[6]
By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Author’s
Note:
Pasensya na po
sa matagal na update dahil nasa bakasyon po ako. Ngayon, heto, balik-trabaho na
naman. Maraming salamat sa mga taong nakasama ko sa maiksing bakasyon; sina
Jojie, Rovi, Dalisay, Dhenxo, MM, Patrice, Pojie, Dadijo, Lui, at ang aking
bagong nadiskubreng friend na tawagin na lang natin sa name na “bata”, hehehe.
Salamat sa maikling panahon na nag-enjoy ako. Syempre, sa family ko.
At oo nga
pala, mayroon po akong ginawang group sa fb, “Mikejuha’s friends”. Kung gusto
po ninyong sumali, pm me lamang po para ma add kayo. Secret group kasi ito.
Salamat sa mga
followers at readers. Salamat sa mga taong patuloy na sumuporta. Salamat din sa
mga followers na nag-like sa fb page ng “Idol Ko Si Sir” at lalo na sa mga
bumili ng book. Sana
ay makapasok din tayo sa National Bookstore. Salamat din sa mga nag like sa fb
Fampage ng Michael’s Shades Of Blue.
-Mikejuha-
-------------------------------------
Pakiramdam ko
ay sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa narinig na tanong niya. Iyon
bang feeling na trinaydor ka; na pagkatapos ng lahat na nangyari sa inyong
dalawa at sa naging dulot nito sa iyong pagkatao, tatanungin ka na lang ng
“Kilala ba kita?”
Napako ang mga
tingin ko sa kanya, nagbakasakali na bawiin niya ang kanyang tanong at sabihin
sa akin na nagbibiro lamang siya. Ngunit napako rin ang tingin niya sa aking
mukha na tila pinanindigan talaga ang mga katagang lumabas sa kanyang bibig at
hinintay kung ano ang aking isasagot.
Sa puntong
iyon ay hindi ko na nakayanan pa ang sarili. Tumalikod na lang ako at nagmadaling
tinumbok ang isang mesa sa isang gilid ng restaurant at umupo ako doon.
Sinundan niya
ako, hinayaang ang mga crews ng fastfood chain ang maglinis sa nagkalat ng
pagkain at softdrinks sa sahig. “Hey... sorry. Hindi ko sinadyang masagi ang
pagkain mo.” Sabay bitiw ng isang ngiti. Iyon bang parang ipinarating sa akin sa
ngiti niyang iyon na ok lang ang lahat, walang problema.
Ngunit hindi
ko sinuklian ang kanyang ngiti. Bagkus, binulyawan ko siya. “Palitan mo iyon!
Nagugutom ako!”
Nakita kong
sinensyasan niya ang isang lalaking crew at pinalapit. Noong nasa harap na
niya, “Ricky, paki-dalhan mo nga kami rito ng dalawang spaghetti, dalawang
hamburgers, dalawang iced tea, dagdagan mo na rin ng fries...” ang utos niya.
“Yes sir.” Ang
sagot naman ng crew. Pansin kong casual lang na sinabihan niya ang crew na iyon
at tinawag pa sa kanyang pangalan. At napansin kong hindi rin siya nag-abot ng
pera. Nungit inisip ko na lang na baka kilala lang siya sa restaurant na iyon o
baka puwede rin ang ganoon sa kanilang chain na mag-order lang muna atsaka na
ang bayad.
“Bakit dalawa
ang inorder mo? Hindi naman ako ganyan ka gutom!” bulyaw ko uli sa kanya.
Inisip ko kasi na para sa akin ang lahat nang iyon.
“Eh... ayaw mo
bang sabayan kita sa pagkain? Gusto ko lang makabawi, manghingi ng sorry.”
“O, e di
mag-sorry ka. Problema ba iyan.” Ang pabalang ko pa ring sabi, ang mukha ko ay
nakasimangot pa rin.
Tinitigan niya
ang mukha ko. “Galit ka pa rin eh...”
“Galit ka pa
rin eh...” ang lihim at pabulong kong paggagad sa kanyang sinabi. “Syempre
galit ako! Gutom na gutom ang tao eh, napurnada ang aking pagkain dahil sa
katangahan mo.”
“O sya...
tanga na ako kung tanga. Huwag ka na lang magalit sa akin please...”
“Huwag ka nang
magalit please...” ang lihim kong paggagad uli sa sa sinabi niya.
“Ok... kain na
tayo.” Ang sambit din niya noong inilagay na sa mesa namin ang pagkaing inorder.
Noong nakita
ko ang pagkaing inilatag ng crew, walang pasabing kumuha na ako atsaka kumain
na hindi man lang siya pinansin o inanyayaan. Parang wala lang akong kasama. Syempre,
inis na inis pa rin ako dahil hindi pa rin niya ako naalala. Nakayuko lang ako
at walang imik na kumain. Kumain na rin siya.
“Alam mo,
parang kilala kita...” ang pagbasag niya sa katahimikan.
At doon na ako
nagreact. “Hindi mo ba talaga ako kilala? Pagkatapos ng lahat, heto sasabihin
mo sa akin na parang kilala mo lang ako?!”
Kitang-kita ko
ang pagkabigla niya. Lumingon siya sa paligid, tiningnan ang mga taong
napalingon din sa kinaroroonan namin dahil sa lakas ng aking boses. “W-wala
akong natandaan talaga eh! Sino ka ba?”
“Si YAK???
Hindi mo na siya natandaan? Hindi mo natandaan ang batang kinantahan mo bago mo
siya iniwan sa bus station? Hindi mo natandaan kung bakit Yak ang tawagan
natin?!!!”
“Eh... hindi
nga kita kilala eh. Ano mo ba ako? Bakit parang kung makapagsalita ka ay ganyan
na tayo kalapit sa isa’t-isa?”
“Bakit? Hindi
ba? Pagkatapos nang ginawa mo sa akin? Ganyan na lang?!!!”
“A-ano ba ang
ginawa ko sa iyo?”
Tila binatukan
naman ako sa tanong niyang iyon. Para kasing
iginiit ko na ang sarili ko sa kanya. Kaya inilihis ko na lang ang topic. “Ang
iyong inay na sinabi mong na stroke, ang dahilan kung bakit ka umuwi, nakita mo
ba siya?”
“K-kilala mo
ang aking i-inay?”
“Ano ang
nangyari dito???” ang malakas na boses na sumingit sa aming usapan. Isang
babaeng ito na nasa mahigit 30 na ang edad, may makapal na makeup, todo-pormal
ang kasuotan na akala mo ay isang cabinet secretary na mag-aattend sa meeting na
pinatawag ng presidente ng Pilipinas. At sa tingin ko pa may pagka-mataray
siya. Tiningnan niya ako ng matulis.
Tiningnan ko
rin siya. Nakipagtitigan ako. “Bakit ba???” sa isip ko lang.
“Bakit mo
tinaasan ng boses ang asawa ko?” sambit ng babae.
Mistulang
isang bombang sumabog naman sa aking harapan ang mga katagang narinig galing sa
kanya. Pakiwari ko ay tinamaan ng mga shrapnels nito ang aking puso, warak na
warak sa sobrang tindi ng tama. Ang sakit... Pagkatapos ng mahabang panahong
paghihintay at paghahanap, heto siya nakita ko na ngunit may asawa na pala.
Bigla akong
nahinto. Tiningnan ko silang dalawa. Palipat-lipat ang aking mga mata sa
kanila.
At noong
naramdaman kong babagsak na mula sa aking mata ang mga luha dahil sa sakit na
naramdaman, tuluyang na akong tumayo, tumalikod, tinumbok ang exit at
nagtatakbo palayo sa lugar. Umuwi akong tuliro at punong-puno ng katanungan ang
isip. Hindi ko talaga mawari kung bakit hindi niya ako kilala. “Siya kaya si
James?” ang tanong ng aking isip. Ngunit hindi ko rin matanggap na hindi siya
si James. Lahat ng mga katangiang taglay ni James ay nasa kanya. “Ang dimples
niya sa kanyang pagngiti, ang maitim na nunal sa kaliwang gilid ng kanyang
ilong.... Siya si James!” sigaw din ng isip ko.
Sa gabing iyon
napagdesisyonan kong balikan ang fastfood chain na iyon at alamin ang sagot sa
maraming katanungnang bumabagabag sa aking isip.
Kinabukasan,
maaga akong nagpunta ng school. Nais ko kasing tapusin muna ang aking mga
assignments bago ko puntahan ang fastfood chain. At tsamba namang namukhaan ko
sa library ang isa sa mga crew ng fastfood chain. Estudyante rin pala siya sa unibersidad
na pinapasukan ko.
Walang kyeme
ko siyang nilapitan sa mesa kung saan siya nagbasa. “Hi... ikaw si Ricky ng MCJ
Fastfoods di ba?”
“Ako nga!” ang
sagot niyang mistulang nabigla. At may napansin ako sa boses niya. Mukhang may
dugo siyang berde. Kasanib pala siya sa federasyon. Tiningnan niya akong maigi.
“At namukhaan kita. Ikaw iyong nabundol ni Sir... sa fastfood namin di ba?”
dugtong niya.
Natuwa naman
ako na naalala rin pala niya ako. “Oo... ako nga, si Jassim.” Sagot kong
pagpakilala. “Paano mo akong natandaan?” dugtong ko.
“Ako pa! Ang
cute mo kaya. Kung nagkataong babae ka lang, bagay na bagay kayo ni Sir
Marlon... Guwapo siya, at guwapa, este guwapo ka rin. Akala ko nga noong una,
babae ka talaga eh. Mahaba kasi ang buhok mo, parang sa babae talaga.” Sabay
bitiw ng nakakalokong tawa.
Napangiti ako
ng hilaw. Ipinangako ko kasi sa sarili na i-maintain ang mahabang buhok. Ito
kasi ang isa sa mga nagustuhan ni James sa akin. Straight ito hanggang sa leeg,
at alagang-alaga ko ito. Ang sabi nga nila, bagay na bagay raw ito sa akin.
“Eh... Matagal ka na ba sa MCJ Fastfoods?” ang paglihis ko sa usapan.
“May isang
taon na. Pa renew-renew lang ng kontrata, panay probationary. Need ko lang mag
working student kasi... Para makatapos. Kaya,
kailangang magtyaga, magpakahirap.”
“Ah... ganyan
naman talaga eh. Kapag may focus, may target, sakripisyo lang ang kalaban.”
Sagot ko. “So kilala mo iyong sinabi mong Sir?”
“Si Sir
Marlon? Oo naman. Sa guwapo ba naman ng Sir ko, walang tao sa MCJ ang hindi
nakakakilala sa kanya. Lahat kami ay humahanga sa kanya. At hindi lang guwapo
ang sir ko, mabait pa. Super! Kaya mahal na mahal namin siya.”
“M-marlon ba
talaga ang pangalan niya?”
“Oo. B-bakit?”
ang tanong din niya.
“K-kasi... may
k-kuya akong nawala. Hindi na sumipot. At naniniwala akong siya ang nawala kong
kuya.”
Biglang
napatakip sa kanyang bibig si Ricky. Iyon bang tipong may alam. “K-kuya mo
siya???” ang gulat na sagot ni Ricky, nanlaki pa ang mga mata.
“Bakit?” may
alam ka ba?
Lumingon siya
sa paligid at hininaan ang kanyang boses. “Atin-atin lang ha? Magpromise ka.”
Tumgano ako.
“Promise...”
“Kasi... may
mga tsismis na iyang si Sir Marlon ay napulot lang daw ni Ma’am Sofia ...”
“Sino naman ang
Ma’am Sofia na iyan?”
“Iyong babaeng
biglang sumulpot sa harap ninyo noong kakain na sana kayo ni Sir? Berdugo iyon, Killer. At
kung makaasta ay parang pag-aari niya si Sir Marlon. Hindi naman kagandahan!
Tsura!”
“Ganoon ba?
Tapos...”
“Patay na patay iyon kay Sir Marlon. Inangkin
niya ito atsaka ginawang manager sa branch ng fastfood nila dito sa bayan upang
hindi na aalis si Sir sa kanya.”
“Saan naman
daw niya napulot si Sir Marlon mo? At bakit hindi siya umuwi sa kanila?”
“Basta
atin-atin lang iyan ha? Iku-kuwento ko sa iyo.”
“Oo nga,
atin-atin lang.” paniguro ko.
“Matagal na
raw na nangyari ito. Noong nagbiyahe si Ma’am Sophia patungo sa ibang bayan,
naispatan niya ang isang taong walang malay na nakabulagta sa gilid ng bangin. Halos
malaglag na raw ito kundi lang naharangan ng isan gpuno ng kahoy na tumubo sa
gilid ng bangin. Ipinahinto niya ang sasakyan at inutusan ang kanyang driver na
bodyguard din, na tingnan kung tao nga ito. Bumaba sa gilid ng bangin ang
driver at noong nakumpirmang tao nga ito, inutusan siya na iakyat ang nasabing
tao. Noong naitaas na ito, pinagmasdan daw ito ni Ma’am Sophia. At doon,
nabighani sa kapogian ni Sir Marlon ang malandi naming amo at dali-daling
inutusan ang driver na ideretso nila ito sa pinakamalapit na ospital na
nagkataong pagmamay-ari rin nila. May tama kasi ang ulo ni Sir Marlon at
umaagos pa ang preskong dugo galing sa sugat niya sa ulo. Ang hindi nila alam,
may naaksidente palang bus na nalaglag sa bangin ding iyon at sumabog. Patay
ang lahat ng mga pasahero. Obviously, kasama raw sana dito si Sir Marlon ngunit maaaring
nakatalon ito o nalaglag sa bus at tumilapon ang katawan sa gilid ng bangin na
iyon bago sumabog ang bus kasama ang iba pang mga pasahero.”
“G-ganoon ba?”
ang sambit kong may gumapang na matinding awa para kay James at lalo na sa
kanyang ina na siyang dahilan kung bakit siya umuwi sa panahong iyon, dahil
na-stroke nga. At masaklap pa pala ang nangyari dahil hindi na nga sila
nagkita, ganoon pa ang nangyari sa kanya. Parang piniga ang puso ko sa nalamang
kuwento. Kung ako nga na nagdurusa sa paglayo niya, paano na lang ang kanyang
ina na matagal na nasasabik sa anak at sa panahon pa na kailangang-kailangan
siya, ay hindi pa nakarating. Ramdam ko ang mga namumuong luha sa aking mga
mata. Naawa ako sa kalagayan ni James, naawa ako sa kalagayan ng kanyang ina. “Kawawang
James...” ang bulong ko sa aking sarili.
Naalala ko
tuloy ang kuwento sa akin ni James tungkol sa kaniyang ina. Mahal na mahal daw
niya ito, at baka hindi niya raw kakayanin kapag may nangyari sa kanyang inay.
May naikuwento rin si James na isang pangyayaring hindi niya malimutan tungkol
sa kanyang inay. Maliit pa raw siya noon, nasa walong taong gulang noong
hinabol siya ng malaking aso. Noong nakita ito ng kanyang inay, hinarang daw
nito ang sarili upang hindi siya makagat ng aso. Ngunit ang inay niya ang sinunggaban
ng aso. At dahil sa sobrang laki nito, nagpambuno sila. Kitang-kita raw niya
kung gaano iwinasiwas ng galit nag alit na hayop ang inay niya, at ang dugong
umagos sa katawan ng kanyang inay gawa ng kagat ng aso. Wala siyang nagawa
kundi ang sumigaw at umiyak at ang tangkaing paluin ang aso ng kahoy. Ngunit
wala na... halos nawalan na raw ng malay ang kanyang ina noong na-control na ng
may-ari ang aso. Simula noon, ipinangako raw niya na palaging protektahan ang
ina, na hindi ito pababayaan...
“Hoy! Nand’yan
ka pa ba?” ang sigaw ni Ricky sa akin noong napansing nakatunganga na lang ako.
“E... oo,
nakinig ako. G-ganyan pala ang kuwento niya?”
“Oo... iyan
ang kuwentong narinig ko at ng mga kasamahan namin sa restaurant. Noong
nanumbalik na raw ang malay ni Sir Marlon, hindi na nito natandaan ang mga
bagay-bagay sa kanyang buhay. Doon na pumasok ang demonyong plano ng aming among babae. Tuluyan niyang
inangkin si Sir Marlon at bini-brainwash ito, isiniksik niya sa utak ni Sir na
maglive-in partner daw sila at malapit nang ikasal... Iyan ang dahilan kung
kaya sinadya niyang hindi ipinagamot si Sir Marlon upang hindi na manumbalik pa
ang mga alaala nito. Kampon talaga ng demonyo iyang amo naming babae!”
Sa huling
sinabing iyon ni Ricky, pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo.
“Hindi maaari!” ang nasambit ko.
“B-bakit hindi
maaari? Kung totoo ngang kuya mo si Sir Marlon, ayaw mo bang magkaroon ng
mayamang asawa ang kuya mo? Laruin mo na lang siguro. Tutal, masaya rin naman
ata si Sir Marlon sa kanya.” Sabay tawa. Iyon bang nagbibiro o hindi
naniniwalang kilala ko nga si Sir Marlon niya.
“Basta...
Ayoko! Alam ko, hindi siya masaya.” Ang nasambit ko na lang.
“Ok, fine...
pero iyang kuwento na yan ay kuwento-kuwento lang ha? Wala namang katotohanan iyan
eh. Alam mo naman ang tsismis, mas malakas ang signal kaysa smart, globe at
sun. Di ba? Atsaka, huwag ka nang mag-ilusyon na kuya mo si Sir Marlon.”
Napangiti
naman ako ng hilaw sa sinabing iyon ni Ricky. “Kuya ko si Sir Marlon mo. At hindi
tsismis ang narinig mong kuwento tungkol sa kanya, Ricky. Totoo ang lahat nang
iyan...” ang seryoso kong sabi.
“OMG!” sambit
ni Ricky na nanlaki uli ang mga mata, ang bibig ay tinakpan ng kanyang dalawang
kamay. “Di nga???”
“Oo... hindi
ako nagbibiro. Kuya ko siya...”
“God!!! Anong
gagawin mo ngayon? Aagawin mo ba ang kuya mo? Nasaan ba ang pamilya ninyo? Bakit
hindi ninyo siya hinahanap?”
Mistula naman
akong nabilaukan sa mga tanong na iyon ni Ricky. Paano nga ba naman; hindi ko
siya tunay na kuya talaga, at hindi ko rin alam kung ano ba ang tunay na
address niya, kung bakit hindi siya hinahanap ng kanyang tunay na pamilya.
“E... kasi...” ang nasambit ko na lang. At noong may naalala ako sa sinabi ni
Ricky, “Di ba sabi mo nga ay patay ang lahat ng mga pasahero? Iyan din ang
akala namin kung kaya hindi na namin siya hinanap”
“E, di kunin
na ninyo siya. Upang hindi na mag-ilusyon sa kanya ang bruhang babaeng amo
namin.”
Tahimik. Hindi
ko kasi alam kung paano. At wala naman akong katibayang kapamilya ko iyong tao.
Hindi ko rin alam kung saan sila nakatira, o buhay pa ba ang na-stroke niyang
inay.
“S-sa palagay
mo ba ay ibibigay ng Ma’am Sophia mo si Sir Marlon mo sa akin?”
“Ah, iyan lang
ang hindi ako sigurado Jassim. Pero kung may mga papeles kayo, kagaya ng birth
certificate, litrato, mga testigo... baka madali lang siguro. Papuntahin mo a
lang dito ang mga magulang mo. Kasi, sa tingin ko, hindi basta ibibigay ni
Sophia si Sir Marlon. Ipaglaban ng demonyetang iyon nang patayan si Sir Marlon.
Baliw na baliw iyan sa pag-ibig niya kay Sir Marlon.” Sagot ni Ricky.
“Eh... w-wala
na kaming pamilya eh. Kaming dalawa na lang ng kuya ko ang naiwan” pag-aalibi
ko pa.
“G-ganoon ba?
Kawawa naman pala kayo...” nahinto siya ng sandali. “Litrato, mayroon ka?”
Nag-isip ako.
May litrato kasi kami ni James na kuha namin sa terminal bago siya umalis.
Ngunit hindi ko na alam kung saan ko nailagay iyon, o baka naitapon na. Sa
galit ko ba kasi sa kanya. “Eh... s-sige, maghanap ako.” Ang nasambit ko na
lang.
“Mabuti naman
kung ganoon.”
Tahimik.
Nag-isip ako kung paano ko sisimulan ang pagbawi ko kay James.
“Kung gusto
mo, mag-apply kang crew sa restaurant namin.” ang sambit ni Ricky.
Syempre,
natuwa ako. Naikunekta ko rito ang balak kong mapalapit kay James. “M-may
bakante pa bang trabaho sa inyo? P-pede pa kaya ako?”
“Mayroon.
Naghanap kami ng dagdag na crew. Gagawa kasi kami ng annex kaya kailangan namin
ng additional crews.”
“Sige! Sige,
Ricky! Mag apply ako! Para mapalapit ako sa kuya ko!” ang masaya kong sambit.
At nag-apply
nga ako. Agad kong ginawa ang aking resume at ipinakisuyo ko kay Ricky na
i-submit ito. At sa hapon ding iyon ginanap ang interview. Lima kaming
naka-schedule sa interview, at si “Sir Marlon” ang nag-interview sa amin.
Sobrang kaba
ang aking naramdaman sa pagkakataong iyon. Excited akong makita siya at
makausap. Antagal ko na kaya siyang hinahanap. At matindi ang kasabikang
nadarama ko para sa kanya.
Noong ako na
ang pumasok sa office para sa interview, siya kaagad ang tumambad sa aking
paningin sa loob ng kuwarto. Nakaupo siya sa harap ng mesa, nagbabasa.
Napakaguwapo niya sa kanyang suot na puting long sleeves na may stripes na
asul, neck tie na dilaw na may stripes din na asul, at ang kanyang buhok ay
mistulang sa isang bagong paligo. Ibang-iba na siya sa dating sekyu na
simpleng-simple lang kung manamit. Noong inangat niya ang kanyang mukha,
nagkasalubong ang aming tingin. Nginitian niya kaagad ako, tinitigan. Sigurado,
naalala niya ang insedenteng nalaglag ang tray ko ng pagkain at ang galit ko sa
kanya dahil doon. Mistula naman akong malulusaw sa titig niyang iyon. Iyon ang
dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sa kanya at umibig. Ang mga matang
nangungusap, ang ngiting tila nanunukso. 14 na taong gulang pa lamang ako noon
habang siya, 19 at isang hamak pa lamang na guwardiya ng isang bodega ng mga abaca
at copra sa burol...
Sinuklian ko
ang kanyang ngiti. Hindi ko na siya sinimangutan. Alam ko na kasi ang dahilan
kung bakit hindi na niya ako kilala. At naintindihan ko ang lahat.
“Take your
seat Mr. Jassim Castro...” sambit niya habang hawak-hawak sa kanyang kamay ang
aking resume.
“English
speaking na rin siya...” sa loob-loob ko lang. Sabagay, ang sabi niya sa akin
noon ay graduate daw siya ng Business Administration ngunit dahil hindi siya
makapasok ng trabaho, nag-guwardiya na lang siya. Marami naman kasi ang ganoong
kaso. Underemployed, kumbaga.
Umupo ako sa
inilaang upuan para sa interviewee, sa harap niya. “Thank you” sagot ko.
Tahimik.
Tinitigan niya ako. Yumuko ako. Pakiramdam ko kasi ay nakakailang ang kanyang
mga titig.
“So your name
is Jassim...” ang tanong kaagad niya.
“Yes, sir.”
“What a cute
name! I like it.”
“Thank you po.”
“First of all,
I’m happy that you applied...”
“Thank you
po...”
“And I’m
really sorry for that incident.”
Tahimik. Gusto
ko sanang sagutin siya na wala na iyon, gawa lang iyon ng aking galit na hindi
na niya ako natatandaan ngunit alam ko na ang lahat. Ngunit hinyaan ko na lang
ito sa aking isip.
“Are you still
angry with me?”
“No Sir! No!
I’m not angry anymore. M-may problema lang po ako that time, sir.” Ang mabilis
kong sagot.
“Hmmmm... in
love ka siguro kung kaya nagka problema ka, ano?”
Napangiti ako
ng hilaw sa tanong niyang iyon. Hindi ko kasi akalain na isisingit niya ang
tanong na iyon at... syempre, sa kanya kaya ako na inlove. “Hindi po. Wala po
akong love life” sagot ko na lang.
“Pero I’m
sure, at your age of 20, nakaranas ka nang ma-in love. Tama ba?”
“Shitttt! Ano
ba ito? Ba’t love ang pinag-usapan sa interview na itoooo!” sigaw ng isip ko.
“Eh... oo naman sir. Pero wala na iyon. Hindi na niya ako naalala pa.”
“Owww? Sa
hitsura mong iyan? Nalimutan ka niya? Hindi niya alam kung ano ang nawala sa
kanya.”
“I remember
you mentioned that you know me??? At may...” nahinto siya nang sandali,
“g-ginawa ako sa iyo? Did I get it right?”
“Eh...” ang
naisagot ko na lang. Nabigla talaga ako na iyong mga personal na tanong ang
isiningit niya.
“Tell me
something about it.”
“S-sir...
B-baka mali
lang po ako. B-baka hindi po naman kayo iyon eh.”
“So kung hindi
ako iyon, where is he now?” giit niya.
“H-hindi ko po
alam.”
“Ano ang
trabaho niya?”
“G-guwardiya
lang po siya... sa isang bodega ng abaca at kopra.”
“Magaling
palang humawak ng baril iyon kung ganoon...” sabay bitiw ng ngiti.
Tahimik.
“How are you
related to him?”
“Eh...”
“What’s his
name?” ang sunod kaagad niyang tanong.
“J-James...”
“James...
hmmmm. Sounds familiar.”
“Anong
relasyon mo sa kanya?”
“Eh... K-kuya
po.” Ang naisagot ko. Alangan naman kasing sabihing boyfriend ko; hindi naman
kami magboyfriend. Kung sabihin ko namang kaibigan, parang may kulang.
“Ano iyong
sinabi mong ginawa niya sa iyo? O... ginawa ko sa iyo?”
“W-wala po.
M-mabait po siya sa akin.”
“Sinabi mo rin
na may kinanta siya sa iyo bago ka niya iniwan?”
“O-opo...”
“Anong kanta?”
“Beautiful in
my eyes?”
“Pwede mo bang
kantahin para sa akin?”
“H-hindi po ako
masyadong marunong kumanta eh...”
“Come on
Jassim. Let me hear it.”
You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is
a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes.
The world will turn, and the seasons will change,
And all the lesson we will learn will be beautiful
and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in
my eyes.
When there are lines upon my face from a lifetime
of smiles,
When the time comes to embrace for one long last
while,
We can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll Walways be beautiful in my eyes.
You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
That you will always grow ever more beautiful in
my eyes.
The passing years will show that
You will
always grow ever more beautiful in my
eyes
Noong natapos
na ang kanta, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Nanariwa
kasi sa aking isip ang mga eksena kung saan kinanta niya sa akin iyon, sa
huling pagkikita namin sa terminal. Lihim kong pinahid ang aking mga luha.
Narinig ko
naman ang pagpalakpak niya. “What a nice song!” sambit niya.
Tahimik. Hindi
na ako kumibo. Naaasiwa kasi ako dahil sa kusang pagdaloy ng aking mga luha. Marahan
kong dinukot ang aking panyo at ipinahid iyon sa aking pisngi at mata.
Napatitig naman
siya sa akin. Parang napakalalin ng kanyang iniisip habang tinitigan niya ako.
Hindi ko alam kung ano ang laman ng kanyang isip.
Yumuko na lang
ako habang patuloy ang pagpahid ko sa aking mga luha.
Nasa ganoon
kaming ayos noong bigla ring pumasok sa kuwarto si Sofia. Hinalikan niya si
Marlon at pagkatapos ay umupo sa tabi nito at tinignan ako nang maigi.
“Are you the
one who came here yesterday and claimed to have known Marlon?” sambit niya.
“A, ehhh” ang
naisagot ko. Natakot kasi akong baka hindi ako tanggapin sa trabaho kapag “Oo”
ang isinagot ko.
“No, he’s not
Sophia. He just looked similar to that guy.” Ang pagtakip naman ni Marlon sa
akin.
“Hmmmm.” Ang
sagot ni Sophia habang patuloy na tinitigan ako. Nakikinita ko sa titig niya na
hindi siya naniwalang hindi ako iyon. “Ok... But i’m sorry, what’s your name?”
“Jassim po...”
sagot ko.
“...Jassim, we
can’t accept you!”
Mistula namang
hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa narinig. Sobrang
disappointed ako.
“I accepted
him already Sophia.” Ang sagot ni Marlon.
Kitang-kita ko
ang pagkagulat ni Sophia sa deretsahang pagkontra ni Marlon sa desisyon niya.
“Hon... I don’t like him! He is not qualified!” ang med’yo tumaas na boses ni
Sophia.
“Well... I
like him honey. And we have many unqualified crews here who just trained. Look
at them now. They’re doing great!”
“My decision
is final, honey. It’s a big NO!” ang paggiit pa ni Sophia.
“And my
decision is final too! It’s a big YES.”
Hindi ko alam
ang gagawin sa ipinakita nilang pagtatalo dahil sa akin at sa harap ko pa
mismo. Para akong nataranta, natulala.
“Desisyon ko
ang nasusunod sa kumpanyang ito, Marlon.” Ang sabi ni Sophia na nawala na ang tawag
niyang “honey” kay Marlon.
“I know.
Sampid lang ako dito. But if you don’t want my decision, it’s fine with me. You
can now start looking for my replacement. Ayoko na. Pagod na ako sa sunod-sunurang
mga pakana, plano at desisyon mo...”
Biglang
ibinaling ni Sophia ang tingin niya sa akin. Tinitigan niya ako ng matulis atsaka
bumulyaw ng “Go outttttttt!!! Get the hell out of hereeeeee!!!”
Nanginginig akong
tumayo at dali-daling tinumbok ang pintuan upang mabilis na makalabas sa
kuwartong iyon.
Nabuksan ko na
ang pinto at handa na sanang lumabas noong narinig ko naman si Marlon na
nagsalita. “Wait Jassim. I’ll go with you!”
(Itutuloy)
Welcome back po Kuya Mike!! :)
ReplyDeleteRiley
salamat kuya mike
ReplyDeleteOMG!! I didnt expect that!
ReplyDeleteAng galing mo naman kuya mike!! Ganda ng twist. Ganon pala ang nangyari kay james kaya wala ng balita si jassim sa kanya. Kumusta na kaya ang pamilya ni james? Kuya mike next na please.
Welcome Back!!
nice!!!! napa iyak nman ako sa story na e2...
ReplyDeletei miss my sum1... bk8 kaya nd nia na ako binilikan?
hmmmpt...
kilan kaya ang next chapter kuya.
muzta sir mike.... nmiss qo yang story n yan ah tagal kc bago nasundan.. anyway ang ganda na story`` nxt plz
ReplyDeletewow ang tagal ko hinintay ang chapter n to kya nman pla wala nang paramdam c james kay jassim may nangyari pa lng aksidente sa kanya..
ReplyDeletesana yun beautiful liar masundan n din
love it..
-arvin-
hello kuya mike musta na? welcome back =) sensya na kung hindi ako nakapagcomment sa past na mga post mo kasi nawalan kami ng net connection.
ReplyDeletefor me since may sophia na dumagdag parang ang ang flow ng story is katulad sa AKKCNB yung kontrabida ang babae but sana hindi mangyari iyon dito sa kwentong ito.
goodluck sa work mo kuya mike =)
-Mike
Yes! Finally hehe...
ReplyDeleteMukhang nakakatakot si Sofia S'Mike. Pero parang may naaalala si Marlon or James (at naalala ko rin tuloy si ex no. 2 awww).
ayan na naman si kuya mike magpapaiyak na naman hehehe.kuya next agad pls...heheh
ReplyDeletehmmm... hmmm... at hmmm...
ReplyDeleteokay lang sakin na mahaba-haba ang story na ito.
hmmm...
Ramm
waaaaaahh AWESOME!
ReplyDeletemay god sana na alala na niya c jassim... jejeje tanx sir mike. sa mga kwento mo na nagbibigay inspiration sa mga mambababsa... nexy chapter plzzzzzz
ReplyDeleteNakakamis nmn po ang mga kwento nyo... thanks po d2...
ReplyDeleteMars
Helo po, new commenter po ako at new follower ng blog mo kua mike. . .uhm, as usual ang ganda pa dn ng story, hehe, nag marathon reading tlaga ako from AKKCNB, SUAACK, at PNP. .hehe,, ang ganda parati ng twists ng kwento, i love it. . .kip up the go0d work kua mike. . .at sana may next chapter na. . :D
ReplyDeletenext chapter plsss tagal kung hinintay to!!! :)))
ReplyDeleteang tagal kong hinintay to ah... hehehehe.. dalawang story na inaabangan ko: minahal ni bestfriend: ryan part 11
ReplyDeleteatsaka Ang lalaki sa burol [6],,
please update na po sa dlawang story.. tnx..
namiss ko sila yak =) .., Paws Up
ReplyDelete