Followers

Sunday, February 21, 2010

Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan [9]

By: Michael Juha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
***
Isinara ko kaagad ang pinto noong makapasok na at agad kong hinarap si Kuya Rom na nakaupo lang sa sofa habang nakikinig sa paborito naming tugtog. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit at hawak-hawak pa ng isang kamay ang isang bote ng beer.

“Ba’t ka nandito?” ang mataray kong bulyaw habang nakatayo sa harap niya at nakapamaywang pa.

“Ba’t ka ginabi? At sinong kasama mo?” sagot naman niya kaagad, hindi sinagot ang tanong ko, ang magagandang pares ng mga mata na tila malalaglag na sa pagkalasing ay nakatutok sa akin.

“Abaaaa, isang tanong lang ang sa akin nakadalawa na siya!” sigaw ng utak ko. “Wala kang paki kung gagabihin ako no? At ang kasama ko naman ay isang matinong tao na di kagaya mo! Ba’t ka nandito?” pag ulit ko sa tanong.

Hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. “Wow… matinong tao, huh!” ang sarcastic niyang tugon. “Bakit sino ba ang ipinagmamalaki mong m-a-t-i-n-o na taong yan?” pag-empahsize niya sa katagang “matino”

“Si Kuya Paul Jake” pagmamayabang ko. “Siya lang naman ang nakakaintindi sa akin eh.” Dugtong ko pa sabay pang-ismid.

“Paul Jake pala ha…?” at tumango-tango siya. Alam ko ang ibig ipahiwatig ng pagtango-tango niyang iyon. Malaswa.

“Opo! Siya nga.” ang sarcastic kong tugon. “Alangan namang iyong sa PBB Doubleup. Hindi pa kami ganyan ka-close noon at busy na iyon ngayon dahil marami na siyang fans! Iyong Paul Jake na kasama ko ay kasama din natin sa team na spiker pero di hamak na mas guwapo, mas matalino, at mas mabait kaysa sa iyo!” pagpapasaring ko, inaasahang masaktan ang pride at magrereact.

“Ganoon?” ang sagot lang niya na dedma na sa sinabi ko sabay tungga sa hawak-hawak na bote ng beer.

Feeling ko naman na-insulto ako sa sagot niya. Hindi ba naman nagreact ang hunghang o kaya magselos na may kasama akong iba? “Wala! Wala talagang pakialam sa akin ang hinayupak na to!” Sigaw ko sa sarili. Pakiramdam ko tuloy biglang nagkalaglagan ang mahahaba at smoth and shiny ko na sanang hair. At ang nasagot ko na lang ay, “Oo. Ganoon nga!”

“Alam ba nina tita na hindi ako ang kasama mo?” Ang kalmanteng singit niya habang kinuha ang remote, pinatay ang sounds at pinaandar ang TV na parang normal lang ba siyang nagtatanong, hindi ipinahalatang may nag-aambang pambablackmail na namang gagawin sa akin ang kumag.

Natameme ako, syempre. Ang ipinaalam ko kasi sa mga magulang ko ay na siya ang kasama ko. “Hoy! Sinumbong ba ako?” ang bulyaw ko.

“Hindi pa naman… Bakit, gusto mong isumbong kita?” tanong niya, tiningnan ako.

“Tange! Bakit ko gugustuhin iyon? E di grounded ako nyan? Paano ka pumasok dito na hindi nila nalaman na hindi mo ako kasama?” tanong kong paniguro natakot na baka isinumbong na ako.

“Simple lang. Noong binuksan ng papa mo ang pinto at nakitang ako lang ang nandoon sa labas, ang sabi ko na lang sa kanya, kahit nagulat din ako na wala ka pa, ay umihi ka pa sa may kanto. Hayon, balik tulog sa kwarto nila… See? Nagsinungaling ako para sa iyo? Di ka man lang nag thank you sa akin.”

Syempre, touched ako. Kahit ganyan kasi si Kuya Rom sa akin, pero ipinagtatanggol ako niyan kahit saan. Mga babae lang naman ang kinaiinisan ko kasi sa kanya. Iyon bang kung sinu-sino na lang ang pinapatulan, at kapag lalo na maganda, i-etsapwera na lang ako.

“Mag-thank you ka your face! Wahhh! Likas ka naman talagang sinungaling ah! Tagos sa buto!” sigaw ko pang-iinis.

Sa pagkarinig niya sa sinabi ko ay bigla na lang itong tumayo, inilatag sa sahig ang hawak-hawak na bote ng beer at hinablot na ang kwelyo ng damit ko. Syempre, nabigla ako at hind kaagad nakakilos. At sa tangkad ba naman niya at hawak-hawak pa ang kwelyo ng damit ko, para akong isinabit sa poste ng meralco.

Hinatak niya ako patungo sa kama, pinatihaya at inilock sa posisyon na iyon, hawak-hawak pa rin ng isang kamay niya ang kwelyo ng damit ko.

“Ano ang sabi mo? Likas akong sinungaling?” ang sabi niya ang mga mapupungay na mata ay nakatitig sa akin.

“A… eh, hehe! Kuya naman eh, bitiwan mo ang kuwelyo ko, mapupunit yan…” ang biglang pagbaba ko ng boses.

Ngunit hindi niya pinansin ang tila pagmamakaawa ko. “Sagutin mo ako, bakit mo nasabing sinungaling ako?” tanong niya uli.

E, ano pa ba ang magagawa ko kungdi ang panindigan na lang ang sinabi. “E di ba sinungaling ka naman talaga?” ang sagot ko pa rin kahit kinabahan na ako sa ipinakita niyang galit.

“Bakit mo nga nasabi iyan? Ha?!” ang lalo pang pagtaas ng boses niya.

“Eh… e…”

“Ano????!” giit niya.

“E, yung sinabi mong ihatid mo ako kanina… bakit may nagtext sa iyong babae at may date daw kayo? Di ba nagsisinungaling ka sa akin? Bakit mo ako ihahatid kung may ka date ka naman pala?” sagot ko.

“Ah ganoon. Magkaliwanagan nga tayo… nagseselos ka ano?”

Ewan ko ba, parang gusto ko nang bumigay at sabihin sa kanyang “Oo! Nagseselos ako! May nararamdaman ako! Ngayon... may reklamo ka?” Ngunit hindi ko nagustuhan ang tono ng pagtatanong niya kaya hindi na magawang pomorma ng lola nyo. Malay ko ba kung sapakin niya akong bigla kapag inamin ko o pagtawanan o magbago na ang tingin niya sa akin. Grabeh. Pressure!

Kaya nanatili na lang akong nakatitig sa mukha niya. Syeeet! Naramdaman ko na naman ang pagdaloy ng kung anong kilig o kiliti habang pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang mala-adonis na mukha, ang hubad na pang-itaas na katawan ay halos ididikit na niya sa katawan ko at ang bukol ng harapan niya ay dumidiin-diin sa mga hita ko. Dinig na dinig ko ang pag-uudyok ng utak ko na yapusin na ang hubad niyang katawan at isurrender na ang bandila ng aking pinakaiingat-ingatang puri (charinggg!). Ngunit ang isang kontrabidang parte ng utak ko naman sumisigaw ng, “Woi, magpaka-demure ka naman, talipandas!”

Marahil ay may napuna siya sa hindi ko pagsagot na iyon at pagtitig ko sa mukha niya kaya ang naitanong niya naman ay, “Sabihin mo nga sa akin ang totoo? Bakla ka ba?! Bakla ka no??” ang tila may pagka-sarcastic niyang tanong.

Pakiramdam ko ay biglang naubusan ng dugo ang mukha ko at nawalan ng lakas upang tumingin pa sa kanya.

“Bakla ka ano?” giit niya.

“Ah… e… hindi ah! Sino ba ang nagsabi na bakla ako? Meron ka bang pruweba? Atsaka bakit ako magseselos, aber? Haller! Ano ba ang meron sa iyo na dapat kong pagselosan? Kapallll?” sabay tulak sa kanya sa tiyan, malapit sa umbok ng kanyang harapan. Syempre naman, may malisya iyong pagtulak kong iyon, hehe.

Napaliyad naman siya. “Nananantsing ka e.” sambit niya, tila nakahalata.

“Kapal! E bakit ikaw? Sa kadami-daming babae d’yan na naghahabol sa iyo. Dami mo pang girlfriend, bakit pinapajakol mo sakin iyang burat mo? Sinong bakla sa atin ngayon, ha?” bwelta ko naman sa kanya sabay kalas sa pagkaka-lock niya sa akin at tumbok na sana sa music corner ng kwarto ko, feeling panalo sa aking binitiwang salita.

Ngunit mabilis din niyang nahawakan ang kamay ko at sabay bagsak ng katawan niya sa kama, nakatihaya siya, inilingkis ang mga braso at hita sa katawan kong nasa ibabaw niya “Ansarap-sarap mo talagang asarin no? Nangigigil ako sa iyo. Palaban! Tangina, titigasan na naman ako nito!” sambit niya, amoy na amoy ko ang beer sa kanyang hininga na lalo namang nagpatindi sa kiliti na gumagapang sa aking katawan. Sa posisyon naming iyon ay para akong isang paslit na nakadapa sa ibabaw ng malaking katawan ng tatay o kuya, kulang na lang ay bibigyan niya ako ng lollipop… pero mamaya na iyon, hehe.

Yes, mga ateng. Nag-init pareho ang aking tenga at puson sa narinig na sinabi niya. Nakakainis, nakakainsulto na nakakakilig. Pride ba ang tawag doon? Iyong feeling na gusto mo sana, may naramdaman ka ngunit ayaw mong aminin sa sarili dahil ayaw mong baka ma-insulto o masaktan dahil feeling mo pinaglaruan ka lang or wala naman siyang intesyong seryoshan para sa iyo. “Argggghhhhhhh!” sigaw ko habang itinulak-tulak ang mukha niyang halos ikiskis na rin sa mukha ko.

Ngunit hanggang sa pagtulak-tulak na lang ako dahil sa baywang ko nalakingkis ang malalaki at mahahabang hita niya, sa itaas kong katawan naman nakalingkis ang mga malalakas at maskulado niyang bisig. At sa gitna ng kanyang malalaking hita, ramdam ko ang tila gustong kumawala na bukol sa ilalim noon. Actually, konting patulak-tulak lang naman ang ginawa ko, hehe. Baka din kasi mapalakas at makawala pa ako sa mga bisig niya, hehe.

“Ano ang nangyari sa inyo ni Paul Jake kanina, ha? Ha?” ang tanong niyang ewan kung nang-aasar, o nagsususpetsa ng masama.

“Hindi manyak si Kuya Paul Jake na kagaya mo!” bulyaw ko.

“Ah, oo naman pala. Mas mabait pala iyon no? Mas guwapo, mas… ano pa nga ba iyong isa, tarantado ba?” sabay tawa.

“Ikaw ang tarantado!” sagot ko.

“Hahaha!” Ang tawa niya. “Ipinagtanggol pa talaga. Sige na bunso, di ako magagalit. Aminin mo na, may nangyari sa inyo ano?”

“Wala! Wala! Wala! wala! Kuliiiittttttt!” sigaw ko sa pagkainis na tila hindi siya naniniwala.

“Mas malaki ba kesa akin ang kay Paul Jake?”

Feeling nainsulto na talaga ako sa sinabi niya. “Wala ngang nangyari sa amin! Tado! Pakawalan mo nga ako!” utos ko.

At ewan kung ano na namang kabulastugan ang pumasok sa isip niya, hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan na lang niya ako na tila ay lalamunin nang buo ang aking mukha. Para naman akong ibinayaw sa langit sa mga titig na iyon. Napakaganda ng mga mata niya, napakaguwapo ng mukha. Mapupula ang mga labi, makinis ang balat, matungis ang ilong… Nakakabighani, pramis.

“Pakawalan mo ako kuya… hindi ako makahinga!” Sigaw ng bibig ko, ngunit ang sigaw naman ng utak ko ay, “Huwag! Huwag! Higpitan mo pa ang mga yakap mo!”

Hindi kumibo si Kuya Rom. Patuloy pa rin niya akong tinitigan.

“Pakawalan mo ako sabiiiii! Hindi ako makahinga kuya!” sigaw ng bibig ko uli na alam na ninyong taliwas sa isinigaw ng utak kong tuliro.

Aba… at talagang binitawan ako! At ang naalimpungatan ko na lang ay ang malakas na, “KA-BLAGGGG!”

Nalaglag po ako sa sahig, grabe. Pero ambilis ko ring tumayo ha. Iniisip ko na lang na walang nakakita.

“Salbahe ka!” Bulyaw ko sa kanya bagamat ang sigaw ng utak ko naman ay “Yan… Sinabi nang huwag eh! Buti nga sa iyo!” Parang gusto ko silang pag-untuging dalawa, hehe.

Hindi naman siya natawa, in fairness. Sabagay, baka pinigilan lang din niya. Ngunit siya pa itong nagalit sa akin. “Akala ko ba sabi mo bibitiwan kita!” bulyaw niya din sabay abot sa akin ng kamay niya.

“Aba! Siya pa itong nagalit!” sigaw ng utak ko. “Bitiwan nga ngunit di ko sinabing ilaglag mo ko sa sahig!”

Hindi ko nga tinanggap ang kamay niya. Bagkus kusa na akong sumampa sa kama at nahiga doon, nakatihaya, ang isang braso ay ipinatong sa aking noo. “Matulog na nga tayo! At umusog ka nga doon!” sambit ko sa sobrang pagkainis at pagkapahiya. “Bakit ka nga pala dito umuwi? May boardin ghouseka naman!” pasigaw kong tanong, ipinaramdam na inis na inis talaga ako.

Umusog naman siya sabay sabing, “Sasabihin ko sa iyo kung bakit, basta aminin mong nagseselos ka.”

“Kapal mo talaga! Grabeh!” ang sarcastic kong sigaw.

Ewan kong na-challenge siya sa sinabi ko. At ang nasambit na lang niya ay, “Kapal pala ha. E di lubus-lubusin ko na.” Sabay sampa ng katawan niya sa ibabaw ng katawan ko at inilock ako sa posisiyon ko upang hindi makakilos.

“Arrrgggghhh! Anong bang ginaga—“ Bulyaw ko sa pagkagulat.

Ngunit hindi ko na naituloy pa ang sasabihin gawa ng pwersahang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

At sa pagkakataon iyon, wala na akong magawa kungdi ipaubaya sa kanya ang aking sariwang bibig at katawan (charing!). Naghalikan kami, matagal at punong-puno ng pag-aalab. At noong alam niyang naalipin na ako sa sobrang pagnanasa, isa-isa niyang hinubad ang saplot ng aking katawan at pagkatapus, tuluyan na rin niyang hinubad ang kanyang pantalon at ang brief, hindi dahil gusto naming labhan ang mga ito, kungdi dahil… iyon na, alam na alam iyan ng mga malalaswang isipan natin – hehe

At muli… sabay naming narating ang ruruk ng kaligayahan.

Noong humupa na ang lahat. May pagkainis pa rin akong nadarama. Syempre, dahil maraming issues pa ang naglalaro sa aking isipan, tapos, ganoon-ganoon na lang basta. Sasaktan ako, tapos, biglang ganoon. Parang unfair yata. Ano ako, pusa? Aawayin tapus parausan? Kaya hindi ko napigil ang sariling manumbat sa kanya. “Pagkatapos niyan… sasaktan mo na naman ako, paiiyakin, asarin…” pagmamaktol ko sabay tagilid, patalikod sa kanya, ipinahalatang masama ang loob ko.

Tumagilid din siya paharap sa akin at niyakap ako, parehong hubo’t-hubad pa rin ang mga katawan namin. “Bakit mo nasabing sasaktan kita. Ha? “Bulong niya sa tenga ko.

“Kanina, sabi mo, ihahatid mo ako. Tapos, may date ka pala kaya sumama ako kay Kuya Paul Jake…”

“Anong date ang pinagsasabi mo? Iyon bang nagtitext sa akin?”

“Oo!” sagot kong padabog.

“Ano ka ba? Wala iyon. Nangungulit sa akin ang babaeng iyon. Sobrang nakukulitan ako kaya tinanong ko siya kung ano ba ang gusto niya para matapus na ang pangungulit niya sa akin. Sabi niyang magkita daw kami. E di sinabi kong oo para matapos na. Pero wala akong intensyong siputin iyon…”

Tila nahimasmasan naman ako sa narinig. “E, bakit number 5 iyong nakalagay na name niya sa phonebook mo? May pa code-code pa kayo…”

“Code nga iyon, dahil di ko kilala ang babaeng iyon, at ayaw kong patulan at wala akong pakialam sa pangalan niya. At di lang iyan, may #1 pa d’yan, may #2, may #3, may #4, may #6, #7, #8… puro nangungulit lang. Mga fans daw sila. At hindi ako nagsisinungaling sa iyo. Kailan man, hindi ako nagsisinungaling sa iyo, tandaan mo iyan...”

“Ibig sabihin, ihahatid mo talaga ako dapat kanina?”

“Oo naman. Ikaw pa ang lakas mo sa akin…”

Tahimik. Pakiramdam ko naman ay biglang tumubo uilt ang hair ko at mas mahabang-mahaba pa siya, soft and silky, hehe.

“So, nagseselos ka?” ibinalik uli niya ang tanong niyang iyon na hindi ko sinagot.

E, ano pa nga ba ang magagawa ng haba ng hair ng lola ninyo kundi ang umamin. “Oo…”

“Ikaw bakit dito ka pa rin umuwi samantalang kasama ko naman si kuya Paul Jake na siyang maghatid sa akin?” ang pagbalik ko naman sa tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot.

Hinaplos niya ang aking mala-anghel na mukha (charing!) at pagkatapos ay hinalikan ito.

“Hindi kita matiis tol eh… Atsaka, may ibibigay din ako sa iyo...”

(Itutuloy)

1 comment:

  1. ang sweet tlgs a part na to. di nila alam na ito ang ang pinakastable na status nila. at hindi na dapat sila umasa ng higit pa sa sitwasyon nila ngaun kasi mas magiging kumplikado ang lahat

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails