Followers

Saturday, May 21, 2016

Si Chan at si Kobe -chapter 07




Athr'sNote-

Hi guys :) sorry napatagal! Hahaha

BubblesC, check the rules then. Haha
GilrexL, haha tignan natin? :)
Cy, hi sa new commentator!! Enjoy lang po sa kwentong ito :)

Guys chapter 7 na us :)

Btw, may sinusulat akong isang napaka-ikling kwento. Short story na naisulat ko nang hindi sinasadya. Hahaha. Hintayin niyo :)

At heto na, ChanKobe moments <3


Happy reading.. :)



--


 
Point Of View

 - Third Person's -




 "Maglinis ng bahay mo.. araw-araw?"


Ang agad na nasabi ni Chan pagkagising niya.

Mula sa pagkakahiga ay napa-upo siya.

Pakiramdam niya'y nabangungot na ata siya, hindi kasi mawala sa isip niya ang sinabi ni Kobe.


 "Grabe ah? A-ang kapal." pag-iling-iling pa niya.


Agad niyang tinignan ang phone kung may nagtext, puro kay Jaydon galing. Hindi na niya muna ito pinansin, sa ngayon.. ang walang hiyang si Koko! ang iniisip niya.


Nang mapatingin siya sa orasan sa may phone niya ay agad siyang napabalikwas.

 "Four-thirty?" ang hindi makapaniwalang sabi niya.

 "Naka-idlip ako? P-patay." ang tarantang sabi pa niya at nagmadali na ngang dumeretso sa may banyo.

Mabilisang hilamos, toothbrush at kung anu-ano pa.

Ngayon nga pala nila pag-uusapan ni Kobe yung tungkol sa pagbawi niya. Patay, bawal daw ma-late.

Napapa-iling iling siya, kanina kasi nakahiga siya habang iniisip yung napag-usapan nila ni Kobe.. hanggang sa nakatulog na pala siya.


 "Tita!" ang medyo napalakas na sabi niya pagkalabas niya ng kwarto.

Napakunot naman ang tita niya, nguni't nginitian lang niya ito.

 "Alis po muna ako tita, medyo late ako makakauwi, don't worry tita.. si Tenten po kasama ko." deretsuhang sabi niya.

Agad na lumitaw ang kamanghaan sa mukha ng tita niya at nagbigay pa ito ng naniniguradong tingin, tumango-tango lang siya.

 "Bye tita." paalam pa niya at nagmadali na nga siyang naglakad palabas. "Tita baka 6 or 7 na po ako makakauwi, may pag-uusapan po kasi kami eh.. basta magtetext or tatawag nalang po ako.. bye tita." pagkaway pa niya at nagmadali na nga siyang lumabas.

Excited! basta hindi na siya makapaghintay na makausap ulit si Kobe.

Parang may kung ano siyang nararamdaman na kung saan natatanging si Kobe lang ang laman ng isip niya at kusang nawala ang mga iba.

Pero mukhang mapapasabak siya, ang gaspang ng pananalita nun eh.

Lagpas court pa ang bahay ni Kobe, una naglalakad siya, pabilis ng pabilis.. hanggang sa patakbo na nga siyang pumunta doon.

Nang nasa harap na siya ng bahay nito ay saglit siyang napatigil at pinagmasdan ang harap ng bahay.

Ang linis ng harap ng bahay, yung mga paso ng halaman.. nakakapanibago. Kasi dati nang napunta siya dito, nako po ang kalat pero ngayon.. nakakapanibago. Naninibago siya.

 "Iiwan kong nakabukas yung gate pati yung pinto, basta pasok kana lang."

Ang naaalala niyang sabi kanina ni Kobe.

 "Sus, lagi naman atang bukas 'tong mga to eh."

Ang nasabi niya habang papasok ng gate, dati kasi ay nakabukas lahat, walang naka-lock.. literal.

Nang nasa pinaka-pinto na siya ng bahay ay tumigil na muna siya.

 "Inihihiling ko po na sana, maging maayos ang usapan. Dahil mukhang hayop po ang makaka-usap ko ngayon."

Pagpikit pa niya, natawa nalang siya at binuksan na nga niya ang pinto.

Natameme naman siya nang makita ang loob ng bahay.

Ang ayos, ang linis ng dating.

Akala niya na yung inayos at nilinis niya dati ay madadatnan niyang magulo ulit.

Wala sa sarili naman siyang natawa nang may marinig na kumakanta.

Pumasok siya saglit at isinara ang pinto saka muling pinakinggan yung kumakanta.

Hindi niya mapigilan ang tumawa, pilit niya ring pinipigilan na makagawa ng ano mang ingay.

Basta nag-eenjoy siya sa kanyang naririnig.

Panget na tono ng boses, sintonado. Yan pala si Kobe. Hahaha

Mabuti at nasa loob ng kwarto si Kobe, kaya naman malaya siyang nakakapag-react at nakaka-tawa.

 "Bumibirit kapa ah?" ang nasabi pa niya sa kalagitnaan ng pagtawa.

Hanggang sa wala sa sarili siyang napatigil, yung pagtawa niya ay biglang nawala nang mapansing pabukas na ang pintuan ng kwarto ni Kobe.

 "K-kanina kapa dyan?"

Umaktong normal si Chan, na kunwari'y kadarating pa lamang niya.

 "Hah?" kunot ni Chan. "Nagrereklamo ka ata kung kadarating ko palang? Pasalamat ka nga pumunta pa ako eh." kunwari'y iritang tono niya.

Segway.. segway..

Nang makita niya na mukhang kumakagat si Kobe sa palusot niya, nakahinga siya ng malalim.

Dahil hindi dapat malaman ni Kobe na narinig niya ang masamang boses nito, haha

 "Wala. Oh ano pang hinihintay mo, maupo ka diyan."

Naiinis man dahil sa kagaspangan ng salita nito, naupo na lang siya.

 "Pasalamat ka.." ang naisa-isip nalang ni Chan.

Napatingin nalang siya kay Kobe, naglalakad ito papunta sa may kusina.

Nang mawala ito sa paningin niya ay saka siya muling napatingin sa kabuuan ng bahay.

Ilang sandali rin siyang naghintay-hintay, kaya naman mas matagal pa niyang napagmasdan ang loob ng bahay.

Ang linis na talaga, sobrang ayos pa.

Kung paano niya ito iniwan nung nilinis at inayos niya ito.. parang ganun na ganun ngayon.. walang pinagbago.

 "Oh eto.."

Nakuha niya pang magulat nang magsalita si Kobe, abala kasi siya sa pagtingin sa kabuuan ng bahay.

 "Ano yan?" kunwari'y walang ka-interes interes niyang sabi nang makita ang pagkaing inilapag ni Kobe sa may kaharap niyang lamesa.

*Paaaaaag... kaaaaaaaaaain!

Ang agad na reaksyon ng isip niya.

Kaya pala napatagal ito, naghanda pa ng makakain.

 "Nakakahiya naman, mukhang hingal na hingal ka sa kakatawa. Pagkain yan Chan, kaya kinakain yan.. pero sabagay.. pagbalik ko for sure ubos na yan."

Halos gusto niya itong batuhan ng unan dahil sa kagaspangan at tuloy tuloy na pagsasalita nito.

Hindi siya dapat magpatalo.

 "T-talaga lang ah? Isang tanong tapos ang dami ng sagot mo? Pero sabagay, tama ka dahil mauubos ko 'to." pagngiti niyang nakakaloko at pag-asikaso na sa nakalapag na pagkain.

 "Ikaw ba namang tumawa ng tumawa? Grabe, instant comedy pala dito.. nakakagood vibes." pagbaling niya pa kay Kobe habang subo-subo na niya yung hiniwang cake.

 "Okay."

Lalo siyang nainis dahil sa simpleng tugon ni Kobe, pasimple rin siyang inirapan nito na talaga namang ikinainis niya.

Kita niya na dere-deretso lang itong naglakad papunta sa kwarto nito.

 "Kapag tapos kana, katok ka lang." rinig niyang sabi pa nito bago nito tuluyang sinara ang pinto ng kwarto nito.

 "Pasalamat ka." ang nasabi nalang ni Chan.

Pasalamat si Kobe dahil may pagkain itong binigay sakanya, kaya hindi na niya papansinin ang kagaspanganan nito. Haha


..


 "Bitin." pagbulong ni Chan.

Wala pang limang minuto, ubos na niya kagad ang pagkain.

Bigla niya tuloy naalala si Jaydon.

Kapag yun kasi ang nagpapakain sakanya, sobrang busog na busog siya. Haha

Naalala rin niya tuloy nung naka-ilang pizza sila, unang bonding narin nila yun kung tutuusin.

 "Miss ko na yun ah? Tulog siguro, hindi nagtetext eh." nasabi na lang niya.

Sanay kasi siya na kapag ganitong oras, nakikipagkulitan yun sa text.

Pero sa bagay, nagtext na ito kanina.. ang akala niyan ni Jaydon ay tulog siya kaya hindi na ito nangulit pa.

 "Tapos kana pala."

Agad siyang napa-upo nang maayos nang marinig si Kobe, bakit ba parang lagi siyang nagugulat?

Sinundan niya lang ng tingin si Kobe, mula sa paglabas nito sa kwarto hanggang sa pagkuha ng pinagkainan niya.

 "Naglilinis ka naman pala eh." pagbulong niya nang maglakad ito papunta sa kusina habang bitbit-bitbit yung pinagkainan niya.

 "Bilis maglinis ah?" gulat na sabi niya nang makabalik ito kaagad.

Hindi sumagot si Kobe, dumeretso ito sa kwarto niya.

Pagkalabas niya ng kwarto ay nakita nalang ni Chan na may hawak hawak na itong papel.

 "Yung napagkasunduan natin, pag-usapan na natin." walang kaemo-emosyong sabi ni Kobe at pag-upo rin sa may katabing sofa.




-----


Point Of View

 - C h a n -




 "Bago natin simulan, may pagkakataon kapang umurong."

Halos napapalunok na lang ako sa inis dahil sa tono ng pananalita niya.

Yung bang parang ang dating ay kapag umurong ako ay walang magiging epekto sakanya. Kapal lang.

 "Kaya nga pumunta, diba?" simpleng sabi ko.. tonong naiinis rin.

Yung bang parang ang slow slow niya, yun ang dating na ipinarating ko sa sagot ko.

 "Osige, makinig ka."

Sabi niya habang dun lang sa papel niya na ewan lang ang tingin.

Talagang hindi man lang ako tinitignan ah? Hindi interesado? Talaga lang ah?



 "Rule number 1,

Pagkauwi ko dito sa bahay, gusto ko malinis at maayos. Walang gulo, basta lahat maayos. Gusto ko rin na nandito ka, na makikita kita sa oras ng pagpasok ko sa bahay."

T-t-tama ba yung narinig ko?

Tapos kung makapagsalita pa siya talagang may otoridad.

Kapal ah? t-teka.. hindi tama 'to, saglit..

 "Na makikita mo ako pagpasok mo ng bahay? Ibig mong sabihin ay dapat maaga lagi ako dito? Na dapat agad akong umuwi para makapaglinis ng bahay? Sobra naman ata yun?" angal ko.

Pero aba, teka, hindi talaga siya sumasagot ah? nag-isip pa ata talaga?


 "Oo. Ganun nga."


Grabe? Sa haba ng tanong ko at pag-iisip niya ay ganun lang ang sagot niya. Nakakainis naman..

 "Ang kapal talaga. Abuso na eh."

Naibulong ko na lang, no choice na kasi, tsk. Bahala na, para sa amin naman 'to.

 "May reklamo ka?" agad naman niyang sabi.

Mukhang hindi talaga nagpapatalo 'to.

Kinalma ko ang sarili, kailangan kong ilaban ang parte ko.


 "Paano naman kasi, masyado na yung.."

Nagpapaliwanag palang ako nang mapalunok ako dahil sa pagsabat niya..

 "Okay next rule, makinig ka."

 "Bastos ka na nga talaga.." ang naibulong ko na lang, nakakainis.

Pagmamasdan ko na nga lang siya. Nawawala inis ko, ang cute eh.. Haha

 "Rule number 2,

Yung mga pinagkainan, yung kusina, yung hapag, gusto ko malinis. Kasi naman diba paano ko maalis pagkaburara ko kung makikita kong magulo yun diba? Kaya yung pinagkainan mo kanina lang nilagay ko na dun, pakihugasan nalang maya-maya."


Ah talagang? O.O

Kaya pala kanina nung nilagay niya yung pinagkainan ko sa may kusina ay agad rin siyang bumalik.

Hindi niya nga hinugasan! Ang kapal lang.. akala ko panaman hinugasan na niya.

 "T-teka, bakit ako pa? Pwede namang ikaw diba? Grabe naman kung pati iyon pagagawa mo sa a.."

 "Ikaw ang gagawa."

Sa simpleng pagsagot niya at pagsabat sa akin, halos gusto ko talaga siyang patalon na sugurin, tapos pagsipa-sipain at itali!

Pasalamat talaga siya!

Itinikom ko na lang ang bibig. Wala ding kwenta kung magsasalita ako eh.

 "Rule number 3,

Gusto ko ikaw magluluto ng makakain ko, at gusto ko na sabay tayong kakain. Kaya nga ikaw maghuhugas ng pinagkainan, kasi dito ka kakain."

Napapikit nalang ako.

Ang ganda na ng rule eh, sabay daw kaming kakain :) kaso kaya pala kami sabay para magkaroon siya ng rason na sabihan akong maghugas ng pinggan (-.-)

Grabe 'to. Grabe.. pasalamat talaga siya.

 "Pwede naman kahit hindi na ako kumain dito, diba maglilinis lang naman ako tapos katapos nun uuwi na din ako." agad na sabi ko.

 "Diba sabi ko dito ka titira sa'kin? Akala ko ba babawi ka?" agad na sabi niya.

Saglit akong napatigil sa sinabi niya. Oo nga pala noh? Dito na pala ako titira sa bahay niya.

Patay, baka maubos pasensya ko kung sakali? P-pero.. makakasama ko na ulit siya? 

 "Oo na sige na, oo na babawi na." kunwari'y napipilitan kong tono.

 "Okay, next rule.."

Pinagmasdan ko nalang ulit siya, parang timang lang siya dahil hindi niya ako tinitignan, pokus lang siya sa hawak niyang papel.

Yung bangs niya, parang kPop lang talaga ang dating niya, sakto pa sa kulay niyang maliwanag.

Nakayuko siya, nakatingin sa papel.. yung ilong niya tuloy.. ang sarap tignan.

Haayyy, ano ba 'tong mga nasasabi ko -.-


 "Rule number 4,

Gusto ko na.. lagi kang nandito. Hangga't maaari, gusto ko nandito kalang sa bahay. Pakiusap."

Napatahimik at napa-isip ako sa rule number 4 niya.

Nakiusap siya?

 "Bakit?" mahinang pagtatanong ko.




-----


Point Of View

 - K o b e -



 "Bakit?"

Saglit akong napatigil nang marinig yung sinabi ni Chan.

Akala ko magrereklamo nanaman siya, pero hindi.. nagtanong siya sa mahinang tono.. ewan pero parang gumaan lalo yung pakiramdam ko dahil sa tono niya.

 "Para may makasama na ako, na matutulog na akong alam kong may kasama ako.. na may madadatnan akong naghahanda ng pagkain para sa akin pagkagising ko.. na alam kong hindi na ako nag-iisa sa loob ng bahay, na para sana.. maramdaman kong may nag-aalaga na ulit sa akin, Chan."

Ang naisa-isip ko.

Hindi ko kayang maisa-boses ang mga ito.

Kobe!! Tangna, hindi ka pwdeng umiyak!!

Hindi pwede!

Saglit kong inayos ang sarili, at..

 "Bakit ba? Gusto ko eh? Syempre kapag nandito kalang sa bahay.. mapapanatilihan mong malinis yung bahay. Tama diba?"

Sabi ko habang sa papel lang ang hawak.

Syempre 'tong papel na 'to pinaghandaan ko. Rules, sinagad ko na.. para bang itinatali ko na siya sa akin. Haha, para-paraan syempre (--,)

Hindi ko alam nagiging reaksyon niya, bumabase lang ako sa tono niya. Lihim akong natatawa kapag natutunugan ko yung naiinis niyang tono.

 "Kapal mo talaga noh? Akala ko ang ganda ng sasabihin mo, saksakan ka ng.."

 "Akala ko ba babawi ka?"

Agad na pagputol ko sa sinasabi niya, nag-angat narin ako ng tingin at yun na.. nagsalubong na ang aming paningin, nakita ko na saglit din siyang nabigla at napatigil.

Tae, kaya ayaw ko siyang tignan eh.. napapatitig lang ako sakanya.

 "Oo na, babawi na." inis niya saka siya nag-iwas ng tingin, pagkaiwas niya ay saglit akong napangiti at agad ko ring inalis.

Ang sarap lang sa pakiramdam, may makakasama na ako. Yung bang sa akin talaga titira.

Sila tita Sen, Dennis at Az kasi ay may kanya-kanyang buhay, kaya naman hindi rin nila ako masamahan dito.

 "Oras na, pakibilis. Ilang rules paba meron ka?" tanong niya, hindi parin niya magawang tumingin sa akin.

Siguro iniiwasan niya rin na magkasalubong yung paningin namin.

Tsk, hindi ko na maiwasan.. ang sarap lang niyang titigan.

 "Dalawa pa." sagot ko.

Kita ko na napatingin na siya sa akin, para bang nanlalaki yung mga mata niya.

 "D-dalawa pa? Akala ko pa naman sasabihin mo wala na, d-dalawa pa talaga? Hindi paba sapat yung mga kanina? Ang dami na kaya." sunud-sunod na reklamo niya.

Nakakatuwa dahil sa ang cute niyang tignan, mabuti na lang at magaling ako sa pagpigil sa 'pagngiti. Haha


 "Akala ko ba babawi ka?" sabi ko, at muli nag-iwas nanaman siya ng tingin.

Haha, si Chan nga talaga 'to.

Mabuti at may alas ako, haha. "Babawi".


 "Oh next rule na. Dali, oras na oh. Hinihintay pa ako sa bahay." tonong nagmamadali niya.

 "Aba?" agad na sabi ko. "Dito ka matutulog, diba nga napag-usapan na natin kanina? Dito ka titira, Chan." may diin na sabi ko.

Ayoko! Ayokong umuwi siya, naka-mind set na ako na may kasama ako ngayong gabi sa bahay.. na araw araw na akong may makakasama.

 "Napag-usapan ba natin yun? Kobs, wala akong dala na kahit anong gamit.. paano niyan?" reklamo niya ulit at pagharap ulit sa akin.

 "Madami ako dyan, magsawa ka." simpleng sabi ko, kita ko naman na napapikit siya at muling nag-iwas ng tingin.

 "Rule number 5,

Gusto ko kapag hinanap kita, agad kitang makikita. Ayokong naghahanap at naghihintay, basta gusto ko kapag kailangan kita.. nandyan ka."

Sabi ko habang nakatitig lang sakanya.

Actually, 5 rules lang ang nagawa ko eh.

Pero dahil ang cute niyang magreklamo, dinagdagan ko ng isa pa.

Hindi ko nga alam kung ano niyan ang magiging huling rule ko eh.

 "Paulit-ulit nalang Kobe eh, ulit ulit nalang mga rules mo." simangot niya at pagharap ulit sakin.

Natatawa talaga ako, buti talaga at magaling akong magpigil. Haha

Pero teka, ano kaya yung last rule ko?

Ang hirap mag-isip.. tsk

Kobe isip.. Kobe...

 "Oh ano yung last rule? Dali."

Teka.. ano bang maganda para sa last rule ko? Tsk, biglaan kasi eh.

 "Hmm.. para hindi ka naman magmukhang kawawa sa kasunduan natin.. sige sa'yo na ang last rule. Kahit ano."

Oo, para naman fair.. sakanya na yung last rule, kahit 14% fair lang. Haha

 "T-talaga? teka teka.. mag-iisip lang ako."

Palihim akong napapangiti, ang cute talaga ni Chan.

Mga ilang sandali pang namayani ang katahimikan kaya naman pinagmasdan ko lang siya.

Hanggang sa bigla siyang humarap sa akin, na tila may ideya na ito.

 "Rule number 'Chan',.."

Pagsisimula at pagngiti niya.

Rule number 'Chan' ? Haha, nice rule!

Para bang nawala tuloy yung pagpapanggap kong hindi interesado sakanya.. bakit ba kasi ganito si Chan kung makangiti?

 "Gusto ko, lahat ng lakad mo.. alam ko.

Hindi ka aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam sa akin.

Basta kumpletong impormasyon ng rason ng pag-alis mo, kung saan ka pupunta.. kung sinong mga kasama mo.. at kung anong oras ka uuwi.

Tsaka, hayaan mo akong pakialaman ang mga gamit mo. Phone, gamit o ano pa yan.

Walang magsisinungaling sa akin."


Nang matapos na siyang magsalita.. ay halatang hinihintay niya yung isasagot ko.

Saglit akong napangiti, heto na to. Eto na talaga ang hinihintay ko! Haha

Okay lang sakin yung rule niya.. ako pa ba ang tatanggi?



 "Asawa ba kita?" simpleng tanong ko, kunwari'y hindi ako pabor.

Nakita ko na halos matawa siya na naiinis, napapikit rin siya.

 "Alam mo ikaw? Kung hindi lang.." saglit naman siyang napatigil mula sa pagsasalita, nakakunot lang ako. "Ay basta pasalamat ka talaga." pag-iling iling pa niya.

Napailing narin ako.

Agad na akong tumayo.

 "Osya, napagkasunduan ay napagkasunduan.. babawi ka, sabi mo yan. Welcome sa bahay ko, feel at home nga pala.."

Sabi ko, tatalikod na sana ako nang..

 "Teka teka.."

Biglang sabi niya na para bang may naisip bigla. Napakunot lang ako.

 "Saan ako matutulog? Isa lang kwarto ng bahay ng tita mo, saan mo ako patutulugin?"

Saglit akong napaisip.. oo nga noh?

Hanggang sa napatingin na lang ako sa may sofa.. kita ko na napatingin rin siya roon.

 "Hwag mong sabihing...?"

Hindi ko na siya pinatapos..

 "Sofa, o kaya sa lapag.. kaw na bahala. Basta yung rules, hwag mong kakalimutan."

Simpleng sabi at pagputol ko sa sana'y irereklamo niya, at naglakad na nga ako papunta sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto at pagkasara ko sa pinto ay may naisip ako bigla, kaya naman muli kong binuksan yung pinto.


 "Oops by the way.. simula pala mamayang gabi, gusto kong magsimula ka na.. magluto ka yung masarap hah?" agad na sabi ko, napatingin siya sa akin.

Bahagya akong ngumiti, yung pa-insulto.


 "Gusto ko yung masarap na ulam. Kapag masarap, sige dito ka sa kwarto ko matutulog.. kapag walang lasa, diyan ka sa sofa o kaya sa lapag. Bye." pahabol ko pa at isinara ko na nga yung pinto.

Hindi ko pa man nailalayo yung sarili ko sa may pintuan nang wala sa sarili akong napatigil..

 "Kumakapal na talaga ang mukha mong payatot ka." rinig kong tonong naiinis ni Chan.

At sa natawa na nga ako.

 "Ako payatot?" sarkatismong sabi ko.

Agad naman akong humarap sa may salamin.

 "Payat? Hindi kaya.. athlete 'to noh. The curves, the muscles, the abs.." tonong pagmamalaki ko habang tinataas-taas baba ko pa yung laylayan ng damit ko.

 "Pero." saglit akong napaisip.

 "Tangna Chan, nagbabasketball na nga ako pero mas maganda parin katawan mo sa'kin kahit na upong prinsipe kana nga lang sa inyo. Pero wait.." sabi ko at bahagyang itinaas ulit yung laylayan ng damit ko.

 "The curves." ngisi ko.

Hanggang sa natawa nalang ako sa pinaggagagawa ko. Haha

Pabagsak lang akong nahiga.

Kapag dito sa kwarto ko natulog si Chan doon siya sa taas, tapos sana mahulog siya.

Napahagikgik nalang ako sa naisip.

Hanggang sa nakaramdam nalang ako ng antok. Mukhang kailangan ko ng konting tulog, para may lakas akong asarin siya mamaya. Haha




-----


Point Of View

 - C h a n -



Time check, 6:30 na pala ng gabi.

Patay nakatulog ako.. hapunan na niyan eh.

 "Araaaay..." nahihirapang sabi ko pa at napahawak nalang ako sa may baywang ko.

Walang hiyang sofa 'to.. ba't pa kasi 'to naimbento eh -.- hindi ako sanay matulog sa sofa, kahit na ang lambot-lambot pa nito.

Pero teka.. teka..

Pagkain!! Si Kobe pala nagpapaluto!!

 "Gusto ko yung masarap na ulam. Kapag masarap, sige dito ka sa kwarto ko matutulog.. kapag walang lasa, diyan ka sa sofa o kaya sa lapag."

Saglit akong napaisip nang maalala yung sinabi niya.

Napatingin rin ako sa may inuupuan ko, saka ko ulit naramdaman yung sakit sa may baywang ko.

 "Ayoko na dito, h-hindi pwede na dito niya ako patulugin mamaya.. hindi pwede!!" ang halos mapangiwing sabi ko.

Ulam ulam.. masarap na ulam.

Napa-isip ako,

Patay!!

Hindi naman ako magaling sa pagluluto eh -.-

Agad ko lang tinawagan si tita.

 "Tita." agad na sabi ko.

 "Hello Chan? Pauwi kana ba?"

 "T-tita hindi po eh, hindi po ako makakauwi." agad na sagot ko.

 "B-bakit? San ka nyan matutulog? Sigurado ka? Papatayin ako ng daddy mo!!"

Natawa naman ako, bilin na bilin talaga ako ni daddy, haha

 "Don't worry tita, nandito lang ako kay Tenten..." nakangiting sabi ko. "Ahm tita, nandyan ba si ate May?" tanong ko pa.

 "Sigurado ka ah? Hmm.. oo nandito, bakit?"

 "Tita pakisabi may pabibili ako!! sa may talipapa kung saan kayo bumibili!! Tita pakibilisan!! Yung favorite ko po tita pakisabi ah? Mga kasangkapan sa pagluluto nung favorite ko.. Text ko nalang po address, sa inyo.. salamat!! Pakibilisan!!"

Pagmamadali ko, pinatay ko na ang linya at agad na nga akong tumayo.

 "Arrgggg.." daing ko pa nang maramdaman nanaman yung sakit sa may baywang ko.

Kailangan ko magluto ng masarap!! Ayoko matulog sa sofa o sa lapag!!

P-pero..

Napatigil ako,

Kung sa kwarto ako ni Kobe matutulog edi tabi kami?

Oo nga pala, double-deck yun. Buti na lang.. Haha


Agad lang akong pumasok sa may banyo.

Pagkapasok ko ay naisip ko bigla si Kobe, ano kayang ginagawa niya? Kompyuter? Kahit ano? Tulog?

Napailing na lang ako, istorbo talaga siya sa isip ko.

Nagmumog.. at palabas na sana ako nang mapansin yung note sa may tabi ng salamin kung saan hile-hilera na yung mga gamit pangbanyo.

Malayo palang, nabasa ko na yung 4 letters sa note,.. "Chan" haha


"
Chan,

Sa iyo yung isang toothbrush dyan, color black. May sariling bimpo at twalya kana rin dyan. Tapos bahala kana kung anong gusto mong gamitin dyan, basta pinaghanda na kita ng sariling toothbrush dyan.
Maglinis karin ng banyo!!
"

Pati banyo lilinisin ko? -.-

P-pero..


Napangiti naman ako nang makita yung dalawang toothbrush na nasa may stand ng toothbrush.

White and Black.

Sakin daw yung black so sakanya yung white.

Haha, ang cute tignan kasi parang tanga lang yung nararamdaman ko.

 "Toothbrush naming dalawa." nasabi ko pa.

Totoo'y kinikilig akong lumabas ng banyo.

Agad namang nawala yung mga ngiti ko sa labi nang makasalubong siya.

Napalunok pa ako.

Nakashort lang siya tapos may nakapatong na twalya sa may kaliwang balikat niya.

Nakakunot lang siyang nakatingin sakin.

 "Bakit?" pilit na pag-aayos ko sa boses ko.

Nagulat kasi ako. Ang tangkad kasi eh.

 "Ba't wala pang pagkain? Wala pang sinaing, nagugutom nako. Oras na oh." iritang sabi niya at pagturo pa sa may orasan sa may wall.

6:43 na pala. Patay nga.

 "Maliligo lang ako. Gusto ko katapos ko may makakain na." pagpungay pa ng mga mata niya saka na niya ako nilampasan.

Ang sarap lang batukan nito, Koko. Manok!! Kokkokokokokkkkk!!

Tinawagan ko naman si ate May, ay mabuti naman at nakabili na siya.

Agad kong sinend yung address.

Agad narin akong nagtungo sa kusina, nagsaing tapos inihanda yung mga gagamitin ko sa pagluluto.

Syempre! Paborito ko yung ulam na iluluto ko kaya naman magugustuhan niya panigurado.

Pasalamat talaga siya at ipapatikim ko sakanya yung paborito ko, at luto ko pa!



..


Mga ilang sandali lang ay narinig ko nang may tumatawag.

 "Sa wakas.." nasabi ko.

Agad na akong naglakad palabas.


......



 "A-aray! Araaay.."

Napapailing nalang ako.

Parang sumasayaw lang ang dating ko. Yung mantika!! Tumatalsik!!

Pero bahala na, nagmamadali ako. May naghihintay.. uulitin ko.. may naghihintay!! Manok! Si Koko!!

At base sa ekspresyon at sinabi niya kanina, mukhang naiinis na siya.

N-natataranta talaga ko, babawi ako eh! Kailangan kong bumawi!

 "Late na oh wala pang pagkain, dapat talaga sa sofa na kita patutulugin ngayong gabi. Kaya kapag hindi talaga masarap ang kung anu mang ihahain mo.. sa lapag ang bagsak mo."

Napalunok ako nang maalala yung sinabi niya kanina katapos niyang maligo.

Buti na lang marunong ako magsaing -.- pero simple lang ang mga kaya kong iluto eh.. mga prito, mga noodles tapos ito.. itong paborito kong pagkain, sana magustuhan niya.

At.. patay O.O .. paano na? Anong iluluto ko pagkatapos nito? Hindi naman talaga ako magaling sa pagluluto (-.-)

Bahala si Kobe kapag dumating yung araw na puro tutong o dulok-dulok nalang ang makain namin dito.


...


 "Kutsara tinidor.. ah oo yun ang kulang.."

Hindi mapakaling sabi ko, agad lang akong pumunta kung saan nakalagay ang mga ito.. at sa napatigil na lang ako.

 "Oo nga pala..." nanghihinang sabi ko.

Sa sobrang taranta ko ay nakalimutan ko na hindi na pala namin kakailangan iyon sa pagkain.

Pagod na nga talaga ako -.-

Si Kobe kasi eh!! Natataranta ako eh, lagpas 7:30 na ng gabi. Oras na!!

Kumuha nalang ako ng isang kutsara at mabilisan itong inilagay sa may lamesa..


Pinagmasdan ko yung hapagkainan, kumpleto.. maayos, kaya naman agad na akong pumunta sa may kwarto ni Kobe.

Pakatok na sana ako nang mapatigil ako.

 "First time ko 'to.. first time kong ginawa at maranasan yung ganito.. kaya kapag si Kobe hindi talaga bumigay kalaunan, tignan niya lang ang sweet revenge ko." pabulong kong sabi habang nakasimangot.. natawa pa ako, haha

Bago ako kumatok, naglagay muna ako ng isang makintab na ngiti.

Yung bang pagnakita niya ay magrereflect kagad.. yung bang mapapangiti rin siya..

*TOK! TOK! TOK!*

Nagulat naman ako nang bumukas kagad yung pinto, nawala tuloy yung ngiti ko.. Kobe talaga!!

 "Bakit? May pagkain na? Kanina pa ako gutom." medyo inis na sabi niya, bahagya rin siyang nakasimangot.

 "Oo. Ikaw na ngang pinagluto ikaw pang gaganyan, labas na.. kakain na po mahal na hari." simangot ko at agad ko na nga siyang tinalikuran.

Napadaan ako sa may sofa at kinuha yung twalya ko, yung niready niya para sa akin.

Agad ko lang 'tong pinunas sa mukha ko at sa may batok at leeg ko.

First time!! Hindi ko aakalain na mangyayari 'to!! Pasalamat talaga 'tong manok na 'to. Koko!!

Pagka-upo ko.. napa "whoo.." ako, yung tonong nang-iinsulto.

Napagod ako dun ah. Rush yun, minadali ko lahat-lahat.

Napatingin nalang ako kay Kobe nang mapansing hindi papala siya nauupo.

Napakunot naman ako nang makita yung ekspresyon niya.

 "Y-yan talaga ulam?"

Parang nainis naman ako sa sinabi niya kaya naman tumayo ako.

 "Hoy Kobe, mag-iinarte kapa? ikaw na nga pinagluto ko eh." inis na sabi ko. "Tsaka, favorite ko yan.. subukan mong hindi kainin yan, ang arte mo na noh? Burara ka naman." malakas na sabi ko pa.

Saglit akong napatigil, oops.. napasobra ata mga sinabi ko?

Lalo akong nahiya nang hindi siya sumagot at naupo lang.

Kita ko naman na sumandok na siya.

Nahihiya man ay naupo narin ako.

 "Masarap yan, ginisang kamatis at galunggong. Favorite ko yan. Kaya kain lang." malumanay na sabi ko.

Wala ng imikan, kumakain lang kami. Sa tingin ko nagugustuhan naman niya.

Mga ilang sandali lang ay natapos na ako, paano ba naman.. napagod ako, pati nataranta tapos rush kaya ang nangyari. Kaya ayan, tapos kagad, mabuti nalang at nabusog ako.

Matapos kong maghugas ng kamay ay dinaanan ko siya.

 "Pakabusog po mahal na manok.. ay hari pala. Paki-iwanan na lang dyan.. AKO na ang bahala dyan mamaya." tonong nang-iinis ko at dumeretso na nga ako sa sala.

Agad akong nagtext kila tita, nagpadala ako ng mga masusuot, mga gamit.. pati narin uniporme ko sa school. Nagpadala narin ako ng napaka-kapal na comforter para kung sakaling sa lapag o sa sofa ulit ako matutulog, ready haha

Mga ilang minuto..
Pagkalingon ko sa bandang hapag ay wala na si Kobe.

Napakunot pa ako at sinilip siya sa may hugasan, wala talaga.

Nang makalapit ako ay may napansin kagad akong note.

"
Chan,

Paborito mo pala yung ginisang kamatis tapos galunggong, kakaiba ah?
Osya, hindi masarap! Kaya matulog ka dyan, kaw na bahala.. sa lapag o sa sofa.

Yung pinagkainan!! Ikaw na bahala! Maglinis ka.
"

Hanggang sa napanggigilan ko nalang yung note!

W-walang hiya! Pinagpaguran ko yan, pinagpawisan pa nga ako eh!


 "Hindi pala masarap ah? Hm.. makikita natin bukas."

Napangisi nalang ako sa naisip. Gaganti ako bukas.

P-pero.. patay sa sofa nanaman ako? ARRRRGGGHHHHHH!!!!




------


Point Of View

 - K o b e -



Alas-diyes na ng gabi! Tulog naba siya?

Hinihintay kong magreklamo si Chan eh, kasi sa totoo lang.. masarap yung niluto niya.

Kaya ko lang naman sinabi na hindi masarap para magkaroon ng rason na makapag-usap kami eh, kasi syempre kapag nagreklamo siya.. ayun, edi bangayan kami.. haha

Pero naiinis na talaga ako, bakit ba hindi siya nagreklamo? Kanina ko pa siya hinihintay na kumatok eh.

Pero sa totoo lang, nahiya talaga ako kanina.. nakita ko na napagod kasi siya eh, pinagpapawisan pa nga.

T-teka.. baka umuwi na siya?

Agad lang akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Huwag naman sana..

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko ay wala sa sarili akong napatigil.

Ang dilim, nakapatay na ang ilaw.

Ewan pero parang ang sakit bigla, iniwan niya ako?
Napa-upo na lang ako sa naisip -.-


Tangna kasi!! Bakit ba kasi ako nag-iinarte eh?

Hanggang sa muli akong napatigil..

T-tama ba yung naririnig ko? T-tunong ng electric fan yun ah?!

S-si Chan!! Oo si Chan!

Napangiti nalang ako habang papatayo.. para bang nabuhayan ako.

Agad akong pumunta sa may sofa.

Nakuha ko pang matawa, yung tawang kasabay ng pagbuga ng hangin.. dahil sa tuwa.

 "Akala ko iniwan mo na ako." ang mahinang nasabi ko saka naupo sa sahig.

Nakahinga pa ako ng maluwag.

Nakahiga siya sa sofa, patagilid at ngayon ay magkaharap lang ang mukha namin.

 "Namiss kita.. ngayon nandito kana, sana hwag mo akong iiwan ah?" magaan na sabi ko pa habang pinagmamasdan lang siya.

 "P-pasensya kana kung napagod ka ah? Ewan, ba't naman kasi pumayag ka sa naisip ko.. pero bahala na, basta magkasama tayo." pagngiti ko pa.

Ilang minuto ko pa siyang pinagmasdan.. ewan pero nakangiti lang ako.

 "Alam mo ba, simula nung nilinis at inayos mo yung bahay.. ako na mismo.. ipinagpatuloy ko." tonong pagmamalaki ko. "Araw-araw, nag-aayos at naglilinis ako.. kahit na hindi nagagalaw o walang dumi.. sige parin ako." dagdag ko pa.

Nilalaro-laro ko lang yung daliri niya na malapit sa mukha niya, ang sarap talaga sa pakiramdam.

 "Sa akin kana ha?" pakiki-usap ko.

Hanggang sa tumayo na ako at dumeretso sa kwarto ko.

Kumuha lang ako ng makapal na pang-sapin, unan at kumot.

Dun ako sa lapag, ayoko na sa unang gabi naming magkasama ay ako ay nasa kama tapos siya sa sofa lang? Ayoko.

Gusto ko sana siyang buhatin at ihiga sa higaan ko.. kaso hwag, baka magalit siya. Kasi talagang tatabihan ko siya at gagawing unan kung sakali, haha

Habang inilalantang ko yung hihigaan ko ay palingon-lingon lang ako sakanya na mahimbing parin ang tulog, napapangiti talaga ako.

Nang maayos na ang lahat ay nahiga na ako, patagilid paharap sakanya. Nasa may taas man siya, sapat parin ito mula sa pwesto ko para makita at mapagmasdan ko siya.

 "Good night, Chan." mahinang pagbulong ko pa.




-----


Point Of View

 - C h a n -



Nang mapamulat ako ay maliwanag na yung nakikita ko.

 "Umaga na." ang naisaisip ko at napangiti nalang ako.

 "Goooooood morning....." sabi ko habang ini-stretch stretch ko pa yung mga binti ko.

Sunod ay yung buong katawan ko na kasama yung dalawang kamay ko, napahikab pa ako. Sarap talagang mag-unat kapag bagong gising.

Hanggang sa..

 "AAAAAHHHHHHHH!!!!"


Napatigil nalang ako..


N-nahulog ako?


Aww!!! Wala nga pala ako sa higaan ko!! Nasa sofa nga pala ako!!

T-teka.. may sumigaw?

Napatingin na lang ako sa nabagsakan ko.

Ngiwi yung ekspresyon nito na halatang may iniinda.

 "Kobe?"

Hanggang sa napalunok nalang ako. Nang mapansing nakapatong pala ako sakanya.

Isama pa na konti nalang at magdidikit na ang aming mukha.

Nakuha ko pang pagmasdan ang mukha ni Kobe, ang ekspresyon nito na halatang namimilipit.

Ang magkabilang kamay niya na nakakapit sa may baywang ko.

 "Chan naman eh.. a-a-aaaarrraaaaaay... Chan.. yung, y-yung ano ko.."







Itutuloy

11 comments:

  1. Pakibilisan ang next chapter pleaseeeee.... 😍😍😍

    -Anatiara

    ReplyDelete
  2. nxt chapter po pls nakakatuwa mga story no lalo na to

    ReplyDelete
  3. As always, maganda pa rin.... can't wait sa next chapter.



    __tope 😁ツツ

    ReplyDelete
  4. sobrang nka2tuwa tlga ang dlwang toh..,next chapter n poh plz

    ReplyDelete
  5. Please ud na. Bitin masyado.

    ReplyDelete
  6. Update na pls.....juss

    ReplyDelete
  7. nxt chapter napo plsss :'(

    -francis

    ReplyDelete
  8. Ganda ng kwento,mi pnagkkaablahan nnmn aq.Pambawas stress sa trbho,pero pkibilisan ang update.shukran

    ReplyDelete
  9. next chapter n po plssssssssss

    ReplyDelete
  10. tagal ng update miss kona ung mga story, gabi gabi ako nagchecheck kung my update :(

    -francis

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails