Followers

Monday, April 9, 2012

Palitan Ng Puso [5]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Muli, minamadali ko na naman ito para lamang mabigyang kasiyahan kayong mga readers na naghintay. Ang totoo, dapat ay kahapon pa ito ngunit may vertigo attack po ako noong sabado kung saan buong araw ay hindi ako makatayo sa sobrang pagkahilo. Ang vertigo attack na ito ay isa lamang po sa mga symptoms ng aking sakit na meniere’s disease. Kung kaya minsan, nahihirapan akong mag-computer. Nahihilo pa rin po ako pero ganyang talaga, tuloy ang trabaho, tuloy ang buhay, tuloy ang pagbibigay ng saya para sa aking mga minamahal na readers. Kaya natin iyan.

:-)

Anyway, upang makahabol, unedited pa po ito kung kaya ipinost ko na lang dahil may mga naghintay. Pasensya na po.

At dahil unedited ito, unpolished, kung may napuna kayong linya na inconsistent or nakakalito, puwede rin pong ipaalam upang matulungan akong ma-correct ito.

Muli nagpapasalamat ako sa mga tagasubaybay at mga tagasuporta ng MSOB at sa mga walang sawang nagkumento. Touched ako sa kumento ni yamiverde noong sinabi niyang “Sa pagkukumento lamang niya masusuklian ang aking pagsusulat ng kuwento...” Naapreciate ko ito ng marami... At sa mga commenters din, syempre, haping-hapi ako na mabasa ang mga comments ninyo.

Sa mga followers ng MSOB na umabot na ng 1035!!! Maraming salamat din sa inyo!

Happy reading sa inyong lahat!

-Mikejuha-

-------------------------------------------------

Ako si Ian








Heto ang theme song ko


At heto ang kwento ko -

Gulat na gulat si Marco sa biglang paglapat ng aking mga labi sa bibig niya. Napahawak ang kanyang mga kamay sa aking beywang at bahagyang itinulak ako. Ngunit hindi ko ito alintana. Hindi ko alintana ang nakatingin sa aming si Prim. Wala rin akong pakialam kung may mga taong nakatingin. Itinuloy ko pa rin ang pagyakap at paghalik sa kanya.

Noong una ay hindi niya pinayagan ang aking dila na makapasok sa kanyang bibig. Nakuntento na lamang ako sa pagsisipsip sa kanyang mga labi bagamat pilit ko pa ring ibinundol-bundol ang aking dila sa harapan ng kanyang nakalock na mga ngipin.

Ngunit wala pang 10 seconds at naramdaman ko na lang na ibinuka rin niya ang kanyang bibig. Nakapasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig!

At halos kasabay rin noon, humigpit ang paghawak ng kanyang kamay sa aking beywang, bagamat hinayaan lang niya ako sa aking ginawa. Inilaro-laro ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig, ikiskis ko ito sa kanyang dila, sa kanyang gilagid, sa kanyang ngipin. Ang sarap niyang halikan. Mabango at presko ang kanyang bibig at walang amoy ang kanyang laway. Kung binudburan lang iyon ng asukal na brown, marahil ay malalasap ko ang lasa ng isang caramel syrup na gawa sa kanyang laway.

Pakiwari ko ay may kuryenteng dumaloy sa aking katawan sa pagpaubaya niya sa aking ginawa. Nag-init ang aking katawan at marahil ay kung kaming dalawa lang ang nandoon, baka tuluyan na rin siyang bumigay at baka siya na ang mag-initiate ng mas mahigit pa kaysa halikan.

Anyway, dahil doon lalo ko pang pinag-igihan pa ang paghalik sa kanya. Wala na siyang nagawa kundi ang umungol at higpitan ang pagyakap sa akin. Para siyang isang batang kinalikot ng dentista ang ngipin at wala na siyang magawa pa kundi ang ipaubaya sa dentista ang lahat, ibuka ang bibig, at humawak nang mahigpit sa braso ng kanyang inay.

Alam ko, nagtatanong ang kanyangisip kung bakit ko ginawa iyon. Pero wala akong pakialam.

Marahil ay may 15 seconds ko siyang hinalikan. Pagkatapos noon ay kumalas na rin ako. Tiningnan ko ang kanyang mukha noong kumalas na ako. Kung gaano ito kagulat noong nagdampi ang aming mga labi ay siya ding pagkagulat niya noong kumalas na ako. Nanlaki ang kanyang mata. Puno ng kalituhan.

Pagkatapos, hinawakan ko ang kanyang kamay sabay sabing, “Tara na?”

“S-saan?” ang gulat niyang tanong.

“Sa restobar. Di ba may practice pa tayo?” ang sabi ko. Walking distance lang naman kasi ang restobar nila.

“Ah... s-sige, sige.” Ang pagsang-ayon din niya. Ang totoo, wala naman kaming usapan na magparactice kami. “Pare... mauna na kami sa iyo ha?”

Tumango lang si Prime.

Iniwanan namin si Prime na nakaupo lang doon na parang tanga, nag-iisa at ewan... baka nasaktan. Iyon naman din talaga ang gusto ko, ang masaktan siya. Kasi, kahit pa makikipagbalikan ako sa pagiging close sa kanya, babalik na naman ako sa dati na pagpapantasyahan ko siya. Wala naman siyang romantikong pagmamahal sa akin, purong pakikipagkaibigan lang. At kahit hindi kami close, ok lang, para talaga hindi na ako ma-inlove pa sa kanya. Ang hirap kaya ng kalagayan ko noon. At mag-effort kunyari siya upang maging close na magkaibigan kami, at pagkatapos, iyon na lang? Hahayaan na naman niyang matukso ako at iyon... magagalit na naman siya at itakwil ako. Ayoko na. Tama na ang ganoong nasa malayo siya at hindi ko palaging nararamdaman.

Habang naglalakad kami ni Marco palayo kay Prime, nakahawak pa ako sa kanyang braso. Ngunit noong lumiko na kami ng isang kanto, binitiwan ko na ang kanyang kamay.

Hinayaan lang din niya ako. Hindi kami nag-uusap. Hindi siya nagtatanong. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ako man ay kinabahan na hindi ko mawari. Parang obvious na kasi na parang ginamit ko lang siya. Syempre kung ikaw si Marco, di ba magtanong ka ng, “Ano bang nakain nito at bigla akong hinalikan sa bibig? At sa harap pa ng ‘best friend’ niya?” at lalo na, hindi naman ako nagparamdam na bakla ako. Hindi ako naglalantad sa kanya at ang alam niya ay lalaki talaga ako. Ewan kung char.com lang din na nagmaang-maangan lang syang hindi niya alam.

Anyway, noong binitiwan ko na ang kamay niya, tiningnan niya ako. Ngumiti. Ngunit ang tingin niya ay parang nagtatanong.

Napansin ko ito kung kaya ay tiningnan ko rin siya. Noong patuloy pa rin niya akong tinitigan, tinanong ko na, “Bakit?” at ako pa talaga ang may malakas ang loob na magtanong kung bakit.

“Ngunit imbes na sagutin niya ako, bigla ba namang pinisil ang aking pisngi sabay sabing, “Kuleeeetttttt!” atsaka umakbay na sa akin, iyong mahigpit na akbay, nangigigil na halos sasakalin ka na sa sobrang higpit. Feeling ko ay masaya siya. Iyong normal niyang kasayahan, hindi siya galit sa aking ginawa.

Siguro ay sobrang bait lang talaga ni Marco na hindi niya ako magawang pagalitan o bulyawan. Siguro ay tiniis lang niya sa sarili niya kung ano ang drama ko kung bakit ganoon ang inasta ko. “Nakaka-in love talaga ang kabaitan niya, ang ka-sweetan niya!” sa isip ko lang. At iyon naman talag agn gusto ko eh; ang ma-in love sa kanya upang tuluyan ko nang malimutan si Prime.

Noong nakarating na kami sa resto bar, doon na namin ipinagpatuloy ang aming bonding. Ipinareserve niya ang mesa na nasa terrace ng restobar, nakaharap sa dagat. At dahil alas 6 na iyon ng hapon, napakaganda ng ambiance. Malamig at presko an gsimoy ng hangin na galing sa dagat, madilim-dilim na ang langit ay may bahid pulang mga ulap, maaliwalas ang dagat. Dagdagan pa ng inordern niyang tig dadalwang malalamig na beer at walong sticks ng barbecue at isang bowl na isaw... Ang sarap.

“Bakit mo ako hinalikan kanina?” ang kalmante niyang pagbukas sa topic habang nakatuon ang mga mata sa isinawsaw na isaw sa patis at sukang may sili atsaka isinubo ito at nginuya.

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?” ang pabalang kong tanong sabay din kuha sa bote ng beer, nilinis ang bibig nito sa aking daliri atsaka tinungga, hindi na ginamit ang basong nasa aming mesa.

“Ok lang...” sagot niya habang kinuha na rin niya ang kanyang beer at sinabayan ako sa pag-inum. “Pero bakit mo nga ako hinalikan?”

“Ayoko nang pag-usapan iyon eh! Saka na, sasabihin ko sa iyo.”

“Gusto ko ngayon mo na sabihin sa akin” ang seryoso na niyang sabi, ang mga mata ay nakatutok sa aking mga mata.

“Puwede ba please. Ayoko kasi...”

“Kasi ano? Sabihin mo na kasi. Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw mo ba akong maging ka-partner? Ayaw mo akong maging best friend?”

“E...” ang nasambit ko na lang. “Saka na lang kasi...”

“Sige, kay pareng Prime na lang ako magtata--“

“Huwag!” ang mabilis ko ring pagsingit, natakot na baka tuluyan nang mabuking ang aking itinatago.

“O e di, sabihin mo na. Makikinig ako.”

Tinitigan ko siya. Iyon bang titig na nagtatanong kung talaga bang tamang sasabihin ko sa kanya ang totoo at wala akong pagsisisihan... Binitiwan ko ang malalim na buntong-hininga. Alam ko, wala akogn choice kundi ang magsalita.

“Try me...” bulong niya.

Nag-isip ako. “Eh... si Prime kasi...”

“Yes... bakit si Prime?”

At ewan kung bakit din ito ang nasabi ko. “N-nanliligaw kasi iyon sa akin eh” ang nasambit ko sabay kagat ko sa aking labi. Wala kasi akong ibang dahilan upang magiging alibi kung bakit ko siya hinalikan. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat.

“Bakla ba si Prime? Akala ko ba ay may girlfriend iyon?”

“Eh...” ang nasambit ko uli. Hindi ko kasi akalaing ganoon ang sunod na itatanong niya sa akin. “E-ewan ko siguro... N-naghiwalay na raw sila ng girlfriend niya.”

“At ang ipapalit niya sa puso niya ay ikaw?”

Tumango ako.

“Paano nangyaring magbest firend kayo at nayon lang niya nalaman na mahal ka pala niya?”

“Ewan ko sa taong iyon.”

“Hmmmm” nag-isip siya. “Ano namang kinalaman noon sa paghalik mo sa akin kanina?”

“A-ayoko sa kanya eh... Kaya sinabi ko sa kanya na mag-boyfriend tayo upang mahinto na siya sa kanyang panliligaw sa akin.” Ang pagsinungaling ko uli. “At huwag mong sabihin sa kanya ha? Promise na sikreto lang natin ito.” Ang may kaba ko ring dugtong.

“Hmmmm.. tumango-tango siya. Ganoon ba?”

Tahimik. Ewan kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ang sa akin, ibayong guilt at takot ang aking naramdaman. Ewan. Marahil ay ganyan talaga kapag may kinikimkim ka pang sama ng loob para sa isang tao. May masasabi kang hindi maganda, minsan nag-iimbento ka na lang ng kuwento upang matakpan ang mga bagay na itinatago. “Sabagay, mukha rin namanng nanligaw sa akin si Prime eh. Nililigawan niya ako upang maging maglapit muli kami sa isa’t-isa. Parang ganoon.”

“Mukha namang mabait si Prime ah!”

“Ikaw kung liligawan ka ni Prime, papayag ka?” ang pabalang ko uling sagot.

“Bakit hindi? Kung mahal ko ang tao, lalaki man siya o babae, bakla o tomboy basta mabait, totoong tao at malinis ang puso.”

At doon na ako sobrang naguilty. Parang gusto ko nang bawiin ang sinabi kong nanligaw si Prime sa akin. “Ngunit ano ang idadahilan ko?” ang tanong din ng aking isip.

Maya-maya lang ay nilapitan kami ng isa sa mga waiters nila. “Sir Marco, kausapin ka raw ng tita mo...”

Agad ding umalis si Marco upang kausapin ang tita niya. Noong bumalik, may mungkahi. “May birthday party daw na i-hold dito maya-maya lang at dahil last minute itong request nila, gusto raw makisuyo sa atin, kahit tayong dalawa lang daw ang kakanta. Kung papayag ka. Sige na, sayang din ito. Sa tingnin mo?”

At tumango na lang ako. Tama nga naman. Pandagdag allowance ko rin iyon.

At kumanta kami sa party na iyon. Ang siste, hanggang ala-una ng madaling araw na natapos. Laking pasalamat sa amin ang tita ni Marco. Enjoy na enjoy daw ang customesrs sa aming kanta. Kapag tinamad na kasing maggitara si Marco ay magsisingit ako ng kantang galing sa videoke. Pwede rin silang kumanta.

“Dito ka na lang matulog Isan sa resto-bar. Sasamahan ka ni Marco.” Ang mungkahi ng tita ni Marco na may-ari ng restobar. “May collpasible ceiling bed tayo, pedeng matulog ang dalawa, kahit pa limang tao d’yan. Hindi pa namin nagamit iyan Ian. Maganda matulog dyan. Dito na lang kayo para may bantay din ang bar. Wala pa naman tayong security.” Marahil ay napansin niyang med’yo lasing na ako at pagod pa kung kaya ayaw niyang umuwi pa ako.

“Ok lang sa iyo partner?” ang tanong ni Marco sa akin.

“S-sige...” ang sagot ko. May excitement din kasi akong nadama. Imagine, makatabi ko na siya sa pagtulog bagamat may takot din akong baka hindi ko na naman maawat ang sarili at may mangyari. “Bahala na...” sigaw ng aking utak.

“Ok.. so mag-beer pa tayo?”

“Waaaahh! Lasing na ako ah...”

“Dito lang naman tayo matutulog eh. Sige na. Please???”

“Bakit? Ano bang mayroon at kailangan mo talagang magpakalunod sa alcohol?”

“Wala lang. Happy lang ako ngayon.” Sagot lang niya habang tinumbok ang refrigerator ng restobar at kumuha ng isang bote ng red horse grande at isang baso.

“Bakit ka happy?”

“Di ba may birthday party kanina? E di happy. Happy birthday.” Sabay bitiw ng isang tawang nakakaloko habang binuksan ang bote ng grande at noong nabuksan ito, tumagay na at ibinigay sa akin ang unang tagay.

Wala na akong nagawa. Tinanggap ko ang baso na may lamang red horse at ininum iyon.

Pagkatapos kong uminum, siya naman. Tagay system. At noong naubos na ang laman ng bote, umakyat na kami sa hagdanan patungo sa ceiling bed. Halos hindi na makaangat sa kanyang paa sa sobrang kalasingan. Pati ako ay halos ganoon din. Ngunit pinilit ko ang sarili.

Noong nandoon na kami sa taas, doon ako humanga sa ganda ng collpasible ceiling bed. Bale nasa pinaka-gilid ito ng ceiling na kung titingnan ay ordinaryong ceiling lang talaga, hindi mo iisipin na may nakatago pala itong higaan. Ngunit kung tatanggalin ang lock niya sa tagilirang bahagi nito at hihilahin pababa, lalabas ang isang malaking customised platform na nagsilbing higaan at may malaki at malapad na kutson na nakasabit sa ceiling mismo! Pwede pa ngang limang tao ang matutulog sa sobrang lapad. May harang sa bawat gilid at matatag naman, hindi ka matatakot huimiga. Ang lalaki kaya ng mga bakal na baraces at support. Bago pati ang kutson at mabango. At kitang-kita ang dagat “Ansarap pala dito...” sambit ko.

Naupo muna ako, pinagmasdan sandali ang dagat na halos nasa ibaba lang namin. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. Bagamat lasing na ako, naappreciate ko pa rin ang ganda nito. Para kaming sumakay ng isang barko at natulog sa isang hanging na bed.

Noong nilingon ko si Marco, nakatulog na pala ito. Naaninag ko pa ang kanyang katawan mula sa isang ilaw sa resto-bar na sadyang nanatiling nakasindi sa gabi. Nakatihaya siya, nakahubad ang pang-itaas na katawan, hinayaang nakabukas ang kanyang zipper ng pantalon at kitang kita ang nakausling bukol ng kanyang puting brief habang ang isang daliri ay bahagya pang nakapasok sa ilalim ng garter nito na para bang wala sa isip na hinipo ang ulo ng kanyang pagkalalaki.

At doon gumapang na naman ang sa aking katawan ang kakaibang init sa nakita. Napakaganda ng porma kanyang dibdib. Hindi lamang ito matipuno, makinis pa. Flawless kumbaga. At ang kanyang abs, kitang-kita ang mga linyang nagsilbing border ng mga parang pandesal na nakahilera doon.

Noong tiningnan ko ang kanyang mga mata, nakapikit ito, pahiwatig na himbing na himbing siyang nakatulog. Napakaganda ng kanyang mukha. Kagaya ng kanyang balat sa katawan, makinis ito, malinis, walang bigote o kahit na anong mga maliliit na spot. Matungis din ang kanyang ilong, magaganda ang hugis ng mga kilay, at higit sa lahat mapupula ang kanyang mga labi. Ang sarap halikan.

Naalala ko tuloy ang paghalik ko sa kanya sa plaza, sa harap mismo ni Prime. Sariwang-sariwa pa sa aking isip ang bango na nalalanghap ko sa kanyang hininga at sarap ng kanyang laway.

Habang nasa ganoon akong paghanga sa kanya, dahan-dahan akong humiga, tumagilid paharap sa kanya. Hindi maalis-alis ang aking mga mata sa kanyang mukha at ang umbok ng kanyang pagkalalaki kung saan bahagya itong natakpan ng kanyang mga kamay.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay na nasa ibabaw ng kanyang puson at tinanggal ko ito sa kanyang lugar, inilagay sa kanyang tagiliran.

Noong lumantad na sa aking mga mata ang umbok na iyon ng kanyang brief na nasa ilalim ng kanyang pantalon, naramdaman ko ang malakas na udyok sa aking utak na isiksik ang aking kamay sa ilalim ng kanyang brief at laruin ang nasa ilalim niyon.

Halos bumigay na ako sa udyok ng aking pagnanasa noong bigla naman siyang tumagilid paharap sa akin, ang isa niyang kamay ay idinantay pa sa aking katawan at ang aming mukha ay halos magdikit na sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa.

Nahinto ako sa akin sanang balak. Pinakiramdaman ang sunod niyang gagawin, naisip na baka nagising siya. Hindi na siya guamalaw. Langhap na langhap ko pa sa aking mukha ang hiningang galing sa kanyang bibig. At bagamat may bahid itong amoy ng alak, ang bango pa rin nito.

PIlit kong idinikit pa ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang ang aming mga labi ay nagpangabot na. HIndi pa rin siya gumalaw. Ngunit parang sasabog na ang aking dibdib sa matinding kalampag dahil sa halos maglapat na ang aming bibig. Halos isang minuto rin kami sa ganoong sitwasyon. Hindi siya gumalaw at ang hininga niyang galing sa kanyang bibig ay patuloy kong ninamnam, sininghot at ini-enjoy habang nanatiling nakadantay ang kanyang kamay sa aking katawan.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan ang kiliti na dulot ng pagpang-abot ng dulo ng aming mga labi, at tuluyan na akong bumigay. Sinakmal ng aking bibig ang kanyang mga labi at siniil ito ng halik. Sinipsip ko ang kanyang mga labi at tinangka kong ipasok ang aking dila sa loob ng kanyang bibig, idiniin-diin ito sa gitna ng kanyang ngipin. At dahil bahagyang nakabukas ang kanyang bibig, unti-unting nakapasok ang aking dila hanggang sa tuluyan na niyang ibinuka ang kanyang bibig.

Tulog pa rin si Marco. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalaro-laro ng aking dila sa kaloob-looban ng kanyang bibig. At maya-maya lang ay naramdaman ko nang nakikitaro na rin ang dila ni Marco sa aking dila at sinipsip-sipsip na rin nito ang aking mga labi.

Umungol siya. HIndi ko alam kung nagising isya ngunit hindi siya kumalas at nakikisakay lang siya sa aking ginagawa.

At dahil sa pagpaubaya ni Marco, mistulang sinaniban ng demonyo ang aking isip at nakalimutan ko na ang pangako sa sariling iwasan ko ang bagay siyang dahilan kung bakit nagalit sa akin si Prime. Nawalan ng sensibilidad ng aking isip at nalimutan ko ang sakit na dulot ng paggawa ko sa ganoong bagay kay Prime. Ang tanging nanaig sa aking isip sa ganoong sitwasyon ay ang sarap na aking nalalasap sa oportunidad na iyon at mairaos ang sarap ng aking pagnanasa para kay Marco.

Hanggang sa tuluyan nang nahulog ako sa bitag ng pagnanasasa. At doon, hindi ko na nagapan pa ang sarili at ginawa ko na rin kay Marco ang katulad ng ginawa ko kay Prime.

Noong natapos na, parang wala pa ring malay si Marco. Nanatiling nakahiga siya, ni hindi man lang siya nag-attempt na punasan ang sarili o ibalik sa loob ng kanyang brief ang kanyang pagkalalaki. Ngunit ako na ang gumawa noon. Nanatili pa ring nakapikit ang kanyangmga mata at nakahigang nakatihaya.

At bumalik n arin ako sa aking paghiga.

Masarap kung sa sarap ang pag-uusapan. Masarap ang aking pakiramdam na sa wakas ay natikman ko rin ang pagkalalaki ni Marco. Feeling ko, lalong lumalim ang aking naramdaman para sa kanya. Parang masasabi kong ang pagmamahal ko para kay Prime ay nabaling na sa kanya kundi man ay eksaktong nahati na ito. Bale 50% ang para kay Prime at 50% ang para kay Marco. Parang isang tao lang na naghihingalo, 50-50. Naalala ko kasi ang ka-sweetan ni Marco sa akin, ang kabaitan niya, dagdagan pa sa ganda ng kanyang porma. At sa kabilang banda, naroon pa rin ang paghahanap ko kay prime.

Ngunit sa kabila nito, isang malaking dagok na naman ang aking naranasan sa aking konsyensya. Matindi ang takot na aking nadarama sa aking ginawa. Parang hindi na talaga ako natuto. Nang dahil lang sa init ng aking katawan at matinding pagnanasa ay panandaliang nakalimutan ko ang consequence na naman nito sa akin. Ipinagpalit ko ang respeto niya para sa pansariling libog.

Dahil sa takot, hindi ko na hinintay pang magising si Marco. Alas kuwatro ng madaling araw ay umalis na ako ng restobar. Halos walang pahinga. Halso walang tulog, nababalot na naman ang isip sa matinding takot na baka iyon na ang huli naming pagiging close ni Marco.

Naglakad ako pauwi, masakit ang ulo dahil sa hangover at tuliro ang isip sa pagkakamaling nagawa ko na naman sa pangalawang taong sana ay magiging best friedn ko na. Para akong tino-torture na naman ng aking kunsyensya.

Lalo tuloy akong nalito. “Ano ba to...? Parang isa akong isda na niluto sa frying pan, tumalon upang maka-iwas sa init ngunit sa apoy din ang aking bagsak. Sigruro ay ganyan kapag na in love ka... hindi mo na alam pa ang gagawin kapag nand’yan ang mahal mo. At lalo na kapag nag-away kayo, minsan nakakagawa ka ng isang bagay upang masaktan siya ngunit mas matindi pala ang dulot nitong consequence.

At lalo na... wala akong text na natanggap galing sa kanya. Na-miss ko na siya, at parang nagdurugo ang aking puso na nangyari ang lahat.

Sa araw na iyon ay hindi ako pumasok sa eskuwela dahil sa hiya at takot sa nangyari at dahil na rin sa hangover. Hindi ko lang alam kung pumasok din si Marco.

Sa sunod na araw, pumasok na ako sa. Kinakabahan, hindi alam ang aking gagawin. Alam ko, magkikita kami ni Marco dahil classmates kami sa halos lahat ng subjects.

Noong pumasok na ako sa unang klase ko, hindi ko napansin si Marco. Naupo ako sa dating upuan ko, sa may harap ng teacher’s desk. Maya-maya lang ay may biglang nagsalita sa aking tabi, “Musta...” ang maiksing sabi.

Si Marco. Tiningnan ko siya. “M-mabuti. Ikaw?”

“Ok lang...”

Iyon lang ang usapan namin dahil pumasok na ang aming professr. Ngunit sa loob-loob ko, parang may kakaiba sa kanyang bati. Hindi ko lang alam kung ano iyon ngunit ramdam kong parang dry siya, hindi kagaya noong mga ibang bati niya na halos abot-tainga ang kanyang ngiti at ramdam mo talaga ang excitement niya. Ngunit sa pagkakataong iyon, parang may malaking kulang.

Pagkatapos ng aming klase, may break kami. Niyaya niya ako sa likod ng building. “Usap tayo partner”

At nagtungo kami sa likod ng main building. Hindi ako halos matingin sa kanya. Hindi ako makapagbukas ng topic.

Noong naupo na kaming pareho sa damuhan, nagsalita siya. “Bakit ka absent kahapon?”

“M-may hangover ako eh...” Ang palusot ko pa. “I-ikaw, bakit para kang malungkot?”

“N-nalaglag ang cp ko kahapon sa dagat partner. Noong nagising ako, tatawagan sana kita. Ngunit noong nasakamay ko na ito, dumulas siya at deretso sa tubig.”

Pakiwari ko ay nabuhayan ako ng loob sa aking narinig. Either hindi niya alam ang aking ginawa o ok lang ito para sa kanya. At doon na rin nasagot ang aking tanong kung bakit hindi siya nagtext sa akin sa nakaraang araw. “Hayaan mo na, cp lang iyon... Maraming cp pa an gdarating sa buhay mo.”

“Oo nga. Bagamat bigay ito ng aking mahal na ina at inaalagaan ko ito nang maigi, wala tayong magagawa.”

Tahimik.

“N-namiss ita kahapon...” ang sambit niya, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa aking mukha.

At doon ko na siya biniro. “Bakit goal ba ako?”

“B-bakit goal?”

“Nambobola ka kasi eh, baka lang kaya ganoon, gusto mong i-shoot ang bola mo sa goal ko!”

“Ang galing ng pick-up line mo partner!” sambit niya.

Tawanan.

At doon ko na muling nakita ang saya sa kanyang mukha.

“Ako mayroon din”

“Sige nga?”

“Kandado ka ba?”

“Bakit?”

“Kasi... susi ako eh... kung gusto mo, ipasok ko ang nakausling bahagi ko sa iyo?” na ang mga mata ay mistulang nangungusap.

“Weeeeeehhh!” ang sigaw ko. Kinilig ba. At ewan ko rin kung may meaning iyon.

Tahimik.

“Di mo ba talaga ako namiss kahapon?” tanong uli.

“N-namiss eh...” ang sagot ko. Gusto ko pa sanang dugtungan ng “Kung alam mo lang kung gaano kita ka miss.”

Hinawakan niya uli ang kamay ko at pinisil iyon.

Nagkasalubong ang aming mga tingin. Yumuko ako. Nasa isip ko pa rin ang matinding hiya sa aking ginawa.

“Cute mo talaga...” sambit niya. “Sana kung babae ka lang, niligawan na kita...”

Hindi ako umimik. Ano ba kasi ang isasagot ko? Narinig ko na sa kanya ang mg akatagang iyan noon. At ang ibig ipahiwatig lamang noon ay hindi ako puwede dahil hindi ako babae.

At at dahil doon, naisip ko na baka iyon na ang tamang oras na sabihin ko sa kanya ang lahat at ang mga kasinunglingan ko tungkol kay Prime. “P-partner... may sasabihin sana ako sa iyo. H-huwag kang magalit ha?”

“Wow... seryoo! Sambit niya. May kinalaman ba iyan sa gulo ng Syria ngayon?” an gpatawa niya.

“Hindi. Iba ito...”

“Mga presyo ng asukal, posporo, mantika, bawang...?”

“Hindi... ah, ito naman eh. Seryoso nga!”

“Seryoso... Impeachment?”

“Partner naman eh. Tungkol ito sa akin.”

“Tiningnan niya ako. Buntis ka?”

“Tado hindi!”

“Nakabuntis?”

Umiling-iling ako.

“Nakapatay?”

“Hindi ah!”

“Pinatay”

“Tado!”

“Nakasagasa?”

“Hindi!”

“Nasagasaan?”

“Ano ba yan...”

“In love?”

Tumango ako.

Kitang-kita ko naman ang paglaki ng kanyang mga mata at natahimik siya nang sandali, mistulang nabilaukan. “Tangina. K-kanino???”

“Sa iyo...”

(Itutuloy)

32 comments:

  1. ayiiie! galing humalik ah! LOL

    ReplyDelete
  2. wahahaha aun sumabog na ang kinikimkim na saloobin! ^w^ kinilig aq ng todo kua mike hahaha salamat nang marami sa update, at mgpagaling ka po kua :)

    ReplyDelete
  3. wow kuya da best ka talaga mambitin. hahahhaha


    taga_cebu

    ReplyDelete
  4. Naintndhan pu nmin sir. . .get well s0on po. . .Gnun kmi kakulet. . Dhl gnun dn nmin naaapreciate ang kuwnto m0 sir at s iba. .iba k tlga. . .
    Ian manga2mit ka. .on the mdle part at yan nman ngpdla k s 2kso. .kht dmu alam kung an0 b tlga nrmdman nia s gnawa mung un, . At nagsinungaling kna2man . (nka2dala kc ung kwnto sir). .Sir anu n p0ng nangyari ky prime? naawa aq s knya san n kya xa? . .i kn0w my filing ndn xa para ky ian d lang nia masbi sna matauhan n c ian . S kinikim2 nyang sama ng l0ob. . .ian wake up. .gusto k ni prime nanjan lng c marco . .. Update n sir. .hehe get well so0n po. .
    And pray as alwys. .

    Rcruize po sir . .

    ReplyDelete
  5. grabeeee ka kuyaaaa nakakabitin..heheheh nabitin ako dun...ang galing mo talaga kuya, kinilig ako sa kanila, sana marco-ian na lng heheheh sna umamin na rin si marco kay ian at maging honest na si ian kay marco at sabihin lahat ng nangyari sa knya..hehehe hayyyy kuya sarap talaga ma inlove heheheh..JhayL

    ReplyDelete
  6. kuya thanks po sa mabilisang update...ur d best talaga kuya..thankful ako at nkita ko site nyo at thankful po ako at nakilala ko po kau, d lang kilig ang naibibigay mo smin a lot of moral lessons and very inspiring talaga mga stories mo..keep it up ang pagaling ka po..thnks po ulit and GOD Bless u..

    ReplyDelete
  7. Hayssssss naku naku ,i think alam ni marco lahat eh pero nakisakay nalang siya .and sana magkatuluyan sila ehe

    ReplyDelete
  8. hahaha :) Ang ewan ng feeling. Nakakakilig pero nandun pa din ang takot na baka magalit si Marco sa mga malalaman tungkol kay ian. lol!

    Salamat po kuya Mike sa pag update! Hindi nyo po kami binibigo sa pag update at pag gawa ng mga magagandang kwentong ganito na ka abang abang :P

    Marco-Prime sexcapade (looking forward haha)

    -marcovelasco

    ReplyDelete
  9. waaahhh! suspense?anu na kaya ang mangyayare. abangan ang susunod na kabanata. he he he he. may sakit ka frend, yngat po lage.

    ReplyDelete
  10. waaaaaaaaaaa hahahaha ang galing ng pounch line na inlove na tuloy hahaha SOBRA kakakilig sir MIKE!!!! i really love this one! im craving for MORE!!!! salamat po talaga sa pag post sana bukas ulit ^_~... karl rickson

    ReplyDelete
  11. haha kabadtrip lang si Ian, libog kasi, hindi na nadala. Anong akala mo babae ka? Kainis. Gustohin ko man na wala na lang sya makatuluyan eh maganda talaga ang kwento. Mas gusto ko na si Marco na lang, masyado ng gamit yung magbestfriend (Prime at Ian) ang nagkakatuluyan. Mas ok kung sa iba mapupunta si Ian. At kay Marco yun.

    --ANDY

    ReplyDelete
  12. ikaw na masarap humalik ian. labi sa labi dila sa dila ipin sa ipin at gilagid sa gilagid. kulang na lang eh lagyan ng toothpaste iyang mga dila nyu hahahaha.

    feeling ko eh may gusto na talaga tong si marco kay ian. siguro hinihintay lang sabihin ni ian sakanya tapos bibigay na rin sya. okay lang na maging sila ni marco pero kawawa naman si prime. pwede bang tatlo na lang sila mag-ibigan? threesome ang pag-mamahalan nila hahahaha o kaya maski hindi na sila maging mag-bestfriend ni prime basta mapatawad na ni ian si prime. sayang din yung pinag-samahan nila.

    kuya mike get well soon. siguro mag-pagaling ka muna bago mo ipost yung next chapter. okay lang sa akin kung hindi ka muna mag-post. makakapaghintay naman ako kuya mike. huwag mo ipilit sarili mo okay lang kami =)

    -Mike

    ReplyDelete
  13. oo nga ano! iba talaga pag libog na, hirap takasan. sana lngmatanggap sya ni Marco. hehe. salamat kuya! nxt na ulit! hahaha!

    ReplyDelete
  14. ...napa sigaw tuloy ako sa revelation ni ian sa last part,dapat b at panahon na para sa kanyang mga kasinungalingan???
    ...pero iba ang nafefell ko this time sa sweetness ni marco - parang meron din xa revelation (just find out anu kaya yon)
    ...parang nalilito ako sa part na ito about marco's sweetness (anu deadma lang)=# agree ako k master_lee#027
    ...pero gusto ko yon takbo ng scenario between ian & marco kc mas nakakakilig at kaabamg - abang talaga kung ito man yon twist ng love story nila, can't wait
    ...thanks kuya mike sa updated as always po,tc....
    cenxa n po masyado n ata ko madaldal ayan napapansin nako,tnx.

    ReplyDelete
  15. More,more....nabitin talaga ako nang husto,of all the stories masabi kung isa katalagang inborn writter,keep up the good work and good luck.

    ReplyDelete
  16. Kuya Mike, super ganda talaga ng story na to, mixed emotion talaga. Namiss ko ung makailang buhay mong story. Ngayon lang ako nagbasa ulit dahil sa ikaw ung author. Heheheh. Kuya salamat sa mga stories mo, nag eenjoy ako super daming aral din nakukuha. Keep up the good work! Ingat palagi. Salamat kuya Mike!

    ReplyDelete
  17. ang cute ng story! sana post na po ulit yung next chapter plsssssss..... tnx :-)

    ReplyDelete
  18. waaahhhhh,sa wakas ay nasabi rin ni Ian na in love sya kay Marco bagama't he is between two lovers...ang haba ng buhok nya huh...next part na Idol ang galing mo talaga...more power!

    ReplyDelete
  19. ...JOB WELL DONE MR.OTOR....ang ganda ng twist ng story..although na nalilito mang mga tauhan...at least moment na ito nina IAN AND MARCO...

    Hay sa Love kasi two options..ANG TAONG MAHAL NA MAHAL MO NA IIWAN KA LANG AT SASAKTAN AT ANG TAONG DI MO MAHAL NA MAMAHALIN KA AT DI KA SASAKTAN.....

    Just like the song goes.."LOVE IS ALL THAT MATTERS"

    JAZZ0903

    PS..MR.OTOR..
    DRINK HOT CHOCOLATE A BEST REMEDY FOR VERTIGO
    AND WAG KA PLIPAS NG GUTOM KASI ONE OF THE CAUSES YAN KAPAG NAGPAPALIPAS NG GUTOM HEHEHEHEHEEH

    ReplyDelete
  20. haha ganda kuya prangka kung prangka talaga siya na..char.com

    ReplyDelete
  21. huwow! kinikilig ako, anu kya ang mangyayari, tanggap kya siya ni marco..

    cno kya tlga sa 2 ang tunay na magmamahal kay ian..

    ReplyDelete
  22. Sna mgkar0n ng twist ulet. .mgulat c marco at sbhn ni marco na hanggang kaibigan lng turing nia ky ian At si Prime maka2luyan niya. Sayang naman kc pinagsmhan nila at napatwad namn n ni prime si ian it0ng c ian lng hndi. . .nub yan ian! . .hehe


    Rcruize. . .

    ReplyDelete
  23. grabe ang ganda talaga!, cno na ba makakatuluyan mo ian dito grabe ha!!!nakakakilig tlaga ng bongga!!!.

    ReplyDelete
  24. Kuya mike ang galing mo talaga bilib na ako sayo...

    JohnGOmez

    ReplyDelete
  25. ahaha..ganda lang ng huling lines... first time kong natuwa sa bitn part! ahaha

    ReplyDelete
  26. kinikilig ako super waaaaahhh.. ang ganda na ng story,, can't wait to read the next chapter kuya mike...


    Ryan.

    ReplyDelete
  27. ang cute ng lines....

    “In love?”

    Tumango ako.

    Kitang-kita ko naman ang paglaki ng kanyang mga mata at natahimik siya nang sandali, mistulang nabilaukan. “Tangina. K-kanino???”

    “Sa iyo...”


    astig talaga kuya mike ang mga lines mo... the best....

    excited for the next part... anu kaya ang magiging reaction ni marco???

    sana positive at sana macorrect ni Ian lahat ng kasinungalingan niya kay marco...

    hasit cross fingers...

    ReplyDelete
  28. Wahh kbtn! ganda tlga ni2 . . Update n sir. . .

    ReplyDelete
  29. Lover's Lane yang background ng picture ni Ian no?

    ReplyDelete
  30. sa Lover's Lane yung background nung picture ni Ian? tama ba ako?

    ReplyDelete
  31. waahhh!!nakakakileg lalo na ung last part!^^
    hayy,,nakakapawi ng stress!haha..

    -monty

    ReplyDelete
  32. bit disappointed, author Mike, kwento mo ba talaga to?
    Inililihim nya kay Marco na bakla cya at natatakot na layuan cya pag nalaman ang tototong cya, pero bigla nya itong hinalikan at ang reason nya ay ayaw paligaw?
    then umandar na naman yung pagiging manyakis nya, anu bang kabaklaan yan?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails