By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
Author’s Note:
Pasensya na po sa matagal na update. Medyo busy lang po… Sana ay maintindihan.
Gusto ko ring ipaalam na ang MSOB Grand EB na unang planong gaganapin sa June 2, at mapo-postponed po sa December, 2012 bagamat ang book anthology ay tuloy pa rin po…
Salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa MSOB kahit na madalang na lang ang updates natin. Sana ay patuloy pa rin kayong sumubaybay sa mga kuwento dahil kayo po ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong nagsusulat pra sa MSOB sa kabila ng mga pansarili kong priorities at health.
Maraming salamat po.
-Mikejuha-
----------------------------------------------
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics
Ako si /xander. At ito ang kwento ko...
Ang mama pala ito ni Patrick. Kung titingnang maigi, nasa kalunos-lunos siyang kalagayan. Nakahiga siya sa kama ng isang private room, may oxygen tube na nakakabit sa kanyang ilong, may dextrose sa kanyang kamay, may tubo sa kanyang bibig.
Napatingin ako kay Patrick, “Akala ko ba ay… sinabi mong patay na ang mama mo?”
“Di ba? Tingnan mo? Buhay pa ba ang ganyang kalagayan? Na-stroke sya at ngayon, maraming complications na sumira sa kanyang mga internal organs. Hindi makatayo, hindi maigalaw ang katawan, hindi normal ang pagkain… pati ang pagsasalita ay halos hindi mo maintindihan. Buhay ba ang tawag mo d’yan? Siya na lang ang nag-iisang taong nagmahal sa akin tapos iyan ang nangyari sa kanya? Di ba para na rin siyang patay…?”
Mistula akong nabilaukan. Parang pinunit ang aking puso sa matinding pagkahabag sa kalagyan ng kanyang ina. Na-guilty ako. “I’m sorry.” Ang nasambit ko lang.
Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya. Dahil sa sama ng loob niya sa iyo kaya siya na-stroke…
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Parang sobrang hiya ang nadarama ko. Sobra-sobrang paghihirap pala ang nagawa ko sa buhay ng mag-ina.
“Ma… ma… may bisita ka.” Ang mahinang sambit ni Patrick sa ina. “Heto na po si Xander ma…”
Unti-unting bumuka ang mga mata ng ina ni Patrcik. Mistula akong isang tuod na nakatayo sa gilid ng kanyang kama habang tinitingnan siya.
“Di ba sinabi ko sa inyo na siya ang professor ko sa English? Mabait na siya sa akin, ma… hindi na niya ako itinataboy, hindi na niya ako sinasaktan. Nanghingi na po siya ng tawad sa akin. Nagsisi na po siya ma…” Ang sabi ni Patrick.
Tinitigan niya ako, ang kanyang mga mata ay mistulang may ibinabatong mga katanungan. Tinitigan ko rin siya, ang aking tingin ay may pagpakumbaba at pagsisisi. Hanggang sa nakita ko na lang ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
“Patawarin po ninyo ako…” ang mga katagang lumabas sa aking bibig.
Hindi siya sumagot bagamat nanatiling dumadaloy pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hinila ko ang isang upuan patungo sa gilid ng kanyang kama at naupo ako doon. “Ma’am, patawarin po ninyo ako. Sobrang laki po ng aking kasalanan. Hindi ko po alam kung paano ako makakabawi sa mga nagawa ko sa inyo at kay Patrick…”
Pinilit niyang ibuka ang kanyang bibig. Bakas sa kanyang mukha ang hirap ng pagsasalita, halos ang hininga niya ay mapapatid. “A-alaga-a-an mo si P-pa-pat-rick… S-sa i-iyo k-ko s-s-iya i-iha-hab-il-in…”
At hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha sa narinig na sinabi niya. Ramdam kong napatawad na niya ako at naintindihan ang gusto niyang mangyari: gabayan ko si Patrick upang kung ano man ang mga kasalanang nagawa ko sa bata ay mabayaran ko ito sa pamamagitan ng pag-alaga at pagtulong sa kanya.
“O-opo… O-opo… hindi ko po siya pababayaan. M-mahal ko po ang anak ninyo.” ang naisagot ko.
At nakita ko ang pilit ng ngiti sa kanyang mga labi.
Iyon na ang huling mga salitang nabigkas ng mama ni Patrick. Kinagabihan, pumanaw siya. Parang sinadya ng pagkakataon na makita ko siya sa araw na iyon. Parang ako na lang ang hinintay niya upang maayos na maihabilin niya si Patrick sa akin bago siya pumanaw.
Inuwi ang bangkay ng ina ni Patrick sa bahay at doon ginawa ang lamay. Doon ko nakilala ang mga kaibigan ng ina ni Patrick at ilang mga kamag-anak sa side ng kanyang ina at kanyang matagal nang yumaong ama.
Nakilala ko rin ang abogado ng pamilya nina Patrick. At dito kimumpirma niya na sa last will and testament ng mama ni Patrick, nakasaad ang kanyang pagnanais na ihahabilin sa akin si Patrick, upang ako ang gumabay, tumulong, kapalit ng mga kasalanang nagawa ko sa bata at sa kanya.
Sinabi ko sa abugado na payag ako. Pinapirma niya ako ng isang kasulatan kung saan nakasaad dito na payag akong maging guardian ni Patrick.
Pagakatapos ng ilang araw na burol, inilibing ang mama ni Patrick. Walang humpay ang pag-iiyak ni Patrick sa pagkawala ng kanyang ina. Ako naman ay hindi alam kung paano siya susuyuin; kung paano maibsan ang kanyang hinagpis, lalo na’t may kinalaman ako sa maagang pagpanaw ng kanyang ina.
Natapos ang libing. Kaming dalawa na lamang ni Patrick ang naiwan sa bahay. Tuliro pa rin ang utak niya; nakatunganga, palaging nakatingin sa kawalan, walang ganang makipag-usap.
Noong nakita ko siya sa terrace na nakatayo at ang mga kamay ay ipinatong sa bellester, nilapitan ko siya at kinausap. “Patrick… ano ang puwede kong gawin upang maibsan ang sakit na nadarama mo?”
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang katingin sa kawalan.
Tumabi ako sa kanya. Iniligkis ko ang aking kamay sa kanyang beywang. “Yakapain na lang kita…”
At doon, nakita kong tumulo ang kanyang mga luha habang humarap sa akin at ginantihan ang yakap ko. “Na-miss ko na ang mama ko…”
“Alam ko… Ngunit hayaan mo na. Let go… A-ang lahat naman ng tao ay hahantong sa ganyan. At least siya, nakapagpahinga na. Hindi ka ba natutuwa na hindi na siya naghirap ngayon kung saan man siya naroroon? At nandito naman ako, hindi kita iiwan.”
Nanatili lang siyang nakayakap sa akin. Hindi na sumagot, humahagulgol. Hinayaan ko na lang. Naintindihan ko ang kanyang kalagayan.
Kinabukasan, dumalaw ang abugado nina Patrick. May nakita daw itong isang papel na naka-insert sa ibang mga dukumentong ibinigay ng mama niya sa kanya. Ibinigay niya ito kay Patrick. Isang yellow pad paper na may sulat-kamay na mga mensahe.
Binasa ito ni Patrick na tumabi sa akin upang mabasa ko rin -
“Habang naghahanap ako ng kasagustan sa kakaibang nangyari sa aking anak kung saan naging obsessed siya sa isang taong ni minsan ay hindi niya naikilala at nakakasalamuha, I came across with people who gave me an input about soul transmigration, or reincarnationa and the possibility of my son’s remembering of his past life. It was for me a bizzare phenomenon, never in my wildest imagination would I even consider delving. But I was desperate for answers. And as I read and made a few researches about the subject, all the answers lead me to it. Mahirap paniwalaan. Kung noon ko pa sana nalaman ito, sana ay hindi ko na inilayo pa si Patrick at hindi ko na rin sana pinalitan ang kanyang identity. It was a fruitless effort… although somehow, my discovery gives me some inner sense of acceptance and understanding in the face of my difficult moments. Sa ganitong desperate na kalagayan kong naghintay na lamang ng kamatayan, may tuwa akong nadarama. Ang sagot na hinahanap para sa aking anak ay ang siya rin palang sagot sa mga katanungan ko tungkol sa buhay. Narealize kong ang kamatayan ay hindi katapusan ng lahat kundi isang bahagli lamang ito ng tinatawag na cycle o proseso upang makamit ng isang kaluluwa ang iba’t-ibang karanasan at pagsubok sa materyal at pisikal na buhay, upang kapag maipasa niya ang mga ito, libre na siyang tumahak sa tinatawag na estado ng ganap na kapayapaan o “heaven”. Base dito, wala akong karapatang gumawa ng masama sa kapwa, sa sarili, sa kalikasan, dahil ang lahat ng ito ay babalik din sa akin sa pamamagitan ng karma at ito ang magiging malaking balakid sa pagkamit ko sa hinahangad para sa sarili at sa kasalukuyang buhay. At para sa aking anak, wala rin akong karapatang hadlangan ang hangarin niyang hanapin ang taong naging bahagi ng kanyang nakaraang buhay. Sa buhay na ito at sa susunod pang mga buhay kung saan magtagpo ang aming landas, dapat ay nad’yan lamang ako upang magbigay ng tulong, ng gabay, ng pang-unawa, ng pagmamahal…”
Nagkatinginan kami ni Patrick. “A-alam niya… naintindihan niya” ang mahinang sambit niya. “Kaya pala sa iyo niya ako ihinabilin.”
“Sabi ko na sa iyo, tanggap ng mama mo ang kalagayan niya at maluwag sa puso niyang tinanggap ang kamatayan… Kaya huwag kang malungkot. Naniniwala ang mama mong muli kayong magsama sa sunod na buhay at siya ang magiging gabay mo.”
Niyakap ako ni Patrick. Sinuklian ko ang kanyang mga yakap. Sa pagkakataong iyon, lalo pang tumindi ang pagnanais kong tulungan siya.
Lumipas ang ilang mga araw at unti-unting nakarecover si Patrick sa sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang mama. Ngumingiti na siya, nakikipagbiruan. Nanumbalik na ang kanyang normal pakikisalamuha sa mga tao. At base sa habilin ng mama niya, doon na rin ako tumira sa kanilang bahay.
At dahil sa pagsasama namin sa iisang bubong, mistulang isang sakripisyo para sa akin ito. Hindi lang kasi addict sa sex si Patrick, isa rin siyang sadomasochist, o iyong taong nagkakaroon ng kasiyahan sa pakikipagtalik kapag nasasaktan siya o sinasaktan niya ang kanyang partner. Kaya nababalot ng latay at kagat ang aking katawan, pati na rin ang kanya. Pinilit kong tanggapin ito bilang bahagi ng kanyang pagkatao. Ngunit balak ko ring ipatingin ito sa isang psychiatrist, naghanap lang ako ng magandang tyempo. At habang hindi pa siya nalunasan sa kanyang kundisyon, tiniis ko muna ang lahat.
Sa panglabas, balik-saya na naman ang lahat. Ang samahan naming dalawa, ang klase, at buhay na buhay na naman ang aming interaction. At kagaya ng dati kong ginagawa kapag may isang grupo sa kalase na mas magaling o mas nakakasagot sa mahirap na tanong, itini-treat ko sila sa canteen, kasama syempre si Patrick na palaging nangunguna.
Tuwang-tuwa rin ang mga ka-klase at mga kaibigan niya na nakikihalubilo na si Patrick sa kanila. Syempre, lalo na ang mga nag-iidolo at nagkakaroon ng crush sa kanya.
Sa parte ko naman, tanggap ko na ang katotohanang si Jasmine ko ay isang lalaki na sa buhay na ito. At hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Siguro ay ganyan talaga kapag nagmahal ka. Kapag natutunan mong mahalin ang isang tao, kahit mag-anyong hayop pa siya, kahit maging hayop pa ang ugali niya, hindi mabubura ang pagmamahal mo sa kanya. Doon ko napagtanto na ang pag-ibig ay may mas malalim na pinag-ugatan; hindi lang ito nanggaling sa puso kundi sagad hanggang kaluluwa…
Isang araw naisipan kong dalhin si Patrick sa parola. Iyon kasi ang huling lugar kung saan habang hinintay ko si Jasmine ay nabangga ang kanyang school bus at hindi na nakarating.
Excited si Patrick. Kahit matagal na itong kinalimutan niya, may kakaibang dulot na saya at lungkot ito sa kanya. Ang lugar na ito kasi ang nagdulot ng isang malaking peklat sa kanyang buhay, errr… nakaraang buhay.
Habang naglakbay ang aming sasakyan patungo sa lugar, bigla na lamang siyang sumigaw noong nasa daang paakyat na kami na may warning sign na “curves ahead” at may bangin sa gilid. “Mag-ingat ka! Mag-ingat ka!!!”
Agad kong inihinto ang kotse sa isang tabi ng kalsada. “B-bakit?” ang gulantang kong tanong.
“Natatakot ako sa lugar na ito, Xander. Hindi ko alam…” sagot niya.
Inikot ko ang mga mata sa paligid. Naalala ko, sa lugar na iyon pala naaksidente ang sinakyan ni Jasmine at sa banging iyon nalaglag ang sinakyan nila. “Huwag kang matakot...” ang sabi ko sabay yakap sa kanya. Ang ibig lang sabihin nito ay nakarehistro pa sa isip niya ang lugar na iyon at ang nangyari sa kanya. “G-gusto mo, lumabas tayo sa sasakyan at tingnan natin ang bangin?”
“Kinakabahan ako…” sagot niya.
“Tara! Huwag kang matakot” sabay bukas ko sa pintuan ng kotse at nauna akong lumabas. Dahil nag-alangan siyang lumabas, umikot ako sa side niya at binuksan ang pinto ng kotse at hinila siya sa kamay, “Tara na…”
Nagpaubaya rin siya. Tinungo namin ang bangin kung saan nalaglag ang sasakyan. Pakiwari ko ay nanginginig siya sa sobrang kaba, lalo na noong nakita namin ang bahagi ng bus na kinain na ng kalawang at nakausli sa mga mahahabang damo na tila lumamon dito.
“Gusto mo, bumaba tayo? Tingnan natin…?” At tinumbok ko ang isang parte ng banging kung saan ginawan ng hagdanan upang madaanan ng tao. Noong pababa na ako, nilingon ko si Patrick, “Tara na!”
“P-parang ayoko!” sagot niya.
“Walang ganyanan.” At bumalik muli ako at inakbayan siya patungo sa hagdanan. Gusto ko kasing harapin niya ang mga pangyayaring iyon ng buhay niya, tanggapin ito, bigyan ng closure at makapag move-on sa kasalukuyang buhay niya.
Noong nasa baba na kami, pinagmasdan niya ang bus ng maigi na parang inisa-isa ang detalye ng pagka-posisyon nito sa kinababagsakan. Maya-maya, nag-iiyak na siya. “M-may naalala ako! May naalala ako!!!” sambit niya.
“A-ano?”
“Dito ako nakabulagta. Dinaganan ako nito…” turo niya sa isang yerong malaki na bahagi ng bus. At humahulgol na siya. Niyakap ko siya noong bigla din siyang kumalas. “K-kalahati ng katawan ko ang nakausli, nakadapa ako habang hawak-hawak ko sa kamay ko ang isang b-bracelet?” sambit niya na parang hindi sigurado sa bagay na kanyang hinawakan.
Noong nasambit niya iyon, dali-dali niyang hinawi ang mga mahahabang damo sa puwesto na kanyang itinuro hanggang sa tumambad ang isang malaking bato.
“N-nagawa ko pang igalaw ang aking mga kamay noon at dahan-dahang naghukay upang itago ang bracelet bago ako nawalan ng malay.
Dali-dali ko siyang tinulungan sa paghawi ng mga damo. Ni hindi ko na nagawang itanong kung ano ang kahalagahan ng bracelet na iyon na kahit nasa bignit na siya ng kamatayan ay ginawa pa niyang ubusin ang lakas niya upang maitago lamang ang bracelet…
Noong nalinis na ang paligid ng malaking batong nakausli, hinukay namin ang parte ng lupa kung saan niya itinurong nandoon ang bracelet.
Malambot lamang ang lupa kung kaya madali itong nahuhukay gamit lamang ang kamay. At maya-maya lang, umusli ang isang maliit na kahon na nagkulay lupa na rin pati na ang ribbon na nakapaikot dito.
Dali-dali niyang binuksan iyon, hindi magkandaugaga at nanginginig pa ang kanyang mga daliri habang tinanggal ang nakapaikot na ribbon dito.
Tumambad sa aking mga mata ang nasabing bracelet. Hinugot niya ito sa loob ng box at habang nakabitin sa kanyang kamay, pagmasdang maigi.
Walang nagbago sa ganda at kinang nito. Bagong-bagong tingnan at mistulang galing pa sa isang jewellry store. At noong nasigurado kong iyon iyong bracelet na gustong-gusto kong bilhin, nangilid ang mga luha sa aking mga mata, hindi makapaniwala sa nasaksihan at lalong humanga ako sa lalim ng pag-ibig ni Jasmine para sa akin.
Nanumbalik ang ala-ala ko tungkol sa bracelet. Araw ng Linggo iyon, habang napadayo kami ni Jasmine sa isang jewellery shop. Natuon ang aking paningin sa isang white gold bracelet na naka-display sa labas sa see-through glass wall ng shop. Kakaiba ang kanyang desenyo na parang may mga maliliit na mga diyamante sa gilid at maninipis na gold lining naman sa gilid na lalong nagpapatingkad sa kanyang atraksyon. Napakaganda ng pagkagawa. Parang isa itong obra kung sino man ang gumawa nito. Pinasok namin ang shop at atat na atat na bibihlhin ko sana ito.
“Jas… di ba maganda?” ang tanong ko kay Jasmine.
“Oo… sobrang ganda!” ang sambit niya na lumaki rin ang mga mata sa sobrang paghanga.
Tinanong namin ang sales lady kung magkaano. Ngunit laking pagkadismaya ko noong sinabi sa amin ng sales lady na hindi daw pala nila ito ibinibenta gawa nang nag-iisa na lang ito at mahal pa. Ngunit mapilit ako at kinausap ko pa talaga ang manager na ipinakisuyo kong ipatanong sa may-ari mismo ng shop kung maaaring ibenta nila ito kahit magkaano pa. Pumayag ang shop owner. Ngunit sobrang mahal ang halaga na para bang talagang ayaw nilang may makabili pa nito.
“Two hundred fifty thousand pesos??? Para sa isang white gold bracelet?” ang gulat kong tanong sa manager. “Para na akong bibili ng bahay niyan!”
“Take it or leave it.” Ang sagot naman sa akin. “Iyan ang sabi sa akin ng may-ari” dugtong niya.
Napailing-iling na lang ako. Ngunit sa loob-loob ko ay talagang bibilhin ko iyon. Pag-ipunan ko ng lang muna. Kung para nga naman sa iyong mahal, walang ni ano mang halagang makakahadlang sa pagbbigay mo ng isang mas mahalagang bagay sa kanya. Hindi naman para sa akin talaga ang bracelet na iyon; para kay Jasmine. Kahit panlalaki ito, iyon ang gusto kong ibigay sa kanya kasi gusto kong makikita palagi iyon sa kanyang braso. Sobrang ganda kasi nito, at nakakaengganyong tingnan. Kaya naisip ko, mas maganda ito kung mapasakamay sa mahal na mahal kong si Jasmine. “Pero saan ako kukuha ng pera?” ang tanong ko rin sa aking sarili.
Lumipas ang ilang buwan, hindi pa rin nakakalahati ang aking pera. Ilang araw kong pinag-isipan kung paano mabili iyon. Hanggang sa humantong ako sa isang desisyon. At dahil siguradong mabibili ko na ang bracelet na iyon sa aking binabalak gawin upang makamit ang ganoon kalaking pera, pinaparinggan ko na si Jasmine tungkol sa bracelet.
“Jas… alam mo, sa katapusan ng buwan siguradong mapasaakin na ang bracelet na iyan” ang sabi ko kay Jasmine isang araw na napadayo muli kami sa shop.
“Weeeeh! Adik ka! Paano mo mabili iyan? May 250k ka na ba?” ang biro sa akin ni Jasmine. Alam naman niya kasi na sa ganoong edad namin, allowance lamang ang tinatanggap ko mula sa aking magulang at hindi kalakihan ito, halos tamang-tama lang sa aking pang araw-araw na pangangailangan. At siguradong hindi nila ako bibigyan ng ganoon kalaking halaga, lalo na kung para lamang bilhin ang isang “bracelet”.
“Basta… may paraan ako.” Sagot ko dahil ayaw kong harangin niya ang aking plano.
Ngunit mapilit siya. “Paano nga???”
“Basta, para sa akin na lang iyon.”
“Ayoko! Ayoko! Gusto kong malaman. Baka mamaya mang-hostage ka, mang-hold up, magnakaw… ayoko niyan! Masama iyan!”
“Hindi ah! Malinis na paraan ito.”
“Pwes kung malinis na paraan iyan, sabihin mo sa akin! Ok?” na ang mga mata ay pinalaki pa talagang nakatingin sa akin.
“Eh, paano naman kung hindi ko sasabihin.”
“Sige… kalimutan mo na ako… Ayoko ng may itinatago sa akin.” Sabay talikod na parang nagtampo.
Napakamot na lang ako sa ulo, nagsisi kung bakit ko pa sinabi sa kanya. Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay. “S-sige na nga, nananakot naman to, o… Takot pa naman ako sa iyo”
“Hoy… Mr. Villaber! Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko lag ang aking gagawin kapag hindi mo sinabi sa akin ang gagawin mo upang mabili iyang bracelet na iyan!”
“O sya… sige, sige…” ang sagot ko na lang.
“Aberrr? Sige nga, sabihin mo kung saan ka kukuha ng pera?”
Tinitigan ko siya, hinaplos ang mukha. “Promise hindi ka magagalit?”
At lumambot naman ang boses niya sa tanog ko. “Promise.”
“Promise hindi mo ako pigilan?”
“Ahm…” natigilan siya, nag-isip marahil na baka may hindi kanais-nais akong gagawin dahil sa tanogn na iyon. Ngunit dahil nais na rin niya sigurong magsalita na ako, “Promise!” na rin ang naisagot niya.
“Ibebenta ko ang isa kong kidney.”
Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. “Baliw ka ba? Ibebenta mo ang isang kidney para lamang sa isang bracelet???”
Tango lang ang isinagot ko, nanatiling nakatitig pa rin sa kanya.
“Dyos ko naman Xander! Isang bracelet lang ang katapat ng iyong kidney? Ayoko niyan! Hindi ako papayag!” ang sagot niya.
“Nag-promise ka kaya sa akin na hindi mo ako pipigilan…” ang pagmamaktol ko naman. “Gusto ko kasi iyon Jas… pagbigyan mo naman ako please.” Ang sabi ko.
Para siyang nadismaya. Marahil ay naisip niyang napaka-selfish ko pala at hindi siya makapaniwalang handa kong ilaglag ang isang kidney ko para lamang sa isang luho. “M-mas mahalaga pa ba ang bracelet na iyan kaysa iyong kidney?” ang naitanogn na lang niya.
“Oo… Dahil mas mahalaga sa akin ang… ito.” ang naisagot ko. Gusto ko pa sanang sabihin na “…dahil mas mahalaga pa kaysa kidney ko ang taong pagbigyan ko sa bagay na ito.” Ngunit hinid ko na itinuloy pa. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.
Ngunit ang naisagot din niya sa akin ay, “Kung napakahalaga pala niyan sa buhay mo, ako na ang magbenta ng kidney ko upang mabili mo iyan…”
Na ikinabigla ko rin. “No-no-no-no-no!” ang malakas kong sambit. “Ayoko! Akin iyan, kaya ako ang dapat magbenta ng kidney ko.”
“Eh paano kung gusto ko?”
“Basta akin iyan kaya ako ang magbenta ng kidney ko, period.”
Hindi na siya kumibo. At sa isip ko, settled na iyon. Paghandaan ko na lang ang aking sarili at gagawin na ang proseso ng bentahan. Kukontakin ko ang isang ospital na nag-advertise nito at presto! Magpapa-set na agad ako ng schedule.
Ngunit hindi pa ako nakapag-set ng agreement para sa operasyon ng pagtanggal ng aking kidney, naglaho na ang bracelet sa kanyang display shelf. Sobrang lungkot ko noong nakitang wala na ito sa kanyang kinalalagyan. Tinanong ko ang saleslady kung bakit nawala na ito sa display nila.
“Miss! Bakit nawala na ang bracelet na iyon?! Ang tagal kong pinag-ipunan iyon at pagkatapos, ibinenta na lang niyo nasta-basta!” ang galit kong paninisi sa tindera.
“Bakit po? Hindi po naman kayo nagpareserve ah. At wala rin po kayong down payment” ang sagot niya sa akin.
“Putsa naman o…” ang pagmamaktol ko. “Sino naman ang nakabili?”
“Sorry po. Ipinagbilin po sa amin ng nakabili na huwag sabihin ang pangalan niya o kung sino siya...”
Ilang araw ko ring dinibdib ang pagkawala noon. Ngunit syempre, pilit na natanggap ko na rin ito dahil hindi ko naman din kasi nabili agad. Sinisi ko ang sarili dahil sa mabagal kong aksyon. Kaya wala na akong nagawa pa. Ang naisip ko na lang ay ang maghanap ng iba.
Ngunit wala akong nahanap pang kasing ganda noong nakita ako. Hanggang sa nalimutan ko na ang tungkol dito.
Noong narinig ko ang kuwento ng mama ni Patrick na ikinuwento daw ni Rovi sa kanya ang isang bracelet na siyang dahilan kung bakit bumalik si Jasmine sa school at naging sanhi ng kanyang pagkadamay sa aksidente, ang buong akala ko ay kung anong bracelet lang iyon. Kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin.
Naputol ang aking pagbalik-tanaw noong naalimpungatang tumulo na pala ang aking luha at nagsalita si Patrick, “Ang ganda ng bracelet na ito! Grabe! Kaya ko pala itinago ito dahil sa sobrang ganda nito!”
Tinitigan ko siya. Hinaplos ang mukha. “Oo… sobrang ganda. at sobrang napakahalaga din ng bracelet na iyan sa akin at lalo na sa iyo.”
“M-magkano kaya ang halaga nito?”
“Sapat upang ibenta mo ang iyong kidney… sapat upang ibigay mo ang iyong buhay. Dahil sa bracelet na iyan, ibinenta mo ang iyong kidey; dahil sa bracelet na iyan kung kaya ka nadamay sa aksidente at namatay.” ang nasambit ko na lang sabay yakap sa kanya.
“T-talaga? Ibinenta ko ang kidney ko para lang dito?”
“Oo… Ako sana ang bibili niyan, para sa iyo. Ngunit naunahan mo ako para lamang ibigay ito sa akin. Ngunit kung nagkataong nabili ko iyan, ibigay ko rin iyan sa iyon. Para sa iyo talaga iyan.”
At naramdaman ko na lang na dumampi ang mga labi ni Patrick sa mga labi ko.
Isinuot ni Patrick ang bracelet atsaka tinitingnan-tingnan ito sa kanyang pupulsuhan sa sobrang paghanga. Pagkatapos, umakyat na kaming muli sa gulod at dumeretso na sa parola.
Dinala ko siya sa tuktok kung saan naroon ang mismong ilaw. At sa may terasa noon, dinungaw namin ang dagat. “Alam mo bang noong magkasintahan pa kami ni Jasmine, itong lugar na ito ang paborito naming puntahan?”
“O-oo nga… may kakaibang naramdaman pa ako sa lugar na ito… May nararamdaman akong saya. Parang sobrang na-miss ko ang lugar na ito, parang ang tagal ko nang hinahanap-hanap ito…”
“Dahil dito nagsimulang umusbong ang ating pagmamahalan.”
At sa gitna ng mahihinang ingay ng pabugso-bugsong hangin at paghahampas ng mga alon sa balubatuhing pampang sa paanan ng parola, inangkin namin ang ganda ng kalikasan… inangkin din namin ng buo ang rumaragasang init ng aming mga katawang-lupa.
Tuluyan naming ipinalabas ang nag-uumapaw na init ng aming pagnanasa.
At muli, naging saksi ang parolang iyon sa wagas naming pagmamahalan.
(Itutuloy)
“Libre ang magrepost; huwag lang ang mang-angkin ng akdang pinaghirapan ng iba.”

how nice,
ReplyDeletewow kuya mike, thanks po ng marami at may update na kay Sir Xander..hehehe
ReplyDeletenamiss ko po itong kwento na to at lalo na ngayon kakilala ko na si sir xander and were best of frend na..heheheh
dahil sa mga story mo na to, i found a frend like "xander" hes nice and masaya sya kausap..tnx kuya mike..JhayL
maraming salamat po sa muling pag update ng kwento mo.. ang tagal ko na tong hinihintay na sana masundan na.. at eto nga po..
ReplyDeleteGreat Chapter! :)
sa wakas may new update din..... ang tagal din bago masundan ang chapter ng KMK,,,, isang wagas na pag ibig talaga para kay PATRICK aka jasmine.... sana gumaling na sa sakit si PATRICK.....
ReplyDeleteramy from qatar
Wow. Worth the wait. How I hope you update this story more often. Mukhang okay na sila. Sana matuloy na ang pagpapatingin ni patrick sa duktor para magamot ang pagiging s&m nito. Nevertheless, its a beautiful chapter.
ReplyDeletena-missed ko rin ang kwentong ito S'Mike...
ReplyDeletesulit ang paghihintay q, ganda ng chapter ^w^
ReplyDeleteNamiss ko ito! Kuya mike kinilig ako! Shet!
ReplyDeleteGrabe! White gold 250K! Never! Hahahahaha!
tnx kuya again sa kilig moments..tama po si xander sana ipatingin siya sa psychiatris..
ReplyDelete