Starfish
[Chapter 9]
By: crayon
****Kyle****
5:14 pm, Wednesday
June 25
Sunod-sunod ang surpresang dumarating ngayon sa buhay ko. Una ay ang pagtanggap sa amin ni Aki ng aking mga magulang, pangalawa ay ang biglang pagsulpot sa bahay ni Lui, pangatlo ay ang tawag sa akin ni Tita Grace kaninang umaga para makipagkita sa akin.
Simula ng maging magkaibigan kami ni Renz ay naging malapit na ako sa ina nito na si Tita Grace. Mabait kasi ang ginang at lagi akong bine-baby sa tuwing pumupunta ako sa kanila kaya madaling naging magaan ang loob ko rito. Base sa tono ng boses nito ay mukhang may problema ito, may hinala na ako kung ano ang pag-uusapan namin at hindi rin ako sigurado sa kung ano ang maitutulong ko sa kanya.
Nakatakda kaming magkita ng 5:30 ng hapon pagkagaling ko sa opisina. Tinext niya ako kanina na magkita na lamang kami sa isang coffee shop sa may High street na malapit lamang sa pinapasukan ko. Ilang minuto pa lamang makalipas ang alas-singko pero dinatnan ko na si Tita Grace sa aming meeting place na nakaupo sa isang lamesa.
"Hello po Tita!", masaya kong bati sa ginang habang inaabot ang kamay nito para magmano. Maganda pa rin ito sa suot na aqua blue na dress pero halata sa mukha ang dinadalang alalahanin.
"Hi Kyle, lalo kang gumagwapo ah...", nakangiti nitong sagot.
"Hehehe, salamat po. Ikaw din Tita parang di kayo tumatanda."
"Naku, ikaw talaga. Binobola mo na naman ako. Halika umupo ka na para makapag-meryenda tayo habang nagke-kwentuhan.", anyaya sa akin nito.
"Kanina pa po ba kayo dito?", tanong ko habang umuupo sa aking pwesto.
"Hindi naman, halos magkasunuran lang din tayo.", sagot nito habang tinatawag ang waiter. Matapos ibigay ang order ay nagkamustahan lang muna kami. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming pagkain.
"Tita, sabi nyo po kanina sa phone may hihingin po kayong pabor sa akin. Ano po iyon?", panimula kong tanong habang kumakain kami. Nakita ko namang natigilan ang aking kausap sa paghigop ng kape.
"Oo, sana. Nahihiya ako sayo dahil ako dapat ang umaayos nito pero hindi ko na kasi alam ang aking gagawin kaya hihingin ko na ang tulong mo.", tahimik lamang akong nakikinig sa ginang na bakas sa mukha ang hirap na dinadala. Tumango ako para magpatuloy siya sa kanyang nais sabihin.
"Tungkol ito kay Renz. Hindi ko na alam ang gagawin sa kaibigan mo.", bahagyang nanginig ang kanyang boses at pakiramdam ko ay anumang oras ay iiyak na siya.
"Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya dahil ayaw naman niyang magkwento sa akin. Pero nababahala na ako Kyle sa mga ginagawa niya sa kanyang sarili.", alam ko kung ano ang tinutukoy ni Tita Grace. Hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman ang mga gingagawang bisyo ngayon ni Renz.
"A few months back i learned that he was madly spending all his money in casinos. Nalaman ko yon dahil nagsabi sa akin yung manager ng shop namin na hindi na raw nagpapasok si Renz at madalas ay dumaraan lamang doon para kumuha ng pera.", nakita kong pumatak na ang luha ng mommy ni Renz na agad din niyang pinunasan.
"I thought that was the worst of it, 'til i found out that he's also abusing drugs. I saw the evidence in his own room. I tried to talk to him but he just laughed at me. I guess sabog pa din siya ng mga oras na yon. And two days since, hindi pa siya umuuwi sa bahay. I don't know where the hell he went. His phone is ringing whenever i call him but he never answers it.", sa pagkakataong iyon ay hindi na nito napigilan ang umiyak ng tuluyan. Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. Nang medyo okay na siya ay saka ako nagsalita.
"Naitawag nyo na po ba sa pulis Tita na nawawala ang anak nyo?", alanganin kong tanong dahil kung tutuusin ay hindi naman talag nawawala si Renz. Sa pakiramdam ko ay nandoon lamang siya sa bahay ng isa sa kanyang mga bagong kabarkada.
"Hindi pa Kyle. Natatakot kasi ako. What if they found him in a drug den? Ayaw ko namang makulong ang anak ko. The last time that i confronted him, i told him that im going to send him to a rehab. Sa tingin ko kaya siya umalis ay dahil doon. Ayaw ko din naman talaga siya ipadala sa rehab pero hindi ko na kasi alam kung paano siya tutulungan. He won't tell me his problem, and i don't want to just sit down and watch while he throws everything he has into thrash."
"I understand Tita, i will do everything i can to help him.", wika ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anu ang maitutulong ko gayong alam kong ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon.
"Please do Kyle. Alam kong kapatid na ang turingan nyo sa isa't-isa at tiyak na makikinig sa iyo si Renz. Please Kyle ilayo mo siya sa mga bago niyang kaibigan na nag-iimpluwensya sa kanya ngayon. Kilala nating pareho ang anak ko, alam mong hindi siya ganito. Hindi ganito ang anak ko.", muling iyak ng aking kausap. Hinigpitan kong lalo ang hawak sa kamay nito para kumalma ito ng kaunti.
Nang medyo kumalma na ang ina ni Renz ay dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa. Sinubukan kong i-dial ang number ni Renz. Agad namang may sumagot sa aking tawag.
"Hello Renz?", napatingin naman sa akin si Tita Grace mula sa pagkakayuko.
"Oh! Jellyfish napatawag ka?", masayang bungad ng aking kaibigan. Hindi batid na umiiyak ng mga sandaling iyon ang kanyang ina.
"Wala naman. Nasaan ka ngayon?", tanong ko.
"Andito lang nakatambay sa bahay ng kabarkada ko."
"Dinner tayo mamaya. Pwede ka ba?"
"Sige, saan tayo magkita?"
"Ite-text na lang kita kung saan. Sige bye-bye na.", paalam ko sa kanya.
"Ok, bye. See you later.", binalik ko na ang aking cellphone sa bulsa at hinarap si Tita Grace.
"Tita, kakausapin ko na lang po mamaya si Renz. Huwag na po kayo masyadong mag-alala mukhang nasa bahay lang po siya ng kabarkada niya ngayon. Sisikapin ko pong kausapin siya tungkol sa mga ginagawa niya sa kanyang sarili."
"Maraming salamat Kyle. Pasensya na din at pati ikaw ay naabala ko pa.", paumanhin ng ginang.
"Wala po iyon tita, sabi nyo nga po parang kapatid ko na din si Renz kaya wala po itong ginagawa ko. Hindi po kayo nakakaabala. Babalitaan ko na lamang po kayo mamaya kung anung mangyayari sa pag-uusap namin."
Tinapos lang namin pareho ang aming pagkain at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pinasya ko muna umuwi sa condo upang makapagbihis bago makipagkita kay Renz.
Hindi ko dinatnan si Lui sa condo ko, marahil ay may lakad ito. Mula nang lumipat ito ay naging abala na ito sa paghahanap ng trabaho. Marahil ay may interview ito ngayon at mamaya pa makakauwi. Tinawagan ko muna si Aki para ipaalam na hindi ako makakapunta sa condo niya ngayon. May usapan kasi kami na doon ako matutulog ngayong gabi.
"Aki...", bungad ko sa aking kausap.
"Bakit po? Papunta ka na ba? Mamaya ka na pumunta, magpahinga ka muna dyan sa inyo. Nag-grogrocery pa ako ng lulutuin ko mamaya eh. Late na kasi ako nakalabas ng opisina."
"Yun nga eh, baka hindi ako makapunta dyan kasi magkikita kami ni Renz.", alanganin kong sabi.
"Bakit?", halata ang biglang paglungkot ng boses nito.
"Nagkita kasi kami ngayong hapon ni Tita Grace. Mukhang nalaman na niya na nagsusugal at nagda-drugs si Renz. Dalawang araw na palang hindi umuuwi sa kanila si Renz, at labis na siyang nag-aalala. Gusto niyang kausapin ko si Renz, hindi na ako naka-hindi kasi umiiyak na si Tita kanina.", paliwanag ko kay Aki.
"Okay sige. Sa weekends na lang tayo magkita.", matamlay na sagot ng aking boyfriend.
"Nagtatampo ka?", alala kong sagot.
"Hindi. Alam ko namang wala kang choice eh. Huwag ka na lang masyado magpa-gabe and try not to get drunk. May pasok ka pa bukas.", paalala nito.
"I love you!", nakangiti kong sagot.
"I love you too, call me when you get home."
"I will, bye!"
"Bye."
Nagpahinga muna ako saglit bago naligo at naghanda para sa aking lakad.
****Renz****
7:28 pm, Wednesday
June 25
Excited kong tinatahak ang daan patungo sa aming pastry shop sa Greenbelt. Wala akong pakialam sa sikip ng daloy ng trapiko dahil good mood ako ng gabing ito. Magkikita kasi kami ng aking bestfriend. Mukhang miss na miss na niya ako dahil siya pa mismo ang nag-aya na magkita kami na hindi na gaanong nangyayari simula ng magkaroon siya ng boyfriend.
Balak ko sana siyang dalhan ng cheesecake mula sa shop na siyang paborito nya. Mabuti na lamang at may dala akong extrang damit sa sasakyan kaya nagawa kong makapagbihis kanina. Dalawang araw na kasi akong hindi nakakauwi sa bahay. Nag-session na naman kasi kami ng sugal at drugs sa bahay ng aking kaibigan. Suwerte naman at nanalo ako sa pagkakataong ito.
Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa aking destinasyon. Agad akong bumaba ng aking sasakyan at dumiretso sa loob ng shop. Agad ko namang nakita ang manager ng shop.
"Chris, ipag-take out mo nga ako ng tatlong slice ng blueberry cheesecake. ", maangas kong utos sa manager. Mula ng isumbong nito kay Mama ang hindi ko pagpasok ay naging mainit na ang dugo ko rito.
"Sige po sir.", magalang nitong sagot na lalo lamang nakapag-painit ng ulo ko.
"Hoy huwag mo kong talikuran.", tawag ko sa atensyon nito nang maglakad ito patungo sa kusina. Nakita ko naman na medyo madaming napatingin sa aming direksyon. Mukhang napalakas ang aking pagsasalita.
"May kailangan pa po ba kayo sir?", kita ang kaba sa mukha ng aming empleyado. Lalo naman akong naaliw sa aking ginagawa.
"Oo, bakit ganito ang itsura ng shop? Masyadong madumi, masyadong makalat! Hindi mo na ba kayang gawin ng maayos ang trabaho mo?!", sadya kong nilakasan ang aking boses para lalo siyang mapahiya. Gusto kong makaganti sa pagsusumbong na kanyang ginawa kay Mama.
"Pasensya na po sir, ipalilinis ko na lang agad yung kalat.", nakayuko nitong wika.
"Aanhin ko ang pasensya mo?! Malulugi ang negosyo ko dahil sa katangahan mo.", sagot ko.
"Ikaw lang naman ang mukhang madumi sa lugar na 'to eh.", nagulat ako sa boses na iyon sa aking likuran. Agad akong bumaling ng tingin para malaman kung sino ang pakialamerong iyon.
"Hello Renz!", bati ng lalaki ng magtagpo ang aming mga tingin. Gwapo ito sa suot niyang maroon na long sleeves na lalong nagpatingkad sa kinis at kaputian ng kanyang balat. Maayos na nakasuklay ang kanyang buhok at naka-plaster sa kanyang maamong mukha ang isang malapad na ngiti. Aakalain mong banyaga ito dahil sa kanyang mapupula labi, mahahabang pilikmata at matangos na ilong. Idagdag pa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Halatang alaga sa ehersisyo.
"Gwapo ba ko masyado?", mayabang nitong komento ng hindi ako kaagad makapagsalita. Bakit ko ba kasi ine-eksamin pa ang mukha ng isang ito.
"Alam mo bang may kulangot na nakasilip sa ilong mo?", ganti kong pambabara sa kanya. Aligaga naman siyang napatalikod para tingnan ang sinasabi kong dumi niya sa ilong.
"Sir alin po ba yung maduming lilinisin ko?", muling tanong nang aking empleyado.
"Yung ilong nitong epal na 'to madumi. Kalikutin mo nga ng mop. Nasaan na yung pinapa-take out ko? Bakit ang tagal? May lakad pa ako.", bulyaw kong muli.
"Wait lang po sir.", paalam nito at dali-daling pumunta sa kusina.
"Sinungaling ka, wala naman eh. Sabihin mo natulala ka lang talaga sa kakisigan ko.", muling pagyayabang ni Lui.
"Bakit ba nandito ka?", naiinis kong sagot.
"Bakit ba ang sunget mo?", reklamo nito.
"Bakit ka kasi ma-epal at feeling close?", hamon ko.
"Tandaan mo may utang na loob ka pa sa akin."
"Anong pinagsasabi mong utang na loob?", tanong ko.
"Remember, i gave you Kyle's address. Tinulungan kita nung nililigawan mo pa siya. Na-basted ka nga lang pero tinulungan pa din kita.", nakakaloko nitong sagot.
"Sira pala talaga ulo mo eh.", yun na lamang ang nasabi ko dahil hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.
"Sir, eto na po yung pinapa-take out nyo.", wika ng aming store manager. Agad ko namang kinuha yung papaer bag ng aking order at iniwan na ang baliw na kaibigan ni Kyle.
"Hoy saan ka pupunta? Di pa tayo tapos mag-usap.", hirit ni Lui habang papalabas ako ng shop. Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na ako ng aking sasakyan.
----------------------
Mag-aalas nwebe na ng makarating ako sa tagpuan namin ni Kyle. Dinatnan ko siyang nakaupo sa isang lamesa. Sa may sulok ng restaurant na aming pagkakainan. Gwapong-gwapo pa din siya hanggang sa ngayon. Nakasuot lamang siya ng dilaw na poloshirt na humahapit sa kanyang matipumong dibdib at khaki na shorts. Isang napakaaliwalas na tanawin para sa akin sa gabing ito.
"Lalo tayong guma-gwapo ah?", masaya kong bati kay Kyle na ikinangiti naman ng huli.
"Natural lang yan.", natatawa niyang sagot.
"Medyo malakas pala ang hangin dito no?", sagot ko.
"Sira! Bakit ba ang tagal mong dumating? Nagugutom na ako.", reklamo ni Kyle dahil may kinse minutos na akong late.
"Kinuha pa kasi kita nito oh!", paliwanag ko sabay abot ng dala kong pasalubong.
"Blueberry cheese cake?"
"Syempre, yung pinakamasarap.",nakangiti kong sagot.
"Yehey! Sa bahay ko na to kakainin. Umupo ka na para makakain na tayo."
Kahit na nasasaktan ako at lagi nang nahihirapan, ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng labis na tuwa at saya sa tuwing ganitong magkasama kami ni Kyle. Kahit papaano ay nakukumbinsi ko ang aking sarili na maniwala na katulad pa din kami ng dati. Na walang masasamang bagay na nangyari, na akin lang si Kyle, na ako pa din ang mahal niya.
Masaya kaming kumain ni Kyle. Katulad ng dati ay walang katapusan ang aming kwentuhan sa nangyayari sa aming mga buhay. Sa totoo lang ay si Kyle lang halos ang nagkekwento. Wala naman kasi akong maisip na magandang ikwento sa kanya. Umiikot na lang ang buhay ko ngayon sa inom, sugal, at sa droga. Napaka-pathetic ko naman kung babanggitin ko pa sa bestfriend ko lahat ng kamiserablehan ko.
Matapos kaming kumain ay umorder ng alak si Kyle. Nagulat ako dahil matagal na simula ng huli kaming uminom ni Kyle. Alam kong busy ito lagi sa trabaho o sa kanyang boyfriend kaya kadalasan ay nagkakape lang kami o kaya ay kumakain tapos uwian na. Mukhang may pinagdadaanan siya kaya naisipan niya akong ayain na uminom.
Nang mai-serve na ang inorder na alak ni Kyle ay minabuti ko nang tanungin siya sa problema niya para makatulong ako.
"May problema ba Kyle?", simple kong tanong.
"Ha? Wala ah. Ikaw ba?"
"Wala naman. Nagulat lang ako, bigla mo kasi naisipan na uminom.", paliwanag ko.
"Gusto lang kita makausap ng seryoso.", tugon nito.
"Ok, anu ba gusto mong pag-usapan natin?", naguguluhan kong tanong.
"Ikaw. Bakit hindi ka umuuwi sa inyo Renz?", bahagya naman akong nagulat sa sinabi ni Kyle. Hindi agad ako nakapagsalita.
Una ay dahil wala akong ideya kung papaano niyang nalaman na hindi ako umuuwi sa bahay. Pangalawa ay dahil sa hindi ugali ni Kyle na pakialaman ako sa mga bisyo o kalokohang ginagawa ko ngayon. Kahit na lahat ng tao sa paligid ko ay pinauulanan ako ng sermon sa mga ginagawa ko ay tahimik lamang si Kyle na inuunawa ako.
Hanggang mga paalala lamang ang ginagawa niya. Kahit na kailan ay hindi niya ako inaway o kinagalitan dahil sa mga bisyo ko. Ngunit sa tono ng kanyang pananalita ngayon ay mukhang masesermunan niya ako sa ginawa kong hindi pag-uwi sa bahay. Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil mukhang masisira pa ang aming date ngayong gabi.
"Oh, bakit nanghahaba yang nguso mo? Bakit kako hindi ka umuuwi sa inyo?", puna ni Kyle sa aking naging reaksyon.
"Nasa tamang edad naman na ako Kyle. Wala naman siguro masama kung hindi ako umuwi sa bahay ng ilang araw. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko.", pangangatwiran ko.
"Wala namang masama sa mawala ka ng ilang araw sa inyo, pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit di mo magawang magpaalam kay Tita Grace? Ganun ba kahirap magtext o tumawag na hindi ka uuwi sa inyo?", ramdam kong naiinis si Kyle sa aking ginawa base sa kanyang pananalita.
"Paano ko magpapaalam sa kanya eh badtrip syang kausap.", naiinis ko ring sagot. Nakita ko naman ang lalong pagsasalubong ng mga kilay ng aking kausap.
"Ok, so badtrip kausap ang nanay mo ganun? Bakit mo naman nasabi yun?", muling tanong ni Kyle habang tinutungga ang alak sa kanyang baso.
"Masyado niya na kasi akong pinapakialaman. I don't understand why she has to be so nosy about my whereabouts."
"I don't think there's anything wrong with that. It is rather unusual if your mom does not care about you at all. Is it really a bother that your mom tries so hard to stop you from doing all the nasty things you've been doing lately?", sarkastikong sabi ni Kyle.
"Pati ba naman ikaw Kyle?", disappointed kong sabi.
"You know well Renz that i chose to stay silent about what you're doing. As a friend i should not have let you go that way but i was hoping that you'll get back on the right track. Matagal na tayong magkaibigan Renz, parang kapatid na ang turing ko sayo. Alam kong maraming hindi magagandang bagay na nangyari sa atin kaya pilit kitang iniintindi sa mga ginagawa mo ngayon."
"Si mama ba ang nagsumbong sayo?", hindi ko mapigilang mainis muli sa pakikialam ng aking magulang.
"Hindi siya nagsusumbong Renz. Nanghihingi siya ng tulong sa akin. Hindi niya na alam ang gagawin para mapatino ka uli. Alam mo bang nagkakandaiyak ang Mama mo kanina habang kausap ko sa cafe. Sobrang siyang nag-aalala sayo. Habang masaya kang nag-iinom, nagsusugal, o humihithit ng kung anuman, yung nanay mo mamatay sa pag-aalala sayo.", litanya ni Kyle.
"Can we not talk about this Kyle? You're ruining the night.", reklamo ko.
"And you're ruining your life.", matigas na sabi ni Kyle. Nagulat na lamang ako ng may biglang pumatak na luha mula sa kanyang mga mata. Agad naman niya itong pinahid.
Hindi ko na nagawang magsalita pa. Hindi ko alam kung bakit lagi ko na lang napapaiyak si Kyle.
****Kyle****
9:57pm, Wednesday
June 25
Hindi ko na mapigilan ang maluha dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko na alam kung dapat ba akong mainis o magalit kay Renz dahil sa kawalan niya ng pakialam sa nararamdaman ng kanyang ina. Hindi ko rin alam kung sa kanya ko ba tamang ibunton ang sisi o mas dapat na sarili ko ang aking sisihin sa kinahinatnan ng aking matalik na kaibigan.
Alam kong kaya siya nagkakaganito ay dahil sa nasasaktan pa din siya sa mga nangyari may isang taon na ang nakalilipas. Alam ko dahil ako mismo ay dumaan sa ganitong sitwasyon at alam kong hindi madaling makalimot at maghilom ng sugatang puso. Pinili ko noong lumayo para maibsan ang sakit samantalang pinili naman ni Renz na malulong sa mga panandaliang sayang dulot ng kanyang mga bisyo ngayon.
Hindi ko tuloy mapigilang tanungin ang aking sarili kung patas ba na pigilan ko siya sa kanyang mga ginagawa kung iyon lamang ang tanging nakakapawi ng kanyang mga kalungkutan sa ngayon. Kung ilalayo ko siya sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya kahit papaano, anu naman ang iaalok kong kapalit para hindi niya na masyadong indahin ang sakit sa kanyang dibdib? Maka-sarili nga ba akong matatawag kung ipipilit ko ang nais kong mangyari kahit na alam kong magiging mas mahirap ang sitwasyon para kay Renz?
"I'm sorry Kyle, i shouldn't have said that.", nakita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata na kanina lamang ay nakangiti bago kami mag-usap ng seryoso. "I just don't want you to be acting like my mom. I have enough people telling me how much a mess i am right now. I can't bear to hear it from you, not from you Kyle.", lalo lamang akong napaluha sa mga sinasabi ni Renz. Ramdam ko kung gaano siya ka-hopeless ngayon. Alam kong hindi rin naman siya tunay na masaya sa mga ginagawa niya pero wala siya masyadong pagpipilian.
"I'm not trying to be your mom Renz. I'm trying to be your friend, your bestfriend. I should have done this talk a long time ago but i choose to be silent cause i know things are difficult for you. But i cannot just stand here and watch while you threw everything away.", tumingin lamang sa ibang direksyon si Renz. Wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Alam kong nasasaktan ka pa din sa nangyari sa atin at gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Sa mga ginagawa mo ngayon Renz lalo mo lang masasaktan ang sarili mo at ang mga taong nagmamahal sayo. Think about how much pain it is for your mom to see you like that. Nung kausap ko siya kanina gusto ko na lang biglang maglaho because i blame myself for what's happening to you. It hurts me to see my bestfriend like that. And i hate the fact that there's nothing i can do to help.", tinigilan ko munang magsalita bago pa ako mapahagulgol ng tuluyan.
Panandaliang namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Renz. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan dahil nakaiwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko na rin alam ang dapat kong sabihin sa kanya. Kagaya nang nasabi ko ay wala naman akong mai-offer na alternatibong gamot para sa pinagdadaanan niya.
"Please Renz, umuwi ka na sa inyo. Nangako ako sa mama mo na kakausapin ka para umuwi.", muli kong pakiusap.
"Ok, i will. Sorry kung pati ikaw nadadamay sa mga isyu ko.", sagot ni Renz.
"Renz kung nalulungkot ka at kailangan mo ng kausap, you can always call me. I'm still your friend. Wala namang maitutulong sayo yung alak, sugal, o drugs eh."
"Ok.", matamlay nitong sagot. Halatang wala na itong gana pa na pag-usapan ang problema niya.
Matapos iyon ay nag-bill out na din kame at umalis na ng restaurant na iyon. Dumiretso na ako sa bahay dahil may pasok pa ako bukas. Pinasya kong tawagan muna si Aki bago magpahinga. Kailangan ko ng magpapagaan sa aking loob.
"Hello?"
"Yes baby, kakauwi mo lang?", tanong ng aking boyfriend.
"Yup, kadarating lang. Did i wake you up?", tanong ko dahil halata sa boses niya na bagong gising lang siya.
"Kinda, but that's ok. How was your dinner with Renz?", tanong nito. Hindi ko naman maiwasang mapa-buntong hininga bago sumagot.
"I don't know. I tried to tell him about how worried his mom is but he doesn't seem to care. I really don't know what's happening to Renz.", pagkekwento ko kay Aki.
"Well, you can't fix him overnight, can you? At least for starters, you've finally had a serious talk with him.", pagpapagaan ni Aki ng loob ko.
"I know, but i still feel like i haven't done enough. I'm a useless friend, i can't even make my bestfriend listen to me."
"Don't say that Kyle. You're doing what you can to help him but it's still Renz's choice wether he listens to what you're saying or not."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Aki.", hindi ko mapigilang mapaiyak muli dahil sa mga nangyayare.
"Don't stress yourself too much Kyle. We both know Renz, i'm sure he'll find his way back to sanity. You've done enough for tonight. Gusto mo puntahan na lang kita dyan para di ka na malungkot?", alok nito.
"Nah, wag na. Natutulog ka na eh tsaka may pasok pa tayo pareho bukas. Sige na balik ka na sa pagtulog mo.", paalam ko kay Kyle.
"Tulog ka na ba? Gusto pa kita kausap eh."
"Maaga pa po pasok nyo bukas Sir."
"Ok lang yan. Ungol ka muna. Miss na kita eh.", natawa naman ako sa mga pinagsasabi ni Aki. Alam talaga niya kung paano ako patatawanin.
"Haha manyak ka talaga. Miss you too. Sige na matulog ka na uli. Matutulog na din ako."
"Hehehe, okay. Don't think too much ok. Sweet dreams to you Kyle ko. Goodnight..."
"Ok, thanks for listening always. Good night. I love you Aki."
"I love you too. Dream of me naked, ok?"
"Hahaha i will... bye!", natatawa kong sagot bago ibinaba ang tawag. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin ko. Pinikit ko na ang aking mata at sinikap na matulog.
****Lui****
12:07 am, Thursday
June 26
Nakakainis yung ganitong pakiramdam. Yung may dalawang oras ka ng nakahiga at nakapikit pero hindi ka pa rin makatulog. Umabot na sa 746 yung nabibilang kong tupa pero hindi iyon nakatulong para antukin ako. Nasubukan ko na din ang kung anu-anong posisyon pero hindi talaga ako makatulog.
Ang lalong nakakainis ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang inisan namin ni Renz sa shop nila. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naiisip ko ng mga sandaling iyon. Marahil ay hindi lang talaga ako sanay na may ibang taong nakakabara sa akin maliban kay Kyle.
Renz Angelo Quijano. In fairness, may itsura pa din siya hanggang ngayon kahit na lulong na siya sa drugs ayon na din kay Kyle. Karamihan kasi ng kilala kong addict ay mukhang mga zombie. Such a surprise na nama-maintain pa din niya ang magandang katawan.
'Lucas!!!!!', sigaw ng aking isip. Tila nagising naman ako sa kahibangan ko. Bakit ko ba iniisip ang itsura ng taong yun? Yuck! Yuck! Yuck! Bwiset kasi na stress 'to eh. Kung anu-ano tuloy naiisip ko.
Ilang araw na kasi akong naghahanap ng trabaho at hanggang sa ngayon ay wala pa akong nakikitang linaw sa mga kompanyang inapplyan ko. Kagaya ng inaasahan ay mukhang pinapagana nila Mama ang koneksyon nila sa business world para mahirapan ako.
Nahihirapan din ako mag-adjust sa lifestyle ko. Katulad kanina, sa halip na sa mumurahing fastfood ako kumain ay mas pinili kong pumasok sa isang Chinese restaurant. Naisipan ko pang mag-uwi ng dalawang box ng JCO donuts para may meryenda kami ni Kyle. Kung ganito lagi ang gagawin ko ay tiyak na malilimas kaagad ang pera ko sa bangko.
Buti pa si Renz mukhang hindi nauubusan ng pambili ng drugs.
'Aaaaaaahhhhhhhh!!!!! Bakit si Renz na naman ang iniisip mo?!?!'
Anak ng tokwa! Masisiraan na ata talaga ako ng bait. Pinikit konng mariin ang aking mata at sinubukan muling matulog.
****Renz****
12:51 am, Thursday
June 26
Matapos kaming magkita ni Kyle ay umubos muna ako ng isang bucket ng beer sa isang kalapit na bar bago magpasyang umuwi. Nabadtrip kasi ako sa kinalabasan ng pagkikita namin ngayong gabi.
Nang dumating ako sa aming bahay ay dinatnan ko ang aking ina na natutulog sa couch sa aming living room. Naiwan pang nakabukas ang aming t.v., hindi ko na lamang iyon pinanasin at dumiretso na ako sa aking kwarto.
Kinuha ko ang aking maleta at backpack saka inilagay doon ang mga dadalhin kong gamit. Hindi ako tatagal dito sa aming bahay kung araw-araw akong pakikialaman ni Mama at kung araw-araw din niya akong isusumbong kay Kyle. Ayaw kong magmukhang kawawa o masama sa paningin ni Kyle. Mabuti na yung walang nagsusumbong o nagsasabi sa kanya ng mga pinaggagawa ko.
Mas mabuti siguro na bumukod na lang ako para wala ng nanggugulo sa akin. Wala din namang nakakaintindi sa akin sa pamamahay na ito. Matapos mai-empake ang mga gamit ko ay bumaba na ako mula sa aking kwarto. Palabas na sana ako ng bahay ng magising ang aking ina.
"Renz, anak? Mabuti naman at umuwi ka na.", hindi ko na nagawa pang makalabas dahil agad na lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. Para bang miss na miss niya ako samantalang nung isang araw ay handa na siyang ipadala ako sa rehab.
"Bakit ang dami mong dalang gamit? Aalis ka ba uli?", tanong nito ng mapansin ang hila kong maleta.
"Yes, i thought it would be better if bubukod na ako sa inyo para hindi na kayo nai-stress na may nakikita kayong anak na adik. Para na din hindi nyo na naaabala si Kyle sa tuwing hindi ako umuuwi rito.", sarkastiko kong sagot dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay naiinis pa din ako sa ginawa ng aking ina.
"Renz, please understand that i only did that to help you.", naiiyak na sabi ni Mama.
"Ma, malaki na ako. Alam ko ang mga ginagawa ko. I don't need anyone's help. And i don't need a mother whose going to send me to some rehab. I can take care of myself well.", sagot ko.
"Anak, alam kong may pinagdaraanan ka ngayon. Oo, nahihirapannka pero mali kasi yung ginagawa mong solusyon sa mga problema mo eh.", pakiusap ng aking ina habang mahigpit na nakakapit sa aking kamay.
"You want me to be responsible right? Im doing that now. Hihiwalay na ako sa inyo so i can stand on my own. Ayaw ko naman na may maisumbat pa kayo sa akin na kung anu-ano."
"Anak please wag ka umalis.", pagmamakaawa ng aking ina ngunit buo na ang aking desisyon.
"I've made up my mind. And please don't bother me again or Kyle. Wag mo nang idamay pa yung tao dito.", pilit kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin ni Mama at lumabas na nga bahay.
"Renz, anak!", rinig kong tawag sa akin ni Mama. Pero hindi ko ito pinakinggan. Dumiretso na ako sa aking kotse at nag-drive palayo sa aming bahay.
...to be cont'd...
Author's note:
As usual, late ang update ko hehehehe sorry na alam nyo naman ako may sapak sa ulo kung minsan. Anyway, maraming salamat po sa mga matyagang nag-iintay at nagbabasa ng istoryang ito. Pasensya na sa mabagal na update at takbo ng story, sana lang ay gumana na ang utak ko hahahahaha... Chapter 10 has been scheduled for posting next week... :))
Happy reading everyone! :))
- crayon