Followers

Wednesday, July 27, 2011

Love Me Like I Am (Book 2 Part 6)

Eto na po ang Part 6!!! Sa Wakas natapos ko din!! LOL XD!!
Sobrang Sorry po kung inabot ng 2 weeks ang sumunod na chapter.
Next part na lang po ang batian portion (grabe ha, sobrang delay na nito.. LOL XD!!!)

Anyway, I hope magustuhan niyo pa rin ang naging output ng Part 6 so eto na..
Happy Reading!!! ^_^


----------------------------------------------
By: White_Pal
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart

Part 6: "A Day With Jared.."

“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.

“Bakit?” ang tanong ko dito.

“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.

“Ha???” ang bigla kong nasabi.

At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.

“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”

Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.

“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.

“Hhhmmm.. Ok! Call.”

Kita ko naman na napangiti ang mokong sa sagot ko.

“So.. Sure na ito ha? Hindi ka busy?” ang tanong niya.

“No I’m not. Palagay mo ba papayag ako sa proposal mo kung busy ako?”

Isang matamis na ngiti nanaman ang ginawa niya. Sh*t! kita ko nanaman ang dimples niya.

“Give me 15 minutes, aayusin ko lang itong gamit ko. Then we’re ready to go.” Ang sabi ko.

Makalipas ang 15 minutes ay lumabas na ako at sabay kaming bumaba.

Kung iniisip ninyo na pumayag ako sa alok niya dahil sa nararamdaman ko, well nagkakamali kayo. Sabi ko nga, it’s part of my plan na pa-ibigin siya ng todo-todo at pagkatapos ay iiwan ko. Ang bad right? I Know Right! Bwahahaha!!

Sa labas ng company, akmang dudukutin ko na ang cellphone ko para tawagin ang limusin ay..

“Oooppss!!” ang sabi ni Jared.

“Why?”

“We won’t use your Limo.”

“Edi ano? Yung kotse mo?”

“No.”

“Ano nga?”

“Mamamasahe tayo.”ang sabi niya sabay killer smile.

“Ha!?!?!” ang gulat na gulat kong reaksyon.

Kita ko naman na natawa siya sa reaksyon ko.

“Nasisiraan ka na ba ng ulo?”

“Nope! Gusto ko lang gawin natin ulit yung mga ginagawa natin dati, yung namamasahe tayo kapag gumagala.” sabay ngiti.

“Ok.. Sige..” ang nasabi ko na lang.

“Dun tayo sa Mall na lagi nating pinupuntahan dati ha?”

“Bakit dun? Ang layo kaya! Diyan na lang tayo sa ****** para malapit lang dito sa opisina.” Ang giit ko.

“Ayoko nga!” ang sabi niya.

“Bakit ayaw mo? Dyan na lang para tipid sa pamasahe.” Ang sabi ko.

“Wag mo na isipin ang pamasahe, treat ko. At tsaka gusto ko malayo eh..”

“Bakit?” ang medyo mataray kong tanong.

“Para makasama kita ng matagal.” Sabay killer smile.

“Sh*t! Ang lakas ng topak nitong mokong na ito!“ ang sigaw ko sa isip ko.

“Hoy Mr. Cruz, tigil-tigilan mo ako ha!”

“Hahaha! O siya, tara na.”

Gaya ng gusto niya, sumakay kami ng jeep papunta dun sa Mall na dati naming pinupuntahan. Kung maingay ang makina at arangkada ng jeep ay kabaliktaran naman kami ni Jared. Sobra kaming tahimik, pero kahit ganoon ay kita ko pa rin ang saya sa kanyang mata.

“Masaya ka ngayon, pero iiyak ka din!” ang sabi ko sa sarili ko.

Aaminin ko na mahal ko siya, pero hindi ko din alam kung bakit masmatimbang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Aminin ko din na kinikilig-kilig ako minsan, at bumabalik paminsan-minsan ang dati kong pagkatao kapag kaharap ko siya, pero.. Ewan!

“Hay bahala na nga Gab! Just Stick to the plan!” ang sabi ko sa sarili ko.

Sa Mall..

“Gutom ka na?” ang tanong niya.

“Hindi pa, kaka-almusal ko lang.”

“Ok, gusto mo sa Arcade tayo?”

“Ayoko! Hindi ako marunong ng mga laro dun!” ang sabi ko.

“Halika na, tuturuan kita.” Ang sabi niya sabay hawak at hatak sa kamay ko.

Para akong nakuryente sa paghawak ng kamay niya sa kamay ko. Naalala ko nanaman ang nakaraan sa aming dalawa.

Anyway, ayun na nga, naglaro kami dun sa arcade at tinotoo nga niya ang sabi niya, tinuruan nga niya ako.

“Ayan Ganyan yan. Oh, eto pindutin mo.” Ang sabi niya habang nasa likuran ko siya at ang kamay niya ay nasa may screen. Ang posisyon namin ay para siyang nakayakap sa akin habang gina-guide niya ako sa paglalaro.

Imbis na mag-focus sa paglalaro ay napatingin naman ako sa kanyang mukha.

“Ang gwapo niya talaga Sh*t! Wait.. kalma Gab.. Kalma..” ang sabi ko sa sarili ko.

“Baka naman malusaw na ako niyan.” Ang biglang sabi niya.

Takte! Kahit ang mata niya ay nakatutok sa screen ay napansin pala niyang nakatitig ako sa kanya. Syempre, binawi ko ang tingin ko at nagfocus sa linalaro ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko.

Kita ko naman na ngiting-ngiti ang loko. Pansin ko din ang pagtingin sa amin ng mga tao sa paligid, hindi ko na lang pinansin pa iyon.

Sa totoo lang nag-enjoy ako sa mga linaro namin, meron nga dun isang game eh, nag-duel kami at ang nangyari, since alam naman niyang hindi ako ganun karunong ay nagpatalo ang loko.

“Nako!! Ang daya mo naman eh nagpapatalo ka.” Ang sabi ko.

“Hindi ah! Ang galing mo kaya.” Ang pambobola niya.

“Uttuutt!” sabay batok ko sa kanya.

Tawa lang naman siya.

“Madaya!”

“Hindi rin!”

“Hindi! Madaya ka talaga!”

Ganyan ang naging takbo ng paglalaro namin, kulitan, harutan, asaran. Nasa gitna kami ng paghaharutan ng..

“Mag-CR lang ako ha? Hintayin mo ako dito.” ang paalam niya.

“Sige.”

“Sama ka?” sabay ngiting nakakaloko.

“Baliw! Sige na! mamaya na ako.”

At umalis na nga si Loko. Habang naghihintay ako ay merong lalaking umakyat sa Stage. Yung Stage na merong karaoke, yun bang public karaoke ata tawag dun. Basta yung open area karaoke. LOL!

Pag-akyat ng lalaki ay tumugtog ang isang kanta at sinabayan niya ito.



Six Part Invention - Sana\'y Ako Na Lang
Mp3-Codes.com

“Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita

Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba

Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang

Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...

(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang..”


Infairness, maganda ang boses niya at mukhang damang-dama ang kanta. Nakaka-relate kuya? Hehehe.

“Sana’y Ako Na Lang.” ang sabi isang lalaki na umakbay sa akin.

Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Jared ito.

“Ha? Ano sabi mo?” ang maang-maangan ko.

“Wala.. Sabi ko ang ganda nung Song.”

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang ay naisip ko ang situasyon naming tatlo nila Ace.

Ilang sandali pa ay..

“Insan!!” ang sigaw ng isang lalaki sabay yakap kay Jared.

“Woi! Kamusta ka na?” ang sabi ni Jared.

“Eto ok naman.” Ang sabi nung “pinsan” ni Jared sabay kalas dito.

“Ahh.. Si Gab ngapala..” ang pakilala ni Jared sa akin.

“Jaybie tol!” ang sabi nung pinsan ni Jared sabay abot ng kamay sa akin.

At kinamayan ko naman siya. Pansin ko ang pagkakaparehas ng face shape nilang dalawa ni Jared, yun nga lang, cute itong si Jaybie, samantalang si Jared ay Gwapo. Naks! Isa pa ding factor ay maputi si Jared samantalang si Jaybie ay sakto lang ang puti at sakto lang din ang pagka-moreno.

“Ah Insan, si Ryzo ngapala..” ang pakilala ni Jaybie sa kasama niya.

“Teka!! Siya yung kumanta kanina ahh.” Ang sigaw ko sa isip ko.

“Jared tol..” sabay abot ng kamay.

At nakipag-kamay si Ryzo dito.

“Ryzo po!” sabay ngiti na parang inosente.

“Hhhmm.. Siguro mag-syota kayo ng insan ko nuh? Bwahahahaha!!” ang banat ni Jared sabay halakhak.

Kita ko naman na napatulala si Jaybie kay Jared, samantalang si Ryzo naman ay namula ang mukha. Hhhhmmm.. I smell something! Hehehe.

“Adik ka talaga insan! Eh kayo nitong si Gab? Mag-jowa kayo nuh? Hahahaha!” ang balik na pang-aasar ni Jaybie.

“Hindi!!” ang sigaw ko.

“Naman!” ang sigaw naman ni Jared.

At napalingon ako sa kanya, bakas sa mukha ang pagkainis.

“Hoy Mr. Cruz!” ang sita ko dito.

“Oo Joke lang, ito namang Gabby ko oh!” ang sabi niya sabay akbay sa akin.

“Aba!! Tawagin ba naman akong Gabby nito sa harap ng ibang tao!!” ang sabi ko sa isip ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.

“Aaayyyiieeehhh!! Gabby daw ohh!!” ang biglang banat ni Ryzo.

Kita ko naman na natawa ang magpinsang Jared at Jaybie sa reaksyon ni Ryzo.

“Tara na nga ‘Kulit’ (tukoy kay Jaybie), iwan na natin sila, mukhang nasisira natin ang momentum ehh.” Ang sabi ni Ryzo na parang kinikilig-kilig pa.

“Hahahaha!! O siya insan, text-text na lang ha?” ang sabi Jaybie.

“Sige, yun pa rin ba number mo?”

“Yeah.”

“Sige Bye! Goodluck sa date ninyo ni Ryzo ha!” ang sigaw ni Jared.

“Blehh!! Goodluck sa inyo ni GABBY!! Ahahahaha!!” ang sigaw naman ni Jaybie.


(ABANGAN SI RYZO AT JAYBIE SA SUSUNOD KONG KWENTO!!! Click Here for the TEASER)


“Oh!! It sucks!! Nakakahiya ang daming tao sa paligid.” Ang sigaw ko sa isip ko.

“Gab tingnan mo, ang sweet nila oh.. Parang tayo lang dati..” ang sabi ni Jared sa akin habang tinitingnan palayo ang dalawa.

“Sweet!?!? Hindi kaya..” ang kontra ko dito.

“I mean, parang ganyang tayo noon oh nung mag-best friend pa lang tayo. Pustahan tayo magkaka-developan yang dalawang yan.” Ang sabi niya.

“Ewan ko sa iyo!” ang naiirita kong sabi sabay lakad palayo.

Hindi pa man ako nakakalayo ng mahawakan ni Jared nag braso ko.

“Tek Gab! Ano bang problema??”

“Itanong mo sa sarili mo kung anong problema!! Ang lakas ng loob mong tawaging akong Gabby sa harap ng ibang tao!! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan bwisit ka!” ang dire-diretso kong sigaw dito.

“Sorry..”

“You should be..”

Tahimik.. Siguro ay napansin niya ang pagtataray ko. Well it’s part of my plan di ba? Pero totoo lang kinilig ako dun sa pagtawag niya ng “Gabby ko!” Hihihihi!!

“Anyway, kumain na lang tayo! Nagugutom na ako! Hehehe.” Ang pagdivert ko ng mood.

Natawa naman siya sa sinabi ko. Napagdesisyonan naming kumain sa food court. Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng sine then we went sa “Blue Magic” dahil may bibilhin daw siya.

“Gab, para sa iyo oh..” ang sabi niya sabay abot ng Teddy Bear na merong hawak-hawak na heart at nakalagay na “I Love You”.

“Sus..” ang nasabi ko na lang.

“Putcha!! Kinikilig naman ako!!! Gaaawwwddd!! Wait nga kalma, KUMALMA KA GABRIEL!! Ikaw si Erick ok?? Wag kang kilig potek!” ang sigaw ko sa sarili ko.

“Bakit mo naman ako binigyan nito ha?”

“Wala lang.. gusto ko.. wala namang masama di ba?”

“Eh saan ko naman ilalagay ito? At tsaka hindi mo man lang ba naisip ang magiging reaksyon ni Ace kapag nakita niya ito? Ikaw talaga gusto mo pa kaming mag-aaway eh.”

Kita ko naman ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Mula sa masaya ay nagign malungkot ito.

“Joke lang!” ang bawi ko.

“Gusto lang naman kita regaluhan eh.” Ang sabi niya.

“Bakit naman?”

“Wala.. Gusto ko lang..”

Napagdesisyonan ni Jared na umuwi kami through Bus para daw maiba naman hehehe. Syempre sinakyan ko na lang.

Habang nasa Bus..

“Thanks Gab ha.”

“Bakit?”

“Kasi pinagbigyan mo ako.” Sabay ngiti.

Hindi na lang ako kumibo, ang akala niya siguro ay unti-unti na niya ako nakukuha ulit. Well, nagkakamali siya. Bwahahahaha!!

Sinuot niya ang earphone niya at nag-play ng kanta. Ako naman ay tahimik na naka-upo at dumudungaw-dungaw sa bintana ng bus.

“Gab.” Ang tawag niya.

“Yes?” Ang sagot ko.

Inabot niya ang earphone senyales na meron siyang gustong ipadinig sa akin. Pag suot ko nun ay bumungad sa akin ang isang kanta. Ang kanta naming dalawa..


(Like I Am..)

Rascal Flatts - Like I Am

Powered by mp3skull.com


Nang matapos ang kanta ay tatanggalin ko na sana ang earphone kaso hinawakan niya ang kamay ko senyales na wag kong tanggalin ito. Naka-automatic repeat yung kanta so paulit-ulit na nadidinig ko yun sa aking tenga.

Muli, naalala ko ang mga masasayang oras naming dalawa. Sa pagkakataong ito, nagtatalo or should I say, naglalaban ang dalawang emosyon sa akin. Galit at Pagmamahal. Sa totoo lang gusto ko ng bumigay, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Pero hindi pupwede, dahil sa tuwing naiisip ko ito ay naaalala ko ang ginawa niya noon kay Ely na dumurog sa puso ko. Naisip ko din si Ace, papaano na si Ace?

“Anong tinitingin-tingin mo dyan??” ang bigla kong tanong sa kanya ng mapansin kong tumitingin-tingin siya.

“Wala.. Masaya lang ako.. kasi..” napatigil siya.

“Kasi ano?”

“Kasi alam ko, malapit ng bumalik sa akin ang Mahal ko.” Sabay ngiti.

Hindi ko na lang pinansin iyon imbes ay tinuon ko ang mga mata ko sa bintana. Hindi ko namanlayan nakatulog na pala ako.

…..

…..

…..

Pagmulat ng aking mga mata ay pansin ko na naka-hilig ang ulo ko sa kanyang balikat at ang kamay naman niya ay naka-akbay sa akin. Tiningnan ko siya, himbing na himbing ang tulog ng mokong. Hindi ko naiwasang titigan ang maamo’t gwapo niyang mukha. Napansin ko na mas gwapo siya ngayon kumpara noon.

“Shit!! Tumigil ka nga Gab! Ano ba?” ang sabi ko sa isip ko.

Akmang kakalas ako sa posisyon namin ay bigla siyang nagsalita (kahit tulog).

“I Love You Gab..” ang mahinang sabi niya.

Para akong natunaw sa salitang iyon. Simple, pero napaka-makapangyarihan.

Hindi ko napigilang hawakan ang kanyang kamay sabihing..

“I Love You Too Jared.. I Love You So Much...” sabay tulo ng luha ko.

Humilig ako sa kanyang balikat at muli ay naka-tulog ako habang nag-pplay pa rin ang kanta namin.

….

….

….

“Gab, wake up.. Bababa na tayo..” ang sabi niya habang yinuyugyog niya ako.

Tahimik kaming bumaba ng bus at pagkatapos ay pumara ng taxi.

“Manong sa ****** po.”

“Teka! Yun yung compound namin ahh.” Ang sabi ko.

“Oo nga..” ang sabi niya.

“Paano ka uuwi?”

“Uuuyyy nag-aalala siya.” Ang panunukso nito.

“Adik!! Tinatanong ko lang.”

“Hehehe. Don’t worry about me.”

“Eh papaano mo ngapala nalaman kung saan ako nakatira?”

“Ako pa!”

Pagdating sa May Gate ng compound namin ay tinext ko ang driver na nasa labas ako ng gate para sunduin niya ako.

“Sige na Jared..” ang paalam ko dito.

“Gab, alam mo ba kung ano meron ngayon?”

“Bakit? Ano ba meron ngayon?”

“Ngayon yung araw na pinagtanggol mo ako mula sa mga batang nagtangkang kumuha nung singsing ko. Eto yung araw na nagkakilala tayo.” Ang sabi niya sabay ngiti.

Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko akalain na natatandaan niya rin pala ang eksaktong araw ng una naming pagkikita.

“So kaya mo ba ako binigyan ng regalo?” ang sabi ko dito.

“Oo..”

“Ahh.. Uumm.. Sige Jared, una na ako.”

“Sige ingat!”

At umalis na nga ang taxing sinasakyan niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang driver ko upang ihatid ako sa bahay. Habang nasa sasakyan ay nakatanggap ako ng text mula kay Jared.

“Alagaan mo yang binigay ko ha? Good Night! Sweet Dreams! Love You!”

“Si Sir Erick oh ngiting-ngiti.” Ang sabi ng driver.

“He!!! Tigil-tigilan mo nga ako manong! Bilisan mo na lang dyan at inaantok na ako.” Ang sabi ko.

Sa totoo lang ay kilig na kilig ako sa text nyang iyon, grabe ibang level na ito!! Aaaagghhh!!!

Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan kong natutulog na si Ace. Dahan-dahan akogn tumabi sa kanya ngunit..

“San ka nanggaling?” ang tanong ni Ace.

“Shit!! Gising pa pala siya.” Ang sigaw ko sa utak ko.

“Ahh.. Ehh.. May appointment ako tapos medyo na-traffic pauwi.” Ang alibi ko.

“Appointment? Eh bakit hindi mo kasama yung driver?” ang sabi niya sabay tayo.

“Sasakyan nung kausap ko ang gamit ko.” Ang sabi ko sabay tayo na rin.

“Aaahh!! So Hinatid ka niya? How sweet!” ang sarcastic na sabi ni Ace.

“Pwede ba! Tigil-tigilan mo nga ako!” ang matigas kong sabi dito.

“Kailan pa nakisakay ng ibang sasakyan ang isang Erick Uriel Alvarez na may ari ng sandamukal na kumpanya sa loob at labas ng bansa?”

“Kailan pa Gab sige nga!” ang medyo malakas niyang sabi.

“Pwede ba Ace, pagod ako ok? Ayoko makipag-talo sa iyo.”

“Wow!! Pagod!! Bakit ano ba Ginawa mo at napagod ka!?!?”

“Bwisit na ito ahh!” ang sigaw ko sa isip ko.

“Gusto mo malaman kung bakit ako napagod?” ang tanong ko.

“Oo!”

“Nakipag-sex ako! Oh?? Ok ka na?? Masaya ka na??” ang pagsisinungaling ko sa kanya.

Para siyang naging bato pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.

“Oh! Edi natahimik ka din!”

“Sinong YUNG KA-SEX MO?? SINO!!” ang sigaw niya sabay madiin na hawak sa braso ko.

“Ano ba Ace! Bitiwan mo ako nasasaktan ako!!” ang sigaw ko dito.

“Sino Gab!?!?”

“ANO BA!!” ang sigaw ko sabay tulak sa kanya.

“Eto ang patunay na wala kang tiwala sa akin!!” ang sigaw ko sa kanya.

“Lagi mo na lang akong pinaghihinalaan Ace! Lagi na lang!!”

“Eh kasi naman ehh, saan ka ba nagpunta talaga??”

“Dapat ba lahat ng pinupuntahan ko alam mo??”

“OO!! DAHIL BOYFRIEND MO AKO!!” ang sigaw niya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Oo nga naman, nakalimutan ko na boyfriend ko siya at dapat ay nagpapaalam ako.

“Sana Gab naisip mo na merong Boyfriend na hindi makatulog sa pag-iisip sa iyo! Yung cellphone mo nakapatay, hindi namin ma-contact. Pinatawagan ko lahat ng possibleng puntahan mo pero wala!! Ano ba yan!!”

“Sorry.. N..n..na-lowbat ako Ace.. Sorry..” ang pagsisinungaling ko sabay yakap ko dito.

“Promise Ace di ko na uulitin.. I’m Sorry..” ang sabi ko.

“Sorry din mahal.. Sorry kung masyado ako naging Harsh.” Ang sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.

Natapos ang araw na iyon na nagkabati kami ni Ace. Ok naman ang lahat eh, pero eto si Jared, ginugulo ang nararamdaman ko. Oo, plano ko ang maging malapit sa kanya at sa huli ay saktan siya pero eto ako, unti-unting nahuhulog nanaman sa kanya. Ang hirap! Ang hirap-hirap palang pigilin ang totoong nraramdaman. Ang hirap palang magsinungaling, ang hirap magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao, pero ang katotohanan ay mahal na mahal mo ito.

Kinabukasan sa Opisina, nagpunta ako sa desk ni Jared para bigyan siya ng ilang assignments. Sa gitna ng aming pag-uusap..

“Sir Jared?” ang sabi ng isang babae.

“Yes?” ang sabi Jared.

“May nag-hahanap po sa inyo. Nasa Waiting Room po.”

“Sino daw?”

“Ayaw po magpakilala eh. Pero kilala mo daw siya.” Ang sabi ng babae.

“Ok sige bababa na ako.”

“Umm Gab, I mean Sir Erick, sandali lang po ha?” ang paalam nito.

“Sure..” ang sabi ko.

Pagka-alis ni Jared ng Room at nakita kong naiwan ang Cellphone niya. Kinuha ko ito dahil baka mawala at sinundan siya sa Waiting Room.

Pagkarating ko sa Waiting Room..

“Jared, Naiwan mo yung Phone mo.” Ang sabi ko.

Paglingon ni Jared ay nakita ko ang kausap niya, si Ely at may hawak-hawak na maliit na bata.

“Gab!?!?” ang gulat na gulat niyang sabi.

(itutuloy..)

27 comments:

  1. . . AHA! at bumalik pa pala c ELY!

    the most terrible part of Gab's Life . .

    at ngayo's nagbabalik na naman sa buhay ni Erick Uriel Alvarez . .


    Go GAB!

    paranas mo sa Ely na yan ang pakiramdam na traydurin . .

    leche cya . .


    Thanks for the update kua . . .


    I LUV U PO!

    [FLYING KISS]

    ReplyDelete
  2. Very Nice Chapter! Kilig naman ng part na'to! Goodluck kay Bebe Gab sa plano niya. I doubt if he will succeed, si Jared pa eh weakness niya yun! Hahahaha!


    JaredGabAce Fever!! Pero wait, sila lang ba talaga? Or kasama na din si Ely? Shit! Nakaka-excite!

    ReplyDelete
  3. Ang ganda na eh, kilig na kilig na ako eh tapos biglang OMG! Nabitin ako sa last scene! Ely, ikaw ba ina niyan? Sino naman tatay niyan?? OMG! wag naman sana si papa Jared.

    ReplyDelete
  4. Grabe ang huling eksena, CLIFF HANGER!! wag naman sana si Jared ang ama ng bata pero.. malakas ang kutob ko eh, siya ang tatay. Nako! wawa naman si Gab. Author ang galing mo talaga! The best ka!

    Sana gawing Teleserye ito!!

    ~ Mighty_Dawn

    ReplyDelete
  5. Hihimatayin ako sa chapter na ito!! Grabe ang kilig sheeettt!!!


    I love this chapter kaso nalungkot ako sa huli. Author, sana hindi si Papa Jared ang tatay ng bata please. PLEASE??


    NEXT!! IPOST NA YAN!!!

    ReplyDelete
  6. waaaah.. pinapatay mo kami sa kilig!...next na po.. Galing
    ^.~ Air lim

    ReplyDelete
  7. nako parang madadag-dagan nanaman ang galit ni Gab kay Jared dahil sa bata.... hehehe

    ReplyDelete
  8. Wow! Great chapter! Kilig Scene, Drama Scene, Confrontation Scene, at Revelation!



    Welcome back Ely (the Slut - According to Gab Ahahaha). Nakakabitin talaga yung scene ni Ely, pala-isipan ang iniwan sa atin ng author.



    Paganda na ng paganda ang takbo, Mas lalo ako na-excite sa story!

    ReplyDelete
  9. kainis naiyak naman ako sa eksena nila sa bus, sabayan pa ng raskal flatts.

    ReplyDelete
  10. Happy-happy na eh. Tapos biglang ganun sa dulo. Nalungkot ako bigla. Sana lang hindi anak ni Jared yung bata.

    ReplyDelete
  11. what?! Don't tell me na nagka-anak si Jared at si Ely?!!! Ouch! I've been in the same situation as Gab/Erick...and it's really not good in fact it hurts like hell...you get to have sleepless nights...big eye-bags...always out of your mind...and most of the time i always have these silent moments wherein i always think of the person whom i love and used to be with me even though he treats me as his younger brother! I missed the moment where we are together, happy, careless and passionate with the kind of friendship we have! I miss you "Boss", i really do...You'll always be the only "Boss" in my life!

    ReplyDelete
  12. Eto na lumabas na ang hinihintay ko. Si Ely! Pero sa pagbabalik niya ay mukhang may dalang siyang pasabog. I hope mali ang hula ko sa bata na anak ito ni Jared. Wag naman sana.



    Please post the next part now!

    ReplyDelete
  13. at ano ito..aaway naman naman..grrrrrrrrr galing glaing....

    ReplyDelete
  14. baka naman anak un sa ibang lalaki at friends n lng sila ni ely same situation sa thai movie na a little thing called love

    ReplyDelete
  15. Gusto ko si erick at si ace ang magkatuluyan.... o.O

    ReplyDelete
  16. ganda ng story!!,, galing ng writer! :D!,,,

    cant wait sa next chapter! :D!


    ------>JARiel<------
    gabACE!!,,,JARielACE+!! xD

    ReplyDelete
  17. naku nman bakit may bata pa?? hahaha

    haayy buhay..

    nice one..

    God bless.. -- Roan ^^,

    ReplyDelete
  18. Keleg much! Can't wait for chapter 7. Yay
    Si Jared kaya ang daddy ng baby? :O na eexcite na ako. LOL

    -slushe_love

    ReplyDelete
  19. Excellent Chapter!! Sulit ang paghihintay ko for 2 weeks. Ang galing mo talaga author (whitepal) ikaw na the best ka eh!! Hehehe.



    I think Ely's comeback will make the story more complicated and exciting! Teka nasaan na ngapala si Ella? Isama na rin siya para mas magulo. Hehehe.



    Ely-Jared-Gab-Ace Fever na ito!!!

    ReplyDelete
  20. Kilig to death!!!
    Team Jared pa rin!!! Kahit anak pa niya yang bata ok lang, GO GO GO PA RIN!!!

    ReplyDelete
  21. Love the bus scene! Winner! One of the best chapter of book 2! Yung scene ni Ely ay isang malaking BITIN!



    NEXT CHAPTER PLEASE!

    ReplyDelete
  22. Nice! Unti-unti na nga bumabalik un feelings nia pra ky jared tpos eto..my talipandas pang nanggulo? Tsk! Haha! Cnu kya yung ama ng bata? C jared kaya? Anung gagawin m ngaun GAB!?

    --daniel

    ReplyDelete
  23. WOW! Pero bakit bitin? Post na yan!

    ReplyDelete
  24. @_@!! hahaha!! nice one!!! pero sure ako magagalit na naman si Gab nyan. iisipin nya na baka may amngyari sa kanila :)) hay naku!! :))

    ReplyDelete
  25. haizzzt paki post na po ang next part, super bitin.. kayo mo yan Gab!..
    ^.~

    ReplyDelete
  26. hello,,ask lang po hu,,ahm anu TITLE ang part one(1) nito,,gusto ko basahin hindi ko alam unang part nito



    "marj_valer"

    ReplyDelete
  27. add me up sa mga gusto gabatinkenedyrudz@yahoo.com uhhm anu suno na magt\ngyayyari

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails