Followers

Friday, March 23, 2012

Pare... I Love You! (Straight Version of "Simon")

Magkaibigan kami ni Simon.

Actually, magbest friends. Simula high school pa lamang kami niyan, kami na ang palaging magkasama, kahit saang lakad, kahit anong okasyon. Paano ba naman kasi, classmates from first year hanggang 4th year. Hanggang sa college, nanatili ang aming pagiging classmates. Pareho kami ng kurso, pareho ang major subject na pinili.

Marahil ay masasabing perfect match na kami. Pareho ang mga targets namin sa buhay, pareho ang hilig, pareho ang issues na gustong pag-usapan, mga gusto at hindi gusto... Pati plano pagkatapos ng graduation ay pareho kami; ang magproceed ng MA sa Business Management. At dahil officially ay magbest friends naman kami, napag-isipan naming magtatag ng isang negosyo, na kami ang magma-manage at magmamay-ari. Co-owners kumbaga. Ganyan katatag ang aming pagiging magkaibigan.

Kagaya ng ibang magbestfriends, may biruan moments din kami, may harutan, kantyawan. At syempre, mayroon ding moments na seryoso kami, nag e-emote, nagpapalabas ng mga saloobin, nagbabahagi ng mga problema at payo. Ngunit higit sa lahat, pareho naming hinahanap ang isa’t-isa sa lungkot man o sa saya. Wala nang hihigt pa sa oras na kasama namin ang bawat isa. At wala nang mas nakaka-encourage pa sa buhay sa gitna ng matinding dagot kung nasa piling ang iyong matalik na kaibigan. Ganyan kami ni Simon. At ganyan siya ka espesyal na kaibigan sa akin.

Ang siste, nadevelop ako sa aking kaibigan. Ewan ko ba. Siguro dahil sa kanyang kapilyuhan, kakengkuyan. Pero may parte rin naman talaga sa kanyang nakaka-in love. Malakas ang appeal, hayop sa porma. Maputi, makinis, guwapo. Sinong babae ba ang hindi mai-in love sa kanya? Kapag naisip ko ang aking kalagayan napapa-“haistttt!” na lang ako. Minsan din, parang gusto kong sisihin ang nasa itaas kung bakit isinilang pa ako sa mundong ibabaw na isang babae.

At iyan ang lihim kong hindi masabi-sabi sa kanya. Babae kaya ako. At may pride pa. “Ano na lang ang sasabihin niya kapag sasabihin ko sa kanyang inlove ako sa kanya? At paano kung layuan niya ako? Yukkkkk! Nakakahiya ka Arlyn!” sa sarili ko lang.

Kaya, minsan, natutuliro na lang ako o natuturete. Minsan din hindi ko maiwasang mapatitig sa kawalan kung hindi man sa mukha niya.

“Pare...” ang tawag niya sa akin. Parang kaibigang lalaki kasi ang turing niya sa akin. Paano, may pagka-boyish daw ako. “Nakatitig ka na naman sa mukha ko, tangina! Crush mo ako no? Kalimutan mo na iyan, pare! Huwag kang mag-ilusyon. Hindi ko type ang tomboy!” ang palaging biro niya sa akin kapag napansin niyang nakatitig ako sa kanya.

“Hoy! Masyado kang assuming Mr. Simon Angeles! Sobrang pula kaya ng mata mo kung kaya ko tinitigan. Naka-bato ka ano? Adikkk!” Sagot ko ring biro. “And for your information, hindi ko type ang bakla!” Bakla rin kasi ang ganting biro ko sa kanya. Paano, sa kabila ng kanyang angking kakisigan, wala namang girlfiriend bagamat ang alam ko ay playboy siya at marami nang babaeng nabiktima at naikama.

Ngunit minsan din naman kapag hindi ako nakapigil, binibiro ko na rin siya ng, “Astig talaga ang porma nitong best friend ko. Pare... pa kiss!”

“Kiss lang pre... habang wala pang nagmamay-ari nitong mga labi ko!” ang game na game ding sagot niya pabirong pahabain ang nguso at ipikit ang mga mata.

At kapag ganoon ang ginagawa niya, parang may demonyong naglalaro sa utak ko. “Grrrr! kapag kinagat ko ang biro nitong mokong na to na halikan ko siya, ewan ko lang kung hindi ito magsisi.” sa isip ko lang. Ngunit syempre, hindi ko kakagatin ang biro niya. Ang gagawin ko ay pabiro ko lang siyang sampalin, iyong sampal na nanggigigil. Alam ko kasing wala namang laman iyong ganoong pa-cute niya. Kahit playboy ang hinayupak, at kahit sinong babae ang pinapatulan, kaibigan lang ang turing niya sa akin. At tomboy pa raw ako! Kakainis!

May isang beses, fund-raising iyon ng student council. Second year college lang kami noon. Inimbitahang mag-present sa school namin ang isa sa mga pinakasikat na banda sa Maynila. Sa program nila, may parte na kakanta rin ang iilang piling mga estudyante ng school. At si Simon ang isa sa mga maswerteng napili, nirepresent niya ang aming departamento. At noong siya na ang kumata, halos bumagsak ang boung auditorium sa kasisigaw at katitili ng mga babaeng estudyante. Lalo na noong kinanta niya, na tila hinaharanahan ang audience, ang kanta ni Rex Smith na “You Take My Breath Away” –


You
I don't know what to say
You take my breath away
You're every song I sing
You're the music that I play
And you take my breath away

You
You smile and it's okay
You take my breath away
Like water from a stream
On a sizzling summer day
Oh, you take my breath away
There are words
For the magic of a sunrise
Only none of them will due

For You
You take my breath away
And I don't know what to say
'Cause you take my breath away

You
You take my breath away
And I don't know what to say
'Cause you take my breath away
You take my breath away
You take my breath away
You take my breath away
Oh, you take my breath away...

Ang galing ng pagkakanta niya, nakakabighani. Hindi puwedeng hindi kiligin ang sino man sa kanyang rendetion. Kuhang-kuha niya ang original na boses ni Rex Smith. Iyon bang quality ng boses na lalaking-lalaki may kaunting pagka-husky, na may pinong vibration na minsan ay may parteng parang ibubulong lang niya ang lyrics. Dagdagan pa sa nakabibighani niyang porma na mistulang nang-aakit, may papikit-pikit pa sa kanyang mga mata, mannerism na pagkagat-kagat sa mapupula niyang labi. Halatang sanay. Para tuloy lumabas na mas magaling pa siya kaysa inimbitahang banda dahil sa dami ng nagtitili sa kanyang pagkanta. Palibhasa, may lahing magaling kumanta ang pamilya niya, dagdagan pang sanay siya sa videoke. Kung kaya nakababaliw talaga ang galing niya. “More! More! More!” ang sigaw ng audience na pinagbigyan naman niya ng isa pang kanta.

Simula noon iyon, marami nang humanga, nagka-crush, at nakikipagkaibigan kay Simon. Napuno ang friendlist ng fb niya, hindi na accommodate ang iba pang gustong mag add sa kanya. Libo-libo rin ang nag-subscribe sa profile niya. Pati iyong pagkanta niya na may kumuha ng video at ipinost sa youtube, hit din. Maraming nababaliw. At mas dumarami pa ang kanyang natikman at nabiktimang babae.

Tiniis ko ang lahat. Nagseselos man, wala akong magawa. Kasi, best friend ko lang naman iyong tao. Kahit nasasaktan ako, lalo na kapag ganyang may ikinikuwento siyang crush na isang babae o date nila, sige lang ako. Tiis lang. Gusto mang magrebelde ng aking puso, pilit na idinideny ng aking isip na i-inlove ako sa kanya. Ano ba ang puwede kong gawin? Wala. Kaya, tiis na lang puso...

Noong sa huli ay may niligawan siya, doon na gumuho ang aking mundo. At lalo na noong ikinuwento pa niya talaga sa akin ang pagsagot sa kanya. Sobrang sakit. Kulang ang mga salita upang ilarawan ang sakit na nadarama ng aking puso.

Noong inimbitahan niya akong mag-celebrate daw kami sa pagsagot sa kanya noong babae. Nag-bar kami. Habang masayang-masaya siya sa pagkakataon na iyon, kabaligtaran naman ang naramdaman ko; nag hemorrhage ang ang aking puso. Hindi ko rin naman masabi sa kanyang nalulungkot ako. At lalo nang hindi ko puwedeng sabihin sa kanyang may naramdaman ako sa kanya. Parang ang hirap kayang sabihing, “Pare... I love you!” Tomboy ako sa tingin niya eh. Nakakatawa. Parang isang comedy line lang ni Vice Ganda sa kanyang show.

Hanggang sa naisipan kong magtanong-tanong tungkol sa babae niya. At nadismaya ako sa aking nadiskubre. May itinatagong baho pala ito. Lihim daw itong nagbebenta ng aliw. First class call girl! At may anak na rin daw. “Sadya talagang nakaka-deceive ang panglabas na anyo ng tao! Akala mo ay isang anghel ang mukha! Parang hindi makabasag-pinggan!” sa isip ko lang.

Natandaan ko pa kasi noong nag-usap kami ni Simon isang beses. Sariwa pa sa aking alaala noong sinabi niyang, “Alam mo kung bakit ako naglalaro a ttumitikim lang sa mga babae? Dahil karamihan sa kanila ay gamit na. At gusto kong makasigurong ang tanging mamahalin ko ay iyong ako mismo ang nakauna. Kapag nahanap ko na siya, at mahal ko, hindi ko na siya pakakawalan pa.”

“Woi... sobra ka naman! anong ibig mong sabihin sa gamit na? Ano ba iyan, condom na kapag natapos nang gamitin, itatapon na?”

“Parang ganoon na nga! Karamihan sa kanila pare... hindi na virgin! Mabibilang mo na lang sa iyong mga kamay ang virgin sa kanila! At baka sa campus natin, ewan kung may 10 na lang na natira. Baka ang mga madre na lang siguro d’yan.” sabay tawa. “O baka hindi ng nga lahat ng mga madre ngayon ay virgin eh!” na lalo pang ikinalakas ng kanyang halakhak.

“Sobra ka naman kung makapagsalita. Mas nakararami kaya ang mga virgin!” ang pagtutol ko. Syempre, babae rin ako.

“Bakit? Natikman mo na ba sila? I’m sure ikaw...” hindi agad niya itinuloy ang sasabihin.

“Ano???” ang inis kong tanong.

“... hindi na rin virgin” dugtong niya rin na halos pabulong na, tila nahiya.

Natawa lang ako. Ayaw kong patulan eh. “Hoy... Mr. Angeles, huwag masyadong assuming ha?” ang pagduro ko sa kanya, “Baka isang araw ay lulunukin mo ang iyong mga sinasabi.” Dugtong ko na lang.

Tahimik.

“Bakit ba napakalaking issue sa iyo ang virginity? Kawawa naman iyong mga nabiktima lamang ng mga manlolokong lalaki? Wala na silang chance na mahalin kung ang lahat ng lalaki ay may pag-iisip na katulad ng sa iyo?”

“Oo, malaking issue talaga sa akin. Para sa akin, parang isang tropeo ang makakakuha ng girlfriend na virgin. At proud ako kung ako ang nakauna sa aking magiging asawa. Pero sa akin lang iyon. Pero kanya-kanya naman iyan eh. Di ba may mga lalaki na mas gusto rin iyong may experience, iyong mas may edad, iyong mas madiskarte sa buhay, iyong matalino, iyong mabait... Ang iba naman ay walang pakialam sa hitsura o sa virginity basta mahal nila ang babae. So hindi mo masasabing iyong may mga karanasan na ay wala nang pag-asa. Di ba?”

“Sabagay...” ang sagot ko na lang.

“So kung may mahanap kang virgin ay pakasalan mo na talaga siya?”

“Kapag mahal ko... oo. Agad-agad. Kahit pagkatapos na pagkatapos na agad ng graduation. Sigurado iyan!”

Kaya doon ko nalaman na hindi niya type ang babaeng may karanasan na. At definitely, hindi niya type ang naging girlfriend niya.

Dahil sa nalaman, gusto kong ibunyag kay Simon ito; na niloloko lang siya ng girlfriend niya. Parang hindi ko maatim na ang taong aking minahal at best friend pa man din ay lolokohin lamang ng isang babae.

Hanggang humantong sa puntong hindi ko na natiis ang lahat at nabuo sa aking isip ang isang plano.

Sabado ng gabi, tinext ko siyang mag-inuman kami sa boarding house niya. Alam ko kasing magsisi-uwian ang mga boardmates niya kung kaya iyon ang timing na pinili ko. Nagdala ako ng isang malaking bote ng alak at setserya.

“Anong mayroon pare?” tanong niya.

“Wala lang. Celebration lang. May napupusuan kasi ako at sa tingin ko ay mahal din niya ako.”

“Waaaahhhh! Babae ba?”

Tumango lang ako. Alangan namang sabihin kong lalaki. Wala namang naglakas ng loob na manligaw sa akin. Naintimidate ba sila? Sa totoo lang, sexy naman ako, majorette ng school band noong high school at muse ng aming departamento sa college. Sadya lang talagang gusto kong magjeans, mag t-shirt, at makikipagkaibigan sa mga lalaki.

“Tangina! Sino iyan? Sabihin mo naman sa akin nang makaliskisan ko!”

“Tado! Mamaya na, inum muna tayo!”

“O e... sinabi mo eh!” sagot niya habang inihanda ang aming basong tagayan.

At nag-inuman nga kami. Syempre, ako ang taga-tagay at dinaya ko siya. First time kong gawin ito na makikipag-inuman sa kanya na kaming dalawa lang... sa loob ng isang naka-lock na kuwarto. Ni-lock ko talaga.

At... wala pang isang oras, lasing siya. Nalasing din naman ako nang kaunti ngunit sapat lang upang maisagawa ko ang aking plano.

Doon ko na isiningit ang plano kong sabihin na sa kanya ang nalaman ko tungkol sa kanyang girlfriend. “Pare... alam mo bang ang girlfriend mo ay may itinatagong baho?”

“B-baho? Ano iyon?”

“First class call girl ang syota mo, pare. At may anak na raw!”

Ngunit bad trip pa yata iyon sa kanya. “Heyyy... huwag nating pag-usapan ang baho niya, pare. I know what I am doing. Ikaw talaga. Type mo lang yata ang syota ko eh!”

Bigla naman akong napa-“Amffff!” sa kanyang sagot at natameme. “Akala ko ba hustler ang honghang na ito pagdating sa babae! Tanga pala! At... type ko ang babaeng iyon??? Tanga talaga!!! Ang boyfriend kaya niya ang type ko!” sa isip ko lang. Nanggigigil tuloy akong batukan siya. Lasing pa naman. Kaya shut your mouth na lang muna ang lola niyo. “Mamaya ka lang...” bulong ko sa sarili. At lalo tuloy lumakas ang aking loob na ituloy ang sunod kong plano.

Parang bata na siya kung magsalita sa sobrang kalasingan. At alam ko, umiikot na ang kanyang paningin. “Tol... d-d-dinaya m-mo ata ako eh... akoh lahng yata aaang lashing ehhhh...” sambit niya.

“Ano ka! Lashing dhin kayahh ahkoh. Tutu-llog kha nha lang.” sambit ko, naglasing-lasingan na rin noong pansin kong halos hindi na talaga niya kaya ang sarili.

“S-sigeh tttoll... t-tulogg na ahkoh. D-ditoh ka nah dhinh t-tulogg hah?”

“Ok... d-dhitoh nah rhinn a-ako mahtulogg.”

At dahil wala naman ang mga kasama niya sa boarding house at naka-lock pa ang pinto, inalalayan ko na siyang makahiga sa kanyang kama.

Hinubaran ko siya. Pati ang brief niya ay hinubad ko na rin. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa nakitang hubad na katawan ng aking pinakamamahal na best friend. Napa-“Wow” ako sa angking ganda ng kanyang katawan. Makinis ag balat, maputi, at higit sa lahat matipuno. At lalo na noong ibinaling ko ang aking paningin sa gitnang bahagi ng kanyang harapan, ramdam ko ang malakas na pagkalampag ng aking dibdib at panginginig ng aking kalamnan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Para akong matatae na maiihi.

Hanggang naalimpungatan ko na lang na hinubad ko na rin ang aking saplot at tinabihan siya sa paghiga. Niyakap ko siya at pinaliguan ng halik ang kanyang buong katawan. Para akong sinapian ng demonyo sa pagkakatoang iyon. Wala nang ibang laman ang aking isip kundi ang sarap na nalalasap ko sa aking ginagawang pagpapasasa sa kanyang katawan.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagungol na tila tumututol sa aking ginawa.

Ngunit hindi ko na pinansin ito. At marahil ay dahil sa hilo at wala siyang sapat na lakas upang tumiwalag sa aking pagkayakap at paghahalik, wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya.

Oo... isang mapangahas na bagay ang aking ginawa. Isang kahayukan, isang nakapandidiring gawain lalo na sa isang babaeng katulad ko. Iyon na lang ang solusyon na sumagi sa isip ko upang sana, sa paggising niya kinabukasan, ay makita niyang nagtabi kami, at akusahan ko siyang pinagsamantalahan niya ako; na dapat ay panagutan niya ako.

Inaamin kong nasiyahan ako sa aking ginawa. May takot at guilt man na umalipin sa aking isip ngunit mas nangingibabaw ang saya sa aking puso.

Ngunit hindi ko akalaing magba-backfire pala ang ginawa kong iyon at ito magiging mitsa sa mas matindi pang sakit na aking susuungin.

Nagising ako kinabukasan na hindi nakita si Simon sa kanyang kama sa tabi ko, na kabaligtaran sa plano kong magising kaming pareho at magdrama ako sa kanya.

Hinanap ko siya sa loob at paligid ng boarding house. Tinungo ko rin ang ibang mga lugar na maaari niyang puntahan. Wala. Pati ang may ari ng boarding house ay hindi alam kung saan siya tumungo.

Lunes ko na nakitang muli si Simon; sa eskuwelahan. Nasa student center siya noon noong nilapitan ko. Ngunit hindi niya ako kinibo. Umiwas siya at hindi ako kinakausap.

Lalo pa akong nalungkot. Kahit sa aming klase, hindi na rin siya tumabi sa akin. Nagbago na siya.

Masakit... Lalo na kapag nakikita ko sila ng girlfriend niyang sobrang sweet na para bang ipinamukha pa sa akin na mahal niya talaga ang girlfriend niya at hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Marahil, nagduda na rin siya na ginawa ko sa kanya ang bagay na iyon at siniraan ko pa ang girlfriend niya dahil ako pala ang may gusto sa kanya. Nakakahiya. Nakapanlulumo. Parang paulit-ulit akong pinatay...

Doon nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko. Sa sumunod pang ilang mga araw, tuluyan na siyang lumayo. Lumipat siya ng boarding house na malayo sa aking tinutuluyan.

Doon ko nadama ang matinding panghihinayang at matinding pagsisisi. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin; kung kausapin ba siya at manghingi ng tawad. Pati cp number niya ay pinalitan na rin niya. Hindi ko na siya nakontak pa.

Sobrang sakit. Kasi, alam kong ako ang may kasalanan. Dapat pala ay itinago ko na lang ang sakit, tiniis ang lahat, hinayaang magdurugo ang aking puso.

At parang hindi pa sapat ang aking paghihirap, may umiikot pa na dalawang tsismis na may kinalaman kay Simon: ang una, ay ang pagiging first class call girl ng kanyang girlfriend at ang pangalawa, ay ang pagsasamantala umano sa kanya ng isang tomboy na kaibigan habang lasing siya. At ang nakakatawa pa sa pangalawang tsismis ay tomboy, tapos ni-rape ang isang lalaki, na siya nga.

Na lalo pang ikinasakit sa aking kalooban. Alam ko, ako ang tinutukoy sa pangalawang tsismis. Sino ba ang “tomboy” na kaibigan niya kundi ako lang naman? At sa ginawa pa niyang pag-iwas sa akin, mas lalong tumibay ang paniniwala ng mga tao na ako nga iyon.

Para tuloy akong iyon bang isang taong lugmok na nga, tinapakan pa, dinuraan, iniwasan. Sa panahong iyon, hindi ko alam kung paano humarap sa mga tao. Pati ako ay sobrang napakaliit ng pagtingin sa aking sarili. Parang ayaw ko na ring umalis ng bahay, natatakot na may makakaita, iniisip na sa aking likuran ay may mga taong nagtatawanan. At lalo na kapag may mga nag-uumpukan at titingnan nila ako na parang may malisya, yuyuko na lang ako at bibilisan ang aking paglalakad. Sobrang awa ko sa aking sarili. Sobrang trauma ang aking nadarama.

Ngunit dahil graduating na ako sa panahong iyon, tiniis ko na lang ang lahat. Para bang nasa isang obstacle race ako na dahil gusto kong makatawid sa kabila, pipiliting kong hindi mahulog sa maliit at madulas na tulay kahit may mga taong pumupukol ng kung anu-anong bagay sa akin upang ako ay malaglag at hindi magtagumpay.

Kaya nagplano ako na pagkatapos na pagkatapos ng graduation, sa mismong araw din, lilisanin ko ang lugar na iyon. Tutungo ako ng Maynila. At bumili agad ako ng ticket. Hapon kasi ang graduation at sa gabi ang pinili kong flight. Wala akong kamag-anak sa Maynila, isang kaibigan lang ang aking pupuntahan na hindi ko gaanong kakilala. Ngunit dahil kailangan kong lumayo, gagawin ko ito. Magbakasakali rin akong may mapasukang trabaho doon, magsimula sa buhay, makalimot...

Araw bago ang graduation, kinausap ko si Simon. Natyempuhan kong nasa student center siya noon, nakaupo sa isa sa mga sementong upuan sa harap ng mesa. Abala siya sa pagbabasa ng isang magasin. Nagkataong wala ring tao gawa nang tapos na ang klase kung kaya naglakas-loob akong lapitan siya.

“Pare...” sambit ko habang nanatiling nakatayo sa harap ng inuuupuan niya.

Inangat niya ang kanyang mukha at napatingin sa akin. Pansin ko ang biglang pagsungit ng kanyang mukha.

“P-puwede ba kitang makausap?” sambit ko.

Ramdam kong nag-alangan siya. Ngunit napilitan din. Yumuko, itinuloy ang pagbabasa sa hawak-hawak na magasin. “S-sige.”

Umupo ako sa harap niya. “S-sorry pare sa nangyari... G-ginawa ko iyon dahil...?”

Itiniklop niya ang magasin na binabasa at noong inangat niya ang kanyang mukha, tiningnan ako sa mata. “Sa akin, walang problema, lalaki naman ako eh. Walang mawawala. Ikaw... sinira mo ang tiwala ko.” Sambit niya, ang boses ay may katigasan.

Pakiwari ko ay may tumama sa aking pisngi na isang napakalakas na sampal. “Parang... iyon na ba talaga ang tingin niya sa akin? Totoo nga ang sinabi niyang parang isang gamit na disposable lang ang babae.” sa isip ko lang. Mistulang may malaking bagay na bumara sa aking lalamunan. Hindi ako nakasagot.

“Matagal mo na ba akong pinagnasaan?” ang deretsahan na naman niyang sabi.

Mistula akong hinataw sa ulo ng isang malakas na bagay. Parang sobrang prangka kasi ang dating sa akin. Pinagnasahan pa talaga ang ginamit niyang salita. Sabagay, totoo rin naman kaya bagamat may matinding pagkahiya akong nadarama, yumuko na lang ako, inamin ang lahat. “Oo...” sambit ko, at dahil sa matinding bigat ng saloobin, napahagulgol na. Iyon bang pakiramdam ng naghalong hopeless ng kalagayan, pagkaawa sa sarili, at ang pilit na pagbukas sa isip na i-give up ang pagkukunyari, ibunyag ang lahat at harapin ang kung ano man ang kanyang maaaring reaksyon.

“Akala ko... tomboy ka talaga. Akala ko, kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin. Ang taas-taas pa naman ng respeto ko sa iyo.”

Tahimik. Patuloy pa rin ang pagpatak ng aking luha. “May sasabihin ako sa iyo p-pare...” ang sambit ko, nabuo sa isip na ilahad na ang lahat sa kanya.

“Sige... magsalita ka.”

“Mahal kita. Matagal na. Hindi ko masabi-sabi sa iyo iyan kasi...”

“Kasi...?” ang pagsingit niya, mataas pa rin ang boses.

“...natatakot akong layuan mo, pagtawanan mo, itakwil mo, ikahiya mo. Kasi, alam ko namang hindi mo ako papatulan eh. At alam kong hindi puwede dahil ang tingin mo sa akin ay isang tomboy. Ngunit hindi ako tomboy, Simon. Babae ako. Nagmamahal, umiibig. At isang lalaki ang tinitibok ng puso ko. Kung maaari ko nga lang sanang ibaling sa iba ang aking naramdaman para saiyo... Ngunit mahirap eh. Pinilit ko ang sarili ngunit hindi ko kaya. Ikaw pa rin ang palaging pumapasok sa aking isip. Palagi kitang hinahanap. Nasasaktan ako kapag may babae kang nililigawan o kaya ay nagustuhan... S-sana lang kung hindi mo man ako maaaring mahalin, manatili pa rin ang ating pagiging magkaibigan.”

Tahimik. Pansin ko pa rin ang galit sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa malayo.

“Pero di bale... Bumili na ako ng ticket patungong Maynila. Aalis ako pagkatapos na pagkatapos ng graduation natin. Sa gabi ang flight ko, alas 7, PAL. First time ko itong pumunta ng Maynila. Ang totoo, hindi ko alam kung paano ang pasikot-sikot doon. Kaibigan ko lang ang pupuntahan. Pero kakayanin ko ang pagtira doon. Kakayanin ko dahil sa sobrang sakit at pagsisisi sa nangyari. Hindi ko dapat ginawa iyon sa iyo; hindi ko dapat inabuso ang tiwala mo. Masakit sa aking kalooban na ang aking best friend ay hindi ako pinapansin; masakit ang malaman mong pinagtatawanan ka ng mga tao, kinukutya, minamaliit. Masakit ang umasa sa isang pag-ibig na hindi nakalaan para sa akin.”

Tahimik pa rin siya.

“Congratulations na lang sa atin p-pare... at good luck. Sana ay hindi mo malilimutan ang mga masasayang alaala natin, ang pagkakaibigan natin. Sa parte ko, hindi ko malilimutan ang lahat nang iyon. Ano man ang mangyari, mananatili ka pa rin dito sa puso ko... Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mapatawad mo; na sana ay aalis akong magaan ang kalooban dahil napatawad ako sa nagawang malaking pagkakamali sa aking nag-iisang best friend...”

Tahimik. Naghintay ako na magsalita siya; na sasabihin niyang napatawad na niya ako.

Ngunit wala akong narinig na sagot. Kaya tumayo na lang ako, sumagi sa isip na hindi pa rin niya ako natanggap at napatawad. “N-naintindihan ko kung hindi mo ako mapatawad. S-salamat na lang sa mga masasayang alaala... sa mga sandali na naging magkaibigan tayo. Masayang-masaya akong kahit sa sandaling iyon, nakilala kita at naging matalik na kaibigan. Paalam p-pare... Oo nga pala, hindi ako nagpalit ng sim card. Kung gusto mong i-text ako, ganoon pa rin ang aking numero. At tungkol naman sa pangarap natin na magproceed sa pag-MA ng Business Management at mag business partner tayo, hindi na ako tutuloy pa. Gustuhin ko man, hindi na maaari...” dugtong ko at nagtatakbo nang lumisan, pahid-pahid ng aking kamay ang aking mga luha, hindi na hinintay kung tatawagin man niya ako o sagutin sa aking mga sinabi. Baka lalo lamang akong masaktan. Sapat na na naipalabas ko ang lahat ng aking saloobin.

Natapos ang graduation. Sumaglit ako sandali sa boarding house upang magbihis, kinuha ang aking mga damit at gamit at dumeretso na sa airport.

Nasa pre-boarding lounge na ako, naghintay ng final boarding noong tumugtog ang kantang –

Twenty minutes before take off
Sitting here at the airport lounge
Reminiscing all the good times
You’re going and I’m staying.
What was a tremendously happy love affair
Is about to end in tragedy
It’s a pity.

Huge amounts of persuasion
Only worsens the situation
Leaving was a realization of a dream
You’ve wanted to pursue
What else can I do?
I love you.

Chorus1:
Twenty minutes before take off
Just don’t make sense
A dream which took us a lifetime to built
Comes apart in just a matter of minutes.

Spoken:
This is gonna hurt me more than it’s gonna hurt you
We’ve been together for so long
I have to go now
I’m gonna miss you.
(Repeat Chorus1)

Chorus 2:
Twenty minutes before take off
The big DC-10 takes you on a journey
Please return
Nobody knows just when.

“Nakakalungkot naman ang kanta na iyan...” sa isip ko lang. Feeling ko ay ako iyong babae na umalis at siya ang lalakeng naiwan. Halos pareho ang aming kuwento. Napilitang lumayo ang babae at iniwan ang lalaki dahil kailangan niyang gawin ito; dahil ito ay makabubuti sa buhay nilang dalawa. Kaya kahit magdurugo ang kanyang puso, pilit niya itong gagawin. Ganoon din ang kaso ko, mas nakabubuti sa akin ang lumayo dahil masisira ang buhay niya sa mga intriga at inis sa akin kapag nanatili ako doon; at hindi ko rin hahayaang masira ang buhay ko dahil rin sa intriga at panlalait ng mga tao sa akin; hindi makabubuti sa buhay ko kung patuloy akong mangarap sa isang pag-ibig na hindi nakalaan para sa akin. Kaya aalis ako upang sa ibang lugar, doon ko sisimulan ang bagong buhay; pulutin ang mga basag na pangarap at piliting buuin muli ito...

Ngunit sa kabilang banda. hindi ko rin maitanggi na may isang bahagi ng aking utak na nangarap na baka habulin din niya ako sa airport, sa nalalabing 20 minutes na iyon bago kami lilipad, at sabihin niya sa akin na pinatawad na niya ako o kaya ay sabihin niyang mahal din niya ako. Iyong tipong pang teleserye na biglang susulpot ang kasintahang bida sa airport, pipigilan ang kanyang mahal, may yakapan, may halikan at hindi na tutuloy pa ang katipan sa pagsakay sa eroplano...

“Passengers bound for Manila via PAL flight 813, please proceed to gate no. 2... All aboard please!” Biglang naputol ang aking pagmumuni-muni noong narinig ko ang announcement na iyon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Gusto kong matawa at pagsabihan ang sariling ”Gago ka! Tanga! Nananaginip ka nang gising!” Syempre, wala naman kasing dumating na Simon. Wala rin siyang tawag o text man lang. Wala... Isang kahibangan na lang ang magpanggap na may pag-asa pa akong makamit sa taong iyon. Imposible. Isang malaking suntok sa buwan.

Tumayo ako, binitbit ang aking hand carry at tinumbok ang nasabing gate at pumila sa dulo nang mga nauna nang nakapilang pasaheros. Parang wala ako sa aking sarili noong binaybay ko na ang bahagi ng airport patungo sa hangdanan ng eroplano. Noong nakapasok na ako at naupo sa nakalaang upuan para sa akin, tulala pa rin ako, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. “Graduation ko lang kanina. Ni hindi ko man lang na-enjoy ang sarap at saya ng pagtapos ko ng kurso... Parang nawala ang saysay ng lahat ng akin ghirap; nang dahil lamang sa isang pagkakamali...” bulong ko sa sarili.

May isang oras ang nakalipas at nakalapag na ang sinakyan kong eroplano. May 20 minutos pa uli at nakababa na ako. Tinumbok ko ang conveyor upang kunin ang aking checked-in baggage at noong nakuha ko na ang mga ito, tinumbok ang exit ng airport.

Dahil unang pagkakataon ko iyong pumunta ng Maynila, may kaba rin akong naramdaman. Lalo na noong nag-text ang kaibigan ko na hindi siya makasundo sa akin gawa nang may emergency sa trabaho at ayaw siyang payagan ng boss niya na umalis.

Naupo na lang muna ako sa sementong upuan sa mismong gilid ng exit na aking dinaanan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin; kung doon na lang ba ako magpalipas ng umaga, hintaying matapos ang aking kaibigan sa kanyang duty sa madaling araw o sumakay na lang ng taxi patungo sa kanyang nirentahang flat na hindi ko rin alam kung paano puntahan. May mga narinig kasi akong sabi-sabi na marami raw mandurukot sa Maynila, maraming sira-ulong taxi driver, maraming manloloko, maraming hold-upper, rapist, at kung anu-anong mga masasamang-loob.

Nasa ganoon pagkalito at pagkatakot ang aking isip noong biglang nag-ring ang aking cp. Tiningnan ko ang number ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Sinagot ko pa rin. “H-hello?”

At doon lumakas ang kabog ng aking dibdib noong narinig ko ang boses sa kabilang linya. Boses ni Simon. “P-pare... saan ka na ngayon?”

Pakiwari ko ay tumatalon-talon ang aking puso. Nabigyan ba ng pag-asa. “N-nasa Manila na eh... B-bakit?” ang nahihiya kong sabi. Sariwa pa kasi sa aking isip ang huli naming pag-uusap kung saan ramdam ko pa ang galit niya.

“Alam ko... Ang ibig kong sabihin, nasa airport ka pa rin ba?”

“Ah... oo! Oo!” Ang sagot ko. Nais ko pa sanang sabihin na wala akong sundo upang kahit papaano ay may nasabihan ako sa aking kalagayan. Ngunit hindi ko na itinuloy. Naaasiwa pa kasi ako. At isa pa, alam kong wala rin siyang maitutulong gawa nang nasa malayo siya at malay ko rin ba kung may concern pa siya sa akin.

“Saang banda?”

Nagulat naman ako sa kanyang sinabi at lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib, nalito kung ano ang ibig niyang sabihin sa “Saang banda”. Di ko tuloy maiwasang mangarap na naman na baka sinundan niya ako o maaari pa talagang mangyari ang mala-tele-seryeng eksena sa amin sa airport. “D-dito sa exit... sa gilid, may sementong upuan.” Ang sagot ko.

“Ok... hintayin mo d’yan ang aking kambal. Sunduin ka niya!”

“Mali na naman ako. Haisssst! Hindi na ako natuto!” sa sarili ko lang. Ngunit nalito rin ako sa narinig kasi simula pa noong naging magkaibigan kami, wala naman siyang binaggit na kakambal niya, bagamat ang alam ko hiwalay ang mga magulang niya at ang kanyang ina, at may isang kapatid na lalaki ang nasa Maynila, sa mama niya kung kaya minsan ay binibisita niya sila. “Ah... baka iyon nga ang kambal niya. Tig-iisang anak sila ng mga magulang niya” sa isip ko lang. “M-may kambal ka pala?” ang naitanong ko rin.

“Oo... At tinawagan ko. Pinakisuyuan kong sunduin ka. Sinabi ko sa kanya na patungo ka ng Maynila at wala kang kaaam-alam sa lugar. Tutulungan ka niya.”

“T-talaga?” sagot kong may bahid na tuwa pa rin sa narinig. Ibig sabihin, may concern pa pala siya sa akin. At may makatulong na rin sa akin sa oras na iyon.

“Oo...”

Itatanong ko pa sana kung napatawad na niya ako ngunit pinatay na niya ang kanyang cp. Kaya wala na akong nagawa kundi ang maghintay.

Maya-maya lang, may dumating, galing sa loob ng aiport. At kahawig na kahawig talaga niya! “Hi! Ikaw si Arlyn?”

Tumayo ako. “O-oo. Ako nga! Ikaw ang kambal ni Simon?” tanong ko rin.

“O-oo, ako. Tawagin mo na lang akong Matt.” sabay abot ng kamay niya sa akin upang makipagkamay. “Tumawag kasi si Simon, hindi mo raw kabisado ang Maynila kung kaya heto, at your service ako ngayon.”

Para akong nakuryente noong naglapat ang aming mga kamay at nag-shake hands kami. Parehong-pareho talaga sila! Pati ang tigas at lakas ng kanilang mga kamay, ang dimples sa magkabilang pisngi, ang mapuputi at pantay na mga ngipin... Ang pagkakaiba lang ay ang buhok at ang hikaw sa kaliwang tainga. Med’yo mahaba kasi ang buhok ni Simon at hindi siya naghihikaw. Ngunit si Matt, iyong tinatawag nilang semi-kal, o semi-kalbo. Bagay din naman sa kanya. Naka-faded maong siya na may butas-butas ang tuhod, naka-body-fit na t-shirt. Astig din ang porma. Hindi kaagad ako nakapagsalita. Na-mesmerize ba sa kanyang angking kakisigan. Cloned na cloned silang dalawa ng kambal niya! Pakiramdam ko tuloy, nasa harap ko lang si Simon.

“M-may dumi ba ang aking mukha?” sambit niya sabay bitiw ng isang nakabibighaning ngiti noong hindi ako nakaimik at nanatiling nakatitig lang sa kanya.

At sa ngiti niyang iyon, para akong ibinayaw sa kalangitan. Kilala ko ang ngiting iyon. Ang ngiting kagaya ng kay Simon; ang pamatay na ngiti kung saan kapag nakita ko sa kanyang mga labi ay para akong aatakehin sa puso sa sobrang sarap ng pakiramdam. Iyon ang pinakagusto kong tingnan sa kanya; ang kanyang ngiti. Alam ko, iyan din ang gusto ng mga tagahana niya. Sabi nila, “killer smile” daw ito.

“Hey... magtitigan na lang ba tayo?” sambit niya.

“Ah....” ang gulat ko ring sagot. “B-bakit ka pala galing sa loob? Di ba dapat ang mga sumusundo ay galing sa labas?” ang lumabas na lang na tanong sa aking bibig.

“S-sa loob ng airport ang work ko. Off duty na ako noong tumawag ang utol ko... Mahaba-haba rin ang kuwentuhan namin.”

“Ah ganoon ba...? S-salamat. Nag-abala ka pa talaga.” ang nasambit ko na lang.

“Ok lang iyan! Paminsan-minsan lang nakikisuyo ang utol kong iyon kaya ok lang. O... tara na!”

At sumunod ako sa kanya. Pumara siya ng taxi at sumakay kami. Wala pang 20 minutos, huminto na ito. Hindi ko alam kung anong lugar iyon ngunit nagtaka ako dahil sa isang hotel pala kami bumaba. Kinabahan din ako ngunit wala akong magawa. Sumunod na lang ako, hindi na nagtanong. Naisip ko na baka malayo ang bahay nila kung kaya doon niya ako dinala. Atsaka, wala namang dudang kambal nga sila ni Simon kasi nga magkahawig. Kaya sa isip ko lang, hindi gagawa ng masama iyong tao sa akin.

Halos hindi kami nag-uusap. Nagkahiyaan ba. Hanggang sa inihatid na kami ng bellhop sa aming kuwarto.

Maganda ang aming kuwarto. Twin bed ito, at maganda ang mga muwebles. Sa tingin ko, kung hindi 4-star iyon, five star hotel siya. Agad siyang tumawag sa food service at nag-order ng pagkain. Habang hinintay namin ang pagkain, nag shower ako. Noong natapos na ako, siya naman ang nag-shower.

Dumating ang pagkain, at may kasama pang labing dalawang beer. Tapos na rin siya sa kanyang paliligo. Nakatapis siya ng tuwalya noong lumabas siya galing sa shower. Maganda ang kanyang katawan, makinis, maputi, matipuno. Flawless! Halos walang pinagkaiba sa katawan ni Simon.

Gustuhin ko mang pantasyahan siya, hindi maiwaglit sa isip ko na utol siya ni Simon at nagsisi ako sa aking nagawa. Ayokong simulan ang buhay ko sa Maynila nang isa na namang pagkakamali.

Inilatag namin ang mga pagkain sa isang mesa at doon kami kumain. Hindi pa rin kami nag-imikan. Nahiya kasi ako. Sa isip ko lang, malamang na napagkuwentuhan na nila ang ginawa ko sa kambal niya. Hindi ko lang din alam kung bakit tila nahihiya siyang magsalita. Siguro nakiramdam lang sa akin o sadyang mahiyain lang siya.

“D-dalawang beer lang ang kaya kong inumin, Matt...” sabi ko.

“No problem. Sampu ang sa akin. Kaya ko iyan.” sabay tawa.

Noong tapos na kaming kumain, nagsimula na kaming uminum. Ganoon pa rin, parang ibang tao talaga kami. Naisip ko tuloy kung maluwag ba sa kanyang kalooban na sunduin ako sa airport at tulungan. At ang hotel, ang mahal siguro ng bayad niya doon.

Med’yo nalasing na ako, halos naubos ko na ang pangalawang beer ko at halos maubos na rin niya ang sampong boteng para sa kanya noong nagsimula siyang magsalita. “Arlyn... may sinabi si Simon sa akin na iparating ko raw sa iyo.” Sambit niya na ang boses ay halatang lasing na rin.

“A-ano?” ang excited kong tanong.

“Sorry raw sa pagiging matigas ng kanyang puso; sa hindi niya pagpapatawad sa iyo. Napatawad ka na raw niya...”

Mistulang nawala ang aking kalasingan sa narinig. “T-talaga?” At hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha. Parang naglupasay ang aking puso sa tuwa.

“Oo... At may isang bagay pa siyang sinabi.”

“A-ano?”

“Hindi raw siya ang nagpakalat sa tsismis. May hidden camera raw na inilagay sa kuwarto ang anak ng may-ari ng boarding house. Siya ang pinaghihinalaan nagpakalat sa tsismis bagamat dini-deny nila ito dahil nakasisira sa reputasyon ng kanilang boarding house.”

“Kaya pala...” bulong ko. Ang buong akala ko ay siya talaga ang nagpakalat ng tsismis. Tinitigan ko si Matt. “N-nahiya ako Matt sa mga ginawa ko sa kambal mo. Kung kaya ako umalis...” sambit ko.

“First time mo bang gawin iyon sa isang lalaki?”

Tumango ako.

“First time mo rin bang makipag-sex?”

Tumango uli ako.

“V-irgin ka pala noong time na iyon?”

“O-oo...”

Tahimik. Mistulang isa akong asin na binuhusan ng tubig sa kanyang mga tanong. Hindi ko alam ano ang ibig niyang tumbukin. O baka sinubukan lang niya ako. “Ingat ka Arlyn...” ang sigaw ng utak ko, pahiwatig na ayaw ko nang magkamali uli.

Tumayo siya, tinumbok ang isang kama. Sa kanyang paglalakad ay halatang lasing na siya. Bago siya humiga, hinubad niya ang kanyang t-shirt at ang kanyang pantalon, naiwan lang ang brief atsaka ibinagsak ang katawan sa kama.

Natulala naman ako sa aking nakita. Nanumbalik sa aking isipan ang gabi kung saan ko ginawa kay Simon ang bagay na iyon.

Tiningnan niya ako, “Halika...” sabay abot ng kanyang kamay sa akin na parang gusto niyang lapitan ko siya.

Nakakabighani ang kanyang anyo, at ang mapanukso niyang tingin ay mistulang umalipin sa aking pag-iisip. Nakikita ko si Simon sa pagkatao niya. Nakakabingi ang kalampag ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan.

“Halika...” ang panghikayat niyang muli, ang mga mata ay tila nagmamakaawa.

At walang nagawa ang aking katawang lupa kundi ang magpaubaya sa tawag ng kanyang panunukso at pagmamakaawa. Tumayo ako at parang napasailalim ng kanyang kapangyarihang tinumbok ang kanyang kama.

Sa pagkakataong iyon, ginawa ko kay Matt ang ginawa ko sa kambal niyang si Simon... Ang kaibahan lamang ay sinuklian ni Matt ang aking naramdamang pagnanasa. Nag-aalab ang kanyang mga halik, mahigpit ang kanyang mga yakap na tila walang sino mang makapaghiwalay sa pagkadikit ng aming mga katawan. Naghalikan kaming parang wala nang bukas; inangkin namin ang isa’t-isa na parang siya na ang lalaking para sa akin.

Maaga akong nagising kinabukasan. Himbing pa ring nakatulog si Matt. Walang saplot ang kanyang katawan, ang isa niyang kamay ay nakalingkis sa aking beywang.

Hinawi ko ang kanyang kamay.

“Umummmm!” ang ungol na lumabas sa kanyang bibig noong nagising siya sa aking galaw.

“Uuwi na ako Matt, sigurado akong naghintay na si Simon sa akin. Ituloy namin ang plano naming magproceed ng MA in Business Management at magsimula ng negosyo. Piliting kong magsimula muli kami sa aming pagkakaibigan.”

“Sasama ako... Gusto ko ring makita ang aking kambal. Tamang-tama, nahanap na raw niya ang babaeng para sa kanya at pakakasalan raw niya sa lalon gmadaling panahon. Sigurado, makadadalo tayong dalawa at magiging saksi pa sa pag-iisang dibdib nila ng kanyang mahal...”

Binitiwan ko na lang ang hilaw na ngiti. Ayoko nang mag-overreact. Wala na akong mahihiling pang iba. Kuntento na akong napatawad niya.

At sumama siya sa akin. Habang nasa eroplano kami muling nanumbalik sa aking isip ang si Simon; ang gabi kung saan ko ginawa ang kahalayan. Sariwa pa sa aking alaala ang lahat. Nakatatak pa sa aking isip ang nakatagong kulay pula at asul na tattoo na scorpion niya sa kaliwang bahagi ng kanyang balakang. Tandang-tanda ko pa ang hugis at haba ng peklat ng opersyon niya sa appendicitis sa baba ng kanyang tyan.

Lahat nang iyon ay nakita ko rin sa katawan ni Matt.

Muling nanariwa aking isip ang isang bagay na sinabi niyang gawin kapag gumraduate na siya, “Kapag gumraduate tayo pare, magpapakalbo ako, sa araw mismo ng ating graduation. At maglagay din ako ng hikaw sa aking kaliwang tainga!”

Inilingkis ko ang aking kamay sa beywang ni Matt. Isinandal ko rin ang aking ulo sa kanyang balikat. “S-salamat sa lahat...” bulong ko.

Tinitigan niya ang mukha ko at inilingkis niya ang kaliwa niyang kamay sa aking beywang.

May halos isang oras ding naglakbay ang eroplano. Noong nakababa na kami at sabay na naglakad palabas sa airport, dali-dali kong kinuha ang aking cp at dinayal ang number ni Simon.

Nag-ring ito. “Hello?” ang sagot sa kabilang linya.

“Kumusta ka na?”

“Heto mabuti... Ikaw?”

“Mabuti rin... m-masaya.”

“Bakit ka Masaya?”

“Pinatawad mo na ako... at nandito na rin ako, bumalik na.”

“Welcome back!”

“Salamat. N-na miss kita.” Sambit ko.

“Ako rin... na miss kita. Sobra...”

Napangiti ako. Kinilig. Hindi makapagsalita. Parang may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan.

“Pare... I love you!” ang hindi ko inaasahang sabihin niya.

Parang naglalakad ako sa ulap sa sobrang saya. Nilingon ko si Matt. Hawak pa rin niya ang kanyang cp na nakadikit sa kanyang tainga. “I love you too... p-pare” ang mahina kong tugon.

Kinindatan niya ako sabay bitiw ng isang nakabibighaning ngiti.

Napako ang aking paningin sa kanyang mga mapupulang labi. Kilala ko ang ngiting iyon; isa lang ang tao sa mundo na nagmamay-ari ng ganoong klaseng ngiti na nakapagbibigay ng ganoon katinding kalampag sa aking puso. Si Simon...

At naalimpungatan ko ang paglapat ng aming mga labi...

Wakas

6 comments:

  1. ganda naman ng story.

    ReplyDelete
  2. haaaaay.... kakabitin po kuya mike... pero maganda .. hehe.

    anyway....akalain mo sya din un. hehe.

    ReplyDelete
  3. cute ng story.hay kay sarap isipin kung may lalaking katulad ni simon ang mgmamahal Din sakin.

    -mashi cebu

    ReplyDelete
  4. haha mas ma-L pa si Arlyn kay Simon.

    ReplyDelete
  5. cute namn ng story.. kaya huwag tayo agad manghusga kung ano xa kasi malay mo xa ung partner mo sa buhay.

    ReplyDelete
  6. Ang ganda. I love it so.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails