Followers

Monday, November 30, 2015

Enchanted: Broken (Chapter 11)

Chapter 11
Adobo


Nakatuon ang atensiyon ni Errol sa pinapanood na pelikula, ngunit ginugulo ng kasama ang kanyang isipan. “Ivan, pwede magtanong?”

“Ano ‘yun?” tanong din ni Ivan habang pinapapak ang Pringles.

“Um.” Nagdadalawang-isip si Errol kung magtatanong ba o hindi. Sandali itong natahimik.

“Huy,” saad ni Ivan na tinapik ang katabi, “ano ‘yung itatanong mo?”

“Ah, eh, kasi, bakit ang bait mo sa akin?”

Ngumisi si Ivan. “Next question please.”

“Uy, bakit nga?” tanong ulit ni Errol na napalingon ng sandali kay Ivan na nakangisi. “Kasi kung tutuusin hindi mo naman ako kilala, pero napaka-thoughtful mo sa akin.”

“Uy, ikaw ha, baka san mapunta ‘tong usapan na ‘to,” sagot ni Ivan sabay siko sa tagiliran ni Errol.

Hindi na nagpumilit si Errol. Medyo nahiya rin ito. Iniisip niyang baka kung ano na iniisip nitong katabi niya. Kung ano man iyon, malamang tama siya. Apat na araw pa lang silang magkakilala pero parang matalik na silang magkaibigan. Nahihirapan na rin ang binatang ikubli ang kilig na nadarama nito sa tuwing magtatama ang tingin nila ni Ivan o kaya naman ang nadarama nitong tila pagdaloy ng kuryente sa katawan niya sa tuwing nagdidikit ang kanilang balat.

Tahimik na tinapos ng dalawa ang palabas hanggang napansin nilang alas singko na ng hapon.

“Hapon na. Hindi ka pa ba hahanapin sa inyo o sa store mo?” tanong ni Errol kay Ivan habang nilalabas ang blu-ray disc mula sa player at binabalik ito sa lalagyan nito.

“Hindi. Nagbilin na ako sa assistant ko na wala ako ngayong hapon. Papanhik naman ako dun mamayang gabi.”

“Magpapagabi ka talaga dito?”

“Ayaw mo?”

Nasulyapan ni Errol ang pilyong ngiti ni Ivan kaya umiwas kaagad siya ng tingin. “Okay na naman ako. Di ako kailangang bantayan.”

“Tingin ko nga. Pero dito na lang ako kakain.” Binuksan ni Ivan ang refrigerator nina Errol upang tingnan ang laman nito.

Ngumiwi si Errol sa hiya. “Eh, hindi ako marunong magluto.”

Kumunot ang noo ni Ivan. “Seryoso? Kahit magsaing?”

“Ah, ‘yun alam ko. Specialty ko ‘yun.”

“Wow, at least, may alam ka pala kahit papa’no.”

“Marunong din akong magprito ng itlog.”

“Uy, ‘wag ‘yun!” pilyong saad ni Ivan sabay dakma sa sariling harapan na ikinabigla ng kausap.

Nabigla si Errol sa akto ng kasama at umiba ng tingin, pero nagulat siya nang biglang lumapit si Ivan sa kanya at bumulong.

“Yung itlog pang-breakfast lang.” Nakadakma pa rin ang isang kamay sa sariling harapan.

“Uy...” Ito na lang ang namutawi sa bibig ni Errol na noo’y nakaramdam ng magkahalong kilig at asiwa. Medyo naitulak nito si Ivan na humagalpak sa katatawa sa gilid niya. Hindi mapigilan ni Errol na mapalingon sa binatang kasama at pagmasdan ang masaya nitong mukha, ang ningning sa mga mata nito habang tumatawa, ang pantay nitong mga ngiping mapuputi, at ang malarosas nitong mga labi. Parang tumigil na naman ang oras hanggang sa maramdaman niyang tinapik siya ng kasama sa balikat.

“Hala si sir natulala na naman.”

“Ha, ah, eh...” Biglang binawi ni Errol ang titig.

“Ikaw, sir, ha. Napapadalas na ‘yang pagkatulala mo sa akin ha.”

“Ha? Wala. May iniisip lang ako.”

“Sino, Sir Errol? Ako?”

Napangiti na lang si Errol at napayuko. Sobrang kilig ang nadarama niya at hindi niya malaman kung sisigaw o maglulupasay. Pero ang mainam gawin sa tingin niya ay umastang parang wala lang ang lahat. Ivan, please ‘wag mong gawin ito.

“Uy, natahimik ka na diyan.” Marahang ginalaw ni Ivan ang balikat ni Errol. “Binibiro lang kita.”

Ngumiti lang si Errol ngunit hindi lumingon. Hindi niya alam ang sasabihin. Naramdaman na lang niya ang mga kamay na humawak sa magkabilang balikat niya at marahan siyang niyugyog.

“Huy, binibiro ka lang.”

Pilit binalik ni Errol sa wisyo ang sariling diwa. “Ano ka ba? Wala ‘yun.” Tinungo ni Errol ang rice cooker upang tingnan kung may natirang kaning lamig. Sinandok niya ito at nilagay sa isang mangkok. Hinugasan niya ang lalagyan ng bigas at pagkatapos ay nilagyan ito ng bigas. Matapos hugasan ang bigas at punasan ang labas na bahagi ng lalagyan ay sinalang niya na ito sa rice cooker.

“Ano’ng gusto mong lutuin ko?”

“Seryoso, magluluto ka? ‘Wag na. Nakakahiya.”

“Kung okay lang. Okay lang ba? ‘Di ba magagalit parents mo?”

“Okay lang. Nagtext si papa na baka gabihin daw siya sa pag-uwi kasi may sinusupervise siyang project na kailangan tutukan.”

“Ah, ganun ba? Mama mo?”

“Malamang gagabihin din ‘yun. Malamang nakikipagtsismisan pa ‘yun dun sa mga kasama niyang magnenetworking.”

“Teka, wala ka bang mga kapatid?”

“Meron, step sister.”

“Asan siya?”

“Nasa Japan.”

“OFW?”

“Hindi. Nag-aaral siya dun. Naofferan kasi siya ng scholarship sa isang university dun.”

“Wow!”

Ngumiti lang si Errol. Hindi sila malapit ng kapatid niya, hindi dahil sa hindi niya ito tunay na kapatid, ngunit dahil sa hindi sila madalas magkita at mag-usap nun. Minsan nagkakausap sila sa Facebook. Kamustahan. Walang mga malalim o masayang pag-uusap. Gayunpaman ay masaya si Errol sa kapatid.

“Adobo, type mo?”

“Aba siyempre! Basta ba masarap ang pagkakaluto.”

“Tulad ko?”

Natameme na naman si Errol. Hindi talaga siya sanay sa mga hirit ni Ivan, at tuwing hinihiritan siya nito sabay ang matamis na ngiti at tila nang-aakit na tingin ay parang nanlalambot ang mga tuhod niya.

Natawa naman si Ivan. “Natahimik ka na naman.” Inilabas na niya ang karne mula sa freezer. “Errol, marunong ka ba maghiwa ng bawang?”

“Oo naman,” sagot ni Errol nang kaswal.

“Ingat ka baka masugatan ka.”

Ngumiti lang si Errol sabay yuko. Kinuha nito ang dalawang sangkalan at inabot ang isa kay Ivan. Kumuha din ito ng bawang.

Napadako ang tingin ni Ivan sa basket ng prutas na dala nito kagabi. “Teka, hindi mo kinain ‘yung dala ko kagabi?”

“Ah, eh,” Oo nga. Naalala ni Errol hindi niya nga pala nagalaw ang mga ito. “Nakalimutan ko kasi.” Napakamot siya sa ulo.

“Grabe ka ha. Nakakatampo.” Sumulyap si Ivan kay Errol habang hinihiwa ang karne.

“Okay sige.” Kumuha si Errol ng isang mansanas. “Ito na po, kakagatin na.”

“’Yan, ganyan nga. Dapat kinakain mo ‘yan. An apple a day keeps the doctor away.”

“Wrong!”

“Ha?” Kumunot ang noo ni Ivan. “Mali ba ‘yun?”

“An apple a day is seven apples a week.”

“Wow! Text mo ako kung kelan ako tatawa, sir, ha.” Ngumisi si Ivan.

“Korni ba?”

“Medyo?”

“Hindi naman ‘yun joke.”

“Ano ‘yun?”

“Logic?”

Oo nga naman.

Biglang nabahala si Errol dahil nakaputi nga pala si Ivan habang naghihiwa ng karne. “Teka, gusto mo magsuot ng apron? Baka madumihan ang t-shirt mo.”

“Meron ba?”

“Teka.” Kinuha ni Errol ang isang apron na nakasabit sa sulok ng kusina at inabot ito kay Ivan.

“Thanks!”

“Teka, pasensiya ka na mainit dito sa kusina. Hindi kasi aircon bahay namin.” Napansin kasi ni Errol na pinagpapawisan ang bisitang naging kusinero.

“Okay lang.” Ngumiti si Ivan habang hinihiwa ang karne.

“Teka kukunin ko ang electric fan.”

“Okay lang ako. Mabango naman ang pawis ko. Kahit amuyin mo pa.” Ngumiti ulit ng pilyo ang makisig na binata.

“Okay, sabi mo, eh.” Talaga? Pwede kitang amuyin? Paamoy nga. Pumunit ng ngiti sa labi ni Errol ang tumatakbo sa kanyang isipan. “Tapos na itong bawang. Ano pa ba ang kailangan?

“Sige na, ako na diyan.”

“Papainitin ko na ba ang kaldero?”

“Sige, sige. Tapos ako naman ang painitin mo.” Ngumisi si Ivan.

“Ha?”

“Wala. Tapos na itong mga karne. Okay na. Ako na bahala diyan, Errol. Magrelax ka na lang.”

Kinikilig na naghugas ng kamay si Errol. Papainitin ko daw siya? Sa isang banda ay naisip niyang baka pilyo lang talaga si Ivan. Ibang-iba ito kay Erik, na seryoso kausap. Napansin ni Errol na habang nasa harap ng lutuan si Ivan ay pawis na pawis ito. Hinubad nito ang apron na suot at lumingon sa kanya.

“Okay lang ba hubarin ko shirt ko?”

Nagulat si Errol sa tanong pero -- “ikaw bahala.” Tila bumagal ang takbo ng mga segundo habang pinagmamasdan ni Errol si Ivan na tinatanggal ang puti nitong t-shirt. Napalunok na lang siya nang tumambad sa kanya ang kahubdan ng binata. Sinabit nito ang t-shirt sa pinagsabitan ng apron. Malayang pinagmasdan ni Errol ang katawan ng bisita datapwa’t naiilang ito. Litaw na litaw ang matipuno nitong dibdib, ang kulay rosas na mga utong, ang six pack abs, ang maumbok na balikat, ang pumuputok nitong mga braso, at ang magandang hubog nitong likod. Huli na ng mapansin nitong nakatingin sa kanya ang kanina pa niya minamasdan.

“Sir, pinagpapawisan ka rin yata.”

Doon lamang napansin ni Errol ang nakakalokong ngiti ni Ivan. “Ah, eh... Tinitingnan lang kitang magluto.”

“Talaga?” Binigyan ng kindat ng pawisang nagluluto ang nakamasid at bumalik sa ginagawa. “Sir, pwede makisuyo?”

“Ano ‘yun?”

“Pakikuha ako ng face towel kung meron ka, kung pwede lang po.”

Agad namang pumunta si Errol sa kwarto at kumuha ng malinis na towel. Nang makabalik ito sa kusina ay inabot ito sa pawisang binata, ngunit nginisihan siya nito.

“Pwede mo bang punasan ang pawis ko sa mukha?”

“Ha? Ikaw na lang.”

“Sus, sige na. May hawak ako o,” saad ni Ivan sabay angat ng sandok at angat ng kamay nyang nakahawak sa kawali.

“Okay, sige,” wika ni Errol sabay mahinang idiniin ang bimbo sa noo ni Ivan. Naamoy niya ang pawis ng binata. Tama nga siya. Mabango ang pawis niya. Lihim na nasisiyahan si Errol sa pagpahid sa noo ng bisita habang minamasdan ang pawisang katawan nito nang malapitan.

“Sa leeg ko rin, baby,” saad ni Ivan habang binigyan si Errol ng nakakalokong tingin at ngiti.

“Baby ka diyan.” Binaba ni Errol ang towel sa leeg ni Ivan habang nilalabanan ang kakaibang sensayong dulot sa kanya ng pinapagawa ng bisitang nagluluto.

“Baby bro ba. Ito naman.”

Bakit ang lambing yata ng boses niya ngayon? “Eh, hindi mo naman ako kapatid.”

“Eh, ano gusto mo? My love?” Kumindat si Ivan kay Errol. “O darling?” Ngumiti ito.

“Loko-loko! Pinagtitripan mo ako ha.” Biglang naibato ni Errol sa mukha ni Ivan ang towel na agad naman niyang nasalo.

Agad pinahid ni Ivan ang bimbo sa noo ni Errol. “Ikaw naman hindi na mabiro. Ayan, pati ikaw pinagpapawisan na rin.”

Kinikilig si Errol na medyo naaasiwa. “Ano ba?”

“Okay, sorry, sir.” Kinurot niya sa pisngi si Errol na may halong gigil. “Ang cute mo!”

Ano daw? Ang cute ko? Shit! Ang hormones ko. “Pinagtitripan mo talaga ako.”

“Hindi uy!” Binaling ni Ivan ang tingin sa niluluto at tinakpan ito. “Malapit na ‘to.”

Tumunog ang cellphone ni Errol.

“Ito, luto na. Hmmm, ang bango! Errol, gusto mo tikman?”

“Teka, may bisita tayo,” sagot ni Errol na tinungo ang sala. Ngunit pagdating niya sa sala ay biglang namatay ang ilaw.

Mukhang nagkabrownout. Kinakabahan si Errol. Bigla nitong naalala ang nakakapangilabot na karanasan noong nakaraang gabi lang. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ano na naman ba ‘to? Subalit pilit niyang kinalma ang sarili. Lumingon lingon ito sa paligid, ngunit sobrang dilim. Sa labas ay wala siyang maaninag na liwanag.

Naalala nitong hawak nga pala niya ang kanyang cellphone. Kinapa niya ang power key nito at pinindot. Walang nangyari. Nagtataka si Errol sapagkat alam nitong hindi pa mababa ang lebel ng baterya ng telepono. Bumalik ang takot niya. Sa tingin niya ay mauulit na naman ang nakakahilakbot na karanasan nito kahapon lang ng gabi na ikinawala nito ng malay.

Oo nga pala nasa kusina nga pala ang kaibigan niyang kakatapos lang magluto. “Ivan? Ivan, andiyan ka ba?” Halata sa boses niya ang takot.

“Errol, andito ako.” Mas malakas ang boses ni Ivan ngayon kesa kadalasan. “D’yan ka lang. ‘Wag kang gagalaw.”

“Ivan...” Kinakabahan ang binatang napako sa kanyang pagkakatayo at walang maaaninag.

“Oo, teka, wala akong makita.”

“Ivan, natatakot ako...” Dama ni Errol ang pagtulo ng pawis mula sa sentido.

“Pailawin mo cellphone mo!”

“Kanina ko pa ino-on, ayaw mag-on.” Biglang may naramdaman si Errol na malamig na hanging dumampi sa batok nito. Mas lalo siyang kinilabutan. Dama niya ang malamig na pawis at ang unti-unting panginginig ng kalamnan. Kinapakapa nito ang paligid upang may mahawakan sa oras na mahilo na naman siya. Ramdam nito ang paninikip ng dibdib. Sa pangangapa nito ay may mga nasagi ito. Dinig niya ang pagkabasag ng anumang nahulog na iyon.

“Errol? Relax ka lang!” bulalas ni Ivan.

Kinuluban na ng takot si Errol. Nasasariwa pa rin nito ang nakakatakot na karanasan. Wala na itong nagawa kundi mapaiyak nang marinig ang pagkabasag ng iilang bagay sa sahig. Napayuko ito at napaupo sa sahig dahil hindi alam ang gagawin. Bigla nitong narinig ang mga katok sa pintuan at ang tila ay marahas na pag-ikot sa doorknob. Mas lalo itong kinilabutan nang may maramdamang may tumama sa hita nito pagkatapos ay ang pagbalot sa kanya ng tila mamasa-masang nilalang. Napasigaw ito. “Waaaaag! Wala akong ginagawa. Lubayan mo ako!”

Nagpumiglas si Errol, ngunit nanginginig ang kanyang katawan.

“Sssshhhh, ako ‘to. You’re safe. Andito ako. Andito si kuya.”

Umiiyak pa rin si Errol. Subalit nahimasmasan ito nang mapagtantong si Ivan nga ang nakayakap sa kanya. Ramdam niya ang mainit at pawisan nitong katawang nakabalot sa kanya. Ramdam niya ang bisig nito na nakayakap sa katawan niya. Humawak si Errol sa bisig na ito. “Ivan...” Ito na lamang ang namutawi sa bibig niya, ang pangalan ng taong naging tagapagtanggol na niya nitong huli. Hindi na namalayan ni Errol na napasandal na rin siya sa braso ng binata. Hindi pa rin niya mapigil ang paghikbi.

“Okay na. Okay na. Andito ako.”

Ramdam ni Errol na hinigpitan pa ni Ivan ang pagyakap sa kanya. Maya-maya pa ay narinig niyang muli ang mga kabog sa pinto.


Itutuloy





I don't have pictures for the cast. May mga ilan akong naiisip pero ewan. Maybe you can offer suggestions.

Join our discussion group. Ask questions. Get updates. Post feedback.

All Rights Reserved
©Peter Jones Dela Cruz

TROMBONISTA NG BUHAY KO CHAPTER 15





                      Trombonista ng buhay ko
                               By: Bluerose
                               CHAPTER 15

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

AUTHOR’S NOTE:

         Oooppss pasensya na kung late yung update, mejo busy ang lolo niyo, haha. Guys enjoy life habang may oras pa.. Hehe don’t miss a thing ika nga hahaha! Super maappreciate ko kung magbibigay kayo ng oras para magcomment, super.. Hehe, parating na yung totoong problem, I know marami or may makakarelate dito.

--Love you guys at sali kayo sa group, Search ‘Bluerose’ lang, closed group sya so lahat ng nakapost dun ay mga member lang makakakita so wala dapat ikatakot hehe in case na tago ka. Mwuah mwuah love lots!





SI KENT


       New beginning? Bagong simula? Ang sabi nila napakahirap tanggapin ang isang wakas, na pinakamalungkot na parte sa lahat ay pagtatapos, Pero di ba ang isang simula ay parte lang ng isang pagtatapos na galing din sa isang simula at magiging parte ng bagong simula na patungo sa panibagong pagtatapos.

       Pa-ikot ikot lang ang buhay, maaring nadapa ka ngayon pero lagi tayong binibigyan ng pagkakataon para muling bumangon, para muling tumayo, para muling magsimula.

       Lahat tayo nadadapa, lahat nagkakamali, lahat may nakaraan, lahat may gustong kalimutan, lahat may tinik na minsan tumusok sa marupok natin puso. Pero kahit kailan hindi dapat maging hadlang ang isang madilim na nakaraan sa maliwanag na kasalukuyan. Hindi dapat maging sagabal ang isang masakit na ala-ala sa pagdating ng isang panibagong umaga.

       Lulubog ang araw, didilim ang paligid pero sa pagsapit ng bukang liwayway ay ang muling pag-ngiti ng isang panibagong umaga kasabay ng pagsabog at pagkalat ng liwanag na magdadala ng bagong pag-asa.

       Muli mong imulat ang mata at pagmasdan ang isang bagong simula, muli kang humakbang patungo sa isang panibagong pagtatapos.

---

       Napatingala lang ako ng marinig yung malakas na kulog kasabay ng kidlat na ilang segundong nagpaliwanag sa paligid. Mga tunog na lagi akong binabalik sa isang malungkot na ala-ala. Mga tunog na sumasabay sa tibok ng puso ng taong nangungulila.

       Sa di kalayuan agad nahagip ng mata ko yung yung pagsandal ni Mark sa saradong tindahan. Tila to biglang nanghina na ang tanging nagawa ay itukod ang kamay para manatiling nakatayo.

       “ Tingin ko hindi okay si Mark.” saad ni Ethan.

       “ Tangina, ano ba kasi ginagawa niya dito!?” simangot ko, napanganga lang ako ng biglang tumakbo si Ethan at sinugod yung malakas na ulan. “ Hoy gago!” habol ko sa kanya, nakita ko naman na bumagsak na si Mark, halos madapa naman si Ethan sa pagtakbo hanggang makalapit sya dito at agad kinandong yung ulo ni Mark sa hita niya.

       “ Mark, are you okay?” Tapik niya sa mukha nito. “ Kent nawalan sya ng malay!?”

       “ Ano gusto mong gawin ko?”

       “ Damn it! Tumawag ka ng tulong!”

       “ Tangina ano ba kasi ginagawa ng baklang yan dito! Anong oras na ah?” simangot ko saka nilibot yung tingin sa paligid, bwiset talaga! Nang mga oras na yun ay wala ng dumadaan na tricycle kaya pumagitna ako sa kalsada para tumanaw sa malayo kung may paparating na sasakyan ngunit tanging pagbuhos lang ng ulan ang nakita at narinig ko.

       “ Mark are you okay?” saad ni Ethan agad naman akong lumapit, nakita ko lang na nakadilat na yung mata ni Mark pero nanatili tong nakatitig kay Ethan. “ Hey, are you okay?”

       “ Nananiginip ba ko?” Bulong nito saka pumikit.

       “ Tangina tol, gusto lang niyan matulog!”

       “ Kent ano ba? Mark hey, wake up!” sampal niya sa pisngi nito pero nanatili na itong nakapikit. “Damn!” gigil na saad ni Ethan saka tumayo at inakay si Mark patayo.

       “ San mo dadalhin yan?”

       “ Sa bahay may ammonia ako dun? Tulungan mo ko.” saad niya saka nilagay sa balikat niya yung kamay ni Mark, pero nanatili akong nakatayo. “ Kent?”

       “ Sigurado ka ba dyan? Tangina paamoy ko nalang yung titi ko jan! Sigurado magigising lahat ng pwedeng magising sa katawan niyan!”

       “ Tangina naman Kent oh!” simangot niya saka nilagay sa leeg niya yung dalawang kamay ni Mark saka to binuhat sa likod niya. Nanatili lang akong nakatayo dun habang pinagmamasdan si Mark habang nasa likod sya ni Ethan. Nang mga oras na yun parang si Russel yung nakikita ko, si Russel na duguan habang buhat buhat ko. “ Kent tara na!” sigaw ni Ethan.

       Wala sa sariling sumunod ako sa kanilang dalawa habang tuloy yung pagbuhos ng ulan sa mga katawan namin.

       “ Damn! Wala ba talagang tricycle na dadaan.” inis na saad ni Ethan.

       Ni isang minuto hindi na naalis sa utak ko yung itsura ni Russel, simula nung una ko syang makita hanggang sa huling sulyap ko sa walang buhay niyang katawan. Nung araw na namatay sya, may dumating na isang matandang babae na nagpakilalang nanay ng kapatid niya. Hinayaan ko silang asikasuhin yung katawan ni Russel habang ako ay nasa loob ng kwarto para umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang nabalitaan ko nalang na dinala na sya sa huling hantungan, ni pagsilip sa kabaong niya ay di ko ginawa, kahit bigyan sya ng huling sulyap bago tabunan ang lupa ay di ko parin binigay sa kanya. Hindi ko kaya, hindi ko kayang ibaon sa limot kung ano man yung ala-alang binuo naming magkasama.

       Russel is Russel, at walang kahit sino ang makakapuno ng iniwan niyang puwang sa puso ko. Wala kahit sino.

       Basang basa kaming tatlo ng ulan ng makarating sa bahay ni Ethan, agad naman niyang hiniga si Mark sa mahabang upuan saka agad kumuha ng tumalya para punasan to.

       “ Ano Kent, tutulala ka lang ba jan?” simangot niya sakin. “ Ano ba iniisip mo?”

       “ Wala?”

       “ Kilala kita Kent, ano nga iniisip mo?” simangot niya , isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. “ Ano?”

       “ Tingin mo Ethan, kung tinanggal ko yung piring sa mata ko ng gabing yun. Posible pa kayang buhay pa si Russel ngayon?” saad ko habang nakatingin kay Mark, natigilan naman si Ethan. “ Kung nailigtas ko kaya sya nung gabing yun? Tingin mo hindi niya gagawin yung ginawa niya?”

       “ Naligtas mo naman sya di ba?”

       “ Kay Dale, Oo. Pero sakin hindi, Ethan kung tinanggal ko yung piring ko bago ko sya gahasain baka. Buhay pa sya ngayon, baka hindi natuloy yung plano ni Dale.”

       “ Kent nakaraan na yun at di na mababago yun.” saad niya tumungo lang ako saka pinunasan yung mukha ko. “ Kent, hindi mo na makakalimutan yung nangyare pero hindi mo na rin yun mababago, Move on.”

       “ Sana nga wag ko nalang maalala yun, Sana di nalang ako lumapit kay Russel nung gabing yun. Sana buhay pa sya ngayon.”

       “ Wala na tol eh.” iling niya. “ Tapos na yun.”

       “ Napatawad kaya niya ko?” saad ko saka sumandal sa pinto at pinagmasdan yung ulan sa labas.

       Kasabay ng pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko ay pagtulo ng napakainit na luha mula sa mga mata na ang tanging nagawa ay umiyak. Humihiling na sana ibalik ang kahapon.

       “ Napatawad ka niya Kent.” saad ni Ethan.

       “ Pero hindi man lang niya nalaman na minahal ko sya, minahal ko sya hindi dahil binayaran niya ko.” Saad ko habang pinagmamasdan yung tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan sa labas ng apartment.

       “ Sigurado ako naramdaman niya yun, Malay mo sya ang magbubura ng lahat ng sakit jan sa puso mo.” saad niya na may ngiti sa labi habang pinagmamasdan si Mark na nakahiga sa mahabang upuan na nasa sala niya.

       “ Gago.” simangot ko saka sinara yung pinto. “ Anong balak mo jan? Bakit kasi dito mo dinala?”

       “ Dun nga sana sa inyo kaso baka magulantang Mama mo.”

       “ Ewan ko sayo, Uwi na ko.”

       “ Hoy teka pano si Mark?”

       “ Nakantot mo na yan di ba? Kantutin mo uli?”

       “ Kent naman eh, alam mo naaalala ko si Russel sa kanya.”

       “ Magkaiba sila.” sarkastikong saad ko.

       “ Parehas sila, Parehas silang mahal ka.” Ngiti niya.

       “ Okay sige, anong gusto mong gawin ko? Kantutin ko yan?”

       “ Ang gusto ko, mahalin mo sya.” ngiti niya.

       “ Mahalin?” sarkastikong saad ko. “ Nababaliw ka na ba?”

       “ Di mo ba nakikita si Russel sa kanya, yung simple lang? Yung inosente? Yung..bakla pero parang walang alam sa mundo? Ganun si Russel di ba? Palangiti pero may tinatagong bigat, akala mo malakas pero kayang sabihin sa harapan mo na mahina sya. Tumatawa pero iiyak kapag gusto niya.”

       “ Magkaiba sila Ethan, ibang iba.” putol ko sa sasabihin niya. “ Di mo ba nakikita yun? Oo parehas silang bakla pero magkaiba sila ng pagkatao at kung tingin mo dapat ko syang mahalin dahil bakla din sya katulad ni Russel, tangina tol kalokohan yun! Wala na si Russel at kahit kailan hindi na magkakaroon ng panibagong Russel sa buhay ko, Hindi si Mark o kahit sinong bakla sa mundo.”

       “ Tol, lagi na kayong magkasama di ba? Wala man lang bang nabubuo?”

       “ Wala! Napapanis lang yung tamod ko kapag kasama ko yan.” simangot ko. Isang buntong hininga naman yung pinakawalan niya saka pabagsak na umupo sa pang-isahang upuan. “ Tol, wag mo ko piliting mahalin ko sya, kasi hindi ko kaya.”

       “ Sino ba gusto mo? Ako?” saad niyang nakatitig sa mata ko. Agad naman akong umiwas ng tingin. “ Ako ba? Tangina naman Kent, hindi ako bakla at alam mo yun.”

       “ Wala naman akong sinabi ah, bakit pinilit ba kitang gustuhin ako? Tangina mo!” Asik ko sa kanya, natawa lang sya saka tumayo at kinuha pa yung isang tumalya. “ Bakit ka tumatawa? tangina sasapakin kita?”

       “ Di ko kasi alam bakit mo ko nagustuhan? Ang layo ko kay Russel huh? Never ko kinulayan ng red nail polish yung kuko ko, never ako nagsuot ng pink I.d lace, Wala akong sariling guitara, Hindi ko hilig kantahin yung ‘airplane’ at higit sa lahat hindi ako magpapakamatay dahil lang sa hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko. Kent hindi ko kailangan ng pag-aalaga na gusto mong ibigay dahil lang sa hindi mo yun nagawa kay Russel, Oo , mag-isa ako pero kaya ko ang sarilli ko, kaya kong mabuhay kahit walang nagmamahal sakin.” Mahabang litanya niya.

       “ Tangina mo gusto mo talagang masapak noh!?” asik ko pero binato niya lang ako ng tuwalya.

       “ Tol, sinasabi ko lang na hindi ako magiging si Russel.”

       “ Hindi yun ang gusto mong sabihin! Tangina ang sinasabi mo ay hindi mo ko kayang mahalin, gago ka pinahaba mo pa.”

       “ Gago, ang love nasa utak lang yan, Isang kalokohan na chemical reaction dyan sa loob ng bungo mo!”

       “ Chemical reaction? Tangina bitter ka lang kasi niloko ka ng girlfriend mo.”
       “ Niloko niya ko pero nakita mo ba kong nagmukmok? Iniwan niya ko pero nakita mo bang sinira ko yung sarili ko? Hindi di ba! Kasi hindi ko sisirain yung buhay ko dahil lang sa isang tao.”

       “ So anong gusto mong sabihin?”

       “ Tol, wala na si Russel, ang gusto ko sabihin ayusin mo yung sarili mo.”

       “ Walang katapusang sermon tangina.”

       “ Kaibigan kita gago kaya sasabihin ko kung ano yung dapat sabihin.”

       “ Bakit di ba ko ayos?”

       “ Hindi, hanggang ngayon nagcacallboy ka parin di ba, ano tawag mo dun?”

       “ Gusto ko lang sumaya.”

       “ Dahil sinabi ni Russel? kung hindi ka rin naman pala bobo, ang ibig sabihin ni Russel na pilitin mo maging masaya ay yung humanap ka ng taong magbibigay sayo nun, hindi yung ikaw ang nagbibigay kapalit ng katawan at kaunting pera, tangina tol, hindi ka mapapaligaya ng ganun.”

       “ Tangina tol, Hindi mo lang alam ang masarap na pusisyon.” iling ko natawa naman sya ng payak habang deretsong nakatingin sa mga mata ko.

       “ Tol, You know what? no matter how dirty your past is, your future is still spotless.” seryosong saad niya. “ At wag mo sayangin yun.”

       “ Tangina naman tol eh, sermon ba talaga to?”

       “ Kent, kaibigan kita. Ilang blank canvas ba ang ibibigay sayo bago mo simulan kulayan to ng magandang kulay?”

       “ Masaya ako Ethan, sobra kaya wag mo iparamdam sakin na naging masaklap yung buhay ko nung nawala si Russel.”

       “ Masaya? Temporary happiness isn’t worth long term pain, yan ang tandaan mo at yan ang lagi kong pinapaalala sayo.”

       “ Masaya ako at pinipilit ko maging masaya, ano ba tol?”

       “ Sige sa lahat ba ng nakasex mo, may naramdaman ka bang kahit isa sa kanila na katulad nung naradaman mo kay Russel? Yung okay lang sayo na hindi kayo magsex , na okay lang kahit walang halikan, na basta katabi okay ka na? Na basta kasama mo masaya ka?” Saad niya umiwas naman ako ng tingin. “ Wala di ba? Wala, kasi hindi-”

       “ Sayo naramdaman ko yun.” putol ko sa sasabihin niya, umiwas naman sya ng tingin saka ngumiti ng payak. “ Sayo.”

       “ Hayop ka naman oh, maliban sakin?”

       “ Eh ikaw, bakit di mo ko kayang mahalin? Nandidiri ka sakin kasi nagcacallboy ako?”

       “ Eh kung sapakin kita, tanggap ko kung ano at kung sino ka, kahit yung nakaraan mo at higit sa lahat mahal kita, kaso Kent bilang kaibigan lang eh.” isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko saka umiling. “ Hanggang kaibigan lang tol.”

       “ Hayop ka rin noh, deretso kung deretso?”

       “ Mabuti ng malinaw, pero wag kang mag-alala, hindi madadamay yung pagkakaibigan natin dahil jan sa nararamdaman mo sakin, tangina lilipas din yan.” ngiti niya.

       “ Lilipas? Putangina ka!Eh kung pasakan ko ng titi ko yang bibig mo? ” asik ko sa kanya pero isang ngiti lang yung sinukli niya.

       “ Eh ikaw bakit di mo sya kayang mahalin?”

       “ Tangina mo tulad lang din ng dahilan mo kung bakit hindi mo ko kayang mahalin! Papahabain ko pa tangina eh.” simangot ko natawa naman sya. “ Wag nalang magmahalan, sex sex nalang.”

       “ Gago!”

       “ Di ka kasi naniniwala sa love kaya ganyan ka, Ethan alam mo sana mainlove ka para kahit paano maintindihan mo yung naramdaman ko kay Russel. Mainlove ka para malaman mo kung ano ba ibig sabihin ng love!”

       “ So tingin mo hindi ako naniniwala sa love?”

       “ Oo, gago!”

       “ Naniniwala ako sa love ah? Hindi nga lang tulad ng paniniwala ng nakakarami. Naniniwala ako na ang love ay isang chemical reaction lang, na nandyan lang yan sa utak mo. Takot, pagiging masaya, lungkot, pangungulila? Kent lahat yan nasa utak lang at hindi ka bubuhayin ng mga yan. Lahat yan nasa utak lang at hindi mo kailangan ilubog yung sarili sa mga yun, kasi at the end of the day yung tinatawag na iba na masarap na pakiramdam? Lilipas lahat yun at pagkagising mo kinabukasan balik ka nanaman sa totong mundo. Totoong mundo na sarili mo lang ang kailangan mo, Kent lahat ng nararamdaman mo? Nandito lang yan at higit sa lahat, lahat yan! Lahat lahat, LILIPAS!”

       “ Yan ang mahirap sayo eh, puro ka science? Chemical reaction? Tangina ka!”

       “ Yun ang totoo Kent, pwede kang mabuhay ng masaya kung gugustuhin mo. Pwede kang hindi malungkot kung gugustuhin mo, Hawak mo ang buhay mo Kent at ikaw ang mamimili sa kung anong gusto mong maramdaman.”

       “ Minahal ko si Russel, tingin mo ginusto ko yun huh? Tingin mo ginusto ng puso ko na tumibok para sa kanya huh?”

       “ Gusto mo ba irecite ko sayo kung ano ano ang parts ng puso ng tao? Anong parte dun ang tumitibok para kay Russel huh? Kent kalokohan lang yan, isang malaking kalokohan!”

       “ Di ba sabi mo mahal mo si Kate?”

       “ Dahil yun ang gusto ko maramdaman, minahal ko sya dahil ginusto ko mahalin sya at hindi dahil sa kung anong sinasabing kalokohan ng maraming tao. You just fall?  What the fuck! Ang love na pinaniniwalaan ng marami ay isang kalokohan, yeah totoo ang love? Love? Term lang sya na ginagamit ng science kapag naattract tayo sa isang tao. Love? Term lang yan! Walang espesyal sa salitang yun.”iling niya, inis lang akong pumunta sa kusina niya, tangina ng hayop na Ethan na to ang sarap pasakan ng titi sa bibig eh. Edi sya na hindi naniniwala sa love! Putangina niya pasalamat sya mahal ko sya... Aixt teka mahal ko nga ba sya? Hayop naman oh inamin ko ba talaga na? Hayop!

       Muli naman akong bumalik sa sala saka sya pinagmasdan habang nakatingin kay Mark.

       “ Hoy Ethan!”

       “ Oh?”

       “ Wala naman akong sinabing mahal kita di ba?”

       “ Uhm, Meron ata?”

       “ Tangina mo wala! Ang gusto ko makasex ka at wasakin yang pwet mo pero tangina mahal? Gago ka ba? Gusto mo masapak!?” angil ko sa kanya na ikinatawa niya.

       “ Tangina mo sinabi mo na mahal mo ko.”

       “ Gago! Hindi kita mahal. Nakakalibog ka lang talaga!”

       “ Sinabi mo kaya?”

       “ Tangina hindi ko sinabi, gusto mo pakantot kita sa taong bayan huh! Gago ka hindi kita mahal noh, Libog na libog ako sayo, oo!” inis na saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat.

       “ Sus! Fine Sabi mo eh, Di ka ba nagagandahan sa lips niya?” nguso niya kay Mark.

       “ Hindi!” inis na saad ko, tangina hindi ko mahal si Ethan, libog lang to!

       “ Oo nga pala, hindi ganyan yung lips ni Russel.” saad niya, napailing naman ako. Tangina si Russel lang ba ang tao sa mundo bakit lagi sa kanya kinocompare yung mga taong gusto pumasok sa buhay ko! Tangina talaga oh.

       “ Tol nakwento ko na sayo yung nangyare samin ni Russel. Kaya pwede ba tigilan mo na kakabangit ng pangalan niya?”
       “ Edi okay, bihis na nga ako. Walang tulugan tangina!” simangot niya saka pumasok sa kwarto. “ Ikaw magbihis kay Mark.” sigaw pa niya, Natigilan naman ako saka pinagmasdan yung itsura ni Mark, Haixt Oo, maputi si Mark, pero tangina mukha syang bata.  “ Kent, ikaw na magbihis sa kanya.” sumilip naman ako sa kwarto nakita ko lang na tanging underwear nalang yung suot niya.

       Isang paglunok lang yung nagawa ko saka pilit kinalma yung sarili.

       “ Ayoko bihisan yun, ikaw na!” saad ko humarap naman sya saka nagkibit ng balikat, Napalunok lang ako ng mapagmasdan yung perkperktong hugis ng katawan niya. Tangina bakit ba sobrang ganda ng katawan ng hayop na to, sigurado enjoy na enjoy si Mark sa kanya, Idagdag pa yung malaking alaga niya na ang sarap hawakan.

       “ Magiging kayo din nun kaya ikaw na magbihis sa kanya.” saad niya dahilan para matauhan ako.

       “ Ayoko.”

       “ Tangina naman tol, sino magbibihis sa kanya?”

       “ Ikaw? Nakasex mo na sya di ba kaya malamang nakita mo na yung katawan niya at sinong nagsabing magiging kami? Gago ka kantutin ko yang bibig mo eh! Kanina ka pa huh, namumuro ka na gago.”

       “ Pero tol.”

       “ Tangina mo baka di ako makapagpigil, kantutin ko yan habang walang malay.”

       “Gago ka talaga eh noh?” simangot niya saka tumalikod at hinubad yung underwear niya, hayop! Napakaganda ng hugis ng pwet ni Ethan parang ang sarap nito pisilin. Agad lang akong tumalikod ng maramdaman yung unti unting pagkagising ng alaga ko. Kaibigan nga lang di ba? Tangina naman oh!

       “ Buhatin mo sya dito dali, ako na magbibihis sa kanya.” saad niya ng lumingon ako nakita ko lang na nakabihis na sya.

       “ Tangina Ethan next time wag mo papakita yung pwet mo sakin, baka bigla kitang kantutin magulat ka.” simangot ko saka tumuloy sa upuan kung saan nakahiga si Mark, Bwiset kasi eh! Tinigasan ako dun tangina! Ang sarap siguro kantutin ni Ethan. Haixt! Punyeta talaga ko oh! Sigurado masikip pa yung butas niya,haixt kailan kaya mararamdaman ng titi ko yung mainit na loob ng butas niya.

       Humugot lang ako ng malalim na hininga saka binuhat si Mark hanggang sa kwarto. Naabutanko lang si Ethan sa loob na patawa tawa.

       “ Bakit?” inis na saa dko pagkahiga ko kay Mark sa kama niya.

       “ Tangina mo ilang beses mo na nakita pwet ko, ngayon ka pa talaga tinablan huh.” ngisi ni Ethan.

       “ Gago! Jakulin mo nga ako.”

       “ Fuck you ka!” tawa niya.

       “ Tangina kantutin ko nalang kaya tong Mark na to, tol tigisan talaga ko sayo gago.”

       “ Tigilan mo nga ako, lumabas ka na.”

       “ Panuod, makita ko man lang kung gaano kakinis yan, magjajakol nalang ako dito. Tangina mo kasi alam mo naman na nalilibugan ako sayo, huhubad hubad ka pa sa harapan ko.”

       “ Ilang beses mo na ko nakitang nakahubad gago, lumabas ka na nga.”

       “ Tangina mukha ka talagang masarap, pakantot na kasi gago?”

       “ Gago ka Kent huh, Masarap si Mark, maniwala ka sakin.” ngiti niya agad naman ako ng umiwas ng tingin.

       “ Tangina, sobrang kinis naman niyan, ang puti pa. Sige na nga kantutin ko na yan Tol?” simangot ko habang sinusuri yung kabuan ni mark.

       “ Sure, basta siguraduhin mong mahal mo na sya. Siguraduhin mong di mo na yan iiwan. Na titigil ka na sa pagcacallboy, magiging faithful ka at hindi na titingin sa iba, magiging kayo na talaga. Pag-iipunan natin yun pagpapakasal niyo sa ibang bansa. Bubuo kayo ng pamilyang dalawa, yung ikaw at sya tapos yung magiging anak niyo. Magiging brother in law mo si Harvey.”

       “ Tangina, Oo na lalabas na!” simangot ko saka sinara yung pinto. “ Kantot lang hiningi ko, hindi naman kulungan. Bwisett!” saad ko saka lumabas ng bahay at tumuloy sa bahay namin.




SI MARK

     
       Naalimpungatan lang ako ng maramdanan ko yung bagay na yun na dumadampi sa mukha ko kaya dahan dahan  kong minulat yung mata ko.

       “ Ethan?” saad ko ng makita si Ethan na pinupunasan ako ng basang panyo sa mukha, Mukha syang anghel, yung ngiti pa niya na agad rumehistro sa mukha niya ng magsalita ako.

       “ Gising ka na pala, bumaba na yung lagnat mo kaya mejo okay ka na.” Saad niya saka tumayo, pinilit ko naman umupo saka nilibot yung tingin sa kwarto na yun.
       “ Where am I?”

       “ Sa bahay ko.” ngiti niya. “ Kent, luto na ba yan? Gising na ang prinsipe.” ngisi niya saka lumabas ng kwarto, Naamoy ko naman yung niluluto mula ruon hanggang mapansin ko yung suot ko, shit! Sino nagpalit sakin ng damit?

       “ Oy kain ka na, Tumayo ka na jan.” silip ni Kent, Tumayo naman ako saka lumabas ng kwarto.

       “ Okay ka na?” Tanong ni Ethan.

       “ Mejo.” pilit na ngiti ko saka umupo sa mahabang upuan sa sala.

       “ Kain ka na? Ano pa hinihintay mo?” saad ni Kent.

       “ Gago ilagay mo dun sa maliit na mesa, baka mabinat yan.” batok dito ni Ethan.

       “ Tangina naman hindi naman baldado yan!”

       “ Bilisan mo na nga pwede.” ngiti niya saka naglagay din ng mangkok sa mesa saka umupo. Si kent naman ay nilagay sa harapan ko yung mangkok na hawak niya.

       “ Kain ka na.”

       “ Salamat.” pilit na ngiti ko, nakasando lang si Kent ng mga oras na yun kaya kitang kita yung mga braso niya, Oh my god! Bakit parang ang perfect ng pagkakahulma ng mga yun. Yung muscels niya sa parteng yun na parang ang sarap hawakan.
       “ Tangina tol, wala ka talagang kupas magluto ng sopas, ang sarap parin.” Saad ni Ethan habang kumakain. Nakita ko naman na nagpunas ng mukha si Kent gamit yung sandong suot niya dahilan para makita ko yung ganda ng hubog ng katawan niya, palihim lang akong napalunok, damn! He’s hot.

       “ Gago! dalhan ko lang sila Mama.” saad nito saka muling bumalik sa kusina, paglabas nito ay may dala na tong malaking mangkok saka derederetsong lumabas ng bahay. “ Balik ako tol, sandali lang dito ako kakain.” saad pa nito pagsara ng pinto.

       “ Uhm Ethan, sino nagpalit ng damit ko?” untag ko sa kanya paglabas ni Kent.

       “ Ako, ayaw ni Kent eh baka daw di sya makapagpigil.” ngiti niya, nag-init naman yung pisngi ko. “ Don’t worry wala akong ginawa sa katawan mo, basang basa ka lang talaga kagabi kaya kailangan palitan ka ng damit, kamusta pakiramdam mo?”

       “ Okay na.”

       “ Nilalagnat ka kasi kanina, magseserve ka ba ngayon? Di na kita ginising kasi baka kailangan mo ng tulog.”

       “ Ganun ba?” Tinuon ko naman yung tingin ko sa pagkain sa harap ko saka sumubo ng isang kutsara, haixt ang sarap nga.

       “ May tanong ako?” lingon niya sakin.

       “ What?”

       “ Mahal mo si Kent di ba?” deretsong tanong niya, napalunok lang ako saka marahang tumango. “ Si Kent ba yung kumagat jan sa balikat mo?”

       “ Huh?”

       “ Yung nandito mo? Si Kent ba may gawa niyan?” Turo niya sa balikat niya, agad ko naman tiningnan yung balikat ko, nakita ko lang dito yung namumulang kagat ni Kuya sakin kagabi.  “ Hindi si Kent noh?”

       “ Uhm.”

       “ At lalong hindi ako.”

       “ Uhm kasi ano.”

       “ Ano magsisinungaling ka? Galingan mo huh para maniwala ako.” ngiti niya, tumungo naman ako saka nagsimulang kumain. “ So bukod pala samin ni Kent, may gusto ka pang iba?”

       “ Huh?”

       “ Kung hindi ako nagkakamali, nakipagsex ka kagabi? Kanino naman?”

       “ Ano ba sinasabi mo?”

       “ Nagtatanong lang?”

       “ Nagkakamali ka Ethan, ano kasi.”

       “ Ano kasi? dali gusto ko marinig kung paano ka magsinungaling.” ngiti niya.

       “ Damn!” gigil an saad ko.

       “Si Dale ba o si Tucker? Sino sa kanila kumagat jan sa balikat mo?”

       “ What? Are you out of your mind?!” gulat na saad ko.

       “ Well bukod samin ni Kent diba wala ka ng ibang kaclose, maliban sa magkapatid na fuentez, I guess?” Ngiti niya, napalingon naman ako ng marinig yung pagpasok ni Kent dun.

       “ Masarap daw sabi ni Mama, tangina tol magchef nalang kaya ako?” natatawang saad nito.

       Haixt! Paano ko sasabihin na si Kuya kumagat sa balikat ko. Damn!

       “ Tangina matagal ko ng sinasabi sayo yun eh.” kindat sakin ni Ethan. haixt.

       “ Eh kasi nakakatamad.”

       “ Ewan ko sayo, ano tingin mo sa luto ni Kent, Mark.” untag sakin ni Ethan. Kitang kita ko lang yung kakaibang tingin nito sakin kaya agad akong tumungo saka tinuon yung tingin sa pagkain sa harap ko.

       “ Masarap.” saad ko.

       “ Kasing sarap ko yan kaya ienjoy mo na.” natatawang saad ni Kent. “ Nakatugtog na kami ni Ethan sa simbahan pagbalik namin dito tulog ka parin.”

       “ Uhm kasi.”

       “ Hayaan mo muna ienjoy niya yung luto mo gago.” saad ni Ethan, nakita ko naman na pumunta sa kusina si Kent, pagbalik niya may hawak na din syang mangkok saka umupo sa tapat ni Ethan.

       “ Gago tol, sabi ni Bibe kanina tayo daw kinuha ni Mayor para tumugtog sa munisipyo.”

       “ Huh, ano ba meron?”

       “ Ewan ko, bisita ata.”

       “ Wow kailangan , may sasalubong na banda.”

       “ Tawa ako ng tawa kay bibe kanina, tangina kulang nalang matulog habang kumukumpas eh, mukhang lasing yung gago.” tawa ni Kent, Pinagpatuloy ko naman yung pagkain habang palihim na nakikinig sa kanya.

       “ Halata ngang lasing eh.”

       “ At ito ang balita tol, may girlfriend na daw si Bibe.”

       “ Sino?”

       “ Yung syota mo.” sarkastikong saad nito, napahinto naman ako sa pagsubo saka dahan dahang nag-angat ng tingin. Kita ko lang na tuloy parin sa pagkain si Ethan. “ Tinanong ko nga kanina kung totoo eh,  hindi man lang ako sinagot ng gago. Yang syota mo hindi ka man lang tinikman sa kama, sobrang bobo!”

       “ Ex girlfriend Kent.” sarkastikong saad nito.

       “ Gago, di pa kayo nagkaka-usap di ba so technically syota mo parin yun. Kung ako yun tangina? Sasabuyan ko ng tamod yun sa mukha. Hayop ang panget panget ni Bibe tapos dun ka pinagpalit?”

       “ Kent sasapakin na kita?”

       “ Tangina tol, gusto mo gulpihin ko si Bibe para matauhan na yung pinatulan niyang babae daig pa pantal sa kati!”

       “ Kent, shut up okay.” pilit na ngiti ni Ethan. “ Eh kayo ni Mark, kamusta kayo na ba?” saad pa nito, agad naman akong napatingin kay Kent na lumingon din sakin saka natawa.

       “ Tayo na ba?”

       “ Huh ah eh?”

       “ Sapak gusto mo? gago ka Ethan kantutin kita jan eh.” simangot nito.

       “ Fuck you! Tapos na ko, matutulog na muna ako sobrang puyat ko na dahil sa inyong dalawa.”

       “ Anong oras na ba?” Tanong ko.

       “ Alas otso na.” lingon ni Kent sakin, si Ethan naman ay tumayo na sa upuan niya saka tumuloy sa kwarto.

       “ Kent, pagkaalis niyong dalawa pasara ng pinto huh.” sigaw ni Ethan.

       “ Tangina mo, patulog din ako dito may bisita sila Mama ngayon.”

       “ Hayop dun ka sa inyo.” sara ni Ethan sa kwarto niya kita ko lang na natawa si Kent.

       “ Ano okay ka na?” Tanong ni Kent na di man lumingon sakin.

       “ Mejo okay na.”

       “ Hatid pa ba kita?”

       “ Uhm, yung damit ko?”

       “ Sinampay ko sa labas.”

       “ Pati underwear ko?”

       “ Malamang.” napakamot naman ako sa ulo.

       “ Tapos na ko.” saad ko.

       “ Anong gusto mong gawin ko? Pinaghain na kita tapos pagliligpitin mo pa ko? Tumayo ka na jan tangina lagay mo na sa lababo yan.” saad niya, humugot naman ako ng malalim na hininga saka tumayo at sinimulang iligpit yung mangkok ko. “ Lagay mo nalang jan, ako na maghuhugas, dami nanamang sasabihin ni Ethan kapag may naabutan syang hugasin mamaya.”

       “ Ako nalang?”

       “ Gusto mo kantutin kita? Humiga ka uli dun tapos antayin mo ko, ihahatid kita.”

       “ Huh?”

       “ Bingi ka?”

       “ Ah eh sige.” pilit na ngiti ko, grabe talaga sya magsalita, haixt pero I still like him. Pagkalagay ng mangkok sa lababo ay bumalik na ko sa upuan, Si Kent naman sinimulan magligpit saka pumunta sa kusina.

       “ Maghuhugas lang ako, humiga ka na muna.” saad niya saka pumunta na sa kusina, napagmasdan ko naman yung loob ng maliit na apartment na yun, may kusina, isang kwarto, maliit na sala na karugtong ng kainan, may maliit na Tv at maliit na electricfan, malinis na malinis yung dingding na walang nakasabit na kahit anong picture, Ang simple ng loob, ang konti ng mga gamit pero malinis.

       Tumayo lang ako saka humakbang papunta sa kwarto saka to dahang dahang binuksan, nakita ko lang si Ethan na nakahiga sa maliit na kama habang nakatutok dito yung electricfan. Ang liit din ng kwarto, bukod sa kama ay tanging dalawang cabinet na plastik lang ang nandun, may nakasabit din na ilang bag sa gilid na tingin ko na ang laman ay instrumento niya.

       Napangiti lang ako ng maalala si Kent habang tumutugtog ng instrumentong yun, Halos magkapasa pasa yung likod ko nun sa paghampas ni Russel dahil sa kilig. Haixt those memories.

       “ Di ba sabi ko humiga ka?” untag sakin ni Kent.

       “ Ah eh, magpapaalam lang sana kasi ako kay Ethan kung pwede ko buksan yung Tv.

       “ Wag mo na buksan, kuripot yan. Sasabihin lang sayo nyan sayang sa kuryente.” iling niya saka kinuha yung walis tambo. “ Alam mo kapag nandito ka, kalat mo linis mo. Yun ang patakaran ng hayop na yan.”

       “ Ganun ba?”

       “ Oh ano tara na? Inaantok na ko eh?”

       “ Uhm, San ba ko pwede magstay? Ayoko pa kasi umuwi eh?”

       “ Huh? Bakit?”

       “ Uhm, wala lang? Ayoko lang umuwi?”

       “ Nag-away ba kayo ng kuya mo?”

       “ Hindi?”

       “ Eh bakit ayaw mo umuwi?”

       “ Uhm kasi ano, aalis si kuya kaya mag-isa lang ako sa bahay ngayon.”

       “ Di ba may katulong ka?”

       “ Day off nila.” pilit na ngiti ko, kita ko naman yung tingin sakin ni Kent, damn ang ganda ng mata niya, yung mapula niyang lips at yung matipuno niyang dibdib na kitang kita sa sando niyang suot. “ Please Kent, ayoko pa talaga umuwi?”

       “ Haixt, wala akong alam, bukod dito sa bahay ni Ethan.”

       “ Uhm pwede ba dito muna ako?”

       “ Wala ka din naman gagawin dito?”

       “ Uhm maglilinis nalang ako, magluluto? Kahit ano basta ayoko muna umuwi. Matulog ka na?”

       “ Eh kasi dito nga ako matutulog sa sala, tangina naman may bisita sa bahay, maiingayan lang ako dun, tangina mo kung iniisip mo na makikipagsex ako sayo, nagkakamali ka, ayoko.”

       “ huh?”

       “ May usapan kami ni Ethan at wala ka na dun basta ayoko makipagsex sayo.”

       “  Usapan?”

       “ Basta, Haixt oh sya, dun nalang ako sa tabi ni Ethan matutulog. Ikaw na bahala dito huh sobrang antok na talaga ko eh.” saad niya.

       “ Sige akong nang bahala.” ngiti ko, naghikab naman sya saka inayos yung mga upuan. Ang gwapo talaga ni Kent, Grabe, ang puti ng mga ngipin niya na parang ang sarap tikman.

       Napalunok lang ako habang pinagmamasdan sya.

       “Pasok na ko, saka na kita kakantutin kapag di ako inaantok.”

       “ Huh?”

       “ Bingi ang pota! Tangina mo wag kang mangealam ng kung ano ano huh? Kakantutin talaga kita kapag umusok ilong ni Ethan mamaya,.” saad niya saka pumasok sa kwarto, di naman niya sinara yung pinto nito kaya nasilip ko parin sya, nakita ko lang na nahiga sya sa tabi ni Ethan saka nagtakip ng unan sa mukha.

       Napangiti lang ako saka humugot ng malalim na hininga habang pinagmamasdan yung buong bahay.

       Kailan kaya ako makakapasok sa bahay nila Kent, Dati gawain lang namin ni Russel tumanghod sa labas ng apartment na to. Hintayin lumabas si Kent para masilayan lang.

       I’m sorry Russel, gusto ko talaga sya. Hindi ko naman alam na gagawin mo yun. I’m really sorry.




SI HARVEY

     
       Sinag ng araw yung gumising sakin ng umagang yun, Nag-inat inat lang ako saka nagpakawala ng isang matamis na ngiti. May nangyare samin ni Mark, may nangyare samin.

       “ Mark?” tawag ko sa kanya. Tumayo lang ako na walang saplot na kahit ano, yung nangyare kagabi, yun yung pinakamasayang gabi na naranasan ko sa buong buhay ko. Mahal ko ba talaga yung kapatid ko? Haixt oo mahal ko sya.

       Marahan lang akong kumatok sa cr, nang walang sumagot ay pinihit ko na yung doorknob ngunit wala akong nakitang tao sa loob. “ Mark, where are you?” saad ko saka lumapit sa sliding door na tumutuloy sa malawak na beranda ng kwarto niya, binuksan ko lang to saka lumabas.

       Dumipa lang ako saka nilanghap yung sariwang hangin ng umagang yun.

       “ Ang bango ng hangin.” ngiti .

       “ Sus maryosep!” sigaw sa baba, agad naman akong dumungaw, dun ko lang nakita si Yaya Glenda na nanlalaki ang matang nakatingala sakin.

       “ Holy shit! Sorry Yaya.” agad na takip ko sa alaga ko.

       “ Anong ginagawa mo dyan?” Sigaw nito.

       “ Ah eh.. Si Mark po nasa baba na po ba?” pilit na ngiti ko.

       “ Wala sya sa baba, diyos ko iho magbihis ka nga!” muling sigaw nito napakamot naman ako sa ulo. “ Diyos ko!” sigaw uli nito, natawa lang ako saka muling pumasok sa kwarto ni Mark.

       Wala sa baba si Mark? Eh nasaan sya?

       Pagkabihis ay agad na kong bumaba papunta sa garden kung nasaan si yaya Glenda.

       “ Nasaan po si Mark?”

       “ Bakit ka ba nakahubad sa beranda ni Mark iho?”

       “ Ah kasi po, nasaan po ba sya?”

       “ Hindi pa sya bumaba? Nagpalit ba kayo ng kwarto?”

       “ Hindi po?”

       “ Eh nasaan si Mark?”

       “ Hindi ko po alam Yaya eh, akyat po ako uli baka po dala niya yung phone niya.” saad ko saka nagmamadaling umakyat sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko, pagkakuha agad ko lang dinial yung number niya saka muling pumasok sa kwarto ni Mark.

       “ Shit, nasaan ka Mark?” saad ko ng makuha yung phone niya sa side table. Hanggang mapansin ko yung note mesa. “ Namasyal? Saan?” kunot ang noong bulong ko.

       Pabagsak lang akong nahiga sa kama saka inamoy yung unan na hinigaan niya habang magkatabi kami kagabi, Tila dumikit na sa tela nito yung amoy ni Mark na ang sarap amuyin.

       Ilang sandali pa ng may kumatok sa kwarto.

       “ Iho nacontact mo ba?” Saad sa labas, tumayo naman ako saka binuksan yung pinto.

       “ Namasyal lang daw po sya, baka po nagserve sa simbahan tapos pumunta kung saan.” ngiti ko.

       “ Bakit ka ba nasa kwarto ni Mark?”

       “ Kasi po magkatabi po kaming natulog kagabi.” ngiti ko, kita ko lang na natigilan to. “ Yaya ako na po maglilinis sa kwarto ni mark.”

       “ Harvey.”

       “ Salamat po.” ngiti ko saka sinara yung pinto. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nilibot yung tingin sa loob ng kwartong yun, Gusto kita makilala Mark, sino ka nga ba, sino nga ba yung taong mahal at nagpapatibok ng puso ko ng ganito kabilis.

       “Who are you? kung hindi kita kapatid, Sino ka?” bulong ko.

       Nagsimula lang akong magbukas ng mga kabinet, naghalungkat sa mga damit at sinuri yung bawat aparador na nakita ko, Mark Salazar, who are you bakit binigay sayo ni Daddy yung apelido niya.

       Ilang minuto na ko naghahalungkat ng maupo ako sa sahig saka binasa yung mga papel na nakuha ko, haixt puro tungkol sa school. Hanggang mapansin ko yung passport niya. Luma na ito at halatang matagal ng di nagagamit..

       “ Maraming beses na syang pumunta ng states?” Saad ko, ilang pahina pa yung binuksan ko ng mapansin ko yung isang picture sa mga papel na kasama ng passport niya.

       “ Who is he?” bulong ko saka sumandal sa gilid ng kama niya habang pinagmamasdan yung picture. Nakapangsakristan si Mark nun habang yung isa ay nakauniform. Tingin ko ilang years palang yung litratong yun, damn wala man lang ba kong makikitang kahit ano para malaman ko kung saan nga ba sya galing, kung sino talaga yung tatay niya. Haixt! Binaba ko lang yung picture sa sahig ng mapansin ko yung ilalim ng kama niya, agad lang akong yumuko saka sinilip yung ilalim nun.

       “ Guitara? Sabi niya hindi sya marunong mag guitara?” kinuha ko lang yung guitarang yun saka sinuri, kulang kulang na yung string nito at halatang sobrang luma na. “ Bakit may ganito ka Mark?”

       Ilang sandali pa ng may makita akong papel sa butas ng guitara, nakatupi to pero kita ko na yung nakasulat sa labas nun.

       “ Andrei?” basa ko sa nakasulat, sa likod nito may nakatupi din na litrato, nang buksan ko to nakit ko lang yung magkatabi ding dalawang lalake, pero may drawing na sungay ang mga ito. Sino naman sila?

       “ Harvey?” katok sa pinto, nakagat ko lang yung labi ko saka mabilis na niligpit yung mga kalat sa sa sahig.

       “ Yes, yaya?”

       “ Magpapalit ako ng bed sheet ni Mark.” saad nito.

       “ Uhm, teka lang po.” sigaw ko saka mabilis na binalik yung guitara sa ilalim ng kama niya. Nang masiguradong ayos na ang lahat ay binuksan ko na yung pinto saka nagbigay ng ngiti kay Yaya Glenda.

       “ May bisita si Mark sa baba? Nasaan ba yung batang yun?”

       “ Bisita po?”

       “ Oo, Si Tucker and Dale.”

       “ Tucker and Dale? Who are they?”

       “ Kaibigan ni Mark galing states, bumaba ka na magpapalit lang ako ng bed sheet ni Mark.”

       “ Sige po.” saad ko saka tinungo yung hagdan, nasa kalagitnaan palang ako ng makita ko yung dalawang lalake na nagtatawanan sa malaking sofa sa sala. Sino sila? Habang pababa napagmasdan ko lao yung mukha nila, sila yung nasa picture, picture may drawing na sungay.

       “ Wow, who are you?” ngiti nung isa ng makita ako. Tumango lang ako saka nilahad yung kamay ko paglapit sa kanila.

       “ Harvey, kuya ni Mark and you are?”

       “ Tucker.” tanggap nito sa kamay ko, bumaling naman ako sa kasama nito na malagkit ang tingin sakin pero binigyan ko lang sya ng seryosong tingin.

       “ Harvey.” lahad ko ng kamay ko.

       “ Dale.” saad nito na may kakaibang ngiti sa labi. “ Di mo naman sinabi Tucker na may bantay pala si Mark?”

       “ Di ko sya kilala, kailan pa nagkaroon ng kuya si Mark? Parang ngayon ka lang namin nakita?”

       “Uhm half brother ko si Mark, Galing ako Sa Uk kung saan nakabase si Daddy.”

       “ I See, love your eyes.” ngiti nung Dale.

       “ Well Thank you, as you can see, Mark is not here. Pwede ko bang malaman kung ano kailangan niyo sa kaniya?”

       “ Uhm, we just want to see him.”

       “ Well, he’s not here.”

       “ I like him Dale.” rinig kong bulong nung Tucker, nagbigay naman ako ng sarkastikong ngiti. Alam ko hindi sila mapagkakatiwalaan, kung si mark yung mag-ari ng picture na yun malamang may galit sya sa dalawang to.

       “ Well, I don’t like you.” bulong ko, agad naman tong napalingon sakin. “ Okay guys, since Mark is not here? Do you need anything else? Juice, Coffee or die?” ngiti ko.

       “ Ano sabi mo?” saad nung Dale.

       “ I mean Juice, Coffee or tea? Oopps sorry hindi ko nga pala alam kung ano lang available sa kitchen.”

       “ No thanks, uuwi na kami.”

       “ Better, akyat na ko.”

       “ Bakit ganyan mo kami kausapin?”

       “ I just don’t like you guys, I don’t know why but yun ang nararamdaman ko eh, yung tipong wala pang ginagawa pero alam mo na may balak.”

       “ What?”

       “ Basta hindi ko kayo gusto, tapos. Now leave saka na kayo bumalik kapag nandito na si mark.”

       “ This is insane, ang gwapo mo sana pero, fluent sa tagalog pero damn you’re-”

       “ Thank you for the compliment, but I don’t need that. I need you guys to leave? Well If you can’t understand that let me translate it. Umalis na kayo.” sarkastikong saad ko.

       “ Harvey, nice name.”

       “ Rude.”

       “ I don’t mind kung dudungisan ko yung pangalan ko kung kayo naman ang magiging dahilan.”

       “ Ni hindi mo nga kami kilala eh.”

       “ Well that’s the point, I don’t know who the fuck are you so you better leave.”

       “ Fine we’re leaving, let’s go Tucker.” saad nung dale saka nagmamadaling lumabas. Paakyat na ko sa hagdan nun ng matanaw ko si Yaya glenda sa taas.

       “ Yaya, kaibigan ba talaga sila ni Mark?”

       “ Bakit kinausap mo sila ng ganun?”

       “ Why?”

       “ Kaibigan sila ni Mark at matagal ko ng kilala yung dalawang yun, simula nung naging sakristan si Mark.”

       “ I’m sorry po, hindi ko lang po gusto yung dating nila. It’s like they are hungy, really hungy and looking for something to eat.”

       “ Ano yun iho?”

       “ Nothing Yaya, tapos na ba kayo magpalit ng sheet ni mark?”

       “ Hindi pa, magvavacuum na din ako sa loob.”

       “ Ganun po ba, saan po kaya pwede pumunta si Mark?”

       “ Baka kay Sofhie?” saad nito, natigilan naman ako ng maalala yung girlfriend niya. “ Dun naman lagi pumupunta si Mark kapag wala sya dito.” Haixt hihiwalayan na kaya niya si Sofhie?

       “ Mahal niya po ba si Sofhie?”

       “ Harvey wala ako sa pusisyon para sagutin yan, maglilinis na ko.”  saad nito saka tumalikod, humugot naman ako ng malalim na hininga saka dumertso sa kwarto ko at nagbihis. Pakiramdam ko magakadikit parin yung balat namin ni Mark, parang naamoy ko parin ay nalalasahan yung matamis niyang labi.

       “ Mark, kikilalanin kita.”

       Lulan ng kotse ay tinungo ko yung address na binigay ni yaya Glenda na bahay nila Sofhie. Hindi mo mahal si Sofhie Mark, Alam ko at Ramdam ko. At yung Tucker at Dale na yun? Di ko alam kung sino sila sa buhay mo basta ang alam ko hindi sila mapagkakatiwalaan. Kung may galit ka sa kanila, pwes handa akong samahan ka.

       Natigilan lang ako ng marinig yung pag-ring ng cellphone ko, Agad ko naman tong sinagot ng makita yung pangalan ni Jetro sa screen.

       “ Jetro?”

       “ My God coz, It’s Jillian?” Inis na saad nito.

       “ I’m sorry,  bakit ka napatawag?”

       “ Nasa Rizal ako, I’m with my friend.”

       “ Sino?”

       “Si Calix, Di mo kilala syempre, Pero kasama ko sya ngayon dito sa bahay ni Russel. So where are you now?”

       “ Ah, I’ll call you later.”

       “ Wait don’t hang up!”

       “ What?”

       “ Nakita ko na si Mr. Handsome! Sa Church kanina.”

       “ Who’s Mr. Handsome? Look Jetro I’m driving at ayoko maaksidente, I’ll call you later okay and see you.”

       “ To naman, Miss you Harvey.”

       “ Okay, See you.” saad ko saka binaba yung phone.




SI ETHAN


       Kakaibang amoy yung gumising sakin, agad ko naman minulat yung mata ko. Aktong tatayo ako ng maramdaman ko yung kamay ni Kent na nakayakap sakin. Tangina naman bakit dito to natulog? Tinanggal ko lang yung kamay niya saka tumayo at agad pumunta sa kusina.

       “ Mark?” saad ko ng makita syang nakatayo sa harap ng stove habang may hawak na sandok.

       “ Ethan.” Lingon niya.

       “ Ano niluluto mo?”

       “ Caldereta, nakita ko sa ref mo kaya niluto ko na.” ngiti niya, napakamot naman ako sa ulo saka sya pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Damn! Sino kaya kasex niya kagabi! Bwiset okay lang sana kung si Kent eh kaso hindi eh. Haixt! “ Pasensya ka na nakialam ako sa ref mo.”

       “ Okay lang, yan naman talaga iluluto ko ngayong araw.”

       “ Really?” ngiti niya. Umiwas naman ako ng tingin, sino kayang nilalang ang humalik sa malanding to.

       “ Oo, kala ko umuwi ka na.”
       “ Uhm ayoko pa umuwi eh.” saad niya tumuloy naman ako sa lababo saka naghilamos at nagmumog. Habang may tubig sa bibig ay lumapit ako sa aparador saka kinuha yung tootbrush at toothpaste.

       Di na ko nag-abalang tingnan sya, tangina relihoyoso na nga, malandi pa kaya di bale nalang!

       “ Di ko na tuloy mabubuo yung simbang gabi.” saad niya habang nagsesepilyo ako. “ Alam mo sakristan ako pero never ko nabuo yung 9 mornings.” pilit na ngiti niya saka pinatay yung kalan. Humarap lang sya sakin saka ako pinagmasdan. “ Ang cute niyo matulog ni Kent.” nabuga ko naman yung bula sa bibig ko na ikinatawa niya.

       “ What the hell!” simangot ko saka nagmumug.

       “ Totoo naman ang cute niyo, kailan ko kaya sya makakatabi sa pagtulog?”

       “ Ewan!” inis na saad ko saka naglakad palabas ng kusina.

       “ Teka gusto mo na kumain?”

       “ Ayoko pa.”

       “Bakit ang sungit mo?”

       “ Hindi ah.”

       “ Ah alam ko na, kasi hiwalay na kayo ng girlfriend mo?”

       “ Shut up okay? Kung gusto mo tabihan si Kent nandun sya sa kwarto.”

       “ Ah eh.”

       “ Pero wag kayong magsex, hindi motel tong bahay  ko.”

       “ Sex?” namumulang saad niya.

       “ Mark hindi ka na virgin okay?” simangot ko. Natameme naman sya saka marahang tumango. “ So sino nga nakasex mo kagabi?”

       “ Wala?”

       “ Sinungaling! Mahiya ka naman sa diyos mo.”
       “ Uhm, Wag nalang natin pag-usapan pwede?”

       “ Sobrang libog ba niya kaya kinagat ka niya?” kita ko naman na nahawakan niya yung balikat niya. “ Bakit nasa simbahan ka kagabi? Mangungumpisal? Tangina gagawa ng kasalanan tapos magsisimba? Mga baliw!”

       “ Uhm ano kasi di ako makatulog kaya lumaba-”

       “ Mukha mo,Ikaw kung gusto mo si Kent? Pwede maging faithful ka hindi yung kanikanino ka nakikipagsex?”

       “ Uhm kasi.”

       “ Shut up!” simangot ko saka binuksan yung tv at humiga sa mahabang upuan. Nang lingunin ko sya kita ko lang yung titig niya sakin. “ What?”

       “ Ang sungit mo?”

       “ Hindi ako masungit, awkward lang talaga.”

       “ Bakit?”

       “ Bobo ka ba? Nagkasex na tayo, tapos may gusto ka kay Kent? Alam mo yung salitang awkward huh?”

       “ Uhm Ethan kalimutan nalang natin yung nangyare sating dalawa?”
       “ Fuck you.” ngisi ko.

       “ Uhm kasi.”

       “ Pumasok ka na sa kwarto,tabihan mo si Kent.”

       “ Uhm.”

       “Gusto mo itulak pa kita? Dami mong arte gusto mo naman.”

       “ kasi.”

       “ Itutulak talaga kita?”

       “ Damn!” simangot niya saka tumalikod at humakbang papasok sa kwarto, Tangina pumasok nga. Agad naman akong tumayo saka sumilip sa kwarto. Nakita ko lang syang nakaupo sa gilid ng kama habang nakatingin kay Kent.

       “ Bawal magsex dito huh!” Saad ko dahilan para mapalingon siya.

       “ Ganun ba tingin mo sakin?”

       “ Oo.” deretsong saad ko, nagbuga naman sya ng hangin saka tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Nakasimangot lang syang dumeretso sa kusina, ang cute niya tangina. “ Galit ka na niyan?” habol ko sa kanya.

       “ Hindi.”

       “ Ows?” iwas ko ng tingin.

       “ San ko ba pwede isalin tong niluto ko?”

       “ Nandun yung mga mangkok.” turo ko sa lagayan ng pinggan. “ Ilang lalake na ang nakasex mo? Totoo ba talaga na virgin ka nung nagsex tayo?”

       “ Kahit anong sabihin ko, iba tingin mo sakin di ba? So I better shut my mouth.”

       “ Nakapikon lang kasi na may gusto ka kay Kent pero nakikipagsex ka sa iba.” simangot ko, tumigil naman sya sa ginagawa niya.

       “ Si kuya kumagat sa balikat ko.”

       “ Si Harvey? Ano yun ganyan ang lambingan niyo?”

       “ Nagsex kami kagabi.” walang emosyong lingon niya sakin, napanganga naman ako habang pinagmamasdan yung mukha niya. “ At kaya hindi pa ko umuuwi kasi di ko alam kung paano ko sya haharapin pagkatapos ng nangyare samin..”

       “ Are you damn serious!”

       “ Yeah.” saad niya kasunod ng buntong hininga. “ Sobrang nakukunsensya ako dahil sa nangyare, di ko na alam gagawin ko.”

       “ Deuteronomy 27:22?” ngisi ko. “ isusumpa ka ng langit dahil sa ginawa niyo ng kuya mo. Sabi nga sa verse na yan, Cursed is he that lieth with his sister, the daughter of his father, or the daughter of his mother. Blood is Blood you know.”

       “ I know.”

       “ Gusto mo ba sya?”

       “ Si kuya?”

       “ Oo?”

       “Uhm, Gusto ko si Kent.”

       “ I see, pero di ba nasabi ko narin sayo na sinabi din sa bible na ang incest ay okay lang?”

       “ Yeah, Genesis 20;11,12?”

       “ So bakit ka nakukunsensya? Ang sinabi sa bible si eva at adan ang mga unang tao? Nagparami sila gamit ang mga sarili nila, malamang nakipagsex si eva sa anak niya or adan sa anak nila ni Eva or nagsex yung mga anak nila para dumami sila? Yun lang yun kaya wag kang makunsensya kasi matagal ng gawain yan ng relihiyon na kinabibilangan mo.”

       “ Ang laki ng galit mo sa simbahan noh?”

       “ Hui wala akong galit huh, di lang ako naniniwala sa diyos niyo..”

       “ Really.” irap niya.

       “ Pero seriously nagsex kayo ng kuya mo?”

       “ Yeah, pwede wag ka ng magtanong? Ginusto ko yung mangyare pero hindi ko ginusto na mangyayare pala talaga.”

       “ Ang labo!”

       “ Sing labo mo, Ethan gusto ko si Kent, yung nangyare samin ni Kuya-”

       “ Tulad lang ng nangyare satin? Tangina gusto mo pala tumikhim ng marami sana nakipagsex ka nalang sa taong bayan.” sarkastikong saad ko.

       “ Ethan, Si Kent ang gusto ko. Sya lang at pangako hindi mangyayare yung nangyare samin ni Kuya.”

       “ Makipagbreak ka muna sa syota mo.” simangot ko marahan naman syang tumango.

       “ Oo, alam ko. Gagawin ko na yun mamaya.”

       “ Ang alin?”

       “ Pakikipaghiwalay kay Sofhie, seryoso ako kay Kent.”

       “ God hates gay di ba? Pano na yan?” iwas ko ng tingin pero isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya.

       “ Yung love ni God, It’s unconditional. Mahal niya ko at alam ko may plano sya para sakin.”

       “ Yeah unconditional nga yung love niya, pero ginawa niya yung hell incase na hindi mo sya mahalin at masusunog ka dun forever.”

       “ Ethan?”

       “ Unconditional yung love niya di ba? Unless you are gay? You know what? God loves you so much, so much that he created hell incase you don’t love him back.”

       “ Anti-christ?”

       “ No, I’m not? Kung tingin mo I’m being contradictory? Well I’m just embracing the spirit of the bible.” ngiti ko sa kanya, kita ko naman yung pagnganga niya kaya tinapik ko lang sya sa balikat. “ Sinapuso ko yung basa ng bible at alam mo ba na mismong bible yung kumokontra sa sarili niya.”

       “ Grabe.” iling niya.

       “ Minsan magsinungaling ka naman, di ko lang maimagine na kayo ng kuya mo, ginawa yun. You know what kahit si God naman nakakapagsinungaling din.”

       “ Sinungaling si God? Hindi ah.”

       “ Ok sige? Sabi sa bible he cannot lie, Titus 1:2. Right?” ngiti ko marahan naman syang tumango. “ pero ang sabi din sa 2 Thessalonians 2:11, For this cause God shall send them strong delusion, that they should believe in a lie.”

       “ Ethan, alam mo hindi lahat ng nakasulat sa bible na nabasa mo Totoo, maraming language na pinagsalinan ng bibliya so malamang magkaroon ng mga errors.”

       “ Really, di ba ang sabi sa bible si God at si Jesus ay iisa?”

       “ Yeah?”

       “ Really, you know what my favorite part ng bible ay yung kinakausap ni Jesus si God, which is happen na sya din at ito ang malupit habang kinakausap niya si God may taong nagsulat ng pangyayareng yun?! Lupit di ba?”

       “ Ethan, Uhm?”

       “ What?”

       “ See you in hell.” pilit na ngiti niya.

       “ Sure, Di naman ako takot mapunta dun. Sa dami ng scientist na namatay malamang aircondition na sa hell!” ngiti ko

       “ Whatever!” inis na saad niya saka ako nilampasan.

       “ Ano ba nagustuhan mo kay Kent huh?”

       “ Lahat lahat sa kanya?”

       “ Di nga?”

       “ Oo, Lahat lahat kay Kent.”

       “ Gaano mo sya kakilala? Anong alam mo sa kanya? Mark hindi mo sya kilala, bago mo sabihing mahal mo sya. Kilalanin mo muna kung sino talaga yung sinasabi mong mahal mo.”

       “ I know him Ethan, Kilalang kilala ko sya.”

       “ How?”

       “ Dahil kay Russel.” natigilan lang ako saka tumitig sa mukha niya.
\
       “ Kilala mo si Russel?”

       “ Kilalang kilala.” Saad niya.


ITUTULOY



Sunday, November 29, 2015

"KUYA RENAN 13" POSTED NA SA FB SECRET GROUP

Para po sa mga sumubaybay sa Kuya Renan, posted na po ang KUYA RENAN 13, ngunit sa secret group ko lang po ng FB.

Please message -


Sila po ang mga Admins. Pakisabi lang na reader kayo at may mga tanong lang siguro.

Pasensya na sa abala at sana ay maintindihan.

Maraming salamat po.

Michael Juha

Saturday, November 28, 2015

Enchanted: Broken (Chapter 8-10)

Hello Readers,

Bati portion muna tayo. Una sa lahat gusto kong batiin ang mga kilala kong manunulat na respetado at may accomplishments na.

Kay Sir Mike na pinagpapasalamatan ko talaga dahil sa pagpapa-guest post sa akin dito. Nakakalungkot na kinailangan niyang itigil ang paglathala ng sunod na kabanata ng Kuya Renan dahil sa content theft. Inaabangan ko pa naman yan.

Kay Don Caloy (Carlos Claveria) na magiliw at mapagkumbaba, na ang mga likha ay inspirasyon ng mga baguhang manunulat kagaya ko. Sinabi niya noon na maaaring downfall niya daw ang TNBK, pero sinasalungat ng kanyang readership ang pag-aalinlangan ng ating butihing may-akda.

Kay Cookie Cutter na isa rin sa mga pinakakilala dito. Ang likha niyang Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako ay isa sa mga pinakasinubaybayan ng mga mambabasa, tulad ko. Wala akong masabi sa imahinasyon niya. That story inspired me to scribble notes for a crime/thriller na hindi ko pa nasisimulan. Cookie Cutter, whoever you are, sana magsulat kang muli.

Kay Sir Ponse na pinaiyak ako sa Batanes Kakayanin Natin Ito. Kay Vienne Chase at White Pal, sana magkaroon ako ng time na mabasa ang inyong mga likha. Gusto kong makipagkamay sa inyo bilang isang baguhan, isang newbie, sa pook na ito.

Gusto ko lang din batiin ang mga naging kaibigan ko na at kakulitan sa Bluerose page, sina Jhunnel (Aulric), Seyren (na manunulat rin), Bryan, Ian Kitoy, Red Benedict Lopez, Lei Abarquez, at Christian Coronado (Ministro). We don’t know each other in person, pero alam na ng mga yan kung gaano ako kakulit, kakwela, at kabaliw. Pero sa totoo lang tahimik at demure ako in person. LOL

Babatiin ko na rin yung mga nagcocomment. Salamat kina Azrael Dee, hardname, Achilis Habibi, Edison Smith, Grey Uson, Miko, at Alfred of T.O. Kay Anton Tonie Jay na nag-aabang, thank you. Sa lahat ng anonymous, I wish I knew your names, maraming salamat. Sa lahat ng readers, maraming salamat.

Mamayang gabi pa sana ako magpopost pero magiging abala ako mamayang hapon at baka makaligtaan ko. Bukas di rin pwede magpost kasi may scheduled power outage dito sa Gensan buong araw. It’s more fun in the Philippines!

Sa mga may katanungan o suhestiyon, sumali sa ating discussion page sa Facebook.

Sumasainyo,
Peter


Paalala: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga salita at tagpong hindi akma sa mga bata.


















Chapter 8
Mesa 

by Peter Jones Dela Cruz

Kausap ni Cindy si Bryan sa kanyang cellphone. Galit ang tono nito. “Oo na! Makikipagkita na ako mamaya. Pero walang balikang magaganap. Naintindihan mo?” Tumigil si Cindy upang pakinggan ang sasabihin ng nasa kabilang linya. “Okay, okay. Sige, mamayang alas sais. Same place.” Binaba na ni Cindy ang kanyang cellphone. Bumuntong-hininga ito at pagkatapos ay binalikan ang mga papeles sa harap. Biglang bumukas ang kanyang pinto at narinig niya ang mabilis na mga yapak patungo sa mesa niya.

“Teh!” bulalas ng kakapasok na babae na gumulat kay Cindy. “May emergency meeting daw ngayong alas diyes.”

“Bakit ka naman nanggugulat ng ganyan, Marie?” Kumunot ang noo ni Cindy.

“Eh, kasi biglang dumating si miss taray,” nanlalaking matang saad ng sekretarya.

“O, ano daw?” tanong ni Cindy habang inaayos ang mga papeles sa kanyang mesa.

“Alam mo ba kahapon ang sabi niya wala daw siya ngayon. Eh, biglang dumating kanina wala pang alas otso. Akala ko may kukunin lang,” bulong nito. “Eh, pinakansel nga niya kahapon lahat ng lakad niya ngayon kasi may importante daw siyang aasikasuhin.”

“Ganyan naman talaga ‘yan. Ngayon ka pa nagulat? Nawawala ng ilang araw tapos babalik. She owns this company. What can we do? Mga manggagawa lang naman tayo dito.” Sinaksak ni Cindy ang plug ng kanyang laptop at pinindot ang power button nito.

“Oo nga. Kaya lang parang iba talaga ang timpla ng mukha niya ngayon, eh. Parang mangangain siya ng tao.”

“Ngayon ka pa!”

Nasa ganoong pagkukwentuhan ang dalawa ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Cindy.

“What are you doing here, Marie?” Nakataas ang kilay ng nakasalaming babae.

“Ma’am Sandy, kasi sinabihan ko lang si Miss Cindy about our meeting.”

“Is that how we do things around here now?”

Natameme si Marie. Nagulat din si Cindy.

“We have a bulletin board. And you could have emailed everyone. You’re wasting precious time!”

“I’m sorry, Ma’am!”

“You should be! I have zero tolerance for incompetence!” Manipis ang mga mata ni Sandy na nakatingin sa empleyado.

Si Cindy naman ay napako sa upuan at gulat rin. Hindi karaniwang bumubunganga itong boss niya. Mataray ito pero iyong mataray na matipid sa salita at mata lang ang gamit. Iyong makuha ka sa tingin ba. Lahat ng empleyado sa kompanya ay takot dito.

“Miss Gatchalian.” Inayos ni Sandy ang kanyang salamin at tumitig kay Cindy.

“Yes, Miss Sandy,” alertong sagot ni Cindy. Agad itong tumayo sa kinauupuan.

“Where are the files I was asking for? I need them in 5 minutes.” Nakatutok ang mga tingin nito kay Cindy. Animo’y kinakalkal ang kaluluwa ng dalaga.

“I’m about to hand them over, Miss.” Inayos ni Cindy ang mga folders sa kanyang mesa.

Dumako ang tingin ni Sandy sa mesa ni Cindy. “I expect HR Managers to have good organizational skills.”

Nagtaka naman si Cindy sa sinaad ng kanyang boss. “I’m sorry, Miss?”

“I meant that clutter on your table.” Matalas pa rin ang tingin ng mataray na babae.

Tumigil si Cindy sa pag-aayos sa mga folders. “I’m sorry, Miss Sandy. I was working on these files.”

Binaling naman ni Sandy ang tingin sa ibang direksiyon. “Why do I have a terrible feeling that I hired idiots in this company?” Bumuntong-hininga ito at malakas na kinabig ang pinto.

Naiwan ang dalawang babaeng nakakunot ang mga noo.

“O, siya, ihahatid ko na itong files sa opisina ng bruha nating boss. Bwisit! Nasabon pa ako.” Kinuha ni Cindy ang mga folders.

“Mga bobo daw tayo, teh! Teka, ano naman gagawin niya sa mga employee files na yan?”

“Hindi ko nga alam. Baka gagawan niya ng scrapbook.”

Sabay na lumabas ng HR office sina Cindy at Marie. Tinungo nila ang opisina ng kanilang boss. Si Marie ay pumasok sa kanyang opisina na katabi lamang ng opisina ni Sandy. Si Cindy naman ay tumuloy sa opisina ni Sandy upang ihatid ang hinihingi nitong mga dokumento. Naabutan niyang nakaaupo si Sandy sa tapat ng kanyang desk. Nakatagilid ito at hawak ang telepono.


“Nida, may dumating na ba diyan?” Tumigil sandali si Sandy upang pakinggan ang sagot ng nasa kabilang linya. “Wala pa? Check mo nga sa labas ng gate baka may iniwang box o kahit na ano.”

Dinig ni Cindy ang inis sa tono ng boss.

Pagkatapos ng halos isang minuto ay sumagot muli si Sandy sa kausap. “Wala pa rin? Kapag may dumating tawagan mo kaagad ako ha.” Agad na binagsak ni Sandy ang telepono. Inikot nito ang swivel chair upang humarap kay Cindy.


“Here are the files you were asking for, Miss.” Nakangiti si Cindy sa kanya.

“Put them on my table,” walang kaemo-emosyong saad ni Sandy. Ni hindi man lamang nito tiningnan si Cindy. Nakatuon ang mga mata nito sa mga folders na nilapag ng dalaga sa kanyang mesa.

Dahil sa hindi nabanggit ni Sandy kung bakit kailangan niya ang mga files ay naisipan ni Cindy na magtanong. “Miss Sandy, if you don’t mind, what do you need these files for?” Bilang isang HR Manager ay tungkulin ni Cindy na alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa mga empleyado ng kompanya.

“Why do you care?” mataray na tanong ni Sandy.

“Miss Sandy, with all due respect, I am the HR Manager of this company --”

“Right! I know that. And I am the owner.” Nakatutok ang mga mata ni Sandy kay Cindy.

“I think this concerns me, Miss. I can think of only two reasons why you’re interested in these files. Either you wish to promote some employees or you wish to retrench them. Why else would you be looking into their records?”

Numipis ang mga mata ni Sandy na nakatingin sa kaharap. “Are you questioning my discretion, Miss Gatchalian?”

“No, Miss Sandy. I know this company is your family’s, and you’re the one running it. But it’s not about that. It’s about -- ”

“Enough! Bore someone else with your petty complaints.”

Hindi na nakasagot si Cindy. Bagkus ay tumalikod ito at tinungo ang pinto. Ano pa nga ba ang laban niya? Gaya ni Marie at ng iba pa, isa rin lamang siyang bayarang empleyado. Hindi niya pagmamay-ari ang kompanya. Halos apat na taon na rin siya dito. Nagsimula siya sa kompanya bilang isang branch supervisor. Noong panahong iyon ay ang ama pa ni Sandy ang namamahala sa kompanya. Isa si Cindy sa mga pinakamagaling na empleyado kaya naman napansin ito ni Mr. Imperial. Nakatanggap ito ng salary raise pagkatapos ng isang taong pagiging supervisor. Isang taon pa ang lumipas ng napagdesisyonan ni Mr. Imperial, ang dating CEO, na kunin si Cindy bilang HR Manager sa main office.

Pumasok si Cindy sa kanyang opisina nang matamlay. Mahigit isang taon na rin niyang pinagtitiisan ang kagaspangan ng ugali ni Sandy. Simula noong pumalit ito sa kanyang ama na nastroke ay naging iba na ang takbo ng kompanya. Nawala na ang dating sigla ng mga manggagawa. Takot na takot ang mga empleyado sa bagong boss. Hindi tulad ng ama, hindi ito palangiti. Hindi ito nakikipagkwentuhan sa mga tao. Palagi nitong pinaparamdam sa mga tao na siya ang boss.

Tiningnan ni Cindy ang pangalan niya sa kanyang mesa. Ano pa nga bang silbi niya dito bilang Human Resource Manager? Simula noong umupo si Sandy as OIC ay halos ito na ang naghahire ng mga bagong tao. Ang tanging trabaho na lamang ni Cindy ay record-keeping. Maganda naman ang sahod ngunit nakakaramdam siya ng kawalan ng halaga sa kompanya. Ilang buwan na rin niyang iniisip na magresign.

Umupo si Cindy sa kanyang upuan. Nagmuni-muni. Umilaw ang cellphone nito. Binasa niya ang mensahe.

“I love you, babe! <3 <3 <3”

Hindi nagreply si Cindy na nakokornihan sa text ng lalaki. Wala ito sa tamang timpla upang patulan ang dating nobyo.

Umilaw ulit ang kanyang cellphone. May text muli galing sa dating nobyo. Binaba ni Cindy ang kanyang cellphone. Isa pang text. Hindi na tuluyang pinansin ni Cindy ang cellphone. Ilang beses itong umilaw, subalit nakatingin lamang si Cindy sa kawalan. Iniisip ang gagawing hakbang, kung mananatili pa ba sa kompanya o aalis na. Bukod kasi sa masamang ugali ng boss na babae ay buryong na buryong na siya. Maraming mga araw na halos wala siyang ginagawa sa opisina niya. Minsan ay nauubos ang buong araw nito sa paglalaro ng candy crush o kaya naman ay pagfe-facebook.

Biglang naalala ni Cindy ang binatang nakilala sa bar noong nakaraang Sabado. Nasaan na kaya iyon? Bakit hindi man lang nagtext?

Dumating ang oras ng meeting. Nasa isang conference room sila at nakaupo sa malaking mesa. Halos dalawang oras ang lumipas, at kitang kita sa mga opisyales ng kompanya ang pagkaburyong. Ni hindi maintindihan ni Cindy ano ang pakay ni Sandy sa emergency meeting na wala naman itong binigay na klarong layunin. Humingi lang ito ng reports at nilahad ang mga plano nito. Kita sa ekspresyon ng mukha ni Sandy ang masama nitong timpla.

Pagkatapos ng walang kakwenta-kwentang meeting ay nagsilabasan na ng conference room ang mga gutom na empleyado. Naiwan si Sandy sa conference room na nakapangalumbaba.

“Sabi ko sa iyo, eh, may iba sa kanya ngayon,” wika ni Marie habang naglalakad silang dalawa papunta sa elevator.

“Ganyan naman siya lagi,” sagot ni Cindy.

“Hindi, ‘no! Oo, lagi siyang may topak, pero today parang trumiple ang topak ng lola mo,” nanlalaking matang saad ni Marie. “Hindi mo ba siya napapansin kanina? Tulaley.”

“Parang wala nga sa sarili, eh. Parang iba ang iniisip.” Pumasok na ang dalawa sa elevator at doon pinagpatuloy ang kanilang bulungan.

“Nagtatanong ng financial records. Ano bang inaasahan niya pagkatapos ng kanyang mala-genius na pagpapatakbo nitong company?”

“Hindi nga siya nakikinig sa accountants natin, eh. Parang tumatango lang na wala naman talagang naiintindihan.”

“Kawawa talaga si Mr. Imperial. Mukhang malulugi itong kompanya sa pamamahala ng ‘competent’ mong boss, Cindy.” Ginaya naman ni Marie ang linya ni Sandy sa kanina sa loob ng opisina ni Cindy. “I have zero tolerance for incompetence.”

Ngumiti na lamang si Cindy. Nakalabas na sila ng elevator at nasa ground floor na.

“Marie, pwede ba sa iba tayo kumain? ‘Wag dito sa cafeteria. Umay na ako dito.” Ang totoo gusto ni Cindy na sabihin kay Marie ang plano nitong pagreresign, at ayaw niya itong pag-usapan nila kasama ang mga co-workers nila patungo rin sa cafeteria. Lumabas sila ng building, at naglakad patungo sa mga malalapit na kainan.

Pumasok sila sa isang restaurant na wala gaanong taong kumakain. Medyo mahal kasi ang mga putahe. Umorder ang dalawa at hinintay sa kanilang mesa ang kanilang mga pagkain.

“Walang akmang admin skills si madam,” saad ni Cindy. “Wala siyang alam sa pagpapatakbo ng company.”

“Oo nga. Alam kaya ng daddy niya na pakonti na nang pakonti ang revenue ng company?”

Umiling lang si Cindy at tumingin sa labas.

“Alam mo, binuksan ko ‘yung files galing sa accounting office.”

“Authorized ka ba na tingnan ang mga yun?”

“Wag ka maingay.”

Natawa si Cindy.

“Nako po! Around 50 million ang nawawala sa kompanya kada buwan. Sabi sa akin ni Louie, iyong taga accounting, kapag ganito pa rin ang trend ay malulugi ang kompanya in 6 months.”

“Eh, pa’no naman kasi, mukhang hindi naman niya kinakausap ang mga investors. She’s ignoring her dad’s business partners. Hindi niya rin binibigyang halaga iyong mga malalaking buyers.”

“Nagtataka rin nga ako. Kasi halos linggu-linggong wala ‘yan. Ano kayang ginawa niya?” Kumunot ang noo ni Marie.

“Di ba dati siyang doktor? Sa tingin ko kasi ayaw niya talagang patakbuhin ang kompanya.”

“Eh, di sabihin niya sa daddy niya nang makapag-appoint ito ng ibang magpapatakbo, ‘yong marunong,” saad ni Marie na medyo napataas ang boses.

Halos maubos ang tatlompung minuto sa paglibak ng dalawa sa kanilang boss.

Tumingin si Marie sa relos nito. “Tagal ng order natin. Kaya pala konti lang kumakain dito, antagal nila magserve.”

“Nasa Davao pa daw kasi ang ingredients.” Natawa na lang si Cindy.

“Ano ‘to? Isasakay pa sa eroplano ‘yung order naten? Kaloka ha!”

Sumiryoso ulit ang mukha ni Cindy. “Marie, magtatagal ka pa sa kompanya?”

“Hindi ko alam. Ikaw?”

“Nag-iisip na kasi ako na magresign. Halos more than one year na rin kasi na buryong na ako sa trabaho ko.”

“Hoy, kung aalis ka aalis rin ako.”

“Bakit naman?”

“Ayoko maiwan mag-isa kasama nung bruhang Sandy. Tsaka ikaw na lang ang ka-close ko sa loob.”

“Baka in 2 or 3 months aalis na ako.”

“Anong plano mo?”

“Mag-aabroad siguro. Inaantay na rin ako ng ate ko sa Canada.”

“Ano work ng ate mo dun?”

“Caregiver.”

“Magke-caregiver ka rin?”

“Hindi! Pero why not?”

“Di ba nurse ate mo?”

“Mahirap magnurse dun. Maraming requirements. Okay na din naman siya sa ganoong trabaho.”

Dumating na ang order nila. Hinain ang umuusok na sopas at iba pang dishes. Napasigaw naman ang pilyang si Marie. “Hay nako, finally. Akala namin aabutin ng bagong taon ang order namin.”

Napangiti lang ang serbidorang nakauniporme sabay saad ng, “Enjoy your meal.”

Ngumiti lang nang hilaw si Marie, si Cindy naman ay tumango.

Malapit ng mag-ala-una nang matapos kumain ang dalawa. Chineck ni Cindy ang cellphone. May 20 unread messages. Lahat ay galing kay Bryan.

Napansin ni Marie ang pagsimangot ng kaibigan. “Si ex-jowa na naman ba ‘yan?”

“Sino pa nga ba?” Tumaas ang isang kilay ni Cindy habang tinitingnan ang telepono.

Ngumisi lang si Marie. “Balikan mo na kasi ‘yan.”

“Buti sana kung tumitino. Hindi naman.” Umirap si Cindy at bumuntong-hininga. “Halos 5 years ko na ding iniintindi ‘yun. Minsan iba din ang timpla.”

“Katulad pala ni Miss Sungit dun.” Ngumuso naman si Marie sa direksiyon ng kanilang building. Nagtawanan silang dalawa. “Pakilala mo kaya ‘yang ex mo kay Ma’am Sandy.”

Kumunot ang noo ni Cindy.

“Malay mo naman baka magkasundo at sila ang makapagpaamo sa isa’t isa.” Tumawa ulit si Marie.

“Malamang.” Inayos ni Cindy ang kanyang buhok. “Babaero ‘yun.”

Tiningnan naman ni Marie ang kanyang mukha sa salamin ng kanyang pressed powder. “Ilang beses mo ng nabanggit.”

“Ikaw ba, bakit hindi ka pa nagbo-boyfriend?”

“Alam mo, teh, itong ganda ko” -- sabay lagay ni Marie ng kanyang kamay sa kanyang baba -- “para sa mayamang lalaki lang ito, not for poor dicks.”

Natawa naman si Cindy at halos masamid. “Hoy, ‘yang bunganga mo.”

“Ay, conservative? Vumivirgin, teh?”


Tawanan.


----------------------------------------------------


Chapter 9
Halo-Halo
by Peter Jones Dela Cruz

Martes ng tanghali nang dumating si Ivan sa bahay nina Errol. Inaasahan na ni Errol ang pagdating ng binata dahil sinabi nito noong nakaraang gabi na papanhik ito. Maagang naligo si Errol at nag-ayos ng sarili nang hindi naman ito mapahiya sa pagdating ng bisita. Nag-ayos din ito ng bahay. 

Dumating si Ivan na naka-T-shirt na medyo hapit na naman at denim shorts na abot tuhod. Mukhang bagong ligo ito. Kumatok ito sa pinto na agad namang binuksan ng nakangiting si Errol. Nagngitian ang dalawa. Habang inaalis ng matangkad at matipunong bisita ang kanyang sunglasses, hindi maikukubli ni Errol ang matinding paghanga dito.

Agad namang niyakap ni Ivan ang kaharap na ikinagulat nito. Subalit sinagot na rin ni Errol ang yakap ng bisita at pinapanangaling hindi nito mapansin ang malakas na kabog ng kanyang dibdib hanggang sa maghiwalay ang kanilang mga katawan. Inimbitahan na ni Errol ang bisita sa loob at pinaupo. 

“Okay ka na ba?” tanong ni Ivan.

“Okay naman talaga ako. Pagod lang siguro, sabi nga ni dok.” Ngumiti ito. “Ni wala nga akong nararamdaman.”

“Ganun ba?” Inangat ni Ivan ang dalang paper bag. “Nagdala nga pala ako ng Blu-Ray movies para malibang tayo.”

“Wow!” Agad namang inalok ng maiinom ni Errol ang bisita. “Softdrinks or juice?”

“Lunchtime na.” Natawa naman si Ivan.

Nasilayan na naman ni Errol ang mga pantay na mapuputing ngipin ng binata. Hindi na naman nito mapigilan ang masidhing paghanga sa kanya. Ngunit bago pa man siya tuluyang matulala ay sumagot na ito. “Bili muna ako ng ulam.” Napakamot naman siya sa ulo -- “Hindi kasi ako marunong magluto.” 

“Kain na lang tayo sa labas.” Nginitian niya si Errol. “Alanganin na rin magluto.” 

“Nakakahiya naman sa iyo, Ivan,” saad ni Errol. “Teka, magbibihis muna ako.”

“Okay na ‘yang suot mo.”

“Ha?” Yumuko si Errol upang sipatin ang suot at sumimangot. Ngunit hinila na siya ni Ivan.

“Halika na. Nagugutom na ako.”

Nang makarating sila sa mall ay nagpasya silang kumain sa food court. Maraming mga tao. Medyo nailang naman si Errol dahil sa suot nitong pambahay samantalang halos lahat ng kumakain ay nakauniporme. Si Ivan naman ay umakbay lamang kay Errol habang palingon-lingon sa mga stalls. 

Nang makaorder ng makakain ay nagpasya silang umupo sa isang mesang bago lang inalisan ng dalawang magkasintahan. Mag-uumpisa na sanang kumain ang dalawa nang tinawag ni Ivan ang atensiyon ng kasama. 

“Tingin ka sa kaliwa mo.”

“Bakit?” tanong ni Errol na lumingon sa kaliwa. Bahagya itong kinabahan sa lalaking nakitang nakaupo na tila ay may tinitext. Mag-isa lang ito sa mesa nito at seryoso ang mukha. “Hindi naman siguro siya gagawa ng eksena dito.” Umiwas na ng tingin si Errol.

Si Ivan ay nakatingin pa rin ng masama dito hanggang sa magtama ang mga tingin nila. Nakita lamang nito na tumayo ang lalaki at naglakad patungo sa mesa nila. Agad namang tumayo si Ivan na ikinabahala ni Errol.

“Ivan...” Kinabahan si Errol. 

“Pare, kung manggugulo ka dito, antayin mo na lang kami matapos kumain tas sparring tayo sa labas. Ano?” Pinandilatan ni Ivan ang lalaking nasa tapat na ng mesa nila habang pinapatama ang isang kamao sa kanyang palad.

Subalit ngumiti lang ang lalaki at inabot ang kamay nito kay Ivan. “Bryan nga pala.” Hindi tinanggap ni Ivan ang kamay nito kaya naman ay binaling nito ang kamay kay Errol.

Inangat ni Errol ang tingin sa pamilyar na lalaki at dahan dahang tumayo at tinanggap ang kamay nito. Pero hindi siya umimik.

Napakamot si Bryan sa ulo. “Pasensiya ka na talaga nung Sabado. Medyo nalasing ako nun, eh.”

Agad namang sumabat si Ivan. “Alam mo, pare. Nalalasing din naman ako pero di ako nambabastos.”

“Pasensiya na nga...” 

“Hindi excuse ang pagiging lasing,” pabagsak na saad ni Ivan. “Maraming nalalasing na hindi nanggugulo o nag-aamok.”

“Okay, okay.” Tinaas ni Bryan ang mga kamay at hinarap ang nakabukas na mga palad sa dalawa. “Kasalanan ko talaga. Sige, para makabawi ako, lilibre ko kayo ng halo-halo.”

Nagtinginan si Ivan at Errol. Tumago naman si Errol at ngumiti ng bahagya.

“Sige. Pero pag-inulit mo ‘yon kahit kanino, humanda ka sa akin.” Napangiti na rin si Ivan at inabot ang kamay nito. “Ivan nga pala.”

Matapos kamayan si Ivan ay nag-order ng halo-halo si Bryan at pagkatapos ay agad bumalik sa mesa nila. Nilapag nito ang dalawang baso ng halo-halo na ikinatakam ni Errol. 

“Bakit dalawa lang?” tanong ni Ivan.

“Busog pa kasi ako. Kakatapos ko lang kumain. Peace na ba tayong tatlo?”

“Okay na. You’re forgiven,” sagot ni Errol. 

Tumango lamang si Ivan.

“Siya nga pala,” Ngumiti si Bryan at binulsa ang mga kamay, “may kailangan pa akong puntahan. Enjoy your lunch.” 

Ngumiti rin si Ivan. “Salamat sa halo-halo, pare.”

“Siya nga pala...” Tumingin si Bryan kay Errol at pagkatapos ay kay Ivan. 

“Ano ‘yun?” tanong ni Ivan.

“Um” -- napakamot si Bryan sa ulo at ngumisi, tila nag-aatubili -- “bagay kayo!”

“Ulol!” sigaw ni Ivan.

Tumawa si Bryan at kumaway sabay naglakad papalayo. Lihim na kinilig si Errol, ngunit di niya maikubli ang pamumula.

“Bagay daw tayo. Loko-loko,” saad ni Ivan habang tinitikman ang halo-halo. 

Si Errol naman ay tahimik lamang na nakatingin sa kasama,tahimik na minamasdan ang tawa at kilos nito. 

“Tahimik ka na diyan.” 

“Ah, wala. Naalala ko lang ‘yung nangyari nung Sabado.”

“‘Wag mo na isipin ‘yun. Nagsorry na naman.”

“Oo nga eh.” Nagsimula ng kumain si Errol nang makitang kumakain na rin si Ivan na hindi muna ginalaw ang halo-halo. Matapos kumain ng dalawa ay nanatili pa sila sa mesa at nag-usap. 

“Madalas ka bang mabastos at masabihang...” Nag-atubili si Ivan.

“Bakla?” dugtong ni Errol. Umiba ng tingin si Errol. “Noong bata, madalas. Ngayon hindi na masyado. Sanay na rin ako.”

“Pero, totoo ba na...”

“Bakla ako? Oo.”

“Okay lang ‘yan. Disente ka naman.”

“May bakla bang hindi disente?” Natawa nang bahagya si Errol.

“Yung mga nagdadamit babae at nagme-makeup?” 

“Ngee. Iba-iba naman kasi ang mga bakla. May mga nagko-cross-dress at may mga katulad ko na hindi.”

“Alam ba ng mga magulang mo?”

“Oo, matagal na. Tanggap na nila ako.”

Sandaling katahimikan ang tumuldok sa kanilang pag-uusap. Hanggang sa magpasya silang umalis na. Naglakad-lakad ang dalawa sa loob ng mall at nag-uusap.

“Hindi ka ba naiilang na ako kasama mo?” tanong ni Errol.

“Hindi naman. Bakit naman ako maiilang?” 

“Kasi, di ba, lalaki ka tapos bakla ako. Medyo malambot pa naman ako kumilos.” 

Ngumiti si Ivan. “Ano namang masama? Eh, sa gusto kitang kasama.” 

“Oo nga naman.”

“Bakit ikaw ba naiilang ka na kasama mo ako?” 

“Medyo?”

Agad namang napalingon si Ivan at ginulo ang buhok ni Errol. “Anong medyo? Loko-loko ka!”

“Ah, eh...”

“Naiilang ka talaga sa akin?”

“Gwapo mo kasi.” Biglang umiba ng tingin si Errol.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Ivan. “Alam ko na ‘yan.” 

Walang maisip na idugtong si Errol sa usapan. Napatingin lang siya kay Ivan na nakangiti. Sa puti nitong hapit na t-shirt ay litaw ang kakisigan nito. Hindi maiiwasang mapatingin dito ang mga nakakasalubong nito mapababae man o lalaki. Dumako ang tingin ni Errol sa buhok ng kasama pagkatapos ay sa mukha nito hanggang sa maganda nitong ilong at sa malarosas nitong mga labi. Hindi talaga maiwasan ni Errol na humanga sa bagong kaibigan. Ang mga braso nitong matipuno ay halos pumunit na sa mga manggas ng kanyang suot, at ang mga utong niya ay nagmamarka sa t-shirt kung saan ay hubog na hubog ang kanyang dibdib. 

“Nakatulala ka na naman sa akin, ha.”

Bigla namang bumalik sa wisyo si Errol. “Ah, eh...”

“Ikaw ha. Sige ka baka magselos bf mo niyan.”

“Wala akong bf. Baka nga ikaw hinahanap na ng gf mo.”

“Di ba nga wala akong gf?”

“Maniwala ako. Sa gwapo mong ‘yan, imposible.”

“Promise, wala talaga. Ikaw, mukhang close kayo nung Erik, ah.”

“Hindi. Kasama ko lang ‘yun sa school.”

“Eh, bakit concerned sa’yo? Sus!”

“Magkaibigan kasi kami. Tsaka, may girlfriend ‘yun.”

“Ah, okay.” Ilang segundong tahimik si Ivan. Binulsa nito ang mga kamay at lumingon sa kasama. “Gusto mo ba magka-bf?”

“Bakit?” Iniwasan ni Errol ang sulyap ng binata.

“Sige, tutulungan kitang maghanap.” Umiba ng tingin si Ivan. “Ano ba ang tipo mo sa lalaki?”

Yung tulad mo. “Ah, eh. Basta mabait.”

“Parang ako, mabait.”

“Talaga lang ha.” Natawa si Errol. Biglang may narinig silang nagtilian.

“Siiiiiiiiir, akala namin napa’no ka na!” sigaw ng isang babae na kumaripas patungo sa kinatatayuan ni Errol.

“Hala si Sir. Kaya pala umabsent kasi may date! Isusumbong kita, Sir,” saad din ng isang babae.

“Kumain lang kami. Wala kasing luto sa bahay. Pauwi na rin kami,” sagot ni Errol.

“Sir Errol, pakilala mo naman kami kay Mr. Pogi,” saad ng isang beking estudyante na pakembot-kembot na naglakad patungo kay Errol at ngumuso kay Ivan, dahilan upang matawa ang huli.

“Sir, grabe ka! Pinagpalit mo na talaga ako,” saad ng gwapong estudyante na may pahawak-hawak sa dibdib nito. “Alam mo ba, sir, kung ga’no kasakit dito?”

Natawa naman si Errol. “Baliw!”

“Guys, tara na at malapit na ang time. Hayaan na natin sina sir,” asik ng naunang babae. “Bye, sir! Bukas pasok ka na, sir, ha. Mamimiss ka namin.”

“Oo, bukas papasok na ako.” Nagpatuloy na sa paglalakad sina Errol. 

“Ang kulit ng mga students mo grabe.” saad ni Ivan.

“’Yung klase nila ang may pinakamakukulit na students.”

“Buti nakakaya mo. Kung ako, baka nagresign na ako after one week.”

“Sanay na ako sa mga ‘yun. Mababait naman ang mga ‘yun. Makulit nga lang at kulelat lagi sa quizzes at exams.”

“Buti ka pa nakakaya mo ang pagtuturo.” Inakbayan ni Ivan si Errol habang humahakbang sila sa escalator na pababa. “Ako parang di ko talaga kaya. Iniisip ko pa lang, nasstress na ako.”

“Iba-iba naman kasi tayo ng field.” Humawak si Errol sa hawakan ng escalator. “Pero alam mo nakakapagod talaga minsan. Di rin ako magtatagal sa school.”

“Bakit naman?”

“Di ba nga gusto ko magtrabaho sa isang lab?”

“Ah, oo nga pala, nabanggit mo nga pala ‘yan. Eh, sa love ayaw mo magtrabaho?”

“Ang korni!” Natawa si Errol. Teka, bakit nasa isang baitang lang sila? Hindi nga pala makalipat ng baitang ng escalator si Errol kasi nakaakbay sa kanya si Ivan.

“Korni ba, ser?” Napakamot si Ivan sa ulo. “Para naman may lablayp ka ng tinatrabaho” 

“Wala nga akong love life na tatrabahuin, eh.”

“Hayaan mo, makakahanap ka rin. Tutulungan kita.” Kumindat si Ivan.

“May kindat talaga?” Nasa first floor na sila ulit. 

“Ayaw mo ba?” Ngumisi si Ivan.

“Wag ka nga masyado ngumiti.”

“Bakit, sir?”

Baka mahalin kita. “Maiba tayo. Okay naman pala ‘yung Bryan, ano?” 

“Baka ganon lang talaga siya paglasing.”

“Baka nga. Tingin mo nagkabalikan na sila nung gf niya?”

“Aba malay ko.” Lumingon-lingon si Ivan. “Pag binastos ka ulit nun o ng kahit na sino, tawagan mo ako, ha, para maupakan ko.” 

“Grabe. Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka sanay na rin ako.”

“Ah, hindi. Hindi pwedeng ginaganyan nila si Sir Errol.”

Natigilan si Errol. Hindi niya alam ang isasagot. May kung anong kumislot sa kanyang dibdib.

“Uy, may nasabi ba ako?” 

“Wala,wala...” Hindi naman maintindihan ni Errol ang nararamdaman. Parang gusto niyang maiyak sa galak.

Napangiti naman si Ivan at humawak sa balikat ni Errol. “Pag may nambastos sa’yo, sumbong mo sa akin.”

“Pa’no pag si Hulk?”

“Eh, di sabay tayo tumakbo!” Nagtawanan silang dalawa. Umakbay si Ivan kay Errol habang naglalakad sila palabas ng mall. “Oy, bili tayo ng pizza para may makain tayo while watching movies sa bahay niyo.”

“Dalawang daan na lang pera ko.”


-------------------------------------------------------


Chapter 10
Sinaing
by Peter Jones Dela Cruz

Pagkatapos mag-ayos ng kanilang mga sarili sina Cindy at Marie sa restroom ng restaurant kung saan sila nananghalian ay bumalik na sila sa opisina. Malamig. Tahimik. Ang mga tao ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa. 

“Welcome back to your boring cell, Cindy.” Ito na lamang ang nasambit ni Cindy matapos buksan ang ilaw sa kanyang silid. At dahil wala naman talaga siyang gagawin sa araw na ito ay napagpasyahan niyang maglinis sa loob. Inayos niya ang kanyang mga files. Inorganize ang mga ito. Chineck niya rin ang emails niya. Wala namang messages na importante. Alas dos y media na nang matapos si Cindy sa mga ginagawa. Napagpasyahan niyang umidlip sa kanyang mesa.

Katahimikan.

Nagulantang na lamang si Cindy nang marinig ang malakas na tili. Nasulyapan niya ang orasan. Pasado alas kwatro na. Lumabas siya ng kanyang silid. Nagsipagtakbuhan ang mga empleyado papunta sa opisina ng kanyang boss. Tinanong niya ang isa sa mga ito. “Nigel, ano’ng nangyari?”

“Di ko rin alam, Miss Cindy. Pupuntahan nga namin, eh.”

Nakitakbo na rin si Cindy papunta sa opisina ng kanyang boss. Isa pang tili ang umalingawngaw kasabay ang pagkamatay ng mga ilaw sa kanilang opisina. 

“Nako po. Brownout pa talaga,” saad ng maliit na lalaking nakaunipormeng pang-opisina.

“Has anybody called the guards?” 

“May tumawag na po, Miss Cindy,” sagot ng lalaking katabi ni Cindy.

Nakalock ang kanyang pinto. Kinatok ito ni Cindy. “Miss Sandy... Miss Sandy, are you all right?”

Walang sumagot. Wala pa ring kuryente. Lumabas si Marie sa kanyang silid. 

“Marie, ano’ng nangyari?” 

“Hindi ko nga rin alam kasi nagtatype ako tapos bigla ko na lang narinig ang sigaw ni Ma’am Sandy.”

“Masisilip mo ba siya mula sa office mo?” 

“Hindi nga, eh. Madilim sa loob. Wala akong maaninag.”

“At talagang timing ang pagkawala ng ilaw.” Lumingon si Cindy kay Nigel at sa mga tao sa tabi nito. “Has anybody called our in-house electrical engineers? Bakit hindi pa rin bumabalik ang ilaw natin? We have generators for crying out loud!” Napataas na ang boses ng dalaga.

“Ma’am Cindy, naka-on na po ang generators pero parang di umubra,” saad ng isang lalaki.

Lumingon si Cindy sa kinaroroonan ng lalaki. Kahit hindi niya ito makita ng maayos dahil sa dilim ay kilala niya ang boses nito. “Oh, there you are, Engr. Mapua. So what’s the problem this time?”

“Chinecheck pa po namin ang mga makina, ma’am. Pero parang okay naman po ang generator sets natin.”

Nadismaya si Cindy sa narinig. “Somebody fetch the property custodian. We need the spare keys to this room. Now!” 

Agad inutusan ni Nigel ang dalawang empleyadong katabi.

“Kalma, teh.”

“Don’t we have flashlights?”

“Ma’am, di po gumagana.”

“What!” bulalas ni Cindy sa silweta ng empleyadong naiilawan ng mahinang liwanag galing sa malayong bintana. Bumaling ang dalaga kay Marie. “Yung cellphone mo.”

“Ah, teh, low bat.”

“Malas naman.”

Halos magsasampung minuto na nilang kinakatok ang opisina. Wala pa rin. Parang walang tao sa loob. Tahimik ito.

“Ma’am Cindy, ito na ho ang susi.” Inabot ng isang babaeng empleyado ang susi kay Cindy. 

Dahil walang gumaganang flashlight ay kinapa na lang ni Cindy ang butas ng doorknob at pinasok ang susi. Nabuksan na nila ang pinto. Walang anu-ano’y bumalik ang ilaw. Walang tao sa loob. Takang taka ang lahat. Walang nagulo. Walang senyales ng gulo o awayang naganap. Pumasok ang dalawang gwardiya.

“May naging bisita ba si Miss Sandy?” tanong ni Cindy sa mga gwardiya.

“Wala naman po, ma’am. Kayong dalawa po ni Ma’am Marie ang huling naitala namin sa logbook sa mga emplyedo dito sa Hedgeworth office,” sagot ng isa sa mga gwardiya. “Ano po bang nangyari, ma’am?”

“May narinig kaming sigaw, at malamang si Miss Sandy ‘yon,” sagot ni Cindy na nagtataka pa rin. Tinungo niya ang bintana at hinawi ang kurtina nito. Nakasara ito. Binuksan ito ni Cindy. Sumilip sa ilalim. Wala naman sigurong aakyat dito para lang manindak. Tiningnan ni Cindy ang baba. Walang katawang bumagsak. Tiningnan niya ang mga taong naglalakad. Walang kakaiba. “Has anybody seen Miss Sandy go out of this office?”

Umiling ang lahat. Walang nakakita. Nakakapagtaka ito. 

“Maybe we should just all go back to our stations. Malapit na rin naman ang uwian,” saad ni Cindy. Tiningnan niya na nagsipag-alisan ang mga tao.

“Ma’am, tawagan niyo lang po kami if may problema,” saad ng isa sa mga gwardiya.

“Hindi ba tayo tatawag ng pulis?” tanong ni Marie.

“Ano naman ang sasabihin natin?” tanong din ni Cindy.

“Na nawawala si Ma’am Sandy?”

Umiling si Cindy. “Wala pang bente kwatro oras. Tsaka, 31 years old na si Miss Sandy. Isa pa, walang nakakaalam kung ano talaga nangyari. Baka may nakaaway lang sa telepono.”

“Baka umalis lang si Ma’am at wala lang nakapansin,” wika ng isang gwardiya. “Sige po, balik na kami sa pwesto namin.” Lumabas na ang dalawang gwardiya.

Nagtinginan si Cindy at Marie, tinginang may pagtataka. 

“Wala ka ba talagang napansin?” tanong ulit ni Cindy.

Nagkibit-balikat si Marie. Bumalik na ito sa kanyang opisina. Si Cindy ay naiwan sa opisina ni Sandy. Muli niyang ginala ang kanyang tingin, naghahanap ng bakas ng nangyari hanggang mapadako siya mismo sa mesa ng boss. Isang diyaryo ang nandoon. Kinuha ito ni Cindy. 

Binasa ni Cindy ang balita. Nakasaad dito na isa sa mga magnanakaw sa National Museum ay patay dahil sa bali sa leeg. Ang isa naman ay nahuli na. Wala sa mga ito umano ang mga ninakaw na artifacts. 

Nag-isip si Cindy. Imposible namang ito ang dahilan ng pagsigaw ng kanyang boss. At dahil naumay na si Cindy sa kakaisip kung anong maaaring nangyari, ay bumalik na ito sa kanyang opisina at doon hinintay ang uwian. 

Nagtext muli si Bryan. “Babe, mamaya ha. Kitakits. Mwuah!”


* * *


Tahimik ang kwarto ni Sandy. Nakahawi ang kurtina sa bintana nito kung saan dumungaw ang sikat ng araw na inilawan ng bahagya ang malungkot na silid na noo’y walang tao. Nakatanaw sa di kalayuan ang imahe ng lalaking tinawag minsan ni Sandy ng papa. Seryoso ang mukha nito sa larawan, animo’y naninipat. Malinis ang silid, halatang pinapanatiling maayos ng mga kasambahay. 

Sa gitna ng katahimikan ay biglang lumitaw ang maitim na usok sa gitna ng ere. Lumaki ang usok na halos lamunin ang buong kwarto. Dumilim ang buong kwarto. Kahit ang sinag ng araw ay walang magawa kundi umurong sa tindi ng kadilimang bumalot sa silid. 

Isang pinong tili ng isang babae ang pumunit sa katahimikan. Ilang segundo pa ang lumipas at lumakas na ang sigaw na may ngitngit. Sa gitna ng usok ay biglang lumitaw si Sandy.

“Mga walang silbi!” Tinumba ng babae ang bedside table at natapon ang plorerang nabasag sa sahig. 

Unti-unting nawala ang madilim na usok at nagliwanag ang paligid. Bumalik ang sinag ng araw na bahagyang nagbigay ilaw sa kwarto. 

Tiningnan ni Sandy ang larawan ng tunay na ama. “Papa, pinapangako ko na makukuha ko ang mga bato at maipaghihiganti kita at maipagpapatuloy ko ang nais mo.” Galit na galit pa rin ito. 

Biglang kumatok ang isa sa mga katulong. “Ma’am Sandy, kayo po ba iyan? Ma’am, may problema po ba? Parang narinig ko kasing may sumigaw.”

Kinalma ni Sandy ang sarili. “Okay lang ako, Nida. May kukunin lang ako. Aalis din ako agad.”

“Okay po, ma’am.” 

Narinig ni Sandy ang mga yapak papalayo sa kanyang kwarto. “Alam kong may sumabutahe sa plano. Ang tagaingat. Siya lamang ang maaaring... Oo, tama.” Palakad-lakad si Sandy na kinakausap ang sarili. Agad niyang kinuha ang lumang kahon at binuksan ang lumang libro. Nagpupuyos siya galit habang binubuksan ang lumang aklat na may mga sulat-kamay ng mga orasyon. “Alam kong nasa iyo na ang mga bato. Pero hindi mo maaangkin ang mga ito.”

Tumigil si Sandy sa isang pahina. Sandaling tiningnan nito ang nasa pahina at tumayo. Naglakad ito sa isang bahagi ng kanyang malawak na silid na may mga libro. Isinuong nito ang kamay sa bakanteng parte at may pinindot sa dingding. Biglang umikot ang dingding na may mga libro at lumitaw ang isang sekretong silid kung saan pumasok ang dalaga. 

Dahan-dahang sumara ang dingding at naiwan si Sandy sa madilim na silid. Agad na sinindihan nito ang limang kandila. Nailawan ang madilim na kwarto. Lumitaw ang mga lumang kabinet na may mga lalagyan ng mga dahon, kakaibang uri ng bato, mga buto, bungo ng tao, at kung anu-ano pa. Sa isang sulok ay may lumang kalderong nakapatong sa isang bilog na mesa. 

Nilapag ni Sandy sa sahig ang mga kandila at pinormang pentagono. Agad na may kinuha ang babae sa kabinet. Isang boteng may lamang puting powder na parang asin. Binudbod niya ito sa sahig na lumikha ng linyang kumonekta sa mga kandila. Kasunod ay kumuha siya ng tuyong palaspas, at pagkatapos ay pumasok sa pentagong ginawa, pumikit, lumuhod, at pagkatapos ay umupo na hawak ang palaspas na itinaas-baba nito habang nakapikit. 

“Kinaroroonan ng matandang tagaingat ipakita sa akin...”

Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa orasyon. “Kinaroroonan ng matandang tagaingat ipakita sa akin!”

“Kinaroroonan ng matandang tagaingat ng mga bato ipakita sa akin!”

Biglang lumakas ang apoy mula sa mga kandila at nagliwanag ang silid. Kita sa ningning ng mga mata ni Sandy ang paglagablab ng apoy. Biglang lumitaw ang mga imahe sa apat na dingding ng silid. Mga imahe ng Kamaynilaang napapalitan ng mga imahe ng kabundukan, kagubatan, karagatan, at kabahayan. Ngunit mas tumindi ang liwanag na sumilaw kay Sandy. “Hindi maaari!”

Lumitaw ang galit na anyo ng matanda sa bawat sulok ng silid at nagwika ito. “Sino ka!” Agad umangat ang mga apoy sa ere at nilisan ang mga kandilang naiwang umuusok sa sahig. Naging hugis bilog ang limang apoy at pinalibutan ng mga ito si Sandy. Nagpaikot-ikot ang mga ito papalapit sa babaeng tila ay walang nagawa kundi pagmasdan ang mga naglalarong ilaw. 

“Ibigay mo ang mga bato!” sigaw ni Sandy.

Namamaos man ay napasigaw ang matandang ang mga imahe ay nasa bawat dingding ng maliit ng silid ni Sandy. “Hindi kita kilala. Kung anuman ang balak mo itigil mo na. Hindi ka magtatagumpay.” 

“Ikaw ang hindi magtatagumpay.” Inikot ni Sandy ang kanyang mabalasik na tingin sa bawat sulok ng silid na iyon. “Pagbabayaran mo ang kapangahasan mo. Hindi lamang ikaw ang ang may kakahayahang kontrolin ang liwanag at dilim.” Sa pagkakataong ito ay ngumisi si Sandy. Inangat niya ang mga bisig. Pumwersa siya at pumikit. 

Tumigil sa pag-ikot ang mga bola ng liwanag. Nanginig ang mga ito sa ere. Tila ay nilalabanan ng mga ito ang salamangka ni Sandy, ngunit nilakasan pa ni Sandy ang kanyang pwersa at nagpakawala ito ng isang sigaw. Agad na nagliparan ang mga ilaw tungo sa mga dingding. Nalusaw ang mga imahe ni Melchor. Bumalik ang kadiliman.


* * *


Sa kabilang dako ay biglang tumumba sa sahig ang isang matandang madungis na nakahawak sa kanyang dibdib. Halata sa ekspresyon nito ang sakit na nadarama sa dibdib pati na rin ang hirap sa pagtayo. Natapon ang sinasaing nito sa sahig, at muntik na siyang masabuyan ng nagniningas na mga kahoy. Mabilis na tumayo ang matanda at tiningnan ang baul na naangkin mula sa mga magnanakaw noong nakaraang gabi. Binuksan ito ng matanda. Lumitaw ang apat na batong iba-iba ang kulay. Walang bakas ng pagiging espesyal ang mga ito. Lumabas ng kanyang kubo ang matanda at lumingon-lingon. 

Halos dalawang dekada ng nakatira sa liblib na bahagi ng kagubatan si Melchor. Matapos ang pagkapaslang nito sa kapatid ay pinaghahanap ito ng mga autoridad. Dahil natatakot na makulong ay nilisan ni Melchor ang bahay nito sa ibabaw ng burol at namuhay bilang ermitanyo. Palipat-lipat ito ng tirahan hanggang mapagpasyahan nitong manatili sa kagubatan, malayo sa ingay ng modernong panahon. 

Bago mamuhay bilang ermitanyo ay pinagkatiwala ni Melchor ang baul ng mga paganong katutubo sa kakilalang nagtatrabaho sa museo. Ito ay nakatago lamang sa isang silid sa museo kung saan nakatambak ang napakaraming artipakto na hindi nakadisplay para sa publiko. 

Matagal nang walang pakialam si Melchor sa mga bato. Inakala niyang ang pagkamatay ni Damian ang tatapos sa kanyang tungkulin bilang tagaalaga ng mga ito. Subalit ang mga panaginip ni Magda nitong mga huling buwan ang nagpabalisa sa kanya. Ramdam niyang tinatawag ulit siya ng mga bato at nagpapahiwatig ang mga ito na may hindi magandang magaganap sa nalalapit na hinaharap. Hindi batid ng matanda kung bakit may gustong magkainteres sa mga bato at kung sino sila at kung paano nila nalaman ang sekreto ng mga bato. Tanging silang dalawa lamang ni Damian ang nakakaalam. Maliban na lamang, sa isip niya, kung may nakakaalam sa lihim bukod sa kanilang dalawa. 

Biglang sumagi sa isipan ni Melchor ang naiwang pamilya ng kapatid. Kamusta na kaya sila? Alam niyang nakapangasawa ang kapatid at may dalawang anak. Ngunit minsan lang sa tanang buhay niya nakita ang mga ito, at ito ay noong matalik pa silang magkapatid. Hindi na inalam pa ni Melchor ang nangyari sa mga ito, at dahil sa pagsisi ay wala siyang mukhang naiharap sa mga ito pagkatapos mamatay ni Damian. Sa pananaw ng mga tao at ng mga nakakakilala sa kanila ay pinaslang nito ang kapatid. 

Sa ngayon ay nakatira sa lumang kubo si Melchor, malayo ito sa magandang bahay nito mahigit dalawampung taon na ang nakakalipas. Umaasa lamang ito sa mga binibigay ng mga tagabundok na minsan ay napapadpad sa kubo niya. Minsan walang makain ang matanda. Subalit dahil sa taglay nitong hindi pangkaraniwang kakahayan ay napapadpad ito sa lungsod upang minsan ay manglimos o makapulot ng makakain sa mga basurahan ng mga pamilihan.

Ngayon ay alam na ni Melchor na kung sinuman ang nais kumuha sa mga bato ay hindi rin pangkaraniwang nilalang gaya niya. Subalit nagtataka pa rin siya dahil ang pagkakaalam niya ay silang dalawa lamang ni Damian ang may kakayahang kontrolin ang liwanag at dilim. Marahil marami pang katulad nila sa mundo na hindi lamang nila alam. Subalit naisip niyang hindi na rin importante iyon. Ang importante ay maprotektahan niya ang mga elementong bato bago pa man ito makuha ng kampon ng kasamaan. 

May isa pang nagpapabagag sa kalooban ng matanda. Alam nitong nanghihina na siya dahil sa katandaan. Maaaring mas malakas sa kanya ang mga nais kumuha sa kapangyarihan ng mga bato. Maaaring matalo siya ng mga ito at tuluyang mapasakanila ang mga bato at manganib ang kaayusan sa kalikasan. Isang paraan na lamang ang naisip ni Melchor. Ang kanyang apo.

Ngunit sa pagtanto nito ay hindi pa handa ang kanyang apo upang tanggapin ang tungkulin. Wala itong alam sa mga bagay na kagaya nito, at kailanman ay hindi nila nakilala ang isa’t-isa. Nitong huli ay isa ito sa mga nagpabagabag sa matanda.  

Gaya ni Damian ay may anak ding babae si Melchor na higit sampung taong gulang ang tanda sa anak ng nauna, subalit nilihim ito ni Melchor sa kapatid. Tatlong taon na siyang nagtatago noon nang mabalitaang nagkaanak ang anak niyang babae. Ngunit dahil sa mga nangyari ay hindi na nagawa nitong mabisita ang anak at apo ng personal. Natatanaw lamang nito ang mag-anak sa malayo. Kahit papaano ay nasubaybayan niya naman ang pamilya. 

Dapat ay sinasanay na nito ang apo kung paano tuklasin ang angking kaalaman upang magamit ito sa nalalapit na panahon. Matinding banta ang naghihintay, at maaaring hindi iyon malampasan ng matanda kung kaya ay kailangang may pumalit sa kanya sa lalong madaling panahon. Nagtatalo ang isipan ni Melchor. Sa isang banda ay ayaw niya ng madamay pa ang apo nito sa mga bagay na gaya nito. 

At paano naman niya ito isasali sa matinding problemang hinaharap gayong noong huling beses na nakita niya ito ay takot na takot ito sa kanya? Alam ni Melchor na hindi na magtatagal at kailangan ng malaman ng apo ang kanyang kapalaran. 


* * *


Lumabas si Sandy sa kanyang lihim na silid kasabay ang pag-ikot ng dingding na may mga istante ng libro. Galit ang ekspresyon sa mukha nito. “Hinahamon ako ng matandang ‘yon. Kailangang may maisip akong ibang paraan.” Sandaling tumigil si Sandy at tiningnan ang lumang aklat. “May isa pang paraan upang makuha ang atensiyon ng matanda, ngunit...” Tumigil siya at nag-isip. Ilang sandali pa ay ngumiti ito at bumitaw ng matalim na tingin sa kawalan. “The people won’t know.”

Naalala nitong bigla nga pala nitong nagamit ang kapangyarihan habang nasa opisina at kailangan nitong makabalik doon. Malamang nagtaka ang mga empleyado nito kung bakit biglang namatay ang mga ilaw doon at bakit bigla siyang nawala. Isa sa mga pinakaiingatang lihim ni Sandy ay ang kanyang di pangkaraniwang kaalaman at kakayahan. Hindi pwedeng malaman ang lihim na ito. Masyado pang maaga upang ang pagkatuklas ng kanyang lihim ang tumapos sa mga plano ng dalaga. 

Biglang binalutan ng maitim na usok si Sandy habang nag-iisip, at naglaho ito sa kanyang kwarto.


* * *


“Ano kaya ang nangyari kay Ma’am Sandy?” tanong ng isang babae habang naglilipstick sa harap ng salamin sa restroom. 

“Yun nga, eh. Tingin mo may nakakaalam. Eh, kahit si Ma’am Marie hindi alam kung nasaan ang boss natin,” sagot ng isang babae habang nagtetext. 

“Nakakapagtaka naman. Tapos namatay pa talaga ang ilaw kanina. Creepy!”

“Alam mo, Tanya, wala akong pakialam, okay? May date kami ng boyfriend ko, at si Ma’am Sandy ang huling iisipin ko ngayon.”

Napadilat at napalingon naman si Tanya. “Wow! Maganda ka today, ha.”

“Naman! Sinong mas maganda sa amin ni Ma’am Sandy?” tanong nito habang nakapamewang at nakanguso sa kasama.

“You were saying?”

Biglang nagulat ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. 

“Ah, Ma... Ma’am Sandy -- ” 

“Yes?”

Kinurot naman ni Tanya ang kasama sa tagiliran at sumingit. “Ah, Ma’am, nagbibiruan lang po kami. Sige po, mauna na po kami.”

Hindi sila sinagot ni Sandy. Tiningnan lamang niya ang mga ito habang papalabas ng restroom. 

Tinungo ni Sandy ang opisina. Napadaan ito sa mga clerk’s section kung saan nagliligpit na ang mga empleyado at naghahanda sa pag-uwi. Nabigla ang mga ito nang makita si Sandy, ngunit hindi nito ginawaran ng kahit na kaunting sulyap ang nag-aalalang mga tao. Bagkus ay nagpatuloy ito sa paglalakad sa koridor. Nagkataon namang papalabas ng kanyang opisina si Cindy. 

“Miss Sandy, what happened? We were worried about you?” tanong ni Cindy na halata ang pagkabahala. 

Ngumiti ng bahagya si Sandy. Napansin niyang bumaba ang kunot-noong tingin ni Cindy sa hawak niya. “I’m fine, Miss Gatchalian. You don’t have to worry.” Nagpatuloy itong maglakad patungo sa kanyang opisina, ngunit nakakailang hakbang pa lang ito --

“But, Miss, you were gone for more than an hour. We were -- ”

“I said I’m fine.” Halatang irita ang boses ni Sandy habang pilit na lumingon kay Cindy.

“Okay, Miss!” saad na lamang ni Cindy.

Pumasok si Sandy sa kanyang opisina at ginala ang kanyang tingin dito. Mukhang wala namang nagalaw. Ang diyaryong nagpainit sa ulo niya kanina ay nasa mesa niya pa rin.


Itutuloy...
--------------------------------------------

Abangan (Snippets from Chapter 13)


Naalarma ang pamahalaan ng Estados Unidos dahil biglang nawala ang komunikasyon nito sa kanilang embahada sa Pilipinas. “We just lost contact with Philippines. Manila is down. I repeat, Manila is down. Alert Homeland Security,” saad ng US Secretary of State sa kausap nito sa telepono.


***


“We just received information that Manila, the capital of the Philippines, lost contact with the rest of the world. Information is still unclear as to what caused this event. The Philippine Ambassador says the Philippine Government is currently investigating on what may be a terrorist activity in the capital. We will be back with more updates. Stay tuned,” saad ng isang tagapagbalita sa pang-umagang programa sa telebisyon sa Estados Unidos.


----------------------------------------------

Join our discussion page. Let's discuss. Let's talk. Share your opinion and feedback. Get updates as well.


All Rights Reserved
©Peter Jones Dela Cruz

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails