Followers
Sunday, April 29, 2012
Beautiful Liar Part 4
by: Emirp
~♥~
Expected na. Ganun naman talaga e. Sa una lang ang special ang tingin ng ibang teens sa amin. Pero may motto ako ''much better to locked in a Cage than to socialized with them''. May lahing tupperware kasi ang iba e.
Sa paglipas ng ilang buwan. Medyo nasanay na kami dito. Natutong lumangoy at umakyat ng bundok.
Ngunit sa paglipas nga ng mga araw, medyo lumalala na ang sakit sa atay ni Papa. Kaya napag isipan ng mga kapatid niya na mag daos ng kahandaan. Halos lahat ng lahi namin nandoon. Dun ko din nakita si Mark, pinsan ko siya. Pero wala e, crush ko siya. Unang kita ko pa lang. Ito na yata ang tinatawag nilang Crush at First Sight. haha
Pinilit ko na ding kalimutan si Elijah. Nasabi ko na din sa kanya na crush ko siya thru facebook. Wala siyang reaction. Pero alam ko hindi okay sa kanya. Okay lang sa akin kasi He's not worth my time and i can live with out Him.
June...
Inabot lang ng humigit dalawang buwan dito si Papa. Namatay din siya. Expected na din yon. Hindi naman kasi mawawala yon sa theraphy lang. Kasi stage 4 na yung liver cancer niya. Kumbaga pinahaba lang ng therapy kahit papano yung buhay niya.
Nung libing ni Papa. Hindi ko inaasahan pero nakatabi ko si Mark sa bus. (kamamatay lang ng Tatay lumalandi na!) Pero malungkot din ako nung oras na yun. Hindi ko mapigilan ang bugso ng emosyon. Pero alam namin masaya na ang tatay at hindi na nahihirapan.
Nalaman din ng mga classmate ko ang nangyari. Nag condolence, dasal at kung anu ano pa. Napaayos na din nami ang libingan niya.
Sa kabilang banda...
May mga ngiti sa aking labi sa mga pagkakataong si Mark ang tiyempong nagbebenta sa akin. (may tindahan kasi sila. Tito ko naman ang Papa niya)
Nung birthday ng papa niya. Sinama nila kami para magswimming. Hindi ko alam pero eksaherada, pareho kaming nakapula nung time na yun. Kaya tili ng tili ang puso ko. Haha. Siguro nga nakarecover na ko kay Elijah.
Sa tuwing nakikita ko siya abot tenga ang ngiti ko. Nakakakilig. Oo, maliit na bagay. Pero masaya ako.
Pinapangarap ko sana makita ko siya kahit isang beses sa isang araw lang. Minsan swerte minsan hindi. Ganyan talaga di ba?
Lagi akong nangangarap na makasama siya sa isang bahay. God is Good.
Isang araw nagpasama sakin ang Mama niya dahil may pupuntahan daw. Pag uwi namin nasa bahay na si Uncle (papa ni Mark, pero Papu minsan ang tawag ko Mamu naman sa Mama niya.)
Papu: oh dito ka na lang kaya minsan sa bahay, para may kasa kasama naman si Anti mo sa tindahan. (hindi kasi ako naka pag aral ng College due to financial problem kaya stambay lang ako)
Prime: (Ting!) sige po, okay lang po.
Simula noon araw araw na kong pumupunta kela Mamu, tinutulungan ko siyang magbenta, mag ayos ng paninda, minsan kasama niya kong mamalengke. At ang pinaka the best ang yung time na sabay kaming kumakain ni Mark.
Natatandaan ko pa yung unang beses na sabay kaming kumain. Nanonood kami noon ng Show Time. Binagalan ko talagang kumain nung oras na iyon. Nakakatuwa pa ung Ibong ni Darna, kaya ang saya talaga.
Isang gabi habang kumakain ako. Kinausap ako ni Papu.
Papu: sama ka sa syudad sa Linggo?
Prime: saan po?
(pero hindi sumagot si uncle, ang kinausap niya ang si Mamu)
Papu: dai isama niyo si Prime sa Linggo.
Mamu: (sabay baling sakin) pupunta kasi kami sa Linggo sa syudad, bibili ng pantalon si Mark.
Prime: (Ting na naman!) okay lang po.
Dumating na nga ang araw ng Linggo. Nag suot ako nun nag Green TShirt, pantalon saka tsinelas lang. Pag punta ko kela Mamu. Si Mark naka Brown TShirt, pantalon at tsinelas din. Kaya kung minsan mapagkakamalang kambal. Kasi medyo may hawig din kami e. Syempre mag pinsan. haha
Ang saya nung araw na yun para sakin. Magkatabi kami habang kumain. Pati sa taxi ganun din.
Eh naisipan kong lumandi. Nagkunyari akong natutulog. Habang umaandar yung taxi may part ng daan na parang lubak. Kaya bawat lubak na nadadaanan. Unti unti ng nagslide yung ulo ko hanggang sa nakaunan nako sa braso niya. Ang sarap ng feeling. Nung malapit na kami sa bahay...
Mark: Prime gising na, dito na tayo.
So ayun nag kunyari akong nagulat at kagigising lang. Normal na ngiti naman ang iginanti niya. Si mamu naman walang kaalam alam na naabuso ko yung anak niya. Chikadora kasi. Pagsakay hanggang pagbaba chikahan sila nung driver.
Nagsimba naman ako nung bandang alas singko. Bilang pasasalamat na din.
Karamihan sa mga nagdaang araw laging may kilig. Madalas kaming maghati sa mga bagay. Minsan kumuha ako ng kalahati ng itlog. Tapos kinuha naman niya yung kabiyak. Minsan din binigyan niya ko ng kalahati ng apple niya. Gumawa pa nga ako ng kalokohan. Nung nag CR siya nakita ko yung apple niya nakapatong sa may tiles sa kusina. Ayun nilawayan ko yung apple niya. Naalala ko kasi na may ganun daw na paraan para mang gayuma. Pero sinubukan ko lang. Wala naman nangyari. Kadiri lang. Haha.
Yung mga buto ng apple na binibigay niya itinatabi ko at nilalagyan ko ng date. Binigyan na din niya ko ng chocolate. Yun balat nun hinugasan ko muna bago ko tinabi. Baka langgamin e.
Isang gabi naisipan kong ichat si Edelyn. Feeling ko kasi siya yung bestfriend ko. Kaysa sa kanilang lahat. Sa kanya ko nasasabi lahat ng issue tungkol sakin.
Sa FB...
Prime: bakuls..
Edelyn: musta bakuls???
Prime: mabuti. sobrang saya.
Edelyn: baket tungkol na naman kay Mark?
Prime: syempre, kanino pa ba?
Edelyn: miss ka na daw ni Elijah (pang aasar niya)
Prime: sino yun?
Edelyn: naku dati buwis buhay ka makita mo lang siya tapos ngayon gumaganyan ka.
Prime: hindi ko nga siya kilala, nagka amnesia kami ako e. Si Mark na ang crush ko.
Edelyn: arte! so hindi mu na talaga crush si Elijah?
Prime: busog ako e.
Edelyn: daming alam ni bakuls.
Ganyan lagi ang usapan namin. Simpleng kilig moment pinaaalam ko lagi sa kanya. Kaya nga kahit dati Flirt ang tawaga sa akin ng bakulaw na yan.
Sa bahay...
Mama: magkano ba yung naiipon mo kay Mamu, pautang nga? (kasi every week binibigyan ako ng sweldo ni Mamu kaya minsan may pera ako)
Prime: hay naku ayan na naman siya, hindi pa ko binibigyan ni Mamu.
Pero hindi naman totohanan yung mga yan. Saka kahit papano nagbibigay din ako sa Nanay.
Masasabi ko na trained na din ako ng Mama ni Mark sa tindahan. Naiiwanan na niya ko pag kailangan niyang mamili sa city. Kabisado ko na din yung mga uri ng mamimili. Meron mga okay lang kahit ano, yung iba naman pag wala yung brand na gusto nila, bigla nalang aalis. Mayroon din namang hindi ko alam kung sadyang bastos lang o hindi makapaghintay. Kasi naman alam na nung iba na nagbebenta ko. Tapos excited pa, hindi makapaghintay. Nakakairita kaya yung ganon, walang breeding. Owkey, pero kahit papano may motto ako ''i love my Job'' kahit halos lagi kong nakikita yung Crush ko e.
At isa pa, madami din akong Crush, libre lang naman ang humanga di ba?. Sa totoo nga lang may mga code name pa sila. Si Green, Violet, White, Pink, Yellow, Blue, Red, Orange, Black at Brown madami pa nga iyan e. Kasi mababa lang naman ang standards ko. Basta matangkad, maputi, good looking okay na. haha.
Pero medyo angat pa rin si Mark. Hindi ko alam kung bakit. Mag pinsan kami but i don't care. Haha joke lang.
May ilang araw, sunud sunod na mag kamukha yung damit namin. Mga tatlo o apat na beses yata. Hindi ko alam kung sinasadya niya. Pero kung anu man yung dahilan niya okay sa akin yun. Kasi masaya. Nakakakilig.
Ilang buwan na din akong nag lalagi sa kanila. Kaya lang hindi pa din kami close. Ang hinahanap ko lang naman ay isang oportunidad, na magkasama kami. Para kahit papano, ma basag ko ang yelo sa pagitan namin. Kasi aminado naman ako na naiilang pa din ako sa kanya e.
Si Mamu naman kabisado ko na ang mga taktika niya every day. Pag isda ang ulam namin, asahan mo na tatawagin niya si Mark para ipatapon ang bituka ng isda. Minsan naman may mga ''wrongs'' siya, but im the one who always blame. Maliit na bagay lang naman saka hindi ako nag papa apekto, hindi naman ako ang mali. Saka wala lang yun. Natatawa din ako sa kanya minsan, kasi natatapos siya sa mga ginagawa niya ng paganun ganun lang. Basta hindi ko maipaliwanag.
Itinuturing na din niya kong anak. Minsan nag eksaheradang allergy ako. Ayun nag alala siya. Binigyan pa niya ko ng gamot. Ganun din nung kumakati yung allergy ko. Feeling ko tuloy ako yung bana ni Mark tapos siya yung byanan ko ang anak naman namin ni Mark ay yung mga puppy. ilusyonada!
Isang araw...
Normal na araw para sa akin. Nagbebenta ako. Medyo madaming bumili, kaya ayun na reshuffle yung mga paninda nakakairita pa yung mga excited masyado.
Sa wakas okay na wala ng bumibili. Nag rerecord ako nung mga number na loadan. Inayos ko din yung mga paninda na nagulo. May nakita akong isang papel may nakasulat kaya binasa ko, akala ko kasi utang lang.
Nagulat ako nung nabasa ko yung nakasulat. ''helo Praime, pwdi kita mageng fwend ko?'' natawa ako nung nabasa ko yon. Kasi trying hard pa siya magtagalog tapos wrong spelling pa ang name ko. Pero may kasamang kilig ako na naramdaman at kung sino man siya ''thank you'' sabi ko sa isip ko.
Mamu: oh ano naman yang binabasa mo?
Prime: wala po anti, hindi ko alam kung kanino galing
(kinuha niya ang papel at binasa)
Mamu: may admirer ka na naman ah. Sino ba nag bigay niyan bat di mo kilala?
Prime: wala po anti madami po kasing bumili kanina, nung nag ayos po ako nakita ko yan.
Mamu: na busy ka pala bat di mo ko tinawag, kaw talaga.
Prime: okay lang naman po e.
Naging misteryo nga sakin kung sino ang nag bigay nung sulat na yun. Isang araw umalis si Mamu. Kami lang ni Mark ang nasa bahay. At kumakain ako nung time na yun.
Bata: hayo, hayo (means tao po)
tatayo na sana ako pero sabi ni Mark, siya na daw, kumain lang daw ako.
Maya maya...
Mark: Prime oh. (may inaabot na papel)
Prime: ha? Bakit?
Mark: sabi nung bata iabot daw sayo (nakangiti pa siya)
Prime: hala anu to? (maang maangan pero kinikilig
haha)
Pagbuklat ko nung papel...
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment