By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Haisssttt! Paninindigan ko na nga lang ito... Short Story na kung short story! (Lol!)
1041 na ang MSOB followers! Grabeness! Soooo happy ako, hehehe! Salamat sa patuloy na pagsuporta sa mga kuwento ng MSOB at lalo na sa mga commenters!
Oo nga pala, close fight ang poll natin between Marco at Prime! Grabe! At dahil sa Chap 5, dumami ang mga pabor kay Marco. At siguro pagkatapos mabasa ninyo itong Chapter 6, mas dadami naman ang papabor kay Prime, hehehe. Moment ni Prime ang chapter na ito kung kaya expected na dadami ang magkagusto na siya ang i-love team kay Ian.
Opppsss! Wala pa po tayong model pic para kay Prime. Kung may suggestion po kayo, please give me the link, magpa-poll po tayo kung may magsuggest.
Happy reading!
-Mikejuha-
--------------------------------------
Ako si Ian
Heto ang theme song ko
At heto ang kuwento ko
Biglag napahinto si Marco. Alam ko, nagulat siya sa hindi inaasahang marinig galing sa aking bibig. Tinitigan niya ang mukha ko.
Tiningnan ko rin siya. Iyon bang tingin na bakas sa aking mukha ang matinding hiya, parang nagsisi kung bakit lumabas ang salitang iyon sa aking bibig at kagat-labing naghintay sa kanyang reaksyon.
At hindi ko rin nakayanan ang pagtingin sa kanya. Yumuko ako sa sobrang pagkahiya. Paano, hindi ko akalain na bigla na lang lalabas sa bibig ko ang sagot na iyon.
“Sigurado ka?”
“E....” ang sagot ko.
“Anong e...? May sinabi ka eh. Tama ba ang narinig ko?”
E ano pa nga ba ang gagawin ko kundi panindigan na lang ang lahat. Kaya, tumango ako, hindi pa rin makatingin-tingin sa kanya.
Ewan ko. Siguro napangiti siya. Inakbayan niya ako sabay sabi ng, “Ligawan mo muna ako...”
Noong sinabi niya iyon, para naman akong maiihi sa kilig. Para bang ang cute isipin na heto, alam na niyang inlove ako sa kanya at imbes na magalit sa sinabi ko, kagaya ng ginawa ni Prime sa akin, parang casual lang na sinabi sa akin na gusto niyang ligawan ko siya. Kilig much talaga ang lola ninyo! “Talaga? Ok lang sa iyo?” ang sambit ko.
“Bakit hindi? Basta ikaw... kailan mo gustong sagutin kita?”
“Ayyyiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!” ang sigaw ng isip ko. Parang gusto kong magtatalon-taloon sa sinabi niya. Pero syempre, demure ang drama ko. Ayokong sabihin naman niyang masyado akong haliparot bagamat alam kong may ganoon din akong factor sa katawan. Sa dalawang beses ko bang pangangaswang ng lalaking nakatabi sa pagtulog... “P-wede ngayon na?” ang biro kong sagot.
“Gusto mo, noong araw na hinalikan mo ako sa harap ni Prime iyon na rin iyong time ng pagsagot ko sa iyo?”
“Grabe ka naman...” sambit ko, sabay kurot sa tagiliran niya. Nananantsign ba. “Pahirapan mo naman ako ng kaunti...” ang biro ko rin.
Tawanan. Inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking beywang at ganoon din ang ginawa ko. Wala kaming pakialam kung may makakakita sa amin. Sa isip ko lang, wala nang balakid pa sa amin ni Marco. Payag siyang maging kami. At dahil sa hindi ko inaasahang bilis ng mga pangyayari at pagka-game niya na tanggapin ang lahat, nalimutan ko na ring sabihin ang tungkol kay Prime. Erase, erase ang lahat ng nasa isip ko sa takda ko sanang pagbunyag sa katotohanan.
Simula noon, naging offiically na kami ni Marco. At ang aming tawagan ay “Burj” na hango sa pinakamataas na building sa mundo; ang Burj Khalifa ng Dubai. Noong unang pagkakataon kasing nakita at nahawakan ko ang kanyang pagkalalaki, naisip ko kaagad na kung iyon lamang ay naging building, iyon na ang pinakamataas na building sa balat ng lupa. Kung kaya “Burj”. Mahaba... nasa 8 o 9 inches siguro ang haba. Kaya iyon tawag ko sa kanya. At iyon ang naging tawagan namin.
At may rule ang aming relasyon. Discreet lang kami dapat at wala kaming aaminin sa mga tao. Naintindihan ko naman iyon. Sa isip ko lang, ganyan naman talaga siguro ang relasyon na kagaya nang sa amin; dapat ay itago, parang showmanship lang ang lahat, showbiz kumbaga. Kung may magtanong ang dapat na sabihin lang naming ay “Friends lang kami.” At dahil first time kong ma inlove at magkarelasyon, tanggap ko ang lahat na ganoon na nga. Kasi, kahit papaano, nand’yan pa rin naman ang pagiging close namin sa isa’t-isa, ang pag-aakbay niya kapag nagsama kami, ang pagpapacute. Parang magsyota talaga as in... Kahit sa harap ng mga kaibigan o kapwa estudyante naming ay hinahalikan pa rin niya ang pisngi ko, na nakasanayan na niyang gawin kapag may kantahan kami. Wala talagang pagkakiba sa magsyota. Iyon nga lang, kapag tinanong kami, ang aming official line na sagot ay, “Showbiz lang iyon. Friends lang kami, ano ba kayo...”
Tuloy din ang pagkanta namin sa restobar ng tita ni Marco. At ang collapsible ceiling na iyon ang nagsilbing love nest namin. Kadalasan, pagkatapos naming kumanta, donna rin kami natutulog at doon ko na rin dinadala ang aking mg gamit sa eskuwelahan. At dahil dito, mas lumalim pa ang aming relasyon, ang pagkakakilala namin sa isa’t-isa. At naging mas intimate din ang aming pagniniig. Kay Marco ko naranasan ang isang pakikipagtalik na mas matindi pa kaysa mga nauna naming pagsi-sex. Dito, tinuruan niya ako kung paano tanggapin ang pagkalalaki niya sa aking likuran; kung paano tiisin ang sakit habang umiindayog siyng ang kanyang pagkalalaki ay nasa loob ng aking butas; hanggang sa tinuruan din niya ako kung paano lasapin ang sarap nito.
(Hmmmm may torrid ba?)
At dahil dito, lalo ko pang minahal si Marco. Alam ko naman, may naramdaman pa rin ako kay Prime ngunit dahil palagi kaming nagsasama ni Marco at mas naging intimate pa ang aming relasyon, nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Marco.
Sa kabilang banda naman, nadyan lang din palagi si Prime. Nakikita ko siya sa school, nakikita ko siya kadalasan sa resto bar, nanonood sa amin ni Marco habang kumakanta at minsan ay nagpaparinig din ng kanta at parati, bakas sa kanyang mukha ang lungkot habang nag-iinum na mag-isa sa isang sulok. Ewan kung alam na niya ang tunay na katayuan namin ni Marco. Pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga sa akin ay masaya ako at halos wala na akong mahihiling pa sa buhay.
Isang Sabado, nasa bahay ako. Wala kasing pasok noon at umuwi si Marco sa kanilang probinsya. Matagal na raw kasi na hindi siya nabisita ang pamilya niya kung kaya ay nagpaalam siya sa akin na umuwi muna sa kanila. Syempre, miss na miss ko ang aking “Burj” pero karapatan niya ang Makita ang kanyang pamilya.
Nag-iisa lang ako sa aking kuwarto noong may bigla ba namang kumatok sa main door ng bahay.
“Ian, tingnan mo kung sino iyan!” Sigaw ni mama na nasa loob ng kuwarto.
“Opo ma! Ako na lang po!”
Noong tinumbok ko ang main door at binuksan ito, si Prime ang nakita ko. Naka-puting t-shirt siya, pantalon na faded itim, may knapsack na nakasabit sa kanyang likod... Kung tutuusin, astig din ang porma niya, magandang lalaki, makinis ang mukha na parang isang artista. Maganda ang mga mata, maganda ang mga kilay, matulis ang ilong, at mamula-mula ang mga nakabibighaning mga labi.
Naalala ko pa ang palagi kong ginagawa sa mukha niya kapag nangigigil ako, kukurutin ko iyon o kundi man ay lalapirutin. Kapag busy siya sa kanyang ginagawa habang nilalapirot ko ito, hahayaan lang niya ako hanggang sa hindi na niya matiis, gaganti na siya. Kukurutin din niya ang mukha ko hanggang sa tuluyang aabot sa puntong magsambuno kami. At syempre dahil malaki siya, matangkad, palagi akong talo. Uupuan niya ang aking tyan at mga kamay at kapag nangyari ang ganoon, walang humpay na niyang lalapirutin ang mukha ko. “Ito ang gusto mo ha? Sige, magsawa ka, sisirain ko itong mukha mong ang sarap pa namang lamutakin ng kagat.” Syempre, magsisigaw ako sa magkahalong kiliti at kilig. At minsan kapag hindi pa rin napapawi ang pangigigil niya, hahatakin niya ang aking paa at kikilitiin ang mga ito. Alam niyang ito ang pinaka-weakness ko. Ila-lock niya ang aking katawan upang hindi ako makagalaw at pagkikilitiin ng husto ang dulo ng aking mga paa. At lalo akong magsisigaw sa sobrang kiliti, magmakaawa na ihinto na niya ito. Hanggang sa magluluha na ang aking mga mata sa hindi mapigilang pagtatawa. Ngunit hindi pa rin niya ito lulubayan kung hindi siya napapagod. At kapag napagod na siya, saka lang niya ako titigilan at manggigigil na kagatin ang aking mukha sabay sabing, “Ano? Lalaban ka pa?” At hihiga sa tabi ko, habol-habol pareho ang aming paghinga.
Nahinto ang aking pagmumuni-muni at pagtitig sa kanyang mukha noong sumingit siya, “P-wede bang makausap ka?” ang sambit niya ang mga mata ay tila nagmamakaawa.
Hindi ako sumagot kaagad. Tiningnan ko lang siya. Iyon bang tingin na parang may bahid pagmamayabang at pagmamalaki. Syempre, nasa mataas na kalagayan ako; hindi ko na siya kailangan sa buhay ko. Noong nasa lugmok akong kalagayan sa buhay at kailangan ko siya, nasaan siya? Di ba siya pa itong nagtulak sa akin upang lalo pa akong masubsob sa putik at magmukhang kaawa-awa? Pagkatapos niya akong hayaang pagtawanan at kutyanin sa putikan, siya na itong dikit nang dikit sa sarili niya sa akin ngayon? “B-bakit ka nandito?” tanong ko. Iyong tanong na parang gusto ko siyang itaboy.
Kitang-kita ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. Yumuko siya, hindi makatingin sa akin. “H-hindi na ba talaga tayo p-puweng mag-usap tol?”
“Ano ba ang pag-uusapan natin?”
“N-namiss kita tol eh...”
Sa pagkarinig kong iyon, mistula ring nahimasmasan ang aking inis. At dahil wala namang tao sa loob, wala rin akong gagawin, at wala ring dahilan upang itaboy ko siya, pinapasok ko na lang siya sa bahay. “S-sige... pasok” sabay talikod at hinayaang siya ang magsara ng pinto.
Dinala ko siya sa sitting room at pinaupo sa sofa samantalang ako ay naupo sa isang silya sa harap niya. Habang nasa ganoon kaming ayos, nakaharap sa isa’t-isa, ramdam ko ang tensiyon na bumabalot sa aming dalawa. Ayoko namang magsimulang magsalita. At alam ko, nahirapan siyang magbukas ng topic.
At dahil tahimik kaming parang dalawang taong aksidente lamang na nasadlak sa isang lugar at hindi kilala ang isa’t-isa, tumayo ako at tinumbok ang component, at pinatugtog ang paborito kong kanta –
One-sided love broke the see-saw down
I got to get rough when I hear the grudge
And you went your way and I went wild
And you'd understand if your heart was mine
If we had an exchange of hearts
Then you'd know why I fell apart
You'd feel the pain when the mem'ries start
If we had an exchange of hearts
I'd never wished a lonely heart on you
It's not your fault, I chose to play the fool
One day may come when you'll be in my shoes
Then your heart will break and you'll feel just like I do

When time turns the tables and soon I'll be able
To find a new romance
And then you'll remember my love warm and tender
Too late for a second chance
(Instrumental)

At noong nagsimula na itong tumugtog, nakita kong sobrang napayuko siya. Marahil ay nakuha niya ang mensahe ng kanta at na ibig kong iparating iyon sa kanya.
Tiningnan ko siya. Napansain kong umiyak nap ala siya at pilit niyang itinago iyon.
Nagsalita ako. “Alam mo... tanggap ko naman na may ginawa akong hindi maganda sa iyo eh; isang bagay na hindi mo matanggap-tanggap. Kaso parang napakasakit yata ng parusang ibinigay mo. Parang sobra-sobra pa ito kaysa nagawa kong pagkakamali. Sinira mo ang pagkatao ko, sinira mo ang dignidad ko, sinira mo ang tiwala ko sa aking sarili. Sinira mo ang lahat sa akin. At alam mo ba kung paanong hindi pa rin ako bumitiw sa buhay?”
Tahimik siya, nakita kong nagpahid na siya sa kanyang mga luha.
Nagpatuloy ako. “Ito ay dahil sa kantang iyan. Dahil sa kantang iyan ko naramdaman na hindi pala palaging pareho ang maging kalagayan ng isang tao sa buhay niya; na hindi pala dapat mawalan ng pag-asa. Dahil minsan, kahit may mga nang-aapi sa iyo, darating din ang panahon kung saan, maranasan din ng mga taong nang-aapi ang sakit na naranasan mo. Sa kantang iyan nalinawan ang aking isip; nabigyan ng pag-asa na isang araw, maranasan mo rin ang masawi, ang magdurugo ang puso, ang magalit sa mundo. Kung noon, ako ang nasasaktan dahil itinakwil mo ako, tingnan mo naman ngayon. Ikaw na itong itinakwil ko. Kung noon ay nagmamakaawa akong intindihin mo, unawain; tingnan mo, ikaw na ito ngayon ang pilit na iginiit ang sarili upang unawain ko. Kung noon ay para akong mababaliw sa kaiisip kung paano mo ako mapapatawad, tingnan mo ngayon, ikaw itong halos luluhod na lang sa aking paanan upang mapatawad ko. Di ba? Talagang napakaganda ng paggawa ng Diyos sa buhay no? At dininig pa niya ang panalangin kong sana ay maranasan mo rin ang aking naramdaman. Masakit ba? Totoo ngang sa mundong ito ay umiikot ang gulong ng buhay...” pangungutya ko pa habang patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta. Para bang nagsilbi itong background ng isang religious recollection o syete palabras ng Biyernes santo at ako ang pari o speaker na nagpaalala sa kasalanan ng mga tao ng sanlibutan.
Nakayuko pa rin si Prime, nanatiling tahimik.
“Alam mo ba kung gaano kasakit ang naramdamn ko dito sa puso ko? Ha?” ang halos sigaw ko nang sabi.
“Tol... alam ko tol. At sana huwag mo nang ipaalala sa akin iyon, tol. Nasasaktan ako.”
“Hindi! Hindi mo alam! At kung nasasaktan ka man, mas higit pa d’yan ang aking naramdaman.”
“A-alam ko... kung kaya handa kong tiisin ang lahat, maipakita ko lang na nagsisisi na ako. Gusto kong ipaglaban ang pagiging best friend ko sa iyo. Ang mapatawad mo. Hindi ako bibitiw tol. Kahit itaboy mo pa ako, kahit saktan mo pa ang damdamin ko, hindi ko bibitiwan ang pagiging best friend ko sa iyo. At ipangako ko, hindi na mangyayari ang nangyari noon. Babantayan kita, aalagaan kita.”
“Pwes, ayoko na! Hindi na ako naniniwala!”
“Wala nab a talaga akong chance? Lahat ng tao ay nagkasala tol. Lahat ng tao ay may karapatang mabigyan ng pagkakataong magbago.”
“Pakawalan mo na ang galit mo sa akin tol...”
“Hindi naman ako galit eh. Ayoko lang na makikipag-close sa iyo” ang pangangatuwiran ko bagamat ang totoo, may galit pa rin ako sa kanya. Ganyan nga talaga siguro kapag umibig ka sa isang tao. Sabi nga nila, “The more you hate, the more you love.” Ewan...
“D-dahil ba kay Marco?”
“Walang kinalaman si Marco dito!” bulyaw ko.
Tahimik.
Magsasalita na naman sana ako noong, “Prime! Nandito ka? Long time na hindi ka napadalaw ah! Anong nangyari sa iyo?”
Ang mama ko. Close na kasi si Prime sa aking pamilya. Tuwang-tuwa kasi ang aking mga magulang sa pagiging malapit namin ni Prime sa isa’t-isa dahil nakikita nilang mabait si Prime, matulungin, at may mga katangiang gustong-gusto ng aking mga magulang, lalo na ang aking mama. Kagaya na lang sa mga pananim niyang orchids. Noong nakita ito ni Prime, dinalhan niya ng iba’t-ibang klaseng orchids ang mama ko na hiningi niya sa mga pananim ng mama niya; mga orchids na wala pa sa mga collections ng mama ko. Kung kaya tuwang-tuwa ang aking mama kay Prime. Orchids kasi ang isa sa nakakapagbibigay ng kasiyahan sa buhay ng aking mama. Kapag may mga bisita siya, ito ang ipinagmamalaki niya sa mga ito.
“M-edyo busy lang po tita!” ang sagot ni Prime na tumayo at nagmano sa mama ko noong nilapitan siya nito. “Tita... may dala po akong bagong orchid sa inyo. Galing po thailand iyon at hindi ko pa nakita sa taniman ninyo. Sabi ng mama ko ipabibigay daw po niya sa inyo.”
“Talaga? Nasaan?” ang excited na sagot ng mama ko, nanlaki pa ang mga mata.
Agad tumayo si Prime, tiningnan ako na parang nanghingi ng excuse bago tinungo ang labas ng bahay. Doon pala sa gilid ng pinto niya ito inilagay.
“Wow! Ang ganda-ganda Prime! Ang lalaki ng bulaklak at ang titingkad pa ng kulay! Saan ba raw nabili ito ng mama mo?” ang narinig kong salita ng mama ko.
“Sa Thailand daw po eh. Binigyan siya ng kaibigan niya. Kaya heto ang isa, dalhin ko raw po para sa iyo.”
“Wowwww! Salamat Prime. Sabihin mo sa mama mo na maraming salamat! Dito sa mga orchids ko, mayroon bang wala pa ang mama mo? Bibigyan ko siya!”
“Mayroon na po ata sya lahat, Tita. Marami kasing sources ang mama ko.” sagot din ni Prime.
“Nakakahiya naman sa mama mo, wala akong maibigay sa kanya.”
“Hayaan niyo na po Tita. Friends naman kayo eh.”
Sabay silang nagtawanan.
“Ay may naisip ako, nagbi-bake ako ng cake dahil may bisista ako, dalhan mo na lang siya mamaya ha? Huwag ka munang umuwi.”
“O-opo...”
Iyon ang narinig kong usapan nila habang nasa labas.
At maya-maya lang ay narinig ko na silang naglakad pabalik sa loob ng bahay, “O sya, doon ka muna kay Ian ha? At sa kuwarto na lang niya kayo dahil may bisita rin akong hinihintay. At noong nasa bungad na sila ng pinto, “Ian!!! Sa kuwarto mo na lang muna dalhin si Prime ha? May bisita pa ako, darating maya-maya. Dito kami sa bahay magpractice ng isasayaw namin sa darating na program ng aming grupo sa simbahan. Ikaw na ang bahala sa kanya!” sambit sa akin ng mama ko.
Dali-dali akong tumayo at tinumbok ang aking kuwarto. Nasa second floor kasi ito. Hindi ko na hinintay pa si Prime. Alam niya ang aking kuwarto. Noong nakapasok na ako, nilingon ko siya na nasa bungad na ng pintuan. Dumeretso na rin ako sa loob, hinayaan siyang siya ang magsara ng pinto.
Naupo ako sa gilid ng kama. Naupo naman siya sa sahig paharap sa akin, ang likod niya ay isinandal sa dingding sa gilid lang ng pinto.
Balik sa simula na naman kami. Tahimik. Nangingiming magsalita. Ayokong magbukas ng topic at siya naman, hindi alam kung anong topic ang bubuksan.
Maya-maya, tumayo siya. “P-pwedeng may ipatugtog ako tol...?” tanong niya.
Hindi ako sumagot. Alam kong alam niyang sumang-ayon ako.
Isinaksak niya ang kanyang USB sa aking mini-component. “Inihanda ko talaga ito tol... para sa iyo.” At tumugtog ang isang kanta.
One Friend – Dan Seals Song Lyrics
One Friend
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn’t fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn’t care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
(Instrumental Break)
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Habang tumugtog ang kanta, mistula namang humupa ang aking naramdamang pagkainis. Napakaganda kasi ng mensahe ng kanta. Kaso, sa sarili ko lang, napaka-ironic din nito. Sa ginawa niyang pagtakwil at pagyapak sa aking pagkatao, at heto may kanta nang “One Friend”. “Ganoon lang ba iyon?” sa isip ko lang.
Ngunit noong hinugot niya sa kanyang bag ang isang maliit na garapon na naglalaman ng buhangin at sinabayan pa talaga niya sa pagkantan ang audio na pinatugtog niya, doon na tuluyang naantig ang aking puso. Tiningnan ko siya, nakayukong hindi makatingin-tingin sa akin, hawak-hawak sa kanyang kamay ang garapon na ipinatong sa kanyang kandungan habang kumakanta at patuloy na tumutulo ang luha.
Nakakaawang tingnan. Doon ko naramdaman na marahil ay talagang tunay ang panghingi niya sa akin ng tawad.
At naalimpungatan ko na lang ang pagdaloy ng aking luha. Pilit kong pinigilan ito. Hindi ko alam kung ano talaga ang dahilan ng aking pag-iyak. Naiinis ako sa sarili kung bakit naroon pa rin ang poot ko sa kanya, at nainis din ako sa sarili kung bakit sa may isang bahagi din ng aking pusong nanatiling naawa, nagmamahal sa kanya, at nag-udyok na patawarin ko na siya...
Hanggang sa hindi ko napigilan ang sariling hindi mapahagulgol. Humiga akong nakataob sa kama at umiyak nang umiyak, nanatiling tumatak sa isip ang postura niyang hawak-hawak ang garapong naglalaman ng buhangin. Naalala ko pa noong sinabi niya sa akin na iingatan niya ang natitirang buhanging ibinigay ko na inihahambing ko sa nasira at nabawasang tiwala ko sa kanya.
At habang patuloy niyang kinanta ang “One Friend”, tila sumasabay din sa ritmo ang pagdaloy ng aking mga luha.
Noong natapos na ang kanta, naramdaman ko ang marahang paghiga niya sa aking tabi. “Tol... patawarin mo na ako, please???”
Ngunit tila nagmatigas pa rin ang aking puso. Hindi ako kumibo.
Ipinatong niya ang kanyang kamay sa aking likod. “A-alam ko tol... nasasaktan ko ang iyong kalooban at nagdurugo pa ang iyong puso. Dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat at kung bakit ka nagkaganyan, hayaan mong ako mismo ang gagamot sa sugat ng iyong puso. Pakawalan mo na ang galit mo sa akin tol. Ibalik natin ang dati nating pagka-close at masasayang samahan, iyong pagtutulungan, iyong mga biruan, tawanan, harutan... Sige na please.”
Nahinto ako sa pag-iyak. Pinakinggan ko lang siya.
“Gusto mo lapirutin mo ang mukha ko, kagaya noong dati kapag inaasar mo ako? Sige na...” at hinawakan pa talaga niya ang isa kong kamay at hinila iyon patungo sa kanyang mukha.
Ngunit hindi ako gumalaw.
Sinuyo pa rin niya ako. “Gusto mo mukha mo na lang lapirutin ko?” at talagang kinurot niya ang aking mukha.
“Araaaaaaayyyyyy!” ang biglang pagsigaw ko.
“Sige na lapirutin mo na ang mukha ko.”
“Ayoko nga eh! Kulit!”
“A e di sige, mukha mo na lang lapirutin ko” at nilapirot na nga niya ang mukha ko, at ang sakit noon ha...
At doon, tuluyan na akong bumigay. Lihim na pinahid ko ang aking mga luha gamit ang kumot atsaka tumagilid sa kanya at atat na atat na nilapirot ang kanyangmukha. “Naiinis ako s iyooooooooooooooo! Um! Um! Ummmmmmm!!!” sigaw ko pa. habang nilapirot ko ang mukha niya. At nilakasan ko pa talaga.
Hindi naman siya gumanti. Hinayaan lang niya ako sa aking ginawa. At noong binitiwan ko na ang kanyang mukha, pulang-pula ito.
Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko. Iyon bang inis na inis ka sa tao at gusto mong makaganti at parang napilitan ka lang na makigulo sa kanya bagamat may naramdaman ka ring kilig kung kaya ay kahit gusto mong tumawa, pipigilan mo na lang ito dahil ayaw mong sabihin niyang tuluyan ka nang bumigay. Pride din siguro ang ganoon?
“Tapos ka na?” sambit niya.
“Hindi pa ako tapooooooossssssss!” at inundayan ko naman siya ng paghahampas ng kumot.
Ganoon pa rin. Bagamat sinangga ng kamay niya ang mga palo ko, hindi siya gumanti.
Hanggang sa napagod ako at humiga muli.
“Tapos ka na?”
Hindi ako sumagot.
“Pwes ako namannnnnnnnnnn!!!!” at nilapirot niya ang aking pisngi at dinaganan pa talaga ang aking katawan.”
“Ayoko na! Ayoko na!” sigaw ko.
Ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang paglapirot sa aking pisngi. Kagaya lang ng dati.”
“Arrggggghhhhh!” ang pagsisigaw ko pa.
At noong ang paa ko naman ang kanyang kiniliti, doon na ako tuluyang bumigay sa tawa. “Primeeeee! Primeeeeee! Ayoko na tollllll! Tolllllllll! Ayo ko naaaaaaaaaaaaaaaa! Arrgggghhhhhhhh! Hahahahahahahaha! Tollllll! Tollllll!!!”
Pagakatapos noon, pareho kaming pagod na nahigang magkatabi sa kama, habol-habol ang paghinga, parehong namumula ang mga pisngi.
Maya-maya, tumagilid ako sa kanya. “Naiinis ako sa iyooooo! Ummmm!” sabay kagat sa kanyang braso.
At kahit masakit, hinayaan kang niya ako.
Noong binitiwan ko na ang pagkagat, kitang-kita ko ang pagbakat ng aking ngipin sa kanyang balat. PInahid niya ang laway ko dito atsaka tumagilid paharap sa akin, hinaplos ang aking mukha at hinalikan ang aking buhok. “S-salamat tol... Alam ko, hindi ka na galit sa akin.” Bulong niya.
Tahimik.
Maya-maya, naramdamn ko ang kamay niyang hinawakan ang isa kong kamay. “Bati na tayo tol ha?” bulong uli niya.
Tiningnan ko siya. Tumango ako.
At noong nakita niya ang aking pagtango, mistula itong batang naglulundag sa ibabaw ng aking kama. “Yeeeehhhhhheeeeeeeyyyyyyyyy! Bati na kami ng utol ko!!!”
At kinuha niya ang kanyang bag at may hinugot muli doon.
Puto, isang plato ito at nakabalot pa sa foil.
“Waaahhhh! Paborito ko! Ang tagal ko nang hindi nakakain nito!” sambit ko. Syempre, tuwang-tuwa ako. Paborito ko kaya iyon. Luto ng mama niya ang puto at iyon ang palagi kong hinahanap-hanap kapag nagkita kami. Alamniya, iyon ang paborito ko. Iba kasi ang kanyang pagkaluto, iba ang sarap kaysa mga ordinaryong paninda. At ito rin ang hindi ko malilimutang palagi niyang ginagawa kapag sinusuyo niya kao kapag nagtatampo. Kumbaga, iyon ang kanyang panlaban sa aking tampo.
Naalala ko pa isang beses, nagalit ako sa kanya at noong sunod naming pagkikita, binigyan niya ako ng puto. “Kinulit ko talaga ang mama ko upang magluto niyan, para lamang hindi ka magalit pa sa akin...” Sobrang sweet.
At kinain namin ang kanyang dalang puto. At siya na rin ang kumuha ng maiinum naming juice sa ibaba.
Noong naubos na ang ang kinain namin, “Tol... kantahin muli natin ang ‘One Friend’ ha?” sambit niya.
“S-sige...” sagot ko.
Pinatugtog niyangmuli ito. Kumanta kami, sinabayan ang audio.
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn’t fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn’t care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Ngunit hindi pa natapos ang kanta ay may itinanong siya, “Tol... kayo na ba ni Marco?”
Natigilan ako. Ang usapan kasi namin ni Marco ay hindi aaminin na kami na nga.
“K-kung sasabihin kong hindi, maniwala ka ba?” sagot ko.
“Hindi...” sagot niya.
“Bakit?”
“Kasi... nakita ko kayo, isang beses sa restobar. Akala ninyo wala nang tao ngunit nandoon pa ako sa isang sulok. Kakausapin sana kita. Ngunit naghalikan kayo. Kung kaya umalis na lang ako.”
Syempre, nagulat ako. Hindi ko akalaing may nakakita pala sa amin. “G-ganoon ba? Usapan kasi naming huwag aaminin sa tao na kami na nga...” pangangatwiran ko.
“Alam mo, k-kung ako si Marco, hindi ko gagawing itago ang relasyon ko.” sambit niya.
“Oo naman” sagot ko rin. “Di ba kayo ng girlfriend mo, lantaran ang paghahalikan ninyo kahit sa loob ng campus?”
Natigilan siya. “Oo.. pero an gibig kung sabihin, kung ako si Marco at ikaw ang syota ko, hindi ako papayag na hindi malaman ng buong mundo na mahal kita...”
Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa narinig. May punto rin naman siya. Bakit nga ba itatago namin ang aming relasyon? Ngunit hindi ko na ito sinabi pa kay Prime. Yumuko na lang ako at ang nasambit ko na lang sa kanya ay, “Iba-iba naman kasi ang tao, di ba. Iba siya, iba ka...”
“Sabagay...” ang sambit niya.
Tahimik.
At sa pagkakataong iyon at parang may nag-udyok sa aking isip na ipalabas ang isang bagay na nagsilbing balakid sa aking puso sa pagbabalik muli ng aming pagiging magkaibigan. Hindi ko lang alam kung handa na ba akong sabihin sa kanya iyon. Tinitigan ko siya. Hindi pa rin talaga nagbago ang lahat. May naramdaman pa rin ako...
“B-bakit?” ang tanong niya noong napansin ang kakaiba kong pagtitig sa kanya.
“A-alam mo ba kung bakit nagawa ko sa iyo ang bagay na iyon?”
“A-ang alin?”
“I-iyong gabing nalasing ka.... at may ginawa akong ikinagalit mo?”
“B-bakit? B-bakit mo nagawa iyon?”
“D-dahil...”
“A-ano?”
“M-mahal kita e...”
(Itutuloy)

waaaaaaaaaa BItin anu kaya reaction ni prime sa sinabi ni lan OMG!!! next na please sir Mike ... i really love this one pero SOLID LANMAR love team parin ako BURJ!! hahahaha
ReplyDelete.... salamat sir mike sa pag post wala ka talagang katulad .....ako po c karl rickson :D
I Love It!!! Sana ganito lahat ng SHORT STORIES(lol).
ReplyDeletekung magiging si prime at Ian, siguro mamamatay din naman si prime sa ending, bka may sakit sa puso.
ReplyDeleteAt ang libog ni Ian, pati ba naman burj na tawagan nila ni Marco eh dahil sa pag-aari ni marco. Kaya bagay lang kay Ian ang mga ngyari sa kanya, kasi kasalanan parin nya lahat!
prime-marco na lang!!! JOKE!
Thanks kuya mike sa update.
--ANDY
talagang hindi niya hinayaang maubos yung "sand".. ayiiiee! na touch ako dun.. nagpapatunay lng na nandiyan pa rin ang pagmamahal niya kay Ian..
ReplyDeletenakakainspired nman kuya mike.. sana plagi na lng happy ending :)
ReplyDeletemoment nga ni marco ang part na ito...
ReplyDeletemagkaganun paman ganda naman ng bonding ng friendship nila,kaya pala ganun na lang ang sikap ni prime na pagsuyo kay ian maibalik lang yon un friendship nila,...sayang nga naman diba...ako man siguro malagay sa katayuan ni prime.
well agree ako sa opinion ni prime about sa relationship ni ian at marco to reveal in public - sabi nga nila if you love someone you should be proud (tama ba! mali ata ako)
wag naman sana masaktan uli si ian k marco - baka d na kayanin ng power ng song na EXCHANGE OF HEART.
THANKS PO KUYA MIKE... tc
waa kahit maging nobela pa to na kasing haba ng original mara-clara bbsahn q pa dn ng wlang sawa x3 gling, kilig na kilig aq d2 haha salamat kua mike :)
ReplyDelete.Waah tgal qng inabangan update ni2 ah.. Nu kya reacti0n ni prime? . .cn't wait. d aq na dissapoint. .kxe m0ment ni prime at ian. . .. .bsta aq i go 4 d best friend. . . 'PRIME-IAN' gling m0 tlga sir mgpakilig. . . Update n sir. . .i w0n't stop following ds story as well as d oders. . . Wahh. , next na . . . . . . .
ReplyDeleteGo Prime-Ian'
Ian and Prime ako!! i dunno pero dko bet ang love team na marco and ian.. para kasing ang labo ni marco e. tska mas nakaka kilig si ian at prime .. knowing na mag bestfriend turns enemy tpos rebound friendship tapos lovers na :) ay yay yay :))
ReplyDeletetheNameisGeejay
Anu ba yan bitin na naman. Hahahah. Parati na lang nambibitin ang sa kay ian na part. Hhahhaha. Excited na ko sa next...pero naiinis ako kasi hndi pa rin nasabi ni ian kay marco ung kasinungalingan niya...yan cguro ang maging problema nila later on...at sana walang patayan na mangyayari...Ingat. God bless kuya Mike!
ReplyDeleteian..what have you done? you make things complicated?
ReplyDeleteala ako maicomment...nalito ako kay IAN....?
anyways...ganda ng move ng story.....MR. OTOR...
JAZZ0903
reading mode muna kuya.
ReplyDeletetaga_cebu
aiiiiyyiii.. kinikilig ako.. sana mabasa ko agad ung next storyy.. hahahahahaha..
ReplyDeleteThanks kuya mike for making this kind of stories.. You are my Number One Author.
nice! nice. he he he
ReplyDeletewow kakabitin talaga mukhang tama si kuya prime-ian siguro, pero kawawa si marco, oo nga noh bakit nililihim ni marco ung sa kanila, mhal kaya ni marco si ian? abangan ehhehe tnx kuya JhayL
ReplyDeleteyehey!!!bati na sila!!haha..mahirap dn kc ung me kinikimkim na galit e...uncomfortable dn kc ang pakiramdam...i admire prime for accepting his mistakes at magpakahumble ng ganun..but i admire dn nmn c ian kc finally nagawa na rin niya sa wakas ang isang bagay na mahirap gawin...ang magpatawad.:)
ReplyDeletepero i think it's another tough decision pra ke ian though...
-monty