by: Emirp
~♥~
Si Uncle pala iyon. Ganyan Yan!. Sa tuwing dumarating siya galing trabaho, lagi niya kong kinikiliti. Palibhasa puro lalaki ang anak niya. Kaya ako minsan ang nilalambing.
Pero hindi ako ganun ka feminine. Lalaki pa din ako manamit. Basta. Hindi ako pa girl.
Nung kakain na ko ng hapunan. Nakita ko wala ng tinidor. (hirap kaya akong kumain ng walang tinidor). Sumandok na ko ng kanin. Pumunta na ko sa lamesa. Kumakain na din si Mark. Nakita ko may tinidor na nakalagay sa pwesto ko. Kaya ayun kinuha ko. At medyo napangiti ako. Kasi si Mark lang naman ang naglagay nun. Kasi busy si Anti sa mga time na iyon.
Pagkatapos kong kumain pinauwi na ako ni Anti.
Habang nasa daan ako, may batang kumalabit sa akin. Iyong bata kanina. May inabot naman na sulat.
''pwde kba na pumonta sa 'blank' ngayon, magpapakelala na ko''
Nagmadali lang akong umuwi sa bahay. Naghilamos lang ako tapos nag sumbrero bago umalis.
Mama: oh sana ka na naman pupunta?
Prime: maglalande!
Mama: kakauwi mo pa lang aalis ka na naman, baka... (hindi ko na siya pinatapos)
Prime: leche! bye Mama, bye Nay (ganyan Yan!)
Excited ako na kinakabahan. Habang naglalakad ako, may nadaanan akong ilang babae. Nakakairita kasi halata ko na pa cute sila. Kung tutuusin kasi kung aayos ako magiging lalake naman ako eh. Katulad ngayon naka sumbrero ako at straight mag lakad. Kaya hindi na halata.
Dumating na ko doon sa may Park. Wala namang tao kaya naupo muna ako dun sa may duyan. Ang tagal kaya nilakasan ko na ang pag duduyan. As in, feeling ko lumilipad na ko. Medyo nahilo na ko kaya hininto ko na. Na duduwal duwal pa ko ng biglang may nagsalita sa likod.
??: ang lakas mo kasing mag duyan ayan tuloy baka masuka ka pa dyan.
Prime: ha? (kinakabahan ako na excited)
??: kanina pa ko dito, hindi mo siguro ako napansin, lalapit na sana ko kaya lang baka tamaan ako ng duyan. haha (nakakakilig siya mag salita)
Prime: ay sorry (nahihiya ko pa ding salita)
??: masarap ba?
Prime: ha? alin?
??: yung kiss
Prime: (shocks! sigaw ko sa isip ko, bakit iyon agad yung tinanong niya? kaya hindi ako sumagot)
??: P.Preym? (hindi nya alam bigkasin ang praym!)
Prime: bakit? (tumingin ako ng maayos sa kanya, at dun ko nalaman na may itsura siya)
??: ako nga pala si John (yes! nagpakilala na siya)
Prime: Ah okay (nahihiya pa din ako)
John: natatanggap mo ba yung mga sulat ko?
Sa tingin mo ba pupunta ko dito kung hindi ko nabasa ang sulat mo? (oh my, biglang nag taray. Ganyan yan!)
oo nga noh? (napakamot sa ulo) pwede ba kitang maging kaibigan?
Oo naman.
Salamat Preym (ngiti pa siya oh)
PRAYM ang basa, ang spelling naman. P.R.I.M.E (mas mabuti ng alam niya)
ay sorry... Praym.
Okay (ngumiti ako ng patago)
John: Praym, pwede dun tayo?
Prime: saan?
John: dun oh. (sabay turo)
Prime: sure ka?
John: oo Prime (todo smile ang bakulaw)
Tumayo kami mula sa duyan, natuwa ako kasi siya pa ang nag yaya. E gusto ko talagang ma experience yun e. Hanggang sa makarating na kami doon sa SeeSaw (tama ba ang spelling ng siso basta yung palaruan din)
Prime: ouch!
John: ay sorry Prime, sorry.
Prime: sige okay lang, binigla mo kasi e. (mas matangkad at mas malaman kasi siya sa akin kaya pag ka upo niya biglang tumaas yung sa parte ko kaya ayun tumalbog ako)
John: ayan okay na ba?
Prime: oo kuya. magpagaan ka na lang para maitaas din kita.
John: oh sige yun lang pala e.
(bigla siyang tumaas at nasaldak naman ako)
Prime: araaay.. uhu uhu (basta tunog ng nasaktan)
Dali dali siyang bumaba at lumapit sakin kaya naisipan kong, lokohin siya.
John: uy sorry sorry, nasaktan ka ba?
Prime: (bakulaw to, anu kaya sa tingin niya, nasaldak kaya ako, kaya ayun kunyari umiiyak ako)
John: hala Prime sorry talaga. (nag aalala na siya)
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko, at pinunasan ang konting luha sabay sabing...
Prime: Joke Lang! (sabay hila ko sa magkabila niyang tenga, at tumakbo)
John: aray!
Hindi ko aasahan na hahabulin din niya ko. Kaya binilisan ko pa ang takbo ko. Ang bilis niyang tumakbo kaya nang malapit na niya akong abutan bigla akong nadapa.
Prime: aray, ang sakit. (totoo na to, nagkasugat ako)
John: ang kulit mo pala, ayan tuloy nag ka sugat ka. (nakakakilig nag aalala pa siya)
Prime: ikaw kasi e. (wala na akong masabi)
John: oo na ako na Prime, tara uwi na tayo baka hinahanap ka na.
Tatayo na sana ako pero ang sakit talaga ng tuhod ko. Alam niyo yung feeling na nabalatan yung magkabilang tuhod niyo. Tapos ang sakit. Para tuloy akong bata.
Prime: aray.
John: sakay ka na nga sa likod ko.
Prime: talaga? (weee!) sige.
John: sakay na.
Ang sarap ng pakiramdam, ngayon ko lang naranasan ang ganito. Kaya lang nahihiya ako kasi pareho kami lalaki. Nung malapit na kami sa bahay nagpababa na ko.
Prime: ui baba na ko.
John: sigurado ka?
Prime: nakakahiya kasi e.
John: ikinahihiya mo ba ko?
Prime: iisipin mo kaya yung iisipin ng mga tao.
John: papanindigan kita.
Prime: bakit buntis ba ko ha?
John: hindi, mabubuntis pa lang (pasaway!)
Prime: para kang ewan! (pero kinikilig at nag umpisa na ko maglakad)
John: alalayan na lang kita Prime.
Prime: bahala ka.
Buti na lang at gabi na kaya walang nakakita sa amin.
Prime: salamat kuya.
John: okay lang Prime, ilang taon ka na ba?
Prime: 16
John: ah kaya pala sweet ka kasi 16 ka. Ako 21 na.
Prime: anu yon sweet 16? daming alam ni kuya.
John: talaga, ako pa!
Prime: oo na. Bye kuya John.
John: bye Prime ko!
Prime: pasaway!
Ang kulit niya. Assuming. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin. Wala pa naman e. Biglang pumasok sa isip ko, ito na siguro ang breakthrough sa buhay pag ibig ko. Kaya masaya na naman akong natulog.
Nung pumunta ako sa tindahan nila Anti. Nag jogging pants ako para hindi na mahalata ang sugat ko.
Mamu: oh bakit ka umiika maglakad?
Mark: nadapa (pag singit niya)
Anti: nadapa ka?
Prime: hindi po, masakit lang po ang paa ko.
Mark: kaka seesaw?
Anti: bakit ba ikaw ang sumasagot Mak (Mark) ha?
Prime: pag gising ko lang po kasi masakit na. (kinabahan ako kasi parang may alam si Mark)
Anti: sigurado ha.
Nagsulat ulit ako sa diary ko. (kela anti ko kasi iniiwan yung diary ko, wala naman kasi silang interes dun). Biglang may bumili.
Bumibili: pagbiwan ako ng waki me kwiken.
Prime: ha?
Bumibili: waki me
Prime: sandali lang ha. (pumunta ko sa loob ng bahay) Anti may bumibili po.
Mamu: ano?
Prime: di ko po maintindihan e.
Mamu: (pumunta sa tindahan) ano yon?
Bumibili: waki me kwiken
Mamu: ah lucky me chicken.
(hindi ako sanay mag sulat ng ngongo e basta yun yung binili niya)
Prime: (pagkaalis nung ngongo) ah iyon po pala yung binili niya.
Mamu: (tumawa) ngongo kasi iyon.
Tawa na naman ako. Halos lahat na yata ng tao nakasalamuha ko na. Si Mamu naman nakakatuwa din minsan kaya minsan iba yung pronounce niya sa mga paninda.
Ang tawag niya sa Martys (iSmartys), Snitch na chocolate (Switch), Cuticle Remover (Kutikul remover), YKK (tatak ng zipper, ang basa niya WayKiKi), Wiggles (Wigols). Basta ganyan, hindi ko nalang pinapansin. Kasi bisaya sila e, kaya ganun.
??: Hayo
Prime: (pag tingin ko si kuya John natulala ako sandali mga 2seconds haha) o.oh?
John: pabili ng Mark (sigarilyo yun, nung una nagulat din ako may sigarilyo palang Mark)
Prime: naninigarilyo ka Kuya? (malungkot kong tanong sabay abot naman niya, ayoko kasi ng naninigarilyo)
John: bakit?
Prime: wala lang (nahalata niya siguro)
John: ay wag na pala Prime, stick-o na lang.
Prime: (bigla akong napangiti, maliit nga lang) bakit naman?
John: kasi ayaw mo yata e.
Prime: anu yon? sa akin ka lagi di dipende? mahirap yon dahil hindi lahat ng gusto ko magagawa mo kuya.
John: kakayanin ko.
Prime: pangatawanan mo.
Hindi na siya nakapag salita dahil biglang umentra si Anti.
Mamu: ang pogi naman ng manliligaw mo! (arte haha)
Prime: wala Anti nag tatanong lang po siya kung may tabacco kayong tinda.
Mamu: tabacco?
John: wala te sige alis na ko.
Maaga akong pinauwi ni Anti nung araw na iyon. Kaya naglakad lakad muna ko. Nang may narinig ako. At alam ko boses yun ni kuya John.
John: tol may yosi ka ba dyan?
Tol niya: heto oh madami pa!
Unti unti akong lumingon, kitang kita ko, huli sa akto nagsisindi siya ng sigarilyo. Alam ko nakita niya ko. Binilisan ko ang pag lalakad, sumama ang loob ko kasi wala siyang paninindigan.
John: Prime!
Prime: (binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating sa Kapilya)
John: nagpa habol ka pa Prime. (hingal niyang sabi)
Prime: bakit sinabi ko ba sayong sundan mo ko?
John: magpapaliwanag ako.
Prime: para saan naman?
John: dito (sabay tapon ng sigarilyo)
Prime: hindi na kailangan kuya, ikaw yan, katawan mo yan, nasa sayo kung pano mo yan sisirain.
John: hindi na mauulit, promise.
Prime: bakit ka ba ganyan sakin Kuya? Kung tuusin wala naman tayong pakealam sa isat isa di ba?
John: ako may pakealam sayo Prime.
Prime: at bakit?
John: dahil gusto kita! (oh my!)
Prime: panindigan mo yan! (nawala ako sa sarili ko kaya iyan lang ang nasabi ko)
Hindi na siya sumagot at lumapit siya sakin at biglang nagtagpo ang aming mga labi.
Ramdam ko pag pagiging seryoso niya. Kung may pag mamahal mang kasama ay ramdam ko yon. Hanggang sa kumalas ako at katahimikan ang namayani.
John: mahal kita Prime (panimula niya)
Prime: hindi kita maintindihan kuya. bakit ako?
John: gusto kita, hindi ko alam pero ganito ako kabilis nahulog sa yo. Oo lalaki ka pero iba ka sa lahat.
Natahimik lang ako sa sinabi niya.
John: Prime?
Prime: oh?
John: mahal mo ba ko?
Prime: hindi ko alam, pero kinikilig ako sa yo kuya.
John: yun naman pala e, so tayo na?
Prime: sige tayo ka na dyan uwi na tayo. (pag iba ko ng usapan)
John: sagutin mo muna ko.
Prime: pag iisipan ko, kung ayaw mo pang umuwi, ako uuwi na bakulaw. (pang aasar ko)
Hindi ako makatakbo kaya naglakad lang ako. Kahit papano nawala ang galit ko kay Kuya. Natigil ako sa pagmumuni muni ng bigla siyang nagsalita, sumunod din pala siya.
John: iintayin ko ang sagot mo ha?
Itutuloy...