Followers

Tuesday, February 9, 2010

"Tol... I Love You!" [8]

Simula noon, balik na naman ang pagiging close namin ni Lito. Ang kinikimkim kong galit sa kanya ay nadaig ng matinding awa. “Sino ba ako upang hindi magpatawad…” Tanong ko sa sarili, lalo na kung nakikita mo naman na ang taong nagkasala sa iyo ay taos-puso at tapat na nanghingi nito. Alam ko, abot-langit ang pagsisisi niya sa nagawa niyang kasalanan sa akin. Alam ko rin na sobrang bigat ang pinapasan niya sa buhay hindi lang dahil sa guilt na nadarama, nad’yan din ang problemang ng hirap ng pagtanggap sa sarili sa pagkatuklas sa naiiba niyang pagkatao, at nad’yan pa iyong sama ng loob niya sa pagkadiskubreng ampon lang siya. At isa pa, ayokong magiging isa sa dahilan kung sakaling maisipan man niyang muli ang kitilin ang sariling buhay. At syempre, ayoko ring masira ang respeto ng mga magulang niya sa akin na kung saan ay tunay na anak na rin ang turing sa akin, sa laki rin ba naman ng na utang loob ko sa kanila. Kaya, minabuti kong kalimutan na lang ang kasalanang nagawa ng kaibigan ko sa akin. “Ang kasalanan lang naman niya siguro ay minahal niya ako, at hindi niya kayang ma-kontrol ang sarili…” sabi ko na lang sa sarili.

So, balik-close at magkaibigan uli kami; may kaibahan na nga lang. Sa pagkakataong iyon ay sa side ko, may kaunting pagkailang dahil sumisiksik sa utak kong may kakaibang naramdaman siya para sa akin. Kahit mahal ko naman talaga ang kaibigan bilang isang kaibigan at bilang turing-kapatid na rin, ang nangigibabaw sa akin ay awa na lang para sa kanya. Ngunit hindi ko ipinahalata ang lahat. Ayokong isipin niya na may nagbago sa akin at masaktan uli siya.

Kaya, balik uli kami sa laging pagsasama sa school, sa mga gimmick, ang harutan, ang kantyawan, biruan.

Ngunit, may napansin din akong iba sa mga galaw niya. Hindi ko na nakita pa ang dating natural na saya sa mukha niya. Parang may kulang ito, may pagkukunwari. Oo, nagtatawanan kami, naghaharutan, nagbibiruan, ngunit may mga pagkakataon ding bigla na lamang itong umiiwas, nawawala sa samahan, at makikita ko na lang na nag-iisa ito, nagmumukmok sa isang sulok, malungkot, at malalim ang iniisip.

Isang araw, noong mapansin kong bigla na lamang itong nawala sa umpukan naming magkaklase, hinanap ko siya; nahanap ko sa likod ng building ng campus, sa may mini-park nito, nakaupo sa damuhan sa ilalim ng malaking puno ng akasya, nag-iisa, naka-earphone. Nakatalikod siya sa akin at sa kagustuhang sorpresahin sana siya, dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Nagulat siya noong nakita niyang nakaupo na ako sa tabi niya. Excited pa naman ako na nahanap ko siya. Ngunit noong magkasalubong ang aming mga tingin, pansin ko ang malungkot niyang mukha at ang mga namumuong mga luha sa gilid ng mga mata niya.

Ngumiti siya ng bahagya, “Ikaw pala, tol… ginulat mo ako ah.” ang sambit niya sabay lingon sa malayo at dali-daling hindi pinapahalata ang pagpahid ng mga kamay niya sa mga luhang pinipigilan niyang huwag dumaloy sa kanyang mukha.

Kunyari hindi ko napansin iyon. “Ba’t iniwanan mo ako sa umpukan natin?” ang tanong ko.

Yumuko siya, tila nahihiyang mapansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata. “W-wala… may naisip lang ako, at gusto ko ring mag-music tripping.” ang sagot niya.

Ngunit naramdaman kong hindi siya nagsabi ng totoo. Hinawakan ko ang panga niya at iniharap ang mukha niya sa akin. “Tingnan mo nga ako tol?” sabi ko. “Hindi ka nagsabi ng totoo e. Ano ba talaga ang dahilan?” pangungulit ko.

Kinabig niya ang kamay ko sa panga niya at yumuko uli. Natahimik siya sandali. “Wala naman din akong interest sa mga bangkaan. Nag-uusap kayo, mga babae, mga magagandang babaeng trip ninyo dito sa campus, nagkakatyawan na baka bakla si ganire, si ganito… Pakiramdam ko, ako ang pinapatamaan nila e…”

Bahagyang nagulat naman ako sa sinabi niya. “Ito naman o… Huwag mo namang bigyan ng masamang kahulugan ang mga sinasabi nila. Walang bahid patama ang mga bangkaan namin, alam ko yan. Ganoon naman talaga ang mga kaklase nating iyon dati pa, di ba? Malakas mang-asar…” ang pag-takip ko na lang.

“Hindi tol… sa tingin ko, ako ang pinapatamaan nila e.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, tol… Ito naman, o. Sobrang sensitive mo naman.” Ang nasabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko lang, pakiwari ko ay naramdaman ko rin ang kahirap ng katayuan niya. “Malalampasan mo rin iyan tol. Either mawala din sa iyo iyan, o matatanggap mo rin ang lahat ng iyan” dugtong ko.

Hindi na siya kumibo. Binitiwan lang niya ang isang malalim na buntong-hininga at tumingin na sa malayo. Marahil ay nasabi na lang niya sa sarili na, “Nasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko”

Sa kagustuhan kong sumaya ang mood niya, iniba ko ang usapan. “Hey… ano bang kanta iyang pinapakinggan mo, tol…” Ang naitanong ko, tukoy sa pinakinggang sound sa earphone niya. “Pakinig mo naman sa akin.”

Pansin kong nag-aalangan siya, ngunit tinanggal din niya ang earphones sa tenga niya at iniabot ang mga ito sa akin. “Paborito kong music iyan, Tol…” sabi niya.

tinanggap ko ang mga ito at inilagay sa aking mga tenga. At habang pinakinggan ang tugtog, yumuko naman siya, tila nahihiya sa magiging reaksyon ko -

“Do you hear me? I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying

Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair

Though the breezes through trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning 'round
You hold me right here, right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday”

At nakita ko na lang ang sariling imbes na ako ang magpapasaya sa kanya, naramdaman kong gumapang sa katawan ko ang lungkot, o awa sa kanya. Pakiwari ko ay kinurot ang puso ko sa narinig. Noong matapos kong pakinggan ang kanta, tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at iniabot ko uli iyon sa kanya. Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Tinitigan ko siya, may bahid na pagkaawa ang aking mga mata, nakikisimpatiya sa kanyang naramdaman. “Hindi mo pa rin ba ako kayang malimutan?”

Nanatili pa rin siyang nakayuko, ang mga tingin ay napakalalim, at ang mga kamay ay wala sa isip na inilalaro sa mga damong naka-usli sa may harapan ng inuupuan niya. At napansin ko na lang ang mga luhang pumatak sa damuhan ding iyon. “Kung kaya ko pa lang sana tol… wala na sanang problema” ang maikling sagot niya.

Hindi na ako sumagot. Ibinaling ko na lang ang paningin sa malayo, nag-iisip kung paano ko siya matutulungan sa kanyang kalagayan.

“Ngunit huwag kang mag-alala, tol… dahil tanggap ko naman na hindi mo ako pweding mahalin eh. Kaya, kaya…” hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin dahil sa tuluyan nang nag crack ang boses niya.

Nanatili pa rin akong nakayuko, hinayaan siyang ipalabas niya angkanyang saloobin.

Pilit niyang ipinagpatuloy ang mga salitang gustong kumawala sa bibig niya. “… kaya hayaan mo na lang akong sa kantang iyan ko damhin ang pagmamahal ko sa iyo. Sa kantang iyan, ramdam kong mahal mo din ako, na masaya tayo, na kaya mong gawin ang lahat para sa akin. D’yan ko na lang naipapalabas ang lahat, ini-imagine na nand’yn ka, aking-akin, na mahal mo rin ako at napaka-swerte ko dahil ikaw ang pinili at tinibok ng puso kahit pa man alam kong hindi pwedeng mangyari ito.” At humagulgol na siya. “Para akong baliw, tol… nagpapantasya, nangangarap, na sana nasa ibang mundo ako at totoong nangyari ang mga sinasabi ng kantang iyan sa akin; na doon ‘Lucky’ nga ako.” Tukoy niya sa pamagat din ng kanta.

Hindi ko lubusang maintindihan ang tunay na naramdaman sa tagpong iyon at kung ano ang gagawin upang maibsan ang paghihirap niya. Ang alam ko lang ay matinding pagkaawa ang bumalot sa pagkatao ko sa mga sandaling iyon. “Yakapin mo ako, tol kung iyan ang magpapagaan ng kalooban mo.” Ang nasabi ko na lang.

Ngunit hindi siya yumakap sa akin. Ang ginawa ko, umusog ako sa kanya at ako na ang yumakap dito. Bagamat naramdaman kong sumandal siya sa akin, dali-dali din siyang kumalas. “Huwag tol… ok na ako” ang sambit niya.

“B-bakit?” tanong ko ng naguluhan.

“May mga taong nakakakita. Ayokong lalo kang madamay sa mga problema ko, tol. Alam kong nagsakripisyo ka rin sa nangyari. Pati girlfriend mo, hiniwalayan ka na rin. Naawa ako sa iyo. Kaya OK lang ako, huwag mo akong intindihin.” Ang paliwanag niya.

Doon nagsimula ang pagkahabag ko sa kaibigan. At ito rin ang nagpatuliro sa isip ko dahil alam ko na isa ako sa solusyon sa dinadala niyang bigat na saloobin. Bagamat gusto kong tulungan siya, nahirapan din ako sa kalagayang hayan siya, hinahangad ang pag-ibig ko ngunit hindi ko naman matanggap na magkunyari sa kanya dahil babae ang hinahanap ko, babae ang gusto kong makarelasyon. “Paano naman ang kaligayahan ko?” tanong ko sa sarili.

Ngunit habang tumatagal ang ganoong set-up at nakikita ko ang kanyang paghihinagpis, lalo din akong tila nato-torture. Kaya naisipan ko na lang na kausapin si Lito. “Tol… total Friday ngayon, pwedeng doon ako matulog sa inyo?”

Kitang-kita ko naman ang bakas ng tuwa sa mukha niya. “Oo ba? Sure!”

“Inuman din tayo ha?”

“Iyon lang pala, sige!”

Alas syete ng gabi noong dumating ako sa bahay nila. Syempre, kasali ako sa dinner ng pamilya dahil noong malaman ng mga magulang ni Lito na aakyat ako ng dalaw, hinintay nila talagang makasali ako sa dinner. Kumustahan, kwentuhan. Wala namang nagbago sa pakikitungo ng mga magulang ni Lito sa akin. Bagkus pakiramdam ko ay lalo pa akong napamahal sa kanila.

“Kumusta ang pag-aaral, Warren?” tanong ng papa ni Lito sa akin.

“OK naman po…” ang maiksi kong sagot.

“Alam mo, Warren, madyo bumalik na rin ang magandang performance nitong kaibigan mo sa school. Sana tuloy-tuloy na ito. At sana huwag kang magbago ang pakikitungo mo kay Lito, Warren. Ikaw lang ang nagpapalakas ng loob niyan. Sana – “

“Uhum!” ang pag butt-in naman ni Lito, halatang hindi nagustuhan ni Lito ang sinasabi ng ina.

Tiningnan lang si Lito ng mama niya at nagpatuloy ito. “Sana patuloy mo siyang intindihin, aalalayan, suportahan…”

“Ma, it is not Warren’s responsibility to look after me. He has his own life and he can do whatever he wants with it. Huwag po ninyo siyang i-pressure sa akin. At huwag ninyong gawing kaawa-awa ang anak ninyo sa mata ng ibang tao!” ang mataas niyang boses, sabay tayo at alis sa hapag-kainan, hindi na magawang uminom. Tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor kung saan nandoon ang kwarto niya.

Bigala namang natulala kaming lahat, at hindi nakakibo.

“Ah… Ma, Pa, excuse me po, susundan ko lang po si Lito sa kuwarto niya.” Ang nasambit ko naman.

“S-sige hijo. Pasenya ka na ha? At ikaw na sana ang bahalang umintindi sa kaibigan mo.” Sagot naman ng mama ni Lito.

Hindi naka-lock ang kwarto ni Lito kaya dire-deretso akong pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakatutuk ang mga mata sa kisame. “Tol… bat ka naman nag-walk out? Ikaw talaga o… Nasasaktan ang mga magulang mo.”

“Yun na nga tol eh. Sila nasasaktan. Paano naman ako? Hindi ba nila alam na nasasakal na rin ako? Sabagay, di naman talaga nila ako anak...” ang may halong pagdaramdam na sabi niya.

“Ano ka ba, tol? Wala ka dapat problemahin sa kanila. Dapat nga masaya ka eh dahil nand’yan sila. Huwag kang maag-isip ng ganyan, napakabait nila”

“Ayaw ko lang kasi tol na kaawaan ako. At lalo nang ayaw kong ididiin nila sa iyo na kailangan mong ganito ang gagawin mo sa akin. Kung may gagawin ka man para sa akin, iyan ay hindi dahil sa utang na loob mo sa amin, o dahil sinabi iyan ng mama ko, o ano pa man. Ayoko nang ganoon. Gusto ko ay iyong kusa, o bukas sa kalooban mong gagawin para sa akin ang isang bagay. Ok lang sa akin kahit hindi mo ako puntahan dito, o kahit pa hindi na tayo palaging magsama. At least alam kong hindi ka na galit sa akin. Iyon lang ang importante. Kasi mas masakit kapag nalaman kong sa kapag may ginawa kang maganda sa akin at malaman ko na lang na hindi pala ito ang tunay mong kagustuhan, diba?”

“Ok… ok…” ang sabi ko na lang, sabay hila sa isang braso niya upang maupo siya sa kama. Hindi na ako sumagot pa sa mga sinasabi niya. Noong makaupo na, niyakap ko siya, hinahaplos-haplos ang likod sabay sabing, “Pwede mo akong yakapin... Dito walang tao, walang makakakita sa atin.”

At… nagyakapan nga kami. Humahagulgol siya sa mga bisig ko at hinayaan kong maipalabas ang lahat ng mga hinanakit niya. Hanggang sa tila napagod na siya sa pag-iyak.

Tumayo ako at tinumbok ang refrigerator niya. Kumuha ako ng 2 bote ng beer. Binuksan ko at noong bumalik na sa kama, iniabot sa kanya ang isa at umupo na rin ako doon.

Naka tiglilimang beer na kami noong ramdam kong nag-init na ang aking katawan. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang mukha niya at itinutok ko ito sa mukha ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagpupungay nito gawa ng kalasingan. Nagtitigan kami. At naalimpungatan ko na lang na lumabas sa bibig ko ang tanong, “Tol… gaano mo ba ako kamahal?”

(Itutuloy)

1 comment:

  1. puro lungkot nlng ang nababasa ko ah. wala nabang saya? ganyan yta pag nagkalamat n pagkakaibigan.

    rhon

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails