Followers

Friday, February 10, 2012

Marbin... (A Short Story) [3]

[3]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Nandito na naman ako, sinabi nang short story lang, hindi pa rin ako naawat. Syetness talaga hehehe.

Anyway, enjoy reading lamang po at sana ay mag-comment na rin.

Salamat din sa mga followers, 20 na lang ang kulang natin at aabot na tayo sa 1,000. Yeheeeyyyy! Syempre, salamat din sa mga commenters na nagparating ng kung ano man ang nasa kanilang isip tungkol sa kuwento. Nababasa ko ang lahat ng mga iyon.

At lalo na sa mga followers na patuloy na sumusuporta sa akin, ke-maganda o ke-boring ng kuwento, nandiyan pa rin sila, nagparamdam. Salamat ng marami… Kayo ang nagbigay sa akin ng inspirasyon na magsulat pa rin kahit minsan ay nararamdaman ko na ang pagod.

Happy Valentine sa lahat! Wish you all, love, love love on Valentines Day, kahit ako ay wala… (Open ako para sa mag-aaply hehehe)

-Mikejuha-

-----------------------------------------------------



Ang dalampasigang iyon ang naging saksi ng aming patagong pagniniig ni Marbin. Kumabaga, iyon ang naging “love” nest namin, kung masasabi ko ngang love ang namagitan sa amin. Kasi, una, wala naman kaming opisyal na usapan o aminan na kami nga; na magkasintahan nga kami. Basta nangyayari lang ang bagay na iyon. Kapag ang isa sa amin ay nagyayaya sa aplaya, alam na… iyon na. Hindi maaaring walang mangyari sa amin sa lugar na iyon. Minsan, nagbabaon kami ng kung anu-anong makakain, o maiinum. Minsan din kapag walang pera, wala kaming dala kundi ang mga damit na suot-suot ng aming katawan. Pero masaya pa rin. Kaya lang, kapag nagpunta kami doon, dapat ay gabing-gabi na upang walang tao sa lugar, at dapat ay low tide upang sa bandang malayong parte ng dalampasigan kami pupuwesto kung saan hindi na naaabot ng liwanag galing sa mga lamp post ng plaza at nagagawa namin ang bagay na tanging kami lang ang nakakaalam.

Masayang-masaya ako sa set-up namin. Bagamat hindi ko alam o sigurado kung ano nga ba ang naramdaman ko para sa aking best friend, wala akong problema kasi siya, sa aking tingin ay ganoon din. Hindi kami, ngunit nandyan lang kami para sa isa’t-isa. At kapag taglibog, malaya naming nagagawa ang mga bagay na nakakapagpalabas ng init ng aming mga katawan. Parang ganoon lang ka-simple ang aming setup. Sweet kami dahil mag-bestfriend. May naramdaman ako dahil best friend ko siya. May ginagawa kami dahil… kapag magbestfriend nga naman, lahat ng kalokohan puwedeng gawin na walang pag-iinarte. Kahit nga ang pagiging malapit niya sa aking pamilya at mga magulang, lalo na sa aking ina, na ang tawag na sa kanya ay anak na rin, para sa akin, ito ay dahil best friend nga kami. Lahat ng dahilan kung bakit namin nagagawa ang mga bagay-bagay ay dahil best friend kami. Kahit nga sa mga kilos namin sa harap ng mga tao, hindi mo iisipin na may nangyayaring kabulastugan sa amin. Nagtatawanan, naghaharutan, nagbibiruan kagaya ng normal na magkaibigan, mag best friend. Sa mga kilos at galaw namin, walang mag-aakalang may kakaibang gawain kami, o may itinatagong katarantaduhan o milagro.

In short, saang anggulo man tingnan, wala kaming emotional attachment. I mean, sa side ng mga tao at sa side ko. Ewan ko lang ang sa side niya…

Isang beses na maulan-ulan, sabay kaming naglakad patungo sa eskuwelahan. Bago kami makarating sa gate, may parte sa kalsadang maputik. Habang nagmamadali kaming naglalakad, biglang dumaan ang isang rumaragasang dump truck at natalsikan ako ng putik. Asintadong natamaan ang aking puting polo shirt. At hindi lang basta-bastang burak. May buo-buong putik pa.

Noong nakita niya ako, “Tanginang driver na iyon…!” sabay dampot ng bato at babatuhin na sana ang dump truck.

“Hayaan mo na tol!” ang sambit ko, bagamat hindi ko rin alam ang aking gagawin gawa nang takot na baka ma-late ako sa klase, may long quiz pa naman kami. Ang ginawa ko na lang ay tinangka kong pahirin ang mga putik na dumikit sa aking polo gamit ang aking kamay at mga scratch na papel.

Ngunit nanatiling nakadikit pa rin ang dumi at lalo pang kumalat. Lalo tuloy akong na-rattle. Iyon bang nagmamadali ka dahil may hinahabol ngunit dahil sa isang hadlang, mukhang madiskaril pa yata ang target mo ng makarating ng nasa tamang oras o kung makarating man, ay mapagtawanan ka dahil sa anyo mong puno ng dumi ang damit.

Ngunit kalmante lang si Marbin. “Hubarin mo na lang iyan tol…” sabay hubad naman niya sa kanyang t-shirt.

“A-anong gagawin mo?”

Inabot niya sa akin ang nahubad niyang t-shirt. “Ito ang isuot mo”

“Ha? P-paano ikaw?”

“Ganito lang. Bakit… ganda naman ng katawan ko eh!”

Bigla tuloy akong napangiti. “Yabang!”

“Di ba sabi mo isang beses na maganda ang katawan ko? E, di panindigan ko na to! Tingnan na lang natin kung walang maglalaway sa akin!”

“Adiiiikkkk!”

“Tara na! Late ka na sa test mo! Baka ako pa ang masisi mo kapag hindi ka nag-top sa test mo.” Sabay kindat. “Akin na iyang polo mo, lalabhan ko sa ultulity room ng school mamaya. Tamang-tama, itutok ko lang ang electric fan d’yan, hindi pa tapos ang umaga tuyo na iyan.” Sambit niya.

Tumalima naman ako. At nagpatuloy na kami sa paglalakad; ako suot-suot ang t-shirt niya samantalang siya, nakahubad ang pag-itaas na katawan, ang aking polo ay nakalaylay sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Astig ang dating.

At habang naglalakad kami, panay naman ang kantyaw ko sa kanya, “Grabe! Parang bold star lang ng unibersidad!”

“Gusto mo hipuin mo pa ang abs ko?”

“Hahahaha! Todo na ang pagka-adikkkk!” ang malakas kong tawa.

At may nangangantyaw din sa kanyang mga kasamahan niyang working student, “Tol… ang macho, macho talaga! Pa-kiss naman d’yan!”

Tawa lang kami ng tawa. Walang paki, dedma lang sa mga kantyaw. Pati ang mga estudyanteng nakasalubong namin ay nagtaka kung bakit siya nakahubad. At lalo na ang mga babae, dahil nakakabighani naman talaga ang kanyang porma sa super mega-hayop na katawan, kitang-kita sa kanilang mga napapakong tingin ang paghanga sa porma ni Marbin.

Noong nasa gate guard na kami, sinita siya ng guwardya. “Boss… natalsikan ng putik itong aking damit e. Sa loob ng utility room na lang ako magbihis, may extra kasi akong damit doon.”

At dahil kilala naman siya ng guwardya, pinapasok din siya.

Touched ako. Syempre, siya ang savior ko. Ngunit hindi lang ako touched… may gumapang pa na kakaibang init sa nakitang nakahubad na pang-itaas niyang katawan, lalo noong tiningnan ko ang waistline niyang wala na ngang kataba-taba, nakausli pa ang puting garter ng kanyang brief. Parang nag-evaporate ang lahat ang aking na-memorized na pinag-aralan para sa test ko sa araw na iyon at ang aking nasambit na biro na lang ay, “Tol… sarap mag internet at mag-chat! Bigla kong namiss ang ka-chatmate ko! “Internet” kasi o kaya’y “chat” ang gamit naming salita pagtukoy sa ginagawa naming “sex” o kabulastugan sa aplaya. May salitang “inter” din kasi itong katulad ng (sexual) “inter”-course. At ang ibig namang sabihin namin ng “na-miss” ay “nalibugan” o “nag-iinit” ang katawan. At syempre, sino pa nga ba ang tinutukoy kong “chatmate”?

“’Facebook ba?” sagot niya na ang ibig sbihin din ay… alam niyo na siguro, may kinalaman sa mukha kung saan nandoon ang bibig...

“Laptop tol….” sambit ko rin na ang ibig kong ipahiwatig ay “lap” na kandungan, na puwede ring upuan at ang “top”, na ang ibig sabihin ay ari.

“Mas maganda ang desktop tol…” sagot uli niya na ang ibig ipahiwatig ay pormang mesa na may “top” na naka… alam niyo na siguro. (Ngunit kung hindi, ewan ko na lang sa inyo, hehehe. Ah… puwede palang doon sa mga nakakaalam at nakasakay sa mga salita namin ni Marbin, maaaring isulat sa comment box ang pagkaintindi ninyo upang matulungan naman ang mga walang kamuwang-muwang at virgin pang mga readers sa ibig sabihin ng aming mga “codes” ni Marbin, hehehe). “Maya tol… punta tayo sa ‘Internet Café’…” dugtong ni Marbin.

Iyan ang mga lengguwahe namin. Kami lang ang nakakaalam, kami lang ang nakakaintindi. Parang may sarili kaming bansa na tanging kami lamang ang mamamayan o mundo ba kung saan kami lamang ang namumuhay...

Ngunit may isang insedenteng hindi ko malilimutan kung saan bumilib talaga ako sa kabaitan ni Marbin. At ang ginawa niyang ito ay tumatak hindi lamang sa aking isip kundi pati na rin sa aking puso. At nasabi ko sa aking sarili na talagang isang tunay na kaibigan si Marbin at napaka-swerte ko na nagkaroon ng kaibigang kagaya niya.

Piyesta iyon sa karatig-baranggay kung saan may search for Mr. Body Beautiful. May premyong trip to Boracay, good for two para sa mananalo. At ang dagdag pa-premyo ay ang pagiging modelo nito sa isang na fashion designer.

Hinikayat ko si Marbin na sumali. “Sayang din iyan tol, pag nagkataon, makapunta ka na ng Boracay, at libre! At hindi lang iyan, magiging modelo ka pa! Imbes na magtutulak ka ng whip mop gabi-gabi sa mga hallways at silid ng unibersidad, rarampa ka na lang sa harap ng mga magtitiliang tao. At malaki pa ang kita mo, sisikat ka pa!” Ang sabi ko.

“Ayoko ah! Hindi naman ako ganyan ka-macho para magpakita ng katawan. At isa pa, hinid ko kayang humarap sa mga tao. Ok lang s akin ang maglinis, kahit buong unibersidad pa ang linisin ko, huwag lang ang humarap sa mga tao. Atsaka… hindi naman ako guwapo tol. Hindi kagaya mo.”

“Anong hindi ka guwapo? Ang lakas kaya ng appeal mo. Ang galing ng tindig mo, ang galing ng porma mo, ang galing mong maglakad, ang galing mong ngumiti... Titig mo pa nga lang eh, nakakalusaw na.”

“Tado!”

“Ayaw maniwala o!”

“Hindi naman talaga totoo eh.”

“Asowwwwsss! Pakipot pa to. Ako nga nababakla sa iyo eh.” Biro ko. “Kung naging babae ka nga lang sana liligawan na kita eh.”

“Talaga?” ang sagot niya, binitiwan ang nakakalokong ngiti.

“Talaga lang! Bakit ganyan ka kung makatignin?”

“Anong balak mo ngayon?”

“Wala! Tange. May klase tayong pareho!”

“Gusto mo, i-hug mo ako?”

“Hindi lang hug. Kahit laptop o desktop pa, basta nasa loob ng internet cafe tayo, nagcha-chat”

Tumawa lang siya. Alam ko ang nasa isip niya. Malaswa.

“O ano, sasali ka ba? Ikaw na lang. Susuportahan kita. Sige na tol.” Ang paggiit ko sa tanong.

“Hindi a! Finals kaya. Ayokong isugal ang aking pag-aaral sa wala namang kasiguruhang patimpalak. Kung matalo ako, doble talo kasi, hindi ko na nga nasungkit ang premyo, baka ibagsak pa ako ng mga professor ko. Mabuti kung tatanggapin nila ang paliwanag na gusto kong maging isang modelo. Di kaya ako pagtatawanan ng mga iyon, sasabihing wow, may ambisyong maging modelo ang ating janitor?”

“Sobra naman sila kung ganyan ang sagot nila. At hinid ka janitor, working student ka. Ibig sabihin, hindi ka tatagal sa pagiging ganyan. At bakit naman kung janitor, anong masama? Wala bang karapatan ang mga ito na mangarap?”

“HIndi naman sa ganyan. Ang ibig kong sabihin, hinid nila maimagine na ako, isang low-profile, mahiyain… sasali sa isang patimpalak na tanging mga sociable na tao lamang ang gustong sumali. Hindi ko gusto iyan, hindi ko kaya, at wala akong ambisyon maging ganyan. Higit sa lahat, ayokong sirain o problemahin ang nakatakdang schedule ko sa pagsusulit.”

“Sabagay, may tama ka…” ang sagot ko. “Pero para sa akin tol... qualified ka talaga. Kahit sa paglalakad mo pa lang, ang ganda mong tingnan, para kang isang modelo. Proportioned kasi ang katawan mo, at ang ganda mong magdala. Kahit nga mga luma ang sinusuot mo, o kahit tagpi-tagpi pa o butas-butas, kapag ikaw ang nagsuot, parang gusto ko na ring magsuot ng butas-butas o tagpi-tagping damit. Nagiging attractive kasing tingnan ang mga ito kapag ikaw ang nagsuot. Dagdagan pa sa sunugin ngunit makinis mong balat. Hanep...” Totoo naman kasi. Ang lakas ng appeal ni Marbin at kahit sabihing wala siyang ka-artehan sa katawan o mga nilalagay sa mukha o balat, makinis ito. At kahit ano ang isusuot, lutang na lutang pa rin ang pagkahayup ng appeal niya.

“Hindi pa nga ako nakaranas na sumali sa mga ganyan eh.”

“Oo nga... pero para sa akin tol, sayang din. Baka lang naman…”

“Ayoko talaga. Hayaan na lang natin sa kanila iyan. Hindi ko pa rin ipagpalit ang finals ko. Mabababa na nga mga grado ko, sisirain ko pa ito sa isang patimpalak na walang kasiguraduhan.” Napahinto siya ng sandali noong ma naisip. “I-ikaw na lang kaya ang sumali? Mas guwapo ka kaya. Andami ngang nagka-crush sa iyo dito sa campus. Para ka ngang freezer eh. Ngiti mo pa lang, nagyeyelo na ako.”

Napangiti naman ako. “Ang ganda naman ng pick-up line mo. Nakakakilig!” sambit ko.

Na sinagot naman niya ng, “Wala bang hug d’yan?”

“Gusto mo ng desktop?”

Pumutok ang isang malakas na halakhak. “Mamaya, mag-internet tayo, makatikim ka sa akin.” Ang pagbabanta niya. “Ano... sasali ka na?” paggiit niya rin sa tanong para sa akin.

“Ano ka? Academic scholar ako. Kapag bumagsak ako sa subjects, katapusan na ng pag-aaral ko. Walang pera kaya ang mga magulang ko.”

“E di, mag-working student ka na rin?”

“Pwede. Pero bakit ako mag-working student kung kaya ko namang maging academic scholar?”

“Sabagay…”

So iyon. Naka-set na talaga ang mga utak namin na hindi siya sasali, at lalo nang hindi rin ako.

Tatlong araw bago ang patimpalak, nagkasakit ang aking inay. Dinala namin siya sa ospital at doon napag-alaman sa ultra-sound at x-ray na may mga bato ang kanyang apdo at dapat itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon sa lalong madaling panahon.

Para namang mawalan na sa tamang pag-iisip ang aking itay sa paghahanap ng makukuhanan ng pera. Nasa tatlumpong libo raw ang gagastusin sa operasyon. Pati ako ay hindi makapag-concentrate sa aking nalalapit na finals dahil dito. Sinabi ko ito kay Marbin. At awang-awa siya sa kalagayan namin. Ngunit wala siyang maitutulong kasi, wala nga rin siyang pera.

Nakahanap naman ang aking itay ng mauutangan, subalit hanggang sampung libo lang, at sa isang pautangang 5-6. Napakalaki na nga ng tubo, kulang pa. Itinuloy pa rin naman ang opersyon. Ang problema lang namin ay kung saan maghanap ng pandagdag na bayaran sa ospital.

Araw ng finals, hinahanap ko si Marbin. Hindi ko siya mahagilap. Pati sa kanyang classroom ay wala siya. Tuliro ang aking isip sa araw na iyon. May test ako subalit maraming bumabagabag sa aking isip; kalagayan ng aking inay, awa sa aking itay, at si Marbin na hinid ko mahagilap.

Binilisan ko ang pagsagot sa pinakahuli kong pasulit sa araw na iyon. Noong natapos ko na ito, nagtatakbo kong tinungo ang lugar kung saan ginanap ang patimpalak. Kahit hindi ako naniwalang sasali si Marbin, nagbakasakali lang akong nandoon siya.

At hindi ako nagkamali. Timing na tinawag ang kahuli-hulihang contestant. “And now… the last but certainly not the least, the candidate we dubbed as the black horse… please welcome, Mr. Mabin Daria!!!” sigaw na emcee na halos sinabayan ng nakakabiging hiyawan at palakpakan na halos babagsak na ang buong stadium sa ingay ng audience.

At nakita ko na lang si Marbin na lumabas sa entablado, ang tanging saplot ay isang trunk na sa palagay ko ay libreng bigay na uniporme para sa mga kalahok. Kitang-kita ang ganda ng hugis ng kanyang katawan; ang matipunong dibdib, ang pormadong mga biceps, ang six-pack niyang abs, at ang mga malalaking hita.

Na-mesmerize ako sa tindi ng appeal niya! At bagamat huli na akong nakarating, pakiramdam ko ay siya ang paborito ng mga tao sa sobrang ingay ng hiyawan at palakpakan nila. At lalo na noong pinakawalan pa ni Marbin ang isang ngiting nambibitin, ang tingin ay tila nanunukso. Ang galing! Sobrang nakakabighani! Halos mapatid ang aking vocal chord sa kasisigaw ng “Tolll! Tollll!!!” habang hindi naman ako magkamayaw sa pagtatalon at pagpapalakpak.

At noong nilingon niya ang aknig kinaroroonan, tila lumulundag-lundag naman ang aking puso noong binitiwan niya ang isang mapanuksong kindat. Pakiramdam ko tuloy ay himatayin ako sa sobrang pagka-excite sa kanyang ginawa. At marahil dahil alam niyang nandoon ako, at aliw na aliw na nagchi-cheer sa kanya, parang lalo siyang ginanahan.

Ngunit doon ako naantig at lalong humanga sa best friend ko, noong tinawag na ang mga contestants para sa question and answer portion at ito ang isinagot niya sa tanong kung ano para sa kanya ang kahulugan ng buhay. “Makatulong sa kapwa sa kahit maliit na paraan. Ito ang susi ng tunay na kaligayahan. Walang kasing sarap ang maramdaman ng isang tao kapag nakatulong ka na nga, nakita mo pang masaya din sila dahil sa maliit na tulong mo.” Ang binitiwan niyang sagot. Malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga tao sa kanyang sagot. Narinig ko na iyon sa kanya at alam ko, iyan ang kanyang paninindigan sa buhay. Ngunit may karugtong pa pala ang kanyang sagot. “Ngayon, nasa isang critical na kalagayan ang ina ng aking matalik na kaibigan. Sumali ako sa patimpalak na ito hindi lang dahil nais kong manalo kundi upang ipakita rin sa kanya, sa pamilya niya na kaya kong gawin ang lahat upang makatulong. Kahit mag-aabsent pa ako sa finals, kahit manginginig pa ako sa kaba sa pagharap ng maraming tao dahil hindi ko kailan man pinangarap ito, kahit babagyo pa, lilindol, babaha… walang makakahadlang sa pagtulong ko para sa isang mahal na kaibigan. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang dahil minsan ay nawalan na rin ako. Kaya ayaw kong danasin din niya, at ng mga kapatid niya, ang sakit na naranasan ko sa buhay... kung manalo man ako dito, masaya na ako na sa aking munting paraan, ay natulungan ko siya. Ngunit kung matalo man, at least naipakita ko sa kanya na lahat ay tatahakin ko para sa kanya… Maraming salamat po!”

At nanalo nga si Marbin.

At dahil sa emosyonal niyang sagot sa patimpalak, mismong ang mayor na isa sa mga judges ang nag-offer na siyang gagastos sa pagpapa-opera sa aking inay.

At hindi lang iyan, may kontrata pa siya na magmo-model para sa isang fashion designer kung saan ang boutique ay nasa karatig na syudad.

“Tol… ang galing-galing mo sa pagrarampa, promise.” Ang sabi ko noong nag-usap kami sa likurang lawn ng ospital kung saan may mga kahoy at magkatabi kaming naupo.

“Ikaw kasi ang inspirasyon ko eh. Sobrang kaba ko sa una… natapilok pa ako noong rumarampa akong naka suit… Ngunit noong naka trunks na at nakita na kita, doon na ako nag-init, lumakas ang loob.” Para sa iyo naman kasi ang lahat ng iyon…” at naramdaman ko na lang ang kamay niya na humawak sa kamay ko.

Pinisil ko ang kamay niya. “S-salamat tol… hindi ka lang hero ko. Hero ka rin ng pamilya ko.”

Saka naman may biglang nagpatugtog. Sa Lawn kasi na iyon ay may mga speakers na nakakabit sa kahoy. Parang ginawang lugar iyon kung saan maaaring magpalipas ng oras, magmumuni-muni, lumanghap ng preskong hangin ang mga tao at pasyente. At ewan ko rin kung sinadya ba ang kantang iyon.

Natahimik kami at pinakinggan ang bawat kataga ng kanta.


videokeman mp3
One Friend – Dan Seals Song Lyrics


I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn’t fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn’t care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Instrumental Break.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.

At habang patuloy na tumugtong ang kanta, namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Hinayaan lang niya ako.

Noong natapos na ang kanta, pinahid ko na rin ang aking mga luha. Noon gnapansin niya ito, siya na ang nagpatuloy sa pagpahid gamit ang kanyang palad.

“P-aano iyan… may trip to Boracay ka na. Makakarating ka na rin sa Boracay. Buti ka pa…”

“Oo nga… At kasama ko pa ang pinaka-inspirasyon ko sa pagsali ng patimpalak na iyon.”

“Sino? Ang tanong ko”

Tinitigan lang niya ako. “Gusto mo… mag chat tayo?”

“Tado, sarado pa ang internet café!”

“Sabagay… pero sa Boracay, sigurado akong sa hotel nila, wifi na ang gamit. Kahit sa loob ng kuwarto, basta may laptop, may desktop… pwede tayong mag-internet.”

Sabay kaming nagtawanan.

(Itutuloy)

24 comments:

  1. Kuya MIKe!!!!!!!! Grabe! sobrang relate ko lang.. hahahahhaha! Tangna xa una pumasok sa utak ko sa pagkarinig ko ng kanta. XD

    GALING GALING NYO PO TALAGA!!!!!!!! KUDOS PO!!! SANA PATULOY KAYONG MAGSULAT NG MARAMI PANG KWENTO!!:))))))))))

    -->Mr. AnonyMOUSE.N

    ReplyDelete
  2. hanga ako sa dalwa kay marbin,at kay sa kanyang bestfwnd..love it....

    ReplyDelete
  3. Wow! This is the real BROMANCE. Walang halong kabaklaan. I love this "very short" story. More chapter on this short story.

    ReplyDelete
  4. waaahhahh kakaiba to kuya, gustong gusto ko ang kwento, nakakainlove, nakaka inspire at may mga natutunan ako...salamat kuya sa kwentong ito ang sarap ng pakiramdam..hayyyyy sarap ma inlove talaga lalo nat lapit na valentines day...

    sana kuya habaan mo pa ito, at sana walang trahedyang darating sa kanila, at sana kuya may mga torrid scenes din, at sana kuya may mukha(MODEL PICS) ang mga characters..heehehehe dami kong request... :)

    Advance happy valentines day kuya, AND MARAMING SALAMAT PO, JhayL

    ReplyDelete
  5. interesting...ang ganda ng pagkagawa..hay otor bati mo nman ako b-day ko bkas tnx....hehhehheheeheh r.alcalde

    ReplyDelete
  6. Nice one again. Basta gawang Mikejuha may aral na, kikiligin ka pa. Dont be insensitive, you should know by now that Marbin's feeling for you is more than friend.

    ReplyDelete
  7. tawa talaga ako dun sa inter-internet thing na yun. Haha!

    At nakakaantig yung sagot ni Marbin sa Q&A.

    Galing kuya mike!

    --ANDY

    ReplyDelete
  8. nkakatouched aman tlaga ung ginwa ni marvin para sa nanay ng kaibigan nya. ONE IN A MILLION ika nga. ADVANCE HAPPY VALENTINE SA LAHAT ! he he he

    ReplyDelete
  9. nice story mr. otor. pwede pong magpahinga kung napapagod pero bawal ang huminto sa pagsusulat. hehehehehe.


    ---januard

    ReplyDelete
  10. may babasahin na nman ako ..
    gusto kong taposin tong kwentong to .. :)

    ReplyDelete
  11. short story pala ha!!!hahahaha!!! peo mganda next wik ulit ha!!! happy valentines kuya!!!

    ReplyDelete
  12. im so touched and emotional sa mga sinabi ni marbin.... ang mga salita nya na galingb talaga sa puso na handang tumulong para sa kaibigan nya,,, mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa mundo....kaibigan na handang tumulong para sa kaibigan... wahhhhh ang swerte mo benidict at may marbin ka....kahit d pa ninyo sinasabi sa isat isat ang nararamdaman na mahal nyo ang bawat isa.... kita naman sa mga kilos nyo...actions speaks louder than words...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  13. Ang Galing!

    Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.

    Napahanga mo talaga ako Marbin. ( bibihira lang ang mga taong kagaya mo. )

    :)

    ReplyDelete
  14. anu po ung desktop? wlang sumgot eh lolz

    npakabuting tropa ni marbin, bsta para sa kaibgan knalimutan nia takot nia sa crowd, ung finals pa x.x kakabilia :)

    hapi valentines dn po kua :)

    ReplyDelete
  15. hahah kuya di ka talga nawalan ng mga bagong click terms haha ngayon laptop at desktop na naman..gud job kuya..kuya advance happy valentines.

    ReplyDelete
  16. nakakatouch ang kabaitan ni marbin, sna may bestfriend ako kagaya nya..

    galing kuya mike, nakakainspire ang mga kwento mo



    <07>

    ReplyDelete
  17. AYT ---
    ngayon ko lang nabasa tong short story ..
    kala ko kasi short story talaga ee .. hahah ..

    kakainspire naman nito .. minarathon ko simula chapter 1 to 3 ..
    anCOOL ng story .. mag-bestfriend ,, at kakaELIBS pa yung mga code code ..

    ahahah! kakatuwa .. astig ---

    Thanks kuya Mike ~

    ReplyDelete
  18. ang galing mo kuya mike............... wala nang tatalo pa.

    ReplyDelete
  19. Subrang nkarelate ako! As in kung my subra pa sa super un na un! Jejejeje. Hahai, i mis my best frnd 2l0y,. Subrang gnda n0ng st0ry,parang nkkta ko ctwasy0n namin ngay0n sa st0ry na 2.. Wlng opisyal na relasy0n pero malaya naming gnagwa ang mga bagay2x sa isat isa for alm0st 6 years. Jajajaja. ,ngreveal 2loy ako! Tnx idol mike.. Sna habaan mu pa ang 'sh0rt st0ry' na 2. Advance happy valentines to all..

    ReplyDelete
  20. .,kua mike iba ka talaga, tahahahahahahahahahahahahaha, hay ang sarap icpn na meon taung isang marbin sa buhay natin, na handa taung tanggapin ng buong buo ng walang pag aalinlangan, na handa taung mahalin ng tapat at 22o, salamat kuya kac pinakita mu kung ganu kaganda ang mundo namin, sana magkaroon din aku ng isang marbin sa buhay ku, la pa akung nagiging relationship khit isa eh.,:-D

    ReplyDelete
  21. wowwwwwwww as in napawow talaga ko,kakatouch kc un emotion ng mga scenario at gaya ng dati kakaiyak parin sb ko thanks at hindi nakakaiyak but i was wrong,
    this is what im saying a magic spell you cant imagine a tear drops on your eyes,
    at habang binabasa ko nagp play sa headset ko un song n WHEN THE LAST TEAR DROPS FALLS - by BLAQUE.
    lalo tuloy ako n carried away s story.
    thanks po kuya mike....

    ReplyDelete
  22. hmm... another great story from IDOL...

    nakakainspire... so touching.... sana may MARBIN din s aking tabi..

    :-)

    ReplyDelete
  23. Wala pang picture? Yung akin baka pwede.. Kaso baka magwelga mga mambabasa m kuya mike. Wag nalang Hehehe :D

    ang ganda tlga ng kwento, my aral kang makukuha. May ganito kaya sa totoong buhay?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails