By: White_Pal
BLOG:
http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB:
whitepal888@yahoo.com
Welcome
to the 3rd episode of GM's Diary. Sana po magustuhan niyo.
Malapit nang magbago ang buhay ko (GM), ABANGAN! :)
(Previous GM’s Diary Entry, Valentine)
(Previous GM’s Diary Entry, Valentine)
==============================
INSTINCT
GM's
DIARY entry # 3
Somewhere in February
2012...
Ibinagsak ko
ang aking katawan sa malambot kong double-size bed na color white and blue.
It’s been a long tiring day. Napahikab ako at napapikit. Out of nowhere ay
bigla ko siyang naalala.
Shit! Bakit ba siya biglang sumisingit sa utak ko?
Hinawi ko ang
kurtinang katabi ng aking kama at sumilip sa labas. Tumama ang mainit na sinag
ng araw sa aking mukha. Napapikit ako.
He’s gone now okay? Wala na siya, hindi ka na niya kailangan kaya huwag
mo na siyang isipin pa.
Ako’y
nagpakawala ng isang buntong hininga. Inikot ko ang aking mga mata sa kwarto. I
noticed papers and folders scattered around the desk. T-shirts, shorts, at
jeans ay nakakalat sa lapag. Parang binagyo ang aking kwarto. Gusto kong ayusin
ngunit wala akong ganang mag-ayos. Muli akong napaisip sa mga bagay-bagay.
Ramdam ko ang hanging tumatama sa aking katawan mula sa electric fan.
Nakaramdam ako ng pagka-antok. Muli ko siyang naalala.
Nasa ganoon
akong pag-iisip nang maalala ko na mayroon pala akong dapat sabihin sa aking
ina. Tumayo ako at kinuha ang isang slip galing sa bag at agad na dumiretso sa
pinto palabas ng kwarto. Tinungo ko ang pintuang katabi ng aking kwarto sa
kaliwa at kumatok.
“Pasok.” Sabi
niya.
Marahan kong pinihit
ang doorknob at binuksan ito. Sa aking pagpasok ay nasilayan ko ang aking ina.
“Yes anak?” Nakangiti
niyang bati.
“Ma, next
month na pala yung Paris tour namin. Bali sa Friday na yung first down
payment.”
“Magkano?”
Inabot ko sa
kanya ang payment slip at tiningnan ito. Napabuntong hininga siya.
“Grabe GM
sabay-sabay ang gastos natin.”
Napabuntong
hininga ako. Naalala ko ang mga patong-pato na problema sa bahay pati na rin
ang pansarili kong problema. Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib.
“Alam mo after
nitong trip mo, walang-wala na tayong pera. Yung tuition ng kapatid mo
kakabayad ko lang. Buti na lang next term OJT ka na.” Sabi niya.
Napailing ako
at napayuko.
“Pero alam mo
anak, kung titingnan mo mabuti, napakabait ng diyos.”
Napatingin ako
sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti.
“Kasi kung
titingnan mo, noon pa man, pinlano niya ang lahat ng ito. Noong papasok ka pa
lang ng college pinagdasal ko na ilagay ka sa eskwelahan na nararapat para sa
iyo. Isang eskwelahan na makakabuti para sa iyo at tingnan mo ngayon. Sa edad
mong yan anak napaka-swerte mo. Bibihira ang taong nabibigyan ng ganyang
opportunity. Nagpunta kang Bohol, Davao, Palawan, Beijing, at ngayon Paris and
Rome. Ang swerte-swerte mo anak.” Sabi niya habang nakangiti. Napangiti rin
ako.
“Yung sa akin,
alam kong pinlano rin ito ng diyos. Hindi ko pa man alam ang dahilan ngayon
ngunit alam kong parte ito ng plano niya.” Tukoy niya sa naging problema niya.
Napaisip ako.
Tama nga naman si Mama, lahat ay pinlano ng diyos from day one.
“Anak, kung
meron mang mga nangyayari sa ating hindi maganda, huwag mong sisisihin ang diyos
ha, kasi lahat ng problema, hirap, sakit, lahat yun may dahilan.”
Parang
bumagsak ang kisame ng aming bahay sa aking ulo nang marinig ko iyon. Muli kong
naalala ang taong dahilan ng aking paghihirap, ang dahilan ng pagiging
miserable ko… si PJ.
Binigyan ko
siya ng isang ngiti. Agad akong nagpaalam palabas at dumiretso sa aking kwarto.
Sinara ko ang pinto at napabuntong hininga. The moment I shut the door, I felt
a sudden pang of loneliness as my chest got heavy. My heart is pounding as if
it’s going to explode. My hands are trembling. A gush of tears clouded my eyes.
Tears were unstoppable as I close my eyes. Napatakip ako sa aking mukha at napahagulgol.
Alam kaya ni Mama ang problema ko? Alam kaya niya ang gabi-gabi kong
pag-iyak? Alam kaya niya ang hirap na dinaranas ko sa araw-araw dahil sa
pagmamahal ko kay PJ?
Hindi ko
maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman.
Napaluhod ako
at di sinasadyang nasuntok ang sahig. Napayuko ako, patuloy pa rin ang walang
katapusang pag-iyak. Gusto kong magsisisigaw ngunit hindi ko magawa dahil
maririnig ni Mama sa kabilang kwarto. I was just there, wailing in the pit of
despair.
Ilang sandal
pa’y inangat ko ang aking ulo. Nakita ko ang sinag ng araw na nagmumula sa
bintana ng aking kwarto habang ang kurtina nito’y hinahangin ng buga ng
Electric fan. Muli naalala ko ang sinabi ni Mama.
Lahat ng bagay ay pinlano ng diyos from day one.
Nakatingin pa
rin ako doon nang makita ko ang isang white-tiger stuffed toy na nakapatong sa
may ulunan ng aking kama. Tumayo ako at lumapit dito. Kinuha ko ito at humiga
paharap sa bintana ng aking kwarto. I saw a light, a light of hope. Pinunasan
ko ang aking luha at nagbigay ng isang ngiti.
Tama si Mama... In time, malalaman ko ang dahilan. And I know God has a
better plan.
(Next GM’s Diary Entry, Vision)
I was hoping an update of LMLIA since first week of the month pero iba ang bumungad sa akin. Binasa ko na rin at base dito, Bebe Gab has a problem kaya hindi makapag-update. Take your time Gab. BTW, nice agree ako dito, alam ng mga nanay natin kung may dinadala tayo, they won't say a thing, pero ipaparamdam nila na alam nila yun.
ReplyDeletenice story...i miss your story gab, hope you'll update soon. dami na pong naghihintay.
ReplyDelete