By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
---------------------------------
[2]
Sa pagkagulat ko, pumalag ako at tumihaya ng puwesto. Akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit noong ibinuka ko ang aking mga mata, at sa gitna ng dilim, doon ko napagtanto na totoo pala ang lahat; hinalikan ako ni Marbin sa bibig!
Parang ayaw kong mainwalang nagawa iyon ni Marbin. Sa katulad niyang lalaking-lalaki ang porma at wala kang makikitang kakaiba sa kanyang kilos na maaaring mapagdudahan. Ngunit ako na rin ang sumagot sa tanong ng aking isip: marahil ay nagawa lang niya iyon dahil sa kalasingan, o marahil ay nanaginip lamang din siya.
Pinakiramdaman ko siya sa aking tabi. Hindi siya gumalaw. Nabigla rin sugoro siya sa aking ginawang pagkalas at sa naunsyaming halikan at nagising kung tulog man siya noong ginawa iyon.
Ngunit habang nasa ganoong ayos ako at hindi gumalaw, naglalaro sa aking isip ang ginawang iyon ni Marbin. At ewan… parang may kung anong kiliti akong nadarama.
Tumagilid ako, ang mukha ay sinadyang idinikit sa mukha niyang nakaharap sa akin. Sumagi pa ang ilong ko sa kanyang ilong, dinig na dinig ko ang bawat paglabas-masok ng hangin dito.
At wala pang isang minuto, sinakmal na ng mga labi niya ang aking mga labi.
Nagparaya ako. Naghalikan kaming parang mga hayop at gutom na gutoom sa pagkain. Nagyakapan… hanggang sa ang tanging ingay na naririnig sa silid na iyon ay ang mga ungol tanda ng sarap na pareho naming nilalasap.
Sa pagkakataong iyon, nangyari sa amin ni Marbin ang hindi inaashang mangyayari sa dalawang parehong lalaki…
Kinabukasan sa paggising ko, hindi ko na naabutan pa si Marbin. Maaga itong umalis. Binalik-balikan ko sa aking isip ang nangyari sa gabing iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko ay nawi-weirduhan ako; parang guilty bagamat may saya at sarap din akong naramdaman. Hinaplos ng aking isang kamay ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan at sa aking pagkalalaki. Naroon pa rin ang mga natutuyong magkahalong dagta naming dalawa. Sariwa pa ang amoy nito na dumikit sa aking kamay…
Sa buong araw ng Linggo, hindi nagpakita si Marbin. Hindi ko alam ang kanyang dahilan. At noong kinabukasan ay nagkita kami sa eskuwelahan, parang nag-iba ang kanyang kilos. Parang malungkot siya, matamlay, ayaw makipag-usap. May pangingimi akong naramdaman. Parang nahihiya akong kausapin siya…
Ngunit hindi rin ako nakatiis. Gabi pagkatapos ng klase, inantabayanan ko siya sa building kung saan siya naka-assign na maglinis.
Nabigla siya noong nakita akong nakaupo sa isang sementong bench sa gilid mismo ng kahabaan ng lilinisan niyang floor area. “Tol… pwede tayong mag-usap?” sambit ko.
“S-sige… pagkatapos kong mag mop…” ang casual niyang sagot, ni hindi man lang ngumiti.
Kaya naghintay ako. Habang nanatili akong nakaupo sa bench, pinagmasdan ko siya.
Kinuha niya ang mop, isinandal ito sa dingding. Pagkatapos, tinanggal niya ang kanyang pag-itaas na damit at isiniksik ang dulo nito sa likurang bulsa ng kanyang pantalon atsaka kinuha ang push-cart na naglalaman ng balde at sabon. Inilagay niya dito ang mop at itinulak na ang push cart patungo sa gripo sa dulo ng building.
Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Wala siyang imik at sa kanyang mga mata, makikita ang larawan ng isang taong pilit na bumangon, magsikap, makipaglaban, sa kabila ng hirap ng buhay.
Sa nakita ko sa kanya, naramdaman ko muli ang awa na sumundot-sundot sa aking puso. Napakabait niya, napakasipag, mapagkumbaba, sobrang maalalahanin na kaibigan. At kahit may kabigatan ang kanyang trabaho at sabayan pa ng kanyang pag-aaral, wala kang maririnig na reklamo tungkol sa hirap ng buhay galing sa kanyang bibig.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi manumbalik sa aking ala-ala ang kanyang sinabi noong tinanong ko kung bakit kursong edukasyon ang kanyang pinili samantalang hindi naman siya yayaman sa pagiging guro. Na sinagot naman niya ng, “Para sa akin kasi tol, ang halaga ng buhay ay hindi dahil sa kayamanan kundi sa kaligayahan at sa ang pagiging kuntento ng tao sa ano mang mayroon siya sa buhay. Hindi lahat ng tao ay kayamanan ang hangad upang lumigaya. At hindi lahat ng mayaman ay masaya at kuntento sa buhay. Kasi, ang kaligayahan ay nasa puso. Wala itong katumbas na halaga o kayamanan. Maganda nga ang ginawa ng Diyos eh. Sinadya niya ito upang maging patas ang pagkamit ng kaligayahan para sa lahat. Ke-mayaman, ke-mahirap, kaya itong kamtin. Ang susi lamang ay hanapin ang tunay na kahulugan nito; ang ibig sabihin ng pagiging masaya.
“Wow lalim!” ang reaksyon ko, sabay tawa. “Sabagay, tama ka d’yan” dugtong ko rin.
“Kung pera kasi ang basehan ng kaligayahan, walang katapusan ang luho ng tao. Hindi niya makakamit ang kaligayahan. Halimbawa, ang tao ay naghahangad ng isang magandang bahay. Kapag nagkaroon na, mangangarap na naman ng mas bago at mas mahal pa. Kapag may bago na naman, mangarap na naman siya na magkaroon ng mansion, ng rest house kung san-saan… Ganoon din sa sasakyan. Kapag nakabili na ng pinangarap, magsawa din ito at bibili uli ng panibago at mas bagong modelo, mas high tech. Tapos, hindi pa makuntento sa kotse o SUV, yate o barko naman ang bibilhin. Walang katapusan…”
“Maaari ngang hindi sila kuntento. Ngunit kung hindi man sila maligaya, at least may pera sila.” Ang pagsalungat ko.
“Kung ganoon, wala ring silbi ang pera nila kung hindi sila maligaya. Di ba?” sagot din niya.
“Eh paano naman ang mahirap. Hindi na nga sila maligaya, wala pang pera.”
Natawa naman siya. “Tol… ang sinasabi ko dito ay ang pagiging kuntento. Wala iyan sa bilyon-bilyong pera o mga palasyo… nasa pagiging kuntento. Kahit barong-barong ang bahay mo basta masaya ka at kuntento, at marami kang natulungan at natuwa sila sa iyo, you have lived life to the fullest ika nga. Maging kuntento ka tol. At mamuhay ng marangal at nakakatulong sa kapwa… D’yan, siguradong sasaya ang buhay mo. At walang kasing sarap ng pakiramdam kapag masaya ka na nga, nakikita mo pang masaya rin ang ibang mga tao dahil sa iyo.”
“Syetness! Pakopya nga ng mga linya mo? Ang gagaling ah! Para kang si Bob Ong” sabi ko.
“Bob Ongas!” dugtong niya.
“Pero pera pa rin ako.”
“Di… ok lang. choice mo iyan sa buhay eh. Kung iyan ang makakapagbigay ng ligaya sa iyo, panindigan mo. Pero tandaan mo, kapag marami kang pera, hindi ka nakasisiguro kung sino sa mga nakapaligid sa iyo ay tunay na kaibigan, saka na kapag darating ka sa puntong nagigipit, dahil iiwanan ka ng mga peke at ang matitira ay ang iilang mga tunay. Pero kung isa kang mahirap, sigurado ka, hindi pera ang habol nila sa iyo…”
“Ka-pogian?” sabi ko sabay pose ng pa-cute.
“Kung kagaya mong pogi...”
“Taena! Dapat yata ay ikaw ang academic scholar eh at ako ang working student. Ang galing mo! Talo mo ako sa debate.”
“Prinsipyo naman kasi iyan tol eh. Paninidigan. Hindi mo naman kailangang pag-aralan iyan, hindi kailangang i-memorize.”
“E bakit nga ba gusto mong maging guro? Bakit hindi na lang pari, duktor, nurse, engineer, meteorologist, volcanologist, biologist, scientist, social worker, weather forecater, taxi driver, o di kaya ay embalmer… lahat naman iyan ay nakakatulong, di ba?”
Tawa siya ng tawa. “Narinig mo na ba ang kwento noong may mga namatay na engineer, duktor, police, abugado, businessmen at ininterview ang mga kaluluwa nila ni San Pedro bago papasukin sa langit?”
“Hindi… ano ba iyon?”
“Nasa bungad pa lang sila ng pintuan ng langit, nag-uunahn na sila sa pila. At nagyayabangan na. Syempre, iyong teacher, medyo nag-aalangan kasi nga hindi kagaya ng mga engineer o duktor na sikat na sikat sa mga tao dahil sa mga magagarang projects at nagawa, ang mga guro ay nasa klase lamang, nagtuturo, nag-aaral, nagsusulat. Simlpe lamang ang trabaho niya. Kaya nagpahuli siya sa pila, hindi rin kasi niya siguradong makapasok sa langit dahil marami rin siyang pinagalitan, sinsesermonan. Hinayaang na lang niyang ang ibang mga may magagaling na propesyon ang mauna. Noong nandoon na si San Pedro, ang engineer ang nauna at nagmamayabang a itong siya daw ang gumawa ng mg buildings, mga highways, mga tulay at magagandang palasyo at mga architectural feats. Tiningnan ni San Pedro ang kanyang kudigo at nakita nga niya ang mga ginawa noong engineer sabay sabing, pasok! Turo sa pintuan. Para bang gusto ni San Pedro na makapasok agad siya. Sumunod ang duktor, nagmayabang din. Marami daw siyang nagamot na may mga sakit. Tiningnan muli ni San Pedro ang record sabay sabi uli ng, pasok! Sumunod ang pulis, nagmamayabang din na marami siyang nahuling mga masasamang-loob, mga magnanakaw, rapist, terrorist… Sabi uli ni San Pedro, pasok! Noong ang guro na ang kaharap ni San Pedro. Tinanong siya kung ano ang kanyang nagawa sa buhay. Nanghingi ng dispensa ang guro gawa ng wala raw siyang nagawang kunkretong bagay. Tiningnan ni San Pedro ang record sabay sabing, ‘Ah… ikaw pala. O sige, dyan ka sa kabilang pintuan pumasok’. Nagulat ang guro at nagtanong kung bakit sa ibang pinto siya pinapasok. Hindi siya sinagot ni San Pedro, bagkus nagmamaktol ito. ‘Ang yayabang ng mga iyon…’ turo sa mga naunang propesyon. ‘Akala nila, di ko alam na kaya nila ginagawa ang kanilang trabaho ay dahil sa malalaking halaga na kanilang natanggap o na kulembat. Pera lang ang sinasamba nila sa mundo.’ At baling sa natulalang guro ‘At heto pa, nagmamayabang na magagaling sila! E, hindi naman sila magiging ganyan kagaling kung hindi mo sila tinuruan. Hindi nga nila pinansin ang mga magagandang asal na itinuro mo sa kanila. Haissstttt! Hindi pa rin talaga sila natuto.’ Napahinto siya ng sandali at inutusan na ang guro. ‘O sya, alam ko ang hirap na dinanas mo sa buhay sa pagtuturo mo sa mga makukulit at mayayabang na iyon. Kaya pasok ka na... Iyan ang pintuan ng langit’”
Tawa nang tawa ako sa kuwento niya. Syempre, may mensahe, may aral… “Ang galing naman! Parang gusto ko na ring lumipat ng kurso at maging guro ah!”
“E hindi ka na magkakapera niyan!” sambit niya.
“Hayaan mo na. Nakikita naman ni San Pedro”
Tawanan.
Nahinto ang aking pagmumuni-muni noong dumaan si Marbin sa harap ko, tulak-tulak ang floor mop. Para akong biglang nagising galing sa isang mahimbing na pagtulog. At ang bilis niyang magtrabaho. Mabilis na masinop. Pinagmasdan ko ang kanyang anyo. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang lungkot at pagka-seryoso. Sa kanyang hubad na pang-itaas na katawan ay bakas ang matitigas na mga muscle – sa braso, dibdib, likod. Sigurado, resulta ang mga ito sa kanyang pinagdaanang mabibigat na gawain at hirap na dinanas sa buhay. Hindi niya alintana ang malalaking butil ng pawis na bumabalisbis sa kanyang balat. Hindi niya alintana ang hirap. Tahimik siyang nagtatrabaho sa kabila ng alam niyang nandoon ako.
Nanibago ako sa inasta niyang iyon. Dati-rati, sa ganoong sitwasyon kung saan nagma-mop siya ng sahig ng school at nandoon akong nakatunganga, nakangiti ito, abot-tenga pa. Masaya, at bakas ang tuwa sa kanyang mukha. At nagagawa pa nitong magkuwento at magpatawa kahit nagtatrabaho.
Ngunit iba siya sa pagkakataong iyon. May mga katanungan ang aking isip habang nakita siyang ganoon. Una ay iyong matinding pagkaawa ko sa kanya, kung bakit ko naramdaman ang ganoon. Pangalawa ay ang nangyari sa amin sa gabing iyon, kung sinadya ba niya iyon o lasing lamang siya o nanaginip lang. Pangatlo ay ang ipinakita niyang lungkot na halos hindi na ako kibuin. Pang-apat ay kung dapat ko ba siyang pagagalitan sa ginawa niya. At ang pang-lima ay ang aking naramdamang kalituhan. Ewan ko rin. Parang simpleng bagay lang naman ang lahat ngunit bakit ba parang napakalaking problema ang mga ito sa akin…
“Tapos na ako Tol…” ang sambit ni Marbin. Nasa harap ko na pala siya at nakabihis na. “S-saan tayo mag-usap?”
“Ah… sa plaza na lang kaya tol?” ang sagot ko.
Dala-dala ang siopao na binili ko sa isang stall kasama ng softdrink na inilagay sa plastic na may straw, nagtungo kami sa bayview at naupo sa isang sementong bench na nakaharap sa dagat. Dahil gabi, malamig ang simoy ng hangin.
Habang kumakain kaming dalawa, ramdam ko naman ang namuong tensyion. Nakayuko kaming kumakain, mistulang walang gustong magsimula ng pagsasalita.
At marahil ay hindi siya nakatiis, siya na ang bumasag sa katahimikan. “S-sorry tol sa ginawa ko. L-lasing kasi ako noon…”
Hindi ako kumibo. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga at iginuri-guri ang kamay sa basiyong plastic na nilagyan ng softdrink.
“Ewan kung ano ang iniisip mo tungkol sa akin ngunit ewan ko rin… basta, sorry. Hindi ko na gagawin iyon.” Dugtong niya. At napansin ko na lang na ipinahid niya ang kanyang kamay sa kanyang pisngi. Tumulo na pala ang luha niya.
“Huwag kang mag-alala tol… hindi naman ako galit eh. At huwag kang mag-sorry dahil k-kagustuhan ko rin naman iyong nangyari. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nasasaktan ako tol kapag nakita kang malungkot.” Ang nasabi ko na lang. Ewan ko rin kung bakit ganoong linya ng pagsasalita ang lumabas sa aking bibig.
Hindi siya umimik.
“Alam mo… ikaw ang best friend ko, at kauna-unahang kaibigan na sobrang naging close ng ganito sa akin.” Sabay hawak ko sa kanyang kamay at pinisil iyon ng mahigpit. “A-ayokong nakikitang malungkot ka tol…” dugtong kong nanatiling nakayuko na tila ba nahihiya sa aking sinabi.
Hinayaan lang niyang hawakan ko siya. At maya-maya, naramdaman kong pinisil na rin niya ang aking kamay.
Ewan ko ba. Sa ginawa kong iyon ay parang magkasintahan tuloy ang dating nito sa akin. Saan ka ba nakakakita ng dalawang lalaking magkatabing nakaupo, dikit na dikit ang mga katawan, nagho-holding hands sa isang lugar na madilim-dilim na halos kami lang ang tao, kulang na lang ay magyakapan at maghalikan?
“S-salamat tol… Ikaw lang din naman ang best friend ko eh. S-sana ay hindi tayo magkahiwalay” sambit niya.
“Syempre naman. Bakit ba tayo maghiwalay? Ano man ang mangyari, hahanapin pa rin kita. At dito sa puso ko, wala nang iba pang papalit sa iyo, bilang best friend ko.”
“S-sorry talaga tol.”
“Sabi nang huwag nang magsorry eh… Pag nagsorry ka pa, kakagatin ko tong kamay mo eh!” biro ko.
Natawa naman siya na inosenteng napa, “Ay may ganoon! Sorry po, hindi na mauulit! Hehehe.”
Kaya doon, kinagat ko na talaga ang kamay niya. “Um! Sabi nang huwag magsorry eh!”
“Awtssss!” sigaw niya.
Tawanan.
Tahimik.
“Alam mo tol… may nagrecruit sa akin na sumali sa isang fraternity ba iyon?”
“A-ano???” ang tanong niya, bakas sa mukha ang pagkabigla.
“P-parang Swastika ba iyon?”
“Huwag kang sumali d’yan tol! Huwag!” ang matigas niyang sabi.
“B-bakit?”
“Bayolente ang grupo na iyan. Hindi iyan sila takot na pumatay. May kinalaman ang grupo na iyan sa pagtutulak ng droga. Banned nga iyan sila sa campus.”
“T-talaga?” ang sagot ko na lang.
“Makapangyarihan ang grupo na iyan. Parang isang mafia, sindikato. May mga politikong taga-suporta. Marami nang nasalvage dito sa lugar na ito at pinaghihinalaang sila ang may kagagawan. Kapag napag-initan ka nila, titirahin ka…”
“G-ganoon ba. Mabuti na lang at nasabi mo sa akin.”
“Oo… at malalaman mo kung may death threat ka galing sa kanila kasi… bibigyan ka nila ng pulang rosas na tinanggalan ng petals. Kung ang ibinigay na rosas nila ay wala nang natirang petals, patay ka… totodasin ka na talaga nila. Kung may petals pa, threat lang nila yan na ang ibig sabihn, huwag mong ituloy kung ano man ang gagawin mong matatapakan sila. Kung gagawin mo pa rin, may warning uli, at mas kauntin na lang ang petals. Hanggang sa bibigyan ka na ng panot na rosas. Dedbol ka na noon.”
“G-ganoon? Nakakatakot pala ang grupong iyan.”
“Kaya… kahit ano man ang mangyari, huwag kang sumali sa kanila. Pangako mo iyan sa akin, ok?”
“Pangako tol… At salamat sa paalaala.”
“Ibang topic na lang.” mungkahi niya.
“Anong gusto mong topic?”
“Ikaw?”
“Ako??? Ang gusto mong topic ay ako?”
Natawa siya. “Gagi! Conceited!”
Natawa na rin ako.
“At ano naman ang pag-uusapan nating tungkol sa iyo?”
“Ang pagka-guwapo ko, ang talino ko, ang mga nagkakaroon ng crush sa akin.” Dugtogn ko pang biro.
“Sabagay... guwapo ka naman talaga, at matalino.”
“Woi... emo ka.”
Tahimik.
“K-kumusta na ang panliligaw mo kay Emily?”
“W-wala pa… Hindi pa ako sinagot. Sabi niya pagkatapos na raw ng mid-term test. Sa susunod na buwan pa iyon. Dati sabi niya malapit na. Pero ewan bakit nagbago.”
“M-mahal mo ba talaga siya?”
Tumango lang ako at yumuko.
Parang may lungkot ang kanyang mukha sa aking sinabi. Sa akin naman, parang hindi ko rin maintindihan ang sarili kinikimkim. Parang hindi ko kayang bigkasin sa kanya na mahal ko nga si Emily. “Maligo na lang kaya tayo tol! Tingnan mo ang aplaya, ang lapad. Low tide kaya.” ang pagbasag ko sa seryosong usapan at pagturo ko rin sa aplaya sa ibaba ng sea-wall. Kapag ganoong low tide kasi, lumalantad ang puro buhanginang aplaya.
“Ang lamig kaya ah! At gabi na, madilim pa sa banda roon!”
“Natatakot ka ba?”
“Hindi naman…”
“E di tara na!” sabay tayo at nagtatakbong tinumbok ang hagdanan at bumaba na ako patungo sa aplaya. “Yiippeeeeeeeee!!!” sigaw ko na patuloy na nagtatakbo.
Sumunod din siya at tumakbo rin. At noong nasa harap na kami ng dagat, hinubad ko ang aking damit kasama na ang brief at inilatag lang iyon sa ibabaw ng mga bato. Naghubad din siya, pati brief niya ay hinubad na rin atsaka sabay kaming lumusong sa tubig.
“Huwwwwwaoooooohhhh!” Ang sigaw namin pareho noong nasa tubig na kami. Habulan sa paglangoy, harutan, tawanan… Sobrang saya.
Noong napagod na, humiga ako sa buhangin, nakatihaya. Humiga rin siya, nakatihaya rin sa tabi ko. Napakagaan ng aking pakiramdam. Pakiwari ko ay nasa isang paraiso kaming dalawa, walang pressure, at ang aming bubong ay ang langit sampu ng bilyon-bilyong bituing kumikinang.
“Sarap siguro kapag kasama mo ang iyong mahal sa ganito kagandang lugar at panahon. Walang ingay, walang mga tao, napakaaliwalas ng panahon, at ang dagat, sobrang payapa…”
Hindi siya umimik, nakikinig lang sa bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
“Di ba umibig ka na?” tanong ko.
“Hindi ko naman sinabing umibig na ako eh.” Ang mabilis din niyang pagsagot.
“Weee! Sinabi mo kaya. Iyong sabi mong malayo? Iyong tubig ng Gensan at langis ng Ilocos ba iyon? S-sino naman iyon?”
“Imaginary lang iyon ah. Hindi totoo iyon.”
“Whoaaa! Maniwala ako sa iyo. O sige kung i-imagine mo ring nandito siya, ano ang gagawin mo sa kanya?”
“Wala ah! Wala nga iyon… tubig at langis nga lang iyon.” Ang matigas niyang pag-deny.
“Ayaw mo ba siyang halikan?”
“Pwede.”
“Ayaw mo siyang yakapin?”
“Pwede”
“Ayaw mo ba siyang angkinin?”
“Pwede… Ikaw naman, anong gagawin mo sa kanya?”
“Sino?”
“Si Emily?”
“Wala. Itanong ko lang sa kanya kung mahal niya ako.”
“Iyon lang?”
“Mag-usap kami ng kung anu-anong bagay”
“Iyon lang?”
“Oo… iyon lang”
“Syetness! Kung ako si Emily, isa sa pag-uusapan natin ay ang hiwalayan.”
“Bakit naman…?”
“E… pagkakataon na eh! Naghintay lang akong may gagawin ka sa akin!”
Tawanan. Nilingon ko siya. Lumingong din siya sa akin. Kahit madilim ang paligid, naaninag ng aking mga mata ang kanyang postura. At ewan kung anong kabulastugan ang pumasok sa isip ko, parang nabighani ako sa kanyang mukha at sa kanyang pormang nakahubad, hunk na hunk ang katawan at nakangiting nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay may kakaibang kiliting gumapang sa aking katawan.
“T-tol…” ang pag-aalangan kong sabi, ang boses ay seryoso at halos pabulong na.
“Bakit?” tanong niya, ang boses ay seryoso at mahina din.
“I-iyong ginawa mo sa akin noong gabing iyon... dahil ba sa lasing ka, o dahil gusto mo talagang gawin iyon sa akin?” ang deretsahan kong tanong. Alam ko, masyadong sensitibo ang tanong na iyon. Ngunit sinadyang ipalabas ko talaga iyon. Gusto kong malaman ang totoo.
Hindi siya nakasagot agad. Parang napako lang ang tingin niya sa mukha ko.
“Huwag kang mahiya. Hindi ako magagalit.”
“I-iyong totoo?”
“Oo… iyong totoo.”
“E… l-lasing lang ako noong tol.”
Tila nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Malakas kasi ang kutob ko na matagal na niyang gustong gawin iyon sa akin. Bigla akong tumayo sabay sabing, “Ok… fine. I heard it.” At tinumbok ang mga damit ko, unang pinulot ko ang brief. Nagparamdam ng pagkadismaya.
Isuot ko na sana ang brief noong, “Ok… aaminin ko tol, matagal ko nang gustong gawin iyon sa iyo.”
Biglang nabitiwan ng aking mga kamay ang aking brief at napako na lang ako sa aking kinatatayuan, hindi nagawang sumagot sa sinabi niya.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko at sa ibabaw ng mga bato, yumuko at pinulot din ang damit niya sa ibabaw nito. “Ngayong alam mo na, happy ka na?” ang may halong pagmamaktol na sabi niya habang nakayuko, hindi makatingin-tingin sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Halos magkadikit ang aming mga katawan habang nakatayo kaming pareho. Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nagtitigan kami.
“A-ayaw mo ba akong yakapin? Ayaw mo ba akong halikan…? Ayaw mo ba akong angkinin?” sambit ko.
“P-puwede...” sagot niya. At naalimpungatan ko na lang ang unti-unting paglapit ng aming mga labi hanggang sa tuluyang naglapat ang mga ito...
At sa dalampasigang iyon, saksi ang mga bituin sa langit at ang mga alon sa dagat sa lihim naming pagsimsim sa sarap ng pagpapasasa.
(Itutuloy)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Syetness! Wat a lab story... Pero di pa tapos maY karugtong pa pala. Nice.
ReplyDeleteGreat chapter!
ReplyDeletetinamaan ako sa kwentong San Pedro nayun.. ang galing! may moral lesson ka pang makukuha..
nice naman nito...ang tweet tweet nila..baka may saksi..
ReplyDeletegaling kuya mike..
ReplyDeleteramdam ko ang pagmamahalan nila.
isa lang ang ibig sabihin nun na may pagtingin si marbin sa u...d naman batayan sa pag ibig ninunam kung ano ka...basta sa lahat ng bagay sa mundo ang pag ibig ang nag bibigay kulay sa buhay ng tao...kita naman sa kilos ni marbin na mahal ka nya... wala lang syang lakas ng loob na sabihin sa u...
ReplyDeleteramy from qatar
very impressive!!!!! kailan kaya ulit aq makakbasa ng mga inspirational stories? sana eto na ulit hehehehe!!!!!ipost n sna ang kasunod!!!
ReplyDeleteSana magkaroon na din ako...
ReplyDeletepaano ba malamn yung kadugsong.....ang ganda pa naman
ReplyDeleteSO NICE AMAN NG KWENTO. NADALA AKOSA SWEETNESS NILA AH. WAGAS! HE HE HE HE. TNX MIKE!
ReplyDeletetrue love is in the air..
ReplyDeleteso timely dahil malapit na araw ng mga puso.hehe.
kela pa kaya darating si marbin ko?lol.
galing..galing sir mike.
as always, you never failed to impress your readers [lalo na 'ko].
kudos!!
nxt chapter pls..
-sam
similar ung kwento nung teacher sa langit sa knwento ng dean namin nuon..un nginspire skn dti kaso..ah bsta! xD
ReplyDeletenkakadala tong kwento, parang gs2 q humanap ng best friend tuloy lol
please lang mike... wala dapat mapapahamak sa 2 tauhan. para kasing may masamang mangyayari sa isa sa kanila. :(
ReplyDeletesyetness i like the story..kelan ung sunod na chapter cant wait na eh..ang ganda ng story nakaka inlab, sobrang relate aq...
ReplyDeleteits so romantic,
ReplyDeleteits true mike juha is like no other,
kakakilig naman po.
thanks............