Athr'sNote-
Yow! Salamat guys :) nasa 6 na us.
And dun sa mga nagko-comment, maraming salamat po!
At kay Jess na hindi ko na-mention sa chapter5, nako ikaw pala yung nag-comment, nagkamali ako. Sorry. Ikaw pala ang nagsabi ng "keep on shining" hahaha, sorry Jess :)
Kay BubblesC, naks.. salamat :)
At sa new commentator na si Tope, ang cute ng pangalan mo :) soon, isa sa mga bida ko ay 'Tope' ang magiging pangalan :) Salamat!
At tamang-tama ang naaalala mo Rave :) galing. Next time iiyak ulit si Kobe, sa puntod na ni Chan. Joke. Hahahaha
Kuya Jharz, eto na yung pinakahihintay mo. Ang bumalik si Chan at si Kobe! Hahaha
Salamat din sa mga Anonymous at Silent Readers dyan :) <3
At heto na, 6 na 'to! Enjoy!!
Happy reading.. :)
--
Point Of View
- K o b e -
"Kobe?"
Nang marinig ko ang pagtawag na yun, palihim akong napangiti. Tagumpay ang plano, haha
Rinig ko na ilang beses pang may kumatok sa pinto, alam ko si Christian na 'to.. pero hinayaan ko lang.
Nang matunugan ko ang pagbukas ng pinto, parang biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko.
Kinakabahan ako. Tsk
Saglit na namayani ang katahimikan.
Saglit din akong napatitig sa may kaharap kong lamesa. Kinakabahan ako.
Grabe, kailangan kong magpakanormal.
"A-ano kasi Kobe.. akala namin.."
Nang marinig ko siyang magsalita ay nag-angat na nga ako ng tingin at deretso siyang tinignan.
Kita ko yung pagbabago ng dating niya, alam kong medyo ninenerbyos siya.
Namiss ko siya, oo. Sino ba naman ang hindi?
Si Christian, si Chan.. etong height niyang hanggang dito nalang ata talaga.. yung tingin niya.. yung presensya niya.
Nang makitang magsasalita na siya'y agad na nga akong nagsalita.
"Kailangan ko paba talagang mag set-up ng ganito para lang makita kita ng malapitan?"
Seryosong sabi ko.
Kanina lang namin naisip 'to nila Az at Dennis, mabuti at nakisakay si tita Sen.
"K-Kobe.."
"Talaga tititigan mo nalang ako? Hindi mo ba ako namiss? Chan?" malungkot kong tono.. gustong-gusto ko na siyang yakapin.
Tuluyan na nga akong bumigay, sabi na eh.. kapag talaga nagkaharap kami, mapapadrama ako.
Napatayo naman ako nang makita yung pagbabago ng ekspresyon niya, yung dating niya.
T-teka, tama ba 'tong nakikita ko?
Yung buong nararamdaman ko parang napalitan, ng takot at kaba.
"Ako? Hindi mo man lang ba tatanungin yung naramdaman ko nung umalis ka?"
Nang marinig ang sinabi niya, nakita ko na lang ang sarili na mabilis na pinunasan yung mga luha na talaga namang mabilis na bumagsak.
Oo nga pala noh? Kasalanan ko nga pala.
"Oo ikaw pinunta ko rito, pero hwag na lang.. hindi na lang siguro. Akala ko okay na tayo eh, pero nung nakita kita tapos naalala ko yung nangyari dati.. ne-ver-mind na lang. Nagbago kana eh."
Tuluyan na nga akong napaiyak, hinayaan ko na lang na pumatak yung mga luha ko.
Anong nangyari kay Chan?
"Chan, a-ako parin 'to si Tenten. Chan, miss na miss na kita."
Nahihiya man akong umamin pero.. ngayon ay nagmamakaawa ako sakanya.
Siya na lang ang meron ako. Wala na si inay, malayo si itay.. at wala narin ang kuya Kash ko.
"Talaga? Miss na miss mo na ako? Kung ganun.. bakit hindi ka man lang umuwi? Ni hindi ka nga bumalik o nagparamdam eh."
"Chan.." ang agad na sabi ko nang makitang umiiyak narin siya.
"Chan sorry.."
"S-sorry? Halos pitong taon yun.. sorry lang? Tapos eto, set-up lang pala.. nag-alala pa ako, wala man lang palang kwenta kahihinatnan nung pag-aalala ko."
'Speechless
Siya ba talaga 'to? W-wala akong masabi. Para bang takot na takot na ako sakanya ngayon. Parang, h-hindi na siya yung Chan na bestfriend ko.
"Chan?.." nahihirapang sabi ko na. "Paano mo nasasabi yang mga yan? A-ayaw mo naba talaga sakin? Chan?.." pilit kong inayos ang tono ko, masyado akong nadadala sa aking pag-iyak.
"Pasensya na. Oo eto na ako, iba na ako. Pasensya na."
Napapikit at napa-upo na lang ako nang makita na siyang mabilis na tumalikod at umalis.
Ang sakit. Oo ang sakit, sobra.
Parang, para bang.. wala na talaga akong halaga sakanya.
Ganun ba kasama ang ginawa ko? D-diba ang gusto ko lang naman ay ang sundan niya, yung bang para maramdaman ko lang na may nagmamahal pa sa akin. Wala na si inay at kuya Kash eh, tapos si itay.. hindi ko alam pero nagtatampo nanaman ako sakanya dahil wala siya rito kasama ko, nasa ibang bansa kasi siya eh.
Kay kuya Seven, ilang beses niya akong pinuntahan para sunduin na pero ayoko na sakanya. GALIT ako sakanya, dahil sa kanya kaya wala na ang kuya Kash ko. Dahil sakanya, nawalan ako ng kuya.
"F*CK!!!!!!"
Gigil na pagsigaw ko at pagsipa pa sa kaharap kong lamesa.
Mag-isa nanaman ako, pati si Chan ayaw na sa akin.
Tangna, ang sakit!!
"F*CK!!!!"
-----
Point Of View
- Third Person's -
"A-anong nangyare? B-ba't ka umiiyak?"
Ang agad na tanong ni tita Sen nang masalubong niya si Chan sa may daan, sa 'di kalayuan sa bahay ni Kobe.
Nagulat na lang si tita Sen nang yakapin siya bigla ni Chan.
"Tita Sen.. s-sorry.." pabulong na sabi niya.
"Ano bang nangyari?"
"H-hindi ko po napigilan eh, naalala ko po yung mga nangyari dati t-tapos.. t-tita Sen..." ang umiiyak nanamang sabi ni Chan.
"Tapos ano? A-ano bang nangyari sa inyo? Nagka-usap naman kayo diba?"
"Opo tita Sen pero, napagtaasan ko po siya ng boses eh.. umiiyak po siya dahil sa akin.. tita sorry po.." tonong pakiki-usap ni Chan.
Napatahimik na lang si tita Sen. Aaminin niya, nahihirapan siya sa sitwasyon ng dalawa.
Saglit na namayani ang katahimikan..
"Akala ko ba kaya ka pumunta dito kasi dahil sakanya? Na miss mo na siya? Na gusto mo ulit makasama yung bestfriend mo dati?" pagbasag ni tita Sen sa katahimikang namamayani.
Kahit nakayakap sakanya si Chan, ramdam niya yung agad na pagtango nito mula sa tanong niya.
"Ba't yun ang nangyari? Ano ba talaga?" muli niyang pagtatanong.
"Tita Sen.."
Maayos na nasabi ni Chan at pagkawala na sa yakap. Hinarap siya nito.
"Pasensya na po sa nagawa ko, pwede po ba na puntahan niyo siya? B-baka po kasi anong gawin niya eh, please?"
Napatango na lang si tita Sen sa pakiusap ni Chan, naiintindihan niya ito.
"Osige sige, ako na muna ang bahala sakanya. Magpahinga kana muna.. nag-aalala rin sa'yo yun, panigurado." sabi ni tita Sen.
Agad na umiling si Chan.
"Hindi po tita Sen. Galit niyan po sa akin si Kobe.." mahinang sabi ni Chan.
"Hindi. Kilala ko si Kobe, kahit na galit yun.. hindi ganoon katigas ang batang yun.. kilala ko siya." tonong paninigurado ni tita Sen, pinapanatag rin nito ang pakiramdam ng isa.
Tinitigan lang siya ni Chan, na tila iniisip nito kung totoo ang sinabi niya.
Totoo naman, alam niya yun dahil pamangkin niya at nakasama niya ito ng ilang taon.
"Sige po tita Sen, p-puntahan niyo na po siya.." kalaunan ay sabi nito.
"Ikaw? Ayos ka lang? O magiging ayos kaba?"
Ngumiti si Chan, yung ngiting naninigurado't panatag.
"Opo tita Sen.. ako na po bahala sa sarili ko, tita.. puntahan niyo na po si Kobe." sabi nito, tumango lang si tita Sen at naglakad na nga palayo sakanya.
Nang mawala na sa paningin niya si tita Sen ay agad siyang naglakad-lakad kung saan para makahanap ng masasakyang tricycle.
Hindi muna siya uuwi, kailangan niya ng magpapangiti sakanya, kailangan niya ng magpapaalis ng sakit at lungkot na nararamdaman niya.
Isa lang naman ang kilala niyang talagang nakakagawa nun sakanya eh.
Si poste.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Jaydon...."
Isang napakahinang pagtawag ko.
Argh
Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano? Gabi na eh, mang-iistorbo lang ang dating ko nito.
1...
2....
3........
"I got this.."
Matigas ko nang sabi at pag-ayos na sa sarili.
Kailangan ko 'tong gawin. Alam ko na kapag makita ko yung ngiti niya.. magiging ayos na ang lahat. ANG LAHAT.
Kakatok na sana ako nang bigla akong mapatigil.
Bumukas yung pinto, at nakita ko ang dalawa..
"Oh Chan kaw pala?"
"Gabi na ah?"
Napalunok pa ako.
Paano 'to?
"Hi Jap.. Clark." pilit na pagngiti ko. "Si Jaydon?" patanong na sabi ko pa.
"Ah siya?" sabay na sabi ng dalawa, alanganin naman akong tumango.
Nakakahiya kasi eh. Oras na eh, mga 11 na siguro ng gabi?
"Ayun sa loob. Medyo nakasumpong ata eh." pagturo pa ni Clark sa may pintuan ng kwarto ni Jaydon.
"Payong kaibigan lang Chan ah?.. hm.. medyo ingat ka ha? iba yung mood niya eh, mukhang kumakain ng tao."
Muli, napalunok ako.
Badtrip ata? Dahil sa biro ko kanina? Nakakahiya talaga.
"Ahm.. ge, puntahan ko. Salamat." pagngiti ko, ngumiti din sila at binigyan ako ng daan papasok.
"Dito ka muna ah? Alis lang kami saglit, may bibilhin lang." tumango agad ako sa sinabi ni Jap.
"Basta, ingat ah? Medyo sensitive ngayon yan." pahabol pa ni Clark at umalis na nga sila.
At dahan-dahan na nga akong humarap sa may pintuan ni Jaydon.
Nakuha ko ring maglakad ng dahan-dahan papunta rito.
Ninenerbyos talaga ako eh, parang papasukin ko ang kwarto na may naghihintay na halimaw.. posteng halimaw?
Saglit akong napatigil nang marinig ang boses ni Jaydon, may kausap siya?
Inilapit ko pa ng kaunti ang aking tainga para mapakinggan ito.
Bale parang spider man ang dating ko ngayon, yung dalawang kamay ko na parang nakadikit sa pintuan na mukhang gagamba lang ang dating, isama pa na nakadikit yung tainga ko sa may pintuan. Eavesdropping?
Tsk, ano ba 'tong ginagawa ko? Bahala na..
"Hello? Paki cancel nalang po, paki-inform yung school na hindi na ako tutuloy. Salamat."
Nagulat naman ako sa narinig.
Kung tungkol sa sabado yung tinutukoy ni Jaydon sa kausap niya, ibig sabihin?.. kasalanan ko talaga?
Argh
Ang sama ko talaga. Ang bait-bait sa akin ni Jaydon tapos ganito lang ang ginawa ko?
Eh nagbibiro lang naman ako eh.
At sa nagulat na lang ako nang biglang bumukas yung pinto at wala sa sarili akong napabagsak sa..
Napabagsak sa..
NAPABAGSAK SA?....
A-a-a.. a.. ano ba 'to? NAKAKAHIYA!!
"Sorry." ang nasabi ko at agad akong tumayo ng tuwid at pilit na inayos ang sarili.
Napakapit ako sa katawan ni Jaydon, tsk nakakahiya.
Tapos ba't ba kasi wala siyang suot na pang-itaas na damit? Tsk
P-pero.. ang dulas nung balat niya.. ang lambot, t-tapos ang bango.
Tsk, ano ba 'tong nasasabi ko?
"Jaydon." ang nasabi ko na lang.
Nakatingin lang siya sa akin, blangkong ekspresyon.. pero papunta sa parang pagkainis yung dating ng mukha niya.
"Jaydon galit kaba? S-sorry na.." agad na sabi ko at paghawak pa sa magkabilang pisngi niya.
"Hwag ka namang sumimangot ng ganyan.. uy, nagbibiro lang ako."
Parang batang sabi ko pa at pagtapik-tapik ko pa sa magkabilang pisngi niya.
"Sorry na? Sasama naman kasi talaga ako, binibiro ka lang.. walk out ka kagad." sabi ko pa nang mawala na yung simangot niya.
"Babawi ako. Pramis." pilit na pagngiti ko pa, sinamahan ko pa ng peace sign tsaka ngiti.. haha
Sabi kasi ni yaya Cindy na eto ang pantapat sa mga taong masusungit ang dating eh. Yung bang mga taong hindi malapitan dahil sa nakakatakot nitong dating.
"Wala na eh. Nasabi ko na na hindi na ako makakasama."
Nawala naman yung mga ngiti ko dahil sa sinabi niya, kasalanan ko talaga.
"Sorry. Paano na niyan?" medyo nahihiyang sabi ko.
"Babawi ka?" tanong niya kagad.
"Oo. Pramis." pagngiti ko ulit, tinaas ko pa yung kaliwang kamay ko.
At sa naramdaman ko nalang ang paggaan ng pakiramdam ko.
Heto ang tinutukoy ko, pag nakita ko na yung ngiti niya.. talaga namang gumagaan talaga pakiramdam ko.
Yung ngiti kasi ni Jaydon, parang abot sa langit eh :)
Yung bang hanggang tainga, hanggang mata.. basta buong ekspresyon o mukha niya, nakangiti.
Tsaka, yung ngiti niya kasi ang lakas ng dating. Alam niyo ba yung ngiti ng medyo makapal yung labi? Tapos, hindi hadlang kasi lilitaw yung napaka-ayos at linis na mga ngipin niya, isama pa yung ngiti na talagang bagay na bagay sakanya.
Tsk, napapa-OA tuloy ako. Haha
"Adik ka talaga sa labi ko noh? Kapag ngingiti ako.. napapatitig kana lang eh."
Nawala naman kagad yung ngiti ko, yung kunwari nawalang-interes ako bigla dahil sa sinabi niya.
"Alam mo singkapal talaga ng mukha mo yang labi mo." pabirong pagsampal ko pa sakanya. "Oh ano na? Babawi ako, anong gusto mo?" dagdag ko pa at paglakad ko papunta sa may higaan niya saka ako naupo.
Parang mayaman talaga ang dating ni Jaydon.
"Hm..." posturang nag-iisip pa niya.
Saglit ko siyang napagmasdan, napapangiti talaga ako kapag siya na ang nakikita ko.
Humingi na kaya ako ng sign? O kaya hwag muna, nevermind. Haha
"Yung dare pala. Oo tama, yun na lang."
Agad ko namang natakpan yung labi ko at napaatras pa ako dahilan para makaakyat na ako sa kama.
"Jaydon, tumigil ka nga. Kadiri ka talaga." simangot ko.
"Chan.. may dare tayo. Talo ka, yung premyo ko.."
Halos mapangiwi nalang ako sa ginagawa niya, paano ba naman.. dahan-dahan siyang lumalapit tapos talagang nang-aakit na tono pa.
"Jaydon, bata pa tayo?"
Nakuha ko nang matawa sa sinabi ko, ganun rin siya.
"Jaydon naman kasi eh, iba na lang." sabi ko habang nasa kalagitnaan lang kami ng pagtawa.
"Bata? Niyakap mo nga ako eh, yan tuloy.. nag-iba pakiramdam ko." sabi niya.
"Jaydon naman eh.." naiinis na natatawang sabi ko.
"Dali na kasi yung dare.. akala ko babawi ka?" pagngiti ulit niya, yung pamatay na ngiti na talaga niya.
Ba't naman kasi pumayag ako eh? Arrrrgghhhhhh!!!!
Pero bahala na, dare eh.
At sa inalis ko na nga yung kamay ko sa may labi ko.
"Kagat lang ah?" tonong naninigurado ko pa.
"Oo nga, oh game na?" sabi niya at pagtabi niya pa sa akin sa may higaan, bale naka-upo kaming dalawa.
Ano ba 'tong pinasok ko?
"S-sige." pagsuko ko na, at pagpikit ko pa. "Game." sabi ko ulit.
Bahala na..
Isa....
Dalawa.....
Tatlo...
"Pero Jaydon bata pa tayo ah? Ayusin mo, baka kung saan tayo mapunta." natatawang sabi ko habang nakapikilit lang.
"Oo. Alam ko naman yun." rinig kong sabi niya. "Pout mo yung lower lip mo." pahabol pa niya.
Sinunod ko lang.
Nako po. Patawarin niyo po kami sa trip namin, sorry.. sorry.
At sa ilang segundong namayani ang katahimikan. Hinihintay ko lang na may kumagat sa labi ko.
Hanggang sa.....
-----
Point Of View
- K o b e -
"K-Kobe? A-anong ginagawa mo?"
Si tita Sen, hindi ko na pinansin at pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.
Napatigil naman ako nang ibalik niya yung mga damit na nilalagay ko sa bag ko.
Binabalik niya ang mga ito sa lalagyanan ko ng mga damit.
"Anong ginagawa mo?" galit na sabi niya, tita ko nga talaga siya.
"Ayoko na." mahina nguni't seryosong sabi ko.
"Aalis ka nanaman? Gagawin mo nanaman yung dati?" sabi niya, kita ko yung pagsalubong ng dalawang kilay niya.
Nakapagdesisyon na ako, kanina pa.
Tumango ako, yung pasimple.
"Oo. Ayoko na eh. Nasasaktan lang ako." madiin na sabi ko at muli kong pinagpatuloy yung paglalagay ng nga damit ko sa may bag ko, padabog pa ito.. pagpapahiwatig na walang makakapigil sa akin.
Nagulat na lang ako nang..
"Kobe nagtatanga-tangahan ka nanaman eh."
Agad akong napahawak sa may kanang pisngi ko.
Napatigil na lang ako. A-ang sakit ng sampal ni tita Sen.
"Tita?" ang nasabi ko.
"Ge umalis ka. Kapag umalis ka, talagang hindi na kayo magkakalapit ng kaibigan mo. Magpakatanga ka lang, Kobe."
At sa nakita ko na lang na mabilis na siyang umalis.
Naiwan akong tulala.
"Mali nanaman ako?" ang nasabi ko at muli.. naiyak nanaman ako.
Parang solong-solo ko 'tong sakit na nararamdaman ko. P-parang ako lang ang nakakaranas nito, g-grabe.
Tangna!
----
Point Of View
- J A Y D O N -
Saglit kong pinagmasdan si Chan.
Heto siya, nakapikit.. naka-pout yung lowerlip lip niya.. pero hindi nawawala sa ekspresyon niya yung bang ngiwi? haha, yung bang pasimpleng umiiwas siya na nakakatuwa talagang pagmasdan.. batang-bata lang.
Ewan ko pero hindi mabura-bura yung ngiti ko, naturingan pa naman akong medyo makapal ang labi.. pero hindi naging sagabal.. nagpadagdag pa sa appeal, haha
Hanggang sa dahan-dahan ko nang inilapit ang aking mukha sa mukha ni Chan.
Paano kaya kung hindi pagkagat ang gawin ko? Angkinin ko na? Haha
Bahagya ko pang inilapit, nais kong iparamdam sakanya na malapit na yung mukha ko sa mukha niya.
1..
2...
3....
At sa nakita ko na lang na napamulat si Chan sa ginawa ko.
Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti, napangiti rin siya.
"Salamat. Napapagaan mo talaga loob ko." nakangiting sabi niya.
Hinalikan ko siya sa noo, mabilisan.
Masyadong inosente yung dating ni Chan habang nakapikit siya kaya hindi ko kayang gawin yung dare.. nahihiya ako, at baka rin mamaga yung labi niya kapag kinagat ko ng dahan-dahan.. haha
"Salamat din." magaan na sabi ko.
"Ayos na tayo ah? Kaya uwi na'ko.. oras na eh. Nagtext na si tita." sabi niya habang sa akin lang rin ang tingin.
Agad lang akong tumango.
"Hatid na kita sa sakayan, tara?" alok ko at kumuha na nga ako ng damit ko.
"Ge, para naman matahimik ka." rinig kong sabi niya, tumango-tango naman ako.
.....
"Diba Jaydon hindi na tuloy lakad mo sa saturday?"
Biglang tanong ni Chan habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.
"Oo. Bakit?" tanong ko at pagtingin ko sakanya.
"Gusto mo sumama kana lang sa akin? Aalis ako eh."
Agad naman akong napangiti sa sinabi niya.
"S-sige. San ba?" excited na sabi ko.
"Sa Pampanga, uwi ako sa probinsya namin. Isang araw lang naman, sama ka?"
Nakuha ko pang magbigay ng nagtatanong na tingin.
Isasama niya ba talaga ako sa probinsya nila?
Ang sarap sa pakiramdam.
"Sasama mo talaga ako?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Hindi nga?" pahabol ko pa.
"Oo nga. Bakit ayaw mo?" pagtigil pa niya sa paglalakad.
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita hanggang sa..
"Syempre gusto ko." tuwang-tuwang sabi ko saka ko na siya inakbayan at muli na nga kaming naglakad.
-----
Point Of View
- K o b e -
"Sigurado kang magiging ayos ka lang? Pwede ka naming samahan."
Isang ngiti lang ang itinugon ko sa tanong ni tita Sen, mabuti at nakuha nila ang nais kong iparating.
Sabado ngayon, kahit hanggang mamayang gabi lang ako dun, pwede na.
Every month kong binibisita si kuya ko, at ngayon ay pupuntahan ko siya.
Gusto ko nang magbago, magsimula. Kaya sa araw na ito, magsisimula ang storya ko :)
"Mauna na ako, babalik rin naman ako mamayang gabi. Paalam.." tonong pagpapanatag ko sa tatlo at sa nakuha nalang naming magngitian.
Agad na akong pumasok sa bus at pumwesto sa may bandang dulo.
Napag-isip isip ko rin na kailangan kong suyuin yung maarteng si Chan. Sabi ni tita Sen na naghihintayan lang kami, kaya sige at ako na ang kikilos. Haha
.....
"Pampanga."
Ang nakangiting sabi ko pagkababa ko ng bus, nasa may Dau Terminal ako.
Bago ako naglakad papalabas ng bus ay tumungo muna ako sa bilihan ng donut.
"Brownies po, tatlo." agad na sabi ko pagkalapit ko.
Agad na akong naglakad papunta fastfood, magbabaon ako, hanggang mamayang gabi na kasi ako kay kuya ko eh.
....
"Kuya Kash.."
Agad na sabi ko at pagngiti habang papaupo.
"Kamusta? kuya.." mahinang pagtatanong ko nang mapagmasdan ko yung pangalan niya.
Wala pa man akong isang minuto ay agad na nga akong napaluha, nakangiti na nakatitig lang sa pangalan ng kuya ko.
Ang hirap. Ang hirap pala kapag wala ang kuya mo no? Yung bang, kuya mo na asikasong-asikaso ka. Isang kuya na mahal na mahal ka, isang kuya na alagang-alaga ka.. diba? ang hirap mag-adjust kapag nawalan ka ng isang kuya na ganun ka kamahal.
"Nakakainis ka talaga kuya. Pinapaiyak mo ako." pilit na pagngiti ko habang nasa kalagitnaan ng pag-iyak.
Ayaw ni kuya sa lahat ay yung umiiyak ako, bata palang.. sinasabihan na niya ako.
Kung kinakailangan, hangga't maaari at posible.. kontrolin mo yung luha mo.
Hawakan mo, patatagin mo.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Clark, pakisabi sa tatay mo salamat ah?"
Pagpansin ko ulit kay Clark.
Kasama ko sila ngayon, nasa biyahe kami.
Akala ko mapapasabak nanaman ako sa bus, pero buti at driver pala 'tong tatay ni Clark at nakapaghiram siya ng kotse, ang gulo nga eh. Haha
"Oo nga, ilang salamat na yan ah?"
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Clark, siya nagda-drive.. tinuruan daw siya ng tatay niya.
Mukha talagang mayayaman 'tong mga to eh, look.. ang ku-cool ng mga dating nila, yung bang upong prinsipe.
Napatingin naman ako kay Jaydon, nasa may gilid siya.. naka-headset tapos nakapikit.
Napangiti na lang ako, ang cute ng dating niya. Dahan-dahan ko siyang tinabihan at nakipikit narin, kasisimula palang ng biyahe namin eh.
Naramdaman ko naman na mas dinikit ni Jaydon yung katawan niya sakin, palihim akong natuwa.. parang may posteng bata akong alaga. Haha
....
"Chan, palabas na tayo ng NLEX, san na tayo? saan ba bahay niyo?"
Agad akong napaupo ng maayos dahil sa sinabi ni Clark.
Patay, oo nga pala.
Anong sasabihin ko? Hindi ko naman sila pwedeng dalhin sa bahay, ang alam nila ay mahirap lang ako.
TAMA!!
Oo tama, si ate Cindy.
"Si ate ko kasi katulong eh, siya nalang kasama ko sa buhay.." ang kunwari'y nag-aalangan kong tono.
"Hwag kanang mahiya Chan, hindi ka naman iba samin eh." sagot ni Jap, ngumiti naman ako.
Okay, mukhang kumakagat.
"Sige, basta tuturo ko nalang yung daan.." kunwari'y nabuhayan ko nang tono.
Nang tumango si Clark ay agad na akong nagtext.
Message: Ate Cindy, hindi na tuloy yung sinabi ko kagabi.. diyan na lang ang tuloy namin. Ate kita ah? Tandaan mo yun ate Cindy.. basta pakisabi sa mga nasa bahay na hwag nila akong babatiin katulad ng dati, basta normal lang.. ipapakilala kita bilang ate ko. Papunta nakami.
Nang masend ko ang text ay nakahinga na ako ng maluwag, oo nga pala at nakausap ko na pala si ate Cindy kagabi.
"Chan gisingin mo na si Jaydon." rinig kong sabi ni Jap.
Napatingin tuloy ako kay Jaydon, tinulugan talaga kami sa biyahe. Haha
"Pst makapal na labi.." nakangiting pagpansin ko sakanya.
"Oi Chan, anong sabi mo?"
Napatingin ako kay Clark, natatawa siya, ganun rin si Jap.
"Bakit?" kunot ko.
"Alam mo ba sa probinsya namin, ang taong nang-aasar sakanya na kalabi, nasasaktan, grabe baka marinig ka niyan, sira ulo yan Chan."
Napa- "Oh?" nalang ako, mukhang hindi naman kapani-paniwala sinasabi nila. Iba kaya pagkakakilala ko kay Jaydon.
"Talaga?" sabi ko pa.
"Oo nga." agad na sabi ni Clark.
Agad kong tinignan si Jaydon, tulog parin.
"Oi makapal na labi.." medyo malakas na sabi ko na.
Kita ko naman yung "O.O" na ekspresyon ng dalawa, natawa pa ako.
"Chan naman eh.. natutulog pako."
Natawa ako lalo nang magsalita na si Jaydon, parang bata lang.
"Jaydon, ba't ang kapal ng labi mo?" inosenteng tanong ko kunwari.
"Yan ka nanaman sa tanong mong yan eh, inggit ka talaga Chan. Gusto mo sa'yo na lang?"
Matapos niyang masalita ay tinignan ko yung dalawa sa harap, tameme ata. Haha
"Oy Jaydon, b-ba't hindi ka nainis sa sinabi niya?"
"D-diba?"
Hindi makapaniwalang sabi ng dalawa, naguguluhan talaga ako sakanila.
"Eh pandak siya eh, baka kapag binugbog ko baka hindi na talaga siya lumaki."
Napasimangot naman ako nang magtawanan ang tatlo, kagagaling lang sa tulog nang-aasar na kagad.
Pero, ang saya nila kasama. Nakakatuwa, nakakagaan ng pakiramdam.
....
"Dito pala namamasukan si ate ko." agad na sabi ko nang makababa na kaming apat at ngayon ay nakitingin sa bahay namin.
Napakunot naman ako nang wala silang reaksyon.
"Hoy?" pagharap ko pa sa tatlo.
Kita kong wala talaga silang reaksyon, naghikab pa si Jaydon.
"Ay sir.. ay Christian ikaw pala."
Nakuha ko pang panlakihan ng mata si ate Cindy, ipapahamak pa ako eh.
"Ate, s-sila pala mga kasama ko, mga kaibigan." pilit na pagngiti ko.
"Hello po." rinig kong bati naman nung mga nasa likod ko.
"Ay hello, kayo pala bisita ng kapatid ko, tara pasok."
Sinamahan ko naman sila papunta sa loob, iiwan ko rin sila saglit eh.. may pupuntahan pa ako.
.....
Kapag titingin ako sa tatlo napapakunot na lang talaga ako.
Wala silang karea-reaksyon haha, nasa loob na kami ng bahay sa may sala.. pero ganun parin ekspresyon nila.
"Chan lilibot mo kami ah?" biglang sabi ni Jaydon, kagabi pa nila inuulit-ulit, mga excited.
"Oo sure, ahm.. dito muna kayo ah? Alis lang ako." pagngiti ko.
Tatalikod na sana ako nang..
"Oy Chan.." biglang sabi ni Jaydon. "Sama mo kami, nakakahiya naman kay ate mo baka pagalitan siya ng amo niya."
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Don't worry, mabait amo niya." tonong paninigurado ko pa.
"Ate, kaw na muna bahala sakanila.. gutom mga yan." pagharap ko saglit kay ate Cindy, tumango naman siya. "Guys feel at home, mabait amo ni ate." pagngiti ko pa sa tatlo at umalis na nga ako.
....
"Kuya? Papunta na ako kay kuya Kash." agad na sabi ko pagkasagot ko sa tawag ni kuya ko.
"T-talaga? Eh yung pinabili ko?"
"Oo nga, eto oh dala-dala ko.. bumili na nga rin ako ng sakin." patukoy ko sa dalawang Zagu na hawak ko.
"Pakisabi sa kuya mo pauwi narin ako niyan ah? Sabihin mo pupuntahan ko siya kagad."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni kuya Seven, loyal talaga si kuya Seven kay kuya Kash.
-----
Point Of View
- Third Person's -
Masayang naglalakad si Chan habang kausap ang kuya niya.
Masyado siyang mangha dahil sa hanggang ngayon ay isang tao parin ang minamahal ng kuya Seven niya.. na hindi ito nagbago.
Hanggang sa napatigil nalang siya nang may mapuna ang kanyang paningin.
"K-kuya.." ang wala sa sarili niyang nasabi dahil sa gulat.
"Chan? Bakit?"
"K-kuya saglit lang, mamaya kana lang tumawag." mahinang sabi niya at pagbaba na sa tawag.
"K-kobe?" ang naibulong pa niya.
Alam niyang si Kobe ang nakikita niya, sa mga biyas palang nito.
Dahil narin sa may puno na malapit dito ay malaya niya itong nalapitan at ginamit ang puno para makapagtago.
Palihim siyang natuwa, dahil sa nakita niya si Kobe.
Pero, sa dating palang ni Kobe ngayon ay alam niyang umiiyak ito na lihim na nagdudulot ng sakit sakanya, hindi kayang nakikita itong umiiyak.
Ilang minuto pa siyang nagtago sa puno at patagong pinakikinggan ang mahinang pag-iyak ni Kobe.
Hanggang sa hindi na niya natiis at napagdesisyunan na niyang lapitan ito.
Maglalakad na sana siya papalapit nang..
"Pasensya na kuya Kash ah? Kanina pa ako umiiyak, nahihiya tuloy ako sa'yo. Ang laking tao ng kapatid mo, iyakin naman."
Ang rinig niyang sabi ni Kobe na halatang pilit nitong pinapagana ang tono nito at kita niya na pilit rin nitong pinupunasan ang mga luha.
Muli siyang bumalik sa may puno, aaminin niya.. gustong-gusto niyang yakapin si Kobe, kanina pa.. ay mali, nung unang araw palang niya itong nakita sa Manila, gusto na nga talaga niya itong mahagkan.
"Ang tanga ko kasi kuya eh. Siya na nga lang yung mayroon ako, iniwan ko pa."
Napapikit nalang siya nang marinig muling magsalita si Kobe, umiiyak nanaman ito.
"Kung hindi sana ako lumayo edi sana kuya ayos parin kami ngayon diba?"
Agad siyang napamulat nang marinig ang sinabi nito, hindi narin niya napansin ang pamumuo ng mga luha niya sa mata.
Ang bilis talaga ng epekto sakanya ni Kobe.
Silang dalawa, silang dalawa ni Kobe.. ang dati nilang pinagsamahan.. oo nga't wala na nga.
"Kuya ang tanga ko kasi nun eh, mali ako.. mali ako kuya eh.
Nung nawala ka kuya parang, p-parang naramdaman ko na kasi na nag-iisa na lang ako. Tapos kuya, d-dahil don parang nakalimutan ko na nandyan pala si itay, sila kuya Seven.. si Chan.
Kaya umalis ako eh, gusto ko kasi malaman kung may kasama pa ako, na kung may nagmamahal pa sakin.
Kuya, kaya lang naman ako umalis para sana malaman kung mahal ba ako ni Chan, kung magbestfriends ba talaga kami, kung may kasama paba ako.. gusto ko lang naman na puntahan at sunduin niya ako kuya eh, kaso kuya.. masyadong pangit yung nagawa kong paraan.
P-patawad kuya.. patawad..."
Tila natauhan naman si Chan sa mga narinig, y-yun pala ang rason ni Kobe kung bakit ito umalis.
Mula sa pagkakatayo, pasandal siyang napaupo sa may puno.
Agad niyang kinuha ang panyo, at ipinantakip ito sa mukha. Umiiyak siya, hindi niya ito mapigilan.
Ang sasakit ng mga sinabi niya kay Kobe, yung araw na nag set-up pa ito para lang magkasama silang dalawa.
Hindi man lang niya inisip ang effort nito na magkita at magkalapit sila.
Sa mga nalaman, may mga bagay siyang narealize, mga bagay na alam niyang.. dapat noon pa niya ginawa.
-----
Point Of View
- K o b e -
"June 14, monday.. Simula ngayon, bagong ikaw na." nakangiting sabi ko habang nakaharap sa may salamin.
Inaayos ko lang naman yung bagong hairstyle ko :)
"Alam mo yung dating na matangkad ka.. tapos bangs ang hairstyle mo."
Tonong nang-aakit ko pa habang inaayos ang sarili. Natatawa talaga ako sa new look ko, hindi ko alam kung baduy o kagaguhan xD
"Simula ngayon, ako na ang lalapit. Humanda yang Christian na yan sakin."
Tonong nagbabanta at natatawa ko nang asikasuhin ko na yung mga dadalhin kong gamit.
Napangiti naman ako nang marinig ang isang napakalakas na pagsigaw.
Haha, mga sugapa sa pagpasok yung dalawa. Bago kasi mga black shoes, hayy buhay nga naman kapag may mga kaibigan kang sira ulo.
Pero, kung excited sila.. mas excited ako haha.
New look, new me.
"Oo palabas na! Sandali!" balik na pagsigaw ko.
Nang maisuot ko na yung bagpack ko ay muli akong tumingin sa may salamin.
"Alam niyo yung istudyanteng matangkad? tapos nakaback pack? tapos fitted polo? tapos fitted slacks? tapos pointed black shoes? tapos bangs hairstyle? tapos ang bango bango pa? edi.. ako na."
Natawa nalang ako sa kabaliwan ko, haha.
Ewan pero ganado talaga ako ngayong araw, tsktsk
Pagkabukas ko ng pinto ay ilang segundong namayani ang katahimikan.
"N-nasan si Kobe?"
Agad naman akong napakunot sa sinabi ni Az.
"P-pinatay mo naba?" dagdag pa ni Dennis.
"Tigil-tigilan niyo ako ah? Tara na nga." sabi ko at nagsimula na nga akong maglakad.
"Grabe Kobe astig pala ng nakabangs no? try nga namin ni pinsan yan."
Agad akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya, hinarap ko sila.
"Hoy kayong dalawa, pwede ba? hwag kayong gaya-gaya? mag-isip kayo ng sariling style pwede ba?" simangot ko at binilisan ko na nga ang paglalakad.
Gagaya pa eh, subukan lang nila. Ilang araw silang hindi makakapasok nun, haha
......
Nakaka-ilang lunok naba ako ng laway?
Argh.. pinagtitinginan nanaman kasi kaming tatlo, sanay na kami oo pero iba ngayon.. ang bangs ko ata ang laman ng mga bunganga nila eh.
"Tol si Chan yun diba?"
"Asan?" ang agad na sabi ko at nakuha ko pang lumingon lingon kung saan saan habang naglalakad.
Hanggang sa napatigil na lang ako nang makita ang taong hinahanap ko, ay n-nasa harap ko na pala.
"C-Chan?" ang wala sa sarili kong nasabi, konti na lang kasi ay mababangga ko na siya.
Nakakailang, kasi ang taas ko kaya nakaangat siyang nakatingin sa akin.
Tsaka, ba't parang nawala yung nararamdaman ko kanina, kanina kasi buong-buo yung loob ko na ia-approach ko talaga siya, pero ngayon parang natatameme talaga ako eh.
"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?"
Nakuha ko nanamang mapalunok. Kinausap niya ba talaga ako?
"Oy Kobe kinakausap ka."
"Pst tol.."
Napa-"H-hah?" na lang ako nang magsalita sila Az at Dennis.
Ano ba 'tong nangyayari sakin? Arghh
Pinagpapawisan ako!
"S-sige.., Chan." ang nasabi ko nalang.
Kita ko na tumango naman si Chan kasabay nang pagngiti niya.
Ba't parang mas cute siya sakin? Dapat ako lang cute eh -.-
"Ge Kobs, mamayang uwian." magiliw na sabi pa niya at tinalikuran na nga niya ako.
Kobs? :)
Napangiti naman ako, yung ngiting otomatiko.. ewan pero napangiti talaga ako.
Agad ko naman itong naialis nang muling lumingon sa akin si Chan, pero alam ko nakita niya yun.
"Nga pala Kobs, bangs talaga ah? nice hairstyle.. mas bagay mo." sabi niya at tuluyan na nga siyang umalis.
Muli, napalunok ako.
"Az Dennis, y-yan yung tunay na Chan.. yan." sabi ko at pagturo ko pa sa papalayong si Christian.
"Mukhang epektib yang bangs mo Kobe ah?"
Nakakalokong sabi ng dalawa, sinimangutan ko lang sila.
"Sige lang, asarin niyo lang ako.. okayyy lang." nakangiting sabi ko at pagkibit balikat ko pa.
Masaya ako, haha.. goodvibes :)
Pero wait, tutal mukhang si Chan yung lumalapit.. kailangan kong magpakipot ng konti, para may thrill :))
-----
Point Of View
- C h a n -
"Ba't ako kinikilig?"
Halos ngiwing sabi ko, nasa banyo ako at nakatingin lang sa sarili.
Ang bango niya -.- parang na *LSS* ako sa amoy niya. Ay, hindi pala kanta yun. Hahaha
"Chan? Late na tayo niyan."
Agad nalang akong naghugas ng kamay, oo nga pala at naghihintay si Jaydon sa labas.
"Napano ka? Ba't namumula ka?"
Agad kong natakpan yung mukha ko gamit yung panyo ko, namumula ako?
"P-paano naman?" maang ko habang takip-takip yung magkabilang pisngi ko.
"Ang cute mo tuloy, tara na nga lang." nakangiting sabi niya at naglakad na nga siya.
Naiwan akong nakatingin lang sakanya.
"Kaninang umaga pa ako inaasar ng posteng to." naibulong ko na lang saka narin ako napasunod sakanya.
Kanina pa siya parang may tinatago sakin eh, kanina pa siya pangiti-ngiti. Hindi ko alam kung bakit, siguro sadyang trip niya lang ako.
.....
Time check, alas onse na ng tanghali, ala-una ang uwian namin ngayon.
Desidido na talaga ako, ako na makikipag-ayos kay Kobe. Mabuti at narinig ko ang mga sinabi niya, mabuti nalang talaga.
Dalawang oras na lang, makakapag-usap narin kami ni Kobe.
I can't wait.. pero ninenerbyos ako -.-
At heto ngayon, ang room puro bulung-bulungan, walang teacher kaya heto at malaya silang nakakapag-usap.
Si Kobe, si Kobe ang paniguradong topic. Siya pinagtitinginan eh, nagmukha naman kasing korean si Kobe, nasakto pa yung kulay niya na maliwanag ang dating, puti kasi.
"Chan, mamaya ah?"
Napatingin naman ako kay Jaydon, oo nga pala.
"Mamaya talaga? Hindi ba pwede na bukas na lang?" tanong ko, tonong nakikiusap narin.
Hindi ako pwede mamaya eh. Mag-uusap kami ni Kobe.
"Minsan lang ako magrequest. Sige wag na nga lang."
Nakuha ko pang mapapikit, sa tangkad niyang yan ganyan siya magtampo? Bata lang? Haha
"Ano kasi, may.."
"Hindi na nga eh. Oh alis muna ako, saglit lang."
Tatayo na sana siya nang agad ko siyang hawakan sa may kamay.
Ba't hindi ko ba matiis 'to? Jaydon naman eh, arghh
"Okay sige, sige mamaya. Sige na." pagsuko ko, sinimangutan ko pa siya.
"Talaga?" pagngiti niya.
Bakit ba kasi hindi ko 'to matiis? Sipain ko nalang ata to eh.
"Oo na nga." pagtawa ko na, nagduduling-dulingan kasi siya tapos panguso-nguso pa.
Ang cute lang. Sipain ko ata talaga 'to eh?
"Thank you Chan." parang batang sabi pa niya.
Pilit ko namang tinataboy yung mukha niya gamit yung kaliwang kamay ko, nakakahiya na nakakatawa yung ginagawa niya, haha
"Guys oh tignan niyo siya, nababaliw na ata 'to." pagharap ko sa mga kaklase namin sa likod.
Kita ko na tuwang-tuwa naman sila.
"Jaydon, para kang tanga." naiinis na natatawang sabi ko pa.
Nakakailang na nakakatawa kasi, haha
Nagduduling-dulingan talaga siya tapos nakanguso pa.
Tumayo na lang ako saka siya pabirong sinampal.
"Tara nga, diba sabi mo ibibili mo ako ng pagkain?" agad na sabi ko nang maalala yung sinabi niya kagabi. "Dali na! Wala pa namang teacher oh." pagmamadali ko pa.
Oo. Ililibre niya pala ako.
Agad naman siyang tumayo, nasundan ko yung pagtayo niya. Nanliliit talaga ako, haha
-----
Point Of View
- K o b e -
"Hwag ka ngang sumimangot, malay mo may ginawa lang saglit."
Hindi ko pinansin yung sinabi ni Az.
2:30 na, kanina pa ako dito sa may room.. nakaupo, kaming tatlo nalang ni Az at Dennis nandito.
"Thirty minutes pa sige, kapag wala aalis na talaga ako." inis ko.
Ewan pero hindi ko talaga maiwasan ang mainis, ganito kasi talaga ako eh.
"Pinapairal mo nanaman yung pagka mainitin ng ulo mo eh, chill kalang kasi." rinig kong sabi ni Dennis.
Mga ilang sandali lang ay alas-tres na, kaya naman walang pasabi na akong tumayo para umalis ng room.
"Kobe? Para kang tanga, ba't hindi ka lang maghintay. Darating naman yun eh."
"Okay." sabi ko lang at nagmadali na nga akong umalis.
"Huwag niyo muna akong sundan, gusto kong mapag-isa. Salamat." seryosong sabi ko sakanila at mas binilisan ko pa nga ang paglalakad.
Hindi ako pwedeng magkamali, kasama niya yung bestfriend niya, yung mukhang paang si Jaydon.
Nakakawalang gana talaga.
Nakita ko sila kaninang uwian eh, excited pa naman ako na makapag-usap kami, tapos ganun?
-----
Point Of View
- C h a n -
Mabilis pa sa eroplano ang takbo ko ngayon.
Oras na! Nakalimutan ko! Nakakainis!!!
"Kobe!"
Ang halos pasigaw na sabi ko nang makaabot na ako sa may pintuan ng room namin.
"Chan, s-san kaba galing? Umalis na si Kobe."
"Nainip na kakahintay."
Napa-"Hah?" nalang ako.
Sabi ko na nga ba eh, nakakainis kasi eh.
Nag joyride kaming apat nila Jap, Clark at Jaydon.
Sa sobrang enjoy ko, nakalimutan ko na magkikita pala kami ni Kobe.
Twelve o'clock kasi dinismiss na kami eh. Tapos yun, gusto lang pala akong ilibot ni Jaydon. Nasakto na maaga pa uwian namin.
"Asan niyan siya?"
Grabe, hingal na hingal talaga ako.
Inabutan pa ako ng tubig ni Dennis.
"Alam namin kung saan yun, basta kapag tinopak yun, nako isang lugar lang pinupuntahan nun."
"San?" agad na sabi ko matapos inumin yung tubig.
"Malapit sa court sa atin, yung street foods dun.. dun siya lage sa may mahabang bench."
"Oo, gago yun eh.. pwesto niya kaya yun."
Saglit akong napaisip sa sinabi nila.
(
flashback
"Hindi pwede, ayun sila kuya oh nakaupo sa may harap ng gate, pagagalitan tayo.. gabi na oh."
Pagturo ko pa sa pwesto nila kuya Kash at kuya Seven sa may gate ng bahay namin.
Ang kulit ni Tenten, gusto niya punta kami sa may kainan doon, basta dun sa mga fishball, dun kami kumakain lagi nila kuya eh.. kaming apat.
"Takas tayo Chan? Dali na?"
Yan nanaman, takas nanaman.
"Mapapagalitan nanaman tayo kina kuya, pero.. sige na nga kanina kapa makulit eh.. tara patulong tayo kay ate Cindy."
Sabi ko na lang, mangungulit pa 'to eh.
end
)
Napangiti na lang ako sa naalala.
"S-sige salamat ah? Alis nako, salamat talaga." agad na sabi ko sa dalawa at tumakbo nanaman ako ng mabilis.
Ewan pero napapangiti talaga ako, Tenten talaga. Haha
....
Palinga-linga ako habang naglalakad, san ba yung may mahabang bench dito?
Ilang sandali lang ay napatigil na ako mula sa paglalakad.
Ayun. S-si Kobe nga.
Nakasando na lang siya, tapos katabi niya yung bag niya, at yung polo na uniporme naman niya ay nakatupi at nakapatong sa may bag niya.
Tapos kita ko rin yung dalawang baso, mukhang nakarami na siya ng fishball ah?
Dahan-dahan akong lumapit, sana hindi ganun kagalit, or sana hindi galit.
"Kobe."
Nahihiya man, nag-aalangan man.. nasabi ko parin yung pangalan niya.
Tinignan naman niya ako.
Grabe, ang lakas talaga ng dating niya. Ang puti, tapos yung bangs pa niya, mukha talaga siyang korean.
"Sorry ah?" pilit na pagngiti ko, tumabi narin ako sakanya.
Kita ko na nakasimangot lang siya.
"Anong kailangan mo?"
Aba?
Grabe naman siya magsalita.
Pero sabagay, naghintay eh. Kaya siguro mainit ang ulo, ganyan 'to eh.
"Teka, b-bat dito ka pala pumunta?" kunwari'y nagtatakang tanong ko.
Tinitignan-tignan ko pa siya, yung bang nang-aasar na paraan.
Hindi siya sumagot, hindi niya rin ako tinitignan.
Ewan pero ang komportable ng pagitan namin, basta ewan? Parang nung dati lang, nung mga bata pa kami.
"Ah!! Alam ko na.." kunwari'y tono kong may naisip bigla.
"Mali yang iniisip mo. Tumigil ka nga." agad na sabi naman niya, hinarap na niya ako.
Sabi na eh, yun nga. Siya parin nga yung dati! Haha
Pero, saglit lang.. medyo napatigil ako.. bakit ba ganito mukha niya? Basta ewan..
"Oh defensive.. sabi na eh. Hindi ka parin nagbabago,.. burara ka nga lang." tonong may punto at nang-iinis ko, haha
Basta ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam ko, parang normal lang talaga kami katulad ng dati.
"Alam mo pinaghintay mo na nga ako diba? Ano ba kasing kailangan mo? Sinasayang mo lang oras ko eh."
Nataranta naman ako. Mukhang seryoso nga talaga siya.
"A-ah.. Koko, ay Kobe.. s-sorry." agad na sabi ko.
Simula nung narinig ko yung sinabi niya, pinangako ko sa sarili ko na magpapakabait na ako sakanya.
"Babawi ako, oo babawi ako." pahabol ko pa, inilapit ko din yung sarili ko sakanya.
"Ayaw ko sa lahat yung pinaghihintay ako, alam mo ba yun?" inis niya at nakita ko pa na tumayo siya.
"Kobs ay Kobe.., sorry na nga diba? Babawi nga ako, uy?" agad na sabi at pagtayo ko pa.
"Babawi ka?" kunot niya, tumango lang ako saka ngumiti.
"Diba naiinis ka kasi magulo yung bahay ko? Ano kamo yung sinabi mo? Burara ako?" tumango-tango ako.
"Oo, hindi ka naman ganyan kaburara dati eh. Yung bahay mo ang dumi, parang hindi tao yung nakatira.. akala ko nga nung pagkagising ko nasa may Zoo ako eh, akala ko kasi hayop yung nakatira."
Agad ko lang natakpan yung bibig ko, patay? Napa-sobra ata biro ko?
"Then, sa akin ka tumira."
Napa-"O.O" nalang ako.
"Ano?" tanong ko pa.
"Sa bahay ko.. dun ka tumira." simpleng sabi niya.
"S-sa bahay mo? B-bakit?" naguguluhang tanong ko pa.
Pero, may parte na.. sige? Hahaha
"Diba babawi ka? Tapos diba nabuburaraan ka sa akin? Edi sa akin ka tumira, turuan mo akong huwag maging burara." nakangiting sabi niya, pero parang may laman yung ngiti niya eh? kagaguhan pa ata, tsk.
"Paano naman? Para kang tanga." inis ko.
Ang galing lang niyang gumawa ng desisyon ah? Boss ba siya?
"Paano? Simple lang Chan, maglinis ka sa bahay ko. Araw-araw."
O.O 'speechless..
Itutuloy
Check!
ReplyDeleteHahaha start na chan.. ito ba yong part na maraming away2x
ReplyDeletePosteng halimaw! Ang kulit lang nang tawag ni chan! hahaha :)
ReplyDeleteCy!
sana chapter 15 na...
ReplyDeleteWhoah!!! Kinikilig parin ako .after kung basahin to.
ReplyDeleteAuthor team KOBE AT CHAN parin ako...
____tope ツツツ
Salamat pala sa pag welcome sakin.
Uy malapit na je je tagal din nmin hintay to je je nice story kua justin.......kilan ulit ung update?...........eart23
ReplyDeletetama nga ako,narecall ko ulit ung iba pa dahil sa chapter na to ayoko na lang sabihin mga magaganap para suspense rin sa mga new readers.haha
ReplyDeleteikaw ata ung cute na author na nakita ko noon sa fb Prince Justin name non.hahaha
-rave
Woah!!!! Ang ganda talaga author... TEAM KOBE AT CHAN talaga ako... hehe tnx pala sa pag banggit ng name ko author.
ReplyDelete___tope ツツツ
Matagal matagal pa ito at wala parin ako alam sa. Sa pagkamatay ni kash anu bang nangyari eh......
ReplyDeleteMatagal ko nga ito inanty kaso dyn parin si jaydon n kontrabida
Jharz
simula na ng bangayan...., parang bugoy lan hahaha..,
ReplyDelete