Followers

Friday, October 7, 2011

Kahit Makailang Buhay [7]

[7]

By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Una, gusto kong batiin ng bonggang-bonggang Happy Birthday ang Head Admin ng Solid MSOBian’s fb group na walang iba kundi si Rovi, kung saan ko din ipinangalan ang ating main character sa kuwentong ito. Happy Birthday Admin Rovi! Happy birthday din kay Ormhel, ang aking “nephew” sa MSOB. Happy birthday guys! The whole MSOB family wish you good health, success, peace and above all love and happiness!

Pangalawa, gusto ko rin pong mangampanya para sa partisipasyon ng MSOB sa 2011 PEBA Awards (Pinoy Expat/OFW Blog) Awards. Bumoto po dito:
http://www.pinoyblogawards.com/2011/08/peba-poll-voting.html#more. Nasa right side po ang mga entries at #24 entry tayo. Just click the box beside it, and click “Submit Vote”. As of this time, nasa 4th place na po ang MSOB ngunit sana ay tataas pa ang rank natin.

Pwede rin po kayong mag comment dito:
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

O pede rng mag-“LIKE” dito: http://www.facebook.com/PEBAWARDS at pagkatapos ay magcomment dito:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=1&theater

Gusto ko ring magpasalamat kay Admin Kenji of MSOB Blogspot, kay Head Admin Rovi of Solid MSOBIans at mga Admins and Mods, at sa Admin ng Torrid MSOBians Joji for the image of “Pantalan”. Madami po kayo para banggitin dito ngunit alam po ninyo kung sino kayo...

Syempre, sa mga MSOBians na walang sawang sumuporta, bumoto at nangampanya. Sana manalo tayo dito guys. Tayo lamang po ang gay-themed blog na lantarang tayo ay gay-themed. Kaya laban nating lahat ito.

Muli po, sana ay bumoto kayo: http://www.pinoyblogawards.com/2011/08/peba-poll-voting.html#more.

Maraming-maraming salamat po!

PS. Pasensya po sa late na update… Busy kasi sa work at minsan umaatake po ang aking sakit 

-Mikejuha-

---------------------------------------

Ako si Xander.

At heto ang kuwento ko…

Natuloy din ang treat ko sa kanila, 30 minutes nga lang dahil breaktime lang iyon. Ngunit kahit ganoon lang kaigsi ang aming bonding, tuwang-tuwa ang mga estudyanteng nakasali. Kasi, hindi lang nandoon ako, nandoon pa si Patrick, ang crush ng campus. Kahit may pagka-aloof si Patrick hindi naman ito mayabang kaya gusto pa rin nila siya.

At dahil sa tuwa ng mga estudyante sa bonding naming na iyon, napagkasunduan nilang tawagin ang grupong “I Knew It” or “IKI”. At si Patrick ang ginawa nilang IKI Pantasya. Ngingiti-ngiti lang si Patrick. At masaya ako dahil sa wakas ay nakasama ko rin si Patrick munti naming bonding at napangiti ko na naman siya.

Ngunit pansin ko pa ring ayaw niyang lumapit sa akin. Bagamat nakikitawa siya sa mga biruan at lokohan ng grupo, halatang iniiwasan niya ako. Ni tumingin sa akin kapag alam niyang tinitingnan ko siya ay hindi niya magawa. Yumuyuko siya, o pasimpleng ibabaling ang tingin sa ibang bagay.

Parang lalo naman akong nacha-challenge. Hindi ko maintindihan ang sarili. Iyon bang taong gusto mo, alam mo sa sariling may naramdaman ka at gusto mo siyang making close o mahawakan man lang ang kamay ngunit hindi mo magawa. Hindi ko na nga alam kung matawa sa sitwasyon ko o mainis sa sarili dahil parang bakla na tuloy ang tingin ko sa sarili. Napaisip tuloy akong ganoon pala siguro ang naramdaman ng mga bakla. Kunyari iba ang kinakausap mong tao ngunit siya pala ang palihim mong minamatyagan. Kunyari, iba ang topic ng usapan sa grupo ngunit ang gusto mong isingit na tipoc ay tungkol sa kanya. Kunyari nakikitawa ka ng malakas ngunit front lang iyon dahil ang gusto mong mangyari ay mapansin ka niya. At kapag napansin mo namang nakatingin siya sa iyo, kahit walang meaning iyon sa kanya ay para ka namang maiihi at nagsusupetsa ka na na baka napansin ka niya. Tapos, kapag napansin niyang tinitingnan mo siya at titingnan ka rin na parang nagtatanong kung bakit, ibaling mo naman an iyong paningin sa ibang bagay na patay-malisya kunyari ngunit nanginginig ang iyong kalamnan.

May insidente ngang nawala sa isip kong nasa kalagitnaan pala kami ng kasayahan ng mga estudyante, napatitg ako kay Patrick. Ewan ko rin ba; kahit dinideny niyang siya si Rovi, di maiwaglit sa isip ko si Jasmine sa kanya. At sa bawat tingin ko na sa kanya, pakiramdam ko ay si Jasmine talaga ang tinitingnan ko. At hindi ko namalayan na ang isang istudyante ay pabiro na palang hinarang at ginagalaw ang kanyang kamay sa harap aking mga mata na nakatitig na pala kay Patrick.

“Sir!!! Sisipsipin na namin si Patrick!” ang biglang pagsigaw ng isang estudyante.

At mistula naman akong isang taong himbing sa pagtulog ngunit biglang binuhusan ng tubig at napabalikwas sabay, sigaw din ng “H-ha???!!!”

Tawanan ang mga estudyante sa nakitan greaksyon ko. “Si Patrick Sir, sisipsipin namin! Sayang!”

“Sipsipin? B-bakit?” Ang tanong kong hindi pa rin nakuha ang ibig ipahiwatig ng estudyante.

“Nalulusaw kasi siya sa titg mo, kaya sisipin na lang namin, sayang eh!”

At lalong pumutok ang masigabong tawanan ng grupo. Hiyang-hiya naman ako sa sarili. At noong tiningnan ko si Patrick, kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

“Tado kayo! Tinitira ninyo ako huh! Tingnan ninyo si Patrick, namumula ang pisngi!” sambit ko.

“Shocks!!! Sa sobrang init ng titig ni Sir, namumula ang pisngi ni Patrick!”

Tawanan uli ang mga estudynte. Ako naman, ewan, parang nakroyente ba sa reaksyon ni Patrick, umaasa na nagustuhan niya ang biruan ng grupo.

“Sige, yariin niyo pa ako at sisingilin ko kayo sa mga nilamon ninyo!” biro ko bagamat sa kaloob-looban ay may kiliti akong anramdaman, o kilig ba?

Masayang-masaya ang grupo sa bonding naming iyon. Ang kukulit ng mga bata, maangas, maingay. magulo. Sobrang saya.

Ngunit si Patrick, hindi ko lubos na nababasa ang nasa isip niya. Alam ko, hindi pa lubusang naghilom ang kung ano mang sugat, lungkot, o galit meron sa kanyang puso, lalo na sa akin o sa ibang tao.

Sa sunod naming klase, nagbigay na naman ako ng challenge. “Class… this time, whoever gets the correct answer, I will give him or her a special treat: Boracay this weekend. Only me and the lucky student who gets the correct answer. I have to unwind and recharge and I need an ‘intelligent’ company. What do you think?”

Hiyawan ang mga estudyante. Excited. Syempre, Boracay na kaya iyan at libre. Hindi lang iyan, makakasama pa nila ang most eligible bachelor-professor na sabi pa ng maraming estudyante, pantasya ng mga estudyante. Kung kaya ganoon na lang ang reaksyon nila noong marinig ang treat ko. Lalo na ang mga babae…

Ngunit, si Patrick talaga ang taget ko. Nais kong ma-solong maka-bonding siya. Plano ko na kapag siya ang nakakuha sa prize, na sigurado naman akong alam niya ang kasagutan, ay makausap ko ng masinsinan ang bata at makilala ng lubos ang kanyang buong pagkatao. Hindi kasi ako naniniwalang hindi siya si Rovi.

At ibinigay ko na ang tanong. Bahagyang natahimik ang klase. Tiningnan ko ang pwesto ni Patrick, inalam kung magtataas siya ng kamay. Subalit, parang wala siyang kagana-ganang sumali sa excitement ng klase. Nakayukyok lang sa kanyang desk, inilatag ang ulo sa mesa.

“Patrick? Are you not going to answer the question?” ang tanong ko sa kanya.

“No… I don’t know the answer.” Ang sagot niya.

Nadisappoint ako. Alam kong alam niya ang sagto ngunit maaaring natunugan niya ang balak ko at hindi niya nagustuhan ang ideyang kaming dalawa lamang ang mag-bonding sa Boracay.

Pakiramdam ko ay gusto kong hindi na lang ituloy ang treat. Subalit dahil nakapagbitiw na ako ng salita, itinuloy ko na lang bagamat mabigat sa aking klooban.

At ang nakakuha sa tamang sagot, sa lahat pa ng estudyante, ay si Alvin.

Hiyawan naman ang buong klase. Alam ko, may kahulugan ang paghihiyawan nilang iyon.

Si Alvin kasi ay matalino ding bata. Guwapo. Anak mayaman. Ngunit may isang bagay siya na naiiba. Lalaking-lalaki kung pumorma ngunit alam ng lahat na siya ay isang “bi”; nagkakagusto sa babae, nagkakaguto din sa lalaki. At hindi dinideny ni Alvin ito. Kumbaga, tanggap ang pagkatao niya at tanggap din ito ng mga kaibigan at magulang niya. Kasi, hinid rin naman siya naglalantad. Normal na lalaki kung kumilos, nakikipagbarkada din sa mga lalaki, naglalaro ng basketball, billiard, soccer… Pero inaamin niya na nagkaka-gusto siya sa babae at sa kapwa lalaki.

Ngunit hindi iyan ang hinihiyawan ng mga estudyante sa pagkapanalo niya sa treat na ibibigay ko. Type ako ng bata. Maraming beses ko na siyang nahuling nakatitig sa akin, maraming beses ko na ring napansin ang kanyang pagpaparamdam at pananantsing. At alam ko, hindi ito lingid sa kaalaman ni Patrick.

May isang beses, nasa classroom kaming dalawa ni Alvin. Kadalasan kasing ginagawa ng bata na magpaiwan, marahil ay upang masolo ang time ko. Nasa gitna kami ng pagtatawanan noong hindi ko napansin na pumasok pala si Patrick sa silid. Habang tawang-tawa ako sa mga biro ni Alvin, biglang sinipa naman ni Patrick ang isang armchair.

Syempre, nabulabog kami. Noong tiningnan ko ang pinanggallingan ng ingay, nakatitig sa akin si Patrick, ang mga mata ay nag-aalab, sabay talikod ng walang pasabi.

Nagtaka ako kung bakit ganoon ang ginawa niya. Hinabol ko siya ngunit nakalayo na ito at hindi na pinansin pa ang aking tawag. Naiwan akong may malaking katanungan ang isip. “Para saan iyon…?”

Natuloy ang aming bonding ni Alvin. Solved na solved naman ang bata. May pagkakataong nagparamdam siya, as usual, tsansing-tsansing ngunit hindi ko kinagat ito. Hanggang sa akbay-akbay lang, kaunting yakap-yakap… Masaya din naman ako. Masaya ding kasama kasi si Alvin; makulit, madaldal, lively, bubbly. Halos hindi kami matigil sa katatawa.

Ngunit iba pa rin ang hinahanap ko: si Patrick. Siya ang laman ng aking isip. Sa kanya, nabubuhay ang ala-ala ko kay Jasmine...

Pagkatapos ng treat ko kay Alvin may mga litratong ipinost ang bata sa facebook, ipinagmayabang ang bonding namin. May kuhang sobrang magkadikit kami, may mga kuha ding niyayakap-yakap niya ako. Wala naman sa akin iyon kasi, kapag wala kang malisya, hindi ka naman affected. Ngunit may mga estudyante na palang naintriga. In fact, may mga nagbibiro na sa akin tungkol kay Alvin. “Sir ha…? Maraming nagseselos.” ”Uy, si Sir, may sikreto…” “Inspired si Sir ngayon ah!” parining ng mga estudyante.

Ngunit dedma lang ako. Ngingiti-ngiti lang. Hindi naman kasi totoo, at hindi rin sumagi sa isip ko na patulan si Alvin.

Sa side naman ni Alvin playing pa-misteryoso siya. Hinayaan ko na lang din. Wala naman kasing masama sa kanyang inasta. Kaya lalong naintriga ang mga estudyante.

Isang araw schedule ng Periodic Test. Alam ng mga estudyanteng mahigpit ako pagdating ditto. Kaunting pagkakamali lang nilang mag-attempt na tingnan ang answer sheet ng katabi, o mag-attempt na magtanong kung ano ang question, lalo na kung ano ang sagot, tinatawag ko kaagad ang attention at kapag napatunayan kong nangopya, labas kaagad sa testing room ang estudyanteng nabanggit at automatic, bagsak siya sa test na iyon. Hindi lang iyan, katakot-takot na explanation pa ang gagawin niya sa akin at sa Dean’s Office upang huwag kong i-kick-out sa klase ko.

Kumpleto na ang lahat ng estudyante sa classroom at handa na akong magbigay ng mga questionnaires subalit hindi pa dumating si Patrick kasama ang tatlo pang mga estudyante. Nagtaka ako.

Hanggang sa nagsimula ang test at natapos ngunit hindi pa rin dumating ang apat. Nag-init na ang ulo ko. Kasi puwede namang isa sa kanila ang mag text o tumawag na hayan, ma-late dahil may urgent o emergency. Ngunit wala silang pasabi.

Noong magsilabasan na ang mga kumuha ng pasulit, saka dumating ang apat. Basang-basa sa pawis, marurumi ang mga damit. Nanatiling nakaupo lang ako sa teacher’s desk. Kunyari, wala akong napansin sa pagpasok nila na halatang naiilang, natatkot.

“S-sir, we are sorry…” ang nangingiming sabi sa isa sa kanila. “On our way in coming to school, Patrick’s car had a punctured tire…” dugtong ng isa naman na ang mukha ay nakakaawa.

“So…?“ Ang sagot kong mataray ang boses.

“We request if you can give us a chance Sir? A special test?”

Tiningnan ko silang apat. Nakakaawa naman ang kanilang mga mukha, ang mga damit ay marurumi, basang-basa sa pawis, at halatang nininerbiyos. “What makes you look dirty?”

“Our uniforms were soiled when we tried to replace the tire, Sir; the reason why we arrived late late.”

Tiningnan ko si Patrick na parang wala namang bahid na pangamba or remorse sa mukha. Ganyan naman kasi talaga siya sa obserbasyon ko lang; walang takot, hindi tinatablan ng pressure. Easy lang sa lahat ng bagay. “Ok…” ang sagot ko, bagamat may napansin na ako sa postura nila, “When do want to take the special test?” tanong ko, at sila pa talaga ang pinapili ko kung kailan.

Nagtinginan sila, ang nagmu-muwestrahan na halatang tuwang-tuwa sa narinig na sabi ko. “T-two days from now Sir?”

“Ok… fine with me!” ang sagot ko. Ngunit maynahalata akong kakaiba. At may planong pumasok sa isip ko kung paano ko malaman iyon.

Tuwang-tuwa silang apat sa ibinigay kong kunsiderasyon, “Thank you, Sir! Thank you very much, Sir!” ang pasalamat nila.

Alam ko, na sa paglabas na paglabas pa lang nila ng classroom ay nagtawanan silang apat at nagyayabangan ng “Napaniwala natin si Sir! Napaniwala natin si Sir!” o kaya ay “Na-bluff natin si Sir! Na-bluff natin si Sir!”

Dumating ang araw ng kanilang special test. Nakisuyo ako sa tatlong kasamahan ko sa faculty. Ina-assign ko sa tig-iisang kuwarto ang apat na estudyante, iyong hindi sila puwedeng magtanungan. Syempre, iisa lang ang test ko para sa kanilang tatlo. Ako ang humawak kay Patrick, sa kalapit na bakanteng silid-aralan.

Naka-caterpillar bag na brown, isinukbit sa kanyang balikat, puting t-shirt na body fit ang suot na ang pares ay maong pants. Hayop ang porma ni Patrick noong makita ko sa pagbukas pa lamang niya ng pintuan ng kuwarto kug saan siya kukuha ng special test. Ewan ko ba ngunit si Jasmine talaga kaagad ang pumasok sa aking isip. Parang habang tumatagal, si Jasmine na ang nakikita ko sa kanyang mukha.

“Good morning!” sambit niya, binitiwan ang isang ngiting-respeto at umupo na sa isang bakanteng upuan sa may pinakaharap ng platform.

“Good morning!” ang sagot ko rin.

Habang nakaupo na si Patrick at handa na sa test, hawak-hawak ang kanyang ballpen, ibinigay ko sa kanya ang isang blankong bond paper.

Pansin sa kanyang mukha ang pagtataka kung bakit walang nakasulat na questions ang papel na iyon. Pakiramdam ko ay gusto niyang itanong kung bakit blangko ito. Ngunit tinanggap na rin niya atsaka inilatag sa kanyang armrest. Siguro napag-isip niyang baka essay type ang ibigay kong test.

Noong nakita kong handa na siya, nagsimula na akong mag-instruct, “I will give you only one question, and it’s a multiple-choice question…”

Pansin ko naman ang pagngiti ni Patrick. Marahil ay hindi makapaniwalang multiple-choice pa ang nag-iisang tanong.

“Just choose your answer from the given choices. It should be very easy…”

Tumango si Patrcik, naging seryoso ang mukha, naghihintay sa tanong ko.

“First, write your name and the date today, on the upper hand side of the paper...”

Dali-daling isinulat ni Patrick ang pangalan niya at petsa sa itaas na bahagi ng papel.

“Now, here’s the question…”

Nanatiling nakayuko siya hindi gumalaw, naka-tutok ang mga mata sa armrest, nag-concentrate sa susunod kong sasabihin.

“…On the day when you had your car’s tire punctured, which tire was it? a) Front left-side tire, b) Front right-side tire, c) Rear left-side tire, and d) Rear right-side tire. Just select the letter and if you are done, give me your paper.”

Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Patrick, hindi makapaniwalang iyon ang itatanong ko na wala namang kinalaman sa klase.

Syempre, natunugan kong nag-imbento lang sila ng kuwento upang maka-eskapo sa test at hindi naman talaga ako naniwalang na-flatan ang sasakyan nila. Ang hindi nila alam, napansin ko ang bakat ng kamay sa t-shirt ng isang kasama nila na ang dating sa akin ay sinadyang dinumihan upang magmukhang nag-aayos talaga sila sa nasirang gulong ng sasakyan. Isa pa, hindi ko maimagine na magiging kaibigan ni Patrick ang tatlong mad’yo pasaway na estudyante. Kaya malaki talaga ang pagdududa kong may something fishy.

Tinitigan ako ng matulis ni Patrick at pagkatapos ay walamg imik na yumuko, tila hindi na nag-isip sa isinulat. Pagkatapos niyang maisula ang sagot, halos ihagis sa akin ang kanyang papel at walang pasabing tumalikod, tinumbok ang pintuan at pwersahang isinara na animoy magigiba ito sa lakas ng pagkalampag.

Ang totoo, ang inexpect ko lang naman ay aamin siya sa kamalian niya at handa naman akong makinig kung ano ba talaga ang kuwento o problema sa likod ng pagka-late nila. Hindi kasi ako naniniwalang hindi siya handa sa test kasi, sa mga discussions at recitations niya sa klase, advanced na ang kanyang kaalaman sa aming mga topics. Ngunit ang hindi ko lang malaman ay kung bakit gumawa pa sila ng kuwento… At kung bakit kasama niya ang tatlong mga med’yo pasaway sa klase.

Hindi na ako nakaimik sa kanyang inasta. Tiningnan ko ang kanyang sagot, “I don’t care about your stupid test!” ang nakasulat. Hindi ko lubos maintindihan ang naramdaman. Magalit, maawa, suyuin siya… Napabuntong-hininga na lamang ako.

Tiningnan ko ang sagot sa tatlong kasamahan ni Patrick. Ang isa, ang sagot niya ay “Front, right side tire”, ang isa naman ay “Front, left side” at ang isa ay “Rear, left side”. Iba-iba ang kanilang sagot! Tama nga ang hinala ko na scripted lang ang ginawa nilang dahilan. At plano talaga nilang gagawinin iyon upang mabigyan sila ng special test dahil maaaring hindi sila handa sa araw ng pasulit.

Kinaukasan, kinausap ko kaagad si Patrick. “Do you know that I can expel you from class for what you did?”

“Why are you doing this to me?” ang tanong niya ang mga mata ay may bahid na paninisi.

“Look Patrick, I’m supposed to be the one asking you that question. Whay are you doing this to me?”

Ngunit sumigaw siya nang malakas na sa sobrang lakas ay parang puputok na yata ang kanyang baga, ang kanyang mga mata ay matulis na nakatigin sa akin. “Why are you doing this to me???!!!!!!”

‘Hey! Hey! Hey! I won’t tolerate any student shouting at me like that!” ang sigaw ko rin.

Ngunit nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Bigla siyang tumayo at sa aking harapan ay pinunit-punit niya ang kanyany t-shirt.

Na-shocked sa kanyang ginawa, nalito kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. “What are you doing?” tanong ko sabay pigil sa kanyang ginawang pagpupunit pa ng kanyang damit. Hinahawakan ko ang kanyang t-shirt upang hindi madagdagan ang mga punit nito. At dahil nagpupumilit pa rin siya, niyakap ko na siya habang pilit na pagpupunitin pa rin ang kanyang damit. “Sotp it Ptrick! Stop ittt!!” sigaw ko.

Ngunit nabigla na lang ako noong ang isa niyang kamay ay pilit na kinunan ng litrato ang pagsasambuno namin.

Nakailang shots din siya noong hininto ko ang pagyakap sa kanya. “What’s that for?” sambit ko.

“Nothing!”

“You are taking pictures of us and there’s nothing to it?”

“I said nothing!”

At sa galit ko ay hinablot ko ang kanyang cp. “Give me that cp. Give me that!!!”

Nag-agawan kami sa cp niya at sa puntong iyon, nalaglag ito sa sementong sahig at naghiwalay ang battery, ang cover at sa tingin ko ay nabasag ang screen ito.

“See what you’ve done? Sinira mo ang cp ko!!!” sigaw niya sabay pulot ng mga nagkalat na bahagi ng kanyang cp sa sahig. Tinulungan ko siyang pulutin ang ibang bahagi.

“S-sorry.” Ang sabi ko noong iniabot ko ang cp cover sa kanya.

“Sorry is not enough!” sagot naman niya at dali-daling tumakbo palabas ng kuwarto, hindi alintana ang damit niyang punit-punit.

“Hey!” ang sigaw ko.

Mistulang napako ako sa aking kinatatayuan, hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. Wala talaga akong ni kaunting ideya sa kung para saan iyong ipinakita niyang pagpupunit sa kanyang damit at pagkuha pa ng litrato.

Tinawag ko na rin ang tatlo pang kasama niya sa “punctured tire” incident at inamin ng tatlo na sila pala ang nagyaya kay Patrick na mag hapi-hapi sa gabi bago naganap ang test.

“Dinamay lang po namin si Patrick Sir. Kasi po, gusto po naming maging kaibigan siya. Ayaw nga niya sanang sumama sa amin kasi po, may test nga ngunit pinilit namin siya. At sa sobrang kalasingan namin, doon kaming lahat nakatulog sa flat ni Joshua. Hindi po kami nakapag-aral sa test at late na po kaming nagising sa umagang iyon. Kaya po nag-imbento na lang kami ng kuwento at ang sasakyan ni Patrick ang naisipan naming gaminting alibi…”

Dahil sa pag-amin ng tatlo, pinatawad ko sila bagamat nirecommend ko paring i-suspend sila sa klase ko for 3 sessions. Syempre, dapat marealize nila na bagamat napatawad ko na sila, may karampatang penalty ang dapat nilang harapin. Iba ang pagpatawad; iba ang pagbibigay ng hustisya.

Ang problema ko lang ay si Patrick. Hindi siya pumasok sa klase ko.

Hinintay ko pa rin siya. Ngunit lumipas ang dalawa pang sessions ng aming ngunit hindi pa rin siya pumasok. At doon napagdesisyonan kong puntahan na siya sa kanyang bahay

Last class ko na sa hapong iyon at naka-set na ang isip kong dalawin si Patrcik noong pagktapos ng klase ay pinatawag ako ng Direktor ng paaralan. Noong nasa opisina na niya ako, laking gulat ko noong nakita ko doon si Patrick.

“Mr. Patrick Cassidy has a complaint against you, Professor. Villaber.” Ang bungad na salita sa akin ng director.

“What??!” ang gulat kong pagsagot sabay tingin kay Patrick.

“He is complaining you of indecency and attempted rape.”

“What???!!!” ang lalo pang pagtaas ng aking boses sa tindi ng aking pagkagulat, binitiwan ang matulis na tingin kay Patrick. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang sapakin.

“This is his complaint at basahin mo na lang. I’ll give you five days to reply such accusations. ” sabay abot sa akin sa complaint ni Patrick.

“Patrick…” ang pagbaling k okay Patrick. “You know I have not done anything wrong…”

Ngunit hindi ako pinansin ni Patrcik. Bagkus, “Sir… can I leave now?” ang tanong niya sa director.

“OK Patrick, you may leave…”

Noong kami na lang dalawa ng school director ang natira, “Sir, I don’t understand why he is making up such accusations against me.” Ang sabi ko.

“Well, I don’t want to prejudge any of you but you better read his complaints and the proofs he enclosed there. And better submit to me your reply in writing.” and sagot naman ng director.

“Sir… ever since I started to teach, I never compromised my name nor used my position for any favor or advances. You know that Sir.”

“I know that Prof. Villaber. But just read the complaint.”

Binasa ko ang laman ng kanyang complaint at heto ang mga binanggit ni Patrick na mga proofs: iyong bago ko pa lang siyang nakita at kinausap ko siya at sinabihang lover niya ako before. Pangalawa, iyong napansin ng mga estudyante na itinitreat ko sa canteen na nakatitig ako sa kanya, at may mga pangalan pa ng mga estudyante na nakasaksi at magpapatunay na tinitigan ko siya. Pangatlo, ang intriga sa mga litrato ni Alvin sa facebook niya kung saan nasa Boracay kami, na kung pagmasdan ay halos maghahalikan na kami at may pagka suggestive pa ang mga porma namin. Proof daw iyon na ako ay isang bakla. Pang-apat at pinaka matinding proof niya ay ang punit-punit niyang damit na kinunan niya ng litrato, pati iyong sa tila pagpambuno namin sa loob ng silid-aralan kung saan ko siya pinigilan sa pagpunit ng kanyang damit. At may mga pangalan din ng tao ang binanggit niya na nakakita sa kanya paglabas ng kuwarto na punit-punit ang damit niya. At pang-lima, ang cp niyang nasira dahil daw sa pagpuwersa ko sa kanya na makipagtalik sa akin.

“Shit!!!!” These are all fabricated! He was the one who tore his shirts! I just locked him up to prevent him from destroying his clothes!”

“Ok, Ok, Professor Villaber… just study the matter and give me your reply in five days, ok? I’ll ask you to take a leave for five days.”

Nagulantang naman ako sa narinig na leave of five days. “S-sir… It’s like you have punished me already before I was proven guilty. I did not do anything wrong? I did not do anything bad against him!”

“I know Prof. Villaber. But the student’s complaint is submitted, it is valid, well-presented, and I find substance in it… I have to deal with it is in a professional manner. And it’s your responsibility too to deal with this in a professional manner. I think it is the best thing for you to do.”

“Sir, I caught the guy together with three others fabricating stories just so they can evade my test. It must be the reason why he’s getting back at me.”

“I understand that, Professor Villaber. But don’t worry. If you are innocent of the charge, then everything will come out fine.”

Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon bagamat masama ang loob ko sa desisyon na mag leave of absence ako. Umuwi ako na punong-puno ng pagkainis, nanlata ang katawan, at hindi ko talaga malaman kung bakit nagfabricate pa si Patrick ng ganoong kuwento laban sa akin. Hindi ko na rin itinuloy pa ang pagdalaw sa bahay nila.

Binuksan ko ang aking laptop at nag-internet. Binuksan ko ang aking facebok account at nakita kong marami nang nag-add na mg estudyante sa akin. Syempre, kasama na si Alvin. At doon nakita ko ang mga comment sa pictures na pinost ni Alvin na nandoon ako na parang ibinandera talaga ni Alvin na magsyota kami. May isang parte ng utak kong gustong maghimutok sa mga pinost niya. Ngunit naisip ko rin na wala namang kasalanan si Alvin at malinis ang aking kunsyensiya.

Nakita ko rin na kinonfirm na rin pala ni Patrick ang aking friend request. Hindi ko malaman kung magalit o matuwa sa pag tanggap niya sa friend request ko.

Tiningnan ko ang wall niya. May nakasulat, “Today, I just made a big decision. It’s painful but I have to do it; otherwise, a bigger pain will kill me. Sana mapatawad niya ako…” at maraming nagcomment at nagspeculate kung para saan iyong sinabi niya.

Sumagi kaagad sa isip ko na iyong reklamong isinumite niya sa school director ang ibig niyang sabihin. Ngunit kung ano iyong bigger pain that will kill him, hindi ko rin ma-figure out.

Nagmessage ako sa kanya. “Why are you doing this to me Patrick? What have I done wrong?”

Dahil hindi siya naka-online wala siyang sagot.

Kinabukasan, hayun, may sagot na siya, “You don’t know? You ruined my life, don’t you know that????!!!”

“How could I do that? You are…” isusunod ko na sana ang “special to me” ngunit hindi ko na itinuloy gawa nang baka gagawin na naman itong issue or proof na may masamang hangarin nga ako sa kanya. Kaya “…my friend” na lang ang dinugtong ko”

“Liar!” sagot niya uli.

“I don’t know why you are angry with me”

“Well, you better find the answer to your question. Bye!”

At iyon na ang huli niyang message.

Pangalawang araw na nagmukmok lang ako sa bahay. May mga nagtitext na mga estudyante at may mga nakiramay din. Nalaman na pala nila ang nangyari at maraming nakiramay at na-shock, hindi makapaniwalang magagawa ni Patrick ang pagsira sa akin. Marami ding naniniwala na inosente ako ngunit kung ang mga nakasulat sa wall ng fb ni Patrick ang pagbabasehan, marami rin ang nakikisimpatiya sa kanya.

Sa araw ding iyon napag-alaman kong tuluyan nang hindi pumasok si Patrick. Na bothered talaga ako. Hindi lang dahil sa ginawa niya sa akin kundi dahil sa hindi niya pagpatuloy sa pag-aaral.

At napagdesisyonan ko na hanapin ang bahay niya. Nagtanong ako sa mga ka-klase niya at ibinigay naman nila sa akin ang address.

“Sana po Sir, ma resolve ninyo ang kung ano man pong differences mayroon po kayo. Kasi po, ang saya-saya na sana ng klase natin kasama si Patrick e… May campaign po kami para sa inyong dalawa na magka-reconcile Sir. Masaya po ang klase natin na nand’yan kayo at si Patrick. Gusto po naming maibalik ang sigla ng klase natin.” ang sabi sa akin ng isang estudyante.

Na touched naman ako sa sinabi ng estudyanteng iyon. “I’ll do my best” ang sagot ko na lang.

Nasa harap na ako ng gate ng address na ibinigay sa akin, na bahay daw ni Patrick. Dahil ang bakuran nila ay yari sa yerong mga grills lamang, Malaya kong nasisilip ang looban nito.

Maganda ang bahay, isang 2-storey building na ang pintura ay maroon at cream. May atip na yari sa tisa at sa paligid ay may mga palm at Indian trees na matatayog. Sa harap kung saan ko deretsong nasisilip ay ang malawak na lawn na may mga ornamental plants na trimmed at mga bulaklak sa isang pathway patungo ng main door. Sa gilid ng bahay ay masisilip ko pa ang bahagi ng swimming pool at sa kabilang gilid naman ay ang car park. Sa porma ng bahay ay masasabi kong mayaman ang pamilya ni Patrick.

Nag door bell ako. Naghintay. May isang minuto ang lumipas ngunit walang sumagot. Syepmre, kinabahan ako. Di ko alam kung sisigawan niya ako kapag nakita ako doon o i-entertain. Sa side ko naman, may galit ako, ngunit nanaig pa rin ang pag-intindi ko sa kanya, inisip na baka may mga bagay na hindi ko lang naintindihan. At iyon ang gusto kong tuklasin.

Pinindot ko muli ang door bell at maya-maya lang ay may lumapit sa gate na sa tingin ko ay kanilang katulong dahil nakauniporme ito ng puti at blue na damit. “Sino po ang kailangan nila?”

“Dito ba nakatira si Patrick Cassidy?”

“Ito nga po ang bahay nila…”

“N-nand’yan ba siya?”

“S-sino po ba sila?”

“Si Prof. Alexander Villaber po…”

“N-naku… wala po.W-wala po siya dito Sir!”

“E… S-saan ho ba siya nagpunta?”

“Eh…..” ang nasambit lang niya, pansin ang pag-aalangan.

At bigla ko na lang narinig ang boses ni Patrick na nasa kanyang likuran na pala. “Ate, ako na ang bahala dito, salamat.”

At tuluyan nang lumantad sa panignin ko si Patrick. Naka-blue shorts, na may iba’t-ibang kulay ang design at ang kanyang pang-itaas ay blue na may yellow at green na stripes. “Ano pong maipaglilingkod ko sa iyo?” ang tanong niya kaagad sa akin, nanatiling nakatayo lang ako sa harap ng gate.

“Hindi mo ba ako papapasukin?” ang tanong ko.

“O-ok… come in.” saka binuksan ang gate at pagkatapos minuwestrahan niya akong sumunod sa kanya.

Natuwa naman ako. Syempre, hindi ko akalaing papasukin niya ako sa bahay nila. “Sana… makuha ko muli ang loob niya.” sa isip ko lang.

At doon ako niya dinala sa may gilid ng swimming pool.

Napakaganda ng paligid. Ang swimming pool nila ay parang hugis ng puso at sa gilid nito ay may mga iba’t-ibang puno na nagpadagdag ng ganda, lamig ng hangin, at lilim. Sa aming kinaroroonan naman ay ang isang parte ng kung saan may daanan patungo sa looban ng kanilang bahay. Mga trimmed na bermuda ang tapakan at gilid ng bahay na nakaharap sa swimming pool ay malawak, may malalaking poste na parang isang Roman architecture at ang sahig dito ay ang naggagandahang design ng mamahaling tiles, patungo sa looban ng bahay.

“Ang ganda ng bahay ninyo… maaliwalas, presko ang hanginm matiwasay.” ang kumento ko.

Binitiwan niya ang isang ngiting-pilit. “Ano ba ang sasabihin ko? Salamat…”

Napangiti ako. Maya-maya, dumating ang isang katulong at nagdala ng juice.

“Yaya… I don’t think we need juice. Bring us wine please…” ang sabi niya sa katulong. At lumingon sa akin, “What do you think?”

“O-ok… wine is fine. Great!” ang sagot ko.

At tumalikod a ang yaya dala-dala ang tray na naglaaman ng pitsel ng juice at dalawang baso. Iwanan mo na ang juice Yaya. We can drink it while we’re waiting for the wine.”

Tumalima ang katulong atsaka tumalikod na.

“You want music?”

“O-ok… great.”

At tumayo siya at tinungo ang looban ng bahay kung saan nandoon ang kanilang music system.

Noong nakabalik na sya sa kanyang upuan, nagsimula nang tumugtog ang kanta. At laking gulat ko noong tumugtog ito –



videokeman mp3
I Knew I Loved You – Savage Garden Song Lyrics


Ang theme song naming ni Jasmine!

(Itutuloy)

14 comments:

  1. <<<<puzzled..hehehe
    sya na nga kaya si rovi/jasmine???? hayst! sana sya na nga..hahaha
    kakatuwa...kakakilig...at kakabitin..hehehe
    salamat poh ng marami sa pag update poh...
    next update bukas kuya mike huh..hehehe

    ReplyDelete
  2. sana...may kasunod na! hahaha nabitin ako...

    ReplyDelete
  3. KUYAA MIKEE!!!! BITIN NA BITIN HO AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! PLEASE HO ANG SUSUNOD NA PO NA CHAPTER.!!! XD -Nixon John

    ReplyDelete
  4. naku! nakaka excite naman clang dalawa/.// wew..

    Nice galing naman ,, :))

    _MArclestermanila_

    ReplyDelete
  5. huhu worth the wait sana ma sundan ulit toh kuya mike ang ganda ng concept :)

    ReplyDelete
  6. grabe excited na aq for the next episode or the last part ahiii!!!

    ReplyDelete
  7. i'm just so happy na tinuloy nyo po itong story na 'to! Inaabangan ko 'to kasi talagang interesting for me ang topic ng reincarnation, at ang misteryo ng pag-ibig. Thanks Mike. I'll be waiting for updates. Take care.

    ReplyDelete
  8. woahhhhhhhhhh hheehehe super kilig naman kuya...ntx kuya mike..

    ReplyDelete
  9. Ganda ng story. Can't wait for the next chapter. :) Ok na ok ang twists ng story! Though w-i-p pa yung ibang part, hihintayin ko talagang matapos to. Thanks Sir Mike!

    ReplyDelete
  10. NABITIN AKO BIGLA!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!

    -Jay

    ReplyDelete
  11. Ih! Excited na ako sa chapter 8. :) Love it!

    ReplyDelete
  12. kuya mike napakaexciting naman ung susunod......thanks a lagi kong tinitingnan to kung my update na medyo late nga lng comment kac mahirap magcooment gamit cp .thanks ulit kuya sana mgawa muna ung part 8..

    ReplyDelete
  13. Sir Mike,

    hirap makapasok sa site mo kc nka block sa UAE:(

    anyway, gaya ng dati, surprising tlaga bawat chapter:)

    tnx a lot!

    hope ur doing ok!!! gudluck sa PEBA! you got 1 sure vote from me!!! :)

    mat_dxb

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails