Followers

Thursday, February 4, 2010

"Tol... I Love You!" [7]

“LITOOOOOOOO!” Walang humpay ang pagsisigaw ng mama ni Lito noong makitang habang nakatihaya ito sa kama na walang malay, ang kaliwang pulso nito ay laslas at maraming dugo ang nagkalat. Tumagos ang iba sa bedsheet, sa sahig, at patuloy pang umaagos at pumapatak ang mga ito sa sahig.

Taranta ang lahat at nagkagulo pati na ang mga katulong. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

Kahit gumapag din sa akin ang matinding pagkataranta sa nakitang nagkalat na dugo, pinilit kong pakalmahin ang sarili at mag-concentrate sa tamang gagawin. Agad kong inagapan ang sugat niya, hinablot ang bedsheet, puwersahan itong pinunit at inaplayan ng tourniquet ang parte ng braso kung nasaan ang nilaslas niyang pulso.

“Ihanda po ninyo ang sasakyan!” sigaw ko sa papa ni Lito na dali-dali namang bumaba at hinagilap ang driver.

Nagkandaugaga naman akong buhatin si Lito palabas ng bahay kung saan naghintay na ang van nila. Noong makitang nahirapan ako sa pagbuhat, tinulungan ako ng papa ni Lito hanggang sa maipasok namin ito sa passenger’s seat. Sumama na rin ako sa hospital. Ako ang katabi ni Lito sa upuan, nakasandal siya sa akin, hawak-hawak ko ang kamay na may sugat at inangat upang ang dugo ay hindi lalabas sa sugat. Sa kabilang side naman ni Lito ay nakaupo ang mama at papa niya.

Na-admit naman siya kaagad. Ang problema, kailangang masalinan siya kaaagad ng dugo at walang mahagilap na kaparehong type ng dugo niya. Mahirap daw kasing hanapin ang type na iyon. Kahit ang type ng dugo ng mama at papa niya ay hindi tugma. Nag-volunteer akong magpacheck at ako man ay namangha dahil sa magkapareho ang type ng dugo namin. Kaya agad-agad akong pinahanda upang kunan ng dugo upang isalin kay Lito.

Dahil sa mabilis na pagsalin ng dugo sa kanya, idineklarang ligtas na si Lito sa kapahamakan. Laking pasalamat naman ng mga magulang ni Lito sa akin na kahit papaano, hindi ko iniwan ang anak nila. Hindi rin ako umalis sa tabi ni Lito. Doon na ako nakatulog sa private ward niya.

Umaga, gising na ako. Umuwi muna ang mga magulang ni Lito upang magpahinga, pansamantala namang inihabilin sa akin ang pagbanatay.

Tulog pa rin si Lito. Bagamat hindi pa siya nagkamalay simula noong gabing na-confine siya, ramdam kong ligtas na siya. Pinangmasdan ko ang anyo niya habang natutulog. Pansin ko ang pagpayat, ang mukhang dati ay punong-puno ng sigla ay nagbago; mistulang mukha ito ng kawalang pag-asa, ng paghihirap ng kalooban, ng kalungkutan. Nakakaawa…

Naalala ko pa noong sobrang close pa namin sa isa’t-isa, isang beses nag-inuman kami doon. Trip lang namin, at kaming dalawa lang. Isang lingo iyon matapus ang test. Masayang-masaya siya sa araw na iyon dahil sa siya ang nagta-top sa karamihan ng subjects niya. As usual syempre, siya ang taya. Paano, eh, wala naman akong pera. Noong medyo nag-iinit na kami sa nainum, bigla na lang itong nagtatakbo sa aplaya. At habang nagtatakbo, isa-isang hinubad nito ang mga damit niya ikinalat angmga ito sa buhanginan hanggang sa ang puting brief na lang ang natira sa katawan. Syempre, di nawawala ang paghanga ko sa magandang hubog na katawan niya. Proportioned ito, matipuno, may six-pack abs at hunk na hunk ang dating. Pero, hanggang sa paghanga lang ito, wala nang iba pa.

“Ligo tayo Tol! Woooohhhhh! Sarap maligo!” sigaw niya.

Tawa nang tawa ako sa nakitang tila batang nagwawala na kaibigan. Ngunit nanatili lang ako sa harap ng cottage namin at pinagmasdan siyang lumusong sa tubig.

Maya-maya, bumalik, may dalang kabibi, iyong giant clam, halos kasing laki ito ng bungo ng tao. “Ano yan, tol?” tanong ko. Akala ko talaga ay buhay at may laman pa, habang bitbit-bitbit niya ito patungo sa akin. “Wahhhh! Anlaki!” sabi ko, di makapaniwalang sa dagat na iyon may ganoon pa kalaking buhay na kabibi.

Noong makalapit na siya sa akin at akmang hihipuin ko na sana ito sa pag-aakalang buhay nga, bigla naman niyang tinanggal ang nakapatong na shell at ang tubig na laman ng kalahating shell ay inihagis sa akin sabay karipas ng takbo.

“Arggggh! Tangina!” Sigaw ko sa pagkabigla at pagkabasa ng damit. Dali-dali ko namang hinubad ang t-shirt at pantaloon, natira na lang ang brief at sinugod siya.

“Tol… grabe ka pala kapag nabigla, anlaki-laki ng butas ng ilong mo!” pang-aasar niya habang nagtatakbo at tumatawa.

“Sige, tawa ka pa d’yan. Kapag naabutan kita, dila lang ang walang latay sa iyo!”

Para kaming mga batang musmos na naghabulan sa dalampasigan hanggang sa maabutan ko na sya, nagpambuno kami, pagiling-giling sa buhanginan. At noong na pin down ko siya at nasa ilalim ko, inupuan ko ang tiyan niya, hinablot ang buhok niya at iminudmod ang ulo sa buhangin. “Um! Um! Um!”

“Arayyyy! Tado ka…” sigaw niya habang sinikap naman niyang pwersahin akong itihaya.

At dahil sa mas malakas siya kaysa sa akin, agad din niya akong napatumba at ako naman ang napatihaya. Dali-dali niyang dinaganan ang katawan ko. Inilock niya ang mga paa niya sa paa ko, at ang dalawang kamay niya sa kamay kong nakalapat sa buhangin sa may uluhan ko. Napako ako sa posisyon na iyon habang ang mga mukha namin ay halos maglapat na, dinig na dinig at naaamoy naming pareho ang hangin na lumalabas sa mga bibig naming habol-habol ang hininga.

Inaakala kong mayroon siyang gagawin sa akin na kagaya ng sasakalin ako, o hihilahin ang paa o braso o hahablutin ang buhok, ngunit nanatili lang siya sa ganoong posisyon, nakatitig sa akin.

Noong mapansing nakatitig lang siya sa akin sa posisyon na iyon, nagsalubong kaagad ang kilay ko, nagtatanong ang isip kong anong kabulastugan na naman ang nasa utak niya. “Ano? Ba’t ganyan ka kung makatitig?” ang sumbat ko, habang naka-lock ang katawan ko sa pagdagan niya.

Tila natuhan naman siya sa tanong ko sabay sabing, “Ano, lalaban ka pa?”

“Paano ako makalaban, e nilock mo ako?”

“E, di talo ka.”

“Oo na, talo ako.”

“May parusa ka.”

“Ano?”

“Iki-kiss kita.”

“Tangina ka Tol! Nababakla ka na yata sa akin! Bakla!” biro ko sa kanya. Iyon naman ang palagi kong biro sa kanya eh. Paano maraming beses ko na siyang nahuling parang iba kung makatitig. At madaling napipikon pati kapag tinawag na bakla. Pero, walang malisya sa akin iyon. Pati iyong pagbibiro ko sa kanyang "bakla", walang laman iyon.

Kaya noong mapikon na naman siya, bigla din niyang hinablot ang buhok ko at iminudmod ang ulo sa buhangin. “Bakla pala ha… Um! Um! Um!”

Pumiglas ako at humarurot na ng takbo. “Bakla! Bakla! Bakla!” pang-aasar ko habang tumatawa ng malakas.

Habol ulit siya. Tawanan.

Noong mapagod na kami, inum uli ng beer habang nakaupo sa buhanginan. At may naiibang klaseng posisyon kami kapag ganoong umuupo sa buhanginan o damuhan. Nakaangat ang kanan kong tuhod at si Lito naman na nakaupo sa kanan ko ay doon sasandal, paharap sa akin. Ang kanan naman niyang tuhod ay iangat din niya at siya ko namang sasandalan ito. Sa posisyong iyon, para kaming magkasintahan, halos magyayakapan na. Minsan habang nasa ganoong ayos, nagbibiruan kami, at ang palaging ginagawa ni Lito ay iyong mga daliri niya na pabirong igagapang sa dibdib ko, sa tyan, at pababa minsan sa umbok ko ng pagkalalaki. Wala lang naman sa akin iyon. Tatawa lang ako. Pati siya, tatawa din. Ako nga din, kinikiliti ko siya sa tyan, sa kil-kili. Wala din naman kasi siyang ginagawa na iba pa. At lalong hindi ko alam na iba pala ang naramdaman niya. At syempre, pareho lang kaming naka-brief kaya kung may ibang taong makakakita sa ginagawa namin, iisipin talagang may relasyon kami. Pero, wala kaming pakialam. At sa panahong iyon, hindi ako naaasiwa sa ginagawa namin.

Pauwi na kami at nagbibihis na ako noong pinulot ni Lito ang kabibi sa buhanginan kung saan niya ito nailaglag noong binuhusan niya akong tubig-dagat. Ewan kung ano ang napasok sa utak niya, o baka dala na rin ng kalasingan, kinuha niya ang dalawang biyak, nilinis at pinunasan ang loob ng mga ito.

“Ano ang gagawin mo d’yan?” Tanong ko.

“Lagyan natin ng pangalan, tol, at Buo-in natin…” sabay kuha ng pentel pen niya sa bag at isinulat ang pangalan niya, pirma at petsa ng araw na iyon sa isang hati. Iniabot naman niya ang pentel pen at ang isang kahati noong kabibe. O, yan, isulat mo ang pangalan mo sa hati na iyan.” Sabi niya.

Kinuha ko ang iniabot niyang kahati at ang pentel pen. Bagamat nalito, isinulat ko pa rin ang pangalan ko, pinirmahan at nilagyan ng petsa. “Bakit?” tanong ko pagkatapus kong magsulat doon.

“Wala lang. Trip ko lang.” sagot niya. “Buo-in natin ito…” sabay kuha naman ng pantali at binuo an dalawang pares na parang buo pa rin iyong kabibi.

Noong matapos niyang talian, “Anong gagawin mo d’yan?” tanong ko ulit.

“Patunay ito, Tol, na di tayo maghiwalay, na di tayo magbabago sa isa’t-isa…” tiningnan niya ako. “OK ba?” dugtong niya.

Medyo na-cornihan pero napa- “O-oo. Ok. Ok yan.” din ako. Kahit kasi corny, pero dahil mahal ko naman talaga ang kaibigan ko – bilang kaibigan – natuwa na rin ako, lalo na napakabait sa akin ni Lito, mayaman, at malaki ang naitutulong sa akin.

“Maipangako mo kaya tol na di ka magbabago? At na hindi tayo maghihiwalay ano man ang mangyayari? N magtutulungan tayo habambuhay?”

“Promise! Cross my heart!” ang binitiwan kong pangako.

“Itaas mo ang kanang kamay mo pag nagpromise ka” dugtong niya.

“Putsa naman o. O sige na nga…” ang pagprotesta ko. At itinaas ko ang kanang kamay, “Promise!”

“Eh.. paano kung may mali akong magawa o kaya’y may isang bagay akong itinatago na di mo magustuhan, magiging buo pa rin kaya ang pagiging magkaibigan natin?”

“Hahaha! Tado ka talaga!” sagot ko naman. “Ano pa bang pwede kong malaman sa iyo? E kahit nunal sa titi mo at titi ko alam nating pareho” ang pagparinig ko. May mga time kasi na minsan sabay kaming nagpaparaos, kanya-kanyang diskarte, at pagkatapus, kinukumpara namin ang titi ng isa’t-isa. Normal lang naman iyon sa mga close na mga lalaking magbarkada.

“Hindi nga, mag-promise ka!” giit niya.

“O sige…” at itinaas ko uli ang kanan kong kamay “Promise!”

“E… paano kung magalit ka sa akin? Mapapatawad mo kaya ako?” tanong uli niya.

Napakamot na ako sa ulo. “Bakit ba ako magagalit sa iyo? Di mangyayari iyon Tol, ano ka ba? Ako magagalit sa iyo? Baka ikaw pa ang magagalit sa akin, makukulitan o maiinis sa palagi kong pagpapalibre” biro ko sabay tawa ng malakas.

“Basta, sagutin mo ang tanong ko. Mapapatawad mo kaya ako kapag may nagawa ako o may di mo magustuhang malamang sikreto ko?”

“Ano ba yan!” Sigaw ko sa sarili. “Oo patatawarin kita, promise!” ang nasambit ko dahil sa nakukulitan na ako at gusto ko na ring umuwi.

“E, paano ko naman malalaman na pinapatawad mo na ako?”

Nainis na talaga ako sa tanong niya kaya, “Letse na yan! E di mag sorry eh!” Ngunit sa sagot kong iyon ay napansin kong nasaktan siya at sumimangot ang mukha kaya binawi ko rin at naghanap ng magandang isasagot. “Hehehe! Biro lang po…” sabi ko. “E… di hanapin ko ang kabibi na yan at ibibigay ko sa iyo”

Napangiti naman si Lito sa sinabi ko. “Talaga tol? Gawin mo iyan?”

“Oo naman” ang sagot ko nalang upang huwag na siyang magtampo. “O sige, alis na tayo…” mungkahi ko.

“Sandali! Ibaon ko muna itong kabibi dito… sa ilalim ng hagdanan nitong cottage natin”

At nagsimula siyang maghukay gamit ang mga kamay. At dahil gusto ko na rin talagang umuwi, tinulungan ko na rin siyang maghukay upang mapabilis. Siguro ay may 3 talapakan na ang lalim noong sinabi ko nang “Tama na yan, malalim na iyan!” At saka pa inililatag ni Lito ang kabibi at pagkatapus ay pinagtulungan din naming itong tabunan ng buhangin.

Sa parte ko naman, hindi ko na binigyang pansin iyon. Di ko naman kasi iniisip na hahantong sa ganoong sitwasyon na maranasan ko ang matinding galit sa kanya o manganganib ang pagkakaibigan namin.

Tulog pa rin si Lito habang naglalaro sa isip ko ang mga eksenang iyon sa beach. At namalayan ko na lang na tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla namang sumingit ang isang eksena doon sa deepening namin kung saan ang isang buddy namin, si Buddy Rofil ay nag unveil sa mga problema niya sa buhay.

Ang buddy na iyon ay may kapansanan. Noong maliit pa siya ay nagkapolio ito at kailangang gumamit ng crutches upang makalakad ng maayos. Ngunit hindi lang diyan nagtapus ang kanyang kalbaryo; may mukha siyang masasabi mong talagang pangit. Malalaki at luwa ang mga mata, malalaki ang pisngi, malaki ang ulo, pango ang ilong, at maitim. Ngunit ang nagustuhan namin sa kanya ay ang pagkamasayahin niya, palabiro, maalalahanin, matulungin, mother-figure sa grupo kumbaga. At kapag may problema ang mga kaibigan niya, sa kanya nanghihingi ng payo. Sa kabila ng hitsura at kapansanan niya, hindi mo makikita sa mukha niya na may hinanakit siya sa mundo. Ngunit noong siya na ang nasa hotseat, ang mga sinabi niya ay nakaukit sa isipan ko.

“Marahil ay iniisip ninyo wala akong problema… mayroon din. Syempre, alam nyo na. Hindi ko man sasabihin, nakikita naman eh, di ba? Alam ko kung ano ang iniisip ng mga tao kapag nakita nila ako, ang iba ay naaawa, ang iba naman ay may bahid panlalait. Simula noong bata pa lang ako, inaaway na sa school, walang gustong makikipagkaibigan at kahit may mga tao ding sa harap ay nakikisalamuha pero nararamdaman kong ang iba sa kanila ay nandidiri o kaya’y pinag-uusapan nila kapag nakatalikod na ako. Masakit. Ngunit natutunan ko pa ring lumaban. Na hanapin ang lakas na mabuhay at humarap sa mga pagsubok sa kabila ng lahat. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok. Napakaraming taong sa kabila ng nasa kanila na ang lahat ngunit hindi pa rin sila maligaya o kuntento. May mga taong napakayaman na ngunit sa konting problema lang ay nagda-drugs na o kaya’y nagpapakamatay, sinasayang ang buhay. Kahit ganito lang ako, pero natutunan ko ang halaga ng buhay, at lalaban ako hanggang sa kaya ko. Hindi ko man alam kung bakit ibinigay sa akin ng maykapal ang ganitong klaseng buhay, ngunit alam ko, may silbi pa rin ako sa mundo, I have a place under the sun, at gagawin ko ang makakaya ko upang maraming tao ang mapapaligaya ko at matulungan. Napakasarap mabuhay sa mundo. At lalo itong mas masarp kapag wala kang galit sa puso, kapag marunong kang magpatawad, marunong magmahal...”

Tulog pa rin si Lito. Dali-dali akong lumabas ng ospital at pinuntahan ko ang beach… Agad din akong bumalik. Sa pagbalik ko, tulog pa rin siya.

Maya-maya, nagising siya. Noong iminulat niya ang mga mata, tila disoriented at inaaninag ang kisame ng kwarto. Noong ibaling niya ang paningin sa paligaid, ako ang una niyang nakita.

Nginitian ko siya.

Ngumiti din siya. Ngunit bahagya lang at agad napako ang mga tingin niya sa kawalan. Maya-maya, napansin ko ang mga luhang dumaloy sa pisngi niya.

“Tol… ligtas ka na.” Sabi ko.

Hindi kaagad siya sumagot. “S-sana… namatay na lang ako Tol. Ayoko nang mabuhay pa.”

“Huwag kang magsalita ng ganyan, Tol. Hindi ako papayag na mamatay ka. Kailangan ka namin, Tol… Kailangan ka ng mga magulang mo, ng mga taong nagmamahal sa iyo. Napakasarap mabuhay. Lumaban ka. Naalala mo ang sinabi ni Buddy Rofil? May halaga ka sa mundo… May silbi ang buhay mo. May dahilan kung bakit nandito ka.”

Tiningnan niya ako. “N-napatawad mo na ba ako Tol?”

Tumango lang ako.

Ngunit tila hindi siya kumbinsido sa pagtango ko. “Paano ko malalaman na tunay mo nga akong pinapatawad?”

At inabot ko sa ilalim ng kama niya ang dala ko at ipinakita iyon sa kanya. “Ito tol… patunay na napatawad nakita. Nakita mo, buo pa rin ito.”

Kitang-kita ko naman ang matinding tuwa sa mukha ni Lito nang makita ang dala ko para sa kanya. “A-ang kabibe! Natatandaan mo pa pala iyan, tol!”

(Itutuloy)

4 comments:

  1. sobrang nakakaiyak tong part na to.. kasi may bestfriend ako for 3 years halos ganito din nangyari pero ginusto namin.. pagkagising na lang namin magkadikit na labi namin.. pero after nun awkward na ang pakiramdam.. hanggang sa lumayo na loob niya sakin.. namimiss ko na siya.. :(

    ReplyDelete
  2. naku nmn, nkalimutan n yung sinabi, na pag namatay sya ay mapaaptawad na. dpat yung ang sinabi ni lito. tapos ska lang ilalabas yung kabibe. o iba mas bongga.

    rhon

    ReplyDelete
  3. tama. dapat yung sa pagpapaka,atay siya napatawad. then sa other situation, a bigger misunderstanding, lang magamit yung kabibe. pero grabe, chapter 3 pa lang naiyak na ko. haysixxxxttt!!! iba ka talaga sir mike!!! ang galing moooo

    ReplyDelete
  4. Enter your comment...bkit wala yung part 6

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails