Followers

Tuesday, July 17, 2012

Beautiful Liar Part 11

by: Emirp

~♥~

Ngumiti lang ako kay Rex. Hindi ko alam pero tila nahihiya din siya nung oras na yun. Pareho kaming nagpakiramdaman lang. Siguro hindi siya nakatiis at nagsalita na din.

Rex: tara sa plaza

Prime: sige

Hindi ko alam pero nahihiya talaga ko. Parang hindi ako sanay na tahimik siya. Kaya pag dating namin sa plaza kinausap ko na siya.

''ang tahimik mo pala noh''. walang ka emo emosyong sabi ko sa kanya.

Rex: may iniisip lang ako, wag ka ka munang magulo. (seryoso niyang pagkakasabi)

Prime: (aba! taong to!) sige uwi na ko, mag isip ka na lang dyan. (sabay tayo)

Rex: sandali dito ka lang, Prime.

Prime: anu ba kasi, sinama mo ko dito tapos papatangahin mo lang ako, okay ka lang!

Rex: ang taray mo talaga

Prime: bakulaw!

Rex: ang pogi kong to tapos sasabihan mo kong bakulaw!

Prime: totoo naman e, bakulaw! bakulaw!

Rex: ikaw ha!

Tumakbo ako kasi alam ko hahabulin niya ko. At yun nga nagtabuhan kami. Lakad takbo siya kasi malamang nahihiya siyang tumakbo. Kaya malayo ang agwat ko sa kanya.

Sa di kalayuan may nakita akong naglalakad na lalaki at babae na halata mong magkasintahan dahil sa landian nila.

Lumingon lingon pa sa paligid ang lalaki, at maya maya ay naghalikan sila ng mga limang segundo. At nag simula ulit maglakad hanggang sa mawala sa aking paningin.

''huli ka!'', narinig kong sigaw ni Rex pero hindi ko pinansin.

''oh bakit ka umiiyak dyan? nakakita ka ba ng multo?''

Hindi ko kasi inaasahan na ang lalaki palang iyon ay walang iba kundi si kuya John.

Ang bilis niyang makarecover, tila wala lang sa kanya ang mga nangyari samin. Ang masaklap pa ay may kasama pa siyang babaeng nakuha lang niya ata sa kung saang bar.

Hindi ko inaasahang tumulo ang aking mga luha. Akala ko ay wala ng sakit. Pero may natitira parin kahit papano.

''wala'', ang tanging naisagot ko sa kanina pang tanong ni Rex.

Rex: anung wala? kanina para kang batang takbo ng takbo tapos ngayon iiyak ka diyan.

Prime: wag mo na nga akong pansinin!

Rex: ano ba kasi ang dahilan ng pag iyak mo?

Prime: ikaw! kung di mo ko dinala dito, hindi mangyayari to! peste!

Naglakad na ko papalayo. Marahil ay naguluhan siya. Pero wala akong pakealam dahil totoo ding siya ang dahilan ng pag iyak ko. Kung hindi niya ko dinala dun sa plaza. Hindi ko sana makikita si Kuya John. At hindi pa ko masasaktan ulit.

Agad din namang nawala ang galit ko nung malapit na ko sa bahay. Medyo nahiya din ako sa inasal ko kay Rex kanina. Kaya naisip ko sana makita ko ulit siya bukas. Dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Gusto lang naman niya akong makasama pero ganun pa ang ginawa ko.

Kinabukasan nung pumunta ako kela Mamu, sinabi niya na aalis pala siya. Ang dami niya kasing nilalakad. Order sa Avon, MSE, Natasha. Bayad sa load ng Globe, Smart, Sun. Loan sa FiCCO. Pamimili ng paninda. Hay naku lahat na yata.

Katulad ng dati, hindi pa din mawawala ang Last Will niya, kaya ayun umalis na siya. Tulog pa si Mark, gisingin ko nalang daw pag kakain.

So nung time nga ng kainan, pumasok ako sa kwarto kung san natutulog si Mark. Tulug na tulog pa siya bagamat alas onse na. Nakapatong ang kanyang magkabilang kamay sa dib dib at tyan, medyo nakabukaka.

(torrid part: pm me @ prime.pantuan@ymail.com)

Sabay kaming kumain ni Mark. Marahil ay gutom na gutom sa nangyari. Pagkatapos ay naghugas kami ng kaniya kaniyang pinggan at kubyertos.

Nagsulat naman ako sa diary ko nung wala nakong ginagawa, nilagay ko din ung mga memorable na pangyayari, yun nga lang ginamitan ko ng secret letter ung iba para hindi mabasa ng kung sinuman.

''crush mo ko noh?'', tinig ni Mark na mula sa likod ko.

Prime: hindi noh! over ka.

Mark: e ano yung nangyari sa atin?

Prime: wala lang yun kalimutan mu na.

Mark: ah (tatangu tango nyang sabi habang papalabas )

Mga alas sais na ng gabi ng dumating si Anti. Sabay sabay kaming kumain nila Mamak.

Mamu: oh sama ka? maliligo kami sa sabado dyan sa spring view, birthday ni kuya mo.

Prime: ah eh sige po Anti

Ang saya kasi may swimming na naman. Ang dami na namang pumapasok sa isip ko.

Ganun pa din, ang daming handa. May lechon din, tradisyon na yata ng mga bisaya ang lechon tuwing may anu mang okasyon. E sakin okay lang kahit wala nun, hindi ko naman kasi feel kumain ng litson e.

Wala naman dito yung kuya ni Mark na may birthday, pero pinag handa pa din nila. Nasa ibang bansa kasi sya, sea man.

Nagkainan muna kami bago maligo. This time hindi na ko gumawa ng krimen. Naligo lang ako ng maayos. Langoy sirena, langoy palaka, langoy ahas, langoy aso. Lahat yata ng langoy ginawa ko.

Medyo gininaw na ko kaya umahon muna ko. Nagkakantahan ang iba ko pang pinsan kaya naisipan kong makikanta din. Kinuha ko ang song book, hanap hanap hanggang sa may nakita akong kanta.

''kuya pakilagay 9341'' sabi ko sa isa kong pinsang nag lalagay ng mga kanta.

"oh Prime ikaw na pala ang sunod", sabi ng pinsan ko

"wooooo", sigawan nila medyo lasing na kasi

"anu ba yan over", sabi ko habang nag hahanda. nag pe play na kasi ang intro.

1


2


3


4


''ehem ehem"


I don't think that passenger seat

Has ever looked this good to me

He tells me about his night

And I count the colors in his eyes

He'll never fall in love he swears

As he runs his fingers through his hair

I'm laughing 'cause I hope he's wrong

And I don't think it ever crossed his mind

He tells a joke I fake a smile

That I know all his favorite songs and

I could tell you his favorite colors "green''

He loves to argue, born on the seventeenth

His sister's beautiful, he has his father's eyes

And if you ask me if I "love" him, I'd lie

He looks around the room

Innocently overlooks the truth

Shouldn't a light go on?

Doesn't he know I've had him memorized for so long?

He sees everything black and white

Never let nobody see him cry

I don't let nobody see me wishing he was mine

I could tell you his favorite colors green

He loves to argue, born on the seventeenth

His sister's beautiful, he has his father's eyes

And if you ask me if I love him, I'd lie

He stands there then walks away

My God, if I could only say

I'm holding every breathe for you


He'd never tell you but he can play guitar

I think he can see through everything but my heart

First thought when I wake up is, "My god, he's beautiful"

So I put on my make up and pray for a miracle

Yes, I could tell you his favorite colors green

He loves to argue oh and it kills me

His sisters beautiful he has his father's eyes

And if you asked me if I love him

If you ask me if I love him, I'd lie

Napansin kong napapatingin siya sakin pag kinakanta ko ang chorus.

Ang totoo naman ay para kay Mark talaga ang kantang iyon, medyo napansin ko kasi na favorite niya ang green, at madalas makipag kontra, sa tingin ko nag pe play din siya ng gitara. Para sa kanya talaga ang kantang yun.

''crush mo talaga ko noh!'', tinig ni Mark mula sa likod ko, dahil umupo ako sa gilid ng pool matapos akong kumanta.

Prime: ewan ko sayo ang dami mong alam.

Mark: pag di ka umamin sasabihin ko kay Mama yung mga sinabi mo dati. (pagbabanta niya)

Prime: panu mu ba nasabing crush kita, ha?!

Mark: nakita ko dati pinost mo sa fb ang kantang yan, nag lagay ka pa Kram, di ba Mark yon? tapos naririnig kitang kumanta dati, sabi mo: Mark favorite colors green, Mark loves to argue. Oh ano ha? (mahabang pahayag niya)


Prime: (bistado ka na dai haha!) bakit pag Mark ba ikaw na agad?! eksaherada ka ah!

Mark: oo, wag ka ng magsinungaling, dahil puro pangalan ko din ang nababasa ko sa diary mo.

Hindi ako nakasagot, yumuko ako, habang tinitingnan ang tubig sa pool.

Mark: wooo tama ako diba?!
(pang aasar pa niya)

Prime: oo na, tama ka! pero dati yon hindi ngayon! wala akong pakealam kung anu pa sabihin mo kay Anti, maliit na bagay lang naman yon, bahala ka. (nag dive ulit ako at nagumpisa ng lumangoy)

Natulala siya sa sinabi ko. Naisip ko na tama lang yon, atleast hindi ko na kailangan pang magtago ng damdamin.

Umuwi na kami. Natulog ako pagkadating sa bahay. Sobrang pagod talaga.

Kinabukasan hindi nagtinda si Mamu, kaya hindi na din ako nag punta sa kanila.

Naglakad lakad na lang ako. Kung saan saan na naman ako nakapunta. Binalikan ko yung mga lugar pinuntahan ko dati kasama ang mahal ko. Medyo wala na kong nadaramang sakit. Iniisip ko na lang na nagising na ko sa isang magandang panaginip. Kahit papano nagpapasalamat din ako kay kuya John sa mga pinadama niya sakin. Oo, nagkamali siya. Pero napatawad ko na siya. Yun nga lang, hindi ko na hahayaang maulit yung ginawa niya.

Nung papauwi na ko. May nakita akong lalaking medyo pamilyar. Habang papalapit ako sa kanya, na klaro ko na kung sino siya, si Rex. At nagkasalubong nga kami.

Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Ngunit hindi manlang siya kumibo. At napahiya ako sa sarili ko. Kaya naman medyo hinabol ko siya at kinausap.

''may problema ba?'', masayang tanong ko sa kanya.

''tanungin mo sarili mo!'', galit na sagot niya.



Itutuloy...

5 comments:

  1. ganda.............. why i can not send email on the torrid part of this daemon malier failure always...

    ReplyDelete
  2. Bat nwala k sa BOL? tz bat late ang update? Ganda pa namn, sna c mark mging partner nya haha

    ReplyDelete
  3. hindi nga maka send ng email lagi failure, sana post mo na lng ung torrid part marami naman story na my torrid part secret mo pa. bitin tuloy...ano ba ung real email add mo prime?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello... invalid na pala un...
      prime.roland.35@facebook.com.. ito na ata ung totoo.. :) try nyo :)

      Delete
  4. thanks for posting...
    goodluck s kanila ni mark...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails