Followers

Tuesday, October 27, 2020

Checkmate : My billion dollar baby Chapter 4

 



CHECKMATE

My Billion dollar Baby

CHAPTER 3

"THE LEGION"

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

SI ANDREW

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan yung lalakeng yun na duguan na nakahiga sa kama habang walang malay, dumeretso lang ako sa shower at hinayaang agusin yung dugo mula sa katawan ko na galing sa lalakeng yun.

I really enjoy this kind of thing, Sadist tawag sakin ni Anton but actually I just do it for fun at dito ko nakukuha yung satisfaction na kailangan ng katawan ko.

Sadist or what? It doesnt matter anymore.

Paglabas ko ay nakita ko yung mga tauhan sa mansion na nasa pinto, humakbang lang ako na walang saplot na kahit ano, hanggang may isang lumapit sakin at nilahad yung damit na susuotin ko.

Pinagmasdan ko lang to saka hinawakan yung baba niya para itaas yung nakatungo nitong ulo.

Nakamaskara sya kaya tanging babang bahagi lang ng mukha niya ang nakikita.

Isang mapait na ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng mapagmasdan yung mga labing yun.

" That lips is so annoying." sarkastikong saad ko saka hinawakan yung labi niya. " Ihanda mo yung kotse, sasama ka sakin."

" Okay." ngiti niya, tumalikod lang ako saka nagsimula magbihis.

That smile. Ibang iba..

Nang matapos ay muli ko lang pinagmasdan yung lalakeng nasa kama.

" Gamutin sya, I really like that guy. He is a performer." natatawang saad ko saka nilampasan yung mga tauhan ko at tumuloy kung saan nakapark yung kotse, nang lumingon ako nakita ko lang yung lalakeng yun.

" Ano pa hinihintay mo? Tara, isasama kita di ba?"

" Yeah." saad niya saka nauna pang sumakay sa kotse ko. " Ito na ba yung pangako mo?" lingon niya sakin.

" Tingin mo?"

" Tingin ko, yes." ngiti niya. " Katawan ko kapalit nito kaya siguraduhin mo na mag eenjoy ako."

" Okay."

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka napailing.

Sumakay lang ako dito saka to mabilis na pinatakbo pababa, nasa pinakagitna at bundok yung mansion na yun o yung tinatawag sa lugar na to na Den. Sa palibot nito sa baba ay makikita yung hotel, casino, resorts and golf course sa Lair.

Tanging mayayaman na personalidad lang ang pinipili para mainbitahan sa lugar na to pero depende sa yaman kung ano lang yung pwede nila mapuntahan sa isla. The more money you have, the more priveleges ang ibibigay ng islang to para sayo.

Maari kang makapasok sa Den o sa mansion na to kung kaya mong tapatan ang yaman na meron kami ni Anton. Sa tagal ng Lair wala pang sumubok na pumunta sa bahagi na to ng isla.

Money makes this island a beautiful place.

You can walk around the island naked if you want to, walang sasaway at walang magbabawal. Makipagsex kung saan mo gusto, makipaghalikan kahit sa harapan ng iba.

This place is a hidden sanctuary for sexual desire and fantasy.

But in this island lies a hidden treasure.

Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng lingunin ko yung lalakeng yun na nasa driver side ng kotse, nakangiti to habang masayang pinagmamasdan yung nadadaanan ng kotse ko. Kulay kahel na yung kalangitan ng mga oras na yun dahil palubog na ang araw.

" Trey." bigkas ko ng pangalan niya, lumingon naman sya sakin habang may ngiti sa labi.

Nakasuot sya ng maskara kaya tanging labi niya lang ang nakikita ko.

Nung una kong makita yung ngiti niya, parang gusto ko na maniwala na there are really a two sides on this world, that there is light behind the darkness, love that can heal a hatred.

His smiles made me realize that there is an angel in hell.

" Di ba sabi mo pagtapak ko dito sa islang to, kalimutan ko na yung pangalan na yan?" saad niya.

" Yeah." mapait na ngiti ko, ayoko lang kalimutan na Trey ang pangalan niya.

" My codename is Van right? Ikaw nagbigay nun."

" VanKedesi."

" What is that?"

" A breed of white cat."

" Do I look like a cat to you?"

" Nope, I just know someone na sobrang kabaliktaran mo. A wild and dangerous black cat or the Panther."

" Wow, I hate black cat." natatawang saad niya.

" So if ever na makaharap mo sya, just run cause he will kill you." sarkastikong saad ko.

Tinuon ko lang yung atensyon ko sa kalsada hanggang makarating kami sa pinakadulong bahagi ng isla. Tinigil ko naman yung sasakyan.

" Ito na yung dulo?" lingon niya sakin, marahan naman akong tumango na hindi tumitingin sa kanya.

Bumaba lang sya saka masayang tumanaw sa paligid.

" Wow, nakita mo na ba to?" sigaw niya sakin habang nakatayo malapit sa bangin na yun, humugot lang ako ng malalim na hininga saka bumaba ng kotse at nakamulsang humakbang papalapit sa kanya.

Isang bangin yun na matatagpuan sa pinakadulo ng isla, Duon matatanaw mo yung napakalawak na dagat na tila walang katapusan.

" Mejo nakakatakot pero it's so beautiful." saad niya, humakbang naman ako saka tumayo sa pinaka cliff at pinagmasdan yung baba ng bangin na yun. Sa baba nito ay may malalaking bato habang hinahampas ng malakas na alon.

Ilang beses na ko nakapunta dito at tuwing tatayo ako sa cliff na to, hindi ko mapigilan maisip na tumalon, hindi ko mapigilang maisip na tapusin nalang lahat. Na baka sakaling sa susunod kong buhay ay sa magandang bahagi na ko ng mundo mamulat.

" Di ka ba natatakot?" saad niya, nang lingunin ko sya kita ko lang yung pag ngiwi niya.

"How about you, Are you not scared of me?" tanong ko.

" I am." natatawang saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka humakbang papalapit sa kanya saka huminto sa harap niya at masusing tinitigan yung mata niya.

" But I can't I see it?"

" I mean, I was..Wala naman kasing mangyayare kung matatakot nalang ako di ba? Hindi rin naman ako makakauwi."

" Buti alam mo." walang emosyong saad ko saka tumalikod at muling tumanaw sa dagat at hinayaang dumampi sa mukha ko yung mabangong na simoy ng hangin, kitang kita ko lang yung unti unting pagkain ng dagat sa araw, yung ganda nito at katahimikan na dala.

Napakagandang pagmasdan.

" Ikaw bakit iba turing mo sakin?" maya maya tanong niya, napalingon lang ako saka nagbigay ng simpleng ngiti.

" Because I like your face, can you remove your mask?"

" Okay lang ba?"

Marahan lang akong tumango hanggang tangalin niya yung maskarang yun, isang mapait na ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng mapagmasdan yung gwapong mukha na meron sya.

" You like my face or you like me?" ngiti niya pero umiwas lang ako ng tingin. " Nagmahal ka na ba?"

" Nagmahal, ano yun?" Sarkastikong saad ko.

" Hindi pa?"

" Tingin mo yung mga baliw na kagaya ko, marunong magmahal?"

" Sabagay." kibit niya ng balikat. " Bakit mo ginawa tong Lair? Para saan?" tanong niya.

" Yung baliw kong utak ay gusto gumawa ng mundo kung saan normal maging katulad ko." saad ko habang nakatanaw sa malawak na dagat. " Kung saan makikita ko na normal maging masama at maging demonyo. Mundo na matatawag na iba na impyerno pero langit sa mga kagaya ko."

" May impyerno palang ganito kaganda?"

" It is not the place that makes this island a hell, it's the people..it's me." Lingon ko sa kanya. "Ako." seryosong saad ko, napangiti naman sya. " Why are you smiling?"

" Kung lahat ng demonyo ay kasing gwapo mo, wala na kong paki kung nasa impyerno man ako." saad niya saka tinuon yung atensyon sa dagat. Hindi ko naman mapigilan pagmasdan yung mukha niya habang hinahangin yung manipis niyang buhok. " Wag mo ko masyado titigan, baka mainlove ka talaga sakin." saad niya, natawa naman ako.

" Yan, that smile. Paano ako matatakot sayo kung may ganyan ka kagandang ngiti."

" You know I killed people."

" I know, pero usap usapan sa isla na nagbitaw ka daw bilang leader ng mafia? Why?"

" Hindi ko masikmura na kaya nila pumatay ng mga inosenteng tao."

" Inosenteng tao? Ano pagkakaiba nila sa mga pinatay mo? Dito sa isla?"

" Lahat ng taong pumupunta dito sa islang to ay mga demonyo, makasalanan..I love killing them."

" Inosente man o hindi, killing is killing." kibit niya ng balikat.

" You're right." natatawang saad ko. " Well I am crazy anyway, so whatever." lingon ko sa kanya.

" The Panther, he is your brother right?" saad niya, natigilan lang ako.

" Who told you?"

" Isa sa rule dito na may dalawang taong kang hindi pwedeng kantiin sa islang to, Cottonmouth and the panther, I am really confused kasi if he is your brother, eh ano ginawa niyo sa kwarto na magkasama?" napapakamot na saad niya, "Pinagbawalan din kami lumabas nung nandito sya, I am so curious kung anong itsura niya? Nagmamaskara din ba sya kapag nandito?"

" Ang dami mong tanong, gusto mo na ba mamatay?" seryosong saad ko, ngumiti lang sya saka binigyan ako ng sunod sunod na iling. " Let's go, ililibot kita sa isla."

" Yan ang gusto ko." excited na saad niya saka sinuot yung maskara niya, pumunta lang ako sa likod ng kotse saka may kinuhang coat duon at maskara.

" Wear this." abot ko sa kanya ng mask.

" I already have a mask?"

" ililibot kita sa isla, as a guest not as a butler. Yang ganyang uri ng mask ay tanging mga taga silbi lang ang nagsusuot." kita ko lang yung tingin niya sa maskara, it's gold plated mask na sinuot ni Anton.

Dahan dahan naman niya itong kinuha.

" It's heavy, nasasanla to?" saad niya, lumapit lang ako saka hinubad yung maskara niya, napalunok lang ako ng matitigan yung mga labing yun hanggang ngumiti sya. " Why?" tanong niya, marahan lang akong umiling.

Natatawa niyang sinuot yung mask na binigay ko.

" Bagay?"

" Yeah." tango ko. " You're coat, Hubad."

" Dito?" ngiwi niya, marahan lang akong tumango. " Dito tayo magsesex?"

" You have to change your clothes." walang emosyong saad ko.

" Ahh, magpapalit." natatawang saad niya saka nagsimula hubarin yung pang itaas niya, nanatili lang akong nakatingin sa kanya hanggang humantad sakin yung katawan niya, hindi ko lang mapigilan yung mga mata kong hangaan yung taglay niyang kakisigan.

" Hey, I know I am hot." natatawang saad niya na nagpabalik sakin sa katinuan, inis ko lang inabot sa kanya yung damit na hawak ko saka sumakay sa kotse. " Di ko alam kasi kung bakit hindi mo pa ko pinapatawag sa kwarto mo, matagal ko ng tinangap na ito na yung tadhana ko kaya you can do everything you want na sa katawan ko. You know what? Torture sex is actually my wild fantasy."

" Shut up, bilisan mo na." saad kong hindi lumingon sa kanya, pagkabihis ay natatawa lang syang sumakay sa kotse.

" I like you cottonmouth." saad niya hanggang ilapit niya yung mukha niya sa tenga ko. " have sex with me, torture me, choke me, make me scream your name." dahan dahan bulong niya, nilabas ko lang yung baril ko saka tinutok ito sa lalamunan niya. " Tikman mo ko at sisiguraduhin kong di ka magsisisi." bulong niya sa tenga ko.

" Do you really want to die?" saad kong deretsong nakatingin sa harapan, ramdam ko lang yung init ng hininga niya na tumatama sa tenga ko.

" eh kailan ba?" bulong niya.

" Wait for your turn at ihanda mo yung sarili mo kasi sisiguraduhin kong hindi mo yun makakalimutan." lingon ko sa kanya, halos gasinulid nalang yung lapit ng mukha niya ng oras na yun.

Hanggang makita ko yung dahan dahan niyang pag ngiti saka lumayo at umayos ng upo sa driver side.

" I can't wait." saad niyang may ngiti sa labi, gigil ko naman pinaandar yung kotse ko.

Ngayon lang ako nakakita ng kagaya niya, sobrang kabaliktaran ni Anton.

SI ANTON

Pagtigil ng kotse ko sa harap ng malaking builing ng Aces and Kings ay sinuot ko lang yung facemask ko at sun glasses saka bumaba ng kotse. Bakit kailangan ko itago yung mukha ko? Dahil sa isang tao, isang tao na handa kong protektahan.

Pagpasok sa building kasunod yung dalawang bodyguard ko ay tumuloy lang ako sa elevator na tanging nakalaan lang para sakin, pinindot ko lang yung floor kung nasaan yung security team ng kumpanya.

Pagbukas nito ay bumungad sakin yung napakaraming computer at napakalaking screen sa harap nito, agad naman tumayo yung mga tao dun ng makita ako.

"Goodevening sir." bati ng mga ito sa akin.

Lumapit lang sakin yung isa sa mga head na andun saka inabot sakin yung folder na yun, nang buksan ko to nakita ko lang yung report tungkol sa hacker na sumubok na I-hack ang system ng kumpanya.

" White rabbit?" tanong ko sa isa sa member ng security team ng kumpanya habang tinitingnan ko yung report kung saan nakalagay yung codename ng taong yun. " So na-trace niyo kung sino to or kung nasaan sya?"

" Nope, He is good."

" Marco wala akong paki if he is good or not, Do you think member sya ng black hat?" tanong ko pa na ang tinutukoy ang isang samahan ng mga elite hacker sa bansa.

" I don't know, but he is the same person na nakapagpalagay ng malware sa system natin 2 years ago."

"2 years ago na wala kayong nagawa?kaya pinasabog niyo nalang yung hideout niya. Muntik magleak ang datas ng Aces and Kings dahil sa kapalpakan niyo." sarkastikong saad ko. " Pathetic." iling ko. " Gumagastos ang kumpanya ng milyon para protektahan ang database pero isang hacker lang pala ang katapat niyo? Ilan ba kayo dito sa team? Halos isang daan laban sa isang tao? Are you serious?!"

" Hindi niya na magagawa uli yun."

" Eh ano to!" batok ko sa kanya ng folder na yun.

" I am sorry."

" Marco napakalaki ng binabayad sa team niyo para protektahan ang Aces and Kings kaya gawin niyo ng maayos yung trabaho niyo. Dalawang taon na nung sinubukan niya I-hack ang system pero hindi niyo man lang sya hinahanap?"

" Sinubukan namin pero."

" Pero wala! Inutil!" gigil na saad ko.

" Pangako sir, hahanapin ko sya."

" Siguraduhin mo! Kasi kung hindi, baka bigla ka nalang mabura sa mundo."

" Yes, sir." tango niya, nilampasan ko lang sya saka pinagmasdan yung malaking screen kung saan makikita yung live feed ng mga cctv sa kumpanya.

" Ipakita mo sakin ang Lair."

" Pero sir, Sir andrew told me na hindi pwede-"

" Lahat kayo out!" sigaw ko sa mga taong nanduon. " Umalis kayo!" saad ko pa, nagsimula naman mag ayos yung mga taong nanduon hanggang kaming dalawa nalang ni Marco ang natira.

" Falcon eye." lingon ko sa kanya. " You are the best member of this team pero sa oras na makapasok sa system natin yang white rabbit na yan." humakbang lang ako saka tumigil sa harapan niya. " Puputulin ko yang mga daliri mo." bulong ko sa kanya.

" Yes sir."

" Ngayon, wala ng tao. Ipakita mo sakin ang Lair." saad ko saka hinubad yung sun glasses sa mata ko.

" Sir Anton."

" You told me nasa Lair sya, pero hindi ako nagkaroon ng chance na hanapin sya duon dahil sa heaven and earth. Gusto ko masigurado na andun nga sya."

" He is there." Saad ni Marco, lumapit lang sya sa isang computer hanggang lumabas sa screen si Andrew kasama yung lalakeng nakamaskara na yun, isang sarkastikong ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko. " Base sa nakalap ko, mahigit isang taon na sya sa isla."

" He is wearing my mask, you really want to die andrew." gigil na bulong ko,

" I saw Andrew a couple of times kasama si Trey."

" Paano sya napunta duon?"

" Si Sir Andrew lang ang nakakaalam kung paano dahil sya po yung nagdala sa kanya sa lugar na yun."

" Do you think he is safe there?"

" I think Andrew likes him."

" hún dàn, stupid." mapait na ngiti ko. "Ilang beses ko ba sasabihin na, akin lang sya."

" Do you want me to kill Trey Miranda?"

" Or do you want me to kill you?" matalim na tingin ko sa kanya, tumungo naman sya.

" I am sorry sir."

" Do everything you can to find that white rabbit."

" How about Trey Miranda?"

" If Andrew likes him, he is safe. Now I want you to focus to Allen Fernandez and find that shitty white rabbit. You understand?!"

" Yes sir."

" Report to me lahat ng kilos ni Allen Fernandez, lahat ng nasa paligid niya at kung anong plano niya. Sisiguraduhin kong magbabayad sya sa ginawa ng Daddy niya sa Daddy namin ni Andrew. Ang tagal kong nagihintay sa pagbabalik niya, ngayon humanda sya kasi unti unti ko syang papatayin, pipilayin ko sya hanggang sa lumuhod sya sa harapan ko."

Kinuha ko lang yung phone ko saka dinial yung number ni Andrew, ilang sandali pa ng sagutin niya to.

" When will you comeback here?"

" Why, something happened?"

" They got Mr. Ching."

" How?"

" I don't know, But let's get this fun war started. I am really excited to see Allen Fernandez fall on his knees."

" Sure." saad niya, pinatay ko lang yung phone ko saka tumingin kay Marco.

" Kapag nahanap mo yung white rabbit na yun, iharap mo sakin. Ako mismo magpapasabog sa bungo niya."

" Yes, sir." sagot nito, muli ko lang sinuot yung sun glasses ko.

" You are the Falcon Eye Marco and I want you to prove that."

" Okay po."

SI ALLEN

" Bukas na yung contract signing ng project ni Mr Ching right?" tanong sakin ni Jessica, marahan naman akong tumango habang pinipirmahan yung mga papeles na nasa table ko. " Anong balita sa mga Chua, wala silang ginawa?"

" Well sabi ni Nigel, Hindi pa nagpapakita si Andrew Chua kaya malamang ay nasa isla parin sya."

" I see."

" Are you sure na gusto mo pumunta sa islang yun?"

" I have to."

" But that's dangerous."

" I know, pero kailangan ko iligtas si Trey kung nanduon man sya and I think madami akong malalaman tungkol sa islang yun."

" Eh hindi pa nga natin alam kung ano meron sa islang yun, malay mo ba kung nagbebreed sila ng dragon dun?"

" Jurassic park ganun?" natatawang saad ko.

" You never know? Malay mo."

" Black snake, yun ang codename ni Mr ching sa islang yun. There is some sort of codename kapag pumupunta ka sa lugar na yun." saad ko saka inayos yung mga papel at sumandal sa upuan.

" Wait, I don't know if safe na pag usapan natin dito yan." saad niya, nilibot ko naman yung tingin ko sa buong office ko.

" Pinapapunta ko na yung security team dito to check if there is anything like wire tapping here in my office pero wala naman silang nakita , Sinigurado na rin nila yung security ng building kung may elien presence here, wala so I think it is safe here." ngiti ko.

" Wait, Nigel ask me nga pala na palitan yang bracelet mo." ngiti niya saka may tinaas na itim na box.

" Why?"

" I don't know." hinubad ko naman yung suot ko saka binuksan yung box at sinuot yung bago.

" I am worried kay Nigel, alam ko gagawin niya lahat para mahanap kuya niya."

" We will help him." saad ni Jessica.

" Yeah, we will." ngiti ko.

" I just wanna ask something Allen."

" Sure what is it?"

" The Legion." saad niya, natigilan lang ako sa pagbanggit niya nun. " What do you know about them." tanong niya.

" Why do you ask at bakit alam mo yung tungkol sa kanila?"

" I think you need them?"

" Nope, I don't." iling ko saka tumayo. " I have a dinner sa bahay nila Mr Ching, uuwi muna ako sa bahay para makapagbihis." saad ko saka sinuot yung coat ko.

" Allen, our security team is not enough para labanan ang Heaven and earth society. They are big, they even have thier own military so pano mo sila lalabanan?"

" Kaya ng FGC na wala ang Legion."

" Heaven and earth is one of the notorious criminal society."

" Yeah, walang pinagkaiba sa Legion."

" Pero Allen."

" Jessica."

" Isa sa mga dahilan kaya unti unting bumagsak ang FGC dahil sa biglang pagkawala ng Daddy mo at hindi naipasa yung pamumuno ng Legion. Kahit Mommy mo ay ayaw na ayaw na babangitin ko yung Legion."

" Hindi ako interesado sa kanila."

" Matagal na silang naghihintay sa pagbabalik mo."

" I have to go." ngiti ko sa kanya.

The Legion is an organization na pinamumunuan ni Daddy nung buhay pa ito at alam ko kung ano ginagawa ng grupo na yun, mga illegal na gawain, underground partners, dark secrets. Minsan na din akong napakilala sa mga matataas na members nito.

Alam ko ilang beses nila nilapitan si Mommy pero hindi ako papayag na muling mapasama ang pamilya namin sa samahan na yun.

SI JESSICA

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang hawak yung bracelet ni Allen at yung cellphone niya. " I am sorry Allen, but I have to do this." saad ko pa saka tumayo at nilagay sa upuan niya yung mga gamit na yun.

Nang lingunin ko yung camera sa office niya ay kinuha ko lang yung phone ko saka nagdial. " Turn off the camera in his office."

" Yes Ma'am." pinatay ko lang yung tawag saka muling nagdial.

" This is the day, Dad." saad ko.

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka lumabas sa office niya

SI ALLEN

Pagdating ko sa mansion ay naabutan ko lang si Mommy habang nagluluto sa kusina.

" You're early, hindi pa ko tapos magluto." ngiti niya saka bumeso sakin.

" I have a dinner sa bahay nila Mr Ching."

" Ganun ba?"

" Yes, Mom. I am sorry."

" Okay lang." saad nito, tiningnan ko naman kung ano yung niluluto niya.

" Wow, is that Albondigas?" manghang saad ko ng makita yung mga meatballs na nasa pan.

" Your favorite."

Nung bata ako ay madalas ay kasama yung putahe na yun sa laging nasa hapag kainan, My Dad is from Spain, si Mommy naman ay half mexican kaya duon sya lumaki. Sa bansang yun sila unang nagkakilala then Dad decided to put up a bussiness here na ngayon ay FGC na.

Kaya lumaki ako na ang kinakain ay mexican dishes or spanish dishes na masasarap naman talaga.

" Pwede ko tikman Mom, I really miss this." ngiti ko, kumuha naman sya ng maliit na mangkok at nagsandok dito. " Ang bango." amoy ko pa dito. Nang ibigay sakin yung mangkok ay excited ko lang tong tinikman.

" Same taste, it's really delicious." ngiti ko.

" I'm glad nagustuhan mo."

" This is forever be my favorite dish." ngiti ko, natigilan lang ako ng makita yung titig niya sa mukha ko. " Why, Mom?"

" I just wanna say sorry for everything."

" Mom, sinabi ko na po sa iny-"

" Shhh, I love you son and I am so happy na bumalik ka na." nilapag ko lang yung mangkok na hawak ko saka sya mahigpit na yinakap.

" May gusto ba kayong gawin or gusto puntahan? Let's do it together?"

" Wala na anak, yung yakap mo ay sobrang sapat na para maging masaya ako." saad niya, humiwalay lang ako saka sya nakangiting pinagmasdan.

" I love you, Mom." saad ko. " Promise bukas, dito ako magdidinner."

Nagbibihis na ko sa kwarto nun habang nakaharap sa salamin ng mapansin ko na wala yung phone ko. Agad ko naman tong hinanap sa mga gamit ko.

" Where is it?" napapakamot na saad ko, damn sabi pa naman ni Nigel na iingatan ko yung phone ko na hindi mahawakan ng iba. "Damn, I'll buy a new one tomorrow."

" Mom, alis na ko." sigaw ko saka dumeretso sa garahe at sumakay sa kotse ko, Sinubukan ko buksan yung gps ng kotse pero ayaw nito mag on. " Damn it." bulong ko saka pinaandar yung kotse.

Kinuha ko lang sa bulsa ko yung calling card ni Grace, nang makita yung address ay minaniobra ko na yung sasakyan ko, halos kalahating oras din ako nagdrive hanggang makapasok ako sa subdivision kung saan nakatira ang mga Ching.

Wala pang isang minuto ay nakarating ako sa tapat ng malaking gate na yun, nang makilala ako ng gwardiya ay agad nitong binuksan yung gate.

" Inaantay na po kayo sa loob." ngiti nito sakin, marahan lang akong tumango saka pinasok yung sasakyan, agad ko naman na natanaw yung malaking bahay na yun. The house is modern, parang hindi chinese ang nakatira.

" Wow." bulong ko ng makita yung magagarang kotse na nakagarahe duon.

Pagparada ko ng kotse ay nakita ko lang si Grace na nasa pinakafront door ng bahay.

" Allen." ngiti ni Grace pagbaba ko ng kotse ay kinuha ko lang yung dala kong bulaklak at yung red wine.

" Hi, I bought this." abot ko sa kanya ng bulaklak.

" Red wine?" turo niya sa isa pang dala ko, marahan lang akong tumango saka ngumiti. " Madami ka talagang alam sa chinese culture, you know red wine is a must."

" Of course."

" By the way, merong tao sa loob."

" Sino?"

" Let's go." saad niya saka humakbang papasok, sumunod naman ako sa kanya hanggang matigilan ako ng makita yung dalawang lalakeng yun na nakaupo sa living area habang kausap ni Mr Ching.

Si Andrew at sigurado ako na yung lalakeng nakafacemask ay si Anton.

Hanggang magtama yung mata namin ni Andrew, binigyan niya lang ako ng isang ngiti saka to tumayo.

" Finally, nagkita din tayo.." Saad niya saka humakbang papalapit sakin, parang bumagal yung oras ng sandaling yun hanggang magtapat kaming dalawa. " I am Andrew Chua." lahad niya ng kamay niya habang deretsong nakatingin sa mga mata ko habang may ngiti sa labi.

Pinilit ko lang maglagay ng matamis na ngiti sa mga labi ko.

" Allen fernandez." tanggap ko sa kamay niya na hindi inaalis yung tingin dito hanggang maramdaman ko yung pagpisil niya sa kamay ko, ngumiti lang ako saka hinugot yung kamay ko. " What are you doing here?"

" We just had a talk with Mr Ching, congratulations. You got the deal." ngiti niya, nakita ko lang yung pag iwas ng tingin ni Mr Ching sakin. " Don't worry, that project is yours. Ikaw what are you doing here?" tanong niya, nakita ko lang yung tingin niya sa bulaklak na hawak ni Grace. " Ah I see, now I understand."

" Yes, he is courting my daughter." rinig kong saad ni Mr Ching, nakita ko naman na tumayo si Anton sa upuan.

" Dad."

" Okay, I get it. Nice one Allen." ngiti niya. " Okay We have to go."

" Do you want to have dinner here?" Saad ng Mommy ni Grace.

" Hindi na po, We don't have a bussines here anymore so aalis na po kami." saad pa ni Andrew saka tumango, humakbang naman papunta sa dereksyon ko si Anton. Aktong lalampasan niya ko ng hawakan ko yung braso niya dahilan para tumigil sya sa paghakbang.

" I am Allen Fernandez, di ka man lang ba magpapakilala?" saad ko pero tiningnan niya lang yung kamay ko na nakahawak sa braso niya hanggang dahan dahan syang mag angat ng tingin at magkasalubong yung mga mata namin.

Napalunok lang ako ng makita yung mga matang yun.

His eyes...

Damn..

" I am sorry but we have to go." rinig kong saad ni Andrew saka tinanggal yung kamay ko sa braso ni Anton, Di ko lang mapigilan titigan yung mga mata niya hanggang marinig ko yung pag ngisi niya saka ito humakbang palabas at hindi muli pang lumingon.

" I really don't like thier aura." Saad ni Grace na nagpabalik sa katinuan ko.

" Allen, let's talk." saad ni Mr Ching sakin. " Hon, mag-uusap muna kami bago kumain." saad pa nito, sumunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa garden ng bahay na yun.

" Why are they here?" tanong ko.

" Asking me kung bakit ako pipirma sa FGC, Nakapag usap na kami na sa Aces and Kings ko dapat ibibigay yung project so they are asking me why I changed my mind."

" What did you tell them?"

" That my daughter likes you, totoo naman yun di ba?"

" Yeah." tango ko.

" We're good."

" About sa Lair."

" Wag na wag mo babangitin yung lugar na yun."

" What is that place?"

" A secret island."

" Tell me more about it."

" They gonna kill me!" gigil na saad niya.

" Why?"

" Sa oras na malaman nila na alam mo yung tungkol sa islang yun dahil sakin, papatayin nila ko kaya wala kang makukuhang information sakin. It's a secret island na hindi pwedeng malaman ng kahit sino, now kung gusto mo pa mabuhay, wag na wag ka magbabangit ng kahit anong tungkol sa islang yun."

" Kailangan ko makapunta sa islang yun."

" You better not, kalaban ka ng mga Chua at sa oras na tumapak ka sa islang yun. You're dead."

" I don't care, just tell me how to get there."

" You're crazy pero wala kang makukuha sakin, buhay ko at ng pamilya ko ang nakataya sa oras na buksan ko yung bibig ko." seryosong saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga. Kung totoo ang sinasabi niya, hindi ko gugustuhin madamay yung mag ina niya dahil lang sa kagustuhan kong pumunta sa islang yun.

" Okay." kibit ko ng balikat. " I'll figure out myself." ngiti ko sa kanya saka inabot dito yung wine na hawak ko. "For our future partnership."

" Sure." saad niya saka kinuha yung wine. " Interesado ka ba sa anak ko?"

" Why?"

" Gusto ko lang itago mo sa pamilya ko kung ano man ang malalaman mo kapag nakapunta ka sa islang yun."

" Don't worry, nabusted na ko ng anak niyo." natatawang saad ko, kita ko naman na nakahinga sya ng maluwag.

SI ANDREW

Hindi ko lang mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan yung picture ni Allen. " He is hot." natatawang saad ko. " Ano kaya itsura niya kapag nakatali na sya sa kama ko? What do you think?" lingon ko kay Anton habang nakatutok yung tingin niya sa kalsada habang nagdadrive.

" Tingin mo ba mabango yung dugo niya?" mahinang saad ni Anton.

" I don't know pero handa na kaya sya sa plano ko?" saad ko, kita ko lang yung ngiti ni Anton.

Nagdial lang ako sa phone ko.

" Make sure na dadalhin niyo sya sakin ng buhay, wag niyo gagalusan." saad ko na may malademonyong ngiti.

" I have my own plan, sakin sya mapupunta." lingon ni Anton sakin.

" Anong plano mo?" kunot ang noong tanong ko, ngumisi lang sya saka bilisan yung takbo ng kotse.

NIGEL

Nakaupo lang ako nun sa isang bench habang pinagmamasdan yung napakalaking gusali ng Aces and Kings, Kung hindi ko kayang mahack ang system nila sa labas, kailangan ko gawin ito sa loob.

Kitang kita ko yung paglabas pasok ng mga emplyedo sa gusali.

Inayos ko lang yung eye glasses ko saka tiningnan kung nasaan yung kasalukuyan location ni Allen.

" I need a back up." bulong ko habang pinakikinggan yung pag ri-ring ng phone niya. Base sa location nito ay nasa office pa sya. " Answer it." bulong ko pero ilang sandali pa pero walang sumagot dito.

Dinial ko naman yung number ni Jessica pero tanging ring lang din yung narinig ko mula dito.

" Kainis, ano ba ginagawa nila?"

Natigilan lang ako ng may umupo sa tabi ko.

" What are you doing here?" saad nung babaeng yun.

" Aira?" ngiwi ko.

" Yeah, it's me." saad niya na nakataas ang kilay, sya yung baliw na kapatid ni Sir Vincent na prof ko sa math. Well she is crazy, sa pagkakaalala ko ay halos tatlong buwan na niya kong kinukulit para maging boyfriend niya.

Tinulungan ko lang naman sya maayos yung laptop niya pero pagkatapos nun ay hindi na niya ko tinigilan pa.

" What are you doing here?" tanong ko.

" Hindi ako naniniwala na may relasyon kayo ni kuya, kaya hindi mo ko matatakasan." ngiti niya.

" Aira, may relasyon kami. Okay so wala na talaga tayong chance."

" Hindi ako maniniwala hanggang di ko kayo nakikitang nagkikiss sa harap ko." saad niya na ikinangiwi ko.

" Eww." bulong ko, hanggang may matanaw akong lumabas sa building ng Aces and King, naka itim itong long sleeves pero napadako yung tingin ko sa badge nito sa kwelyo na simbolo na isa sya sa empleyado ng security team ng kumpanyang yun.

" Sino tinitingnan mo?" saad niya saka sinundan yung tingin ko. " Marco?"

" Do you know him?" lingon ko sa kanya.

" Of course." saad niya saka tumayo at kumaway dito, kita ko naman na kumaway din to at nagsimula humakbang papalapit samin. " Childhood friend and first love ko, super gwapo niya kasi pero don't worry ikaw nalang nasa puso ko ngayon." lingon pa sakin ni Aira. Nakangiti lang yung lalakeng yun paglapit samin.

" Aira."

" Hi, Marco. Ang gwapo mo pa din saka yung smiles mo grabe parin." saad ni Aira, well maganda nga yung ngiti niya.

" Bola, what are you doing here?"

" I'm with my boyfriend." turo niya sakin. " Hanging out."

What the!

Pero wala akong paki muna, I need some information.

Hanggang magtama yung mata namin ng lalakeng yun, tumango lang to saka ngumiti.

" I am Marco bro, nice to meet you." ngiti nito, lumapit lang ako.

" Nigel." tango ko sa kanya.

" Uhm, nagcoffee lang kami dyan sa malapit then walk walk lang." ngiti ni Aira dito.

" I see, may itsura yung boyfriend mo. Pwede na."

" Sobra di ba, I know right ang gwapo gwapo kaya ng boyfie ko." rinig kong saad pa ni Aira. May napansin lang akong barcode sa badge na yun, I need to get that. Pinindot ko lang yung camera ng eye glasses ko. " Mas bata sya sakin pero wala na kong paki."

" He looks smart." lingon sakin nito, pinilit ko naman lagyan ng ngiti yung labi ko.

" Ikaw, Kuya Marco? Kailan ka magkakagirlfriend?"

" Busy, walang time. Wait kailangan ko na umalis. Kita kits nalang sa mata." saad pa nito saka tumango sakin at tumalikod at patakbong tinungo yung building nila. Pwede kong gamitin si Aira para mapalapit sa Marco na yun.

I am so genius, goodness!

" Let's go na boyfie." saad ni Aira na nagpabalik sa katinuan ko. Boyfie? Kadiri! haha

" At kailan mo pa ko naging boyfriend?"

" Ngayon lang."

" That idea is not compatible with myself, so no thank you." sarkastikong saad ko saka inayos yung salamin sa mata ko at tumalikod saka nagsimula humakbang, hinila naman niya ko paharap sa kanya.

" Nigel naman eh."

" May kailangan pa ko gawin, uwi na ko." ngiti ko sa kanya.

" Kiss muna?"

" Ewww."

" Ano ba mali sakin?"

" Wala?"

" Then why?"

" Wala lang."

" Hindi ka ba nagagandahan sa lips ko, okay sige papayagan kitang halikan ako." nguso niya.

" Ewwww."

" Maka eww ka huh!"

" Eww." kibit ko ng balikat.

" Kainis ka, coffee muna tayo?"

" May importante pa kong gagawin."

" Tulad ng ano?"

" Mag mourn?"

" Huh?"

" Uhm namatay kasi yung lizard sa kwarto ko, umiyak ako hanggang umaga because it was so tragic na nakabitaw sya at tumama yung ulo niya sa semento, it is bloody so hayaan mo muna ako magluksa please? Uwi na ko para ipagtirik sya ng kandila.."

" Gusto mo iuntog ko yung ulo mo sa pader?!" nakataas ang kilay na saad niya.

" No." iling ko. " Uwi na ko."

" Sama ako."

" I am too smart to say yes to that."

" Nigel please." nguso niya.

" look." turo ko sa likod niya, nang lumingon sya dito ay agad lang akong tumakbo. Napangiti lang ako ng marinig yung sigaw niya hanggang makasakay ako ng taxi. " Nakatakas din." ngiti ko saka binuksan yung laptop ko at tiningnan yung camera sa office ni Allen.

Kumunot lang yung noo ko ng makitang naka patay to.

Muli ko lang dinial yung numer ni Allen pero puro ring lang yung narinig ko, kahit yung location ng bracelet niya ay nasa office din.

Nakatulog ba sya?

" Something is wrong." bulong ko saka dinial yung number ni Rico.

SI ALLEN

Halos alas diyes na ng gabi nun ng matapos yung pagkukuwentuhan namin ni Grace pagkatapos ng dinner. Grace is a nice girl, maganda pero kalog.

Hinatid niya lang ako sa sasakyan ko.

" Thanks for inviting me." ngiti ko sa kanya.

" Welcome, I hope may susunod pa."

" Just give me call, pupunta ako." saad ko. " I have to go, goodnight." saad ko pa saka pumasok sa kotse, pinaandar ko lang to, nang lumingon ako nakita ko pa syang nagwave ng kamay sakin hanggang makalabas ako ng gate nila.

" Damn my phone, nasa office kaya yun?" bulong ko saka tinahak yung daan papunta sa office.

Ilang minuto na kong nagdadrive nun mapadako yung tingin ko sa side mirror at mapansin yung kotseng nasa likod ko, pagliko ko ay nakita ko lang na lumiko din ito.

Damn!! 

Binilisan ko lang yung pagpapatakbo ng kotse ko hanggang makita ko na hindi nalang isang kotse yung sumusunod sakin, pinilit ko lang makalayo pero hindi ako tinitigilan ng mga ito.

" Damn it!" gigil na saad ko hanggang makarating sa highway, agad lang ako nagpreno ng may dalawang sasakyan na humarang sa unahan ko. " Shit!" gigil na bulong ko, muli ko lang pinaandar yung kotse ko saka binunggo yung isang sasakyan saka mabilis na nagdrive, kita ko lang sa sidemirror na muling pumasok ang mga ito sa sasakyan nila.

" Shit ano ba gagawin ko?" bulong ko pero nagulat lang ako ng may bumangga sa likod ng kotse ko, binilisan ko naman lalo yung pagpapatakbo. " I don't even have a gun." inis na saad ko saka pilit pinindot yung bracelet na binigay ni Nigel.

" I need help..."

Ilang sandali pa ng mapansin ko yung itim na kotse sa unahan ko, aktong mag oovertake ako ng bunguin ako sa gilid ng isa, ilang minuto din tumagal yung pakikipag girian ng kotse ko hanggang makakita ako ng pwedeng likuan, agad ko lang minaniobra yung sasakyan saka mabilis na tinahak yung kalsadang yun.

Madilim yung kalsadang yun at wala akong makitang kahit anong nakatayo sa paligid.

Nanlaki lang yung mata ko ng makita yung itim na kotse sa harapan na mabilis na tinatahak yung dereksyon ng sasakyan ko.

" Shit!" gigil na saad ko saka niliko yung kotse dahilan para bumangga ako sa isang poste, nang idilat ko yung mata ko nakita ko lang yung pag usok ng unahan ng kotse ko.

Damn it! Ano ba kailangan nila.

Bumaba lang ako saka nilibot yung tingin ko hanggang masilaw ako sa tumamang ilaw sakin mula sa headlight ng mga sasakyan nila, tumambad lang sakin yung anim na itim na kotseng yun. Isa isa lang nagbabaan yung mga lalakeng sakay nito habang may baril na hawak.

" Pinahirapan mo kami masyado." ngiti nung isa.

" Sino kayo at kanino kayo nagtatrabaho?" gigil na tanong ko pero ngumisi lang ito.

" Hindi mo na kailangan malaman, kasi mamatay ka rin naman."

" I am sorry, pero hindi yun mangyayare." ngiti ko saka tumakbo sa likod ng kotse ko, rinig ko naman yung sunod sunod na putok ng baril.

Damn!

" Sumama ka nalang at magmakaawa sa boss namin, baka sakaling maawa sya at buhayin ka." rinig kong saad nito.

" Fuck you!" sigaw ko.

" Wag mo na kami pahirapan." saad pa nito pero natigilan ako ng marinig yung mga busina, nang sumilip ako ay nakita ko lang yung madaming kotse na nakapaligid samin at yung mga lalakeng nakamaskara na may hawak na mahahabang baril.

Who are they? kahit yung mga humahabol sakin ay tila nataranta ng makita yung mga kotseng yun.

Nanlaki lang yung mata ko nang umalingawngaw sa paligid yung sunod sunod na putok ng baril. Kitang kita ko lang yung pagtama ng mga yun sa mga lalakeng humahabol sakin.

Hinihingal lang akong muling nagtago sa likod ng kotse ko.

Shit!

Sino sila?

Natahimik naman yung buong lugar.

Ilang segundo pa ang lumipas ng muli akong sumilip, napalunok lang ako ng makita ko yung babaeng yun na naglalakad papunta sa dereksyon ko hanggang mamukhaan ko kung sino yun.

" Jessica?" bulong ko dahan dahan naman akong tumayo. " What is this?" naguguluhang saad ko paglapit niya sakin, kita ko naman na lumapit yung mga nakamaskarang yun. " Who are they?"

" We are the legion." ngiti ni Jessica, isa isa naman nagtanggal ng maskara yung mga nandun.

" Welcome back Allen." rinig kong saad ng isa, nang lingunin ko to nakita ko lang yung Daddy ni Jessica.

" Tito?"

" Si Daddy ang pumalit sa Daddy mo bilang pinuno ng Legion."

" But now you are back, ipapasa ko na sayo." ngiti nito.

" No.." iling ko.

" Allen, kailangan mo ang legion para labanan ang mga Chua." saad ni Jessica.

" I don't need to play dirty, kung nasikmura ni Daddy ang legion pwes ako hindi." iling ko. " Jessica binalaan na kita tungkol sa legion, panong nangyare kasama ka na nila?"

" We've always been a part of it Allen." Saad ng Daddy niya. " The legion needs you Allen and I know that you need us." Dagdag pa nito.

" That is not gonna happen."

" Allen please." saad ni Jessica.

" You need our help."

" No, I don't." iling ko.

Sabay sabay naman kaming napalingon ng marinig yung tunog ng cellphone na yun, hanggang makita namin kung saan nang gagaling yung tunog.

Sa isa sa mga lalakeng humahabol sakin kanina na ngayon ay nakahandusay na.

May lumapit lang dito at kinuha yung cellphone sa bulsa nito.

" It's a video call." saad nung kumuha ng phone.

" Answer it." saad ni Jessica, hinarap lang sakin cellphone saka sinagot, nanlaki lang yung mata ko ng makita yung lalakeng yun habang nakamaskara ng kulay itim. Kinuha ko lang yung phone.

" Hello Allen." saad nito.

" Who are you!?"

" The Legion, nagpakita din kayo." Saad niya kasunod ng nakakalokong tawa. " As expected, poprotektahan ka ng Legion pero alam mo ba na hindi ikaw ang target ngayong gabi?"

Base sa boses nito at sa mga mata niya, I know it's Andrew Chua.

" Andrew Chua!"

" Ahh, nope." natatawang saad niya. " Hindi mo ba itatanong kung nasaan ako ngayon?" saad niya, kita ko lang na naglalakad sya hanggang mawala sya at mapunta sa dinadaanan niya yung camera.

Shit!

He's in our house.

Mom?!

" Hayop ka!" gigil na sigaw ko, napunta naman sa mukha niya yung camera.

" Your house is big." natatawang saad niya. " Maganda yung design."

" Where is my Mom?!"

" You're Mom? Dead?"

" Son of a bitch!"

" I mean not yet." saad niya hanggang makita ko si Mommy na nakatali sa isang upuan, base sa nakikita ko sa paligid niya ay nasa office sya ni Daddy.

" Pakawalan niyo sya!"

" Ako ba o ikaw na tatapos?" saad nito na may tila kinakausap.

" Let him watch, gusto ko mapanuod niya to." rinig kong saad sa background..Napapikit lang ako.

Shit!

" We will help you." saad ni Jessica.

Nilibot ko lang yung tingin ko sa mga nanduon, marahan lang silang tumango.

" Be our new leader, susunod kami sa lahat ng utos mo." saad ng Daddy ni Jessica, nakagat ko lang yung labi ko saka tumungo. " Make a choice Allen."

" Damn it."

" Allen, just make a choice."

" Please help me." saad ko sa mga miyembro ng the legion kasabay ng pagpatak ng luha ko.

" Let's go!" sigaw ng Daddy ni Jessica, mabilis naman sumakay to ng mga sasakyan nila hanggang maiwan kami ni Jessica.

" Aw papunta na ata ang legion dito?" saad ni Andrew. " So let's start." nakita ko lang yung lalakeng yun habang nakatutok sa ulo ni Mommy yung hawak nitong baril.

Kasama niya si Anton, damn it!

" No, please wag." Iling ko. " Wag si Mommy please!!"

" Say bye to your Mom." saad ni Anton, napapikit lang ako ng marinig yung malakas na pagsabog na yun at maputol yung tawag. Nanlaki lang yung mata ko saka nabitawan yung cellphone kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko.

" Mom." wala sa sariling saad ko.

SI NIGEL

Napangiti lang ako ng marinig yung malakas na pagsabog mula sa earpice sa tenga ko, nang tingnan ko yung camera sa office ng Daddy ni Allen ay nakita ko lang na nagmamadali ng lumabas yung magkapatid at naiwan yung Mommy ni Allen.

" Tingin mo Rico, kaya mo silang dalawa?" tanong ko sa pulis na boyfriend ni Jessica, nakita ko lang mula sa live feed ng camera sa suot niyang glasses ay nasa loob na sya ng mansion nila Allen.

" Wala kang tiwala sakin?" natatawang saad niya. " Pero lagot tayo kay Allen, mukhang magiging abo tong mansion nila ngayong gabi."

" Firefighters are on thier way, It's your chance. Silang dalawa lang ang pumunta dyan."

" Ako pa ba, Sa wakas mahuhuli ko din sila." rinig kong saad niya.

" Goodluck." ngiti ko saka sinara yung laptop ko, nilagay ko lang to sa bag at sinuot yung maskara ko at lumabas sa banyo na yun.

Isang sarkastikong ngiti lang yung kumawala sa labi ko habang nililibot sa loob ng mansion ng mga Chua yung mata ko, napakalaki nito at marangyang marangya ang desinyo sa loob.

Nagmamadali lang akong umakyat sa ikalawang palapag at hinanap yung kwarto ni Andrew Chua, ilang pinto yung pinasok ko hanggang mabuksan ko yung kwarto na yun na may malaking litrato ni Andrew.

"Checkmate." ngisi ko.

ITUTULOY


1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails