may matutunan ka pang bagay buhat sa mga pangyayari sa bawat istorya .. More Power po sa inyo.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails