Followers

Tuesday, October 13, 2020

Xoxo - Keith and Kibo Chapter 22 The last chapter


XOXO

Keith and Kibo

CHAPTER 22

THE LAST CHAPTER



SI TREY

Happy ending? Madalas nakikita natin to sa dulo, yan ang sabi nila at yan din ang alam ng nakakarami pero para sakin? Hindi naman talaga totoo yun, there is no such thing as happy ending.

Mula pagkabata ito na yun itinanim sa utak natin galing sa mga fairytales, disney movies at iba ibang palabas na kinalakihan ng bawat isa, they live happily ever after? That's bullshit! walang ganun, walang masaya sa ending coz ending is just another word for goodbye at kahit kailan hindi naging masaya magpaalam.

Peanut bitter! Haha

Just kidding, pero di ba after naman ng paalam kasunod nito ay panibagong simula.

Well baka ito na yung last pov ko sa story na to, but I want you guys to celebrate the ending, for this precede new beginnings

Love you guys and thanks for being part of my journey in this story.

Feeling lead na lead ako! Haha pagbigyan na.. atleast ako ngayon ang nagbukas ng chapter! Namiss ko tuloy yung pagiging cliff hanger ko lage.

Sya eto na!

Paglabas sa unit ni Kibo ay isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko saka humakbang papunta sa elevator. I like Kibo, as a little brother. Yeah tingin ko hanggang duon lang talaga kami, napakaswerte ni Keith dahil sya yung minahal ng ganun ni Kibo. Angpakaswerteng nilalang!

" Mukhang hanggang candidate lang ako Neko, Hindi ko na kayang palitan yung nasa puso niya eh, iba sya mag mahal..todo! Walang space yung pangangaliwa." bulong ko.

Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng maalala yung excitement sa mukha ni Neko habang kinukwento si Kibo sakin, kung gaano niya ito kamahal at gustong protektahan. Kibo and Neko are such a weird yet wonderful people at isa ako sa mga nakapaswerteng taong kahit sandali ay nakasama sila.

Pagpasok ko sa unit ni Keith ay tumunog lang yung phone ko.

" Nigel."

" Bakit mo sila iniwan?"

" Para makapag-usap."

" Pero?"

" Keith loves him, I saw it.. nakita ko sa mga mata niya." saad ko, narinig ko naman yung pagbuntong hininga niya.

" Eh pano ka?"

" Sabi ko naman sayo, kapatid lang turing ko sa kanya. Kung kay keith talaga sya sasaya, edi magiging masaya na din ako." saad ko na may ngiti sa labi.

" Are you sure?"

" Yeah."

" Mukhang di sila okay sa loob eh." saad niya.

" Di pa naman talaga sila okay, wag mo na panuorin. Let them talk." Saad ko.

" Pero baka saktan niya si Kibo?"

" Better, para mabigyan niya ng dahilan si Kibo na kalimutan sya."

" That is bad."

" Stop watching, hayaan mo sila mag usap."

" Fine." saad niya. Natawa lang ako saka pinatay yung phone ko.

Kumukuha ako ng tubig sa ref nun ng isang text yung marecieve ko, kumunot lang yung noo ko ng mabasa yun.

Unknown number...

SI KIBO

" Talk." saad ni Keith na nakatitig sakin paglabas ni Trey sa unit ko.

" Keith walang tayo at sinabi ko na sayo na kalimutan na natin kung anong namamagatin satin di ba?"

" bullshit! Kibo hindi ko sinasadya yung sinabi ko sayo, I know nagkamali ako pero hindi enough reason yun para maging ganito. Nagsorry na ko di ba?" Gigil na saad niya, tumungo lang ako. " Okay hindi pa sapat yun? Sorry, I am really really sorry. Patawarin mo na ko?!"

"Keith."

" I know ang asshole ko nung ginawa ko yun pero Kibo mahal kita kaya ko lang nasabi yun, Hindi ko intention na masaktan ka or masira yung pamilya mo, what I want that time is you. I sincerely apologize kung nagkamali ako, sorry."

" Keith hindi mo naiintindihan."

" Ang alin! You know I love you! Ano pa ba gusto mong gawin ko? Lumuhod?" saad niya saka lumuhod sa harap ko. " Ito na?! tell me ano pa gusto mo para mapatawad mo lang ako!?" saad niya pero di lang ako sumagot, nanatili lang akong nakatungo. " What?! sabihin mo ano pa gusto mo!" gigil na saad niya hanggang di ko na napigilan yung pagtulo ng luha sa mata ko.

" What? Bakit ka umiiyak? Oh damn it!" saad pa niya saka tumayo. " Totoo bang kayo ni Trey? Boyfriend mo ba sya?"

" Keith pwede ba."

" Sagutin mo ko! Kayo na ba ni Trey!?"

" Tapos na tayo di ba?"

" bullshit! Tinatanong kita kung kayo na ba?!" kita ko lang yung pagpupunas niya ng luha sa mata. " Kibo, mababaliw na ko kaya pwede sagutin mo, kayo na ba?"

" Yeah." mahinang saad ko, ilang sandali nabalot kami ng katahimikan hanggang marinig ko yung nakakaloko niyang tawa, nang mag angat ako ng tingin kita ko lang yung mapang usig na tingin niya sakin.

" That's it." iling niya. " after ni Allen, now it's Trey. I'm sorry I forgot na bakla ka nga pala." mapait na saad niya pero nagsimula lang pumatak yung luha ko. " Nakalimutan ko, Sorry."

" Now I realize kung bakit ayaw mong mahalin kita, kung bakit hindi mo ko nakikita na kasama habang buhay.. Not because you want me to have a family pero dahil gusto mo lang ako tikman, si Allen, si Trey.. You just want to have sex..sakin, samin.. Tama ba ko? Ganun ka ba kasabik sa katawan ng lalake huh?! Baka nga hindi ka na talaga virgin eh." saad niya, tumulo lang yung luha ko. " Nakuha mo ko sa inosente mong mukha, pero katulad ka lang din ng ibang bakla, malandi, mababa at sex lang gusto."

Napapikit lang ako ng marinig yung mga yun saka nakagat yung labi para pigilin yung mga hikbing gustong kumawala sa mga labi ko.

" Bakla ka nga, sabik sa sex, sabik si titi at sabik sa katawan. Love? Ang tanga ko bakit naisip ko yun." iling niya. " Wag mo ko daanin sa iyak, magpapaawa ka?" tumungo lang ako saka hinayaan yung luha ko. "Tingin mo seseryosohin ka ni Trey huh? maybe curious lang sya sayo kasi alam mo ang mga lalake? they are just curious sa mga kagaya mo at kapag nawala yung curiousity na yun? Iiwan at iiwan din kayo, Kasi Kibo yung mga katulad mo kahit kailan hindi mamahalin ng kahit sino!" madiin na saad niya.

" Keith." mahinang bulong ko.

" I am an asshole, you are a bitch!" sarkastikong saad niya hanggang makita ko yung pag uunbotton niya ng polo niya " Perfect combination?"

" I hate you." hikbi ko. " I really hate you."

Hangang makita ko lang yung pagtulo ng luha niya pero agad niya tong pinunasan.

" I hate you."

" Sex? You want sex? Oh God I know gustong gusto mo." saad niya, tanging paglunok yung nagawa ko ng makita ko yung tingin niya ng mga oras na yun. Hanggang makita ko yung paghakbang niya papalapit sakin.

" K-Keith." tarantang saad ko kasabay ng hikbi. " No.." iling ko.

" Gusto mo ng sex di ba? Ibibigay ko." saad niya saka nagsimulang maghubad.

" Ayoko." iling ko pero gigil niya lang akong hinila papasok ng kwarto at sinalya sa kama. " Keith, don't do this."

" You want me, alam ko."

" But not like this." iling ko saka tumayo pero hinila niya lang ako saka tinulak sa kama at pinatungan, agad naman akong nagpumiglas. " Ano ba! Keith stop plea-" mapusok lang na halik yung nagsara sa bibig ko hanggang maramdaman ko yung madiin na pagkagat sa labi ko.

Shit! Agad ko lang syang tinulak nung maramdaman yung hapdi na dulot nun

" Keith stop!" sigaw ko habang umiiyak pero hinatak niya lang yung damit ko hanggang mapunit to. " I Said stop!" pagpupumiglas ko, pilit lang akong kumakawala sa kapit niya pero kahit anong pilit kong tumayo ay tinutulak niya lang ako sa kama. Ramdam ko lang yung higpit ng mga hawak niya ng sandaling yun. "Wag keith please!" Iling ko ng makita yung paghubad niya ng jeans niya.

" I know gusto mo to!!" saad niya kasunod ng mapusok na halik, muli niya lang kinagat yung labi ko pilit ko naman syang tinutulak.

" Tama na!" hikbi ko.

" Tama na please." bulong ko ng mapunta yung halik niya sa leeg ko, hindi ko lang mapigilan yung pag iyak ng mga oras na yun. nang humiwalay siya, nakita ko lang yung dugo sa labi niya.

" Gusto mo to di ba?" saad niya kasabay ng luha sa mata. " Gusto mo to." aktong tatayo ako ng hawakan niya ng mahigpit yung dalawang kamay ko saka itinaas.

" Stop please, keith wag..ayoko." hikbi ko pero muli niya lang akong hinalikan sa leeg. " Please." pagmamakaawa ko. " Please keith, wag ganito.. wag." umiiyak na saad ko. " Parang awa mo na oh, wag." umiiyak na saad ko hanggang ilang sandali pa ay maramdam ko yung pagluwag ng hawak niya sakin at dahan dahan bumagal yung halik niya. " Tama na please."

Pero tanging paghikbi nalang niya yung narinig ko sa kanya habang nakahilig sa balikat ko yung ulo niya.

" Tama na Keith, please.. tama na." bulong ko kasabay ng mga hikbi, dumistansya lang sya saka mariing pinagmasdan yung mukha ko, kita ko lang yung pagtulo ng luha niya saka ako masuyong hinalikan.

" I'm sorry Kibo, I'm really sorry." umiiyak na saad niya. " Hindi ko sinasadya." iling niya.

" Damn it!" Suntok niya sa kama hangang humiga sya sa tabi ko.

Hinayaan ko lang yung luha ko habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.

" Kibo hindi ko na alam yung gagawin ko, pakiramdam ko mababaliw ako kapag ganito tayo. Kibo hindi ko na kaya, hindi ko na kaya."

" Ako nalang... please, ako nalang yung piliin mo.. Tayo nalang ulit." hikbi niya. " Sobrang mahal na mahal kita at pakiramdam ko mababaliw na ko." Umupo lang ako saka sumandal sa headborad ng kama at pilit inayos yung damit ko, kita ko lang yung bakas ng dugo dito, nang hawakan ko yung labi ko ay may dugo rin akong nahawakan.

" I hate you." nakatungong saad ko kasabay ng luha. " I really hate you." hanggang maramdaman kong tumabi sya sakin saka ako yinakap.

" I'm sorry, Hindi ko sinasadaya." Sinandal niya lang yung ulo ko sa dibdib niya. " Hindi ko sinasadya." bulong niya

" Napakasama mo." mahinang suntok ko sa dibdib niya kasabay ng hikbi. " Keith ang sama sama mo, I hate you! I hate you." hindi ko lang mapigilan yung pag iyak ko ng mga oras na yun pero hindi niya lang inalis yung pagkakayakap sakin. " Keith I hate you."

" I'm sorry."

" I really hate you."

" Kibo bumalik ka na sakin please, hindi ko na kasi kaya eh." saad niya saka hinarap yung mukha ko sa kanya. " Kibo." punas niya sa luha ko saka ako masuyong hinalikan sa pisngi. " O h God ano ba ginagawa ko."

Hindi ko lang mapigilan pagmasdan yung mukha niya ng mga oras na yun habang pilit niyang pinunasan yung luha sa mata ko at yung dugo sa labi ko.

" Sorry, I'm really sorry, hindi totoo yung mga sinabi ko kanina, sobrang mahal kita." marahan ko lang syang tinulak pero nanatili syang nakaupo sa tabi ko saka hinawakan yung kamay ko at dinala sa labi niya. " I didn't mean it Kibo."

" I know hindi ako kasing yaman ni Allen, hindi kasing responsible ni Trey, I know kung gaano ako ka-asshole, alam ko kung gaano kasama ugali ko, kung gaano ako kademonyo..pero Kibo kahit ganun..mahal..mahal na mahal kita." nag angat lang ako ng tingin saka tumitig sa mga matang yun, kita ko lang yung pagtulo ng luha niya. " Kibo, I love you."

" Mahal din kita Keith pero ang sakit ang sakit na." saad kong deretsong nakatingin sa mata niya.

" Kibo."

" Mahal kita at mahal mo ko, pero bakit hindi ako masaya? Bakit hindi tayo masaya?" hikbi ko. Umiling lang sya. "Bakit?"

" Pangako, piliin mo lang ako uli..gagawin ko lahat para maging tamang tao para sayo, pangako na aayusin ko yung sarili ko, pangako mamahalin kita ng higit pa sa sarili ko."

" Hindi ko mahal si Trey, yung pagiging magsyota namin.. nangyare nalang pero..Wala, wala akong feelings sa kanya. Kami ni Allen, nilinaw ko na sa kanya kung ano relasyon namin at yun ay kaibigan lang.. Keith bakla ako pero matino ako, maraming pagkakataon na pwede ako makipagsex kay Allen, or kahit kay Trey pero hindi ko ginawa kasi hindi ako ganung tao, hindi ko kayang mang gamit at manloko."

" I'm sorry." tumungo lang sya.

" I admit na naattract ako sa kanila kasi hindi ako bato pero kahit ganun never ko binaba yung sarili ko para lang sa sex. Yeah,alam ko pinilipilit ko yung sarili ko sayo, para makasex ka, para may mangyare satin pero dahil yun sa ikaw yung gusto ko, kasi keith ikaw yung mahal ko at sayo lang ako ganun." hikbi ko kita ko lang yung pagtulo ng luha niya habang nakatungo. " Keith sayo lang, Sayo lang.."

" Sorry." bulong niya kasabay ng hikbi.

" Sinubukan kong makipagsex kay Allen pero hindi ko talaga kaya, I tried kasi gusto na kita pakawalan, gusto ko magkaroon ka ng normal na buhay...pero Keith nung sandaling yun, naging selfish ako kasi kahit konti gusto ko umasa na..baka nga siguro pwede tayo..na gusto ko umasa, na baka kahit konting chance meron tayo..na kahit pilit akong nilalayo ng mundo sayo, umasa ako na yung pagmamahal mo yung hihila sakin pabalik sayo."

Hinawakan niya lang yung kamay ko ng mahigpit at dinala sa labi niya .

" Pero nung nakita kitang kahalikan yung katrabaho mo sa loob ng condo mo, I was inside that time para kunin yung laptop ni Allen." saad ko kita ko naman yung tingin niya sakin. "Naisip ko, posibleng mahal mo nga ako pero Keith hindi ako yung kailangan mo. Kasi hindi ako babae."

" N-nakita mo kami?"

" Yeah, but that's okay." pilit na ngiti ko. " It's okay Keith." tango ko, kita ko naman na sinuntok niya yung kama. " Nasabi ko naman sayo na okay lang sakin kahit maghanap ka ng babae di ba, Kung ikasal ka magiging masaya ako."

" No." iling niya. " And I'm sorry kung nakita mo yun.. Damn it!" gulo niya sa buhok niya. " Oh shit, I am really really sorry."

" Masakit pero nung minahal kita, ginagawa mo na yun kaya siguro kahit masakit tinanggap ko nalang."

" I'm really sorry, shit!"

" Keith, mahal mo ko at mahal din kita pero siguro hindi pa ito yung tamang panahon? Siguro hindi pa ngayon? Siguro kailangan mo pa ng oras, kailangan pa ng panahon para pag-isipan kung yung pagmamahal mo ba sakin ay tama na para maging sapat ako sayo. Kasi Keith kahit anong gawin ko, hindi ko maibibigay yung kailangan mo sa isang babae. Coz I am gay, keith hindi ako babae."

" Kibo."

" But don't worry, sobrang naiitindihan ko." saad ko, nasapo niya lang yung mukha niya. " Naiitindihan ko Keith."

" Mahal kita, Sinabi mo na piliin kita, na piliin pa kita uli. Keith you don't need to ask that , I will choose you over and over again coz I am always yours." ngiti ko sa kanya kasabay ng luha hanggang yakapin niya ko ng mahigpit.

" Kibo..." bulong niya, dahan dahan ko lang sinagot yung yakap niya. " Patawarin mo ko."

Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming nasa ganung pwesto, basta pakiramdam ko nung sandaling yun ay kailangan ko yung yakap niya, kailangan ko sya para pawiin yung sakit na nararamdaman ng puso ko ng oras na yun..

" Kibo, kahit kailan hindi ko gusto o gugustuhin masaktan ka kasi sobrang mahal na mahal kita."

Dahan dahan ko lang syang tinulak saka pinagmasdan yung mukha niya.

" I'm so-" saad niya pero pinutol ko lang to ng halik, ilang sandali pa ng sagutin niya to. Nang maghiwalay yung labi namin ay sinandal ko lang sa dibdib niya yung ulo ko.

" Stop saying sorry." bulong ko. " Tama na keith."

" Your lips are bleeding." saad niya.

" You're naked."

" Kibo walang nangyare samin ni Drew that night." saad niya. " At walang nangyare samin kahit isang beses."

" What?"

" You can ask her if you want pero nung nasa kwarto na kami, hindi ka mawala sa isip ko at kung gaano ka masasaktan kapag nalaman mo. Kibo sobrang mahal kita at feeling ko mamatay ako kapag nakikita kitang umiiyak." tumulo lang yung luha ko saka sya niyakap ng mahigpit. " Kibo, akin ka lang please at simula ngayon ipapangako ko na sayo lang ako."

" Sigurado ka ba?"

" Kibo, walang nangyare samin. I can call her now if you want to ask her."

" I mean, sigurado ka ba na pwede o posible yung mga salitang, akin ka lang?" mahinang saad ko.

" Nung gabing yun, napatunayan ko sa sarili ko na handa ko ng ibigay yung sarili ko sayo ng buong buo. Oo, posible kasi gusto ko sayo lang ako." saad niya, nakagat ko lang yung labi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko pero agad niya tong pinunasan. " Sayo lang ako, naiintindihan mo?"

" Keith."

" Kibo sana ganun ka din kasi ang sakit kasi kapag nakikita kitang may kasamang ibang lalake."

" Sorry." mahinang saad ko.

" No, kasalanan ko. Ayoko marinig yun salitang yan mula sayo, kasi kung may nagawa man na kasalanan, ako yun. I'm sorry sa lahat ng nasabi ko, I'm sorry kung nasaktan kita, I'm sorry sa nagawa ko kanina." saad niya pero humiwalay lang ako sa kanya.

" I said stop saying sorry."

" Sorry." pilit na ngiti niya.

" I really hate you." inis na saad ko pero kinabig niya lang ako saka ako masuyong hinalikan sa labi, Ilang sandali ko syang hinayaan hanggang unti unting sumagot yung mga labi ko sa halik na yun, tila nagkaroong ng sariling buhay yung mga kamay ko na nakarating sa mukha niya.

Dinama ko lang yung mapupula niyang labi, mga labing hindi ko kayang ikumpara sa kahit na sino, halik na hinahanap hanap ng puso ko, tanging mga labing nagdadala ng sobrang init na sa katawan.

Ilang sandali pa ng maramdaman ko yung paghubad niya sa damit ko, di ko lang mapigilan pagmasdan yung mukha niya ng mga oras na yun, yung matangos niyang ilong, mga maganda niyang mata na tila hinahalukay yung kalamnan ko kapag nakatitig sakin.

Posibleng mas gwapo sa kanya si Allen, hindi kasing tangkad ni Trey pero sya yung mahal ko at walang kahit sino ang kayang magbigay ng apoy na nararamdaman ko ng sandaling yun.

Sa bawat halik na pinagsasaluhan namin ng oras na yun ay tila gasolina na lalong nagpapalagablab sa init ng katawan ng bawat isa.

Walang maririnig na salita at tanging mga mata at ungol ang naghahatid ng gustong sabihin ng bibig ng sandalin yun.

Halik ko na mula sa leeg niya pababa sa dibdib, mga haplos niya sa balat ko na nagdala ng masidhing pagnanasa sa kaibutaran ng aking pagkatao. Mga ungol na mula sa kanya na naging mitsa ng kagustuhan kong mapaligaya sya.

" Kibo." impit na saad niya ng hawakan ko yung matigas na bagay na yun hanggang dahan dahan kong dinala yung mga labi ko papalapit dito. " Ahhhhh shit." ungol niya ng masuyo ko tong sinubo at pinaglaruan sa loob ng bibig ko.

Nang iangat ko yung tingin ko mula sa tila may hinulmang kung ano sa sikmura niya pataas sa matipuno niyang dibdib hanggang sa gwapo niyang mukha, for me keith is perfect..he is..

Ilang sandali ko yun ginagawa hanggang hilahin niya ko pataas at ihiga sa kama, muli niya lang akong hinalikan saka pinatungan, ramdam ko yung bigat niya pero di na to inalintana ng katawan ko, yung kabog ng dibdib niya ay ramdam na ramdam ko at yung mainit niyang hininga na nakadagdag sa kiliti na dala niya sa bawat himaymay ng aking katawan.

" I want you inside me." bulong ko habang hinahalikan niya ko sa leeg, tumigil naman sya saka ako binigyan ng masuyong halik sa labi.

" I really want to do it, god I'm going crazy." saad niya, kita ko lang sa mga mata niya yung pagnanasa ng sandaling yun habang hinahaplos yung mukha ko.

" Just be gentle please?" mahinang saad ko, kita ko lang na napalunok sya saka ako mapusok na hinalikan sa labi na agad ko naman sinagot.

This is our first time, the love making I have always imagine.

SI NIGEL

Agad ko lang pinatay yung screen ng pc ko nang makita yung nangyayare sa loob ng kwarto ni Kibo. "Holy cow! My innocent eyes." kusot ko sa mata ko, bakit kailangan ko makita yun! Damn it!

Makapaglaro na nga lang mukha okay nanaman sila, tatawagan ko sana si Kuya Trey para iligtas yung panget na yun pero mukhang natauhan naman si Kuya Keith agad.

Tinakpan ko lang ng palad ko yung mata ko saka muling binuksan yung screen ng monitor ko, shit! Ayoko makita! Nadedemonized yung monitor ko dahil sa dalawang yun! nang masiguradong mawala na sa screen ay kinuha ko lang yung pang patak ko sa mata. " Baka mabulag ako sa nakita ko, bwiset!"

Halos kalahating oras na kong naglalaro ng online games ng marinig ko yung pagtunog ng isa kong phone sa loob ng cabinet, tumayo lang ako saka to kinuha at sinagot.

" Hello." walang ganang saad ko.

" How's Kibo?"

" Okay naman sya." saad ko saka muling binalikan yung camera ni Kibo, mukhang tapos na sila. Nakayakap lang si Kibo kay Keith habang nakakumot.

" Are you sure?"

" Mr. Fernandez."

" Pwede mo ko tawaging Allen nalang."

" Sure, Allen."

" Pero kung gusto mo lagyan ng Kuya, mas okay."

" Allen nalang, so yun nga. He's fine,Para syang dinuduyan sa mga clouds, he's doing good, ang peaceful niya ngayon kaya wala kang dapat ipag alala. Nakangiti nga sya ngayon oh."

" Good, maasahan pala talaga kita."

" Oo naman." ngiti ko, kita ko naman yung pagpupunas ng sipon ni Kibo. YUCK! " May kailangan ka pa?"

" His secret, I want you to dispose it." saad niya na nagpakunot ng noo ko.

" What?"

" Kunin mo."

" Hell no, anong gagawin ko dun?"

" I don't know? Wear it? Burn it? Kahit ano basta dispose it."

" Wala naman to sa condition ah?"

" Now kasali na." saad niya, inis ko naman tiningnan sa screen si Kibo. "Weirdo!"

" Gagawin mo ba o hindi?"

" Bakit niya ba kasi ginagawa yun? And what's with the wig? Is he crazy?"

" Madami kang di alam sa kanya, at hindi mo na kailangan malaman pa." saad niya, napabuntong hininga lang ako.

" Fine." saad ko saka pinatay yung phone na yun at binalik sa cabinet hanggang marinig ko yung pagbukas ng pinto sa labas, agad naman ako lumabas ng kwarto.

" Mag-uusap lang daw sila di ba, bakit ka umuwi?" natatawang saad ko, isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan niya saka ako nilampasan. " Oh broken hearted ka?"

" May camera sa kwarto ni Kibo di ba? Pwede pasilip?"

" Bakit mo titingnan?" ngiti ko.

" Tsk! Nagkaayos yung dalawa?" tanong niya, marahan lang akong tumango kasabay ng ngiti. " Di mo papakita sakin yung kwarto ni Kibo?" tanong niya uli pero sunod sunod na iling lang ginawa ko. " Kahit silip lang?" dagdag pa niya pero muli lang akong umiling.

" Kuya, respect his privacy."

" Nagsex sila?"

" I don't know at wala naman akong paki." kibit ko ng balikat.

" Ang damot." simangot niya saka umupo sa sofa.

" Akala ko ba kapatid lang turing mo sa kanya?"

" Bro, yung lips niya hanep. Ang sarap, yun na ata yung pinakamalambot na labi na natikman ko."

" Ewww." ngiwi ko.

" Nung nagkiss kami, nakalimutan ko na kapatid lang pala dapat turing ko sa kanya, shit! Tingin mo ba kung may chance pa kong maagaw sya?" lingon niya sakin pero umiling lang ako. Napakamot naman sya ng ulo.

" Hindi masarap lips nun, matagal tagal lang talagang walang nahahalikan yang mga labi mo." simangot ko.

" Tingin mo?"

" Buwan na nung huli kang nagsyota na hindi naman seryoso."

" Wala naman kasi akong mahanap na matino."

" Naghahanap ka ng matino sa mga bars at wild parties, Asa." kibit ko ng balikat.

" Hoy judgemental ka, hindi porket nagpaparty sa mga ganun lugar ay hindi na matino. Some people just wants some dose of happiness kahit sandali lang."

" Really."

" Yeah, di mo sila kilala kaya don't judge them."

" Okay." kibit ko ng balikat. " Pasok na ko sa kwarto."

" Hindi mo ba talaga papasilip, kahit sandali lang?"

" Hindi." iling ko saka sya iniwan.

" Screenshot?" rinig kong saad niya.

" NO!" sigaw ko saka pumasok sa kwarto.

SI KEITH

Nagising lang ako ng umaga na yun ng may maramdaman akong malahibo sa loob ng kumot, nang tingnan ko nakita ko lang si piggy.

" Hi there." himas ko sa kanya, nang tingnan ko si Kibo ay mahimbing lang syang natutulog. May sugat yung labi niya na alam kong gawa ko kagabi. Masuyo ko lang tong hinaplos saka binigyan ng mabilis na halik.

" Ang kinis at ang puti talaga ng balat mo." halik ko sa balikat niya, alam ko na sobra yung sakit na dulot ng pag iisa ng katawan namin kagabi, kita ko yung pagtulo ng luha niya pero hiniling pa din niya na wag akong tumigil.

Hindi ko alam na pwede palang maging ganun kasarap at kasaya makipagsex sa isang tao, ganun pala yung pakiramdam kapag may halong pagmamahal yung pag iisa ng dalawang katawan. Yung walang kang mapaglagyan ng saya sa dibdib mo at tila ka nakalutang, this is our first time and I want him to be my last.

Inayos ko lang yung kumot niya saka tumayo at tumuloy sa banyo niya at naligo. Nang matapos ay nagtapis lang ako ng tuwalya. Mahimbing parin syang natutulog paglabas ko ng banyo kaya tumuloy na ko sa labas at nagbukas ng ref niya.

" Yung mga sinabi ko kagabi sa kanya, ayss!" palo ko sa bibig ko ng maalala yung mga kademonyohan na lumabas sa bibig ko kagabi. " Kung nagkataon na hindi niya ko napatawad kagabi, hihiwain ko talaga ng kutsilyo tong madumi kong bibig." simangot ko.

" Walang kahit sinong magmamahal sa kanya? Eh ano tawag mo sa sarili mo Keith? Sabaw? bobo ka talaga eh." iling ko habang nakatingin sa pwedeng lutuin sa ref niya.

" Sino kausap mo?" rinig ko, nang lumingon ako nakita ko lang sya na suot suot na yung polong suot ko kagabi, maluwag yun sa kanya kaya nagmukha syang hanger.

" Bakit mo suot yan?" pilit na ngiti ko.

" Bakit ka nakahubad?" saad niya na nakatingin sa katawan ko.

" Kasi suot mo yung damit ko?"

" Gusto mo hubarin ko?"

" No, wag na." iling ko agad nung aktong huhubarin niya.

" Why?"

" Ah masakit pa ba?" ngiwi ko, kita ko naman na namula sya. " Baka kasi hindi ko mapigilan." napapakamot na saad ko hanggang maramdaman ko yung unti unting pag kagising ng nasa baba ko. Agad ko naman binuksan yung ref. " Shit!" hawak ko sa tuwalya.

" Tumigas?" rinig kong saad niya, tumingin lang ako sa kanya saka umiling.

" And watch your language please?" ngiti ko sa kanya pero ngumiti lang sya saka lumapit sakin at yinakap ako mula sa likod. " Kibo."

" Kung sa ganun paraan mo ko paiiyakin keith, okay sakin." rinig kong saad niya.

" Kibo, magluluto ako."

" Payakap lang."

" Pano ako magluluto."

" Ewan ko sayo, basta gusto kita yakapin. Pangbawi sa lahat ng masasakit na salita na sinabi mo sakin kagabi." rinig kong saad niya, napangiti lang ako saka hinawakan yung kamay niya. " Wag kang magsorry, basta payakap lang.."

" Okay." saad ko saka naglabas ng eggs at hotdogs, nilabas ko din yung tasty bread na nasa ref niya. " So magluluto ako ng nakayakap ka?" tanong ko.

" Yeah." saad niya hanggang maramdaman kong unti unting bumaba yung kamay niya.

" Kibo?"

" masyadong masakit yung sinabi mo kagabi, kulang yung yakap lang." rinig kong saad niya, natawa lang ako saka hinayaan sya sa gusto niya.

Nang makaluto ay sabay lang kaming kumain, hindi ko lang mapigilan pagmasdan sya ng sandaling yun, Okay na ba talaga uli kami? Hinding hindi ko sya hahayaan na mawala pa uli sakin. Kailangan ko lang talagang ayusin na yung bibig ko. Hays!

" Ouch." saad niya pagkagat ng hotdog , nahawakan niya yung labi niya.

" Masakit?" tanong ko.

" Ano tingin mo?" nguso niya.

" Sorry na."

" I told you na wala ng sorry di ba?"

" Oo nga pala." pilit na ngiti ko. " Masakit ba?"

" Masakit, kasalanan mo to eh. Bumawi ka." simangot niya.

" How?"

" Tangalin mo yung tuwalya mo?"

" Huh?"

" Yung tuwalya." turo niya sa nakatapis na tuwalya sa bewang ko.

" Wala pa kong suot na underwear."

" Edi wag, umalis ka na nga." simangot niya.

" Ito na." tanggal ko ng tuwalya, iniwasan ko lang yung tingin niya saka sumubo ng hotdog. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko lang yung ngiti sa labi niya. " Make sure na sakin ka lang ganito huh." inis na saad ko.

" Naiinis ka ? pagkatapos ng mga sinabi mo sakin kagabi? Wala kang karapatan." nguso niya, agad ko naman nilagyan ng ngiti yung labi ko.

" Hindi ako naiinis, promise." ngiti ko.

" Good."

" Pero dapat sakin ka lang ganito huh."

" Kung ganyan ba naman kagwapo at kasexy, tingin mo hahanap pa ko ng iba?" ngiti niya, hindi ko naman mapigilan mapangiti. " Oy kinilig."

" Hindi noh."

" kuha mo ko ng milk."

" Ayoko tumayo, wala akong suot."

" Pero gusto ko ng milk, feeling ko nakatusok sa dibdib ko yung mga sinabi mo kagabi." pacute na saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumayo at binuksan yung ref, nang tingnan ko sya kita ko lang yung tingin niya sakin. " Sexy."

" Di ba masakit pa?" lapag ko ng gatas at baso sa harapan niya.

" Uhm."

" May sugat yung lips mo, tapos masakit yung ano mo." nguso ko sa baba niya, kita ko lang na sumimangot sya.

" Kaya nga magsasawa nalang akong pagmasdan yang katawan mo eh."

" Ewan ko sayo." natatawang saad ko.

" Bakit kahit di matigas, it's huge pa din?" saad niya.

" Kibo?"

" What?"

" Your language."

" Totoo naman eh." ngiti niya. " Pwede pahawak?"

" Kapag nagising to, baka magsisi ka?"

" Uhm."

" May pasok ka ba ngayon?" tanong ko, kita ko naman na nanlaki yung mata niya.

" Oh my gulay!" saad niya saka nagmamadaling kumain at uminom ng gatas. " may kailangan akong ipasa ngayon at... attt.. waaahhhh hindi ko natapos!" tarantang saad niya saka nagmamadaling pumasok sa kwarto niya, nang silipin ko nakita ko lang na nakaharap sya sa laptop niya, napakamot lang ako sa ulo saka kinuha yung tuwalya at muling tinapis sa bewang ko.

" Maligo ka na, try ko kung may magagawa ako jan."

" Yeah meron, you just need to type this." abot niya sakin ng notebook niya. " please?"

" Okay, ligo ka na." ngiti ko, tumayo naman sya saka yumakap sakin. " What?"

" Nakahubad ka parin kasi."

" And so?"

" Ang sarap mo yakapin mo." ngiti niya saka nagmamadaling pumasok sa cr niya, napangiti lang ako saka hinarap yung laptop niya."

Halos alas nueve na nun nang maihatid ko sya sa tapat ng school niya, nagmamadali lang syang bumaba.

" Kibo?" tawag ko sa kanya.

" What?" lingon niya.

" Kiss?"

" Uhm."

" Nagmamadali ka, sige wag na."

" NO!" iling niya saka muling pumasok sa kotse at agad akong hinalikan sa labi.

" I love you." ngiti ko.

" Love you tooooo.. im late!" saad niya saka nagmamadaling bumaba. " Bye!!" sigaw pa niya saka nagsimula tumakbo, Alam ko hindi parin sya kumportable maglakad . Isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko saka nakangiting sumandal sa upuan. He is really cute.

Now kailangan ko harapin yung problema sa opisina, sa sobrang saya ko nakalimutan ko na may kailangan pa pala akong ayusin. But atleast okay na kami ni Kibo ngayon.

Magkasama lang namin kinausap ni Drew yung client namin para sabihin yung nagpadesisyunan ng company. They like the proposal but they don't want me to be the engineer of the project and I do understand it. Naiintindihan ko and tama din sila na masyado pang maaga para sakin ang maging head engineer ng ganung kalaking project.

Masakit pero tama lang yung desisyon nila.

" Are you sure you're okay?" tanong ni Drew sakin habang nasa office ako.

" Yeah, I'm fine." tango ko.

" But this project is yours."

" Eh ikaw naman halos gumawa ng lahat, you deserve it." ngiti ko sa kanya. " Madami pang project ang dadating na para sakin."

" Matalino ka kaya I have no doubt about that."

" Thanks."

" Pinapatawag ka pala ng Daddy mo sa office niya." ngiti niya, marahan lang akong tumango.

Pagdating ko sa office ni Daddy sinalubong niya lang ako ng ngiti, nagkibit lang ako ng balikat saka umupo sa harap niya.

" You okay?"

" I'm fine Dad."

" Now I want you to accept the offer in Dubai." saad nito, ilang sandali lang akong di sumagot. " Keith, malaking apportunity to for you, hindi man ikaw yung head engineer pero magiging part ka ng malaking project duon."

" Dad."

" Ayaw mo?"

" May tao akong ayaw iwan dito Dad, ayoko umalis."

" Sino."

" I am in relationship now." saad ko, wait kami na ba ni Kibo? Hays ayoko ng walang label, halos ikamatay ko yung selos na naramdaman ko nung makita sila ni Trey na magkahalikan.

" Kinausap ako ng Mommy about Kibo." saad nito, nag angat lang ako ng tingin. " And tutol ako."

" Pero Dad, mahal ko sya."

" Sabi din ng Mommy mo pero.."

" No, Dad kahit tutol pa kayo. Mahal ko si Kibo, sobrang mahal na mahal."

" Mahal?"

" Opo dad, I really love him and you can't imagine Dad kung paano niya binago yung buhay ko. Hindi niyo ko kaharap ngayon kung hindi dahil sa kanya."

" Anak."

" Dad, sobrang mahal ko si Kibo at gusto ko sya na yung makasama ko habang buhay." seryosong saad ko, humugot lang sya ng malalim na hininga habang nakatingin sakin. " Dad, I really love him."

" Kung mahal mo sya, accept this project." seryosong saad ni Daddy.

" Anong kinalaman niyan kay Kibo?"

" I want you to be succesful anak, I want you to have your own name, I want people to respect you. Wala ka pang napapatunayan Keith at sa mundong to hindi pwede yun, ngayon sasabihin mo sakin na si Kibo yung gusto mo at mahal mo, Alam ko nung pinili mong mahalin sya ay nawalan ka ng paki sa sasabihin ng ibang tao pero Keith hindi ko kayang marinig na mamaliitin ka ng iba, hindi ko kaya."

"Dad."

" Now lets have a deal, kapag napatunayan mo sakin na after ng project na to ay hindi parin magbabago yung damdamin mo kay Kibo, I will accept him. Tatangapin ko kayong dalawa."

" Dad naman eh."

" Tutol ako but prove to me na mahal mo talaga sya." humugot lang ako ng malalim na hininga. " Hindi mo kaya?"

" Dad, hindi ko kayang malayo sa kanya."

" Kaya mo kung para sa future nyo namang dalawa."

" Pero mahigit isang taon yung project na yan eh, ayoko malayo kay Kibo."

" Here is another offer, hindi ko lang kayo basta tatangapin, papayag din ako na makasal kayo." seryosong saad niya. " Sasagutin ko yung gastos kahit saang bansa pa niyo gusto."

" Really?"

" Yes, Gusto ko lang maging succesful ka anak. Gusto ko maprovide mo lahat ng kailangan ng bubuoin niyong pamilya ni Kibo, hindi magiging madali para inyong dalawa yung mundong haharapin niyo kaya gusto ko may sandata ka para malampasan lahat ng pagsubok na darating sa inyo. Anak kita kaya gusto ko nasa maayos ka."

" Dad."

" Kung ako tatanungin anak, ayako ng pinili mong tao para makasama habang buhay pero ayoko maging hadlang sa inyong dalawa kung mahal niyo naman ang isa't isa. All I can do is to help you para maging maayos at masaya kayong dalawa. I know mahirap malayo sa taong mahal mo pero sometimes kailangan para maging maganda yung future niyong dalawa."

" I understand Dad, pero si Kibo."

" Kung mahal ka niya, maghihintay sya at kung totoong mahal mo sya babalik ka para ituloy yung pagmamahalan niyo." isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka marahang tumango. " Anak, para sa future niyo. Nasabi sakin ng Mommy mo na nasa last year na si Kibo ng college niya katulad ni Queenie, nasa pinakamahirap sya na taon ng pag aaral niya at dapat focus sya dun."

" Dad."

" Anak please."

" Kapag natapos tong project na to, ikakasal kami ni Kibo and I want you to be there." Saad ko, kita ko naman yung ngiti sa labi niya. " Dad, I'm serious gusto ko nandun kayo sa kasal namin."

" Sure, as you wish." tango niya.

Kinagabihan ay naghintay lang ako sa harap ng building namin ni Kibo hanggang makita ko yung lalakeng yung na bumaba mula sa taxi, nang mapadako yung tingin ko sa tenga niya ay isang ngiti lang yung pinakawalan ko.

" Hi." bati ko sa kanya.

" Inaantay mo ko?" tanong ni Kibo.

" Yeah." tango ko. "Nalate ka kanina?"

" Yeah." ngiti niya, hinila ko naman sya saka yinakap. " Keith." tulak niya sakin.

" Why?"

" Nasa labas tayo."

" Ano naman."

" Uhm wala."

" Pasweet ka talaga kapag nasa labas pero kapag tayong dalawa lang."

" Sayo lang ako ganun." ngiti niya.

" Kumain ka na?"

" Yeah."

" Kibo naiisip ko pa din yung mga sinabi ko sayo kagabi, sorry kung nasaktan kita huh."

" Mejo may konting kirot pa dito." turo niya sa dibdib niya. " Pero okay na ko."

" Masakit pa?"

" Shut up." simangot niya.

" I mean yung heart mo dahil sa mga sinabi ko, alam ko hindi mo na makakalimutan yung mga sinabi ko pero pangako na tuwing maalala mo yun, ipaparamdam ko sayo na hindi yun totoo kasi sobrang mahal kita."

" Talaga?"

" At habang buhay akong hihingi tawad sa mga nasabing kong yun."

" Shhhh, okay na Keith. Tara?"

" Saan?"

" May papakilala ako sayo." saad niya saka hinawakan yung kamay ko at hinila,aktong magpapara sya ng taxi ng pigilan ko sya. " Why?"

" I have a car?"

" Oh nakalimutan ko, yung motor mo?"

" Gusto mo magmotor?"

" Yeah."

" Wait sige, kunin ko." ngiti ko saka pinuntahan yung motor ko sa basement parking lot ng building namin. Pagkaparada ko sa harap ni Kibo ay inabot ko lang sa kanya yung isang helmet.

" Let's go?"

" Ang gwapo mo talaga kapag nakasakay ka jan."

" Super luma na nitong motor na to, I think kailangan ko na ng bago."

" No, gusto ko tong motor na to. Parang may connections kaming dalawa."

" Really?"

" yeah, tara." saad niya saka sumakay sa likod, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng maramdaman yung yakap niya sa bewang ko. " Alam mo bang kay trey tong motor na to?"

" Nasabi mo nga, don't tell me nagseselos ka parin?"

" He likes you kaya ang hirap pigilan."

" Whatever." saad niya, natawa lang ako saka pinaandar yung motor hanggang makarating kami sa sementeryo, pagbaba ay hinila niya lang ako. " Papakilala kita kay Kuya." lingon niya sakin.

Nang makarating kami sa tapat ng puntod na yun ay kita ko lang yung ngiti sa mukha niya, I really miss those smiles.

" Hello kuya." saad niya pero niyakap ko lang sya. " Keith."

" I just wanna hug you, kahit sandali lang." bulong ko.

" Okay na tayo di ba?"

" Bakit ganun kapag tayong dalawa lang, pinagbibigyan kita yumakap ng yumakap pero kapag nasa labas tapos gusto kita yakapin ayaw mo?"

" Bakit gusto mo kasi akong yakapin in public."

" Kasi gusto ko malaman ng lahat na akin ka."

"Whatever, I hate you." nguso niya.

" Lagi mong sinasabi na you hate me pero alam ko naman na kabaliktaran nung yung gusto mong sabihin."

" I hate you." saad niya saka sinandal yung ulo niya sa dibdib ko, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko saka tumingin sa puntod na yun.

" I love you too."

" I hate you."

" Sorry kung nasaktan ko yung kapatid mo huh." marahan lang niya ko tinulak saka humarap sa puntod.

" Kuya multuhin mo sya!" turo niya sakin. " Pinaiyak niya ko! Kita mo tong sugat ko sa lips? Kuya sya may gawa nito!" inis na saad niya. " Ahhh nakakainis, inasar ako sa school dahil dito." padyak niya.

" Sana sinabi mo na boyfriend mo may gawa." ngiti ko, napalingon naman sya sakin. " tayo na di ba?"

" Uhm tayo na?"

" May nangyare na satin, so gusto ko tayo na."

" Seryoso?"

" Yeah, I'm serious."

" Teka hindi pa kita sinasagot! Wala ka man lang bang romantic na ugat sa katawan? Bulaklak? or kahit anong pwedeng maging symbol na naging tayo this day?"

" Oo nga no?" pilit na ngiti ko pero nagulat ako ng lumapit sya sakin at nakangiting tumingala.
What?"

" Official na tayo ngayong araw." saad niya saka tiningnan yung orasan sa bisig niya. " 9:30 pm. Friday. And to make this official." Saad niya saka tumingkayad at hinalikan ako sa labi, ilang sandali akong natigilan saka to unti unting sinagot.

Nang maghiwalay yung labi namin ay nakita ko lang yung ngiti niya sa labi.

"Si Trey, di ba kayo pa?"

" Wala lang yun, napilitan lang naman kasi ako kulit nung kapatid niya."

" I see, tandaan mo tong araw na to huh kasi simula ngayon hanggang nabubuhay ako, mamahalin kita at ayoko na marinig na gusto mo ko magkapamilya at makasal sa babae kasi kibo tayong dalawa ang ikakasal at tayong dalawa ang magkakapamilya." ngiti ko, kita ko naman na umiwas sya ng tingin hanggang makita ko yung pagtulo ng luha sa mata niya. " Bakit ka umiiyak?"

" Hindi ako nagpapaawa ah!" saad niya, mukhang habang buhay ako hahabulin ng mga sinabi ko sa kanya haha.

" Eh bakit ka umiiyak?"

" Uhm kasi mahal mo ko." nguso niya. " Mahal kita, mahal mo ko and I am happy." saad pa niya.

" Cute cute mo talaga." kurot ko sa pingi niya.

" Alam ko."

"Pero Kibo, aalis muna ako." ngiti ko sa kanya kita ko naman yung pagtataka sa mukha niya. " Nareject yung proposal na ginawa ng team namin, but I have an offer sa Dubai para sa isang project duon and Dad wants me to accept it."

" Iiwan mo ko?"

" Ayaw ni Dad sayo." saad ko, humugot lang sya ng malalim na hininga saka nagbigay ng ngiti.

" I understand."

" Pero kapag tinanggap ko tong project na to, nangako sya na tatangapin niya yung relasyon natin. Na papayag syang makasal tayo basta patunayan ko muna na walang magbabago sa relasyon natin kahit magkalayo tayo." kita ko lang yung tingin niya sakin ng mga oras na yun. " Maybe tama ka nung sinabi mong hindi pa siguro ito yung panahon para satin, nasaktan kita, napaiyak. Dapat nga galit ka parin sakin hanggang ngayon pero heto tayo magkasama." ngiti ko.

" Keith."

" Papatunayan ko sayo na, ikaw lang kibo sapat na at gusto ko mangako na papakasalan kita."

" Pero Keith."

" Mahihintay mo ba ko Kibo?" tanong kong deretsong nakatingin sa mga mata niya, ilang sandali lang syang hindi nagsalita. " Kibo, hihintayin mo ba ko?"

" No need to ask that question, alam mo naman yung sagot." simangot niya, natawa lang ako saka kinuha yung kamay niya at dinala sa labi ko. " Pangako, hinding hindi na kita sasaktan pa uli."

" Ayoko na umiyak." nguso niya pero may tumulong luha sa mata niya, napangiti lang ako saka to masuyong pinunasan. " Kapag ba sinabi kong maghihintay ako, babalik ka?"

" Pangako." yakap ko sa kanya. " tandaan mo na mahal kita."

" Mahal din kita."

" Magkakalayo pero hindi maghihiwalay." saad ko kasabay ng iling.

" Malulungkot pero hindi susuko." ngiti niya.

" Mapapagod pero hindi aayaw." ngiti ko din.

" Magiging busy pero hinding hindi makakalimot." saad niya, marahan naman akong tumango.

" Mamimiss kita." saad ko saka sya niyakap ng mahigpit.


SI TREY

" Nagbackfire yung plano natin." natatawang saad ni Nigel habang nagpeprepare ng almusal ng umagang yun. " Nagkaayos na talaga yung dalawa eh."

" Actually that is my plan."

" Owss." ngiti niya.

" Yung camera sa loob ng kwarto ni Kibo, May audio ba? Gusto ko marinig pinag-usapan nila."

" Wag na,I think they love each other." ngiti niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " Tama ng sila lang yung nakakaalam kung anong nangyare nung gabing yun."

" Silang dalawa lang, eh alam mo din di ba kasi nanunuod ka sa kanila?"

" Ako ay pipi at bulag na saksi, Need to protect that kiddo kaya."

" So na kay Kibo talaga yung loyalty mo?"

" No, na kay Allen fernandez ang loyalty ko at wala dun sa panget na yun." ngiti niya, sinimangutan ko lang sya.

" Kung papipiliin ka, si allen o ako?"

" Uhm."

" nag-isip ka talaga huh!" asik ko na ikinatawa niya.

" Syempre ikaw! Kaya nga gusto ko mag aral mabuti para sating dalawa so mas importante ka sakin kuya."

" Dapat lang."

" Pero dapat maghanap ka ng syota."

" Why?"

" Kasi kapag nagsimula na yung klase ko sa XIIT, kailangan ko na umalis dito."

" Hindi ka na dito titira?"

" Kuya, ang layo ng XIIT, so kailangan ko magdorm and Allen promise me na bibigyan niya ko ng condo malapit sa school kaya wala kang iisipin sa gastos."

" Condo?"

" Yeah." ngiti niya. " So, maghanap ka ng girlfriend kuya kasi lifted na yung ban ng babae dito sa bahay kapag wala na ko."

" Really." ngiti ko.

" Basta bumili ka ng madaming condom." simangot niya.

" At ikaw din, ibibili din kita." simangot ko.

" Why?"

" Baka magdala ka din ng babae sa condo mo?"

" Relationship sucks! Mas gusto ko pa makipagrelasyon sa mga monitor ko. Maienvade lang yung personal privacy ko kapag nag girlfriend ako kaya never!" iling niya.

" good." ngiti ko.

" No, Excellent!"

SI KEITH

Nilalagay ko nun sa box yung mga gamit ko sa opisina ng may nagbukas ng pinto. Nakita ko lang yung babaeng pumasok dito na nakapusod ang buhok nang mapadako yung tingin ko sa I.d niya ay isang pilit na ngiti lang yung binigay ko.

" I know sandali palang tayo nagkakasama pero I'm sad na aalis ka." ngiti ni Drew.

" Salamat."

" Sigurado ka na ba, you can be part of my team if you want?"

" I'm fine, actually yung offer na trabaho sakin sa dubai is really a good apportunity for me, Sayang naman kung papalampasin ko."

" Pero do you really want it?" tanong niya, marahan lang akong tumango saka nagbigay ng simpleng ngiti.

" I think I need it." saad ko, ngumiti lang sya saka tumango. " Goodluck sa project mo."

" For me, it's still our project. You are part of the team kahit anong mangyare. Hindi naman totoo na ako lahat yung gumawa ng proposal, Ikaw yun at kahit alam ko na distracted ka ay nagawa mo pa din yung best mo, You are talented Keith and higit sa lahat may puso."

" Salamat." tango ko saka binitbit yung box ng mga gamit ko.

" Okay na ba kayo ng Minions mo?" saad niya, nag angat lang ako ng tingin. " Teeny weeny?"

" Yeah, we're good." Kibit ko ng balikat.

" Hindi parin ako makapaniwala na ginawa mo sakin yun."

" Alin?"

" You know I really hated you that night, we were enjoying ourselves, kissing, making out but suddenly you stoped kasi magagalit yung minions mo?!" ngiti niya. " We almost had sex pero kung natuloy yun tapos wala ka naman palang gusto sakin? Maybe nagresign na ko to save my face from embarassment."

" I'm sorry."

" I hope makilala ko yang teeny weeny mo, I'm gonna kill her."

" Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo yun magawa." ngiti ko.

" So sweet." ngiti niya.

" I have to go."

" Mag ingat ka huh."

" Salamat." tango ko saka lumabas sa office, Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagsimula humakbang.

Marami akong pagkakamali nagawa, maraming maling desisyon, maraming sablay sa buhay pero nung dumating sya at sinimulang buuin yung magulo kong mundo, nagbago yung buhay ko. Yung galit ko sa mundo na pinalitan niya ng mga ngiti at tawa.

Mga ngiting nagbigay ng bagong liwanag sa buhay ko, mga tawa na nagbigay ng magandang musika sa mga pangarap kong gustong abutin.

Sobra akong nagpapasalamat na may isang tulad niyang dumating para mahalin ako at mahalin ko. Hindi ako naging perpekto sa paningin niya pero kahit ganuon ay hindi nabawasan yung pagmamahal niya para sakin, marami akong kakulangan at pagkukulang pero kahit ganuon ay buong buo niya kong minahal at tinanggap sa buhay niya ng walang pag aalinlangan.

And I am so blessed to have that kind of love.

SI KIBO

Alas nueve ng umaga nun nang mag ring yung phone ko habang nagpeprepare ako sa pagpasok sa school. Sinagot ko lang saka tinapat sa tenga ko. " Queenie why?"

" Ngayon yung alis ni Kuya, hindi mo man lang ba sya ihahatid?"

" Uhm.."

" Kibo, hindi parin ba kayo okay?"

" Okay na kami but I have to go, malelate na ko. Sure ka ba talagang hindi ka papasok?"

" Sasama ako sa paghatid kay kuya eh."

" Okay."

" kibo?"

" Babalik naman sya di ba?" tanong ko.

" Babalik sya pero matatagalan."

" Queenie, mas gusto ko makita yung pagbalik niya kaysa sa pag alis." ngiti ko, napag usapan namin na ayaw niyang ihatid ko sya kasi baka hindi sya tumuloy kapag nakita niya kong umiiyak. Mamimiss ko sya pero kaya ko naman maghintay.

" Pero Kibo."

" Sige na, alis na ko." saad ko saka pinatay yung phone, humakbang lang ako papunta sa cabinet ko saka to binuksan. Isang pilit na ngiti yung ginawa ko ng makita yung damit ko na yun na punit na punit at may dugo pa sa ilang parte.

" Asshole." bulong ko.

Sabi nila na katangahan daw magmahal, na kahit paulit ulit ka ng nasasaktan ay mahal mo parin yung tao. Na kahit ilang beses ka na umiyak ay di mo parin gugustuhin na sumuko, katangahan daw yun pero para sakin.

Hindi, Hindi katangahan.

Sadyang handa ka lang maghintay para sa taong unti unti palang binubuo yung sarili niya. At sa proseso na yun ay masasaktan ka pero hindi ibig sabihin na ginusto nila, posibleng umiyak ka dahil sa kanila pero hindi ibig sabihin na hindi ka nila mahal.

Kasi minsan dahil sa sobrang mahal ka nila, hindi sinasadyang magkamali sila at masaktan ka pero di ba ang importante naman ay yung hindi ka sumuko at hindi mo sya sinukuan.

Ganun naman ata kapag mahal mo, kahit konti di mo maiisipang sumuko.

SI KEITH

Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng mabasa yung text na yun mula kay Kibo, hanggang may tumulong luha sa mata ko.

-Maghihintay ako, have a safe flight.

Isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko saka nagsimula humakbang para mag board na sa eroplano.

Babalik ako Kibo..

THE END



CHOS! haha



A YEAR LATER



SI KIBO

Nung umalis si Keith ay masaya kong tinuloy yung buhay ko, babalik sya at hindi ako titigil na maniwala sa pagmamahalan na meron kami. Madalas magkausap kami sa phone, magkavideo call bago matulog.

Naging busy ako sa huling taon ko sa college, naging busy din sya sa project niya sa dubai pero kahit ganuon, pilit kaming humahanap ng oras para sa isa't isa. Minsan nag aaway pa din kami pero sa maliit na bagay nalang at agad din naman naayos.

Nagkalayo kami pero hindi yung mga puso namin, hindi madali pero wala din naman kami plano sumuko.

Mabilis na lumipas yung mga linggo, maging buwan hanggang maging taon.

" Kibo, may dumating na box para sayo." salubong sakin ni Mommy pagbaba ko sa hagdag.

" Box?"

" First year anniversary niyo?"

" Oh shit!" nanlalaki ang matang saad ko,

" Nakalimutan mo?"

" Yeah." pilit na ngiti ko.

" Buwan buwan nagpapadala yun ng sulat at regalo tuwing monthsary niyo, ikaw may napadala ka ba sa kanya?"

" Alam naman niya na busy ako sa school, saka gagraduate na ko kaya-"

" Excuses." simangot ni Mommy saka nilagay sa harapan ko yung box na yun. " Open it."

" Mom, wala akong maisip na ibigay sa kanya. Sarili ko lang kaya kong ibigay kaso wala naman sya dito." nguso ko, natawa naman si Mommy.

" Bumawi ka nalang pagbalik niya." ngiti ni Mommy, sinimulan ko naman buksan yung box na yun hanggang mapanganga ako ng makita yung laman na frame nun.

" Oh my God." gulat na saad ko.

" What's that? Is that a tissue?" tanong ni Mommy hanggang mabasa niya yung mga nandun. " That is your hand writing right?" tanong ni Mommy, marahan lang akong tumango saka nakangiting pinagmasdan yun.

Lahat ng tissue na sinulatan ko ay pinagsama sama niya at nilagay sa frame, may ilang tissue na halos di na mabasa pero may ilan na sobrang linaw pa din ng mga letra.

Dalawang taon kong sinundan si Keith at madalas magsulat ako sa tissue sa chekko kapag nandun ako, kapag naiinis ako sa kanya, kapag pinansin nya ko ng araw na yun kapag masaya ako na makita sya.

" Mom, I think simula palang mahal niya na ko." nguso ko.

" Mukha nga." gulo ni Mommy sa buhok ko. " Ano ibig sabihin ng Xoxo?" basa ni Mommy sa nakalagay sa baba.

" Hugs and Kisses." ngiti ko.

" So sweet." ngiti ni Mommy sakin.

SI KEITH

Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng makita yung picture ni Kibo habang hawak yung frame na pinadala ko sa kanya. Bago ako umalis ay kinuha ko yun sa locker ko sa chekko.

Hindi ko alam kung bakit inipon ko yun, basta ang alam ko tuwing nababasa ko yung mga nakasulat sa mga tissue na yun ay masaya ako. I really miss him, konti nalang makakauwi na ko at kapag nangyare yun hinding hindi na uli ako lalayo sa kanya.

" Keith let's go." saad ng kasamahan ko na andun.

Distance? Walang laban yan sa pagmamahal ko sa taong umayos sa magulong takbo ng buhay ko.

SI KIBO

" Hello guys." ngiti ko pagpasok ko sa chekko, nandun lang si Vanessa at si Trey naman ay nagseserve lang sa isang table.

" I miss you, so kamusta ka."

" Drain." nguso ko, lumapit lang sakin si Trey saka ngumiti.

" Invited ba ko sa graduation mo? Kahit ex mo ko?"

" Whatever, syempre invited ka saka si Nigel na din."

" Di ko maintindihan bakit di kayo magkasundo ni Nigel." ngiti ni Vanessa.

" Correction, sya lang may ayaw sakin. I like him kaya like baby bunso ganun, pero diring diri sya kapag tinatawag kong ganun."

" Pero yung look good together."

" Ew, naku kung marinig niya yan makikita mo yung diring diri niyang mukha."

" Vanessa, look at his lips." saad ni Trey, kumunot naman yung noo ko.

" Why?"

" It's the sweetest thing na natikman ko, ang lambot lambot." ngiti niya.

" Ay, vanessa oh."

" Mukha ngang ang sarap ikiss ng lips mo Kibo."

" Wala naman ganyanan, alam niyo naman kung para kanino lang yan eh."

" Hindi pa ba sya uuwi?"

" Tumatawag ba sayo?"

" I don't know, pero mukhang okay naman sya dun."

" Kung wag mo na kaya syang antayin, akin ka nalang uli." ngiti ni Trey, nagdirty finger naman ako sa kanya. " Oh kahit pakiss nalang."

" Stop it trey, pasalamat ka nga mejo nawala na galit sayo ni Keith. Tumawag na sayo nung nakaraan di ba." simangot ni Vanessa, natawa lang ako saka pinagmasdan yung buong lugar na yun, sa loob ata ng ilang taon kong pag aaral sa university na yun ay itong chekko ang naging tambayan at naging labasan ko ng stress.

Milk tea na nagpatamis ng mga karanasan ko dito sa lugar na to na babaunin ko habang buhay.

" Mamimiss ko tong chekko." ngiti ko.

" Why, di ka na ba mapapasyal dito?"

" Sa lugar namin ako magtatayo ng clinic eh, so mejo mapapalayo na ko. Pero syempre kailangan ko muna ipasa yung board exam."

" Well, hindi ako papayag na hindi ka pumasyal dito noh. Kukulitin kita." ngiti ni Vanessa.

" Kibo may papakita ako sayo." hila sakin ni Trey hanggang makita ko yung malaking litrato na yun na nakasabit sa isa sa mga pader ng chekko, nanlaki lang yung mata ko.

" Kuya neko?" gulat na saad ko. " And who is that girl?"

" Cherry, Neko's girlfriend." rinig kong saad ni Vanessa.

" Girlfriend?! Are you serious?!"

" At yung taong nagbigay ng kwintas na to kay Neko." saad ni Trey saka nilabas yung kwintas sa damit niya.

" Trey, akin nalang yan please? Ibigay mo na sakin yan." nguso ko.

" No, sakin pinagkatiwala ni Neko to kaya hindi pwede."

" Trey, bibilihin ko." saad ni Vanessa.

" Why?" lingon namin dito.

" I like Neko, he is my hero." saad nito.

" This is mine, sakin to binigay ni Neko kaya wag na kayo umasa na makukuha niyo to."

" 1 million." saad ni Vanessa, nanlaki lang yung mata ko saka nagcaculate na utak, Oh my god wala pa ko ganung kalaking pera.

" Free dental check up forever." ngiti ko. " Hanggang sa mga anak mo, basta ibigay mo lang sakin yan. Pustiso, pasta, braces, name it basta may kinalaman sa ngipin sasagutin ko." dagdag ko pa, natawa naman sya. " Trey, I really want it."

" Bibigyan kita ng shares dito sa chekko."

" Vanessa naman eh, gagraduate palang ako kaya wala pa kong laban sayo financially kaya magparaya ka nalang please? Bibigyan nalang kita ng picture ni Kuya."

" Picture?"

" Yeah, madami ako."

" May naka underwear ba?" ngiti niya.

" Vanessa he's dead!" ngiwi ni Trey.

" Paki mo ba!"

" Uhm I think meron, sexy kaya si kuya neko."

" Really, Oh my alam mong late ko ng nalaman na patay na sya. Sobra akong nashock kasi mejo hiniling ko na sana single pa din sya, baka sakali. Sobrang gwapo kaya ng kuya mo at pinagpantasyahan ko sya ng sobra."

" Vanessa, he is dead na nga, matakot ka nga."

" Wala kang paki trey, Kibo tuwing pupunta ka dito. Libre lahat basta bigyan mo lang akong pictures ni Neko."

" Kinikilabutan ako, patay na yung tao eh." simangot pa ni Trey pero natawa lang ako.

" Now, give me that necklace." ngiti ko.

" Asa!" saad ni trey saka kami tinalikuran.

" Treeeeeeeyyyyy!" habol ko sa kanya.

" Kiss muna?"

" Kiss?"

" I am done, basta ako may pictures ni Neko kaya masaya na ko." saad ni Vanessa saka kami nilampasan.

" Kiss or this necklace?" ngiti ni Trey.

" Trey naman eh."

" Gusto ko torrid, yung may kasamang tounge."

" Ang baboy mo Trey!" sigaw ni Vanessa.

" Paki mo, I love his lips eh." asik niya dito. " Ano, deal or no deal." baling ni Trey sakin.

" Trey naman eh."

" Kiss lang naman."

" Pero bakit my tounge?"

" Kasi gusto ko." ngiti niya, sumimangot naman ako. " Rare item yung kapalit ng kiss mo, ayaw mo ba nun?"

" I want that necklace." nguso ko. " Kuya multihin mo sya!" tingala ko saka sya nilampasan.

" Wait ayaw mo?"

" Susumbong kita kay Daddy." lingon ko sa kanya. " Ahhhhh nakakainissss!" padyak ko pa na ikinatawa niya.

Hindi ko alam na naging parte pala ng buhay ni kuya Neko si Vanessa at Trey, I am always here sa chekko but I had no idea that chekko is named after my kuya and his girlfriend. Maybe dinala ako ni kuya dito at pinakilala sa kanila para gumabay sakin at hindi ko maramdaman na nag iisa ako.

Kahi wala na sya, pinagkrus niya kami ng mga taong naging malapit sa kanya.

Nang gabing yun ay tumuloy lang ako sa bahay nila Queenie, her Mom invited me over the dinner, well madalas nila ko iniimbita. Nung una naiilang pa ko pero kalaunan ay naging kumportable na rin ako.

Tinanggap nila ko ng buong buo na parang miyembro na ko ng pamilya nila.

Anak na nga tawag sakin ni Tita Poly.

" Mom, ayaw niyo ba talaga sumama sa outing namin." tanong ni Queenie na ang tinutukoy ay kung saan kami magcecelebrate after graduation.

" Hindi ba talaga kayo magpapapigil dyan sa plano niyo? Pwede naman tayong magparty nalang?"

" Mom, after ng sobrang nakakastress na pinagdaanan namin sa school. Ngayon lang kami makakahinga and I want beach."

" Kibo, baguhin mo yung isip niya." baling sakin ng Daddy nila.

" Uhm, 1st year palang po kami. Nakaplano na po to."

" I know right Kibo!" ngiti ni Queenie sakin.

" Right after the graduation?" maang ni Tita Poly.

" Yes Mom, right after the graduation."

" Nakakabaliw talaga kayo." simangot ng Daddy niya, nag apir lang kami ni Queenie. " Yung clinic mo Kibo sa lugar niyo itatayo?"

" Yes po, actually last year pa sya pinagawa ni Daddy so I just need to past the board exam and I am good to go." ngiti ko.

" See mom, may clinic na sya.. ako wala pa."

" Pero huhulugan ko po sa kanila yun at makukuha ko lang yung titulo kapag fully paid na ko."

" Hindi free yun Kibo?" lingon ni Queenie, marahan naman akong umiling.

" Malaki utang ko."

" hays Kj." kibit ng balikat ni Queenie.

" Tumatawag ba sayo si Keith Kibo?" Tanong ng Daddy niya.

" Hindi po." iling ko. " Pero alam ko naman po na busy sya kaya okay lang po."

" Kapag dumating na yung anak ko Kibo, mamanhikan na kami sa inyo." seryosong saad ng Daddy nila.

" Are you serious Dad?"

" Pangako ko yun sa kuya mo, at malapit na matapos yung project nila dun at kapag bumalik sya aayusin na namin yung kasal niyo." nagkatinginan lang kami ni Queenie. " Gusto mo naman siguro makasal Kibo?"

" Pero po.."

" Why ayaw mo?"

" Gusto po, pero si Keith po gusto pa po kaya niya?" pilit na ngiti ko.

" Why not?"

" Dalawang linggo na po syang di tumatawag sakin." nakatungong saad ko. " Baka po may nakita na syang iba dun or I don't know? After ng anniversary namin mejo nabawasan yung pagtawag niya."

" Tumatawag ba sayo Mahal?" tanong ng Daddy nila kay Tita Polly.

" Tumawag sya sakin last week."

" Anong sabi Mom?"

" Wala naman gaano, nangamusta lang and okay naman daw sya dun."

" I hate him." bulong ko.

" Mahal ka nun, wag kang mag alala." tapik ni Queenie sakin. Sinula nung umalis si Keith ay madalas syang tumawag sakin, magkaiba yung timezone namin kaya minsan nagkakapuyatan kami dahil sa kwentuhan pero hindi ko alam kung bakit pero dalawang buwan na syang hindi tumatawag sakin.

Siguro busy? Ayoko mag isip ng kung ano ano kasi gusto kong magtiwala sa kanya, basta alam kong safe sya ay okay na ko.

Pagkatapos ng dinner ay nagpasya lang ako pumasok sa kwarto ni Keith, ilang sandali lang akong nakatayo sa harap ng painting na yun, isang matamis na ngiti yung kumawala sa sa mga labi ko saka nilibot yung tingin sa buong kwarto hanggang may panasin ako sa bookshelf niya sa gilid.

" Meron din pala syang librong ganito." kuha ko ng librong yun saka to nakangiting binuklat, Meron din si kuya Neko na ganitong libro, I think nasa kwarto niya yun.

Natigilan lang ako ng may kapirasong papel na nahulog mula dito.

Kapag nabasa mo to, ibig sabihin naibigay na sayo tong libro.

Malamang na sayo na rin yung ipinusta ko.

pangako mo na ga-graduate ka

At makakapasa sa board exam.

Goodluck.

CN



Araw ng graduation ko nun, nakaharap lang ako sa malaking potrait ng pamilya namin, ngumiti lang ako saka umikot ikot sa harap nun habang nakasuot ng toga.

" Kuya, graduate na ko." masayang saad ko.

" Sabi sayo kahit ganito ngipin ko makakagraduate ako, pero lahat ng classmates at professors ko ay gigil sa mga pangil ko." ngiti ko. " Are you proud of me? Sana lang nakita mo to noh pero alam ko binabantayan mo ko, nakakainis ka kasi hindi mo man lang pinakilala sakin yung girlfriend mo."

" But she's beautiful, sobrang bagay kayo."

Ilang sandali pa ng makita ko si Daddy, lumapit lang sya sakin saka umakbay.

" Graduate na yung kapatid mo Neko, pwede na sya mag asawa."

" Really dad? Kaso mahal magpakasal sa ibang bansa, sasagutin niyo ba?"

" What?! Eh di ba lalake dapat ang may sagot nun?"

" Lalake din naman ako?"

" Pero? Uhmm may point ka." iling niya na ikinatawa ko." Pero lalake din yung gusto mo kaya dapat hati?"

" Gusto mo na ko dad makasal?" ngiti ko, [inagmasdan niya lang yung mukha ko saka masuyong hinaplos yung pisngi ko.

" Ang gusto ko, sumaya ka." ngiti niya. " At kung kasal yung magpapasaya sayo, ibibigay ko anak kahit gaano pa kamahal ang magpakasal sa ibang bansa, fine..sasagutin ko na lahat ng gastos basta para sa cute kong anak."

" Pwede na ko magpakasal pero yung papakasalan ko, wala parin."

" Hindi ba sya uuwi?"

" Hindi, Dad gusto ko makita ng mga mata niya yung pag akyat ko sa stage kaso mukha hindi pa sya makakauwi."

" Sad, alam mo naman pagiging engineer anak, mahirap kaya intindihan mo nalang."

" I really hate him." simangot ko.

" Really?"

" But I love him." ngiti ko, ginulo naman ni Daddy yung buhok ko na ikinalaki ng mata ko. " My hair! Daddy naman ang tagal ko inayos yan eh."

" Ay sorry sorry."

Nung araw na yun, sobrang gaan lang ng pakiramdam ko hanggang makarating kami kung saan idadaos yung graduation namin.

" Kiboooo!" rinig kong sigaw ni Queenie, kita ko lang na patakbo syang lumapit sakin saka ako mahigpit na yinakap. " Graduate na tayoooo!" sayaw pa niya habang kumakanta. "Graduante na tayo."

" Congratz sating dalawa." ngiti ko hanggang makita ko yung Mommy niya na papalapit sakin.

" Congratz Kibo."

" Salamat po tita."

" Tinawagan ko si Keith pero mukhang busy, hindi sinasagot eh."

" Baka nga po busy." pilit na ngiti ko.

" Okay, picture kayo." saad nito, tumabi naman sakin si Queenie saka kami pinicturan ng mommy niya. " Alam niyo, bagay talaga kayong dalawa."

" Sinabi mo pa balae." saad ni Mommy, sumimangot naman ako pero nang tingnan ko si Queenie nakangiti lang sya.

" What?"

" Baka lang mainlove ka sakin, agawin kita kay Kuya."

" Ewww." ngiwi ko, nagtawanan lang silang lahat.

Walang pagsidlan yung saya ko nung tangapin ko yung diploma sa stage, nung oras na yun para akong nakalutang at di maalis yung ngiti sa labi ko. I was never a perfect son but atleast I can make them proud of me.

Kunware may graduation march na tugtog haha.

Para sakin, basta may pangarap ka na gusto mong abutin, maabutin mo basta pagsikapan mo lang. Just know your priorities. Love? Sagabal? Hindi naman masyado.

Damn! Wala naman lesson tong story na to sa pag aaral, praning tong author na to! Haha ( Sorry naman haha pasalamat ka nga pinagraduate kita! Walang utang na loob haha)

Feeling ko talaga, may kulang sa turnilyo yung author eh haha

Pagkatapos ng graduation ay nagbyahe na kami lahat papuntang batanggas para sa beach magcelebrate. Well first year palang ito na yung plano namin ni Queenie na right after graduation lulusong kami sa dagat at isusumpa lahat ng taong nagsabi na hindi kami makakagraduate.

" Dagaattttttt!" sigaw ni Queenie paglabas ng sasakyan ng makarating kami, natawa lang ako hanggang makita ko sila Vanessa at trey na kasama si Nigel.

" Baby boyy!" excited na saad ko saka lumapit sa kanila.

" Sinong tinatawag mong baby boy?" simangot ni Nigel.

" Ikaw." ngiti ko.

" Ang panget mo parin." saad niya saka ako nilampasan.

" Yang kapatid mo Trey! Halos ang tagal naming hindi nagkita tapos ganun padin ugali!?" inis na saad ko.

" Well wala na tayong magagawa dun." natatawang saad ni Trey.

" Congratz Kibo and thank you for inviting us here." Saad ni Vanessa.

" kala Allen tong resort, kaya libre to." ngiti ko.

" Really?" maang ni Trey.

" Si Keith, wala ba talagang balita?"

" Wala eh, sinubukan ko tawagan pero busy yung line." kibit ang balikat na saad ni Vanessa.

" Alam mo Kibo, kung ako sayo.. ako nalang, akin ka nalang." ngiti ni Trey, sinimangutan ko lang sya saka tumalikod.

" Let's go." irap ko.

" Ang babagal." simangot ni Nigel.

" Baby boy."

" Gusto mo bungalin kita?"

" Alam mo ang sungit mo sakin, type mo ko noh?"

" Eww! Double, triple ewww!"

" Ang cute ko kaya?!"

" San banda?"

" Lahat, buong katawan ko cute!"

" Sabagay, ang cute nga nung nasa baba mo. Ang liit." saad niya saka bumaba yung tingin.

" Bakit nakita mo na to?!"

" Yeah, at napakacute nga. Pagbibigyan kita sa bagay na yun." saad niya saka tumalikod.

" Teka pano?"

" Secret."

" Wait!!" pero lumingon lang sya saka ngumiti.

" Yung camera mo sa kwarto, nahack niya." saad ni Vanessa sa gilid ko.

" What!! kailan pa?"

" Simula nung nahawakan niya yung phone mo." saad din ni Trey, nanlaki lang yung mata ko saka inisip kung kailan yun..oh shit!! " Wala ka ng maitatago kay Nigel, nakita niya na lahat." dagdag pa ni Trey.

" What the helllllllll!" sigaw ko saka nahawakan yung katawan ko, madalas ako lumabas sa cr na walang saplot na kahit ano, oh shit! Shit! Bago umalis si Keith ilang beses pa namin ginawa yun sa kwarto ko! Ibig sabihin nakita niya? Ginawa niya kaming porns tar ni Keith?! mother father!

" Excited na ko magswimming!" takbo ni Vanessa.

" Okay lang yan Kibo, cute naman talaga." akbay sakin ni Trey.

" Pati ikaw nakita mo?!"

" Ah sinilip ko lang."

" I hate you!" saad ko saka sya hinarap at tinuhod yung harapan niya.

" Ouchh!" halos mamilipit naman sya kaya nagmamadali na ko tumakbo. " Wala akong nakita kibo! Ayaw nga ipakita sakin ni Nigel eh!" sigaw niya, hinanap naman ng mata ko si Nigel.

Humanda sakin yung bata na yun!

Nang magtama yung mata namin nakita ko lang na tumawa sya saka tumakbo.

"AHHHH nigeell!" habol ko sa kanya pero hinarang lang ako ni Queenie. " Why?"

" Let's do the ritual." ngiti niya, napatingin naman ako sa dagat. Marahan lang syang tumango.

" Okay, mamaya sakin yang nigel na yan."

" At the count of three."

" three!" sigaw ko, sabay naman kaming tumakbo at lumusong sa dagat. " Graduate na kami!!!!" sabay naming sigaw. " Fuck you all!"

Wala kaming ginawa ng araw na yun kundi kumain, maligo sa dagat at maghabulan. Lahat ng importante sa buhay ko ay nanduon nung araw na yun, bukod kay Allen na kasalukuyan sigurong pinagmamasdan ang nothern lights mula sa bundok ng Kirkjufell, mahigit tatlong buwan na daw sya dun at hanggang ngayon manghang mangha parin sya sa lugar, halos di sya maubusan ng kwento kapag tumatawag sakin.

Yung pangarap lang dati ni Allen na libutin yung mundo, natutupad na niya. Yung mga lugar na nakikita niya lang dati sa mga libro, ngayon napupuntahan niya na.

Alam ko kung ano man ginagawa niya ngayon ay masaya na sya.

Naglalakad ako nun sa dalampasigan ng makita ko si Nigel, agad ko naman syang nilapitan saka hinila yung buhok niya.

" Ouccchh!" hawak niya sa kamay ko.

" Nahuli din kita!!"

" Sorry na, bitawan mo na ko."

" Bakit mo ko sinisilipan huh!"

" What? Ewww! Bakit kita sisilipan?"

" Yung camera sa kwarto ko?"

" Bitawan mo nga ako!" tanggal niya ng kamay ko sa buhok niya. " Ang sakit!" asik pa niya sakin. " bakit kita sisilipan eh hindi naman kita type noh."

" Eh bakit hinack mo yung camera ng kwarto ko?"

" Nagkataon lang?"

" Gusto mo masaktan pa?"

" Don't worry inaalis ko agad kapag nakikita ko na nakahubad ka, di ko rin naman gusto makita yun."

" Eh bakit mo ba kasi tinitingnan?!"

" Checking on you lang, daily checking ganun."

" Bakit kailangan mo gawin yun?"

" Allen wants me to keep an eye on you, gusto niya bantayan kita at just to make sure you are safe kailangan ko silipin yung camera ng kwarto mo para masigurado kong okay ka."

" Allen?"

" Yeah allen, inutusan niya ko na bantayan ka lage."

" Pero."

" Don't worry kahit pinipilit ako ni kuya na ipakita sa kanya yun, di ko padin ginawa. I respect your privacy you know."

" Are you sure hindi mo pinakita kay Trey?"

" yeah."

" Pero nakita mo pa din?!" inis na saad ko, natawa lang sya saka tumanaw sa dagat. " Don't tell me pati yung sex namin ni keith nakita mo?"

" Hindi, kapag alam ko na dun ang tuloy niyo. Pinapatay ko na agad! Eww,"

" Pero nakita mo pa din akong nakahubad."

" Sorry." kibit niya ng balikat.

" Kaya pala nung isang beses bigla ka nalang lumitaw nung tumambay ako sa rooftop nung building namin."

" Akala ko kasi tatalon ka dahil lang sa sobrang pagkamiss mo kay Keith!" simangot niya.

" Di ako magpapakamatay noh, mahal ko si Keith pero mahal ko din buhay ko noh."

" Dapat lang kasi mananagot ako kay Allen kapag may nangyare sayo."

" Nakakainis, nakita mo kong nakahubad."

" And so?"

" I hate you."

" Pero you're sexy kahit maliit." ngiti niya, gigil ko naman syang binatukan. " Mapanakit ka!"

" Bastos mo kasi."

" Di kita type, kahit katiting na pagnanasa di ko naisip."

" Dapat lang!"

" Gusto mo ba malaman kung nasaan si Keith ngayon?" lingon niya sakin.

" Alam mo kung nasaan sya?"

" Yeah."

" Really, nasaan sya?" tanong ko pero ngumiti lang sya. " What nasaan sya?"

" Nasa puso mo?"

" Damn it!" inis na saad ko saka sya muling binatukan.

" Isa pa! Papatulan na kita!"

" Yung seryoso kasi!"

" Ewan, inaantok na ko.. balik na ko dun."

" teka, nasaan si Keith!"

" Nasa puso mo nga! Matulog ka na!" sigaw niya, nakasimangot ko lang sinundan sya ng tingin.

" Ahh, madapa sana sya!" inis na dakot ko sa buhangin saka to binato. " I miss him." simangot ko lang habang pinagmamasdan yung hampas ng alon sa dalampasigan, Hay basta okay sya ngayon masaya na ko.

Ikakasal kaya kami?

Pano kung may nakita na talaga syang iba duon at nakalimutan niya talaga ko? Pero sana naman sabihin niya sakin para hindi na ko maghintay, para makamove on na ko.

Pero kahit walang kasiguraduhin naniniwala pa din ako na babalik sya para sakin.

Ang gulo ko! Haha pero sabi ni Vanessa na normal naman daw na mag isip ako ng ganun pero laging ko lang daw iisipin na mahal ako ni Keith at magtiwala lang sa kung anong meron kami.

Mahal niya ko, mahal ako ni Keith.

Ilang sandali pa kong nandun ng magpasya na kong bumalik sa kwarto ko, nasa labas pa din sila vanessa habang nag iinuman. Nang tingnan ko yung oras ay mag aalas diyes na ng gabi.

" Ayaw mo na uminom Kibo?" Tawag sakin ni Trey pero umiling lang ako.

" Masakit na ulo ko." hanggang makita ko na humakbang si Nigel papunta sakin. " What?"

" May gift ako sayo." iwas niya ng tingin.

" Seryoso? Himala."

" Yeah." saad niya saka may kinuha sa bulsa niya at nilagay sa palad ko. " Sa kwarto mo na tingnan."

" What's this candy?" kunot ang noong saad ko pero nagkibit lang sya ng balikat saka sinarado yung palad ko.

" Wag kang makulit, sa kwarto mo nalang tingnan."

" Okay, thanks. Matutulog na ko, inaantok na ko eh."

" Okay goodluck." ngiti niya, nagsimula naman akong maglakad papunta sa kwarto ko hanggang makapasok ako, dahan dahan ko lang binuksan yung palad ko.

" SHIT!!" inis na saad ko ng makita yung condom na yun. " Nigel!" aktong bubuksan ko yung pinto ng biglang may humila sakin saka ako hinalikan sa labi. Hindi naman ako nakagalaw hanggang mapansin ko kung sino yung taong yun.

" Keith?!" tulak ko sa kanya, isang ngiti lang yung binigay niya. " Keith!!" excited na saad ko saka sya niyakap ng mahigpit. Ilang sandali pa ng humiwalay ako sa kanya saka sya tinitigan ng mabuti. " Wait totoo ba to? Hindi ba ko nanaginip?" marahan naman syang umiling hanggang hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha sa mata ko.

" Oh bakit ka umiiyak?"

" Kasi nandito ka na, nasa harapan na uli kita."

" Namiss mo ko?"

" Sobra." saad ko.

" Ano yung hawak mo?" tanong niya, binukas ko naman yung palad ko.

" Uhm si-"

"Kung namiss mo ko, mas namiss kita." saad niya saka ako hinila sa kama at pinatungan. Mapusok niya lang akong hinalikan na kusang sinagot ng mga labi ko, I miss this kisses, I miss him. Halos mag init yung katawan ko nun ng mapunta yung halik niya sa leeg ko pataas sa tenga.

" Damn Kibo, I really miss you." bulong niya.

Ramdam ko lang yung init na nagmumula sa kanya, yung amoy niya na nagdadala ng kakaibang sensasyon sa katawan ko. I'm talking about his real body smell, not his cologne or soap. And I really miss it.

" Do you want to see me naked?" bulong niya, napalunok lang ako saka sya tinulungan iunbotton yung damit niya, humantad lang sa harapan ko yung tila hinulma niyang katawan, mula sa balikat papunta sa dibdib, pababa sa sikmura na tila perpektong inukit dito.

Dinala ko lang yung mga kamay ko dito saka to masuyong hinaplos.

" This is perfect, lalong gumanda katawan mo." bulong ko, umupo lang ako saka sya hinalikan hanggang mapahiga sya at patungan ko. Rinig ko lang yung pag ungol niya ng bumaba yung halik ko sa dibdib niya papunta sa sikmura. Sinimulan ko lang tangalin yung sinturon niya at ibaba yung jeans.

" Kibo." saad niya ng bumaba pa yung halik ko, tumingala lang ako sa kanya saka nagbigay ng matamis na ngiti. " Uhm?"

" This is really huge." himas ko sa bagay na yun sa ibabaw ng brief niya.

" Oh god, bakit di man lang nagmature itsura mo. Mukha ka paring teeny weeny." hawak niya sa mukha niya, dahan dahan ko lang binaba yung underwear niya dahilan para humantad yung tigas na tigas niyang ari.

" Masusubo na uli kita." ngiti ko sa ari niya.

" You're crazy!" rinig kong saad niya.

( OH my God! I'm sorry hanggang dito lang talaga kaya ko sa bed scene! Haha naiisip ko si Kibo at di ko maimagine na ginagawa niya to haha.. Putek! Promise babawi ako sa matured content sa next story! haha)

Magkatabi lang kami ni Keith nun sa kama habang parehas na walang saplot sa katawan, nakaunan ako sa mga braso niya habang parehas kaming nakatingin sa kisame ng kwartong yun.

" Masakit pa?"

" Sabi mo hindi mo na ko papaiyakin?" nguso ko.

" Uhm sabi ko nga wag na pero sabi mo ituloy ko? Sorry na."

" Pakiramdam ko parang navirgin uli ako." yakap ko sa kanya. " pero ang sakit talaga, bakit naman kasi ganyan kalaki!"

" Sorry." himas niya sa balikat ko. " Pero ang sarap." rinig kong saad niya.

" sabi ko naman sayo kung sa ganitong paraan naman Keith, kahit paulit ulit mo ko saktan."

" Pwede isa pa?"

" What?"

" Isa pang round please?"

" Keith masakit pa."

" Uhmm.."

" Pero." kapa ko sa ari niya, ramdam ko lang na matigas na to uli.

" Kibo, Hindi na ba pwedeng isa pa?"

" Ahh kasi.." saad ko pero nanlaki lang yung mata ko ng muli niya kong patungan. " Keith."

" Nakakabaliw ka." halik niya sa labi ko. " Pagbigyan mo na ko please, mahigit isang taon kong tiniis to and I really miss you." saad niya saka ako mapusok na hinalikan sa labi, hindi ko naman napigilan na sagutin to.

Hating gabi ng yayain ako ni Keith na lumabas, dahil pakiramdam ko hindi pa ko makalakad ng maayos ay pinasan nalang niya ko sa likod at naglakad sa tabing dagat. Parang musika lang sa pandinig ko yung hampas ng alon sa dalampasigan ng oras na yun.

Yung bilog na buwan na naging tanglaw namin sa paglalakad.

" Aalis ka pa ba uli?" tanong ko habang nakasandal sa balikat niya yung ulo ko.

" Gusto mo pa bang umalis ako?"

" Ayaw." iling ko.

" Pano kung kailangan ko pa umalis?"

" Magsusumbong ako kay Daddy, sabihin ko na ginahasa mo ko."

" Masakit pa ba."

" I hate you, I really hate you!" palo ko sa balikat niya, narinig ko lang yung tawa niya saka hinalikan yung kamay ko na nasa leeg niya.

" Kibo nakikita mo na ba ko na makakasama habang buhay?"

" Sinabihan na ko ng Daddy mo about sa kasal, kaya wala ka ng kawala kasi nakikita ko na ikaw na yung makakasama ko habang buhay."

" Sinabi sayo ni Daddy?"

" Yeah."

" Daddy naman eh, hindi pa nga ako nagpopropose eh!" inis na saad niya, napangiti lang ako.

" Papakasalan mo ko Keith?"

" Then say yes." saad niya.

" What?"

" Look." saad niya, sinundan ko naman yung tinitingnan niya hanggang may magsimulang umilaw sa buhanginan. Napanganga lang ako ng makita sila Trey duon kasama si Vanessa at Nigel, nakasulat lang sa buhanginan yung will you marry me. Sabay sabay lang silang nagsindi ng lusis habang nakangiti samin, napalingon pa ko ng may tumugtog sa likod ko.

Nakita ko lang yung Mommy niya kasama sila Mom and Dad, si Queenie naman may hawak pang camera.

" Keith."

" Yes?"

" Wag mo ko ibababa."

" Why?"

" Tingin ko hindi pa ko makakalakad ng maayos, masakit pa." bulong ko sa kanya. " Naman bakit nandito sila?!" kurot ko sa balikat niya.

" Ouch."

" I hate you!"

" Uhm wala kasi sa plano ko yung sex."

" Ano gagawin ko?"

" Kailangan kita ibaba, yung singsing nasa bulsa ko."

" Keith naman eh! Wag mo ko ibababa!"

" Pero."

" Hindi ako mag ye-yes kapag binaba mo ko!" kita ko lang yung tingin nilang lahat samin ni Keith. " Ahhhh nakakainis."

" Ano gagawin natin?"

" Mauubos na yung lusis ko, ang tagal." rinig kong saad ni Nigel. Bwiset talaga tong batang to! Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tinapik si Keith na ibaba ako. Pinilit ko naman tumayo ng maayos.

" you okay?" bulong niya.

" Dalian mo na." gigil na bulong ko, kinuha niya lang yung box na yun sa bulsa niya saka lumuhod.

" Kibo I know na hindi ako naging perpekto sayo, maraming bes-"

" May speech ka pa?" di makapaniwalang saad ko.

" Panira ka naman eh."

" Yes, I will marry you." malakas na saad ko saka kinuha yung singsing sa box at sinuot sa daliri ko. " Tapos na." lingon ko sa kanila, kita ko lang yung pilit na pag ngiti ni Keith.

That is Keith not so perfect proposal na hindi ko na ata makakalimutan habang buhay, it supposed to be sweet pero nauwi sa kahihiyan. Haha halos tuwing magkikita ata kami ni Nigel, pinagtatawanan niya ko dahil sa pangyayareng yun. Well kasalanan naman talaga niya dahil kung hindi dahil sa condom na binigay niya hindi mauuwi sa sex yung pagkikita namin ni Keith ng gabing yun.

Siguro dito na natatapos yung story namin ni Keith pero sana.. sa mabait na author nitong story namin ay di niya kami makalimutan, haha kayo din. Thank you sa pagsubaybay ng magulo, cute na kwento namin ni Keith lucas Miranda. Kung alam niyo lang kung ilang beses niya ng muntik gawing tragic tong story na to haha.

But here we are, this is our ending... our happy ending..

I love you guys.

Epilogue

" Kibo faster!" sigaw ni Keith.

" Wait!" sigaw ko din habang pinagmamasdan yung sarili kong reflection sa salamin. It is our second anniversary and we decided na icelebrate yun sa beach ng kaming dalawa lang.

" Kiboooo?!"

" Sandali naman!" sigaw ko din, oo dalawang taon na kami at hanggang ngayon nakakainis parin sya pero mahal ko naman, hayaan niyo na haha.. hindi man perfect si Keith, nadapa, nagkamali, nasaktan niya ko pero kahit ganun, bumangon sya, bumawi at kahit kailan hindi nakalimutan na mahal niya ko.

Siguro may mga magsasabi na ang tanga tanga ko kasi kahit ilang beses ako nasaktan, pinatawad ko parin sya, pero kung katangan man ang magmahal kahit nasasaktan na, well wala na kong paki as long as we are together..I am happy.

" Kibo ano ba!"

" Yeah eto na." nagmamadali lang akong lumabas sa cottage na yan, hanggang maabutan ko sya sa labas habang nakasimangot at hawak yung puting canvas at yung mga gamit niya sa pagpe-paint. He still an engineer pero ngayon unti unti niya ng tinutupad yung pangarap niya na magpaint.

" Ang tagal mo!"

" Sorry." ngiti ko hanggang mapansin ko yung tingin niya sa damit ko na puting polo na sobrang loose sakin. " Why?"

" You look hot." iwas niya ng tingin.

" Eh tara na." natatawang saad ko saka tinulungan syang dalhin yung mga kailangan niya hanggang makarating kami sa dalampasigan. Binaba ko lang yung mga dala ko saka nilanghap yung sariwang hangin sa lugar na yun hanggang maramdaman ko yung pagyakap niya sa likod ko.

" I love you." saad niya, humarap lang ako sa kanya saka sya mahigpit na yinakap.

" I love you too, game na. Saan ba ko pupwesto?" ngiti ko, natawa lang sya saka sinimulan ayusin yung canvas at yung mga gamit niya at upuan. Hapon na nun, may araw pa pero hindi na masakit sa balat yung init nito.

" Just stand there and look straight into my eyes." saad niya, nagkibit lang ako ng balikat saka tumayo, ramdam ko lang yung hampas ng alon sa paa ko at yung hangin na humahaplos sa balat ko. " Tingin ka lang sa mata ko huh?"

" Yeah sure, You know how much I love your eyes." ngiti ko sa kanya.

" Yeah, and i hate it that you love it."

" Why?"

" This is not mine, nakaglasses ako before kasi sobrang labo ng mata ko at hindi na sya kaya ng contact lense kaya naghintay kami ng donor, Nawalan na ko ng pag asa nun kasi napakahaba ng pila ng mga naghihintay ng donor, then there is one crazy guy na hinamon ako na sumagot ng equation, pinusta niya yung mata niya." saad niya saka natawa. " I won."

" Seriously?"

" I thought it was a joke until one day, I got a call from the hospital.Namatay yung lalakeng yun and he donated his eyes. I really cant remember his face, I don't even know his name."

" Bakit ayaw mo ng mata mo?"

" Kasi gusto mo, lagi mo pa sinasabi na it's beautiful."

" It's really beautiful." ngiti ko saka tumingala. " Pinangako ng may ari ng mga matang yan, na lagi niya kong babantayan." bulong ko.

" What?"

" Ah wala, game na." ngiti ko, nagsimula naman syang magpaint, halos kalahating oras din yung lumipas ng umupo ako dahil sa ngalay.

" Kibo, wag kang makulit!"

" Nangangalay na ko Keith!"

" Di pa tapos."

" Sabi mo kahit nakapikit ka kaya mo na ko I-paint!"

" Pero hindi yung mukha mo." ngiti niya, inis naman akong lumapit saka tiningnan yung nasa canvass niya.

" Keith naman eh!" simangot ko ng makitang walang mukha yung ginawa niya.

" kaya nga wait lang di ba?"

" Kaya mo ba kasi I-paint yung mukha ko? Baka gawin mong katulad yan nung nasa kwarto mo huh?!"

" Sabi mo maganda yun?"

" Pero I agree with Queenie na mejo nakakatakot nga sya but it's beautiful." ngiti ko pero nanatili syang nakasimangot. " maganda nga promise."

" Promise?"

" Yeah." sunod sunod na tango ko. Sabay lang kaming napalingon ng marinig yung dalawang batang naghahabulan sa dalampasigan habang naka underwear lang. " They are so cute." natatawang saad ko saka kinuha yung bote ng mineral water.

" Alam mo biggest mystery ng buhay ko, kung sino kumukuha ng underwears ko before."

" Underwears?"

" Yeah, well hindi niya ko nasundan sa dubai at simula nung naging tayo hindi na ko nawalan ng underwears." natatawang saad niya. " Pero kung sino man sya, mabulunan sana sya ngayon!" inis na saad niya, nasamid naman ako saka nabuga yung iniinom ko hanggang magtama yung mata naming dalawa ni Keith.

" Kibo?"

" What?"

" Is it you?"

" No." nakangiting iling ko, tumayo naman sya saka may parang sinusukat.

" Wait kasing tangkad mo nga sya."

" Tuloy mo na kasi yan! Para makapag swimming na ko."

" Ikaw yung kumukuha ng underwears ko? Wait No, babae yun."

" Yeah, it's a girl. Hindi ako." iling ko. " Pero nakakainis, nasaan na kaya yung maleta ko, madapa sana ngayon yung kumuha nun." bulong ko pa.

" What?" tanong niya.

" Wala!" simangot ko.

" I think it's you." saad niya.

" Huh?"

" Ikaw yun Kibo."

" No." iling ko pero bigla lang akong sininok. " No." nanlalaking matang saad ko saka tumakbo, nang lumingon ako kita ko lang yung di makapaniwalang tingin niya. "I am really obsessed with him." bulong ko kasabay ng isang ngiti.

" Kibo!" sigaw niya.

" Yes it's me!" sigaw ko.

" KIBOOOOOO!!!!!!"

THE END



AUTHORS NOTE: Thanks kay Young sa tulong sakin sa story na to, sabi mo nga parang ito yung una nating baby haha.. sobrang salamat.

Tapos na! Xoxo is my first story after ko bumalik sa pagsusulat and pakiramdam ko talaga nagsisimula uli ako, Thanks guys sa mga sumoporta sakin at sa mga taong kahit ang tagal kong nawala ay di ako nakalimutan. Sobrang thank you and see you sa next story ko.. love you guys mwuahhhh

Please like, share, vote and commeeennnntt! Haha baka naman.. share your thoughts.. love yaahhh!


No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails