Followers

Wednesday, March 21, 2012

SI KUYA MIKE ANG TEXTMATE KO[ 12]



email: watashioonheru03@gamail.com
fb: http://facebook.com/oonheru
by: oonheru

"Bunso kain na tayo"- ang pagyaya ni kuya sa akin

"sige po, nagugutom na din ako eh"

Habang kumakain kami tinanong ako ni kuya

"Ilang bese mo na bang napanaginipan iyon?"

"maraming beses na po. bakit?"-tanong ko naman

"nakapag tataka lang eh kasi paulit ulit na ganon ang panaginip mo, ganun lagi ang set-up, sa hospital, may mga baby, ung ganun"

"ewan ko nga po kung bakit laging ganun nalang"

After naming kumain naligo na ako para pumasok sa school. at gaya ng dati lagi akong dinadaanan ni francis para sabay kaming pumasok.

"Good Morning Best"-ang bati ni francis sa akin na nakangiti

"Good Morning din"

"oh bakit mukhang malungkot ka?"

"ah wala ito. tara na"- akit ko sa kanya

Calculus ang subject namin noon. tahimik lang ako at nakikinig sa aming proffesor.

"uy, bakit ang tahimik mo ata ngayon?"-tanong ni francis

"ah, wala. nakikinig ako kay sir eh, medyo mahirap ung topic natin eh. makinig ka rin kaya"-sabi ko naman

"wehh di nga? wag kang mag-alala best Mahal ka nun"-sabi naman nina

"Mahal?? nino naman??"-ang nakakunot kong noo

"ung mahal mo. hehehe"

"loko ka talaga. saka na ang lovelife mag aral na muna tayong mabuti. okay?"

"okay po sir"- ang pabiro niyang sabi

pagkatapos ng aming klase bumili muna kami ng snack ni francis sa canteen.

"saan na ang punta mo ngayon?"-tanong niya sa akin

"sa CAS (College of Arts and Sciences) doon na kasi ang next na klase ko sa speech communication eh"

"ah oo nga pala. kasi naman dapat hindi ka nagpalate mag enroll yan tuloy hindi tayo mag classmate"- na ang boses niya ang may halong lungkot

"hayaan mo sa susunod hindi na ako mag papalate para mag classmate ulit tayo. saka isang subject lang naman tayo hindi mag ka klase ah"

"hehehe promise yan ha?"

"hmmm NEVER SAY A PROMISE!"

"huh bakit naman?"-tanong niya

"basta gagawin ko nalang, mamaya hindi ko matupad ang promise ko. hehehe"

"hehehe. ihahatid nalang kita sa room nyo"

"sige salamat. Naku may practice pala kami ngayon sa speech fest namin. kayo ba?"

"bukas pa ang practice namin"

"ah ganun ba?"

"yup"

Naglakad na kami ni francis papuntang CAS ng may tumawag sa akin.

"uy princeee!!!"

Nilingon ko naman kung sino ang tumawag sa aking pangalan. si EJ pala

"uy EJ ikaw pala"-ang bati ko sa kanya

"tara na mag start na ang practica natin. sino pala kasama mo?"

"ah si francis bestfriend ko since birth sa engineering"

"Erylle John bro, pero EJ nalang itawag mo sa akin "

"Francis Kevin, Francis nalang tol."- sabay shake hands nilang dalawa

"so tara na EJ, sige Francis salamat sa paghatid"

"sige ingat ka ha? tol ingatan mo ang bestfreind ko ko ha? pag may nangyari dyan ikaw ang mananagot sa akin. hehe"-ang pabirong sabi ni francis

"oo naman bro. sige alis na kami"

"sige bye"

at umalis na nga kami papunta sa Gym at si francis naman palabas ng school.

"sige wag mo kalimutan mamaya ha kita tayo?"-text niya sa akin

"okay"-reply ko naman

Nang makarating na kami sa gym ay nandoon na lahat ng mga classmate namin. binigyan kami ng kanya kanyang gagawin. ang napunta sa akin ay pagsasayaw dahil nga sa cheerleader daw ako. hehehe
at nagsimula na ang aming practice. ako ang naging choreographer. sayaw dito sayaw doon. nakakatuwa ang sumayaw lalo na pag hilig mo ito. kasi bata palang ako ay mahilig na ako mag sayaw. naalala ko pa nung elementary days ko. tuwing graduation ay laging may intermission number kami ng mga kaklase ko.

lumipas ang isang oras at nag break na muna kami.

"Okay 10 mins break"-sabi ng pinaka leader namin

uhaw na uhaw na ako kaya kinuha ko ang tubig sa bag. lumapit sa akin si EJ at inalok niya ako ng Chocolate.

"Prince, chocolate gusto mo?"

"ah hindi meron naman ako eh"

"sige na marami kasing pinadala si mama eh, hindi ko naman mauubusan lahat yan."

Tinanggap ko naman iyon dahil ayaw kong magalit sa akin ung tao,baka sabihin choosy ako. hahaha

"salamat :)"

"wala un, nga pala after nitong practice natin may klase ka pa?"-tanong niya sa akin

"wala na bakit?"

"tara mag meryenda tayo. libre ko"- pagyaya niya sa akin

"ah sige salamat nalang"-pakipot effect ko. chos!

"sige na, wala kasi akong kasabay mag meryenda eh., please??"-pag mamakaawa niya

"sige na nga"

"Yehey, thank you ha?" sabay bitiw ng wagas na ngiti

"Okay back to practice na. kelangan nating maka buo ng routine dahil malapit na ang speech fest natin."

Ganun parin ang ginawa namin practice practice. Alas tres na kami natapos ng practice. after noon sabay kaming nag meryenda ni EJ. Pumunta kami sa isang resto na mukhang mamahalin ang mga pagkain. Agad naman kaming humanap ng pwesto. Pag upo namin nilapitan kami ng waiter at tinanong kung ano ang aming order.

"Anong gusto mong meryenda? Pumuli ka nalang :)"-sabi ni EJ

Tiningnan ko ang menu at pumili ng meryenda.

"Mango Panacotta nalang sa akin"

"Yan na din sa akin. anong drinks mo?"

"Ikaw anong gusto mo?"-tanong ko sa kanya

"Ikaw"-ang sabi niya

"ha??"-ang sabi ko naman

"sabi ko ikaw na ang pumili ng drinks natin"

"ah okay. Sprite nalang sa akin"

"sige coke sa akin"

after naming umorder nag intay kami ng ilang sandali..

"Bakit ka nga pala napunta sa section namin?"-tanong niya

"ah kasi naubusan ako ng slots eh kaya ayon sa inyo ako napapunta"

"SIR eto na po ung order nyo"-sabi ng waiter sa amin

habang kumakain kwentuhan lang kami ni EJ marami rami din ang napag kwentuhan namin. Nalaman ko na nag iisang anak lang pala siya at ang mama niya ay nasa Japan. tatay lang niya ang kasama niya sa kanilang bahay.

Nasa ganun kaming pag-uusap ng biglang tumawag si Francis sa akin

"Oh Francis napatawag ka?"-tanong ko

"Nasaan ka na? May practice tayo ngayon sa PEP"

Naku lagot ako nito, nakalimutan ko pala na may practice kami sa PEP ngayon.

"uhmm EJ mauna na ako ha? nakalimutan ko kasi na may practice pala kami sa PEP"-paliwanag ko

"sige, salamat ulit"

Dali dali naman akong pumunta sa school at tiyak na mapapagalitan na naman ako ng trainor namin. pag dating ko doon hindi nga ako nag kamali at napagalitan nga ako.

"Late kana naman Prince!!!!"-bulyaw sa akin ng Trainor namin

"Sorry po. nawala sa isip ko na may training pala ngayon"-paliwanag ko

"Sige na mag practice na kayo. One man lang ang practice natin ngayon. okay punta na kayo sa stunt group nyo"

dali dali naman kaming pumunta sa aming stunt group at pumunta sa field Nakalatag na din doon ang mga foam. ka stunt group ko si Francis, siya ang base at ako naman ang back spot at ang flyer namin ay si Sarah.

"Yan tuloy napagalitan ka"-sabi ni francis

Okay lang yun. Nakalimutan ko kasi eh"-sabi ko naman

"Kung saan saan ka kasi pumupunta eh"-ang pabulyaw niyang sabi

"sinisigawan mo ba ako?"-ang pabulyaw ko ding sabi

"Hoy ano na naman yan? mag practice na nga kayo"-bulyaw din sa amin ng aming trainor.

Alas otso na ng matapos ang aming practice at bago kami umuwi nag meeting muna kami.

"Okay makinig. Bukas wala muna tayong practice pero kelangan ninyong mag pa medical dahil isa iyon sa mga requirements bago tayo sumabak sa labanan. May pupuntang mga Nurse dito bukas 9am. maliwanag ba?"-sabi ng aming trainor

"Maliwanag po"-sabay sabay namin sabi

After ng aming meeting pumunta muna ako sa CR para magpalit ng damit dahil amoy pawis na ako. Sumunod naman si francis sa akin.

"Sorry nga pala kanina, nasigawan kita"

Hindi ko naman siya pinansin, patuloy ako sa pag palit ng damit.

"Galit ka ba?"-si francis

"Pansinin mo naman ako. Please?"-pag mamakaawa niya

Pero hindi ko parin siya pinansin hanggang makalabas kami ng School. Hindi narin ako nag pahatid sa kanya sa bahay na lagi niyang ginagawa dahil ayaw kong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa akin. pag dating ko sa bahay, kumain lang ako at nagpahinga na.

Kinabukasan 8:45 na akong nakapunta sa School. Pagdating namin sa Gym marami narin ang magpapa medical kaya umupo muna kami at inintay pa naming matapos ang ibang players.

"ate pwede po bang patingin niyan?" sabay turo ko sa papel na hawak niya, iyon ay listahan ng mga kasali sa grupo namin.

Agad naman niyang inabot sa akin. Maging ang mga kasama ko ay nakitingin narin. Hahanapin kung sino ang pinakabata o matanda tapos magtatawanan.

"arvin ang tanda mo na pala 22 kana pala akala ko 18 ka lang" sabi ni argie isa sa ka grupo ko.Tawanan naman ang lahat.

"oh ito namang si mc jade 17 pa lang pala pero mukhang 20 na" sabi ulit ni argie. Tawanan na naman kami.

Maya maya pa tinawag na kami ni francis. Lumapit kami sa table ng isang Nurse na medyo may edad na din, siguro mga 45 year old na. Paglapit namin doon hindi ko parin pinapansin si francis.

"Magkapatid ba kayo?"-tanong sa amin ng Nurse

"Ah hindi po"-sagot ko naman

"Mag bestfriend po kami"-sabi naman ni Francis

"ah akala ko magkapatid kayo kasi magkamukha kayo. Siguro lagi kayong magkasama kaya naging magkamukha na kayo"

"Ganon po ba un, pag laging magkasama nagiging magkamukha?"-tanong ni francis

"Sabi nila ganoon daw iyon"

"Ano name mo?"-tanong sa akin

"Prince Marky Rodriguez po"-sagot ko naman

"Francis Kevin Gariguez naman po ako"

"Birthday mo?"-tanong ulit

"October 5, 1991 po"

"Ganon din po ako. October 5, 1991."-sabi ni francis

Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Francis dahil ngayon ko lang nalaman na parehas pala ang aming birthday.
Bigla namang namulta ang nurse sa hindi malamang dahilan.

"Okay lang po ba kayo?"- ang sabay naming tanong

"O...Oo O..kay lang ako"-ang pautal utal niyang sabi

"Halika dito at ikaw ang una kong kukuhanan ng BP"-sabi sa akin

Lumapit sa akin ang nurse at saka niya ako kinuhanan ng BP. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng kanyang kamay. At itinaas pa niya ang sleeves ng tshirt ko na para bang may tinitingnan.

"bakit nyo po tinitingnan ang balat ko sa balikat?"-tanong ko

"ah eh wala wala"-sagot niya

"okay lang po ba talaga kayo? ang lamig kasi ng mga kamay ninyo eh."

"oo. gutom lang siguro ito."-sabi naman niya

Pagkatapos ko. Si francis naman ang kinunan niya ng BP. Pinagmamasdan ko lang ang nurse kasi ang weird ng dating eh.
Ganoon din ang ginawa niya kay francis tinaas niya ang sleeves ng tshirt nito at may tiningnan din. Hindi ko naman nakita kong ano iyon.

Pagkatapos naming kunan ng BP ay pumunta na kami sa aming mga ka grupo. Ngunit sadya yatang napakalinaw ng aking pandinig dahil narinig ko ang sinabi ng nurse

"SILA NGA"

(itutuloy)

8 comments:

  1. cguro kambal sina prince marky at francis,(panaginip may dalawang sanggol at isang nagkulay ube) at napunta si prince marky kina kuya mike nya kaya pwede ng magmalan si mike at si marky..heheh JhayL

    ReplyDelete
    Replies
    1. pasend naman po ng chapter 5..leonhart_1112@yahoo.com..thanks po :))

      Delete
  2. haha! Ganda nito.

    Si kuya Mike na brother nya ang makakatuluyan nya kasi hindi sila totoong magkapatid.

    Please paupdate na po.

    --ANDY

    ReplyDelete
  3. sana mabilis ang update nito, kasi sayang, maganda yung kwento eh, last year pa yung last na ngupdate si author bago itong mga bagong post.

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. i wonder anu talaga apelyedo nila...
    cute siguro nila i assumed magkapatid sila hiwaga talaga ng life gnun p man sadya makapangyarihan ang tadhana... kaya nito kumilos sa di natin inaasahan mga pagkakataon gaya ng kwento ito nila francis at prince....
    thanks marky....

    ReplyDelete
  5. Galing nman..mgkakambal sila..at yun yung napapanaginipan nya lage n nsa hospital..bka nga c kuya mike nya ang makatuluyan..hehe

    ReplyDelete
  6. Ba yan Ilang years na silang magbestfriends,dipa nila alam birthday ng isat isa.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails