Followers

Wednesday, February 15, 2012

"Trip"

(A bromance version taken from one of the scenes of my straight story, “Secret Love”)

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:
Accidental kon nadelete ang post na ito at pati na rin ang mga comments. So sorry po... Grrrrrrrrr!!!!

---------------------------------------------------------

“Naranasan mo na bang makipag-sex sa kapwa lalaki?” ang tanong ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa University team, si Andrew, isang hapon na nagpahangin kami sa isang resto bar na nasa harap lamang ng dagat.

“What???” ang reaksyon ko sa kanyang tanong, muntik nang maisuka ang nainum na beer. “Tama ba ang narinig ko?”

“Tama tol… sex sa kapwa lalaki.”

“Tangina. At bakit ko naman gugustuhing makipagsex sa kapwa lalaki?”

“I-try mo lang tol… hindi mo malilimutan ang experience. Ibang klase.”

Napatitig ako sa kanya. Iyong titig na hinalukay ang kalaliman ng kanyang utak.

“What?”

“Are you gay?”

“Of course not bro… Kung gay ako, yayayain na kitang mag-sex. Hindi naman eh.”

“E bakit ka pumatol?”

“Bakit, kung naranasan ko bang magsugal at nagustuhan ko iyon, sugarol na ba ako? Kung naranasan ko bang mag-marijuana, adik na ba ako? It was just meant to be fun bro. Iyon bang feeling na alam mong may isang lugar na ayaw puntahan ng marami ngunit dahil gusto mong makita ito sa mismong sariling mga mata kung ano ang meron, pupuntahan mo ito.”

Hindi ako nakasagot agad. Tama nga naman siya. Karamihan ng mga tao ay sarado ang isip sa mga bagay-bagay kahit hindi pa nila nakita ang side sa bagay na hinuhusgahan nila.

“Atsaka bro… walang mawawala kapag nag-ieksperimento ka o mag-experience. On the contrary, mas lalawak pa ang pag-iisip mo. Mas maintindihan mo ang bagay-bagay. Kumbaga, trip lang.”

“Oo na… wala na akong sinabi. Pero bakit mo naman nagustuhan ang trip na iyan?”

“Kakaibang experience lang siya bro… at hinding-hindi mo malilimutan kapag natikman mo, promise.”

“Tangina! At sino naman ang naka-sex mo?” ang tangka kong paghuli sa kung sino man ang nakaniig niya.

Tumawa siya ng malakas. “Secret na iyan…”

“Kilala ko ano?”

“Hmmmmm--”

“That means yes.” Ang pag-cut ko sa sagot niya.

Tumawa uli siya. “Hindi siguro…”

“At paano naman nangyari na napunta kayo sa sex?”

“Pinsan iyon ng kababata kong kaibigan, galing probinsya. Binisita nila ako sa bahay. Nagkataong ako lang mag-isa at niyaya ko silang mag-inuman. At nanood na rin ng bold. Habang nasa ganoon kaming panonood, bigla namang nagring ang cp ng kaibigan ko. May emergency daw sa kanilang bahay. Inatake sa puso ang katulong nila at siya ang napag-utusang magmaneho ng sasakyan. Umuwi siya ngunit iniwan sa akin ang pinsan na nasa kasarapan ng pag-iinum. Nalasing na ako at siya rin noong nag-init ang katawan ko sa pinapanood naming bold. Naisipan kong magparaos. Nagpaalam naman ako sa kanya. Napangiti lang siya. Ngunit noong nilalaro ko na ang sarili ko, napansin kong tingin ng tingin siya sa ari ko. At ewan ko rin ba, marahil ay dala ng kalibugan, ang nasambit ko sa kanya ay ‘gusto mo?’ na ang ibig kong sabihin ay laruin niya iyon. At laking gulat ko noong lumapit ba naman at nilaro iyon sa kamay niya. Hanggang sa idiniin ko na ang kanyang mukha sa aking pagkalalaki at doon na nangyari ang hindi inaasahan…”

“Iyon lang?”

“Syempre, humantong kami sa mas masarap pa na parte.” Sabay tawa.

“Ikaw ang tinira sa puwet?”

Lalo pa siyang tumawa ng malakas. “Sikreto na namin iyon.”

“Ah… I’ll take that as a yes” biro ko.

“Tarantado!”

“Bitin naman e…”

“O di ba pati ikaw ay nalibugan rin?”

“Hahahaha!” tumawa lang ako. “Ibang topic na lang bro. Medyo nawi-weirduhan na ako sa iyo” ang nasambit ko na lang bagamat sa totoo lang, ramdam kong may nag-init sa aking katawan sa kanyang kuwento. At ang topic na iyon ang tumatak sa aking isip.

Isang araw nilagnat ako. Hindi ako sumali sa praktis ng team bagamat pumunta pa rin ako sa stadium upang manood sa praktis ng mga teammates. May pinaghandaan kasi kaming laro laban sa aming sister university. At dahil kami ang reigning champion, bigay-todo ang pagpaparaktis namin.

Nakaupo lang ako sa isang parte ng stadium sa upaun ng mga audience, malayo-layo sa mga nagpraktis na kasama upag hindi nila mapansin. May mga nanonood ring mga estudyante. Kahit naman kasi kailan kapag nagpapraktis kami, marami pa ring gustong manood; mga taga-hanga, taga-suporta, mga kaibigan, o mga babaeng may mga crush na players.

Tumayo ako sandali upang bumili ng pop-corn sa canteen. Noong naglalakad na akong pabalik sa upuan, bigla naman akong natisod. Natapon ang aking popcorn at softdrinks.

“Shittttttt!!!! Kung saan-saan kasi nakatingin eh! Tangina!” Ang narinig kong galit na boses ng isang lalaking estudyanteng nanood.

Noong nilingon ko ang kinauupuan niya, parang gusto kong tumawa. Nagkalat ang popcorn sa kanyang buhok, t-shirt at ang kanyang pantalon na kulay puti pa naman, ay nabasa sa softdrink na natapon. “Sorry bro! Sorry talaga…!” ang sambit ko, hindi malaman kung tulungan siyang linisin ang sarili o idampi ang tissue sa hita niya upang matanggal ang basa. “Heto tissue bro…” ang nasabi ko na lang sabay abot sa tissue na kasama sa aking biniling pop-corn.

Tinanggap naman niya ang aking tissue. At habang nilinis niya ang kanyang sarili, nakonsyensya naman ako at ang tanging nagawa ko na lang ay ang maupo sa kanyang tabi.

Tumayo siya. Hindi ko alam kung saan patungo. Ngunit nanatili na lamang ako sa upuang iyon, at itinuloy ang panonood sa mga kasamahang nagpractice habang nginunguya ang natirang pop-corn.

Bumalik naman ang estudyante. Sa CR lang yata nagpunta at naglinis. Nginititan ko siya. Sinimangutan naman niya ako.

Iyon lang. Wala na kaming imikan bagamat napansin kong tutok na tutok siya sa panonood sa mga nagpa-praktis. Iyon bang parang aliw na aliw sa laro.

At ang isa pang napansin ko; bagong mukha siya sa campus. Sa palagay ko ay isa siyang transferee. In fairness din, maganda ang porma ng mama. Bakat ang malalaking biceps sa sleeves ng kanyang t-shirt at halata ang matipuno niyang dibdib. Napahanga ako sa porma niya. Bagamat nasa 5’5 lang ang kanyang height, proportioned naman ang hubog.

Tuloy nanumbalik sa aking isip ang palaging nauudlot na planong magji-gym. Halos perpekto na sana kasi ang aking porma. May tangkad na 6 feet, at sa paglalaro ng basketball, ok naman ang katawan ko. May malalaking hita, ngunit kulang sa porma ang aking dibdib, abs, at biceps. At hindi nakukuha ang magandang porma ng mga ito sa paglalaro lamang ng basketball. Kailangan talaga ay mag-gym.

Gusto ko sanang tanungin siya kung paano niya napaganda ang katawan niya; kung saan siya nagji-gym, at kung anong mga exercises ang ginagawa niya, mga tips kumbaga sa pagpapaganda ng katawan. Ngunit dinaig ako ng hiya. Ikaw ba ang simangutan…

Ilang araw na lang iyon bago ang nakatakdang laro, medyo magaling na ang aking pakiramdam. Ngunit hindi pa rin muna ako nagpraktis. Ganoon pa rin ang ginawa ko, nanood sa mga kasamahang nagpraktis.

Nasa ganoon akong pagmamasid noong napalingon ako sa isang parte ng stadium. Nandoon na naman si pop-corn boy, seryosong nanood sa practice.

Para akong na-excite na nakita ko uli siya doon. Ang ginawa ko ay bumili uli ng pop-corn ngunit dinalawa ko at dalawang softdrinks na rin. At sinadya ko talagang dumaan sa harap niya at hinarangan siya sa kanyang panonood.

Noong napansin niya ang matagal akong pagharang, tiningnan niya ang aking mukha.

Nginitian ko siya sabay sabing, “Bro… di ko na talaga itatapon ito…” sabay abot sa kanya sa softdrink at sa isang balot ng popcorn. “Gusto kong bumawi.”

At marahil ay naalala ako, natawa na lang siya sabay tanggap sa inabot kong pagkain. “Salamat bro. Nag-abala ka pa talaga.” ang sambit niya.

“Erick!” ang sabi ko, nanatiling nakaangat ang kamay, pahiwatig na gusto kong makikipagkamay.

Inayos niya muna ang paglagay ng softdrink at pop-corn sa harap niya at tinaggap ang aking kamay. Nagkamay kami. “Edward!” sambit niya.

At iyon na ang simula ng aming pag-uusap. Napag-alaman kong kaya pala maganda ang katawan niya ay dahil gym instructor pala talaga siya. At hindi lang iyan ang kanyang pinakaabalahan; karate black belter din siya at paminsan-minsang nag-iinstructor din bagamat ang priority niya ay ang pagtuturo sa gym.

Parang sa isang iglap lang ay naging close din kami agad.

“Transferee ka dito, Edward, ano? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

“Oo… May bago kasing tayo na branch ang gym namin dito at ako ang na-assign na mag-manage. Kaya naisipan kong dito na rin lilipat ng pag-aaral.”

“Ah ganoon ba? Saan naman ang branch ninyo? Makapag work out nga doon.”

“Malapit lang dito sa university mismo. Walking distance lang. Marami na ngang mga estudyante ditong member sa club namin…”

“Wow. Isang beses pupunta ako doon. Gusto kong magpaganda na rin ng katawan.”

“You’re welcome. Ako mismo ang mag-assist sa iyo doon.”

“Ah good! Siguro naman, matuloy na ang pinangarap kong ganyang klaseng katawan” turo ko pa sa katawan niya.”

“That’s good. Sa kagaya mong matangkad, mas ma-enhance pa ang pang-akit mo kapag proportioned at may porma ang katawan mo.” Tiningnan niya ang aking biceps at sabay tampal sa aking dibdib, “Gagawin natin iyan!”

Ngumiti lang ako. “Mukhang mahilig ka ata sa basketball?” ang paglihis ko sa usapan.

“Oo. At hindi lang mahilig. Narehabilitate na ako sa sobrang pagka-adik. Pero heto pa rin, hindi maaawat, lalong lumala pa ata…” Sabay bitiw na malakas na tawa. At baling sa akin, “Ikaw hindi ka ba naglalaro ng basketball? Ang tangkad mo kasi.”

“Ah… naglalaro rin naman. Pero hindi kasing galing ng mga iyan”, sabay turo ko sa mga teammates na naglalaro. Pa-humble effect ba.

“Ako… kung ganyan lang sana ako kagaling, siguro happy na ako. At lalo pa kung ganyang kasing tangkad mo ako!”

“Praktis lang iyan bro…”

“Oo.. pero kulang sa height eh.”

“Wala sa height iyan. Kapag maliksi ka, mataas tumalon, kaya mo iyan. Andami naman d’yang di katangkaran ngunit magaling maglaro…”

“Sabagay. Pero kahit love ko ang basketball, hindi rin yata ako love ng laro na iyan. Hanggang sa paghanga na lang ako. How I wish na sana ay maging bahagi man lang ako sa isang laro. Kahit taga-buhat ng mga tuwalya ng players lang, o waterboy… Pero lalo na kung ako pa talaga ang maglalaro, o kahit magbigay ng ceremonial toss man lang.” Sabay tawa.

“Mukhang matindi na ang pagkadesperado mo sa basketball bro…”

“Oo. Kahit nga kapag nakakakita ako ng mga players na sobrang magaling maglaro, pakiramdam ko nababakla ako eh. Kung pwede nga lang manligaw ng basketball player, siguro ginawa ko na ito sa sobrang pagkadesperado ko.”

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Sumagi kasi sa isip ko ang sinabi sa akin ng kaibigang si Andrew tungkol sa karanasan niya sa kapwa lalaki. Parang may kaunting excitement din akong nadama. At naisip ko na lang na sakyan ko si Edward sa kanyang pagka-desperado. Para kasing nae-excite akong lokohin siya. “E kung nagkataong basketball player pala ako, at magaling, e di puwede akong magpaligaw sa iyo?”

Na bigla namang ikinaaliw ni Edward. Tumawa pa ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay sambit ng, “Why not? May hitsura ka naman bro…”

Napangiti naman ako at napatitig na rin sa kanya. Tisoy din kasi ang kumag. May dimples, singkit ang mga mata, pantay ang mga ngipin. Kung nagkataong babae lang din siya, sigurado, niligawan ko na ito.

Nahinto siya sa pagtatawa noong napansing nakatitig na pala ako sa kanya. “B-bakit?”

“Seryoso ako na magpaligaw sa iyo.”

“Hindi lang pala ako ang may tama, pati ikaw rin!” sabay bitiw ng nakakalokong tawa. “O e di, gawin nating seryosohan.” Ang sagot niyang tila ba inisip na nagbibiro lang ako at malayo iyon sa katotohanan.

“Seryoso nga ako…” giit ko pa.

“O e di, seryosohin nga natin. No problem. Pero dapat ay maging basketball player ka muna bro…?” ang pag-emphasize niya sa salitang “bro” na para bang ipinaalalang lalaki ako, hindi babae na liligawan niya kung sakali ngang magiging basketball player ako.

“Ah… iyon nga lang. Hindi ako basketball player. Pero magpraktis ako simula bukas.” Ang biro ko.

“Pwes kung seryoso ka nga na makatikim sa panliligaw ko, dalian mo. At gusto ko, kasali ka sa university team.” Ang sagot niyang hindi pa rin sineryoso ang sinabi ko. Marahil ay iniisip niya talaga na imposible nang makahabol ako sa team kasi kumpleto na ang line up at malapit na ang laro.

“E paano naman kung makahabol ako?” ang dugtong ko.

“E di liligawan kita. At agad-agad!” pag-emphasize niya sa salitang “agad-agad”

Tawa ako nang tawa. Para bang kinilig. “Paano ka ba manligaw?” sagot ko. At sinakyan ko talaga siya.

“Ano ba ang gusto mo? Bulaklak? Tsokolate? Harana? Marunong akong kumanta…”

“Wow! All of the above na!” hindi pa rin ako maaawat sa katatawa.

Kinabukasan, pinuntahan ko ang gym club na sinabi niya. At totoo nga, isa siyang gym instructor at bagong bago ang kanilang mga equipment. Maganda, malinis, malawak, at maganda ang ambiance. May sounds at malaking TV monitor pa.

“Hey! Buti napadayo ka dito bro!” Si Edward noong nakita niya akong pumasok. Naka-outfit na pang gym, bakat na bakat ang ganda ng hugis ng katawan. Pakiramdam ko ay nabighani na talaga ako sa kanyang taglay na kapogian, dagdagan pa sa hayop niyang porma. Di ko tuloy maiwasang maglaro sa aking isip ang sinabi ni Andrew na “trip”, ang tungkol sa pakikipag sex sa kapwa lalaki.

Para akong kinikiliti nang kung anong hindi ko maintindihan. Para bang may nag-udyok sa akin na pagtripan si Edward at ituloy lang ang panunukso ko sa kanya. At kung bibigay man siya, bahala na si batman…

“Woi!” ang sigaw niya noong para akong natulala noong nakita siya sa ganoong ayos. “Hindi ka makapaniwalang dito talaga ako nag work ano?” tanong niya.

“Oo nga! At ang ganda ng gym nyo bro… nakakaengganyong magpa-member!”

“E di magpamember ka na?”

“Puwede ba trial muna?”

“O siya… mabuti’t kaunti lang ang tao, makakapag-assist ako sa iyo nang todo. May baon ka bang damit or pang workout na outfit?”

“Meron, Heto sa bag ko….”

Nagbihis nga ako, at nag-assist siya sa akin sa pagbubuhat. At sa pagtrato niyang iyon sa akin, mas lalo pa akong na-engganyo na ituloy ang balak na tuksuhin siya. Lalo tuloy akong na-excite sa kabaitan niya.

Araw bago ang laro nakatakdang tournament namin, tinanong ko si Edward kung manood sya sa laro. Gusto ko kasing makasigurong nandoon talaga siya. At “syempre” naman ang sagot niya. “Practice nga lang ng team nanonood ako, iyong totoong laban pa kaya ang palalampasin ko?” dagdag pa niya.

Araw ng laro, kasama ko pa si Edward sa loob ng auditorium. Nagpaalam ako sa coach ko at nag-alibi na samahan ko muna ang pinsan ko sa audience sandali. Pumayag naman ang coach ko.

Tabi kaming umupo ni Edward, at sa mismong lugar kung saan ko siya natapunan ng pop-corn. Syempre, kumain na naman kami nito na naging paborito na rin niya. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang hindi pa nagsimula ang laro. Binalik-balikan namin ang unang pagkakataong natapilok ako at sa kanya natapon ang mga popcorn at softdrink ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa pagkakataong iyon. Para bang excited na naninibago. Mistula kasing magsing-irog kami sa porma naming iyon.

“Ang suplado mo noong una pa lang kitang nakita!” ang sabi ko.

“Paano hindi ako magsusuplado… pinaliguan ba naman ako ng pop-corn at softdrink!” sambit din niya.

“Sabagay… at alam mo bang gusto kong tumawa talaga noong nakita ko ang mga pop-corn na nagkalat sa buhok, damit, at may mga asin na dumikit pa sa mukha mo? Kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko.”

“Sinadya mo iyon, makilala mo lang ako” biro niya.

“Hahahaha!” tumawa lang ako.

Tahimik.

“Ano kaya kung bigla akong tawagin at palaruin sa team ng university natin no?” paglihis ko sa topic.

“Sige… mangarap ka lang bro. Libre naman ang mangarap.” sagot niya.

“Paano nga kung magkatotoo at ngayong-ngayon na sa larong ito?”

“May ganoon talaga? Ngayon na agad?”

“Hypothetical lang naman eh. Anong gagawin mo?”

“Maglulundag ako sa tuwa. Tapos magsisigaw ako ng ‘Erick! Erick!”

“Iyon lang ang kaya mo?”

“Ahm…” nag-isip siya. “Huhubarin ko ang t-shirt ko hanggang sa matapos ang laro!”

“Aw. Nice naman. Pero hindi mo ako liligawan?”

“Dito mismo?”

“Oo…”

“Pwede rin” sabay tawa ng malakas. “Hypothetical lang naman di ba?”

Tumango lang ako.

Naunang naglaro ang elementary level at sinundan ito ng high school. Noong natapos na ang high school, ang main event na, ang sa amin. “Erick, tayo na ang sunod!” text ni Coach sa akin.

“Bro, may pupuntahan lang ako ha? Urgent lang. At dito ka lang muna.” Ang seryoso kong pagpapalam kay Edward. Parang gusto pa niyang magtanong sana ngunit dahil nagmamadali ako, hindi na lang niya iyo itinuloy.

Nasa center court na ang lahat ng players ng kalaban naming team. Dahil kami ang home team, ang team namin ang huling tinawag. Sinimulan na ring tawagin isa-isa ang aming mga players. “Carl Fernando!” “Jeremy Jocson!” “Gerry Tayag!” “Alfredo Cuisia! Mel Gascon…!” ang sigaw ng announcer. Palakpakan ang audience sa bawat bigkas ng pangalan ng players.

Nakapila na ang lahat ng players namin sa center court noong base sa request ko at inaprobahan naman ng kumite para sa partisipasyon ng isang audience, umalingawngaw muli ang boses ng announcer. “And now, an audience participation to do the ceremonial toss, please welcome, a transferee to this university but very much into sports; a blackbelter in karate, and especially, a basketball fanatic. Please welcome Mr. Edward Piamonte!!!”

Sinilip ko sa monitor ng TV si Edward. Ipino-focus sa kanya ang camera. Bakas sa mukha niya ang sobrang kalituhan at napalingon-lingon pa na tila nagtatanong kung siya nga ba talaga ang tinawag. Ngunit napilitan din siyang magpunta ng court noong nakita niya sa screen na sa kanya naka-focus ang camera.

Nasa loob na ng court si Edward at hinawakan na ang bola sa gitna ng mga players na nakapuwesto na rin handa na noong umalingawngaw muli ang tinig ng announcer.

“And now, the pride of the home team... Ladies and gentlemen, fans, admirers, supporters... Please welcome, the most valuable player of the defending champion team, Mr. Erick Santiagoooooooooo!!!”

Dinig na dinig ko ang hiyawan, sipulan at palakpakan ng mga audience at fans. At noong nagtatakbo na akong palabas ng holding room kitang-kita ko sa mukha ni Edward ang matinding pagkagulat, ang isang kamay ay itinakip pa sa kanyang bibig, hindi makapaniwalang ang taong biniro-biro niyang ligawan ay tunay na basketball player pala talaga.

Habang nagmamadali akong nagtatakbo patungo sa court, minuwestrahan ko siya na hubarin ang t-shirt base sa sinabi niyang gagawin kapag nalamang basketball player ako. At upang mas maintindihan niya ang minuwestra ko, hinubad ko ang sariling pang-itaas na uniporme habang nagtatakbo.

Syempre, hiyawan ang mga tao at mga fans na nakitang nakahubad ako. Ngunit ako, halos maglupasay sa pagtatawa sa nakitang hinubad na rin ni Edward ang t-shirt niya. At mas lumakas pa ang sigawan at sipulan ng mga tao. Maganda kasi ang katawan ni Edward at guwapo pa kung kaya halos babagsak sa ingay ang auditorium sa nakitang nakahubad naming mga katawan.

Noong nakita ng ibang kalalakihan na naghubad si Edward, Nagsihubaran na rin ng t-shirt ang mga lalaking kasali sa gym niya, inisip siguro na pagpapakita iyon ng suporta para sa home team. At nagsihubaran na rin ng t-shirts ang maraming kalalakihang audience na sumusuporta sa home team. Ang saya...

Hindi makatingin-tingin sa akin si Edward noong nasa court na ako. Namula ang mukha at napailing-iling na lang ito na para bang sinasabi sa sariling, “Nadale ako!”

Hanggang sa isinuot ko muli ang aking uniporme bago ginawa ni Edward ang ceremonial toss. At nanatili siyang nakahubad, tinupad ang binitiwang salita na maghubad siya hanggang sa matapos ang laro.

Mahigpit ang laban at sobrang taas ng adrenalin ng mga tao sa punto na halos hindi umuusad ang lamang ng scores ng teams. Sobrang saya at ingay ng mga tao sa matinding excitement at thrill sa laban.

Ilang minuto na lang ang natira bago matapos ang laro noong napansin kong wala na si Edward sa kanyang kinauupuan. Medyo nagtaka ako. At parang may sumundot na lungkot sa aking puso, inisip nab aka nainis siya kung kaya hindi na hinitay pa ang resulta. Hanggang sa natapos ang laro na hindi ko na nakita pa si Edward. Habang tuwang-tuwa ang buong team sa resulta dahil napanatili namin ang aming title bilang champion at sa napakahigpit pa na laban, ang hinahanap naman ng aking mga mata ay si Edward.

Nagpahinga lamang ako ng sandali at noong nagsiuwian na ang team, naisipan kong umuwi na rin. Bitbit-bitbit ang aking knapsack, naka-jeans at t-shirt lang, naglakad ako patungo sa gym nina Edward, nagbakasakaling nandoon siya.

Noong nasa bungad na ako ng pintuan, laking pagkadismaya ko naman noong nkita ang nakapaskil, “Closed”.

Akmang aalis na sana ako noong bigla ring bumukas ng bahagya ang pinto may sumutsot.

Dali-dali kong sinilip ito. Ngunit simbilis din ng kidlat na hinablot ng isang kamay ang aking damit papasok at noong nakapasok na, bigla akong kinarite. Bumagsak akong nakadapa sa sahig, ipit na ipit ang aking katawan at hindi makakilos. “Ilagay ang blind fold!” utos ng boses na hindi ko kilala.

“Bitiwan ninyo ako! Tangina! Ano ba to??? Hindi kayo nakakatuwa!!!”

“Cool ka lang bosing. Niloko mo ang boss namin kung kaya matikman mo ngayon kung sino ang binangga mo!” sagot ng boses.

“Anong binangga ba ang pinagsasabi ninyo?!!!”

“Sabi nang huwag maingay kundi makatikim ka!” ang pagbanta pa ng boses uli, iyong kumarate sa akin.

Natahimik ako.

Habang inilagay ang blind-fold sa aking mata, may isang taong nagtali naman sa aking kamay na nasa likuran ko. May narinig din akong nag-lock ng pinto.

Magkahalong kaba at galit ang aking naramdaman. Iyon bang hindi mo alam kung ano ang kasalanang nagawa mo at bibiglain ka na lang. “Ano ba talaga ang kasalanan ko? Tanginaaaa!” sigaw ko uli.

Ngunit samapal ang naabot ko sa aking pagsigaw. “Sige, sumigaw ka pa at may gripo ka sa tagiliran!” pananakot naman ng isa. “Hipuin mo nga ito?” dugtong niya sabay dampi ng isang bagay sa aking kamay na nakatali na.

At nasalat ko ang blade at dulo ng isang patalim.

At tuluyan na akong natakot. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik at pabayaan sila sa kanilang gagawin. Hinid ko maiwasan ang sobrang kaba na aking naramdaman sa pagkakataong iyon.

Pinaupo nila ako sa isang upuan. Base sa ingay ng mga yapak nila, na-analisa kong nasa limang tao o mahigit pa ang naroon. Wala akong kalaban-laban lalo’t magaling sila sa self-defense.

“Alam mo ba ang kasalanan mo?” ang tanong ng kanilang lider.

Hindi ako sumagot. Hinid ko naman kasi alam ang aking kasalanan. At kung magsasalita man ako, baka sampal na naman ang aking aabutin. Nagtimpi na lang ako.

“Isang sindikato ang nakabangga mo. Pinahiya mo ang aming boss… si Boss Edward! Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil totodasin ka namin ngayon!”

Gusto ko nang magreact sa narinig. Wala naman kasi akong ginawang masama sa sinabing boss Edward nila, maliban sa isang biro. Ngunit bago pa ako nakapag-react, may sumigaw ng, “Shit! May pulis! May pulisss! Takbooooo!” at narinig ko ang mga yapak na nagtatakbuhan palabas ng gym, dinig ko pa ang pagkalampag ng pintuan.

Biglang natahimik.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga nakataling kamay. Doon ko rin napansin na maluwag pala ang pagkatali nila sa akin. Dali-dali kong tinanggal ang tali at noong natanggal na ito, isinunod ko ang aking blind-fold.

Laking gulat ko noong sa harap ko ay tumambad, ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain, at sa gitna nito ay ang isang kandila. At sa harap ng mesa na ito mismo ay nakaupo si Edward. Ibinaling ko ang mga mata sa paligid, may maraming mga bulakla at nakatayo ang mga kasama ni Edward sa gym.

“SHIIIIIITTTTT! Tanginaaa! Tinakot ninyo ako! Shittttttt!!!” ang sigaw ko.

Sabay namang nagtawanan silang lahat.

“Mga tol… maraming maraming salamat sa magandang palabas natin. Pwedeng iwanan na ninyo kami. Ako na ang bahala dito. Kaya ko na to. Matangkad lang siya pero hindi kakayanin ng basketbolista ang karate blackbelter.” Sambit ni Edward.

Nagtawanan naman ang mga kasama sabay kaway at nagsialisan na.

“Tangina! Muntik na akong mamatay sa takot! Shitttttt!” ang pagmumura ko pa rin.

Tawa pa rin ng tawa si Edward. “Kala mo ikaw lang marunong gumawa ng sorpresa ano?” at tumayo siya, binulatlat ang isang nakalukot na streamer na nakasabit sa dingding.

Noong lumantad na ito ng buo, binasa ko ang nakasulat, “Liligawan na kita, bro, at wala nang atrasan to… kung aatras ka, makakatikim ka sa akin ng karate.”

Napayuko na lang ako, hindi ko lubos maisalarawan ang nadarama. Pakiramdam ko ay nag-blush ako, nabanat ng husot ang balat sa pisngi... hindi makaimik, napailing-iling na lang habang nakangiti ng hilaw.

“Alam mo, lalo kang gumuwapo noong tingnan kita sa court kanina na nakahubad...” na sinundan pa niya ng, “Tangina. Hayop ka pala sa basketbol, kaka inlove! Syyeeettttt! Ngayon lang ako manligaw ng lalaki, at paninindigan ko na talaga to. At hindi pa kita pakakawalan, tarantado ka, kala mo hindi ko totohanin ito ha? Pare, pa-kiss!” birit niya.

Napangiti lang ako, hindi magawang magsalita. Ewan, hindi ko maintindihan ang sarili. Para akong matatae sa sobrang excitement ba o kilig o kaligayahan... Pakiramdam ko ay ako ang kandilang nakatirik sa gitna ng mesang iyon, unti-unting nalulusaw sa kanyang mga titig at papuri. “Tangina! Para akong kinilig! Ganito pala ang pakiramdam ng nililigawan!” sa sarili ko lang.

Noong kinuha niya ang bote ng wine at tinagayan ang aking wine glass, nagmamadali na akong uminum. Gusto ko nang magpakalasing upang tuluyang mag-init ang aking katawan. Naka-apat na shot din ako. Nag-init ang aking mukha.

“Kain muna tayo bro….” sabay subo naman niya sa akin.

Ibinuka ko ang aking bibig. At habang nginunguya ko ang kaning isinubo niya, hindi naman maalis sa aking mukha ang kanyang titig. Mistula akong tino-torture na hindi ko mawari.

Kaya noong sinubuan niya ako uli, hindi ko na nakayanan ang sarili. Sa pagbuka ng aking bibig, sabay ko ring hinawakan ang kanyang ulo, inilapit ito sa aking mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Sa aming mga bibig nagpalipat-lipat ang kaning isinubo niya hanggang sa natunaw ang mga ito at humalo sa mga laway na aming nalulunok.

At sa gabing iyon, kakaibang karanasan ang nalasap ko sa piling ni Edward. Sobrang saya; dalawang klaseng basketball ang aking nalaro, at naipanalo…

Hindi ko alam kung maituturing na kami nga ni Edward o na may relasyon kami. Sa sinabi niyang panliligaw, hindi naman niya kasi binanggit ang salitang “I love you”. At hindi ko rin siya sinagot ng “Oo”. Kusa na lang nagyari sa amin iyon.

Alam naman din kasi ni Edward ang gusto kong makasama sa buhay ay isang babae, at pangarap kong magkaroon ng isang pamilya at mga anak. At ang sabi rin niya, iyan din ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Kaya, kung gusto naming magparaos, ginagawa namin ito nang walang “string attached”.

Ngayon, patuloy pa rin kaming magkaibigan ni Edward. At kapag ginusto namin ay ginagawa pa rin namin ito. Kumbaga, para sa amin, ito lamang ay isang “Trip”.

Tama nga ang sinabi ni Andrew. Kapag naranasan mong makipag-sex sa kapwa lalaki, ibang karanasan ito, at ang dulot nito ay ibang klaseng sarap.

Wakas.

8 comments:

  1. Wow, taray. . .niligawan xa! Sa mga bi nala2man din b nyo kung bi ung guy?

    ReplyDelete
  2. nakz grabe parang kami lng

    ReplyDelete
  3. astig grabe itong short story na to pati ako nasa sa kwento

    ReplyDelete
  4. naranasan mo b 2 ? astig naman non ...john hir 25 m mnla ... 09173835909 ...

    ReplyDelete
  5. hahaha..grabe ung story!ang ganda!...gusto kong maranasan un!hahaha...

    -monty

    ReplyDelete
  6. hahahaha! nice nman po bosing kuya mike he, he...

    ReplyDelete
  7. Wow nman.. Nagustuhan ko.. E143

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails