Athr'sNote-
Hi guys :) pinabilis ko na ang update. Mahaba narin ito, kaya asahan niyo na malapit na tayo sa pinaka-latest na mga pangyayari. Hohoho
Dun sa nagcomment sa chapter04 na si EdisonSmith, hm.. Salamat at mukhang nagustuhan mo yung story :) At tungkol dun sa request mo? Hwag kang mag-alala dahil may mga plano na ako nung una palang, kumbaga update nalang talaga ang hinihintay niyo :) Gets?
At kay TC, haha "keep on shining" talaga eh noh? :) ang cute lang. Hahahaha
And guys, dun sa mga nagbabalak basahin yung "Me & My Rules" na hindi ko na natuloy.. ako na ang nagsasabi na hwag niyo nang basahin yun. Kasi may mga nag-iba na eh, may mga inalis at binago ako, hindi kayo makakasunod kung babasahin niyo yun.
Pokus kayo dito guys, konting tiis, malapit na tayo sa sukdulan. Hahaha
Pinaghahandaan ko ang mga magiging takbo ng pangyayari dito. kaya pokus kayo dito :) para sa inyo ito.
Salamat sa mga nag-comment sa chapter04, at heto na ang chapter05. Enjoy!
Happy reading.. :)
--
Point Of View
- K o b e -
"G-grabe, 'di nga?"
Mas lalo lang akong nainis.
Ulit-ulit yung dalawa eh, si Az at Dennis.
Hindi ko na sana sinagot yung tanong nila. Mula eskwela hanggang sakayan at dito.. tanong ng tanong. Nakakasawa lang.
"Oo nga. Siya nga yun. Sino ba namang hindi mababadtrip diba? Parang hindi na niya ako kilala."
Inis ko. Padabog lang akong nahiga sa may sofa.
Narito na kami sa bahay, kadarating lang namin.
"Kaya pala pinatulog mo dito." patango-tangong sabi ni Dennis ma wari'y may nakumpirma ito.
"Oo nga noh? Kaya rin pala, alalang-alala ka nung nalaman mong hinanap ka niya at basang-basa siya sa ulan." dagdag pa ni Dennis.
"Pwede ba? Tumigil na muna kayo.. naiinis lang ako lalo eh." simangot ko pa.
"Kobe, may sasabihin ako.. hwag kang magagalit."
Napatingin naman ako kay Dennis at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
"Mas gwapo sa'yo si Christian.."
Medyo pangiting sabi niya.
"Okay lang. Si Chan naman yun eh." pagngiti ko rin, tonong pagmamalaki pa.
Hmm.. kapag naaalala ko yung nag-alala siya sa akin nung nagkasakit ako, totoo'y natutuwa ako.
"So ngayon kilala niyo na siya. Kaya subukan niyo siyang pag-usapan ng masama sa harap ko, lilipad talaga kayo." sabi ko.
"Sus. Totoo nga sabi ni tita Sen, patagong obsessed." natatawang sabi ni Az.
"Tama. Sa susunod, lantarang obsessed na." dagdag naman ni Dennis.
Agad ko lang silang binatuhan ng unan.
"Kapag kayo hindi tumahimik, tignan niyo lang." simangot ko sakanila.
Tumawa lang sila.
Hay nako.
Kailan kaya kami makakapag-usap ni Chan?
"Bahala na muna kayo dyan. Doon lang ako sa kwarto."
Ang nasabi ko at agad na nga akong pumunta sa kwarto ko.
"Okay, Chan.. I miss you.."
Natawa na lang ako sa nasabi ko.
Dito nahiga kahapon si Chan :) kaya halos yakapin ko na yung buong higaan ko.. BUONG HIGAAN. Haha
Nawala nalang bigla ang inis ko.
-----
Point Of View
- J a y d o n -
"Woy? Sabi ko kung nakita mo ba ako sa seaside kahapon?"
Marahang pagsiko ko kay Chan, mukhang daydreaming nanaman ang dating eh.
"Ah? H-hindi, naisip ko lang na baka nandun ka kahapon."
Napatango na lang ako.
Kailan kaya siya tatangkad? Haha
"Tara nga punta tayo sa inuupahan ko.. gusto mo pa ng chocolates diba?" pagngiti ko at paglapit ko pa ng mukha ko sa mukha niya.
Kinailangan ko pang yumuko ng kaunti kasama ang aking katawan para lang maabot yung mukha niya . 5'6, all the way. Haha
"Kapag ako nainis, puputulin ko 'tong ilong mo." pagngiti ni Chan nang hawakan niya yung ilong ko.
"Kapag ako naman ang nainis, kakagatin ko 'tong labi na 'to." pagbibiro ko at paglagay ko pa sa hintuturo ko sa may lower lip niya.
Napakunot siya, hanggang sa unti-unti siyang napapangiti..
"Tanga. Mahal masyado labi ko para ipakagat ko sa'yo." pagtawa naman niya bigla at nakuha pa naming magkulitan.
----
"Ang tatangkad niyo naman.. dapat hindi mo na ako sinama." pagbulong ni Chan sa akin.
Nakilala na niya mga pinsan ko. Mga taga ibang school, kasama ko rin sa basketball dito sa liga sa amin.
"Atlis natatangi ka." pagngiti ko. "Nag-iisang maliit." at pagtawa ko na.
Nakuha pa naming magbasaan ng tubig. Habang naghuhugas kasi ako ng pinggan ay nilapitan niya ako.
"Nga pala, sama ka samin ah?" sabi ko nang lumayo na siya, masyado na daw siyang nababasa, haha
"Oo nga. Sa may court diba?" tanong niya, tumango lang ako.
"Oh bakit?" ang nasabi ko nang mag-iba bigla yung ekspresyon niya.
"W-wala. May naalala lang ako." sabi niya, tumango na lang ulit ako.
Praktis namin mamaya. Next week, may laban kami sa liga eh. Sana naman hindi na pikon makakalaban namin, para hindi kami mapaaway ng mga pinsan ko.
Nang matapos na ako sa paghuhugas. Saglit kong tinignan si Chan na nakapokus sa phone niya, kita ko lang yung guhit ng ilong niyo habang medyo nakayuko siya.
Pag ako talaga nainis, aangkinin ko yung matangos niyang ilong. Hahahaha
Agad akong lumapit sa may lamesa nang marinig kong tumunog yung phone ko.
"Oh hello?" pagsagot ko sa tawag.
Tawag, mga nasa bahay.
"Oh? K-kailan daw?
Saturday?
Ge ge, pa-inform yung school na pupunta ako.. Salamat."
At binaba ko na nga ang tawag.
Napangiti ako. Opportunity nanaman pala para magpapansin, haha.. nice nice .. :)
Agad kong nilingon si Chan, kumakain nanaman.. ice cream.
Ang bilis, kanina sa phone niya ang pokus niya, ngayon sa pagkain!
"Chan." masayang sabi ko pagkalapit ko sakanya.
"May sasabihin ako. Okay lang?" alanganing sabi ko, sana pumayag siya.
"Oo basta ikaw. Ano ba yun?" sabi niya at pagtingin niya sa akin, binitawan niya muna yung kutsara na gamit niya.
Hindi muna ako sumagot.
"Pahinge muna." sabi ko at paggamit sa kutsara niya.
Napangiti nalang ako sa naisip.
"Ang sarap. Favorite mo ba choco?" tanong ko pagkatikim ko sa ice cream.
"Kaya nga limang chocolate na nasa bag ko eh. Kung pwedeng ibaon ang ice cream, inuwi ko na.. kanina pa." pagtawa niya. "Salamat ah?" pahabol pa niya.
Haha, binigyan ko siya ng chocolate. Iuuwi niya nga daw eh, mamaya daw niya kakainin sa bahay nila.
Ang sarap sa pakiramdam, na napapangiti o napapasaya mo yung taong katulad ni Chan.
"Walang ano man. Basta rin ikaw." balik ko.
"Ano palang sasabihin mo?"
"May lakad ako sa saturday eh, gusto sana kitang isama.. kung okay lang sa'yo?" mahinang sabi ko at pagtingin sakanya ng deretso.
Binigyan ko siya ng tingin na nakiki-usap. Puppy eyes, sana umubra ka.
"Makakatanggi paba ako? Eh yung mga mata mo, parang luluha na eh." nakangiting sabi niya at paghawak pa sa ilong ko.
Ang cute talaga ni Chan. Totoo ba kaya 'tong nararamdaman ko sakanya?
Saglit ko pa siyang pinagmasdan, hindi ako nagreact sa sinabi niya.. hinayaan ko lang siya na hawakan ang ilong ko.. hindi ako gumalaw at pinagmasdan ko lang siya.
Paano ko ba siya nagustuhan?
"Jaydon naman eh, hwag mo nga akong tignan ng ganyan." biglang pagmamaktol niya at pabirong pagsampal pa niya sakin dahilan para maiba ang tingin ko.
Doon na ako natawa. Alam ko na kung bakit ko siya nagustuhan, kung bakit ako nahulog sakanya.
"Isa pang sampal mo.. kakagatin ko talaga yang labi mo." pagbibiro ko.
Nagulat naman ako nang mabilisan niya akong sinampal, yung pabiro ulit.
Agad niyang tinakpan yung labi niya at..
"Kadiri ka.." ngiwi niya saka niya ako ulit sinampal.
Sinampal nanaman niya ako?
"Tara? Punta na tayo sa court?" natatawang sabi niya at agad na nga siyang tumakbo palabas.
Naiwan akong nakahawak sa kanang pisngi ko.
"Tatlong sampal yun ah?" ang nasabi ko.
Saka na lang ako napa-iling at tumayo na nga para sundan siya. Lakas mantrip ni Christian. Haha
-----
Point Of View
- Third Person's -
Abala ang tatlong magkakaibigan sakanilang kinakain, hinihintay nila si tita Sen nila.
Nasa may plaza sila, malapit sa may basketball court sa lugar nila.
Street foods ang trip nila ngayon.
"Oh ang tahimik mo? M-may problema?"
Napa-angat ng tingin si Kobe nang may magsalita, si tita Sen na niya pala.
"Hi tita Sen, kain po.." alok kagad nila Az at Dennis sakanya.
"Salamat. Wait muna.." balik ng tita Sen nila at muling pagharap kay Kobe.
"May naalala kasi ako."
Ang biglang sabi ni Kobe habang sa kinakain nito ang tingin.
Saglit na napatigil ang tatlo.
Nakuha ng tatlo ang nais iparating ng tono ni Kobe, kaya naman tumahimik na nga sila.
"May tatlong tao kasi ang nagpapaalala sa akin kapag kumakain ako ng ganito." patukoy niya sa fishball na kanilang kinakain.
Nakangiti ito, na tila inaalala ang magagandang bagay na nangyari dati.
"Park, sa park.. lagi kaming kumakain ng mga ganito. Bata pa kami nun nung bestfriend ko pero mas matakaw pa kami sa mga kuya namin."
Agad namang itinaas ni Kobe ang kanyang tingin paharap sa langit, para sana mapigilan yung pagbagsak ng mga namumuong luha niya.
Naaalala nanaman niya ang kanyang kuya Kash.
Masyado niya atang namimiss at masyado na nga talaga siyang nangungulila sa mga pangyayaring iyon, lalo na sa mga kasama niya ng mga panahong iyon.
"Ako, si kuya Seven ang kuya Kash ko.. pati na ang pinakamatakaw kong bestfriend, si Chan."
Agad na niyang tinakpan ang kanyang mga mata. Tuluyan na nga siyang napa-iyak. Tahimik, napakatahimik..
Halos maluha-luha rin ang tatlo, alam nila ang kwento ng buhay ni Kobe, pati na ang pagkatao nito.
Pasimpleng inilapit ni tita Sen si Kobe sakanyang balikat, niyakap niya ito.. alam niyang minsan lang umiyak 'tong si Kobe.. kaya naman kapag umiyak ito, may dahilan.
Nakita na lang ni tita Sen na wala na pala ang dalawa, sina Az at Dennis.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Oh naka tatlong three point nako. 7 na lang, para yung dare ah?"
Halos mapangiwi ako nang lapitan ako ni Jaydon, seryoso nga siya sa dare.
Ba't ba kasi ako pumayag?
Kadiri yung dare namin eh. Akalain ko bang magaling nga siya? Akala ko kasi saling-pusa lang siya sa basketball eh. Kala ko tangkad lang, puro akala akala.. Tsk
"Oy Chan? Yung dare ah? 7 three point' na lang oh.."
Paglapit pa niya sa mukha ko.
At dahil naka-upo ako, at sobrang tangkad niya.. parang isang posteng naputol ang dating niya.
"Oo na. Baka matalo pa kayo, balik kana dun." ang nasabi ko at bumalik na nga siya sa mga kasama niya.
Nakipagpustahan sila eh sa mga katulad nilang kabataan dito. Hindi naman pera pusta nila, tatlong malaking coke ang pustahan nila.
P-pero yung dare namin ni Jaydon.. tsk, patay ako nito.
(
flashback
"Mga tol, pustahan nalang. Coke lang naman.."
Abala sa pakikipag-usap yung mga pinsan ni Jaydon sa ibang naglalaro sa court.
Kami naman ni Jaydon, nasa likod lang, nakaupo.
"Oy Chan mamaya na kaya yan, ang takaw mo naman." sabi ni Jaydon at pabirong pagsiko pa sakin.
"Bakit ba? Binibili mo'ko tapos nagrereklamo ka na kinakain ko." sabi ko habang abala lang sa pagsubo, siomai. Haha
"Ay ewan. Maglalaro kami oh.. ayaw mo bang manuod?"
"No choice nako. Nandito narin ako eh, edi manunuod syempre." inis ko, kumakain ako eh.. istorbo.
"Hindi kaba mahilig sa basketball?"
Napatingin naman ako sakanya dahil sa tanong niya.
Kung alam lang niya.
"Mahilig kaya, kaya nga ako sumama eh. Nasaktong hindi lang talaga ako magaling sa ganyan." sagot ko.
"Nge? Gwapo nga, hindi naman marunong magbasketball." tonong nang-iinsulto niya.
"Syempre naman. 'Art of balance, remember?" tonong pagmamalaki ko.
"Wow. Kapal ah? Pero sabagay, pandak ka eh.. 'art of balance nga talaga."
Ngingiti na sana ako, nang-insulto nanaman siya.
Kaya naman itinuloy ko na lang ang pagkain.
"Penge nga..."
Pagtingin ko sakanya, nakanganga na siya kagad.
"Susubuan nanaman kita? Talaga lang ah?" pagkunot ko habang nakangiti.
Sinubuan ko na lang siya. Parang may kapatid pa tuloy akong kasama.
"Oh tol Jaydon, game daw. 3 cokes, pwede na yun.. parang praktis narin."
Sabi nung isa niyang pinsan pagkaharap samin.
"Ge, saglit lang." balik ni Jaydon saka naman lumapit sa may tainga ko.
"Pustahan? Game?" bulong niya.
"Sige." pagbulong ko rin sakanya.
Parang tanga lang.
"Dare ha?" agad na sabi ko pa, hindi ko na ibinulong.
"Ahm..." posturang nag-iisip niya.
Nakakatuwa siyang tignan, yung bang mawawala yung pagod mo kapag nakita mo siya. May ganun eh, diba?
T-teka, ano ba 'tong nasasabi ko?
"Dare." sabi niya.
"Sige ganito, dapat makagawa ka ng sampung three points, tapos.." sabi ko saka nag-isip..
"Tapos pag hindi mo nagawa yun, limang kotong. Oo tama, makokotong ka sakin." excited na sabi ko tsaka pa ako humalakhak, na para bang demonyo na siguradong mananalo, haha
Hundred percent, alam ko hindi niya magagawa.
Matangkad lang 'to eh. Mukhang hindi naman magaling..
Victory is mine, mine.. mine..
"Ge. Tapos pag nagawa ko naman, ipapakagat mo sa'kin yang labi mo."
Wala sa sarili naman akong napatigil sa kakahalakhak at napalunok pa ako nang makita yung mga ngiti at tingin niya.
"Sira ulo ka ba? Ba't yun pa? Ang dami namang pwedeng.."
"Ayaw mo? Bahala ka.. kotongin na lang kita kapag nagaw.."
"Ge ge. Kagat na lang."
Agad ko namang natakpan bunganga ko matapos kong putulin yung sinabi niya.
T-teka, t-tama ba nasabi ko?
AAAARRRRGGGHHHHHHH!!
Ayaw ko kasing ma-kotong eh. Tsk
"Then deal. Ge, sabi mo yan ah? Osiya, start na kami."
Naiwan nalang akong nakatingin sakanya habang papunta siya sa court.
Ano bang kasalanan ko para magkaroon ng kapreng kaibigan? Nasaktong loko-loko pa? Tsk
Bahala na!
Hundred percent, tiwala ako sa pursyento ko.. ako ang mananalo.
Kokotongin ko talaga siya ng malakas kala niya lang.
end
)
"Chan uy.. Chan.."
Napa- "h-hah?" na lang ako.
Si Jaydon pala.
"Sabi ko, nakapitong three point na ako, tatlo na lang mananalo na'ko sa pustahan natin."
Nakuha ko nanamang mapalunok.
Ano ba 'tong pinasok ko?
Napatango na lang ako.
Ang galing pala ni Jaydon, mukhang mas magaling pa ata siya kay Kobe?
"Ahm, k-kuya?"
Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Tatlong babae, matataba sila.
"P-pwede po ba naming punasan pawis niyo?"
SERIOUSLY?
T-talagang nasabi nila yun?
"Oh sure, ge.."
Napakunot naman ako nang marinig ang sagot ni Jaydon at paglapit pa niya sa mukha niya sa mga babae. Akala ko hindi siya kikibo dahil sa ugali niya nga sa ibang tao pero.. SERYOSO?
Nang makita kong pupunasan na nung mga babae yung pawis niya ay agad na akong tumayo.
"Oops, sorry.. hindi po pwede." agad na sabi ko at paghila kay Jaydon. "May magagalit po kasi." pahabol ko pa.
Agad ko namang kinuha yung baon kong pamunas saka inabot kay Jaydon.
"Hwag ka ngang magpapunas sakanila." inis ko, pabulong.
"Bakit?" maang naman niya, lalo naman akong napasimangot.
"Basta." sabi ko na lang.
At dahil hindi niya pa pinupunasan yung mukha niya mabilisan ko na ngang kinuha yung pamunas at ako na ang nagpunas sa mukha niya.
"Oh yan pwede na.. dun kana nga dali.." pagtulak ko pa sakanya, kita ko na natawa naman siya.. napa-iling nalang ako nang makabalik na siya sa gitna.
"K-kuya, a-ano niyo po siya?"
Napabaling naman ako sa tatlong babae.
"Pinsan ko, pasensya na sa ginawa ko ah? Baka kasi magalit yung karelasyon niya eh, baka mapa-away kayo." pilit na pagngiti ko.
Pagkaupo ko, inabala ko na lang yung sarili ko sa pagkain. Ang sarap ng siomai eh, ma-anghang sobra.
Kapag kasi pinapanuod ko si Jaydon, napapanganga na lang ako. Tsk, basketball player nga talaga.
At yung dare? Nako, hayaan niyo na. Hindi na lang ako kikibo, tatakasan ko na lang siya. Haha
Matapos kong maubos yung siomai ay nakaramdam ako ng uhaw.
Kaya naman agad akong tumayo at naglakad palabas ng court.
Kita ko naman na nakatingin sa akin si Jaydon at nagbibigay ng nagtatanong na tingin.
Sinenyasan ko siya na bibili lang ako ng inumin, iminuwestra ko narin na naaang-hangan na ako.. naparami kain ko eh.
Nang tumango siya ay agad na nga akong lumabas.
Inilibot ko ang aking paningin, at sa nakita ko yung mga nakahilerang pwesto ng palamig.
Pahakbang na sana ako papunta doon nang may humarang.
Nakuha ko pang magulat.
"Az? D-Dennis?.." ang patanong na nasabi ko.
"Christian David."
Simpleng sabi ni Az at pagbigay nang mapanuring tingin, nakuha ko namang mapaatras.
"Totoo nga mga kwento ni tita Sen.." sabi pa nung Dennis.
Dahan-dahan akong umaatras dahil naguguluhan ako sa inaasta nila, dahan-dahan rin naman silang lumalapit.
"Pinsan, alam mo mas masarap yung mga ganitong mukha, yung bang maputi tapos makinis.."
Halos mapangiwi naman ako sa sinabi ni Dennis.
Mas masarap?
Parang nawala tuloy yung anghang sa panlasa ko pati yung uhaw na nararamdaman ko.
"Oo nga eh. Mas tatatak yung dugo, yung pasa na iiwan natin."
Nakuha namang manlaki ng mga mata ko sa sinabi ni Az.
"A-ano? Una na ako? Ako na magstart?" nakangising tanong ni Dennis, kita ko na tumango naman si Az.
"Anong problema niyo sa'kin?" kinakabahang tanong ko, paatras ako.. sila naman papalapit.
Nang makitang susuntukin na ako ni Dennis ay saka naman ako agad na napapikit..
Hindi ko magawang magreact, nakakabigla naman kasi sila eh.
Isa,
Dalawa..
T-teka anong nangyari?
Wala sa sarili naman akong napamulat nang walang nangyari.
Kita ko na nakalapit na yung mukha nung dalawa sa mukha ko.. seryoso na.
"Yung kaibigan namin."
Simpleng sabi ni Dennis
Kaibigan nila? Si Kobe?
"Yung kaibigan namin, si Kobe.." dagdag pa ni Az.
"N-napano si Kobe?" ang agad na tanong ko.
"Umiiyak dahil sa'yo."
"Si Kobe umiiyak.. swerte ka dahil, dahil sa'yo kaya siya umiiyak."
Aaminin ko, para bang nanghina ako sa narinig.
"Si Kobe?" ang mahinang nasabi ko pa.
"Miss na miss kana ng bestfriend mo, h-hindi ko man lang ba naisip yun?"
"Oo nga. Christian, umiiyak si Kobe.. ikaw kasi eh."
"Naturingan ka pa namang bestfriend ni Kobe.
"Tsktsk..."
"Ganyan ba ang bestfriend?"
Nang marinig ko ang mga huling sinabi nila..
Hindi ko alam pero parang biglang nag-iba yung pakiramdam ko.. yung ekspresyon ko.. lalo na yung tingin ko.
"Anong sabi niyo?" seryosong sabi ko.
Oo matangkad sila, pero nagawa ko parin silang tignan ng deretso.
"Bestfriend? A-anong klaseng bestfriend ako? T-tama ba narinig ko?"
Ako pa talaga ang dapat sabihan ng ganun? Na kung anong klaseng bestfriend ako? Ako yung iniwan, tapos ang labas ko pa ay walang kwentang bestfriend?
"C-Christian?.."
Kita ko yung alanganing tono at ekspresyon nung dalawa.
"Nagbibiro la.."
"Pakisabi sa kaibigan niyo, hwag siyang magsayang ng luha.. kung sa iyakan lang, mas grabe pinagdaanan ko." may diing sabi ko.
"Chan uy? Tara na? Panalo ako, yung dare?"
Napatingin ako sa nagsalita, nandyan na pala si Jaydon.
Muli kong binalingan ang dalawa.
"Pakisabi siya nang-iwan, kaya hwag siya masyadong madrama.. salamat."
Sabi ko sa dalawa at agad ko na silang tinalikuran.
Agad kong nilapitan si Jaydon at hinila siya palayo.
"Pinagtripan kaba nila?"
Nawala yung simangot ko nang magtanong si Jaydon, kita ko yung seryosong tingin niya nang lingunin niya ako.
"Hindi. Nagtanong lang.. tara na nga, hanap tayo ng mabibilhan ng inumin." pagbigay ko ng walang kasing lawak na ngiti, mahirap na.. baka akalain niya ay pinagtripan nila ako.
Alam ko mainit ang ulo niya sa dalawa, nagpipigil lang siya.
"Hwag na, nanalo naman kami eh.. yung coke, dun kana lang uminom."
"Sige sige, tara sa inuupahan niyo.. alis muna tayo dito?" pamimilit ko, alam kong napapasunod na lang siya.
Nasa may likuran niya kasi ako eh, tinutulak ko siya habang siya'y abala lang sa pagpunas sa pawis niya.
Parang may posteng tinutulak lang ako.. pero ang galing lang, pawisan siya pero walang ano mang baho akong naaamoy, ang bango pa nga eh.. haha
"Pakatulak mo naman.. nagpupunas ako ng pawis eh, gutom ka nanaman noh? nagmamadali ka eh.."
Lihim naman akong natawa sa sinabi niya.
"Jaydon bilis na, nauuhaw na kasi ako.. tara tara." pagmamadali ko pa.
"Oh tara bili na lang kita dito.." biglang paglakad naman niya pakanan.
Agad kong inilibot ang aking paningin, nang may makita akong pampublikong banyo..
"Jaydon, hintayin mo muna ako diyan ah? S-saglit lang, cr lang ako." mabilis na sabi ko at iniwan ko na nga siya.
Nang makarating ako sa banyo, na saktong pang-isahan lang.. agad ko nang sinara ang pinto.
Siyang paglock ko, ay siyang tuluyan nang pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pilit na pinipigilan.
"Naturingan ka pa namang bestfriend ni Kobe."
"Ganyan ba ang bestfriend?"
Ang sakit naman ng sinabi nila. Parang alam nila ang pinagdaanan ko nung panahong hinahanap-hanap ko yung presensya ng kaibigan nila.
-----
Point Of View
- K o b e -
"A-ayos kana?"
Marahan lang akong tumango sa tanong ni tita Sen.
"Gusto mo ba kausapin ko siya?"
Agad naman akong umiling.
"Hwag tita, h-hayaan niyo nalang." tonong pakikiusap ko pa.
Ayoko. Nahihiya ako kay Chan. Ayaw kong malaman niyang umiyak ako dahil sa miss na miss ko na siya.
"Sigurado ka ah? Osiya uuwi na ako, hinihintay pa ako sa bahay. Az Dennis, dumito na muna kayo sa bahay.. aalis na ako."
Nakahinga naman ako ng malalim, mabuti at hindi na nangulit pa si tita.
Pero mabuti na lang at nandyan siya, pati na sina Az at Dennis. Atlis, hindi parin ako nag-iisa.
Nang makaalis na si tita ay napakunot naman ako nang agad na lumapit ang dalawa sa akin.
"M-may kasalanan kami sa'yo.."
Sabay na sabi ng dalawa, alanganin at sabay pa talaga sila.
"Ano yun?" tanong ko.
Hindi naman sila sumagot, nakuha pa nilang magsikuan.
"Ewan ko sa inyo. Matutulog na muna ako, mamaya na lang yan." sabi ko na lang at paghiga na patagilid at patalikod mula sakanila.
Rinig ko naman na nagbubulungan pa sila.
"A-ano kasi, Kobe si ano.. si Christian."
Agad naman akong napaharap sakanila.
"Si Chan? N-napano?" agad na pag-aalala ko at nakuha ko pang mapa-upo mula sa pagkakahiga.
"Hindi, mali iniisip mo.. ahm.." tonong nag-aalangan ni Az. "Tae naman Dennis eh, ikaw na kasi magsabi."
Nakuha ko namang mainis dahil sa paputol-putol nila.
"Az Dennis, ano ba?" inis ko na.
"A-ah.. ano." biglang sabi ni Dennis mula sa pananahimik.
Napano kaya si Christian? Nag-aalala nanaman ako.
"Ano nga?" medyo napalakas ko nang sabi.
Nabibitin ako eh.
"Kinausap namin siya kanina eh."
"K-kinausap? Anong sinabi niyo? Ano bang nangyari? Ba't niyo kinausap?" tuloy tuloy na sabi ko.
Ba't nila kinausap? Tsk
"Yun nga, na eto.. na umiiyak ka kasi miss mo na siya. Yun lang."
Sinabi nilang umiiyak ako? S-SINABI NILA?
Sa nakikita kong ekspresyon ng dalawa, parang may mali eh.
"Tapos?" kunot ko.
"Nagalit siya. G-grabe naman pala yun, medyo nakakatakot pala yung dating niya kapag galit siya.."
Napapikit na lang ako sa narinig.
Ba't siya nagalit? Dahil ba sa ayaw niyang namimiss ko siya? Na katulad niya, ay dapat ba na kalimutan ko narin siya katulad ng paglimot niya sa akin? G-ganun ba ang ibig sabihin nun?
-----
Point Of View
- C h a n -
Kinagabihan, 8:00pm
"Yung waki muna." tuwang-tuwang sabi ko.
Ang kukulit ng magpipinsan, si Jaydon, si Jap at si Clark.
Selfie selfie sila, ako kumukuha.. nahihiya rin akong makisali sakanila eh.
Pero ngayon ko lang nakasama o nakabonding 'tong dalawang pinsan niya, mababait pala.
Nung una kasi hindi nila ako masyadong pinapansin, pero ngayon mukhang komportable na sila.
"Oh yung ngiti naman, yung pamatay niyong ngiti.." sabi ko matapos kuhanin yung waki pose nila.
Bawat sisilipin ko sila sa pamamagitan ng camera na gamit ko.. kay Jaydon lagi ang tingin ko.
Napapa-isip kasi ako, bakit parang ang bilis niyang nabura yung lungkot na nararamdaman ko kanina.
Yung kakulitan niya kasi, yung mga ngiti niya tapos inaasikaso niya pa ako na parang may bata siyang kapatid.. isama pa yung presensya ng dalawa niyang pinsan na ganito pala kasaya kapag talaga namang nakasumpong sila.
"Chan, ikaw naman.. dali kasama mo 'tong dalawang pinsan ko."
Agad naman akong napa-iling dahil sa sinabi ni Jaydon, parang nahihiya ako sa mga pinsan niya. Haha
"Woy dali na, hindi na nga kami nahihiya sa'yo eh.." sabi nung isa niyang pinsan, si Clark.
"Ang tatangkad niyo kasi eh.." nahihiya na natatawang sabi ko.
"Edi uupo, oh tara Clark upo tayo.. dali na, yung pose natin pang maangas naman.. saktong-sakto kay Christian.." agad na sabi ni Jap.
Napangiti naman ako. Mababait pala talaga 'tong mga ito.. kahit kapre sila. Hehe
"Oh.. 1.. 2........"
Pagbibilang ni Jaydon.
Kanya-kanya naman kami ng pose. Basta ako nakatingin lang sa camera, yung normal na ekspresyon ko..
Ganun kasi talaga yung mukha ko eh, maangas.. isama pa yung ipinagmamalaki kong paraan ng paglalakad.. na talaga namang normal din.
Pero dahil mabait ako, hindi masyadong pansin yun.
Ako paba? Hahaha
......
"Sige na? Nagugutom na'ko.."
Mahinang pagbulong ko kay Jaydon.
May mga nagpapraktis kasi ng basketball at nanunuod kaming dalawa, nasa court kami.
Ngayon, niyayaya ko na siyang umalis para makakain na kami.
"Sige na nga, gutom ka nanaman. Saan mo ba gustong kumain?"
Agad akong napangiti.
"Hm.. sa karinderya? Para kanin naman kainin natin." excited na sabi ko.
Naaalala ko nung dati, kami nila kuya ko, kuya Kash at ni Tenten.. doon kami sa may malapit na karinderya sa lugar namin kami laging kumakain kapag naglilibot kami.
"D-doon? S-sigurado ka?"
Napakunot naman ako sa reaksyon niya.
"Hwag mong sabihing hindi ka kumakain dun?" ang nasabi ko.
Agad naman 'tong umiling.
"Hindi ah. Tinanong lang naman kita, sige t-tara?"
Agad naman akong tumango at ako na talaga ang humila sakanya. Kanina ko pa gustong umalis eh, pinagtitinginan lang kasi kami dito.
"Nagtext kana?" biglang tanong niya nang makalabas na nga kami ng court.
"Oo, sabi ni tita sakay nalang daw ako ng trike pauwi." balik ko.
Pagkatapos naming kumain mamaya, uuwi na ako. Ang haba ng bonding time namin, haha
"Hatid na lang kita, noh?"
Agad akong umiling.
"Hwag na, kaya ko naman.. tsaka magpahinga kana muna. Mula sa laro niyo kanina sa basketball ay hindi kapa nagpapahinga, kaya pahinga ka muna." mahinahong sabi ko.. hindi pa kasi siya nagpapahinga eh, puro kami libot.. libot.. puro libot.
"Hahatid lang naman kita, ang arte mo." parang batang sabi niya.
"Jaydon? Para kang tanga, nag-aalala lang ako. Basketball, tapos libot, tapos libot, puro libot. Nakakapagod na nga diba?" simangot ko.
Hinihintay ko isasagot niya pero agad niya lang kinuha yung phone niya.
"Oh? Hello? Jap? B-bakit? Ako pagod? Paano ako mapapagod, eh kasa-kasama ko yung lakas ko. Osiya, byee.."
"Ano yun? Si Jap?" agad na tanong ko pagka-alis niya ng phone sa may tainga niya.
"Wala. Sabi ko kain na tayo, tapos sige hatid na lang kita sa sakayan ng trike, ayos po ba yun mahal na prinsipe?" posturang nagpapaliwanag pa niya, napangiti naman ako.
"Alam mo, pinipilit mo talagang prinsipe ako sa bahay namin.. pwera malambot lang kamay prinsipe na kagad?" natatawang sabi ko.
"Ewan ko sa'yo.. ayaw mo magpatalo.. pero ang bagal mo namang pumick-up." pag-iling iling pa niya.
"Pumick-up? Ang gulo mo naman kausap." sabi ko na lang at napakamot pa ako sa may batok ko.
Napangiti naman ako nang makita ang aming hinahanap.
"Eto eto.. dito na lang tayo kumain." excited na sabi ko at halos patakbo na nga akong naglakad.
Paglingon ko kay Jaydon, kita ko na parang bumagal yung paglalakad niya tapos parang nag-aalangan pa.
"Tara na nga.. gutom na'ko eh." sabi ko at paghila ko pa sakanya.. napasunod na lang siya.
.......
Halos ilang minuto narin ang nakalilipas nang matapos akong kumain.
Pasimple lang akong nakatingin kay Jaydon, yung pagkain niya.. konti palang ang nababawasan, ang bagal niya kasing kumain.
Naguguluhan ako, parang hindi siya sanay rito.. parang first time nga niya kumain dito eh.
Pero, ang kwento niya sakin. Mahirap lang sila, nasaktong narito siya sa Manila at nakikitira sa upahan ng dalawa niyang pinsan.
Ako naman, ang pakilala ko ay ganun rin.. na mahirap rin lang. Ayoko kasi ipaalam pa sa iba na mayaman kami, hindi ako ganun. Tsaka ang gusto ko, ang pagkakakilala nila sa akin dito ay simpleng tao lang.. kaya nga palibre ako ng palibre. Pakapalan na, hahaha
"Baka naman matunaw ako?"
Agad akong napakunot nang magsalita siya.
"Umayos ka nga, ba't hindi mo bilisang kumain? Nakuha ko nang matapos oh.." sabi ko.
"Busog kasi ako eh." kita ko yung alanganing ekspresyon niya.
"Umamin ka nga. Hindi kaba kumakain sa ganito?" tanong ko kagad.
At dahil magkaharap kami, inilapit ko ng kaunti ang sarili sakanya, yung bang tingin na nananaliksik.
"Hwag mo nga akong titigan ng ganyan." agad na pagsimangot niya, pabiro rin niya akong sinampal.
"Gaya-gaya?" pagngiti ko na.
Ngumiti rin lang siya.
At ginawa ko yung gustong-gusto kong ginagawa sakanya..
Hinawakan ko yung ilong niya, gamit ang dalawa kong daliri. Pointed, ang ganda tignan.
"Tara na?" tanong niya, nakangiti lang.
Tumango ako at agad na lang kaming nagbayad at umalis na nga.
May pagkamaarte lang siguro 'to.
"Tuloy ba tayo sa saturday?" agad na sabi ko nang makalabas na kami sa kainan.
"Oo nga pala noh? Sama ka ah? Kasama ko sila Jap at Clark." pagharap niya sa akin bigla, yung bang may naalala bigla.. tapos tuwang-tuwa siya.
"Saan ba?" natanong ko na lang.
"Sa amin, sa Cavite."
Napa-"O.O" na lang ako.
Akala ko naman dito dito lang sa lugar namin.
"Ang layo naman pala." reklamo ko. "Ma-iwan na lang ako dito." dagdag ko pa.
Syempre kunwari lang yun, haha
Sasama ako sakanya, kapag ako kasi inaasikaso niya, tapos yung tipong makikita mo pa sa ibang tao na iba yung pakikitungo niya pero sa'yo maganda.. kaya naman dapat pahalagahan ko rin siya.
Kailangang BUMAWI!
Kunwari hindi ako makakasama, sa surprise ko na lang idadaan.
"Ganyan ka naman.. sabi mo na kaninang umaga na sasama ka eh. Nakakawalang gana naman."
Palihim akong natawa sa tono niya.
Sabi na eh, masarap talagang pagtripan mga taong katulad niya.. lalo na kapag nagtatampo na sila. Haha
"Sorry ah? Hindi kasi ako pinapayagang pumunta sa medyo malayong lugar eh, kahit na sa Cavite lang naman.. hindi talaga ako papayagan nila tita eh." pagkukunwari ko, sinamahan ko pa ng malungkot na tono.. para may impact talaga, haha
"Ayan na yung sakayan oh, konting lakad nalang." walang ganang tono niya at pagturo sa may linya ng mga tricycle sa may kabilang kalsada. "Mauna na ako, salamat. Kalimutan mo narin yung dare, byee." rinig kong mahinang sabi pa niya.
Naiwan akong nakatingin lang sakanya. Naglalakad na siya paalis, nakatalikod na mula sa akin.
Saglit ko siyang pinagmasdan, isang matangkad na parang nabagsakan ng problema.
Nakonsensya tuloy ako. Yung dare papala, kanina ko pa pilit na hindi binabanggit at mukhang nahalata niya ata iyon kaya naman hindi na niya binanggit kanina.
Pero sa totoo lang, napangiti ako dahil nagtatampo rin pala ang isang tulad niya.
Hahabulin ko na sana siya nang..
"Christian?"
Napalingon ako sa tumawag, napatigil tuloy ako.. patakbo na sana eh.
"Po?" ang nasabi ko.
Kilala niya ako? Pangalan ko ba talaga tinawag niya?
"Tama ikaw nga." tuwang sabi pa niya.
Isang babae. Tantya ko mga ilang edad lang ang lamang niya sa akin.
Maganda siya, tan yung kulay niya, straight yung buhok.
"Ako pala si Senny Hernandez.. hi!" magiliw na sabi niya at paglahad pa niya ng kanyang kamay.
Nilingon ko saglit si Jaydon, nakita ko na wala narin ito.. kaya naman muli akong humarap sa babae.
"Hi, Senny Hernandez." pilit na pagngiti ko at pag-abot sa kamay niyang nakalahad.
Hernandez
Hernandez
Hernandez
Hernandez
Hernandez
Kahit ilang beses kong ulit-ilitin sa isipan ko.. magkapilido at magkapilido nga talaga sila ni Kobe.
"Familiar ba pilido ko?"
Wala akong nasagot sa tanong niya. Manghuhula ba 'to?
"Nga pala, pinsan ako ni Kobe.. ng bestfriend mo."
'Speechless..
Parang otomatiko lang akong natulala, nagulat.
"Pwede ba tayo mag-usap?" tanong niya.
"P-pinsan mo talaga si Kobe?" hindi makapaniwalang sabi ko.
Tapos alam niya rin na magbestfriend kami? Kanina sina Az at Dennis alam, tapos pati siya? Siguro close talaga sila kay Kobe.
......
"Wala ka talagang balak na lapitan o kausapin siya?"
Napatahimik ako dahil sa tanong ni tita Sen, tita Sen daw ang itawag ko sakanya dahil yun daw ang tawag sakanya nila Kobe.
"Ayaw mo naba siyang makasama ulit?"
Wala talaga akong maisagot.
Nasa may labas kami ng isang convenience store. Ang dami narin niyang naikwento sa akin at naitanong.
"Natatakot po kasi ako sakanya eh." mahinang sabi ko.
Totoo naman kasi.
Hindi ko alam kung gusto o ayaw na niya akong makausap.
Hindi naman talaga ako galit sakanya dahil sa umalis siya.. siguro tampo lang dahil sa hindi na siya bumalik.
"Ang kulit mo talaga, para kang bata. Diba nga sabi ko naghihintayan lang kayong dalawa."
Mula sa pagkakayuko ay napa-angat ako ng tingin.
Gusto kong maniwala pero ewan ko kung bakit mas naiisip ko yung mga negatibong bagay.
"Baka kasi hindi na niya ako gustong.."
Pareho kaming napatigil nang magring bigla yung nakalapag niyang phone.
Pareho rin kaming napatingin rito.
"Istorbo naman 'tong si Dennis." inis na sabi ni tita Sen.. si Dennis pala.
"Oh Dennis bakit?" agad na sabi ni tita Sen pagkasagot niya sa tawag.
Ni-loud speaker niya ito at hinayaan lang na nakalapag sa may lamesa, bale pareho naming maririnig yung sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Tita Sen, kasama mo ba si Kobe?" agad na sagot ni Dennis.
"H-hindi eh? Bakit?"
"Tita Sen wala kami sa bahay eh, umalis kami ni Dennis.. pakitingin naman si Kobe sakanila. Bago kasi namin iwan yun nagbabalak nanaman uminom eh, baka uminom kasi."
Rinig kong sabi naman ni Az, magkasama pala yung dalawa.
"Hah? Ba't nanaman daw? Iinom nanaman?" agad na tanong ni tita Sen.
Iinom nanaman? Edi umiinom na pala si Kobe? Tsk
"Ewan tita Sen eh, baka naglasing nanaman.. hindi kaya nun, babagsak nanaman yun." tonong pagmamadali ni Dennis.
Nagkatinginan kami ni tita Sen, parang alanganin yung ekspresyon niya.
"Osige sige.. ako na bahala.. tatawag nalang ako kapag nakapunta na ako dun." mabilis na sabi ni tita Sen.
Agad na niyang pinatay yung phone at tumingin sakin.
"Samahan mo'ko?"
Napa-iling naman ako kagad.
Ewan eh, parang ang lakas talaga ng pakiramdam ko na hindi na interesado si Kobe na makausap o makasama ulit ako.
Agad lang siyang tumayo at inayos yung bag niya.
Hanggang sa may naisip ako..
"Tita Sen." pagkuha ko sa atensyon niya, tumingin naman siya akin.
"Bigay ko yung number ko tapos.. pwedeng paki-text ako kung nandun nga si Kobe? hindi naman kasi talaga umiinom yun eh." seryosong sabi ko.
Aaminin ko, nag-aalala ako. Hindi naman talaga umiinom yun eh. Alam ko dahil naging malapit kami sa isa't-isa.. kahit na matagal na yun at mga bata pa kami nun.
"Oh diba nag-aalala ka? Samahan mo na kasi ako, tara?" ngiti niya at paghila na sa akin.
Napasunod na lang ako.
Naglalakad kami ngayon papunta sa may sakayan, nag-aalangan parin ako. Pero nandito na eh.
Tsaka, nag-aalala rin ako para kay Kobe. Argh! Ulit-ulit na lang ako.
Oo tama, gagawin ko 'to. Hindi ko na muna paiiralin yung kaba o negatibong bagay na naiisip at nararamdaman ko.
"Sakay na tayo."
Napatingin ako kay tita Sen nang magsalita siya, pinauuna na niya ako.. kaya naman nauna na akong sumakay sa tricycle.
Papasok narin sana siya nang muli siyang bumalik sa pagkakatayo.
"Ay oo nga pala.. Christian, pwede ikaw na lang pumunta kay Kobe? May lakad nga pala kami ng boyfriend ko.. baka mag-away kapag nalate ako eh, oras na pala oh..."
Tarantang sabi niya habang pinapakita pa sakin yung oras. Halos mag-aalas diyes na pala ng gabi.
Argh. Late na akong makakuwi nito sa bahay.
Tsaka.. ako na lang mag-isa?
Si Kobe. Ako? Si Kobe? Ako?
"Tita Sen.. alam niyo namang.."
"Hindi hindi, basta please? pakiusap? ikaw na lang pumunta sa bahay niya."
Nagdadalawang-isip man, napatango na lang ako. Kita kong ngumiti naman siya kagad at hinarap ang tricycle driver.
"Manong.. sa may Flores street po. Eto yung bayad... salamat."
"Oh Christian ingat ah? Kaw na bahala kay Kobe.. byeee." masayang sabi niya at pagkaway-kaway pa, napapatango na lang talaga ako.
Nang makaalis na nga ang trike na sinasakyan ko, napapikit na lang ako.
"Patay. Pano na 'to?" ang naibulong ko pa.
Ilang saglit lang at tumigil na nga ang trike.
Pagkababa ko, kita ko yung pamilyar na bahay. Napangiti ako nang maalala yung inihandang pagkain sa akin, lalo na yung mabangong higaan na pinagtulugan ko.. isama pa si OptimusPrime.
Pagkapasok ko sa may gate ay dahan-dahan na nga akong naglakad papunta sa may pintuan ng bahay.
Naiinis ako sa tuwing naiisip ko na umiinom na pala 'tong si Kobe. Baka masermonan ko pa siya.
"Kobe?" alanganing sabi ko at pagbigay ng ilang sunud-sunod na katok.
Wala na akong pakialam kung gusto o ayaw niya akong makita. Bahala na.
Ilang pagkatok pa ang ginawa ko nguni't wala paring tugon kaya naman binuksan ko na nga ang pinto.
Pagkabukas, akmang papasok na sana ako nang wala sa sarili akong mapatigil sa nakita.
"Kobe?" ang naibulong ko nalang.
Nasa may sala lang pala siya. Pero ba't hindi siya tumugon sa pagkatok ko?
Naka-upo siya sa may mahabang sofa, chill lang ang dating. Yung bang simpleng upo tapos nakapamulsa, at nakatingin lang sa may maliit na lamesa sa harapan niya.
"A-ano kasi Kobe.. akala n-namin.."
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang mag-angat siya ng tingin at saktong nagtama ang aming paningin.
Nakuha ko pang mapalunok.. nariyan yung pinaka-paborito kong ekspresyong natural ni Kobe.. yung bang pokerface lang.
Yung mata niya na sa mata ko rin lang ang tingin.
Magsasalita na sana ako nang..
"Kailangan ko paba talagang mag set-up ng ganito para lang makita kita ng malapitan?"
Itutuloy
Dafat mo lang bilisan.hehheehe congrats author! ;D
ReplyDeleteCongrats saan? :)
DeleteNice!
ReplyDeleteSusubaybayan ko talaga to author pramis... hehehe pati ako nagaya na sa dalawang karakter. Pero basa mode muna ako...
ReplyDelete____Tope ツツ
Maganda kasi gawa mo. I really like it. Actually i'm not fond of reading fictitious story. I am particular about non-fictitious like atlas, science, math, etc. Pero talagang nag iba na ang gusto ko ngayon.hahahahaa
ReplyDeleteSana author kahit anung mangyari sila chan at kobe parin hanggang huli pls.... maawa ka sa kanila..
ReplyDelete____tope ng CDOツツツ
nasubaybayan ko to noon pati ung kina seven at kash. ang natatandaan ko andon na ako sa part na umiiyak si kobe sa puntod ng kuya kash nya habang nilalabas ang saloobin nya tapos di nya alam na andon si chan nakikinig sa kanya.hehe
ReplyDelete-rave
Prinze still remember me? Bakit parang my nabago konti sa plot ng story mo? Pero okie parin namn sana nga tapusin mo na ito wala nang iwanan ha.....
ReplyDeleteNamiss ko story na ito
Chan at kope
Jharz
Ganda.... next na
ReplyDeleteayan na aaaaah..., nextchapter na ako wala na akong babasahin bukas off panamn..., sisimulan ko nang mag impake....,
ReplyDelete