Followers

Friday, July 2, 2010

Ang Tutor 2




*****************9:30pm******************



"Hi, this is Matt. I'm busy right now. Just leave your message after the beep and i'll get back to you asap." Ang narinig ni Arthur sa kabilang linya makalipas ng limang ring. Kumunot ang noo ni Arthur at nagEnd call na siya at tinignan niya ulit ang number ni Matthew sa nakalagay na info papers nito. Idinaial ulit niya ang number at same na voice message ang narinig muli ni Arthur.

Noong una'y akala ni Arthur na isang American ang nagsalita pero ngayon ay confirmed na niya na cellphone number ni Matthew iyon. "American accent." Ang sambit nitong si Arthur na slight na humanga sa napili niyang bagong tutor ng daughter niyang si Jennifer. Hindi na nag-iwan pa ng message si Arthur at tinawagan na lamang niya ang landline na inilagay ni Matthew na nakalagay din sa info nito.

"Good evening, May I speak with Matthew?" Bungad ni Arthur sa babaeng nag greet ng hello.

"Ansabe mo sir?" Tanong ulit ng babae.

"Pwede bang makausap si Matthew?" Ang inulit ni Arthur habang pinipigila nitong matawa sa reaction ng kaniyang kausap sa kabilang linya.

"Ah. Si Sir Matt. Wait lang po tawagin ko."  Ang sinagot naman ng babae at narinig ni Arthur na nagDead ang line ng kaniyang kausap.

"Tado ah." Ang mahinang nasambit na lamang nitong si Arthur dahil sa pagkakababa ng kaniyang kausap sa kabilang linya. Pinindot niya ang redial ulit and after ilang ring ay may sumagot na ulit.

"Hello." Ang narinig ni Arthur sa kabilang linya and he's sure na si Matthew na ang sumagot dahil kaboses nito ang recorded voice message sa cellphone nito.

"Is this Matthew?"

"This is Matt. Wazzup?" Ang sagot ni Matthew sa kabilang linya. Hindi kasi alam ni Matthew na si Arthur ang tumawag dahil ang sinabi lang naman ng kanilang maid sa kaniya ay may naghahanap sa kaniya sa phone. Tumaas ulit ang dalawang kilay ni Arthur dahil American accent nga itong si Matt.

"This is Arthur. I'm just calling to tell you that you're hired to be the tutor of my  daughter." Ang sagot naman ni Arthur sa English speaking na kausap.

"Kala ko ba Female tutor ang kailangan." Ang sarkastikong sagot ni Matthew sa kausap. Hindi na naitago pa ni Matthew ang kaniyang dissapointment dahil nagGive up na siya pag-uwi dahil Female tutor nga ang kailangan. Nahalata naman agad ni Arthur sa boses ni Matt ang pagkadismaya nito. Medyo naAngasan siya ng kaunti kay Matthew dahil expected niya ay matutuwa ito at magsasabi ng "Thank you".

"Ayaw mo ba?" Ang matigas na tanong ni Arthur kay Matthew sabay tayo nito at naglakad-lakad sa kanilang salas. Naisip nito na kailangan niyang ipakita kung sino sa kanilang dalawa ang Boss. Hindi niya kukunin itong si Matthew kung hindi lang dahil sa kaniyang daughter na nagpakita ng positive and pleasant reaction dito kay Matthew and he considered also na tinawag ng kaniyang daughter si Matthew ng 'Tito Matt'.

"Naku! Gusto ko po sir! Gustong-gusto ko po talaga! Kung hindi lang po kay Jenny eh tatanggihan ko po yang sinabi po ninyo." Sarcastic pa din ang tone ni Matthew. Namilog ang mga mata ni Arthur dahil naunahan siya ni Matthew sa kaniyang gustong sabihin dito.

"Ako din. Kung hindi lang dahil kay Jenny eh hindi kita kukunin." Ang hindi papatalong sagot ni Arthur. Kailangang maipakita talaga niya kay Matthew kung sino talaga ang Boss.

"Deal!" Ang sambit ni Matthew. Napakagat ng labi itong si Arthur dahil gusto pa niyang makaganti sa barahan nila ni Matthew.

"Can you start tomorrow? Punta ka dito ng 6:00am." Ang sambit nalang ni Arthur na ikinagulat ni Matthew.

"Bakit ang aga?" Curious na sagot niya kay Arthur. Medyo nag-isip ng next na sasabihin itong si Arthur para hindi na siya makitaan pa ng butas nitong sarcastic na si Matthew para mabara.

"Ganyan ako kaaga umalis ng bahay papasok sa office. Wala pang yaya si Jenny kasi kaya wala siyang kasama. Importante lang talaga na makapasok na ako at isang week akong hindi pumasok.." Ang dire-direchong sinabi ni Arthur and ready na rin siya sa kung anumang isasagot nitong si Matthew sa kaniya.

"Sige." Ang mahinahong reply ni Matthew kay Arthur. "Just make a list sa mga Do's and Don'ts for Jenny para maging smooth bukas. I'll see you tomorrow?" Ang idinagdag pa ni Matthew. Alam nito na may point ang sinabi ni Arthur kaya naman hindi na siya nakipagtalo pa.

"I'll do that. See you tomorrow then. Bye." Ang answer naman ni Arthur sa kaniya at nagEnd siya ng call nang narinig niyang nagClick ang kabilang linya. Medyo naAngasan talaga siya kay Matthew dahil ibinaba nito ang phone ng walang pasabi.

"Mag-amo nga sila."  Ang sambit ni Arthur sa sarili at bigla siyang nagtaka. Napa-isip talaga siya dahil hinding-hindi siya magkakamaling isang maid ang unang nakasagot sa kaniyang tawag and naCurious lang talaga itong si Arthur sa Accent ni Matthew. Mas lalo siyang nagtaka sa sudden change of attitude ni Matthew nang sabihin niyang walang kasama si Jenny. NagAnticipate talaga itong si Arthur na magrereklamo itong si Matthew na magiging Yaya pa siya ni Jenny bukod sa pagiging tutor pa nito. "Weird." Ang isip-isip ni Arthur para kay Matthew.

"Bukas nalang." Ang nasambit pa ulit ni Arthur sa kaniyang sarili nang maalala niya na hindi nila napag-usapan ang additional na idadagdag sa salary nitong si Matthew sa pagpayag nitong tignan itong si Jenny the whole day bukod pa doon sa nakalagay na amount sa Wanted Add. Medyo na pa smile din ng kaunti itong si Arthur dahil nakita niyang hindi mukhang pera itong bagong tutor ng kaniyang daughter at mabait and behave pag si Jennifer na ang topic nila. Palagay ang loob nitong si Arthur kay Matthew na ibigay ang kaniyang trust sa pag-aalaga nito kay Jenny pero ang pinaka-ayaw lang talaga niya is ang sarcastic nitong attitude at mga banat.

"Mommy, Please watch over Jenny." Ang mahinang nasambit ni Arthur to his late wife habang papunta na siya sa kaniyang room dahil may hindi magandang pumasok sa kaniyang isipan about his daughter having a male tutor na makakasama nito sa buong day but in his guts ay alam niyang hinding-hindi siya nagkamali sa pagpili kay Matthew. Tulad din ng naramdaman niya noong nagdecide siyang ligawan ang kaniyang wife.



*********************11:00pm**********************



Nakangiting nagbabasa sa harap ng kaniyang Laptop si Matthew at excited na siya sa kaniyang kauna-unahang first part-time job after he graduated. Wala siyang kaalam-alam sa pagtuTutor kaya naman ay todo ang basa niya sa mga sites about Child Development. Nagbakasakali nalang siya na GradeOne na itong si Jenny dahil nakalimutan niyang itanong ito kay Arthur noong nagApply siya at kaninang kausap niya ito sa phone.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit siya excited and ganado for tomorrow pero ang alam niya ay ang cute cute talaga and napakabibo itong si Jenny. Pangarap talaga ni Matthew ang magkaroon ng mga younger siblings even as of now dahil nag-iisang anak lamang siya kaya naman giliw na giliw siya sa company ni Jenny. Hindi rin maitatanggi ni Matthew na medyo tinamaan din siya sa daddy nitong si Arthur.

At first ay si Jenny ang nasa sa isip nitong si Matthew habang nagbabasa siya ng mga info sa net pero kinalauna'y si Arthur na ang kaniyang iniisip. Napabuntong hininga nalang itong si Matthew at pinatay ang kaniang laptop then nahiga na siya.

Habang isineSet-up niya ang alarm ng phone niya ay hindi niya naiwasang maisip ang kalagayan ng Mag-Ama. Naaawa talaga siya kay Jenny dahil maaga itong naulila sa kaniyang Mommy at naging matamlay at malulungkutin ito ayon sa info na sinabi sa kaniya ni Arthur. Kitang-kita ni Matthew ang sadness sa eyes ni Jenny at kahit din naman sa eyes ni Arthur ay nakitaan rin niya ng sadness ang mga ito pero kapansin-pansin din talaga ang striking eyes ng daddy nitong si Jenny.

"Ayan ka na naman Matt!" Ang sinabi ng malakas ni Matthew sa kaniyang sarili. Hindi alam ni Matthew na nagkaroon siya ng defense mechanism dahil na trauma siya sa recent break up nila ng kaniyang Ex na considered niyang his first love and first ever na same sex relationship.

Just like his ex, Pamilyado itong si Arthur and naalala ni Matthew na sumumpa siya sa kaniyang sarili na hinding-hindi na niya mararanasan muli ang masaktan pa. Alam niyang Straight si Arthur and sa side naman niya ay discreet na discreet naman talaga siya especially na nandito siya sa Pinas. Tanggap ni Matthew na isa siyang bisexual and natural lang naman for him na magkaCrush siya sa isang katulad ni Arthur.

"Kung pwede lang sana. Kaso ayoko na." Ang huling naisip nitong si Matthew habang tuluyan na siyang nakatulog.



**********************Tuesday 5:30am*********************



Nagising kaagad si Matthew bago magAlarm ang kaniyang cellphone at talaga namang excited siyang makita ang mag-Ama and excited din naman siya sa unang day ng pagiging fake niyang Tutor. . Nagsabi si Matt sa kaniyang Yaya na maaga silang pinapapasok sa kaniyang Part Time Job at nakiusap din siya na ito na rin ang magsabi sa kaniyang Mom and Dad pero 100% siyang sure hindi siya tatanungin ng mga ito ang kaniyang whereabouts. Very independent talaga ang pagpapalaki and treatment sa kaniya ng mga ito dahil parehong Business Tycoon nga ang kaniyang parents.

Medyo nagiging impatient na si Matthew at nakailang doorbell na siya sa gate nina Arthur ay wala pa ding nagbubukas pero after mga few minutes ay bumukas na ang gate at namilog talaga ang dalawang mata ni Matthew at nasamid ito nang nakita niya ang hitsura ni Arthur.

Halatang bagong paligo ito dahil basa pa ang mga buhok ni Arthur, Bagong shaved at amoy na amoy niya ang ginamit nitong Cologne na talaga namang nagpagising sa buong diwa nitong si Matthew. Naka White sando lang ito at kitang-kita sa uper body ni Arthur na nagwoWork out ito. Halatang-halata ni Matt na nagmamadali ito dahil pagkabukas na pagkabukas ng gate ay pumunta na agad ito sa kaniyang kotse at isinabit nito sa loob ang dala-dala niyang nakahanger na Polo Barong.

Sinamantala ni Matthew ang chance habang nakatalikod itong si Arthur para maCheckOut niya ito from head to toe. Pasadong-pasado sa kaniyang standards itong si Arthur dahil very professional ang dating nito and napakalinis sa katawan. Medyo tumagal ang paninging ni Matthew nang mapansin niyang V-shape ang hubog ng well defined na likod nito pababa sa waistline at talaga namang napalunok si Matthew nang makita niyang well formed na well formed ang buttocks ni Arthur and bagay na bagay ang pagkakaFit ng Khaki slacks nitong suot at higit sa lahat ay humanga siya dahil shine na shine ang suot nitong sapatos.

"Heto na ang listahan ng Do's and Don'ts." Ang sinabi ni Arthur nang bigla itong humarap without any warning kay Matthew na ikinagulat naman ng isa. Buti nalang at mabilis na inalis ni Matthew ang tingin niya sa butt ni Arhur.

"Thanks." Ang nasasamid na sinabi ni Matthew sabay kuha sa paper na iniabot ni Arthur. Pagkatapos ay kinuha ni Arthur ang wallet niya sa kaniyang back pocket at kumuha ng P1000 bill at iniabot kay Matthew.

"Magbreafast muna kayo ni Jenny then after School magmerienda na din kayo. Maaga akong uuwi this afternoon." Ang mabilis na sinabi ni Arthur kay Matthew. "Nasa listahan na din ang address ng school ni Jenny and her schedule. Pakibukas naman ang gate please." Ang dagdag pa ni Arthur kay Matthew at wala namang reklamo itong isa na sumunod dahil para itong naStarStruck kay Arthur.

"Bye." Ang mahinang nasambit ni Matthew habang nakatingin siya sa likod ng tumatakbong papalayong kotse ni Arthur. Nakangiti ng pagkatamis-tamis itong si Matthew habang isinasara nito ang gate. "Pwede namang Crush. Why not?" Ang convince ni Matthew sa kaniyang sarili.

"TITO MATT!!!!!"Ang malakas na tili ni Jenny mula sa likuran na ikinagulat namang bigla nitong si Matthew. Mas nagulat siya nang makita niyang nakaUniform na ito at magulo ang basang buhok nito. Kaagad siyang nilapitan ni Jenny at hiniwakan ang isa niyang hands at hinila siya niya nito papasok sa loob ng bahay hanggang sa kwarto niya. Hindi na nakuha pang iCheck ni Matthew kung ano ang hitsura at kung ano ang makikita sa loob ng bahay nila Arthur.

"Did you do all of this?" ang ipinagtatakang tanong ni Matthew kay Jenny  ng makita nitong napaka tidy ng kwarto ng bata.

"Yes! I'm a big girl na and masaSad si Mommy pag magulo and dirty ang room ko. Braid my hair na tito Matt please!" Ang masayang sambit ni Jenny kay Matthew nang iniabot nito ang hairBrush kay Matthew.

Nakangiting sinusuklay ni Matthew ang mahaba and straight na buhok ni Jenny habang nagIintroduce naman ng masaya about herself si Jenny at dito ay napag-alamanan ni Matthew na Grade One ito at talaga namang ipinagyayabang ng bata na marunong na siyang maligong mag-isa at kumain without any adult supervision. Medyo naawa din itong si Mattew kay Jenny dahil parang nakita niya ang kaniyang sarili dito. Parehong busy sa work ang kanilang parents pero the big difference is wala ng mommy itong si Jenny.

Nagpasama sa kitchen itong si Matthew kay Jenny para ihanda ang baon nito sa School tulad ng ginagawa sa kaniya ng kaniyang Yaya when he was still in Grade school but to his dissapointment ay puro tubig, juice and milk lang ang laman ng Fridge nina Jenny sa kitchen and wala din silang stocks ng groceries. Jenny explained na nagbreBreakfast sila ng daddy Art niya sa McDo since nang umuwing province ng yaya niya. Napangiti nalang si Matthew dahil bigla siyang naging proud sa pagiging understanding ni Jenny sa situation nilang magDaddy. Alam ni Matthew na isang mabuting wife and mother ang misis ni Arthur.



*****************************7:30am-3:00pm*********************



After nilang magbreakfast sa McDo and bumili ng pang baon ay dumirecho na silang dalawa ni Jenny sa school nito at kaniyang hinintay nalang ito sa waiting area. Pinalipas nalang niya ang oras sa pamamagitan ng pagbropbrowse and pagbabasa sa kaniyang iPhone ng mga info sa pag-aaral at pagtuturo sa mga batang ka-same age nitong si Jenny. Naaliw din naman si Matthew sa pakikinig sa mga chismisan ng iba pang mga yaya na naghihintay din and kinalaunan ay nakipagkwentuhan na rin siya sa mga ito.

Doon niya nakilala sa mga kwento ng mga Yaya kung anong klaseng tao ang mommy ni Jenny and hindi siya talagang nagkamali sa impression niya dito at nalungkot din siya nang malaman niyang sa isang Typhoid Fever lang namatay nito. Medyo nairita din itong si Matthew nang napag-usapan ng mga Yaya sa school si Arthur at talaga namang kung ano ang pagkaCrush niya dito ay ten times na mahigit pa ang pagkaCrush ng lahat ng mga yayas kay Arthur. Mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatanda. Laking pasasalamat din naman ni Matthew at nakaBonding niya ang mga iyon na favorite hobby talaga ang makipagChismisan at doon siya nakakuha ng maraming infos and tips tungkol sa pag-aalaga sa bata and higit sa lahat ay nakuha niya ang mga Sun cellular numbers ng karamihan dahil ibinigay nila ito voluntary kay Matt just incase kung may tanong siya at kung pwede din daw na maging katextmate siya nang malaman nilang single itong si Matthew.

Ang pakilala kasi ni Matthewsa mga ito ay pamangkin siya ng Housemaid ng kapitbahay nina Arthur at pansamantala lamang ang pagiging Yaya niya kay Jenny pagdumating na ang talagang Yaya nito from the province.



***************************4:00pm*********************



Pagkauwing-pagkauwi nilang dalawa ay binigyan ni Jenny ng tour si Matthew hanggang sa loob ng kwarto ng Daddy nito at talaga namang humanga itong si Matthew sa nakita dahil hindi Slob itong si Arthur. Napansin din ni Matthew ang isang malaking family portrait sa loob ng kwarto ni Arthur at nang makita siya ni Jenny na nakatingin dito ay nagsalita ito na parang isang teacher.

"Tito Matt. This is my Mommy Liz. Ang ganda nya diba?" Masayang sabi ni Jenny na nginitian naman ng sweet ni Matthew as his confirmation.

"Ang Handsome ng Daddy ko ano?" Ang next na masayang question ni Jenny kay Matthew. Hindi malaman nitong si Matthew kung bakit nag-init ang mukha niya sa itinanong sa kaniya ni Jenny.

"Why are  you Blushing?" Ang inosenteng tanong ni Jenny sa kaniya with matching pout and curious eyes. Napalunok itong si Matthew dahil hindi niya alam ang isasagot niya sa bata.

Lalo siyang namula. Alam niyang walang idea itong si Jenny tungkol sa mga bisexual pero naConcious siyang talaga sa bata. Feeling din ni Matthew na nakangiti sa kaniya ng sweet na sweet ang picture ni Liz at naghihintay ito ng kaniyang isasagot. Umurong talaga ang dila ni Matthew dahil pakiramdam niya talaga ay para siyang nasa sa HotSeat by that time.

"JENNY!" Ang narinig nilang malakas na call ni Arthur mula sa labas ng kwarto. Dumating na si Arthur from the office.

"WHERE IN YOUR ROOM DADDY!" Ang matining na sigaw ni Jenny para tawagin ang kaniyang daddy. NapaSigh bigla itong si Matthew dahil para siyang nabunutan ng tinik at naiba ang attetion nitong si Jennifer pero nagPanic din siya that time dahil hindi magandang makita ni Arthur na nasa sa loob siya ng kwarto nito at baka sabihin pa nitong nangiInvade siya ng privacy.

"Nandito pala kayo." Ang masayang sinabi ni Arthur nang pumasok na ito sa room at nang madatnan ang dalawa sa loob. Buti nalang at slight na ang pamumula ng face ni Matthew.

"Daddy I just give tito Matt a tour kasi. He said na beautiful si Mommy and your handsome." Ang masayang sambit ni Jenny kay Arthur sabay yakap and kiss nito sa kaniyang daddy na ikinangiti pang lalo nitong si Arthur. Biglang namula ulit itong si Matthew dahil wala naman siyang sinabing handsome itong si Arthur pero sa loob-loob niya ay smart talaga itong si Jenny at nalaman nito ang iniisip niya na napakaGwapo talaga ng kaniyang daddy lalong-lalo na ngayon habang pinagmamasdan ni Matthew ang malalalim na dimples ni Arthur and now lang niya napansin ang clef chin nito na lalo pang nagpadagdag sa masculinity ng facial features ni Arthur. Lalong nagLevel-up ang pagbluBlush ng mukha nitong si Matthew that time.

Hindi na kumain pa si Matthew sa dalang Pizza nitong si Arthur kahit inaalok pa siya ng magDadddy at sinabi nalang niya kay Arthur na hindi pa niya sinimulan ang pagtuTutor kay Jenny dahil nagBonding muna sila para lalong mapalagay ang loob nito sa kaniya na ikinatuwa naman nitong si Arthur.

Matapos na ibigay ni Matthew ang change sa perang ibinigay ni Arthur sa kaniya that morning na pangGastos nila ni Jenny ay nagpaalam na siya sa magDaddy. Masaya naman itong si Arthur habang pinagmamasdan niya itong si Jenny na mahigpit ang pagHug sa kaniyang tito Matt.

"Same time ulit." Ang masayang sambit ni Arthur nang pinagbuksan niya ng gate itong papaalis na si Matthew.

"Don't waste your luck." Ang walang emotion na sinagot nitong si Matthew bago ito nagstart na sa paglalakad papalayo. Hindi alam ni Matthew na unconciously siyang nagiging sarcastic and bitter bilang defense mechanism niya sa mga guy na nagugustuhan niya.Iiling-iling nalang itong si Arthur sa attitude ng bagong tutor ni Jenny pero nakaSmile siya at hinding-hindi nga siya nagkamali sa pagpili dito.

Ang tanging nasa isip lamang ni Matthew habang nasa taxi siya papauwi ay ang family picture nina Jenny. Pansin na pansin niya ang sweet smile and twinkle sa eyes ng magDaddy sa picture na siyang hindi na niya nakikita sa dalawa as of now.

"I can't blame them." Ang sambit nalang ni Matthew habang nagSigh siya ng malalim dahil kahit siya'y nararamdaman ang isang malaking lost sa pagkamatay ni Liz based on sa nakita at nalaman niya today.



******************************5:30pm********************



"I DON'T WANT TO! SHE'S A WITCH!" Ang tili ng umiiyak na si Jenny nang sinabi sa kaniya ng kaniyang daddy na tumawag itong si Katrina at nagyayayang magDinner.

Biglaan lang naman ang pagtawag na iyon ng anak ng President sa Company nina Arthur. Hindi naman matanggihan ni Arthur si Katrina at nakikisama siya dito bilang Vice President ng Company nila. Alam niyang may gusto ito sa kaniya at talaga namang nagbigay itong si Katrina ng Grace Period ng isang taon after na mamatay itong si Liz. Ngayon nga ay todo ang papansin sa kaniya nito sa office but hindi naEntertain ito ni Arthur ito today dahil natambakan nga siya ng trabaho since nagleave siya for a week.

Bukod sa one and only daughter itong si Katrina ng kanilang President ay naaawa din naman itong si Arthur dito dahil walang guy na nagkakamaling magkagusto or mangligaw dito. Kahit na sabihing mayaman itong sina Katrina ay hindi naman talaga ito kagandahan at tugmang-tugma ang pangit nitong ugali sa hitsura nito.

"She can't be compared to Liz." Ang isip-isip nitong si Arthur habang mahigpit niyang niyakap ang umiiyak niyang daughter. Yan din ang sinasabi ng mga tao sa kanilang Company dahil talagang pinapakita nitong si Katrina na mayGusto talaga siya kay Arthur.

"Sige na Honey. Good girl ang baby ko." Ang malambing na pagsusuyo ni Arthur sa kaniang anak dahil hindi din naman niya ito maBlame na hindi magustuhan ang hitsura at ugali ni Katrina nang makita ni Jenny ito minsan ng isinama niya ito sa Office.

"Masaya kina Gracey. Miss na daw niya ang sleepover ninyo." Ang dagdag pang paglalambing ni Arthur kay Jenny. Everytime na kailangang umalis si Arthur sa gabi for a business meeting or Office function ay doon niya pinagstaStay si Jennifer sa isa nilang kapitbahay na family friend nila ni Liz at sinusundo niya ito pagka-uwi niya.

"NO! NO! NO! DADDY! PLEASE!" Ang malakas na iyak nitong si Jenny habang mahigpit niyang niyayakap ang kaniyang Daddy. NapaSigh ng malalim si Arthur at talaga namang naBadTrip siyang talaga kay Katrina. Hindi niya talaga papansinin ito kung hindi lang ito anak ng kanilang President.

"Promise Jenny. Last na ito." Ang talunang sinabi ni Arthur sa kaniyang anak. Wala na siyang ibang alam na gagawin.

"Can you call tito Matt? Siya ang gusto kong kasama and ayokong pumunta kina Gracey." Ang humihikbing request nitong si Jenny sa kaniyang Daddy na siya namang ikinatahimik nitong si Arthur.

Kinarga niya itong si Jenny at pagkatapos ay dinukot niya ang kaniyang phone sa bulsa ng slacks niya at nagInhale then Exhale siya habang tinatawagan niya si Matthew. Nahihiya si Arthur kay Matt pero ito lang ang request ni Jenny para makaalis siya at mapaunlakan ang invitation ni Katrina sa kaniya.  Ayaw niyang mapasama sa kanilang President dahil katulad niya ay mahal na mahal din nito ang one and only daughter niyang si Katrina.

"Hello?" Ang sagot ni Matt sa phone.

"Hi. Nakakahiya pero can you come over this evening? May unexpected na meeting kasi ako and walang makakasama si Jenny." Ang sinabi ni Arthur sa kabilang linya habang nakapikit siya at nagdadasal na pumayag itong si Matthew.

"Sure. I'll be there ASAP." Ang narinig nalang niyang sinabi ni Matthew sa other line sabay baba nito ng phone. Hindi alam ni Arthur kung  matutuwa siya o maiinis sa phone ettiquette nitong si Matthew.

"Will he come?" Ang tanong ng naiiyak pa ding si Jenny.

"Yes Honey." Ang mahinang sambit ni Arthur sa kaniyang daughter sabay kiss niya dito sa noo na siya namang ikanatuwa ng bata.



*************************7:00pm******************



Habang nagprePrepare si Arthur for his dinner with Katrina ay masayang kumakain naman ng dinner itong sina Jenny and Matthew sa kitchen dahil nagdala itong si Matthew ng rice and ulam na niluto ng kanilang maid for their dinner sa kanilang bahay since nakita nga niya this morning na walang laman na food ang fridge and walang stocks ng Groceries itong sina Arthur sa bahay. Napagplanuhan din that time ni Matthew na magpapaturo siyang magluto sa kaniyang Yaya para naman makakain ng lutong bahay itong si Jenny at kasama na rin ang kaniyang Daddy.

"Paano? Just call me pag may kailangan kayo." Ang sinabi ni Arthur sa dalawa nang pumasok ito sa kitchen. Nasamid itong si Matthew in the middle ng pag-inom niya ng water when he saw Arthur.

Polished na polished itong si Arthur at ang gwapo-gwapo talaga sa kaniyang DarkBlue na polo and semi-fit na slacks. "Shit!" Ang hindi mapigilang nasabi ni Matthew sa kaniyang isip nang makita niyang nakaSmile na parang nakangisi itong si Arthur at bagay na bagay talaga sa kaniya mula ulo hanggang paa ang get up nito. Kitang-kita din ang defined chest and shoulders ni Arthur sa kaniyang suot na polo.

"Pogi ba ang daddy?" Ang pabirong tanong ni Arthur ka Jenny.

"Ask tito Matt!" Ang snobbish na sinagot sa kaniya ni Jenny sabay irap nito sa kaniyang Daddy.

"What's wrong?" Ang hindi napigilang tanong ni Matthew kay Jenny dahil sa kaniyang nakitang reaction nito sa kaniyang daddy.

"MakikipagDate siya sa Witch!" Ang masungit na sinabi ni Jenny sabay tingin niya ng masama sa kaniyang Daddy.

"Kala ko ba business meeting?" Ang hindi napigilang tinanong din ni Matthew kay Arthur.

"Parang ganun na din yun." Ang preskong sagot ni Arthur kay Matthew.

Unti-unting naniningkit ang dalawang mata nitong si Matthew at habang tinitignan niya ang nakaSmirk na si Arthur ay unti-unti niyang nakikita ang image ng kaniyang sinungaling na ExBoyfriend kay Arthur. Kasabay ng mabilis na pagLevel up ng kaniyang bitterness at pagtalas ng kaniyang sarcastic personality ay napakunot ng noo itong si Matthew.

Parang hindi matatagalan nitong si Matthew ang ginagawang pagkindat-kindat at pagbibiro nito sa nakasimangot  na si Jennifer.











To Be Continued

2 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails