XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 20
SI TREY
Nagising lang ako sa alarm ng phone ko saka nag inat inat hanggang matigilan ako ng mapansin na nasa sofa ako. "Wait why I am here?" kuskos ko sa mata ko hanggang idilat ko yung mata ko.
" Holy fuck!!!!" gulat na saad ko ng makita si Nigel na nakatitig sakin habang nakaupo sa pang isahang sofa. " Are you trying to kill me?" simangot ko sa kanya habang hawak yung dibdib ko but he just smirk at me.
He is my weird half brother, Nigel.
" I am sure that kid have a house or home or maybe shelter? Why is he sleeping here in our house? Bakit dito mo sya dinala?" saad niya.
" No girls allowed di ba, girls lang so wala si rule natin na hindi pwede magdala ng lalake."
" Really hate that kid." simangot niya.
" He is older than you, just so you know." saad ko saka tumayo. " Apat na taon."
" It doesn't look like it, hindi ako naniniwala na mas bata ako sa kanya." saad niya pero natawa lang ako saka nagkibit ng balikat. "Can you atleast put this messy blanket in your room?" turo niya sa kumot na ginamit ko.
" I'm hungry." saad ko hanggang makita ko si Kibo na lumabas ng kwarto ko. " Kibo gising ka na." ngiti ko. " Nagluto si Nigel ng breakfast."
" Just to remind you, nagluto ako kasi ayoko madumihan yung kusina not for the sake na magutom kayong dalawa at ikaw Kibo, bakit dito ka sa loob sumuka, pwede naman sa labas at ang masakit na hindi ko matangap ako pa pinaglinis niyo. Ang babait niyo."
" I'm sorry." pilit na ngiti ni Kibo.
" Wag mo pansinin, tara." ngiti ko, tumango naman sya saka dumeretso sa mesa.
" Wow, you cooked all this?" lingon ni Kibo kay Nigel.
" May iba ka pang taong nakikita dito na pwedeng magluto?" simangot ni Nigel na ikina ngiti ko, marahan naman umiling si Kibo. " Wala pala eh edi malamang ako."
" Edi ikaw." nguso ni Kibo. " Pwede ba bunso tawag ko sayo, tapos kuya tawag mo sakin? Nabanggit kasi sakin ni Trey na I'm older that you."
" No! Don't even think about that. No!" iling niya.
" Damot." saad ni Kibo saka kumagat ng hotdog. " Yung glasses mo ang cute."
" Ay pwede ba kumain ka na? Bubunutin ko yang ngipin mo!" asik ni Nigel.
" Pang mokja." ngiti ni Kibo saka nagsimula kumain.
Sabay sabay kaming tatlo kumain. Napangiti lang ako habang nakatingin kay Kibo, mukhang okay na sya kaysa kagabi Mas bagay talaga sa kanya na nakangiti at hindi yung umiiyak, although he is cute when he's crying.
Parang kahit sino madudurog ang puso kapag nakita syang umiiyak.
Hanggang mapansin ko yung tingin ni Nigel dito, kumunot naman yung noo ni Kibo.
" Why?"
" Nothing." iwas niya ng tingin saka sumubo ng pagkain.
" Is there something wrong with my face?"
" Uhm."
" Meron?"
" Meron, I'm just wondering."
" What?" tanong ko.
"Nasabi ko na sayo na ang panget ng ngipin mo di ba?" kita ko naman na natigilan si Kibo. " Why don't you try to go to a dentist? I think they can really fix it? Nakakabother kasi eh."
" He is a dentist himself." ngiti ko, kita ko naman yung pagtawa ni Nigel pero nanatiling nakatingin sa kanya si Kibo.
" What''s funny?" saad ni Kibo.
" That joke?"
" About what?"
" That you are a dentist?" natatawang saad niya.
" I'm on my last year of my dentistry, yeah soon, I'll become a dentist." pilit ngiti ni Kibo.
" Seryoso?"
" Yes Nigel." ngiti ko.
" Is it not a joke?"
" No." iling ni Kibo.
" With that kind of teeth?"
" Yes." tango ni Kibo.
" Oh come on, it's a prank right? Ang panget kaya ng ngipin niya!" ngiti niya, tumayo naman si Kibo.
" Wait tapos ka na?" tanong ko kay Kibo, kita ko lang yung sama ng tingin niya kay Nigel.
" I am done." saad niya saka kami iniwan ni Nigel.
" Di sya nagjojoke?" lingon ni Nigel sakin pero natatawa lang akong umiling. " I thought it's a joke."
" No, it's not." saad ko saka tinuloy yung pagkain.
" Really, a dentist with a pangil?" saad niya saka may tiningnan sa phone niya. " Wow, totoo nga! Bakit di ko napansin? Pero imposible!"
" Totoo nga."
" Buti tinanggap sya, panget talaga eh." iling niya saka sumubo ng pagkain.
" And it is not ugly, cute kaya!" saad ko pero sarkastiko lang syang natawa.
I know you probably wondering how Kibo ended up here?
Well before that, I'll give you a brief introduction about myself, After the 19 long chapters(ilang beses naedit to! haha) I have finally got the chance to introduce myself properly. Actually I am one of the main character of the story, semi main? Or super extra? Basta kasali ako sa main!
Shocking right!?
Blame the author, I think he hates me. I am always on the last part of the chapter! do I look life a cliff? Why I am always on the cliff hanger?"
Kidding aside.
Anyway as I was saying.
I am Trey Miranda, pinsan ni Keith sa pagkakakilala niyo. Magkapatid yung Daddy namin but unfortunately, wala na si Dad maybe nasa langit na or baka nasa impyerno, you can ask him if you want? I don't know kasi eh. So I am Trey and I have a step brother which is the cocky, brat and - nilibot ko lang yung tingin ko sa buong bahay, lahat organized, lahat malinis.
A fuckin neat freak, His name is Nigel.
" I have mysophobia, you know that." saad niya, natigilan naman ako. He can hear my thoughts? He is so weird. " So stop staring at the whole house kasi wala kang makikitang kahit isang dumi jan." saad niya.
"Ah Okay." tango ko sa kanya.
My brother just graduated from high school pero mas mukha pa syang mas matanda kay Kibo or mapagkakamalan mo na magkaedad sila, ay kahit sino naman ata masasabi na high school student palang si Kibo.
Simula nung unang kita ko kay Kibo parang di parin nagbago itsura niya.
Yung Mommy ko naman, hindi ko alam kung nasaan. Hindi niya kami inabandona pero minsan nanjan pero kadalasan wala, Nasa boyfriend niya or sa mga kaibigan. Huling balita ko sa kanya ay girlfriend sya ng isang politiko na wala na din akong pake, bahala na sya.
Si Nigel, anak ni Daddy sa ibang babae. Nung namatay si Daddy bigla nalang silang lumitaw ng nanay niya at hiniling na baka matulungan si Nigel na makapag aral, sayang naman daw kasi yung talino ng neat freak na to pero totoo naman. I think he is a genius, He loves computer and everything na wala akong alam. Medyo beyond yung knowledge niya sa bagay na yun at mababaliw ako kapag sinimulan syang kausapin tungkol dun.
But his skills can be useful sometimes.
So ngayon kaming dalawa nalang ang magkasama.
Okay, pano nangyareng nandito si Kibo sa bahay ko? Kahit si Vanessa or keith hindi alam na nandito sya, Ganito kasi yun.
One day, isang araw.
I see, nakakita.
One bird, isang ibon.
Joke! Napakanta ka ba? haha
One night..isang gabi haha
Ay eto na nga!
Pagpasok ko sa bar na yun ay sumalubong lang sakin yung lakas ng tugtog na bumabalot sa lugar, iba't ibang kulay ng ilaw. Mga taong nagsasayaw. Kahit saan ka lumingon may nakikita kang alak.
" Trey finally you're here." ngiti ni Cindy, manager ng bar na yun. " Kanina pa nandito yung mga guest mo, three groups sila. Kanina ka pa nila hinahanap."
"Okay sige." ngiti ko.
" Thanks." saad niya, hinanap naman ng mata ko yung mga guest na ininvite ko sa bar na to.
" Treyyyy!" saad ng isa mga high school friend ko saka nakipagbeso sakin.
" How was it, maganda dito di ba?"
" The best!" saad niya, syempre alam niyo na I love to party, bar dito, bar doon. Actually halos alam ko na lahat ng bar na nakapalibot sa area na to Yeah I love parties pero ang totoo. Sideline ko to, I am actually a club promoter.
Invite ng guest, promote ng bar kung saan saan. Kahit mga client ko sa travel agency iniinvite ko. Nakukuha sa sales talk minsan pero kadalasan mukha ko talaga pang laban ko na effective naman and because of this inviroment dumami yung mga taong nakilala ko.
Nabangit ko na wala na or parang wala na din kaming magulang, since wala ng paramdam si Mommy kaya ako yung kumakayod and simula nung dumating sa buhay ko si Nigel ako na nagpaaral sa kanya.
Mayaman naman kami before until nawala nga si Daddy, nagsimula ibenta ni Mommy lahat hangang halos wala ng natira. Lumipat sa mas maliit na bahay hanggang halos pang kain hinihingi nalang namin. Mayaman sila Keith or si Vanessa. Yeah they are pero never ako umasa sa kanila. Simula college nagtrabaho ako ng kahit na ano, lahat ng luho binitawan ko, big bike and everything.
Seriously ang hirap mabuhay.
Halos hating gabi na yun ng mapansin akong pamilyar na mukha na mag isang nag iinom sa pinakagilid na mesa, nang lapitan ko nakita ko lang si Kibo. What the hell?! Bakit may cute dito? haha
" Kibo?" nagtatakang saad ko paglapit sa kanya.
" Trey?" ngiti niya.
" What are you doing here? Alone?"
" Yeah." tango niya.
" Si keith , hindi mo kasama?" tanong ko pero pilit lang syang ngumiti saka umiling." Gusto mo samahan kita?"
" Pinsan ka ni Keith, wag na."
" Ano kinalaman ni Keith, sinaktan ka niya? Hay sabi ko na eh."
" Nope, I just want to be alone."
" Ayaw mo samahan kita?"
" Ayaw." saad niya pero natawa lang ako saka umupo. " Ay ayoko nga ng may kasama." nguso niya. Halata na yung tama ng alak sa kanya ng mga oras na yun.
" You are so cute." ngiti ko pero sinimangutan niya lang ako. " What?"
" Iwan mo nalang ako please?"
" Paupo lang, aalis din ako maya maya." saad ko, nagsalin naman sya ng alak sa baso niya saka agad tong tinungga. Pagkababa ng baso ay tahimik lang niya tong pinaglaruan sa mesa, napakatransparent niya, kahit di sya magsalita ramdam ko yung lungkot niya ng sandaling yun. " May nangyare ba?"
" I hate my life." mahinang saad niya hanggang makita ko yung pagtulo ng luha niya, kasabay ng hikbi.
" Hoy teka, bakit ka umiiyak?"
" I hate my lifeeee." hikbi niya, napakamot naman ako sa ulo saka lumingon sa paligid. Hinayaan ko lang sya umiyak, ilang sandali pa ng mag angat sya ng tingin, ngumiti lang ako. " do you hate your life too?"
" No?" iling ko.
" Eh bakit ako I hate my life?"
" Malay ko sayo?" natatawang saad ko, kita ko naman yung pag nguso niya.
" Wala kang kwenta kausap." asik niya.
" Madalas ko nga marinig yan." ngiti ko, natawa lang ako nung magpunas sya ng tissue sa ilong. " Okay, gets ko na si Keith ang problema mo kaya ka nag iinom."
" I hate him."
" May ginawa ba sya?"
" Ayoko na nga pag usapan!" inis na saad niya saka tumungga ng alak.
" Edi wag." ngiti ko.
" What?" ngiwi niya.
" Why?"
" Pilitin mo ko pag usapan?!"
" Ayaw mo pag usapan di ba? Bakit kita pipilitin?"
" Oo nga noh?"
" So you like this kind of place?"
" Uhm, Yeah." ngiti niya, natawa lang ako. Kanina umiiyak sya ngayon nakangiti na. Kung hindi ko lang sya kilala baka isipin ko baliw sya.
" Gusto ko din yung ganito, yung maingay, madaming nakikilala." lingon ko sa mga tao.
" Ayaw mo makinig sa problema ko?"
" Alam mo ang problema pinag uusapan at nasusulosyunan lang kapag walang alak, so sabihin mo nalang sakin yan kapag matino ka na."
" Sabagay." tango niya, napangiti lang ako. Hay kung ganito lang kacute si Nigel baka mejo nabawasan yung stress ko sa buhay. Well mabait naman yung kapatid ko, naglilinis, nagluluto at tuwing uuwi ako laging may nakahandang pagkain sa mesa.
Mejo kakaiba lang ang ugali pero okay na din.
Sa ilang taon namin magkasama, nasanay nalang ako. Minsan daig pa niya ang nanay kung magsermon.
Buong gabi lang kaming nagkwentuhan ng kung ano ano ni Kibo, nagtawanan, nagshare ng problema niya. Nang gabing yun mas nakilala ko si Kibo na dati ay madalas ay kabiruan ko lang pero nung oras na yun mas nakilala ko sya bilang tao, bilang sya, bilang kapatid ni Neko.
Napaka dami niyang kwento tungkol sa kuya niya, mga kwentong narinig ka na din mula sa bibig mismo ni Neko.
Nakakamiss din talaga yung lokong yun.
" You know I love walking dead, I really love it pero nung pinatay nila si Glenn. Oh God! Sinumpa ko sila." nanlalaki ang matang saad niya habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Natawa lang ako.
" I hate them nung namatay si Carl." ngiti ko na ang tinutukoy ay yung character sa isang series. " After that hindi na ko nanunuod."
" Yeah, totoo but for me the first 6 seasons are still the best. Yung mga sumunod, wala na."
" Alam mo si Vanessa or si Keith hindi sila mahilig manuod ng mga ganun."
" They are so boring." kibit niya ng balikat na ikinatawa ko.
" Exactly! Have you tried to watch stranger things?" tanong ko kita ko naman yung pamimilog ng mata niya ng lumingon sakin.
" I love it!" excited na saad niya na tumalon pa ng ilang beses. " Oh my god! Finally may nakausap na ko about duon, you know Queenie, hindi sya mahilig manuod ng series puro sya online games." nguso niya. " You know stranger things is the best!" approve niya pa sakin.
" Hindi ko binabanggit kasi baka di mo sya napanuod."
" Nope, it's one of my favorite!"
" Really." ngiti ko.
" I like you Trey, parehas tayo ng taste." Tapik niya sa balikat ko habang nakangiti. " Kuya ko lang nakakwentuhan ko ng ganito eh."
" Si Allen? Hindi mo nakakakwentuhan?"
" Hindi, si Kuya kasi laging epal. Di ko nakakausap si Allen ng kami lang, lagi syang nakadikit eh pag kaming tatlo magkakasama. Silang dalawa lang nag-uusap, I was annoyed kapag hinaharang ni Kuya si allen, hindi naman ako mabubuntis?"
" Nakakatawa yun!" natatawang saad ko. " Alam mo bang nung lumabas yung season 3 ng stranger things, pinanuod ko uli mula season 1."
" Oh my god! Parehas tayooo."
" Who is your favorite character? Don't tell me it's eleven?"
" Yeah, Eleven. I love her and Will byers."
" My favorie is Will byers and mas gusto ko sila ni Eleven magkatuluyan." ngiti ko, natawa naman sya. " I don't like mike for eleven."
" Di lang pala ako nakakita ng chemistry ni Will And eleven. Oh my god!" ngiti niya. " But you know mas gusto ko si Will for Mike!" lingon niya na ikinangiwi ko. " What? I am gay so syempre mas gusto ko iship yung 2 boys, fuck eleven and her power but I want will and mike to end up together."
" No! No!" sunod sunod na iling ko.
" Favorite mo si Will di ba, he's gay." ngiti niya.
" Walang sinabing ganun?"
" But Mike confirm it in season 3, when he said that Will don't like girls and Will did not deny it."
" Really?"
" Yeah!" natatawang saad niya.
" No!" iling ko padin.
Hanggang makarating kami sa sakayan.
" Tawag kita ng taxi?"
" Uhm."
" Di ba sabi mo club promoter ka, Saan ka bukas?"
" Tomorrow? Dun parin."
" Really?"
" Pwede ako pumunta?"
" Kung gusto mo? Ililista kita sa guestlist ko pero magsama ka, do you have any other friends?" tanong ko pero marahan lang syang umling.
" Aw, kawawa ka naman." ngiti ko, ngumuso naman sya. " Pero, sure punta ka bukas."
" Really?"
" Di ba magagalit si Keith?"
" Uwi na ko." ngiti niya saka nagpara ng taxi. " I had a great night!" lingon pa niya sakin.
Ilang gabi pa kaming nagkasama ni Kibo, Minsan madaling araw umuuwi pero kahit ganun masaya naman akong kausap niya. Natatawa nalang ako kapag sinasabi niyang nalate sya school at napagalitan ng professor, Pakiramdam ko kakwentuhan ko uli yung kuya niya tulad ng dati. I love how he always smiles kapag nagkikita kami. I know may pinagdadaan sya pero di ko na lang tinanong, kasi kung si Keith ang dahilan baka masapak ko lang sya.
Kung ako ang tatanungin, hindi ko gusto si Keith para sa kanya.
I want someone na aalagan sya, someone na hindi sya pababayaan, taong mamahalin sya ng buo at sya lang and ngayon hindi si Keith yung taong yun.
Nasa loob ako ng bar nun ng maramdaman ko yung pagvivrate ng phone ko, nang tingnan ko nakita ko lang yung number ni Kibo.
" Kibo?" sagot ko sa tawag pero tanging hikbi lang yung narinig ko sa kabilang linya. " You okay?" tanong ko sa kanya, dalawang araw ata kaming hindi nagkita dahil may exam daw sya.
" Kuya Neko." mahinang saad niya kasabay ng hikbi. " Wala na si Kuya neko." saad niya.
" What are you talking about, matagal na syang wala. Asan ka ba?" pero tanging pag iyak lang yung naging sagot niya. " Where are you?" ulit ko pero naputol na yung linya, agad naman akong lumabas ng bar nagsend lang ako ng message kay Nigel saka dinial yung number niya.
" Kuya! May goodnews ako!" sagot niya.
" What?"
" Nakakuha ako ng full scholarship sa XIIT!"
" Really?!"
" Yeah sagot nila lahat, everrryyyttttthingg! Astig di ba! so pwede ka na tumigil dyan sa pag cluclub mo. Okay na, wala ka ng iisipin." saad niya, napangiti naman ako. " Thanks Kuya Trey." mahinang saad niya.
" Sweet mo ngayon huh."
" Ngayon lang to."
" Wait oo nga pala, may message ako, It's a number. Can you trace it kung nasaan sya ngayon?"
" Lost phone?"
" No, lost kid." natatawang saad ko.
" Okay, jan ka lang." saad niya. " Wait it's Kibo?"
" How do you know him?"
" Uhm I don't know him, anyway nasa sementeryo sya? Nang ganitong oras? Ang weird talaga nun?"
" Sementeryo?"
" Yeah, can you check him kuya baka mapano yun dun eh. Masyadong malaki yung sementeryo hindi ko sya makita sa mga cctv eh."
" Bakit concern ka?"
" No, baka lang mapahamak lang. Konsensya ko pa."
" Okay."
" Pupuntahan mo?"
" Yeah." saad ko.
" Okay sige, pakibilisan mo huh. Isesend ko sayo yung exact location niya at dala ka na din ng pagkain kasi maaga yun nagdinner, so gutom na yun." Saad niya.
" Pano mo alam?"
"Instinct?"
" Teka, seriously how do you know him?"
" Di ko din alam eh, but I hate him?"
" Why do you hate him?"
" Kasi he is a weirdo?"
" Just like you?"
" I am not a weirdo, I am a genius."
" Fine." napabuntong hininga lang ako hanggang matangap ko yung message niya kasama yung mapa ng sementero at exact location ni Kibo.
Bumili muna ako ng pwede niya kainin saka bumili ng alak.
Pagkababa ng taxi ay kinuha ko lang yung phone saka tiningnan yung mapa ng sementeryo.
Tressure hunting? Haha
Lampas isang minuto din ako naglakad sa loob bago ko natanaw si Kibo habang nakaupo sa damuhan, nakatungo lang sya sa mga tuhod niya. Nakauniform pa sya, mukhang galing pa ng school. Nasa gilid din yung bag niya.
" Kibo?" saad ko paglapit sa kanya, nag angat lang sya ng tingin. "Aww." ngiti ko ng makita yung mga luha sa mata niya. " What happened?" tanong ko pero nagsimula lang syang humikbi, umupo naman ako sa tabi niya saka sya niyakap at tinapik yung likod niya.
" Iiyak mo lang." saad ko saka sya sinandal sa dibdib ko, ramdam ko lang yung bawat hikbi niya ng mga oras na yun. Nang tingnan ko yung lapida kung saan sya nakaupo nakita ko lang yung pangalan ni Neko, isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko saka masuyong tinapik yung likod niya.
Dito pala sya nakalibing.
Pumikit lang ako saka dinama yung lamig ng paligid.
Pakiramdam ko kapatid ko na rin sya, kapatid na iyakin.
" Kung ano man dahilan ng pag iyak mo, I'm sure magiging okay din lahat." hagod ko sa likod niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko habang naririnig yung mga hikbi niya, Sabi ni Neko sakin na para syang mababaliw kapag nakikita niyang umiiyak si Kibo at kahit anong mangyare hindi niya hahayaan na masaktan yung kapatid niya.
Iiyak kaya sya ng ganito kung buhay pa yung kuya niya?
Nang tumingala ako nakita ko lang yung ganda ng mga bituin sa kalangitan at yung liwanag ng buwan na nagbigay ng ilaw sa buong lugar ng oras na yun.
Ilang sandali pa ng marinig ko yung pagkulo ng tyan, dahan dahan naman syang humiwalay saka nagpunas ng mukha at nagbigay ng pilit na ngiti.
" Nag dinner ka na ba?"
" Kanina pa." mahina niyang saad kasabay ng pagsinghot, namumula yung ilong niya. " May food kang dala?" turo niya sa plastic na dala ko.
" Yeah." tango ko.
" Para sakin?" namimilog ang matang saad niya, napangiti lang saka tumango. Agad naman niyang kinuha yung plastic saka to kinalikot. " Wow, burger. I love this!"
" Bibili sana kita ng Milk tea pero sarado na si Vanessa eh."
" Ang tagal ko ng di nakakabili sa chekko." bagsak ang balikat na saad niya. " I really miss it."
" Miss ka na din ni Vanessa."
" Alam ba niya na nagkikita tayo minsan?"
" Hindi ko sinasabi baka kasi ayaw mo."
" I see, pwede ko na kainin?" pilit na ngiti niya, may kinuha lang syang panyo sa bulsa niya saka nagpunas ng mukha, parang ang hirap tingnan yung mga mata niya.
" Yeah sure, para naman sayo yan." natatawang saad ko, nagsimula lang syang kumain. Humiga naman ako sa damuhan habang nakaunan yung mga braso ko, nakangiti ko lang pinagmasdan yung ganda ng kalangitan ng mga oras na yun.
Nang lingunin ko si Kibo, May ngiti na yung labi niya pero bakas pa din yung lungkot.
Ano kaya nangyare sa cute na to.
Kinapa ko lang yung kwintas na suot ko.
Wag kang mag alala, simula ngayon. Babantayan ko na sya para sayo.
Hindi na ko papayag na masaktan pa sya dahil kay Keith.
" Why?" tanong niya.
" Kanina umiiyak ka pero dahil sa pagkain nakangiti ka na ngayon."
" Food is life." saad niya saka kumagat ng burger, umupo naman ako saka sya pinagmasdan. Magkaiba sila ng ngiti pero sa tuwing nakikita ko yung ngiti sa mukha niya, para ko na din nakikita yung kuya niya.
" So bakit ka umiiyak?" tanong ko, humugot lang sya ng malalim na hininga habang nakatingin sa burger sa kamay niya. "Madami akong tanong, wag na muna yung mabigat. Uhm bakit ako yung tinawagan mo at hindi si allen?" ngiti ko.
" Aalis na kasi sya at kapag nakita niya kong ganito, baka hindi niya ituloy yung mga plano niya at di nalang umalis."
" Saan sya pupunta?"
" Tutuparin yung pangarap niya."
" At hindi yun matutupad kapag di sya umalis?" tanong ko, marahan naman syang tumango. " Ang sweet mo naman."
" Allen had rough life, mayaman sila pero di naging madali yung buhay niya. Ngayon may pagkakataon na syang tuparin yung gusto niya kaya ayoko maging dahilan para maudlot pa yun. I want him to fulfil his dream."
" Okay, next question?"
" Q and A ba to?"
" Yeah." natatawang sagot ko sa kanya. " Nung nakita kita sa bar nung nakaraan, bakit ka umiiyak nun? Dahil kay Keith?"
" Nung una mo kong nakita sa bar? Dahil sa parents ko."
" Oh what about them?" saad ko, kita ko lang na napatingin sya dun sa lapida ng kuya niya.
" Ang alam ko namatay si Kuya neko sa bangungot, na hindi sya nagising isang umaga." nakatungong saad niya. " Pero hindi pala totoo yun, that night nilooban yung bahay namin. I was sick that time tapos wala si Mom and Dad, Yung mga katulong namin wala din. Kaming dalawa lang ni Kuya at yung kwardiya sa gate ang tao sa bahay nun."
" Then?"
" I actually don't know the story because I was sleeping and sick that time, pero sabi ni Allen. Nabaril daw si Kuya sa harap mismo ng kwarto ko." saad niya, nakita ko lang yung pagtulo ng luha niya. " Tinawagan ni Kuya si Allen nun kaya may dumating na mga pulis pero huli na, Kuya Neko tried to protect me even in his last breath." saad niya, natahuimik lang ako.
How sad, yun pala kinimatay niya.
Nagulat nalang ako nuon ng bigla syang hindi na nagpakita sa school hanggang nabalitaan ko na wala na nga sya.
" I know your Kuya gave them a good fight, knowing him. Tumatayo sya kahit bugbog na." ngiti ko.
" You know my Kuya?"
" Schoolmate kami."
" Talaga?"
" Well, he's popular that time so halos lahat kilala sya. Alam mo yang kuya mo kakaiba yun, walang araw na wala syang tinulungan, madalas mapatrouble pero laging may magandang dahilan. Hanga nga ako sa kanya kasi kahit sobrang talino niya, kapag nakita niyang kailangan mo ng tulong. Di mo na kailangan magsabi, he always willing to help."
" I miss him." nguso niya.
" At tingin ko masaya sya na naprotektahan ka niya kasi kung hindi? Hindi kita kausap ngayon."
" My parents lied to me."
" May dahilan siguro sila."
" Anong dahilan, para hindi ako malungkot?"
" Sila lang nakakaalam, kaya harapin mo sila. Nagkwento nung nakaraan ni Keith na may nangyare nga daw sa bahay niyo at hindi ka umuuwi. Kibo, talk to them."
" Pero."
" Nawalan na sila ng isang anak, wag mo naman hayaan na pati ikaw mawala rin sa kanila." ngiti ko. " Wala kahit sinong magulang ang gustong masaktan ang anak nila, I can't imagine kung gaano sila nasaktan nung nawala si Neko. Ipapaexperience mo ba ulit sa kanila yung ganung sakit?" saad ko, kita ko lang na marahan syang umiling. " Give them a chance to explain everything, nasaktan ka, nasaktan din sila."
" Kakausapin ko na sila." tango niya.
" Good boy, yun lang ba problema mo? Kayo ni Keith kamusta kayo?"
" Bakit di sya ang tanungin mo?"
" Alam ko na sa kanya nangaling kaya nalaman mo yung totoo, baliw talaga yun."
" Asshole yang pinsan mo." simangot niya na ikinatawa ko.
" Atleast kahit paano alam mo yan."
" Bwiset sya."
" Mahal mo talaga sya?" seryosong tanong, humugot naman sya ng malalim na hininga.
" Mahal." mahinang saad niya. " Mahal ko sya, pero ang sakit sakit na." rinig ko lang nagcrack yung boses niya pero pinilit niya parin ngumiti. " Ganun ba talaga kapag nagmamahal, kahit anong gawin na mali ng isang tao, Na kahit gaano kasakit yung ginawa niya, mahal mo pa riin?" hanggang makita ko yung pagtulo ng luha sa mata niya.
" Kibo."
" O dahil bakla ako kaya hindi niya iniisip kung masasaktan ako o hindi?"
" Hindi yun ganun Kibo."
" Sinabi ko sa kanya na, okay lang na di niya ko mahal, na okay lang na maghanap sya ng babae, okay lang..okay lang pero kapag nanduon ka na pala sa sitwasyon na yun.. Para akong unti unti nauubos, unti unting nadudurog sa sakit."
" Nakita mo sya na may kasamang iba?" pilit na ngiti ko, marahan naman syang tumango. " Nakilala ka ba niya?"
" Alak ba yang nasa isang plastic?"
" Yeah, gusto mo?"
" Magpapakalasing ako." simangot niya saka to kinuha at binuksan, nilibot ko naman yung tingin ko sa paligid.
" Bawal ata mag inom dito?"
" Anong bawal." natatawang saad niya saka inubos yung laman ng coke niya saka binuksan yung alak at dun nagsalin. Natawa naman ako.
" Ang talino!"
" Ako pa ba." ngiti niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka kinuha yung alak at tinungga. " Hey!"
" Why?'
" Gusto ko malasing, akin nalang yan. Wag ka na makisali."
" Ako bumili neto?"
" binili mo para sakin, so technically, akin na yan." ngiti niya.
" What?"
" Sige na." agaw niya ng bote, natawa lang ako saka binigay sa kanya. " Magpapakalasing ako para makalimutan ko yung nakita ko sa condo ni Keith." saad niya.
" Ano nakita mo?"
" Sex." ngiti niya.
" You mean?"
" Di niya alam na nasa loob ako, so yun nakita ko pero hindi niya ko nakitang umalis kasi sinarado nila yung pinto ng kwarto."
" Hayop!" gigil na saad ko pero natawa lang sya saka uminom ng alak.
" Masakit but that's okay."
" No, hindi okay."
" Okay ako." saad niya pero muling umiyak. " AAhhgggg! Ang sakit!"
Tangina Keith, nagawa mo yun sa kanya?
" Wag ka ng umasa sa kanya kasi masasaktan ka lang, hanap nalang kita ng iba. Yung matino at hindi ka sasaktan." saad ko.
" Really?"
" Pero sa panahon ngayon, halos lahat manloloko. Hays!" iling ko.
" Naloko ka na din?"
" Oo naman noh! So uminom nalang tayo at wag na maglovelife." sad ko saka kinuha yung bote at tinungga.
" Yeah maginom nalang tayo! At akin lang to pwede. Kakalimutan ko na sya, kakalimutan ko na sya!!!" simangot niya saka inagaw yung bote, natawa lang ako saka sya hinayaan unti unti ubusin yung laman ng alak na yun
Hay nako Keith, di mo alam kung ano yung sinayang mo.
Kung ako lang minahal nitong batang to baka hindi ko na to pinakawalan. Look how innocent his smile, how pure he is. He may be gay pero hindi ibig sabihin nun na deserve niya ng masaktan at paasahin.
He deserve love, lahat tayo actually.
Gay, straight, lesbian, bixesual or whatever gender we have. We are not all the same, but we are all deserving of love.
So that's how became close, the last thing I know nasa kwarto ko na sya pagkatapos magkalat ng suka sa sala at yung tingin sakin ni Nigel habang pinunasan yung sahig ay halos pumunit sa kaluluwa ko. haha
Pagbabayarin ko si Keith, wala ako paki kung pinsan ko pa sya. I will make sure that he will experience the same pain na binigay niya kay Kibo.
" Pano ka nakakuha ng scholarship sa XIIT?" tanong ko kay Nigel nang iwan kami ni Kibo sa pag aalmusal.
" Pinakitaan ko ng skills, ang astig ko grabe.. kung nakita mo lang kung ano ginawa ko baka magtayo ka na ng fan page para sakin. Biruin mo mismong si The great Allen fernandez ang nakaharap ko?"
" Allen?"
" Yeah, close yun ni Kibo. Di mo ba sya close?"
" Hindi." iling ko. " Wait I am late." saad ko saka tumayo.
" teka teka, ako nagluto tapos ako din magliligpit at maghuhugas?"
" Gusto mo sabihin ko kay Kibo na maghugas?"
" Ayt wag na baka magbasag pa yan."
" Okay." ngiti ko.
SI KIBO
Inis lang akong pumasok sa kwarto ni Trey, yung kapatid ni Trey na yun ay sobrang pinapakulo yung dugo ko! Arggg!
" Nakakainis na Nigel na yan! Pangalawang beses niya sinabi na ang panget ng ngipin ko!" inis na bulong ko saka naupo sa kama ni Trey, Sobra akong nalasing kagabi, nang maubos ko yung isang bote kagabi ay niyaya na ko ni Trey pero dahil ayoko umuwi sa condo ay dito niya ko dinala sa kanila.
Pwede naman sa motel?
Ay! Ang dumi! haha
Nang pagmasdan ko yung damit ko dahan dahan ko lang tong inamoy, ang bango ng damit niya.
Bakit ba ngayon ko lang napansin na ang gwapo ni Trey?
Pano kaya kung akitin ko sya? Mas mukha syang mabait kay Keith, bakit kasi yung panget na yun ang nagustuhan ko kainis, kasalanan to nung nagsulat eh! ( I hate him too, don't worry!haha napraning!)
Kill him! (gusto mo ipasagasa nalang sya sa truck!?)
Whatever, nababaliw na po yung author haha
Hayss Anyway!! Nangako ako sa sarili ko na sa loob ng dalawang taon, kay Keith ko ibubuhos yung atention ko pero.. I hate him naaa! Mahal ko sya pero I hate him.
Pero susukuan ko na ba sya?
Napalingon lang ako ng marinig yung katok sa pinto, nang bumukas to nakita ko lang si Trey na nakangiti saka pumasok.
" Kailangan ko pumasok sa office, malelate na ko actually."
" Sunday ngayon di ba?"
" Yeah, may kailangan ako tapusin eh. Sabay ka na ba sakin?"
" Uhm uuwi ako sa bahay namin eh, kahit mauna ka na. Malelate ka pa kapag inantay mo ko?"
" Are you sure?"
" Yeah, baka malate ka pa eh."
" Okay." Tango niya saka nagbukas ng cabinet niya. " Si Nigel, mejo baliw yan kapag may mga sinabi sya sayo na hindi mo gusto, wag mo nalang pansinin." ngiti niya.
" Di ba cute naman yung ngipin ko?"
" Yeah, it's cute."
" Sabi niya ang panget daw!"
" Neat freak yun, lahat gusto niya organize. Eh yang mga pangil mo hindi nakapantay sa mga ngipin mo kaya tingin niya ang panget."
" Whatever." irap ko.
" Okay ligo na ko huh."
" Pwede sumama?" ngiti ko.
" What?!"
" Joke." ngiti ko, natawa lang sya saka lumabas ng kwarto. Napangiwi lang ako, oh damn it! Anong ginagawa ko? I hate Keith at simula ngayon magmomove on na ko sa kanya! Babae naman gusto niya di ba, edi dun sya sa babae. Hinding hindi ko ipipilit yung sarili ko sa taong ayaw naman sakin.
Magsex sila hanggang maubusan sya ng katas! Angpakapanget niya!
Sinusumpa ko na tubuan ng tigyawat yung ems ems niya!
" But I miss him." nguso ko. " No! Kibo no, wag kang tanga. Sobrang cute mo para ipagsiksikan yung sarili mo! Hindi mo nga hinabol si Allen dati kahit sobrang mahal at gwapo niya!"
Pero?
" Walang pero pero! Kakalimutan ko na sya!"
Pero!
Hindi man lang kami nakapagsex? Yeah sex... sex...wala man lang sex!
Gusto kooo ng sexx!
" Ahhhhhhhhhhhhhh!!!" inis na sigaw ko, natigilan lang ako ng bumukas yung pinto. Nang lumingon ako nakita ko lang si Nigel na nakatingin sakin.
" Ano nangyare sayo, bakit ka sumisigaw?" tanong niya, naglagay naman ako ng ngiti saka marahang umiling. " Weirdo!" inis na sarado niya ng pinto.
" Mas wierdo ka!" inis na saad ko. " kala mo ang gwapo, well may itsura naman sya pero..ang panget mo din!" asik ko sa pinto.
Damn nababaliw na ata ako?! Hindi naman siguro dahil sa love mawawala na ko sa katinuan? Like hell no!! Magtatapos pa ko ng pag aaral! lalake lang si Keith...
"Lalake na mahal na mahal ko." nguso ko. " Sana kasi totoo nalang na nabottom ko sya before para super hate ko na sya nuon palang! I hate him!"
Nang makaalis si Trey ay nanatili lang ako sa kwarto habang nakatulala sa mga damit ni Trey, Sabi niya mamili lang daw ako ng damit na pwede ko suotin pero wala naman kasya sakin! ayoko umuwi sa condo pero parang di ko naman masusuot tong mga damit niya. Nagbukas pa ko ng ibang drawer pero lahat ng damit niya malaki talaga sakin.
Pakiramdam ko kapag umuwi ako sa condo, napakalaki ng chance na makasalubong ko si Keith. Ayoko na makita mukha niya! Kahit anino ayoko na!
Baka mayakap ko lang sya.. I hate him but...I really do miss him!
Lumaban ka Kibo!
" kung sugurin ko kaya sya sa opisina niya tapos sabunutan yung malanding babaeng yun?" simangot ko. " Kaso ang cute ko naman para gawin yun at baka hindi ako papasukin dun?"
Pero bwiset sya! Bwiset silang dalawa.. Kung sakaling magkaroon ng purge sa pilipinas? Silang dalawa ang uunahin koooo!
Itatali ko silang dalawa saka papakagat sa mga langgam! Ang panget nilang dalawa!
Ilang sandali pa ng may kumatok sa pinto, bumukas lang to.
" Bakit nag paiwan ka?" tanong ni Nigel.
" Kasi cute ako." ngiti ko sa kanya, kita ko naman yung pagsimangot niya. " Oh I have an idea." saad ko saka lumapit sa kanya at tiningnan yung damit niya.
" What?!"
" I think kasya sakin yung mga damit mo."
" And so?"
" Pwede pahiram?"
" Hindi ka ba aware na, nagiging nuisance ka na?"
" Hindi." iling ko. " Wait mas matanda ako sayo, gusto ko maexperience tawagin kuya, kuya itawag mo sakin please." ngiti ko. " bibigyan kita ng 1taw sa pasko?"
" Mas matanda ka pero mas mukha kang bata sakin, gusto mo tawagin kitang bunso?" sarkastikong ngiti niya na ikinasimangot ko. " Mukha ka ngang elementary!"
" Whatever, pahiram ng damit. Asan ba yung kwarto mo?" hawi ko sa kanya.
" Hoy, hindi ka ba tinubuan ng hiya huh?" harang niya sakin.
" Hindi." iling ko. " Pero ng cuteness, hindi lang ako tinubuan, namunga pa." pacute na saad ko pero dinakot niya lang yung mukha ko saka nilayo sa kanya, shit bakit kasya buong mukha ko sa kamay niya. " How dare you! Para hawakan tong cute ko na mukha!"
" Eww, kinikilabutan ako sa sinasabi mo! Ewwwwww!" iling niya saka pumasok sa kwarto niya. " Maghintay ka dyan, kukuha kita ng damit!" sigaw niya pero binuksan ko lang yung kwarto saka pumasok.
" Wow." manghang saad ko ng makita yung loob ng kwarto niya.
" I told you maghintay ka sa labas!" inis na saad niya.
" Wow, ang ganda ng pc mo! At ano tong mga to?" lapit ko sa mga nakadikit sa dingding niya.
" Out." hila niya sakin palabas. " ito yung damit, now maligo ka na at umalis ka na sa bahay namin."
" Pwede bang dito muna ako tumira?" ngiti ko.
" Sure!? Para magamit ko na yung lason na binili ko." gigil na saad niya.
" Joke lang naman!" natatawang saad ko saka kinurot yung pisngi niya. " Cute ka pala." ngiti ko pero gigil niya lang hinawakan yung kamay ko saka pinilipit. " Ouch!"
" Don't you dare touch me!" gigil na saad niya pero ngumiti lang ako. " Isara mo yung bibig mo!"
" Why?"
" Kasi ang pangit ng ngipin mo!" Ang sarap pala kapag may nakakabatang kapatid. May naasar ako, hingiin ko kaya kala mommy na bigyan ako ng kapatid.
" Ano, wag mo ko titigan!?"
" Gusto mo bili kita ng ice cream?"
" Di ako mahilig sa ice cream, ang gusto ko umalis ka na at patahimikin mo yung buhay ko."
" Uhm chocolate, gusto mo?"
" Aayoko... ayoookoo!"
" Anong gusto mo para madadala ko next time na punta ko dito."
" Alam mo kung ano gusto ko?"
" Yeah, tell me. Bibilihin ni Kuya Kibo para sayo." ngiti ko pero kita ko lang yung gigil sa mukha niya. " I am your kuya na."
" Ang gusto ko, wala ng next time. Ayoko ng makita ka dito!"
" Ang cute naman ng baby namin."
" Baby namin!? bakit kayo ba ni Kuya Trey?"
" Gusto mo ba maging kami para official na?" ngiti ko pero nanlaki lang yung mata ko ng batukan niya ko. " Why did you do that?"
" Gusto ko lang, baka sakaling magising ka! Pakilock yung pinto pag alis mo huh!" simangot niya saka nagmamadaling pumasok ng kwarto niya.
" Humanda ka sakin bata ka!"
" Mas mukha kang bata sakin!" sigaw niya.
" Mas matanda ako sayo ng apat na taon!"
" Maligo ka! Ang baho mo!"
" What!?"
" Ang bahooooo mo!" sigaw niya.
Inis naman ako pumadyak habang nakatingin sa pinto ng kwarto niya.
"Arrggg! Gusto ko din maging kuya ahhhh nakakainissss!!" inis lang akong tumalikod.
Nang matapos maligo at makapagbihis ay tumuloy na ko sa harapan ng kwarto ng batang yun saka marahang kumatok dito.
" Whatttt!" sigaw niya.
" Aalis na ko."
" Paki ko?!" sigaw uli niya, gigil ko naman sinipa yung pinto ng kwarto niya, bumukas naman to. " Ano ba problema mo?!"
" Aalis na kasi ako bunso, maglinis ka ng bahay huh." ngiti ko pero sumimangot lang sya.
" Feeling ka eh noh?" iling niya.
" Sige na aalis na ko, love you bunso."
" Ewww kadiri ka!" inis na saad niya, natatawa lang akong tumakbo palabas. " yung gate isarado mo!" rinig ko pang sigaw niya.
Pagsakay ko ng taxi ay nakangiti lang akong tumingin sa labas ng bintana.
Matutuwa kaya sya kapag pinasalubungan ko sya ng cookies? I'm sure masasarapan sya sa cookies ni Mommy. Kung si Trey lang talaga minahal ko nung una palang edi nagkaroon na pala ako ng nakakabatang kapatid, mejo masungit pero he's cute! I like him.
Hanggang maalala ko si Keith, nilabas ko lang yung phone ko. Nakita ko lang yung misscall galing sa kanya.
Madali akong nakamove on kay Allen dati kasi nung nakipagbreak sya, hindi na talaga sya nagparamdam pero si Keith, pano ako magmomove on sa kanya kung ganito? Naman kasi eh! Kung babae naman talaga gusto niya, edi babae! Tatangapin ko naman eh!
Basta sabihin niya!
Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko.
Mahigit isang oras din yung naging byahe ko hanggang makarating yung taxi sa subdivision namin.
Pagbaba ko ng taxi sa harap ng gate namin ay isang malalim na buntong hininga lang yung pinakawalan ko bago pumasok sa gate, ilang beses pumunta sa condo at school si Dad pero pilit ko syang iniiwasan.
Pagpasok ko sa bahay ay napakatahimik lang ng loob.
Humakbang lang ako paakyat sa hagdan hanggang maulinagan ko yung pagkabasag nung kung ano.
" Samantha, pipilitin ko kausapin si Kibo. Wag kang mag alala alam ko maiintindihan din niya tayo." rinig kong saad ni Daddy.
" Miss na miss ko na yung anak ko, yung mga anak ko." umiiyak na saad ni Mommy, pinunasan ko naman yung luhang tumulo sa mata ko. " Bakit kailangan nila idamay si Neko, Wala syang kasalanan, wala!" sigaw ni Mommy.
" Nakakulong na sila." mahinang saad ni Daddy. " At pinapangako ko na habang buhay nilang pagbabayaran yung ginawa nila sa anak natin. Samantha patawarin mo ko, alam ko kasalanan ko. Kasalanan ko."
" Wala kang kasalanan ben at hindi niya dapat dinamay si Neko, hindi yung mga anak ko!" umiiyak na saad ni Mommy. " Hindi ka diyos para mapagaling yung anak niya!"
" Pero.."
" Hindi mo kasalanan na namatay yung anak niya at lahat ng empleyedo sa branch na yun ay nawalan ng trabaho, hindi lang sya! Hindi ko maintindihan bakit sayo niya sinisi yung pagkamatay ng anak niya na parang ikaw yung nagbigay ng sakit dito. Nagbigay ka naman ng tulong sa kanya di ba, ginawa mo lahat Ben, hindi ka nagkulang naghanap lang talaga ng taong masisisi yung hayop na yun."
" It's my fault." hikbi ni Daddy. " At di ko sya masisisi, alam ko yung pakiramdam ng mawalan ng anak, para akong mababaliw ang pinagkaiba lang namin.. si Kibo.. si kibo yung kinapitan ko para mabuhay pa."
" Alam kong nagsinungaling ka hindi para kay Kibo, kundi para sa sarili mo. Gusto mo paniwalain yung sarili mo hindi sa ganun paraan namatay si Neko pero kahit masakit, kahit ayaw natin..tinanggap ko na.. Ben I know na sobra mong sinisi yung sarili mo sa pagkawala ni Neko pero hon, it is not your fault."
Humakbang lang ako hanggang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto nila.
" Mom." mahinang saad ko, kita ko naman na napalingon sila sakin.
" Kibo?" gulat na saad ni Mommy saka nagmamadali akong niyakap.
" Kibo anak." naiiyak na saad ni Daddy.
" I'm sorry po." bulong ko habang nakatingin kay Daddy. " I'm really sorry dad."
Nagsinungaling sila sakin sa pagkawala ni kuya Neko pero hindi maiaalis nun yung katotohanan na sobrang mahal nila kami, kung gaano kami kahalaga sa kanilang dalawa. Masakit para sakin yung pagkawala ni kuya at sa kung paano sya nawala pero sapat ng nagbayad yung mga gumawa nun at di ko hahayaan pang masira yung pamilya na meron kami dahil lang sa nakaraan na hindi na namin mababago pa.
" I am sorry kuya kung ang immature ko." saad ko habang nakatingin sa malaking portait na nasa ikalawang palapag ng bahay namin. " Nagalit ako agad kay mom and Dad na hindi man lang sila binigyan ng pagkakataon ipaliwanag lahat."
" I am sorry." pilit na ngiti ko hanggang makita ko si Daddy na lumabas sa office niya habang may hawak na enveloped, lumapit lang sya sakin saka ginulo yung buhok ko.
" Thank you anak bumalik ka."
" Hindi ko kayo matitiis ni Mommy." ngiti ko. " Mahal na mahal ko kayo."
" I miss your kuya."
" I know he is your favorite."
" Yeah." tango niya, natawa lang ako.
" Daddy naman eh."
" Hindi ko na itatanggi anak, favorite ko talaga yung kuya mo. Magaling makipagsuntukan yun eh."
" Sa kusina lang ako dad eh." ngiti ko.
" I know pero pantay yung pagmamahal ko sa inyong dalawa kasi parehas ko kayong anak."
" What's that Dad?"
" This is your kuya's last promise at nung gabing yun, tinupad niya and you can't imagine how proud I am na nagkaroon ako ng anak na katulad niya." saad ni Daddy na nagpakunot ng noo ko. Binigay naman sakin ni Dad yung envelope. " Magugulat ka kung anong nasa loob niyan."
" Really?" saad ko saka to binuksan, may nakita lang akong ilang papel. Sinimulan ko lang tong basahin. " Gagawin ko rin naman to incase and you know that Dad, we promise to do this di ba and when I turned 18 nagsign ako papers for this?" ngiti ko kay Dad.
" Basahin mo pa, this one." saad ni Daddy saka nilagay sa unahan yung isang papel hanggang may mapansin akong nakasulat dun. Halos kilabutan ako ng mabasa yun... Shit! nanlalaki ang matang nag angat ako ng tingin kay Daddy. " Are you serious dad?"
" Yeah." ngiti ni Daddy. Natigilan lang ako ng tumunog yung phone ko at makita yung pangalan ni Allen.
" Sagutin ko lang Dad, can I have this Dad?" taas ko ng invelope, tumango naman si Daddy sakin. " thank you." ngiti ko saka sinagot yung tawag.
" Tumawag sakin Mommy mo, nasa bahay ka?"
" Yeah, why?"
" Okay na kayo ng parents mo?"
" Yeah, thank you."
" Punta ako jan."
" Why?"
" Uhm inaayos ko na kasi yung pag alis ko so maybe busy ka sa araw ng alis ko, gusto ko ng magpaalam." saad niya, humugot lang ako ng malalim na hininga. " Okay lang ba?"
" Sure." saad ko saka binaba yung phone ko.
" Anong sabi ni Allen?" tanong ni Daddy.
" Tutuparin na niya Dad yung pangarap niyang libutin ang mundo, And I am excited for him."
" Eh pano kayo?"
" Dad, walang kami." natatawang saad ko, kita ko naman yung pagbagsak ng balikat ni Daddy. " Tingin ko hindi talaga kami ni Allen ang nakatadhana pero I am so happy na finally magiging masaya na sya at tingin ko nakangiti si Kuya Neko kasi yung bestfriend niya, malaya na."
" Sabagay." buntong hininga ni Daddy. " Tell him that I wish him luck."
" Sure Dad, antayin ko sya sa labas. Pupunta sya eh." saad ko saka nagmamadaling bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay, ilang minuto pa kong naghintay ng makita ko yung kotse niya sa labas ng gate. Patakbo lang akong lumabas saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya.
" What's that?" turo niya sa envelope na hawak ko.
" This is the most shocking truth na nireveal ni Dad sakin kanina, I was really shock ng mabasa yung laman nito." ngiti ko saka linabas yung papel sa loob at pinakita sa kanya. Ilang sandali niya lang tong binasa hanggang mapatingin sya sakin.
" This is ansane!!"
" I told you!" ngiti ko.
" I can't believe it! Of all people?" natatawang saad niya saka pinaandar yung kotse niya hanggang makarating kami sa court ng subdivision namin, bumaba lang ako. Kinuha naman ni Allen yung bola sa likod ng kotse niya. " Namiss ko to." ngiti niya habang nagdidrible ng bola at nagshoot sa ring.
" Matagal ka ng di naglalaro dito?"
" Simula nung nawala si Neko." lingon niya.
" Tagal na nun."
" Wala na kasi akong kasama pumunta dito."
" Sabagay."
" Para sayo to huh." kindat niya sakin saka nagshoot ng bola, natawa lang ako nang hindi to pumasok. " Sorry." napapakamot na saad niya.
" Di talaga tayo para isa't isa noh?"'
" Malay mo pagbalik ko?"
" Gaano ka ba katagal mawawala?"
" I don't know, maybe 3 years or more."
" Hindi kita mahihintay, mainipin ako eh." ngiti ko.
" Pero incase na single ka at single ako?"
" Ayoko maghintay at ayoko din ikulong mo yung sarili mo sakin, I am sure na marami kang makikilala na tao at gusto ko bigyan mo ng chance yung sarili mo kasi malay mo as you travel the world makilala mo yung taong mamahalin mo at makakasama mo habang buhay."
" Tingin mo?"
" Anything is possible." saad ko, humugot lang sya ng malalim na hininga saka nagkibit ng balikat. Lumapit lang sya sakin saka nakangiting tumitig sa mukha ko.
" Bahala na, Nakaschedule na yung flight ko."
" Ayaw mo ihatid kita sa araw ng alis mo?"
" Wag na, baka magdalawang isip pa ko na wag tumuloy."
" Baka magbago din yung isip ko at pigilan kita." pilit na ngiti ko, natawa lang sya saka ginulo yung buhok ko. " Mamimiss kita." ngiti ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mata ko. " Sobrang mamimiss kita." hikbi ko, Binitawan niya lang yung bola saka ako hinila at yinakap. " Mag-iingat ka huh."
" Hindi man tayo yung nakatadhanang magmahalan, Kibo tandaan mo na kahit anong mangyare na proprotektahan kita. Mahal na mahal kita."
" Dapat babalik kang buo."
" Kaya ko sarili ko, ikaw.. aalagaan mo yung sarili mo huh. Matagal akong mawawala at dapat pagbalik ko, dentist ka na tapos masaya na kayo ni Keith." humiwalay lang ako saka tumitig sa kanya.
" Tingin mo kami ni Keith, magiging masaya?"
" Kung gugustuhin mo." ngiti niya, ngumuso lang ako.
" Pano kung ayaw ko?"
" Hindi mo na sya mahal? Hindi na ko aalis?"
" Mahal ko sya." irap ko na ikinatawa niya.
" Yun naman plaa eh."
" Pero di ko alam kung mahal niya ba talaga ko?"
" Well, Hindi natin pwedeng hingiin na mahalin tayo ng isang tao dahil lang sa mahal natin sila. It doesnt work that way, ang magagawa lang natin ay yung mahalin sila na walang hinihinging kapalit."
" Kahit masaktan tayo?"
" Kahit masaktan tayo, kasi ang totoong love.. walang kondisyon at walang hinihinging kapalit." ngiti niya. " Magmahal lang tayo ng magmahal hanggang dumating yung araw na magiging masaya rin tayo."
" Pero pano kung wala kaming happy ending?"
" You, of all people deserves a happy ending. But when I say happy ending, it doesn't mean its all about love. kibo happiness is right there." turo niya sa dibdib ko. " And there are so many beautiful reason to be happy, to have the happy ending we all dreamd off. Hindi man tayo nagkatuluyan, my happy ending is about traveling the world, my happy ending is right now and I want you to have your happy ending too." ngiti niya.
" You're right."
" So promise me na si Kibo na kapatid ng bestfriend ko at sobrang mahal na mahal ko ay sasaya at magkakaroon ng happy ending." ngiti niya. " Promise me."
" Promise." tango ko.
Yun ang huli naming pagkikita ni Allen, pagkalipas ng ilang araw ay natanggap ko yung text niya na pasakay na sya ng eroplano and I hate him for doing that. Hindi ko man lang sya nakita ng kahit huling beses pa.
SI KEITH
Pagkatapos ng matagal na preparations ay bagsak lang ang balikat namin ng maiwan yung team namin sa loob ng conference room ng opisina pagkatapos ipresent yung project sa client, halos lahat walang nagsasalita.
" It's okay." tapik ni Drew sakin kasabay ng isang pilit na ngiti. " We just need to revise it."
" Drew, Gusto nila ng ibang engineer. Hindi ka naman siguro manhid." saad ko. " Actually they want you."
" No, You are so distracted Keith and I think it is one of the reason kung bakit di naapprove yung project, Hindi mo sineseryoso! Lagi kang basta basta umaalis, minsan tinutulugan mo pa kami. Yung mga tanong nung client na hindi mo masagot kasi hindi mo alam?! the heck! you know if you don't want this just say so. You are the engineer of this project pero halos si Drew ang gumawa ng lahat, nagsayang lang tayo ng oras lahat dito. I'm out! ayoko makatrabaho yung taong wala naman talagang alam pero nakuha yung project dahil lang sa anak sya ng may ari." saad ng isang team mate namin saka padabog na lumabas.
" That is so rude." iling ni Drew.
" It's true." saad ko saka tumayo at nagmamadaling lumabas.
" Keith." habol ni Drew sakin pero tumuloy na ko sa office saka nag ayos ng gamit. " Kausapin uli natin sila, sinunod naman natin yung gusto ni Mrs Ventura. I think kailangan lang ng konting revision."
" Di mo naiintindihan Drew, walang problema yung proposal, it's good! Ang ayaw nila.. ako?"
" No."
" Yes." iling ko saka sya nilampasan.
" Where are you going?"
" Uuwi na." tumingin namna sya sa orasan sa kamay niya.
" Gusto mo sumama ako?"
" No." iling ko saka nagmamadaling tinungo yung elevator, pagasara nito ay dinial ko lang yung numer ni Queenie.
" Yes kuya?"
" Pumasok si Kibo?"
" Wala kaming class today so baka nasa condo lang sya."
" Really?"
" Yes kuya."
" Kinakausap ka na niya?"
" Hindi parin, ano ba ginawa mo sa kanya bakit pati ako di niya kinakausap? Nang babae ka noh? Nakakainis ka pati friendship namin nadadamay dahil sayo."
" I'm sorry."
" Ayusin mo kuya please, namimiss ko na sya eh."
" Yeah promise." saad ko.
" Pupunta ka ba sa condo niya? Alam ko na yung new passcode niya."
" Pano mo nalaman?"
" Nagtext sakin si Kibo nung isang araw, humingi ng favor na pakiinin si Piggy. Binigay niya yung passcode."
" Kala ko hindi ka kinakausap?"
" Yeah, nagtext lang. Sinubukan ko sya tawagan pero di naman niya sinagot."
" Okay, Di na talaga sya makakaiwas sakin." saad ko, nang ibigay ni Queenie yung passcode ay pinatay ko na yung phone ko, napangiti lang ako pagsakay ko sa kotse. "Di mo na ko maiiwasan ngayon." bulong ko saka mabilis na nagdrive. .
Nang may madaanan na flowershop ay bumili lang ako ng isang boque ng roses.
Halos kalahating oras din yun bago ako nakarating sa building namin. Nang tingnan ko yung oras ay mag aalasyite na ng gabi.
Agad ko lang tinungo yung elevator saka sumakay dito dala dala yung bulaklak na binili ko hanggang tumigil to sa 9th floor.
Paglabas ko ilang sandali lang akong natigilan ng may matanaw na lalake na pumasok sa unit niya, matangkad to kaya alam ko na hindi si Kibo yun humakbang lang ako saka ilang sandaling tinitigan yung pinto ng unit niya.
Who is that?
Allen?
Yeah maybe it's him, pero nagtext sya sakin nung nakaraan na aalis na daw sya at kailangan ko bantayan si Kibo. Sinabi pa niya na nagpaparaya na sya basta aalagan ko si Kibo.
Eh sino yung lalakeng to?
Humugot lang ako ng malalim na hininga saka pinindot yung passcode at binuksan yung pinto.
Pero tila ako naestatwa ng makita kong halos nakapatong na kay Kibo yung lalakeng yun sa sofa habang magkalapat yung labi nila hanggang magtama yung mata namin ni Kibo. Agad niya lang tinulak yung lalake.
" How was that?? do you like it?" tanong nung lalake kay Kibo, I know that voice..shit..ramdam ko lang yung panginginig ng kamay ko ng oras na yun hanggang lumingon to at magtama yung mata namin.
" Trey?" bulong ko.
" Keith." ngiti niya pero tumulo lang yung luha ko saka sya hinila at binigyan ng malakas na suntok sa mukha.
ITUTULOY
Authors note: Sabi ko hanggang chapter 20 lang limit ko dito pero pasensya na pero may kasunod pa to hahaha, ilalabas ko na din yung teaser ng new story soon and sabi ko nga sa group, ibang iba yun! matured content haha Imagine nasa chapter 20 na pero wala pa ring bed scene si kibo? what the eff! pero yung next chapter...uhmmm abangan niyo..promise.. haha.. i love kibo kaya ayoko na sya malungkot haha
Thanks kay Young sa help, sa pag guide.. love lotsss! salamat sa mga nagbabasa neto, super thank you sa pag appreciate. dun sa mga nagbabasa na super into details na pilit sinasagot yung mga tanong sa story.. thanks sa effort.. love you guys.
Ang haba neto ng AN haha! So please like, share and vote pleasee and comment na din naman.. para alam ko din yung thoughts niyo. We do have private group sa facebook. just search 'Bluerose' Thankiieee
How do I bet on the NBA? - Sporting 100
ReplyDeleteThere are nine ways to bet on NBA in a single game. 토토사이트 You 우리 카지노 더킹 simply need to predict 샌즈 카지노 총판 how titanium tubing much the NBA money will go 카지노 추천 to win it.