email: watashioonheru03@gamail.com
fb: http://facebook.com/oonheru
by: oonheru
Pagkatapos naming mag pa medical hindi na kami nag practice sabi ng aming team captain mag pahinga nalang daw muna kami.Hindi pa rin ako makapaniwala na pareho ang birthday namin ni francis dahil sa tagal ng pagsasama naming ay ngayon ko lang nalaman. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin iyon? Bakit niya isinekreto? Yan ang mga katanungan na gumugulo sa aking isipan. Naalala ko pa kapag birthday namin dalawa hindi siya pumapasok sa klase. Kapag nagtetext naman ako sa kanya sasabihin nya ay nasa manila siya. Pero hindi niya nakakalimutang batiin ako. At kapag umuuwi siya galing manila marami siyang pasalubong na dala sa akin gaya ng chocolates, damit at perfume. iyon daw ang kanyang regalo sa akin. Ang bait talaga ni francis katulad siya ng aking kuya.
“Prince galit ka pa ba sa akin?”- boses ni francis mula sa likuran. Hindi ko parin siya pinansin at nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Nag iisip kung papansinin ko ba siya. Hindi kasi ako sanay ng sinisigawan, ayaw ko ng ganoon. Pero sa kabila ng hindi ko pag pansin sa kanya pilit naman niya akong kinukulit at Sinundan niya ako kung saan ako pupunta.
“Pansinin mo naman ako oh! Nag mumukha na akong tanga kakasunod sayo, parang nakikipag usap ako nito sa buwan eh” Nag panting ang tenga ko sa aking narinig kaya naman hinarap ko siya.
“sino ba ang may sabing sumunod ka ng sumunod ka sa akin? Hindi ka ASO, TAO ka kaya wag kang buntot ng buntot sa akin. Okay?”
“okay fine, simula ngayon hindi na kita kukulitin o susundan o kung ano pa man”
“mabuti kung ganoon, nakakairita kasi pag may sunod ng sunod sayo eh”
“oo nga siguro nga. Magsama kayo ni EJ!”- ang mataas niyang boses
“wag mong idamay ang taong walang kinalaman dito.”- mataas na rin ang boses ko
“Alam mo ba nung nag text ako sayo, at yayayain sana kitang kumain sa labas sabi mo busy ka sa ginagawa mo. Pero ano? Kasama mo si EJ noon diba? Kumain pa nga kayo sa labas eh tapos doon ka pa natulog sa kanila”
“eh ano naman ang pakialam mo kung kumain kami sa labas ni EJ? At ano rin ang pakialam mo kung doon ako nakitulog sa kanila? Saka mga classmate namin ang kasama ko matulog kina EJ” Hindi siya nakaimik sa aking sinabi, nakayuko siya at halatang napahiya sa aking sinabi
“Concern lang naman ako eh”
“CONCERN?? Tama ba ang narinig ko? Hindi yan pagiging concern. SELFISH ang tawag dyan at higit sa lahat ayaw ko sa taong makitid ang utak.” Hindi siya naimik sa aking sinabi. nakayuko lang siya.
“Sorry” at tuluyan na siyang humagulhol. Naiiyak na rin ako ng mga oras na iyo pero hindi ako nagpahalata.
"Hindi ko kailangan ang sorry mo!"
Umalis na ako at iniwan siyang mag isa at umuwi na sa boarding house. Pagdating ko agad kong hinubad ang uniform ko at nag suot lang ng boxer na puti. Humiga ako sa kama at ipinatong ko ang aking kaliwang kamay sa aking noo at iniisip ko parin ang nangyari kanina habang nakatitig sa kisame.
“oh bunso nandiyan kana pala. Wala ka na bang klase?” tanong ni kuya sa akin
“wala na po eh. Ikaw ba?” tanong ko rin sa kanya
“wala na rin eh. Teka umiyak ka ba bakit mapula ang mga mata mo?”
“ah hindi po napuwing lang po ako sa labas kanina, mahangin kasi eh” ang pag sisinungaling ko
“ah ganoon ba akala ko may nag paiyak sayo eh” sabay gulo ng buhok ni kuya sa akin
“wala kuya, saka sino naman ang aaway sa akin, eh ang bait ko kaya”
“malay natin ang best friend mong si Francis ang umaway sayo" Hindi ako nakaimik sa sinabi ni kuya bagkos nag change topic nalang ako.
“eh kumain ka nab a kuya?” ang sabi ko
“ hindi pa nga eh. Ikaw ba?”
“hindi pa rin eh. Tara kain tayo libre mo ako hah?”
“hahaha loko ka talaga sige na nga. Pero kiss ko muna” si kuya
“ayaw ko nga” pagpapakipot ko
“sige ka hindi kita ililibre, sa paborito mong resto pa naman tayo kakain pero wag nalang walang kiss eh”
“ang daya naman ni kuya. Sige na nga eh oh kiss
”At nag flying kiss ako sa kanya
“Ayaw ko ng flying kiss sawa na ako dyan hahaha” Wala na rin naman akong nagawa kundi i kiss siya sa pisngi. Kasi pag hindi ko ginawa iyo hindi nya ako ililibre sa paborito kong resto. Hahaha
Lumipas ang dalawang linggo at hindi na nga kami nag papansinan ni francis. Hindi narin kami mag katabi sa upuan at kahit nag kakasalubong kami sa school o sa labas man parang hindi kami mag kakilala. Kahit sa practice ng aming cheerleading hindi din.
Parang na guilty naman ako sa nangyayari sa amin parang gusto ko siyang kausapin at humingi ng sorry sa kanya para mag kaayos na kami, gusto kong ibalik ung dating saya ng pagiging mag bestfriend naming dalawa. Hindi ako sanay ng ganito. Pero umiiral pa rin ang pride ko. Hindi ako mag sosorry sa kanya. Yan ang sabi ko sa aking sarili.
Alas dose na ng madaling araw hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dala na rin siguro ng mga problema ko kaya naman nag text ako sa aking textmate.
“Kumusta kana?” ang text ko
“Okay lang naman ako. Ikaw kumusta kana?”
“eto hindi makatulog ”
“may insomia ka ba? hehehe"
"hehehe wala" sagot ko
"may problema ka ba?” tanong niya
“Oo eh. Maraming marami ”
“Share mo naman baka makatulong ako sayo”
Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya ang aking problema, pero kelangan ko itong ilabas para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
“Nag away kasi kami ng bestfriend ko eh. Hanggang ngayon hindi pa rin kami ng papansinan eh dalawang linggo na ang nakakalipas."
"So ano ang gusto mong gawin ngayon?"
"Gusto ko ulit ibalik ung dating pagkakaibigan naming dalawa. Ano ba ang dapat kong gawin?”
“Na mi miss mo siya?”
“Oo miss ko na siya :(”
“ANO BA ANG?” NA MI MISS MO, SIYA O ANG KAWALAN NIYA?” Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya parang isang milyon ang halaga ng kanyang katanungan. Hindi ko alam ang aking isasagot. Matalinhaga ang kanyang tanong at napakalamin nito.
“Parehas” ang reply ko makalipas ang sampung minuto
“hindi pwedeng parehas dahil may isang bagay kang na mi miss sa kanya yun ay SIYA O KAWALAN niya. Alin bas a dalawa?”
“Siya po” ang sagot ko
“Ang sakit lang na dati-dati kami ang magkasama. ngayon daan-daanan nya na lang ako. Ano ba ang dapat kong gawin para mag kaayos kami ulit?” text ko pa
“ Minsan akala mo di mo kaya, pero pag nakaya mo you'll become stronger. Simple lang naman para mag kaayos kayo ulit, humungi ka ng sorry sa kanya”
“eh hindi naman ako ang may kasalan eh” sabi ko
“Hindi importante kung sino ang may kasalanan, hindi porket ikaw ang humihingi ang tawad ay kasalanan mo na, minsan may mga bagay tayong dapat isaalang-alang para maging maayos ang lahat. Wag mong pairalin ang pride mo. walang mangyayari sa inyo kung mag hihintayan kayong dalawa kung sino ang mag bababa ng pride. Isusugal mo ba ang inyong pagkakaibigan ng dahil lang sa pride?
”Para naman akong sinampal sa kanyang sinabi. Oo nga naman hindi dapat pairalin ang pride.
“hindi. Eh kasi naman pinag seselosan niya ang mga kaibigan kong iba eh”
“Normal lang yun sa mag bestfriend. nasanay siguro siya na lagi mong napag tutuunan ng pansin. pero Alam mo wag kang magagalit kong nagseselos siya kasi mas masarap sa pakiramdam yung alam mong pinag dadamot ka kesa pinamimigay ka. Ikaw ano ba ang mas gusto mo sa dalawa?” Sheeeet bakit ganito ang kanyang mga sinasabi sa akin, talagang natatamaan ako sa kanyang mga sinasabi.
“Di ba pagiging selfish yun?” tanong ko sa kanya
“Para sa akin, hindi kasi minsan kaya nag seselos ang tao kasi ayaw niyang mawala tayo sa kanila. Mahal tayo ng mga taong iyon.”
“Ah okay po. Pero bakit binabaliwala na niya ako?”
“Siguro dahil sa nangyari sa inyo. baka gusto na nyang maka move on. Alam mo minsan kaya nasasabi nating binabalewala tayo ng isang tao kasi iniisip natin na mahalaga tayo sa kanya. Ang tanong mahalaga ka ba sa kanya? ”Napaisip ako sa kanyang sinabi. Mahalaga ba talaga ako kay francis?
“Uhmmm siguro naman mahalaga ako sa kanya, mag bestfriend nga kami diba?”
“maganda yan! Basta wag ka lang masyadong mag expect kasi sa bandang huli ikaw rin ang masasakatan”
“Opo salamat sa payo”
“Alam mo ma swerte ka nga dahil iyan lang ang problema mo. Hindi tulad ng ibang taong may sakit na cancer, may taning ang buhay, mga putol ang paa, eh nakikisabay sa agos ng buhay at hindi nawawalan ng pag asa na balang araw magiging ayos din ang lahat. diba mas malaki pa ang problema nila kesa sayo? Kaya isipin mo na mas maswerte ka sa kanila. Enjoy mo lang ang life at isipin mo na challenge lang ang lahat at sigurado ako na malalampanasan mo din iyan. Kung ang mga bata nga na nasa langsangan na walang magandang tulugan, walang makain at mainom, walang magandang bahay, walang mga magulang ay kayang ngumiti sino ka naman para sumimangot diba? Smile kana”. Sobrang hiwaga ng kanyang mga sinabi hindi ko alam kung saang parte ng mundo niya kinuha ang mga iyon sorbang galing niya magpayo. Gusto ko siyang Makita sa personal. Sabi ko sa aking sarili.
"Mahal mo ba siya?" tanong niya
"Oo mahal ko siya kasi bestfriend ko siya" sagot ko
"what i mean is ung higit pa sa isang bestfriend?"
"uhmm dati, pero ngayon bestfriend nalang talaga"
"huh bakit naman?"
"kasi pag nagagalit sa akin ang isang tao, ung tipong wala naman akong ginagawang masama tapos susumbatan ako ayun unti unting nawawala ang pagmamahal ko"
"mahirap ka palang galitin hehehehe. smile ka naman oh"
“opo naka smile na ako :D” Sobrang saya ko ng mga oras na iyon parang nawala lahat ng aking problema sa kanyang mga sinabi.“Oh siya matulog kana. Baka may pasok ka pa bukas, bawal mag puyat ha? Hehehe”
“opo salamat pala sa payo ha?”
“wala un basta pag may problema ka text mo lang ako. Teka wala ka bang kapatid na matanda sayo?” tanong niya
“Meron po. Ung kuya ko.” Ang sabi ko
“eh bakit hindi mo sa kanya sinasabi ang problema mo?” tanong niya
“nahihiya kasi ako sa kanya eh”
“sus wag kang mahiya sa kuya mo, baka nga mas magaling pa magpayo sa akin yan eh. Hehehe”
“naku mas magaling ka sa kanya magpayo. Hehehe”
“Oh sya, matulog kana at matutulog na din ako. Good night ”
“Good night din. Sweet dreams ”
(itutuloy)
ay bitin! Next na please! Hehe!
ReplyDeleteAng haba naman ng tinype ni kuya mike sa text. Haha!
Ganda!
--ANDY
ang ganda! Andaming spoilers from previous chapters lol.
ReplyDeleteMr. Author Engineering student ka in real life?
-marcovelasco
grabe nman author angtagal nman ng updates..ilang years b ulit bago mgkkaroon ng updates? Hayyyys.. More updates plssss..sobrang ganda n kc ng story eh. Anyways, thanks in advance.
ReplyDeletenakakabitin nmn yung kwento pero maganda ayus to update na pls
ReplyDeleteNext chapter na..
ReplyDeletecant wait..
lalong gumaganda ang kwento..
Dali na update na hehe
ReplyDeletewala na update ito author? busy ba? maganda malaman kung bakit super sweet sa kanya si kuya mike, at magkapatid sila ni Francis? pki update naman author, salamat...kudos
ReplyDeleteedward
Ang ganda ng kwento..ang daming twist,,,heheh next chapter pls
ReplyDelete