Followers

Sunday, February 19, 2012

Kahit Makailang Buhay [11]

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for viewers under 18.

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

I am happy to announce na 7 na lang ang kulang at papalo na ang followers natin sa four digits: 1,000 naaaaa!!!! Hehehe.

Syempre, maraming-maraming salamat sa mga supporters at lalo na sa mga commenters, at sa mga patuloy pa ring sumuporta at nanindigan para sa MSOB. Bagmat hindi ko nasagot ang mga comments ngunit nababasa kop o ang lahat ng ito.

Ang ating planong 2nd MSOB Grand EB ay sa December 29 na po ngunit ang MSOB Book Anthology ay tuloy pa rin po.

Muli, maraming-maramign salamat sa inyo.

-Mikejuha-

--------------------------------------------

Ako si Xander.
At heto ang kuwento ko -

Naging normal uli ang takbo ang pagsasama namin ni Patrick, maliban sa sobrang pagka-possessive niya, sa pagka-adik niya sa sex, at sa kanyang pagkasado-masochist. Ngunit kaya ko naman ang mga iyon…. Kinaya ko. Sinabi ko na lang sa sarili na kung mahal ko talaga ang isang tao, lahat at hahamakin ko…

Marahil ay sa pagkakataong iyon ay lumawak na ang aking pag-iisip; mas naintindihan ko na siya, tanggap ko na ang kanyang pagkatao, at higit sa lahat, tanggap ko nang ang mahal ko sa kasalukuyang buhay ay na-trap sa isang katawang lalaki. Tanggap ko siya bilang siya.

Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Sinusubok nito ang katatag ang isang pagmamahalan; kung gaano katibay ang isang paninindigan.

Sa aming pagsasama, naging mas possessive si Patrick sa akin. Maliit na bagay ay pinapalaki. Mga inosenteng kilos ko ay binibigyang malisya. Halimbawa, may isang beses na kinausap ko ang isang babaeng estudyante sa classroom dahil nahuli ko itong nangopya sa test. Masinsinan ang aming pag-uusap noong nagkataon namang biglang pumasok si Patrick sa classroom. Naabutan niya ako at ang estudyante. Bagamat walang kaduda-dudang nakita siya sa amin ngunit noong pauwi na kami ng bahay, naninigaw na ito, nagmumura.

Kahit mga lalaking estudyante kapag nakikipagharutan o kahit nakakasabay ko lang sa hallway at nakikipagbiruan at nakikita niya, mag-eexpect na ako niyan ng away.

Ang masaklap, ay sa away namin, pinagbubuhatan niya ako ng kamay.

Tiniis ko ang ugali niyang iyon. Tiniis kong ang bawat pananakit niya, palo, kagat, suntok… dahil ang lahat ng iyon ay hahantong sa pagtatalik. Ganyan ang normal na takbo ng sexual routine ni Patrick. Sex addict na nga siya, pervert pa at sado-masochist. Inisip ko na lang na ang dahilan ng kanyang pagiging sobrang possessive at mainitin ang ulo ay upang ito ang makapagbibigay sa kanya ng dahilan upang magalit siya at doon na magsimulang saktan niya ako.

Both ways din kasi ang gusto niya. Ang saktan ako o, di kaya, saktan siya ang sasaktan ko. Minsan din kasi kapag galit na galit na rin ako, hindi ko mapigian ang sarili na hindi siya saktan. Ito ang paraan niya upang mag-init naman ako. Simulan niya ang away at kapag hindi ko na kayang kontrolin ang sarili, hahantong na ito sa pisikal na pagbuhat ko ng kamay sa kanya. Ang sakitan para sa kanya ay parang isang aphrodisiac, isang bagay na nakapagpapalakas ng libog at libido. At hahantong ang lahat sa pagtatalik.

At palagi iyon. At marahil ay nasanay na rin ang aking katawan sa bugbog na parang hinahanap-hanap ko na rin ito. Minsan nga kahit walang dahilan, bigla na lang niya akong tatadyakan o paluin ng sinturon…

Syempre, kapag may nanakit sa iyo ng ganoon-ganoon na lang na walang dahilan, aakyat kaagad ang lahat ng dugo mo sa ulo mo at gusto mong makaganti. Kaya ang sunod na mangyayari niyan ay sakitan… at sex.

Ang kinatatakutan ko lang ay baka darating ang isang araw ma magiging sobra na ito at ang hahanapin na niya sa katawan namin ay dugo… Kapag nangyari iyon, baka buhay na rin namin ang nakataya. Iyan ang matinding ikinatatakot ko.

Kaya upang magiging under control ko pa rin ang lahat kung sakali ay ang lihim na mag-aral ng martial arts, hindi dahil gusto ko siyang saktan kundi gusto kong kontrolado ko pa rin ang lahat. Kapag alam kong sobrang bayolente na, maaari kong i-pin down siya upang huwag nang humantong sa mas madugo pa. Syempre, proteksyon ko rin sa sarili ko ito lalao na kung darating kami sa puntong nakahawak siya ng patalim o baril o isang bagay na nakamamamatay.

Ngunit ang isang problema ko ay kung paano siya gagamutin. Minsan kinausap ko sya na magpagamot sa isang psychiatrist ngunit ikinagalit niya ito. Ako pa tuloy ang tinanong kung may pag-aalangan nab a raw akong tanggapin ang pagkatao niya at kung hindi na, libre na raw akong umalis at iwanan siya.

“Bakit? Hindi mo na ba ako kaya? Iwanan mo ako, ok lang sa akin! Kaya ko namang tumayong mag-isa. Kaya kong mabuhay na mag-isa!”

“Patrick… hindi mo ako naintindihan eh…”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi sa akin!”

“Ang ibig kong sabihin, hindi ba mas maganda kung hindi tayo nagsasakitan? Na nagsasama tayo na masaya, na nagyaykapan lang at naghahalikan. Normal ba sa tingin mo ang bugbugan talaa sa mga taong nagmamahalan?”

Ngunit hinid niya sinagot ang punto ko. “E di kung ayaw mo na, umalis ka! Alis! Layassssss!!!” ang palagi niyang sasabihin.

At sa puntong iyan, maghanap na naman siya ng isang bagay na ibato sa akin o ipapalo. At muli, hahantong ang lahat sa sakitan at pagkatapos ay iyakan. At… magsimula na ang aming pagtaatlik.

Isang hapon, tapos na ako sa isa kong klase at handa nang umuwi noong isang estudyante ang lumapit sa aking desk. “Sir… nakita niyo na ba ang isang anonymous na picture na ipinakalat tungkol kay Francis at sa isang mestisong lalaki?” sambit ni Alvin. Alam na kasi ng lahat simula noong namatay ang ina ni Francis na ako na ang nagsilbing guardian niya.

Syempre nagulat ako. “Ha??? Ano iyon? Hindi ko pa nakita.” Sagot ko.

“Heto po, Sir. May nag-send sa akin e.” ang sagot niya sabay bukas ng kanyang cp.

At heto ang mga nakita kong larawan –



Mistulang hinataw naman ng matigas na bagay ang ulo ko sa aking nakita. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa aking ulo.

“Pakopya nga, Alvin?” ang sabi ko. Gusto ko kasing ipakita kay Patrick ang kuha na iyon.

Ipinasa ito ni Alvin sa cp ko atsaka dali-dali kong tinawagan si Patrick kung nasaan siya. Nasa bahay na raw kung kaya dumeretso na rin ako roon.

“Paki-explain nga kung ano ang ibig sabihin nitong litrato na ito?” ang galit kong tanong kay Patrick noong nagharap na kami.

Tiningnan ito ni Patrick sabay sarcastic na sabing, “Wow! Ang galing naman! Ang cute ko d’yan di ba?” na may bahid pang-aasar ang boses.

Pakiramdam ko ay nagdilim ang aking paningin sa narinig. At naalimpungatn ko na lang ang sariling pinakawalan ang isang napakalakas na kanang suntok sa mukha ni Patrick.

Bulagta si Patrick sa sahig, hawak-hawak ang duguang bibig, tinitigan niya ako ng matalim. Ngunit imbes na bulyawan ako, lalo pa akong inasar. “Ang hina naman… Wala bang mas malakas pa d’yan?” sabay tayo at pinakawalan din ang isang malakas na suntok sa patungo sa aking mukha.

Ngunit dahil sa napag-aralang martial arts, mabilis akong nakailag at nahawakan ko pa ang kanyang kamay. Ipinulupot ko ito sa kanyang likod at hinataw ng isa kong kamay ang kanyang panga. Sapul na naman ang pisngi niya.

Pinilit niyang kumawala at pinaulanan din niya ako ng suntok, ang iba ay tumama sa aking mukha. Ngunit napuruhan ko na naman siya at ang tinamaan ko ay ang kanyang ilong.

Bagsak uli siya sa sahig at lalong dumami ang dugo sa kanyang mukha na dumaloy galing sa ilong at ang iba ay galing sa bibig.

Dali-dali na naman siyang tumayo at tinumbok ang drawer. Alam ko kung ano ang balak niyang kunin; ang baril. Kaya dali-dali ko siyang sinunggaban at noong nahablot ko ang kanyang beywang, nilock ko siya sa sahig upang hindi makapalag.

At doon ko na sinimulang romansahin siya. Alam ko naman kasing sex lang ang makakapawi sa galit niya. At pinagbigyan ko siya, hinahablot ang buhok, ang balat, hinahataw ang umbok ng kanyang puwet, ang katawan, kinakagat ang likod, at sinasampal ang duguang mukha habang puwersahan kong hinablot at sinira ang kanyang damit hanggang sa mapunit ito.

Noong tuluyan nang napunit ang kanyang t-shirt, short naman niya ang aking hinablot hanggang sa napunit din ito at tanging brief na lamang niya ang natirang saplot sa katawan.

Habang nakahandusay siya sa sahig, dali-dali kong hinubad ang aking t-shirt at pagkatapos ay ang aking pantalon at brief.

Agad akong sumampa sa ibabaw ng nakadapang si Patrick at kinagat ang kanyang kaliwang balikat.

“Arrrggggghhh!” ang sigaw niya sabay igtad niya sa kanyang katawan.

Habang nasa ganoon siyang pagsisigaw dahil sa nakalock kong ngipin sa kanyang balat, puwershang hinawi ko ang gilid ng kanyang brief upang malaya kong masalat ang butas ng kanyag likuran.

Pakiwari ko ay mapupunit na sa sobrang lakas ng aking pagkagat ang kanyang balat habang abala naman ang aking tatlong daliri sa paglalabas-masok sa butas ng kanyang likuran.

At habang nanatili lang siyang nakadapa sa sahig sa ganoong pagpapahirap ko, tuluyan ko nang inilabas ang aking tirik na tirik na pagkalalaki at ipinasok iyon sa kanyang likuran.

“Arrrgggghhhhhhh!” ang ungol niya habang muling napaigtad ang kanyang katawan.

Umindayog ako sa kanyang likuran habang sa kanyang duguang mukha ay bakas ang sakit na naramdaman niya. Ngunit hindi ko ininda iyon. Alam ko, iyo ang gusto niya.

Hanggang tuluyang naiparaos ko ang sarili…

Sa huling pagninig naming iyon ko napagdesisyonang dapat ay gumawa na ako ng paraan upang matulungan si Patrick. Napansin ko kasing palala nang palala na ang kanyang sakit at natakot akong darating siya sa puntong ang gagamitin niyang bagay sa pananakit ay patalim, baril o bagay na nakamamatay.

Tinawagan ko ang kaibigang si Justin at nanghingi ng payo. “Mukhang nahirapan na ako bro. At natatakot din akong kapag wala akong aksyon na gagawin ay may mangyari sa aming hindi maganda.” Ang sabi ko sa aking kaibigan.

“What a coincidence! Dahil may nakilala akong isang hypnotherapist bro... nitong bago lang. Nagresearch ako minsan sa internet tungkol sa therapeutic effect ng regression sa mga pisikal, emotional, o mental na karamdaman. Alam mo naman, interesado ako sa mga ganitong bagay. Parapsycholoigy, paranormal phenomenon, hypnotism, the power of the mind, eastern thoughts and beliefs, reincarnation… At may nakilala akong isang professional hypnotherapist na nagki-clinic sa Maynila!”

“Talaga? Ano ba ang kaibahan ng approach ng gamutan ng hypnotherapy kumpara sa conventional na psychotherapy o psychiatric treatment?”

“Ang mga psychiatrist o psychotherapist ay naka-focus lamang sa pagtatanong at pagpapalabas ng mga saloobin ng pasyente nila. Kumbaga, ini-encourage lang nila ang mga nasa ganitong karamdaman na pagpalabas o mag unload or disclose ng kung ano man ang mga masasamang karanasan na natatandaan ng kanilang pasyente. Puwede silang magbigay ng mga gamot na pinaiinum upang maging kalmante ang mga pasyente ngunit hanggang doon lang ang limit ng kanilang kakayahan. Kumabaga, ang kaya lamang nilang gawin upang malunasan ang mental na karamdaman ng pasyente ay bigyan ng panandaliang lunas sa pamamagitan ng gamot na ipaiinum o ituturok upang pansamantalang manghina, makatulog, o maging kalmante ang sistema sa katawan, at ang pag-unload ng bigat na dinadala ng pasyente sa pamamagitan ng pag-encourage na magsalita o magpalabas sila ng saloobin. Ibig sabihin, ang kaya nilang gawin ay hanggang sa laman ng consciousness o alaala ng isang pasyente lamang. At syempre, dahil consciousness ang pinag-usapan, base lamang ito sa kasalukuyang karanaasan na nakarehistro pa sa utak o memory. Kasi nga, ikaw, ako, halos tayong lahat, ang naaalala lamang natin ay ang kasalukuyan, ang ating karanasan sa buhay na ito. Ngunit iba ang sa hypnotherapist. Hindi lang nila tinutumbok ang kung ano man ang laman ng ating conciousness, kundi pati na rin ang ating sub-concious kung saan ang memory na naka-store dito ay hindi lamang sa kasalukuyang buhay kundi ang sa mga nakaraang buhay pa… mga past lives kumbaga.”

Nanatili lang akong nakinig. Interesante kasi ang kanyang mga sinabi.

“Naniwala ka bang powerful ang ating utak?” tanong niya.

“O-oo naman.”

“At naniwala ka naman sa mga kaya nitong gawin?”

“Oo… gaya ng extra-sensory perception o ESP, like –Telepathy, the ability to read another person's thoughts; Clairvoyance, the ability to ‘see’ events or objects happening somewhere else; Precognition, the ability to see the future; Retrocognition, the ability to see into the distant past; Mediumship, the ability to channel dead spirits; Psychometry, the ability to read information about a person or place by touching a physical object; at ang Telekinesis, the ability to alter the physical world with mind power alone. At marami pang iba na pwedeng gawkn ng utak o isip.”

“Tama. At isa lamang iyan sa mga untapped potentials ng ating utak. Ngunit ang isa pang potential nito ay ang untapped database ng ating mga experiences simula pa sa mga nakaraang buhay or existencies natin na naka-store sa ating sub-conscious. At dito papasok ang role ng hypnotherapist. Ito ang kanilang tinatarget na ara ng isip; na makuha at ma-uncover ang mga impormasyon dito dahil ayon sa theory ng mga hypnotherapist, ang mga problema natin sa kasalukuyang buhay ay manifestations lamang ng mga unresolved issues sa ating nakaraan; pwedeng sa buhay na ito, or sa buhay na nakaraan. Di ba sinabi ko sa iyo ang tungkol sa iba’t-ibang mga idiosyncrasies ng mga tao kagaya ng phobias and fears, hilig, ugali, talent, obsession, at kahit karamdaman… mental man o pisikal, ay may kinalaman sa ating nakaraang buhay at karanasan. Ganyan ka powerful ang ating utak.”

“Ang galing!”

“Kaya ang approach ng hypnotherapist ay ang pagtarget mismo at pagresolve sa pinaka-source ng problema, hindi iyong pagresolba lamang sa epekto nito. At alam mo bang base sa research ng mga scientists tungkol sa kung gaano na extensive ang paggamit ng tao sa kanyang utak, lumabas sa kanilang pagsusuri na 10% lamang ng capacity ng ating utak ang ating nagagamit sa buong lifetime natin. At si Albert Einstein, ang ama ng theory of relativity, noong namatay siya at sinuri ang kanyang utak, lumabas sa kanilang pag-eksamin nito na 30% lamang ang nagamit ni Einstein sa buong capacity ng kanyang utak. See my point? 10% lamang an gating kayang gamitin… nasaan ang 90% na gamit nito?”

“Interesting!”

“Anyway, sa kaso ng mga may problemang psychological or psychiatric kagaya ng kay Patrick, mas maganda kung ang isang hypnotherapist ang susuri at gagamot sa kanya. Siguradong ang pinaka-source ng problema ang hahanapin nito at ito ang gagamutin.”

“K-kung ganoon… gawin natin bro. Ngunit paano?”

“Ako ang bahala…”

Nagkita kami ni Justin at sa bahay ko siya pinatuloy. Dahil araw na Biyernes at walang pasok kinabukasan, doon ko na rin siya inimbitahang matulog.

Kilala pa ni Patrick ang dating guro kung kaya hindi na kami nagkailangang tatlo. Masaya kaming nag-uusap hanggang sa binuksan ko kay Patrick ang issue na aalis kami patungong Maynila kinabukasan.

“What for?” tanong niya.

“May kaibigan akong pupuntahan at gusto kong sumama ka at pati na rin si Sir Justin mo ay sasama. Ok lang ba sa iyo? Maggala tayo doon, mag-enjoy?” Iyon ang palabas na napag-usapan naming ni Justin.

“Good idea!” ang sagot naman ni Patrick.

Natuwa naman ako. Hindi ako nahirapang kumbinsihin siya.

Noong natapos kaming maghapunan, niyaya ko naman si Justin na mag-inuman sa terrace, pampatulog lang kumbaga, hindi dapat kami nalalasing ng todo. Naisip ko rin kasi na baka kapag nalasing kami, mag-wild na naman si Patrick . Ok lang kung kaming dalawa lang ang nasa bahay. Pero kung ganoong nand’yan ang ibang tao, mahirap na. Bagamat nasabi ko na kay Justin ang problema ko tungkol kay Patrick, nakakahiya pa rin ito kapag nasaksihan pa talaga niya kung gaano ka wild ni Patrick sa sex kapag umatake na ang kanyang sakit.

Nakailang tagay rin kami. Masyado akong nasarapan sa kuwentuhan namin ni Justin. Matagal kasing hindi ko nakakuwentuhan ang best friend kong iyon. Ang siste, hindi ko namalayang nalasing na pala kaming tatlo. At heto na… nagsimula nang umandar si Patrick.

Sa mesa kung saan nakalatag ang aming maiinum at pulutan, ang puwesto naming ay kami ni Justin ang magkatabi, kaharap ko naman si Patrick. Habang nasa kasarapan kami ng kuwentuhan at biruan ni Justin, bigla ko na lang naramdama na may dumampi sa aking harapan. Tiningnan ko ito; ang dulo pala ng paa ni Patrick ang humahaplos-haplos na sa aking bukol. Napatingin ako sa kanya. Lihim naman niya akong kinindatan.

Syempre, naturete ako. Nandoon ba naman si Justin. Ewan kung napansin iyon ni Justin ngunit dedma lang ako. Kunyari, hindi ko napansin iyon at hinayaan ko na lang ang paa ni Patrick na gumagapang sa umbok ng aking pagkalalaki. At lalo ko pang ibinuka ang aking mga paa.

Sa ginagawang iyon ni Patrick naramdaman ko na lang na unti-unting nag-iinit ang aking katawan. At kasabay dito ay ang unti-unti ring paglaki ng aking bukol na siya namang sinamantala ni Patrick at lalo pang pag-igihan ang paghagod ng kanyang paa dito. Nauutal tuloy ako sa pagsasalita at pakikipag-usap kay Justin, minsan ay napapatigil, pigil na napaungol. Parang gusto ko na lang tumihaya sa aking puwesto at hayaan si Patrick na paligayahin ako sa pamamagitan ng paghagod ng kanyang paa sa aking tigas na tigas nang alaga.

Ngunit parang hindi ko rin lubos maisip na gawin iyon habang nandoon ang aking best friend. Parang ang sagwa kasi. Kaya kunyari, normal lang ang lahat at pinilit kong hindi ma distract sa ginagawa ni Patrick.

Habang nasa ganoong lihim na pagpaubaya ako, napansin ko naman si Patrick na palihim na sumesenyas sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang tumbukin sa pagmumuwestra niyang iyon ngunit napansin kong inginunguso niya si Justin sabay tingin din sa aking harapan na hinahagod ng kanyang paa.

Ang sumagi sa aking isip ay malaswa. Syempre, hindi ko gusto kung ano man iyon.

Palihim ko rin siyang minuwestrahan, umiling-iling ako, ang mga kilay ay nagkasalubong na ang ibig kong sabihin ay hindi puwede.

Ngunit patuloy pa rin si Patrick sa pagmumuwestra, habang ang kanyang paa ay nanatili sa lihim nitong paghimas sa aking bukol.

At may naramdaman na akong pagkahiya na baka nahalata na ito ni Justin. Tiningnan ko na si Patrick ng matulis, pagpahiwatig na itigil na niya ang pangungulit.

“What?” ang biglang pagsingit ni Justin, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Patrick noong nahuli niyang tinitigan ko ng matulis si Patrick.

“Ah… wala bro. Lasing na kasi iyan kaya med’yo praning na.” turo ko kay Patrick.

“Hmmmm…” ang sagot lang ni Justin na naguluhan pa rin.

Ngunit biglang huminto si Patrick sa kanyang ginagawa. Tumayo siya at bagamat halatang pasuray-suray na dahil sa kalasingan, naglakad ito patungo sa barandilya ng terrace at umupo doon.

“Patrick! Malaglag ka! Tangina! Huwag kang magbiro ng ganyan! Lasing ka pa naman!” Sabay tayo at lalapitan ko na sana.

“Opppps!!!” sigaw niya, ang pagmuestra naman ng kanyang kamay na an gpahiwatig ay huwag akong lumapit sa kanya. “Tatalon ako dito kapag lumapit ka… D’yan ka lang. Gusto kong manuod.”

“M-manood” ang litong-lito kong sagot. “Ng ano…???”

“Iyong sinabi ko…”

“Ano ba iyong sinabi mo?”

“Iyong d’yan habang nakaupo ako kaharap mo…” ang ipinahiwatig ay ang pagmumuwestra niya tungkol kay Justin habang hinagod ng kanyang paa ang aking bukol.

Napatingin ako kay Justin na walang kamalay-malay sa gustong mangyari ni Patrick. “Nababaliw ka na ba?!” Sigaw ko uli.

“Baliw naman talaga ako, di ba? Sige na Xander. Gawin mo na. Pleaseee!!!”

“Bro… ano bang gusto niya?” ang pagsingit ni Justin, natunugan na may kinalaman sa kanya ang gustong mangyari ni Patrick.

“Gawin mo na sabiiiii!!!!” ang sigaw uli ni Patrick, tila naiinip na.

Kaya wala na akong nagawa kungdi ang magsalita sa kaibigan, “M-maghalikan daw tayo bro…”

Parang tinamaan ng matigas na bagay ang ulo ni Justin sa narinig, hindi malaman kung tumawa o o mawindang. Tiningnan niya si Patrick, tiningnan niya ako. Natuliro rin, hindi malaman ang gagawin.

“Gawin niyo na kung ayaw ninyong tatalon ako ditooooooooooooooooo!!!” ang sigaw uli ni Patrick.

Para kaming mga kandilang nakatirk sa aming kinatatayuan ni Justin, ang mga mata ay palipat-lipat – lingon kay Patrick na nasa barandilya at handa nang tumalon, at lingon sa isa’t-isa.

“Maghalikan na kayo, putang inaaaaaaaaaaaaaaa!!!”

(Itutuloy)


Patrick





videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics

18 comments:

  1. so weird! but i like it though..

    :)

    ReplyDelete
  2. Napakain ako ng ice cream! hehe, nabitin ako

    ReplyDelete
  3. ang skit nman,bkt kailangan pa mgkasaktan hbng ngsesex...bti nlang hnd kmi gnyn ng partner ko,hmmm..,nice kuya mike....

    ReplyDelete
  4. dapat nang malapatan ng lunas ang sakit ni patrick... d na healthy ang mga nangyayari sa kanya...lalo nat naging sobrang bayolente na ang mga ikinikilos nya...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  5. grabe naman si patrick kuya, naawa ako sa kanya, pati mag bestfrend gus2 pagtripan(justin and xander)grabe talaga, parang ang hirap ng ganun..sana kuya may model pics din si justin ehheheh tnx kuya for d update..JhayL

    ReplyDelete
  6. dapat na siguro siya ipatingin sa doctor..kuya mike mahirap na

    ReplyDelete
  7. hala saan naman gling un? o.o ung pggng masukista eh dhl snasaktan nga xa ni xander, peo san gling yang bgong trip nia? kala q b posesive xa? bt iba na? tsk tsk... kwawa naman xa :(

    ReplyDelete
  8. kuya mike, i have lost my interest na sa story. Hindi ko na kaya magbasa ng ganyang violence. At mas matimbang na yung lust kesa love.

    ReplyDelete
  9. muntik kong malimutan ang huminga habang nagbabasa..grabe..whew..nice kuya mike..

    ReplyDelete
  10. kuya mike ang creepy naman T-T

    ReplyDelete
  11. Congratulations. The story was well researched.

    Anonymous, naninibago ka lang kasi nagbabago na ng atake si Kuya Mike. :)

    ReplyDelete
  12. Congrats Kuya Mike! The story was well researched. Even the mind power was well delivered too. May mga pagkakataon lang na parang hindi realistic ang dialog due to information overload, other than that, ang galing pa rin ng pagkakalahad ng narrative.

    Anonymous, naninibago ka lang, kasi nagiiba na ng linya ng panulat ang inang reynang Michael Juha!

    :)

    ReplyDelete
  13. tagal ko tong hinintay...

    hehehhe.. sana bumalik na ang mga alaala ni Jasmine kay Patrick...

    -mars

    ReplyDelete
  14. hay naku i really do hope mawala na ang pagiging bayolente ni patrick...

    any ways still maganda parin ang flow kuya mike, all the needed facts are there kaya madaling maintindihan ang story... keep it up po

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails