XOXO
Keith and Kibo
CHAPTER 21
SI KEITH
Pagpasok ko sa office ni Dad, sinalubong lang niya ko ng simpleng ngiti, marahan lang akong tumango dito saka umupo.
" How are you?"
" I'm fine Dad." pilit na ngiti ko.
"I don't think so." saad niya, pero isnag buntong hininga lang yung pinakawalan ko. " I'll be honest to you son, Nagdadalawang isip si Mrs Ventura na ibigay satin yung project na hawak mo."
" Is there a specific reason?"
" They want Drew to be thier engineer, but I ask them to atleast try to hear your proposal bago sila magdecide. Alam ko pinaghirapan at pinagpuyatan mo yun."
" Dad yung proposal namin is Good, it's perfect. I'm sure kapag nakita nila yun, ibibigay na nila yung project."
" Naniniwala ako sayo Son." ngiti ni Daddy pero ilang sandali pa ay may nilagay lang syang enveloped sa harapan ko.
" What's this?"
" Read it, it's an offer. Pag-isipan mong mabuti bago mo ibigay yung desisyon mo and I want you to be smart about that offer." isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko ng mabasa yung nasa loob nun. " I'm just giving you an option kung sakaling mareject yung proposal mo."
Marahan lang akong tumango saka lumabas sa office ni Daddy.
SI KIBO
" Good morning!" masiglang bati ko pagpasok sa bahay nila Trey, kita ko lang yung pagkunot ng noo nila habang nakatingin sakin, kasalukuyang silang nag aalmusal ni Nigel sa mesan nun.
" What are you doing here?" nakasimangot na saad ni Nigel.
" Ang aga mo ah, wala pang 7am?" ngiti ni Trey.
" Uhm may pasok ako pero naisip kong dumaan muna dito." ngiti ko.
" Ang panget naman ng naisip mo, parang mukha mo." bulong ni Nigel saka sumubo ng hotdog, inirapan ko naman sya.
" Mabulunan ka sana!" simangot ko. "Dumaan lang talaga promise." baling ko kay Trey.
" Para maiwasan si Keith?" Tanong ni Trey pero umiling lang ako, kasinungalingan! Lagi na kong maagang umalis sa condo, natatakot kasi akong makasabay si Keith sa elevator kaya as much as possible maaga ako umalis. " Alam mo hindi mo maiiwasan si Keith habang buhay."
" No, namiss ko lang si Nigel kaya andito ako." kindat ko dito.
" Kuya, kapag ba nakapatay ako dadalawin mo ko sa kulungan?" ngiwi ni Nigel.
" Hindi, bahala ka sa buhay mo." natatawang saad ni Trey.
" Gusto ko sya sakalin Kuya, pero di bali na. Ayoko makulong, walang dadalaw sakin." iling niya saka ngumiti sakin. Nagpacute naman ako sa kanya. " Hayop na mukha yan, ang sarap batuhin." iling niya.
" So mean."
" But so handsome." ngiti niya.
" Parang hindi naman." sarkastikong saad ko. " May pasalubong ako sayo." taas ko ng paper bag na dala ko.
" Sa kanya lang?" nguso ni Trey na ikinangiti ko.
" Syempre meron ka din." saad ko saka nilabas yung nasa paper ba. " Nagbake ako ng cookies last night, baka lang magustuhan ng baby Nigel natin."
" baby your face!"
" Everyday na ba to Kibo? Baka magexpect ako tomorrow na andito ka uli bago pumasok." ngiti ni Trey.
" Well, pag iisipan ko."
" Eww wag mo na pag-isipan! Baka ikamatay ko kapag araw araw ko makita yung mga panget niyang ngipin." tiningnan ko naman to mula ulo hanggang paa, nag mag angat ako ng tingin ngumiti lang ako.
" kala mo ang gwapo mo noh? Ang aga aga mo ko inisin."
" You know what? I don't believe in love at first but I DO believe in annoyed at first sight, coz that is what I experience with you and to your ugly teeth." ngiti niya pero inis ko lang syang tiningnan. " I hate you."
"I just realize that not everyone has a good taste."
" Mag ingat ka, baka magising ka nalang isang umaga naka braces ka na." simangot pa niya. " Dadalhin kita sa dentist habang tulog, tapos na ko kumain paki ligpit kuya huh, ako na maghuhugas."
" Whatever." irap ko sa kanya saka lumapit kay Trey at nilapag sa mesa yung tupperware na may laman na cookies. " And this is for you baby." inis na saad ko kay Nigel at inabot dito yung cookie, kinuha naman niya to.
" Thanks, pasok na ko sa kwarto." saad nito saka nagmamadaling pumasok sa kwarto niya.
" Atleast marunong kang magthank you noh!?" sigaw ko.
" He loves cookies." ngiti ni Trey sakin.
" Really?"
" Yeah."
" So what are you doing here?"
" Wala naman."
" Nagbreakfast ka na?" tanong niya, marahan lang akong tumango at naupo sa isa sa mga upuan. " Iniiwasan mo si Keith noh?" sinagot ko lang to ng buntong hininga saka tinaas taas yung kilay, natawa lang sya saka sumubo ng hotdog.
" Pagkatapos ng nakita ko sa condo niya, tingin mo gugustuhin ko pang makita sya?"
" Pero mahal mo sya."
" Mahal ko din sarili ko." buntong hininga ko. " Gusto ko nalang syang sukuan pero yung puso ko? Ayaw pa din pero alam mo yung utak ko sinasabi niya na wag akong magpakatanga at magmove on na."
" So hindi pala magkasundo yung utak at puso mo ngayon?"
" Yeah, nasa state sila ng war ngayon. Pero dahil andito ako, my smart cutie brainy is winning." ngiti ko.
" But I'm sure kapag nakita mo si Keith, magtataas ng puting bandera yung utak mo." ngiti niya, sumimangot naman ako. " Alam mo kahit pinsan ko si Keith, Hindi ko gustong maging kayo."
" Why?"
" Kasi kilala ko sya at kilala na din kita, Hindi ako kakampi sa kanya kahit pinsan ko pa sya kasi alam kong hindi tama yung ginawa niya. Kung mahal ka talaga niya, hindi niya gagawin yun kaso ginawa niya eh."
" So hindi niya ko mahal?"
" Okay maybe, I don't know pero ang hirap paniwalaan. Kilala mo din si Keith for sure, ay mali sobrang kilala mo pala si Keith." natatawang saad niya. " So you know kung gaano sya kabaliw sa babae."
" Yeah."
" Then all of sudden biglang lalake na yung gusto niya, you're cute yeah but unfortunately you are not a girl." ngiti niya, marahan naman ako tumango kasunod ng isang buntong hininga. " Keith likes girls and you know that, yung nakita mo? It's normal for him so if I were you, hindi na ko aasa sa kanya."
" Hindi naman ako umaasa na magkakatuluyan talaga kami."
" Sinungaling."
" Umaasa na, oo na!" simangot ko na ikinangiti niya. " Syempre masakit pero tanggap ko na hindi kami magkakatuluyan kasi ganito nga ako."
" Na what?"
" Na I'm gay."
" Kibo, know your worth. Pwede kang mahalin kahit gay ka pa, lagi mong tandaan yan pwede? Dinedegrade mo yung sarili mo dahil lang bakla ka at hindi yun tama."
" Pero yun ang reality."
" Reality is absolute, Kibo each individual has his own perception of reality. Magkakaiba tayo Kibo. Kamahal mahal ka at yun ang tingin kong reality mo." ngiti niya
" Salamat." nguso ko.
" Okay serious question."
" What?"
" Gusto mo ba ko?" tanong niya, umiwas naman ako ng tingin saka pilit na ngumiti. " What, do you like me?"
" Ang straight forward."
" Just answer it?"
" Gwapo ka."
" Alam ko, so gusto mo ko?"
" You're tall."
"I am." tango niya.
" I think you're sexy."
" May abs ako, nakakapag gym ako kahit paano, gusto mo makita?" ngiti niya agad naman akong umiling. " Okay."
" Is it big?" kunot ang noong tanong ko, natawa naman sya.
" What's big?"
" That thing?" saad niya saka bumaba yung tingin saka ngumiti.
" Okay I get it, kilala nga pala kita. Yeah I think it's big enough, I don't know if you can handle it but Yeah, it's big." ngiti niya, nakagat ko lang yung labi ko.
Shete bakit naiimagine ko! haha
" Really?" napapakamot na saad ko.
" So do you like me?"
" Pghysically yes, I admit it." ngiti ko. " But..."
" May but talaga?" tawa niya.
" There is no emotion, you know.. Kung sex at sex lang naman let's go, let's do it pero kung mahal kita? No." iling ko. " Wala."
" Okay, hindi mo ko mahal but attracted ka sakin and for me that is enough."
" What do you mean?"
" I want to be your boyfriend kibo." ngiti niya, nanlaki lang yung mata ko.
" What the hell!" rinig kong saad ni Nigel, pero nagkibit lang ng balikat si Trey. " Kuya bawiin mo yun! Kapag naging kayo baka araw araw nang pumunta dito yang panget na yan!"
" Fine! Be my boyfriend." nakasimangot na saad ko habang nakatingin kay Nigel.
" Mukha mo! bakit ako?! Hindi kita type." asik niya.
" I mean, Si trey! Trey be my boyfriend." turo ko kay Trey. " Sya hindi ikaw!" asik ko dito pero kita ko lang yung gigil sa mukha niya.
" Are you sure?"
" Sure of what?"
" Na tayo na?"
" No! Oh hell no.. kuya trey wag please. No, this can't be." iling niya saka sumubo ng cookies.
" Are you always this retarded or are you making special effort today?" simangot ko sa kanya pero matalim lang syang tumingin sakin kaya binalik ko yung tingin ko kay Trey.
" Say yes, Kibo?" ngiti niya habang deretsong nakatingin sakin.
" Kapag naging tayo ba, magsesex tayo?" pilit na ngiti ko.
" Depende sayo, but I'm willing." kindat niya sakin.
" Okay I'm done! This is too much for me! This is insane! Kinikilabutan yung bunbunan ko!" saad ni Nigel saka tumalikod, natawa lang ako. " Magunaw na sana ang mundo, ngayon na!" sigaw pa niya.
SI TREY
" What the hell are you thinking?" rinig kong saad ni Nigel, nagwave naman ako ng kamay kay Kibo na sinasarado yung gate. Di man lang sya kumain bago pumasok sa school.
I am his boyfriend now
Di ko alam kung magugustuhan ako ni Neko para sa kanya pero this is the only way to protect him, lalo na kay Keith!
" Kuya are you listening? What the hell are you thinking?"
" What?" lingon ko sa kanya.
" Do you like him?"
" Yeah?" ngiti ko.
" Seriously?"
" Damn serious." tango ko sa kanya.
" Pero babae yung gusto mo di ba?"
" Bakit may problema ba kung lalake na yung gusto ko, wala nanaman tayong parents kaya sino pa tututol kung sakali?"
" Ako, tutol ako!?"
" Explain, why?"
" He's ugly. I don't like him."
" Type mo ba sya?"
" No!" nanlalaki ang matang saad niya. " Ewww, I don't have anything against gay people but I personally don't like that Kiddo, he's annoying, he is brazen and ugly! I hate him."
" Edi akin na sya, pero kung gusto mo sya magpaparaya ako bro."
" Yuck, kinikilabutan ako." iling niya.
" Then he is mine, akin na sya."
" Pero?!"
" Ano?"
" Pero?!"
" Ano nga?!" Ilang sandali lang syang nakasimangot na nakatingin sakin. " What, kung gusto mo sya. Sabihin mo lang."
" Fine, sabagay kapag naging kayo hindi na ko mahihirapan na bantayan sya." simangot niya na ikinakunot ng noo ko.
" Bantayan sya? What do you mean?"
" Allen fernandez is so protective to that ugly Kiddo, so kasama sa conditions ng scholarship ko na bantayan ko si Kibo habang wala pa sya. How unfortunate but yes! Kailangan ko bantayan yung panget na yun."
" He is not ugly Nigel."
" Yes he is."
" No, pero kasama talaga na kailangan mo sya bantayan?"
" Yeah, Sadly." umiikot ang matang saad niya.
" Gaano ba katagal mawawala si Allen?"
" I don't know pero kung matagal, yeah I think mas okay na maging kayo ni Kibo para di na ko mahirapan pa. Go Kuya, hindi na ko tutol pero ipangako mo na hindi kayo maghihiwalay hanggang di pa ko nakakagraduate." tango niya, natawa lang ako saka ginulo yung buhok niya. " What?"
" So nasa isang team pala tayo?"
" Team?"
" Yeah, I want to protect Kibo."
" Protect him from what?"
" From Keith."
" speaking of Kuya Keith, let me show you something." ngiti niya saka naglakad papunta sa kwarto niya. Nang sundan ko sya nakita ko lang ng may kinalikot sya sa desktop niya hanggang makita ko yung cctv sa building nila Kibo. " Nacurious ako kasi that night, okay si Kibo pero kinabukasan nagtaka ako bakit tulala sya sa school then sa sementeryo sya tumuloy kesa umuwi."
" So ano nga?"
" Look." saad niya, hanggang makita ko si Keith na may kasamang babaeng sumakay ng elevator habang pilit hinahalikan si Keith. " And that time nasa loob si Kibo ng condo ni Kuya Keith."
" Nakwento na sakin ni Kibo yan." saad ko.
" Really, nagkausap sila ni Kuya Keith sa loob? Kasama yung babaeng yun?"
" Hindi nila nakita si Kibo, nagtago sya."
" Oww I see. That hurts." saad niya hanggang makita ko yung paglabas ni Kibo sa pinto ng condo ni Keith habang umiiyak.
" Gagantihan ko si Keith dahil sa ginawa niya kay Kibo." seryosong saad ko.
" How, as far as I remember huh parehas kayong babaero ni Kuya Keith."
" No, sya lang. Yung mga naging girlfriend ko? Si Keith lang din nagpakilala sakin non and I have no intentions na maging girlfriend sila, minsan nagugulat nalang ako na may syota na pala ako. Nawalan nalang ako ng choice."
" Sabagay, kasi kung seryoso ka sa mga yun. Dinala mo na sana dito, pero si Kibo nadala mo dito sa bahay." lingon niya. " He is annoying pero kung gusto mo naman sya, fine go." kibit niya ng balikat.
" Honestly, Kapatid lang tingin ko sa kanya, parang ikaw."
" Eh bakit syinota mo?"
" Kasi igaganti ko sya kay Keith." ngiti ko.
" Paano kung mainlove sya sayo?"
" better, iniisip ko palang kinikilig na ko." natatawang saad ko, kita ko naman yung pagsimangot niya. " What?"
" kala ko ba kapatid lang?"
" Uhm half half."
" Ewan, labas na nga!"
" Help me."
" Saan?"
" Iganti sya kay Keith?" saad ko, humugot lang sya ng malalim na hininga saka marahang tumango.
" Nakakainis yung ginawa ni Kuya Keith, fine sige kahit panget yun kibo na yun, tutulong ako." ngiti ni Nigel, nag apir naman kaming dalawa.
" That's my little brother, concern sa sanlibutan."
" SANLIBUTAN?!" ngiwi niya, natawa langa ko saka lumabas ng kwarto niya.
SI VANESSA
Nasa counter ako nun ng chekko ng matanaw ko si Queenie at yung Mommy niya na pumasok, sinalubong ko naman sila ng ngiti ng makalapit sila sakin.
" Goodevening Tita Poly." bati ko dito.
"Vanessa this is place is good, I love it."ngiti nito habang nililibot yung tingin sa paligid, kita ko naman yung tingin sakin ni Queenie. " Malapit sa university kaya I'm sure patok to students, tama ako?" saa dnito, tumango lang ako.
" I told you Mom, maganda dito. Madami laging tao, lalo na sa gabi." saad ni Queenie, marahan ko lang syang tinanguhan.
" Pasensya na kung ngayon lang ako napasyal dito." ngiti nito.
" Okay lang tita, so ano pong gusto niyo. We do have different flavor ng milk teas. We also have pasta, lasgna. We also have cakes here." turo ko estante sa gilid kung saan nakalagay yung mga cakes.
" Mom, the blueberry cheesecake here is dope!"
" Really?"
" Thanks Queenie." ngiti ko dito.
" It's my favorite ate Vanessa and it's masarap talaga,Di sya ganun ka-sweet and so love it!" appove pa ni Queenie.
" Okay we'll have that one and I love strawberry milk tea." ngiti nito, nang matapos sabihin nila yung order nila ay tumuloy na sila sa isang mesa hanggang bumalik si Queenie sa counter.
" Ate Vanessaaaaaa."
" What?"
" Can you talk to her about kuya and Kibo?"
" Me?"
" Please, I really miss Kibo and gusto ko na sila maayos ni Kuya. Kaya pinilit ko dalhin si Mommy dito kasi you are the only one I know na pwede syang kausapin about this issue. Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya."
" Pero?"
" Please ate Vanessa, para kay Kuya and to my bestfriend?" seryosong saad niya.
" I'll try." pilit na ngiti ko.
" Thank you so mucchhhh!" ngiti niya saka masayang bumalik sa Mommy niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka hinarap yung sumunod na customer. Nang matapos iprepare yung order nila ay ako na ang nagdala sa mesa nila.
" Ito na po Tita." saad ko saka nilapag yung order nila sa mesa.
" Mukha ngang masarap." saad nito.
" Tita would you mind if I join you here?" ngiti ko.
" Sure why not, gusto din kita kamustahin eh." saad nito, tinawag ko naman yung isang staff at nagpadala ako ng kape. " So Kamusta ka, your parents? Wala ba silang planong magbakasyon dito sa pilipinas?"
" I'm doing good Tita, sila Mama and Papa busy sa company namin sa japan. Magbabakasyon sila soon, gusto din nilang makita yung tinayo kong shop and they are so proud of me for putting this up alone."
" Nakakaproud ka naman talaga, sana makauwi na yung parents mo, I miss kabonding yung Mommy mo." ngiti nito, nagkatinginan lang kami ni Queenie. " Wala ka bang balak mag asawa?"
" Wala pa po tita." ngiti ko.
" I see, napakaganda mo."
" Thank you po, Actually may gusto po akong sabihin sa inyo."
" Sure what is it?"
" Tita Poly about kay Keith."
" What about him?"
" I know that your son, likes Kibo." saad ko, kita ko naman na marahan tong tumango saka sumubo ng cake. " Mahal po sya ni Keith."
" I know."
" At alam ko din po na nilapitan niyo si Kibo to ask him na layuan si Keith."
" Nagsumbong sya sayo?" natatawang saad nito. " That Kid is so cute."
" Hindi sya nagsumbong Mom, nakita ko po kayo." saad ni Queenie. " Ano yung nasa enveloped na binigay niyo kay Kibo?"
" Pictures." saad nito saka nagkibit ng balikat. " Pictures ni Keith mula pagkabata, I just want to show him kung gaano kaimportante sakin si Keith, na gusto ko syang makitang makasal. So also put a picture of Drew dun sa envelope."
" Mom, Mahal ni Kuya si kibo."
" And that Kid loves your kuya too." ngiti nito.
" Mom?"
" Alam mo ba sinagot niya sakin nung sinabi ko na hindi ko sya gusto para keith?" saad nito na may ngiti sa labi. " Gusto niya din daw makita si Keith na makasal, magkaroon ng normal na pamilya at mabuhay ng masaya. Nangako sya sakin na lalayuan na niya si Keith and I felt so bad nung sinabi niya yun."
" Mabait po si Kibo." saad ko.
" I Know Vanessa, nung sinabi niyang lalayuan niya si Keith. Naalala ko yung Daddy nila, my husband. They are both selfless, kahit masakit ay mas mahalaga parin sa kanila yung taong mahal nila, na kahit masaktan sila pipiliin parin nila kung saan tingin nila mas sasaya yung taong nasa puso nila."
" Mom."
" Hindi ko na nilapitan si Kibo after that, narealize ko na kung para sila sa isa't isa. Tatanggapin ko si Kibo ng buong buo. The love that Kibo have for you kuya is one of a Kind, it's true and beautiful and that kind of love is what I want for you kuya whatever his gender is." ngiti ni Tita Poly, nakahinga naman ako ng maluwag saka nagbigay ng matamis na ngiti.
" Thank you tita." saad ko.
" Kaya mo ba ko dinala dito para kausapin tungkol kay Kibo?" lingon nito kay Queenie
" Yes Mom, I think kuya did something terrible to him. Iniiwasan sya ni Kibo."
" Tingin mo ba dahil parin sakin?"
" I don't know mom?"
" I don't think so tita, mejo may nasabi kasi si Keith about kibo's family issue. Bad shot sya ngayon sa parents ni Kibo."
" Ow that's bad."
" Alam mo naman si Kuya , Mom. Hindi ganun kagaling sa mga words niya."
" Okay, I will talk to Kibo din soon, Don't worry hindi ko na hihilingin sa kanya na layuan si Keith."
" Love you Mom."
" Hays I wish sayo nagkagusto si Kibo pero wala eh, mas maappeal talaga yung kuya mo anak." ngiti ni Tita Poly, kita ko naman yung pagsimangot ni Queenie.
" Mommy naman eh!"
" Just Kidding."
" Pero nakakainis nga Mom, I like Kibo din. Pwede kaya kami magshare ni Kuya sa kanya? Oh I think it's a good idea."
" Queenie." ngiwi ko, natawa naman si Tita Poly.
SI KIBO
" Trey." kaway ko sa kanya ng matanaw ko sya na naglalakad papalapit sakin, nasa sementeryo ako nun. Nacancel yung klase namin ng araw na yun for some reason kaya nagpasya nalang akong pumunta sa puntod ni Kuya Neko. Hanggang tumawag si Trey na day off niya.
" Hey there." lahad niya sakin nung hawak niya, nanlaki lang yung mata ko ng makita yung logo ng chekko.
" Woww! I really miss this." kuha ko dun sa milk tea.
" Namiss ka na ni Vanessa, dapat pumunta ka dun."
" Saka na." nguso ko, natawa naman sya saka nilapag yung bulaklak na hawak niya sa puntod. " Akala ko para sakin." natatawang saad ko.
" Gusto mo ba ng bulaklak?"
" Uhm okay lang pero nakakakilig yun kapag meron."
" Next time."
" Syota na ba talaga kita?"
" Bakit ayaw mo?"
" Yeah."
" Huh ayaw mo?"
" Gwapo ka Trey pero alam mo naman si Keith yung mahal ko di ba. Nabigla lang talaga ko nung tinanong mo ko saka nakakainis din kasi si Nigel kaya pumayag ako."
" Kibo ang martyr mo, nakita mo na sya sa condo na may kasamang babae tapos mahal mo parin sya?"
" Ang tanga ko noh?" ngiti ko, marahan naman syang tumango.
" Sobra."
" Gusto ko naman na syang kalimutan pero yung puso ko, ayaw pa."
" Okay ganito hindi ako papayag na makipagbreak sayo, tutulungan kitang kalimutan si Keith."
" Pero ayoko naman gamitin ka para lang dun, ang unfair sayo nun?"
" Wala akong paki." ngiti niya. " Basta ako ang boyfriend mo, naiintindihan mo at akin ka na."
" Kuya lang tingin ko sayo eh."
" Hindi mo ko pinagnanasaan kahit konti?" tanong niya, umiwas naman ako ng tingin. " I'm sure you do."
" Hindi po kaya ako santo, pero kung iniisip mo na gusto kong makipagsex sayo? No, hindi sya mangyayare kasi hanggang mahal ko yung panget na yun.. katawan niya lang yung gusto ko makita and...alam mo na yun."
" Fine." kibit niya ng balikat pero sabay lang kaming nagulat nung magsimula bumuhos yung malakas na ulan.
" Shit! Yung gamit ko." tarantang saad ko sinimulan kunin yung mga gamit ko. " Wala akong dalang payong." hanggang hubarin ni Trey yung jacket niya saka binalot yung bag ko.
" Let's go." saad niya, sabay lang kaming tumakbo hanggang makarating kami sa chapel sa loob ng sementeryo para sumilong.
" Ay naman eh." bukas ko sa bag ko, natawa lang sya.
" Okay pa ba?"
" Yung notes ko, may kailangan akong report na ipasa sa Friday."
" Holiday tomorrow di ba?" tanong niya.
" Yeah, wala kaming pasok."
" Do you have plan?"
" Buong araw akong may gagawin, need to finish this. Malapit na yung exam eh." ngiti ko hanggang may mapansin akong kwintas na nasa leeg niya. Basa yung puting tshirt na suot niya kaya nakabakat dun yung pendat na yun.
" Why?"
" Your necklace, can I see it?"
" Uhm bakit?"
" It looks familiar." kita ko naman na nilabas niya yung kwintas, ilang sandali lang akong natigilan. I know that necklace pero baka kamukha or parehas lang. " Uhm maybe same lang ng design." iling ko, kita ko naman yung ngiti niya. " Why?"
" Neko gave this to me." saad niya, nanlaki lang yung mata ko habang nakatingin sa kwintas na yun.
" Are you serious!?"
" Yeah."
" Pero kuya love that necklace!" saad ko saka inabot to at tiningnan yung likod kung saan may nakaengrave na CN. " Yeah, this is it! It's kuya neko's necklace! Oh my god! Are you for real?"
" I think so?"
" Pero panong nangyare?! Super ingat na ingat si Kuya sa necklace niya nayan."
FLASHBACK
SI TREY
" Hey I know you right?" untag sakin sa likod ko, nasa book store ako nun para bumili ng ilang books. Nang lumingon ako nakita ko lang si Neko na may ngiti sa labi. " Kilala kita di ba?"
" Yeah, I'm trey." tango ko, kita ko naman na kumuha sya ng libro sa isa sa mga tinitingnan ko.
" I'm bored." saad niya saka bumuntong hininga. " What's this, childrens book?"
" yeah."
" Para sa kapatid mo?"
" Nope." iling ko.
" Hindi naman siguro to para sayo?"
" Hindi." natatawang saad ko.
" Wait hulaan ko, let me think." saad niya habang nakatingin sa hawak niya. " Hindi para sa kapatid, hindi rin para sayo..Uhm pinsan? Para sa pinsan?"
" Hindi rin." iling ko.
" Para sa ibang tao? Eh kanino?"
" Wala ka bang gagawin ngayon?"
" Sumama yung kapatid ko sa cooking class ng Mommy ko, si Daddy naman busy sa opisina niya at si Allen may piano lesson ngayon so napakalungkot na ako lang mag isa ngayon. Nakakalungkot pa na wala akong makausap." natatawang saad niya. " badtrip."
" Actually may pupuntahan ako, Gusto mo sumama sakin?"
" Exciting ba yan?"
" Uhm I think so."
" Tara." ngiti niya, kinuha ko naman yung ilang libro saka biniyaran sa counter.Dumaan pa kami sa grocery para bumili ng mga candies.
" Para san yan candies?"
" Malalaman mo din." ngiti ko, Pagdating namin sa parking lot kita ko lang yung tingin niya sa motor ko. " Wow astig, sayo yan? Kaya pala bumili ka ng helmet." inabot ko naman sa kanya yung binili kong isang helmet.
" Regalo sakin ni Daddy."
" Mukhang bagong bago pa."
" Yeah, kabibili lang."
" Rich Kid ka pala huh." nilabas ko lang yung isa pang helmet sa loob ng motor.
" Si daddy ang mayaman, hindi ako." natatawang saad ko. " Marunong ka magdrive?"
" Yeah, may student license ako. Pwede ko subukan?" ngiti niya, marahan naman akong tumango. Excited lang syang sumakay sa motor saka sinuot yung helmet na binigay ko. " Ang astig!"
" Gusto mo ikaw magdrive?"
" Saan ba tayo pupunta?"
" Ituturo ko sayo yung way."
" Let's go." saad niya, sumakay lang ako sa likod niya hanggang paandarin niya yung motor. Ramdam ko lang yung excitement niya nun habang nagdadrive. " You know what, hahatawin ako ni Mommy ng sinturon kapag nalaman nun na sumakay ako ng motor."
" Why?"
" Delikado daw kasi, alam mo bang binili ako ni Daddy ng motor kaso nabangga ko sa unang araw palang kaya yun dinispetsa ni Mommy."
" Really."
" Wag kang mag alala, hindi ko to ibabanga," saad niya, halos manlaki lang yung mata ko ng muntikan kami masagi ng isang kotse.
" Are you sure marunong ka? Mejo malayo yung pupuntahan natin?"
" Trust me." saad niya.
" Bahala na." saad ko pero natawa lang sya
Hanggang makarating kami sa tapat ng gate ng bahay ampunan na yun. Kita ko lang yung pagtataka sa mukha niya habang nakatingin dito.
" Are you sure dito?" tanong niya
" Yeah." ngiti ko, binuksan naman nung gwardya yung gate. " Let's go." saad ko , pinaandar lang niya yung motor hanggang makapasok kami.
" Kuya Treeeeey!" rinig kong sigaw ng mga bata, agad lang akong bumaba ng motor saka hiniubad yung helmet ko, nag unahan lang silang yumakap sakin.
" Namiss niyo ko?" ngiti ko sa mga batang yun.
" Opo." sabay sabay nilang saad.
" Asan sila sister?"
" Nasa loob po." saad nila hanggang matanaw ko yung isang madre, marahan lang akong tumango dito. I miss this place.
" I have candies, pero make sure na magtotoothbrush kayo huh." saad ko saka inabot yung dala kong plastic, agad naman silang nag unahan sa dala ko. " Hati hati kayo, walang mag aaway." saad ko pa hanggang makita ko si Neko na nakangiting nakatingin sa mga bata.
" Wow." saad niya.
" What?"
" Mukhang lagi ka dito huh?"
"Mejo."
" Why?"
" What do you mean why?"
" Bakit ka laging nandito, don't tell me galing ka dito?" saad niya, natawa lang ako saka marahang tumango. " Seryoso?"
" Baog si Mommy kaya nagdecide nalang silang mag ampon so I was 5 years old nung inampon nila ko. Okay naman sila, masaya kaya lumaki din akong okay."
" Wow." ngiti niya. " You know what, that's exciting, I mean your story. Interesting!"
" Maniniwala ka ba na ikaw lang ang nakakaalam na ampon ako? Lahat ng kamag anak namin alam nila na sa ibang bansa ako pinanganak ni Mommy."
" Eh bakit sinasabi mo sakin, secret pala yun?"
" I don't know, pakiramdam ko lang mapagkakatiwalaan kita."
" You don't trust people Trey, wag ganun kasi madali ka maloloko."
" Well tingin ko naman okay ka."
" Okay talaga ko pero don't ever do that again kasi baka ikapahamak mo." ngiti niya, marahan lang akong tumango. " Don't worry your secret is safe with me, di ako madaldal."
" Madaldal? wait yes you are!?" saad ko pero natawa lang sya saka kunware zinipper yung bibig.
Maghapon lang kami ni Neko nakipaglaro sa mga bata ng araw na yun, nakipagkwentuhan, binasahan sila ng kwento, nakipaghabulan, sinabayan kumain. Ramdam na ramdam ko yung saya ng mga bata ng araw na yun at alam ko masaya sila na nakilala nila si Neko.
Sa nakikita ko, ganun din sa kanila.
" Dude, this is amazing!" saad niya pagbaba ko sa kanya sa kanto ng subdivision nila, gusto ko sana sya ihatid sa bahay nila pero tumanggi na sya. Baka daw makita ko pa na hinahabol sya ng sinturon ng Mommy niya.
Simula nun kapag linggo na parehas kaming walang ginagawa ay magkasama kaming pumupunta sa ampunan na yun, minsan sya pa nagyaya sakin kahit weekdays at tuwing pupunta dun ay di sya nawawalan ng dala para sa mga bata.
" Hey ano tinuturo mo sa kanila?" lapit ko sa kanya ng makita yung nakasulat sa blackboard.
" Calculus?" ngiti niya pero napanganga lang ako.
" Are you serious?!"
" Sa susunod yung probability and statistic, Dadalhin ko yung books ko." nang tingnan ko yung mga bata kita ko lang yung tingin nila sakin na parang humihingi ng tulong. " Okay guys, mag aalgebra din tayo sa susunod huh." sinenyasan ko naman sila na tumakbo.
Natawa lang ako ng tumayo yung mga bata at tumakbo palabas.
" hoy teka, tuturuan ko pa kayo ng applied mathematics!"
Sobrang naging malapit kaming dalawa ni Neko na halos buong buhay niya ata nakwento niya na sakin. Mula pagkabata at yung mga kaibigan niya na hindi naman niya maalala yung pangalan basta sabi niya the best din daw kasama yung mga yun, haha
Pero madalas na kwento niya ay tungkol sa kapatid niya na sobrang cute daw.
" I have a question." saad niya, nasa garden kami ng ampunan nun habang pinapanuod yung mga batang naglalaro.
" Sure what is it?"
" May posibilidad bang mainlove ka sa gay?"
" Why do you ask, are you gay?"
" No!?" iling niya kasunod ng pagtawa.
" Eh bakit mo tinatanong?"
" My brother is gay." ngiti niya. " And I think pwede kang maging candidate para boyfriend niya."
" Me?!" natatawang saad ko, marahan naman syang tumango.
" Why, walang chance?"
" May cousin ako na gay and wala naman akong problema sa ganun, kung posible akong magkagusto sa gay? Uhm hindi ko alam, kapag siguro nainlove?"
" So you're not closing your door sa possibilities na mainlove ka sa gay?"
" Yeah." tango ko.
" Nice!" ngiti niya. " Papakilala kita sa kapatid ko."
" Wait?"
" Wag kang mag aalala, he is cute, adorable and smart. At may itsura talaga sya dude, hindi ako mapapahiya kapag pinakilala ko sya sayo. Baka masabi mo pa na jackpot!"
" Ilang taon na?"
" High school student." ngiti niya, natawa lang ako.
" You're crazy!!"
" Promise he is cute."
" Yeah yeah sige." natatawang iling ko saka tumayo.
" I'm serious, he's good looking."
" Okay, sabi mo eh." ngiti ko.
Pero yun yung huling araw na nagkasama kami ni Neko sa ampunan na yun, ilang araw pagkatapos nun ay inatake sa puso si Daddy at binawian ng buhay, Mom was shock that time at halos di makausap hanggang malaman namin na napakadaming utang ng negosyo ni Daddy. Baon na baon sa banko. sa sobrang sunod sunod ng problema ay halos sumuko si Mommy.
Utang dito, utang duon, bayarin dito, bayarin duon. Nakakabaliw!
Parang sa isang iglap bumagsak kami mula sa napakataas na lugar at di ko alam kung kakayanin pa ba namin umahon.
" Ibalik mo yung pera ko!" sigaw sakin nung babaeng yun habang nasa loob kami ng isang restaurant.
" Baka po pwede pa po nating antayin, darating po yun." saad ko na ay yung tinutukoy ay yung nagbebenta ng laptop, tinulungan ko lang yung babaeng to na maghanap ng laptop dahil sa pangako niyang may makukuha akong porsyento kapag naihanap ko sya ng mura, pero hindi ko akalain na pagpadala ko ng pera dun sa nagbebenta ay di na ito nagparamdam at sumipot.
" Binigay ko sayo yung pera kaya ibalik mo sakin!"
" Naipadala ko na po dun, darating po yun." naiiyak na saad ko.
" Hindi na darating yun, naiscam ka hindi mo ba alam? Ngayon gusto ko ibalik mo yung pera ko kung ayaw mong ipakulong kita naiintindihan mo huh!" sigaw nito,
" Wag po please?"
" Bakit may pang bayad ka ba huh!" tanong nito pero marahan lang akong umiling. " Tangina, dadalhin kita sa presinto! Halika dito." hawak nito sa braso ko.
" Please po, wag po." pagmamakaawa ko hanggang tumigil to sa paghakbang, nag mag angat ako ng tingin nakita ko lang si Neko na may matalim na tingin dun sa babae.
" Magkano?" seryosong saad ni Neko.
" Sino ka?" tanong dito nung babae.
" Magkano yung ibabalik nung kaibigan ko."
" Dalawangpung libo, bakit may pang bayad ka?"
" Bitawan mo sya." saad ni Neko na nakatingin sa kamay niyang nakahawak parin sa braso ko. " Bitawan mo sya kung gusto mong bayaran kita." agad naman nitong tinanggal yung pagkakahawak sakin.
" May magbabayad naman pala para sayo eh, pinahirapan mo pa ko." sarkastikong lingon sakin nung babae, pag kawithdraw ni Neko sa banko ay binigay ni Neko yung pera dito, agad lang tong umalis saka kami iniwan.
" Bakit biglang di ka nagpakita? Di mo rin sinasagot tawag ko?" tanong niya pero nanatili lang akong nakatungo. " Hoy kinakausap kita, dahil ba dun sa kapatid ko, di naman kita pinipilit dude, kung ayaw mo ay okay lang naman sakin."
" No, It's not about that."
" Eh bakit?"
" Hindi ka ba magtatanong dun sa trouble ko?"
" Ayoko magtanong pero naghihintay ako magkwento ka." ngiti niya.
" Namatay yung Daddy ko a month ago." saad ko.
" shit." lingon niya sakin. " bakit di mo sinabi sakin?"
" Nabigla din ako eh." buntong hininga ko. " Madaming utang so Daddy at halos mabaliw na si Mommy kung saan lupalop namin kukunin yung pang bayad sa mga yun, ang hirap." naluluhang saad ko. " Sinubukan ko tumulong pero wala, sablay."
" Di kita nakikita sa school, di ka pumapasok?"
" Tingin mo makakapasok pa ko sa lagay namin?"
" Dude, lilipas din yan."
" Gusto ko nalang mamatay, tumalon nalang kaya ako sa tulay? O kaya magpasagasa sa highway? Pagod na pagod na yung utak ko kakaisip kung ano na gagawin namin ni Mommy, di ko na alam."
" Alam mo ba na may sakit ako?" napalingon lang ako sa kanya. " Matagal na, genetic sya eh and alam mo na recently nalaman ko na may nakita sa liver ko? Dude gusto ko pang mabuhay pero mukhang excited na ko makita ni Cherry."
" Who's cherry?" tanong ko, may nilabas lang syang kwintas sa loob ng damit niya.
" Syota ko dude, pero nasa langit na eh." natatawang saad niya. " Wag mo iisipin na gusto mong mamatay kasi alam mo maraming taong gustong gusto mabuhay, maraming tao yung humihiling na kahit paano madagdagan pa yung oras nila dito sa mundo. Kaya dude wag na wag mo iisipin na sana mamatay nalang kasi alam mo, napakaganda ng mundo at napakasarap mabuhay magtiwala ka lang kay God kasi yang mga problema mo? Matatapos din yan."
" Salamat." mahinang saad ko pero inakbayan niya lang ako.
" Problema lang yan, I'm sure magiging okay din ang lahat." ngiti niya.
" Sobrang salamat talaga Neko."
" Wala yun, pero yung pera ko." napapakamot na saad niya. "pinag-ipunan ko yun para sana sa new pc ko,"
" Promise babayaran ko yun."
" Promise?"
" Yeah pangako." saad ko natawa naman sya. " Pangako talaga."
" Wag mo na isipin." saad niya saka tumayo.
" babayaran ko talaga pangako."
" Yeah yeah, ikaw bahala pero may ibibigay pa ko sayo." saad niya, nagtaka lang ako ng hubarin niya yung kwintas niya saka nilahad sakin. " Can you keep this?" tinanggap ko lang to saka to mariing tinitigan..
" Why?"
" Kapag nagsimula na yung symptoms ng sakit ko, baka sa ospital na ko tumira eh."
" Pero bakit binibigay mo sakin to."
" Nangako kami ni Cherry na yang kwintas na yan yung muling magkokonekta samin sa susunod naming buhay kaya hindi nila pwedeng isama yan sa libingan ko kung sakali." ngiti niya. " Kung mabuhay man uli kami sa lifetime na to, hahanapin namin yang kwintas na yan kaya sana ingatan mo at tandaan mo na hindi pwede sumagi sa utak mo magsuicide kasi mumultuhin kita."
" Is this a cross?" tanong ko pero umiling lang sya.
" Its an ankh or the key of life."
That was the last time na nakita ko si Neko hanggang mabalitaan ko nalang na wala na sya, pumunta ako sa libing niya pero hindi ko nakita yung kapatid niya dun, Ang sabi binangungot daw si Neko pero parang ang hirap naman paniwalaan.
Sinubukan ko din lapitan si Allen nun pero nilampasan niya lang ako at hindi kinausap.
END OF FLASHBACK
SI KEITH
Pagkatapos ng matagal na preparations ay bagsak lang ang balikat namin ng maiwan yung team namin sa loob ng conference room ng opisina pagkatapos ipresent yung project sa client, halos lahat walang nagsasalita.
" It's okay." tapik ni Drew sakin kasabay ng isang pilit na ngiti. " We just need to revise it."
" Drew, Gusto nila ng ibang engineer. Hindi ka naman siguro manhid." saad ko. " Actually they want you."
" No, You are so distracted Keith and I think it is one of the reason kung bakit di naapprove yung project, Hindi mo sineseryoso! Lagi kang basta basta umaalis, minsan tinutulugan mo pa kami. Yung mga tanong nung client na hindi mo masagot kasi hindi mo alam?! the heck! you know if you don't want this just say so. You are the engineer of this project pero halos si Drew ang gumawa ng lahat, nagsayang lang tayo ng oras lahat dito. I'm out! ayoko makatrabaho yung taong wala naman talagang alam pero nakuha yung project dahil lang sa anak sya ng may ari." saad ng isang team mate namin saka padabog na lumabas.
" That is so rude." iling ni Drew.
" It's true." saad ko saka tumayo at nagmamadaling lumabas.
" Keith." habol ni Drew sakin pero tumuloy na ko sa office saka nag ayos ng gamit. " Kausapin uli natin sila, sinunod naman natin yung gusto ni Mrs Ventura. I think kailangan lang ng konting revision."
" Di mo naiintindihan Drew, walang problema yung proposal, it's good! Ang ayaw nila.. ako?"
" No."
" Yes." iling ko saka sya nilampasan.
" Where are you going?"
" Uuwi na." tumingin namna sya sa orasan sa kamay niya.
" Gusto mo sumama ako?"
" No." iling ko saka nagmamadaling tinungo yung elevator, pagasara nito ay dinial ko lang yung numer ni Queenie.
" Yes kuya?"
" Pumasok si Kibo?"
" Wala kaming class today so baka nasa condo lang sya."
" Really?"
" Yes kuya."
" Kinakausap ka na niya?"
" Hindi parin, ano ba ginawa mo sa kanya bakit pati ako di niya kinakausap? Nang babae ka noh? Nakakainis ka pati friendship namin nadadamay dahil sayo."
" I'm sorry."
" Ayusin mo kuya please, namimiss ko na sya eh."
" Yeah promise." saad ko.
" Pupunta ka ba sa condo niya? Alam ko na yung new passcode niya."
" Pano mo nalaman?"
" Nagtext sakin si Kibo nung isang araw, humingi ng favor na pakiinin si Piggy. Binigay niya yung passcode."
" Kala ko hindi ka kinakausap?"
" Yeah, nagtext lang. Sinubukan ko sya tawagan pero di naman niya sinagot."
" Okay, Di na talaga sya makakaiwas sakin." saad ko, nang ibigay ni Queenie yung passcode ay pinatay ko na yung phone ko, napangiti lang ako pagsakay ko sa kotse. "Di mo na ko maiiwasan ngayon." bulong ko saka mabilis na nagdrive. .
Nang may madaanan na flowershop ay bumili lang ako ng isang boque ng roses.
Halos kalahating oras din yun bago ako nakarating sa building namin. Nang tingnan ko yung oras ay mag aalasyite na ng gabi.
Agad ko lang tinungo yung elevator saka sumakay dito dala dala yung bulaklak na binili ko hanggang tumigil to sa 9th floor.
SI KIBO
" Piggy wag kang makulit, kailangan ko isubmit to bukas eh." napapakamot na saad ko habang nakatingin kay Piggy na nakahiga sa keyboard ng laptop ko. " Ahh wala na, kung ano ano napindot mo."
" Meow."
" Meow meow ka din."
" Meow."
" Namiss mo ko, okay let's play muna." saad ko saka sya binuhat at nilagay sa kama, sinara ko lang yung laptop ko saka sya niyakap sa kama. " Namiss mo din ba si Keith?" himas ko sa kanya.
" Miss ko na sya."
" Meow."
" Yeah I know, boyfriend ko na si Trey." nguso ko, kainis yeah I like him pero hindi naman tulad ng pagkakagusto ko kay Keith, parang kuya lang! Yeah physically atracted, gwapo naman kasi sya at kahit sino tanungin sasabihin na gwapo si Trey at walang tatangi sa kanya lalo na sa sex.
Pero kahit sobra akong nasasaktan kapag naalala ko yung nakita ko sa condo ni Keith, hindi ko parin maalis na mahal ko sya.
Siguro dahil sa una palang alam ko na ganun na sya.
Sa dalawang taon na pagsunod ko sa kanya, ilang beses ko na syang nakitang nakikipaghalikan sa babae, ilang beses ko na nakita na may dinala sya sa condo.
Nasasaktan ako pero di ba nung una palang tinanggap ko na babae talaga yung gusto niya.
Napalingon lang ako ng may marinig na pumindot ng password ko, agad naman akong tumayo.
The heck, wala pang nakakaalam nun bukod kay Mommy at Daddy.
Nang bumukas ay nakita ko lang si Trey na nakangiti saka pumasok.
" Pano mo nalaman passcode ko?"
" Birthday ni Neko?" natatawang saad niya.
" Yeah, bakit ka nandito?"
" Namiss kita?"
" Talaga?" natatawang saad ko.
" I wanna kiss you?"
" W-What?"
" I want a kiss?"
" Uhmm.. pero."
" Ilang araw na tayong magsyota pero hindi pa kita nahahalikan, I want it now Kibo." saad niya saka humakbang, aktong aatras ako ng kabigin niya yung bewang ko saka hinigit dahilan para magdikit yung katawan namin, ilang sandali tumigil yung paghinga ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata niya pero nanlaki lang yung mata ko ng dahan dahan niyang ilapit yung mukha niya.
Awtomatikong humawak yung kamay ko sa dibdib niya upang sana ay itulak sya pero wala yun nagawa ng higpitan niya yung yakap niya.
" Trey, wait." saad ko pero naglapat na yung labi naming dalawa. Oh shit! Dahan dahan lang syang humiwalay saka nakangiting tumitig sakin. " Kapag di mo sinagot yung halik ko, I'll make sure na hindi lang kiss ang mangyayare ngayon." bulong niya, napalunok lang ako.
" Trey.. ayako." pilit na ngiti ko.
" Okay you want sex, I will give it to you." ngiti niya.
" Trey please?" hanggang mapasinghap ako ng maramdaman yung palad niya sa pwetan ko. " No." iling ko.
" Kiss or sex?"
" Trey."
" Kiss or sex?"
" Fine, kiss lang." saad ko, damn it! I want sex pero I want to do it with Keith.. sa kanya lang.
" Ayaw mo ng sex?"
" Kiss lang, wag na muna sex please. Gagawin ko yun kapag nakalimutan ko na sya." saad ko, nagkibit lang sya ng balikat saka ako mapusok na hinalikan, dahan dahan ko lang tong sinagot hanggang mapahiga ako sa sofa at patungan niya.
It's different, mas gusto ko parin yung halik ni Keith.
Hanggang marinig ko yung pagpindot sa passcode sa labas, aktong itutulak ko sa Trey ng hawakan niya yung kamay ko hanggang magtama yung mata namin ni Keith. Shit! Hinugot ko lang yung kamay ko saka marahang tinulak si Trey.
" How was that, do you like it?" tanong ni Trey, kita ko lang yung titig dito ni Keith.
" Trey?" mahinang saad ni Keith.
" Keith." ngiti ni Trey, nanlaki lang yung mata ko ng sugurin sya ni keith saka hinila at sinuntok sa mukha.
" Wait stop." awat ko kay Keith pero gigil lang syang tumingin sakin. " How can you did this to me?"
" Did what?!" saad ni Trey pero hinarap sya ni Keith.
" Dude you know I like him! Damn it Trey!"
" I like him too." ngiti ni Trey.
" Fuck you!"
" No, fuck you! Kami na ni Kibo at wala ka ng karapatan sa kanya."
" What?"
" Akin na sya dude, he is mine now. Now get out kasi itutuloy namin yung ginagawa namin." saad pa niTrey pero gigil lang syang tiningnan ni Keith saka muling sinugod ng suntok pero sa pagkakataon na yun ay gumanti na si Trey.
" Damn it! Tumigil na kayo." awat ko sa kanila.
" Dude you know his mine!" asik dito ni Keith.
" He was." ngiti ni Trey. " But now, he's mine. Sinayang mo na yung chance mo kaya ngayon akin na sya!" saad pa niya, lumingon naman sakin si Keith, napagmasdan ko lang yung mga matang yun. Kita ko lang dito yung pagtatanong. " Tell him Kibo, sino ang boyfriend mo?"
" Trey." bulong ko.
" Sabihin mo sa kanya."
" Pwede ba kami mag-usap?" saad ko, ilang sandali lang silang nakatingin sakin.
" Kibo."
" Please."
" Dude, Please." Saad ni Keith, lumapit naman sakin si Trey saka ako hinawakan sa balikat.
" Are you sure kaya mo?" bulong niya. " You're mine now, remember that."
" I know." tango ko, kita ko lang yung titig ni Trey kay Keith bago sya lumabas ng unit.
" Talk." saad ni Keith na nakatitig sakin.
" Keith walang tayo at sinabi ko na sayo na kalimutan na natin kung anong namamagatin satin di ba?"
" bullshit! Kibo hindi ko sinasadya yung sinabi ko sayo, I know nagkamali ako pero hindi enough reason yun para maging ganito. Nagsorry na ko di ba?" Gigil na saad niya, tumungo lang ako. " Okay hindi pa sapat yun? Sorry, I am really really sorry. Patawarin mo na ko?!"
"Keith."
" I know ang asshole ko nung ginawa ko yun pero Kibo mahal kita kaya ko lang nasabi yun, Hindi ko intention na masaktan ka or masira yung pamilya mo, what I want that time is you. I sincerely apologize kung nagkamali ako, sorry."
" Keith hindi mo naiintindihan."
" Ang alin! You know I love you! Ano pa ba gusto mong gawin ko? Lumuhod?" saad niya saka lumuhod sa harap ko. " Ito na?! tell me ano pa gusto mo para mapatawad mo lang ako!?" saad niya pero di lang ako sumagot, nanatili lang akong nakatungo. " What?! sabihin mo ano pa gusto mo!" gigil na saad niya hanggang di ko na napigilan yung pagtulo ng luha sa mata ko.
" What? Bakit ka umiiyak? Oh damn it!" saad pa niya saka tumayo. " Totoo bang kayo ni Trey? Boyfriend mo ba sya?"
" Keith pwede ba."
" Sagutin mo ko! Kayo na ba ni Trey!?"
" Tapos na tayo di ba?"
" bullshit! Tinatanong kita kung kayo na ba?!" kita ko lang yung pagpupunas niya ng luha sa mata. " Kibo, mababaliw na ko kaya pwede sagutin mo, kayo na ba?"
" Yeah." mahinang saad ko, ilang sandali nabalot kami ng katahimikan hanggang marinig ko yung nakakaloko niyang tawa, nang mag angat ako ng tingin kita ko lang yung mapang usig tingin niya sakin.
" That's it." iling niya. " after ni Allen, now it's Trey. I'm sorry I forgot na bakla ka nga pala." mapait na saad niya pero nagsimula lang pumatak yung luha ko. " Nakalimutan ko, Sorry."
" Now I realize kung bakit ayaw mong mahalin kita, kung bakit hindi mo ko nakikita na kasama habang buhay.. Not because you want me to have a family pero dahil gusto mo lang ako tikman, si Allen, si Trey.. You just want to have sex..sakin, samin.. Tama ba ko? Ganun ka ba kasabik sa katawan ng lalake huh?! Baka nga hindi ka na talaga virgin eh." saad niya, tumulo lang yung luha ko. " Nakuha mo ko sa insosente mong mukha, pero katulad ka lang din ng ibang bakla, malandi, mababa at sex lang gusto."
Napapikit lang ako ng marinig yung mga yun saka nakagat yung labi para pigilin yung mga hikbing gustong kumawala sa mga labi ko.
" Bakla ka nga, sabik sa sex, sabik si titi at sabik sa katawan. Love? Ang tanga ko bakit naisip ko yun." iling niya. " Wag mo ko daanin sa iyak, magpapaawa ka?" tumungo lang ako saka hinayaan yung luha ko. "Tingin mo seseryosohin ka ni Trey huh? maybe curious lang sya sayo kasi alam mo ang mga lalake? they are just curious sa mga kagaya mo at kapag nawala yung curiousity na yun? Iiwan at iiwan din kayo, Kasi Kibo yung mga katulad mo kahit kailan hindi mamahalin ng kahit sino." madiin na saad niya.
" Keith." mahinang bulong ko.
" I am an asshole, you are a bitch!" sarkastikong saad niya hanggang makita ko yung pag uunbotton niya ng polo niya " Perfect combination?"
" I hate you." hikbi ko. " I really hate you."
SI NIGEL
Nilagay ko lang yung headset sa tenga ko saka hinila yung malaking maleta na yun pagbukas ng elevator at humakbang palabas ng building na yun.
Sinumalan ko lang sabayan yung kanta saka tumingala sa mataas na tirik na tirik na araw hanggang mapangiti ako ng lingunin ko yung maleta.
maleta na punong puno ng underwear.
ITUTULOY
AUTHORS NOTE: Syempre una thanks kay Young for helping me sa story na to, so yun super thanks talaga sa mga nagbabasa neto, I love you guys. Last Chapter na yung next! I am so sadd!! Uhm im gonna miss Kibo. Matatapos na! Super nag enjoy ako sa pagsulat neto at ayoko sya pahabain ng sobra, I want it to be sweet and ha...ha ...happy? Uhmm haha
Yung susunod kong story is matured content na and after ko ipost yung last chapter ng xoxo, ipopost ko na din yung video teaser niya na ginawa ko, Video teaserr guys! Level up haha..
So yun Monday night yung last chapter and teaser para sa nex story.. love lots.. VOTE and COMMENT! haha
No comments:
Post a Comment