Athr'sNote-
(
Vienne, grabe nandyan ka papala, hindi ko expect comment mo :) Salamat Vienne!
LarryM, salamat sa comment mo :) Oo may finale na 'to, abangan!
GilrexL, grabe hindi ko din expect comment mo. Ang tagal ko na kayong hindi nakaka-usap through author'snote ko. Salamat at binasa niyo parin ang story na ito :)
Jess, salamat :) gagandahan ko pa yung story, abangan :)
BubblesC, salamat po :) hindi ko po bibiguin ang mga sinabi niyo :)
And sa mga Anonymous, salamat :) pati dun sa mga medyo nainis, salamat kasi mas na-motivate ako na magsulat at tapusin ito.
Sa mga nagko-komento, mag-iwan kayo ng pen name niyo :) para naman ma-address ko kayo kapag pasasalamatan ko kayo :)
Salamat sa mga nag-koment sa first two chapters :)
At heto at eto na nga ang Chapter 3..
Happy reading.. :)
--
Point Of View
- C h r i s t i a n -
"Christian ang lakas ng ulan.. san kaba pumunta? Sabi ko naman kasi tulungan na kita eh.."
Agad na pambungad ni Jaydon nang sagutin ko ang tawag niya.
"Ahm Jaydon.. mukhang hindi na ako makakapasok niyan, tinawag kasi ako sa bahay eh.. importante lang."
Pagsisinungaling ko. Natutuwa ako dahil nag-aalala siya, dahil sa itinuturing niya talaga ako bilang kaibigan.
"Sigurado ka? Hm.. ge ingat ah? Malakas yung ulan.."
"Ge ge salamat.. text na lang kita mamaya.. pero saglit lang.. idol ko talaga yung bag mo, spongebob." natatawang sabi ko pa.
"Ewan ko sa'yo. Hindi ko na nga gagamitin eh, mula pagpasok kanina.. inasar-asar mo na ako. Sige na, alis na! Babye!!"
At sa binaba na nga niya ang tawag, natawa naman ako. Mas pikon siya sakin, pramis.
"Kuya malayo pa po ba?" ang naitanong ko na lang sa tricycle driver.
Medyo malakas yung pagtatanong ko, ang lakas kasi ng ulan.. nababasa na nga ako kahit nasa tricycle ako eh.
"Malapit na lang.." medyo malakas rin na sabi ni manong.
Hindi na talaga ako mapakali.
Iba si Kobe kapag nagkakasakit, kapag nilalagnat.
Nakakainis yung sila Az at Dennis.. hindi ba nila alam kung paano lagnatin yung Kobe na yun?
Bakit ba kasi hindi ko pa siya nilapitan nung unang araw na nakita ko siyang nagbabasketball.. edi sana ngayong nagkasakit siya ay inaalagaan kona siya.. na magkasama kami.
Nang sa wakas at tumigil ang tricycle ay agad narin akong nagbayad at bumaba.
Tama naman yung sinabing kulay ng gate, pati address.. kaya agad na akong pumasok.
Paniguradong nahihirapan niyan yung kaibigan ko, si Kobe. Tapos mag-isa lang siya?
Advantage man na agad akong nakapasok.. nakakainis dahil hindi naglalock etong si Kobe.
"Kobe..?" patanong na pagtawag ko nang tuluyan na akong makapasok.
Wala siya, sa kabila.. sa kanan, walang Kobe.
Nang mapunta ang tingin ko sa isang pintuan, sa kwarto.. ay patakbo ko na itong pinuntahan.
"Kobe?"
Ang agad na sabi ko pagkabukas ko. P-pero wala, wala talaga siya.
At sa nilibot ko ang buong bahay, pero wala siya.. nasaan siya?
M-may sakit yun eh.. nahihirapan yun panigurado.
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
Pagkauwi ng bahay ni Chan mula sa lakad nila ng kanyang kuya ay agad siyang nagkulong sa kwarto.. kwarto ni Tenten at Kash, eto na kasi ang kwartong ginagamit niya.. siya ang may gusto nito.
Agad niyang tinignan ang sulat na kanina niya pa gustong basahin.
"
...
Chan? Si kuya Kash mo 'to :) ..
..
Kamusta kana?
..
Diba sabi mo bestfriend kayo ni Tenten? :)
..
May gusto sana akong sabihin at ipakiusap..
..
"
Halos dalawang minuto na siyang nagbabasa nang makita na lang niya ang sarili na umiiyak.. ang hirap pala talaga ng ganito, ang pagkonsidera sa mga bagay na siya talagang mahirap tanggapin.
.....
"
Alam mo naman si Tenten kung paano magkasakit diba? Nung nilalagnat siya.. diba sobra kang nag-alala?.....
"
.....
end
)
-----
Point Of View
- Third Person's -
"Kobe..!!!"
Isang napakalakas na pagsigaw ang ginawa ni Christian.
Isa, dalawa.. at higit pang beses.
Ngayon ay hindi niya na alam kung nasaan siya.
Isa lang naman ang gusto niya eh.. ang makita si Kobe.
Sobra na siyang nag-aalala, lalo pa't wala si Kobe sa bahay nito.
"Kobe, magagalit si kuya Kash niyan sakin eh.."
Ang umiiyak nang sabi ni Christian.
Umiiyak, naghahanap.. sa kalagitnaan ng isang napakalakas na pagbuhos ng ulan.
..
"
Si Tenten kasi kapag nilalagnat, nanginginig.. namumula, nanghihina.. pwede ba na alagaan mo siya sa tuwing lalagnatin o magkakasakit siya?
Pwede naman kitang maasahan diba? Ikaw lang kasi ang sa tingin kong mabibilinan ko para sa kapatid ko.
"
..
"Kuya Kash.. wala po si Tenten eh.." pagbulong ni Chan.
Patuloy lang sa paghahanap si Christian, sa may park.. sa mga bench.. sa mga puno.. hanggang sa napunta siya sa napakalawak na tanawin, sa may dagat.. seaside, kung saan sila nagkita ni Jaydon nung minsan.
"Tenten!!.."
Ang pagsigaw pa niya.
...
"
Alam mo alagang-alaga sa akin yan.. kapag nagkakasakit siya, ako lagi ang nag-aasikaso sakanya.
Kaso ngayon Chan, wala na eh.. hindi ko na magagawa yun.. pwede mo naman sigurong gawin iyon para sa akin diba?
"
...
Mula sa pagkakaupo ni Christian, nagsimula ulit siyang maghanap.. kung saan-saan na ito pumunta.. nagsitakbo, habang sumisigaw at pilit na hinahanap si Kobe... sa gitna ng napakalakas na ulan.
"Kuya Kash... w-wala po talaga eh.. napano na po kayo siya?"
Tonong pagsuko na ni Christian.
Hanggang sa napagdesisyunan na lang niyang bumalik sa bahay ni Kobe, nagbabakasakaling umuwi na ito.. o ayos na ito.
-----
Point Of View
- Third Person's -
"Huh? Umuulan, tsaka nasa school kami."
Inis na sabi ni Az habang kausap sa kabilang linya si Kobe.
"Puntahan niyo. Hanapin niyo. Yun na nga eh, umuulan.. baka magkasakit yun.. puntahan niyo, nasa ospital ako eh. Kung kaya ko lang ako na pupunta sakanya kahit na malakas pa ang ulan."
Agad na sagot naman ni Kobe, nalaman niya kasi na hinanap pala siya ni Christian, lalo pa't nalaman niya rin na nag-iba raw ang tono nito nang malamang nilalagnat siya.
"Okay." pagpayag na ng dalawa.
Sa kalagitnaan ng pagkaklase ni mam Ordesa, dali-dali silang lumapit sa harap at kinausap ito.
Dahil sa isa ito sa nanay-nanayan nila sa sports club.. agad na silang napagbigyan.
.....
"Sino ba kasi yun? Ba't naman nagkainteres si Kobe dun? Milagro ah?"
Sabi ni Dennis habang papunta na sila sa bahay ni Kobe sakay ng trike.
Nabasa narin sila dahil sa ulan, hindi rin sila makatanggi kay Kobe.. yari sila dito kapag hindi nila ito sinunod.
"Ay ewan, ewan talaga.. istorbo yung transferee na yun ah? Sa liit niyang yun? Napansin siya ni Kobe?"
Pag-iling pa ni Az.
"Tae, basa na tuloy yung sapatos ko.." inis pa ni Az.
"Wow.. bagong bili kasi eh noh?" tonong pang-iinsulto naman ni Dennis.
"Syempre, kapag single walang gastos kundi ang sarili.." pagngiti-ngiting sagot pa ni Az.
"No comment." pawalang ganang tono ni Dennis.
Ang pera kasi ni Dennis ay sakanyang girlfriend lagi ang bagsak. Gastos dito, gastos doon. Natamaan siya sa sinabi ni Az.
....
"Christian?"
Sabay na sabi ng dalawa dala ng gulat.
Kita nila ito na naka-upo sa may silong ng bahay ni Kobe, nakapikit.. tulog.
"Oh Kobe.."
Agad na sabi ni Az nang sagutin ni Kobe ang tawag niya.
"Ano nakita niyo? Nasan naba kayo? Ano na?"
Sunud-sunod na tanong ni Kobe.
"Ano eh.. oo, n-nandito sa harap ng bahay mo.. parang tulog eh." alanganing sagot naman ni Az.
"Hah? Tulog? N-napano? Tignan niyo kaya.." balik kagad ng isa.
"Basa siya eh, tapos mukhang tulog nga."
"Basa? Basang-basa ba?"
"Oo nga. Mula ulo pababa.."
"O-osige, pupunta nako.. saglit, saglit.."
Tarantang sabi ni Kobe at nagmadali na nga ito.
"H-hah? May sakit ka Kobe.. d-diba nasa ospital ka? Kami nalang bahala dito.."
"Kaya ko na, basta pakipasok siya sa bahay, sa kwarto ko.. in 5 minutes nandyan nako.." tonong pagmamadali ni Kobe at binaba na nga ang tawag.
....
"Tita Sen, tara sa bahay.. emergency."
Pagmamadali niya sa tita niya.
Eto ang nagdala sakanya dito sa ospital.
Ang tita niya, sa totoo lang ay mas matanda lang ito ng apat na taon sakanya pero tita niya ito dahil sa tanda ng dugo. Pero magpinsan naman ang turingan nila, kulitan at kwentuhan na parang magpinsan lang.
"Hoy Kobe, sisipain kita, hindi mo ba nakikita sarili mo? Nanghihina kapa oh, tignan mo yang mukha mo.. bagsak kapa oh." agad na kontra ng tita Sen niya.
"Tita kaya ko, tita please? emergency.."
"Aba Kobe, yayariin ako ng tatay mo.. umayos ka nga." pagtayo na ng tita niya. "Emergency? Mas mahalaga ba yun? A-ano ba yun? Mahiga ka ulit, kaila.."
"Si Chan."
Wala sa sarili namang napatigil ang tita Sen niya mula sa pagsasalita at napatunganga lang sakanya.
"S-siya? S-si Chan?" hindi makapaniwalang tanong pa nito.
"Oo nga. Tara na.." pagmamadali ni Kobe at nag-ayos na nga sila.
.....
"Tita ako na. Ako ang sisipa sa'yo tignan mo lang.."
Agad na sabi ni Kobe nang makita niya ang tita niya na huhubarin na sana ang suot ni Chan.
"Yung abs niya, curious lang ako." sabi kagad ng tita niya, napailing nalang si Kobe.
"Grabe, siya talaga yung nasa picture? Ay grabe talaga.." manghang-manghang sabi pa ng tita niya habang pinagmamasdan nito ang mukha ni Christian.
"Tita lumayo ka, bawal mong hawakan yan.. sisipain talaga kita." tonong pagbabanta pa ni Kobe.
Abala si Kobe sa pagpili mula sa mga damit niya para ipang-suot kay Christian.
Pupunasan niya ito, pagkatapos ay papalitan ng damit.
"Arte. P-pero, paano? Kailan pa? Balik naba kayo sa dati?" sabi ng tita niya at pag-upo nalang sa upuan malapit sa katabing sofa bed na hinihigaan ni Christian.
"Hindi pa." simpleng sabi ni Kobe.
"So ganun parin pala sitwasyon niyo.. umabot na ako ng dalawang taon sa probinsya ganun parin." tonong nanghihinayang ng tita niya. "Pero grabe ah.. mas gwapo sa'yo 'tong batang 'to. Kung ikaw mukhang tisoy dahil sa kulay at tangos ng ilong mo.. eto naman natural, in born kumbaga." mangha pa nito.
Napatahimik lang si Kobe. Totoo nga naman ang sinabi ng tita Sen niya, ganun parin sila ni Christian hanggang ngayon.. walang pansinan, koneksyon.
"Tita lumabas kana muna. Ako na ang bahala dito, labas.. shooo.." sabi na lang niya at pagtulak pa sa tita niya palabas.
"Tsktsk, kapag pasikretong obsessed nga naman.." tonong pamumusit pa ng tita niya bago ito tuluyang nakalabas, napangiti naman si Kobe sa inasta ng tita niya.
Nang sa wakas at silang dalawa na lang ni Christian ang nasa loob ay saglit niya itong pinagmasdan.
Ganun parin. Napakaamong mukha, magandang-tindig, kahit na ang paraan ng paglalakad nito'y tila 'pasakang' ang dating, yung bang rumarampa lang sa isang fashion show. Astig, ika nga.
Maya-maya'y inasikaso na nga niya ito,.. pinunasan, pinalitan ng damit at nang matapos ay binuhat niya ito at inihiga sa kanyang kama.
"Grabe 'to, akala ko ako na ang perpektong abs.. mas ka papala." ang naisaisip niya.
Kailangan niyang magmadali habang tulog pa ito, hindi pwedeng makita siya nito.. na siya ang nag-asikaso rito.
Nang maiayos na niya ang lahat ay nagsimula na siyang maglakad palabas.
Hanggang sa nahawakan na niya ang bukasan ng pinto, lalabas na sana siya nang..
Nang siya'y mapapikit.
Hindi niya talaga matiis..
Dahan-dahan siyang humarap sa Christian na ngayon'y nasa kanyang higaan at mahimbing na natutulog.
Saglit niya itong pinagmasdan..
Ilang minutong namayani ang katahimikan, ang pagtitig lang niya sa mukha ni Christian ang tanging nangyayari.
At sa..
"Miss na miss na kita, Chan.."
Pagbigay na ng pilit na ngiti ni Kobe, at mabilis na pagpunas sa kanyang namuong luha.
Muli, katahimikan..
"I-ikaw paba yan? Yung itinuturing kong pinakamahalagang kaibigan sa buhay ko.. i-ikaw paba yan?.. Chan."
At hindi na nga niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha, tahimik siyang umiiyak.
"Chan.. a-ako kasi.. ako parin 'to eh. Si Tenten, y-yung Bumblebee mo.. yung laging nanggigising sa'yo kapag tinutulugan mo na ako.. y-yung nag-iisang feeling tisoy sa malaking bahay natin dati, diba lagi nila tayong pinagkukumpara tapos lagi kong sinasabi na mas tisoy ako sa'yo?.. Chan diba lagi kitang inaaway kapag hindi mo pinapahiram sakin mga laruan mo?.. Chan d-diba, sabi ko bestfriend tayo habang-buhay, Ch-Chan, ako parin 'to.. si Tenten.."
Katahimikan..
Dahan-dahan siyang lumapit dito, marahan niyang inilibot ang gilid ng daliri sa pisngi ni Chan.
"I-ikaw paba yan? Ako kasi.. ako parin 'to eh. Yung Tenten na kilala mo." mahinang sabi pa niya.
Ilang saglit pang nag-iiyak si Kobe bago niya tuluyang iniwang mag-isa si Christian sa loob ng kwarto niya.
-----
Point Of View
- C h r i s t i a n -
After an hour..
"Hmm.."
Naisatunog ko habang nag-uunat-unat pa.
Pagmulat ko ng mata'y napatingin lang ako sa kung saan.
Ang sarap naman sa katawan ng hinihigaan ko, ang lambot pa ng yakap-yakap kong unan.
Nakuha ko pang mapangiti, ang sarap ng tulog ko.
Hanggang sa ilang saglit akong napatigil.. bakit parang iba yung mga nakikita kong gamit? H-hindi ganito yung ayos ko ng kwarto ko sa bahay ni tita ah?..
Inilibot ko pa ang aking tingin, t-teka? Iba nga ah?
At sa napabalikwas na lang ako.
Saglit akong pumikit at inisip kung anong nangyari kanina..
Oo!! Hinahanap ko pala si Kobe, n-nakatulog ako, k-kailangan ko siyang hanapin.. nilalagnat yun.
Mabilisan akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto.. nang bubuksan ko na sana ang pinto ay tsaka ako napatigil.
Kwarto 'to ni Kobe ah?
Diba hinanap ko siya? At napunta rin ako dito?
Binuksan ko kagad ang pinto at nang makita ang labas ay nakumpirma ko.
Oo nga pala at bumalik ako dito kanina, sa labas.
P-pero paano?
Basang-basa ako kanina ah?
Agad kong tinignan yung suot ko.
Iba na ang suot ko?
Pasimple kong tinignan yung suot kong underwear..
"Grabe? A-anong nangyare?"
Ang nasabi ko, iba na suot ko.. lahat-lahat.
Hanggang sa napunta yung tingin ko sa mismong pintuan.. may papel.
"
Christian,
Kami pala ang nag-asikaso sayo, si Az at Dennis.. mga kaibigan ni Kobe. Kamusta ang tulog? Kamusta ang higaan ng kaibigan namin? Masarap bang tulugan? :)
Yung damit mo, kami na bahala.. ibibigay nalang namin bukas. Nga pala, hwag kanang mag-alala.. ayos na si Kobe, wala na siyang lagnat. Pwede kanang umuwi.
"
Sa totoo lang, nakahinga ako ng malalim.. relieved.
Ayos na si Kobe, magaling na siya.. salamat naman kung ganun.
Pero nakakainis siya, hindi ko man lang siya nakita. Tsaka, talagang hinanap ko siya kanina dahil kapag ganitong may sakit siya. Hindi siya pwedeng mapag-isa.
Bilin ni kuya Kash mula sa sulat.. at bilin rin ni kuya ko bago ako pumunta dito sa Manila, na yun nga.. ang nangyayari kay Kobe kapag nilalagnat siya.. na alagaan ko siya.
Aalis na sana ako nang maalala ko bigla na nasa bahay nga pala ako ni Kobe.
Mukhang walang tao.. iniwanan lang kasi ako ng sulat eh.
Kaya naman, naisipan ko nang libutin ang bahay.
"Mamaya kana." nakangiting sabi ko at pagturo pa sa kwarto ni Kobe.
...
"Grabe.."
Napapangiwi kong sabi habang inililibot ko ang buong bahay.
Ang gulo! Napakagulo! Parang hindi tao ang nakatira dito.
"Hayop ata si Kobe eh?" ang nasabi ko pa.
Napangiti naman ako dahil sa nakitang pagkain. May sulat..
"
Ang pagkain, kinakain.
Ubusin mo yan.
"
Natawa naman ako. Hayop nga ang nakatira dito. Haha
Kumain na muna ako saglit.
At sunod ko namang nilibot ay yung kwarto niya.
May simpleng double-deck. Kanina sa may baba ako nakahiga, mabango yung higaan niya.
Tapos yun lang, yun lang ang maayos.
Ang iba ay.. mukhang pinasok ng gyera. Parang sinugod ng mga terorista, nanggaling ata 'to sa world war eh?
Tsk.. napailing nalang ako. Hayop nga ang nakatira. Matangkad na hayop?
Hanggang sa naisip ko na maglinis.
Para naman pagkauwi nung isa, maayos yung bahay niya. Nakakahiya naman, pinatulog ako dito ng mga kaibigan niya eh.
Inuna ko yung sa may labas, yung sala.. kusina.. hapag..
Matapos ang halos isang oras..
"Grabe, mukha naman palang bahay 'to kapag nalilinis."
Ang nasabi ko nang makita ang aking gawa, yung pagkakalinis ko sa bahay.
"Sa bahay hindi ko 'to ginagawa.. pasalamat talaga yang payatot na yan, pinagod-pagod niya pa ako.. ang kapal ng mukha."
Ang nasabi ko pa, tsaka ko lang pinunasan yung nag-uumapaw kong pawis.
Hunk nanaman ang dating ko, tsktsk.. Haha
"Last."
Sabi ko at pagharap na sa kwarto ni Kokokoko, ni Kobe. Haha
Huling lilinisin ko, ang kwartong sabay na dinaanan ng bagyo at gera.
"Grabe. Tao ba talaga nakatira dito?" ang nasabi ko ulit.
Bawat linis, bawat ayos.. hindi pwedeng hindi ako nagkakaroon ng komento.
Ang kalat kasi. Ang gulo talaga ng kwarto ni Kobe.
Hinuli ko na yung higaan. Syempre, doon ako natulog kaya dapat maayos ko yung iiwanan.
"Hmmmmm...."
Pag-amoy amoy ko pa sa kumot at mga unan.
Ang bango. Parang eto nga lang ata ang maayos dito.
Matapos doon ay inakyat ko na yung maliit na hagdan, double deck eh.
Agad akong napangiti nang makita ang bagay na hindi ko inaasahang makikita ko pa.
"Optimus Prime?"
Ang hindi makapaniwalang sabi ko, tuwang-tuwa talaga ako.. ang sarap sa pakiramdam dahil katulad ko ay itinabi at inalagaan rin pala ni Kobe yung action figure.
"Sabi na eh.. kaw parin yan, Tenten." tonong pagmamalaki ko.
Hindi ko ito ginalaw, pinagmasdan ko na lang.
"Hi." nakangiting pagbati ko pa kay Optimus Prime.
Inalagaan pala siya ni Kobe, ang sarap sa pakiramdam.
Maya-maya'y ipinagpatuloy ko na ang paglilinis.
Ilang saglit pa at natapos narin ako sa paglilinis.
Nag-iwan ako ng note.. ipinatong ko ito sa higaan ni Kobe, sa mismong unan na ginamit ko.
At sa umuwi na nga ako.
.....
"Not bad.."
Ang nakangiting naibulong ko nang naglalakad na ako sa street namin, pauwi.
Masaya ang araw na ito, hindi man kami nagkausap.. atlis, nakita at nalaman ko na nasa kanya papala yung Optimus Prime ko.
-----
Point Of View
- K o b e -
"Kobe nakaalis na siya."
Agad na sabi ni tita Sen nang sagutin ko ang tawag niya. Halos isang kanto lang kasi ang layo ng bahay nila tita Sen sa bahay ko eh.
"Ganun ba? Sige, uwi na niyan ako mamaya diyan." sabi ko.
"Sige, basta nasa bahay lang ako.. kapag may kailangan ka puntahan mo lang ako. Nakausap ko si itay mo, binilin ka eh."
"Alam ko naman yun. Salamat pala kanina ah? Buti at sakto palang umuwi kayo galing probinsya." pagpapasalamat ko.
Salamat at dumating si tita, dahil kung hindi.. baka kung saan na nauwi lagnat ko.
"Wala yun, tyansing lang.. pero hoy Kobe, hindi kapa magaling okay? Pagkauwi mo kumain ka, tsaka yung gamot ha?"
"Oo. Sige tita Sen, hintayin ko lang bumalik sila Az bago ako umuwi, nagpabili ako ng pagkain eh.. Salamat.. babyeee."
Pagbaba ko na sa tawag.
Napangiti ako.
Nag-alala si Christian, alam niya siguro kung paano ako magkasakit.
Parang gumaling na nga ako eh, nakita ko lang siya ng malapitan kanina.. pakiramdam ko ay ayos na ako kagad.. kahit na pina-iyak niya parin ako, kanina.
"Kobe dito kana kumain.. sabay sabay na tayo."
Napalingon naman ako sa nagsalita, nandyan na pala ang dalawa kong kaibigan.
"Ge ge, pasensya na ah? Kayo tuloy naabala ko." sabi ko sakanila nang makalapit na sila at mailapag yung mga pagkain sa lamesa.
"Sus. Sanay na kami. Kapag nagkakasakit ka, kami ang alalay.. Kobe sanay na kami." balik ni Dennis, tonong nagsusuno.
"Grabe. Sa susunod kapag iinom ka pwede bang isabay mo kami? Para naman mabantayan ka namin, nagpapakalasing ka pala eh." dagdag pa ni Az.
"Oo na." tonong pagsuko ko.
At nagsimula na nga kaming kumain.
"Bakit ka nga pala uminom? Yun bang problema mo parin? Yung dati pa ba?"
Tumango lang ako sa tanong ni Az.
"Hindi paba kayo nagkikita? Ba't hindi mo pa kasi puntahan eh? Dito ang lakas-lakas ng loob mong makipagsapakan tapos takot ka dun. Sino ba kasi yun?"
Napangiti naman ako sa tanong ni Dennis.
Hindi nila alam na nakita ko na, na nakita at nakausap narin nila.
"Hayaan niyo na yun." sabi ko na lang. "Nga pala, yung Christian kanina.. anong masasabi niyo sakanya?"
Ano kayang masasabi nila kay Chan? Ang sarap ipagmalaki ni Chan eh :)
"Yun?"
"Hm..."
Posturang nag-iisip ng dalawa, tumigil sila sa pagkain at nagtinginan.
"Tanga?"
Sabay nilang sabi, napatigil naman ako. Nag-usok ata ang ilong ko dahil sa sinabi nila.
Ang sarap lang ibuga sa kanila yung pagkaing nasa bunganga ko.
"Grabe kayo ah? Anong tanga? Ang sama niyo naman." nakasimangot na sabi ko, matapos mailunok yung kinakain ko.
"Una, pinuntahan ka niya sa bahay mo nung malaman niyang may sakit ka. Pangalawa, nag-absent para lang dun.. I mean, ni hindi nga natin siya kaano-ano diba? Pangatlo, nagpakabasa sa ulan, kaya nakatulog dahil sa katangahan."
Sabi ni Dennis.
Nakakapang-init ng dugo 'tong dalawang hunghang na 'to ah.
Pasalamat sila at hindi nila kilala si Chan kaya nila nasabi yun, dahil kung hindi ay baka napatay ko na sila.
"Pero gwapo siya ah., tisoy siya.. diba Dennis?" pahabol ni Az.
"Oo. Maputi tapos kalalaking tao ang sexy. Yun nga lang.. maliit." pagsang-ayon at pagtawa ni Dennis.
Ang sarap pag-umpugin ng dalawa.
Iniinsulto nila si Chan eh.
"Alam niyo kumain na tayo, uuwi pa ako. Inaantok narin ako." sabi ko na lang saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Masyadong mabait si Chan para patulan 'tong dalawang 'to.
Dibale na.. ako na ang mambubugbog para sakanya, haha
"Kobe, sama kami sa'yo. Dun muna kami ni pinsan, masarap magtambay sa inyo kapag ganitong malamig eh." biglang sabi ni Az.
Tumango lang ako.
"Sure. Para narin may mautusan ako." natatawang sabi ko pa.
.....
"Kobe sa susunod.. pabili kana ng kotse sa itay mo, para naman hindi na tayo nagtatrike."
Agad na sabi ni Dennis pagkababa namin ng trike, narito na kami sa bahay.
"Ayoko nga. Nakakahiya kay itay, tsaka ang dami na niyang gastos sakin noh." sabi ko kagad.
"Sabagay, pero mabait naman yang si itay mo eh. Tignan mo binili niya kami ng shoes.." tonong pagmamalaki naman ni Az.
Hmm.. dalawang basketball shoes, para sa dalawang hunghang kong kaibigan.
Hay nako.. mahirap talaga magkaroon ng mga kaibigang walang hiya. Haha
Ayan oh, hinihintay ko sukli kay manong tapos sila papasok na ng bahay, nauuna pa sakin.
Papalapit na ako sakanila nang tignan nila ako, sabay pa talaga sila.
"Bakit?" kunot ko kagad nang makalapit.
"Naglinis ata ng bahay si tita Sen?" tanong ni Dennis.
"H-hah? Ewan, bakit ba?" balik ko.
Parang sinapian yung dalawa, mga mukha kasi nila eh.
Saka naman sila umusog, dahilan para makita kona yung loob ng bahay.
Napa- O.O, nalang ako.
"A-anong nangyari? Ba't ang linis at ang ayos?" ang nasabi ko.
"Sigurado kang hindi si tita Sen mo ang naglinis?"
Agad ko na lang tinawagan si tita Sen.
Tinanong ko ito, naririnig pa ng dalawa. Ang sagot ay hindi, hindi naman daw pumasok ng bahay si tita simula umalis kami.
Dahan-dahan kaming pumasok.
Parang tanga lang kaming tatlo dahil sa bawat hakbang namin ay maingat.
"Kobe, naniniwala karin naman siguro sa multo noh?" rinig kong sabi ni Az.
"Aswang ba naglinis dito?" dagdag pa ni Dennis.
"Oy tignan niyo oh.."
Agad naman kaming lumapit kay Az na nasa kwarto ko na at may tinitignan sa may higaan ko.
"
Sa may-ari ng bahay,
Nilinis ko na yung bahay mong dinaanan ng gera at bagyo. Nakakahiya naman sa'yo. Salamat narin sa pagpapatulog, ang sarap tulugan ng higaan mo :)
Ingat..
- Christian
"
Kita ko yung reaksyon ng dalawa, hindi makapaniwala.. lalo pa't nakita nila yung pangalan na Christian.
Pero ako? Lihim akong napangiti. Si Chan nga naman talaga oh..
"Grabe. Pinatulog mo talaga dito?" pagharap sa akin ni Dennis.
"Syempre naman. Nakita mong nakatulog, ano yun gigisingin ko?" balik ko.
Kinuha ko kagad yung note.
Itatabi ko 'to. Haha.
Ilalagay ko na sana sa lalagyan ng damit ko nang may mapansin pa ako sa may likod ng note.
"
Nag-hi na nga pala ako kay Optimus Prime :)
"
Napalunok nalang ako sa nabasa.
N-nakita niya? Di nga?
Sa liit niyang yun nakita pa niya yung nasa taas?
Agad kong tinignan yung Optimus Prime, na action figure.. tsk.
Naglinis nga pala siya, pati dito kaya nakita niya.
"Grabe yun. Talagang naglinis pa.. nakakahiya ka Kobe."
Napasimangot naman ako sa sinabi ni Az.
"Tignan niyo oh.. parang bagong bahay. Ang sipag naman nun, pinsan palinis kaya natin sakanya yung bahay natin?" dagdag pa ni Dennis.
"Tigil-tigilan niyo siya ah?" inis na sabi ko at tsaka nahiga sa aking higaan.
"Matutulog na muna ako, kayo na muna bahala sa bahay.. may mga pagkain diyan." bilin ko pa.
Nang lumabas na ng kwarto ang dalawa, tsaka naman ako dumapa sa kama at ginawa ang lahat mayakap lang ang unan, kumot at isama na pati ang higaan ko.
Naaamoy ko yung amoy ni Chan, kanina habang inaasikaso ko siya.. ang bango-bango niya kahit na nabasa na siya ng ulan. Nandun parin yung natural na amoy niya.
Kung sa height nga pala, mukhang naiwan si Chan haha. Pero kung sa katawan naman.. medyo lamang siya sa akin.
Ang laki ng pinagbago niya. Pero siya parin yun, yung Chan na bestfriend ko.. si Optimus Prime :)
Kamusta na kaya yung Bumblebee ko sakanya?
-----
Point Of View
- C h r i s t i a n -
"Oy Jaydon! Bakit?"
Agad na pagsagot ko.
Nasa kwarto na ako, nagbabasa ng story book, para sa pamangkin ko. At dahil umuulan ngayon, tungkol sa storyang nasa kalagitnaan ng ulan ang binabasa ko para sakanya, yung mga story na pambata.
"Ano k-kasi Christian eh.." nauutal niyang sabi.
"Ano?"
Ang tagal niyang hindi sumagot, ano kayang nangyayari sakanya.
"Patulong? Nagtetest kasi ngayon.. English eh, nangangamote ako eh.. wala ka kasi."
Literal naman akong natawa. Deretso talagang magsalita 'to kapag minsan.
"Kasalanan ko pa ba? Ba yan.. ang gwapo mo kaso hindi ka marunong mag-english?" sabi ko pa.
"Napano ka Christian.. 'art of balance' ang tawag dun." tonong pagmamalaki niya.
"'Art of balance?" nakuha ko pang mapakunot.
"Oo. Half gwapo, half bobo. Kumbaga, hindi ako perpekto. Balance eh."
Sabay naman kaming natawa sa sinabi niya.
Loko-loko talaga 'to. Nakakaalis ng pagod talaga ang presensya ni Jaydon.
"Edi ako hindi kabilang sa art of balance?" biglang sabi ko, tonong nagagalak.
"Hah? A-anong hindi kabilang?"
"Eh kasi.. matalino na nga ako, gwapo pa. Edi walang 'art of balance' doon." natatawang sabi ko.
"Christian? Yung totoo? Narinig mo ba sinabi mo?"
"H-huh? Totoo naman ah.. diba?" tonong hindi nagpapatalo ko pa.
"Sige matalino kana, tapos given pa na gwapo ka.. pero uy Christian.. gising.. pandak ka, natutulog ka nung sinasapo ko ang katangkaran." patonong paghalakhak na sabi niya.
Napasimangot naman ako, literal.
"Pati kakapalan ng labi, nasapo mo." ganting sabi ko at pagtawa narin, rinig kong siya naman ang natahimik.
"Ayos lang. Ang dami kayang gustong tumikim nito.. tsaka ang astig nga eh, mas lalong lumakas yung appeal ko."
Napa-iling na lang ako, pero totoo naman lahat ng sinabi niya.. kita ko yun.
"Tsk tsk tsk.. ayaw mo talaga magpatalo, ano ba kasi yang test na nangyayari? Turuan na lang kita." sabi ko na lang.
Ayaw talagang magpatalo eh.
"Hindi naman talaga test eh.. parang essay.. ay mali, essay pala talaga."
"Oh anong klase? I mean, may topic ba o ano? Basahin mo kaya." naiinis na sabi ko.
Narinig ko naman na tumawa siya.
"Christian, pikon ka talaga." rinig kong sabi pa niya.
"Istorbo ka kasi, nagbabasa ako eh. Tignan mo 'tong pamangkin ko, nakatulog na tuloy." ang sabi ko.
"Ano bang story yan?"
"Secret.. pero tungkol siya sa payong eh. Ang weird." naguguluhang tono ko pa.
"P-payong?" agad na sabi niya.
"Oo. Hm.. dahil kasi sa payong nagkatuluyan yung dalawang langgam. Basta nasa kalagitnaan sila ng ulan eh."
"Talaga? Paano?"
"May nakapagsabi kasi dun sa isang langgam.. na makikita niya yung taong nakalaan sakanya sa gitna ng ulan. Nakapayong daw, nakakatuwa noh? Ang gaganda ng mga story ngayon kahit na weird na ang dating." tonong pagmamalaki ko pa.
Nagtaka naman ako dahil sa biglang namayani ang katahimikan.
"Jaydon? Jaydon?" tonong pagbibiro ko.
"Ahm, Christian.. may tanong ako."
"Akala ko hindi kana nagsasalita eh, oh sige ano yun?" balik ko kagad.
"Weird yung nabasa mo diba? Pero nagustuhan mo naman diba?"
"Oo naman. Sabi dun, pagkaganitong umuulan, silip kalang sa may bintana mo.. tas kapag may nakita kang nakapayong, yun daw makakatuluyan mo. Alam mo ba Jaydon, ayoko na ngang tumingin sa bintana ko ngayon eh, baka kung sino ang makita kong nakapayong.." napakahabang sabi ko, ewan ko pero bigla akong ninerbyos.
Nang matapos kong basahin 'tong story kasama ang pamangkin ko, parang may sumpa bigla eh.. parang ayoko na talagang sumilip sa bintana, napasakto pa talagang umuulan ngayon.
Baka kung sinu-sinong nakapayong ang makita ko, mahirap na.
"Pano kung totoo yun Christian? Pano kung may makita ka ngang nakapayong kapag sumilip ka sa bintana mo.. na ganito na saktong umuulan pa."
Saglit akong napatigil.
Paano nga ba?
Ehhh.. si Kobe gusto ko eh. Haha
"Ewan? Kaya nga ayaw kong sumilip eh. Sa totoo lang hindi ako naniniwala.. pero ayoko paring sumilip, ewan.. parang sumpa." natatawang sabi ko pa.
Parang sumpa. Yeah.
"Parang sumpa?" tanong niya.
"Kasasabi ko palang.. masamang sumpa." pagtawa ko pa. "Oh ano na kasi yung topic sa essay? Tulungan na kita.. dali.." pahabol ko pa.
"Ah hindi na. Osiya, mamaya na lang."
Nagulat naman ako sa tono niya, parang nawalang gana bigla eh.
Magsasalita pa sana ako nang namatay na nga ang tawag.
Hmm.. siguro hirap na hirap na siya sa test. Haha
"Christian may naghahanap ata sa'yo sa labas."
Napaangat na lang ako ng tingin, hindi talaga marunong kumatok si tita.
"Po?" ang nasabi ko.
"Kaklase mo ata, may nakatayo sa labas eh.. nakauniporme."
Agad naman akong napatayo at sumilip sa bintana.
Ay teka, may sumpa nga pala. Huli na ng mapigilan ko ang sarili, kaya naman tinuloy ko na lang.
Good thing, walang nakapayong.
"Wala naman po eh. Ano po bang itsura?" agad na tanong ko pagkaharap ko kay tita.
"Hindi ko napansin eh, nakapayong kasi.. sabagay umuulan.. basta istudyante, lalaki. Ang tagal nakatambay diyan sa may gilid diyan oh.." pagturo-turo pa ni tita sa may bandang bintana ko.
Naka payong?
Napalunok naman ako.
"Ahm.. ano po bang naaalala niyo sa nakatambay kanina?" agad na tanong ko.
"Ang kulit, hindi ko nga napansin. Basta yung bag niya spongebob.. nakakatuwa nga eh."
O.O
O.O
O.O
Spongebob?
Muli akong sumilip sa may bintana.
"Parang sumpa?"
Ang naaalala kong patanong na sabi kanina ni Jaydon, kaya ba ganun ang tono niya?
Mali ba nasabi ko kanina?
"Jaydon?"
Ang naisa-isip ko.
Yung tono niya kanina bago niya ibaba yung tawag.. p-parang..
"Tita, saglit lang po.."
Agad na sabi ko pagkaharap ko kay tita at dali-dali na nga akong lumabas.
"Kasasabi ko palang.. masamang sumpa." pag-alala ko sa sinagot ko sa tanong niya.
Tsk. Masyadong masama ang dating ng biro ko kanina.
Itutuloy
Very nice! Talagang naka ngisi pa talaga ako while reading. Salamat dito. Mag aantay ako for the next chapter.
ReplyDeleteOne thing for sure.... Its nice to read this story again and again...
ReplyDeleteT. C.
Welcome back author :) Sana naman this time may ending na ang tagal namin nag intay :3 #ChanDonPaDin
ReplyDeletekuya Prince super ganda po ng story na to...
ReplyDelete