Followers

Wednesday, May 11, 2016

Christmas Gift -shortstory




Athr'sNote-

Hi guys, gusto ko lang i-share sa inyo yung sinulat kong short story mga panahong nalalapit ang araw ng kapaskuhan.

Sana kahit papaano'y magustuhan niyo.. may mga errors dyan, hindi ko na naayos dahil sa medyo abala ako.

Pasensya na kung summer na summer at heto ang ishe-share ko sa inyo. Hahaha

Kayo na ang bahalang humusga, sana magustuhan ninyo.

Take your time sa pagbabasa guys, salamat :)



Happy reading.. :)





--

Point Of View

 - Grenan -



 "Nay, gusto ko marami tayong handa ah?"

Masayang sabi ko sa aking inay habang nagkekwentuhan kami.

Si inay at si ate. Nagkekwentuhan kasi kami patungkol sa nalalapit na kapaskuhan, kauuwi lang nila galing simbang gabi. Ako kasi galing pa sa trabaho eh.

December 21, 2014

Yan ang araw ngayon at oo, apat na tulog nalang at pasko na.

 "Ako na bahala sa paggawa ng mga gustong handa ni Grenan." agad na sabi ni ate.

 "Oo, basta ako bahala mamimili. At salamat kay Grenan."

Napangiti naman ako sa sinabi ni inay at ate.

Nakaka-proud, eto kasi ang pagkakataon na makapaghahanda kami ulit.

Tatlong taon kaming walang handa tuwing pasko kaya naman gusto ko na ngayon ay marami kaming ihahanda kahit na tatlo lang kami dito sa bahay.

 "Bukas po mari-release yung bonus namin kaya bukas nay mamili na kayo ni ate." masayang sabi ko pa.

Dahil kasi sa nagtatrabaho na ako kaya naman makakapaghanda na kami ngayong pasko.

Kaya rin ako nagsisipag sa trabaho ay para ganito na magkaroon kami ng panggastos sa bahay.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga plano namin para sa pasko, at ilang minuto lang ay lumabas na nga ako ng bahay.

Gabi-gabi ginagawa ko ito bago matulog. Para makapagpahinga at marelax narin, ang sarap at gaan kasi sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang lamig, ramdam na ramdam ko na talaga ang nalalapit na kapaskuhan.

Hanggang sa mapunta ang tingin ko sa lalaking nasa harap ng pinto nila.

Kaharap lang ng bahay namin ang bahay nila.

 "Pang pitong gabi mo na." ang naibulong ko.

Pang pitong beses ko na siyang nakita dyan na naka-upo lang sa tabi ng pinto ng bahay nila.

Tahimik lang siya at palaging sa malayo ang tingin.

Bagong lipat eh. Pero mga halos dalawang buwan na sila. Tsaka kilala narin sila ni inay at ate, yun nga lang nasa trabaho ako lagi kaya hindi ko siya masyadong nakikita. Ngayon lang kase nga ayan at laging nasa labas siya.

 "Hinihintay niya kasi ata yung magulang niya."

Sagot ni inay nung tinanong ko siya nung minsan tungkol sa lalaking ito.

Siya si Marcus. Parang lahat ata sa kanya weird eh, siya, yung dating niya at pangalan niya. Weird.

Agad naman akong nag-iba ng tingin nang mapunta sa akin ang tingin niya.

Nakaramdam ako nang hiya, tas pakiramdam ko nakatingin parin siya sa akin.

 "Asaar.." bulong ko pa at pumasok na nga ako.

 "Kailangan tignan talaga ako?" dabog ko pa habang papasok.

Panira ng pagtambay ko eh.


..


 "Nay matutulog napo ako. Good night.." medyo malakas na sabi ko pa kapasok ko ng bahay at dumeretso na nga ako sa kwarto ko.

Excited na talaga ako para sa pasko. Matagal kong hinangad ito na magkaroon kami ng maihahanda sa araw ng kapaskuhan. Lagi nalang kasing walang laman ang lamesa namin sa tuwing daraan ang okasyong ito.

 "Good night.." pagbulong ko nang makahiga ako sa aking higaan.

Ugali ko kasi ito eh, yung bang binabati ko yung paligid ko bago matulog.


.....


Kinabukasan
December 22, 2014


 "Grenan, ito naman ang bonus mo. Bilang napaka-sipag mo at isa ka sa pinaka-mabait kong empleyado, tapos isama pa na ikaw ang pinaka-batang empleyado ko.."

Masaya kong inabot yung bonus ko. Natatawa pa ako dahil sa sinabi ni mam.

 "Maraming salamat po mam ahh.." nakangiting sabi ko.

 "Salamat po.." pagsasa-isip ko pa.

.....

 "Yung chocolate po, eto po.." pagturo ko sa cake na napili ko.

Bumibili ako ng cake na malaki, para naman may sweet na laman ang ref namin maliban sa crema at salad na gagawin nila inay at ate bukas.

Mamaya bibigyan ko na ng panggastos sila inay at ate.

Habang hinihintay yung tinuro kong cake ay napansin ko yung mga kalapit-bahay namin na bumibili din pala.

Hindi ko naman sila ka-close kaya hindi ko na pinansin.

 "Uy dang, kawawa talaga si Marcus noh? Yung bagong lipat? Ang gwapo-gwapo pa naman. Totoo ba talaga yung sinasabi mo na may sakit yun?"

Nakuha naman nila ang atensyon ko dahil sa sinabi nung isang babae, ang alam ko bagong lipat siya sa amin. Siguro one week palang.

Pinag-uusapan nila si Marcus?

 "Oo nga dang, ang kulit ah. Ganun talaga yun, may sakit siya. Kawawa talaga."

Palihim lang akong nakinig sakanila.

May sakit si Marcus?

 "Oo. Hinihintay niya lagi yung nanay at tatay niya, hindi niya alam na iniwan na siya. Kaya ayun lola nalang niya yung kasama niya."

 "Grabe naman, nakakapaglakad pa siya pero diba hindi siya maka-react sa mga nangyayari? Basta nakatingin lang siya lagi sa kung saan tapos yun lang diba?"

 "Oo. Sabi ni lolo ko na hanggang lakad o tingin lang daw yun, basta hindi daw kaya ni Marcus na makapag-bigay ng reaksyon o maka-intindi sa mga nangyayari sa paligid niya. Yun yung sakit niya."

 "Haaaay grabe dang, ang gwapo-gwapo niya kaya! Diba? Kawawa naman yung si Marcus."

Nakuha ko namang mapalunok sa narinig, kawawa naman pala si Marcus. Dalawang buwan na kaming magkapit-bahay pero hindi ko man lang alam na ganun pala yung kalagayan niya.

Pero, may sakit ba talaga siya?

Oh baka tsismisan lang talaga ang mga 'to? Mga walang kasiguraduhan ang sinasabi nila?
 
 "S-sir, eto na po yung sa inyo."

Wala sa sarili naman akong napalingon sa nagtitinda, natulala na ata ako.

Agad ko nalang binayaran saka inabot yung cake.

 "Sharing is fun." nabasa ko pa mula sa box ng cake.

 "Salamat po sir. Merry Christmas.."

Sabi pa nung crew at nginitian ko nalang siya.

Agad na akong umalis para makauwi na.

 "Marcus, Marcus.." pagbulong ko pa habang naiisip ko yung mga pinagkwentuhan nung mga babaeng kapit bahay namin kanina.

Seryoso ba talaga sila? May sakit si Marcus?

Hindi daw makapag-bigay reaksyon sa mga nangyayari sa paligid niya. Inshort parang tulala lang?

"Grabe naman, kawawa naman pala siya.." nasabi ko nalang.

Naaawa talaga ako. Kung titignan kasi ay talagang ang hirap ng kalagayan niya.

....

 "Dito nalang po.. salamat po."

Agad na sabi ko sa tricycle driver nang nasa harap na kami ng bahay.

Alas-nuwebe na ng gabi.

Pagkababa ko sa trike ay agad na hinanap ng paningin ko si Marcus.

Nakaramdam naman ako ng dismaya nang hindi ko ito nakitang naka-upo sa harap ng bahay nila.

Agad nalang akong pumasok ng bahay, nakuha ko pang magmadali.

 "Nandito na po ako.."

Masayang sabi ko nang makita sila inay at ate sa sala, tsaka ko naman pinakita yung cake na dala ko.

 "Aba, pumapasalubong-salubong na yung kapatid ko ah."
 "Grenan ah, mana ka talaga sa tatay mo."

Agad na sabi nila, syempre napangiti nalang ako.

Sabi ni inay, mga panahong buhay pa si itay ay mahilig din daw siya na pasalubungin sila inay at ate ng pagkain.

 "Nay, ate kumain na po ba kayo nyan?"

Tanong ko pagkaupo ko sa tabi nila.

 "Oo. Sabi mo huwag ka na naming hintayin eh." agad na sagot naman ni ate.

 "Kasi nga may free dinner kami kanina sa trabaho. Kaya game tikman na natin yung cake." tuwang-tuwa kong sabi at agaran na nga akong tumayo para kumuha ng mga gagamitin.

.....

 "Ang sarap. Grenan favorite mo talaga yung chocolate."

Sabi ni ate habang may cake pa siya sa bibig.

Abala kami sa pagkain sa cake.

Patango-tango lang ako.

Bigla ko kasing naisip si Marcus. Kaya biglang bumagsak nanaman yung mood ko. Naaawa talaga ako sakanya.

Gusto ko tuloy siyang makita.

Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko na ngang tumayo at dumeretso sa may labas.

Ewan pero nakuha ko namang mapangiti nang makita si Marcus sa pwesto niya nang saktong mapunta ako sa may pinto namin.

Nguni't agad ding nawala ang ngiti ko nang makita ko nang maayos si Marcus.

Naka-upo ito sa may tabi ng pinto nila, at tulad ng dati ay deretso lang ang tingin niya. Na tila siya'y tulala nga.

Sa nakikita ko mula sa mga mata niya, talaga ngang blangko ang ekspresyon niya. Na wala siyang reaksyon sa mga bagay-bagay.

Baka nga sigurong totoo talaga yung narinig kong kwentuhan kanina tungkol kay Marcus.

 "Totoo ba talaga 'to?"

Naibulong ko pa. Ang hirap kasing paniwalaan. May ganitong klase ba talaga na sakit? Ang hirap ng sitwasyon niya.

Pinagmamasdan ko lang siya habang nag-iisip isip.

 "Sharing is fun.."

Nakuha ko namang mapa-kunot nang maalala ko yung nabasa ko sa cake.

Sharing is fun? Ahh alam ko na! Agaran na nga akong pumasok sa bahay para kumuha ng platito at tinidor.

 "Cake.." bulong ko pa.

Nang makakuha na ay muli akong lumabas ng bahay.

Nagdadalawang-isip man ay tinuloy ko parin ang aking naisip.

Bahala na. Gusto kong malaman ang totoo at gusto ko rin naman siyang bigyan.

Nang makatawid na ako sa daan ay saglit akong tumigil.

 "Marcus.." pagbulong ko pa sa pangalan niya.

Ngayon ay nasa harap na ako ng bahay nila. Nakatayo habang may hawak-hawak na platito na may tatlong-hiwa ng cake.

 "Marcus.."

Magana at normal na boses na pagtawag ko na sakanya. Nagbabakasakaling lingunin na niya ako.

Nguni't bigo akong makuha ang atensyon niya, ganun parin.. sa kanang bahagi ang tingin, walang reaksyon. Tulala.

Kaya naman binuksan ko na ang gate nila at pumasok.

Habang bitbit-bitbit ko ang dala-dala kong cake para sakanya ay dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa pwesto niya.

Hindi ko alam pero habang papalapit ako sakanya ay nanginginig ako, sa takot?

 "Marcus, para sa'yo oh.."

Mahinang sabi ko nang sa wakas ay makalapit narin ako sakanya.

Nasa harap na niya ako at marahan kong inilapit sakanya ang dala kong cake.

Ilang segundo akong nasa ganoong posisyon. Hinihintay ang magiging reaksyon niya.

Nguni't bigo ako dahil wala siyang naging reaksyon.

 "Marcus?"

Hindi ko alam pero sa muling pagtawag ko sakanya, parang naglaho kaming dalawa mula sa aming kinalalagyan.

Hindi ko alam kung bakit parang naaapektuhan ako.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit unti-unti akong nanlalambot.

Siguro sapat na nga ito para kumbinsihin ko ang sarili ko na totoo nga ang aking mga narinig, na may sakit si Marcus.

 "Marcus, p-paano yan? Pa-paano ka.."

Napatigil nalang ako sa aking pagsasalita, wala nga rin pala akong makukuhang sagot.

Basta ang alam ko, heto at naka-upo ako paharap sakanya. Mataman ko lang siyang pinagmamasdan. Nakuha ko naring mapahawak sa kanang tuhod niya.

 "Dala ko pa naman yang cake na yan para sa'yo." nasabi ko pa nang mapunta ang tingin ko sa cake na inilapag ko sa may upuan.

Muli kong pinagmasdan si Marcus, ang kamay niya.. ang katawan niya, ang braso, at ang kanyang mga mata. Isang napaka-inosenteng ekspresyon ang nakikita ko, na siya talagang ikinalulungkot ko lalo.

Hanggang sa napansin ko nalang na napaluha na pala ako.

Mababaw nga siguro ang luha ko, p-pero iba 'to eh. Si Marcus, itong taong nasa harap ko. Naiisip ko palang ang kalagayan niya, nakikita ko palang siya na ganitong tulala.. p-parang ang hirap na, na ang sakit na.

Isabay pa na napapa-isip ako kung paano siya ngayong darating na kapaskuhan. Na kung nakikita o nararamdaman ba niya ang diwa ng kapaskuhan?

 "Marcus paano ka nyan?.."

Nasabi ko pa at nai-patong ko nalang ang aking noo sa kamay kong nasa may tuhod niya.

Tuluyan na akong napa-iyak, h-hindi ko lubos maisip na may mga tao nga talagang hindi alam o hindi kailanman naramdaman ang kapaskuhan.

Isabay pa na naalala ko yung sitwasyon namin dati, nung mga dumaang kapaskuhan na walang laman ang aming lamesa. Na tila kami lang ang taong hindi sine-selebra ang kapaskuhan. Na para bagang isang normal na araw lang iyon sa amin. Na ang sakit kasi kahit anong pilit na ngiti ang gawin mo, mahirap talaga. Ang hirap kasi ang lungkot ng bahay, isama pa na wala si itay. Mahirap, hindi lang mahirap.. masakit.

Eh si Marcus? Paano siya? Yung nararamdaman niya? 

 "Marcus.."

Naibulong ko pa.

Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging naiisip ko ngayon ay si Marcus, ang kalagayan niya.

Na paano nagsisimula at natatapos ang pang-araw araw na buhay ng isang katulad niya. Kung titignan kasi ay ang hirap, napaka-hirap.

Naaawa ako. H-hindi ko lubos akalain na may ganito palang klase ng sakit, na may ganitong problema ang taong nasa harap ko.

Halos ilang minuto akong tahimik na umiiyak nang makuha ko nalang mapatigil nang maramdamang may pumatong sa palad ko.

Saglit akong nablangko, may humawak sa palad ko?

Dahan-dahan kong ini-angat ang aking tingin.

Si Marcus? S-siya nga.

Yung palad niya na parang nakahawak sa palad kong naka-pwersa pasandal sa may upuan.

Saglit akong napatitig sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

 "M-Marcus?" pagngiti ko pa.

Agad kong hinawakan ang kamay niya, nakuha ko pang higpitan ang hawak rito.

Nguni't agad ding nawala yung tuwa na naramdaman ko nang hindi man lang pinansin ni Marcus ang ginawa ko.

Oo nga pala, oo nga pala.

Akala ko pa naman ay kusang hinawakan ni Marcus ang kamay ko.

Lalo lang akong nalungkot, ang hirap pala talaga kapag ganito ang sitwasyon mo. Na kapag ganito ang sakit mo.

'Isang taong akala mo'y bulag, pagka't ito'y tila walang nakikita at walang nararamdaman. Na walang kakayahang makapagbigay reaksyon sa mga nangyayari sa paningin nito, isang bagay na tila napaka-imposible lang.


-----


Kinabukasan..


Point Of View

 - Third Person's -



 "And guys, eto na ang good news.."

Excited lahat ng empleyado ng isang kumpanya, ngayon ay nasa isang hall sila para sa ina-nunsyong pagtitipon-tipon ng kanilang boss.

 "Guys, sabi ni boss.. official na.. tomorrow, from December 24 2014 to January 3 2015, ay wala tayong pasok. Inshort, gusto ng ating boss na makasama natin ang ating pamilya sa araw ng kapaskuhan at bagong taon. Ang week na daw kasi na ito ang pinaka-importanteng okasyon na dapat ay ang ating pamilya ang ating kasama.."

Lahat ay natuwa sa sinabi ng kanilang nagsisilbing Manager, isa na sa mga talaga namang natuwa ay si Grenan.

Ang pinaka-batang empleyado ng kumpanya at higit sa lahat ay isa sa pinaka-mabait.

Napangiti rin ng pagkatamis-tamis ang batang ito, saktong-sakto ang mga sinabi ng manager nila.

 "And guys take note, bayad ang mga araw na iyon kahit wala tayong trabaho. Kaya ipagpatuloy lang natin ang effort at teamwork para sa ika-uunlad ng ating kumpanya.."

Bagay na talaga namang naging dahilan ng sigawan pa ng mga empleyado.

 "Merry Christmas guys!!" masayang pagbati ng kanilang manager. "Food party bago tayo mag-out..game!!!.." masiglang sabi pa nito at nagsimula narin ang munting salo-salo.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos nadin ang pagtitipon. Nagmadaling umuwi si Grenan para ipaalam ang balitang iyon.


.....


 "Nay, wala kaming pasok hanggang January. Nakakatuwa naman kasi bayad parin yun." napakasayang pagbalita kaagad ni Grenan nang makasalubong niya ang inay at ate niya sa daan.

Galing kasi sila sa simbahan, huling pangalawang araw ng simbang gabi.

 "Talaga? Ay ba maganda. Ang ganda talaga ng kumpanyang napasukan mo."

Sabi kaagad ng inay niya.

 "Mabuti naman kung ganun, osya eto may putubumbong kaming binili sa may simbahan."

Agad naman yung kinuha ni Grenan at sumabay sa lakad ng ate't inay niya.

Habang naglalakad sila pauwi ay pinagmamasdan nila ang bawat bahay na kanilang madaraanan.

Ang gaganda kasi ng mga palamuti, mula sa bawat bahay ay makikita mo na dalawang araw nalang ay pasko na nga.

Mula sa mga puno na nakapabalot ng bukas-sinding christmas lights at mga pigura ni Santa Claus na nasa bawat harap ng pinto ng bawat bahay.

Dalawang araw nalang ay pasko na, bukas nga ay Noche Buena na.

 "Nay ate, merry christmas po.."

Nasabi nalang ni Grenan dahil sa mga nakikita nilang dekorasyong pang-pasko.

Nakuha pang magyakapan ng tatlo sa daan, dala ng kasiyahan at mga biyayang kanilang natatamo.

Isa nga namang biyaya ang bawat paskong dumaraan, lalo na't kung kasama natin ang ating mga mahal sa buhay.




-----


Point Of View

 - Grenan -



 "Nay mauna na po kayo ni ate sa loob, dito po muna ako sa labas."

Agad na paalam ko nang mapansin ang aking sadya sa pwesto nito.

 "Sige lang Grenan, huwag kalang masyadong magtatagal ah. Masyadong malamig ngayon, baka magkasakit kapa."

Tumango lang ako sa sinabi ni ate at hinatid ko nalang sila papasok ng bahay gamit ang aking mga paningin.

Pagkapasok nila ng bahay ay agad na nga akong lumingon sa pwesto ng taong gustong-gusto kong makilala ng lubusan.

 "Marcus!"

Masayang pagsigaw ko at pagtakbo papunta sa pwesto niya.

 "Sabi ko naman sayo diba? Pupuntahan kita ngayon."

Tonong pagmamalaki ko pa.

Lalo akong napangiti nang tuluyan akong makalapit sakanya.

Tahimik kong pinagmasdan si Marcus. Nakatitig lang ako sa kanya.

Kagabi, hindi ko napansin na umiiyak na pala ako habang kinakausap ko siya. Hanggang sa matapos na ako sa pag-iyak at tinabihan ko nalang siya. Sa totoo nga ay kinausap ko pa siya, kinwentuhan ko pa siya ng kung anu-ano. Nakuha ko ring magtanong-tanong sakanya. Na kahit na ako lang ang nagsasalita.

Pero ayos lang naman sa akin kahit na salita ako ng salita samantalang siya'y walang kamalay-malay. Isa lang kasi ang pumasok sa isip ko kagabi habang nakikipagkwentuhan at pinagmamasdan ko siya. Ang iparamdam sakanya na mayroon siyang kaibigan. At gagawin ko ang lahat para maiparamdam ko lang iyon.

 "Ay oo nga pala, may dala ako oh. Puto-bumbong, bigay 'to nila ate at inay sa akin. Gusto mo?" agad na pag-alok ko sakanya nang maalala ko yung dala-dala kong pagkain.

Napa-isip tuloy ako kung paano nakakakain si Marcus at kung paano niya nalalagpasan ang pang-araw araw na gawain nating mga tao.

Pero hindi ko na muna dapat isipin yun, ang mahalaga ay ang goal na naisip ko.

 "Ayan.."

Sabi ko kaagad nang mailapag yung mga puto-bumbong sa may upuan.

Hanggang sa napunta ang aking tingin sa mga christmas lights na naka disenyo sa mga bahay na malapit sa amin.

 "Alam mo Marcus, kapag pasko talaga hindi pwedeng hindi tayo masaya no?" ngiti ko.

Gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag ganitong napapansin ko yung mga palamuting pang pasko.

 "Oo hindi ganun ka perpekto lalo na hindi lahat ng pamilya ay kumpleto tuwing pasko.. pero diba nandun parin yung kahit kakaunting ngiti at kasiyahan dahil nga sa pasko at dahil narin sa natutuwa tayo kapag nakikita natin yung mga palamuting pang-pasko."

Tonong pangungumbinsi ko pa. Totoo naman eh, hindi lahat kumpleto at hindi lahat ay kuntento.. pero diba kahit papaano'y natutuwa tayo lalo na't may mga bagay na nagbibigay rason sa atin upang maging masaya sa araw ng pasko. Tulad ng mga matatamis na ngiting nagmumula sa mga taong nakikita natin.

 "Alam mo gusto ko tuwing pasko lahat masaya, lahat nakangiti.."

Nakangiting sabi ko pa. Habang pinagmamasdan na yung napaka-among mukha niya.

Ganun parin siya at nakatulala sa kung saan, katulad kagabi ay ganun parin at tahimik lang siyang naka-upo at deretso ang tingin.

 "Gusto ko lahat masaya, alam ko kasi yung pakiramdam ng nag-iisa at nalulungkot. Kaya sana, sana sa pasko lahat masaya at nakangiti."

Matapos kong magsalita ay pasimple kong pinunasan yung kaliwang pisngi ko, naiiyak nanaman ako.

Hindi ko alam pero nahihirapan ako sa tuwing pinagmamasdan ko si Marcus. Naaawa kasi ako eh.

Ang sakit lang kasi na nakikita mo yung klase ng taong tulala lang at walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

 "Naiyak nanaman ako, iyakin talaga ako no?" pilit na pagtawa ko pa habang pinipigilan kong maiyak lalo.

 "Osya papasok na ako. Umiyak nanaman ako sa harap mo. Nakakahiya talaga."

Natatawang sabi ko na at pagtayo.

 "Good night kay Marcus na napaka-inosente. Pasok nako.. good night ulit.." pagngiti ko na at paghawak pa saglit sa kanyang palad. "Pasok kana rin nyan ah? Magpahinga kana. Noche Buena na bukas, at pangako ko sayo.. nandito ulit ako, magkaibigan na kasi tayo eh."

Pumasok na ako kaagad, naaawa kasi talaga ako kay Marcus. At kahit na hindi mababasa o makikita ng paningin niya yun, ayaw ko parin na maipakita sa harap niya na naaawa ako sakanya.


.....


 "Sana po maging masaya at maayos ang disperas ng pasko bukas. Sana po lahat masaya at sana po lahat ay nakangiti."

Mahinang pagdarasal ko.

Narito na ako at nakahiga sa aking higaan, at bago matulog ay nakasanayan ko nang magdasal.

 "Marcus. Si Marcus po, sana po makita ko siyang nakangiti.. kahit parang imposible man po.."


At nagpasalamat pa ako sa Panginoon bago tuluyang natulog. Nakuha ko pang batiin ang ating lumikha ng Maligayang Kaarawan, sa Christmas na eh.

 "Good night.."


.....


 "Naaaaaaaaaahhhhhhhhh....."

Isang napakalawak na paghikab ang nagawa ko.

 "Good morning!"

Masayang bati ko pa.

Umaga na pala.

 "Pasko na mamaya.." nakangiting sabi ko.

Hindi ko na mahintay pa.

Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay wala sa bahay sila inay at ate. Panigurado namalengke na sila.

Napangiti pa ako nang makita yung salad at graham pati na macaroni sa ref. Sabi na eh, kaya nagpuyat kagabi yung dalawa. Haha

Sa sobrang lamig ay napatingin nalang ako sa bintana namin, paskong-pasko na nga. Naglakad pa ako papalapit sa bintana para sana damhin ang hangin nang...

 "Oh?"

Wala sa sariling nasabi ko nang agad kong nakita si Marcus na naka-upo sa labas.

Kaya naman agaran na muna akong naghilamos at nagmadaling lumabas.

 "Good morning sa pinaka-inosenteng si Marcus!.."

Masayang sabi ko pagkalapit ko sakanya.

 "Ang aga mo nagising.. Kumain kana ba? Eto oh.."

Pag-alok ko pa. Tinapay, panigurado binili 'to nila inay at ate kanina.

May mga iba pang pagkain sa lamesa eh, kaso ayaw ko naman na dalhan ko ng maramihan si Marcus. Nahihiya kasi ako. Kaya simpleng tinapay nalang, yung cheese ang flavor.

 "Sabay na tayo ah?"

Masayang sabi ko pa at kumuha na ng tinapay.

Habang kumakain ako ay sa mga taong dumaraan lang ang tingin ko.

Nakaka-goodvibes talaga yung mga ekspresyon ng tao, pasko na kasi. 24 na ngayon at NocheBuena na mamaya.

 "Ang sarap ng tinapay." nasabi ko nalang.

Nakakahiya kasi ako kumakain pero si Marcus ganun parin na deretso ang tingin sa kung saan at hindi gumagalaw.

 "Marcus mamaya may handa kami. Gusto mo sa amin ka?"

Hindi na ako nahiya at kinuha ko yung kaliwang palad niya at tinignan ito.

Naalala ko tuloy yung pinagdasal ko kagabi, lihim pa akong natuwa.

 "Alam mo kagabi nag-pray pa ako, na sana makita kitang nakangiti. Ay nako pag nakita kitang nakangiti yayakapin talaga kita." natatawa na nahihiyang sabi ko.

Pakiramdam ko tuloy ay namula ako.

 "Sobrang lambot naman ng palad mo.." pagpansin ko pa sa palad niya na kanina ko pa hinahawak-hawakan, kahit na nahihiya ako sakanya.

 "Pati naman likuran ng mga daliri mo sobrang lambot. Nakaka-inggit nam.."

Napatigil nalang ako sa pagsasalita nang biglang kumapit ang palad niya sa palad ko.



*Speechless..




Parang magkahawak-kamay lang tuloy kami ngayon.

Pero, pero bat ang sarap sa pakiramdam?

Nagtaas ako ng tingin upang tignan ang mukha niya.

Ganun parin naman, deretso ang tingin na tila tulala.

 "Sana dumating yung araw na gagaling kana, para naman sana na ikaw naman yung nagkekwento sa akin. Marcus.."

Pagsasa-isip ko.

Isa ako sa magiging pinaka-masayang tao kapag dumating ang araw na yun.

Napatingin naman ako sa harap ng bahay nang marinig na may tricycle.

 "Oh ayan na pala sila inay." agad nasabi ko at pagtayo.

Marahan kong ini-alis ang aking palad sa pagkakahawak ni Marcus.

Ayaw ko man, pero nahihiya kasi ako sakanya. Ewan ko ba.

 "Marcus uwi na muna ako ah? Mag-aayos muna kami ng mga ihahanda. Pangako, pupuntahan kita mamayang gabi. Sa amin ka ah?" tonong paninigurado at nakangiting sabi ko.

Saglit akong napatigil nang biglang lumingon paharap sa akin si Marcus.

Parang napako pa ata ako sa pagkakatayo dahil sa bigla.

 "Marcus.." naibulong ko pa, parang nakatitig lang siya sa akin.

Nakuha ko rin atang mapalunok, nakaka-ilang kasi.

Yung tingin niya na parang may kakaiba. Yung bang parang normal lang siya na nakatitig sa akin.

 "Kung sigurong hindi ko alam ang sitwasyon mo, baka sakaling nalusaw na ako sa tingin mo." pagtawa ko na at pagtapik pa sa balikat niya.

Ewan pero biglang nawala yung 'awkward atmosphere' sa amin.

 "Osya pasok nako sa amin. Maya balikan kita. Pangako."

Isang matamis na ngiti ang binigay ko. At kasunod nun ay ang pagtalikod ko na at nagsimula na nga akong maglakad papunta sa amin.

Napaka-sarap sigurong alagaan ni Marcus. At napaka-sarap sigurong maging kaibigan ang isang tulad niya.



-----


Point Of View

 - Third Person's -


Date: December 24, 2014
Time: 11:15pm
Christmas is coming..


 "Merry Christmas po.."
 "Ingat po kayo, maligayang pasko rin po.."
 "Ma bili tayo ng puto-bumbong oh.."
 "Tay Merry Christmas po.."
 "Uwi na po tayo pasko na, diba po pwede ko na open yung gifts ko?.."
 "Mauna na kami, ingat kayo tol.."
 "Oh guys, tara na sa dorm. Sasalubungin pa natin yung Pasko.."
 "Silent night... Holy night..."

Katatapos lamang ng huling simbang gabi at ilan lamang yan sa mga naririnig ni Grenan mula sa kanilang mga kasabay at nadadaanang tao.. maging ang mga bahay na nadadaanan nila na siya nang nagsimulang salubungin ang kapaskuhan.

 "Eto pala sila Wena eh, sakanila tayo makiki-pasko ngayon.."
 "Basta ako makiki-kain ako sa kanila, umaga palang niyaya na ako ni Grenan eh."

Napalingon sila Grenan sa mga nagsalita, agad naman silang napangiti. Ang mga kapitbahay nila.

 "Nako Wena, ang sipag talaga ng anak mo. Tignan mo at nakabawi na kayo, makikikain naba talaga kami sa inyo?"

Nakuha naman nilang magtawanan. Masyado nga sigurong mababait ang pamilya ni Grenan kung kaya't magaan ang loob sakanila ng kanilang mga kapitbahay.

 "Oo naman. Pwede na kayong sumabay sa amin. Para naman maging masaya ang pasok ng kapaskuhan sa ating lahat."

Balik ng inay ni Grenan na si Wena.

 "Oo nga po. Bilisan na natin at mag aalas-onse-imedya na ng gabi. Magpapasko na po.." dagdag pa ng ate nito.

Habang nagkekwentuhan ang mga ito sa daan habang pauwi.. si Grenan lang ay nasa bandang likuran at pangiti-ngiti.

Iniisip niya kasi na eto ang unang pagkakataon na ise-celebrate niya ang pasko kasama ang isang maituturing niyang espesyal na kaibigan.

 "Marcus.."

Pagbanggit niya pa sa pangalan nito.


....


Sa kabilang dako..

 "S-sorry anak, patawarin mo kami ng daddy mo.. hindi na namin dapat pa pinag-awayan ang simpleng bagay."

 "W-wala po yun mommy, b-basta ang mahalaga po nandito na kayo ni dad.. sa-salamat po mommy, dad.."

Agad na niyakap ng isang binatilyo ang kanyang ina't itay. Sobra siyang nagpapasalamat.

 "Alam kong babalik din kayo dahil magiging ayos din ang lahat kaya naman hindi ko na pinatulan pa ang mga kwento-kwento ng mga kapit-bahay tungkol sa apo ko na may sakit na raw ito.."

Magaang sabi ng lola ng binatilyo.

 "Hindi ko na pinatulan pa ang mga pinagsasabi nila tungkol sakanya, lalo lang kasing mahihirapan ang apo ko kapag nakipag-away pa ako." dagdag pa nito. "Alam naman natin na kapag nalulungkot yan, tatahimik lang sa isang lugar yan at hindi kikibo. Ganyan na ganyan ang lolo niyan eh. Kaya mabuti na rin at bumalik na kayo dito."

 "I'm sorry, ma. Ayos na kami ng asawa ko. And this is for our son."

Natuwa naman ang lola at mommy ng binatilyo dahil sa sinabi ng daddy nito.

 "Ayos na po. 11:30 na po, ayusin na po natin yung mga pagkain, Salamat po talaga dad and mom." magalak na sabi ng binatilyo.

 "By the way, I have something to say nga po pala.. lola, ma, dad.. please listen.." biglang sabi ng binatilyo na ikinatigil nila.

..


Abala ang lahat sa paghihintay sa pagpatak ng alas-dose, ito ang isa sa laging pinakahihintay ng bawat pamilya, ang Kapaskuhan.

Samantala, si Grenan. Masaya itong nagpaalam sa kanyang inay at ate. Maging narin sa mga kapitbahay nilang nasa kanilang bahay.

 "Nay, labas na po ako.. importante po ito nay.. ate labas na ako ah.."

Hindi na siya nag-abala pang lingunin ang kanyang ate at inay. Agad na siyang lumabas.

Masaya siyang naglalakad palabas, hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Hanggang sa..

 "Marcus?"

Gulat na sabi niya nang hindi niya nakita si Marcus sa pwesto nito.

Nakuha niya pang lumapit sa bahay nito, nguni't wala talaga ang sadya niya.

Hindi rin niya magawang makapasok dahil sa naka-lock ang gate.

 "Marcus nasan ka? Magpapasko na, ilang minuto nalang oh.." nasabi pa niya.

Sa tono palang ni Grenan ay malalaman mo nang natataranta ito dahil sa hindi niya alam kung nasaan ang sadya. Gustong-gusto niya kasi na salubungin ang Kapaskuhan kasama ito.

Nung una palang, nang malaman niya ang sakit ni Marcus ay lubos na siyang naawa rito. Alam niya kasi kung ano ang pakiramdam ng nahihirapan, kaya naman interesado siyang makilala pa ito ng lubusan at makasama ito, nang sa ganoong-paraan ay makatulong siya rito.

 "Ang daya mo naman eh.. sobrang excited pa naman ako.." bulong pa niya, tonong nagtatampo.

Nasa may gate lang siya ng bahay nila Marcus, nakahawak sa gate na tila gustong-gusto nitong makapasok sa loob ng bahay.

Ilang minuto pa ang lumipas pero wala talagang Marcus na nagpakita sakanya.

 "Merry Christmas.. Marcus."

Mahinang sabi ni Grenan nang saktong pumatak ang relos niya sa oras na alas-dose.

Mababakasan sa tono nito ang pagkalungkot at maging pagkadismaya.

 "Daya mo.."

Sabi pa niya nang marahan niyang pinunasan ang luha niya. Inaamin niya, nasaktan siya kung kaya't siya'y napaluha.

Siguro nga masakit talaga na mabigo kapag tayo'y nag-expect o umasa sa isang bagay, lalo pa't kung pinaghandaan natin ito.

Hahakbang na sana siya patalikod upang sana'y makauwi na siya nang may biglang magsalita.

 "Advance yung relos mo, 11:57 palang sa akin."

Nakuha niyang mapatigil at magulat dahil sa narinig. Parang may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maintindihan.

 "Oh ayan 11:58 na, may 2 minutes kapa para tuparin yung pangako mo."

Lalo siyang nagulat nang magsalita ulit ito.


Ilang saglit na namayani ang katahimikan..


Parang may kutob si Grenan na ayaw niyang bigyan ng pansin, nguni't masyado nga atang malakas ang kanyang kyuryosidad kaya naman unti-unti niyang napagdesisyunan na alamin kung sino ang taong ngayon ay nasa likod niya.

Dahan-dahan siyang kumilos paharap dito.

 "Marcus?.."

Ang nasabi na lamang ni Grenan nang tuluyan niya itong makita.

Isang nakangiting binatilyo ang ngayon ay nakatitig sakanya. Isang napaka-sigla at napaka-gandang awra ang nagmumula sa dating at ekspresyon nito.

 "May 1 minute kana lang para tuparin yung sinabi mo na yayakapin mo ako kapag nakita mo akong nakangiti.." simpleng sabi pa ng lalaking nasa harap niya, si Marcus nga ito.

Unti-unting pumapasok sa wisyo ni Grenan ang mga nangyayari ngayon. Hanggang sa napa-iling na napangiti nalang siya.

 "Marcus, i-ikaw nga.." napaka-sayang sabi na ni Grenan at mabilisan na nga niyang niyakap si Marcus.

Napaka-higpit na yakap ang ibinigay ni Grenan na tinugunan rin naman ng mas mahigpit na yakap ni Marcus.

 "Sorry kung napa-iyak pa kita. Pero alam mo lalo mo lang pinakita kung gaano na ako ka-importante sa'yo.." bulong ni Marcus.

Ilang segundong nasa ganoong tagpo ang dalawa hanggang sa pasimpleng sinilip ni Marcus ang kanyang relos.

Nang makita na 15 seconds nalang at pasko na ay marahan siyang kumawala sa yakap.

Tinitigan niya si Grenan, isang napakatamis at napaka-gaan na ngiti ang ibinibigay niya rito.

Maging si Grenan na hindi makapaniwala sa mga nangyayari ay nakuha ring mapangiti ng pagkatamis-tamis.

At nang marinig na ni Marcus ang mga fireworks mula sa taas tanda na pumatak na ang oras sa pagpasok ng Kapaskuhan..

 "Merry Christmas Grenan.."
 "Merry Christmas, Marcus.."

Nakuha pang matawa ng dawala dahil sa pagkakasabay nila.

 "Maraming salamat sa lahat Grenan, salamat." magaan at seryosong sabi ni Marcus.

 "Isang napaka-imposibleng bagay ang binigay mo sa akin, yun ay ang pagtingin sa good sides ng bawat negative things na nangyayari. You are not just a gift. You are a good-lesson, Grenan."

Hanggang sa napa-pikit nalang dahil sa gulat si Grenan nang bigla siyang halikan ni Marcus sa noo.

Ilang segundong namayani ang katahimikan, na tila tanging fireworks lamang ang nangingibabaw sa paligid ng dalawa.

At sa nakuha nilang mapangiting muli nang muli silang magharap.

 "Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala, basta ang alam ko.. regalo ito. Isang magandang regalo."

Nakangiti at tonong nagpapasalamat ni Grenan at muli niyang niyakap si Marcus.

Hanggang sa pareho silang napapikit. Pareho silang nagpapasalamat, at pareho silang masaya dahil sa mga nangyayari.



Totoo nga naman na sa bawat paskong daraan ay may isang regalo tayong matatanggap.

Regalo na siyang maaaring bumuo ng bagong taon na ating haharapin.

Positibo man o negatibo, sana'y ito'y maging isang rason o gabay para sa atin upang magsimula ng isang panibagong buhay sa isang bagong taon.

Siguro nga ang buhay ay hindi lamang natatapos sa labing-dalawang buwan o isang taon na dumaan, bagkus ito'y nagsisimula sa bawat pasko at bagong taon na dumarating.


 "Naaaaay!! Merry Christmas po!!"

Isang napakalakas na pagbati ang sinalubong ni Grenan nang makapasok siya sakanilang bahay.

Puno ng kagalakan si Grenan, kitang-kita ito sakanyang mukha maging sa kanyang tono na siya talagang ikinakuha ng atensyon ng mga taong nasa loob ng bahay.

 "Merry Christmas din anak, halika't kumain kana dito. Ikaw ang may handa nito, kaya para sa iyo ito anak." galak na sabi ng inay niya.

Napangiti naman lalo si Grenan dahil sa sinabi ng inay niya.

 "Teka nay, may bisita po tayo.." masayang sabi ni Grenan at pag-alis sa may harap ng pinto.

 "Oh mam Miriam?" agad na sabi ng ate niya.

 "Merry Christmas po, gusto po sana namin na makisali sa munting salo-salo niyo. Kaya heto at may dala narin kaming mga pagkain.." tuwang-tuwang sabi ni mam Miriam, ang inay ni Marcus.

Hanggang sa napuno ng kwentuhan at tawanan ang tahanan nila Grenan.

Tahanan na siyang naging tahimik ng ilang taon dahil sa hirap na pinagdaanan ng mga taong nakatira dito.

Nguni't dahil sa paskong ito, ito'y muling nabigyan ng pag-asa at saya. Lalo pa't nariyan ang kanilang mga kapitbahay para pagsaluhan at sabay na salubungin ang kapaskuhan.

Dahil hindi lamang nabubuo ang kasiyahan mula sa isang tao, kaya naman huwag sana natin kalimutan na mas masaya ang isang "hapag-kainan" kung ito'y pagsasalu-saluhan.

 "Grenan, salamat talaga kasi nilapitan mo ako nun, salamat kase magkasama tayo ngayon. Na may kaibigan na ako."

Nakangiting sabi ni Marcus at pag-akbay niya pa kay Grenan.

Para lang silang isang simpleng magkapatid.

Ngayon naman ay nakaupo sila sa harap ng bahay nila Grenan.

 "Wala yun. Salamat din sayo. Tsaka masaya din ako kasi dumating ang araw na ito."

Pagmamalaki ni Grenan habang sa kalangitan lang ang tingin.

 "Ang araw na ito? P-paano mo nasabi?" patukoy ni Marcus sa sinabi ng isa.

Napunta naman ang tingin ni Grenan sakanya.

 "Itong araw na ito, itong pasko na ito. Na sinalubong namin itong muli ng masaya, na puno ng kagalakan.. higit sa lahat, may bagong rason para ipagpatuloy ang buhay." mahinang sagot ng isa. "Tapos.. tapos nakilala pa kita, Marcus."

Isang simple nguni't napaka-gaan na ngiti ang binigay ni Grenan matapos niyang magsalita.


Siguro nga'y ang bawat paskong daraan ay simbolo ng isang muling pag-asa.

May mga madidilim at mahihirap na bagay man tayong kinahaharap ay sana'y huwag nating makalimutan na ang araw na ito ay ang araw ng ating lumikha. Na kung saan sana'y pagmamahal ang ating mai-regalo, hindi lamang sa ating sarili kundi pati narin sa mga taong lubos itong hinahangad.

 "Payakap nga!" maganang request ni Marcus na agad namang pinagbigyan ni Grenan. Sobrang proud ang dalawa, hindi narin naiwasang mapaluha ni Marcus.

 "Oh ba't ka umiiyak? Niyakap lang kita umiyak kana?" mahinang tanong ni Grenan.

 "Wala 'to. Basta masaya lang ako. Ganito muna tayo ah.. payakap muna, yakapin muna kita.." tonong nakiki-usap ni Marcus na naging dahilan ng mas lalong paghigpit ng yakap ni Grenan.



Wala na nga sigurong mas hihigit pa sa isang yakap. Lalo pa't kung ito'y magmumula sa isang espesyal na tao sa ating buhay.

Minsan sa buhay ay may mga bagay talaga na napaka-bilis na lamang kung mangyari. At may mga bagay rin na siyang nagiging dahilan ng ating kasiyahan at maging kalungkutan.

Maaaring tunay nga talagang makabuluhan ang araw ng kapaskuhan. Tuwing daraan kasi ito'y hindi maaaring hindi tayo makaka-tanggap ng isang regalo.

Kaya sana'y hanggat kaya natin, hangga't may kakayahan tayo.. ating iparamdam sa iba ang tunay na diwa ng Kapaskuhan.

Mababa man o mataas ang ating estado sa buhay, masaya man o malungkot ang ating pagsalubong.. nawa'y hindi ito maging hadlang sa atin upang maging mapag-pasalamat sa araw ng kapanganakan ng ating lumikha.

Tandaan na hindi kailanman hadlang ang kalungkutan sa buhay, pagka't ito'y isa sa mga rason ng isang nabubuhay upang harapin ang isa pang bukas at muling ngumiti.







The End

5 comments:

  1. sna my bgo k n storie

    ReplyDelete
  2. Napakasarap naman!
    Nakakaantig...
    Namiss q tuloy ung family q.
    Sana may kwento ka pa.
    Kwentuhan mo pa kami ha...

    -Ethan from Jeddah

    ReplyDelete
  3. Salamat sa story mo.

    ReplyDelete
  4. Nice nice mdyo napaluha aq dun ah! Galing thanks author.

    ReplyDelete
  5. Nice nice mdyo napaluha aq dun ah! Galing thanks author.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails