Followers

Sunday, July 29, 2012

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 14



             Kamusta po sa lahat ulit? ^_^ Yay!!

             Una sa lahat, ay gusto ko magpasalamat sa mga magagandang feedback na natanggap ko sa chapter 13. Sobrang ikinataba ng puso ko yun. At ano pa masasabi ko. Pasensya na din po sa mga di ko nareplyan sa comments. Pasensya na po talaga.

              Pangalawa po, Gusto ko pong pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee,  Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,Mel Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee, -rob-, IAN, JM MJ, Jay-Ar, robert, Ryvis Tan, vincent28, Jhumer Andres, shane, Nico, Bonzai, dhyames, wexersz_15, Ras, EUS, Iamrex, LordPauldemort, itsmethirdy,  ryan lee, shane, Jhumer Andres, Hiya!, Jay-ar, renxz, pangz, jaymefrompalawan, Ryvis Tan, jamespott, Rez of Bacolod, Silent_al, ariel loniga, jheyjhey javier, maybe, g, patryckjr, Enrique, iRead,wil, jae.jae, RGEEE, Jim of Pangasinan, xheanne, eric sioson, Cloyd, LEI, Moon Sung-Min, meloh, _june_, JD Javra, d^,^b camotes \m/hunk, nam, itsmethirdy, =jess=, Marcanthony, knight_in_shining_armor(hehehe), nam, Danielle, alejojohn,   _unspoken_words_, akosijames, Nicholadia, Enrique, lloydie, LemLem, Jayar, Nico, Unknown, Aldrin, , _alelojohn, Dada Marcelo, cris bautista, Malachimark, -erickboi-, Yoshi, Karl rickson, online via ginno, Nikko Ramos, toffer lopez, Prince Pao, ALex, ja, kris, ramzter, Jm_virgin2009, Marlone, edrich of cebu, Archivald, russ, Mars, foxriver, Burj of Abu Dhabi, maybe, pd, mykel22, ampugeh, mark5337, ALDRIN, Al, brenthotz18, toffer lopez, Prince Pao, MarcAnthony, - marcus -, Nikko Ramos, Rands of QC, harry, alex, .paisano, jay.19.bi, Pancookie, cris bautista, Bri, Alexis Gacayan, Paolo Escaba, tj, nikk, eric sioson, -rom-, shingha, Mr.handsome, Mac, nivz, MP of Pasig, ilyrars, erik, .lordsun pogie, Enzo12, Tnito Schrugs, aeigh27 of binan laguna, cris bautista, JC SHIN, marlboro, monty, cazlhers@yahoo.com, fixboy, jay Tagaro, kris, Keanu Reeves, Marky, -rom-, foxriver, diumar, P.Y.S.H, edrich of cebu, bon-bon, Gerald, dhenxo (UTOL!!), kira, Uri_KiDo, Arnold Lachica, at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)


             Pangatlo, gusto ko lang promote blog ko. Lol. Kapalan lang sandali. aahehehehe. Yung mga gusto pong magfollow, maraming salamat po. www.darkkenstories.blogspot.com. Thank you po  muli!


              Pang-apat. Sa mga gusto pa din pong mag add sa akin sa fb, i-add lang po ako - dizzy18ocho@yahoo.com - PAKIUSAP lang po na mag iwan po kau ng message. Maraming salamat po. Oh sya, di na ko magdadaldal pa! Enjoy na lang po.


               COMMENTS AND VIOLENT REEACTIONS HIGHLY APPRECIATED










Naririnig ko ang pagbagsak ng ulan habang palabas ako ng pinto. Tila ay nakikisang ayon ang kalikasan sa hinagpis na nararamdaman naming ni Larc. Napakasakit dahil hindi ko inaasahan na after twelve years of friendship, nakarating na kami sa hantungan.

Palabas na ko ng pinto ng bigla akong hilahin pabalik ni Larc paharap sakanya.

“I’m never losing you again…”

Ang sumunod na nangyari ay sadyang nakapagpatigil ng mundo ko. Naramdaman ko na lang na nakadampi ang mga labi ni Larc sa mga labi ko…


It was my first kiss. Unang halik. At ito din ang halik na hinintay ko ng labindalawang taon. I should be the happiest person by now. Pero bakit ang sakit? Bakit hindi ko matanggap ang mga halik na ito ng buong puso?

Pipigilan ko sana si Larc at ilalayo ito ng bigla nya akong niyakap ng pagkahigpit higpit. Yung tipong alam nyang pipigilan ko sya kaya ihinarang nya ang mga bisig nya sa braso ko upang hindi ako makapanlaban.

Nalalasahan ko ang luha sa mga halik nya. It was indeed a bitter sweet kiss. Ramdam ko ang emosyon sa mga halik nya. Sa mga sandaling ito, hindi ko alam kung tama ba o mali ang mga nangyayari. Nakadampi lang ang labi namin habang sabay na tumutulo ang luha at emosyon.

Nang machempuhan na hindi na pwersahan ang pagkakayakap ni Larc sakin ay agad akong kumawala. Pero naging mapilit sya. Ngunit hindi na ako nagpatalo. At nakawala nga ako.

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. He grabbed me by the collar at tinulak sa pader. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Lalo pa nakatingin sya sakin ng mata sa mata. Para akong nahuhulog sa patibong na alam kong para sakin. Ramdam at amoy ko ang hininga nya. Mainit, at medyo amoy alak.

Lumulundag ang puso ko. Pabilis ng pabilis ang pagtibok. Hindi ko na rin maramdaman ang mga palad ko. Para akong lumulutang sa alapaap. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang pagpatak ng ulan at ang hininga ni Larc.

Inilapit ni Larc ang kanyang mukha sa akin. Konti na lang ang agwat bago muling magkadikit ang aming mga labi. Pero hindi nya inalis ang pagkakatitig kahit pa sinubukan kong iwaglit ito. Suddenly, I felt the tip of his nose na gumagapang sa leeg ko. Mainit. Its as if hinahalikan nya ako, pero at the same time hindi naman. Napapikit ako.

Hinawakan ni Larc ang dalawa kong kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Humarap ito muli sakin. Nakipagtitigan. Ang mga malamlam na mata nya ay sadyang parang isang panaginip na ayaw kong matapos. Parang bigla akong nakalimot sa lahat ng nangyari.

Bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Parang hinigop ang lahat ng lakas ko. Nararamdaman ko din ang panginginig ng tuhod ko. Medyo nanlalabo din ang mata ko. Muli kong naramdaman ang labi ni Larc na humalik sa labi ko.

At first isang smack. Tapos lumayo sya. Tinitigan muli ako. Humalik muli. Mas matagal dumampi ito. Iminulat nya ang mga mata nya habang nakahalik sakin sabay pikit muli. Ginalaw nya ang mga labi nya. Hinalikan nya ko ng banayad na banayad. Hindi ko ginalaw ang mga labi ko. Ngunit hindi sya tumigil. Hanggang sa malasahan ko na ang laway nya. I just found myself kissing back.

Maya maya ay lumayo sya. Nakatitig pa din. Bigla naman akong parang nagising sa hipnotismong ginawa nya sa akin.

Sinubukan ko kumalas sa pagkakahawak nya pero hinawakan nya ko ng mas mahigpit. Mas naramdaman ko ang pagkahilo at panghihina. Hindi ako makalakad.

“Larc…”, mahinang usal ko.

Ngunit parang wala itong narinig. Nakatingin lang ito sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng takot sa mga tingin nay un. It was my first time seeing him like this.

“Sabi ko sayo. I’m never losing you again.”, matigas na sabi ni Larc sabay hila sakin. Pwersahang hila. Sinubukan ko manlaban sa natitirang lakas ko. Pero mas lalo akong nahihilo. Bakit? Hindi naman ako mahinang uminom. At konti pa lang din ang naiinom namin. Bakit ako nanghihina? Napatingin ako kay Larc. Nakatingin lang ito ng may hindi ko maipintang ekspresyon sa mukha. Larc, anong ginawa mo?

Naramdaman kong hinila ako ni Larc papunta sa kwarto nya at hiniga sa kama. Mas agresibo ang mga galaw nya. Naramdaman ko ang paghalik nya muli. Pero gigil, uhaw, at sobrang agresibo. Ni hindi ako makakilos upang manlaban. At sat wing tangkain ko ang paglaban ay mas lalo lang humihigpit ang pagkakadagan at hawak nya sa akin.

“Larc…”, halos pabulong ko ng sabi dahil sa panghihina.

“Akin ka Ryan…”

“Larc.. Stop…”, mahinang usal ko muli.

Pero tila bingi na sya. Hindi ko na malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nya. Nakaramdam lang ako ng panghihina, matinding hilo at takot.

Hindi ko na masyado matandaan in detail ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman ko na lang na wala na akong suot pang itaas. Twing napapadilat ako ay nakikita ko si Larc, gigil, at galit. Paulit ulit na sinasabing “Akin ka lang. Akin ka Ryan.”

Natakot ako sa mga titig nyang yun.

Para akong biglang naduduwal. Gusto kong masuka dahil sa sama ng pakiramdam. Napatingin ako sa bintana ng kwarto nya. Bumubuhos pa din ang ulan. Napatingin ako kay Larc, Wala na din syang suot. Anong nangyayari? Nararamdaman ko na lang malagkit at mainit. Pawis at laway. Nararamdaman ko din ang mahigpit na pagkakahawak ni Larc sa kamay ko. Sinubukan kong muling manlaban, ngunit sadyang wala na akong lakas. Lumalabo na lalo ang paningin ko. Napapapikit na ako sa sobrang panghihina.

“Akin ka lang Ryan… Akin ka lang…”, yun na lang ang mga huling katagang narinig ko bago tuluyang napapikit. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.


Nagising ako dahil sa tindi ng sakit ang ulo ko. Hindi ko mamulat agad ang mga mata ko. Nakakaramdam pa din ako ng konting pagkahilo. Nararamdaman ko din ang sakit ng katawan. Ang buong katawan ko ay parang ngalay na hindi ko maintindihan. Para akong binugbog.

“Anong nangyari?”, unang pumasok sa isip ko.

Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko. Una akong napatingin sa bubong. Sabay sa paligid.

“Pamilyar ang lugar. Kwarto ni Larc.”, yan ang unang pumasok sa isip ko.

 Anong ginagawa ko dito? Napatingin ako sa gawing kanan ko. Nakita ko si Larc. Nakaupo sa dati kong kama at nakatingin sa sahig. Medyo nanginginig sya.

“Larc…?”, mahinang tawag ko sakanya. Agad syang tumingin sakin at biglaang lumapit. Umiyak syang bigla. Nanginginig. Nagulat ako. Bakit sya umiiyak?

Sinubukan kong umupo para tanungin sya anong nangyari. Pero ng makaupo na ako ay napansin kong wala akong suot. Naramdaman ko din uli ang pananakit ng katawan. Biglang tumulo ang mga luha ko dahil biglang isa isang bumalik sa alaala ko ang nangyari.

“Im so sorry Ryan.. Sorry. Patawarin mo ko.”, umiiyak na sabi ni Larc. Napatingin ako sa kanya. Pagkagulat at pagkamuhi ang unti unting umuusbong mula sa aking kaloob looban.

“Anong nangyari Larc?”, matigas na sabi ko. Tumutulo pa din ang luha ko.

“Ryan… Patawarin mo ko. Hindi ko alam bakit… Hindi ko lang napigilan..”, pagmamakaawa nya. Nanginginig sya habang umiiyak.

“Anong nangyari Larc?!”, galit at pasigaw kong sabi. Sabay punas ng luha.

“Ryan…”, taranta nyang sagot.

“Taena Larc, anong nangyari! Sagutin mo ko! Anong ginawa mo?!”, galit ko muling tanong. Nanginginig na rin ako sag alit. Ramdam ko ang init ng katawan. Tumataliwas sa lamig ng aircon sa kwarto nya.

Naalala ko na ang lahat. Ang pagpunta ko dito upang kunin ang naiwang gamit ko. Ang sagutan namin, inuman, ang paghalik nya, ang panghihina ko, at ang pagdala nya sakin dito sa kwarto.

“Patawarin mo ko Ryan…”, takot na takot nyang sagot.

“Taena Larc, tarantado ka!!”, galit kong sagot sabay tayo at pagbihis ko. Matinding hilo ang nararamdaman ko pagkatayo ko.  Para akong tutumba. Agad kong sinipat ang damit ko at pinilit magbihis at lumabas ng kwarto.

Naramdaman ko naman ang pagyakap nya at pagmamakaawa.

“Ryan, patawarin mo ko…”, pagmamakaawa nya habang nakayakap sakin.

Nawala ako sa sarili ko at nagdilim ang paningin.

Galit, poot, pandidiri at pagkamuhi. Yan ang tangi kong naramdaman.

“Tarantado ka!!!”, pagipon ko ng lakas kong isinigaw sabay suntok kay Larc.

“Huwag na Huwag... HUWAG NA HUWAG MO KONG MAHAHAWAKAN MULI!!”, panginginig ko sa galit kong sabi sabay kuha ng gamit ko at mabilisang labas ng unit ni Larc. Ramdam ko pa rin ang pagkahilo pero tiniis ko. Gusto ko agad makalayo sa lugar na yun.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay muling pumatak agad ang mga luha ko. Hindi dahil sa awa o lungkot para kay Larc. Kundi galit. Galit at poot. Nagtatakbo ako hanggang sa elevator. Pinindot ko agad pero ang tagal bumukas kaya naman tumakbo ako papuntang hagdan at nagmamadaling bumaba. Nagiiyak pa din ako.

Habang pababa ako ng pababa ng hagdan ay walang humpay ang pagbuhos ng luha ko habang inaalala ang mga nangyari. Hindi ako makapaniwala.

Bago tuluyang makababa sa ground floor ay umupo ako sa hagdan at doon pinagpatuloy ang pagiyak. Umiyak ako ng umiyak. Umiyak ng dahil sa awa sa sarili at umiyak ng dahil sag alit. Paulit ulit na lumalabas sa utak ko ang mga nangyari kinagabihan. Hindi ako makapaniwala na magagawa sakin ito ni Larc. Nagiiyak ako ng nagiiyak. Kinuha ko ang cellphone ko. Puro text at miscall galing kay Karen. Agad ko naman syang tinawagan.

Nakakailang ring pa lang ay agad sinagot ito.

“Hoy!! Ano ba nangyari sayo?! Hindi ako nakatulog sa pagaalala sayo? Asan ka nab a?!”, galit at alalang tanong ni Karen.

“Karen, sunduin mo ko please…”, pagmamakaawa at iyak ko.

“Oh, bat ka umiiyak? Anong nangyari Ryan?! Taena magsalita ka!”, alalang tanong ni Karen.

“Ano ba Karen!! Pwede ba sunduin mo na ko. Please naman!!!”, pamimilit ko habang umiiyak at nagmamakaawa.

“Okay… Okay, sige.. Hinatyin mo ko…”, mahinahon ngunit alalang sagot ni Karen.

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko hanggat hindi nakakatanggap ng text na nandyan na si Karen. Ayoko namang lumabas dahil baka maabutan ko si Larc sa lobby ng building. At ayoko din makita ako ng mga tao na nagiiyak. Ayoko gumawa ng eksena.

Pagtapos maghintay ay nakatanggap na ako ng text mula kay Karen. Nasa tapat na daw sya ng building ng condo ni Larc. Agad naman akong nagtatakbo palabas at agad kong nakita ang sasakyan ni Karen. Agad din akong sumakay.

“Ryan, anong nangyari?!”, galit at alalang tanong ni Karen.

“Drive…”, ang tanging naisagot ko.

“No, Ryan! Hanggat hindi mo sinasabi sakin anong nangyari, hindi tayo aalis dito!!”, galit na talaga si Karen.

“I SAID DRIVE!!!”, pagsigaw ko. Natameme naman si Karen dahil sa pagkabigla at nagdrive na lang pauwi. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan at umiiyak. Hindi ako nagsalita hanggang makarating na kami kaila Karen. Pagdating naman naming sakanila ay agad kaming pumasok sa kwarto.

“Now you have to tell me what happened!”, nagaalala pero matigas na sabi ni Karen. Agad naman akong yumakap sakanya at bumuhos ng iyak.

I felt betrayed. This was the worst feeling yet. Hindi ko alam na dadating ang araw na ito sa akin. Parang nawalan bigla ng ibig sabihin ang labindalawang taong pagkakaibigan namin. Ngayon, masasabi ko na I am willing to throw everything away. Every memory. Lahat. Lahat lahat ng tungkol kay Larc. I just wish na hindi kami nagkakilala.

“Taena Ryan, please tell me!”, paiyak na sabi ni Karen. Kumalas naman sya sa pagkakayakap at tumingin sakin. Hinawakan nya ang mga kamay ko at inupo ako sa kama.

“Please… Nagaalala na talaga ako. Ano bang nangyari?”, malumanay na tanong ni Karen. Malumanay ngunit halata ang pag aalala sa boses nya.

“Karen…”, tanging naisagot ko habang umiiyak. Tiningnan nya lang ako. Hinawakan nya ko sa kamay, sa bandang pulso. Hinila ko naman agad dahil nakaramdam ako ng sakit. Agad din nyang hinila ang kamay ko muli.

“Ano to?!”, galit na tanong nya. Sabay turo sa mga kamay ko. Kapansin pansin ang mga pasa dito. Hinila ko pabalik ang kamay ko pero hinila nyang muli.

“Taena Ryan, ano to?! Magsalita ka! Pakshet ka!”, umiiyak at galit na nyang tanong.

“Karen…”, tanging naisagot ko. Sabay hagulgol. Hagulgol talaga. Yung tipong parang batang nawawala. Gusto ko maglupasay. Pero I didn’t have the strength. Just thinking about what happened ay enough para palambutin ang mga tuhod ko.

“P*tang*na… Don’t tell me..”, mahinang sabi ni Karen sabay iyak din. Kapansin pansin ang pagkagulat at biglaang galit sa mukha nya.

Tumango lang ako habang nag iiyak pa din..

Niyakap ako ni Karen at umiyak na din.

“Sssshhh… Ssshhh..”, pagpapatahan nya kahit pa sya mismo ay umiiyak pa din.

“WALANG HIYA KAAAA!!!”, napasigaw ko habang umiiyak. Mas humigpit ang yakap nya.  Napahiga ako sa dibdib nya sa sobrang galit at sama ng loob. Nakita ko lang sya na umiiyak din. Napapahawak pa ito sa bibig nya sat wing mapapatingin ito sa aking mga mata.

Halos mabaliw ako. I never thought I can think about someone in this way. Sa bestfriend ko pa. At sa isang taong minahal ko pa. Nangingig ako sa pagiiyak at galit.

Biglang tumayo si Karen. Galit. Galit nag alit. Kinuha muli ang bag nya at susi ng sasakyan nya.

“San ka pupunta?”, umiiyak kong tanong.

“Alam mo kung saan ako pupunta! At wala akong pakialam kung sasama ka o hindi!”, galit na sabi ni Karen sabay punas ng luha. Nakatiklop ang mga kamao nito. Agad naman ako tumayo at niyakap sya.

“Dito ka muna… Please…”, pagmamakaawa ko. Nagpumiglas sya.

“Taena nya! Taena nya! Bullshit sya!!!”, galit na galit na sabi ni Karen sabay yakap sakin.

“Ayoko na. Please Karen. Dito ka lang…”, umiiyak kong pagmamakaawa.

“Dito ka lang.. Please.. Parang awa mo na…”, pagmamakaawa ko pa din paulit ulit.

Niyakap nya ako lalo ng mahigpit at muling inupo sa kama.

“Ssshhh.. Andito lang ako.. Andito lang ako, Ryan…”, umiiyak nyang pagpapatahan.

“I swear hindi ka na nya masasaktan. Itaga mo yan sa bato!”, galit nyang usal.

Niyakap ko lang sya at nagiiyak. Nang mahimasmasan kahit papano ay kinuwento ko lahat ng nangyari. Habang nagkkwento naman ako ay napaiyak sya at halata ang pang gigil.

“Karen… Pwede, atin na lang muna to. Ako ng bahala kung paano babawi. Basta sa ngayon, ayoko muna isipin ang nangyari... Ako na lang muna intindihin mo.”, pagmamakaawa ko.

Tiningnan lang ako ni Karen sabay punas ng luha nya. Tapos pinunasan din nya ang luha ko.

“Naiintindihan ko. Pero I swear hindi. HINDING HINDI  ko na hahayaan makalapit sya sayo.”, matigas nyang sabi. Sabay punas muli ng luha ko.

Sinabihan ko si Karen na gusto kong maligo dahil pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko. Amoy ko pa rin ang natuyong pawis at laway sa katawan ko. Mas lalong lumalaki ang galit ko.

Habang nasa shower ako ay hindi ko nanaman napigilan ang muling pagbuhos ng mga luha ko.

Halos wala na akong mailuha. Parang bumibigay na mismo ang mata ko. Pero nakatulong ang buhos ng tubig mula sa shower. Mas nailabas ko pa ang natitrang luha na sumisiksik sa kasuluk sulukan na ng kalamnan ko.

Napapupo ako sa sahig habang bumubuhos ang tubig. Diring diri ako kay Larc at sa mga pinag gagawa nya sa akin. Pero tila paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang lahat ng eksenang naganap. May mga sandal na halos sumigaw na ako sa loob ng banyo. Naglupasay ako. Habang halos tanggalin ko na ang balat ko sa pag kadkad sa balat ko.

Buti na lang at sabado at walang pasok. Hindi ako lumabas ng kwarto hanggang Linggo. Dalhan man ako ni Karen ng pagkain ay halos hindi ko din ito nagagalaw. Naiintindihan naman ni Karen kung bakit. Twing lalabas naman sya ay umiiyak akong muli.

“Hayop ka Larc. Gago ka… Hinding hindi kita mapapatawad…”, paulit ulit na sabi ng utak ko. Yan din ang mga katagang naaalala ko hanggang sa makatulog ako.



Nagising ako. Monday na. Nakita kong nakaupo si Karen sa tabi ko. Hinihintay akong magising.

“Papasok ka ba? Kung hindi pa, ok lang. Ako na kakausap sa mga prof mo.”, tanong ni Karen. Agad naman akong tumayo. Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko. Pero galit pa din ang nararamdaman ko.

“Papasok ako. Hindi pwedeng mawala ang scholarship ko. Dito nakasalalay ang taya ng magulang ko para sa akin.”, matigas kong sabi.

“Sigurado ka? Magpahinga ka na lang kaya muna…”, alalang tanong nya. Tiningnan ko si Karen. Mata sa mata.

“Pangako. Hindi nya na ko masasaktan kahit kelan.”, mas matigas kong sabi.

Tutol man ay pinayagan akong pumasok ni Karen. Sabay kaming pumasok papuntang school. Alam nyang hindi madali ang pinagdadaanan ko kaya naman mas maingat sya sakin ngayon.

Pagkadating na pagkadating namin sa parking ay nakita namin ang sasakyan ni Larc. Andun din sya. Nakatayo at naghihintay. Napatingin ako kay Karen. Halata ang pang gigil dito. Hinawakan ko naman ang mga kamay nya at umiling. Nagbigay sya ng isang malalim na buntong hininga at tumango sakin. Pero ang totoo ay namumuo rin ang walang humpay nag alit sa loob ko. Nag init ako ngunit nagtimpi. Hindi dahil martyr ako at mahal ko si Larc. Ngunit hindi ito ang lugar para magwala ako.

Pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan ay nakita naming palapit si Larc. Agad naman ako hinila ni Karen at mas binilasan ang paglalakad. Alam kong galit sya dahil ganun din ang nararamdaman ko. Ramdam ko din ang galit nya sa pagkakahigpit ng hawak nya sa akin. Halos kaldkadin nya na din ako sa paglalakad. Pero hindi ito ang lugar. Kailangan ko mag timpi. Pero konting bagal lang ni Karen ay titigil talaga ako upang suntukin si Larc.

Nagulat na lang ako ng biglang ngang tumigil si Karen sa paglalakad at tumingin sakin.

“Sorry. Isa lang. Isa lang talaga!”, biglaang sabi ni Karen sabay talikod at naglakad pabalik. Nagulat na lang ako ng makitang sinapak ni Karen sa mukha si Larc.

“Taena mo ka!! Huwag na huwag!! I mean HUWAG NA HUWAG kang makalapit kay Ryan dahil sinasabi ko sayo… Sinasabi ko sayo!! Baka hindi ko alam ang magawa ko sayo!!!”, galit na galit na sabi ni Karen kay Larc sabay lakad pabalik sakin at hinila ako muli. Nagulat naman ako sa ginawa nya. Buti na lang at wala halos tao sa parking kaya walang nakapansin sa eksenang naganap.

Agad kaming naglakad papunta sa mini park. Doon kasi kami hihintayin nila Chelsea.

“Aray…!!! Huhuhu!”, pagrereklamo ni Karen at turo sa kamao nya.

“Karen.”, usal ko.

“Pasensya na. Hindi lang talaga ako nakapagtimpi.”

“Naiintindihan ko.”

“Aray ko talaga…”

“Sino ba naman kasi may sabi sayo mag-ala Manny Pacquiao ka bigla?”, alalang tanong ko sabay tingin sa kamao nya.

“Eh kasi!! Hindi ako nakapgpigil. Nung makita ko mukha nya!!”

“Dapat kasi ako pinasuntok mo! Ako sana yung susuntok kaso bigla ka umeksena don.”

“Huh?! Susuntok ka ba sana? Nako, sorry. Hindi ka tuloy nakasapak.”, paghingi ng paumanhin ni Karen.

“Pero salamat. Grabe, ang lakas mo pala sumuntok.”, pilit kong pagbiro.

“Sino nasuntok?”, biglang sulpot ng isang boses. Si Chelsea.

“Hah? Ah, wala! Nagpunta kasi kami sa mall ni Ryan kahapon. Eh naglaro kami nung susuntukin mo yung parang glove.”, biglang sabi ni Karen.

“Aah.. Ganun ba. Ay friend! Anong nangyari sayo? Bat ang hagard mo?!”, pagpuna sakin ni Chelsea.

Nagulat ako. Natigilan. Kailangan magpalusot.

“Wala. Kasi ginawa ko yung term paper ko. Eh di ko napansin late na pala. Hindi ako nakatulog ng maayos.”, pagkukunwari ko.

“O…kay. So, guys don’t forget, ha! Sa friday na ang finals para sa championship game sa basketball! Huwag kayo mawawala, ha!”, pagngiti ni Chelsea.

“Oo naman. Pupunta kami.”, simpleng sagot namin ni Karen. Napatingin naman sakin si Karen. Alam kong sinisigurado nya kung okay lang ba ko. Tiningnan ko lang sya at tumango ng bahagya.
“And charan! Eto na ang mga tickets for the game. Syempre ipinuslit ko na kayo ng ticket noh! Ano pang silbi ng pagiging captain ko ng pep!”, pagtawa ni Chelsea.

“Wushu! Galing kaya kay Andre yan!”, pangaasar naman bigla ni Melai.

“Sssh!! Ito talaga! Eeeeeeeeeeeeee syempre kasama ako ni Andre pumuslit nyan!”, pagngiti ni Chelsea.

“Teka, asan na nga ba si Andre?”, tanong ni Karen.

“Ay! Oo nga pala. Sabi nya tawagan daw sya pag andito na kayo. Wait lang.”, sagot ni Andoy sabay kuha ng cellphone nya at tinawagan si Andre.

“Parating na.”, dagdag ni Andoy pagkababa ng phone.

Agad akong kinabahan. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Andre ang nangyari. Kaso anong iisipin nya pag nalaman nya? Natakot ako bigla.

“Missed me?”, biglang sulpot naman ni Andre mula sa likod ko. Ngunit nang makita ko naman si Andre ay agad akong napayakap.

“Wow!”, tuwang sabi ni Andre.

Nagulat naman si Karen sa ginawa ko. Pero alam din nya kung bakit.

“O..kay ka lang ba? Mukhang pagod ka, ha. Tsaka bat di ka nagrereply sa mga text ko?”, biglang tanong ni Andre.

“Pasensya na. Term Paper kasi tsaka wala akong load.””, sagot ko.

“Huh? E bat kahit sa calls ko hindi ka sumasagot? Hindi mo naman siguro kailangan ng load para sumagot ng tawag.”, tanong nya muli.

“Ah. Kinuha ko kasi yung phone nya. Nawili kasi si Ryan this past few days. Hindi tuloy nya matapos yung term paper nya. Eh syempre, kailangan ko din isipin ang scholarship nya.”, biglang sagot ni Karen. Ngumiti naman ako kay Karen.

“Yeah, strikto kasi si Karen.”, pagdagdag ko. Pero alam kong anytime pwedeng bumagsak ang luha ko.

“Okay ka lang ba?”, biglang alalang tanong ni Andre.

“Yeah, I’m okay.”, pilit kong pag compose sa sarili ko.

“Pagod lang.”, dagdag ko.

“Ganun ba. Ah! Sya nga pala. Ibigay mo na lang yung mga tickets sa iba.”, medyo malamig na sabi ni Andre. Nagulat naman kami ni Karen.

“Hah?! Teka, eh pano sila makakapasok kung ibibigay nila sa iba yung ticket?! Andre!”, taka at inis na tanong ni Chelsea.

“Basta ibigay mo na lang!”, cold na sabi ni Andre. Nagtaka naman ako. Bakit biglang cold si Andre. Anong nangyari?

“Heto na. Ibigay mo na lang sa iba.”, pagbigay ko ng ticket kay Chelsea. Naguluhan naman si Karen.

“May problema ba Andre?”, tanong ni Karen.

“Oo. Huwag nyo ng upuan yang ticket na yan.”, malamig pa ding sabi ni Andre.

“Anong problema…?”, pagaalalang tanong ko.

“Kasi meron na kayo nito! Waaaaaaaa!”, pag gulat sakin ni Andre sabay labas ng dalawang ID pass para makaupo kami mismo sa baba. Nagtawanan naman at inasar kami nila Andoy , Melai at Chelsea. Ang sweet daw.

“Alam mo! Ang korny mo pa din!”, inis na sabi ko sabay bigay ng pilit na ngiti.

“Grabe ka naman. Akala ko pa naman matutuwa ka. Pinagawa ko pa yan ng rush.”, tampong sabi ni Andre.

“Wushu! Ikaw talaga. Huwag ka na magtampo. Pupunta ako at sisigaw para sayo bukas.”, ngiting sabi ko, Tiningnan naman ako ni Andre sabay ngiti.

“Sino kayang mas korny satin ngayon?”, pangaasar nya. Ngumiti lang naman ako.

“Ay! Sya nga pala. May party pala after the game ha. Manalo o matalo. May victory party tayo.”, sabi ni Chelsea.

“Oh sya, may klase pa tayo. Malalate na tayo.”, bigla namang putol ni Karen samin.

“Ingatan mo yan, ah!”, sigaw ni Andre kay Karen habang naglalakad kami palayo. Sumaludo lang si Karen kay Andre.

“Are you okay…?”, alalang tanong ni Karen.

Tumango lang ako. Kailangan kayanin ko.

“Kaya mo?”, alalang tanong ni Karen.

“I’ll be ok.”, simpleng tugon ko.

Galit. Yan pa rin ang nararamdaman ko. Lalo pa ngayon na kaklase ko si Larc sa klase ko ngayon. Alam kong nakatingin sya sa akin pero hindi ko sya tinitingnan. Tarantado sya.

“Okay, class. Don’t forget your term papers next week, okay?”, paalala ng prof namin.

Shit! Oo nga pala. Kailangan ko na talagang gawin yang lintik na term paper na yan.

Pagtapos ng klase ay agad akong tumayo para makalabas. Nakita ko namang nakatayo si Larc sa pinto at alam kong hinihintay ako. Nang makadaan naman ako ay akmang magsasalita ito.

“Don’t you dare.”, matigas at malamig na sabi ko agad sakanya sabay lakad ng palayo.

May nagbago. Kung dati ay awa at pagmamahal ang nararamdaman ko para sakanya, ngayon ay sama ng loob at galit na lamang ang natitira. Ni ayaw ko sya makita o maalala. Dahil ang tanging naaalala ko na lamang ay ang kagaguhan na ginawa nya sakin.

Pagkauwing pagkauwi naming ni Karen ay dumirecho ako sa kwarto at sinimulan na ang term paper ko. Kinatok naman ako ni Karen,

“Friend, juice.”

“Salamat.”

“Look, pwede mo ko kausapin anytime, ha. I mean anytime. Kahit madaling araw. Katukin mo lang ako sa kwarto.”

“Salamat Karen.”

Habang gumagawa ako ng term paper ay di ko maiwasang hindi makapagconcentrate. Lalo na pagnakikita ko ang mga pasa sa kamay ko. Buti na lang din at di masyadong halata kaya hindi napansin ni Andre.

Beep. Beep. Pagtunog ng cellphone ko.

“Kakatapos lang ng training. See you tom! Mis u poh!”

Beep.Beep.

“Ingat ka pauwi ha. See you din. Mis u din.”

Beep. Beep.

“Talaga mis mo ko? Sarap naman pakinggan. :)”

Beep. Beep.

“Korny mo pa rin.”

Sinubukan ko buong linggo na magpakatatag kahit pa may dinadalang problema. Nagfocus lang ako sa pagaaral at sa term paper ko.

Aaminin ko, hindi naging madali para sakin ang harapin ang araw araw. Lalo na pag nakikita ko si Larc sa school. Mas nahihirapan ako makapag move on. Hindi sa nararamdaman ko para sakanya pero kungdi sa galit na nararamdaman ko para sakanya. May mga gabi kasi na nagigisng ako bigla dahil napapanaginipan ko ang ginawa sakin ni Larc.

Pero higit kong pinagpapasalamat na andyan si Karen para sakin. Gumagabay at sumusuporta sakin lalo sa mga gantong panahon. She has been a real friend to me. Hindi, para ko na talaga syang kapatid.

"May araw ka rin...", matigas na sigaw ng utak ko.



23 comments:

  1. sana first, sana first. haha =D


    -Nico

    ReplyDelete
  2. Naman bitin ken ....hahhaa next part na hahaha pasencia na at atat na atat sa kwento mo

    ReplyDelete
  3. Bongels itong chapter n itey sana may kasunod agad... tagaal ko pa namang hinihintay itong story mo...Thank you very much for sharing this... more power to you...

    ReplyDelete
  4. Huhuhuhuhuhu ayaw kong chapter nto...... Huhuhuhuhu pinasama nio karakter ng pambato ko..., huhuhuhuhu sana indi mgtagal ung gnito sa labtim n ryan-larc....

    ReplyDelete
  5. bitin mr. Author hahah :) di ko akalaing ganun gagawin ni larc , kala ko ba nmn tuloy tuloy na pagiging sweet nya . Hms , well team Larc pdin ako hahah
    -- nikk

    ReplyDelete
  6. Oh great. Poor Larc.

    Kaexcite ang next scenes. Cant wait for it.

    ReplyDelete
  7. Dear, Author sana meron po agad update bukas or mamaya hehe :D gondo ng story e...




    ( MarlboroBlack )

    ReplyDelete
  8. Grabe.. bakit kc nirape ni Larc si Ryan... well kay Papa Andre na talaga xa.. and they both deserve each other naman e... Next Chapter na PLease

    ReplyDelete
  9. huhuhu..sad tong part na to..sana may gagawin si larc para kay ryan para mapatawad sya nito...larc-ryan pa rin ako no matter what...nagawa lang un ni larc dahil mahal na mahal nya si ryan..

    ReplyDelete
  10. sobrang nagustuhan ko tong chapter na to..
    ganda grabe

    thanks author ..
    nakakawala ng stress ang story mo

    -arvin of Taiwan-

    ReplyDelete
  11. may god ang galing galing po... next chapter po... sana namn magakabait na cla ni larc alam ko na mahal parin ni ryan c larc kahit may nangyari sa kanila...

    ReplyDelete
  12. Si larc naman kasi.. Nice chapter btw!

    Sana may next chapter na po. :))
    great story!

    `em_bie24

    ReplyDelete
  13. Naku..maghihiganti si ryan kay larc..wag naman sana..

    ReplyDelete
  14. ayaw ko ng chapter na to!!!

    sabi ko kay LARC... mag EXPLAIN hindi nmn mangRAPE... HMP...
    Panu pa sya makakabawi nyan... :c

    ReplyDelete
  15. hahhhhha! dont you dare??
    dont you dare to fall inlove with me!
    gahahahahahhha anne lang!
    wawa nman si ryan hindi ba sya nasarapan??
    baka pinainom ng sleeping pills o kaya pampahilo!
    wawana man ! pogi na nga yung nag rape eh! hahaha
    pero hindi na sya virgin pa!
    botomm si ryan diba?

    ReplyDelete
  16. Kala ko sweet moment na para kina larc ang chapter na 'to. All of a sudden mas lalo pa palang tataas ang pader sa pagitan nila.

    Mr. Author made this story even more exciting. Ganda talaga ng twist ng kwentong ito. Expect the unexpected ika nga nila.


    _alejojohn

    ReplyDelete
  17. hala! bakit biglang naging ganun kadesperasdo c larc? nkakabaliw tlaga ng pag ibig at sabayan pa kc ng alak kaya nwala sa tamang wisyo. buti nlang at may bestfrend na totoong magmahal at magmalasakit like karen. mabuhay ka karen. tnx for the update .

    ReplyDelete
  18. hay super love ko tlga tong story na to.. next installment please... 2 thumbs up po!!!

    ReplyDelete
  19. haizt,,,bagsak sakin c larc sa chapter nato...siya pa nmn pambato ko..hmmm..ano kaya gagawin ni ryan???sana wag siyang maging alipin ng galit..

    *natuwa nmn ako nung nabasa ko name ko sa greeting list ni Mr. Author!haha

    -monty

    ReplyDelete
  20. nkklungkot pg nkikita mo n mlpit mo na mtpos bsahin..hmmppfff
    GANDA''

    ReplyDelete
  21. grabe nabitin aq ng sobra sa eksena!!!geehehehehe

    ReplyDelete
  22. wew, what a revelation it is kaso ang sad naman, sana maiba naman ang ending nito, si Andre na lang ang kanyang makatuluyan, haysss....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails