Click here: LOVE ME LIKE I AM CHAPTER GUIDE
----------------------------------------------
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 17: "The Decision"
I opened
my eyes. Bumungad sa akin ang maaliwalas na kalangitan. Tumayo ako, inikot ko
ang aking mga mata. I saw colorful flowers scattered around the grass. The
grass is green and thick. Ang ginhawa sa pakiramdam ng lugar. I was astonished.
I’ve been here before… I know this
place… I know. I thought.
I saw a light from the sky, two
people coming down, it was approaching me.
“Gab…” His voice echoed through the
whole place, it gave me chills to my spine. I recognized that voice.
“Bebe Gab…” The woman said. Her
sweet voice echoed through the whole place, it also gave my spine a chills like
the other voice. I know that voice, the best friend I’ve ever had, the closest
girl to my heart next to my Mother.
Unti-unti silang papalapit sa akin.
Nakita kong naka-puti silang dalawa at ang buong katawan nila’y kasing liwanag
ng araw. I felt an incredible bliss in my heart.
“Kuya Erick… Ate Ely…” A gush of
tears clouded my eyes. I gave them a smile.
Napailing ako.
“Hindi ko maintindihan…
N-naguguluhan ako…”
“Gab, naalala mo ba ang sinabi ko sa
iyo noon apat na taon na ang nakakalipas?”
“Titingalain ka ng lahat at ang mga
bituin ay luluhod sa paanan mo.” Sabay na sabi ni ko at ni Kuya.
“That’s right… and it happened
right?”
Tumango ako.
“Pero sinunod mo ba ang bilin ko sa
iyo?”
“Hindi po…” Sabi ko sabay yuko.
“Hindi ka dapat nabulag sa galit.
Kung nakita mo lang ng masmaaga ang liwanag edi sana’y hindi hahantong ang
lahat sa ganito. Hindi mapapanganib ang anim na buhay. Buhay mo, ni Jared, Ace,
Steph, Ella at ng anak niyo. Now… I’m afraid that someone must made a
sacrifice. At isa dito ay malapit sa iyo.” Napatingin ako sa kanya, bakas sa
aking mukha ang takot at pag-aalala. My whole body was cloaked by fear.
“K-kuya… Wag kang mag-salita ng
ganyan… Nagbago naman ako Kuya.” Endless teardrops started to fell. Lumapit si
Ely sa akin at yinakap ako. I felt a warm feeling from her, para siyang buhay,
naalala kong ganito siya sa akin kapag pinapatahan niya ako dahil may-umaaway
sa akin.
“Bebe Gab… Wag ka ng umiyak. Nagbibigay
lang naman ng posibilidad ang Kuya Erick mo.” Sabi niya habang hinihimas ang
aking likuran.
Kumalas ako sa kanyang pagyakap at
nginitian siya.
“Ely… I mean, Ate Aaliyah, sorry sa
lahat ng mga nagawa ko. Sana lang nagkasama tayo ng masmatagal bilang
magkapatid.”
Binigyan niya ako ng isang ngiti at
hinawakan niya ako sa aking pisngi.
“Anong sabi ko sa iyo? Di ba? Lagi
mo akong kasama, dyan sa mga mata mo. I didn’t leave you, and never will I do.
Hihintayin ko ang panahong mayayakap kita ulit Bebe Gab. Sa panahong iyon,
magkakasama-sama tayong lahat, makakapag-bonding, at makakapag-saya.”
Lalo akong napahagulgol sa sinabi
niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
“Gab.” Pag tawag sa akin ni Kuya
Erick. Lumingon ako sa kanya.
“We have to go now…”
“Why?” Bakas ang panginginig sa
aking boses.
“Our mission is done Gab. But you…”
Sabay turo sa akin.
“You still have to do something.”
Sabi niya habang si Ely ay tumatango. Napayuko ako, ramdam ko ang kalungkutan
sa buong pagkatao ko.
“Pero kagaya ng sabi ng Ate mo, we
won’t leave you, we will always be here guiding you. Lagi mo lang tatandaan,
mahal na mahal ka ng Kuya. Mahal na mahal ka ng Ate mo. Mahal na mahal ka
namin.”
“Mahal na mahal ko rin kayo.” Sabi
ko sabay hagulgol. Muli akong yinakap ni Ely habang si Kuya Erick naman ay
lumapit at nakisali sa yakapan namin Ely. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang
mamaalam. Kahit alam kong hindi naman ito panghabang-buhay ay nalulungkot pa
rin ako dahil matatagalan pa bago ko sila ulit makita, mayakap, at makasama.
Kagaya ni Ely, ramdam ko ang mainit na dampi ni Kuya sa akin. Para talaga
silang buhay.
“We love you Gab.” Ely said.
“Kagaya ng sabi ko noon, Live for
me… Live for us… Take care… My brother.” Sabi ni Kuya.
Seconds after, a blast of light
clouded the whole place.
Dinilat ko ang aking mga mata. I saw
a bright light, medyo blurred ito.
Patay na ba ako?
Ilang sandali pa'y unti-unting
luminaw ang aking paningin. Inikot ko ang aking mata. Nakita ko ang kulay cream
na sala sa aking kanan, sa aking kaliwa ay isang kulay brown na pinto na medyo
may kalayuan sa akin. Hindi ko matandaan kung bakit ako napadpad sa kwartong
ito. Pumikit ako, pilit kong inisip ang nangyari bago ako mapadpad dito. Ilang
sandali pa'y muli kong naalala ang eksena sa dating clubhouse ni Ely. Bigla
kong naramdaman ang bilis nang tibok ng aking puso, it's like a thousand horses
are running inside my heart. Parang sasabog ito sa sobrang bilis. My hands are
trembling, ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay. Naalala ko ang
lahat-lahat at kung papaano ito nag-umpisa at natapos.
Akmang kikilos na ako'y bigla kong
naramdaman ang bigat ng aking katawan, sobrang bigat ito, naramdaman ko rin ang
kirot ng sugat sa aking tagiliran. Naisip ko si Ella, Ace at Jared. Kailangan
kong malaman ang nangyari sa kanila. Susubukan ko sana ulit tumayo ngunit
biglang bumukas ang kulay brown na pinto. Linuwa nito si ang aking mga
magulang.
"Gabriel anak!" Sigaw ni
Mama sabay takbo at yakap sa akin. Lumapit din sa akin si Papa at yinakap ako.
I saw tears fell from their red puffy eyes.
"Mama, Papa, nasaan po si Ella?
si Ace? at si Jared po?" Sunud-sunod kong tanong. Imbis na sagutin ang
aking tanong ay tumingin lang ito kay Papa. Nakita kong tumango ang aking ama.
Yumuko si Mama at muling binaling ang mata sa akin.
"Nabali ang kaliwang braso ni
Ace at puno ng pasa ang binti nito, pero okay na siya. Kailangan niya ng
mahaba-habang theraphy para tuluyang gumaling. Si Ella naman ay ligtas ng
nakapanganak. Lalaki ang anak niyo." Nakangiting sabi nito.
Isang matamis na ngiti ang aking
binigay. Hindi ko mawari kung gaano ako kasaya sa oras na iyon. Gusto kong
magtatatalon at magsisisigaw dahil ligtas ang dalawa sa pinakamahalahang tao sa
buhay ko. Dagdag pa na isa na akong ganap na ama. Ngunit hindi pa rin ako
matahimik. Muli tinanong ko kung kamusta si Jared. Ngunit hindi nila ito
sinagot, bagkus ay inalalayan nila ako papunta sa kwarto ni Ella.
Pagkabukas ng kwarto'y bumungad sa
akin si Ella, nakahiga siya kama. I saw her smiled. I felt my heart racing. A
gush of tears clouded my eyes. as I've felt an incredible bliss that cloaked my
whole body. My heart is pounding. Ilang sandali pa'y pumatak ang aking luha,
dahan-dahan akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"Thank God Gab you're
safe!" She said, endless tears fell down from her eyes.
"Salamat din at ligtas kayo
Ella." I hugged her so tight. Tears fell down from my eyes.
Nandoon din si Tita Jade at si Tito Angelo na unti-unti nang nakaka-recover. Muli'y tumingin ako kay Ella.
"Ella nasaan ang anak
natin?" Pautal-utal kong sabi. I felt an immeasurable happiness.
Hindi pa man siya nakakasagot ay
bumukas ang pinto at linuwa nito ang nurse, tulak-tulak nito ang isang baby
crib. I froze for a moment when I saw the baby crib. I felt my chest got heavy
as if someone is pushing it so hard. Ramdam ko rin ang bigat at hirap ng
paghinga. Nang makalapit sa akin ang baby crib ay nakita ko ang isang bata. I
felt so weak, my hands started trembling. I felt shivers in my spine. Hindi ako
makapaniwala sa aking nakita. I felt an immeasurable happiness. Endless tears
fell down from my eyes.
Yumuko ako at hinaplos ang ulo ng
bata. I smiled. Tumingin ako sa nurse at tumango ito senyales na pupwede kong
kuhanin ang bata. Kinuha ko ito at binalot sa aking braso.
I felt euphoria. My heart skiped a
beat or two. The moment I saw my child's face, I felt an overwhelming and
electrifying elation that cloaked my whole body. I looked into his eyes,
his nose, his lips, his chin, everything is so perfect. He's an angel from the
heaven.
"Anong pangalan ang gusto mo
Gab?" Tanong sa akin ni Ella.
Tumingin ako sa kanya at pagkatapos
ay tumingin ako sa aming anak. Naisip ko ang pangalan ngaking pamangkin na anak
ni Jared at ni Ely. Gabriel Earl, pinagsamang pangalan namin ni Jared. Ngumiti
ako.
"Ella... Pwede bang Erick Jared
ang ipangalan sa kanya?" Sabi ko habang nakangiti. Pinagsamang pangalan ni
Jared at kuya Erick. Erick, dahil naging parte ng buhay ko ang pangalan na iyon
at nabuo ang bata noong mga panahong naging Erick ako.
"As you wish." Ella said.
I looked at my angel, my son, and
gave him a kiss in the forehead.
I opened the door
at nakita ko si Ace. Agad kong napansin ang nangingitim na pasa sa kanyang
binti habang ang kaliwang braso naman nito ay balot na balot ng benda.
"Gab!" He said with a big
smile on his face. Pinilit niyang kumilos ngunit agad akong lumapit sa kanya at
hinawakan siya sa balikat.
"Huwag ka ngang kumilos
babatukan kita!" Tono kong naiinis.
"Nag-alala lang ako sa iyo,
they told me you're badly wounded. Sobrang nag-alala lang ako."
"Ikaw ang badly wounded Ace
hindi ako, at ako ang dapat mag-alala."
Isang matamis na ngiti lang ang
sagot niya. He pinched my nose with his tight hand. I smiled.
"Bakit ka ba nandoon? Nadamay
ka pa tuloy." Naiinis kong tono.
"Noong pumasok ka sa kwarto ko,
gising ako nun, kinutuban ako ng masama. Alam kong meron kang hindi magandang
gagawin. Hinabilin ko si Gabriel Earl kay Inday at sinundan kita. Habang
sinusundan ko ang sasakyan mo, Jared called me at sinabi niya sa aking ang
pagpapaalam mo sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya ang ginawa mo at sinabi kong
sinusundan na kita ngayon. At doon, sumunod si Jared sa atin kasama niya si Sir
Luis. Nang lapitan mo si Ella sa parking lot ay doon pa lang dumating si Jared
dala-dala ang kanyang sasakyan. Bumaba ako at nag-plano kami kung anong gagawin
upang mailigtas ka at si Ella. Okay na sana ang lahat ngunit biglang sumabog
ang clubhouse na pinasukan mo. We're devastated, akala nami'y wala ka na."
Tumigil siya sa pagkukwento at huminga ng malalim. Pumikit siya at muli'y
nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Ace, I think you should rest." Umiling siya at muli'y nag-umpisang magsalita.
"Ayun na nga... when we saw the
explotion, we left with no choice kundi umaksyon, mapilit si Jared at bumaba
siya ng burol para iligtas si Ella. I called naman the police, nataranta na ako
Gab. Ang Papa mo naman ay pumasok sa loob ng sasakyan ni Jared, hindi ko alam
kugn anong pinaplano niya but I saw his tears fell down. Then noong pagkababa
ko ng phone ay nakita kita sa malayo, I saw Jared hiding sa isang poste. Nang
makita ko na natanggal mo na ang kadenang nakapulupot kay Ella'y biglang
lumitaw sa isang madilim na parte ang isang kotse, ruaragasa ito papunta sa
iyo, ngunit naging mailap si Jared, nailigtas niya kayo ni Ella at siya ang
nabangga ng kotse ni Steph. Nataranta na ako, lalo na nung makita ko na
nag-u-turn ang kotse ni Steph at handang tumbukin ka. Agad kong Pinaandar ang
sasakyan ko, wala na ako sa katinuan nun Gab. All I want is to save you, even
if it means of sacrificing my life."
Tahimik. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Masyadong magulo ang isip ko sa mga nangyari. Tumingin ako sa kanya at muli'y nabalot ng luha ang aking mga mata. My chest got heavy, I was so touched. Kahit kailan hindi ako hinayaang mapahamak ni Ace, mula sa nasusunog na building, sa pagkidnap sa akin ni Bianca at ngayon kay Steph. Hindi sapat ang salita para pasalamat siya, hindi ko alam kung papaano ko matutumbasan iyon. A blissful tears fell from my eyes.
Mula sa hindi mawaring kasiyahan ay
ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa isang tao... si Jared. Tumingin ako kay Ace.
Lumunok ako at huminga gn malalim.
"Ace... kamusta si Jared?"
Hindi siya nakapag-salita. Pumikit
siya at yumuko.
"Hindi na ako magugulat kung
ayaw nilang sabihin sa iyo."
Hindi ko maintindihan ang ibig
niyang sabihin. Hindi ako mapakali, hindi matahimik ang kalooban ko. Ramdam ko
ng panginginig ng aking mga kamay. I was so scared of what he will say, pero
sana'y maayos naman ito.
"Ace please? Lahat sila ayaw
magsalita, Ace... Please tell me, hindi ko na kaya Ace, nababaliw na ako
kakaisip. Nasaan si Jared?" Muli'y bumagsak ang luha mula sa aking mga
mata.
Hindi siya agad nakapag-salita, pansin ko sa kanyang mga mata ang awa para sa akin. Nagbigay siya ng isang buntong na hininga, pagkatapos ay tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Nasa ICU siya Gab. He's...
he's in coma." Sabay yuko at pumikit. Alam kong ayaw niya akong makitang
mag-break down.
I felt a sudden pang of loneliness
as my chest slowly got heavy with an incredible heartbeat, it's like it was
going to explode. Parang paulit-ulit na nag-eecho sa aking tenga ang sinabi ni
Ace. My whole body was cloaked in darkness and despair. Every part of me was
shattered into thousands of pieces. Napansin ko na lang na nakahandusay na ako
sa sahig habang walang humpay ang aking pag-iyak. Kapag naiisip ko si Jared,
ang mahal ko, ang buhay ko sa situasyon na iyon ay para na akong paulit-ulit na
pinapatay. It was too much for me to bear. Along with endless tears, I
screamed, it echoed through the whole place. It hurts like hell, it was
incomparable. Walang-wala ito sa mga sakit at paghihirap na naranasan ko noon.
Unti-unti'y kinain na ako ng kadiliman.
Nang
buksan ko ang aking mga mata'y nakita kong nakapalibot sa akin si Mama, Papa,
Enso, at si Gabriel Earl. Kinamusta nila ako at sinabi nilang nawalan ako nang
malay sa kwarto ni Ace. Ngunit imbis na sagutin ang kanilang tanong ay iba ang
tinugon ko.
"I want to see Jared."
"Pero Gab." Sabi ni Mama.
"Gusto ko siyang makita...
Parang awa niyo na." I burst into tears. Muli kong naramdaman ang bigat ng
aking kalooban. Ramdam ko ang muling pag-usbong ng sakit na kanina ko
naramdaman bago ako mawalan ng malay. Wala na silang nagawa kundi pagbigyan
ako. Inalalayan nila ako papunta sa ICU kung saan nandoon si Jared.
The moment I saw Jared, lying on the
bed, inside the ICU, I felt my world torn apart, muling nabalot ng luha ang
aking mga mata. Inexplain din sa akin ni Papa ang kalagayan ni Jared, sabi ng
doctor ay sobrang liit na lang ng pag-asang gumaling ito. The moment I've heard
those words, endless tears started to fell from my eyes to my cheeks. Dahan-dahan
kong inangat ang nanginginig na kanan kong kamay at dinampi ito sa salamin ng
ICU. It's like I fell from an endless and hopeless pit. Para akong
paulit-ulit na pinapatay sa nakitang kalagayan ni Jared. I closed my eyes,
ngunit nakikita ko pa rin ang itsura ni Jared na nakahiga sa ICU sa aking isip.
Naisip ko na hindi naman siya dapat ang nandoon kung hindi ako. Kung hindi
dahil sa akin, kung hindi dahil sa pagmamahal niya sa akin ay hindi siya dapat
ang nakahiga dyan. Nasa ganoon akong pag-iyak nang maramdaman ko ang pag-himas
ni Mama sa aking likod. Hinawakan naman ni Gabriel Earl ang aking kamay.
"Tito Gab, sabi ni Papa sa akin
bago ka niya iligtas na kung ano man daw ang mangyari ay wag kang malulungkot.
Kasi ayaw ka niyang makitang umiiyak." Inosenteng sabi ni Ge.
Napatingin ako sa bata, patuloy pa
rin ang walang humpay na pagdaloy ng aking luha.
"Sinabi niya rin na gusto
niyang alagaan kita gaya ng pag-aalaga niya sa iyo noon. Mahal na mahal ka rin
daw ni Papa, at ikaw daw ang isa ko pang Papa." Sabi niya sabay ngiti.
Napangiti ako sa sinabi ng bata, lumuhod ako at binigyan ito ng isang
napakahigpit na yakap. Mixed emotions is what I felt. A thousand arrows
piercing my heart and at the same time, an incredible bliss that slowly cloaking
the anguish in my heart. Pumikit ako at unti-unti'y nawala ang imahe ni Jared
na naa ICU. Napalitan ito ng masaya niyang mukha, pakiramdam ko rin ay nabuhay
siya sa katauhan ni Gabriel Earl na ngayon ay yakap-yakap ko at yakap-yakap ko
rin.
Ilang araw na ang nakakalipas at wala pa ring malay si Jared, kahit sinabi ng doktor na maliit ang tsansang magisign pa ito'y hindi pa rin kami tumitigil na manalangin at maniwalang gagalign siya. Lalo na ako, I will take every opportunity para gumalign siya. As long as there's hope, pang hahawakan ko ito, hindi ako bibitaw, hindi ako susuko. Kinagabihan, nagpapahinga na ang lahat maliban kay sa akin at kay Enso, hindi kami dalawin ng antok.
"Bakit gising ka pa?"
"Hinihintay kitang makatulog Kuya."
"At bakit naman?"
"Kabilin-bilinan ng Mama at Papa mo na bantayan ka hanggang sa makatulog ka."
"Si Ella at Ace kamusta?" Tinutok ko ang aking mga mata sa kisame.
"Ayun, nagpapahinga na rin. Wag mo silang alalahanin Kuya di ba lalabas na si Ella bukas at si Ace naman ay bumubuti na ang kalagayan. Nakita mo naman di ba?"
"Oo... Pero alam mo naman di ba?"
"Sa kanila ka ba nag-aalala? O kay Kuya Jared?" Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang pagtaas ng kilay nito habang naka-pout ang lips sa left side.
"Bakla ka...." Tono ko na nang-iinis.
"Just admit it. Si Kuya Jared ang naiisip mo."
"O ano naman?"
"Edi puntahan mo siya. Pumasok ka sa loob, kausapin mo siya."
"Ano ba kasing kalagayan niya Enso? Why don't you tell me?"
"We've already told you."
"Sinabi niyo lang na maiit ang tsansa niyang gumaling. But you never say any details kung ano ba talaga ang kalagayan niya."
"Kuya sa kalagayan mo ngayon, mabuting iyon na lang ang alam mo. Sasabihin namin sa iyo kapag magaling ka na."
"Enso, naiirita na ako. Ano ba!?!?!"
"Puntahan mo na lang siya Kuya dahil wala kang mapipiga sa akin. I'm not the right person na magsabi sa iyo ng tinatanong mo."
I sighed. I felt the sudden rapid heartbeat in my heart, it's like it was going to explode any minute now. Ramdam ko ang panlalata at panghihina ng buo kong katawan. Parang hindi ko pa kayang lumapit kay Jared ngayon. Pero naisip ko rin, kung hindi ngayon, kailan? Kapag tuluyan nang nawala ang pag-asang gumaling siya? Kapag wala nang pagkakataon? I gave a deep sigh. Napalunok ako, kasama kong linunok ang takot na aking nararamdaman. I stood up from my bed, inalalayan ako ni Enso. He gave me a quizzical look. I nodded as a sign of agreement in his suggestion.
Nang makarating kami sa harap ng ICU ay bumitaw ako kay Enso. Nagpaiwan siya sa labas samantalang ako nama'y pumasok sa loob kung saan nakahiga si Jared.
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman sa aking nakita. Patuloy pa rin ang walang-humpay na sakit na nararamdaman ko sa aking puso. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang mga makina at tubong nakakabit kay Jared. Kung tutuusin, para na siyang patay sa kalagayan niyang iyon. Tanging makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Parang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa kapag nakikita ko siya sa kalagayang iyon.
Umupo ako sa upuang katabi ng kanyang kama.
"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan ang kanyang mukha. Pansin ko ang kawalang buhay nito.
"Alam mo ba miss na miss ka na namin? Lalo na ako... Miss na miss na kita... Miss na miss na kita Jared." A gush of tears clouded my eyes. I noticed my hands are trembling as I approached my right hand his left arms.
"Wag kang susuko ha? Kasi ako hindi susuko. Wag mo kaming iiwan." Ang tanging nasabi ko na lang kasabay ang pagtulo ng aking luha. Sa pagkakataong ito'y hindi ko na napigilang humagulgol.
Tinitigan ko ang kanyang anyo. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Wala ni isa sa parte ng kanyang katawan ang gumagalaw. Para akong nakikipag-usap sa isang taong walang buhay.
Linapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga, patuloy pa rin ang walang katapusang luha na tumutulo sa aking mata.
"Just always remember... We won't give up, I won't give up. And..." Bakas sa aking boses ang panginginig.
"...I love you Jared. At habang nabubuhay ako'y patuloy kitang mamahalin. Sa bawat oras, sa bawat paghinga ko, sa bawat pintig ng aking puso, patuloy pa rin kitang mamahalin kahit anong mangyari. At di ako magsasawang sabihing mahal kita... I love you Jared." I hold his arms so tight as if it was the last. Sa pagkakataong ito'y naramdaman ko ang pagsabog ng aking emosyon, the anguish and despair, it's unmeasurable.
"I love you Jared..." Pag-ulit ko sa katagang iyon. Wala pang dalawang segundo'y narinig ko ang isang maingay na tunog mula sa makinang nakakabit kay Jared. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Napaangat ako ng aking ulo at nakita kong wala ng pintig ng puso si Jared. I was devastated, I felt my world fell apart. I screamed his name that echoed through the whole place. Nakita ko sa labas si Enso, tumakbo ito, alam kong tatawag siya ng doktor. I pushed the button above his bed. Wala pang sampung segundo'y biglang dumating ang doktor at mga nurse upang sagipin ang aking pinakamamahal. Hinila ako ni Enso palabas ng ICU, habang ako nama'y patuloy na pinagmamasdang i-revive si Jared.
Wala akong magawa kundi magsisisigaw at humagulgol. This was the darkest moment of my life. If there's a hell in this world, ito na iyon, ito na ang pinakakinatatakutan ko na mangyari, ang mawala ang taogn pinakamamahal ko. I felt so powerless. Wala akong magawa kung hindi panuorin ang eksena sa loob ng ICU. Seconds after, naisip ko ang isang nilalang na pwede kong malapitan.
"Enso, gisingin mo sila Mama at Papa, kasama sila Tito Angelo at Tita Jade." Agad na tumakbo si Enso samantalang ako nama'y pilit na naglakad papunta sa aking pupuntahan. Bumaba ako ng isang palapag na hagdan at buong lakas akong naglakad papunta sa chapel. Alam kong dito ako dapat sumaklolo, nandito ang huli kong pag-asa.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong naglakad palapit sa altar, nahihirapan ma'y pinilit kong makalapit dito, patuloy pa rin ang walang humpay kong pagtangis. Nang makarating ako sa gitna'y napaluhod ako. Hindi ko napigilang sumigaw, bakas sa aking boses ang hirap at pagkapaos.
"Lord... Nakiki-usap ako... Iligtas niyo si Jared... Iligtas niyo siya
diyos ko..." Pautal-utal kong sabi habang ume-echo sa buong chapel ang
aking boses. Napayuko ako. I failed, I did nothing to save him. Nanginginig ang
buo kong katawan, ramdam ko nag pagbalot ng kadiliman sa buo kong pagkatao,
kalungkutang unti-unting pumapatay sa buhay kong laman. I screamed, I was so
wasted. Ilang sandali pa'y biglang pumasok sa aking ala-ala ang mga eksena kung
saan magkasama kami ni Jared, ang storya naming dalawa ay unti-unting naungkat
sa aking isip. Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang pumasok sa aking isip
ang isang bagay, isang bagay na maaaring magpabago sa aking buhay. Inangat ko
ang aking ulo at nasambit ko ang bagay na iyon.
"Kung kinakailangan pong lumayo ako para mabuhay siya, gagawin ko po. Kung gusto niyo po, h-hindi na po ako magpapakita sa kanya kahit kailan. Gagawin ko po ito kapalit ang bagong buhay para sa kanya. Nakikiusap po ako, wag niyo pong kunin siyang kukunin panginoon, wag niyo pong kukunin si Jared... Buhayin niyo po siya... Kapalit ang paglayo ko." I said that echoed through the place. Bakas sa aking boses ang sakit at pagdadalamhati. Tanging naisip ko na lang ng mga oras na iyon ay mabuhay si Jared.
Lumipas ang ilang segundo at patuloy pa rin ang pagdaloy ng aking luha. Ilang sandali pa'y may tumawag sa akign pangalan. Lumingon ako. Nakita ko si Enso.
"Kuya Gab! Si Kuya Jared!" Sigaw niya habang humihingal. I saw his eyes, it was so bright.
"Kung kinakailangan pong lumayo ako para mabuhay siya, gagawin ko po. Kung gusto niyo po, h-hindi na po ako magpapakita sa kanya kahit kailan. Gagawin ko po ito kapalit ang bagong buhay para sa kanya. Nakikiusap po ako, wag niyo pong kunin siyang kukunin panginoon, wag niyo pong kukunin si Jared... Buhayin niyo po siya... Kapalit ang paglayo ko." I said that echoed through the place. Bakas sa aking boses ang sakit at pagdadalamhati. Tanging naisip ko na lang ng mga oras na iyon ay mabuhay si Jared.
Lumipas ang ilang segundo at patuloy pa rin ang pagdaloy ng aking luha. Ilang sandali pa'y may tumawag sa akign pangalan. Lumingon ako. Nakita ko si Enso.
"Kuya Gab! Si Kuya Jared!" Sigaw niya habang humihingal. I saw his eyes, it was so bright.
Binuksan ko ang aking mga mata.
Nakita ko ang liwanag.
Patay na ba ako? I
thought.
Ilang sandali pa’y naaninag kong may
mga tao sa aking paligid. Unti-unting luminaw ang aking paningin at namukaan ko
ang mga taong ito. Si Papa, Mama, ang kapatid kong si Angel na may dala-dalang
sanggol, at ang anak kong si Gabriel Earl. Napansin ko rin si Tito Luis at Tita
Tess na mga magulang ni Gab. Nakita ko rin si Enso at si Ace na nasa di
kalayuan.
“Welcome back Jared!” They said. I
gave them a smile.
“Kamusta ang pakiramdam mo Anak?” Tanong
ni Mama, bakas sa kanyang mukha ang sobrang galak.
“Okay naman Ma… Malakas kaya ako.”
Pagyayabang ko.
“Weh? Echusera ka Kuya Jared! Eh
muntik ka na kayang madedo.” Sabat ni Enso na kinatawa ko.
“Kuya na-miss ka namin.”Sabi ni Angel.
Binigyan ko ito ng isang ngiti.
“Wow! Pamangkin ko ba iyan?” Gulat
na gulat kong tanong sa kanya.
“Yup. Gusto mo makita?” Sabay lapit
sa akin at iniabot ang bata.
“Ang cute-cute naman! Manang mana sa
Papa niya. Tingnan niyo yung mata oh… Gab na Gab!” Tuwang-tuwa kong sabi.
Pansin ko ang pasimpleng ngiti ni Angel at ang pagiging seryoso ng mukha ng mga
tao sa paligid. Kinutuban ako ng masama.
“Teka… Nasaan ngapala si Gab?”
Tahimik... Para silang naputulan ng
dila at hindi makapagsalita. Lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib.
“Where’s Gab?” Bakas sa aking boses
ang pagseryoso nito. Ilang Segundo ang nakalipas ay lumapit sa akin si Ella at
binigay ang isang sulat. Nakita ko ang pangalan ko sa envelop na iyon. Pansin
ko ang panginginig ng aking kamay habang binubuksan ang envelop na iyon, alam
kong merong hindi tama… Alam kong may mali. Pagkabukas ng envelop ay binasa ko
ang laman nito… Isang sulat.
Dear Jared,
Siguro ngayon nagtataka ka kung
nasaan ako at bakit wala ako sa tabi mo… Pero bago iyon, una, gusto kong
magpasalamat… Salamat sa lahat, sa pagiging pinakamalapit na tao sa buhay ko,
sa pag-aalaga sa akin, sa pagmamahal, salamat sa lahat-lahat Jared. Ikaw ang
pinakamahalagang tao sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng rason at pag-asa
na mabuhay sa magulong mundo na ginagalawan natin. Ikaw ang nagturo sa akin na
i-appreciate ang sarili ko kung sino ako… At higit sa lahat, sa iyo ko
natutunan ang totoong pagmamahal, ang pagmamahal na handang magsakripisyo,
pagmamahal at pagtanggap sa isang taong punung-puno ng imperfections…at
pagmamahal na walang hinihinging kapalit. Lahat iyon sa iyo ko natutunan at
habang buhay kong dadalhin ang lahat ng iyon.
Jared… I’m sorry, kailangan kong
lumayo… I made a deal. Nangako ako sa nasa itaas na lalayuan kita kapalit ang
bagong buhay na ibibigay niya para sa iyo. Nangako ako sa kanya na hindi na
muling magpapakita pa ulit sa iyo… Pero… Kagaya ng sabi ko sa kanya, kung
sakaling meron tayong “Right time”, kung dumating ang panahong magkita tayo
muli at mahal pa rin natin ang isa’t-isa, ibig sabihin noon ay siguro nga, tayo
talaga ang para sa isa’t isa at talagang ginusto ng diyos na ituloy natin ang
naudlot nating pagmamahalan... But Jared please, don’t try to find me. I don’t
want to break my promise. Basta lagi mo lang tatandaan, mahal na mahal na mahal
kita.
Love,
Gabriel
P.S. Kayo na bahala ni Ella sa
anak ko ha? Alagaan niyo siya, sa kanya mo ibaling ang pagmamahal mo sa akin.
Napansin ko na lang ang basa kong
mukha. Endless tears fell down from my eyes. My teeth are gnashing as well as
my hands are trembling as a sign of the incredible pain and sorrow in my heart.
Ella hugged me tightly as I whimper the sound of my misery.
ITUTULOY
(Final
Chapter: “Like I Am”)
Bitin na naman grabe. Post niyo na po ang ending excited na ako eh. Salamat po sa magandang storyang ito. One of the best stories I've ever read.
ReplyDeleteSa wakas, pre-finale na. Ayun, talagang may-layuan portion parin si gab at jared.
ReplyDeleteAnong ngyari kay steph? Kapag yan ay bumalik pa at may iba pang masamang balak gawin eh talagang sobra na, OA na.
Goodluck.
Oo nga! Nasaan na si baliw na demonyitang Steph? I doubt kung gagawa pa siya ng kademonyohan, at kung sakali man... WTF! Sobra na yun hindi na tao yun at tama, OA na.
DeletePero sure ako, she's done. Hintayin na lang natin ang next chapter, baka may funeral este huling pasilip kay bruhilda. Bwahahahaha!!!
-x0x0x
Wag na si Steph. Hayaan niyo ng nasagasaan siya ng kotse. Okay na yun, ang importante maging masaya si Gab at Jared sa huli.
DeleteOf course may last appearance pa po si Steph. I won't end this story hanging any characters. Anyway, salamat po sa pagbabasa. ^_^
DeleteI told myself that I will refrain to give any comments, but I can't help it. Especially when I read the last sentence... "Ella hugged me tightly as I whimper the sound of my misery." Simple but so much emotions. Simple but powerful. You really improved a lot since the first chapter of this story. Nakakatuwang basahin ang story na ito hindi lang dahil maganda, kung hindi makikita natin ang growth ni white_pal/Gab as a writer. Maybe some people ay hindi nagustuhan ang pagbabago ng style niya and maybe some people didn't understand na hindi dapat minamadali ang pagsusulat. But you proved them that time and experience is necessary. You keep learning and learning and here's your masterpiece. Excellent job! Bow down ako sa iyo. Asahan mong patuloy kong susubaybayan ang mga susunod mong kwento! Now waiting for the finale of this story. I can't wait gosh!
ReplyDeleteThank you for all the good words Mighty_Dawn. I hope talaga na susubaybayan mo po ang mga susunod kong kwento. Thank you po ulit! TC! ^_^
DeleteMore good than bad. Good dahil successful ang panganganak ni Ella. Bad because alam naman natin ang naging kalagayan ni Jared at desisyon ni Gab. I hope a great and happy ending lies ahead.
ReplyDeletePlease post the finale ASAP! Kung pwede po this week, please. Please lang. Sobra na akong atat sa ending nito.
ReplyDeleteHindi ka nag-iisa.
DeleteHi Zef! Kahit ako man ay atat ma-post ang story na ito. It's just that my time is the biggest hindrance para makapag-update daily. I just wish I was given enough time para makapag-post ng mabilis. Ayaw ko naman po kasing magpost ng bara-bara lang. I want to give my best in every chapter kahit kapag binabasa ko siya ay nakukulangan pa rin ako. Anyway, thanks for reading! I hope you will like the ending that I choose for this story. Kung ano man po ang mababasa ninyong katapusan nito'y iyon po ang original ending talaga. I didn't change anything. Again, marami pong salamat! ^_^
DeleteAng story na mahigit isang taon kong sinubaybayan ay sa wakas matatapos na. All things must come to an end. Mahaba man ang linakbay ng storyang ito, marami mang issue at naging hadlang still it was a success!
ReplyDeleteNgayon pa lang, i-congratulate ko na si Bebe Gab for the success of "Love Me Like I Am". Hintayin namin ang LMLIA: The Untold Beginning at yung story ni Ryzo and Jaybie. Don't worry Bebe Gab, kahit tapos na ang LMLIA ay patuloy naming babasahin ang mga susunod na kwento mo. Maraming salamat sa pagbibigay ng oras at pagbahagi ng kwento. Super thumbs up!!!
Salamat Lei! Makakaasa kang ipopost ko ang mga stories na binanggit mo. Actually I have several stories na naka-line up so salamat at aabangan mo po yung mga iyon. ^_^
DeleteKuya Gabby nasaan na po ang ending nito? Sana po hindi matagalan kasi sobrang excited na kami. Ang ganda-ganda naman kasi. The best itong story na ito. Walang kupas!
ReplyDeletemay god naiiyak na ako sobra... huhuhuhuh
ReplyDeletepaki-post na pls. thnx!
ReplyDeleteHataw pa rin!!!!!
ReplyDeleteSilent reader na lang ako ngayon pero sinusubaybayan ko pa rin ang kwentong ito.
Tama yung ibang comment dito, sana madali na ang post ng last part!!!!!!
- xyz
T_T
ReplyDeletenakakainis ka author. pinaiyak mo ako dito. i can't stop crying fck! T_T
ReplyDelete