Followers

Saturday, December 31, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 3


Kailangan Kita
Kabanata 3: Katas ng Pagsisikap

Tulad ng plano ni Camillo, tinapos niya ang mga dapat lakarin noong araw ding ‘yon. Narito ang pumunta sa Registrar’s Office, sa Finance Center, at maging sa chairman ng mga Academic Scholar na si Mr. Lee.

“Base on your exam results…” panimula ni Mr. Lee. “You are an achiever.”

“Oh, thank you for the complement, Sir!” masayang pagpapasalamat ni Camillo.

“But,” pambibitin ni Mr. Lee na ikinakaba ni Camillo. “As an Academic Scholar of our dear institution, we need to assign you to one of our offices here. Just think of it as your service and thanksgiving for the privilege and assistance that we’re going to give you.”

“No problem, Sir.” nakawala sa kaba na si Camillo.

“But,” nambibiting uli na si Mr. Lee.

“Ano ba naman ‘yan puro “but” na lang…ayaw n’yo ba akong papasukin dito?” tudyo ng isip ni Camillo.

“Academic Scholars can plan what day, and time they like to be in service, unlike SA Grant Holders, they need to serve and to be in duty in their designated offices everyday. And another one, Academic Scholars are only required to be in duty 16 hours per week.” masayang pagbabalita ni Mr. Lee sa kinakabahang si Camillo dahil sa dami ng “but” na inuusal niya.

“What about the maintaining grade, Sir?” magalang na tanong ni Camillo.

“Don’t you worry, just study much and more harder to have as high as 1.50.” pagpapalubag ni Mr. Lee sa nadamang kaba na bumakas sa mukha ni Camillo.

“Promise, Sir.” Pagtanggap ni Camillo sa hamon.

“So, that’s all, congratulations and welcome!” saka hawak sa balikat ni Camillo. “Come tomorrow and see me before 8:00 am to talk about your one (1) week training regarding your job in your office.”

“Okay, Sir. Again, thank you, Mr, Lee.” saka umalis si Camillo sa office ng chairman ng Acad. Scho.

Hindi alam ni Camillo pero nagkaroon ng epekto sa kanya ang paghawak sa kanya ni Mr. Lee. Napansin din niyang mataman ang pagkakatitig nito sa kanya. Pero inisip na lang din niyang baka ganoon lang talaga mag-welcome ang taong ‘yon. Isa pa lalaking-lalaki naman ito kung iyong pagmamasdan.

Si Mr. Lorenzo Abuevo Lee ay ang chairman ng kasalukuyang 30 Acad. Scho. Ng kanilang pamantasan. Nagtapos ng Business Administration sa parehong kolehiyo. May angking talino kaya madaling na-absorb ng sariling institusyon bilang isang professor. Kinahuhumalingan ng kanyang mga estudyante dahil sa mapang-akit niyang mga mata na nakuha niya sa kanyang ina at mala-Adonis na hulma ng mukha.

Banat din ang katawan dulot ng iba’t ibang trabahong pinasukan upang makapagtapos ng pag-aaral dahil mula sa isang maralitang pamilya. Anak ng isang intsik na hindi man lang niya nakilala. Tanging ina niya lamang ang kanyang nakasama mula pagkabata. Ayon sa kanyang ina, nasa sinapupunan pa lamang siya ay iniwan na sila ng ama na naka-fix marriage na pala sa kapwa intsik.


Sa kabilang banda, dahil sa tapat lamang ng CASR ang guardhouse na daanan ng tao palabas at papasok, napansin ni Ron si Camillo na palabas na sana ng kausapin ng isang babae. Nagkakatawanan pa nga ang dalawa.

“At kabago-bago pa lang, eh nambababae na, aba at nagyakapan pa rito ah. Humanda ka sa akin, ang balita ko eh dito ka maa-assign.” hindi alam ni Ron kung bakit ito ang nasabi niya. Natawa pa nga siya ng mahina dahil sa naiisip.


^^^^^^^^^^
fernandzsteppingstones.blogspot.com

Thursday, December 29, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 2

Salamat po sa mga mambabasa, nakakatuwa kasi kahit papa'no naka-88 views ako sa unang kabanata pa lamang...
Maraming salamat po! =D

^^^^^^^^^^

Kailangan Kita
Kabanata 2: Hindi Inaasahang Kalituhan

Halata sa mukha ni Ron ang pagkainip habang ina-update ang listahan ng enrollees ng kanilang pamantasan. Kasabay nito ay ang paghintay niya ng mga walk-in applicants.

“Haayy!” naitaas ni Ron ang dalawang kamay paunat. “Boring talaga sa opisinang ‘to.”

Bilang isang Student Assistant (SA) itinalaga siya ng presidente ng kanilang kolehiyo sa Center for Admissions and School Relations (CASR).

Kaiba sa mga nakaraang araw na halos mapuno na mga WI applicant ang CASR, ngayon ay paisa-isa lamang ang bilang ng mga dumarating.

“Ron?” tawag ng isang babaeng may katabaan sa naiinip na si Ron. “Pahiram naman ng cellphone mo, io-open ko lang Facebook ko.” maarte at tila nagmamakaawang sabi ng babae.

“O, ito.” sabay abot ni Ron ng kanyang phone na galing sa kanyang bulsa at wala ng iba pang sinabi.

Ilang sandali tumili ang babae na ikinagulat ni Ron at ng lahat ng empleyado sa loob ng opisina.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ron habang siya ay nakaharap sa kompyuter at ina-update ang list of enrollees. “Ahh…alam ko na. Siguro sinagot ka na ng nililigawan mo. Haayy…kababaeng tao, siya pa ang nangungulit sa lalaki” pagkatapos ay umiling-iling pa siya.

“Hindi kaya” naiinis na sabi ng babae. “Ako, si Cecille Enrique Abila, hahabol sa lalaki?” sabi ng babae ng buong giting. “No way!”

Pagkatapos na pagkatapos ng mga huling sinabi ni Cecille ay lumapit siya kay Ron ng may mapang-asar na ngiti.

“Ikaw ha…” pabulong na panimula ni Cecille. “Mayroon kang hindi sinasabi sa amin.”

“Ha?” nagtatakang si Ron. “Ano naman ‘yon?” tanong ng kinakabahang si Ron sa kung anong nakita ni Cecille sa kanyang cellphone. Oo alam niyang mayroong mga pornclips sa kanyang phone, peo sigurado naman siyang may code iyon.

“May nag-text kasi sa’yo.” sagot ni Cecille. Basahin ko ha…”

Ron ko, gud mornin’ sau…missing u already, hope 2 see u ma2ya…muah…

“Ah…girlfriend ko ‘yan” tila siguradong si Ron.

“Charot!” sabi ng hindi naniniwalang si Cecille. “Nakakakilig na sana, kaso…” pambibitin pa niya. “Bakit Matt ang pangalan? Girlfriend? pero bakit Matt? Baka naman boy-“

Nakaramdam ng pagkainis si Ron sa ibinibintang sa kanya ni Cecille. Bilang isang lalaki, nakagagalit na pulaan ang iyong kasarian lalo pa’t alam mo sa iyong sarili na tunay ka namang lalaki. Kaya minabuti ni Ron na putulin ang dapat sana’y sasabihin ni Cecille.

“P’wede ba? May girlfriend ako. At ‘yang Matt na ‘yan…”tumigili muna si Ron upang maging kalmado. “Eh matagal na ‘yang nangungulit sa akin eh…patay na patay sa kagwapuhan ko.” dinaan sa pagpapatawang paninindigan ni Ron.

“Bahala ka…” si Cecille na hindi pa rin magawang maniwala. “Kunwari ka pa, bipolar ka rin…hihihi!” bulong niya sa sarili.

Kasalukuyang nakaupo si Ron sa harap ng kompyuter na nakatalikod naman sa salaming pader ng kanilang opisina. Kaya naman kahit na naglilikot ang kamay niya sa may keyboard ay kita pa rin niya ang kalawakan ng campus maging ang panaka-nakang pagdating ng mga tao mula sa may guardhouse.

Nakaupo’t nakasandal siya sa isang swivel chair. Nang mapagod ang kanyang mga daliri sa keyboard. Nilaro naman niya ang isang ballpen sa kanyang daliri habang nakatingin ng seryoso sa labas ng office.

“Siguro, sobrang init sa labas…” ani Ron.

Halos lahat ng opisina sa institusyong pinapasukan ni Ron ay sinusuplayan ng kuryenteng galing sa init na mula sa araw. Lahat ng airconditioning systems nila ay pinagagana ng solar energy na ikino-convert sa electrical energy ng isang malaking aparato sa tuktok ng bawat office. Isa itong bagay na makapagsasabi ng highly-equipped ang kanilang paaralan.

Tumagal pa ang pagkainip ni Ron ng makakita ng isang lalaking pawisan na papunta sa kanilang opisina. Isang tingin pa lang ay alam na niyang WI applicant ang lalaki. Kaya naman tumakbo na siya sa pinto upang pagbuksan ang lalaking halatang init na init sa labas.

Hahawakan na sana ng lalaki ang pinto ng buksan na ito ni Ron.

“Good afternoon po!” bati ni Ron ng may maluwang na pagkakangiti. “How may I help you?”

Sa halip na bumati pabalik at pumasok ang lalaking mas maliit ng kaunti kay Ron, malungkot itong umalis at payukong naglakad palayo.

“Gwapo sana…suplado nga lang.” ani Ron gamit ang tonong lalaking-lalaki, ‘yong hindi mo pag-iisipan ng iba oras na marinig mo ang mga salitang kanyang binitawan. “Haayy…makabalik na nga.”

Si Ron o Ronald Allen Sebastiano Ramirez, mula sa isang marangyang pamilya. Eredero ng iba’t ibang negosyo ng kanyang ama na si Don Herardo Carteza Ramirez. Anim na taon pa lang si Ron ng patayin ang ina ng grupo ng mga magnanakaw. Kahit na nga ba miyembro siya ng isang angat na pamilya ay sinisikap pa rin niyang makapagtapos gamit ang kanyang sariling kakayahan bilang SA (Student Assistant). Sikat sa buong campus lalo na sa mga babae dahil sa taglay na kagwapuhang nagpapatalon sa puso ninuman, isama mo pa ang boses nitong maaaring isalin sa mga animé dahil sa tindi ng dating nito. Sa madaling salita, isang perpektong leading man sa mga soap opera.

“O, anong nangyari?” takang tanong ni Cecille nang makitang wala namang kasama sa pagpanik si Ron. “S’ya ba si Matt? Ayiieee!” panunudyo pa nito.

“Tumigil ka nga…” naiinis na si Ron. “Baliw ‘ata ‘yon eh…o baka pipi…hindi man lang nagsalita…itong gwapong ‘to, dinedma lang?” pagbuhat pa nito sa sariling bangko. Saka pasalampak na umupo sa swivel chair na kinauupuan niya kanina at muling pinaglaro ulit ang isang ballpen sa kanyang mga daliri.

Maya-maya pa ay nakita niya ulit ang lalaking kanina lamang ay sinabihan niyang baliw at pipi. Subalit ngayon napako ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking una niyang nakitang basa ng pawis na ngayon ay nangakasuot ng dark violet fitted t-shirt, kaiba sa suot nitong t-shirt kanina na kulay pula. Ang buhok rin ng lalaki ay may tamang ayos sa hulma ng mukha nito na iba rin sa ayos nito kani-kanina lang.

Hindi alam ni Ron kung bakit ganito na lamang ang dating ng lalaking iyon sa kanya. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit ng palapit ang lalaki na sa kanyang tingin ay mas bata sa kanya ng dalawang (2) taon.

“Gwapo ha…” parang kuya sa batang kapatid bulong ni Ron kasabay ng paghatid ng tingin sa lalaki sa may pasukan.

Bilang kanyang trabaho, tumakbo siya sa pinto upang pagbuksan niya ang nilalang na pinagbuksan niya ng mga nakaraang minuto.

Subalit bigo siya sa kanyang nais ng magkusa na ang lalaki sa pagbukas ng pinto. Kaya minabuti na lang niya itong salubungin ng pagbati.

“G-“.

Magsasalita na sana si Ron ng mapansing napapapikit ang nasa harapan, iniangat nito ang kanyang mukha palapit sa kanyang matigas na dibdib. Hindi niya alam pero parang nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalaki. Kung maaari nga lang, niyakap na niya ito palapit sa kanya.

Napansin ni Ron na nakakukuha na sila ng maraming atensyon, kaya siya na mismo ang nagbali ng sitwasyon.

“Ahh…Sir?” pagtawag ni Ron sa pansin ng lalaki.

Napansin niyang nagulat ang lalaki at gawa ng mga taong nakatingin, napagtanto niyang napahiya pa ito. Kaya naman nagpakilala na siya ng may ngiti ng sa ganoon kahit papaano’y masabi niyang hindi siya galit at wala itong dapat na ikahiya.

“I’m Ron. ” inilapit ni Ron ang kanyang kamay.

Tulala lang ang binata. Ilang sandali pa at…

“Huh?” turan ng lalaking wari mo’y wala pa rin sa sarili.

“What’s yours?” natawa ng kaunti ngunit nakaniti pa ring si Ron.

Napipi ng nga ng tuluyan ang lalaking kaharap ni Ron. Inabot na lamang ni Ron ang kamay ng binata at hinawakan ito.

Sa ginawang ito ni Ron saka nakuha ng lalaki ang nais ng nauna.

“Ahh…I’m Camillo.”

“Ah…gusto pa hahawakan ang kamay ko. Sige lang…bihira lang ang may makahawak ng kamay ko.” tudyo ng isipan ni Ron.




^^^^^^^^^^
Please subscribe:
fernandzsteppingstones.blogspot.com


A Message For Chris

Author's Note:

Hello kuya Mike. happy birthday nga pala and merry christmas. I just drop by to ask you if puwede, please post this one to your blogsite. I'm one of your followers. I just want to dedicate this message to my one and only bestfriend, Chris. Thanks.

***

Bro, I'm typing this note here in the hospital while watching over Samantha. It's been an emotionally draining week for me. I'm happy and relieved that my niece has successfully undergone a heart procedure, but a part of me is still trying to grasp the idea that I will not be seeing you ever again.

Bro, hate ko talaga to be dramatic in public. I also feel that posting things like this only trivializes your death. But I want to do this to help me grasp the idea that you're gone... then maybe I can already start mourning.

I had known you for only four years, but if felt like we were good friends since childhood. At least, that's what I'd like to claim. But knowing just a facet of you is enough to give me a feeling of honor that, at one brief point in my life, a wonderful person chose to call me "bro," no matter how ironic it sounds (maybe just in the biological sense).

Chris you're one person who's hard to refuse. I never knew that I had a knack (and the gall) for emceeing until you asked me to host one summer outing event. God knows how I shun attention, but I still did it for you (and we weren't even that close yet). From then on, I had gamely done a few emceeing jobs just because it was you who had asked me to do it.

Chris, I'm so sorry that I wasn't able to keep my promise of finding you a boyfriend. Ako nga nahihirapan eh. Kasi ang hirap at ang sakit. Nasabi ko naman sayo yung feelings ko towards someone diba? Then you keep on asking me "Bro, bumalik na ba siya?" then, umiling lang ako. After nun, you asked me again, "Do you still love him?" Tango lang ang nasagot ko sayo nun. Then after, I burst into tears on your shoulders. Then, tatapikin mo na lang ang likod ko at say "its okay to cry." Pero Chris, nag-enjoy naman tayo sa company ng isa't isa during those lonely Friday and Saturday nights di ba? Nakakainis lang, tuwing dadaan ako sa Silya, ikaw lagi maalala ko. And I don't think I can ever dance again at Che'lu like what I did before.

I remember one time, nung nagopen ako ng FB and you saw me viewing his profile, suddenly I cried. Lumapit ka and I was surprised nung pinatay mo yung monitor. We fought pa nga diba cause hindi ko nagustuhan yung ginawa mo, then I realized you're just concern lang for me. Thank you bro. until now, yung text mo na yun sa akin, nasa cellphone ko at hindi ko pa binubura until now. Sabi mo kasi "Bro, you prolong the agony of waiting kasi kapag ganun. You deserve to be happy. i dont want to see you in tears. Cheer up and never frown."

Itong malapit na mag-Christmas, ginalugad natin ang Malate just to look for a Christmas party venue. It was stressful alright, but we had so much fun checking out the gay bars at the guise of prospecting for venues.

More recently, nag-send ka ng invitation sa lahat employees sa office, pero only three of us lang ang sumipot. We're so glad we did. Umuwi tayo 5 A.M.

One time, pumasok ako sa office ng Saturday. Nagkulong ako sa Meeting Room para makapag-concentrate sa trabaho. Then nag-LCS ka. Nasa office ka rin. You decided to come down to accompany me and to have a short chit-chat. A few Saturdays after, pumasok ulit tayo at ako naman ang umakyat sa floor nyo to visit you. Ikaw lang yata ang friend ko sa 21st floor. Pano yan wala ka na dun? It's like half of the office has become empty.

Chris, its hard for me to accept that you're gone. Its hard for me to believe that i wont see you forever. Bro, what am I going to do? You left me in this world that is full of misery. Chris, I don't want to miss you. I don't want to remember you. Because I still haven't grasped the idea that you're gone. I don't think I ever will. You're always present in the small things that I do at work, in the places that I frequent, and in the cute guys we used to collectively gush about.

Bro, wherever you are, I'm sure makaka-meet ka ng mga gwapong angels. Ihanap mo ko ng isa ha?

Till our next bar hopping,

Your bro

Wednesday, December 28, 2011

Perfect Two - Episode 7

Author's Note: Sorry po sa late update! :) nais kong batiin ang mga taong nagbasa ng series na ito :) Sina:
Kristofer, Chris, joed, Wicked Writer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm, Rue, darkboy13 , sir Jeffy, -cnjsaa- , robert_mendoza, john patrick, techie! , al justin, michael jere' , juan rolando, mj,  mga silent readers at mga anonymous.
also, nais kong batiin at pasalamatan ang mga kuya ko :)
kuya dendenpot ko na sinurpresa ako nuong christmas,. Thank you talaga kuya dendenpot ko! Best christmas gift ever! :D
kuya daren -i miss you too po kuya ko!
kuya Jam - thank you po sa comment! i miss
kuya jamespot na laging nagcocomment sa mga updates ko..thanks kuya! love u too! mwah! :D
kuya jeffrey at kuya kambal ko na lagi rin nandiyan for me :).
kuya win - i miss u kuya! :)
at sina kuya liger , kuya lance,  kuya kenji ,  kuya jm, kuya jennor.
and of course, maraming salamant kina kuya Mike and kuya Jayson.

BTW, belated merry christmas and advance happy new year! :D

Anyway, this is episode 7 of perfect two! Enjoy reading!


Episode 7 - The Plan

"It's doing great!" sabi ni Frank.

Anong ginagawa ni Frank dito?At sino yung kausap niya? At ano yung planong sinasabi niya?

"Are you sure you wanna do this?" tanung nung lalaking kausap niya.

Why do I have a bad feeling about this? hmm..

Patuloy pa rin akong nakikinig sa kanila.

"Bryan! Of course I do! Who wouldn't want revenge?" sabi ni Frank  na nakangiti pa.

Revenge? Sabi ko na nga ba eh, may mali dito..Pero kanino naman kaya siya maghihiganti?

"But don't you feel bad? because you're gonna use his bestfriend to get back at him, why don't you just do it to him instead?" sabi nung Bryan.

Bestfriend? I'm really curious about the person they're talking about. and nakakagulat rin kc wala sa mukha ni Frank ang gumawa ng masama. Para kasing ang bait bait niya.. pero baka naman maganda yung reason niya. pero...mali pa rin eh...basta mali talaga...

"Feel bad? Why would I feel bad about tasting sweet revenge?" sabi ni Frank.

"Because you're hurting someone else! someone innocent Frank! Someone who doesn't have to do with anything that happened!" sabi ni Bryan.

I really have a bad feeling about this. Hindi ko alam kung bakit pero parang...ewan..hindi ko maexplain..

"He messed with my bestfriend Bryan! You saw how Erica cried over Paul!"

oh sh*t! Paul?! Erica?! omg.. omfg..so ako yung sinasabi nila...I'm Paul's bestfriend...Erica is Paul's ex..oo, ex. Nagbreak sila dahil sa...ah eh...ewan..nakalimutan ko na..hindi naman kasi ako nag-pay attention masyado sa relasyon nila. Kasi nga diba, mahal ko si Paul, so nung time na nalaman kong naging sila ni Erica, lumayo na lang kao para hindi na ko masktan.. Pero sa pagkakatanda ko, naikwento sakin ni Tori na nag-away daw yung dalawa noon, hindi nga lang namin alam kung anung dahilan. So, ayun..nag-break na raw sila after nila mag-away.

But I never knew na magbest-friend si Erica and Frank...Maybe hindi lang talaga ako nagpay attention nung time na yun...Maybe kaya rin siguro kinamayan ni Paul si Frank nung time na ipakilala ko siya sa kanila, maybe it’s a sign of uhm..”peace tayo” ???

Pero bakit sakin siya maghihiganti????

“But Frank,” hindi pa natatapos magsalita si Bryan at cinut na siya ni Frank.

“No buts! Why are you so concerned about Marvin anyway? He’s just some nerdy gay a*s loser.” Sabi ni Frank.

Bigla akong natulala sa sinabi ni Frank.. Feeling ko gumuho ang mundo ko.. I feel like the world’s caving in to me..Bigla ko na lang naramdamang pumapatak na pala ang mga luha ko..

Sh*t....Bullsh*t!! G*go siya! Put*ng ina niya!! I’m a nerdy gay a*s loser?! F*ck him! You’re the motherf*ckin loser!! I trusted him! Tapos ganito pala?! So ginagamit lang niya ako para maghiganti kay Paul? Bakit?! Ano bang naging kasalanan ko sa kanila?! I have nothing to do with them! Tapos ngayon ayan! Ako tinitira! Arghhh! I can’t believe I trusted that guy! G*go ka Frank! G*go ka!

Oo, sandali pa lang kami nagkakilala ni Frank..pero sa sandaling panahon na iyon, kaagad niyang nakuha yung loob ko..kaagad akong nagtiwala sa kanya..na akala ko, okay lang na maging friends kami...pero hindi, gagamitin lang pala niya ako para makuha niya ang gusto niya..

Pero hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya..ano siya sinuswerte? Walangya siya..Humanda sakin yang Frank na yan..

“You’re on your own man..I don’t wanna be part of this.” Sabi nung Bryan.

“What?!” gulat na tanong ni Frank. “You know what?! Fine! Whatever man!” at lumabas na si Frank sa bathroom na galit sa kanyang kaibigan..

Naiwang nakatayo doon si Bryan. Nagbuntong-hininga siya at tumalikod para maghugas ng kamay sa sink. Pagkatapos ay lumabas na rin siya.

Naiwan lang ako dun mag-isa. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Nagpunas ng mga luha at naghilamos. Nagmadali akong bumalik sa classroom ko, baka kasi magtaka yung sub dahil ang tagal tagal ko. Pagdating ko sa room, kaagad akong umupo sa sulok sa pinakalikod, sa walang tao..Nagtaka pa ang isa kong kaklase kung bakit ako dun umupo, ngunit ang sinabi ko na lang ay gusto kong malapit sa bintana, dahil may bintanang malapit sa kinauupuan ko ngayon.

Habang nasa gitna ng panonood ng boring civil war movie ang mga classmates ko, ako naman, pinipigilan kong huwag umiyak sa sulok..

Pinipigilan kong huwag tumulo ang luha ko pero, hindi ko talaga mapigilan..Patuloy na umaagos ang mga luha ko..

OA na kung OA.. pero hindi ko talaga mapigilan..naiiyak ako sa sobrang galit...kasi niloko niya lang ako...akala ko maganda ang intensyon niya sakin...akala ko mabuti siyang tao..akala ko magiging mabuti siyang kaibigan,. Pero mukang tama nga talaga ang sinasabi nila, na maraming namamatay sa maling akala...at muntik na akong mamatay ng dahil samga akala kong iyon..Muntik ko nang isugal ang buhay ko..muntik ko nang ibigay sa kanya ang pagmamahal ko... Honestly, kung liligawan niya ako, hindi ako magdadalwang isip na sagutin siya.. Gwapo, gentleman, mabait,..Pero palabas lang pala ang lahat...hindi pala siya mabait..masama ang ugali niya..maitim ang budhi..anak ni satanas...isang demonyo!

Bugok naman kasi tong si Paul eh! Kungdi niya pinaiyak si Erica, edi sana walang ganito ngayon!...

Pero hindi ko pa rin pwedeng sisihin si Paul.. Hindi ko naman alam ang mga nangyari..

Pero si Frank, siya talaga ang dapat kong pagbuntunan ng galit..Kahit na sinasabi niyang para sa bestfriend niya to, wala pa rin sa lugar yung maghihiganti ka sa isang taong wala namang kasalanan diba? Abnormal lang? G*go ba siya? Edi dun siya kay Paul maghiganti! Wag sakin! Bugok pala siya eh!

Nakatulala ako dun na nakaupo ng bigla akong nagulat dahil may tumapik sa akin.

“Marvin!” sabi ng isa kong kaklase.

“What?” bigla akong bumalik sa kasalukuyan.

“Class is over..” sabi niya.

Napatingin ako sa wall clock. Tama nga siya, tapos na ang klase,. Sa sobrang pagkatulala ko dun nakaligtaan ko na yung oras.

“Thanks.” Nagpasalamat ako sa kaklase ko.. Kasi kung hindi niya siguro ako tinapik, baka hanggang second block nandun ako sa class na yun at baka malate pa ako sa next class ko.

“Are you okay?” tanong niya.

“Yeah, why wouldn’t I be okay? It’s actually a great day!” <---- plastik..

“You sure?” parang ayaw pa niyang maniwala.

“Of course!”

“Okay,.”

At nginitian ko na lang siya. Nagpaalam na ako sa kanya para makapunta sa next class ko. Kinalimutan ko muna ang nangyari nitong nakaraang oras at sinubukan kong ituon ang pansin ko sa lesson na itinuturo ng teacher ko.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng teacher ko, bigla kong naramdamang nagvibrate ang bulsa ko.

Sino naman kaya ang nagtext sakin?

Patago kong tinignan kung sino ang nagtext..

Wow, speaking of the devil... nagtext si Frank!

Sa message:

------->Hey Vin! See ya at lunch later! I’ll wait for you at Dante’s! J


Aba, at mukhang tumatakbo na naman ang plano nitong mokong na to. Hmp! Wag kaya akong pumunta? Hayy...Bahala na!

Natapos ang morning classes ko at dumirecho na ako sa locker. Naging tahimik lang ako. Napansin naman ito ng mga kaibigan ko.

“Vin okay ka lang?” tanong ni Trina.

“Oo nga Vin, may problema ba?” tanong ni Tori.

Umiling na lang ako.

“Bakit ayaw mo magsalita?” tanong ni RL.

“Wala to..Masakit lang ulo ko..” palusot ko na lang.

“Sigurado ka?” tanong ni RL.

Tumango na lang ako.

Mukha namang nakumbinsi ko yung tatlo at hindi na sila nagtanong. Lumabas na kami sa school. Nagpahuli akong maglakad, sinabayan naman ako ni Paul.. Naglalakad kami palabas ng school ng bigla akong tanungin ni Paul.

“Sino nagpaiyak sa bestfriend ko?” tanong niya.

Hala! Pano niya nalaman?!

“Ano?” kunyaring nagtatakang tanong ko.

“Kung akala mong mapapaniwala mo kong okay ka lang, nagkakamali ka. You might have fooled those 3 pero kilala kita Vin, I know when there’s something wrong with you.. Alam ko kaya ichura ng mga mata mo pag umiyak ka.” Pagmamalaki pa niya sa akin.

“What are you talking about Paul?” deny ko po rin.

“Deny it all you want Vin, pero hindi mo ko maloloko. Patay sakin yang nagpaiyak sa’yo.” Sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Pano naman kaya nalaman nitong mokong na to?..Pero natouch ako sa sinabi niya..sobra..gusto ko nga siyang yakapin eh, kaya lang wag na lang..baka kung anu pang isipin niya..

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng Dante’s.Tumigil muna ako sa harap ng pinto..

Eto na..

Huminga muna ako ng malalim at pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa loob, kaagad na nakaagaw ng aking attention ang isang lalaking kumakaway sa akin.. Nakangiti ito sa akin na parang isang maamo’t napakabait na anghel..pero he’s a devil in disguise pala.

I should’ve known..a wolf on a sheep’s skin. Pero hanga ako sa get-up niya huh. Hindi ko naamoy ang malansa niyang kaluluwa.. Kung hindi ko pa narinig ang lahat lahat kanina, siguro nahulog na ko sa patibong niya..muntik na...pero malas niya, now that i know everything, hinding hindi na ako mahuhulog sa bangin niya.

Sasabihin ko sana kila Tori na huwag dun umupo kay Frank ngunit bigla silang pumuta doon sa table niya. So no choice ako. Nakiupo na lang din ako. May pagkain nang nakahanda para sa akin at sa kanya.

In fairness, magaling siyang dumiskarte sa tao..Pero sorry siya.. Hindi na ako maapektuhan niyang kamandag niya!

“I already ordered food for the both of us.” Sabay ngiti sa akin.

Hello? Nakikita ko po! Hindi ako bulag!

“Uhm.thanks, but I’m not hungry.” Tugon ko sa kanya. Ni hindi ko man lang siya tiningnan. Sa halip, tumingin na lang ako sa bintana.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako gutom..Parang wala ako sa mood kumain..At kahit na nagugutom ako, hindi ko pa rin kakainin yan, malay mo may gayuma yan, or worse, lason..

“Are you sure? Baka walang laman yang tummy mo. Baka sumakit pa yan.”

Aba, as if naman na concern tong g*gong to!

“I’ll be fine.” Sagot ko na lang, habang nakatingin pa rin sa bintana.

Natapos silang kumain at wala akong kinausap ni-isa sa kanila. Dumiretso na lang ako sa next class ko at hindi na sila hinintay pa.

Pagkatapos ng 4th block ko, naghanda na ako pauwi. Kinuha ko yung jacket ko sa locker ko, at iniwan ang mga notebooks at books ko dahil wala naman kaming homework.

Naglalakad na ako pauwi kasabay nina Trina, RL at Paul, ng bigla akong harangin ni Frank sa daan.

“Vin can we talk?”

“Talk about what?” hindi pa rin ako nakikipag eye-to-eye contact sa kanya.

“Can we talk about this somewhere private?” he asked.

“5 minutes.”

“That would be enough.”

At pumunta kami sa park malapit doon. Walang tao sa park na iyon, kaming dalawa lang.. Pinauna ko naman sina RL pero sabi nila, hintayin na lang daw nila ako.

Tumigil kami sa isang bench. Umupo siya. Umupo naman ako sa kabilang edge ng bench.

“Vin.” Hinawakan niya ang kamay ko. Ngunit tinanggal ko naman ito kaagad.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Siya naman, nakatitig lang sa akin, na parang nagpapaawa.

Those puppy dog eyes will never work with me...not anymore..

“Vin, may problema ba? You seem like you’re avoiding me..” sabi niya.

“Problema?” humarap ako sa kanya..first eye-to-eye contact of the day.. “Why don’t you try asking that to your self!”

“What do you mean? I d-don’t understand.” Pag-mamaang-maangan niya.

“You don’t understand? Don’t pretend like it’s nothing Frank! I’m not stupid as you think!” at hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.

“I..I’m still clueless...” sabi niya.

“Bullsh*t Frank! Wag ka nang mag-maangmaangan pa! I know everything! I know everything including your stupid plan to make me fall inlove with you just to use me to get even with Paul!” halos hingalin ako sa tuloytuloy kong pagsasalita.

Nanlaki lang ang mga mata niya.

“Oh so you think you can fool me huh?!” sumbat ko pa sa kanya.

“Vin let me explain..I didn’t mean to..” at kunyari pang nagsisisi ang demonyo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ngunit kaagad ko itong binawi sa kanya at saka siya binigyan ng isang sampal.. Nagulat siya ngunit hindi ito nagalit sa akin.

“How could you Frank?! How could you?! I trusted you! I thought you were nice to me and all that. I thougt you were a good friend! But, this! This whole plan thing! This piece of sh*t you’re doing to me, is just crap! It’s bullsh*t! Arrgghh!” galit na galit ako sa kanya..Tumutulo pa rin ang luha ko.

“Vin..please..I’m sorry..” pagmamakaawa niya.

“You’re sorry?” at sinampal ko siya ulit. “That’s for calling me some nerdy gay a*s loser.” At tumalikod na ako sa kanya.

Tumigil muna ako muli para sabihin.. “Next time, kapag mag-uusap kayo ng kaibigan mo about sa plan niyo sa bathroom, try checking if someone’s there first. You guys are so dumb. You never knew I was there that time.”

Sa sinabi kong iyon, nanlaki ang mga mata niya at tumingin siya sa lupa.

Iniwanan ko na siya doong nag-iisa, naglalakad ako patungo kila RL ngunit patuloy pa ring pumapatak ang aking mga luha..Kaagad nila itong napansin.

“Pa! Bakit ka umiiyak?!” alalang tanong ni RL.

Ngunit patuloy lang akong naglakad habang pinupunasan ang patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

“Vin wait!” si RL. “Pa!” at hinablot niya ang kamay ko para ako’y pigilan.Humarap ako sa kanya. Niyakap niya ako. Napayakap rin ako sa kanya ng mahigpit at humgulgol sa kanya.

Wala na akong pakielam sa lahat ng taong nakatingin sa amin ng oras na iyon..Gusto ko lang ilabas lahat ng nandito..gusto kong maubos na laaht ang luha ko..Because I don’t wanna cry over some stupid guy who messed me up. Halos ilang minuto rin akong nakayakap kay RL nung hapong iyon. Hindi na nila ako tinanong kung anong nangyari..Mas minabuti muna nilang ako’y makapag-pahinga, kaya inihatid muna nila ako sa bahay bago sila umuwi..Noon ko lang napansin na wala na pala si Paul..Hindi ko alam kung kailan pa siya nawala. Inisip ko na lang na baka umuwi na siya.

Nagkulong lang ako sa kwarto noong hapong iyon..Binuksan ko ang ym ko..Naalala ko, hindi nga pala kami nakapag-usap kahapon ni kuya Vinvin dahil nandito si Paul.. Kaya kaagad bumulaga sa akin ang mga messages ni kuya Vinvin. Sabi niya, namimiss na raw niya ako, at sana raw ay okay lang ako..Hindi ako nagreply..sa halip ay nagchange ako ng status ko sa ym, at inilagay ang isang crying face emoticon. Pagkatapos ay nahiga ako at nakatulog.

Umaga na ng magising ako..3:00 am..walang pasok ngayon..pagtingin ko sa phone ko, nakita ko ang mga messages ni kuya Vinvin sa akin.

(KV = Kuya Vinvin ; LV = Little Vinvin)

KV : Little Vinvin ko!
Buzz!
KV : Bakit may crying emticon? May problema po ba?
Buzz!
Buzz!
KV : Little Vinvin ko...kausapin mo naman kuya Vinvin mo oh..
Buzz!
KV : Little Vinvin ko,..nahihirapan na si kuya Vinvin mo..kasi nagwoworry ako sau eh..gusto kita kausapin pero ayaw mo naman sumagot..at iyak ka lang ng iyak.
Buzz!
KV : little vince ko, lagi mo tatandaan andito lang kuya vince mo, handa ako makinig sa mga gusto mo sabihin.. at hindi kita iiwan.. kung ayaw mo muna magsalita sa akin or kung ayaw mo muna ako kausapin? cge ok lng.. bbgay ko sau ang oras na kelangan mo, pero wag mo lang kakalimutan na andito lang ako..I love you little Vinvin ko..


Halos maiyak akong muli sa nabasa kong mga messages niya..nakita kong online pa siya kaya ako’y nagreply kaagad.


LV : Kuya vinvin ko..i'm really sorry ndi n ko nkpgreply sau kgbi..nakatulog kc ako agad.i'm really really sorry.thanks for being there kuya vinvin ko dnt worry ok n po ako.love u kuya vinvin ko.mwah!

Wala pang ilang segundo’y nagreply siya kaagad.

KV : Little vinvin ko!
LV : Kuya vinvin ko! Sorry po ulit kagabi.. L
KV : ayos lang yun..Okay ka na ba little vinvin ko?
LV : Opo! Jan ka na po eh. J
KV : parang hindi naman ako ang kailangan mo para maging ok ka eh..
LV : Pero ikaw ang nanjan para sakin. And i thank u for that.
KV : kase d ba simula't sapul na nagkamabutihan tayo eh hindi nman ako nawala sa tabi mo at hindi nman kita iniwan? basta lagi mo tatandaan na andito lang ako.. para sa little vinvin ko.

Halos maiyak akong muli sa aking nabasa..

LV : I'm so lucky na nakilala kita kuya vinvin ko. Ang bait bait mo po kuya..
KV : ako din naman maswerte ng nakilala kita.. J

Unti-unting gumaan ang loob ko.

KV : Uhmm...musta school? May pasok ka ba ngayon? Aga mong nagising ah.
LV : Okay naman po school..hindi naman po ako tinotorture ng mga teacher ko ng mga school works..wala po kaming pasok ngayon..long weekend po.
KV : ahh ganun ba?
LV : Hehe opo,. Ikaw po kuya? Kamusta work?
KV : ako? stressed lang masyado ang kuya mo kahapon. pero ok lang naman.. btw, pag tinorture ka ng teacher mo lagot sa akin un..

Natouch naman ako sa sinabi niya. At mejo kinilig na rin.

LV : Ang sweet tlga ng kuya ko.
KV : espesyal ka kase sa akin eh..

Kinilig ako sa sinabi niyang espesyal ako sa kanya..ewan ko ba..pag siya kausap ko, parang nawawala lahat ng pangangamba ko, lahat ng problema, lahat ng hinanakit..Basta, masaya ako pag kausap ko siya..Lagi niyang napapagaan ang loob ko..

LV : ayiie! kaya lab ko kuya ko eh! J
KV : lab din naman kita eh. J *hugs* *kisses*

Lalong nagpakilig sa akin ang nabasa ko.

KV : wag ka na masyado mag iisip ha? malayo pa nman ikaw sa akin, d kita kayang puntahan diyan para ma hug at macomfort..
LV : Opo kuya ko J

Mukang namemental block na naman ako sa sobrang kilig ko..naku!

KV : kung pede nga lang sana sa bawat pagkakataon na malulungkot ka eh nasa tabi mo ako.. para iha-hug kita ng mahigpit. at hindi kita papakawalan para mas lalo kita ma comfort eh
LV : J kung pwede nga lang...hayzz..
KV : Uhmmm little vinvin ko?
LV : po kuya vinvin ko?
KV : Gusto mo bang pag-usapan natin yung problema mo?

Nag-aalangan ako kung papayag ba ako or hindi..parang ayoko muna kasing pag-usapan eh.

LV : Pde po b.. wag muna ngaun?..
KV : hhmm.. ok naiintindihan ko..
LV : sorry kuya ko..
KV : you don’t have to say sorry. basta little vinvin ko. andito lang ako.. hindi kita iiwan. at sana wag mo kakalimutan si kuya vinvin mo ha?. pag may problema ka? at gusto mo ng kausap? andito lang ako..Gaya nga ng pag-uusap natin kahapon, nandito ka lang sa puso ko..at nandiyan lang ako sa puso mo..
LV : Thanks kuya Vinvin ko J
KV : Little vinvin ko..
LV : Po?
KV : Yung problema mo ba eh...problemang puso ba ito?
LV : Ah eh...hmm..parang ganun na nga po..
KV : sira ulo un ah.. pinaiyak ang little vinvin ko? pasalamat siya at hindi ko siya kilala kundi... babasagin ko mukha nun..

Sobra akong natouch sa sinabi niya..

LV : Yaan mu n po cia kuya ko.
KV : haayyy naku.. ang layo mo kase eh.. hindi kita tuloy ma hug ng mahigpit para maramdaman mo na andito lang ako at handa kitang alagaan.
LV : Nararamdaman ko n nmn po na nanjan ka eh.kahit malayo ka.
KV : pero sa isang banda... masaya ako sa paglisan nya sa buhay mo.. kse masosolo kita..

Natawa ako sa sinabi niyang iyon.

KV : d ba? at least konti na lang ang kaagaw ko sa atensyon at pagmamahal ng little vince ko..
LV : Hehehe kuya, parang wala ka nmng gf kung magsalita.
KV : ganun?
LV : Hinay hinay lng kuya ko ah, ayokong masira ang relationship niu just because of me.

Siyempre, wala naman sa biodata ko ang manira ng relationship no! Wala yata sa mga talents ko un.

KV : bakit kelangan ba na wala ako gf para masabi ko lang sau un little vinvin ko? eh sa iyon ang nararamdaman ko eh.. wag ka mag alala at hindi nman masisira un eh..
LV : Ok po cge. Sabi mu po eh. Ikaw bahla kuya vinvin ko J
KV : ayaw mo po ba sa mga sinasabi ko at ginagawa ko sau little vinvin ko?
LV : Hindi naman po sa ganun. Gusto ko p nga po ung pagkasweet nio po sakin eh. Ikaw p lng po ang unang kuya ko na naging ganito kasweet sakin.. And we've just known each other for like a week.

Siya pa lang naman talaga ang naging ganun kasweet sa akin..Don’t get me wrong, sweet naman lahat ng kuya ko..pero siya talaga yung pinakasweet sa kanilang lahat xD.

KV : sabihin mo lang po kung naiilang ka or hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ko ha? para naman ititigil ko na.
LV : opo kuya ko J
KV : gusto mo ba itigil ko na ung ginagawa ko?
LV : Wag poooooooo!

Siyempre ayoko naman mawala yung sweetness niya sa akin..yun na nga lang nagpapasaya sa akin eh, tatanggalin ko pa ba? Di ba?

KV : lika nga dito sa tabi ko.. hug kita ng mahigpit at pa kiss si kuya.. *hugs* Mwah!
LV : *hugs back* Mwah!
KV : ok lng ba sau na hug kita at kiss kita? d ka ba naiilang or nasasagwaan?
LV : Ndi po.ok lng un..kuya ko nmn ikaw eh. J
KV : ahahaha.. lika nga kandong ka nga sa akin habang hug kita ng mahigpit.. *hugs*

Ang sweet talaga nito..konti na lang..maiinlove na ko dito..

KV : kiss kita sa noo mo. Mwah! tapos hahaplusin ko ang buhok mo sa may noo. hahawiin ko at sabay sasabihin ko sa'yo na... lagi mo tatandaan na hindi ka iiwan ng kuya mo.. andito lang ako.. at mahal kita...

Naramdamanan kong tumulo ang luha ko..

Sobrang sweet niya...sobra...

KV : at kung sino man ang aaway at magpapa iyak sau.. papaiyakin ko din sa gulpi..bwahaha.

Napangiti ako sa sinabi niya.

LV : thanks kuya ko..i love you too po! J
KV : Mwah!
LV : Ang sweet sweet mo tlga kuya ko J
KV : hehe siyempre! Little vinvin yata kita! sayang nga lang at malayo ka kaya hanggang dito lang muna sa ym ko siya nagagawa.. pero kung malapit ka lang at katabi kita, ginawa ko na sau ito at mapaparamdam ko ang pagaalaga ko sau.. lagi mo tatandaan little vinvin ko.. mahal kita.. ok?  mahal ka ng kuya vinvin mo.. kaya hindi pedeng may basta na lang aapi sau at sasaktan ka..
LV : Naluluha nmn ako sa cnsbi mo kuya ko... Touched kc ako..sobra.. Kya love n love kta kuya ko eh.
KV : totoo lahat ng sinasabi ko... sana nararamdaman mo ung sinseridad ko..
LV : Kya nga po ako naluluha eh.kc po nararamdaman ko po ng sobra.
KV : awwee J hug kita ngayon ng mahigpit at i-rest mo lang ang ulo mo sa dibdib ko.. pahinga ka lang sa dibdib ni kuya vinvin mo..kahit matulog ka pa..okay lang..papanuorin na lang kita habang natutulog ka..

Grabe! Todo na to!!

LV : I love u kuya ko! *hugs*
KV : i love you too little vinvin ko! Mwah!

Ang saya saya ko..sobra...Parang naiinlove na yata ako sa kanya...ewan..basta! Nag-usap pa kami sandali at nagpaalam na rin siya..uuwi na raw kasi siya.

KV : Little vinvin ko, uwi na si kuya..usap na lang ulit tayo bukas.
LV : O sige po kuya vinvin ko! Ingat po sa pag-uwi! Pahinga po agad pag dating sa bahay! Mwah!
KV : I love you little vinvin ko! Wag na iyak huh!
LV : Opo! I love you too kuya vinvin ko! Mwah!
KV : *hugs* bye! Mwah!
LV : Bye kuya ko! *hugs* mwah!


At nag-log-out na siya. Naiwan ako doon sa kwarto kong nakatingin sa kisame at nakangiti..Maya-maya’y biglang nagring ang phone ko..si Paul..

“Vin, gising ka na ba?” parang mahina ang boses ni Paul.

“Oo bakit napatawag ka?”

“Nandito ko sa labas ng bahay niyo..pwede ka bang bumaba?” tanong niya.

“Ha?! O sige sige. Hintayin mo ko.”

At dali dali akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Pagbukas ko ng pinto, agad na bumagsak sa akin ang katawan niya. May dugo ang kanyang labi at madungis ang kanyang damit..May pasa rin sa pisngi niya.

“Paul! Anong nangyari?!” tanong ko sa kanya.


--------------------------------
Until the next episode,
Lilvincy.


contact me @: 
FB : vince_blueviolet@yahoo.com
YM : binz_32@yahoo.com



(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails