“ARRRGGH!” sigaw kong bigla upang maputol ang pagsasalita ni Lito at mabaling ang atensiyon ng grupo sa akin. Hinawakan ko naman ang isa kong paa, nagkunyaring may masakit sa parte na iyon at pasikretong kinurot ito ng malakas. “Kinagat ako! Shiit! Ahhhhh!”
Nagulat at nagkagulo ang mga kasama namin. Ngunit nanatili si Lito na nakaupo sa hotseat, nahalata ang pag-arte kong iyon. Pasikreto ko naman siyang dinilatan, pahiwatig na ayaw kong ituloy pa niya ang sasabihin.
“Ano ba’ng kumagat sa iyo? Tanong ng moderator sa akin, halatang kinabahan sa nangyari.
“Ewan ko ba, buds…”
“Tingnan ko nga…” Sinuri niyang maigi ang paa kong inireklamo. “Parang wala namang kagat, namumula nga lang na parang nakurot.”
Ramdam ko naman ang pagkahiya sa sinabing iyon ng moderator. “K-kaya nga eh...”
“Sobrang sakit ba buds?” tanong ulit niya, tiningnan ang mukha ko.
“Hindi na… hindi na buds. Medyo OK na sya.” Ang pagdadahilan ko na lang upang hindi na sila magwo-worry at baka mahalata na ang pag-arte ko.
“Ah, sige. Obserbahan na lang muna natin at kapag in a few minutes ay masakit pa rin siya o lalong titindi ang sakit o kaya may iba kang naramdaman sa katawan, tatawag na tayo ng first aid.”
“S-sige buds. Iyan na lang ang gagawin natin.” Sagot ko. Napalagay naman ang sarili ko sa narinig.
Binitawan ng moderator ang tatlong mabilis na sunod-sunod na palakpak, pahiwatig ng attention. “OK mga buddies, tuloy natin ang activity!” sigaw niya sa grupo na sumunod din kaagad sa utos niya at kanya-kanyang nagsibalikan sa kinauupuan. Ibinaling niya ang tingin kay Lito na nanatili pa ring nakaupo sa hotseat. “Ituloy mo na buds!”
“S-saan na pala akong parte?” Tanong ni Lito sa kanila.
“Doon buds sa may parang nadiskubre ka sa sarili ba iyon…?” sigaw ng isang buddy.
“Ah…” Napahinto si Lito ng sandali. Palihim na tumingin sa akin. “M-may nagawa akong kasalanan sa isang tao...”
Bumalik na naman ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa narinig at ramdam kong may nagbabadyang matinding galit na namang dadaloy sa aking kalamnan. “Tangina! Ayaw talaga paawat! Lagot ka sa akin kapag itinuloy mo pa iyan!” sigaw ng utak ko.
Nagpatuloy si Lito. “Noong magkita kami ng taong ito, inimbita ko siya sa bahay at doon, nag-inuman kami. Noong malasing siya, may nagawa akong pang-aabuso sa kanya… Hanggang ngayon, hindi ko maiwaglit ang pagkakasalang iyon, lalo na kapag nakikita ko ang taong ito at ipinapakita niya sa akin ang galit niya sa ginawa ko.”
Natahimik ang lahat. Ramdam kong maraming naglalarong katanungan sa kanilang mga isipan ngunit hindi lang nila kayang diretsahang maitanong ang mga ito, marahil ay sa hiya o takot na baka mapahiya si Lito.
Ngunit may isang buddy ring hindi nakatiis, “E… B-babae ba tong tao na to, buds?”
“Lalaki, buds…” and deretsahang sagot ni Lito.
Tumango-tango naman ang buddy na nagtanong, tila kinumpirma ang naglalarong hinala sa kanyang utak.
“Underage?” Tanong naman ng isang buddy.
“Hindi.”
“Ah… hindi naman pala eh. OK lang iyan buds. Walang mawawala sa lalaking nasa edad na.” patawa naman ng isa.
Tawanan ang lahat. Yumuko na lang ako, ang isip ay sumisigaw ng, “Anong walang mawawala? Labag sa kagustuhan, binaboy, tas walang mawawala?” Ngunit sinasarili ko na lang ito sa takot na baka mag-isip silang ako ang lalaking tinutukoy.
Maya-maya, may nagtanong pa uli, tila nahihiya ang tono. “B-bakla ka buds?”
Hindi kaagad nakasagot ni Lito. Mistulang may bumara sa kanyang lalamunan at pansin ko ring umiyak na naman siya. “Hindi ko alam buds… eh. Kaya nga akoy nalilito at nagagalit sa sarili, mahirap tanggapin, at lalo na, may nasaktan akong tao…” ang sagot niya habang pinapahid ng isang kamay ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.
Patuloy mang kinabahan, wala na akong nagawa pa kungdi ang ipaubaya ang lahat kay Lito. “Bahala na… pero lalo kang makatikim sa akin, tangina mo!” sigaw ng utak ko.
“Kilala ba namin ang taong sinasabi mo?”
Hindi nakasagot agad si Lito. Halatang nag-isip. Maya-maya, ibinaling niya ang paningin sa akin.
Yumuko ako. “Tangina mooooo! Wag mo akong iturooo!” Sigaw ko sa sarili.
“Hindi na importante iyon mga buds, kung kilala ninyo siya o hindi.” Ang sagot niya.
“OK… nirerespeto namin ang sagot mo. Pero heto, sensya ka na sa tanong na to pero alam mo buds… napansin namin kanina sa search for prince charming habang naka swimming trunks lang kayo na may bakas ng mga kagat ka sa likod. Paano ka ba nakagat? At bakit?”
Mistulang naputukan naman ako ng bomba. “Tarantado kasi… tangina. Naghuhubad-hubad pa, di man lang naisip na hindi pa nawala ang bakat ng kagat! Sige, sabihin mo at makakatikim ka na naman sa akin…” bulong ko.
“Ah… e… pwede ba buds sa akin na lang iyon?” ang sagot niya.
Natahimik na lang ang lahat. Batid nila na tila hindi pa handa si Lito na ilahad ang lahat ng kuwento niya. Alam ko, lalong dumarami ang mga katanungan sa kanilang isipan tungkol kay Lito.
Nagsalita ang moderator. “Alam mo, buds, hindi porke’t nangyari sa iyo ang bagay na iyan ngayon ay masasabi mo na isa kang bakla. Marahil ay kung lilipas ang ilang taon at ganoon pa rin ang naramdaman mo sa kapwa lalaki, marahil iyan na nga. Ngunit ang pinaka-importanteng masasabi ko sa iyo, ay kahit ano ka pa man, tanggap kita at palagi kitang susuportahan.” Nilingon niya ang kapwa participants, “Kayo ba mga buddies, tatanggapin at susupurtahan pa rin ba ninyo si Lito kung sakaling bakla nga siya?”
“Syempre, buddy natin iyan?” sigaw naman ng mga buddies.
“So why don’t we show him our support!”
At sabay-sabay naman silang tumayo at nag-group hug. Naki-group hug na rin ako kahit na ang laman ng isip ko ay galit at pagbabanta, “Sige… ngayon may group hug ka sa grupo. Pero humanda ka at may mas malaking paddle at kagat ka uli sa akin! Tangina, ginagalit mo talaga ako!”
Noong ako naman ang nasa hotseat, ang binuksang issue ko lang ay ang problema sa pamilya, sa konting hindi namin pagkakaunawaan ng tatay ko na normal lang naman sa mag-ama, at mga malilit na issues lang kumpara sa karamihan sa kanila. Kaso, may nagtanong. “Buds, bakit pala parang hindi kayo nagkikibuan ni Buddy Lito? Mag-best friend kayo, diba?”
Napangiti naman ako ng pilit. Ini-expect ko na kasi na baka may magtanong. Alam ko kasing may mga nakapansin na hindi kami pagkikibuan ni Lito, na siguirado ako, nakadagdag-intriga sa kanila lalo na sa ginawang pagbunyag ng aking kaibigan. “Ah… normal lang yan sa magkakaibigan buds…” Sagot ko na lang.
“Hindi nyo ba pwedeng i-share kung ano man ang di ninyo pagkakaunawaan at upang ma-reconcile kayo dito mismo?”
Biglang kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. “Ah…” Tiningnan ko si Lito na nakaupo na kasama sa ibang mga participants.
Noong makita niyang tiningnan ko siya, yumuko ito, tila ang mensahe ay, “Bahala ka kung sasabihin mo o hindi”.
“Pwede bang sa amin na lang iyon?” ang sagot ko na lang.
“Ah, ok. Nirerespeto namin ang desisyon ninyo. Pero Kasi sayang iyong ipinakitang closeness ninyo eh. Inggit nga kami sa samahan ninyo. Para kayong kambal na hindi naghihiwalay sa sobrang pagka-malapit sa isa’t-isa, tapus bigla na lang ganyan. Pero pwede bang kung ano man iyang mga disagreements ninyo ay magpatawaran at mag-reconcile kayo dito mismo? Kasi di ba ang objective natin sa deepening na ito ay ang mag-improve tayo, matutu ng mga leksyon sa buhay...”
Sumang-ayon naman ang marami. At may sumigaw na. “Hug! Hug! Hug!” hanggang sa lahat na ng buddies ay sumigaw ng “Hug! Hug! Hug!”
Hindi tumayo si Lito, marahil ay sa takot pa rin na hindi ko tatanggapin kung siya ang unang lalapit sa akin. Kaya upang matapos na ang lahat at dahil ako naman ang nasa hotseat, ako na ang tumayo at lumapit sa kanya. Tumayo siya at nag-hug kami. “Tol, patawad…” ang bulong niya.
Ngunit binulungan ko sya ng, “Tangina mo. Lalo mo akong ginagalit! Plastikan lang ito ha? Hindi pa ako tapus sa iyo!” habang kunyari nakangiti ang mukha ko upang hindi mahalata ng mga kasamahan.
Habang nagpalakpan ang mga buddies, ramdam ko naman ang pagkadismaya niya. Bumalik ako sa hotseat at binigyan na ako ng group hug ng grupo.
Mag-aalas singko na noong matapus ang deepening. Bumalik na ako sa cottage kung saan ako naka-assign upang magpahinga. Nakahiga na ako noong tinapik ako ng isang buddy at gusto daw akong kausapin ni Lito. Ayaw ko sana ngunit dahil kailangang ipakita kong close na kunyari ulit kami kaya, “O Tol! Anong atin?” bati ko kunyari sa kanya at nakangiti pa habang tumayo ako palapit sa kanya.
“Heto gusto kitang makausap” sagot niya.
“O, e di sige… doon tayo sa may likod nitong cottage” Turo ko sa parteng may malalaking kahoy at medyo malayo-layo na sa mga kasama namin.
Pagkadating namin sa lugar at noong mapansing hindi na kami maririnig at makikita ng mga kasama, agad kong binanatan ng mura si Lito. “Tangina mo! Bat ka ba nagdrama! At muntik mo pa akong ibuking? Wala ka nang ginawa kundi sirain ang buhay ko, tarantado ka!” sabay din bitiw ng malakas na batok sa kanya.
Napahaplos siya sa parting binatukan ko ngunit hindi ito gumanti. Bagkus, buong pagkumbaba pa itong nagsalita. “Tol, manghingi lang naman ako ng tawad eh.” Ang sagot niya.
“Gago! Paano kita mapapatawad niyan, e hindi pa nga ako naka-recover sa mga pinaggagawa mo sa akin, heto na naman, gusto mo na naman akong pahamak!”
“G-guilty ako, tol. Di ako makatulog, di ako mapakali. Binubulabog ako palagi ng kusyensya ko. Heto nga, di ko maintindihan ang sarili sa nadiskubre ko sa sarili at sa naramdaman ko para sa iyo, tapus ngayon heto, nasaktan kita at sinira ko ang pagkakaibigan natin. Ang hirap tol. Di ko alam kung ano ang gagawin, kung kanino manghingi ng payo. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa mundo, walang kakampi, walang nakakaintindi, walang mapagsabihan ng nararamdaman ko. Para akong mababaliw...”
“Bullshit! Sarili mo lang ang inintindi mo! Bakit ako, hindi mo ba sinira ang buhay ko? Hindi mo ba sinira ang sarili kong pagtingin sa sarili? F*** You!” sigaw ko.
“Kaya nga nanghingi ako ng tawad tol eh…” at lumuhod siya sa harap ko.
“Pwes, di kita mapapatawad! Kapag may nakakakita sa iyo d’yn, ano na naman ang isipin nila? Hindi mo ba naiisip yan? Ha? Ha? Matalino kang tao pero heto, hindi ka nag-iisip! Tumayo ka d’yan, tangina! At hindi pa ako tapos sa iyo, tandaan mo. Mas matindi pa ang sunod na gagawin ko sa iyo!”
“T-tatanggapin ko, tol kung ito ang paraan para mapatawad mo ako. Kahit ano… Kahit magpapaalipin pa ako sa iyo…”
“Gusto mong madali ang pagpatawad ko sa iyo? Ganito ang gawin mo: magpakamatay ka, mapatawad kita kaagad!” sabay walkout.
Magtatanghali na iyon noong lumisan na kami sa isla. Dalawang pumpboat ang inarkila namin at ewan ko kung sinadya ni Lito na doon din sumakay sa pumpboat ko. Noong nasa kalagitnaan na kami ng dagat, nagbiruan kami tungkol sa mga girlfriends at boyfriend namin.
“Kapag sabihin ng mahal mong tatalon ka d’yan para patunayan ang pagmamahal mo sa kanya” sabay turo sa dagat “…tatalon ka?” tanong ng isang buddy naming lalaki.
“Oo naman…” sagot ng isang buddy naming lalaki, “…walang pagdadalawang-isip.”
“E, kung gusto mo namang may taong tumalon d’yan, sino naman iyon?” ang biro naman ng isang buddy.
Ako ang sumagot sa biro niyang iyon. “A, iyong may utang sa akin, na hanggang ngayon ay sinisingil ko pa rin!” sabay tawa.
Tawanan din ang grupo. Wala naman para sa akin ang biro na iyon. Ngunit maya-maya, may narinig na lang kaming sigaw, “Mga Buds! Nalaglag si Buddy Lito sa dagat!” habng turo-turo niya ang parte kung saannaiwanan na si Lito.
“Ipahinto ang pumpboat! Ipahinto ang pumpboat!” Sigaw ko, bigla akong nataranta. “Hindi marunong lumangoy iyon!!!”
(Itutuloy)

o ayan, napakasadista mo kasi. dpat kasi umiwas k nlng at dina sumama s knila.
ReplyDeleterhon