“Bakit ganito ang ginawa mo sa akin, tol? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Wala naman, diba…?” ang panunumbat na sambit ni Lito, ang boses ay may bahid ng pagmamakaawa. Habang patuloy na dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi, hinayaan lang niyang bumagsak ang mga ito.
Bumalot sa katauhan ko ang panlulumo sa narinig na tanong niya. Alam ko na ang tanong na iyon ang sukdulan na ng aking pagtitis na itago ang pinakalilihim kong sikreto. Bagamat hindi ko alam kung paano harapin ito, alam kong napatunayan na sa isip niya na magkasintahan nga kami ni Sarah. Hindi kaagad ako nakasagot. Tila may bumara sa aking lalamunan, hindi malaman kung ano ang sasabihin at paano sisimulan ito. “A… tol… pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag?” ang nasambit ko na lang.
“Napakanda ng ating pagsasama tol. Sa simula pa lang, sinabi ko na sa iyo na ayaw kong ipilit ang sarili mo sa akin; na ayaw kong ang pakikipagrelasyon mo sa akin ay labag sa kalooban mo. At nangako ka pa sa akin sa beach na iyon, na wala tayong sikreto sa isa’t-isa. Bakit? Bakiiiittttt?!!!“ at tuluyan nang kumawala ang matinding hinanakit niya na kinimkim. Napahagulgol siya na parang bata sabay tayo at sinusuntok nang sinuntok ang sementong dingding ng kwarto niya hanggang sa nakita kong nabalot na ng dugo ang mga kamao niya.
Dali-dali ko siyang niyakap upang ilayo sa dingding at pinaupo sa kama. Noong makaupo na, hinahaplos-haplos ko ang likod niya at ang balikat. “Tol… I’m sorry. Ayaw ko lang naman sanang masaktan ka eh, kaya ko itinago sa iyo ang lahat.” Paliwanag ko.
“At bakit?!!! Hindi ba ako nasaktan ngayon? Ha?!!! Mas matindi pa tol! Mas matindi pa ang sakit na naramdaman ko. All those times, iniisip ko na tapat ka sa relasyon natin, na maluwag sa kalooban mo ang pagpasok mo sa relasyon natin. Ni ikaw pa nga ang nagmungkahi na pasukin natin ang relasyon na ito! Iyon pala ay…” hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin.
“Kayan nga nanghingi ako ng tawad sa iyo nagyon, tol… patawarin mo ako, pleaseeee” ang pagmamakaawa ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, “Niloko mo ako! Niloko mo akooooo! Tanginaaaaa! F*** Youuuuu!!!” bulyaw niya habang tinumbok ang gilid ng kwarto, naupo sa sahig, ang likod ay isinandal sa dingdin at itinakip ang dalawang duguang kamay niya sa mukha. “Sinaktan mo ang damdamin, ko, tol… sobrang sakit… alam mo ba?!! ALAM MO BA KUNG GAANO KASAKIT ANG NARAMDAMAN KO DITOOOOO?!!!” sigaw pa rin niya, itinuturo ang dibdib at patuloy sa paghagulgol at itinakip muli ang mga kamay sa kanyang mukha.
Umupo ako sa harap niya, hinawi ko ang dalawang kamay na itinakip niya sa mukha at pagkatapus, hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya. Tinitigan ko siya “Nagkasala ako tol… at buong-puso akong hihingi sa iyo ng tawad. Nasa akin ang lahat ng pagkakamali. Sabihin mo lang kung ano ang pwede kong gawin upang mapatawad mo” ang mahinahon at mapagkumbaba kong sabi.
Hindi siya kumibo. Yumuko siya, patuloy pa ring umiiyak.
Tumayo ako, kinuha ang isang maliit na towel at binasa iyon, ipinunas ko sa kamay niyang nagdudugo. “Tol… pangako ko sa iyo. Kahit ganito ang nangyari, hinding-hindi kita pababayaan. Nandito lang ako para sa iyo.” ang sabi ko habang patuloy na nilinis ang sugat niya.
Hindi pa rin siya kumibo. Hinayaan lang niya ang mga kamay niya na pupunasan ko at linisin ang dugo na nagkalat dito. Tumayo uli ako at kumuha ng bendahe at tinapalan ang parting may mga sugat.
“S-sana, tol… maintindihan mo ako. Lalaki ako, tol e. Alam mo kung gaano katindi ang pagsupil ko sa sariling huwag matukso sa mga babae. Nakita mo naman; hindi ako nagpi-flirt, wala akong niligawan, at kahit may mga nagparamdam, hindi ko sila pinatulan. Alam mo iyan dahil sinasabi ko ang lahat ng iyan sa iyo. Tapat ako sa iyo, tol, wala akong inililihim. Alam mo iyan. Ang pagkakamali ko lang ay noong dumating si Sarah sa buhay ko, hindi ko sinabi sa iyo ito. Nalilito ako tol. Ayaw kong masaktan ka…” ang paliwanag ko habang ramdam ko naman ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko. Pinahid ko ang mga ito.
Wala pa rin siyang imik.
“Napagdesisyonan ko na sanang pilitin ang sariling unti-unti siyang kalimutan, para sa iyo tol. Masakit pero ito ang naisip kong pinakamabuting paraan upang matupad ko ang pangako sa iyo at hindi ka masaktan. Ngunit nitong nakaraan, nalaman kong nabuntis ko si Sarah at… nabitiwan ko sa kanya ang pangakong pakakasalan siya, tol…” at tuluyan na ring akong humagulgol na parang bata, hawak-hawak ko pa ang mga kamay niyang nakabendahe na. “Maniwala ka tol… nahihirapan din ako sa kalagayan ko…” dugtong ko.
Tiningnan niya ako. Marahil ay lumambot din ang puso niya sa narinig. “M-mahal mo ba siya?” tanong niya.
Tumango ako.
“Kung pakasalan mo siya, ano ang plano mo para sa akin, sa atin?” tanong uli niya.
“Ganoon pa rin tayo, tol… walang magbabago. Hindi kita pababayaan at kahit na ano man ang maging plano ko sa buhay, palaging isasama kita sa mga plano ko.”
Iyon lang ang nasabi ko at binitiwan na niya ang isang pilit na ngiti sabay yakap sa akin. At imbis na ako ang sumuyo sa kanya, tila siya pa itong gumawa sa akin nito. Hinahaplos-haplos niya ang likod ko, ang buhok, ang mukha. Pinahid niya ang mga luha ko sa pisngi at pagkatapus, tinitigan niya ako nang matagal na tila iniuukit sa utak ang bawat detalye, anggulo, at kabuuan nito.
Ewan ko ngunit may iba akong naramdaman sa mga titig niyang iyon, hindi ko lang lubos maintindihan kung ano. Maya-maya, niyakap niya uli ako, mahigpit na mahigpit sabay bulong sa tenga ko, “Tol… tandaan mo palagi, mahal na mahal kita. At kahit kailan man, hindi magbabago ito. Kahit ilang babae pa ang mahalin mo, palaging ikaw ang ititibok ng aking puso, pangalan mo ang palaging ipipintig nito. Mawala man ako sa mundo, ikaw lang ang nagmamay-ari nito… Wag mong kalimutan iyan.”
“S-salamat tol. Napakabuti mong tao. Napakaswerte ko na dumating ka sa buhay ko.” ang tugon ko sa sinabi niya at kumalas ako sa aming yakapan. Kahit papaano, naibsan ang paghihirap ng kalooban ko.
Muli, tinitigan niya ako at pinakawalan ang isang pilit na ngiti.
Hinaplos ko ang mukha niya at inilapat ang mga labi ko sa mga labi niya.
Noong mahimasmasan, nag-ayos kami at lumabas sa kwarto ng sabay na tila wala lang nangyari. Ang bendahe sa mga kamay niya ay pinalitan din namin ng mga band aid upang huwag masyadong halata. Dahil nasa kalagitnaan pa ang party na idinaos para sa amin, naki-saya kami sa mga bisita, mga ka-klase, at mga kamag-anak nina Lito.
Sa gabing iyon, doon ako natulog sa kwarto ni Lito. At muli naming pinagsaluhan ang init na bugso ng aming nag-uumapaw na damdamin. At sa pagkakataong iyon, mas mapusok ito, mas nag-aalab. Ang bawat init ng dantay ng aming mga kalamnan ay tumatagos hanggang sa kaibuturan ng aming mga puso. Naghahalikan kami na parang wala nang bukas; nagyayakapan na parang iyon na ang huli naming pagsasama, hanggang ang mga katawan namin ay mistulang pinag-isa na tila ang mga ito ay hindi na pwedeng paghiwalayin pa.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Naligo ako habang si Lito na gising na rin at inaantabayanan ang pag gising ko ay ipinaayos sa katulong ang agahan. Alam ni Lito na maaga din akong magbibiyahe patungo sa bayan ng girlfriend ko gawa nang doon muna ako lalagi hanggang sa araw ng kasal namin upang maayos at mapaghandaan ito ng maigi.
Wala kaming imikan sa hapag kainan. Sinabayan niya akong kumain na para bang ninanamnam niya ang huling pagsasalo naming iyon na buong-buo pa akong para sa kanya. Tahimik at ramdam ko ang tensiyon na bumabalot sa hapag-kainang iyon. Ang tanging naririnig lang ay ang mga kalantong ng mga kutsara’t tinidor, at pinggan. Hanggang sa nagpapalam na akong umalis.
Nasa bungad na ako ng gate, kaming dalawa lang ang naroon dahil sa tulog pa ang ibang mga tao sa bahay. “Tol… gusto ko na sa kasal ko, ikaw ang best man ko…”
Tinitigan niya ako, ang mukha ay pigil na huwag magpapakita ng kung ano mang emosyon. Isang napakalalim na titig na pakiwari ko ay tumagos sa aking pagkatao ang binitiwan niya, at pagkatapus ay binitiwan naman ang isang bahagya at pilit na ngiti sabay tango sa sinabi ko.
“Black coat and tie ang isusuot ng mga groom’s men tol…” ang pahabol kong sabi.
Tumango uli siya. Sa puntong iyon, pansin ko na ang pigil niyang pag-iyak. Pakiramdam ko ay pilit niyang pinigilan ang matinding emosyon na ano mang oras ay maaring kumawala at sumabog sa mga sandaling iyon.
Niyakap ko siya at pagkatapus ay hinalikan sa labi. “Text-text na lang tayo, Tol…” ang nasabi ko na lang sabay talikod, pilit na isiniksik sa utak na normal lang ang pagpapaalam ko sa kanyang iyon, kagaya ng ibang mga pagpapaalam ko pagkatapus matulog sa bahay nila. Hindi ko na hinintay pa na masaksihan ang pagpatak ng kanyang mga luha at pagbuhos ng kanyang saloobin.
Sobrang bigat ang kalooban ko sa paglisan kong iyon. Pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ng mundo. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit matindi ang nadarama kong lungkot para sa kaibigan ko. Narinig ko pa ang mga nagmamadaling yapak niya pabalik sa loob ng bahay at alam ko, humagulgol siya at nag-iisa sa loob ng kanyang kwarto. Nakikinita ko rin na ang nasa isip niya sa mga sandaling iyon, na ang tagpong iyon ang maaaring huling na naming pagsasama kung saan buong-buo niya akong maangkin; na may nakaambang malaking pagbabago sa set-up namin pagkatapos ng tagpong iyon; habang ang puso at isip niya ay nababalot ng matinding pag-aalinlangan kung makasama pa ba niya uli ako pagkatapos ng kasal. Sa loob ng kwartong iyon kung saan una ko ipinaubaya sa kanya ang sarili ng buong-buo ay siya namang naging saksi sa mga sandaling iyon sa mga hinagpis at hinaing niya…
Tumulo ang luha ko habang naglalakad ngunit hindi ko alintana ang mga ito. Hinayaan kong dumaloy nang dumaloy ang mga ito at pumatak sa damit ko at sa lupa. Pakiwari ko ay nawala ako sa tamang pag-iisip at ako lang ang nag-iisang tao sa mundo sa mga sandaling iyon, hindi malaman kung ano ang tamang gagawin, o kung kanino lalapit at hihingi ng masasandalan sa mabigat na kaloobang pinapasan. Binilisan ko pa ang paglakad hanggang sa nakarating ako ng terminal at nakasakay sa bus patungo sa bayan ng babaeng aking pakakasalan.
Isang araw ang dumaan, dalawang araw, tatlong araw, walang ni isang segundo na hindi sumisiksik sa isip ko si Lito. Palagi siyang nand’yan, tila nagmamakaawa, humihingi ng tulong, nahihirapan. Kahit sa gabi ay napapanigipan ko rin siya, ang mukha ay nagpapahiwatig ng matinding kalungkutan. Dahil sa pagwo-worry sa kanya, tine-text ko siya at maayos naman itong sumagot. Kaya, napapawi din ang pangamba ko.
Isang araw na lang ang nalalabi at ikakasal na ako. Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Excited, ngunit sa kabilang parte ng aking utak ay may namumuong pag-alinlangan, nagtatanong kung handa na ba talaga ako, kung ano ang buhay kong tatahakin pagkatapos ng kasal, at higit sa lahat, kung ano ang kahinatnan ng patago naming relasyon ng kaibigan.
Nagtanong ako sa mga kaibigan kong nauna nang nag-asawa ngunit ang payo nila ay normal lang daw ang ganoong pakiramdam at karamihan sa kanila ay naranasan din ang pinagdaanan ko. At may nagpayo din sa akin na kung may pag-alinlangan ako, ay pwede pa akong umurong kesa sa nand’yan nang nakasal kami at buong buhay ko itong pagsisisihan…
Sa gabing iyon, kahit magkatabi kaming nahiga ng girlfriend ko, kung anu-anong bagay na lang ang pumapasok sa isip. Syempre, hindi ko ito ipinahalata kay Sarah. Hindi ko maintindihan kung magtatalon sa tuwa at excitement o humagulgol sa lungkot dahil sa iyon na ang katapusan ng aking kalayaan.
Alas 10 ng umaga ang kasal namin sa araw na iyon. Lahat ay handang-handa na – sa pagkain at handaan, dekorasyon, reception, mga bridesmaid at groom’s men, bisita…
Alas 8:30 noong umalis ako ng bahay patungo na sa simbahan. Bago ako umalis, tinext ko pa si Lito. Ang plano kasi namin ay magko-kotse siya galing sa kanila at dideretso na lang sa simbahan. Isang oras lang naman kasi ang biyahe galing sa bayan namin patungo sa bayan ng girlfriend ko. At dahil sariling sasakyan naman nila at may driver pa siya, mas mabilis ito.
“Tol, handa ka na ba?” text ko.
“Handa na tol” sagot niya.
“Maglagay ka pala ng isang pulang rosas sa may left chest ng coat mo ha? May pulang rosas din ako…para terno tayo.” dugtong ko.
“Copy” sagot niya.
“Di kami magsisimula hanggang hindi ka pa darating.” paniniguro ko.
“Promise?” sagot niya.
“Promise tol…” sagot ko din.
“Ingatan mo palagi ang sarili tol…”
“Kaw din… kita na lang tayo dito.”
At iyon na ang huli kong text at dumeretso na ako ng simbahan, kamapanteng darating siya.
Alas 9:30 ay puno na ang simbahan at nandoon na ang halos lahat ng mga bisita, mga bridesmaid at groomsmen. Ang kulang na lang ay ang best man at ang bride. Habang nakatayo ako sa may bukana ng simbahan at naghintay sa kanila, tila may naririnig naman akong sigaw galing sa isang parte ng utak ko, “Sana ay huwag na lang dumating ang bride”.
Ewan ko… marahil ay bunga lang iyon sa sobrang excitement o anxiety ba…? Ewan.
Halos eksaktong alas 10 na noong dumating si Sarah. Napakaganda niya sa suot na damit pangkasal. Nakangiti at noong makalapit na sa akin, hinalikan ako sa pisngi.
Kinabahan na ako kung bakit hindi pa rin dumating si Lito. Tinatawgan ko na siya sa kanyang cp ngunit walang sumasagot dito. Tumawag ulit ako. Wala pa rin. Panay rin ang tingin ko sa relo ko. Nakalipas ang 10 minuto, 15 minuto, 20 minuto, 25 minuto… wala pa ring Lito ang sumulpot an gang cp niya ay panay lang ang ring ngunit walang Litong sumasagot. Sobrang kaba na ang naramdaman ko.
10:30 noong sinabihan na ako ng pari na magmartsa na patungo ng altar.
“Lito nasaan ka na! Shiitttt!” sigaw ng utak ko. “Hindi ba pwedeng mahintay pa tayo ng sandali?” Tanong ko sa pari.
Ngunit nagalit ang pari dahil may susunod pa raw itong misa.
Nag-aalangan man, pilit kong inihakbang ang mga paa patungo sa altar habang sumunod naman ang mga groom’s men. Ngunit noong nasa kalagitnaan na ako ng pasilyo, tila may isang malakas na pwersang humihila sa akin. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman sa mga sandaling iyon…
(Itutuloy)

No comments:
Post a Comment