Followers

Tuesday, October 18, 2011

Bulag Na Pag-ibig [5]

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Gusto ko pong anyayahan ang mga readers, fans, followers at supporters ng MSOB na suportahan ang MSOB entry ng PEBA

1) Dito po kayo bumoto:  http://www.pinoyblogawards.com/2011/04/heroes-homecoming-towards-change.html. Paki-click lamang po ang link. Hanapin sa right side ng page ang entry # 24 (Michel’s Shades Of Blue) at i-click ang box na katabi nito. I-click muli ang “Submit Vote”. Kapag nakaboto na kayo, paki-email sa akin kung pang-ilang boto kayo upang ma counter-check ko sa Poll ng PEBA. Ito po ang email address ko: getmybox@hotmail.com

2) Paki-like po ang fb page ng PEBA:  http://www.facebook.com/#!/PEBAWARDS at pagkatapos, paki-like ang photo ko doon:  http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater. Maaaring magcomment na rin po dito dahil kasama p ito sa boto.

3) Ito po ang entry ko:  http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html at inimbitahan ko rin po kayong mag comment.

Maraming salamat po!

-Mikejuha-

==========================
(Torrid Scene 1: upon request. Please email me at getmybox@hotmail.com This portion will be posted at torridparts blogspot by 2nd week of December)
==========================

Sa tanang buhay ko, noon ko lang naranasan ang makikipagsex, at sa kapwa lalaki pa. At inaamin ko, nasarapan ako. A bagamat masakit ang ginawa niyang pagpasok sa aking likuran, mas nangingibabaw ang sarap; ang pagnanasa ng aking katawan na matikman ang kanyang pagkalalaki…

Sa tanang buhay ko, noon ko lang naranasan ang makikipagsex, at sa kapwa lalaki pa. At inaamin ko, nasarapan ako. Bagamat masakit ang ginawa niyang pagpasok sa aking likuran, di ko maitatwa na mas nangingibabaw ang sarap ng kanyang ginawa; ang pagnanasa ng aking katawan na matikman ang kanyang pagkalalaki, ang kanyang katawan…

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. Umuwi ako ng bahay na tila nagdedelirio, hindi makapaniwala sa bilis ng mga nangyari.

“Hoy! Bakit ka ba tulala! Anong nangyari sa iyo?” sambit ni Dante noong nakauwi na ako.

“Wala ah! Echosero nito!” sagot ko rin. Nainis pa kasi ako sa nalamang magsyota na sila ni Shiela.

“Ay ang init-init ng ulo ng utol ko… parang babaeng may kabuwanan.” Biro niya sabay tawa at pisil sa aking baba.

“Hmpt! Kabuwanan ka d’yan!” sabay waksi ko naman sa kamay niya.

“Bakit kaya ang init-init ng ulo ng utol ko ngayon? Ano kaya ang dahilan?”

“Wala! Wala! Wala! Kulit…”

“Hay… naku. Naiin-love na yata. Sana lang hindi kay Dencio… at yayariin ko talaga ang taong iyon.” at tumalikod papuntang kuwarto namin.

“Kay Shiela mo ako nainis!” ang naibulong ko.

Ngunit narinig pala niya iyon. At biglang bumalik. “Ano kamo? Kanino ka nainis?”

“Wala!” ang bigla ko ring pag-atras.

“Narinig ko… Bakit ka galit kay Shiela?”

“Wala nga! Hindi nga! Kulit eh!” ang inis ko nang pagmamaktol, at dumeretso na ng kuwarto, inunahan siya. At noong nasa loob na ako ng kuwarto, nagdadabog na ibinagsak kong patihaya ang katawan ko sa kama.

Sumunod siya at humiga na rin sa kama, nakataob, ang kalahati ng katawan ay isinampa sa katawan ko, ang isang kamay ay palambing na inilingkis sa aking katawan. “Huwag ka namang magalit sa akin tol o…”

“Hindi naman ako galit eh. Kahit lahat ng babae pa sa lugar natin, pati na sa eskuwelahan ay puwede mong ligawan. Marami naman nagka-crush sa iyo. Ligawan mo silang lahat, wala akong paki.”

“O, e di galit ka nga niyan.”

“Ewan ko sa iyon!”

“Huwag na tampo si bunso ko… ikaw naman ang mas mahal ko eh.”

Para din akong kinilig sa sinabi niya ngunit hindi ko ito ipinahalata. Alam ko rin namang pagmamahal ng kapatid ang ibig niyang sabihin. “Alis nga d’yan!” ang bulyaw ko sabay tulak sa katawan niya upang makakalas ako sa pag-ipit niya sa akin. Pagkatapos ko siyang maitulak, tumagilid ako paharap sa dingding. Walang imik, halata ang inis sa aking kilos.

Umusog pa rin siya palapit sa akin, idinikit ang katawan sa katawan ko. At naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na idinantay sa aking dibdib. Niyakap niya ako. “S-sorry na… Hindi kita ipagpalit kay Shiela, promise.”

Tahimik. Bagamat may kaunting saya akong nadarama sa narinig, hindi pa rin ako kumibo. Hindi sigurado kung paniwalaan ang sinabi niya.

“At ito tol… pangako ko sa iyo na ibigay ko lang ang pagkalalaki ko sa taong mahal ko. Kapag may una akong karanasan, sigurado sa taong mahal ko iyon. Ibigay ko lamang ang aking katawan sa kanya. Dapat ay sa kanya ko unang malasap ang sarap ng pakikipagtalik…” ang mahina at seryoso niyang sabi habang nilalaro ng daliri niya sa aking buhok.

Hindi pa rin ako kumibo. Nakikinig lang sa kanyang mga sinasabi. Wala naman kasing kahulugan para sa akin ang kanyang sinabi. Kasi, siguradong hindi naman ako ang tinutukoy niyang siyang unang magpapalasap sa kanya sa sarap na iyon. At sa pagpapaliwanag niyang iyon na hindi ko naman tinatanong, parang lumabas tuloy na isa siyang taong nagkasala. Parang guilty ba?

“At sa ngayon? Hindi siguro kay Shiela manyayari iyon…” dugtong pa niya.

Wala pa rin akong imik.

“A-ayaw mo ba talaga akong mag-girlfriend tol?”

“Ewan!” ang mabilis at padabog kong tugon.

“Galit ka eh… Sige, kung gusto mo, hihiwalayan ko na si Shiela…” ang sambit niya, halatang malungkot ang boses.

“Bahala ka sa buhay mo!” ang sagot ko, bagamat sa isip ko ay gusto kong sabihin sa kanyang, “O... e, di gawin mo!”

Iyon ang huli kong natandaang mga sinasabi niya bago ako makatulog.

Dahil siguro sa ramdam ko pa rin sa isip ang kakaibang sarap na una kong natikman sa mga kamay ni Dencio, sa gabing iyon, napanaginipan ko uli ang karanasang iyon. May nangyari uli sa amin. At sa panaginip kong iyon, ako na ang nag-initiate na may mangyari sa amin. Hindi na ako nahiya pa.

Nasa isang kama lang daw kami magkatabing natulog. Nakatagilid akong nakatalikod sa kanya. Naramdaman kong tumagilid siyang paharap sa akin at niyakap ako. Dahil magkadikit ang aming mga katawan, ramdam ko ang tigas na tigas niyang pagkalalaki na bumubundol-bundol sa umbok ng aking likuran.

Bigla ko siyang hinarap at walang kyemeng sinalat ang tigas na tigas niyang ari…

==========================
(Torrid Scene 2: Upon request. Please email me at getmybox@hotmail.com This portion will be posted at torridparts blogspot by 2nd week of December)
==========================

Noong nagising ako kinabukasan, laking gulat ko sa makitang wala akong saplot sa katawan at lalo pang sumakit ang aking likuran. Noong kinapa ko ito, may dugo ang aking kamay. Bigla akong napabalikwas at sa kabang naramdaman, nalaglag ako sa sahig. Noong tiningnan ko ang kama, magulo ito, si Dante ay hubot-hubad na nakatihaya din bagamat himbing na himbing pa ito sa kanyang pagtulog.

Dali-dali kong pinahid ang dugo sa aking puwet. Pagkatapos ay pinulot ko ang aking brief at pantalon na nasa sahig lamang at isinuot ang mga ito. Hindi ko alam ang gagawin. Nalilito kasi ako, naguluhan kung si habang nanaginip ako na si Dencio ang katalik ko, si Dante pala iyon. O kung nagkataon lang din bang naghubad siya at walang kuneksyon ang panaginip ko sa paghuhubad niya sa pagtulog. At kung kami nga ang nagtalik, tulog din ba siyang katulad habang ginagawa naming ang lahat at wala din siyang kamalay-malay sa aming pinaggagawa?

Bigla kong naisipang takpan ng kumot ang kanyang katawan upang kung sakaling magising man siya ay hindi niya mapansin kaagad na hubo’t-hubad pala siya.

Habang dahan-dahan ko siyang tinakpan ng kumot, hindi pa rin siya nagising.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naisip ko na kung iwanan ko siya sa ganoong sitwasyon, baka mag-isip siyang nag take advantage ako sa kanyang pagkahimbing.

Humiga uli ako sa tabi niya at tumagilid. Nagkunyari akong natutulog pa rin at walang kaalam-alam sa nangyari. Ibayong kaba ang aking naramdaman sa maaaring magiging reaksyon niya. Ngunit ang posibilidad na siya ang aking nakaniig ay ang siyang laman ng aking isip. Di ko maitatwa na may halo itong saya at kiliti sa aking puso.

Maya-maya naramdaman kong tumagilid siya. Inilingkis niya ang isa niyang kamay sa aking katawan, ang isang paa ay idinantay sa ibabaw ng aking hita. Ramdam ko ang pagdampi ng kanyang matigas na ari sa aking likuran. Normal lang naman kasi iyon, lalo na kapag ganoong umaga. At kahit pa anong oras at tumitigas ang ari niya at madadantay ang aking paa sa ibabaw noon, dedma lang siya. Hindi niya tatanggalin ang paa ko, hayaan lang niya ito. At ako rin, dedma kunyari bagamat parang matuturete na ang utak ko sa pagnanasa. Takot kaya akong baka magalit siya kung bigla kong susunggaban iyon at laruin. At ganoon din siya sa akin. Kapag ganoong tinitigasan ako, at magdantay ang paa niya sa aking bukol, dedma lang din kaming pareho. Ganyan ang kalakaran namin. Dedma dito, dedma doon.

Hindi ko alam kung gising na siya. At dahil hindi siya gumalaw, kumalas na ako sa pagkakayakap niya. Tumayo ako.

“S-saan ka tol?” ang mahina at niyang tanong, ang boses ay sa isang kagigising lang. Gising na pala siya.

“Eh… maligo na. Bakit?” sagot ko, tiningnan siyang ang katawan ay nakabalot pa sa kumot at kinukoskos ang mga mata.

Noong hinawi niya ang kumot upang marahil ay tumayo, nabigla siya noong makita ang hubad niyang katawan. Itinakip niya muli ang kumot sa kanyang katawan, mistulang nahiya na nandoon ako at nakita ang tirik na tirik niyang ari. Kitang-kita ko ang kalituhan ng kanyang isip, parang nagtatanong ito kung paanong nangyaring nakahubad siya.

Ngunit dedma kunyari ako. Tutumbukin ko na sana ang pintuan upang lumabas na noong. “Tol… halika nga.”

“B-bakit?” napahinto ako at nilingon siya.

“Higa muna tayo…”

“Bakit ba, maliligo na ako!”

“Basta, higa muna tayo...” ang panunuyo niya, ang boses ay naglalambing.

Humiga uli ako sa tabi niya.

“B-bakit ako nakahubad?” ang biglang tanong niya sa akin.

“Aba eh… malay ko sa iyo!” ang sagot ko. “Baka nanaginip ka at may ginawa ka sa sarili mo…” Medyo natuwa na rin ako na hindi pala niya talaga alam na baka may nangyari sa amin. O, nagkukunyari lang din siya.

“Uyyy… di na siya galit sa akin” ang pagngiti naman niya bigla.

Napangiti na rin ako. Natakot kasi ako na baka siya nga ang nakatalik ko sa panaginip at magalit siya. Ngunit noong ngumiti siya, napawi na rin ang takot ko. At ang sarap pa ng ngiti niya. Nakakabighani “A-ano ba ang panaginip mo?” tanong ko.

Ngunit ang isinagot niya ay, “May ginawa daw kami ni Shiela…”

At doon na uli ako sumimangot. “G-ganoon…” ang malabnaw kong sagot. “Sige, maligo na ako...”

“Tol naman... Sandali lang!” sabay hatak sa aking kamay.

Natumba ako sa kama, sa tabi niya. “Bakit ba?!” bulyaw ko.

“Halika muna!” sambit niya, sabay yakap ng mahigpit sa akin.

“Bakit ba? Doon ka sa Shiela mo! Arekopppp! Bitiwan mo nga ako!” Para din akong naninibago sa kanyang inasta sa umagang iyon.

“Anong bakit? Na-miss lang naman kita... Ayaw mo ba noon? Nilalambing kita?”

Hindi na ako nakasagot. Syempre, gusto ko kaya iyon. Naninibago nga lang ako.

“Yakap ka nga sa akin…”

Kahit med’yo nainis pa ako, yumakap na lang ako sa kanya. Iyong yakap na walang feeling, matamlay. “A-ano bang klaseng masamang hangin ang pumasok sa kukute mo at nagkaganyan ka? Maayos pa naman ang pag-iisip mo kahapon ah!” tanong kong may halong sarcastic na biro.

“Wala lang… happy lang ako.”

“Hmpt. Happy ka dahil nakantot mo si Shiela sa panaginip! Ganoon!”

“Ganoon na nga…” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti, kinindatan pa ako.

“Sabi ko na nga ba. Hindi maganda ang maidudulot ng babaeng iyon sa kalusugan ng iyong pag-iisip.”

“Woi... nagseselos...”

“Makaalis na nga!” sabay tayo

Ngunit hinigpitan niya ang pagyakap sa akin. “Kiss muna sa kuya…”

“Ayoko nga! Doon ka sa Shiela mo!”

“Sige na please...”

At dahil nagmamadali, nag “Mwah!” na lang ako.

“Mwah!” halik din niya sa akin. Syempre, parang naiihi na ako sa sobrang kilig.

At iyon, hinayaan na niya akong tumayo at lumabas ng kuwarto.

Sa totoo lang, nanibago talaga ako sa inasta ni Dante sa umagang iyon. Ngunit dahil sabi nga niya na dahil sa panaginip niya kay Shiela kung kaya siya masaya, naniwala na lang ako. Kaya hindi maiwasang hindi sumama ang loob ko na ang babaeng iyon ang nasa isip niya bagamat may saya din akong nadarama habang binalik-balikan sa isip ang mga eksena sa panaginip ko kung saan maaaring siya pala ang aking katalik. Basta ewan. Naghalo ang galit at kilig na aking nadarama.

Nasa banyo na ako, hubo’t-hubad at nagtatabo ng tubig galing sa drum na imbakan ng tubig na pampaligo. Nasa state of euphoria pa rin ang aking isip sa hindi kapani-paniwalang insedenteng maaaring nagtalik kami sa gabing iyon. Hinahaplos-haplos ko pa ang mahapdi kong likuran at tiningnan kung may dugo pang lumalabas dito. “Nasarapan kaya siya? Ako kaya ang naka-virgin sa kanya?”

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni at pagsasariwa sa nangyari noong biglang bumukas ang pintuan ng banyo. “Tol… sabay na tayong maligo! Late na ako!” ang sambit niya at dali-dali nang tinanggal ang tuwalya sa kanyang beywang at isinabit iyon sa nakausling pako sa gilid ng pintuan.

Natulala na naman ako noong lumantad ang hubad niyang katawan, sumagi sa isip na natikman ko na iyon bagamat sa panaginip lang.

“O, Ba’t nakatitig ka na naman sa akin?”

“A.. e… wala ah! Heto gusto mo?” At bigla ko siyang sinabuyan ng tubig galing sa hawak-hawak kong tabo.

“Arrrggghhhhh!” sambit niya. “Kanina pa ako nanggigigil sa iyo ha… Ito naman ang sa iyo!” sabay din abot sa isang tabo at sinabuyan din ako ng tubig.

Nagpambuno kami. Hanggang sa nilock niya ako sa kanyang mga bisig, habol-habol ang aming hininga. Bigla akong natigilan. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib habang niyayakap niya ako ng ganoon.

“Ansarap mong kagatin, ummmmmm!” sabay kagat ng pabiro sa aking pisngi.

Ewan, parang gusto ko siyang hagkan, gustong haplusin ang kanyang mukha at idiin sa bibig niya ang aking mga labi.

Ngunit hindi ko magawa-gawa iyon. Takot pa rin ang nanaig sa akin.

Ang sunod kong naalimpungatan na lang ay ang paghawak ng dalawa niyang kamay sa aking magkabilang pisngi at tinitigan ang aking mukha.

Akala ko ay tuluyan na niya akong hagkan. Ngunit, “Ligo na nga tayo! Late na!” ang sambit lang niya.

Hayun… ipinagpatuloy naming ang aming paliligo. Bitin na bitin ako.

Pauwi na kami galing school at halos nasa gate na noong sa isang kanto ay nandoon pala si Dencio at inabangan kami. “Tol… laro tayo ng basketball. Nandoon na ang mga ka-tropa natin naghintay sa atin sa court!” sambit ni Dencio kay Dante, at noong mabaling sa akin ang kanyang tingin, binitiwan niya sa akin ang isang kindat na nakakaloko. Para tuloy akong kinilig na di mawari. Hayup kasi sa porma ang honghang.

At ewan hindi ko rin maintindihan ang sarili. Ang lakas talaga kasi ng hatak niya. Lalaking-lalaki ang porma at maganda pa ang katawan. Naa-attract ako sa kanya, samantalang si Dante naman ang mahal ko.

“Kayo na lang ang magbasketball, uuwi na ako.” Ang sambit ko. Hindi naman kasi ako marunong maglaro ng basketball.

“Ito naman o… cheerer ka na lang namin tol… sige na. Inspirasyon.” Ang biglang sabi ni Dante.

“Oo nga naman Tristan. Manood ka na lang sa mga idol mo” singit naman ni Dencio sabay kindat uli sa akin at bitiw ng nakakalokong ngiti na para bang nanunukso.

“Aba’t nakadalawa na ang tarantado!” sa isip ko lang. Anlakas talaga kasi ng appeal ng kumag! At kapag ganoong nanunukso pa ang tingin, sino bang bakla ang hindi matutunaw. Kaya napilitan man, “Sige na nga!” ang sagot ko.

Nungit sa basketbolan pala ay hindi lang ako ang inspirasyon. Nandoon din si Shiela, ang kasintahan ni Dante. Kapag naka-shoot ng bola si Dante, anlakas ng palakpak ni Shiela samantalang si Dante naman, ang laki-laki ng ngiti kay Shiela na para bang nagyayabang.

Wala akong nagawa kundi ang mapa-ismid na lang. Kaya kung si Dencio naman ang maka-iskor, malakas din ang hiyaw ko.

Akala ko hanggang doon lang ang maramdaman kong pagseselos. Noong natapos na ang laro, nilapitan ni Shiela si Dante at sila na lang ang nag-usap. Etsapuwera na lang ako. Parang piniga ang aking puso sa nakitang ang sweet-sweet nilang nakaupo sa isang gilid ng court at hindi man lang ako pinansin ni Dante.

Sa inis ko tuloy, sumama na lang ako kay Dencio. “Punta tayo ng grandstand” ang mungkahi niya.

“Anong gagawin natin doon?” sagot ko naman. Alam ko kasing ang grandstand na iyon ay lugar ng mga magnobyong lalaki at babae, magnobyong parehong lalaki o magnobyang pareho babae. Lalo na kapag ganoong malapit nang dumilim. Kung naging isang motel lang ito, masasabing fully-booked ito.

“W-wala lang… Kuwentuhan. Ayaw mo bang magkuwentuhan tayo na may privacy?”

“P-puwede naman. Pero ano naman ang pagkukuwentuhan natin na kailangan pa ng privacy?”

“S-sa atin. Sa pagiging magkaibigan natin. Di ba may nangyari na sa atin?”

Hindi ko talaga alam ang naramdaman sa aking pagkarinig na salita ni Dencio. Gusto kong kiligin ngunit nandoon ang panghihinayang na sana kay Dante ko narinig ang ganoong salita. “O… s-sige” ang pag-aalangan kong sagot. Parang gusto ko kasi ngunit parang ayaw din. Kasi nga… dahil kay Dante. Gusto kong siya ang kasama ko.

Nakarating kami ng grandstand. Naupo kami sa ibaba noon, sa isang lugar kung saan nakatago at hindi madaling makita. Naka-shorts pa rin siya, kitang-kita ang matitipuno niyang hita na puno ng balahibo patungo sa kanyang paa. “S-salamat at pumayag kang sumama sa akin dito...”

“Eh… magkaibigan naman tayo at wala ka namang gagawing masama, di ba?”

“Meron…” sagot niyang nakangisi, sabay bawi din ng, “Joke!”

Tahimik. Di ko kasi maimagine ang sariling hayun parang isang lukaret na nakikipagtagpo ng palihim sa grandstand na iyon, sa lugar kung saan may mga kahalayang nangyayari sa pagitan ng mga lalaki at pokpok, mga lalaki at bakla, o sa mga magkasintahang may balak na gumawa ng kahalayan.

“P-pwede bang t-tayo na?” tanong niya, ang boses ay may pag-aalangan.

“A-anong ibig mong sabihing tayo na?” Ang sagot ko namang may pa-inosente at demure-effect pa.

“Tayo, as in magsyota…”

Grabe ang kilig ko sa narinig. Pakiramdam ko, biglaan ang aking pagsi-sex change at ang haba-haba pa ng hair. Parang gusto kong maglupasay, magsisigaw... Ngunit, kung si Dante lang sana ang nagsabi nito sa akin...

Tiningnan ko siya. Parang nakikiusap ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. “Alam mo… di ko alam eh. Di ko pa naranasan ang magkarelasyon at lalo na sa lalaki. Bakit kailangan tayong magsyota?” ang naisagot ko na lang.

“Eh… para masolo na kita. Akin ka lang. At ako, iyong-iyo na rin … Ayaw mo bang maging iyo lang ako?”

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya. Naisip ko tuloy na isa siyang laruan na aking-akin na at kahit ano ang gagawin ko sa laruang iyon ay puwede. “T-talaga? Ganyan ba talaga ang mag-syota?” sambit ko.

“O-oo” sabay dampi ng kamay niya sa kamay kong naka-tukod sa gilid ng aking inuupuang semento.

Napahinto ako. Kinilig, kinilabutan. Ewan… Ninamnam ko ang kiliti ng pagdampi ng kanyang kamay sa aking balat.

Noong mapansin niyang napahinto ako at hindi nagreact sa ginawa niyang pagdampi at paghahaplos ng kamay ko, tuluyan na niyang hinawakan ang aking kamay at dahan-dahan niyang ginawa ito.

At noong hindi pa rin ako pumalag, hinila na niya ito at idiniin sa kanyang bibig. Hinalikan niya!

Napatingin ako sa kanya, ang bibig ay tila bibigay sa pagtawa bagamat ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

Tinigan din niya ako. Iyon bang titig na seryoso na parang nagtatanong ng, “Sige na… payag ka na? Tayo na?”

“Ano… bakit hindi ka makakibo?” tanong niyang ang boses ay nanunuyo.

“A-ano bang sasabihin ko? Wala…”

“Ayaw mo ba sa akin?” sabay baba sa kamay ko at idinantay iyon sa kanyang hita, hinaplos-haplos pa rin ito ng kanyang kamay, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok sa akin.

“E… h-hindi ko alam eh.”

“Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari sa atin?”

“E... g-gusto…”

“Gusto mo bang gawin uli natin dito?”

“Eh…”

“Ito na lang. May joke ako.”

Napangiti naman ako bigla.

“Nababasa mo ba ang nasa isip ko?”

Na sinagot ko naman ng, “Oo… malaswa”

“Yun naman pala eh, di gawin na natin…” sabay lapat ng mga labi niya sa mga labi ko.

Hindi ako nakagalaw. Marahil ay dahil ninanasa ko iyon.

Gaganti na sana ako sa halik niya noong may narinig akong malalakas na tawanan na nasa di kalayuan lang. Bigla kong naitulak si Dencio gawa ng kilala ko ang tawang iyon. Kay Dante. At kung hindi ako nagkamali, si Shiela ang babaeng kasama niya.

Nanatili sa puwesto, sinilip ko ang pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. Silang dalawa nga ni Dante ant Shiel ang naroon. Magkatabing nakaupo sa damuhan at naghaharutan!

Sa inis ko, biglang nasira ang aking mood at nakasimangot na parang walang kasama sa oras na iyon.

“Woi…bat ka nakasimangot? Dahil ba sa kuya mo? Huwag mong sabihin na nagseselos ka? Type mo ata ang kuya-kuyahan mo eh…” ang parinig sa akin ni Dencio.

“Hindi ah! Inis lang ako sa babae niya.”

“Ganoon din iyon. Kaya pala ayaw mo sa akin.”

At doon na sumiksik sa kukute ko ang sagutin si Dencio. “G-gusto mo ba talaga ako?”

“Oo naman… gusto kita. Katunayan, kinakaibigan ko si Dante dahil lang sa iyo.”

“Talaga? Pero bakit andami mong nililigawan at may mga bakla ka rin daw na niloko?”

“Wala iyon. Kinakaibigan ko lang ang mga iyon. Kaso, higit pa sa pakikipagkaibigan ang gusto nila sa akin kaya nagalit sila”

“Ganoon?” sagot ko. Mukhang may punto naman siya. Anlakas naman talaga kasi ang dating ni Dencio. Hayop ang porma kumbaga.

“Gusto mo lang ako… hindi naman mahal”

“M-mahal eh! Dadalhin ba kita dito kung hindi. At kung dito lang, dapat babae na ang dinala ko. Nakikita kaya ng ibang mga tao na lalaki ang kasama ko. Di ba nakakahiya?”

“So ikinahiya mo ako?”

“Hindi nga. Kung nahiya pa ako e di na lang sana...”


“E, bakit ako?”

“Ewan ko. Basta ikaw ang gusto ko...”

“So... gusto mo talaga ako?”

“Oo nga eh...” ang boses ay mistulang nakulitan na.

Tahimik.

“So… mahal mo rin ako? Tayo na ba?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

Tiningnan ko siya. At tumango ako.

“Yeeeyyyy!” sigaw niya. At hayun, hinalikan na niya uli ako.

At muli... nalasap ko ang halik ni Dencio. Ang sarap niyang humalik.

Habang ginawa niya ang paghalik sa akin, dahan-dahan namang binuksan ng isang kamay niya ang zipper ng kanyang pantalon at noong tuluyang mabuksan ito, iginiya ng isa niyang kamay ang aking kamay patungo sa ilalim ng kanyang brief.

Sarap na sarap ako sa aking nasalat, ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. Bumalik-balik na naman sa isip ko ang unang karansan ko sa kanya at sa mga pinaggagawa ko sa alaga niyang iyon.

Itinaas-baba ko ang aking kamay habang patuloy ang paghalik niya sa aking bibig. May ilang minuto din. Hanggang sa bumaba ang paghahalik niya sa aking leeg at doon naman naglalaro ang kanyang dila at mga labi.

Nasa ganoon ako kasarap ng pagnamnam at pag-uungol noong biglang may sumulpot sa aming harapan.

Si Dante. At nag-aalab ang kanyang mga mata sa galit.

“Mag walang hiya kayooooooooooooooooo!!!!”

[Itutuloy]

9 comments:

  1. ampupu si Dante naman kasi e...nyahaha

    ReplyDelete
  2. ka bitin nman!!!!

    ReplyDelete
  3. wlang hya dw cla eh xa dn naman d nahya >_>

    ReplyDelete
  4. yan na nga ang nanyari hahahahah pag minalas nga naman oh..lagot kayo...hehehe

    ReplyDelete
  5. wahhhh ano un???? baka nainggit si dante.... may sheila naman sya....ano naman ang gusto nyang gawin kina tristan at dencio...ha ha ha

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  6. kilig naman. next chapter please. thanks!

    ReplyDelete
  7. takbo n patay k sa kuay mooooooooooooo

    ReplyDelete
  8. Huhuhu! Di ko mabasa ung mga torrid scenes sa torridblogspot churva. Tae kac, block xa. :(((((((


    Arvz frm UAE.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails