Followers

Tuesday, October 13, 2020

Checkmate - My billion dollar Baby Chapter 2


 

CHECKMATE

My Billion dollar Baby

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

CHAPTER 2

" THE KING IS BACK"

SI ALLEN

"Ladies and gentlemen, Welcome to the Ninoy Aquino international airport . Local time is 10;15 in the morning and the temperature is 35 degrees centegrade."

" We would like to thank you for choosing emirates, we hope that you enjoyed your flight and looking forward to see you again.. thank you and goodmorning."

Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng marinig yun saka nilagay sa tenga yung earpiece at yung eye glasses mula sa bag ko.

And I am back.

Pagkatapos ng mahigit tatlong taon kong pamamalagi sa iba't ibang bansa ay muli na kong tatapak sa lugar na minsan naisip kong hindi ko na babalikan. Napakaraming masasakit na alaala na kung pwede lang ay nais ko ng ibaon sa limot, mga karanasan na minsang dumurog sakin. Mga pasang tiniis ng katawan ko, mga palong pilit di ininda, mga sugat na naging peklat sa buo kong pagkatao.

Lumaki ako sa kamay ng isang mahigpit at malupit na hari, Hari na minsang kinilala na pinakamakapangyarihan sa lahat ngunit isang araw ay bigla itong bumagsak at nawalan ng kinang ang koronang matagal nitong pinangalagaan.

Pag mamayari ng pamilya namin ang pinakamalaking construction company sa bansa or the fernandez group of companies, We handle big projects, big clients, international investors and we always win when it comes to government project bidding. We offer best of the best construction materials na meron sa bansa. Taon taon din ay nakakatanggap ng parangal ang kumpanya for being the best company in the country.

Kinikilala ang FGC sa iba't ibang bansa na isa sa pinakamagaling sa larangan pagdidisenyo at pag gawa ng mga malalaking gusali.

FGC is an empire..

FGC ruled..

Until one day.

A new kings rises

Mga bagong haring dumating at nagpayanig sa kastilyong matagal binuo ni Daddy, kastilyong pinaglaanan ng dugo at pawis ng pamilya.

Mga bagong hari na umagaw sa koronang aming iniingatan at sinubukan gibain ang kastilyong meron kami.

Pero nandito na ko.

I am Allen Fernandez at handa na kong bawiin yung koronang nararapat lang ay sa akin.

Sinuot ko lang yung cap ko saka humakbang palabas ng eroplano.

" Allen are you ready?"

" You're connected already." ngiti ko ng marinig yun sa tenga ko.

" Yes, handa ka na ba pabagsakin si Anton at Andrew Chua?"

" Sure, white rabit."

" Let's get it on." excited na saad niya, napangiti lang ako saka taas noong naglakad.

Alam ko hindi magiging madali yung haharapin ko, hindi ko alam kung ano kayang gawin ng magkapatid na Chua, how dangerous they are, how heartless pero hindi ako aatras..lalaban ako at pababagsakin ko silang dalawa. Muling maghahari ang FGC, muling maibabalik samin ang korona..pinapangako ko.

" Pakiayos yung eye glasses mo." saad nito, inayos ko lang yung salamin sa mata ko kung saan may nakalagay na camera.

" What should I do."

" Just listen to me, Alam na nila na nandito ka na."

" Ganun sila katakot?" sarkastikong ngiti ko habang hila hila yung maleta ko.

" Nope."

" Then why?"

" They want to destroy FGC and FGC is Allen Fernandez." saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga. " You are FGC and thier main goal is to destroy you."

" And that's not gonna happen."

" You'll never know."

" Wanna make a bet?"

" No , thanks. I am here to help you to destroy them. Hindi pa ko graduate and kapag nawala ang FGC, katapusan ko na." natatawang saad niya.

" Matalino ka talaga."

" Turn left." saad nito, agad naman akong lumiko sa kaliwa, nang lumingon ako may mga nakita lang akong mga nakaitim na lalake sa paligid. " Don't look back, They are everywhere."

" Are they going to kill me?"

" What do you think?"

" Hindi nila kaya."

" Nope, hanggang hindi ka naihaharap sa madla ng Mommy mo at ipinapakilalang bagong CEO ng FGC. You're in Danger Dude, baka maglaho ka nalang na parang bula."

" I see, so hows school Gel?"

" White rabbit, call me white rabbit." inis na saad niya na ikinangiti ko. " And keep walking please." dagdag pa niya. He is Nigel, 3 years ago ginulat niya ko sa hacking skills niya and tried to threaten me na ileleak ang data base ng FGC kapag hindi ko sya binigyan ng schoolarship.

Yes, he is good but what I like about him is yung kagustuhan niyang mag aral. From then sekreto kong sinuportahan lahat ng kailangan niya sa pag aaral, Binigyan sya ng condo at full scholarship sa XIIT na isa sa pinakamalaking IT school sa bansa. Ito ay pag aari ng Xiayen, isa sa mga acquired company ng FGC.

Kung nagawa niyang ihack ang FGC when he was 17, ibang level na sya ngayon at dahil sa galing niya ay ilang beses na niya kong natulungan kahit nasa ibang bansa ako. I met a lot of people while traveling, some are good, some are bad and some are evil.

At kung hindi dahil kay Nigel baka nakakahon akong uuwi ng Pilipinas.

" Allen, Keep walking." rinig kong saad niya, hanggang makita ko yung tatlong flight attendant na kasalubong ko.

" Sino sa kanila, they look the same." bulong ko ng ilang hakbang nalang ay makakasalubong ko sa mga ito.

" Yung nasa kanan, goodluck." rinig kong saad niya, hanggang sadyang bangain ko yung isa sa mga yun, nabitawan lang nito yung gamit nito at yung bag na hawak.

" I'm sorry." hingi ko ng paumanhin dito saka tinulungan itong pulutin yung mga dala nito.

" That is my favorite bag!" iritang saad nito.

" Eye contact." rinig kong saad ni Nigel, nilagyan ko lang ng ngiti yung labi ko saka inabot dito yung mga pinulot ko.

" I am really sorry." nakangiting saad ko, kita ko lang yung pagbaba ng kilay nito ng magsalubong yung mga mata namin. " Wow, You're beautiful." kunwareng manghang saad ko. " Hello ladies." bati ko sa mga kasama nito.

" Hello." ngiti din bati sakin ng dalawang kasama niya.

" Hindi ko sinasadya, I apologize..Uhm actually sinadya ko, How about coffee?"

" Eye contact allen, wag kang bibitaw." saad ni Nigel.

" Coffee?"

" I know how expensive that bag is, if you want me to buy you a new one. Have coffee with me." ngiti ko kita ko lang yung titig nito sakin.

" Huwag masyado ngumiti." saad ni Nigel.

" It's a no?" pilit na ngiti ko.

" He's really tall, pumayag ka na." rinig kong bulong nung isa.

" What is your name?"

" Remove your glasses and cap then Proudly introduce yourself Allen." Rinig kong saad ni Nigel, tinanggal ko lang yung nasa mata ko at sumbrero.

" Allen... I am Allen Fernandez." ngiti ko, kita ko naman yung gulat sa mata nito.

" Allen?!" maang nito, marahan lang akong tumango.

" Coffee?" ngiti ko.

" Sure, I am Grace Ching and these are my Friends. Nice to finally meet you." nakangiting saad nito. " Oh my God."

" No, it is my pleasure to meet you. You're really beautiful." ngiti ko, kita ko lang yung paghawi nito ng buhok sa tenga nito.

"Thank you, My God are you for real?"

" I think so."

" Can you wait for me? May mga kailangan pa ko gawin pero promise bibilisan ko." ngiti nito. " Please."

" Okay lang."

" Do you have a car?'

" Yes, nasa parking area sya."

" that's good, Wait me there..uhm can I have your number?" taas niya ng phone niya.

" Of course." saad ko, pagkaabot niya sakin ng phone niya ay nilagay ko lang yung number ko dito.

" See you, promise bibilisan ko."

" Sure." sagot ko, kita ko lang yung pagbubulungan nila habang papalayo sila sakin, isang malalim na hininga lang yung pinakawalan ko saka ngumiti.

" Kapag pinagsama talaga ang looks, money at power kahit sinong babae ata hindi tatangi." mapait na saad ni Nigel, natawa lang ako.

" So she knows me?"

" Of course, sya ang pumilit sa Daddy niya para bigyan ng chance ang proposal ng FGC sa ipapatayo nilang hotel and casino."

" Pinilit niya yung Daddy niya, because of me?"

" Ganun ka kagwapo." sarkastikong saad niya.

" Parang hindi naman."

" Ngayon, turn naman ng Mommy niya."

" Wait, that proposal is schedule today right? Where is Jessica?" Tanong ko na ang tinutukoy ang CEO ng Xiayen and tumatayong ngayon bilang COO ng FGC. Sya ang namamahala sa mga deals and projects ng kumpanya. " Nigel, That deal is important to FGC, so where is Jessica?"

" She is being Kidnap right now." natatawang saad niya.

" What?!"

" Wait a second."

SI JESSICA

" I am about to leave, I need to go to the office para magprepare sa proposal. Nigel pakisabi nalang kay Allen na welcome back." suot ko ng earpiece sa tenga ko pagpasok sa kotse. Agad ko lang pinaandar yung sasakyan ko.

" I told you na wag mo ko tawagin sa pangalan ko di ba?"

" Sorry."

" Nasa ikatatlong taon palang ako sa college at wala akong planong mamatay ng maaga."

" Sorry, I forgot. White rabbit." sarkastikong saad ko. " Bakit kailangan ko magsuot ng earpiece ngayon? May kailangan ka ba sakin? May problema ka sa school? Allowance? What? Tell me kasi ang alam ko pinapasuot mo lang sakin to kapag tingin mo nasa panganib ako. So Am I in Danger?"

" Yeah." saad niya, Nanlaki lang yung mata ko ng makita yung van na yun na humarang sa kotse ko. " Kasi may plano sila sayo."

" Are you serious!?"

" Goodluck." natatawang saad niya.

" Damn it!"

" Relax, let them wag ka na pumalag para hindi masira yung make up mo."

" Yung proposal?!"

" Makakarating ka don't worry."

" How!?"

" Open the door at itaas mo yung kamay mo, baka bigla kang paulanan ng bala ng mga yan." Kita ko naman na may mga bumabang lalake duon, shit! " Labas na Ms. Jessica, and don't forget to tap your bracelet kapag kailangan mo ng tulong." saad niya, napadako lang yung tingin ko sa bracelet na pinadala niya sakin.

Maraming beses ko na nagamit yung bracelet na yun.

Ilang beses na din ako pinagtangkaan ng magkapatid na Chua at laging si Nigel ang dahilan kaya nakakaligtas ako at nakakatakas.

" Di ko pa ba kailangan ng tulong sa lagay na to?" Pindot ko sa bracelet.

" No, kailangan mo sumama sa kanila."

" Kapag namatay ako ngayon, pakisabi sa boyfriend ko na mahal na mahal ko sya."

" Copy."

" You!"

" Anything else, kasama ba ko sa last will mo?"

" You little shit!" inis na saad ko pero natawa lang sya. Binuksan ko lang yung pinto ng kotse ko saka tinaas yung kamay agad naman na may humila sakin saka ako sinakay sa van na yun. Agad lang sinara yung pinto at mabilis na pinaandar.

" Damn it!"

" Relax." rinig kong saad ni Nigel.

SI NIGEL

" Are you sure she's safe?" Rinig kong saad ni Allen, napangiti lang ako saka uminom sa frapuccino sa harap ko. Nasa pinaka gilid ako nun ng isang coffee shop habang pinapanuod si Allen sa loob ng airport.

" Kaya niyang palagan yung mga yun, wala kang tiwala sa kanya?"

" Pero."

" What?"

" Where is my secretary anyway? Jessica told me na magiging secretary ko uli si Joyce right?"

" Yung maarte mong secretary?"

" Yeah, where is she?"

" I don't know, Nasabi ko na yung location ng car mo so I have to go." saad ko ng makita yung matandang babae na yun palabas ng comfort room kasunod yung secretary ni Allen.

" Wait, how about Jessica?" saad niya pero sinara ko na yung laptop ko at nilagay sa bag saka tumayo at humakbang, isang ngiti lang yung kamawala sa labi ko pagkalabas ng coffee shop na yun. Nagpara lang ako ng taxi saka agad sumakay dito.

Binuksan ko lang yung laptop ko.

Narinig ko naman yung pagrereport ng mga lalakeng kumuha kay Jessica sa boss nito, nang matapos ay pinindot ko lang yung line ng secretary ni Allen.

" Nakuha mo?"

" Yes, who are you?" tanong nito.

" Just call me white Rabbit, Check your messages. Nasend ko na kung saan mo aantayin si Allen."

" Okay, teka laging boses mo lang naririnig ko. Nagkita na ba tayo?"

" Hindi pa, bye."

" Wait do you have a girlfriend?"

" Madami, bye." putol ko sa linya niya saka sinimulan kalikutin yung laptop ko, nang matapos ay agad ko na itong sinara. Girlfriend?! napakadami kong monitor sa condo..lahat yun girlfriend ko! Haha Ilang minuto pa ng makarating yung taxi sa malaking building ng XIIT. Pagkascan ng ID ko ay nakapasok na agad ako saka nagmamadaling sumakay sa elevator.

" Malelate na ko." bulong ko hanggang maramdaman ko yung pag vibrate ng bracelet ko at lumitaw yung pangalan ni Jessica. " Shit!"

Pagbukas ng elevator ay agad ko lang tinungo yung banyo saka nagsara sa isang cubicle at nagmamadaling nilocate yung location ni Jessica.

" Rico, malapit na sila."

" Copy." sagot nito.

" 30 seconds." saad ko habang pinagmamasdan yung bilis ng pag galaw ng sasakyan kung nasaan si Jessica. " 20 seconds."

" 10 seconds, ikaw na bahala. I have to go." saad ko saka sinara yung laptop, inayos ko lang yung salamin sa mata ko saka nagmamadaling lumabas ng banyo at patakbong tinungo kung nasaan yung 1st subject ko ng araw na yun.

" Allen, Jessica I'm listening if you need help okay." pindot ko sa line ni allen at jessica sa phone ko.

" Okay." rinig kong saad ni Allen, binuksan ko naman yung pinto ng kwartong yun kung saan nagsisimula na yung klase, Isang ngiti lang yung binigay ko sa professor na nasa unahan.

" Mr. Clemente, you're late."

" I'm really sorry."

" Late na pala yung baby natin eh." natatawang saad ni Allen.

" Humanda ka sakin!"gigil na sigaw ni Jessica.

SI JESSICA

" Maganda pala to eh." nang aasar na ngiti ng katabi ko habang inaamoy yung buhok ko, malayo na yung narating ng van na yun na dumukot sakin, wala na din kami sa hi way at halos wala na kong makitang mga bahay sa paligid.

Yung batang yun talaga ang una kong mumultuhin kapag namatay ako! Agghh!

" Pre ang bango." Saad nung isa.

" Ano ba!" asik ko dito.

" Ano plano ng boss natin jan."

" Sino boss niyo? Mga Chua di ba?!"

" Secret." ngiti nung nagdadrive.

" Mga hayop kayo!"

" Eskoran ko muna to pre bago natin itapon sa ilog." halik sa leeg ko nung katabi ko agad ko naman tong siniko saka sinampal sa mukha. " Ay palaban!"

" Shit!" gigil na saad ko nang hawakan ako ng isa, agad naman akong nagpumiglas saka pilit pinindot yung bracelet ko. " bitawan niyo ko!" kagat ko sa tenga nung isa habang pilit akong hinahalikan sa pisngi.

" Ahh!" sigaw nito, napangiti lang ako ng makita yung pagdugo ng tenga nito. " Tangina kang babae ka ah!"

Pinunasan ko lang yung labi ko saka malakas na siniko yung nasa kabilang gilid ko, pilit naman akong hinahawan ng isa pa.

" Hawakan niyooo!"

" Fuck! You ugly shits let me go!!" sigaw ko hanggang maalog yung ulo ko nang biglang may bumangga sa sinasakyan namin, halos mabingi ako sa lakas nun, tingin ko umikot yung sasakyan. " Shit!" nanlalaki ang matang saad ko saka sinapak sa mukha yung nasa gilid ko at pinilit makalabas ng sasakyan.

Nang hanapin ko yung bumanga nakita ko lang si Rico na nakangiti sakin saka pinaandar yung kotse niya, agad naman akong sumakay dito pagtapat sakin.

" Buhay pa yung mga nasa loob?" tanong niya.

" Damn you! Balak mo din ba ko patayin!?" suntok ko sa braso niya hanggang marinig ko yung pagtama ng bala sa salamin ng kotse niya na dahilan para mabasag yung likod na bahagi.

" Buhay pa." natatawang saad ni Rico, sinuot ko lang yung seatbelt ng maramdaman na binilisan niya yung pagpapatakbo.

" Allen, Jessica I am listening if you need help."

" Okay." rinig kong saad ni Allen.

" I am sorry I'm late."

" Late na pala yung baby natin eh."

" Humanda ka sakin!" sigaw ko, narinig ko naman yung pagtawa ni Allen.

" You okay babe?" tanong ni Rico sakin, inirapan ko lang sya saka kinuha yung tissue sa dashboard niya at pinunasan yung pisngi ko, kadiri yung panget na yun.

" You are asking if I am okay? Mukha ba kong okay?" simangot ko sa kanya. " bakit kailangan mo ko ipakidnap sa mga yun, white rabbit?!"

" Para makapag report sila na nakuha ka nila, you guys leave them in a middle of nowhere. Wala na din silbi yung phone nila kaya sigurado ako na hindi agad na marereport na nakatakas ka." mahinang saad ni Nigel.

" Why are you whispering?"

" I'm on my class right now." gigil na bulong pa niya. " So please, let me study."

" Oh sorry, bakit di ko na marinig si Allen?"

" Kasi ang ingay mo daw." bulong pa ni Nigel.

" Bakit may tahimik ba ni kinikidnap?" simangot ko.

" your safe, I have to cut you off. Masakit ka na sa tenga." saad ni Nigel.

" Wait! Nigel?" saad ko pero wala ng sumagot dito, lumingon naman ako kay Rico na nakangiti lang habang nagdadrive. " Hate that Kiddo, he is really annoying."

" Pero lagi ka niyang nililigtas." saad ni Rico. Anyway Sino sya? Hindi niyo pa pala sya kilala. He is my boyfriend and we've been together for more than a year now. Nakilala ko sya dahil sya yung pulis na nag imbestiga sa kasong sinampa ko sa mga Chua nang isang beses ay pinagtangkaan akong dukutin.

Yeah, he is a police officer at bahagi sya ng CIDG na nagiimbestiga ng iba't ibang kaso at kabilang dito yung napakaraming kaso ng mga Chua na hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang meron sila at nalulusutan nila lahat.

Sabi ni Rico, malakas daw ang connection ng bwiset na magkapatid na yun at malaki ding pera ang binabayad ng mga ito para lang makalusot sa mga kasong sinasampa sa kanila.

Bukod sa solid na security na meron ang magkapatid, lider din ng mafia ang isa kanila. Yun ay si Andrew Chua.

That Mafia is scary, kayang kaya nila ko patayin pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin nila ginagawa.

" Thank you for saving me." ngiti ko kay Rico.

" Hahayaan ba naman kita mapahamak." lingon nito sakin

" Pero anong plano mo dyan sa kotse mo." turo ko sa bumper ng kotse na wasak, napakamot naman sya ng ulo saka nagkibit ng balikat.

" Kotse lang yan, mas importante ka. I love you babe.."

" I love you too." ngiti ko.

" Damn I can still hear you, it's disgusting." rinig kong bulong ni Nigel.

" Kiddooo!" sigaw ko, natawa lang si Rico.

" Kailangan ka na sa office kasi Mr Ching is on his way na, so pakisabi sa nauto mong boyfriend. Bilisan yung pagdadrive." mahinang saad niya.

" Simula umpisa, You are so annoying, Oh my God." inis na saad ko.

" No, I am not."

SI NIGEL

" Mr Clemente, who are you talking to?" napangiwi lang ako ng marinig yun, nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko lang yung seryosong mukha ng prof ko.

" Buti nga." rinig kong saad ni Jessica.

" I have to go to the bathroom ma'am, Masama po kasi yung tyan ko. Pinilit ko lang po talaga pumasok."

" Liar." sarkastikong saad ni Jessica.

" Sure." saad ng prof niya, kinuha ko lang yung bag ko saka tumayo at lumabas ng room na yun.

" Late na nga, tapos lumabas pa."

" Allen needs my help, so shut up." saad ko saka pinutol yung linya ni Jessica, napakaingay talaga nun haixt hanggang makita ko yung professor namin sa math na kasalubong ko, oh shit.

Tumungo lang ako saka tinuloy yung paglalakad, busy sya sa cellphone. Sana hindi ako mapansin.

" Where are you going?" tanong nito ng magtapat kami, dahan dahan lang akong nag angat ng tingin saka naglagay ng ngiti sa labi ko.

" Good afternoon Sir Vincent, Uhm sa banyo lang po ako." nakangiting saad ko pero nilapit niya lang yung mukha niya sa mukha ko saka ngumiti. Hindi ko lang mapigilang mapalunok ng sandaling yun. " S-Sir."

" Lampas ka na." turo nito kung nasaan yung banyo sa floor na yun, nakagat ko lang yung labi ko saka umatras ng konte.

" Ah.. Maarte po kasi yung pwet ko, gusto niya sa ground floor.

" Pwet?"

" Yes po." ngiti ko.

" Ako yung next subject so let's go." ngiti nito.

" Sir wait lang po."

" I know you, hindi ka babalik." saad nito, umiwas lang ako ng tingin hanggang maramdaman ko yung paghawak niya sa uniform ko at hinila. " Tara na." walang gana naman akong sumunod sa kanya.

Damn it!

" Sir, sandali lang talaga promise."

" May kasalanan ka pa sakin, hindi pwede. Alam mo bang depress pa rin yung sister ko dahil sa pang bubusted mo sa kanya. Totoo ba yung sinabi mo sa kanya?"

" Na alin?"

" Na ako daw ang gusto mo kaya hindi kayo pwede?" saad nito, nanlaki naman yung mata ko. " Tingin mo may chance kaya tayo?" saad pa niya.

Whatt?!!! Hell no!

" No, wala akong sinabing ganun." sunod sunod na iling ko. " Wala, walang akong sinabi na kahit anong may kinalaman sa inyo sir. Never!"

" Just kidding." natatawang saad niya, hanggang marinig namin yung bell, walang gana naman akong pumasok sa room. Umupo lang ako sa pinakadulo at nangalumbaba habang pinagmamasdan yung prof na yun, Maganda yung kapatid niya pero wala talaga akong plano magkaroon ng relasyon. Istorbo lang sa buhay yun at ang pagkakaalala kong sinabi ko sa kanya na lalake ang gusto ko at wala akong sinabi na kuya niya yun.

Sinabi ko lang naman sa kanya yun para tigilan niya na ko, badtrip!

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tiningnan sa phone ko yung location ni Allen.

" Allen, you okay?" bulong ko.

SI ALLEN

" Are they still here." tanong ko. " Saan ako dadaan papuntang parking lot?"

" Yeah, I'll send you the route kung saan ka dadaan." saad ni Nigel, ilang sandali pa ng makita ko yung sinend niya. Inayos ko lang yung cap ko saka tumayo sa kinauupuan ko. " Make sure na di ka makikita."

" Are you serious, sa tangkad kong to kapansin pansin ako."

" Then kneel down, I'm trying to study ayoko naman sayangin yung scholarship ko please."

" Fine." natatawang saad ko saka nagsimula humakbang, Nang lumingon ako ay nagtama lang yung mata namin ng isa mga lalakeng nakaitim na yun, ngumiti lang ako saka tumalikod at nagmamadaling naglakad.

" Nakita ako nung isa." bulong ko.

" Then walk faster." saad ni Nigel, pag lingon ko nakita ko lang yung iba na papunta sa dereksyon ko, binilisan ko lang yung paglalakad ko. " Di ka nila makukuha sa loob, so iligaw mo muna sila."

" They are following me."

" Damn it." inis na saad niya.

" What's with the laptop Mr Nigel?" rinig kong saad ng kung sino sa linya ni Nigel.

" Uhm just taking notes sir, I lost my pen." saad ni Nigel, pinilit ko naman makihalo sa maraming tao at hinubad yung sumbrerong suot ko.

" Where should I go?" tanong ko ng mawala sa paningin ko yung mga sumusunod sakin.

" Turn right, there is a bathroom there, pumasok ka dun and change your clothes."

" Copy." saad ko, pag liko ko ay nakita ko lang agad yung banyo. Agad lang akong pumasok dito saka naglock sa isang cubicle, agad lang akong sinuot yung puting hoody na yun na pinatong ko sa coat na suot ko.

" Faster." rinig kong saad ni Nigel, agad naman akong lumabas saka nagmamadaling humakbang, napangiti lang ako ng masalubong yung isang nakaitim na coat, lumapas lang to sakin.

Hanggang makalabas ako ng airport, agad ko lang tinungo yung papunta sa parking lot.

" Finally." rinig kong saad ni Nigel, agad ko naman nakita yung kotse ko base sa mapa na binigay ni Nigel. Its a red car madalas kong ginagamit bago ako nagsimula magtravel. " Anyway that hoody is cute."

" Gift mo sakin to di ba?" natatawang saad ko pagpasok ko sa kotse ko. " Oh my God I miss this car." hawak ko sa manibela.

" May namiss ka pala dito, akala ko nga di ka na babalik eh." natatawang saad niya.

" Nasa klase ka di ba?"

" Pinatunog ko yung fire alarm, so nagtakbuhan na sila."

" You are crazy, namiss ko ang Pilipinas."

" Are you happy that you're back?" humugot lang ako ng malalim na hininga. " Sabi ni Ms. Jessica, kung papipiliin ka hindi mo na gusto bumalik dito."

" This where I belong, babalik at babalik ako dito. Nacontact mo na ba kuya mo?"

" Not yet."

" Mahahanap din natin sya, wag kang mag alala."

" There is no record of him leaving the country, tingin mo nasaan sya?"

" I don't know, hindi naman kami close pero I am sure he's safe."

" It is so frustrating na walang magawa yung skills ko para mahanap sya, ginawa ko na lahat pero wala parin."

" Tutulungan kita."

" I actually have a place in mind, kung nasaan sya."

" Where."

" I don't know if it's real or kung nag eexist ba yung lugar na yun. Not sure pa."

" What do you mean?"

" Habang sinusubaybayan ko yung galaw ni Mr Ching, I discover something. There is a secret place, they call it The Lair."

" what?'

" I will talk to you this in private, I think ikaw lang talaga makakatulong sakin para masigurado kung nanduon talaga si Kuya Trey."

" Sure." nag ring lang yung phone ko, agad ko naman tong sinagot.

" Hi, this is Grace, Grace Ching. Malapit na ko sa parking lot, where are you?"

" Sure." saad ko saka hinubad yung hoody ko at nilagay sa likod, pagkalabas ko ng kotse ay natanaw ko agad sya na may ngiti sa labi.

" Sorry talaga kung natagalan ako, madaming inayos sa loob eh." pilit na ngiti.

" It's okay." tango ko sa kanya saka umikot at pinagbuksan sya ng pinto ng kotse.

" Wow this is your car?"

" Yeah, Love this car."

" I love the color."

" 5 years old na tong car ko, it's just my favorite." natawa lang sya saka pumasok sa loob.

" I'm really excited na mameet mo yung mom ko." ngiti nito pagsakay namin sa kotse ko, kita ko lang yung tingin niya sakin. Pinaandar ko lang yung sasakyan ko.

" Your Mom?"

" Yeah, may lunch date kami ni Mommy ngayon. So instead of coffe, Please join us?" ngiti nito.

" Are you sure okay lang?"

" Yeah, my plano talaga kami mag lunch today and since kasama kita kaya gusto na din kita ipakilala sa kanya."

" Pero."

" She will love to meet you."

" I will make a reservation sa Gold city." rinig kong saad ni Nigel.

" I Actually have a reservation in gold city, Mejo nagugutom talaga ako eh. Is it okay for you or if you don't want there I can call my secretary to make a reservation to any restaurant you prefer?"

" No, It's fine. Gold city is fine with me, I am sure matutuwa si Mommy."

" I am sorry kung may nasira akong plano niyo ng Mommy niyo."

" No worries." ngiti niya. " I really wanted to meet you and now, I never thought that this day is my lucky day coz finally nakita na kita."

" You have a crush on me?"

" I am your biggest fan, I watched all your vlogs about your travels, it's fascinating that I am actually talking to you right now. Hindi kita nakilala kanina kasi di ko naman expected na makakasalubong kita."

" Really?"

" Yeah, I am really interested in you that's why inalam ko lahat ng tungkol sayo and nalaman ko na anak ka pala ng may ari ng FGC, nung nalaman kong natalo kayo sa bidding I ask my Dad to give FGC another chance."

" Wow, thank you."

" Your project with the Delgados, It is perfect and beautiful. Hindi ko maintindihan si Dad bakit tinangihan niya ang FGC."

" Inaantok ako sa mga sinasabi niya." rinig kong saad ni Nigel, napangiti lang ako. " Mas nakakaantok pa dito sa prof ko."

" Do you have a boyfriend?" pagbabago ko ng usapan.

" Do you have a girlfriend?"

" Kung napanuod mo yung mga vlog ko, I am sure alam mo yung sagot."

" Wala pa rin hanggang ngayon? oh my god with that kind of face and heigth and money? You are perfect boyfriend for me."

" Tapos na ko magtravel."

" So ready ka na magkaroon ng relasyon?"

" Maybe?" ngiti ko, nag ring naman yung phone nito.

" Flirt." saad ni Nigel. " Kung syosyotain mo yan hanggang makuha niyo yung deal sa pamilya niya, better." natawa lang ako.

Pag dating namin sa Gold city ay tumuloy lang kami sa Shang palace na isa sa pinakasikat na restaurant na may Chinese Cuisine.

" My mom knows the Chef here." ngiti niya sakin. " Do you love chinese foods?"

" Yeah, Nagstay ako sa china ng almost 4 months and chinese cuisine is amazing."

" Really, ang ikli ng vlog mo sa china. Nagpunta ka pa ba sa ibang lugar bukod sa Beijing?

" Di naman lahat ng pinuntahan ko, inupload ko. You know I Want to experience the place with my own eyes kaya di ko na videohan .Bukod sa beijing and Guangzhou from there pumunta ako ng Huangguoshu and experience the highest waterfall in the world."

" Huanggoushu waterfall or the."

" Yellow fruit tree." ngiti ko, natutop niya lang yung labi niya.

" Isang beses palang akong nakapunta dun and that place is majestic."

" Sobra." ngiti ko.

" Oh my, sana nilagay mo sya sa vlog mo."

" One of the best experience sa pagtatravel ko, at babaunin ko yun dito." hawak ko sa dibdib ko.

" Alam mo dahil sayo, gusto ko na din mag travel."

" Nagagawa mo naman, you're a flight attendant."

" Yeah, pero gusto ko tulad nung sayo..yung nakakapagstay ka sa isang lugar ng matagal at naeexperience mo lahat ng gusto mo. One day susubukan ko din yan."

" So bakit wala kang boyfriend?" ngiti ko.

" 2 months palang akong flight attendant and this is my dream. I know my priorities and being in a relationship is not my cup of tea."

" Wow, so wala pa kong ginagawa. Rejected na ko agad?" natatawang saad ko, napangiti naman sya. " I thought you like me."

" Yeah, I like you. I think you are an amazing person, I am your fan but my priority right now is my dream."

" Yun lang." natatawang saad ni Nigel.

Ilang minuto pa kaming naghintay ng dumating yung Mommy niya, tumayo lang ako saka bumeso dito.

" Good afternoon Mrs. Ching."

" Good afternoon, you must be Allen?"

" I am Allen Fernandez, pleasure to meet you." ngiti ko.

" You're handsome."

" Thank you, You look young, I can honestly mistaken you as her sister." baling ko kay Grace na anak nito, kita ko naman na natawa to.

" Let's sit." ngiti nito.

" Mom, Where is Dad?"

" Actually nasa FGC sya ngayon para sa ipepresent nila na proposal para sa project ng Daddy mo."

" Mom, He is Allen Fernandez. Anak ng Ceo ng FGC."

" Really??" gulat na saad nito.

" Yes po." tango ko.

" I really don't understand your father for choosing Aces and Kings, I think FGC is the best option for his project but I'm glad nasa FGC sya ngayon para bigyan ng chance yung proposal ng company niyo."

" That is because of me Mom." ngiti ni Grace.

" Thank you Grace." ngiti ko.

" No worries, I do believe in your company."

" But your father is the who will make the decisions."

" I Hate him." bulong nito.

" Let's order?" ngiti ko.

Ilang minuto din kami naghintay bago dumating yung mga order namin, nagsimula lang kaming kumain. Tingin ko mabait naman itong mag ina na to, Hindi ko lang mapigilang pagmasdan si Mrs Ching nang kunin nito yung Steam stuffed buns sa mesa.

" You know what, I am actually allergic to glutten. But this is so delicious." ngiti nito pag kakagat nito.

" Mom, you have your medicines naman di ba?"

" It's in my bag."

" Your allergy to gluten, is it severe?" tanong ko.

" No, hindi naman pero she have to take her meds kapag kumakain nun or else magiging itchy yung feelings niya."

" I see."

" Don't worry, wala kang tiwala sakin." rinig kong saad ni Nigel sa earpiece na nasa tenga ko.

" I love these foods, but most of it talaga allergic ako. Buti nalang may gamot ako I think nararamdaman ko na yung pangangati." saad nito saka binuksan yung bag niya.

" Buti nalang talaga, I don't have that kind of allergy." saad ni Grace.

" Where is it?" halungkat nito sa bag.

" Yung maarte mong secretary, hirap na hirap kunin yun." natatawang saad ni Nigel, nakagat ko lang yung labi ko para pigilan yung ngiti.

" Why Mom?"

" My meds, hindi ko makita." kinuha naman ni Grace yung bag nito saka sinimulan kalikutin. " Oh my God, ayoko pumunta sa ospital ngayon."

" Mom, wala dito."

" Oh my." iling nito, kita ko lang yung pagsisimula niyang mangati. " call my driver baka nasa kotse." saad nito, nagdial naman si Grace pero ilang sandali pa ng walang sumagot dito. " No." iling ni Mrs Ching.

" Do you want to go to the hospital Mom?" tanong ni Grace dito.

" No." iling nito.

" I am actually allergic to Gluten too." ngiti ko, sabay naman silang napatingin sakin.

" Really?!"

" Allergic ka din sa glutten?" tanong ni Grace.

" Yes, I have my meds here. I don't know kung ganito din yung gamot niyo Mrs Ching but here." kuha ko sa bulsa ng coat ko. Nanlaki naman yung mata nito. " Nung nagtravel ako sa China, dun ko nalang nalaman na allergic ako sa glutten and madalas gamitin ito duon so ito yung binigay ng doctor ko."

" You are an Angel." saad ni Mrs ching saka kinuha to sa kamay ko at binuksan, kita ko lang yung titig sakin ni Grace.

" You know what, muntik na ko tumawag ng ambulance." saad nito.

" Oh my, thank you so much." saad ni Mrs Ching saka binalik sakin yung lagayan ng gamot.

" You can keep it Mrs Ching, I have a lot in my car."

" Thank you."

" It's okay po."

" You're really angel, do you like my daughter?" tanong nito, nagtama naman yung mata namin ng anak niya.

" She actually dump me awhile ago." natatawang saad ko.

" Grace?!" di makapaniwalang lingon nito sa anak niya.

SI JESSICA

Bagsak lang ang balikat ko ng lumabas ng conference room na yun si Mr Ching at maiwan ako sa harapan, Our proposal got rejected. I am actually expecting this because I know that Mr ching have a connections with the Chuas.

" You can go guys." ngiti ko sa team mates ko na nagtulong tulong para sa proposal na yun, isa isa naman silang lumabas hanggang pumasok si Tita Sandra.

" It's okay Jessica." ngiti ni sakin ng Mommy ni Allen.

" But we need that project Tita Sandra."

" I Know, Tingin ko hindi ko talaga forte ang pagpapatakbo ng kumpanyang ito. I made a lot of mistakes, wrong decisions." buntong hininga nito.

" Tita, madumi lang talaga maglaro ang mga Chuas."

" You think so?"

" Yeah, and I really hate that two evil brothers." inis na saad ko.

" But they are eligible bachelor."

" I don't care, ilang beses na may nagtangka sa buhay ko at hanggang ngayon naniniwala pa din ako na silang dalawa ang may gawa nun." simangot ko, natawa lang si Tita Sandra. " May araw din silang dalawa."

" I miss my Son, kung nakasal lang sana kayo."

" Tita, walang chance and I have a boyfriend now. I really love him."

" Sayang lang." ngiti nito, sabay lang kaming napalingon ng bumukas yung conference room.

" Ma'am Jessica, Sir Allen is here."

" Who?" gulat na saad ni Tita Sandra. " My Son?"

" Yes po."

" Allen is back Tita." ngiti ko kay Tita Sandra.

SI ALLEN

Isang matamis na ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng tumigil yung kotse ko sa harap ng matayog na building ng FGC. Kumpanyang na handa kong protektahan kahit buhay ko pa ang kapalit. Finally.

Nandito na ko at sisimulan ko na ang pagpapabagsak sa magkapatid na yun.

Inayos ko lang yung damit ko saka bumaba sa kotse.

" Welcome back sir Allen." salubong sakin ng secretary ko, nakita ko naman na tumigil pa yung isang kotse at bumaba si Grace at Mrs Ching. Tumango lang ako dito saka ngumiti.

" This way." ngiti ko kay Mrs Ching. Taas noo lang akong pumasok sa building kasunod yung mag ina hanggang matanaw ko si Mr Ching na halatang paalis na kasama yung mga body guards nito, kita ko lang yung gulat sa mata nito ng makita yung mag ina niya na kasama ako.

" Good afternoon Mr Henry Ching." bati ko dito. " I want to introduce myself, I am Allen Fernandez the Next CEO of FGC."

" I know."

" Nice to meet you."

" Bakit kasama mo sila?"

" I had lunch with your wife and your daughter."

" But why?"

" Allen is a good guy honey." ngiti ni Mrs ching. " I like him."

" Let's go, I am done here." saad ni Mr Henry Ching.

" You rejected thier proposal?" Tanong ni Grace.

" Honey." Saad din ni Mrs Ching.

Nang makita kong humakbang si Mr ching ay nagsimula lang din ako humakbang hanggang magtapat kami.

" I know a secret." bulong ko

" What do you mean." kita kong lingon niya sakin.

" Last Sunday, Alam ko kung saan ka pumunta." ngiti ko sa kanya, kita ko naman yung gulat sa mata niya.

" What?"

" Gusto mo ba sabihin ko sa wife mo na hindi bussines trip yung pinuntahan mo?" saad ko pero natatawa lang tong umiling.

" Imposibleng malaman mo kung saan ako pumunta."

" Say the magic word Allen." rinig kong saad ni Nigel, Nilabanan lang ni Mr Ching yung titig ko ng mga oras na yun pero ngumiti lang ako sa kanya.

" The Lair." bulong ko kasabay ng isang matamis na ngiti, kita ko lang yung panlalaki ng mata niya.

" Black snake." saad pa ni Nigel.

" Black snake." ngiti ko kay Mr Ching, kita ko lang napalunok to, bakas din sa mukha nito yung pamumutla.

SI JESSICA

Nagmamadali lang akong pumasok sa Office ni Allen saka sya excited na yinakap.

" Allen, I miss you!"

" We got the deal!" ngiti niya, kanina kasama yung asawa at anak ni Mr Ching ay sumang ayon na sya na ang FGC ang kukunin niyang partner para sa pag gawa ng itatayo nilang hotel and casino. Naka schedule na rin yung contract signing.

" How did you do that?"

" Hindi ko magagawa yun without Nigel, wait di ba nakidnap ka? Why are you here?"

" That Kiddo, he is really annoying."

" I can hear you guys." rinig kong saad ni Nigel.

" Thanks Nigel." Saad ni Allen.

" White rabbit."

" Yeah, oo nga pala. I am sorry."

" Fine thank you Kiddo." saad ko.

" I have to go, we completed the mission so you can remove your earpiece na. White rabbit signing off." saad nito, inis ko naman tinanggal yung earpiece sa tenga ko.

" I am so glad your back." ngiti ko kay Allen habang tinatanggal niya yung earpiece sa tenga niya.

" Sobra mo ko namiss?"

" Sobra, But I am happy I have this." taas ko ng kamay ko kung nasaan yung singsing na yun, kita ko lang yung gulat sa mata ni Allen.

" You mean?"

" Engage na kami."

" Bakit di ko alam?"

" Nag propose na si Rico sakin pero sabi ko next year nalang yung kasal, I have to help you pa sa lahat ng kalat ng FGC ngayon."

" You don't need to, kung gusto mo na talaga magpakasal. Okay sakin."

" Allen, No.. kasama mo ko sa laban na to at yang mgakapatid na yan? Humanda sila." gigil na saad ko.

" Jessica."

" You know me Allen, hindi ako aatras ng laban. You are the king of FGC, and I will be your Queen. Dadaan muna sila sakin bago ka nila mapabagsak."

" Fine." ngiti niya.

" Masyadong malawak yung kapangyarihan nila, di mo sila kaya mag isa. Nakuha natin yung deal sa mga Ching pero hindi ito magiging madali." seryosong saad ko hanggang bumukas yung office niya at pumasok si Tita Sandra.

" Mom."

" Bakit di mo sinabi na ngayon ang uwi mo?"

" May kinailangan lang akong gawin, I miss you Mom." saad ni Allen, niyakap naman sya ng Mommy niya.

Sa loob ng ilang taon na wala si Allen, nalaman ko na ang FGC is not just a company..FGC is just a tip of an iceberg, that there are more to it na hindi alam ng lahat at ng nawala yung Daddy ni Allen nagsimula magcollapse ang ilalim ng iceberg na yun.

Now that he is back, Sisiguraduhin kong tutulong ko sa laban na sya lang may kaya na magpanalo.

SI ALLEN

Kinagabihan ay kumuha lang ako ng wine at baso saka tumuloy sa dating opisina ni Daddy. Isang ngiti yung kumawala sa labi ko pag upo sa dati niyang inuupuan.

" I miss you, Dad." bulong ko saka tumunga sa baso. Sumandal lang ako sa upuan at pumikit hanggang nagsimula dumaloy yung luha sa mata ko.

" Hindi kita gustong nakikitang umiyak, naiintindihan mo?!!" galit na galit na sigaw ni Daddy, umiiyak ako dahil sa ginawa niyang pagpalo sakin. " Hindi ka ba talaga titigil!" sigaw uli niya, tinakpan ko naman ng palad ko yung bibig ko para pigilan yung bawat hikbi ko.

" Kailangan mo maging matatag, kasi kung hindi talo ka. Huwag na huwag mo ipapakita na mahina ka, lalo na sa kalaban kasi madali kang mapapabagsak, naiintindihan mo?!"malakas na sigaw nito, sunod sunod naman na pag tango yung ginawa ko.

" Ngayon gusto ko pag aralan mo lahat yan, at hindi ka makakalabas ng bahay hanggang hindi mo naipapapaliawanag sakin ang laman ng mga libro na yan." lapag niya ng mga libro sa harap ko.

" Pero Dad." Hikbi ko.

" Iiyakan mo lang ba talaga ko, simulan mo na yan!" turo niya sa mga libro saka humakbang palabas ng office niya, pinunasan ko lang yung luha ko saka isa isang kinuha yung mga libro na yun.

Oo, malupit si Daddy pero lahat ng ginawa niya ay para matuto at magiging matatag ako sa lahat ng haharapin ko sa buhay, Oo malupit sya pero alam ko na mahal niya ako.

SI ANDREW

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan si Anton na nakatali sa kama habang may piring sa mata, wala na syang saplot na kahit ano ng mga oras na yun at hantad na hantad sa harapan ko yung ganda ng katawan na meron sya.

Katawan na tila nililok dahil sa perperktong pagkakahulma ng bawat bahagi nito.

" Do you really have to do this? Kalagan mo na ko." saad niya, lumapit lang ako saka masuyong dinilaan yung tenga niya.

" It turns me on." bulong ko saka dinala yung daliri ko sa matangos niyang ilong pababa sa mapula niyang labi, napangiti lang ako ng dahan dahan niya itong isubo. Hanggang ibaba ko yung daliri ko papunta sa dibdib niya.

" Do you like it?" halik ko sa pisngi niya at masuyo tong dinilaan, napaungol lang sya sa ginawa kong yun.

" Andrew ayoko nito."

" Pero bakit parang gusto mo?" halik ko sa labi niya saka dahan dahan pinagapang yung kamay ko sa sikmura niya kung nasaan yung napakagandang abs na meron sya hanggang unti unti makarating yung kamay ko sa ari niya, kita ko lang na nakagat niya yung labi niya ng magsimula mag taas baba yung kamay ko dito.

" Andrew, pakawalan mo ko." bulong niya. " I'm gonna kill you." saad pa niya na ikinatawa ko. " I told you na ayoko ng ganito di ba."

" Pero bakit natuturn on ka." bulong ko saka pumatong sa kanya at mapusok syang hinalikan sa labi, agad naman niya tong sinagot.

" Tangalin mo yung nasa mata ko." saad niya pagkatapos ng halik na yun.

" No." natatawang saad ko saka sya sinimulan halikan pababa sa dibdib, masuyong ko lang dinilaan yung utong niya at dahan dahan tong sinipsip.

" Ahhh." ungol niya ilang sandali pa ng tumungo yung mga labi ko sa sikmura niya at nagsawa sa paghalik dito pababa sa pinagpalang ari na yun. Hinalikan ko lang yung ulo nito saka dahan dahang sinubo at pinaglaro yung dila ko sa loob. " Ahhhh." Ungol niya. " Tangalin mo na tong tali Andrew." impit niya pero tinuloy ko lang yung paglabas pasok ng ari niya sa bibig ko.

" Stopp." impit niya, napangiti lang ako saka dinilaan yung pinaka katawan ng ari niya papunta sa dalawang hugis bilog na yun. " Suck my balls." bulong niya, masuyo ko lang tong dinilaan saka salit salitan sinubo. Kita ko naman na halos mabaliw sya sa ginagawa ko.

Napakabango nito na at sobrang nagdala ng init sa katawan ko.

Pinagapang ko naman yung kamay papunta sa butas niya.

" No, you're not gonna fuck me." gigil na saad niya pero dinilaan ko lang yung pinakabutas niya. " Ahhh shitt stopp." ungol niya pero tinuloy ko lang yung ginagawa ko. " Ahhh shit." rinig kong saad niya habang pinaglalaro ko yung dila sa butas na yun. "Ahhh Stop it Andrew." ungol niya, dahan dahan ko lang pinasok yung daliri ko dito. " Damn it! Papatayin kita kapag di mo tinigil yang ginagawa mo!" malakas na saad niya. " Ahh shit!" natawa lang ako saka to muling dinilaan hanggang bumalik ako sa ari niya saka to sinubo.

Bawat ungol niya ng sandaling yun ay tila isang nakakalibog na musika sa pandinig ko.

Ilang sandali pa ng umupo ako saka pinasok sa butas ko yung ari niya at dahan dahan gumalaw.

" Tangalin mo na tong tali, I want to fuck you." saad niya pero tinuloy ko lang yung ginagawa ko saka sya hinalikan sa labi habang labas masok yung ari niya sa butas ko. Naglaro lang yung dila namin parehas, dinama yung bawat labi ng bawat isa, halos mapuno ng laway yung bibig ko ng sandaling yun.

" Damn you." bulong niya saka mabilis na umulos, ilang sandali pa ng maramdaman ko yung pagkagat niya sa labi ko. " I'm gonna cum.. ahhh shit." saad niya, naramdaman ko lang yung likidong yun sa butas ko.

" You're really hot." natatawang saad ko saka sya mapusok na hinalikan sa labi.

Pabagsak lang akong nahiga sa tabi niya saka nakangiting tumingin sa ceiling ng malaking kwarto na yun.

" Tangalin mo na yung tali sa mata ko." saad niya, kinuha ko lang yung tissue saka pinunasan yung katas niya na kumalat sa sikmura niya pagkatapos ay masuyo ko itong dinilaan. " Andrew enough, tangalin mo na tong tali."

Isa isa ko naman tinanggal yung mga tali sa paa at kamay niya, agad naman niyang tinanggal yung piring sa mata niya saka ako tinulak pahiga at sinakal.

Ramdam na ramdam ko lang yung hipit ng pagsakal niya sa leeg ko.

" You want to die?" nanlilisik ang matang saad niya, isang ngiti lang yung ginawa ko. " I told you ayoko ng ganun, gawin mo na sa lahat ng lalake yun wag lang sakin!! naiintindihan mo!"

" But I like it." ngiti ko, kita ko lang yung titig niya sa mukha ko ng mga oras na yun. " Gustong gusto ko kapag nasa ibabaw mo ko."

" Sa susunod na gawin sakin yun, papatayin kita." seryosong saad niya, tinanggal ko lang yung kamay niya saka natawa.

" Labing limang taon na pero parehas parin tayong buhay." ngiti ko, humiga naman sya sa tabi ko. " I Cant kill you, you cant kill me, yun ang totoo."

" I can, kapag napuno ako mauuna ka sa impyerno." Gigil na lingon niya sakin.

" You are not interested sa lair, bakit nagyaya ka dito?"

" I just want to see the place."

" I see." saad ko, tumayo lang sya saka humakbang papunta sa salamin na dingding ng kwarto na yun.

" The King is back." saad ni Anton, umupo naman ako sa kama saka sya pinagmasdan na walang kahit na anong saplot sa katawan habang nakatanaw sa labas ng salamin. Nasa pinakasentro kami ng Lair kung saan nakatayo yung malaking bahay na yun, mula dito ay matatanaw mo yung kabuuan ng isla.

Sinuot ko lang yung bathrobe ko at kinuha yung sa kanya saka humakbang papalapit kay Anton.

Kitang kita yung ganda ng katawan ni Anton ng oras na yun, mula sa malapad na likod pababa sa magandang hugis ng kanyang puwitan, Anton has the perfect body na pinapangarap ng lahat na matikman, pinapangarap makita pero nasa harap ko ngayon.

" Narinig mo ba ko, The King of FGC is back."

"But two aces are better than the King right?" saad ko saka sinuot sa kanya yung bathrobe. Pumunta lang ako sa harapan niya saka tinali yung nasa bewang niya. Nang mag angat ako ng tingin, kita ko lang yung taglay niyang kagwapuhan.

Kagwapuhan na kahit sino ay maakit.

Hindi ko lang napigilan na halikan yung labi niya pero pagkatapos ng halik na yun ay umiba lang sya ng tingin.

" But he have the Queen to protect him."

" I told you dapat matagal ng pinatay yung Jessica na yun."

" Killing the Queen without the King is boring. Gusto ko makita yung mukha ni Allen kapag nakita niyang nalalagutan ng hininga yung Queen niya while protecting him.." saad niya na may malademonyong ngiti sa labi. " I am so excited to witness that."

" Pwede ko bang tikman muna si Allen?" ngiti ko, kita ko lang yung titig niya sakin. " Gusto ko gamitin lahat ng laruan ko sa kanya." saad ko pa saka lumingon sa malaking estante sa gilid ng kwarto kung saan nakalagay lahat ng gamit ko sa pakikipagsex, mula sa whips, posas, gags, riding crop , ibat ibat klase ng vibrator at kung ano ano pa.

" Let's have a race." ngiti ni Anton habang deretsong nakatingin sakin. "Kung kaninong kamay sya mapupunta. To my secret room or dito sa Lair." natawa lang ako ng nakakaloko.

" Sure, he'll be dead either way." ngiti ko.

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails