Followers

Friday, March 2, 2012

TO ALL MY READERS

Hihingi po ako ng kaunting dispensa sa hindi muna pag-update sa latest kong kuwento, ang "Kahit Makailang Buhay" dahil sa ngayon po ay pinagkakaabalahan po akong isang nobela na pinapamagatan ko ng -


"Munting Lihim"


Ang target ko po nito ay 100,000+ words at kapag naabot ko na ang 25,000 words, ituloy ko muli ang KMB, on installment lamang po muna. Ngunit ang "Munting Lihim" ay hindi ko isapubliko hanggang sa matapos na ito.


Promise ko po sa inyo na itong "Munting Lihim" ay maging kung hindi man kasing ganda ng Idol Ko Si Sir, SUAACK, AKKCNB, TILY, at PNP, mas maganda pa ito, kapupulutan ng aral, kikiligin kayo, iiyak, magalit, mag-isip sa mga hamon ng buhay, sa pag-ibig, lalo na sa "naiibang pagmamahalan". Kaya ko po hindi muna ipost on installment basis ito dahil gusto kong plantsado ito at hindi kayo mabibitin kapag naisapubliko na.


Synopsis ng "Munting Lihim":


Si Alvin ay 7 taong gulang pa lamang noong maging close niya ang kinakapatid na si Andrei. Close din ang mga magulang nila kung kaya lalo pa nilang kilala ang isa't-isa. Kung kaya noong nasunugan ng bahay sina Andrei, sa bahay nina Alvin sila tumira. At sa pagtira ng pamilya nina Andrei sa bahay nina Alvin naging mas tumibay pa ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa. Marahil ito ay dahil pareho rin silang solong anak ng kanilang mga pamilya.


Normal lang naman ang kanilang pagiging mag-close friends, maliban sa sobrang pag-iidolo ng batang si Alvin sa kanyang kuya Andrei. Para sa kanya, ang kuya Andrei niya ay isang hero, best friend, kuya, tatay, tagapagtanggol, nag-iisang taong nand'yan para sa kanya... all in one. At wala rin namang duda na mahal ni Andrei ang kanyang kinakapatid na "bunso".


Kagaya ng mag-close friends may mga bagay silang nakasanayan, mga harutan, kantyawan, asaran, at... munting lihim.


Ngunit dumating ang isang desisyon sa pamilya ni Andrei na hanapin ang kanilang suwerte sa Maynila. Dahil sa isang bata pa si Alvin, hindi niya ito lubusang maintindihan kung bakit kailangang lumayo ang kuya niya sa kanya. Sa araw ng paglisan ni Andrei, gumuho ang mundo ni Alvin. Ngunit pinangakuhan siya ng kanyang kuya Andrei na babalikan, na magsulatan sila habang nasa malayo sa isa't isa, at na iingatan niya ang kanilang munting lihim. Binigyan din siya ng litrato ng kuya niya na may nakasulat na dedication, at iniwanan ang isang kanta para sa kanya, habang tinitingnan-tingnan ang kanilang litrato at mga ala-ala -



Ngunit nawalan sila ng contact sa isa't-isa. Nagdamdam ang batang si Alvin sa kanyang kuya. Ngunit dahil bata pa ito, madali rin niyang nalimutan ang lahat at natanggap na wala na ang kanyang kuya. Hanggang sa nagbinata siya at umabot sa edad na 15. Doon nanumbalik sa kanyang alaala ang "munting lihim" nila ng kuya niyang si Andrei na iningat-ingatan niya. At ito rin ang dahilan kung bakit nagulo ang isip niya at unti-unting napalitan ng galit ang pagmamahal niya sa kanyang kuya.


Isang araw, biglang dumating si Andrei na isa nang sundalo. At sa puntong ito ay tuluyan nang bumaligtad ang buhay ni Alvin.


Ano ang munting lihim na ito?


Abangan

16 comments:

  1. wow! aabangan ko ito sir mike. promise!

    ReplyDelete
  2. ipopost din po ba yan d2 kuya mike?

    ReplyDelete
  3. mukhang ka abang bang to kuya..excited much :) JhayL

    ReplyDelete
  4. Thanks Sir Mike ;-)))

    ReplyDelete
  5. at talagang aabangan namin yan kuya..promise..cross our heart..pa

    ReplyDelete
  6. Wow! Nakakaexcite naman yan Kuya Mike.. Panimula pa lang maganda na.. :-D

    sana mabilis mong matapos yan.. Hehehe!

    Sobrang nakakainspire mga story d2 sa blog mo at sa blogs din ng mga ibang author d2.. Sna makagawa din ako ng kwento ko.. Hehe..

    ReplyDelete
  7. mukhang marami naman akong iluluha nito... tyak na maganda ito.... ihanda ko naman ang mga tissue sa side ko....i cant wait to read ang bawat chapter...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  8. wowwwwww ngayon pa lang naeexcite n nalulungkot at nabibitin n ko s sypnosis ng kwento, tama mukhang matinding iyakan na naman ito, but whatever happens i know the story is good & entertaining, thanks kuya mike. aabangan ko po ito kakit gaano p katagal yon,take your time kuya mike i know you well.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yammmm!!! may iyakan din, may kilig, may nakakapangigigil hehehe..

      Delete
  9. excited na for the next story aabangan ko to :-)

    ReplyDelete
  10. excited na ako for this story
    aabangan ko itong story na ito :-)

    ReplyDelete
  11. synopsis palang .. ramdam ko na yung lungkot ..
    dalawang musmos na pinaghiwalay ng tadhana ..

    kung kelan pa nagkrus muli ang kanilang landas .. tsaka naman malalaman ni Alvin na sundalo na si Andrei ..
    may lihim kayang pagtingin si Alvin kay Andrei?

    aabangan namin yan kuya Mike .. sana maging kasing ganda o mas maganda pa sa 'Idol ko si Sir' na nagpaluha sakin ng BALDE-BALDE .. T_T ang bago mong kwento kuya .. :)

    Thanks kuya Mike ~

    ReplyDelete
    Replies
    1. si alvin = 7 yrs old, si Andrei naman ay 15. yan ang agwat nila. at bago sila nagkahiwalay, may "munting lihim" sila.

      Ito iyong nagpapatuliro sa isip ni Alvin kung bakit nagalit ang bata sa kanyang kuya later... nung nagbinata na ito. At noong bumalik muli si Andrei sa sa kanila... hayun na ang aksyon hehehe...

      Delete
  12. synopsis palang .. ramdam ko na yung lungkot ..
    dalawang musmos na pinaghiwalay ng tadhana ..

    kung kelan pa nagkrus muli ang kanilang landas .. tsaka naman malalaman ni Alvin na sundalo na si Andrei ..
    may lihim kayang pagtingin si Alvin kay Andrei?

    aabangan namin yan kuya Mike .. sana maging kasing ganda o mas maganda pa sa 'Idol ko si Sir' na nagpaluha sakin ng BALDE-BALDE .. T_T ang bago mong kwento kuya .. :)

    Thanks kuya Mike ~

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks coffee prince. cute naman nitong follower na to. Kaw ba yan sa pic? hehehe. Baka gusto mo gawin kitang model ng story na to, hehehe.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails