Athr'sNote-
Guys, heto na yung shortstory na sinulat ko. Sana magustuhan niyo :)
Pagpasensyahan na ang errors, hindi ko na masyadong inasikaso yung 'editing. Busy sa buhay. Haha
Salamat sa mga nagbasa sa last shortstory na pinost ko, yung "Christmas Gift."
Sa mga silent readers dyan at mga solid commentators, maraming salamat sa inyo :)
At heto na ang shortstory na aksidente kong naisulat.. enjoy!
Happy reading.. :)
--
Point Of View
- Third Person's -
"Tulay na po ba?"
Medyo alertong pagtatanong ng isang binatang lalaki sa kondoktor.
"Oo Guadalupe tulay na. Oh yung mga bababa ng Guadalupe nandito na po tayo!! Konting bilis lang po.."
Tarantang tumayo naman mula sa pagkaka-upo ang isang binata, nagmadali narin itong bumaba ng bus.
Hindi kasi ito pamilyar sa lugar. Pumunta siya ng Manila para makabisita sa Taguig, at ang alam nitong daan ay ang Guadalupe, sunod sa Pateros patungong Taguig.
"Haays.."
Ang nasabi niya matapos niyang akyatin at lakarin ang footbridge.
Habang naglalakad ito papunta sa sakayan ng UV Express pa Pateros, ay lingid sa kanyang kaalaman na nasa isang lugar siya na kung saan medyo delikado.
Habang naglalakad ay tuwang-tuwa siya sa pagtingin sa mga nadadaanan niyang mga tiyanggihan, mahilig kasi siya sa mga night market.
Malapit narin namang mag-ala sais kaya bukas na ang night market sa Guadalupe.
At sa may nakakuha ng atensyon niya.
"Magkano po ito?"
Masayang paglapit at pagtatanong niya sa tindera.
Isang t-shirt ang naka-agaw ng pansin niya.
"I Love
myFRIEND."
Pagbasa pa niya sa naka-ukit sa t-shirt.
"200 lang yan. May iba't-ibang kulay ng ganyan.." sagot ng nagtitinda.
"Eto nalang po. Mas gusto ko po kulay nito eh. Isa po.."
Nakangiting sabi niya habang tila ini-inspeksyon ang napiling damit. Kulay puti ito at itim naman ang mga letra na nakalagay.
Maya-maya pa ay kinuha niya ang pitaka sa bag at kumuha ng 200 dito para pambayad sa t-shirt.
"Salamat po." pagngiti niya sa tindera matapos niya bayarin ang binili.
"Wow." naibulong naman niya nang i-abot sakanya ang kanyang binili.
Naka-paper bag kasi ito. Parang katulad lang ng sa mga groceries.
At sa muli na nga siyang naglakad para ipagpatuloy ang pagtingin sa mga tiyanggihan.
Maaga pa naman kaya may oras pa siyang maglibot sa night market.
Lalapit na sana siya sa pwesto ng mga sapatos nang mapalingon siya patalikod. Naramdaman niya kasi ang bahagyang paghila sa bag niya.
Pagtingin niya, bukas na pala ang pinakamaliit na bulsa. Lumingon siya sa mga taong malapit sakanya.
At sa nakita niya ang isang bata na papalayo sakanya at pamilyar ang pitakang hawak ng bata, at nang makumpirma..
"Woy yung pitaka ko!!"
Napasigaw nalang siya at agad na nga niyang hinabol ang batang tumakbo na nang marinig ang sigaw niya.
Agaw eksena man siya ay wala siyang pakialam. Ang importante ay ang pitaka niya.
Hinabol niya ang bata, naaasar siya dahil hindi niya ito mahabol. Pasikot-sikot kasi ang daan at talo siya dahil panigurado na ang bata ay pamilyar sa lugar.
Nawawalan na siya ng pag-asa.
"Balik mo yan!!" pilit na pagsigaw pa niya.
Patuloy lang sila sa habulan.
At nang makita nang binata na mababangga ang bata sa isang naka-sandong lalaki ay muli siyang sumigaw.
"Patulong! Y-yung pitaka ko nasa batang yan.."
Paghingi niya ng tulong sa naka-sando. Agad naman siyang napansin ng naka-sando kaya naman mabilisang naharangan at napigilan ng naka-sando ang bata.
"Pitaka ko.."
Ang hinihingal pa niyang nasabi nang sa wakas at makuha niya sa kamay ng bata ang kanyang pitaka.
"S-salamat." ang magaan na pagpapasalamat niya sa naka-sando.
Nakahinga na siya ng maluwag.
"O-oh yung bata? W-woy.." ang naisa-boses niya nang makita ang bata na nakatakbo na palayo sakanya.
"Hayaan mo na. Maraming ganyan dito. At maraming mga pulis din ang hindi marunong manghuli kaya wala ring kwenta kung tutulong kapa."
Walang kaemo-emosyong sabi ng lalaking naka-sando.
Saglit din siyang napa-kunot. Ang hangin kasi ng tono ng pananalita nito. Yung bang mayabang, mga pang-tipikal na lalaking tambay.
"Eh kinuha niya yung pitaka ko, dapat madala parin siya sa mga pulis." pagsagot niya.
"Wala ring kwenta. Tsaka hayaan mo na, nabatukan ko yung bata.. paniguradong matapos tumakbo nun manghihina yun." sagot kagad ng isa.
Pinagmasdan niya ang naka-sando. Mabuti nalang talaga at natulungan siya nito.
"Teka."
Sabi niya at mabilisang kinalkal ang pitaka.
"Oh eto. Bilang ganti. Pasasalamat ko." pag-abot niya ng limang-daang piso sa naka-sando.
Pasimple naman siyang inirapan ng naka-sando na ikinataka niya.
"Bilang pasasalamat ko sa pagtulong mo." pilit na pag-abot niya sa pera.
"Hindi ko kailangan ng pera." paghawi pa ng naka-sando sa naka-abot niyang kamay. "Ibili mo nalang ako ng pagkain. Sakto nagugutom nadin ako."
Naguguluhan man ay napatango nalang siya.
.....
"Salamat ulit ah? Buti nalang talaga tinulungan moko."
Nahihiyang sabi ng binata sa naka-sando.
Napapalunok pa siya habang pinapanuod niyang kumain ito, parang wala na kasing bukas kung kumain ito.
Muling namayani ang katahimikan.
Nahihiwagaan talaga siya sa naka-sando. Nawiwirduhan talaga siya.
"Ano nga palang pangalan mo?" muling pagsasalita niya nang makitang uminom ng tubig ito.
"Kapapasok lang." simpleng sagot ng naka-sando nang magtama ang paningin nila.
"Kapapasok lang? Ha? Sabi ko anong pangalan mo?.." naguguluhang tanong naman ng isa.
"English ng 'kapapasok lang'.. edi Justin. Just-in.. Gets mo na?"
Mula sa naguguluhang ekspresyon ng binata ay nakuha naman niyang matawa sa sinabi ng naka-sando.
Wirdo nga siguro ang kausap niya.
"Justin. Just-in.. oo nga naman."
Pag-iling pa niya. Hindi niya alam kung pinagtitripan ba siya ng naka-sando.
"Osya, ako naman si Franz." pagngiti at paglahad niya sa kanyang kamay.
Saglit namang napatigil si Franz nang ngumiti si Justin. Eto ang unang pagkakataon na ngumiti ito simula kanina.
"Justin." nakangiting sabi ni Justin at pag-abot sa nakalahad na kamay ni Franz.
"Ngumingiti karin naman pala eh." balik ni Franz.
"Minsan lang, kapag busog." sagot ng isa.
At sa yun na nga at nagkwentuhan pa ang dalawa.
Ilang minuto na ang nakalilipas nang tumayo na si Franz.
"Ahh Justin, mauna na ako." sabi nito.
"Ganun? Hwag muna, lakad-lakad muna tayo dyan sa labas. Maaga pa eh." pagtayo rin ni Justin.
Saglit na tinignan ni Franz ang kanyang wrist-watch.
Mag a-alas siete na ng gabi. Naisip niya na maaga pa naman, tutal may utang na loob din naman siya kay Justin kaya naman napatango nalang siya.
"Sige. Tara?" pagngiti ni Franz at nagsimula na nga silang lumabas sa kainan.
......
"Ilang taon kana?" tanong ni Franz.
Ngayon ay naglalakad-lakad na sila, kung saan-saan.
"Ako? 20 nako. Ikaw ba?"
Napa-isip pa si Franz. Mas matanda pala sakanya ang kausap niya. Akala niya'y kaedaran niya lang ito.
"17 palang." pilit na pagngiti ni Franz.
"Bata kapa. Nga pala, sabi mo bago kalang dito. Saan ba ang punta mo?"
Natutuwa si Franz dahil kahit papaano'y nagiging madaldal o matanong na si Justin, samantalang kanina ay ang tahimik nito.
"Sa taguig. Nandun kasi mga pinsan ko, bibisitahin ko lang sila. Linggo rin bukas kaya walang pasok sa school." sagot niya.
"Ganun? Sa susunod mag-ingat kana. Madaming kawatan talaga ngayon. Probinsyano ka pa naman."
Napangiti nalang si Franz nang makitang natawa si Justin sa payo nito sakanya.
"Mukha ba akong probinsyano?" pabirong pagbatok pa ni Franz dito.
Tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Palibahasa'y parehong lalaki.
"20 kana. Edi graduated kana? Or nag-aaral kapa?"
Tanong ni Franz na saglit na ikinatigil ni Justin.
Hindi na kasi ito nag-aaral, dahil sa hirap ng buhay.
"Ako? Hindi na ako nag-aaral eh, hindi man nga ako nakapag-college. Hanggang highschool lang ako." ang naisagot nalang ni Justin dahilan para mapatingin sakanya si Franz.
"Bakit naman?" tanong nito.
"Mahirap ang buhay eh. Sakto lang kaming nakakaraos. Ganyan talaga ang buhay." pilit na pagtawa ni Justin.
Naiintindihan naman siya ni Franz kaya hindi na ito nag-usisa pa.
"Basta Franz next time mag-ingat kana ah? Dapat kapag bago ka sa lugar makiramdam ka. Tapos yung pera at phone mo ingatan mo na, basta dapat yung secured noh? Hwag karing magtitiwala kahit kanino."
Napatahimik lang si Franz dahil sa sinabi ni Justin.
Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag may nag-aalala sa'yo.
Saglit na namayani ang katahimikan. Patuloy lang sa paglilibot ang dalawa, si Franz na naka-kapit ang kanang kamay sa kaliwang balikat ni Justin. At si Justin na naka-pamulsa lang.
"Pero kahit ganun na mahirap lang kami. Masaya kami, kahit na nai-inggit ako sa iba na nag-aaral ay masaya parin ako. Kasi kasama ko naman yung pamilya ko."
Bigla nalang napangiti si Franz dahil sa sinabi ni Justin.
Nakakatuwa, parang kanina lang ay ilang itong makipag-kwentuhan sakanya. Pero ngayon ay heto at nag o-open na ito.
Gayunman, saglit ding napatahimik si Franz nang may maalala.
Aaminin niya, nakaramdam siya ng kaunting inggit kay Justin.
"Alam mo sa amin sa bahay, tatlo lang kami. Si ate, ako tas si bunso."
Pag-open narin ni Franz dahilan para mapatingin sakanya si Justin. Nahimigan kasi ni Justin ng kalungkutan ang boses nito.
"Salamat ulit Justin ah? Mag-iingat ka palagi. Tsaka, stay positive lang. Makakapag-aral kadin." pagngiti sakanya ni Franz nang magsalubong ang kanilang paningin.
"Positive naman ako lagi eh. Bawal kasi ang malungkot sa bahay. Ako lang nga ata ang nakabusangot lagi sa amin. Kaya nga tumatanda na kagad mukha ko." natatawang sabi ni Justin.
"Yun na nga eh. Buti kapa positive ka lagi. Siguro kasi alam mo nandyan yung pamilya mo lagi."
Medyo mahinang sabi ni Franz.
"Napaka-seryoso mo naman." pabirong pagtulak pa ni Justin sa isa.
Napaka-seryoso at lungkot kasi ng tono ni Franz.
"Eh nandyan naman yung ate at kapatid niyo diba? Edi kasama mo din pamilya mo."
Pahabol pa ni Justin at pag-akbay na kay Franz.
"Hindi rin. Masaya oo, pero parang may kulang eh. Siguro aruga ng magulang? Yung mga ganun? Si inay kasi nasa ibang bansa tas hindi ko alam kung may tatay paba kami."
Nakaramdam ng hiya si Justin dahil sa sinabi ng isa. Hindi na sana siya nag-open pa. Mukhang lumungkot lang ang isa.
"Ni hindi ko nga naranasan yung ihatid ako sa eskwelahan ng isang magulang eh. Pag-enrollment naman, ako lang mag-isa nag e-enroll sa sarili ko. Hindi kasi kami close ni ate."
Napa-iling pa si Justin. Mukhang seryoso na nga si Franz. Pero napangiti rin siya kaagad nang may naisip.
"Hay nako Franz. Kung kapatid lang kita, hindi kana mag-aalala dahil maliban sa ihahatid kita sa school.. susunduin pa kita." pabirong sabi ni Justin at sinabayan pa niya ng masayang tono.
Bakit ba kasi hindi siya pinanganak na komedyante? Edi sana kaya niyang mapangiti ngayon ang kanyang kasama.
"Talaga? Tas gusto ko ikaw pa magbibigay ng baon ko noh? Ay tapos gusto ko din na ikaw pa mag-aasikaso sa lunch ko, yung nilalagay sa lunch box?" pagsakay ni Franz sa biro niya na agad naman niyang ikinatuwa.
"Bakit may lunch box pa? College kana nyan diba?" natatawang balik ni Justin.
"Eh kasi nga hindi ko man naranasan yun. Yung mga kaklase ko kasi minsan nakikita ko may mga baon silang lunch sa school tas sabay-sabay silang kakain."
Pagmuwestra pa ni Franz na parang kumakain lang. Natawa naman si Justin.
Nagkagaanan na nga ng loob ang dalawa.
"Osige. Tapos every lunch pupuntahan kita sa school mo, dala-dala ko yung lunch box. Dalawa yung dala ko kasi nga sabay na tayo. Oh masaya kana?" pagsuno niya kay Franz.
Napatigil naman si Justin sa paglalakad nang mapansin niya ang mukha ni Franz.
"Oh bakit?" kunot ni Franz.
"Shet namumula ka Franz?" at medyo malakas na na paghalakhak ni Justin na ikinasimangot ng isa.
"Eh kasi naman ginagawa mo talaga akong bata. Parang kaya mo talagang maging kuya ko eh no?" pagtanggol ni Franz sa sarili at pagbatok pa niya kay Justin.
Aaminin niya. Napipikon siya dahil sa humahalakhak pa talaga si Justin. Na ikinakaasar niya lalo.
"Ah pikon.. hahahaha.. bata ka pa nga talaga Franz." pang-aasar pa sakanya ni Justin.
Nakuha namang maghabulan ng dalawa, gustong-gustong mabatukan ni Franz ang isa. Makaganti lang sa pang-aasar sakanya.
Nang mapansin naman ni Justin na tumigil na si Franz sa paghabol sakanya ay lalo siyang napangiti. Mukhang pikon na pikon na si Franz.
Agad naman niya itong nilapitan at inakbayan.
"Pikunin at matampuhin naman pala itong kapatid ko.." pagbibiro pa niya.
"Kuya naman kasi eh.. inaasar moko." tonong bata ni Franz na siyang ikinatawa nila.
Masayang ipinagpatuloy ng dalawa ang paglilibot. Tawanan, kulitan at pikunan pa ang nangyari.
Parehong nakangiti ang dalawa na tila sila'y matagal nang magkaibigan at nagkitang muli.
Kung titignan, parang magkapatid nga ang dalawa. Si Franz na siyang napipikon sa asaran nila at si Justin naman na tila sinusuyo lang ang kapatid sa tuwing magtatampo ito.
Ilang minuto pa ang lumipas nang magpaalam na si Franz.
"Justin, kailangan ko nang mauna. Baka kasi gabihin ako masyado. Hinahanap nadin ako ng mga pinsan ko eh."
Ayaw man na magpaalam ni Franz, ay wala siyang magawa. Oras nadin kasi kaya kailangan na niyang ipagpatuloy ang byahe. Baka gabihin siya at maligaw pa siya.
"Kung ganun, edi ihahatid ko na yung kapatid ko." balik ni Justin na ikinangiti lang ni Franz.
Nakakatuwa. Pakiramdam niya'y may kuya nga siya.
"Balik tayo sa night market. Doon ka sasakay diba?"
Simpleng pagtango lang ang ginawa ni Franz sa tanong ng isa.
Ang totoo'y ayaw na niya muna sanang umalis at iwan si Justin. Masyado siyang natutuwa at nag-eenjoy na kasama ito. Magaan rin ang pakiramdam niya dito.
Ilang minuto pa ang lumipas nang sila'y makabalik na sa night market. At heto at narito na nga sila sa may malapit sa pwesto ng SUV.
"Anak mag-iingat ka. Sa lunes maaga kang gumising dahil may klase kana ulit. Tapos hwag mo ring kakalimutang kumain ng agahan ha? Tawagan moko kagad kapag may kailangan ka, dto ulit kita hihintayin at susunduin sa biyernes ha?"
Parehong napatingin ang dalawa sa mag-inang nasa may katabi ng SUV.
"Mama naman. High school nako ginaganyan mo pa ako." nahihiyang sabi ng bata na ikinatawa naman ng inay niya.
"Mahal lang naman kasi kita." magaang sabi ng magulang nito. "Oh sakay kana anak. Oras na."
At nakuha pang magyakapan ng mag-ina.
Napatingin naman si Justin sa kasama niya na pinapanuod din pala ang mag-ina. Kita niya na nakangiti lang si Franz habang sa mag-ina parin ang tingin.
"Nakakatuwa pala talaga kapag may isang tao na maghahatid sa'yo at makikita kang aalis no? Yung bang parang, may isang tao na alam mong maghihintay sa pagbalik mo."
Nakangiting sabi ni Franz pagkaharap niya kay Justin.
"Hinatid naman kita diba? Atlis parang may kuya ka talaga na naghatid sa'yo at susundo sa'yo. Parang ganun. Diba?" isang napakalawak na pagngiti ang ginawa ni Justin.
Kanina, aaminin niya na medyo nalungkot siya nang magpasya nang umalis si Franz. Pero hindi niya ito ipinakita dahil gusto niya na masaya sila habang magkasama pa sila.
"Ganun?" pagngiti din ni Franz na tinugunan naman ng pagtango ni Justin.
Nagbigay naman ng nagtatanong na tingin si Justin nang makita ang bahagyang pagtaas ng magkabilang kamay ni Franz.
"Asan yung yakap ko?" paglawak pa ng mga ngiti ni Franz.
Nagmuwestra kasi si Franz na tila nagre-request ito ng yakap.
"Nagpapayakap ka sa akin?" pagngiting muli ni Justin na dahan-dahang tinanguan ni Franz.
Kasabay ng pagtango ni Franz ay dahan-dahan din niyang paglalakad papalapit kay Justin.
Nang tuluyan siyang makalapit kay Justin ay marahan niyang ipinuwesto ang kanyang magkabilang kamay sa taas ng magkabila ring balikat ni Justin at unti-unti na nga niya itong niyakap nang mahigpit.
Nang tuluyan namang maramdaman ni Justin ang magkabilang braso ni Franz sa may balikat at leeg niya ay pasimple na nga rin niyang ibinalot ang kanyang magkabilang kamay sa may bandang taasan ng baywang ni Franz.
"Thank you, kuya."
Rinig niyang pagbulong ni Franz.
Saglit na namayani ang katahimikan.
"Franz, gusto ko hwag mong pababayaan yung sarili mo doon. Pati na sa pagbalik mo sa probinsya niyo. Pagbutihan mo sa college ah?"
Himig ng pag-aalala ni Justin na ikinagaan ng loob ni Franz.
Marahan din itong tinugunan ni Franz ng pagtango habang hagkan parin nila ang bawat isa.
Lalo namang hinigpitan ni Justin ang kanyang yakap kay Franz.
"Ingat palagi, kapatid ko."
Isang mahinang pagbulong ang ginawa ni Justin. Muli namang tinanguan ito ni Franz.
Nang maghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa'y nakuha pa nilang magngitian.
Maya-maya pa'y agad na binuksan ni Franz ang kanyang bag at may kinuha siya rito.
"Tanggapin mo 'to. Pasasalamat ko yan. Mauna na ako ah? Salamat talaga sa'yo. Mag-iingat ka din palagi, Justin."
Nakangiting sabi ni Franz at pag-abot pa sa maliit na hawak niyang paper bag.
Nang abutin iyon ni Justin ay mas lalo siyang napangiti. Natutuwa siya at nagkaroon siya ng kaibigan na masasabi niyang tunay.
Nginitian siya ni Justin.
Marahan namang tinapik ni Franz ang balikat ni Justin tanda ng pagpapaalam, tanging nagawa ni Justin ay ang mapatango nalang.
Na-speechless si Justin, sobra kasi ang galak na nararamdaman niya.
At sa nakita nalang niya ang sarili na nakatingin sa isang binatang lalaki na nakapasok na sa loob ng SUV.
Nang mawala sa paningin niya ang SUV ay sa hawak naman niyang paper bag napunta ang kanyang tingin.
Dahan-dahan niya itong binuksan.
Nang sa wakas at makuha niya ang laman nito ay wala sa sarili nalang siyang napangiti.
At nang mabasa niya ang mensahe o nakasulat sa may damit ay napansin nalang niya ang kanyang sarili na mabilis na hinawi ang mga luhang pumatak mula sakanyang mga mata.
Napakagat nalang siya sa kanyang labi, na tila pinipigilan niya ang mapaluha pa, muli siyang nag-angat ng tingin paharap sa lugar kung saan tumungo ang SUV na sinasakyan ng taong nag-iwan sakanya ng isang malalim na pakiramdam.
Muli niyang tinignan ang hawak na damit, at muli.. napaluha nalang siya sa nabasa.
"I Love
myFRIEND."
Sa buhay nga siguro, may darating at may darating talagang isang tao sa isang napaka-imposibleng pagkakataon.
Isang tao na maaaring magbigay rason sa atin upang ngumiti, at isang tao na maaari ring magdulot ng pighati sa atin.
Kaibigan na siyang magsisilbing inspirasyon, mula sa araw ng paglisan nito sa ating buhay.
The End