Followers

Sunday, February 19, 2012

Kahit Makailang Buhay [11]

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for viewers under 18.

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

I am happy to announce na 7 na lang ang kulang at papalo na ang followers natin sa four digits: 1,000 naaaaa!!!! Hehehe.

Syempre, maraming-maraming salamat sa mga supporters at lalo na sa mga commenters, at sa mga patuloy pa ring sumuporta at nanindigan para sa MSOB. Bagmat hindi ko nasagot ang mga comments ngunit nababasa kop o ang lahat ng ito.

Ang ating planong 2nd MSOB Grand EB ay sa December 29 na po ngunit ang MSOB Book Anthology ay tuloy pa rin po.

Muli, maraming-maramign salamat sa inyo.

-Mikejuha-

--------------------------------------------

Ako si Xander.
At heto ang kuwento ko -

Naging normal uli ang takbo ang pagsasama namin ni Patrick, maliban sa sobrang pagka-possessive niya, sa pagka-adik niya sa sex, at sa kanyang pagkasado-masochist. Ngunit kaya ko naman ang mga iyon…. Kinaya ko. Sinabi ko na lang sa sarili na kung mahal ko talaga ang isang tao, lahat at hahamakin ko…

Marahil ay sa pagkakataong iyon ay lumawak na ang aking pag-iisip; mas naintindihan ko na siya, tanggap ko na ang kanyang pagkatao, at higit sa lahat, tanggap ko nang ang mahal ko sa kasalukuyang buhay ay na-trap sa isang katawang lalaki. Tanggap ko siya bilang siya.

Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Sinusubok nito ang katatag ang isang pagmamahalan; kung gaano katibay ang isang paninindigan.

Sa aming pagsasama, naging mas possessive si Patrick sa akin. Maliit na bagay ay pinapalaki. Mga inosenteng kilos ko ay binibigyang malisya. Halimbawa, may isang beses na kinausap ko ang isang babaeng estudyante sa classroom dahil nahuli ko itong nangopya sa test. Masinsinan ang aming pag-uusap noong nagkataon namang biglang pumasok si Patrick sa classroom. Naabutan niya ako at ang estudyante. Bagamat walang kaduda-dudang nakita siya sa amin ngunit noong pauwi na kami ng bahay, naninigaw na ito, nagmumura.

Kahit mga lalaking estudyante kapag nakikipagharutan o kahit nakakasabay ko lang sa hallway at nakikipagbiruan at nakikita niya, mag-eexpect na ako niyan ng away.

Ang masaklap, ay sa away namin, pinagbubuhatan niya ako ng kamay.

Tiniis ko ang ugali niyang iyon. Tiniis kong ang bawat pananakit niya, palo, kagat, suntok… dahil ang lahat ng iyon ay hahantong sa pagtatalik. Ganyan ang normal na takbo ng sexual routine ni Patrick. Sex addict na nga siya, pervert pa at sado-masochist. Inisip ko na lang na ang dahilan ng kanyang pagiging sobrang possessive at mainitin ang ulo ay upang ito ang makapagbibigay sa kanya ng dahilan upang magalit siya at doon na magsimulang saktan niya ako.

Both ways din kasi ang gusto niya. Ang saktan ako o, di kaya, saktan siya ang sasaktan ko. Minsan din kasi kapag galit na galit na rin ako, hindi ko mapigian ang sarili na hindi siya saktan. Ito ang paraan niya upang mag-init naman ako. Simulan niya ang away at kapag hindi ko na kayang kontrolin ang sarili, hahantong na ito sa pisikal na pagbuhat ko ng kamay sa kanya. Ang sakitan para sa kanya ay parang isang aphrodisiac, isang bagay na nakapagpapalakas ng libog at libido. At hahantong ang lahat sa pagtatalik.

At palagi iyon. At marahil ay nasanay na rin ang aking katawan sa bugbog na parang hinahanap-hanap ko na rin ito. Minsan nga kahit walang dahilan, bigla na lang niya akong tatadyakan o paluin ng sinturon…

Syempre, kapag may nanakit sa iyo ng ganoon-ganoon na lang na walang dahilan, aakyat kaagad ang lahat ng dugo mo sa ulo mo at gusto mong makaganti. Kaya ang sunod na mangyayari niyan ay sakitan… at sex.

Ang kinatatakutan ko lang ay baka darating ang isang araw ma magiging sobra na ito at ang hahanapin na niya sa katawan namin ay dugo… Kapag nangyari iyon, baka buhay na rin namin ang nakataya. Iyan ang matinding ikinatatakot ko.

Kaya upang magiging under control ko pa rin ang lahat kung sakali ay ang lihim na mag-aral ng martial arts, hindi dahil gusto ko siyang saktan kundi gusto kong kontrolado ko pa rin ang lahat. Kapag alam kong sobrang bayolente na, maaari kong i-pin down siya upang huwag nang humantong sa mas madugo pa. Syempre, proteksyon ko rin sa sarili ko ito lalao na kung darating kami sa puntong nakahawak siya ng patalim o baril o isang bagay na nakamamamatay.

Ngunit ang isang problema ko ay kung paano siya gagamutin. Minsan kinausap ko sya na magpagamot sa isang psychiatrist ngunit ikinagalit niya ito. Ako pa tuloy ang tinanong kung may pag-aalangan nab a raw akong tanggapin ang pagkatao niya at kung hindi na, libre na raw akong umalis at iwanan siya.

“Bakit? Hindi mo na ba ako kaya? Iwanan mo ako, ok lang sa akin! Kaya ko namang tumayong mag-isa. Kaya kong mabuhay na mag-isa!”

“Patrick… hindi mo ako naintindihan eh…”

“Ikaw ang hindi nakakaintindi sa akin!”

“Ang ibig kong sabihin, hindi ba mas maganda kung hindi tayo nagsasakitan? Na nagsasama tayo na masaya, na nagyaykapan lang at naghahalikan. Normal ba sa tingin mo ang bugbugan talaa sa mga taong nagmamahalan?”

Ngunit hinid niya sinagot ang punto ko. “E di kung ayaw mo na, umalis ka! Alis! Layassssss!!!” ang palagi niyang sasabihin.

At sa puntong iyan, maghanap na naman siya ng isang bagay na ibato sa akin o ipapalo. At muli, hahantong ang lahat sa sakitan at pagkatapos ay iyakan. At… magsimula na ang aming pagtaatlik.

Isang hapon, tapos na ako sa isa kong klase at handa nang umuwi noong isang estudyante ang lumapit sa aking desk. “Sir… nakita niyo na ba ang isang anonymous na picture na ipinakalat tungkol kay Francis at sa isang mestisong lalaki?” sambit ni Alvin. Alam na kasi ng lahat simula noong namatay ang ina ni Francis na ako na ang nagsilbing guardian niya.

Syempre nagulat ako. “Ha??? Ano iyon? Hindi ko pa nakita.” Sagot ko.

“Heto po, Sir. May nag-send sa akin e.” ang sagot niya sabay bukas ng kanyang cp.

At heto ang mga nakita kong larawan –



Mistulang hinataw naman ng matigas na bagay ang ulo ko sa aking nakita. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa aking ulo.

“Pakopya nga, Alvin?” ang sabi ko. Gusto ko kasing ipakita kay Patrick ang kuha na iyon.

Ipinasa ito ni Alvin sa cp ko atsaka dali-dali kong tinawagan si Patrick kung nasaan siya. Nasa bahay na raw kung kaya dumeretso na rin ako roon.

“Paki-explain nga kung ano ang ibig sabihin nitong litrato na ito?” ang galit kong tanong kay Patrick noong nagharap na kami.

Tiningnan ito ni Patrick sabay sarcastic na sabing, “Wow! Ang galing naman! Ang cute ko d’yan di ba?” na may bahid pang-aasar ang boses.

Pakiramdam ko ay nagdilim ang aking paningin sa narinig. At naalimpungatn ko na lang ang sariling pinakawalan ang isang napakalakas na kanang suntok sa mukha ni Patrick.

Bulagta si Patrick sa sahig, hawak-hawak ang duguang bibig, tinitigan niya ako ng matalim. Ngunit imbes na bulyawan ako, lalo pa akong inasar. “Ang hina naman… Wala bang mas malakas pa d’yan?” sabay tayo at pinakawalan din ang isang malakas na suntok sa patungo sa aking mukha.

Ngunit dahil sa napag-aralang martial arts, mabilis akong nakailag at nahawakan ko pa ang kanyang kamay. Ipinulupot ko ito sa kanyang likod at hinataw ng isa kong kamay ang kanyang panga. Sapul na naman ang pisngi niya.

Pinilit niyang kumawala at pinaulanan din niya ako ng suntok, ang iba ay tumama sa aking mukha. Ngunit napuruhan ko na naman siya at ang tinamaan ko ay ang kanyang ilong.

Bagsak uli siya sa sahig at lalong dumami ang dugo sa kanyang mukha na dumaloy galing sa ilong at ang iba ay galing sa bibig.

Dali-dali na naman siyang tumayo at tinumbok ang drawer. Alam ko kung ano ang balak niyang kunin; ang baril. Kaya dali-dali ko siyang sinunggaban at noong nahablot ko ang kanyang beywang, nilock ko siya sa sahig upang hindi makapalag.

At doon ko na sinimulang romansahin siya. Alam ko naman kasing sex lang ang makakapawi sa galit niya. At pinagbigyan ko siya, hinahablot ang buhok, ang balat, hinahataw ang umbok ng kanyang puwet, ang katawan, kinakagat ang likod, at sinasampal ang duguang mukha habang puwersahan kong hinablot at sinira ang kanyang damit hanggang sa mapunit ito.

Noong tuluyan nang napunit ang kanyang t-shirt, short naman niya ang aking hinablot hanggang sa napunit din ito at tanging brief na lamang niya ang natirang saplot sa katawan.

Habang nakahandusay siya sa sahig, dali-dali kong hinubad ang aking t-shirt at pagkatapos ay ang aking pantalon at brief.

Agad akong sumampa sa ibabaw ng nakadapang si Patrick at kinagat ang kanyang kaliwang balikat.

“Arrrggggghhh!” ang sigaw niya sabay igtad niya sa kanyang katawan.

Habang nasa ganoon siyang pagsisigaw dahil sa nakalock kong ngipin sa kanyang balat, puwershang hinawi ko ang gilid ng kanyang brief upang malaya kong masalat ang butas ng kanyag likuran.

Pakiwari ko ay mapupunit na sa sobrang lakas ng aking pagkagat ang kanyang balat habang abala naman ang aking tatlong daliri sa paglalabas-masok sa butas ng kanyang likuran.

At habang nanatili lang siyang nakadapa sa sahig sa ganoong pagpapahirap ko, tuluyan ko nang inilabas ang aking tirik na tirik na pagkalalaki at ipinasok iyon sa kanyang likuran.

“Arrrgggghhhhhhh!” ang ungol niya habang muling napaigtad ang kanyang katawan.

Umindayog ako sa kanyang likuran habang sa kanyang duguang mukha ay bakas ang sakit na naramdaman niya. Ngunit hindi ko ininda iyon. Alam ko, iyo ang gusto niya.

Hanggang tuluyang naiparaos ko ang sarili…

Sa huling pagninig naming iyon ko napagdesisyonang dapat ay gumawa na ako ng paraan upang matulungan si Patrick. Napansin ko kasing palala nang palala na ang kanyang sakit at natakot akong darating siya sa puntong ang gagamitin niyang bagay sa pananakit ay patalim, baril o bagay na nakamamatay.

Tinawagan ko ang kaibigang si Justin at nanghingi ng payo. “Mukhang nahirapan na ako bro. At natatakot din akong kapag wala akong aksyon na gagawin ay may mangyari sa aming hindi maganda.” Ang sabi ko sa aking kaibigan.

“What a coincidence! Dahil may nakilala akong isang hypnotherapist bro... nitong bago lang. Nagresearch ako minsan sa internet tungkol sa therapeutic effect ng regression sa mga pisikal, emotional, o mental na karamdaman. Alam mo naman, interesado ako sa mga ganitong bagay. Parapsycholoigy, paranormal phenomenon, hypnotism, the power of the mind, eastern thoughts and beliefs, reincarnation… At may nakilala akong isang professional hypnotherapist na nagki-clinic sa Maynila!”

“Talaga? Ano ba ang kaibahan ng approach ng gamutan ng hypnotherapy kumpara sa conventional na psychotherapy o psychiatric treatment?”

“Ang mga psychiatrist o psychotherapist ay naka-focus lamang sa pagtatanong at pagpapalabas ng mga saloobin ng pasyente nila. Kumbaga, ini-encourage lang nila ang mga nasa ganitong karamdaman na pagpalabas o mag unload or disclose ng kung ano man ang mga masasamang karanasan na natatandaan ng kanilang pasyente. Puwede silang magbigay ng mga gamot na pinaiinum upang maging kalmante ang mga pasyente ngunit hanggang doon lang ang limit ng kanilang kakayahan. Kumabaga, ang kaya lamang nilang gawin upang malunasan ang mental na karamdaman ng pasyente ay bigyan ng panandaliang lunas sa pamamagitan ng gamot na ipaiinum o ituturok upang pansamantalang manghina, makatulog, o maging kalmante ang sistema sa katawan, at ang pag-unload ng bigat na dinadala ng pasyente sa pamamagitan ng pag-encourage na magsalita o magpalabas sila ng saloobin. Ibig sabihin, ang kaya nilang gawin ay hanggang sa laman ng consciousness o alaala ng isang pasyente lamang. At syempre, dahil consciousness ang pinag-usapan, base lamang ito sa kasalukuyang karanaasan na nakarehistro pa sa utak o memory. Kasi nga, ikaw, ako, halos tayong lahat, ang naaalala lamang natin ay ang kasalukuyan, ang ating karanasan sa buhay na ito. Ngunit iba ang sa hypnotherapist. Hindi lang nila tinutumbok ang kung ano man ang laman ng ating conciousness, kundi pati na rin ang ating sub-concious kung saan ang memory na naka-store dito ay hindi lamang sa kasalukuyang buhay kundi ang sa mga nakaraang buhay pa… mga past lives kumbaga.”

Nanatili lang akong nakinig. Interesante kasi ang kanyang mga sinabi.

“Naniwala ka bang powerful ang ating utak?” tanong niya.

“O-oo naman.”

“At naniwala ka naman sa mga kaya nitong gawin?”

“Oo… gaya ng extra-sensory perception o ESP, like –Telepathy, the ability to read another person's thoughts; Clairvoyance, the ability to ‘see’ events or objects happening somewhere else; Precognition, the ability to see the future; Retrocognition, the ability to see into the distant past; Mediumship, the ability to channel dead spirits; Psychometry, the ability to read information about a person or place by touching a physical object; at ang Telekinesis, the ability to alter the physical world with mind power alone. At marami pang iba na pwedeng gawkn ng utak o isip.”

“Tama. At isa lamang iyan sa mga untapped potentials ng ating utak. Ngunit ang isa pang potential nito ay ang untapped database ng ating mga experiences simula pa sa mga nakaraang buhay or existencies natin na naka-store sa ating sub-conscious. At dito papasok ang role ng hypnotherapist. Ito ang kanilang tinatarget na ara ng isip; na makuha at ma-uncover ang mga impormasyon dito dahil ayon sa theory ng mga hypnotherapist, ang mga problema natin sa kasalukuyang buhay ay manifestations lamang ng mga unresolved issues sa ating nakaraan; pwedeng sa buhay na ito, or sa buhay na nakaraan. Di ba sinabi ko sa iyo ang tungkol sa iba’t-ibang mga idiosyncrasies ng mga tao kagaya ng phobias and fears, hilig, ugali, talent, obsession, at kahit karamdaman… mental man o pisikal, ay may kinalaman sa ating nakaraang buhay at karanasan. Ganyan ka powerful ang ating utak.”

“Ang galing!”

“Kaya ang approach ng hypnotherapist ay ang pagtarget mismo at pagresolve sa pinaka-source ng problema, hindi iyong pagresolba lamang sa epekto nito. At alam mo bang base sa research ng mga scientists tungkol sa kung gaano na extensive ang paggamit ng tao sa kanyang utak, lumabas sa kanilang pagsusuri na 10% lamang ng capacity ng ating utak ang ating nagagamit sa buong lifetime natin. At si Albert Einstein, ang ama ng theory of relativity, noong namatay siya at sinuri ang kanyang utak, lumabas sa kanilang pag-eksamin nito na 30% lamang ang nagamit ni Einstein sa buong capacity ng kanyang utak. See my point? 10% lamang an gating kayang gamitin… nasaan ang 90% na gamit nito?”

“Interesting!”

“Anyway, sa kaso ng mga may problemang psychological or psychiatric kagaya ng kay Patrick, mas maganda kung ang isang hypnotherapist ang susuri at gagamot sa kanya. Siguradong ang pinaka-source ng problema ang hahanapin nito at ito ang gagamutin.”

“K-kung ganoon… gawin natin bro. Ngunit paano?”

“Ako ang bahala…”

Nagkita kami ni Justin at sa bahay ko siya pinatuloy. Dahil araw na Biyernes at walang pasok kinabukasan, doon ko na rin siya inimbitahang matulog.

Kilala pa ni Patrick ang dating guro kung kaya hindi na kami nagkailangang tatlo. Masaya kaming nag-uusap hanggang sa binuksan ko kay Patrick ang issue na aalis kami patungong Maynila kinabukasan.

“What for?” tanong niya.

“May kaibigan akong pupuntahan at gusto kong sumama ka at pati na rin si Sir Justin mo ay sasama. Ok lang ba sa iyo? Maggala tayo doon, mag-enjoy?” Iyon ang palabas na napag-usapan naming ni Justin.

“Good idea!” ang sagot naman ni Patrick.

Natuwa naman ako. Hindi ako nahirapang kumbinsihin siya.

Noong natapos kaming maghapunan, niyaya ko naman si Justin na mag-inuman sa terrace, pampatulog lang kumbaga, hindi dapat kami nalalasing ng todo. Naisip ko rin kasi na baka kapag nalasing kami, mag-wild na naman si Patrick . Ok lang kung kaming dalawa lang ang nasa bahay. Pero kung ganoong nand’yan ang ibang tao, mahirap na. Bagamat nasabi ko na kay Justin ang problema ko tungkol kay Patrick, nakakahiya pa rin ito kapag nasaksihan pa talaga niya kung gaano ka wild ni Patrick sa sex kapag umatake na ang kanyang sakit.

Nakailang tagay rin kami. Masyado akong nasarapan sa kuwentuhan namin ni Justin. Matagal kasing hindi ko nakakuwentuhan ang best friend kong iyon. Ang siste, hindi ko namalayang nalasing na pala kaming tatlo. At heto na… nagsimula nang umandar si Patrick.

Sa mesa kung saan nakalatag ang aming maiinum at pulutan, ang puwesto naming ay kami ni Justin ang magkatabi, kaharap ko naman si Patrick. Habang nasa kasarapan kami ng kuwentuhan at biruan ni Justin, bigla ko na lang naramdama na may dumampi sa aking harapan. Tiningnan ko ito; ang dulo pala ng paa ni Patrick ang humahaplos-haplos na sa aking bukol. Napatingin ako sa kanya. Lihim naman niya akong kinindatan.

Syempre, naturete ako. Nandoon ba naman si Justin. Ewan kung napansin iyon ni Justin ngunit dedma lang ako. Kunyari, hindi ko napansin iyon at hinayaan ko na lang ang paa ni Patrick na gumagapang sa umbok ng aking pagkalalaki. At lalo ko pang ibinuka ang aking mga paa.

Sa ginagawang iyon ni Patrick naramdaman ko na lang na unti-unting nag-iinit ang aking katawan. At kasabay dito ay ang unti-unti ring paglaki ng aking bukol na siya namang sinamantala ni Patrick at lalo pang pag-igihan ang paghagod ng kanyang paa dito. Nauutal tuloy ako sa pagsasalita at pakikipag-usap kay Justin, minsan ay napapatigil, pigil na napaungol. Parang gusto ko na lang tumihaya sa aking puwesto at hayaan si Patrick na paligayahin ako sa pamamagitan ng paghagod ng kanyang paa sa aking tigas na tigas nang alaga.

Ngunit parang hindi ko rin lubos maisip na gawin iyon habang nandoon ang aking best friend. Parang ang sagwa kasi. Kaya kunyari, normal lang ang lahat at pinilit kong hindi ma distract sa ginagawa ni Patrick.

Habang nasa ganoong lihim na pagpaubaya ako, napansin ko naman si Patrick na palihim na sumesenyas sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto niyang tumbukin sa pagmumuwestra niyang iyon ngunit napansin kong inginunguso niya si Justin sabay tingin din sa aking harapan na hinahagod ng kanyang paa.

Ang sumagi sa aking isip ay malaswa. Syempre, hindi ko gusto kung ano man iyon.

Palihim ko rin siyang minuwestrahan, umiling-iling ako, ang mga kilay ay nagkasalubong na ang ibig kong sabihin ay hindi puwede.

Ngunit patuloy pa rin si Patrick sa pagmumuwestra, habang ang kanyang paa ay nanatili sa lihim nitong paghimas sa aking bukol.

At may naramdaman na akong pagkahiya na baka nahalata na ito ni Justin. Tiningnan ko na si Patrick ng matulis, pagpahiwatig na itigil na niya ang pangungulit.

“What?” ang biglang pagsingit ni Justin, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Patrick noong nahuli niyang tinitigan ko ng matulis si Patrick.

“Ah… wala bro. Lasing na kasi iyan kaya med’yo praning na.” turo ko kay Patrick.

“Hmmmm…” ang sagot lang ni Justin na naguluhan pa rin.

Ngunit biglang huminto si Patrick sa kanyang ginagawa. Tumayo siya at bagamat halatang pasuray-suray na dahil sa kalasingan, naglakad ito patungo sa barandilya ng terrace at umupo doon.

“Patrick! Malaglag ka! Tangina! Huwag kang magbiro ng ganyan! Lasing ka pa naman!” Sabay tayo at lalapitan ko na sana.

“Opppps!!!” sigaw niya, ang pagmuestra naman ng kanyang kamay na an gpahiwatig ay huwag akong lumapit sa kanya. “Tatalon ako dito kapag lumapit ka… D’yan ka lang. Gusto kong manuod.”

“M-manood” ang litong-lito kong sagot. “Ng ano…???”

“Iyong sinabi ko…”

“Ano ba iyong sinabi mo?”

“Iyong d’yan habang nakaupo ako kaharap mo…” ang ipinahiwatig ay ang pagmumuwestra niya tungkol kay Justin habang hinagod ng kanyang paa ang aking bukol.

Napatingin ako kay Justin na walang kamalay-malay sa gustong mangyari ni Patrick. “Nababaliw ka na ba?!” Sigaw ko uli.

“Baliw naman talaga ako, di ba? Sige na Xander. Gawin mo na. Pleaseee!!!”

“Bro… ano bang gusto niya?” ang pagsingit ni Justin, natunugan na may kinalaman sa kanya ang gustong mangyari ni Patrick.

“Gawin mo na sabiiiii!!!!” ang sigaw uli ni Patrick, tila naiinip na.

Kaya wala na akong nagawa kungdi ang magsalita sa kaibigan, “M-maghalikan daw tayo bro…”

Parang tinamaan ng matigas na bagay ang ulo ni Justin sa narinig, hindi malaman kung tumawa o o mawindang. Tiningnan niya si Patrick, tiningnan niya ako. Natuliro rin, hindi malaman ang gagawin.

“Gawin niyo na kung ayaw ninyong tatalon ako ditooooooooooooooooo!!!” ang sigaw uli ni Patrick.

Para kaming mga kandilang nakatirk sa aming kinatatayuan ni Justin, ang mga mata ay palipat-lipat – lingon kay Patrick na nasa barandilya at handa nang tumalon, at lingon sa isa’t-isa.

“Maghalikan na kayo, putang inaaaaaaaaaaaaaaa!!!”

(Itutuloy)


Patrick





videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics

Friday, February 17, 2012

Pkikisuyo Ng Isang MSOB Follower

May isang MSOB friend and follower na naharap ngayon sa isang malungkot na karanasan sa puso at nakisuyong ipost ko dito ang kanyang saloobing para sa isang tao. Heto ang kanyang mensahe sa akin -

Thanks for spending time with me kanina. It was such a relief. Ito lang naman yung message na gusto kong mabasa nya. Pwedeng, wag mo na lagyan ng mga names namin? Please...

At heto naman ang kanyang message:


videokeman mp3
Kundiman – Silent Sanctuary Song Lyrics


I fell in LOVE with you not because I was lonely and randomly looking for it by mere chance or luck. It was during those impetuous moments where I was too fragile to handle. I felt so much about you; not thinking about the hindrances and consequences between us.

Sometimes I feel I’m at the edge of the cliff, looking down at the crushing surf with nowhere to go, but down. But you came. You lifted up my spirits and allowed me to see the beauty of life, friendship and family.

During those sweet and soulful times we had, don’t you ever think that I was only playing with your heart. My emotions, love and passion were all real! I liked you because I simply liked you. You made me very happy and your glow did outshine my little shadows. Sorry for hurting you. Sorry because I can no longer make great adventures with you at this point of time.

I know I was wrong. Please forgive me. I am now doing my best to move on. Be free my LOVE. Be free!

Wednesday, February 15, 2012

Marbin [4: Last Part]

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Muli, gusto kong magpasalamat sa mga readers, lalo na ang mga commenters at at taga suporta na nageemail sa akin at nag add sa fb! At syempre sa mga tagasuportang nand'yan palagi in my ups and owns, mga solid friends and followers talaga.

At... 11 na lang at maabot na natin ang 1,000 mark na followers!!! Salamat guys!

Salamat din kay Jojie sa pag-improve niya sa site at sa lahat ng mga admins ng msob!

Belated Happy Valentine's Day sa lahat!

-Mikejuha-

----------------------------------

Natuloy kami sa Boracay. Walang mapagsidlan ang saya na aking nadarama sa unang experience namin na makapunta sa ganoon kagandang lugar, at sa hotel na tinirhan namin. Dalawang gabi at 3 araw kami doon. Para kaming tunay na magsing-irog. Ang kulang na lang sa amin ay ang mga salitang “I love you”

Balik na naman ang pagiging close namin. Parang kumpleto na ba sana ang lahat? Masaya ako na nagkaroon ng isang tunay na kaibigan kay Marbin, Masaya kami sa aming samahan… pakiwari ko ay wala akong takot sa buhay kapag kapiling ko siya.

Ang kaso… ganyan talaga marahil ang buhay. Puno ng hiwaga, puno ng pagsubok. At ang kahit gaano kalalaim na pagmamahalan o pag-iibigan ay minsan bumibigay din kapag dumanas ito ng matinding pagsubok.

Patuloy pa rin kasi ang panliligaw k okay Emily. Dahil hindi pa naman niya ako sinagot, at ang sabi pa sa akin ay matatagalan pa, patuloy pa rin akong umaakyat ng ligaw sa kanya. At sa bawat dalaw k okay Emily, nandoon pa rin palagi sa aking tabi si Marbin, at kagaya ng mga nakagawian, habang mag-uusap kami niyan ni Emily sa labas ng kanilang bahay, sa isang sulok na med’yo madilim-dilim, si Marbin naman ay nag-iisa sa isang parte rin ng lugar, nag-iisa, naghihintay kung kailan kami matatapos sa aming pag-uusap ni Emily. At kahit na abutin pa kami ng magdamag, nandoon pa rin si Marbin, walang reklamong naghihintay sa akin. Para siyang isang asong nagbabantay sa kanyang amo, na kung saan ay hindi kayang sukatin ang kanyang loyalty para dito.

Siguro masasabing akoy isang manhid ba o sadista. Ngunit sinabi ko na it okay Marbin na hinid naniya ako kailangang samahan sa panliligaw k okay Emily. Subalit siya mismo ang nag-insist na sasama. Ayaw daw niyang mapahamak ako…

“Mahal mo ba talaga si Emily???” Nakailang tanong na rin si Marbin sa akin niya. At ang sukli ko sa tanogn niyang iyan ay either katahimikan o tango lang.

Mahal ko naman talaga si Emily. Bagamat mahal ko rin si Marbin ngunit gustong i-justify ng isip ko na ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang isang best friend lang, at walang ibang explanations sa aming mga ginagawa. Alam ko naman kasing bawal ang isang relasyong lalaki sa lalaki. At alam din niya ito. Ang pag-ibig ay para lamang sa lalaki at babae. Hindi ito applicable sa kapwa lalaki. Iyon ang parehong nakatatak sa aming isip.

Akala ko ay isang simpleng katanungan lang iyon at wala nang ibang ipahiwatig pa kundi ang malaman mismo galing sa isang kaibigan ang laman ng kanyang puso.

Ngunit may mas malalim palang dahilan ito. Lumipas ang ilan pang araw at nagtaka na lang ako noong habang binubulatlat ko ang isa niyang notebook, nakita ko ang siang drowing ng swastika, iyong symbol ni Hitler. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dito ngunit hinid ko na itinuloy pa gawa nang baka lang aksidenteng na drowing niya ito, na wala namang kahulugan.

Ngunit doon na ako nagsimulang magduda noong nakita ko muli ang drawing sa loob ng dila ng kanyang sapatos, at sa tarheta ng kanyang t-shirt. “Tol… b-bakit may mga drawing ka ng swastika?” ang tanong ko sa kanya.

“Saan mo nakita?” ang tanong niya, ang boses ay may halong pagkainis.

“”S-sa notebook mo, sa sapatos, sa t-shirt…”

Ngunit imbes na sagutin niya ako, nagalit pa ito. “Bakit ka ba nakikialam sa mga gamit ko?”

Nagulat naman ako sa inasta niyang iyon. Para bang napaka-simpleng tanong lang pero nagalit kaagad siya… “B-bakit ka ba nagalit?” ang tanong ko rin.

“A basta, huwag mong pakialaman ang mga gamit ko!” ang padabog niyang sagot sabay talikod.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon ang inasta niya. Kasi naman, kapag may problema siya, kahit gaano man kalaki ito, hindi mo mapapansin iyan na may problema. Nakangiti pa rin siya lalo na kapag nakikita ako. Sabi pa nga niya minsan na ako raw and solusyon sa lahat niyang mga problema. Kapag binibiro ko na yan, parang napapawi daw ang sama ng loob niya.

Pero iba ang ipinakita niya sa akin sa tagpong iyon. Hanggang sa lumipas pa ang ilang araw, palagi ko na siyang nakikitang malalim ang iniisip at kapag kinakausap ko ay umaalis, o nag-aalibi na may gagawin o pupuntahan. Hindi na rin siya dumadalaw sa akin at kapag hinahanap ko sa boarding house nila, kadalasan ay wala ito at kapag nandoon man, ayaw akong harapin. Kesyo may ginagawa, kesyo natutulog, kesyo, hindi maganda ang pakiramdam. Kung anu-anong palusot.

Ang siste, pati ang tarabaho niya ay napabayaan. Marurumi na ang area niya sa building. At napupuna ito ng mga estudyante. Tinanong ko ang kanyang mga kasamahan sa trabaho na parehong-pareho ang sagot sa akin – nagbago na nga si Marbin at may ibang grupo at kaibigang sinasamahan.

Mistula itong sibat na tumama sa aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagbago at ibang kaibigan ang sinasamahan samantalang wala namang problema sa aming pagiging magkaibigan.

Nagtatanong din ako sa iba pang mga nakakakilala sa kanya. At ang sabi-sabi nila ay sumasali daw ito sa swastika fraternity.

Sobrang sakit ng aking naramdaman.

“Akala ko ba ayaw mo akong sumali sa fraternity na iyan dahil magulo, sindikato, at at hindi natatakot na pumatay ng tao ang grupo na iyan? Bakit ikaw? Gusto mo na rin bang pumatay ng tao?” tanong ko sa kanya noong nakatyempo ako na nag-isa siya sa student center.

“Bakit? Hindi ba ako puwedeng sumali sa kung anong grupo o mga kaibigan kung saan ako maligaya?”

“Maligaya? Sinira mo ang iyong pangarap? Tingnan mo, ang trabaho mo, pinabayaan mo na? At akala ko ba ang kaligayahang sinasabi mo ay nakakamit sa pagtulong sa kapwa?”

“Dati iyon. Lahat sa buhay ay nagbabago… Hindi mo ba naintindihan? Nagbago na ang pananaw ko. nagbago na ang pagkatao ko. Iba na ako.”

“Tol… hindi tayo nagbabago dahil gusto lamang nating magbago. I-embrace natin ang pagbabago kung nakabubuti ito sa atin. Kung ito ay nakasisira sa ating pagkatao, hindi mo kailangang kamtin ang pagbabagong iyan.”

“At sino naman ang nagsabi sa iyong kasiraan ito sa akin?”

“Ako! Di mo ba alam? Tatanggalin ka na raw sa listahan ng mga working students kapag patuloy mong pinapabayaan ang iyong assignment!”

“Ah... iyon lang? Ok lang. May grupo naman ako. Hindi nila ako pababayaan?”

“Ganoon na lang iyon? Anong kapalit?”

“Oo. Ganoon na lang. Walang kapalit. At huwag ka nang makialam pa sa akin! Pabayaan mo na ako, ok? Kalimutan mong may kaibigan kang ang pangalan ay Marbin! Burahin mo ito sa iyong isip.” ang sambit niya sabay tayo at talikod, at nagmadaling naglakad palayo sa akin.

“Marbinnnnnn!” sigaw ko.

Ngunit hindi na niya ako nilingon pa.

Parang sinaksak ng maraming beses ang aking puso sa mga sinabi niya. Hindi ako nasaktan dahil lang sa aming tila binalewalang pinagsamahan kundi dahil ipinagpalit din niya ako sa isang grupong alam kong sisira lamang sa kanyang buhay at mga pangarap.

Parang gusto kong magalit at magtampo sa kanya. Ngunit tiniis ko na lang ito dahil naisip ko ang kabaitang ipinakita niya sa akin at sa aking mga magulang. At nasabi ko sa aking sariling ipaglaban ko siya; babawiin ko siya sa grupong iyon.

Tinangka kong kausapin ang isang myembro na nagrecruit sa akin dati. “Bro… p-puwede bang sumali sa grupo ninyo?”

“Bro… sorry, hindi kami nagrerecruit ngayon. At lalo na sa iyo…” Ang sambit ng kausap kong myembro sabay talikod na parang hindi interesadong kausapin ako. At parang may laman ang huling sinabi niyang “At lalo nang hindi sa iyo.” May malaking katanungan iyon para sa akin.

Kahit busy na ako sa pag-aaral gawa nang patapos na ang school year at nalalapit na ang finals, naglaan pa rin ako ng oras sa pagre-research tungkol sa grupo at nagtatanong kung sinu-sino ang mga myembro nila upang sila naman sana ang kauspin ko.

Ngunit habang ginagawa ko ang pagreresearch, pumutok naman ang balitang hindi na sumipot pa si Marbin. As in walang nakakaalam kung nasaan. Pinuntahan ko ang bahay ng tita niya ngunit hindi rin nila alam kung nasaan siya. Isang linggo na raw itong hindi sumipot at naipa-blotter na rin nila sa kapulisan kung kaya doon na pumutok ang balita dahil sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis.

Tinanong ko na rin ang lahat ng mga maaaring nakaalam kung nasaan siya, mga kasama niyang working students, mga ka-klase, guwardiya ng school. Wala…

Sobrang lungkot, pagkalito, at pagkabahala ang aking nadarama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya at natakot akong baka napaano na siya. At malakas ang kutob kong ang grupong swastika fraternity ang may kagagawan ng lahat.

Nasa ganoon akong kalalim na pag-iisip noong sumagi sa isip ko ang locker niya sa utility room. Binigyan niya kasi ako ng duplicate na susi dati dahil kung gusto kong magbaon ng damit sa school, doon ko na lang din ilagay, kasama ng sa kanya.

Dali-dali kong tinumbok ito, nagbakasakaling may mahanap akong pruweba na maibigay sa mga pulis tungkol sa fraternity na iyon. “Ang mga swastika na drawing sa kanyang notebooks, damit at iba pang gamit…” sambit ko.

Ngunit nadismaya ako dahil iba na ang nagmamay-ari ng locker niya. Iba na kasi ang susi ay hindi na pangalan niya ang nandoon. Pinalitan na siya.

Tiningnan ko ang likod ng locker. Sa likod kasi noon ay may lihim na bulsa kung saan namin inilalagay ang mga mensahe namin sa isa’t-isa; kapag may problema sa schedule ang sino man sa amin halimbawa, upang hindi na mamomroblema sa paghahanap, kagaya ng “Tol… may bisita palang mga madre sa ibang congregation ang darating bukas kaya ipinalinis na rin ni Sister ang chapel, ma late ako ng isang oras..” Minsan, kahit mga wlaang kwentang sweet nothings lang ang nakasulat dito kagaya ng, “Tol… malapit nang magbukas ang internet café, excited na ako yeheeeyyyyy!!!” o kaya ay “Tol… na miss ko na ang chatmate ko! Atat na atat na akong makikipag chat sa kanya!” o “tol… nakasalubong ko ang chatmate ko kanina, hayop sa porma!” “Ano kaya ang nakain ng chatmate ko at mukhang suplado kanina hinid namamansin?” mga ganoong mensahe.

Sinilip ko ito at may nakita akong mga nakatuping pahina ng notebook. Hinugot ko ang mga ito at noong lumantad sa aking paningin ang nakasulat, “Sulat kamay ni Marbin!” sigaw ng utak ko.

“Dear tol… una sa lahat, gusto kong manghingi ng tawad sa inasal ko nitong nakaraan. Sa kabila ng hindi magandang ipinakita ko sa iyo, nasasaktan ako. Ngayon ko sasabihin sa iyo; sumali ako sa fraternity dahil sa sindikato. Ikaw ang target nila. Nanligaw ang lider nila kay Emily at binasted ito. Kung kaya galit na galit ang lider nila sa nangyaring pambabasted ni Emily at ipinangako nito na walang sino mang lalaki ang makakaangkin sa kanya; na kung may lalaki mang manligaw sa kanya, pahirapan nila ito. Noong nalaman nilang nanligaw ka, gusto na nilang tirahin ka, i-recruit kunyari sa grupo at doon na pahirapan. Ngunit nakiusap ako sa kanilang lider na ako na lang ang sasalo sa iyo, huwag ka lang mapahamak. Sumang-ayon sila, sa isang kundisyon na huwag mo nang ituloy ang panliligaw dahil kung ituloy mo pa rin, pahihirapan nila ako… at patayin. Kung naalala mo, ilang beses kitang tinanong kung mahal mo si Emily. At sa bawat pagtanong ko sa iyo, sinasagot mong mahal mo siya. Kaya imbes na ibunyag ko ang lahat inilihim ko na lang ito sa takot na baka magalit ka sa akin at isipin mong siniraan ko si Emily, dahil sa mga nangyari… sa atin. Ayokong maging hadlang sa pag-ibig mo… sa isang babae. Kaya tiniis ko ang mga pagpapahirap ng grupo. Binalaan nila akong huwag magsumbong kung kaya idinodrowing ko na lang ang swastika ng patago, upang kung ano man ang mangyayari sa akin, alam mo na kung saan ako hahanapin. Nitong nakaraang araw, may tip-off akong narinig na itutumba na raw nila ako. Kung sakali mang mangyari iyan, hihilingin ko sa iyo na huwag magreport upang hindi kayo mapahamak. At si Emily… wala kang sasabihin sa kanya. Hintayin mo na lang na makatapos kayo ng pag-aaral at kapag wala na kayo sa school na ito atsaka ninyo ituloy ang inyong pagmamahalan. Alam ko, mahal ka rin niya. Tol, ngayon ko lang ito sasabihn sa iyo… at sana ay patawarin mo ako. Mahal na mahal kita. Sana ay maintindihan mo ako. Iyan ang tunay kong naramdaman. May binili rin akong kwintas na isiningit dito, nasa akin ang isa at ang nandito ay para sa iyo. Kalahating heart ang pendant niyan. Ang kalahati naman ay nasa akin. Kapag itinabi ang dalawang pendant, mabubuo ang hugis na puso. Pagpasensyahan mo na, iyan lang ang kaya kong bilhin… Mag-ingat ka palagi tol. Kahit saan, kahit kailan, kahit anong mangyari, kagaya ng pendant na iyan, hindi mabubuo ang puso ko kapag wala ka… –Marbin–“

Namalayan ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha. Pakiwari ko ay gusto kong maglupasay sa kanyang mga sinabi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa naalimpungatan ko ang sariling nagtatakbo at nag-iiyak bagamat hindi ko alam kung saan patungo. Gustuhin ko mang magsumbong sa mga pulis, hindi ito puwede dahil maaaring lalong mapahamak Marbin at si Emily.

Naisipan kong puntahan muli ang tinutuluyan noong isang myembro ng fraternity na nagrecruit sa akin. Ngunit ayaw niya akong kasusapin. Ang sabi niya lang sa akin ay wala daw kinalaman ang grupo niya sa pagkawala ni Marbin. At pinagbantaan pa niya ako na huwag silang isangkot kung ayaw ko raw magulo rin ang aking buhay.

Habang naglalakad ako nang walang direksyon, napadaan ako sa isang simbahan. Doon nanalangin ako na sana hindi darating sa puntong papatayin nila si Marbin. Iyak ako ng iyak sa loob ng simbahan. Hindi man ako ganoon ka relihiyoso ngunit sa pagkakataong iyon na sobrang hopeless at helpless ako, sa kanya ka pa rin pala lalapit at huhugot ng lakas. “Sana po… huwag ninyo siyang ilagay sa kapahamakan. Napakabait po niyang tao. Ngunit kung ano man po ang lpano ninyo para sa kanya, thy will be done po. Masakit man ang kahinatnan ng lahat, pipilitin ko na lang pong tanggapin. Pero sana, huwag po ninyong pahintulutan na masaktan siya, na maghirap siya… Sobra-sobra nap o ang paghihirap niya sa buhay. Wala po siyang mga magulang na nagmamahal sa kanya, dinanas po niya ang mabibigat na trabaho at matinding kahirapan. Sana po ay huwag na po niniyong dagdagan…”

Noong nasa labas na ako ng simbahan, naglakad muli ako hanggang sa narating ko ang plaza. At sa lugar na paborito naming tambayan, sa ilalim ng malaking puno ng talisay sa seafront, nakaharap sa aplaya na pinangalanan naming “Internet Café” doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob. Nag-iiyak, hinayaang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Sobrang hirap ng aking kalooban. Alam kong nasa mahirap na kalagayan si Marbin, na ako ang dahilan ng lahat ngunit wala akong maitutulong sa kanya. Mistula akong isang baliw na dala-dala ang sulat at ang kwintas ni Marbin at hinalik-halikan ko ang mga iyon. Kinakausap. “Tol… bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit??? Pwede ko namang hindi ituloy ang pangliligaw kay Emily eh! Kung sinabi mo lang sana tol!!!!” ang sigaw ng utak ko at siya pa ang aking sinisisi.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nag-iiyak sa sea-front na iyon. Ang alam ko lang ay hapon pa iyon noong naupo ako sa sementong bench ngunit sa oras na iyon, mga ilaw na galing sa mga lamp posts na ang aking namalayan.

Ang saklap. Parang sa dami ng tao sa mundo, nag-iisa kong pinapasan ang mabigat ng dinadala at wala man lang ni isang pumapansin sa kalagayan namin. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng daan patungo sa aking dorm, wala ring patid ang pagdaloy ng aking mga luha.

Kinabukasan, sa school, alas 2:00 iyon ng hapon katatapos ko lang sa pinakahuling test sa finals. Iyon na rin ang huling araw ng pasukan. Lumapit sa akin ang isang kasama ni Marbin na working student din. “Pare, alam mo na ba ang bagong balita?”

“Ang alin?”

“May natagpuan na bangkay sa ilog malapit sa malaking tulay. Ang hinala nila ay itinapon ito dito.”

“Ha???” sambit ko, biglang lumakas ang kabog ng dibdib. “Sino daw iyon???”

“Ang sabi nila ay bangkay daw iyon ni Marbin. Basag ang mukha at hindi na makikilala. Ngunit ang tindig, ang katawan… lahat ng pagkakakilanlan ay kay Marbin. At hindi lang iyan… wala ding nag-claim sa bangkay. Kaya kinuha na ito ng tita ni Marbin. Nasa punerarya pa raw ngayon ang bangkay ngunit mamayang gabi ay sa bahay na ng tita niya ideretso ito para sa lamay.”

Iyon ang huli kong narinig. Nagcollapse ako at noong nanumbalik na ang malay, nasa school clinic na, nakahiga. “Huwag mong masyadong dibdibin ang pagkawala ng kaibigan mo, Benedict… lahat tayo ay nasaktan sa nangyari ngunit huwag kang padadaig sa iyong naramdaman. Pilitin mo ang sariling tanggapin ang lahat.” Ang sabi sa akin ni Sister Clarisse, ang boss ni Marbin sa mga working students.

“Masakit lang kasi Sister eh…” ang sagot ko na lang bagamat nagsisigaw ang aking isip na sabihing ako ang dahilan ng lahat.

“Sige lang. Normal lang ang nasasaktan. Makabubuti kung sasama ka sa ibang mga kaibigan mo upang kahit papaano ay maibsan ang iyong dinadalang sakit.”

Pinalabas ako ng clinic. At bago ako tuluyang lumisan sa unibersidad na iyon, dinayo ko ang building kung saan ko unang nakita si Marbin. Maaaring iyon na rin kasi ang huling sandaling masilayan ko ang lugar na iyon dahil lilipat na ako ng eskuwelahan.

Tila gumuho ang aking mundo noong narrating ko ang second floor, ang mismong lugar na palaging nililinis ni Marbin. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas at tuliro ang aking pag-iisip.

Umupo ako sa isang sulok kung saan ko kadalasang hinihintay at pinapagmasdan si Marbin habang ginagawa niya ang pagma-mop sa sahig. Napaka-memorable ng lugar na iyon. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan; ang lugar na iyon ang naging daan upang malasap ko ang unang mga karanasan sa piling ni Marbin; sa lugar na iyon ibinigay sa akin ang isang taong siyang nakapagbibiay sa akin ng ibayong saya at inspirasyon sa buhay; sa lugar na iyon ko nakilala ang isang Marbin, na hero ng aking buhay...

Naalala ko tuloy ang isang insedente habang hinintay ko siyang matapos sa kanyang pagma-mop. Hinid siya maaawat sa pagku-kuwento noon. Tinatawanan ko at tinawag ko pang “hyper” sa pagkukuwento at pagpapatawa. At napasok sa kuwento ang kamatayan. “Tol... kapag namatay ako, sasabihin k okay San Pedro na magwoworking student pa rin ako at sa langit ko tatapusin ang aking pag-aaral. At alam mo kung anogn trabaho ang aaplayan ko sa pagwoworking?” sambit niya.

“Magma-mop sa mga ulap?

“Gagi! Hindi mop angginagamit nila sa pagpapaputi ng mga ulap!”

“Ano?”

“Iyong mga pakpak ng mga anghel, Habang lumilipad sila, natatanggal ang mga alikabok sa ulap…”

Tawa naman ako ng tawa.

“Kaya ibang trabaho ang aaplayan ko.”

“Ano?”

“Guardian angel mo.”

Na sinagot ko naman ng, “Sigurado ka kaya? Baka maging devil ka?”

“Ay mas maganda kung devil ako. Kasi kapag may mga nang-aapi sa iyo, lahat sila ay susunugin ko!”

Tawanan.

Maya-maya, nabigkas ko naman ang, “Siguro… ang swerte-swerte ng mapangasawa mo tol…”

“Bakit?”

“Kasi, ang sipag-sipag mo na, mabait ka pa.”

“Mas maswerte ang best friend ko.”

“Bakit?”

“Kasi, ipinangako ko sa sarili ko na kahit mag-aasawa pa ako, mas mamahalin ko pa ang best friend ko…”

Napangiti lang ako sa kanyang sinabi. “E… sino ba ang best friend mo?”

“Ewan…” napahinto siya sa pagma-mop. “Sandali, itatanong ko rito sa puso ko ha?” at yumuko siya na parang pinakinggan ang kanyang dibdib “Hayan… narinig ko ang tunog ng tibok niya ay BE-NE-DICT, BE-NE-DICT, BE-NE-DICT”

Tawa naman ako ng tawa. Pero syempre, sa kaloob-looban ko, mistulang kiniliti rin ang puso ko.

Limang araw ang lamay sa bangkay ni Marbin. At sa araw na inihatid na siya sa kanyang huling hantungan, lahat ng mga kasama niya sa working students ay nandoon, mga madre na may-ari ng unibersidad, mga estudyanteng nakakilala sa kabaitan niya, at syempre, ang aking mga magulang na nabiyayaan din sa kanyang kabaitan.

Alas 6 na iyon ng gabi, ako na lang ang naiwan sa mga naghatid kay Marbin. Sa kanyang puntod ipinangako ko na hindi ko siya malilimutan; na iingatan ko ang aming mga ala-ala at ang ibinigay niyang kwintas sa akin.

Dinukot ko sa aking bulsa ang ginawang sulat para sa kanya. Binuksan ko ito at binasa. “Dear Tol… Hindi ko alam kung paano kita pasalamatan sa mga nagawa mong kabutihan sa akin. Hindi sapat ang mga salita upang matumbasan ko ang lahat ng mga ibinigay mo sa akin at sa aking pamilya. Maraming salamat sa kabaitan mo. Maraming salamat sa gma pagtulong mo. Maraming salamat sa mga magagandang alala-alang iniwan. At higit sa lahat, maraming salamat sa pagbuhis mo ng buhay para sa akin. Ikaw ang aking hero tol… Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa ako, buhay. Kaya pahalagahan ko rin ang buhay ko tol, para sa iyo. Habang buhay ako tol, palagi kang nandito sa puso ko. At ipangako ko rin sa iyo na palagi kong isusuot ang kwintas na ibinigay mo. Tol, hindi mo man ako binigyan ng pagkakataong sabihin ito sa iyo… MAHAL NA MAHAL din kita. Kung sinabi mo lang sana kaagad, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa ganito. Pero wala na akong magagawa… kundi ang mangarap na sana papayagan ka ni San Pedro na maging guardian angel ko. Alam ko naman, gagawin mo ang lahat para sa akin. Paalam Tol. Rest in peace… --Benedict--“

Tinupi ko muli muli ang aking sulat atsaka ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang nitso sa gilid ng nakahigang Krus. At bago ako tuluyang lumisan, pinatugtog ko ang kantang narinig namin sa ospital habang inoperahan doon ang aking inay sa kanyang pagtulong. Ito ang naging theme song namin. “Tol, para sa iyo…”

videokeman mp3
One Friend – Dan Seals Song Lyrics


I always thought you were the best
I guess I always will.
I always felt that we were blessed,
And I feel that way, still.
Sometimes we took the hard road,
But we always saw it through.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Sometimes the world was on our side;
Sometimes it wasn’t fair.
Sometimes it gave a helping hand;
Sometimes we didn’t care.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Instrumental Break.
‘Cause when we were together,
It made the dream come true.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.
Someone who understands me,
And knows me inside out.
And helps keep me together,
And believes without a doubt,
That I could move a mountain:
Someone to tell it to.
If I had only one friend left,
I’d want it to be you.


“If I had only one friend left, I want it to be you… Paano na iyan? Wala na ang one friend na pipiliin kong sana ay maiwan para sa akin. Sayang.... Pero, huwag kang mag-alala tol; lagi kitang dadalawin dito. Rest in peace ka lang tol.” Ang huli kong sinabi bago ko tuluyang nilisan ang kanyang puntod.

------------------------------

Malapit na namang magsimula ang pasukan. Dahil lumipat ako ng eskuwelahan, hindi ko na naman kabisado ang pasikot-sikot sa enrolment. At kagaya noong una kong pag enrol sa eskuwelahan kung saan kami nagkita ni Marbin, naligaw na naman ako. Napunta ako sa isang building na walang tao, na akala ko ay Guidance Office.

Bigla kong naalala si Marbin. At dahil kusang pumatak na lang ang aking mga luha sa tindi ng lungkot sa pagpasok ng ala-ala na iyon, naupo muna ako sa isang gilid ng hallway upang doon panandaliang ipinalabas ang aking dinadalang sama ng loob.

Nasa ganoon akong paghagulgol noong biglang sumulpot ang isang janitor na tulak-tulak ang isang mop. Napatingin ako sa kanya. Dahil sa hiya, pinigilan ko ang sarili at hindi nagpahalatang umiyak. Palihim ko ring pinahid ang mga luha sa aking pisngi at mga mata.

Ngunit mas lalo ko pang naalala si Marbin sa janitor. Sa kulay kasi ng kanyang balat, sa hugis ng kanyang matipunong katawan, sa taglay nitong tangkad, kahawig na kahawig niya si Marbin. At nakahubad din ang pang-itaas niyang katawan habang nagma-mop sa sahig na iyon. Ang kaibahan nga lamang ay imbis na ilaylay niya sa kanyang bulsa ang hinubad na t-shirt, itinakip niya ito sa kanyang mukha, proteksyon marahil sa maalikabok na paligid.

Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-flashback sa isip ko ang eksena kung saan una kaming nagtagpo ni Marbin. Naligaw rin ako noon, hindi mahanap ang Guidance Office at napunta sa isang building na nilinis niya. At bagamat abala siya sa kanyang pagma-mop, bumaba pa talaga siya upang ituro sa akin ang pathwalk na siya kong tahakin patungo sa guidance Office. Tila napaka-sariwa pa sa akin ang lahat.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hinigna. “Parang kailan lang nangyari ang lahat…” Hindi ko na naman natigilan ang kusang pagdaloy ng aking mga luha.

Naisipan kong umalis na lang sa lugar upang maiwaglit sa isip ang mga ala-alang kusa na lang pumapasok sa aking isip. Tumayo ako at tinumbok ang hagdanan pababa sa building.

Nakailang baiting na ako sa hagdanan noong bigla namang sumigaw ang Janitor ng, “Boss, nalaglag ang kwintas mo!”

Napalingon ako at tiningnan ang itinurong kwintas ng Janitor. Nakalatag ito sa sahig na dinaanan ko. “Ang kwintas ni Marbin!” Sigaw ng isip ko.

Ngunit laking pagkagulat ko noong kinapa ko sa aking leeg ang aking kwintas, nandoon pa rin ito. At upang makasiguro na iyon nga iyon sa aking leeg, inilabas ko ito mula sa ilalim ng aking t-shirt. At nasa leeg ko nga siya!

Natulala ako at hindi makapaniwalang may isang kwintas na sumulpot at kahawig na kahawig pa ito sa kwintas na suot-suot ko! Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi malaman kung angkinin iyon o sasabihing hindi iyon sa akin. Ngunit ang ikinamangha ko sa lahat ay bakit parehong-pareho?

Nasa ganoon akong kalituhan noong tinanggal ng janitor ang nakatakip na t-shirt sa kanyang mukha. At lalo pa akong natulala at nanginig ang buong kalamnan noong nakita ang mukha niya. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapasigaw ng, “Marbinnnnnnnn??? Ikaw ba iyan???”

Ngumiti lamang siya sabay takbo palapit sa aking kinaroroonan atsaka niyakap ako. “Oo… ako. Gusto mong magpaturo kung saan ang Guidance Office?” ang biro niya sa akin.

Ngunit hindi na ako nakasagot. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luhang aking pinigilan. Humagulgol ako sa sobrang kaligayahan, naglupasay, at nanginginig ang aking buong kalamnan.

Noong nahimasmasan na, doon ko na siya inulan ng mga tanong. “Paano ka nabuhay? Paano ka nakarating dito? Ano ang nangyari?”

At kinuwento niya na pinatakas siya sa lider ng fraternity gawa ng naawa ito sa kabaitan ni Marbin at sa isang kundisyon na huwag nang magpakita sa mismong unibersidad. At dahil inihinto ko na rin ang panliligaw ko kay Emily, kung kaya lalo pang napadali ang pagpakawala sa kanya ng grupo.

“Sino pala iyong inilibing namin na itinapon sa ilog?”

“Ah… hindi ko na masasagot iyan. Marami naman kasing salvage victim ang itinatapon sa ilog na iyon, di ba?”

“Sabagay…” sagot ko.

“Parang ayaw mo yatang mabuhay pa ako eh…” biro niya.

Na sinagot ko rin ng pang-aasar na biro. “Oo naman. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng guardian angel. Sayang lang ang mga luha ko.”

Tinitigan na lang niya ako. “G-gusto mo mag-chat tayo…” ang mahinang sambit niya, ang mga mata ay tila nakikiusap.

“Weeee. Wala kayang internet café dito.”

“Anong wala? May sarili na kaya akong kuwarto. Noong nakatakas na ako at binalaan na huwag nang bumalik sa lugar na iyon, nilapitan ko ang fashion designer na nag-alok sa akin ng part-time modelling na trabaho. Nalala mo ang pagkapanalo ko sa pa-contest? Iyon... At naawa siya sa akin kung kaya binigyan niya ako ng advanced payment para pambayad sa aking flat. At may trabaho na rin ako, para s aking mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya… libre na tayong mag-internet sa bagong internet café natin – sa kuwarto ko!” ang masaya niyang sabi, bakas sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan.

“Talaga?” Ang sagot ko. “E… bakit ka pa nag-working student? May modelling work ka naman pala?”

“Bakit ko iiwanan ito? Kung hindi dahil dito, hindi kita makilala. Lucky charm sa akin ang trabahong ito tol… At isa pa, gusto kong palaging naaalala ang aking pinagmulan. Ayokong lumaki ang aking ulo. Gusto kong ipakita sa ibang mga estudyante na ang ganitong trabaho ay marangal at puwedeng maipagmamalaki.”

Hindi na ako nakasagot. Sa isip ko, walang duda na siya nga si Marbin. At ganoon pa rin siya, hindi nagbabago, nandoon pa rin ang nakaka-inspire niyang paniniwala at paninidigan sa buhay.

“Mamaya, pagkatapos mong magpa-enroll, punta tayo sa internet café ko. Mag-chat tayo. Miss na miss ko na kaya ang chatmate ko. Sobra…”

Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nakabibighani ang kanyang ngiti, dagdagan pa sa kanyang mga dimples at mapuputing mga nginpin.

Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti sabay abot ko sa aking kamay. “Benedict!”

Tinaggap niya ang aking pakikipagkamay sabay sabi rng, “Marbin”.

“Nasaan na nga pala ang daan patungong Guidance Office bro? Bago lang ako dito eh!”

“E di hanapin mo? Mahirap bang gawin iyan? Anong paki ko sa iyo?” ang biro niyang pagtataray.

“Hindi iyan ang linya mo dati eh!!!” pagtutol ko pa.

“Ay hindi ba? Ano nga pala uli iyon?”

At sabay kaming nagtawanan.

Wakas.

------------------------------------------------

Note: May isa pa sanang ending akong naisip pero huwag na... Hindi kaya ng heart ko, at baka aawayin ninyo ako, hehehe. Heto kasi sana ang “original” ending:

Sa halip na “Wakas” na, dadagdagan ko pa ito ng ilang linya –

“KRRRIIIINNNNNNG” Ang alarm.

Agad kong pinatay ito at kinuskos ang aking mga mata. “Umaga na pala…” bulong ko sa sarili, ang aking isip ay disporiented pa. “Panaginip lang pala ang lahat…”

“Benedict, gumising kana! Dalian mo at magpapa-enroll ka pa! Malayo-layo pa naman iyong bago mong school…!” ang sigaw ng nanay ko.

Wakas.

"Trip"

(A bromance version taken from one of the scenes of my straight story, “Secret Love”)

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:
Accidental kon nadelete ang post na ito at pati na rin ang mga comments. So sorry po... Grrrrrrrrr!!!!

---------------------------------------------------------

“Naranasan mo na bang makipag-sex sa kapwa lalaki?” ang tanong ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa University team, si Andrew, isang hapon na nagpahangin kami sa isang resto bar na nasa harap lamang ng dagat.

“What???” ang reaksyon ko sa kanyang tanong, muntik nang maisuka ang nainum na beer. “Tama ba ang narinig ko?”

“Tama tol… sex sa kapwa lalaki.”

“Tangina. At bakit ko naman gugustuhing makipagsex sa kapwa lalaki?”

“I-try mo lang tol… hindi mo malilimutan ang experience. Ibang klase.”

Napatitig ako sa kanya. Iyong titig na hinalukay ang kalaliman ng kanyang utak.

“What?”

“Are you gay?”

“Of course not bro… Kung gay ako, yayayain na kitang mag-sex. Hindi naman eh.”

“E bakit ka pumatol?”

“Bakit, kung naranasan ko bang magsugal at nagustuhan ko iyon, sugarol na ba ako? Kung naranasan ko bang mag-marijuana, adik na ba ako? It was just meant to be fun bro. Iyon bang feeling na alam mong may isang lugar na ayaw puntahan ng marami ngunit dahil gusto mong makita ito sa mismong sariling mga mata kung ano ang meron, pupuntahan mo ito.”

Hindi ako nakasagot agad. Tama nga naman siya. Karamihan ng mga tao ay sarado ang isip sa mga bagay-bagay kahit hindi pa nila nakita ang side sa bagay na hinuhusgahan nila.

“Atsaka bro… walang mawawala kapag nag-ieksperimento ka o mag-experience. On the contrary, mas lalawak pa ang pag-iisip mo. Mas maintindihan mo ang bagay-bagay. Kumbaga, trip lang.”

“Oo na… wala na akong sinabi. Pero bakit mo naman nagustuhan ang trip na iyan?”

“Kakaibang experience lang siya bro… at hinding-hindi mo malilimutan kapag natikman mo, promise.”

“Tangina! At sino naman ang naka-sex mo?” ang tangka kong paghuli sa kung sino man ang nakaniig niya.

Tumawa siya ng malakas. “Secret na iyan…”

“Kilala ko ano?”

“Hmmmmm--”

“That means yes.” Ang pag-cut ko sa sagot niya.

Tumawa uli siya. “Hindi siguro…”

“At paano naman nangyari na napunta kayo sa sex?”

“Pinsan iyon ng kababata kong kaibigan, galing probinsya. Binisita nila ako sa bahay. Nagkataong ako lang mag-isa at niyaya ko silang mag-inuman. At nanood na rin ng bold. Habang nasa ganoon kaming panonood, bigla namang nagring ang cp ng kaibigan ko. May emergency daw sa kanilang bahay. Inatake sa puso ang katulong nila at siya ang napag-utusang magmaneho ng sasakyan. Umuwi siya ngunit iniwan sa akin ang pinsan na nasa kasarapan ng pag-iinum. Nalasing na ako at siya rin noong nag-init ang katawan ko sa pinapanood naming bold. Naisipan kong magparaos. Nagpaalam naman ako sa kanya. Napangiti lang siya. Ngunit noong nilalaro ko na ang sarili ko, napansin kong tingin ng tingin siya sa ari ko. At ewan ko rin ba, marahil ay dala ng kalibugan, ang nasambit ko sa kanya ay ‘gusto mo?’ na ang ibig kong sabihin ay laruin niya iyon. At laking gulat ko noong lumapit ba naman at nilaro iyon sa kamay niya. Hanggang sa idiniin ko na ang kanyang mukha sa aking pagkalalaki at doon na nangyari ang hindi inaasahan…”

“Iyon lang?”

“Syempre, humantong kami sa mas masarap pa na parte.” Sabay tawa.

“Ikaw ang tinira sa puwet?”

Lalo pa siyang tumawa ng malakas. “Sikreto na namin iyon.”

“Ah… I’ll take that as a yes” biro ko.

“Tarantado!”

“Bitin naman e…”

“O di ba pati ikaw ay nalibugan rin?”

“Hahahaha!” tumawa lang ako. “Ibang topic na lang bro. Medyo nawi-weirduhan na ako sa iyo” ang nasambit ko na lang bagamat sa totoo lang, ramdam kong may nag-init sa aking katawan sa kanyang kuwento. At ang topic na iyon ang tumatak sa aking isip.

Isang araw nilagnat ako. Hindi ako sumali sa praktis ng team bagamat pumunta pa rin ako sa stadium upang manood sa praktis ng mga teammates. May pinaghandaan kasi kaming laro laban sa aming sister university. At dahil kami ang reigning champion, bigay-todo ang pagpaparaktis namin.

Nakaupo lang ako sa isang parte ng stadium sa upaun ng mga audience, malayo-layo sa mga nagpraktis na kasama upag hindi nila mapansin. May mga nanonood ring mga estudyante. Kahit naman kasi kailan kapag nagpapraktis kami, marami pa ring gustong manood; mga taga-hanga, taga-suporta, mga kaibigan, o mga babaeng may mga crush na players.

Tumayo ako sandali upang bumili ng pop-corn sa canteen. Noong naglalakad na akong pabalik sa upuan, bigla naman akong natisod. Natapon ang aking popcorn at softdrinks.

“Shittttttt!!!! Kung saan-saan kasi nakatingin eh! Tangina!” Ang narinig kong galit na boses ng isang lalaking estudyanteng nanood.

Noong nilingon ko ang kinauupuan niya, parang gusto kong tumawa. Nagkalat ang popcorn sa kanyang buhok, t-shirt at ang kanyang pantalon na kulay puti pa naman, ay nabasa sa softdrink na natapon. “Sorry bro! Sorry talaga…!” ang sambit ko, hindi malaman kung tulungan siyang linisin ang sarili o idampi ang tissue sa hita niya upang matanggal ang basa. “Heto tissue bro…” ang nasabi ko na lang sabay abot sa tissue na kasama sa aking biniling pop-corn.

Tinanggap naman niya ang aking tissue. At habang nilinis niya ang kanyang sarili, nakonsyensya naman ako at ang tanging nagawa ko na lang ay ang maupo sa kanyang tabi.

Tumayo siya. Hindi ko alam kung saan patungo. Ngunit nanatili na lamang ako sa upuang iyon, at itinuloy ang panonood sa mga kasamahang nagpractice habang nginunguya ang natirang pop-corn.

Bumalik naman ang estudyante. Sa CR lang yata nagpunta at naglinis. Nginititan ko siya. Sinimangutan naman niya ako.

Iyon lang. Wala na kaming imikan bagamat napansin kong tutok na tutok siya sa panonood sa mga nagpa-praktis. Iyon bang parang aliw na aliw sa laro.

At ang isa pang napansin ko; bagong mukha siya sa campus. Sa palagay ko ay isa siyang transferee. In fairness din, maganda ang porma ng mama. Bakat ang malalaking biceps sa sleeves ng kanyang t-shirt at halata ang matipuno niyang dibdib. Napahanga ako sa porma niya. Bagamat nasa 5’5 lang ang kanyang height, proportioned naman ang hubog.

Tuloy nanumbalik sa aking isip ang palaging nauudlot na planong magji-gym. Halos perpekto na sana kasi ang aking porma. May tangkad na 6 feet, at sa paglalaro ng basketball, ok naman ang katawan ko. May malalaking hita, ngunit kulang sa porma ang aking dibdib, abs, at biceps. At hindi nakukuha ang magandang porma ng mga ito sa paglalaro lamang ng basketball. Kailangan talaga ay mag-gym.

Gusto ko sanang tanungin siya kung paano niya napaganda ang katawan niya; kung saan siya nagji-gym, at kung anong mga exercises ang ginagawa niya, mga tips kumbaga sa pagpapaganda ng katawan. Ngunit dinaig ako ng hiya. Ikaw ba ang simangutan…

Ilang araw na lang iyon bago ang nakatakdang laro, medyo magaling na ang aking pakiramdam. Ngunit hindi pa rin muna ako nagpraktis. Ganoon pa rin ang ginawa ko, nanood sa mga kasamahang nagpraktis.

Nasa ganoon akong pagmamasid noong napalingon ako sa isang parte ng stadium. Nandoon na naman si pop-corn boy, seryosong nanood sa practice.

Para akong na-excite na nakita ko uli siya doon. Ang ginawa ko ay bumili uli ng pop-corn ngunit dinalawa ko at dalawang softdrinks na rin. At sinadya ko talagang dumaan sa harap niya at hinarangan siya sa kanyang panonood.

Noong napansin niya ang matagal akong pagharang, tiningnan niya ang aking mukha.

Nginitian ko siya sabay sabing, “Bro… di ko na talaga itatapon ito…” sabay abot sa kanya sa softdrink at sa isang balot ng popcorn. “Gusto kong bumawi.”

At marahil ay naalala ako, natawa na lang siya sabay tanggap sa inabot kong pagkain. “Salamat bro. Nag-abala ka pa talaga.” ang sambit niya.

“Erick!” ang sabi ko, nanatiling nakaangat ang kamay, pahiwatig na gusto kong makikipagkamay.

Inayos niya muna ang paglagay ng softdrink at pop-corn sa harap niya at tinaggap ang aking kamay. Nagkamay kami. “Edward!” sambit niya.

At iyon na ang simula ng aming pag-uusap. Napag-alaman kong kaya pala maganda ang katawan niya ay dahil gym instructor pala talaga siya. At hindi lang iyan ang kanyang pinakaabalahan; karate black belter din siya at paminsan-minsang nag-iinstructor din bagamat ang priority niya ay ang pagtuturo sa gym.

Parang sa isang iglap lang ay naging close din kami agad.

“Transferee ka dito, Edward, ano? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

“Oo… May bago kasing tayo na branch ang gym namin dito at ako ang na-assign na mag-manage. Kaya naisipan kong dito na rin lilipat ng pag-aaral.”

“Ah ganoon ba? Saan naman ang branch ninyo? Makapag work out nga doon.”

“Malapit lang dito sa university mismo. Walking distance lang. Marami na ngang mga estudyante ditong member sa club namin…”

“Wow. Isang beses pupunta ako doon. Gusto kong magpaganda na rin ng katawan.”

“You’re welcome. Ako mismo ang mag-assist sa iyo doon.”

“Ah good! Siguro naman, matuloy na ang pinangarap kong ganyang klaseng katawan” turo ko pa sa katawan niya.”

“That’s good. Sa kagaya mong matangkad, mas ma-enhance pa ang pang-akit mo kapag proportioned at may porma ang katawan mo.” Tiningnan niya ang aking biceps at sabay tampal sa aking dibdib, “Gagawin natin iyan!”

Ngumiti lang ako. “Mukhang mahilig ka ata sa basketball?” ang paglihis ko sa usapan.

“Oo. At hindi lang mahilig. Narehabilitate na ako sa sobrang pagka-adik. Pero heto pa rin, hindi maaawat, lalong lumala pa ata…” Sabay bitiw na malakas na tawa. At baling sa akin, “Ikaw hindi ka ba naglalaro ng basketball? Ang tangkad mo kasi.”

“Ah… naglalaro rin naman. Pero hindi kasing galing ng mga iyan”, sabay turo ko sa mga teammates na naglalaro. Pa-humble effect ba.

“Ako… kung ganyan lang sana ako kagaling, siguro happy na ako. At lalo pa kung ganyang kasing tangkad mo ako!”

“Praktis lang iyan bro…”

“Oo.. pero kulang sa height eh.”

“Wala sa height iyan. Kapag maliksi ka, mataas tumalon, kaya mo iyan. Andami naman d’yang di katangkaran ngunit magaling maglaro…”

“Sabagay. Pero kahit love ko ang basketball, hindi rin yata ako love ng laro na iyan. Hanggang sa paghanga na lang ako. How I wish na sana ay maging bahagi man lang ako sa isang laro. Kahit taga-buhat ng mga tuwalya ng players lang, o waterboy… Pero lalo na kung ako pa talaga ang maglalaro, o kahit magbigay ng ceremonial toss man lang.” Sabay tawa.

“Mukhang matindi na ang pagkadesperado mo sa basketball bro…”

“Oo. Kahit nga kapag nakakakita ako ng mga players na sobrang magaling maglaro, pakiramdam ko nababakla ako eh. Kung pwede nga lang manligaw ng basketball player, siguro ginawa ko na ito sa sobrang pagkadesperado ko.”

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Sumagi kasi sa isip ko ang sinabi sa akin ng kaibigang si Andrew tungkol sa karanasan niya sa kapwa lalaki. Parang may kaunting excitement din akong nadama. At naisip ko na lang na sakyan ko si Edward sa kanyang pagka-desperado. Para kasing nae-excite akong lokohin siya. “E kung nagkataong basketball player pala ako, at magaling, e di puwede akong magpaligaw sa iyo?”

Na bigla namang ikinaaliw ni Edward. Tumawa pa ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay sambit ng, “Why not? May hitsura ka naman bro…”

Napangiti naman ako at napatitig na rin sa kanya. Tisoy din kasi ang kumag. May dimples, singkit ang mga mata, pantay ang mga ngipin. Kung nagkataong babae lang din siya, sigurado, niligawan ko na ito.

Nahinto siya sa pagtatawa noong napansing nakatitig na pala ako sa kanya. “B-bakit?”

“Seryoso ako na magpaligaw sa iyo.”

“Hindi lang pala ako ang may tama, pati ikaw rin!” sabay bitiw ng nakakalokong tawa. “O e di, gawin nating seryosohan.” Ang sagot niyang tila ba inisip na nagbibiro lang ako at malayo iyon sa katotohanan.

“Seryoso nga ako…” giit ko pa.

“O e di, seryosohin nga natin. No problem. Pero dapat ay maging basketball player ka muna bro…?” ang pag-emphasize niya sa salitang “bro” na para bang ipinaalalang lalaki ako, hindi babae na liligawan niya kung sakali ngang magiging basketball player ako.

“Ah… iyon nga lang. Hindi ako basketball player. Pero magpraktis ako simula bukas.” Ang biro ko.

“Pwes kung seryoso ka nga na makatikim sa panliligaw ko, dalian mo. At gusto ko, kasali ka sa university team.” Ang sagot niyang hindi pa rin sineryoso ang sinabi ko. Marahil ay iniisip niya talaga na imposible nang makahabol ako sa team kasi kumpleto na ang line up at malapit na ang laro.

“E paano naman kung makahabol ako?” ang dugtong ko.

“E di liligawan kita. At agad-agad!” pag-emphasize niya sa salitang “agad-agad”

Tawa ako nang tawa. Para bang kinilig. “Paano ka ba manligaw?” sagot ko. At sinakyan ko talaga siya.

“Ano ba ang gusto mo? Bulaklak? Tsokolate? Harana? Marunong akong kumanta…”

“Wow! All of the above na!” hindi pa rin ako maaawat sa katatawa.

Kinabukasan, pinuntahan ko ang gym club na sinabi niya. At totoo nga, isa siyang gym instructor at bagong bago ang kanilang mga equipment. Maganda, malinis, malawak, at maganda ang ambiance. May sounds at malaking TV monitor pa.

“Hey! Buti napadayo ka dito bro!” Si Edward noong nakita niya akong pumasok. Naka-outfit na pang gym, bakat na bakat ang ganda ng hugis ng katawan. Pakiramdam ko ay nabighani na talaga ako sa kanyang taglay na kapogian, dagdagan pa sa hayop niyang porma. Di ko tuloy maiwasang maglaro sa aking isip ang sinabi ni Andrew na “trip”, ang tungkol sa pakikipag sex sa kapwa lalaki.

Para akong kinikiliti nang kung anong hindi ko maintindihan. Para bang may nag-udyok sa akin na pagtripan si Edward at ituloy lang ang panunukso ko sa kanya. At kung bibigay man siya, bahala na si batman…

“Woi!” ang sigaw niya noong para akong natulala noong nakita siya sa ganoong ayos. “Hindi ka makapaniwalang dito talaga ako nag work ano?” tanong niya.

“Oo nga! At ang ganda ng gym nyo bro… nakakaengganyong magpa-member!”

“E di magpamember ka na?”

“Puwede ba trial muna?”

“O siya… mabuti’t kaunti lang ang tao, makakapag-assist ako sa iyo nang todo. May baon ka bang damit or pang workout na outfit?”

“Meron, Heto sa bag ko….”

Nagbihis nga ako, at nag-assist siya sa akin sa pagbubuhat. At sa pagtrato niyang iyon sa akin, mas lalo pa akong na-engganyo na ituloy ang balak na tuksuhin siya. Lalo tuloy akong na-excite sa kabaitan niya.

Araw bago ang laro nakatakdang tournament namin, tinanong ko si Edward kung manood sya sa laro. Gusto ko kasing makasigurong nandoon talaga siya. At “syempre” naman ang sagot niya. “Practice nga lang ng team nanonood ako, iyong totoong laban pa kaya ang palalampasin ko?” dagdag pa niya.

Araw ng laro, kasama ko pa si Edward sa loob ng auditorium. Nagpaalam ako sa coach ko at nag-alibi na samahan ko muna ang pinsan ko sa audience sandali. Pumayag naman ang coach ko.

Tabi kaming umupo ni Edward, at sa mismong lugar kung saan ko siya natapunan ng pop-corn. Syempre, kumain na naman kami nito na naging paborito na rin niya. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang hindi pa nagsimula ang laro. Binalik-balikan namin ang unang pagkakataong natapilok ako at sa kanya natapon ang mga popcorn at softdrink ko. Hindi ko maintindihan ang aking sarili sa pagkakataong iyon. Para bang excited na naninibago. Mistula kasing magsing-irog kami sa porma naming iyon.

“Ang suplado mo noong una pa lang kitang nakita!” ang sabi ko.

“Paano hindi ako magsusuplado… pinaliguan ba naman ako ng pop-corn at softdrink!” sambit din niya.

“Sabagay… at alam mo bang gusto kong tumawa talaga noong nakita ko ang mga pop-corn na nagkalat sa buhok, damit, at may mga asin na dumikit pa sa mukha mo? Kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko.”

“Sinadya mo iyon, makilala mo lang ako” biro niya.

“Hahahaha!” tumawa lang ako.

Tahimik.

“Ano kaya kung bigla akong tawagin at palaruin sa team ng university natin no?” paglihis ko sa topic.

“Sige… mangarap ka lang bro. Libre naman ang mangarap.” sagot niya.

“Paano nga kung magkatotoo at ngayong-ngayon na sa larong ito?”

“May ganoon talaga? Ngayon na agad?”

“Hypothetical lang naman eh. Anong gagawin mo?”

“Maglulundag ako sa tuwa. Tapos magsisigaw ako ng ‘Erick! Erick!”

“Iyon lang ang kaya mo?”

“Ahm…” nag-isip siya. “Huhubarin ko ang t-shirt ko hanggang sa matapos ang laro!”

“Aw. Nice naman. Pero hindi mo ako liligawan?”

“Dito mismo?”

“Oo…”

“Pwede rin” sabay tawa ng malakas. “Hypothetical lang naman di ba?”

Tumango lang ako.

Naunang naglaro ang elementary level at sinundan ito ng high school. Noong natapos na ang high school, ang main event na, ang sa amin. “Erick, tayo na ang sunod!” text ni Coach sa akin.

“Bro, may pupuntahan lang ako ha? Urgent lang. At dito ka lang muna.” Ang seryoso kong pagpapalam kay Edward. Parang gusto pa niyang magtanong sana ngunit dahil nagmamadali ako, hindi na lang niya iyo itinuloy.

Nasa center court na ang lahat ng players ng kalaban naming team. Dahil kami ang home team, ang team namin ang huling tinawag. Sinimulan na ring tawagin isa-isa ang aming mga players. “Carl Fernando!” “Jeremy Jocson!” “Gerry Tayag!” “Alfredo Cuisia! Mel Gascon…!” ang sigaw ng announcer. Palakpakan ang audience sa bawat bigkas ng pangalan ng players.

Nakapila na ang lahat ng players namin sa center court noong base sa request ko at inaprobahan naman ng kumite para sa partisipasyon ng isang audience, umalingawngaw muli ang boses ng announcer. “And now, an audience participation to do the ceremonial toss, please welcome, a transferee to this university but very much into sports; a blackbelter in karate, and especially, a basketball fanatic. Please welcome Mr. Edward Piamonte!!!”

Sinilip ko sa monitor ng TV si Edward. Ipino-focus sa kanya ang camera. Bakas sa mukha niya ang sobrang kalituhan at napalingon-lingon pa na tila nagtatanong kung siya nga ba talaga ang tinawag. Ngunit napilitan din siyang magpunta ng court noong nakita niya sa screen na sa kanya naka-focus ang camera.

Nasa loob na ng court si Edward at hinawakan na ang bola sa gitna ng mga players na nakapuwesto na rin handa na noong umalingawngaw muli ang tinig ng announcer.

“And now, the pride of the home team... Ladies and gentlemen, fans, admirers, supporters... Please welcome, the most valuable player of the defending champion team, Mr. Erick Santiagoooooooooo!!!”

Dinig na dinig ko ang hiyawan, sipulan at palakpakan ng mga audience at fans. At noong nagtatakbo na akong palabas ng holding room kitang-kita ko sa mukha ni Edward ang matinding pagkagulat, ang isang kamay ay itinakip pa sa kanyang bibig, hindi makapaniwalang ang taong biniro-biro niyang ligawan ay tunay na basketball player pala talaga.

Habang nagmamadali akong nagtatakbo patungo sa court, minuwestrahan ko siya na hubarin ang t-shirt base sa sinabi niyang gagawin kapag nalamang basketball player ako. At upang mas maintindihan niya ang minuwestra ko, hinubad ko ang sariling pang-itaas na uniporme habang nagtatakbo.

Syempre, hiyawan ang mga tao at mga fans na nakitang nakahubad ako. Ngunit ako, halos maglupasay sa pagtatawa sa nakitang hinubad na rin ni Edward ang t-shirt niya. At mas lumakas pa ang sigawan at sipulan ng mga tao. Maganda kasi ang katawan ni Edward at guwapo pa kung kaya halos babagsak sa ingay ang auditorium sa nakitang nakahubad naming mga katawan.

Noong nakita ng ibang kalalakihan na naghubad si Edward, Nagsihubaran na rin ng t-shirt ang mga lalaking kasali sa gym niya, inisip siguro na pagpapakita iyon ng suporta para sa home team. At nagsihubaran na rin ng t-shirts ang maraming kalalakihang audience na sumusuporta sa home team. Ang saya...

Hindi makatingin-tingin sa akin si Edward noong nasa court na ako. Namula ang mukha at napailing-iling na lang ito na para bang sinasabi sa sariling, “Nadale ako!”

Hanggang sa isinuot ko muli ang aking uniporme bago ginawa ni Edward ang ceremonial toss. At nanatili siyang nakahubad, tinupad ang binitiwang salita na maghubad siya hanggang sa matapos ang laro.

Mahigpit ang laban at sobrang taas ng adrenalin ng mga tao sa punto na halos hindi umuusad ang lamang ng scores ng teams. Sobrang saya at ingay ng mga tao sa matinding excitement at thrill sa laban.

Ilang minuto na lang ang natira bago matapos ang laro noong napansin kong wala na si Edward sa kanyang kinauupuan. Medyo nagtaka ako. At parang may sumundot na lungkot sa aking puso, inisip nab aka nainis siya kung kaya hindi na hinitay pa ang resulta. Hanggang sa natapos ang laro na hindi ko na nakita pa si Edward. Habang tuwang-tuwa ang buong team sa resulta dahil napanatili namin ang aming title bilang champion at sa napakahigpit pa na laban, ang hinahanap naman ng aking mga mata ay si Edward.

Nagpahinga lamang ako ng sandali at noong nagsiuwian na ang team, naisipan kong umuwi na rin. Bitbit-bitbit ang aking knapsack, naka-jeans at t-shirt lang, naglakad ako patungo sa gym nina Edward, nagbakasakaling nandoon siya.

Noong nasa bungad na ako ng pintuan, laking pagkadismaya ko naman noong nkita ang nakapaskil, “Closed”.

Akmang aalis na sana ako noong bigla ring bumukas ng bahagya ang pinto may sumutsot.

Dali-dali kong sinilip ito. Ngunit simbilis din ng kidlat na hinablot ng isang kamay ang aking damit papasok at noong nakapasok na, bigla akong kinarite. Bumagsak akong nakadapa sa sahig, ipit na ipit ang aking katawan at hindi makakilos. “Ilagay ang blind fold!” utos ng boses na hindi ko kilala.

“Bitiwan ninyo ako! Tangina! Ano ba to??? Hindi kayo nakakatuwa!!!”

“Cool ka lang bosing. Niloko mo ang boss namin kung kaya matikman mo ngayon kung sino ang binangga mo!” sagot ng boses.

“Anong binangga ba ang pinagsasabi ninyo?!!!”

“Sabi nang huwag maingay kundi makatikim ka!” ang pagbanta pa ng boses uli, iyong kumarate sa akin.

Natahimik ako.

Habang inilagay ang blind-fold sa aking mata, may isang taong nagtali naman sa aking kamay na nasa likuran ko. May narinig din akong nag-lock ng pinto.

Magkahalong kaba at galit ang aking naramdaman. Iyon bang hindi mo alam kung ano ang kasalanang nagawa mo at bibiglain ka na lang. “Ano ba talaga ang kasalanan ko? Tanginaaaa!” sigaw ko uli.

Ngunit samapal ang naabot ko sa aking pagsigaw. “Sige, sumigaw ka pa at may gripo ka sa tagiliran!” pananakot naman ng isa. “Hipuin mo nga ito?” dugtong niya sabay dampi ng isang bagay sa aking kamay na nakatali na.

At nasalat ko ang blade at dulo ng isang patalim.

At tuluyan na akong natakot. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik at pabayaan sila sa kanilang gagawin. Hinid ko maiwasan ang sobrang kaba na aking naramdaman sa pagkakataong iyon.

Pinaupo nila ako sa isang upuan. Base sa ingay ng mga yapak nila, na-analisa kong nasa limang tao o mahigit pa ang naroon. Wala akong kalaban-laban lalo’t magaling sila sa self-defense.

“Alam mo ba ang kasalanan mo?” ang tanong ng kanilang lider.

Hindi ako sumagot. Hinid ko naman kasi alam ang aking kasalanan. At kung magsasalita man ako, baka sampal na naman ang aking aabutin. Nagtimpi na lang ako.

“Isang sindikato ang nakabangga mo. Pinahiya mo ang aming boss… si Boss Edward! Kaya ihanda mo ang sarili mo dahil totodasin ka namin ngayon!”

Gusto ko nang magreact sa narinig. Wala naman kasi akong ginawang masama sa sinabing boss Edward nila, maliban sa isang biro. Ngunit bago pa ako nakapag-react, may sumigaw ng, “Shit! May pulis! May pulisss! Takbooooo!” at narinig ko ang mga yapak na nagtatakbuhan palabas ng gym, dinig ko pa ang pagkalampag ng pintuan.

Biglang natahimik.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga nakataling kamay. Doon ko rin napansin na maluwag pala ang pagkatali nila sa akin. Dali-dali kong tinanggal ang tali at noong natanggal na ito, isinunod ko ang aking blind-fold.

Laking gulat ko noong sa harap ko ay tumambad, ang isang mesa na puno ng masasarap na pagkain, at sa gitna nito ay ang isang kandila. At sa harap ng mesa na ito mismo ay nakaupo si Edward. Ibinaling ko ang mga mata sa paligid, may maraming mga bulakla at nakatayo ang mga kasama ni Edward sa gym.

“SHIIIIIITTTTT! Tanginaaa! Tinakot ninyo ako! Shittttttt!!!” ang sigaw ko.

Sabay namang nagtawanan silang lahat.

“Mga tol… maraming maraming salamat sa magandang palabas natin. Pwedeng iwanan na ninyo kami. Ako na ang bahala dito. Kaya ko na to. Matangkad lang siya pero hindi kakayanin ng basketbolista ang karate blackbelter.” Sambit ni Edward.

Nagtawanan naman ang mga kasama sabay kaway at nagsialisan na.

“Tangina! Muntik na akong mamatay sa takot! Shitttttt!” ang pagmumura ko pa rin.

Tawa pa rin ng tawa si Edward. “Kala mo ikaw lang marunong gumawa ng sorpresa ano?” at tumayo siya, binulatlat ang isang nakalukot na streamer na nakasabit sa dingding.

Noong lumantad na ito ng buo, binasa ko ang nakasulat, “Liligawan na kita, bro, at wala nang atrasan to… kung aatras ka, makakatikim ka sa akin ng karate.”

Napayuko na lang ako, hindi ko lubos maisalarawan ang nadarama. Pakiramdam ko ay nag-blush ako, nabanat ng husot ang balat sa pisngi... hindi makaimik, napailing-iling na lang habang nakangiti ng hilaw.

“Alam mo, lalo kang gumuwapo noong tingnan kita sa court kanina na nakahubad...” na sinundan pa niya ng, “Tangina. Hayop ka pala sa basketbol, kaka inlove! Syyeeettttt! Ngayon lang ako manligaw ng lalaki, at paninindigan ko na talaga to. At hindi pa kita pakakawalan, tarantado ka, kala mo hindi ko totohanin ito ha? Pare, pa-kiss!” birit niya.

Napangiti lang ako, hindi magawang magsalita. Ewan, hindi ko maintindihan ang sarili. Para akong matatae sa sobrang excitement ba o kilig o kaligayahan... Pakiramdam ko ay ako ang kandilang nakatirik sa gitna ng mesang iyon, unti-unting nalulusaw sa kanyang mga titig at papuri. “Tangina! Para akong kinilig! Ganito pala ang pakiramdam ng nililigawan!” sa sarili ko lang.

Noong kinuha niya ang bote ng wine at tinagayan ang aking wine glass, nagmamadali na akong uminum. Gusto ko nang magpakalasing upang tuluyang mag-init ang aking katawan. Naka-apat na shot din ako. Nag-init ang aking mukha.

“Kain muna tayo bro….” sabay subo naman niya sa akin.

Ibinuka ko ang aking bibig. At habang nginunguya ko ang kaning isinubo niya, hindi naman maalis sa aking mukha ang kanyang titig. Mistula akong tino-torture na hindi ko mawari.

Kaya noong sinubuan niya ako uli, hindi ko na nakayanan ang sarili. Sa pagbuka ng aking bibig, sabay ko ring hinawakan ang kanyang ulo, inilapit ito sa aking mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Sa aming mga bibig nagpalipat-lipat ang kaning isinubo niya hanggang sa natunaw ang mga ito at humalo sa mga laway na aming nalulunok.

At sa gabing iyon, kakaibang karanasan ang nalasap ko sa piling ni Edward. Sobrang saya; dalawang klaseng basketball ang aking nalaro, at naipanalo…

Hindi ko alam kung maituturing na kami nga ni Edward o na may relasyon kami. Sa sinabi niyang panliligaw, hindi naman niya kasi binanggit ang salitang “I love you”. At hindi ko rin siya sinagot ng “Oo”. Kusa na lang nagyari sa amin iyon.

Alam naman din kasi ni Edward ang gusto kong makasama sa buhay ay isang babae, at pangarap kong magkaroon ng isang pamilya at mga anak. At ang sabi rin niya, iyan din ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Kaya, kung gusto naming magparaos, ginagawa namin ito nang walang “string attached”.

Ngayon, patuloy pa rin kaming magkaibigan ni Edward. At kapag ginusto namin ay ginagawa pa rin namin ito. Kumbaga, para sa amin, ito lamang ay isang “Trip”.

Tama nga ang sinabi ni Andrew. Kapag naranasan mong makipag-sex sa kapwa lalaki, ibang karanasan ito, at ang dulot nito ay ibang klaseng sarap.

Wakas.

Valentine

By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

Welcome to the 2nd episode of GM's Diary. Sana po magustuhan niyo. :)

(Previous GM’s Diary Entry, Napoleones)

==============================

 

“GM! GM! GM!” sigaw ng aking mga kaklase. Namumula ang aking mukha. I was so embarrassed.

“GM kanta na! Wag ka ng maarte. Gusto pinipilit pa eh.” sigaw ng mahadera kong kaklase. Everyone laughed.

Tumayo ako. Kasabay ng aking pagtayo ay siya ring pagwawala ng buong klase. Dumagundong sa apat na sulok ng kwartong iyon ang nakakabinging ingay, hampas sa lamesa, padyak ng mga paa, at sigaw nilang sagad sa lalamunan. Daig pa ang presong nakawala sa selda ang mga ito.

They’ve gone wild. Ganoon ba sila kaaliw sa akin?

Mabigat man ang paa’y nakayuko akong tumayo sa harap. Nagbigay ng isang malalim na hinga. My hands are trembling, sobrang bilis ng tibok ng aking puso, it’s like it’s going to stop because of over beating. As I looked the whole class, I felt shivers in my spine, my legs are shaking as if I’m going to collapsed. Muli akong yumuko. Hindi ko alam ang kakantahin ko.

Mag-iisang minuto na akong nakatayo sa harapan ngunit wala akong maisip na pwedeng kantahin. Then, I remember one person. This person taught me how to live in this chaotic world, he taught me how beautiful life can be in spite of everything. Lastly, he taught me what love is.

Pumikit ako. Nanginginig kong inangat ang mic at inumpisahan ang kantang nagsasabi tungkol sa pagmamahal ko para sa kanya. Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto as I utter the first word of the song.


If there were no words
No way to speak
I would still hear you

If there were no tears
No way to feel inside
I'd still feel for you

And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine

All of my life
I have been waiting for
All you give to me
You've opened my eyes
And showed me how to love unselfishly

I've dreamed of this a thousand times before
In my dreams I couldn’t love you more
I will give you my heart
Until the end of time
You're all i need
My love, my valentine



Kasabay ng pagbigkas sa salitang valentine ay siya ring pagtulo ng aking luha. I gripped the mic tightly, binuhos ko dito ang gigil, galit, at lungkot na aking nararamdaman. The pain and loneliness is so much for me to take, naramdaman ko na lang ang bigat ng aking dibdib, parang anumang oras ay sasabog ito. I tried to calm and finish the song.


La da da
Da da da da

And even if the sun refuse to shine
Even if romance ran out of rhyme
You would still have my heart
Until the end of time
Cuz all i need
Is you, my valentine

You're all i need
My love, my valentine


Sa pagtatapos ng kanta, narinig ko ang masigabong palakpakan ng aking mga kaklase. I opened my eyes and gave them a smile. Ibayong saya ang aking naramdaman nang makita ang ngiti sa mukha ng mga ito.

I hope I satisfied them.

Bumalik ako sa aking upuan at nagpakawala ng isang buntong hininga. Muli ko siyang naalala. Ang kaisa-isang taong tumanggap at nagmahal sa akin ng totoo. Naramdaman ko na lang ang muling pagtulo ng aking luha.

Naisip ko ang lyrics ng kanta. It’s our theme song. Napangiti ako. Ngayon ko lang narealize ang totoong kahulugan ng kanta. Our song came to life. The song speaks about unconditional and selfless love. Even if the sun refused to shine for both of us, as well as his romantic feeling towards me is gone, despite everything… I still… Love him so much.


WAKAS
(Next GM’s Diary Entry, Instinct)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails