Followers

Thursday, September 29, 2011

Minahal ni Bestfriend (part 14)

            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING

             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)








WARNING: This post contains explicit scenes and is not suitable for readers below 18.


            Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa pagsasama natin hanggang sa chapter na ito. Maraming salamat po sa pagbabasa at pagsupport sa story na ito.. Hindi ko aakalain na dadami kayo ng ganito. Kaya maraming maraming salamat po talaga. Sana magsama sama tayo hanggang sa huli.

            Muli, ay nais ko pong pasalamatan sila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, ang utol kong si dhenxo, zekie, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! J , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! J), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, wastedpup, mico, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram,  alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din..  at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!),  “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.

             Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. J Love lots!!

            COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!

            ENJOY!!!!!! :)





          Pagdating na padating ko kaila Art ay agad akong bumaba ng tricycle at tinungo ang bahay nila Art. Pero ng makapunta ako dun ay tumambad sakin ang isang nakatayong tao sa harap ng gate nila Art at sa ichura nya tila ay parang may hinihintay din siya..


Si Jenny.

Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay sumenyas lang ito na lumapit gamit ang ulo nya. Dahan dahan ako napalapit at ng tuluyan ng makalapit ay umiling iling ito at yumakap sakin. Unti unti nanamang namuo ang luha sa mata ko. At naramdaman ko na ang pagbagsak nito.

“I was too late….”

Kahit pa nasa gitna ng kalsada ay di ko na napigilan na hindi umiyak. Sising sisi ako dahil di ko sya naabutan.

            Nilinga ko ang bahay nila Art na mas lalong nawalan ng buhay ngayon pang wala na sya dun. Humagolgol ako habang yakap yakap ako ni Jenny. Kung sana mas napaaga lang ang pagpunta ko. Taena….

 Pumara naman ng tricycle ulit si Jenny at inuwi ako samin.

            Habang nsa loob ng tricyle ay humahagulgol ako.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naiinis ako kay Art dahil bakit hindi man lang nya sinabi sa akin na aalis pala sya. Napaka unfair! Hindi ko alam ang sasabihin sa sarili upang kumalma. Hinayaan lang din ako ni Jenny na umiyak ng umiyak.

Pagpasok ng bahay at tinungo agad namin ang kwarto ko. Humiga ako sa kama at dun na nagiiyak ng tuluyan. Umupo lan si Jenny sa tabi ko at umiiyak na rin. Alam nya ang nararamdaman ko kahit di pa ako magsalita.

            Bigla ko dun naalala ang lahat, ang text ni Jenny na “make things right before its too late.” Ang pakikitungo ni Art sakin kahapon. Kaya pala balisa sya at malalim ang iniisip kahit ano pang pagpapasaya ang ginawa ko sakanya. Mas lalo akong humagulgol at nagiiyak.

            “Kung alam ko lang!! TANGINA!!! KUNG ALAM KO LANG!!”, sinisigaw ko sa utak ko habang nagiiyak pa rin. Sobrang sakit at hirap para sakin ang desisyon ni Art na yun. Hindi ko maiwasan na di magkaron ng galit para kay Art. Bigla akong bumangon at sinigawan si Jenny.

            “Bakit hindi mo sinabi sakin??!!!”, pasigaw at galit kong sinabi. Umiiyak pa rin si Jenny. Pero pilit nya kumalma at pinunasan ang sariling luha.

            “Jerry, I tried telling you.. Pero you won’t answer my txts and calls. Lahat kami gumawa ng paraan para masabi sayo, pero naging mailap ka. I’m so sorry Jerry.”, kalmadong sagot nya.

            “He wanted to tell you himself at nirespeto naming lahat yun. He blames himself for everything. I know you don’t blame him.. pero iba sakanya..”

            At dun, mas naguilty ako. Kung sana hindi ako nagpakaselfish edi sana nalaman ko ng maaga. Sana napaghanadaan ko ang araw na to. Edi sana mas bonggang preparation ang ngawa ko sa pagsurpresa kay Art. Pero I guess I was too late. Sa sobrang sakit ay niyakap ko si jenny at sakanya nagiiyak.

            “J-J-Jenny… …ang.. sakit…”

            “I know Jerry, pero be strong.”

            At nagiiayak pa din ako. Hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari. Sana isa lang tong masamang panaginip. Pero hindi ee.. Tunay ang lahat lahat ng nangyayari. Hanggang sa nagpahinga muna ako sa pagiyak at gusto muna kausapin si Jenny. Umupo ako at nagpunas ng luha. Inhale. Exhale. Isang malalim na paghinga. Kinuha ko sa bulsa ang sulat ni Art at inabot kay Jenny at pinabasa ito.

            “I knew about the first letter, kasama ko sya ng ginawa nya yan, nagaayos kami sa bahay nila nun ng mga gamit nya na dadalhin nya papuntang Amerika. Medyo late na nga kami nakauwi ee. Ako sana magbibigay sayo nyan pero sabi ko wag pa din sya mawalan ng pagasa.”

            Natahimik ako at naalala ko ang eksena sa bahay nila Art. Kaya malamang ayaw nya ko papasukin sa kwarto nya ay dahil baka makita ko ang mga gamit nya. Ang sinabi ni Albert at ang pagcut ni Tita Marissa sa anak. Dun ko napagtanto na ayaw nila pangunahan ang anak. Kaya rin pala ganun na lang din ako yakapin ni Tita bago kami umalis.

            “Jenny… may itatanong ako sayo.. Gulong gulo na kasi ako sa mga nangyayari.. Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko….”

            Nagbuntong hininga si Jenny at nagbigay ng isang tingin na tila ay pagod na pagod na.

            “Jerry.. alam mo.. I’ve been helping you figure that out this entire time. At yan din ang tanong na pinakahihintay ko galing sayo.. Pero di ko sasagutin yan. Tutulungan kitang sagutin ang mga yan sa pagtatanong din sayo. Gusto ko sagutin mo ang mga tanong ko sayo.”

            Tumango lang ako.

            “Ok.. Una, bat sa tingin mo nagalit si Philip ng makita ka nya na nakayakap kay Art?”

            “Hindi ko alam…”

            “Jerry, be honest. Kahit ngayon lang.. Please. Di kita matutulungan pag di ka naging honest sa sarili mo.”

            “Jenny, how am I suppose to know? Ako ba si Philip?”

            “Oo, youre not Philip, pero youre not stupid din.”

            Napaisip ako. Alam ko naman talaga ang sagot pero ayaw ko aminin.

            “Hmmm.. baka.. nag.. nagseselos? Pero imposibl..”

            “Oo, nagseselos sya Jerry. Sa wakas! Nagets mo din!”

            Natahimik lang ako. At syempre in shock sa nalaman. Bakit sya magseselos?

            “Bakit sa tingin mo nasasaktan ka ng tuluyan sa pagaaway nyo ni Philip? At bakit ka din nasasaktan ngayon na wala na si Art?”

            “Kasi bestfriend ko sila, at wala na sila?”

            “Jerry, honest sabi.”, medyo tumaas at matigas ang pagkasabi ni Jenny.

            “Jenny…….”

            “Hmmmm??”

            “Mahal daw ako ni Art….?”

            “Alam ko. At alam namin nila Ben. Matagal na.”

            “You knew?”

            “Oo, pero tulad ng sabi ko, I wanted you to figure this out on your own. Tulad ng sabi ko sayo, pakatotoo ka.”

            Speechless ako at nagisip mabuti.

            “Jerry, ano naramdaman mo ng halikan ka ni Art o ni Philip noon? Alam ko nagulat ka sa tanong na to, pero alam ko ang ibang detalye dahil nagsasabi sila sakin.”, pero tahimik pa rin ako. Hindi ko alam ang isasagot.

            “Osige, ganto nalang. Bat sa tingin mo ganyan ang nararamdaman mo? Yung totoo jerry ha.. Yung totoo..”

            Napaisip ako ng malalim. Sinariwa ang bawat alala. Bawat kasiyahan, kalungkutan, sakit at kaginhawaan na nadama ng mga panahon na naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nagisip ako ng malalim. Mas nagdikit dikit na ang lahat ng pangyayari sa utak ko. Ngayon. Sure na ako. Alam ko na kung bakit all this time, eto ang nararamdaman ko. Ito lang pala yun. Ito na pala. Tumingin ako sa mga mata ni jenny at sinabing..

            “Hindi ko alam Jenny”, at napaluha nanaman ako. Nagiiyak.

            “Jerry, if you still continue to deny everything. Hindi na kita matutulungan. Hindi ko kaya if you wont help yourself din.

            “Jenny.. mahalaga sila sakin! Ayaw ko silang mawala sakin! JENNY MAHAL KO SILA!!!!

            Tumango si Jenny sa pagsangayon. Pero nang makita nanaman akong iiyak, e biglang naramdaman ko naman ang kanyang palad na tumama sa mukha ko.

            PPPPAAAAKKKKKKKKKK!!

            “ARAY! Para saan yun?!”, medyo inis kong sinabi kay Jenny.

            “Baka kasi makatulog ka nanaman! Buti naman, narealize mo na ang totoo! Ewan ko ba naman kasi sayo! Ang lakas mo maka tanga! E kung noon ka pa sana umamin dyan sa sarili mo! Edi sana wala tayong problema pare pareho.”

            Nanahimik ako at unti unti nanamang umiyak. Sumasariwa sa isip ko ang nangyari kahapon. Ang pagsurpresa ko kay Art sa bahay nila.. Ang paglabas naming dalawa.. Ang pagkanta ko sa karaoke.. Ang pagnood naming ng sine.. Ang pagiging sweet naming habang kumakain.. Ang mga nangyari dito sa bahay.. Ang mga yakap at halik.. Tangina.. Ang sakit..

            “Jenny, alam mo ba yung feeling na katatayo mo palang, e babagsak ka na uli? Jenny, Akala ko, finally, things are going well. Unti unti nang maayos ang mga bagay sa buhay ko.. Things are finally falling to its proper place. Pero I thought wrong. I didn’t see this coming.”, pagmamaktol kong sinabi kay Jenny..

            Natahimik si Jenny at hindi agad makapagsalita. Tinitingnan lang ako nito at inaamo ako. Hanggang sa nagsalita ito.

            “Jerry, sa unang pagkakataon, di ko alam ang sasabihin ko sayo….”

            “Ganto pala kasakit ang magmahal Jenny..”

            Sa wakas, natauhan na rin ako. Sa tinagal tagal ng panahon, naamin ko na rin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. After ng ilang chapter nyo na pagbabasa ay ngayon ko lang naamin sa sarili ko na nagmamahal pala ako. Ang tagal ko nasa denial stage at eto ang humantong.Wala na si Philip.  Wala na si Art……. :( Sad.. pero totoo….


            Sa natirang isat kalahati pang bwan na bakasyon ay nagkulong lang ako sa bahay. I chose to go through with it alone. Masakit at mahirap. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang nangyari sakin noon sa sakit. Nawalan ako ng gana lumabas, kmain, at makipag socialize.. In short, broken hearted ako..


           



            Nagsimula na uli ang classes namin para sa 4th year. Hindi ko man sure kung paano ko pa rin haharapin ang bukas ngayong naamin ko na sa sarili kong mahal ko si Art.. Pero wala na sya. Wala ng susundo sakin sa umaga, wala ng babati sakin ng umaga ng isang napakasiglang “Good Morning!”, wala ng mangungulit sakin pagupong pag upo pa lang, wala ng mangaasar at magpapatawa sakin, wala na kong kasabay umuwi. Nakakadepress..

            Nagsimula ang unang linggo ng klase at ako’y naghihintay pa rin ako kay Art. Baka kasi mag late enrollee lan xa. Pero mukhang bigo ata ako. Di ko tuloy maiwasang maghinayang sa sinayang kong pagkakataon. Malungkot ang naging simula ng taon ko. Bigla ko tuloy namis ang unang araw ko sa klase last year. Napakaraming masayang alala ng mga araw nay un. Lahat kasi bago sakin. Bagong kaklase, bagong kaibigan, bagong pagtuklas sa sarili. At ganun din naman ngayon, kaso ibang iba. Bagong kalungkutan, kasawian, at problema.

            Pilit kong di isipin ang lahat ng kalungkutan na nadarama at nag focus na lang ako sa studies ko. Total, graduating na ko this year kaya kailangan mas pagbutihin ko. Pero alam nyo, sa kabila ng lahat ng yun, masakit at mabigat sa loob ko ang lahat. Araw araw ay namuo ang galit sa puso ko. Galit para kay Philip kasi pakiramdam ko wala syang kwentang kaibigan. At ang kay Art naman ay dahil bigla nya kong iniwan. He had the chance to tell me pero bakit hindi nya ginawa? Iiwan din pala nya ko. Parehas lang sila ni Philip.

            Nagbago ang paguugali ko nung 4th year, naging babaero ako at nagkaroon ng ilang girlfriend. Madalas man ako pagsabihan ni Jenny ay minsan ay nababalewala ko na ito.  Gumawa ako ng bagong ako. Mas matatag, mas matapang, at mas buo ang loob. Kung kani kanino ako nakikipagdate. Mapababae man o lalake. Yung iba pa nga ay inuuwi ko sa bahay. Though wala pa akong inuwing lalake sa bahay para maka sex. Ewan ko, pero ayaw ko pa rin. Hanggang flings and flirts lang ako. Unti unting tumitigas ang puso ko. Nakalimutan ko na si Philip at si Art, dahil napalitan na ng galit lahat. Nakakalungkot mang isipin, pero totoo. Naglaho na ang pagmamahal na nararamdaman ko para sakanila.


Tapos ang storya.


Syempre hindi pa. Pero totoo, nawala na ang pagmamahal ko para sakanila. Pakiramdam ko naman kasi hindi ako pinahalagahan. Or kung ako man ang hindi nagpahalaga, basta ang isip ko nun, iniwan ako. Tapos.

Dumaan ang halos isang bwan at walang Art na nagpakita. Dala ko pa rin ang sakit at kirot sa puso ko. Pakiramdam ko nagiisa ako. Oo, sige, andyan ang mga kaibigan ko, pero alam nyo ang pakiramdam ng pag nagmamahal kayo diba? Hindi madali isang tabi ang lahat ng sakit.

Dumaan uli ang botohan at victory party. Naalala ko ang kaganapan last year na inlove ako at excited dahil may girlfriend ako at nagmamahal ako. Ngayon, may girlfriend ako, si Joyce, pero di ko sya maseryoso. Pangit man pakinggan, pero totoo. Puno ng pagkabitter ang utak at puso ko. Ayaw ko na masyado maging emotionally attached dahil ayaw ko ng masaktan! Masisi nyo ba ko kng ganun?! Two people at almost the same time ang nanakit sakin. How could I easily cope with that? Yes, I’m a strong person, pero remember, even strong people grow tired and weak.




Dumaan pa ang araw at panahon at ganun pa din ang sistema ko. Bitter sa mundo at sa love. Hindi ako pumapasok sa isang seryosong relasyon. Usually ay papalit palit na ko ng girlfriend at kadate. Hindi na ata nagustuhan ni Jenny ang pinaggagawa ko, kahit sino naman yata. Pero she remained a friend to me. So gumawa sya ng way para matulungan ako.

Isang araw sa school habang nag P.E kami…..

“Jerry, samahan mo ko mamaya ha.”, sabi ni Jenny.

“Saan tayo pupunta? May date ako mamaya.”

“Pagbigyan mo naman ako?? PLEASE??”, nakangiti at pagpapacute nyang sinabi. Hindi na tuloy ako makatanggi. Sa lakas din ba naman ni Jenny sakin.

“Osige sige. Payag na ko. Pero san ba?”

“Yehey! Basta! Later!”, nakangiti nyang sinabi.

Natapos na ang klase at naglakad na kami ni Jenny. Papunta sa school gym. Ano ginagawa namin dito?! Nakita ko ang grupo ng kalalakihan at kababaihan na naka jogging pants at rubber shoes. Ano meron?

“Magttry out ka ha!”, nakangiting sabi ni Jenny.

Napanganga lang ako sa sinabi nya.

Oo nga pala! Member nga pala si Jenny ng pep squad. Kaya naman sexy at malakas ang dating din nito dahil isa sya sa mga hottest cheerleaders ng school. In fact, sya ang captain ng high school division.

“Magttry out ka ha!”. inulit nyang sinabi sakin.

“Gago ka ba? Bat ako papasok dito?”, tugon ko kay Jenny.

“Jerry, bes, pagbigyan mo na ko. Hmmm.. Namimis na din kasi kita kabonding. Eversince school started, alam natiin pareho na nagbago ka. And as ur friend, iniintindi ko yun. Pero at the same time, gusto pa din kita tulungan.”

“Pero Jenny…………. PEP SQUAD??!!”

“You trust me, right?”

“Oo naman.”, tanging tugon ko.

Hindi ko alam kung anong parte ng pagtulong ni Jenny ang pagsali ko sa pep squad. Hindi ko kasi maconnect. Ano naman kinalaman ng pep squad sa pagbabago ko? At pano yun makakatulong? Napakamot ako sa ulo at hindi ko maintindihan. Pero sa laki ng utang na loob ko kay Jenny ay napapayag na rin ako.

Pumunta na kami sa grupo at pinakilala nya ko isa isa sa mga tao dun. Yung iba ay kakilala ko dahil nakikita ko na sa school. Mga kaibigan din ang iba, kaso di masyado close. Nakilala ko rin ang mga college na iba dahil nga friendly ako DATI. Pinakilala din ako sa coach, si Gabriel or Gab for short. Bata pa sya di tulad ng inaasahan ko na coach. Isip ko kasi pag coach, matanda na. Pero ito, apat na taon lang ang tanda nya sakin. Hindi sya katangkaran, pero gwapo sya. Makapal ang kilay, matangos at maliit ang ilong, manipis ang labi, at napaka pungay ng mga mata. Una kong naging reaksyon sa isip ko nung nakita ko sya ay, “Hmm, mukha syang pusa.”

Hindi naman sa pagmamayabang, pero marunong din ako sumayaw. Dancer din kasi ako nung elementary. Active ako sa mga programs at madalas ay ako pa ang leader. Sanay din ako magturo ng sayaw dahil kami kami lang din ang bumubuo ng step. At isa pa ay mahilig na talaga ako sa musika bata pa lang ako. Kaya mabilis ako maka pick up ng steps at makasabay agad. At dahil dun, natanggap ako.

At yun na nga ang naging sistema ko. After school ay nagprapractice na ko ksama si Jenny sa pep squad. Unti unti ko ding di napansin na bumabalik na ang dati kong sigla. Nawawala na ang pagkabitter ko sa mundo. Nakahanap ako ng bagong pagibig: Ang Pagsasayaw.

Nawala na rin ang pagiging maloko at babaero ko. Mas nakafocus na rin ako sa studies ko. Hindi ko napansin na pag gising ko na lang isang araw, umayos at bumalik na uli sa normal ang buhay ko. Salamat ULI kay Jenny.

“Bes, salamat ha.”

“O anong drama yan?! Salamat saan?”

“Sa lahat. Dito. Tinulungan mo nanaman ako.”

“Nako Mr. Jerry Cruz, ewan ko nga din ba, bat kita pinagtyatyagaan. Hahaha! Siguro kasi Ive always wanted a little brother.  And mabait ka naman.”

“Ang laki ng naitulong mo sakin Jenny.”

“Bes, alam mo masaya ako kasi nakikinig ka sakin. At natutulungan kita. Kaibigan mo ko diba? BESTFRIEND! So, role ko na tulungan ka at wag ka iwan. Kung di ko gagawin yun, then I must say na failure ako sa pagiging kaibigan.”

Niyakap ko lang si Jenny sa sobrang thankful sa kanya. Hindi ko alam kung pano sya lubos pasasalamatan sa kabaitan nya sakin. Tunay syang kaibigan. (To all the readers, gusto ko lang sabihin sa inyo na jenny was a real good friend. She helped me in a lot of ways. At sya ang takbuhan ko hanggang ngayon. We are still bestfriends hanggang ngayon. :p )

“Ang drama naman! Pinaiiyak mo ko ee! Tara na nga! Stretching na!”

Naka isang bwan na kami sa school at mas humihirap at dumadami pa ang projects namin. Pero okay lang, ugali ko kasi na gawin agad ang project at ayaw ko natatambakan. Kahit pa may training ako at gabi na naatatapos ay hindi ko pinabayaan ang pag aaral. Kaya naman ginawa kong negosyo ang pag gawa ng project ng iba. Ang dami kasi saming tamad na gumawa or sadyang di daw kayang pagsabay sabayin lahat. Lalo na ang mga reaction papers, book reports, at essays. Forte ko kasi nun ang pagsusulat ng ganun. Kaya ayun, kumikita ako sa mga kaklase kaya nagkakaroon ako ng pang gimik.

Binigyan kami ng book report at illustrative Art isang araw ng teacher namin. Mukhang pagkakaperahan ko nanaman ito. At tama ako, marami kasing hirap sa pag gawa ng book report. Kaya hapon pa lang ay mga nagpareserve na agad.

Pag uwi  ko ng bahay ay sinimulan ko na agad ang akin. Nagkataon kasi na nabasa ko na ang librong pinapabasa samin ng teacher naming kaya mabilis kong natapos yun. Kaya sinimulan ko naman ang isa ko pang project, yung art. Kinuha ko sa cabinet ang materials ko sa pagddrawing at nilapag sa lamesa. Sisimulan ko n asana ng bigla kong naalala si Philip. Naalala ko kasi, dati, sya ang usually na gumagawa nun para sakin. Magaling kasi silang kambal sa pagddrawing talaga. Naalala ko ang lahat ng masayang memories namin. Hindi ko alam bakit nararamdaman ko nanaman yun. Dahil ba wala na si Art at si Philip ang nakikita ko sa school? Pero di naman kami naguusap ni Philip ah.. Kahit pa nagkikita kami sa school at nagkakatinginan minsan ay never na kami ulit nagusap. Nawalan tuloy ako ng ggumawa ng project. Kaya niligpit ko na lang muna ang gamit at pumanik na sa kwarto.

Isang gabi ng matapos ang training naming ay agad akong umuwi. Medyo pagod at antok na kasi ako. Buti na lang tapos na ko sa mga book report na pinagawa sakin. Matagal pa naman ang pasahan nung sa art kaya sa susunod ko na lang gagawin. Sabay kaming umuwi ni Jenny dahil malapit lang din ang bahay nya sa amin. Pagkadating ko sa may sakayan ng tricycle sa amin ay naisipan ko maglakad. Gusto ko kasi dumaan dun sa tapsihan sa amin para dun na lang kumain ng dinner at tinatamad na ako magluto. Kaya naman naglakad na lang ako at nagtake out ng pagkain.

Naglalakad ako at natatakam sa biniling liemposilog dahil naamoy ko ito habang naglalakad. Mas binilisan ko ang paglakad dahil mas lalo akong ginugutom sa amoy. Pero di ko lubos akalain na pagdating ko sa kanto naming ay matitigilan ako sa paglalakad. Sa harap ng bahay ko mismo, ay may nakatayong lalake. Sa tikas at pagkatayo pa lang nito ay kilala ko na sya agad. Kahit pa naka side view ito ay alam ko syang yun. Hindi ako maaring magkamali. Alam ko sya talaga yun kaya kinabahan ako.

Hindi ako agad naglakad papunta sa amin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong iisipin. Ang dami kong tanong sa sarili. Bakit sya andito? Anong ginagawa nya? Bat sya naghihintay sa harap ng bahay ko? Ano to? Nalilito ako. Anong ginagawa mo dito……….

Philip??????!!!!

(Itutuloy...)

Wednesday, September 28, 2011

Torn Between Two Lovers? xvii


            Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.

            Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)

            Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
             PEBA ENTRY - PANTALAN
             http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html


            Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
             PEBA FB PAGE
             http://www.facebook.com/PEBAWARDS

             Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
             PEBA PIC ENTRY
             http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater


             Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
             POLL VOTING


             Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)




Bawat araw simula nang maging official ang relasyon namin ni Arnel ay labis na nagpapasaya at nagpapakulay sa araw ko. Maging sila Febbie at Xyza ay ganap na napapansin ang kakaibang ligaya na dulot nito sa akin.

“Huy girl, blooming ka. Ano bang meron?” Tanong ni Febbie.

“Huh? Wala naman.” Pagtanggi ko.

“ Hindi nga? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang katotohanan? Ano pa’t naging girl friends mo kami kung di mo kami pagkakatiwalaan.”

“Seryoso, wala ito.”

“Hindi ka ata talaga namin mapapagsalita. Anyway, musta na kayo ni Francis?” Tanong ni Xyza.

Bago ako nagsalita ay tiningnan ko muna kung okay na ba ako sa nangyari sa pagitan namin ni Francis. Maging ako ay nagulat dahil wala na akong maramdamang hinanakit. Maaaring nagawa ni Arnel na pahupain ang anumang maling nararamdaman ko kay Francis.

“We’re through.” Simple kong tugon.

Napatango-tango na lang si Xyza waring nahulaan na kung anong nangyari sa amin.

“Anong ibig mong sabihin Dhen?” Takang tanong naman ni Febbie.

“Gaga ka talaga. Ang slow mo, ibig sabihin nun wala nang Francis-Dhen love story!” Nag-roll eyes pa si Xyza matapos magsalita.

“Bakit Dhen? Anong ginawa mo?” At hindi napigilan ni Febbie alugin ako.

“Hey wait!” At inilayo ko si Febbie. “Wala naman akong masyadong ginawa, itinigil ko lang ang pagkahibang ko sa kanya.”

“Ibig sabihin, binasted mo siya?” Ewan ko lang kung nagets na ba ni Febbie.

“Sige sabihin na nating binasted ko siya.”

“Pero bakit? Bakit???” Mukhang tanga nitong sabi sa akin.

“Febbie, OA much!” Sabi ko rito.

“Okay. Seryoso bakit nga?” Ayaw talaga papigil nito.

Kita ko naman kay Xyza ang kagustuhan nitong saktan na si Febbie ngunit nagpipigil ito nang sobra. Ngunit pinili ko na lang na ikuwento ang lahat kay Febbie para matigil na ito. Mula sa pag-aaway naming dalawa nung birthday ng tatay ni Arnel hanggang sa naging sagutan namin ni Jie sa may labas ng CR.

Nagtaka kami ni Xyza nang biglang lumakad palayo si Febbie. Nagulat kami sa sumunod nitong ginawa.

“Huy girl, tama na yan! Tapos na!” Habang inaawat ni Xyza si Febbie.

Kita ko naman na halos maiyak na si Jie matapos itong sugurin at sampalin ni Febbie. Nakaramdam naman ako nang awa rito.

“Jie, you should go now. I’m sorry sa ginawa nang kasama ko sa iyo.” At tumalikod na ito sa amin at lumayo.

“Masyado kang impulsive! Nanunugod ka agad. You should have acted just.” Pangangaral ko rito.

“Ang kapal kasi nang mukha niya eh!” Nanggagalaiti pa rin nitong sumbat.

“Tumigil ka na sabi eh. Sasampalin kita pag di ka huminto.”

Dahil sa sinabi ko ay biglang umayos si Febbie.

“Girl, masakit ang masampal.”

“Exactly my point.”

Tatawa-tawa naman si Xyza habang pinapanuod kami. Patuloy pa rin ako sa pangangaral kay Febbie at tila nag-eenjoy talaga si Xyza sa nakikita niya sa amin. Para namang bata ang hitsura ni Febbie na kinagagalitan ng kuya.

“Ahm Dhen.” Biglang awat ni Xyza.

Napatingin ako rito at nakitang may inginunguso ito sa likuran ko.

Parang nag-slow motion ang lahat sa ginawa kong paglingon. Naka-uniform ng pang-Criminology si Arnel na lalong nagpatikas dito habang lumalapit sa amin.

“Hi hon!” Bati nito sa akin.

Naghatid iyon ng isang libong kilig sa akin. Napanganga naman ang dalawa sa narinig nila.

“Did we just hear you call him hon Arnel?” Tanong ni Febbie.

“Hindi pa ba niya sinasabi sa inyo?” Nasabi nitong nakangiti.

Umiling si Febbie.

“Hmmm, now we know! Kelan pa?” Si Xyza naman ang nagtanong.

“Last week lang.”

“Kaya pala. May dilig na kasi kaya blooming na.” Gatong pa ni Xyza.

“Gago kayo!” Na hindi ko na napigilang mag-blush.

“Naku si Dhen nag-blush!” Pang-aasar pa ni Febbie.

“Tse! Tumigil na kayo!” Saway ko rito.

“Naku, tama na yan. Masyado nang namumula tong mahal ko.” Sabay akbay sa akin.

“Ayyyiiiiieeee!” Sabay pa na reaction ng dalawa.

“Ang sweet niyo naman!” Dagdag pa ni Xyza.

Patuloy lang kami sa pagkukulitan kasama si Arnel nang mapadaan kami sa may canteen. Naisipan naming bumili nang makakain habang nagkukwentuhan. Maya-maya pa ay may lumapit samin na hindi ko inaasahan.

Tiningnan ko lang si Arnel.

“Sige na, talk to him.” May pagpayag na sabi nito.

Lumayo muna ako pansamantala sa kanila. Nasa hotseat si Arnel sa tingin ko dahil dinig kong panay ang tanong nila sa naging development ng status namin.

“Kuya, I’m sorry for all the wrongs I caused you.” May sincerity nitong sabi sa akin.

“Wala na sa akin iyon Francis. I’m just glad that you did kasi mas nalaman ko kung sino ba talaga ang mas gusto ko.” Hindi ako nanunumbat pero yun talaga yung gusto kong sabihin.

“Pinapatawad mo na ako kuya?”

“Matagal na. Let’s just move on, continue with our lives and act as if nothing happened.” Sabi ko rito.

“Sige kuya. Napakabait mo talaga.” Bumakas naman dito yung ngiting bumihag sa puso ko.

“Anyway, how are things between you and Jie?” Pag-iiba ko sa usapan.

“Inaayos na po namin yung nangyaring gusot sa pagkakaibigan namin.”

“That’s good. So this time ba pwede na bang magkaroon ng romance sa inyo?”

“Malabo kuya.”

“Bakit?”

“Hindi ko kasi kayang i-reciprocate yung nararamdaman niya eh. Hanggang best friend lang talaga kaya kong ibigay.”

“Ah I see. Anyway, friends?” Sabay lahad ko nang kamay sa kanya.

Magiliw naman niya itong tinanggap. Nagkakuwentuhan pa kami saglit ng napagdesisyunan nitong magpaalam na.

“Mukhang everything’s flowing smoothly ah.” Nang lumapit ako kay Arnel.

“Yeah right hon. Masarap sa pakiramdam na maayos na lahat ng gusot ko.” Sabi ko rito.

“Glad that you’re happy, at least, we can focus with each other na since all’s well.”

Tumango lang ako rito.

“Aray!” Biglang sabi ni Xyza.

“Oh girl napano ka?” Nag-aalalang tanong ni Febbie. Napatingin naman kami kay Xyza.

“Andami kasing langgam dito. Grabe ang lalaki pa!” Sabi nito.

Hinanap naman ni Febbie yung mga langgam.

“Girl, wala naman akong makita. Niloloko mo lang ata ako eh.” Sambit nito.

Natawa tuloy kami ni Arnel sa ginawa ni Febbie. Kahit kailan talaga si Febbie napaka-slow. Patuloy lang kami sa pagtawa samantalang panay naman ang palo ni Febbie kay Xyza dahil wala naman daw itong nakita.

Sobrang thankful talaga ako sa mga kaibigan kong ito. Balance na balance ang kakiyan ni Xyza, pagiging slow ni Febbie at ang pagiging seryoso at emotero ko. One thing in common samin? Wala.

Days are passing by at okay naman ang naging takbo nang relasyon namin ni Arnel. May ilang tampuhan at hindi pagkakaunawaan ngunit nagagawa naman naming ayusin iyon bago pa man lumala. Hindi rin lumilipas ang isang araw na hindi namin pinag-uusapang maigi yung naging problema.

Isang araw, nag-aya si Arnel ng date. Siyempre agad naman akong pumayag since wala rin naman akong lakad nung araw na pinili niya. Excited ako na parang natatakot kasi baka kung ano na namang kagaguhan ang pasukin namin.

“Saan ba tayo pupunta this time?” Tanong ko.

“Basta.”

“Ayan na naman yang basta mo eh.”

“Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Meron kaso nga lang yung last time na pinagkatiwalaan kita eh dinala mo ako sa venue nang reception ng kasal and you pretended na kakilala mo sila.”

Dahil sa sinabi ko ay natawa ito. Halos mamula na ito sa kakatawa.

“Sige tawa ka pa. Kulang pa yan. Laugh your heart out.”

Nang mahimasmasan ito ay saka lang muling nagsalita. “Trust me, hindi ko na ulit gagawin yun.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“So, ready?”

“Very much ready.”

“Then, hop in.” Utos nito.

Umangkas na ako agad sa motor niya.

Bago kami tumuloy sa ‘date’ namin, dumaan muna kami sa grocery store para bumili nang pwedeng kainin. Puro finger foods ang pinagkukuha niya.

“Date ba talaga ang trip mo o picnic?” Tanong ko rito.

“Date siyempre.”

“O eh bakit andami mong binibiling curls tsaka biscuits?”

“Basta, stay put ka lang diyan.”

“Okay. Hey wait, kuha lang ako nang softdrinks.”

“Sige, then, kuha ka na rin ng water.”

“Sure.”

Matapos naming mag-grocery eh tumuloy na kami sa pupuntahan namin. Just imagine na habang papunta kami sa lugar na sinasabi niya sakay ng motor, bitbit ko sa isang kamay yung supot na may lamang softdrinks at water at sa kabila naman yung mga curls.

Mukhang nafo-foresee ko na kung saan kami pupunta. Isa ito sa mga famous spots sa lugar namin in which lagi siyang dinadayo tuwing Mahal na Araw.

“Sa shrine tayo punta?”

“Yup.”

“Sige, maganda nga roon.”

“I know tsaka mas makakapag-usap tayo nang wala masyadong nakikialam.”

Ilang minuto pa ang lumipas at andun na kami sa lugar. Pinili namin yung cottage sa may ibaba nang burol. Pagkababa nang mga gamit, agad ko nang tinahak ang daan paakyat sa Stations of the Cross. Napaka-holy nung place kasi kahit saan ka lumingon may makikita kang imahe nang mga tauhan sa bibliya.

Nang marating ko ang tuktok, pumwesto ako sa may malaking statue ni Jesus. Siyempre, konting picture taking. May pagka-vain kasi ako sa pictures kaya naman lagi niya akong kinukuhanan kahit sa paglalakad ko.

Maya-maya pa ay lumapit ito sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

“Dhen, sobrang saya ko na finally nakuha na rin kita.”

“Ako rin. Masaya ako kasi hindi ka nagbago sa akin.”

“Ewan ko nga ba eh. Antagal ng panahon na naghintay ako. Andami na ring mga babaeng dumaan sa buhay ko pero hindi ko sukat akalain na ikaw pa rin pala ang itinitibok ng puso ko.”

“Pero Len, bakit nga ba ako ang pinili mo?” Tanong ko rito.

“Siguro, cliché nang maituturing ito pero kasi I can see in you yung mga characters ng taong gusto kong makasama habang buhay.”

“Like?”

“Basta.”

“Bakit nga?” Pangungulit ko.

“Andami mo naman tanong eh. Basta mahal kita yun yung mahalaga.”

Tumahimik na lang ako.

“Eh ako bakit mo ako minahal?” Tanong niya sa akin.

“Siguro kasi ikaw lang yung nag-iisang lalaking nakipagkaibigan sa akin nung first year. Alam mo naman na mga babae ang barkada ko pero pinilit mong makipaglapit sa akin kahit na ilang beses kitang itinulak palayo.”

“Naalala ko yan. I remembered how you yelled at me pag kinukulit kita.”

“Yep, kasi honestly natatakot ako, na baka pag kinaibigan kita at maging close tayo, sa sasabihin ng iba sa atin. Pwede ka kasing biglang lumayo sa akin dahil lalaki ka at ang lalaki ay ayaw sa mga kagaya kong mahinhin.”

“Sa totoo lang naisip ko rin yan.”

“See?” Sabi ko rito.

“Pero I persisted kasi alam kong mabuti kang tao at magiging magkaibigan tayo. Akalain mo bang magiging best friend pala kita.”

“Kaya nga eh. Tapos naalala ko inaway mo yung isang kaklase natin nung sinabihan niya akong bakla. Nakakatuwa kayo noon pero syempre napahiya ako nang sobra.”

“Alam ko yun kaya nga nanligaw ka nang babae noon para patunayan sa kanilang hindi ka bakla.” Sabi nito sa akin.

“Tama.”

“Naging kayo ba ni Jenalyn?”

“Hindi eh. Malaki ang chance ko na maging gf siya sa totoo lang.”

“O anong nangyari?”

“Naalala mo ba nung umiiyak siya after namin mag-usap?”

“Huh? Hindi ko alam yun ah. Kuwento mo nga?”

“Yun nga, after class nung hapon kinausap ko siya. Binibiro pa nga kami nang mga kaibigan niya kasi first time kong ginawa iyong ipaalam siya sa mga kaibigan niya.” Napatahimik ako.

“Then?”

“Nung nagkasarilinan na kami, sinabi ko sa kanyang hindi ko na itutuloy yung panliiligaw ko. Nagulat siya at nagtanong. Ang nasabi ko lang sa kanya gusto ko siya pero mas maiging maging magkaibigan na lang kami. Hindi matanggap ng pride niya yung sinabi ko kaya naman nasampal ako. Umalis siya nang umiiyak.”

“Bakit mo ginawa yun? Maganda rin siya tsaka honestly I’m looking forward na magkakatuluyan kayo. Gulat nga ako na biglaang hindi na kayo nagpapansinan.”

“Yun nga yung dahilan kung bakit ayaw na niya akong kausapin. I insisted na kahit yung friendship na lang yung i-save namin. Sayang kasi yung naipundar na naming pagkakaibigan.”

“Pumayag naman siya?”

“Oo.”

“Bakit mo nga ba hindi itinuloy?”

“Dahil may mahal akong iba.” Sabay harap sa kanya.

“Ako siguro yun nuh?” May pagkamayabang nitong sabi.

“Gaano ka naman nakakasigurong ikaw nga yun?”

“Basta feeling ko lang.”

“Asa ka naman na ikaw yun.”

“Hindi ba ako yun?” Kita ko naman ang paglungkot ng mukha nito.

“Uto ka talaga! O siya tara na medyo gutom na ako.” Pag-aya ko rito.

Ayaw man lang niya kumilos para bumaba. Hinila ko na lang siya para makakilos na pero parang wala na talaga sa mood..

“Pag hindi ka gumalaw diyan makikipaghiwalay ako sa’yo.” Pananakot ko rito.

Parang bigla naman itong natauhan.

“Aba, ang bagal mo dalian mo nga riyan baka mawala yung pagkain natin.” Sabi nitong bigla.

Natawa naman ako sa kanya. Isip-bata pa rin talaga.

Naghabulan kami pababa nang grotto. Kala mo mga batang paslit kami kung umasta. Nariyan yung nagtatayaan kami, o kaya naman ay aastang iaangkas niya ako sa likuran niya.

Nang marating namin yung cottage, agad kaming nagpahinga. Makalipas ang ilang sandali, nagsimula na kaming magmeryenda.

“Hon, huwag mo buksan lahat huh.”

“Sure, hindi ko naman kayang ubusin lahat ito eh.” Sagot ko.

“Maya pala samahan mo ako roon sa kabilang parte.”

“Bakit? Anong mayroon doon?”

“Makikita mo rin mamaya.”

Nakailang kuwentuhan pa kami at lambingan sa cottage nang maisipan na naming puntahan yung sinasabi niyang lugar. Habang tinatahak namin yung madamong daan, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil baka may ahas na biglang tumuklaw sa amin. Sabi niya naman na wala raw ahas doon kaya huwag akong mag-alala.

Ilang sandali nang paglalakad at natunton na rin namin yung gusto niyang dalawin. Namangha naman ako sa nakita ko. May mga kubo na andudun at may mga settlers. Lahat sila ay nakatingin sa amin.

Lumapit pa kami at bumati sa mga ito. Malugod din naman silang bumati pabalik sa amin at nakakapagtakang kilala nila si Arnel. Napag-alaman ko na madalas silang dalawin ni Len pag may pagkakataon para makipagkuwentuhan at mangumusta.

Maya-maya pa ay inabot na ni Len yung mga dala naming pagkain at inumin sa kanila. Doon ko lang nakita yung soft spot niya na iyon. Nang may pagkakataon, tinanong ko sa kanya kung alam ba nang mga parents niya yung pinaggagagawa niya ngunit hindi raw. Ako pa lang daw ang nakakaalam nun.

Patuloy lang ang kuwentuhan namin ng may biglang nagtext sa kanya. Kita ko naman ang biglaang pagbabago nang itsura nito.

“Len, are you okay?”

“I’m not.” Seryoso nitong tugon.

Dahil sa nalaman ay agad na kaming nagpaalam sa mga ito. Nang makalayo ay kinausap ko itong muli.

“Anong problema?”

“We needed to go back home now.” Ramdam ko naman na mukhang mabigat yung laman nung text sa kanya kaya naman tumango na lang ako.

“Whatever happens, I’ll be here for you.” Pag-alo ko rito.

Sinubukan nitong ipakita sa akin na kaya niya sa pamamagitan ng pagngiti. I gave him a reassuring kiss.

Umangkas na ako sa motor nito pabalik sa kanila. Habang nasa daan ay hindi ko magawang magbukas ng topic. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat kong sabihin para mapagaan man lang iyong loob niya. Gusto ko siyang tulungan pero paano?

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Tahimik sa loob. Nakaramdam ako nang hindi magandang pangyayari habang papalapit kami sa pintuan. Pagpihit pa lang niya nang door knob, kumabog na parang tambol ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Sumalubong sa amin si tita.

“Andun yung tatay mo sa may kusina. Kanina ka pa hinihintay.” Sabi nito.

“Good evening po tita.” Bati ko rito.

“Good evening din Dhen. Halika samahan mo ako mag-ayos ng mga kahoy sa likod.”

“Sige po. Sunod ako.” Sabi ko kay tita. Hinarap ko ulit si Arnel. “Hon, kaya mo yan. Andito lang ako sa likod mo.”

Tumango lang ito kaya tumuloy na ako sa likuran.

Gusto kong makinig sa magiging pag-uusap nila pero nakakahiya kasi kay tita kaya naman pinili kong huwag muna. Kasalukuyan naming inaayos yung mga nagkalat na kahoy ng makarinig kami nang malakas na kalabog mula sa kusina.

Napahangos kami agad ni tita roon para tingnan ang mga nagaganap. Pagdating namin ay kita ang nakabagsak na upuan na siyang lumikha nang ingay.

“Hindi ko maisip na pumatol ka sa isang bakla! I’m so disappointed in you!” Sabi ni tito kay Arnel.

Kita ko naman ang pagpipigil ni Arnel na sumagot. Nang biglang mapatingin si tito sa akin. Nanlilisik ang mga tingin nito na wari mo’y kikitil ng buhay.

“Bakit mo ginawa sa amin to? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo??? I haven’t seen this coming dahil hindi ko binigyang pansin yung sweetness niyo dahil ang tingin ko mag-best friends lang kayo! Kung nalaman ko lang sa umpisa pa lang, pinigilan na kitang lumapit sa anak ko! ” Paninisi ni tito sa akin.

Hindi ko magawang sumagot dahil nahihiya ako. Lumapit ito sa akin

“Andami nang naging girl friends ni Arnel at lahat iyon ay magaganda, matatalino at galing sa mga respetadong pamilya kaya naman tuwang-tuwa ako sa bawat babaeng dinadala niya. I have high hopes para sa kanya na itataguyod niya ang apelyido namin pero nawala lahat dahil sa kalandian mo!” Patuloy nito.

“Tito, I-I didn’t mean to fall sa anak niyo po. It came unexpectedly.” Mahina kong sagot dito.

“Tangina! Sasabihin mo ngayong unexpectedly? Kahit kailan expected na sa inyo ang manglandi nang mga lalaki. Para ano? Para gawing mga kagaya niyong mga salot sa lipunan!” Humarap ito kay Arnel. “What happened to Jessa? Bigla mo siyang tinapon dahil sa bakla na iyan?”

“Minahal ko si Jessa. Totoo napakaganda niya and she’s the perfect girl at mother ng magiging anak namin pero hindi ko na siya kaya pang lokohin. Marami pang mas babagay sa kanya, higit pa sa akin.” Malumanay na sabi nito.

“You’re a disgrace to the family!” Na may kahalong panduduro kay Arnel.

Hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Maging si tita ay pinipigilan na mapaiyak.

“Ako na nagsasabi sa inyo na itigil niyo na ang kalokohan niyo dahil kung hindi mapipilitan akong ipatapon ka sa kapatid ko sa Mindanao.” Sabi nito kay Arnel sa malumanay na boses.

“Hindi mo pwedeng gawin sa akin yan! Matanda na ako! I know now what is best for me at hindi mo ako mapipigilang gawin kung ano yung nakikita kong tama!” Biglang sumbat na nito sa ama.

“Tama? Kailan pa naging tama na ang lalaki ay pumatol sa isang bakla? Sige sabihin mo sa akin!” Nanggagalaiti nitong sumbat kay Arnel.

“Nagiging mali lang ang ito sa mga kagaya mong makitid ang takbo nang utak at walang ibang inalala kundi ang sariling pride at kaligayahan!”

Dahil sa sinabi ni Arnel ay sinugod ito ni tito at sinuntok. Napatumba naman ito sa lakas ng impact. Inawat ni tita si tito samantalang inalalayan ko si Arnel.

“Len tama na.” Pagmamakaawa ko rito.

“No Dhen. Kailangan kong manindigan.”

Tumayo ito.

“You were never a father to me. All this time, iniisip mo na isa kang perpektong ama sa aming mga anak mo pero nagkakamali ka! Hindi ko makitang isa kang ama sa akin!”

Napatakip na lang ng bibig si tita sa sobrang pagkabigla nito sa mga sinabi ni Arnel.

“Wala kang karapatang sabihin na wala akong kuwentang ama! Lahat ginagawa ko para sa pamilyang ito!” Sigaw na sabi ni tito.

“Siguro nga tama ka, ikaw kasi tagabigay ng allowance namin. Sa tingin mo ba yun na yun? Alam mo ba how I felt each time na may mahalagang event sa buhay ko and yet walang tatay na dumadalo? Nasaan ka nang mga panahong iyon? Alam ni mama lahat, lahat ng hinanakit ko sa’yo pero lagi niyang sinasabi na intindihin ka. That’s what I did.”

Moment of silence. Hindi na napigilan ni Arnel na mapaiyak.

“I pursued your dream na maging pulis dahil frustrated police officer ka dahil sa military ka gustong ipasok ni lolo. Alam mo ba lahat ginawa ko para mag-excel sa klase? Pinasok ko rin ang student council para kahit paano ipagmalaki mo ako pero anong natanggap ko sa’yo? Wala! Ni simpleng appreciation hindi mo man lang maibigay! Bakit ka ganun pa? Bakit lahat ng decisions ko kinukontrol mo?”

“Dahil ayokong mapariwara ka! Gusto kong maging successful ka at sumunod sa mga yapak namin ng lolo mo!”

“Hindi yun ang gusto mong mangyari pa. Gusto mong maging kagaya niyo ako ni lolo dahil tinanggihan kayo ni kuya! Alam mo pa dahil sa pagkontrol mo sa mga kilos ko, hindi ako naging masaya kasi ang lagi kong naiisip baka hindi mo magustuhan yung kakalabasan ng mga decisions ko! Lumaki ako na walang sariling desisyon at paninindigan. I was grounded by your rules!”

Nanggagalaiti pa rin si tito sa mga sinasabi ni Arnel sa kanya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa tagpong iyon. Na-shock si tita sa mga salitang lumabas kay Arnel dahil ito yung unang beses na sumagot ito sa ama.

“Alam mo ba na sa tuwing may family day nung bata pa ako, lagi mong sinasabi na darating ka. Lagi akong nag-eexpect ng presence mo. Isang oras, dalawa, tatlo pero dumating ka ba? Sila mama at kuya lang lagi ang nanduduon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin sa tuwing makikita ko mga kaklase ko kasama nila mga tatay nila? Alam mo rin ba kung gaano ako mainggit pag masaya sila? Hindi! Kasi busy ka riyan sa trabaho mo! Wala ka nang oras sa akin! Buti pa sila ate at kuya nakaranas na um-attend ka sa events nila! Were you proud of me?” Hindi nito napigilang maibulalas.

Sa tingin ko medyo kumalma na si tito dahil nawala na ang pagkuyom nito sa mga kamao niya.

“I love you pa but its just wrong na pati puso ko kokontrolin mo pa. Sobra na iyon. Sana maging masaya ka na lang sa amin ni Dhen. Kahit ito na lang yung hihingin ko sa’yo.” Malumanay na sabi nito.

Iyon na ang huli niyang nasabi bago umalis sa eksena si tito. Hindi na ito sinundan pa ni tita. Napahagulgol si Arnel ng niyakap ko ito. Sinubukan ko siyang aluin. Hindi ko ine-expect na ganito kabilis yung mga pangyayari sa amin.

Lumapit sa amin si tita. Niyakap niya kami ni Arnel. “Hayaan mo muna tatay mo, he’ll soon realize na may point ka. Just give him time.”

Simula nung araw na iyon, hindi na umuuwi si Arnel sa kanila bagkus sa amin na ito nanirahan pansamantala. Gusto niya sanang mag-rent na lang kahit bedspace pero hindi pumayag si mama at si papa. Kahit papaano mas mapapanatag sila na makitang ligtas si Arnel. Tanggap naman kami sa bahay namin kahit na nung umamin ako eh feeling ko kagaya ni tito si papa pero nagkamali ako. Ang sinabi niya na lang samin ay huwag babuyin yung bahay niya. Masuwerte ako sa papa ko.

Kahit papaano, kita ko naman ang pagsusumikap ni Arnel para ipakita sa pamilya ko na pinaninindigan niya ako. Nakaantabay sa amin ni Arnel ang mga magulang ko. Tinutulungan nila kami sa bawat desisyong gagawin namin.

Isang araw sa school, nakita kong nag-uusap si Arnel at Jessa sa may puno malapit sa may building namin. Mukhang may pinag-uusapan silang seryoso dahil kitang kita ko ang pagpunas ni Jessa sa mga luha nito. Pinabayaan ko na lang muna silang mag-usap.

“Girl, tara meryenda tayo. Nagugutom na ako eh.” Aya ni Febbie.

“Lagi ka namang gutom eh.” Pang-aasar ko.

“Oh well, ganun talaga. Kailangan eh.”

“Saan mo ba dinadala mga pagkain mo eh ang liit mo pa rin naman tsaka hindi ka ganun kataba?” Tanong ni Xyza.

“Alam ko kung saan.” Sabi ko rito sabay tingin sa dibdib nito.

Lumiyad pa si Febbie para bigyang emphasis yung dibdib niya. Nagtawanan na lang kami.

“Dali na, hirap na baka mangayayat pa. Wala nang magkakagusto sa akin.” Sabi nito.

“Desperada?” Usal ni Xyza.

“Palibhasa kasi kayo may mga dilig kaya wala na kayong pakialam sa akin.” Pagdadrama nito.

“Hay naku samahan na nga natin ito baka kung saan pa mapunta kadramahan nito. Mas lalo itong di magugustuhan ng mga lalaki.” Sabi ko.

“Tama ka.” Pag-sangayon ni Xyza.

Naglalakad na kami papunta sa canteen ng may tumawag sa akin. Si Arnel pala kasama si Jessa. Naramdaman ko naman ang mahinang pagsiko ni Xyza sa akin. Tiningnan ko lang ito bago muling hinarap yung dalawa.

“Hon, saan kayo punta?” Tanong nito sa akin.

“Ahm sa canteen. Meryenda lang kasi nagugutom si Febbie eh.” Sabay turo rito.

Tahimik lang si Jessa at kitang kita rito na galing ito sa iyak.

“Ah ganun ba. Sama na kami sa inyo.”

“Hindi ba kami nakakaistorbo?” Hindi maiwasang masabi ni Febbie.

Napatingin kaming lahat kay Febbie at napatahimik.

“Ahm, Dhen. C-can we talk?” Usal ni Jessa.

Kita ko naman ang pagngiti ni Len sa akin. Napatango na lang ako.

“Excuse us guys, una na kayo sa canteen.” Sabi ko sa kanila.

Bago pa umalis si Arnel at sumunod sa dalawa eh bumulong pa ito sa akin ng I love you. Siyempre may dulot iyong kilig sa akin.

“Dhen, I-I’m sorry.” Sambit ni Jessa nang makaalis na yung tatlo.

“Para saan?” Takang tanong ko.

“Kasi, kasi ano…” May hesitations sa tinig nito.

“Sige kaya mo yan.” Pang-eencourage ko rito.

“Ahm, ako kasi nagsabi kay tito nang tungkol sa inyo ni Arnel.” Nakayuko nitong sabi.

Tahimik lang ako. Hindi na ako nagulat pero hindi ko rin maiwasang matuwa sa pagiging tapat niya.

“Nagawa ko lang naman iyon kasi sobrang mahal ko si Arnel. Masyado akong naging selfish. Hindi ko na inisip na pwede ka pa lang mapahamak maging si Arnel sa desisyon ko. Hindi ko ginustong lumayas siya sa kanila.”

“Jessa.” Sabay hawak ko sa balikat niya. Napatingin ito sa akin na may namumuong luha sa mga mata nito. “Kahit na ganun ang ginawa mo sa amin, hindi ko na magawa pang magalit sa’yo. Ayoko na rin kasing magalit pa, dadami lang wrinkles ko.” Sabi ko rito.

Napangiti naman ito sa huli kong sinabi.

“Ayan, dapat ngiti ka lang palagi kasi mas maganda ka pag ganyan. Kung nagkataong straight ako, aagawin kita sa best friend ko.”

“Loka!” Nasambit nito bigla sa akin na nagpatigil sa amin pareho.

Napatawa na lang kami.

“Honestly Jessa, I never expected you na lalapit sa akin at hihingi nang tawad. In the first place, ako pa nga dapat mag-sorry sa’yo kasi dahil sa akin nasira relasyon niyo.”

“Oo nga sinira mo relasyon namin. Kainis ka!” Sabi nito at tinampal pa ako sa balikat.

Mabait pa lang talaga si Jessa kasi nagawa nitong makipag-usap sa akin na kala mo eh walang gulong namagitan sa pagitan namin.

“Pero kamusta naman na ang buhay pag-ibig mo ngayon? May bago na bang nagpapatibok sa puso mo?”

“Maraming nagpaparamdam pero sarado pa kasi ngayon puso ko for applications eh. Still recovering pa kasi.”

“Ah ganun ba? Naku, hangad ko ang kaligayahan mo.”

“Salamat Dhen huh.”

At niyakap ako nito. Gumanti na lang ako nang yakap.

Inaya ko na si Jessa na sumama sa aming magmeryenda sa canteen. Masaya naman kaming nagbabangkaan. Nakiki-sabay na rin paminsan-minsan si Jessa sa mga biruan namin. Nag-aadjust pa kasi siya pero kita mo naman na mas masaya na siya ngayon compared noon.

Matapos ang huling klase naming iyon nung hapon, nakita ko agad si Arnel na naghihintay sa labas ng classroom namin. Nang makita ako nito ay agad na itong nag-ayang umuwi. Siyempre walang nagawa yung dalawa kong kaibigan kasi si Arnel yung batas eh.

Nagkukuwentuhan lang kami sa mga naganap sa amin nung araw na iyon habang naglalakad pauwi nang bahay. Mababakas mo na rin naman ang kasiyahan sa mukha ni Arnel dahil nabawasan na rin siya nang isang tinik sa dibdib. Isa na lang ang alam kong iniinda niya ngayon.

Nagtatawanan pa kami nang pumasok sa loob ng bahay ng kapwa kami biglang natahimik. Hindi ko alam na may bisita pala kami at ang nakakagulat pa ay ang katauhan msimo nang bisita.

“Son?” Tumayo ito pagkakita sa amin.

Napatda ako sa katagang lumabas sa bibig ng bisita namin. Sinipat ko si Arnel at bakas rito ang kaligayahang makita muli ang nakagalit na ama. Napaluha ito. Hinagod ko naman ang likuran nito.

“Pa?” May agam-agam na banggit nito.

Agad naman na nag-reach out si tito kay Arnel. Napatakbo na ito para mayakap ang ama. Labis ang kaligayahang namamahay sa dibdib ko dahil kahit papaano ay nagkaayos na sila. Matapos magyakapan nung dalawa ay kapwa sila napatingin sa akin. Inaya naman ako ni tito na yakapin din siya.

Mas nalubos ang kaligayahan ko nang yakapin si tito. Tama siguro akong sabihin na tinanggap na ni tito ang relasyon namin ng anak niya.

Nang bumitaw ako sa yakap niya ay nagsalita ito.

“Dhen, I’m sorry sa mga masasakit na salita na nasabi ko sa’yo noon.”

“Naiintindihan ko po yun tito. Galit po kasi kayo sa pangyayari kaya hindi niyo na napigilan ang sarili niyo.”

“Oo nga eh. Alam mo ba nung oras na iyon, kung hindi pa kami nagkasagutan nitong anak ko eh hindi ko malalaman na may sama pala ito nang loob sa akin. Wala kasi itong lakas ng loob na sumagot sa akin eh.”

Litanya ni tito habang ginugulo buhok ni Arnel. Natutuwa naman ako sa nakikita ko sa mag-ama. Inutusan niya si Arnel na lumayo muna at mag-uusap daw kami.

“Alam mo ba, na-realize ko noon lahat ng mga pagkukulang ko sa kanya at tama siya hindi ako naging tatay sa kanya kaya naman babawi ako.”

Natuwa ako sa sinabing iyon ni tito.

“Alam mo masakit pa rin sa akin na yung bunso ko eh sa kapwa niya pumatol…” Ramdam ko pa rin na may hinanakit siya sa mga pangyayari. “…pero wala na akong magagawa pa run eh. Siguro, susuportahan ko na lang siya kasi sa tingin ko yun yung nakikita kong paraan para makabawi sa kanya.”

“Tito…”

“Eto lang sana hiling ko sa inyo, huwag niyo sanang papabayaan ang isa’t isa at hanggang maaari intindihin niyo ang pagkukulang niyo. Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa.”

“Tito maraming maraming salamat po! Hindi niyo po alam pero napakasaya kop o na tinanggap niyo na kung anong meron sa amin ni Len. Pinapangako ko po na iintindihin ko siya hanggang kaya ko.”

“Isa pa pala.”

“Ano poi yon tito?”

“Bigyan niyo naman kami nang apo.”

Dahil sa huling sinabi ni tito ay hindi ko maiwasang hindi matawa. Hindi iyon nakalagpas sa pandinig ni Arnel.

“Anong pinag-uusapan niyong dalawa riyan?”

“Wala po.” Tugon ko.

“Anong wala! Sabihin niyo!” May utos na sabi nito.

“Huwag mong sasabihin pinag-usapan natin huh.” Sabi naman ni tito.

“Opo.” Sagot ko.

“Ah ganun, so may secret-secret na. Sige bahala kayo mga buhay niyo.” At tumalikod ito sa amin.

Natawa kami lalo ni tito sa inasta ni Arnel. Pinagsabihan naman ito ni tito.

Nag-bonding ulit yung mag-ama. Nagkuwentuhan sila sa mga bagay-bagay na nakaligtaan ni tito sa buhay ng bunso niya. Nakakatuwang tingnan yung dalawa habang parang bata si Arnel na may actions pa talaga ang pagkukwento. Isa ito sa mga issues ko noon na hindi ko akalaing magkakaroon ng magandang resulta.

Hindi na rin masyadong nagtagal pa si tito sa bahay at nagpaalam na. Hinatid namin ito sa labas. Muli humingi nang tawad sa amin si tito at nagpasalamat na rin.

“Masaya ka ba?” Tanong ko rito nang wala na si tito.

“Oo naman. Sobrang saya!”

“Ako rin masaya ako para sa’yo.”

“Mas masaya ako para sa atin.” At yumakap sa akin.

“Drama mo.”

“Mahal mo naman.”

“Uto!”

Inaya ko na siyang pumasok sa loob.

“Dhen?”

“Hmmm?”

“Ano pinag-usapan niyo ni papa?”

“Wala iyon. Huwag mo masyadong isipin.”

“Dali na, sabihin mo na.”

“Huwag na sabi eh.”

“Hindi mo sasabihin?”

“Hindi.”

“Ganun?”

“Oo.”

“Eh di huwag.” May tampo nitong sabi.

“Uto ka talaga!” Sabay batok ko rito.

Tumakbo ako papasok sa kuwarto at hinabol naman ako nito. Pinaulanan niya ako nang isang libong kiliti. Hindi naman ako makailag. Masaya ako sobra dahil maayos na naming haharapin ang bukas kasama nang isa’t isa at ang mga pamilya naming handa kaming suportahan.

“I love you Dhen!”

“Uto!”



---WAKAS---

Nais kong pasalamatan ang mga taong sumubaybay sa Torn Between Two Lovers? at patuloy na nagbibigay ng mga comments. Alam kong maaaring nagsasawa na kayo sa kakabasa nang batian portions ko pero hinding hindi ako magsasawang pasalamatan kayo at gawin ang bahaging iyon dahil sa pamamagitan niyon ay naipapadama ko sa inyo ang aking kagalakan. Saying thank you is not enough for making this story a success! I love you guys!

Siyempre hindi mawawala ang pagbanggit ko sa mga pangalan niyo.

Pink 5ive
zekie
marc
nate
Jhae17
Jay (Jcoi)
Superman
ged
ram
Dave17
mark
alfie
Rue (Idol gusto ko yung gawa mo. Sana marami pang ganun)
Coffee Prince
Aerbourne14
Zildjian (Isa ka na sa mga bago kong idol. Grabe ang ganda nang The Right Time mo. Aabangan ko yung next story mo.)
dada (Sana patuloy mong suportahan ang kaibigan nating si Zildjian)
blue
Anonymous
Silent Readers
atbp (Pasensya na po sa mga ibang hindi ko nabanggit ngunit taos-puso pa rin po akong nagpapaalamat sa inyo).

Hanggang sa muli mga kaibigan. Mahal na mahal ko kayo.

Lovelots,

Dhenxo :DD

PS: Ooopppssss, muntik ko nang makalimutan. Sa isang taong nagbibigay ng ganap na kaligayan sa aking buhay. Salamat. Binuhay mo ang passion ko sa pagsusulat. Mag-iisang taon na ang story na ito ngunit dahil sa motivations mo ay nagawa ko siyang tapusin. Zeke, mahal na mahal kita. Ingatan mo lagi sarili mo and I'll see you soon. I'll wait for you.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails