email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
Author's Note:
Muli, gusto kong magpasalamat sa mga readers, lalo na ang mga commenters at at taga suporta na nageemail sa akin at nag add sa fb! At syempre sa mga tagasuportang nand'yan palagi in my ups and owns, mga solid friends and followers talaga.
At... 11 na lang at maabot na natin ang 1,000 mark na followers!!! Salamat guys!
Salamat din kay Jojie sa pag-improve niya sa site at sa lahat ng mga admins ng msob!
Belated Happy Valentine's Day sa lahat!
-Mikejuha-
----------------------------------
Natuloy kami sa Boracay. Walang mapagsidlan ang saya na aking nadarama sa unang experience namin na makapunta sa ganoon kagandang lugar, at sa hotel na tinirhan namin. Dalawang gabi at 3 araw kami doon. Para kaming tunay na magsing-irog. Ang kulang na lang sa amin ay ang mga salitang “I love you”
Balik na naman ang pagiging close namin. Parang kumpleto na ba sana ang lahat? Masaya ako na nagkaroon ng isang tunay na kaibigan kay Marbin, Masaya kami sa aming samahan… pakiwari ko ay wala akong takot sa buhay kapag kapiling ko siya.
Ang kaso… ganyan talaga marahil ang buhay. Puno ng hiwaga, puno ng pagsubok. At ang kahit gaano kalalaim na pagmamahalan o pag-iibigan ay minsan bumibigay din kapag dumanas ito ng matinding pagsubok.
Patuloy pa rin kasi ang panliligaw k okay Emily. Dahil hindi pa naman niya ako sinagot, at ang sabi pa sa akin ay matatagalan pa, patuloy pa rin akong umaakyat ng ligaw sa kanya. At sa bawat dalaw k okay Emily, nandoon pa rin palagi sa aking tabi si Marbin, at kagaya ng mga nakagawian, habang mag-uusap kami niyan ni Emily sa labas ng kanilang bahay, sa isang sulok na med’yo madilim-dilim, si Marbin naman ay nag-iisa sa isang parte rin ng lugar, nag-iisa, naghihintay kung kailan kami matatapos sa aming pag-uusap ni Emily. At kahit na abutin pa kami ng magdamag, nandoon pa rin si Marbin, walang reklamong naghihintay sa akin. Para siyang isang asong nagbabantay sa kanyang amo, na kung saan ay hindi kayang sukatin ang kanyang loyalty para dito.
Siguro masasabing akoy isang manhid ba o sadista. Ngunit sinabi ko na it okay Marbin na hinid naniya ako kailangang samahan sa panliligaw k okay Emily. Subalit siya mismo ang nag-insist na sasama. Ayaw daw niyang mapahamak ako…
“Mahal mo ba talaga si Emily???” Nakailang tanong na rin si Marbin sa akin niya. At ang sukli ko sa tanogn niyang iyan ay either katahimikan o tango lang.
Mahal ko naman talaga si Emily. Bagamat mahal ko rin si Marbin ngunit gustong i-justify ng isip ko na ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang isang best friend lang, at walang ibang explanations sa aming mga ginagawa. Alam ko naman kasing bawal ang isang relasyong lalaki sa lalaki. At alam din niya ito. Ang pag-ibig ay para lamang sa lalaki at babae. Hindi ito applicable sa kapwa lalaki. Iyon ang parehong nakatatak sa aming isip.
Akala ko ay isang simpleng katanungan lang iyon at wala nang ibang ipahiwatig pa kundi ang malaman mismo galing sa isang kaibigan ang laman ng kanyang puso.
Ngunit may mas malalim palang dahilan ito. Lumipas ang ilan pang araw at nagtaka na lang ako noong habang binubulatlat ko ang isa niyang notebook, nakita ko ang siang drowing ng swastika, iyong symbol ni Hitler. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dito ngunit hinid ko na itinuloy pa gawa nang baka lang aksidenteng na drowing niya ito, na wala namang kahulugan.
Ngunit doon na ako nagsimulang magduda noong nakita ko muli ang drawing sa loob ng dila ng kanyang sapatos, at sa tarheta ng kanyang t-shirt. “Tol… b-bakit may mga drawing ka ng swastika?” ang tanong ko sa kanya.
“Saan mo nakita?” ang tanong niya, ang boses ay may halong pagkainis.
“”S-sa notebook mo, sa sapatos, sa t-shirt…”
Ngunit imbes na sagutin niya ako, nagalit pa ito. “Bakit ka ba nakikialam sa mga gamit ko?”
Nagulat naman ako sa inasta niyang iyon. Para bang napaka-simpleng tanong lang pero nagalit kaagad siya… “B-bakit ka ba nagalit?” ang tanong ko rin.
“A basta, huwag mong pakialaman ang mga gamit ko!” ang padabog niyang sagot sabay talikod.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon ang inasta niya. Kasi naman, kapag may problema siya, kahit gaano man kalaki ito, hindi mo mapapansin iyan na may problema. Nakangiti pa rin siya lalo na kapag nakikita ako. Sabi pa nga niya minsan na ako raw and solusyon sa lahat niyang mga problema. Kapag binibiro ko na yan, parang napapawi daw ang sama ng loob niya.
Pero iba ang ipinakita niya sa akin sa tagpong iyon. Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw, palagi ko na siyang nakikitang malalim ang iniisip at kapag kinakausap ko ay umaalis, o nag-aalibi na may gagawin o pupuntahan. Hindi na rin siya dumadalaw sa akin at kapag hinahanap ko sa boarding house nila, kadalasan ay wala ito at kapag nandoon man, ayaw akong harapin. Kesyo may ginagawa, kesyo natutulog, kesyo, hindi maganda ang pakiramdam. Kung anu-anong palusot.
Ang siste, pati ang tarabaho niya ay napabayaan. Marurumi na ang area niya sa building. At napupuna ito ng mga estudyante. Tinanong ko ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na parehong-pareho ang sagot sa akin – nagbago na nga si Marbin at may ibang grupo at kaibigang sinasamahan.
Mistula itong sibat na tumama sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagbago at ibang kaibigan ang sinasamahan samantalang wala namang problema sa aming pagiging magkaibigan.
Nagtatanong din ako sa iba pang mga nakakakilala sa kanya. At ang sabi-sabi nila ay sumasali daw ito sa swastika fraternity.
Sobrang sakit ng aking naramdaman.
“Akala ko ba ayaw mo akong sumali sa fraternity na iyan dahil magulo, sindikato, at at hindi natatakot na pumatay ng tao ang grupo na iyan? Bakit ikaw? Gusto mo na rin bang pumatay ng tao?” tanong ko sa kanya noong nakatyempo ako na nag-isa siya sa student center.
“Bakit? Hindi ba ako puwedeng sumali sa kung anong grupo o mga kaibigan kung saan ako maligaya?”
“Maligaya? Sinira mo ang iyong pangarap? Tingnan mo, ang trabaho mo, pinabayaan mo na? At akala ko ba ang kaligayahang sinasabi mo ay nakakamit sa pagtulong sa kapwa?”
“Dati iyon. Lahat sa buhay ay nagbabago… Hindi mo ba naintindihan? Nagbago na ang pananaw ko. nagbago na ang pagkatao ko. Iba na ako.”
“Tol… hindi tayo nagbabago dahil gusto lamang nating magbago. I-embrace natin ang pagbabago kung nakabubuti ito sa atin. Kung ito ay nakasisira sa ating pagkatao, hindi mo kailangang kamtin ang pagbabagong iyan.”
“At sino naman ang nagsabi sa iyong kasiraan ito sa akin?”
“Ako! Di mo ba alam? Tatanggalin ka na raw sa listahan ng mga working students kapag patuloy mong pinapabayaan ang iyong assignment!”
“Ah... iyon lang? Ok lang. May grupo naman ako. Hindi nila ako pababayaan?”
“Ganoon na lang iyon? Anong kapalit?”
“Oo. Ganoon na lang. Walang kapalit. At huwag ka nang makialam pa sa akin! Pabayaan mo na ako, ok? Kalimutan mong may kaibigan kang ang pangalan ay Marbin! Burahin mo ito sa iyong isip.” ang sambit niya sabay tayo at talikod, at nagmadaling naglakad palayo sa akin.
“Marbinnnnnn!” sigaw ko.
Ngunit hindi na niya ako nilingon pa.
Parang sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa mga sinabi niya. Hindi ako nasaktan dahil lang sa aming tila binalewalang pinagsamahan kundi dahil ipinagpalit din niya ako sa isang grupong alam kong sisira lamang sa kanyang buhay at mga pangarap.
Parang gusto kong magalit at magtampo sa kanya. Ngunit tiniis ko na lang ito dahil naisip ko ang kabaitang ipinakita niya sa akin at sa aking mga magulang. At nasabi ko sa aking sariling ipaglaban ko siya; babawiin ko siya sa grupong iyon.
Tinangka kong kausapin ang isang myembro na nagrecruit sa akin dati. “Bro… p-puwede bang sumali sa grupo ninyo?”
“Bro… sorry, hindi kami nagrerecruit ngayon. At lalo na sa iyo…” Ang sambit ng kausap kong myembro sabay talikod na parang hindi interesadong kausapin ako. At parang may laman ang huling sinabi niyang “At lalo nang hindi sa iyo.” May malaking katanungan iyon para sa akin.
Kahit busy na ako sa pag-aaral gawa nang patapos na ang school year at nalalapit na ang finals, naglaan pa rin ako ng oras sa pagre-research tungkol sa grupo at nagtatanong kung sinu-sino ang mga myembro nila upang sila naman sana ang kauspin ko.
Ngunit habang ginagawa ko ang pagreresearch, pumutok naman ang balitang hindi na sumipot pa si Marbin. As in walang nakakaalam kung nasaan. Pinuntahan ko ang bahay ng tita niya ngunit hindi rin nila alam kung nasaan siya. Isang linggo na raw itong hindi sumipot at naipa-blotter na rin nila sa kapulisan kung kaya doon na pumutok ang balita dahil sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis.
Tinanong ko na rin ang lahat ng mga maaaring nakaalam kung nasaan siya, mga kasama niyang working students, mga ka-klase, guwardiya ng school. Wala…
Sobrang lungkot, pagkalito, at pagkabahala ang aking nadarama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at natakot akong baka napaano na siya. At malakas ang kutob kong ang grupong swastika fraternity ang may kagagawan ng lahat.
Nasa ganoon akong kalalim na pag-iisip noong sumagi sa isip ko ang locker niya sa utility room. Binigyan niya kasi ako ng duplicate na susi dati dahil kung gusto kong magbaon ng damit sa school, doon ko na lang din ilagay, kasama ng sa kanya.
Dali-dali kong tinumbok ito, nagbakasakaling may mahanap akong pruweba na maibigay sa mga pulis tungkol sa fraternity na iyon. “Ang mga swastika na drawing sa kanyang notebooks, damit at iba pang gamit…” sambit ko.
Ngunit nadismaya ako dahil iba na ang nagmamay-ari ng locker niya. Iba na kasi ang susi ay hindi na pangalan niya ang nandoon. Pinalitan na siya.
Tiningnan ko ang likod ng locker. Sa likod kasi noon ay may lihim na bulsa kung saan namin inilalagay ang mga mensahe namin sa isa’t-isa; kapag may problema sa schedule ang sino man sa amin halimbawa, upang hindi na mamomroblema sa paghahanap, kagaya ng “Tol… may bisita palang mga madre sa ibang congregation ang darating bukas kaya ipinalinis na rin ni Sister ang chapel, ma late ako ng isang oras..” Minsan, kahit mga wlaang kwentang sweet nothings lang ang nakasulat dito kagaya ng, “Tol… malapit nang magbukas ang internet café, excited na ako yeheeeyyyyy!!!” o kaya ay “Tol… na miss ko na ang chatmate ko! Atat na atat na akong makikipag chat sa kanya!” o “tol… nakasalubong ko ang chatmate ko kanina, hayop sa porma!” “Ano kaya ang nakain ng chatmate ko at mukhang suplado kanina hinid namamansin?” mga ganoong mensahe.
Sinilip ko ito at may nakita akong mga nakatuping pahina ng notebook. Hinugot ko ang mga ito at noong lumantad sa aking paningin ang nakasulat, “Sulat kamay ni Marbin!” sigaw ng utak ko.
“Dear tol… una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad sa inasal ko nitong nakaraan. Sa kabila ng hindi magandang ipinakita ko sa iyo, nasasaktan ako. Ngayon ko sasabihin sa iyo; sumali ako sa fraternity dahil sa sindikato. Ikaw ang target nila. Nanligaw ang lider nila kay Emily at binasted ito. Kung kaya galit na galit ang lider nila sa nangyaring pambabasted ni Emily at ipinangako nito na walang sino mang lalaki ang makakaangkin sa kanya; na kung may lalaki mang manligaw sa kanya, pahirapan nila ito. Noong nalaman nilang nanligaw ka, gusto na nilang tirahin ka, i-recruit kunyari sa grupo at doon na pahirapan. Ngunit nakiusap ako sa kanilang lider na ako na lang ang sasalo sa iyo, huwag ka lang mapahamak. Sumang-ayon sila, sa isang kundisyon na huwag mo nang ituloy ang panliligaw dahil kung ituloy mo pa rin, pahihirapan nila ako… at patayin. Kung naalala mo, ilang beses kitang tinanong kung mahal mo si Emily. At sa bawat pagtanong ko sa iyo, sinasagot mong mahal mo siya. Kaya imbes na ibunyag ko ang lahat inilihim ko na lang ito sa takot na baka magalit ka sa akin at isipin mong siniraan ko si Emily, dahil sa mga nangyari… sa atin. Ayokong maging hadlang sa pag-ibig mo… sa isang babae. Kaya tiniis ko ang mga pagpapahirap ng grupo. Binalaan nila akong huwag magsumbong kung kaya idinodrowing ko na lang ang swastika ng patago, upang kung ano man ang mangyayari sa akin, alam mo na kung saan ako hahanapin. Nitong nakaraang araw, may tip-off akong narinig na itutumba na raw nila ako. Kung sakali mang mangyari iyan, hihilingin ko sa iyo na huwag magreport upang hindi kayo mapahamak. At si Emily… wala kang sasabihin sa kanya. Hintayin mo na lang na makatapos kayo ng pag-aaral at kapag wala na kayo sa school na ito atsaka ninyo ituloy ang inyong pagmamahalan. Alam ko, mahal ka rin niya. Tol, ngayon ko lang ito sasabihn sa iyo… at sana ay patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. Sana ay maintindihan mo ako. Iyan ang tunay kong naramdaman. May binili rin akong kwintas na isiningit dito, nasa akin ang isa at ang nandito ay para sa iyo. Kalahating heart ang pendant niyan. Ang kalahati naman ay nasa akin. Kapag itinabi ang dalawang pendant, mabubuo ang hugis na puso. Pagpasensyahan mo na, iyan lang ang kaya kong bilhin… Mag-ingat ka palagi tol. Kahit saan, kahit kailan, kahit anong mangyari, kagaya ng pendant na iyan, hindi mabubuo ang puso ko kapag wala ka… –Marbin–“
Namalayan ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha. Pakiwari ko ay gusto kong maglupasay sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa naalimpungatan ko ang sariling nagtatakbo at nag-iiyak bagamat hindi ko alam kung saan patungo. Gustuhin ko mang magsumbong sa mga pulis, hindi ito puwede dahil maaaring lalong mapahamak Marbin at si Emily.
Naisipan kong puntahan muli ang tinutuluyan noong isang myembro ng fraternity na nagrecruit sa akin. Ngunit ayaw niya akong kasusapin. Ang sabi niya lang sa akin ay wala daw kinalaman ang grupo niya sa pagkawala ni Marbin. At pinagbantaan pa niya ako na huwag silang isangkot kung ayaw ko raw magulo rin ang aking buhay.
Habang naglalakad ako nang walang direksyon, napadaan ako sa isang simbahan. Doon nanalangin ako na sana hindi darating sa puntong papatayin nila si Marbin. Iyak ako ng iyak sa loob ng simbahan. Hindi man ako ganoon ka relihiyoso ngunit sa pagkakataong iyon na sobrang hopeless at helpless ako, sa kanya ka pa rin pala lalapit at huhugot ng lakas. “Sana po… huwag ninyo siyang ilagay sa kapahamakan. Napakabait po niyang tao. Ngunit kung ano man po ang lpano ninyo para sa kanya, thy will be done po. Masakit man ang kahinatnan ng lahat, pipilitin ko na lang pong tanggapin. Pero sana, huwag po ninyong pahintulutan na masaktan siya, na maghirap siya… Sobra-sobra nap o ang paghihirap niya sa buhay. Wala po siyang mga magulang na nagmamahal sa kanya, dinanas po niya ang mabibigat na trabaho at matinding kahirapan. Sana po ay huwag na po niniyong dagdagan…”
Noong nasa labas na ako ng simbahan, naglakad muli ako hanggang sa narating ko ang plaza. At sa lugar na paborito naming tambayan, sa ilalim ng malaking puno ng talisay sa seafront, nakaharap sa aplaya na pinangalanan naming “Internet Café” doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Nag-iiyak, hinayaang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Sobrang hirap ng aking kalooban. Alam kong nasa mahirap na kalagayan si Marbin, na ako ang dahilan ng lahat ngunit wala akong maitutulong sa kanya. Mistula akong isang baliw na dala-dala ang sulat at ang kwintas ni Marbin at hinalik-halikan ko ang mga iyon. Kinakausap. “Tol… bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit??? Pwede ko namang hindi ituloy ang pangliligaw kay Emily eh! Kung sinabi mo lang sana tol!!!!” ang sigaw ng utak ko at siya pa ang aking sinisisi.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag-iiyak sa sea-front na iyon. Ang alam ko lang ay hapon pa iyon noong naupo ako sa sementong bench ngunit sa oras na iyon, mga ilaw na galing sa mga lamp posts na ang aking namalayan.
Ang saklap. Parang sa dami ng tao sa mundo, nag-iisa kong pinapasan ang mabigat ng dinadala at wala man lang ni isang pumapansin sa kalagayan namin. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng daan patungo sa aking dorm, wala ring patid ang pagdaloy ng aking mga luha.
Kinabukasan, sa school, alas 2:00 iyon ng hapon katatapos ko lang sa pinakahuling test sa finals. Iyon na rin ang huling araw ng pasukan. Lumapit sa akin ang isang kasama ni Marbin na working student din. “Pare, alam mo na ba ang bagong balita?”
“Ang alin?”
“May natagpuan na bangkay sa ilog malapit sa malaking tulay. Ang hinala nila ay itinapon ito dito.”
“Ha???” sambit ko, biglang lumakas ang kabog ng dibdib. “Sino daw iyon???”
“Ang sabi nila ay bangkay daw iyon ni Marbin. Basag ang mukha at hindi na makikilala. Ngunit ang tindig, ang katawan… lahat ng pagkakakilanlan ay kay Marbin. At hindi lang iyan… wala ding nag-claim sa bangkay. Kaya kinuha na ito ng tita ni Marbin. Nasa punerarya pa raw ngayon ang bangkay ngunit mamayang gabi ay sa bahay na ng tita niya ideretso ito para sa lamay.”
Iyon ang huli kong narinig. Nagcollapse ako at noong nanumbalik na ang malay, nasa school clinic na, nakahiga. “Huwag mong masyadong dibdibin ang pagkawala ng kaibigan mo, Benedict… lahat tayo ay nasaktan sa nangyari ngunit huwag kang padadaig sa iyong naramdaman. Pilitin mo ang sariling tanggapin ang lahat.” Ang sabi sa akin ni Sister Clarisse, ang boss ni Marbin sa mga working students.
“Masakit lang kasi Sister eh…” ang sagot ko na lang bagamat nagsisigaw ang aking isip na sabihing ako ang dahilan ng lahat.
“Sige lang. Normal lang ang nasasaktan. Makabubuti kung sasama ka sa ibang mga kaibigan mo upang kahit papaano ay maibsan ang iyong dinadalang sakit.”
Pinalabas ako ng clinic. At bago ako tuluyang lumisan sa unibersidad na iyon, dinayo ko ang building kung saan ko unang nakita si Marbin. Maaaring iyon na rin kasi ang huling sandaling masilayan ko ang lugar na iyon dahil lilipat na ako ng eskuwelahan.
Tila gumuho ang aking mundo noong narrating ko ang second floor, ang mismong lugar na palaging nililinis ni Marbin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas at tuliro ang aking pag-iisip.
Umupo ako sa isang sulok kung saan ko kadalasang hinihintay at pinapagmasdan si Marbin habang ginagawa niya ang pagma-mop sa sahig. Napaka-memorable ng lugar na iyon. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan; ang lugar na iyon ang naging daan upang malasap ko ang unang mga karanasan sa piling ni Marbin; sa lugar na iyon ibinigay sa akin ang isang taong siyang nakapagbibiay sa akin ng ibayong saya at inspirasyon sa buhay; sa lugar na iyon ko nakilala ang isang Marbin, na hero ng aking buhay...
Naalala ko tuloy ang isang insedente habang hinintay ko siyang matapos sa kanyang pagma-mop. Hinid siya maaawat sa pagku-kuwento noon. Tinatawanan ko at tinawag ko pang “hyper” sa pagkukuwento at pagpapatawa. At napasok sa kuwento ang kamatayan. “Tol... kapag namatay ako, sasabihin k okay San Pedro na magwoworking student pa rin ako at sa langit ko tatapusin ang aking pag-aaral. At alam mo kung anogn trabaho ang aaplayan ko sa pagwoworking?” sambit niya.
“Magma-mop sa mga ulap?
“Gagi! Hindi mop angginagamit nila sa pagpapaputi ng mga ulap!”
“Ano?”
“Iyong mga pakpak ng mga anghel, Habang lumilipad sila, natatanggal ang mga alikabok sa ulap…”
Tawa naman ako ng tawa.
“Kaya ibang trabaho ang aaplayan ko.”
“Ano?”
“Guardian angel mo.”
Na sinagot ko naman ng, “Sigurado ka kaya? Baka maging devil ka?”
“Ay mas maganda kung devil ako. Kasi kapag may mga nang-aapi sa iyo, lahat sila ay susunugin ko!”
Tawanan.
Maya-maya, nabigkas ko naman ang, “Siguro… ang swerte-swerte ng mapangasawa mo tol…”
“Bakit?”
“Kasi, ang sipag-sipag mo na, mabait ka pa.”
“Mas maswerte ang best friend ko.”
“Bakit?”
“Kasi, ipinangako ko sa sarili ko na kahit mag-aasawa pa ako, mas mamahalin ko pa ang best friend ko…”
Napangiti lang ako sa kanyang sinabi. “E… sino ba ang best friend mo?”
“Ewan…” napahinto siya sa pagma-mop. “Sandali, itatanong ko rito sa puso ko ha?” at yumuko siya na parang pinakinggan ang kanyang dibdib “Hayan… narinig ko ang tunog ng tibok niya ay BE-NE-DICT, BE-NE-DICT, BE-NE-DICT”
Tawa naman ako ng tawa. Pero syempre, sa kaloob-looban ko, mistulang kiniliti rin ang puso ko.
Limang araw ang lamay sa bangkay ni Marbin. At sa araw na inihatid na siya sa kanyang huling hantungan, lahat ng mga kasama niya sa working students ay nandoon, mga madre na may-ari ng unibersidad, mga estudyanteng nakakilala sa kabaitan niya, at syempre, ang aking mga magulang na nabiyayaan din sa kanyang kabaitan.
Alas 6 na iyon ng gabi, ako na lang ang naiwan sa mga naghatid kay Marbin. Sa kanyang puntod ipinangako ko na hindi ko siya malilimutan; na iingatan ko ang aming mga ala-ala at ang ibinigay niyang kwintas sa akin.
Dinukot ko sa aking bulsa ang ginawang sulat para sa kanya. Binuksan ko ito at binasa. “Dear Tol… Hindi ko alam kung paano kita pasalamatan sa mga nagawa mong kabutihan sa akin. Hindi sapat ang mga salita upang matumbasan ko ang lahat ng mga ibinigay mo sa akin at sa aking pamilya. Maraming salamat sa kabaitan mo. Maraming salamat sa gma pagtulong mo. Maraming salamat sa mga magagandang alala-alang iniwan. At higit sa lahat, maraming salamat sa pagbuhis mo ng buhay para sa akin. Ikaw ang aking hero tol… Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa ako, buhay. Kaya pahalagahan ko rin ang buhay ko tol, para sa iyo. Habang buhay ako tol, palagi kang nandito sa puso ko. At ipangako ko rin sa iyo na palagi kong isusuot ang kwintas na ibinigay mo. Tol, hindi mo man ako binigyan ng pagkakataong sabihin ito sa iyo… MAHAL NA MAHAL din kita. Kung sinabi mo lang sana kaagad, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa ganito. Pero wala na akong magagawa… kundi ang mangarap na sana papayagan ka ni San Pedro na maging guardian angel ko. Alam ko naman, gagawin mo ang lahat para sa akin. Paalam Tol. Rest in peace… --Benedict--“
Tinupi ko muli muli ang aking sulat atsaka ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang nitso sa gilid ng nakahigang Krus. At bago ako tuluyang lumisan, pinatugtog ko ang kantang narinig namin sa ospital habang inoperahan doon ang aking inay sa kanyang pagtulong. Ito ang naging theme song namin. “Tol, para sa iyo…”
One Friend – Dan Seals Song Lyrics
I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn’t fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn’t care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Instrumental Break.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
“If I had only one friend left, I want it to be you… Paano na iyan? Wala na ang one friend na pipiliin kong sana ay maiwan para sa akin. Sayang.... Pero, huwag kang mag-alala tol; lagi kitang dadalawin dito. Rest in peace ka lang tol.” Ang huli kong sinabi bago ko tuluyang nilisan ang kanyang puntod.
------------------------------
Malapit na namang magsimula ang pasukan. Dahil lumipat ako ng eskuwelahan, hindi ko na naman kabisado ang pasikot-sikot sa enrolment. At kagaya noong una kong pag enrol sa eskuwelahan kung saan kami nagkita ni Marbin, naligaw na naman ako. Napunta ako sa isang building na walang tao, na akala ko ay Guidance Office.
Bigla kong naalala si Marbin. At dahil kusang pumatak na lang ang aking mga luha sa tindi ng lungkot sa pagpasok ng ala-ala na iyon, naupo muna ako sa isang gilid ng hallway upang doon panandaliang ipinalabas ang aking dinadalang sama ng loob.
Nasa ganoon akong paghagulgol noong biglang sumulpot ang isang janitor na tulak-tulak ang isang mop. Napatingin ako sa kanya. Dahil sa hiya, pinigilan ko ang sarili at hindi nagpahalatang umiyak. Palihim ko ring pinahid ang mga luha sa aking pisngi at mga mata.
Ngunit mas lalo ko pang naalala si Marbin sa janitor. Sa kulay kasi ng kanyang balat, sa hugis ng kanyang matipunong katawan, sa taglay nitong tangkad, kahawig na kahawig niya si Marbin. At nakahubad din ang pang-itaas niyang katawan habang nagma-mop sa sahig na iyon. Ang kaibahan nga lamang ay imbis na ilaylay niya sa kanyang bulsa ang hinubad na t-shirt, itinakip niya ito sa kanyang mukha, proteksyon marahil sa maalikabok na paligid.
Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-flashback sa isip ko ang eksena kung saan una kaming nagtagpo ni Marbin. Naligaw rin ako noon, hindi mahanap ang Guidance Office at napunta sa isang building na nilinis niya. At bagamat abala siya sa kanyang pagma-mop, bumaba pa talaga siya upang ituro sa akin ang pathwalk na siya kong tahakin patungo sa guidance Office. Tila napaka-sariwa pa sa akin ang lahat.
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hinigna. “Parang kailan lang nangyari ang lahat…” Hindi ko na naman natigilan ang kusang pagdaloy ng aking mga luha.
Naisipan kong umalis na lang sa lugar upang maiwaglit sa isip ang mga ala-alang kusa na lang pumapasok sa aking isip. Tumayo ako at tinumbok ang hagdanan pababa sa building.
Nakailang baiting na ako sa hagdanan noong bigla namang sumigaw ang Janitor ng, “Boss, nalaglag ang kwintas mo!”
Napalingon ako at tiningnan ang itinurong kwintas ng Janitor. Nakalatag ito sa sahig na dinaanan ko. “Ang kwintas ni Marbin!” Sigaw ng isip ko.
Ngunit laking pagkagulat ko noong kinapa ko sa aking leeg ang aking kwintas, nandoon pa rin ito. At upang makasiguro na iyon nga iyon sa aking leeg, inilabas ko ito mula sa ilalim ng aking t-shirt. At nasa leeg ko nga siya!
Natulala ako at hindi makapaniwalang may isang kwintas na sumulpot at kahawig na kahawig pa ito sa kwintas na suot-suot ko! Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi malaman kung angkinin iyon o sasabihing hindi iyon sa akin. Ngunit ang ikinamangha ko sa lahat ay bakit parehong-pareho?
Nasa ganoon akong kalituhan noong tinanggal ng janitor ang nakatakip na t-shirt sa kanyang mukha. At lalo pa akong natulala at nanginig ang buong kalamnan noong nakita ang mukha niya. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapasigaw ng, “Marbinnnnnnnn??? Ikaw ba iyan???”
Ngumiti lamang siya sabay takbo palapit sa aking kinaroroonan atsaka niyakap ako. “Oo… ako. Gusto mong magpaturo kung saan ang Guidance Office?” ang biro niya sa akin.
Ngunit hindi na ako nakasagot. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luhang aking pinigilan. Humagulgol ako sa sobrang kaligayahan, naglupasay, at nanginginig ang aking buong kalamnan.
Noong nahimasmasan na, doon ko na siya inulan ng mga tanong. “Paano ka nabuhay? Paano ka nakarating dito? Ano ang nangyari?”
At kinuwento niya na pinatakas siya sa lider ng fraternity gawa ng naawa ito sa kabaitan ni Marbin at sa isang kundisyon na huwag nang magpakita sa mismong unibersidad. At dahil inihinto ko na rin ang panliligaw ko kay Emily, kung kaya lalo pang napadali ang pagpakawala sa kanya ng grupo.
“Sino pala iyong inilibing namin na itinapon sa ilog?”
“Ah… hindi ko na masasagot iyan. Marami naman kasing salvage victim ang itinatapon sa ilog na iyon, di ba?”
“Sabagay…” sagot ko.
“Parang ayaw mo yatang mabuhay pa ako eh…” biro niya.
Na sinagot ko rin ng pang-aasar na biro. “Oo naman. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng guardian angel. Sayang lang ang mga luha ko.”
Tinitigan na lang niya ako. “G-gusto mo mag-chat tayo…” ang mahinang sambit niya, ang mga mata ay tila nakikiusap.
“Weeee. Wala kayang internet café dito.”
“Anong wala? May sarili na kaya akong kuwarto. Noong nakatakas na ako at binalaan na huwag nang bumalik sa lugar na iyon, nilapitan ko ang fashion designer na nag-alok sa akin ng part-time modelling na trabaho. Nalala mo ang pagkapanalo ko sa pa-contest? Iyon... At naawa siya sa akin kung kaya binigyan niya ako ng advanced payment para pambayad sa aking flat. At may trabaho na rin ako, para s aking mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya… libre na tayong mag-internet sa bagong internet café natin – sa kuwarto ko!” ang masaya niyang sabi, bakas sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan.
“Talaga?” Ang sagot ko. “E… bakit ka pa nag-working student? May modelling work ka naman pala?”
“Bakit ko iiwanan ito? Kung hindi dahil dito, hindi kita makilala. Lucky charm sa akin ang trabahong ito tol… At isa pa, gusto kong palaging naaalala ang aking pinagmulan. Ayokong lumaki ang aking ulo. Gusto kong ipakita sa ibang mga estudyante na ang ganitong trabaho ay marangal at puwedeng maipagmamalaki.”
Hindi na ako nakasagot. Sa isip ko, walang duda na siya nga si Marbin. At ganoon pa rin siya, hindi nagbabago, nandoon pa rin ang nakaka-inspire niyang paniniwala at paninidigan sa buhay.
“Mamaya, pagkatapos mong magpa-enroll, punta tayo sa internet café ko. Mag-chat tayo. Miss na miss ko na kaya ang chatmate ko. Sobra…”
Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nakabibighani ang kanyang ngiti, dagdagan pa sa kanyang mga dimples at mapuputing mga nginpin.
Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti sabay abot ko sa aking kamay. “Benedict!”
Tinaggap niya ang aking pakikipagkamay sabay sabi rng, “Marbin”.
“Nasaan na nga pala ang daan patungong Guidance Office bro? Bago lang ako dito eh!”
“E di hanapin mo? Mahirap bang gawin iyan? Anong paki ko sa iyo?” ang biro niyang pagtataray.
“Hindi iyan ang linya mo dati eh!!!” pagtutol ko pa.
“Ay hindi ba? Ano nga pala uli iyon?”
At sabay kaming nagtawanan.
Wakas.
------------------------------------------------
Note: May isa pa sanang ending akong naisip pero huwag na... Hindi kaya ng heart ko, at baka aawayin ninyo ako, hehehe. Heto kasi sana ang “original” ending:
Sa halip na “Wakas” na, dadagdagan ko pa ito ng ilang linya –
“KRRRIIIINNNNNNG” Ang alarm.
Agad kong pinatay ito at kinuskos ang aking mga mata. “Umaga na pala…” bulong ko sa sarili, ang aking isip ay disporiented pa. “Panaginip lang pala ang lahat…”
“Benedict, gumising kana! Dalian mo at magpapa-enroll ka pa! Malayo-layo pa naman iyong bago mong school…!” ang sigaw ng nanay ko.
Wakas.
.,kua mike salamat sa lahat kac pinakita mu sa akin kung gaanu kaganda ang mundo ku, at sana makakita na aku ng 2nay na magmamahal sa akin, la pa kac akung nagiging relationship peo ok lan un, andyan naman ang mga story na nagbibigay sa kin ng dahilan para maging masaya khit di pa sya nadating, tnx kuya mike.,
ReplyDeletehahaha loko ka S'Mike,kringgggggggg!
ReplyDeletemaganda ang kwento kahit short story lang sya (na medyo mahaba), in the end naruon pa rin ang luha at emsoyon...at in the end pa rin ay naruon ang mga ngiti na nagpapaalaala na hindi pa huli ang lahat.
GALING!
super nice talga kuya...salamat..
ReplyDeleteAng GALING!
ReplyDeleteSana nga sa totoong buhay may kasingtulad ni Marbin na nag-eexist.. If meron man nkapaka swerte ng magiging BestFriend niya..
Buti na lang at original ending ang pinost mo.
maiinis talaga ako pag naging panaginip lang lahat nang yun.. LOL
Great Job Mr. Mike Juha! you're one of a kind!
kuya mike umiiyak ako habang binabasa ko to,
ReplyDeletepasensya na po pero hindi ko gusto nung pinatay si marbin, umiiyak tlaga ako :(
akala ko buhay c marbin, tapos panaginip lng pla lahat.. haissst
sad ko
Waaahhh akala ko mapapaaga ang Mahal na Araw. Buti na lang binago mo ang ending kse baka di ko makayanan e sumunod ako kay Marbin. choz! Thanks kuya, akala ko tuluyan ng mahuhulog ang dibdib ko hanggang wakas. Nice short (daw) story.
ReplyDeletewahhhhh.... napaiyak ako sa mga tagpo na akala ko tuluyan ng nawala si marbin.... ang mga dalamhati ni benedict tagos sa puso ko habang binabasa ko...naku kuya ok lanh yun....para maiba naman ang kwento nila....pero grabe talaga ang sakit ng nararamdaman ni benedict na sa akalang patay na talaga si marbin... na ang dahilan ay sya ang ugat at handa naman si marbin mag alay ng buhay nya para kay benedict katumbas ay ang kaligtasan ng mahal na kaibigan..ang hirap mag hanap ng kaibigan tulad ni marbin....
ReplyDeleteramy from qatar
Kuya mike!! Ikaw na! Haha! Napatawa talaga ako sa ending! Panaginip lang pala ang lahat!! Ang habang panaginip! Lol!
ReplyDeleteGaling mo talaga kuya mike!
Thanks.
--ANDY
Ang ganda ng story mo Mr. Mike... Tama ka mas masaya kung happy ending...
ReplyDeleteSa mga kwento kasi nagiging "escape from reality" ito ng mga taong dumaranas ng hirap at sakit ng loob.
Tinuturuan silang huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na mangarap...
Sabagay, may suggestion ako Mr. Mike, puede mo naman idugtong yung dapat na last part ng kwento na magigising si Benedict sa alarm clock...
"Malungkot siyang bumangon at mapagtanto na panaginip lang ang lahat...isang magandang panaginip lamang...."
Dito papasok siya sa unibersidad na may panibagong pag-asa dahil alam niya na may guardian angel siya...at patunay ang panaginip niya na patuloy parin siyang sinusubaybayan at pinasasaya ni Marbin...
Pero ang twist maliligaw uli si Benedict at maalala niya uli si Marbin at ang kalungkutan na kaakibat nito...Sa isang sulok ay tahimik siyang iiyak hanggang lumapit ang isang lalaki upang tanungin kung ayos lang siya...isang Janitor..."...Marbin?...."
BOOM! DEJAVU...hehe bahala na ang mga mambabasa na paganahin ang imahinasyon nila.
SALAMAT Mr. Mike
Ang ganda ng story mo Mr. Mike... Tama ka mas masaya kung happy ending...
ReplyDeleteSa mga kwento kasi nagiging "escape from reality" ito ng mga taong dumaranas ng hirap at sakit ng loob.
Tinuturuan silang huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na mangarap...
Sabagay, may suggestion ako Mr. Mike, puede mo naman idugtong yung dapat na last part ng kwento na magigising si Benedict sa alarm clock...
"Malungkot siyang bumangon at mapagtanto na panaginip lang ang lahat...isang magandang panaginip lamang...."
Dito papasok siya sa unibersidad na may panibagong pag-asa dahil alam niya na may guardian angel siya...at patunay ang panaginip niya na patuloy parin siyang sinusubaybayan at pinasasaya ni Marbin...
Pero ang twist maliligaw uli si Benedict at maalala niya uli si Marbin at ang kalungkutan na kaakibat nito...Sa isang sulok ay tahimik siyang iiyak hanggang lumapit ang isang lalaki upang tanungin kung ayos lang siya...isang Janitor..."...Marbin?...."
BOOM! DEJAVU...hehe bahala na ang mga mambabasa na paganahin ang imahinasyon nila.
SALAMAT Mr. Mike
wahahahha ok na ung buhay si marbin kuya mas masaya, na feel ko na d si marbin ung patay at malakas pakiramdam ko na buhay sya, kelangan think positive..ehheheheh salamat kuya at d mo sya pinatay, wag na ung "krinnnng panagip lng pla" mas masakit un hehehhe..
ReplyDeletethnks kuya sa short story ang ganda at bait ni marbin parang ung mhal ko ehheheeh.. sana may book 2 ito with a torrid scenes and model ehheheeh...eto nanaman ako request nanaman heheeh...Tnx again kuya JhayL
waaalaaaang kakupas-kupas! lalu pang tumitingkad ang galing m sa pgsulat kua! tsk! iyak-tuwa aq d2, galing! x3
ReplyDeletebelated happy valentines dn po :)
AYAWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW!
ReplyDeletei hate the original ending ..
kakawala na nga ng energy yung pagkamatay ni Marbin kuno ee .. tapos .. may twist pa sa dulong panaginip lang ang lahat .. :(
Thanks kuya Mike .. kakatuwa talaga tong short story .. astig --- kakakilig at kakaINSPIRE
Walang tigil sa pag-iyak..
ReplyDeletelagi mo na lang po ako pinaiiyak sa stories mo..
the best ka talaga kuya Mike..
Maraming Salamat Kuya :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletethat nice ending,...sana lagi gnun un story anu khit in real life sana,thanks kuya mike you choose the rigth one.
ReplyDeletethx galing talaga............
buti na lang ganun nga ang ending hahahaha!!!!! haist ngaun lang uli aq nakabasa ng ganun kaganda!!!!!!nice story!!!
ReplyDeletehehehe wag na ung may kringgggggg ok na ung buhay si marbin ehehehe miyong_24@yahoo.com
ReplyDeletewag na ung kringggggg hehehe ok na ung buhay c marbin .ang kulit ng storya . miyong_24@yahoo.com
ReplyDeleteoh my God. Sakit naman sa dibdib ung story hahaha. di ako nakaget-over na patay si marbin tas biglangb mabubuhay hahaha..
ReplyDeletehaist nakakabitin nman ung wakas...ganda ng kwento kapupulutan ng aral..
ReplyDeleteCaptivating!
ReplyDeletesobrang nakaka touc kuya mike,,,sana po tuloy tuloy na ang mga paglathala ninyo ng mga kwento...at kahit bawal d2 sa saudi nakakapasok pa rin xa..bsta tagalog n hnd na nila gaanu maintindihan...nakakawala ng pagod at nakakainspired po ang mga kwento nyo,,at nakakatulong xa saken para malibang lalo na sa kalagayan ko..kahit oras ng trabaho ko talagang pinaglalaanan ko ng oras.
ReplyDeleteSalamat sa iyo kuya mike.
GOD BLESS AND MORE POWER.
waahhh...may ganun twist panaginip lang pala ang orihinal na ending pagkatapos mo kami paiyakin....intensity seven grabe ang twist ng ending....naubos tuloy ang tissue box sa tabi ko....hehehe...kuya mike pansin ko lang bakit mahilig mo kami paiyakin?
ReplyDeletewhaaaa.... montik na akong maiyak dun :)) seriously... medyo mapapaiyak na ako nung part na sinabi na patay na si Marbin... then again, you made another wonderful twist to the ending and I would seriously cry if tinuloy nyo po yung original ending :))
ReplyDeletestill another wonderful story that depicts true friendship and true love.... :3 well done Sir Mike :D
super nice story... dami ko na nabasa...
ReplyDeleteCongrats author Mike, ang gaganda talaga ng mga stories mo, especially this one, yung bang pwede talagang mangyare sa tunay na buhay at tulad ng isang comments ng iyong follower na walang kabaklaan o kaek ekan...Good Job! GOD Bless you!
ReplyDeleteBen
Buti na lang at hindi inilagay para hindi i-salvage. HAHAHAHA
ReplyDeleteAng ganda nang ending Sir Mike, pero lagi mo n lng akong pinapaiyak, haha.. Wala ka talagang katulad sir Mike
ReplyDelete