Just For aMoment
By: Bluerose
CHAPTER 14
AUTHOR’S NOTE: Sa lahat ng patuloy na nagaabang ng story at sa mga nakakaappreciate maraming thank you from the bottom of heart mwuah mwuah.
Sa mga admin ng group. SICHEM, RED, JIGS, and RHAFY super thanks talaga hehe. Mwuah mwuah. IAN KITOY Super thanks sa intense mong suporta YOUNG miss yah hehe.. Thanks bro. Sa bumubuo ng BTBBC super miss you guys. Miss na miss actually hahaha
PM REALOSO hi uli hehe.. JhOHAARIE papahirapan mo nanaman ako haha. King gregorio salamat hehe kay BRYAN LOPEZ salamat sa presence mo sa group RENNARD DE ASIS thank you talaaga hehe CHRIS TIAN, ELDRIENN SALONGA siguraduhin mong makakatikim ako ng mga luto mo huh hehe salamat sa suporta. NHIE CAS kung ano man yung pinagdadaanan mo kaya moyan ehhehe
JAPE GRUESO and EMMAN Congratz!!! Heheh Shai bord salamat din sayo hehe . LEX NOVELA, GILREX, CHRISTIAN PAUL salamat sa inyo. PETER JONES DELA CRUZ Coconsider ko promise hehhe.. Mulhang sweet yun hehe RAYVER RAVE Cute talaga ng name mo hehe may naalala ako LI BRANDO ingatz lang lage hehe JUSHUA BLUE HEART, JUNREY miss ka din ni Joseph ehhehe, JHUNNEL VILLALON CLAMOR relax lang ehhehe RIQX MAQUIONA salamat din hehe at Sa SEYTREBB the pakyu loveteam ehhehe cuteniyo promise. VKTREBB haha NATHAN NAT NAT yippiieee hehe JOHN RICK ASSUNCION, GINOXIOUS, RASCAL, LANTIS, JHARZ,RODEL SANTOS, GILREX, PRINCE d’ ASHE, PEACHY, at syempre si 44 super thank sa mga comments niyo sa blog. Mwuah mwuah.
Sa mga RA’s sa msob SEYREN ng LOVING YOU.. AGAIN, VIENE ng STRING FROM THE HEART, Kay RYE ng LOVE IS, kay COKIE CUTTER ng GAPANGIN.. PRINCE JUSTIN ng ME & MY RULES at kay ROGUE ng WAY BACK INTO LOVE sequel..At sa new story na The John LLyod diary ni Mr. APPLE GREEN Support natin lahat ng author hehhe..astig sila promise hehhe
SA mga di ko nabanggit hehe pasensorry .. Next time nalnag hehe.. Sali kayo sa group more pictures of the characters.. Kwentuhan hehe.. Close close tayo.
https://www.facebook.com/groups/carlosbluerose
CHAPTER 14
“Life is a mixture of sunshine and rain, teardrops and laughter, pleasure and pain. Just Remember, There was never a cloud that the sun coundn’t shine through.”
SI JOSEPH
In life. There are things you must learn in order to be happy. Bibigyan ko kayo ng dalawa sa maraming bagay na yun.
Dream without fears and love without limits. - More than alive.
Una Wag ka matakot mangarap kasi hindi ka magtatagumpay kung punong puno ka ng takot. Hindi mo makukuha yung gusto mo kung di mo gugustuhin makuha to Sabi nga di ba fear is your most powerful enemy so believe in yourself and dream without fear. Mangarap ka and make sure to aim high.
Pangalawa Magmahal ka ng buong buo! Ibigay mo lahat hindi dahil hindi mo mahal yung sarili mo kundi dahil totoo ka magmahal. Kung masaktan ka man atleast hindi ka nagkulang.May posibilidad na madudurog ka pero lahat naman ng sugat naghihilom eh. It takes time nga lang pero importante naman yung kagustuhan mong maghilom. Kahit mabagal basta umuusad. (TTCT) Yung mga taong totoo magmahal imposibleng walang nilaan ang diyos para sa kanila. If you love without limits there gonna be someone out there who will love you without fear. See heaven’s got a plan for you so you shoud trust him.
Napangiti lang ako habang nililibot ko yung tingin ko sa buong bahay na yun. Napakaganda. Bunga ng pagod, pagsisikap at pagpupuyat. Pangarap ko lang dati ngayon malaya ko ng napagmamasdan. Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung paghawak ni chris sa kamay ko. Lumingon naman ako dito saka ngumiti.
“ This house is really beautiful. Parang punong puno ng buhay.. The walls the ceilling, the floor. So beautiful.” saad niya. “I must say may taste ka talaga.”
“ Talaga.?”
“ Yeah I love it.”
“ Hindi para sayo to gago Kay mama kaya to.”
“ bakit pwede naman akong tumira dito di ba..? Forever.?” ngiti niya natawa lang ako saka sya tinulak palayo sakin.
“ Ang corny mo.”
“ And so. Di ka pa ba sanay.” tulak niya din sakin. Napaupo lang ako sa malaking sofa saka muling nilibot yung tingin sa buong bahay. Tumabi naman sakin si chris.
“ Finally may bagay na kong masasabing akin..”
“ Finally yun broken road meron na syang bahay. Hindi nalang sya basta road.” ngiti niya natawa naman ako.
“Baliw.. Tingin mo magugustuhan to ni mama.?”
“Oo naman joseph.” ngiti niya habang nililibot din yung tingin niya. Dalawang palapag yung bahay na yun. May tatlong kwarto. Isa para kay mama, para samin ni Chris at guest room. Hindi gaanong malaki yung bahay pero sapat na para samin ni mama.. Sobra sobra pa. Hindi ko naman hinangad na magkaroon ng malapalasyong bahay tulad ng kala daryll or Kala Chris. Simple lang masaya na ko at gusto ko lang maibigay kay mama yung pangarap namin. And masaya ko at natupad ko na yun.
Sa tulong ng mga taong nagtiwala at naniwala sa talent ko.
“ Chris Masaya ako kasi habang natutupad yung mga pangarap namin ni mama kasama kita. Thank you huh.”
“ Di lang naman pangarap mo natupad Joseph.. Pangarap ko din.?”
“ Pangarap.?”
“ Pangarap na mabuhay na masaya.” ngiti niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagpapasaya sayo. Nilahad ko naman yung kamay ko sa kanya dahilan para kumunot yung noo niya. “ why.?”
“ Hold my hand Chris.?” pinagmasdan niya naman yung kamay ko saka tumingin ng deretso sa mga mata ko. Magmahal at mahalin? Iilan lang yung mga taong nakaranas nun at masaya ako at isa ako sa mga taong yun. Salamat at may isang Chris na dumating sa buhay ko. Isang chris na bumago ng pananaw ko sa pagibig. Isang Chris na bumago sa mga paniniwala ko. Totoo nga yung sabi nila na best relationships. Usually begin unexpectedly.
All of a sudden, we fell inlove unexpectedly
Ngumiti lang si chris saka tinanggap yung kamay ko.
Inakay ko lang sya papunta sa gitna ng sala. Kinuha ko lang yung kamay niya saka nilagay sa balikat ko saka ko nilagay yung mga kamay ko sa bewang niya.
“close your eyes chris.”
“why.?”
“you do it o gusto mo sikmuraan kita.?” sumimangot naman sya. “ Close your eyes.?”
“fine.” saad niya saka pumikit. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinagmasdan yung mukha niya. He’s more than enough.. Nasaktan ako dati pero di ko alam na may higt pa palang darating.. I hate chris.. Pero tinuruan niya ko uli mamahal. “ now what.?” saad niya nakagat ko lang yung labi ko saka umiling.
“Chris imaginin mo yung pinakasweet na music na narinig mo sa buong buhay.. ”
“ bakit iimaginin ko pa.. Edi kumanta ka nalang.”
“ Sakalin kita eh.! Dali na.”
“ Oo na..” saad niya napagmasdan ko lang yung mga mata niya.. Ang haba ng mga pilik mata niya. Napangiti lang ako.
“ Ano nakikita mo Chris.?” tanong ko ilang sandali naman syang hindi nagsalita. nanatili lang syang nakapikit.
“ Darkness.?”
“ haixt Paganahin mo yung imagination mo.. Ano yung gusto mong makita.” ngumiti naman sya habang nakapikit.
“ Nakablack Suit ka, Blue and white stripes yung tie mo. nakangiti ka habang nakatingin sakin. You look so perfect. You were holding a mic sa harap ng altar habang kumakanta.. You were singing your favorite song.”
“ Favorite song mo nalang.?”
“ shut up gusto ko yung favorite song mo.. Gusto ko hindi lang tungkol sakin.. Gusto ko tungkol sating dalawa.” saad niya napangiti lang ako.. Haixt chris.. Why so perfect. Thanks cupid hindi na kita sinusumpa haha.. “ So naglalakad ako sa aisle habang kumakanta ka sa unahan.”
“tangina ka gusto mo talaga ikaw yung maglalakad sa aisle noh.?” natatawang saad ko binatukan naman niya ko. “ aray ko,? Masakit naman babe.”
“ asshole ka eh noh.! Panira” asik niya. “Fine ganito nalang close your eyes din dapat.. Close your eyes.”
“fine.” ngiti ko saka pinikit yung mata ko.
“ Nasa harap ka ng altar.. Ako yung may hawak ng mic habang naglalakad sa aisle. “ saad niya natawa naman ako. “ serious joseph pwede.?”
“ Opo sige serious na.”
“ naglalakad ako sa aisle while singing a song for you.”
“ Can I hear the song for me.?” Saad ko habang nakapikit naramdaman ko naman yung palad niya habang hinahaplos yung mukha ko. “chris.?”
“ Keep your eyes close joseph. Baguhin natin yung setting.” saad niya marahan naman akong tumango hanggang maramdaman ko yung paggalaw niya. Sumunod lang ako dito habang hawak yung bewang niya para kaming nagsasayaw sa sarili naming musika.. Musika na tanging puso lang namin ang nakakarinig. “ Imagine joseph we’re dancing under the stars and moon, listening to the sound of the waves.. While I’m singing a song for you..” bulong ni chris. Nang mga oras na yun parang napunta kami sa ibang lugar. Ramdam ko yung mga buhangin sa mga paa ko. Yung alon ng tubig sa dalampasigan.Yung malamig na ihip ng hangin na nagmumula sa dagat Habang hawak hawak ko si Chris.
“ Nakikita mo ba Joseph.?”
“ Nasa beach tayo.. Then I kiss you.” bulong ko
“ You we’re staring at my eyes first..Then you kiss me.”
“ Then my hearts start to beat fast.. Then faster and faster..” bulong ko. “ so fast.. Na tanging tibok nalang ng puso ko yung naririnig ko.. Hanggang huminto yung tibok nito nang simulan mong sagutin yung halik na yun. I don’t know what happened pero hindi ako makagalaw. That kiss was so magical.”
“ It is magical.” bulong niya.
I Set out on a narrow way
Manny years ago
Hoping i would find true love
Along that broken road
But I lost a time or two
Wiped my brow
And kept pushing through
I coundn;t see every sign
Pointed straight to you.
Bigkas ni chris sa lyrics ng kantang yun. Napangiti lang ako. Song for me.?. Hindi na fix you.? haha. Nang mga oras na yun pakiramdam ko nasa ilalim kami ng mga stars na tanging alon ng tubig mula sa dagat yung naririnig ko.. Saksi yung bilog na bilog na buwan habang sumasabay sa hangin yung bawat galaw ng katawan namin.
Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart
They were like northern stars
Pointing me on my way into
Your loving arms this much I know is true
That god bless the broken road
That led me straight to you.
Habang binibigkas niya yung lyrics ng kantang yun rinig ko lang yung pagsinghot niya. Dahan dahan ko lang dinilat yung mata ko. Napangiti lang ako ng makita syang nakapikit habang may luha sa mga mata.
I think about the years I spent
Just passin’ through
I’d like to have the time I’ve lost
And give it back to you
Dahan dahan naman niyang dinilat yung mga mata niya. Ngumiti lang ako habang nakatingin sa mga matang yun.. Mga matang hindi ko hahayaang tumingin sa iba. Love those eyes.
But you just smile and take my hand
You’ve been there, you understand
It’s all part of grander plan
That is comin true
Every long lost dream led me to where you are
Others who broke my heart
They were like northern stars
Pointing me on my way into
Your loving arms this much I know is true
That god bless the broken road
That led me straight to you.
Nakangiting bigkas niya sa lyrics habang may luha sa mga mata. Dinala ko lang yung palad ko sa pisngi niya saka masuyong pinunasan yung luha mula dito. Hinawakan niya lang yung palad ko saka dinala sa mga labi niya saka to masuyong hinalikan.
“ Joseph.. Mahal kita.” saad niya nakagat ko lang yung labi ko saka hinawakan yung kamay niya..
“Chris alam mo nung nasaktan ako akala ko hindi na uli ako magmamahal. Akala ko hindi na uli titibok tong puso ko para sa iba. Pero alam mo yung pinakamasakit?”
“Nung nagkaroon ako ng doubt kung kaya ko nga bang magmahal uli, kung kaya ko bang mapasaya yung taong mamahalin ko.Chris Nagkaroon ako ng doubt sa sarili ko. Doubt na nagturo sakin na wag muna magmahal.. Na pansamantalang isara yung puso ko. Until one day... dumating ka... Hindi mo hiniling pero yung puso ko..? Sabi niya take a risk.. Please take a risk.. Again..Please try again..Nung una ayoko.. Pero kapag ang puso pala nagsabi wala ka ng magagawa. I took the risk of loving again not thinking kung masasaktan lang uli ako.. ”
“ Thank you Joseph..”
“Alam mo sabi nila you have three choice in life: Give it all you’ve got, give in, or give up. Tingin mo nung minahal ko si franz ano sa tatlong yun yung ginawa ko.?”
“ Give up.?”
“ lahat yun.” ngiti ko saka umiwas ng tingin. “ Binigay ko lahat, lahat lahat sakin Di ako nagtira kahit konti para sa sarili ko. Yeah Nasaktan ako pero kahit kailan hindi ko pinagsisihan yun.. Nagmahal ako eh . Nung sinabi niyang mahal niya si daryll nagparaya ako minahal ko sya kahit sa malayo, Kahit masakit Loving him on my own way. From a distance.” pinunasan naman ni chris yung luha sa mata ko. “akala ko yun na yung pinakamasakit nung nagmahal ako.. Hindi pala..,alam mo yung pinakaworst..? Yung sumuko na ko.” hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha mula sa mga mata ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya. “ I gave up. Chris sumuko ako.. Hindi ko pinakita sa kanila na araw araw akong nasasaktan tuwing nakikita kong kasama niya si daryll.. Hindi ko pinakita.. Sinarili ko.. Umiyak ako magisa. Akala nila okay ako.. Na okay na ko sa nangyare.. Pero chris hindi. Hanggang dumating ka.”
“Giving up.? It will set you free.. Yun ang natutunan ko.” ngiti niya.
“ Chris sana dun sa tatlong choices na yun.. Yun una lang yung gawin ko..?”
“ give it all you’ve got.?”
“ Yung story mo about broken road.? Pwede bang palitan na natin ng title.?”
“ Why.?”
“ Can we make our own story.? You and I.. Sabi mo yung nakitang broken road nung lalake hindi niya alam na broken sya. Pero kahit di niya alam inayos yun nung lalake para maging maganda yung kalsada. Para maging maayos. Mawala yung mga lubak. at gusto sabihin nung broken road na yun na thank you. Nagpapasalamat sya kasi inayos sya nung lalake...Chris.. Thank you. ako yung dapat magthank you.. Thank you so much kasi dumating ka.”
“ welcome.?” ngiti niya.
“ Chris tinuruan kita maniwala na posible yung habang buhay pero narealize ko.. Chris you also make me beleive that love is still the greatest thing I will ever have.. Akala ko naghilom na yung sugat ko dito sa puso ko . Pero hindi pala. Nasanay lang ako sa sakit kaya hindi ko na maramdaman. Chris binura mo lahat yun.. Ginamot mo yung puso ko.”
“ Joseph. You promise to love me forever but you didn’t ask me to make a promise of loving you forever.?” saad niya tumungo naman ako. “ Inangkin na nung lalake yung broken road pero yung kalsada parang di naniniwala na gusto na magstay nung lalake dun forever.”
“ Ayoko humiling ng kahit ano sayo chris.. Yung hayaan mo kong mahalin ka habang buhay.. Chris it’s enough. It’s more than enough actually.”
“Joseph.. Gusto ko magpromise..?”
“ You don’t need to.?”
“ Shut up.!” inis na saad niya pinunasan ko lang yung luha ko saka natawa. “ napakasama mo.. Bakit ikaw lang pwede magpromise..? Gusto ko din naman nung lalake na forever na sya dun sa broken road na yun.. Hanggang sa araw na hindi sya na tatawaging broken road.?”
“ Eh kasi.”
“ May doubt ka sa love ko sayo.?”
“ Wala.?”
“ Sabi mo you we’re born the night we kissed.. Ako.. Tinanong mo ba ko kung kailan kita sinimulang mahalin.?” saad nya marahan naman akong umiling. “I was born the night when our souls becomes one.”
“kailan yun.?”
“nung nirape mo ko.”
“ simula nun.. Minahal mo na ko.?”
“ Yeah.. And I promise to love you from that day until forever.” ngiti niya napatungo lang ako saka hinayaang tumulo yung luha ko. “until forever joseph.” saad pa niya nagangat naman ako ng tingin. Kita ko lang yung ngiti niya sa labi habang may luha sa mga mata. “ until forever. Please..Joseph.. Ipaglalaban ko to.. Tandaan mo kahit anong mangyare hinding hindi na kita bibitawan.. Hinding hindi. Lalaban ako habang buhay wag ka lang mawala sakin.”
“ hate to see you crying Chris..” ngiti ko.
“ Hindi naman ako umiiyak dahil malungkot ako. umiiyak ako kasi masaya ako na nasa harapan kita ngayon. Alam mo joseph Lagi mo sinasabi na nanjan ako sa puso mo. Joseph nandito ka rin.” ngiti niya habang nakaturo sa puso niya.
“ really.?”
“ Joseph kung may mga maling bagay man na tinuro sakin lahat ng pinagdaanan ko.. Joseph sayo din meron. May bagay ka rin na hindi natutunan ng tama.” saad niya napatungo naman ako..
“ Ano..?”
“ Magmahal ng walang hinihinging kapalit. Loving someone in your own way without expecting anything in return. Joseph mali yun.” seryosong saad niya.
“ Ayoko magexpect chris. Ayoko mangako ka masaya na ko na mahal kita.. Masaya na ko na hinahayaan mo kong mahalin kita.”
“ Masaya..? You always settle for less. Alam mo ba yung rule kapag one sided ang love.?”
“ what.?”
“ Wag na wag ka mageexpect. Pero joseph iba yung sitwasyon natin we love each other at may rule kapag mutual ang feeling.”
“ what.?”
“ Expect.? Ang love minsan parang pagbili lang yan sa tindahan. Hindi pwedeng keep the change, dapat humingi ka ng sukli kasi yun ang dapat. Binibigay mo yung tama kaya dapat ibalik din sayo kung ano yung tama.. Don’t wait.. ask.”
“ Pano kung ayoko humingi ng sukli.?”
“ So ayaw mong mahalin kita tulad ng pagmamahal na binibigay mo sakin.?” Seryosong saad niya marahan naman akong umling.. “ joseph our story is not about you love me and you love me. Joseph it’s about you love me and I love you. And that is true love story is all about.”
“ Chris.”
“ Mahal mo ko pero sana tandaan mo mahal din kita. You promise to love me forever..I can promise that too.. Joseph Oo nanjan ako sa puso mo.. Pero nandito ka rin. It’s not just you who can promise na hindi ako sasaktan.. Kasi pangako ko sayo na hindi rin kita sasaktan at hindi kita iiwan.. Joseph... Nasaktan na ko dati.. Alam ko yung pakiramdam nun. Alam ko kung gano kasakit yun at hinding hindi ko ipaparamdam sayo yun.” saad niya hindi ko naman napigilan yung pagtulo ng luha ko. “ walang iwanan.?”
“ Mapapangako mo ba yun.?” bulong ko. “ Kapag nagexpect ba ko from you tutuparin mo.? Kapag hiniling ko ba na wag mo ko iiwan tutuparin mo. Chris natatakot ako magexpect.”
“ hindi ko ipapangako yun hindi dahil nangako ka.. Mangangako ako dahil yun ang sabi ng puso ko. Sabi nila dapat daw sa relasyon may higit na nagmamahal kesa sa isa.. Mali naman kasi yun kasi pwedeng pantay.. Dapat pantayan. As simple as you love me and I love you.”
“ Pinapaiyak mo ko chris I hate you.”
“ If you hate to see me crying hate to see you crying din.” natatawang saad niya.
“ bwiset ka talaga eh!”
“ tandaan mo hindi dapat lage ikaw yung nagsasabi ng i love you.. Minsan mas masarap pakingan na ikaw nagsasabi ng i love you too.”
“ di nga.?”
“ I love you joseph.” ngiti niya nakagat ko lang yung labi ko saka ngumiti.
“ I love you too” saad ko pinagmasdan ko lang yung mukha niya.
“ may promise na tayo sa isa’t isa.. Pirma nalang ang kailangan.?” napailing naman sya saka hinaplos yung mukha ko.
“ How about this.” ngiti ko saka unting unting nilapit yung mukha ko sa mukha niya hanggang maglapat yung mga labi namin.. Masuyo ko lang syang hinalikan.. Nilasap yung bawat segundo.. Bawal minuto, bawat sandaling magkalapat yung mga labi namin.
Ramdam ko lang yung pagyakap niya sakin. Dahan dahan ko naman tinaas yung tshirt na suot niya. Hanggang mahubad to. Muli ko lang syang hinalikan ng mas mapusok.
Kissing under the moon and stars while listening to the sound of the waves. In our hearts.
Golden moment. Captured
SI CHRIS
Naging madugo yung mga sumunod na schedules namin dahil sa concert. Guesting sa iba’t ibang shows para ipromote yung concert at walang katapusang rehearsal. Mula umaga hanggang gabi nasa studio kami para ayusin lahat ng details para maging successful ang unang magiging Major concert namin.
We are taking our band into the next level. Bihira sa mga banda sa pilipinas ang nagkakaroon ng isang malaking concert at masaya kami at nabigyan kami ng chance to perform our hearts sa maraming tao.
Napakalaking ingay ang ginawa ng magaganap na concert na lalong nagbigay samin ng drive para pagandahin pa ito.
Pagkatapos ng presscon lalo pa kaming nagpraktis ng mabuti para mareach yung expectation ng mga bummili ng ticket.. Hindi sila magsisisi na icecelebrate nila yung new year kasama kami.
A stoy of success.
Well achieving a dream is not that easy. If you really want it you have to work hard to achieve it.
“ So tired..” saad ni thomas saka pabagsak na naupo sa sofa tumabi naman sa kanya si Joseph saka pinatong sa mukha niya yung pillow.
“ Justin wake me up after new year please?” saad nito natawa naman ako saka tumabi sa kanilang dalawa. Tinanggal ko lang yung unan sa mukha ni joseph saka sya pinagmasdan. yeah perfect siguro yung itsura niya pero minsan talaga yung ugali hindi. Siguro yung pagsusungit niya minsan way niya lang yun para hindi sya magmukhang korni haha.
“ Joseph I’m thomas ..? Gusto mo ba patulugin na talaga kita habang buhay.?”
“ Whatever.”
“ Pasalamat ka joseph wala akong lakas para makipagsapakan sayo.” saad ni thomas saka pinikit yung mata. “ Tulog na muna ako.”
“ dun ka na sa room niyo.?”
“ Asa ako.. Nasa baba si Geo malamang dito ako matutulog sa sofa.”
“ Oo nga pala.” ngiti ni Joseph. “ Chris I’m tired.?” lingon niya sakin saka ngumiti.
“ Tulog na tayo.?”
“ Gusto ko ng Tea.? Ikaw gusto mo ba ng Tea ko.” ngiti niya nilapit ko lang yung mukha ko saka sya hinalikan sa labi. “Sarap.. gusto mo ba kahit pagod ako okay lang.”
“ gago.. Tara.?” hila ko sa kanya papunta sa kusina.
“ Kala ko sa kwarto tayo.” ngiti niya.
“ Hoy justin umayos ka na ng higa jan.” sigaw ko dito.
“ hayaan mo sya.”
“ kawawa naman eh.” saad ko saka binalikan si justin saka inayos yung pagkakahiga niya.tulog na tulog talaga nang lingunin ko si joseph kita ko lang na nakatingin lang sya samin ni Justin. “ what are you thinking joseph.?” ngiti ko.
“ nagseselos ako.? Alam mo nakakainis kasi di ko mapigilan magselos.”
“ Asshole.” saad ko saka naghikab. “ inaantok na ko.”
“ tea muna tayo.”
“ Ok po.” saad ko saka pumunta sa kusina sumunod naman sya sakin.
“ Masyado kasing touchy yang si Justin eh. Naiintindihan ko na bakit nagseselos ka sa kanya kapag nakaakbay sya sakin.” napapakamot na saad niya.
“ kung makaakbay naman kasi sya sayo.” nilabas ko lang sa cabinet yung Tea.
“ Alam mo ba dati talaga hindi ako nakakatulog na hindi umiinom ng tea sa gabi.. pero ngayon kahit paglaruan mo lang tea ko nakakatulog na ko.” natatawang saad niya.
“ shut up joseph.. Gusto mo batuhin kita ng Tasa.?”
“ Joke. Ang gwapo mo chris nakakainis.” saad niya saka tumungo sa mesa.
“ Joseph Dun na ba kayo sa bagong bahay niyo mag kichristmas.?” nagsalang lang ako ng tubig saka humarap sa kanya.
“ Yap.. Chris bakit hindi ka na umuuwi sa inyo.?” saad niya saka umayos ng upo.
“ Umuuwi ako huh.”
“ Gago lokohin mo pa ko sabi sakin nung guard bumabalik ka daw dito sa condo magisa.?”
“ Uhmm.”
“ may problema ba.?”
“ wala.?”
“ eh bakit parang ayaw mo magkita kami ng mommy mo.?”
“nagkita na kayo di ba..? Napakilala na kita sa kanya.”
“ grabe wala pang isang minuto kami nagkausap. Meeting the mother na ba tawag mo dun.? sheet.. Tapos umalis din agad tayo sa bahay niyo. Parang ayaw pa nga sakin ng mommy mo eh.”
“she likes you wag kang paranoid.?”
“ Parang iba naman yung naramdaman ko ng nung nagkita kami.” ngiti niya.
“ She likes you nga.. Eh ikaw ano naman plano mo sa mommy mo.?”
“ Wala.?”
“hindi mo sya habang buhay maiiwasan.. Baka magulat ka nalang magpainterview yun at iclaim na sya ang nanay mo.?”
“ bigti na sya.. Wag niya ko guluhin ang problemahin niya yung mga anak niya na walang magawa sa buhay kundi guluhin ako.. Haixt yang Stephan na yan kapag nainis ako yan gugulpihin ko na yan.”
“ Di mo ba talaga sila matanggap.?”
“ Tanggap ko na sya yung biological mother ko. Pero it doesnt mean na ok na kami.”
“ pero.?”
“ shut up babe.. Iniiba mo yung usapan mommy mo kaya pinaguusapan natin.? Ayaw niya sakin noh.?” Saad ni joseph natawa naman ako. “ ayaw niya sakin.?”
“ Supportive mom si mommy kaya kahit ayaw niya pa sayo basta masaya ako.. Okay na sya dun.”
“ May nagawa ba ko bakit ayaw niya sakin.?” humugot naman ako ng malalim na hininga saka tumango. “ ano ginawa ko.. Parang wala naman akong maalala naging anghel kaya ako sa anim na buwan na relasyon natin.?”
“Oo anghel na nasa likod ang sungay.”
“ gago ka.!” simangot niya natawa naman ako. “ ano ba ginawa ko sa napakaganda mong mommy.”
“ Alam ni mommy yung tungkol sa pagrape mo sakin.”
“ Alam niya.?”
“ Yap.. Dedemanda ka dapat ni mommy nung araw na yun.. Pinigilan ko sya kasi nga di ba kasalanan ko. Sobra yung galit sayo ni mommy nun kulang nalang sugurin ka niya sa bahay parapatayin.”
“ Tagal na nun.?”
“ Ayaw kasi ni mommy na nasasaktan ako.. At dahil sinaktan mo ko nun kaya nawalan sya ng tiwala sayo. Pero syempre dahil mahal kita pinaglaban kita.. Sweet ko noh..?”
“ows.?”
“ Yap.. Saka may usapan kami ni mommy na wala na munang pakialaman ng lovelife.. Meron sya meron din ako.. Guluhin niya yung akin.. Guguluhin ko yung sa kanya.”
“ ganun.. Magsosorry nalang ako.. Gusto mo puntahan ko sya. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yun.?”
“ busy tayo di ba saka wala lang yun.. Wag mo na isipin si mommy at wag na wag kang pupunta sa bahay.”
“ why.?”
“ Basta.” ngiti ko nagkibit naman sya ng balikat nilagay ko lang sa harap niya yung tasa ng tsaa. Kinuha naman niya to saka dahang dahang ininom. “ wait may binigay pala yung isang fan satin.”
“ ano.?” tanong niya tumayo naman ako saka pumunta sa sala para kunin yung paperbag. Pagbalik ko nilagay ko lang to sa mesa. “what’s that.? Chocolate.?”
“nope kala ko nga din eh.” saad ko saka nilabas yung nasa loob nun.. “ tshirts.?” ngiti ko.
“ Tshirts.?”
“yap.. Kala ko simplengtshirt lang pero nung tiningnan ko kanina.. Ang cute.. This is for you.” abot ko ng pink tshirt sa kanya niladlad ko naman yung sakin saka pinakita sa kanya. Natawa lang sya ng makita yung nakatatak dito.
“ Chris loves Joseph.” natatawang saad ko niladlad niya rin yung sa kanya.
“Joseph loves Chris.” saad niya. “ Wow astig naman nito.. Suotin ko to bukas.”
“ Seryoso.? baka mapicturan ka.?”
“And so.? Picturan mo ko.?” saad niya saka tumayo at sinuot yung tshirt. “ totoo kaya yung nakasulat so bakit ako mahihiya.”
“pero.?”
“ Chris.. Bigay to ng fan remember at ang rule satin iaappreciate lahat ng ibibigay satin.. Edi icaption mo nalang na gift from a fan di ba.?”
“sabagay.” ngiti ko saka kinuha yung phone ko saka tinapat sa kanya. Ngumiti lang sya.
“done.” saad ko.
“ikaw din.” saad niya sinuot ko naman yung sakin saka niya kinunan ng picture. “ post ko huh.”
“kaw bahala.”
“hi guys.” sabay lang kaming napalingon ng marinig si paul umupo naman to sa isa sa mga upuan saka tumungo sa mesa.
“ something wrong Paul.. Where’s Geo.?”
“ Hinatid ko na kala aldred.”
“Di sya dito matutulog.?” tanong ni chris umiling naman si Paul.
“ May issue pa ba sya sakin.. Alam naman niya di ba yung relasyon namin ni chris so bakit sya nagseselos.?”
“ Guys pinagdadaanan talaga to ng magsyota relax lang kayo.. Mahal ko si Geo at yung pagseselos niya kay Joseph tapos na yun.”
“do you me to talk to him.?” ngiti ni joseph.
“no thanks.. Cute ng shirts niyo huh.?”
“gusto mo Sabihin ko sa fan na gawan ka din.. Paul loves joseph.?” natatawang saad ni joseph binatukan naman sya ni paul. “ aray naman.?”
“gago ka parin joseph.. Grabe magbago ka na.” simangot ni Paul.
“ joke lang. after new year magmamaldives kayo.?”
“ Kung iniiisip mo joseph na aayain kita or kayo ni chris sumama.. Hindi.! Geo and Paul lang yung moment na yun.”
“ Sa iba kami pupunta noh.” saad ni chris. “ at gagawa kami ng sarili naming moment. Chris and joseph lang. New year. New experience for him.”
“ Saan tayo pupunta babe.?” tanong ni joseph hanggang matigilan sya. Napangiti naman ako. “ ah ehh.. Next topic.” ngiwi ni joseph.
“ Bakit san kayo pupunta.?” tanong ni paul.
“ dito lang sa pilipinas..”
“ I’m sleepy.” saad ni joseph saka tumayo at naglakad papunta sa kwarto namin.
“ Nyare dun..? San ba kayo pupunta.?”
“ sa naglalagablab na apoy ng kaligayan.” ngiti ko saka tumayo at naglakad papunta sa kwarto namin. Rinig ko naman yung payak na pagtawa ni paul. Haha.. Dadalhin ko sa langit si joseph and that is a promise haha..
Pagpasok ko sa kwarto kita ko lang na nakatowel nalang si joseph. Hinubad ko naman yung tshirt ko.
“ shower lang ako.. Humanda ka.”
“ huh.?” lingon ko sa kanya ngumiti naman sya ng nakakaloko. “bakit ..?”
“ ikaw ang bottom hanggang new year.” ngiti niya. aixt.
“toss coin.?”
“sapak.?”
“ Kanis ka joseph.”
“ Whatever chris.. Yah tigidig tigidig.” natatawang saad niya saka pumasok sa Cr. Natawa naman ako. Madami kokontra kapag sinabi ko na I can live without sex.. And I can love him without sex involve.. Yeah it’s true.. I don’t know how.. But joseph can do magic. He can enter my heart without even touching me.
Lumipas yung mga linggo habang busy kami sa rehearsal sinasabay namin ni Joseph yung pagaayos ng mga gamit sa bago nilang bahay.. Masaya ako kasi naging part ako ng pagabot niya sa pangarap nila ng mama niya.
“ Wow..” ngiti niya habang pinagmamasdan yung kwarto para sa mama niya. Light pink yung paint ng mga walls sa kwartong yun. Queen size yung bed na kulay pink din na bed sheet. Light blue na curtain. Super refressing yung ambience ng kwarto. Parang ang gaan gaan sa pakiramdam.
“ Joseph di ba parang masyadong girly.?”
“ Nakita mo na yung kwarto ni barney di ba.? Ganitong ganito yung kulay dun.” natatawang saad niya. Natawa naman ako. Tuwng tinatawag niya talagang barney yung mama niya hindi ko mapigilang matawa.
“ Joseph ang bad mo.. Wag mo tawaging barney mama mo.”
“lambing ko lang yun sa kanya.. Ang ganda noh.” saad niya habang nililibot yung tingin niya sa buong kwarto. “ magugustuhan to ni mama.”
“ may kulang pa.” ngiti ko saka inabot yung box sa kanya.
“ What’s this.?”
“ gift.? Merry Christmas.?” ngiti ko natigilan naman sya. “ wala ka pang gift sakin noh.?” pilit naman syang ngumiti saka tumango. “ okay lang yung pagpayag mong maging bottom.. Jackpot na ko dun.”
“ gago ka.. Sapakin kita eh!”
“ Joke.!”
“ bibili kita ng gift.. Ibibigay ko sa new year.” ngiti niya.
“ Kahit wag na.. Masaya na ko sa araw na yun.”
“ shut up Chris! Gulpihin kita.”
“ ok.. Open it.” ngiti ko binuksan naman niya yung box napangiti lang sya ng makita yung laman nun.. Picture nila ni Tita Myrna na magkasama. Kinunan ko yun nung minsan nasa bahay nila kami.
“ Wow chris..”
“ Nagustuhan mo.?”
“ Sobra.” ngiti niya saka ako hinalikan ng mabilis sa labi. “ shit ang cute..” saad pa niya saka nilagay sa side table ng kama ng mama niya yung picture frame. “ gift mo to kay mama..hindi sakin.”
“huh.?”
“ Kay mama yan..so dapat may gift ka pa sakin.” ngiti niya.
“hindi mo nagustuhan.?”
“I love it.. Pero kay mama nalang yan please..? Ang cute kasi eh bagay na bagay sa kwarto niya.” saad niya habang nakatingin sa picture frame. “ please Chris.?”
“Ok.. Magiisip ako ng gift ko sayo at sa new year ko ibibigay.”
“thank you.”
“I love you.”
“ I love you too.” ngiti niya lumapit naman ako sa kanya saka sya tinulak sa kama.. “ hoy chris..?”
“Why.?”
“ Wag dito.. Kwarto to ni mama gago.” tulak niya sakin pero hinawakan ko lang yung kamay niya saka pinatungan. “ chris.?”
“ Kiss lang.?” ngiti ko saka sya hinalikan sa labi..ilang sandali pa ng sagutin niya yung halik na yun.. Hanggang humiwalay ako sa kanya saka tumayo. “ tara kwarto naman natin ayusin natin.” ngiti ko sa kanya.
“ Tara bigyagan natin yung magiging kwarto natin..” saad niya saka ko hinila.. Natawa naman ako.
“ wala pang bed sheet yun eh.?”
“ Edi sa floor.?” natatawang saad niya hanggang makapasok kami sa kwarto.. Sinandal niya lang ako sa likod ng pinto saka mapusok na hinalikan. Nagpaubaya naman ako. I love him.
SI JOSEPH
Pagbaba ko ng kotse napangiti lang ako ng mapagmasdan yung bahay na binili ko para kay mama. Nung araw na yun pinuno lang to ng maraming christmas lights nila erika. Napakaliwanag nito. Binuksan ko naman yung pinto sa driver side kung saan nakasakay si mama habang nakapiring ang mga mata..
“ Joseph ano ba kasi to.?” saad ni mama.
“ Relax lang ma.”
“ nasaan na ba tayo. Tangalin mo na tong nasa mata ko.?”
“ Ma.. I love you.” ngiti ko saka sya hinalikan sa pisnge saka Dahan dahan tinanggal yung nasa mata niya. Kita ko naman yung pagkatulala niya habang nakatingin sa malaking bahay na yun. “ Merry Christmas ma.”
“ ano to joseph.?”
“ bahay.?” ngiti ko kita ko naman yung pangingilid ng luha nito.
“ Ibig mong sabihin..?”
“ For you ma. Para sa malusog pero napakaganda kong mama.” nakagat ko lang yung labi ko ng makitang may tumulong luha sa mata niya. “Ito yung promise ko sa inyo di ba.. Here.. Para sa inyo. ” saad ko niyakap naman ako nito. “ sabi ko sa inyo na ako naman.. Na tutuparin ko yung dream natin.”
“ Salamat joseph.”
“ ma parang may nakayakap sakin na drum.” natatawang saad ko pinalo naman niya ko sa balikat.
“ anak naman eh.!”
“ Joke lang ma.. I love you.” saad ko saka sya mahigpit na yinakap. “ Ma dito tayo magsisimula ng panibagong buhay. Dito tayo bubuo ng mga magagandang memories.. Yung masasaya.”
“ Pano yung bahay natin.?”
“ Ma kay Papa yun di ba..dito na tayo ngayon. Yung sarili natin.”
“ Pero..”
“ Ssshh.”
“ Ok.. Di naman ako mananalo sayo.. Pero anak since wala ka naman sa new year pwede bang dun nalang ako sa bahay kasama sila franz.?”
“ Ma..? Gusto ko sana nasa concert kayo sa new year eh.”
“ Wag na anak.. Sabi mo nga magulo di ba.. Ok na ko sa bahay.. I’m so proud of you anak.. Proud na proud.” saad nitong nakatingin sa mga mata ko. “ malayo na yung narating mo at alam ko malayo pa yung mararating mo.”
“ dahil sa inyo ma.” ngiti ko marahan naman tong umiling.
“ Dahil nagsikap ka.. Kung nasaan ka man ngayon pinagtatrabahuhan mo yun..”
“ Kayo yung inspiration ko eh.”
“ Joseph thank you kasi naging anak kita.. Kahit hindi talaga tayo magkadugo.. Tinuring mo kong tunay na nanay.. Binigyan mo ko ng chance para maging ina..para magkaroon ng anak. Thank you.” naluluhang saad nito. “ naging Ina ako dahil sayo.”
“ ma.?” pagmamaktol ko.
“ Joseph.. Hindi ako yung totoo mong nanay.
“Sa puso ko kayo ang totoo kong nanay.. Ma naman eh.. Ma mahal na mahal ko kayo.. Siguro iba nga yung nagluwal sakin pero ma hindi yun yung sakutan para hindi ikaw yung maging nanay ko.. Ma minahal mo ko.. Minahal ng higit pa kay papa. Ma ako dapat yung magpasalamat sa inyo. At ngayon susuklian ko lahat ng yun.”
“ anak.”
“ I love you ma.. Tandaan niyo Ma kayo yung nanay ko.. Kayo lang.”
“ Joseph..” saad nito yinakap ko lang sya uli ng mahigpit.
“kayo lang ma.. Naiintindihan niyo kayo lang.. iKaw lang, ikaw lang.” saad ko. “ma ikaw lang please.. Ayoko ng iba eh.” humugot naman to ng buntong hininga. “ ma..?”
“ Joseph.”
“ma naman eh!! Ikaw lang mama ko.” nguso ko. “ ikaw lang please.. Ayoko ng iba.?”
“ Sige na nga..” saad nito humiwalay naman ako dito. Kita ko lang yung ngiti niya sa labi.” itour mo na ko jan sa bahay natin.?”
“ Ma mahal kita huh.. Wag mo ko iiwan.”
“ Yes anak.”
“ You are my sunshine. My only sunshine. You make me happy when skies are grey.. you never know dear how much i love you.. So please don’t take my sunshine away.” kanta ko pinunasan naman nito yung luha sa pisngi ko saka nagbigay ng matamis na ngiti.. “ Ma wag mo ko iiwan huh please.?”
“ Oo naman.. Kailan ba kayo ikakasal ni chris.?” ngiti nito.
“ Mahigit isang taon pa ma.. After ng contract namin sa SBR magpapakasal kami sa canada so dapat magpalakas kayo.. Ang payat payat niyo na oh.. Hindi pwedeng wala kayo dun.. Pangarap niyo sakin yun di ba.?”
“Hindi ako mawawala dun..Promise.” ngiti nito saka humarap sa bahay. “ ang ganda anak.”
“ ma promise yan huh.?”
“ Oo naman anak.. Tara na.?”
“ pasok na tayo.” ngiti ko saka nilahad yung kamay ko sa kanya. Tinanggap niya naman to. Hindi man sya yung tunay kong nanay sa puso ko.. Sya yung nagluwal sakin. Sya lang. Pumasok lang kami sa gate saka tumuloy sa pinakafront door. “ are you ready ma.?”
“yeah.”
“ Ok.” saad ko saka binuksan yung pinto.
“ MERRY CHRISTMAS!!!!” sigaw nilang lahat.. Nandun sila franz , daryll, blue and aldred, Geo. And Paul, Erika and Justin, Si Nicko and Jonas na umuwi pa galing new york, si Ethan, Si Ren, at si Chris. At yung iba pa namin mga kaibigan. “ we wish a Merry Christmas.” kanta pa nila.
“ ma nagustuhan mo.?”
“ Ang saya ko joseph..” ngiti nito lumapit naman samin si nicko and jonas.
“ bro.. Congratz!” saad ni Jonas.
“ namiss ko kayong dalawa.. Sangangdikit.?” ngiti ni mama sa dalawa saka sila niyakap. “ ang favorite loveteam ko.”
“ namiss din namin kayo Tita Myrna.. Pumayat po kayo.” ngiti ni nicko.
“ nagpapasexy ako iho. Magaartista narin ako eh.”
“ ma.” ngiti ko.
“ hello tita..”yakap ni paul kay Mama. “ astig na ng anak niyo noh.. Welcome po sa bago niyong house.”
“ salamat Iho.. Magmahalan lang kayo ni Geo huh.” ngiti ni mama saka tinanguhan si Geo.
“ magmahal daw Geo huh.” ngiti ko kay Geo napangiti naman to saka yumakap kay mama.
“ Ang saya saya niyong lahat.. Salamat pumunta kayo dito ngayon.” saad ni mama.
“ Oo naman Mama myrna.” saad ni daryll. Kumunot naman yung noo ko.
“ Hoy pagong ako lang ang anak ni mama..?”
“Shut up Joseph kapatid mo na kami ng mine ko.” ngiti ni franz.
“ Whatever.. Blue thanks nakapunta ka.” saad ko kay blue habang nakaakbay dito si aldred.
“ Oo naman di ko dapat mamiss tong event na to. Congratz Joseph dito sa bagong bahay niyo at syempre sa concert niyo.. I’m so proud of you.”
“ Thanks blue.”
“ Congratz bro.” saad ni aldred tumango naman ako dito.
“ party na!!” sigaw ni erika na may hawak na bote ng wine.
“ yeah party.” sigaw din ni franz saka nagpatugtog ng malakas. Muli ko lang niyakap si mama saka sya hinalikan sa pisngi.
“ sarap mo talaga yakapin ma. My sunshine.”
Minsan akala natin na may mga bagay na imposible mangyare. Na may mga bagay na hindi talaga para satin. Na may mga bagay na malabong makuha kahit gustuhin pa natin. Pero di ba mas madali tanggapin na hindi para sayo ang isang bagay kung sinubukan mo ito ipaglaban. Na sumubok kang makuha to. Yung tipong kahit nabigo ka atleast sinubukan mo.
Siguro nga nageexist yung salitang Imposible.. Pero sana bago mo banggitin yung salitang yan..Lumaban ka muna.
“GUYSSS I SAID LISTEN!” Sigaw ni Ren tumigil naman kami sa pagtatawanan. Nasa malaking stage na kami nun kung saan gaganapin yung concert namin. We’re doing the final rehearsal.. Bukas na ng gabi yung concert. “ shit guys bawal tayo abutin ng hating gabi here.. Kailangan niyo magpahinga para bukas. So para matapos tayo ng maaga makinig na kayo at masimulan na tong final rehearsal na to.”
“ sure ren.” saad ni paul.
“So listen para makauwi na tayo at makatulog para bukas!”
“ Handa ka na ba sa solo performance mo Justin..? Grabe Seryoso ka ba talaga baka bigla kang sunugin ni erika sa gagawin mo.?” natatawang saad ko.
“ Listen daw...” nanlalaki ang matang saad ni Justin habang nakatingin kay Ren. Lumingon naman ako dito saka nagbigay ng pilit na ngiti.
“ Joseph..iniinis mo ba ko.?” seryosong saad ni Ren.
“ Sorry na game.” ngiti ko natawa naman si Paul.
“ Fuck I’m sorry hindi ko talaga mapigilan matawa kay Thomas eh.” saad ni paul habang tinatakpan yung bibig niya.
“ Guys.. Hindi niyo ba naiintindihan na bukas na yung concert.. Shit oh dapat maging perfect to.!”
“ Yes master Ren.” ngiti ko.
“ Ano ba kasi plano ni Justin bukas.?” kunot ang noong tanong nito natawa naman si chris. “ I’m serious! Pano kung makasira sa performance niya yun.?”
“ Wait baka naman hindi si erika ang dadalhin mo sa stage justin.. Baka si stephan.?” ngiti ni paul.
“ Gago ka paul at gago kayong lahat.. Thomas ang name ko .. Bwiset naman oh.!” simangot nito.
“ sabing ano gagawin mo bukas eh!”
“ kalma lang Ren.. Chilax.. bukas habang tumutugtog ako ng piano. Idedicate ko yun kay erika tapos tatanungin ko sya kung pwede ko na ba syang maging girlfriend.”
“ Aixt... Listen.. Pagusapan natin yung openning.”
“hoy teka.. Di ka man lang naexcite sa gagawin ko bukas?”
“ Hindi.. Tigilan mo yun mapapahiya ka lang.. At may contract kayo di ba.?”
“ Kontra.. Basta gagawin ko yun.”
“ matutuwa pa ako kung kay Stephan mo yun itatanong.”
“ huh.? Si erika kaya gusto ko.”
“ fine sabi mo eh ok guys.. Listen there’s a fire there there there there there.” turo niya sa palibot ng stage. Kumunot naman yung noo ko. Ang daming fire naman nun?
“ Sa Impyerno ba nakatira yung mga nakabili ng ticket bakit ang daming fire effect.?”
“ Hindi.. At yung sa LED na yan may fire effects din..”
“ Grabe..?”
“ Seryoso yun.. Angels of fire ang theme ng opening niyo di ba.. So lalabas kayo ng may mga wings. ”
“ what.?!” gulat na saad ko.
“ Shut up Joseph napagusapan na to di ba.. Kung nakikinig ka lang ba eh.”
“ nasabi ko sayo yun joseph.. Di ka lang naniwala sakin.” ngiti ni Chris. Tengenes yan.
“ At sinabi ko din sayo yun.. Pinagtawanan mo pa nga akoeh.” ngiti ni Justin. Tengenes times two.
“ Seryoso talaga yun.?”
“ yeah.. There’s a fire everywhere.. So ang entrance niyo is there.” turo nito sa taas napatingala naman kaming lahat saka nagkatinginan.. Shet ang taas. “ don’t worry safe kayo jan.. May harness naman eh habang may tumugtog na parang horror na sound dahan dahan kayong bumaba.”
“ horror sound Ren.?”
“ I mean magical sound.. Para kasing horror sa pandinig ko eh.” simangot niya. “ yung mga constumes niyo okay na.”
“ Okay naman siguro yung costumes namin noh bukod sa wings.?” ngiwi ni paul.
“ Angels of fire kayo so okay sya.. Maganda.. Futuristic. Mukha kayong yayamanin.. Black and silver since black yung mga wings niyo.”
“ Di naman kami mukhang demon.?”
“ nope.? Pwera nalang sa eye liner.?”
“ fuck Haixt..Opening lang naman yan di ba..?”
“yap.. Yung mga songs na napractice natin.. Yung solo performances niyo and as band..yung mga sasabihin niyo nasa monitor naman yun. dagdag nalang kayo ng mga konting adlibs. okay na yun pero yung opening dapat perfect.. Perfect.”
“ As always.”
“matatapos yung concert after ng fireworks display.” saad ni Ren napatingalanaman ako. Yung malaking stage lang yung may bubong nun.. Sa isang filed gaganapin yung concert para makita parin yung fireworks display. “okay na lahat.. finally.. Ok guys goodluck..!!” ngiti ni Ren.
“ Goodluck satin!!” sigaw ni Justin natawa naman ako saka sya binatukan. “ aray naman.”
“Pulsar are we ready.?” ngiti ni Ren.
“ Raady!!!!” sabay sabay namin sigaw.
“ ikabit ang wings!!” sigaw ni ren sa mga crew.. Napanganga naman kami.
“ teka..?”
“ Isabit na sila guys!! Faster.. Simulan na ang final rehearsal.”
“ fuck that. !”
SI KRISTEL
PULSAR’S CONCERT
Pov ko..? Haha ready? Sinuot ko lang yung Crew Id na binigay sakin ng isang friend na nagtatrabaho sa venue kung saan gaganapin yung Concert ng pulsar.. Haixt Opening palang sisirain ko na!
“ Hey!” Untag ng isang crew sakin. “ where are you going.. Madami pang gagawin sa stage.?”
“ Just need to pee.?” pilit na ngiti ko.
“ Andun yung Cr para sa crew.?”turo nito sa kabilang dereksyon agad naman akong umiling.. haixt
“ Di ko na talaga kaya kuya please..” namimilipit na saad ko saka nagmamadaling naglakad..
“ bilisan mo huh.” habol pa nito. Shit nasaan ba yung dressing room ng Pulsars.. Damn it. Baka paparating na sila aiixxxtt ilang pinto pa yung nadaanan ko ng makita yung Name na pulsar sa isang pinto. Finally. Marahan lang akong kumatok dito. Nang walang sumagot dahan dahan ko lang tong binuksan.
Lumingon lingon muna ako kung may nakatingin sakin.. Haixt busy silang lahat. Pagpasok ko taas noo lang akong ngumiti.
“ Napasok ko ang dressing room ng pulsar.. Kapag kinuwento ko to kay tricia.. Mamatay sya sa inggit.” simangot ko napansin ko lang yung naglalakihang mga wings na andun.. What the.? “lilipad sila.?” Nilabas ko lang yung gunting sa bag ko saka nagbigay ng nakakalokong ngiti.
Isa isa ko lang gunupit yung mga damit na andun. “ ewan ko nalang kung makapagperfrom pa kayo.” ngiti ko. Aktong lalapit ako sa mga pakpak ng maulinagan ko yung mga yabag sa labas ng kwarto.
“ Joseph andito na ko sa dressing room niyo.” saad nung tao sa labas. Dakilang road manager.. Haixt.. Nagtago naman ako sa mga pakpak na andun ng bumukas yung pinto. “ Oh my forgot my clipboard sa van.. No ako nalang di na kayo makakalabas baka pagkaguluhan pa kayo.” saad nito saka muling sinara yung pinto.. Nakahinga naman ako ng maluwag saka pinakinggan kung may tao pa sa labas.. Ang dami ko ng naririnig na yabag mula sa labas.. Haixt dahan dahan ko lang tong binuksan.
Kita ko lang yung ibang crew na busyng busy na sa mga ginagawa nila.. Nakihalo naman ako sa mga to.. Sira na ang perfromance niyo.!
Napangiti lang ako ng matanaw sila na papasok na sa dressing room. Kasama yung ibang crew.. Make up artist, Stylist at kung sino sino pa.
SI JOSEPH
Ilang oras bago magsimula yung concert ng dumating kami sa lugar.. Shit ang dami ng nakapila sa labas. Nagsisimula na silang pumasok sa loob. Yung iba may malalaking banner pa na dala at mga picture naming apat. Haixt. Ramdam ko lang yung kaba ng mga oras na yun. Kita sa mukha nila yung excitement sa magaganap na concert.
“ Guys una na ko dresssing room niyo huh.” saad ni Ren pagbaba namin sa Van. Nagsigawan naman yung mga tao ng makita kami. Kumaway naman kami sa mga to.. Grabe yung suporta nila. Simula ng Ilaunch kami di na nila kami iniwan.. Mga taong handang makipagpatayan para maprotektahan lang yung pulsar. Hanggang nanjan siguro sila di kami mawawala.
“PULSAR PULSAR PULSAR PULSAR.” sigaw nila. Nagbow lang kami sa kanila muli puro flash nalang ng camera yung nakita ko.. Nasasanay na ko sa mga camera haha.
“ We hearts you.” sigaw ni Justin. Tinawagan ko naman si ren.
“ Ren pasok na kami.”
“ Joseph nandito nako sa dressing room niyo.”
“ok sige..”
“ Oh my yung clipboard ko nasa van?”
“ Kunin ko gusto mo.?”
“ NO. Ako nalang di na kayo makakalabas baka pagkaguluhan pa kayo.”
“ Ok sige.” saad ko. Ilang sandali pa kaming kumakaway ng makita ko si ren tumuloy naman sya sa van.. Pagbalik niya hawak niya na yung clipboard niya.
“ tama na yang pagkaway.. Wala kayo sa miss universe okay.” saad ni ren saka kami nilampasan.
“ Mas Kj talaga sayo yun Joseph.” ngiti ni Justin.
“ Yaan niyo na.” ngiti ni paul.
“Tara na pasok na tayo.” saad ni chris. Inescortan naman kami ng mga guards para makapasok sa lugar.. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Ang daming sumusuporta samin shit. At ngayong gabi bibigyan naman sila ng magandang palabas.
“ That was so crazy.” saad ni Justin pagpasok namin.
“ Guys let’s go.” saad ni Ren sa ibang Crew. “ sila yung mga make up artist para masiguradong gwapo kayo.”
“ok master Ren” ngiti ko pagpasok namin sa dressing room tinuro lang ni Ren yung mga upuan na may mga pangalan namin.
. “Seat.” saad nito samin. Umupo naman kami sa knayang kanyang upuan. Nang lingunin ko si chris tumango lang sya sakin saka ngumiti.. “ simulan niyo na guys para sa opening. Yung eyeliner pinakamahalaga huh.. Nasa loob na yung mga tao.. So faster.” mando nito sa mga crew. Fuck that! lumapit lang sila samin saka sinimulan ayusin mga buhok namin.. Blower dito blower dun.. Shit. Wala na kong narinig kundi blower hahhaha. “ light make up lang guys. Di na kailangan yung sobra.” sa apa ni ren habang nilalagyan kaming eye liner. Damn it.
“ Yes Po.” saad ng mga crew.
“ after that.. Suotin niyo na guys yung costume para sa openning huh.. Itong black leath-” napalingon lang kami ng matigilan to. “ shit!! What the hell happened here!!!: sigaw niya.
“ why.?” tanong ni paul.
“ Who did this.?!” sigaw ni ren sa mga crew wala naman sumagot sa mga to. “ damn !! Hindi pwede to.!!” gigil na saad niya sumilip naman sya sa labas ng pinto. “may cctv.. Kung sino man gumawa nito i’ll make sure na magbabayad sya.!”
“ may I see.” saad ni chris saka lumapit sa mga damit. “ shit.” bulong nito saka tinaas to.. Gupit gupit to..
“ pano yan.?”
“ check the wings.?” saad ni Justin. Lumapit naman yung mga crew dito.
“ Ok po yung mga wings.”
“ Damn this girl!” saad ni Ren saka hinarap samin yung tablet niya.
“ Wow.. Astig ka talaga ren.” ngiti ni Justin.
“ Si kristel.?” saad ni chris.
“ Humanda sya sakin.. Aixxt perfect dapat to eh!!” gigil na saad pa niya.
“ relax..may I see nga yung mga damit.” saad ko saka lumapit.. Gupit gupit to pero mukha namang pwede pang masuot. Buset talagang kristel yun panira.
“ Guys..30 mins start na yung show.” saad nung crew na sumilip sa pinto.
“ damn it!”
“ Relax Ren.” ngiti ko. Talagang babaeng yun.. Haixt. Hinubad ko lang yung tshirt ko saka sinuot yung gupit gupit na damit. “ look.. Pwede pa to.” ngiti ko.
“ pano naging pwede yan eh halos nakahubad ka na joseph.?”
“ Then gawin nating hot ang openning. Angel of fire right.. So dapat hot kami.” saad ko. “ tama ba guys.?” natigilan naman sila habang nakatingin sakin.
“ Guys wag niyo sya titigan.” saad ni Ren sa mga crew. Natawa naman ako. “ Joseph alam mo naman na you’re hot di ba.. Pwede ba.? Wholesome ang image ng banda niyo.”
“ okay lang sakin.” kibit ng balikat ni paul.
“Uhm.. May abs din naman ako.” ngiti ni justin.
“ Ok.. Lets make it a hot openning number.” saad ni Chris. “ for our first major concert ok lang sakin maghubad.” kibit ng balikat ni Chris.. Well yung katawan ni chris. Maganda talaga.
“ Damn!! Perfect dapat to eh.”
“ Ren okay lang yan.. Pulsar.. Walang makakapagbagsak di ba.?” ngiti ko.
“ fine bihis na bihis na! Bihis na!!!!!! “ wala sa sariling saad nito. Nagmamadali naman kaming binihisan ng mga crew saka kinabit yung pakpak samin. “ guys hurry up..!!”
“ chilax ren.” ngiti ni paul. dinala naman kami sa stage saka sinimulan ikabit yung mga harness samin.
“ Perfect guys huh!! The dance.. Vocal, Instrument.. Perfect okay. Anyway ang hohot niyo.” simangot nito.
“ ganda ng katawan Justin huh.. Paul wow.” asar ko.
“ Shut up Joseph.” sabay nilang saad.
“ Goodluck guys!!’ ngiti ni Justin.
“ We are pulsar..!” ngiti ni Chris. Sinimulan lang kaming itaas.. Shit halos maduwal naman ako sa lula. “ are you okay Joseph.?”
“ I’m fine. No I mean I’m not shit nakakalula.!”
“ nagprkatis na tayo kahapon di ba.?”
“ I know pero nalulula parin ako.” pinikit ko lang yung mata ko hanggang marinig ko yung tugtog..shit pang horror nga talaga haha.. Nagsimula naman lumabas yung mga apoy sa palibot ng stage. Nagsigawan lang yung mga tao. Parang magigiba yung stage sa sobrang lakas na sigawan na yun. Shit. Feeling ko lumilindol.
“ Down down..” rinig kong saad sa taas. Dahan dahan naman kaming binaba kasabay nung nakakatakot na sounds haha Halos wala na kong marinig kundi sigawan ng mga tao. Napapalibutan kami ng apoy.. Kahit LED screen apoy din yung effect. Ng lingunin ko si chris ngumiti lang sya sakin.. Ang hot niya shet kita yung ganda ng katawan niya sa sira sirang damit na suot niya. Angel of fire.
Hanggang dahan dahan lumapat yung mga paa namin sa stage.. Binigyan naman kami ng tagiisang mic. Nagsimula na din magsayaw yung back up dancer.
“ ARE YOU READY FOR A HOT EVENING!!” sigaw ni Chris.. Halos dumagundong yung lugar sa tilian na sagot ng mga to..
“ HAPPY NEW YEAR,!” sigaw ko din sa mic. Tinanggal naman yung mga pakpak na nakabit samin saka sinimulang tumugtog yung isang kanta.
“ LET”S PARTY” sigaw din ni justin.
“ PULSAR is here to take you to our world.” saad ni paul saka nagpacute. Natawa naman ako.
lumakas lang yung tugtog hudyat para sumabay kami sa mga back up dancers sa pagsasayaw. Halos nakahubad na kami nun pero wala kaming pake. Ibigay lahat. Muli lang nagsigawan yung mga tao ng magsimula kaming sumayaw apat.. Haixt im not a dancer pero para sa concert na to gagawin ko haha
Sa bawat pagindak namin sinasagot lang to mga sigawan ng mga tao.
Tumagal din ng ilang minuto yung Openning dance number na yun.. Muli lang namatay yung ilaw. Pumunta naman kami sa pwesto namin .. Nilagay lang sa balikat ko yung guitara ko saka yung mic sa harap ko.
“ Lights on.” sigaw sa gilid. Muli lang bumukas yung ilaw. Kasabay nun yung pagtipa ko sa Guitara. Lumingon lang ako kay paul ng marinig yung pagpalo niya ng drums..best drummer na nakilala ko. haha.
“Joseph.” ngiti sakin ni Thomas..tumango lang ako sa kanya saka humarap sa mic. Nagsimula naman kumanta si chris kasabay yung taas ng energy ng crowd.
CHRIS:
We'll be young forever
We'll be young forever
JOSEPH:
We can be like prisoners, yeah
And we can be alone
We can make a mess like no one knows
And risk it on our own
Spendin' the money that we don't have
Cause we don't care, no-oh
Livin' like kings with broken strings
And our face down to the floor
Livin' with our headphones up
We've got sound and that's enough
Nobody can touch us
And we run and we run and we run
CHRIS:
Hey, hey, we'll be young forever
We'll be young forever 'til forever stops
We're singing
Hey hey we'll be young forever
Tonight will last forever 'til our bodies drop
We can run through the night
Write our name up in the sky
got the music on our side
Ain't no body gonna catch us singin'
Hey hey we'll be young forever
On the world forever and we'll never stop
JOSEPH:
We're gonna rule the world, tonight
The beat of the drums keeps us alive
CHRIS:
Tonight will last forever 'til our bodies drop…
Hey, hey, we'll be young forever
we'll be young forever 'til forever stops
We're singin'
Hey, hey, we'll be young forever
Tonight will last forever 'til our bodies drop
We can run through the night
Write our name up in the sky
We can run, run, run away
Ain't nobody gonna catch us singing
Hey, hey, we'll be young forever
On the run forever and we'll never stop
Run, run, run away
We can run, run, run away
Hanggang matapos yung openning namin.. Shit halos kilabutan ako ng marinig yung napakalakas na sigawan mula sa crowd.. Pumunta naman kaming apat sa unahan saka nagbow.
“ Thank you Guys..!!” sigaw ni Chris.
SI CHRIS
Nasa dressing room kaming tatlo nun habang Kasalukuyan nagpeperform si Joseph sa stage. Shit. Yung kabog ng dibdib ko sa openning number namin kanina.haixt ngayon lang nagsink in sakin yung pagsasayaw namin na halos nakatopless.. Damn it. Malamang nasa front page nanaman ng mga tabloid yun at laman ng mga social media.
“ Mahihimatay na ata ako guys.” saad ni Justin natawa naman si paul.
“ Damang dama mo nga yung paghehearts mo sa mga tao eh. Ngiti ni paul habang inaayos yung buhok niya.
“ shit ako na kayao yung suusnod..tapos wala pa si erika haixt kainis.”
“ bakit kasi hindi nakapunta si erika.?” tanong ni Pual nagkibit naman ng balikat si Justin.
“ tinawagan ni Joseph kanina. May emergency daw.?”
“ emergency.?”
“ Yap ayaw naman sabihin kung ano.”
“ yung phone ni Joseph tumutunog.” saad ni Ren. “ sagutin mo Chris.”
“ ah matatapos na naman sya eh si justin na yung susunod. Sino ba yung tumatawag.?”
“ Si Franz.” Seryosong Saad nito humugot lang ako ng malalim na hininga saka kinuha yung phone. “ answer it baka importante.”
“ Answer it Chris.” saad ni paul.
“ Ok.” saad ko saka lumabas ng dressing room. Saka pinagmasdan yung phone.. Bakit ba ko kinakabahan.. Humugot naman ako ng malalim na hininga saka to sinagot. “ hello.?”
“ Joseph.” rinig kong saad sa kabilang linya.
“ It’s Chris franz.. Why.?” tanong ko hindi naman to nagsalita. Tanging hikbi lang yung narinigko s akabilang linya na lalong nagpakaba sakin. “Franz why.? What happened.?”
“ Chris si joseph.?” umiiyak na saad nito.
“ nasa stage pa sya.. Nagpeperform. Tell me what happened bakit ka umiiyak.?” Kinakabahang saad ko. “ franz shit happened bakit ka umiiyak.?”
“ Chris.. Nasa ospital kasi kami eh.”
“ And.?”
“ Si Tita Myna.. Inatake sya.” umiiyak na saad nito. Nasapo ko lang yung ulo ko sa narinig.. Chris..”
“ Is she okay..my god.. Please tell me franz okay si Tita di ba.. Okay sya.. Franz please okay lang sya diba.? Franz tell me okay sya.?” tarantang saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.
“ Chris hindi eh.” mahinang saad nito ramdam ko naman yung pagtayo ng mga balahibo ko. “ Chris.. Wala na si Tita. Wala na si Tita Myrna.” bulong niya parang nanghina naman yung tuhod ko ng marinig yun saka napasandal sa pader. “ chris wala na sya.” saad pa nito naramdaman ko naman yung pagtulo ng luha sa mga mata ko pero agad ko tong pinunasan ng bumukas yung pinto ng dressing room. Lumabas lang dito si Justin. GOd!
“ hey what happened..?”
“ Uhmm..kasi.” punas ko sa mga mata ko saka pinatay yung cellphone.
“ Let’s go.. Justin go ikaw na yung susunod. After nito last number na.” tulak dito ni Ren.
“ paul ano nangyare.?” tanong ni justin.”
“ Justin go.” tulak dito ni Ren. “pinilit naman nitong ngumiti saka naglakad papunta sa backstage kasama si ren. Napaupo lang ako sa sahig saka hinayaan yung luha ko tumulo.. Shit.. Pano ko sasabihin to kay Joseph. Damn it!! Hindi ko lang napigilan suntukin yung sahig. Damn it!!
Ilang sandali pa ng makita ko si Joseph na papalapit sakin.
“ hey anong ginagawa mo jan.. Umiiyak ka ba.?”
“ Uhmm.. Joseph.”
“ guys let’s go.” saad ni paul. “ ano ba ginagawa niyo jan.?
“tara na isang performance nalang this concert is over.” ngiti ni Joseph inalalayan naman ako ni Joseph tumayo saka pumasok sa dressing room.. God.. Bakit ngayon pa.
“ hanep ang ganda ng boses mo Joseph..” ngiti ni paul
“babe why.. Umiiyak ka ba.?” tanong niya.
“ Uhmm.. Joseph may sasabihin kasi ako sayo.”
“ what.?”
“ umiiyak ka ba chris.?” tanong ni Paul tumungo lang ako saka nilahad yung cellphone niya.
“bawal ang phone ah.. Bakit hawak mo phone ko.?”.
“ Joseph tumawag si Franz.” kagat labing saad ko.
“ Ano sabi,.. Anong oras na ba..?” saad niya saka tiningnan yung phone niya. “ 5 minutes nalang 12 na. Gusto ni franz sabay namin salubungin yung new year noh.? For sure nandun naman si daryll eh.. Tawagan ko si mama.” ngiti niya umiwas naman ako ng tingin. Ilang sandali lang ng binaba niya yung cellphone saka pilit na ngumiti. “ baka busy si mama.. Sana masaya sya ngayon.”
“ uhmm..”
“Alam mo talent talaga ni thomas ang pagpapapiano..” saad ni paul habang nakatingin sa Flat screen.
“ Si erika wala.. Nalungkot tuloy sya.” saad ni Joseph.
“ Bakit ba wala si erika.?”
“ Kanina nung tinawagan ko sya papunta na daw sya tapos nagtext na may emergency daw kaya hindi sya makakapunta ngayon. Ayaw naman sabihin kung ano.”saad ni joseph habang nakaharap sa salamin.
“ Guys ready!!” bungad samin ni ren pagpasok sa dressing room. “ Countdown na after ng perfromance ni Justin.”
“ok ok sige.” ngiti ni paul saka tumayo.. Tumayo na din si joseph.
“ Let’s go.” ngiti ni Joseph sakin.
“sunod ako.” saad ko nalang lumabas naman sila ng dressing room.
“ ano sabi ni Franz Chris.?” tanong ni Ren.
“ Alam mo na dinala sa ospital si Tita myrna kanina.?” seryosong saad ko habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.. Marahan naman syang tumango, tumulo naman yung luha ko. “ Is she ok.?”
“ She’s gone..” bulong ko kasabay ng mga luha..
“ Fuck.” gigil na saad niya tahimik lang akong umiyak. Si Ren naman nakasandal lang sa pader. ”shhit!! Shit chris..!”
“ Babe? Lets go.?” saad ni Joseph pagsilip sa pinto tumayo naman ako saka sya niyakap. “ bakit.. Bakit ka ba umiiyak.? Bakit ba kayo umiiyak.?”
“.Let’s go guys.. Countdown.” saad ni ren habang pinupunasan yung mga mata niya.. “ chris let’s go.”
“bakit anong nangyare chris.?” di ko lang napigilang humikbi.
“ Chris let’s go!!” madiin na saad ni Ren.
“ Let’s go babe.. Countdown na masisigawan pa tayo ni Ren eh..” ngiti niya saka nilahad yung kamay sakin.. Tinanggap ko naman to. “ kung ano man yang dahilan ng pagiyak mo. Sinisigurado ko sayo Chris.. Magiging okay din lahat. Trust me nandito ako for you..walang iwanan di ba forever.? Let’s go.”
“ Joseph..”
“ Let’s go.” saad niya naglakad naman kami papuntang backstage naabutan lang namin dun sila paul.
“ Chris ano ba bakit ka ba umiiyak.? Tears of joy.?” ngti ni paul.
“ I’m sorry.” nakatungong saad ko.
“ Guys akyat na kayo.” saad ni Ren ng matapos yung performance ni Justin. Sabay sabay namna kaming umakyat sa stage saka pinagmasdan yung countdown sa malaking LED screen. Nang tingnan ko yung mukha ni Joseph kita ko lang yung saya mula dito. Nagtama namanyung mga mata namin kaya lumapit sya sakin.
SI JOSEPH
This night is totally amazing.. Yung pagtanggap samin ng mga nanuod. It’s more than to what we expected. Yung saya sa mukha nila yung bawat sigawan at tilian. Nagdudulot to ng saya sa mga puso namin. Di man namin kasama yung pamilya namin sa gabing to atleast may mag tao kaming napasaya.
Nakangiti lang akong nakatingin sa malaking LED screen sa stage habang sinisimulan yung countdown para pagpasok ng bagong taon. Sana masaya si mama ngayon kahit wala ako sa tabi niya.
Napalingon naman ako kay chris bakas parin sa mukha niya yung lungkot. At yung mga luha sa mata niya na di niya mapigilan. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka lumapit sa kanya.
“ 50 seconds guys!!” sigaw ni Justin.
“ Chris tell me ano yun.” seryosong bulong ko sa kanya tumungo naman sya. “ Chris tell me..”
“ Joseph..”
“ what..?”
“ 40 SECONDS!! “ sigaw din ni paul.
“ What chris.. Sabihin mo.?” Nakita ko naman yung masagang luha na tumulo sa mga mata niya. Inangat ko lang yung mukha niya.. “ chris please ano yun.? Bakit ka ba umiiyak.?”
“ 30 Seconds.” sigaw ni Justin. “ hey ano ba countdown.” ngiti samin ni Justin tumango naman ako.
“ Chris please.? Sabihin mo sakin may problema ba. I’m here.. Ayoko salubungin mo yung taon na umiiyak ka.. Smile.?”
“ Joseph kanina kasi..Joseph sinugod sa ospital yung mama mo.. Joseph wala na sya.” saad niya ilang sandali naman akong hindi nakapagsalita. “ Joseph.”
“ Chris ano sabi mo.?”
“ Joseph..”
“ Chris Joke ba to.?” pilit na ngiti niya marahan naman akong umiling. Kita ko naman yung pagpatak ng luha niya. Nakatungo lang ako.. Shit!!
“ Joseph... Wala na si Tita Myrna.” bulong niya kasabay ng patak ng luha niya. HInawkaan ko lang yung kamay niya saka pinilit ngumiti sa mga tao. Nang mga oras na yun gusto ko umiyak.. Gusto humagulgol. Pero di ko magawa.
“ Chris.. Smile..” mahinang saad ko habang nakatingin sa mga tao.
“ I’m sorry. Joseph” saad niya.
“ Chris ngumiti lang.. DOn’t cry.. Please don’t cry.” bulong ko.
“ 20 Seconds.!!” sigaw ni paul. “hey why.?” tanong nito.
“ Paul happy new year.” bulong ni JOseph. “ happy new year.” pilit na ngiti ko.
“Happy New year bro.”
“ 10 9 8.” sigaw ni Justin. Nakagat ko lang yung labi ko. Sinabayan lang sya ng mga tao sa pagbibilang
“7 6 5 4 3 2 1.” bulong ko. Napatingala lang ako ng makita yung fireworks sa taas. Napakaganda nito.. Nung mga sandaling yun parang bumagal yung oras. Kasabay ng mga malalakas na putukan.. Nagliliwanag ng kalangitan, mga ngiti sa mga labi.. Kasabay nun yung pagkadurog ng pagtao ko. Pagkawala ng nagiisang taong sobrang mahal ko. Ma..
God I know hiniling ko to.. Pero bakit si mama yung kapalit.
“ Joseph.” rinig kong saad ni Chris.
“ I’m here..” saad niya hindi ko lang napigilan yung pagtulo ng luha ko.
“ Happy new year Chris.” ngiti ko sa kanya kasabay ng mga luha. Ilang minuto pa bago natapos yung firework.. Pinilit ko lang lagyan ng ngiti yung labi ko saka pinunasan yung mukha ko..
“ HAPPY NEW EVERYONE!!” sabay sabay namin bati saka nagbow.
“Thank you so much sa lahat ng pumunta ngayong gabi para sabayan kaming salubungin yung bagong taon. Let’s all have a great new year.” saad ni chris.
“ We hearts you guys.. Have a great evening..” ngiti ni justin. Kumaway lang sila paul saka naglakad papunta sa back stage.
“ Joseph let’s go.”
“ Chris..Can I stay here for a while.” bulong ko habang nakatingin sa mga audience habang nagsisimula na silang umalis sa venue.. “ Chris kapag bumaba ako dito sa stage na to. Chris di ko na mapipigilan umiyak.”.
“ Nandito naman ako eh.”
“ Chris si mama..”
“ I’m here Joseph.. Sasamahan kita harapin to.. Let’s go.” lahad niyang kamay sakin. Tumungo lang ako saka tinaggap yung kamay niya at naglakad papunta sa back stage. Napalingon lang ako sa stage ng patayin yung ilaw dito.
Nagsimula lang dumaloy yung luha ko habang nakatingin sa stage na wala ng ilaw.
“ Joseph.” saad ni paul tumungo naman ako. “ Joseph si tita Myrna.” nakagat ko lang yung labi ko saka napaupo sa gilid ng stage.
“ Paul wala na sya.” bulong ko saka hinayaan yung mga luha ko dumaloy. Ramdam ko naman yung pagyakap sakin ni Chris. Rinig ko lang yung pagiyak ni Paul. Ilang sandali kaming nasa ganung pwesto ng tumayo ako saka naglakad papunta sa dressing Room. Nang mga oras na yun parang wala na kong buhay. Parang hindi ko na ramdam yung sarili ko. Para akong tinatangay lang ng hangin.. Walang lakaspara labanan yung sakit.
Nagsimula lang akong magbihis. Nagmamadali naman sila nagayos ng mga gamit nila.
Nakagat ko lang yung labi ko ng maramdaman yung mahigpit na pagyakap ni Paul. “ Joseph.. Nandito kami para sayo sasamahan ka namin. We’re here.” bulong niya marahan naman akong tumango.
Halos walang nagsasalita samin nun habang sakay kami ng van. Nakatanaw lang ako sa labas ng habang pinagmamasdan yung patuloy na pagilaw ng kalangitan. Tumulo lang yung luha ko habang pinapanuod yung ganda nito. “Ma..happy New year.” bulong ko kasabay ng mga luha.
Pagdating sa ospital. Wala sa sarili bumaba ako ng Van.. Sinalubong lang ako ni franz ng yakap. Ramdam ko yung pagiyak niya at yung higpit ng yakap niya sakin. Hinayaan ko lang sya. Nanatili lang akong nakatayo.
“ Joseph.. Wala na si tita.” hagulgol niya. Nagsimula naman tumulo yung luha ko saka tahimik na umiyak.” Joseph.. Sinubukan sya iligtas ng mga doctor pero wala na silang nagawa. Joseph.. Wala na sya.. Joseph.. Hindi sya pwedeng mawala.. Ayoko.. Joseph please ayoko.” dahan dahan ko naman tinaggal yung pagkakayakap niya sakin saka naglakad papasok ng Ospital tinuro naman sakin ni daryll kung nasaan si mama.
Hindi ko lang mapigil umiyak ng makita yung hospital bed na yun habang nakatakip ng puting kumot yung nakahiga dun. Dahan dahan lang akong lumapit dito. “ Ma.?” bulong ko kasabay ng mga luha. Hinawakan ko lang yung puting kumot saka unti unti tong binaba.
Napapikit lang ako ng makita yung mukha ni mama. “ Mama.” yakap ko sa kanya. “ Ma di ba sabi mo hindi mo ko iiwan.” saad ko kasabay ng mga hikbi. “ Ma nangako ka sakin. Ma...” nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Habang inaalala yung mga araw na naging masaya kaming dalawa.. Mga araw na puro ngiti yung pinagsaluhan namin. Nung mga araw na umiiyak ako.. Yung pagpupunas niya sa bawat luhang pumatak sa mga mata ko. Yung mga yakap niya na nagpapalakas ng loob ko tuwing hinang hina na ko. Yung mga halik na nagpapasaya sakin.
Hindi ko lang mapigilan yung paghikbi ko habang hawak ko yung kamay niya.. “ You are my sunshine.. My only sunshine.” bulong ko habang umiiyak. “Ma.. You make me happy when skies are grey.. You never know dear how much I love you. So please don’t take my sunshine away.”
Everything happen for a reason.. May mga araw na masaya ka at may mga araw na magiging malungkot ka. Balance of nature. (handa awit!)
ITUTULOY
AUTHOR’S NOTE:
May mga araw na dapat masaya ka pero wala kang magagawa kung yung lungkot gusto maramdaman ng puso mo. Yung araw dapat nagdiriwang ka pero kailangan mong magluksa. Dapat kang magluksa.
This story is very close to my heart.. So close that’s why I want a piece of me to be part it. PIECE lang hindi yung kabuuan. Mama’s boy kasi ako eh. My mother died when I was 13 year’s old. That was December 31, 2005. New year’s eve. A Painful new year’s eve. Yung mawalan ng Ina ang pinakamasakit na pwede mong maramdaman sa buong buhay mo but losing her sa oras na dapat masaya ka. Worst. Sobrang sakit.. Sobra. Yung tipong sana mawala ka na din.. Yung tipong ano pang sense ng buhay mo kung wala na sya. Hindi namin inexpect na mawawala sya that time.. Biglaan eh. Mahirap kalaban yung heart attack. Yung tanging nagawa nalang namin ay yung umiyak. Umiyak ng umiyak. Pilit na tanggapin yung nangyare.
It was very painful for our family specially for me.. Very painful. Pero sabi nga ni nicko. Dalawang beses daw namamatay ang isang tao. First kapag tumigil na sa pagtibok yung puso mo.. At yung pangalawa kapag binanggit yung pangalan mo sa huling pagkakataon. Life’s end but memories.? It stays forever. Habang buhay syang mabubuhay sa puso ko. Love you ma. Lahat ng ginagawa ko para sa sarili ko and for our family.. Para sayo yun Ma.. I love you.. And you always be in my heart forever. Forever Ma.
Just want Joseph to be an inspiration sa lahat ng readers and for me. How to be strong, How to stand up again, how to move on. Lahat naman natatapos pero kahit ganun.. Life goes on.. On and on and on.. At kailangan natin sabayan yun. Kahit ayaw natin kailangan natin bumangon.. Kailangan natin magpatuloy sa journey na binigay satin ng diyos. May plan sya sa bawat isa satin.. At ang trabaho natin ay alamin kung ano yung plano niya. Be happy and stay happy. mwuah.
I know ang Corny pero kung kasama niyo pa yung mga nanay niyo... Hug her.. Yung mahigpit.. For me. Miss my mom hehe
Kapag nadapa.. Bumangon. Abangan kung pano haharapin ni Jospeh yung buhay na wala na yung Mama niya.. I know masakit pero tulad ko makakabangon sya. Just wanna say sorry kung yung chapter nato mejo mabigat.hehe love you guys.
PS LOVE YOU ALL