Followers

Monday, April 30, 2012

Beautiful Liar Part 5



by: Emirp

Bago ang lahat, natutuwa po ako at gusto kong magpasalamat sa iilang taong nakabasa ng aking first single. Hindi man ako umaasa na ma ri reach niya ang Top 1 sa Hit Chart, okay lang po iyon. Sana po marami pang makabasa.

Last part po, kung mapapansin niyo may mga kilig moments na, na nagaganap. Asahan niyo po yan hanggang mga next episodes pa.

primeprielarchime@facebook.com

~♥~

Nakakita ako ng sulat manok. (haha over). Binitawan ko ng tuluyan ang kubyertos kong hawak, at inumpisahang basahin ang sulat.

''Praime, sana ay nabasa ko ang sulat na ibenegay ko sa yo. Naheheya kasi ako na kausapen ka. Mag engat ka palage kaybegan.''

Sana nag bisaya na lang siya. Kasi ilang buwan na din ako dito kaya kahit papano nakakaintindi na ko ng bisaya. Ang sagwa tuloy basahin ng sulat niya. Pero salamat pa din.

Nanatili pa ding palaisipan sa akin kung sino ang taong iyon. Hindi ko namalayan tinatawagan pala ko ni Mark.

Mark: Prime?
Prime: ha?
(sabay bigay sakin ng kalahating apple)
Prime: ay! ... Salamat!

Kinilig na naman ako kaya nakalimutan ko na naman ang sikretong tagahanga ko.

Tapos na akong kumain ng tanghalian at pumunta na ko sa kusina para hugasan ang pinag kainan ko.

Bibili: Hayoo, Hayooo (eksaherada!)

Prime: anu ba yan! wrong timing! (sabi ko sa isip ko)

Paano ba naman kasi panira. Kung kelan ako nag huhugas ng plato saka may bumili. Kaya nagmadali akong maghugas ng kamay. At medyo patakbong pumunta sa sala malapit sa tindahan.

TUUUGSSHH!! (basta tunog ng nagkabanggaan)

Nagkabanggaan kami. Nagtama ang ulo, ilong at higit sa lahat ang labi namin. Sa pagkakataong iyon. Medyo napahawak siya sa likod ko. Dahil muntik na kong tuluyang matumba sa lakas ng pagkakabangga namin. Ako naman ay napahawak sa braso niya.

Nawala ang aming pagkatulala ng maalala naming may bumibili pala.

Bumibili: haayoo! tik tik tik tik tik (tunog ng barya na kinakatok sa pasimano ng tindahan)

Pareho kaming natauhan sa nangyari. At kakalas na sana ko nang bigla akong na out of balance.


Sa pagkakataong iyon tuluyan na kaming napahiga sa sahig. Sa lakas ng pagkakadagan niya sakin biglang nabagok ang ulo ko sa semento.

Mark: Prime! (yun ang huling narinig ko bago tuluyan akong nawalan ng malay)

tik tok tik tok tik tok tik tok

Nakapikit pa ako. Pero alam kong gising na ko. Unti unti akong dumilat at napansin kong nakahiga pala ako sa sala nila. Nakita kong dumating na pala si Anti at kausap si Mark.

Mamu: ano ba nangyari kay Prime, kanina pa ba yan nahimatay? (may pagka eksaherada niyang tanong)
Mark: nabunggo ko kasi Ma.
Mamu: yun lang nahimatay na?
Mark: oh ayan gising na pala siya!

Nagpasya na akong tuluyang gumising. Nakakahiya kasi baka sabihin pa ni Mark ang buong nangyari.

Mamu: oh kamusta ka na?

Prime: ayos na po Anti. (kinapa ko yung ulo ko at may nasalat akong bukol) medyo masakit lang po yung ulo ko.

Mamu: anu ba kasi ang nangyari, sabi ni Mark nabunggo ka lang niya, totoo ba yon?

Prime: (napatingin ako kay Mark, at bakas sa mukha niya ang pag aalala) o.opo Anti yun lang yon.

Mamu: ohsya, sige kumain muna kayo diyan, ako na muna mag ba bantay sa tindahan.

Pumunta na nga si Anti sa tindahan at nag ayos ayos na din siguro ng pinamili. Si Mark naman inabot sa akin ang buy 1 take 1 na burger na binili ni Mamu.

Mark: sorry ha?

Prime: okay yun, nagmamadali kasi ako e. di ko naman alam na padating ka.

Mark: nagka banggaan tuloy tayo, at... (natagalan siya bago ituloy ang sasabihin) ..at at nahimatay ka.

Prime: okay nga lang wala namang nangyaring masama e.

Medyo natahimik kaming pareho at napangiti naman ako kasi hindi din pala niya nakalimutan ang pag tatagpo ng aming mga labi. Napatunayan ko iyon nung natigilan siya sa kanyang sasabihin kanina.

Mark: oh bakit ka naman nakangiti diyan? (nakita pala niya na nakangiti ako)

Prime: wala, nakakatuwa kasi yung palabas sa TV. (ang totoo hindi naman ako nanonood at busy ako sa pag kain at pag iisip)

Mark: nakakatawa? Nakakatawa ba yan? (sabay turo sa TV)

Patay na. Drama pala yung pinapanood namin. Napaghahalata na.


Prime: ay oo nga noh. May naisip lang kasi ako. Ay asan yung sulat kanina, nakita mu ba? (iniba ko agad ang usapan)

Mark: oo tinabi ko kanina, nung nahimatay ka (hindi ko alam pero kanina ko pa napapansin na, may ngiti sa labi niya pag sinasabi niya ang nangyari kanina)

Prime: ah akin na pala. Salamat.

Mark: oh. (sabay abot) may tagahanga ka pala ah.

Prime: nan ti trip lang yan noh! (nakita ko sa bintana, hapon na pala) Ay! Hapon na pala, ang tagal ko palang nakatulog.

Mark: kaya nga e, ang dami ngang bumili, buti nakita ko yung tinginan ng presyo ng paninda.

Prime: ah ganun ba? Dapat ginising mo ko para natulungan kita.

Mark: kanina pa nga ako nag dadabog para lang magising ka e. Akala ko hanggang gabi ka na matutulog, Sleeping Beauty.

Prime: (grabe kinilig ako sa huling sinabi niya, ang saya sa feeling) over ka naman. Syempre kung ikaw kaya ang madaganan at mabagok at

Mahalikan (nagkasabay naming bigkas sa huling salita.)

Nagkatawanan lang kami sa nangyari.

Pagkauwi ko sa bahay hindi ko na pinaalam kela Mama ang nangyari. Intinabi ko na sa drawer ko yung sulat kasama nung nauna pa. At bago ako matulog inisip ko muna yung nangyari kanina.

Ang lambot ng labi niya. Sa totoo lang magkahawig nga kami ng lips e. Medyo mas matangos lang ang ilong ko. At sa unang tingin medyo mag ka hawig kami. Mag pinsan e.

Sana ito na ang umpisa ng closeness namin. (sabi ko sa sarili ko)

Kinabukasan pumunta ako kelan Anti. Wala si Mark kasi pumasok sa School. Third Year pa lang pala siya pero pareho kaming 16.

Mga bandang tanghali ako lang ang naiwan sa bahay nila para magbantay.

Mamu: aalis na ko ha, ilock mo yung gate pagkaalis ko. Si ku.an wag mong pauutangin. Wag kang magpapaloko ha. (ganyan yan! Eksaheradang last will bago umalis)

Prime: opo Anti.

Medyo na boring ako kaya nag kalikot ako sa bahay nila. Nakita ko yung mga old pictures nila. Grabe ang cute ni Mark nung bata siya. Lahat sila nakita ko nung kabataan. Kaya para akong ewan natumatawa mag isa. Naisipan kong pictyuran ang mga yon sa cell phone.


Hinalungkat ko din ang mga notebook ni Mark sa pag hahalungkat ko may nakita akong pangalan ng babae. Nakita ko may date pang nakalagay. Doon pumasok sa isip ko na may girlfriend na si Mark. Naalala ko din na kaya pala laging masaya si Mark tuwing umuuwi galing school, kasi may inpirasyon pala.

Nalungkot ako. At dun ko naisip na wala akong pag asa sa kanya. May mga salitang laging pumapasok sa isip ko.

"La Quiero a Morir'' (i Love her to Death)

Isang kanta din yan. Lagi kong pinapakinggan sa MP3 ko.

Sa Hapunan...

Papu: oh kumain ka na dyan

Nakatulala kasi ako nung mga time na yun. Iniisip ko si Mark. Pero nandoon din naman si Mark, nag lalaro ng dota sa computer. Hindi pa ko nakakasagot nang bigla ulit nagsalita si Uncle.

Papu: wag ka ng mahiya. Tandaan mo, ang bahay na to, bahay mo din. Ang mga anak ko kapatid mo din (ting! Pwede bang si Mark asawa? haha) kaya huwag ka ng mahihiya.

Prime: Opo uncle.

Pag uwi ko sa bahay. Nagkipag chat ulit ako kay Edelyn.

Prime: Huy bakuls over yung nangyari as in!

Edelyn: oh anu na naman yan Prime?!


Prime: kasi nung isang araw ano...

Edelyn: anu bakuls?!

Prime: wala sikreto!

Edelyn: ang arte e di wag!

Prime: nag kiss kami ni Mark!!

Edelyn: timang! Nag ilusyon pa siya oh.

Prime: hoy totoo, kasi nagkabugguan kami tas ayun na, nabagok pa nga ako e. Tapus pag gising ko nag aalala sila ni Mamu, basta ang saya.

Edelyn: oo na ikaw na, da best ka e!

Prime: talaga! Hahaha

Minsan pag nasa tindahan ako na bo boring. Kaya pag bumibili si Ate minsan pinag ti tripan ko.

Ate: pa load ako.

Prime: ay Mam wala na po kaming load.

Ate: umayos ka nga!

Prime: Mam bawal pong sumigaw dito.

Ate: bilis na nga may i te text ako!

Prime: Mam wala po talaga.

Pinapatagal ko talaga ang usapan para masayahan naman ako kahit papano. Nung isang beses naman hinahanap niya si Anti.

Ate: hayo. nandyan si Anti.

Prime: bakit po Mam?

Ate: ito na yung order niyong Pastillas (gumagawa kasi siya ng pastillas, binebenta para income din)

Prime: Mam wala po siya.


Ate: ayan ka na naman! Bilisan mo!

Prime: Mam sabi po sakin ng Head, wag na daw po kaming tatanggap ng mga produkto niyo. Nagdudulot daw po ito ng masamang epekto sa mga bata. (eksaherada! haha)

Ate: sisigaw ako dito! (hala nag wa wild na siya)

Prime: wag po kayo ditong mag eskandalo. Please lang po Mam. umalis na kayo kung ayaw niyong ipa pulis pa namin kayo.

Umalis na nga siya na pikon nga. Tawa ako ng tawa, maya maya dumating yung tita ko.

Nay: inano mo na naman si Ate mo? umiiyak pag uwi. ayaw mo daw pansinin.

Prime: (nag drama) So ako na naman ang pinapalabas niyong masama? Ako na nga ang dehado tapos ako pa ang masama? Ako na nga ang pinagsalitaan tapos ako pa ang masama? Ako na nga itong siniraan ng dangal tapos ako pa ang masama? Ako na nga ang nag ma magandang loob tapos ako pa ang masama? All this time! Ganyan lang ba ang tingin niyo sakin? Oh my. I can't believe it, did i do something wrong, for you to treat me like this? I didn't expect, i ...

Hindi ko na natapos ang ''speech'' ko ng biglang nag walk out ang tita ko. Tawa ako ng tawa nun. Hindi ko alam narinig pala ni Anti yung ginawa ko sa Ate at tiyahin ko.

Anti: gusto mo bang mag artista?

Prime: anti?

Anti: pasaway kang bata ka inaway mo sila Ate mo. (nakangiti niyang sabi)


Prime: ganun lang naman po yun e. Sanay na sila sakin.

Mamu: bata ka. Sige mag meryenda ka na dyan.

Habang nag me meryenda ako. May batang lumapit sa tindahan. Akala ko bibili. May inabot lang pala. Hindi ko kilala yung bata. Bago lang sa paningin ko. Tinanong ko kung kanino galing. Hindi naman sinabi.

Papel na naman. Binasa ko ulit ang nakasulat. Kaparehas din ng sulat nung dati, sulat manok.
''Praime, malongkot ako fwend kasi, naketa ko kayo ni Mark nung isang araw. Pero oke lang saken yon''

Nagsulat ako agad sa isang papel na balat ng sigarilyo.
''hello? Sino ka ba? Hindi kita kilala. Sana magpakilala ka.''

Agad kong binigay sa bata ang sulat. Sinabi na ibigay niya yon sa nagpabigay sakin ng sulat.

Sa pagkakaalam ko, naipon yung mga bumibili nung isang araw kaya may posibilidad na isa siya dun. Hindi ko naman namukhaan kasi malabo ang mata ko. Ang gulo.

Dumating si Mark galing school. Inaasahan ko magiging close na kami. Pero hindi, parang balik ulit sa dati. Parang nagkakailangan pa din. Kaya ang ginawa ko. Si Kuya Diary na naman ang kausap ko.

Todo emote na ko sa kaka sulat. Ikinuwento ko ang nangyari sa buong araw. Puro ''hay naku'' ang pumapasok sa isip ko. Kainis kasi talaga. Feeling ko tuloy isa akong pinagsamantalahan na pag katapos ng lahat, wala lang pala yun.

Malapit na kong matapos sa pagsusulat ko sa Diary nang biglang...

HUY!! (boses ng lalaki, sinamahan pa ng pagkakiliti sa kin. Kaya naman eksaheradang gulat ako.)

Itutuloy...

1 comment:

  1. nakakatuwa at napapangiti ako sa kakulitan ni prime haha

    -Arvin-

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails