Kiss the rain
By Erwin F.
Chapter 1 (Mr. Sweet Transferee)
Erwin Joseph Fernandez
Nagising ako na nasa gitna ako ng ulan.
Ulan na sa tingin ko ay hindi tumitigil sa pagbuhos.
Ulan na siyang sumasalamin sa aking pakiramdam.
Pero nasaan ba ako? Ano itong lugar na ito?
Inilibot ko ang aking mata at tanging sari saring mga bulaklak lamang ang aking nakita. Agad naman akong umupo sa mismong kinatatayuan ko .
“ang ganda” yan lang aking nasambit sa paghanga sa nakapaligid sa akin habang nilalaro ko ang isang bulaklak na nasa aking harapan.
“EJ!” tawag sa akin ng isang lalaki na kahit anong aninag ko sa kanyang mukha ay di ko makita.
“Tumayo ka nga diyan” ang kanyang sabi sabay lahad ng kanyang kamay.
Agad ko naman kinuha ang kanyang kamay at tumayo sa aking kinauupuan na lugar ng bigla niya ako kabigin papalapit sa kanyang mga bisig at unti unti ilapit ang kanyang mukha sa akin.
Napapikit na lang ako sa kung ano man ang maari niyang gawin sa oras na iyon at ng idilat ko ang aking mata ay nag salita siya “KRRRRRIIIIINGGGG!”
Wha! What? Ano? Ano yun? Yun nanaman? Sino ba siya? EJ? Wala naman tumatawag sa akin ng ganun ah! Ang aking nasabi sa bigla kong pagbangon sa aking kama.
Agad ko naman inabot ang aking alarm clorck at pinatigil ito sa kanyang patuloy na pagtili.
Nagayos naman ako ng kama ko pagkatapos.
Ako nga pala si Erwin Joseph Fernandez. 18 taong gulang, maputi na maputla ang kulay ng kutis, 5’7 at isang kaka 3rd yr college student pa lamang sa isang di kilalang Universidad dito sa Maynila. Ah oo base sa panaginip ko siguro alam mo na kung ano sexual preference ko. (Alam ko mataas IQ mo!) Balik sa kwento!
Pagbaba ko sa aming sala ay agad ko nakita ang aking kapatid na nagaayos ng kanyang gamit papasok sa school.
“Kuya ano na? Slow motion ka pa bumaba ng hagdan talaga? Ma late ka na unang araw mo sa school ngayon as a 3rd yr.” Ang sabi niya sa akin sa usual niyang masungit na boses.
“Hindi mamaya pa ako papasok bago schedule ko na. mamaya pa 3pm to 9pm mga klase ko.”
“You gonna play the piano kuya?”
“Yup bakit?”
“Wala lang. sige pasok na ako.” Paalam sa akin ng aking kapatid na sobrang sungit.
Sa kanyang pag alis ay agad naman akong tumugtog ng aking piano .
Tinugtog ko ang aking paboritong piyesa. “Kiss the rain by Yurima”
Sa tuwing tinutugtog ko itong piyesa na ito ay magaaan ang aking nagiging pakiramdam. Na sa bawat pindot ko sa aking piano ay parang nawawala lahat ng problema ko.
Nasa kasarapan na ako ng aking pagtugtog ng biglang.
“Winnnnnnn! Nak! Yung cellphone mo nag riring!” sigaw sa akin ng aking ina na nasa hagdan at hawak ang aking cellphone.
Agad ko naman kinuha at sinagot ang aking cellphone.
“Jhepeth! Oh bakit natawag ka?” Bungad ko sa aking best friend na nasa kabilang linya.
“Che! May bago daw tayong classmate. Transferee galling sa isang sikat na school daw.” Sagot naman niya sa akin na nasa high pitch na tono.
“ano ba ang aga aga naman chismis agad. Saan mo naman napulot to?”
“Che, edi narinig ko pinaguusapan nila daddy at ng dean natin. alam mo naman na magkaibigan yun di ba?”
“Sabi ko nga. Mag kaibigan nga tatay mong pulis at ang dean natin.”
“Che, Super gwapo daw ng guy nay un. 5’11 ang height. I need to see him mamaya. Sige papaganda na muna ako para mamaya pag pasok natin.”
“Susmiyong baklang babae ka. Sige mag lagay ka muna ng fondat icing sa mukha mo. Hehehehe! Bye best!”
“Fondant ka diyan! Ano tingin mo sa mukha ko cake? TSUWEH! Kita na lang maya sa school. Bye best! Mwuah mwuah tsup tsup! Ah!” sabay baba niya ng tawag sa akin.
At ng dahil naman sa chismis ng aking bestfriend ay nagtaka ako sa kung sino at ano ang itsura ng aking magiging bagong kaklase.
Agad na lang akong tumugtog ulit habang iniisip kung anong klaseng tao siya.
Donnie Domingo
Naglalakad ako sa aming maliit bakuran ng dumating ang aking ninong na lulan ng kanyang kotse na siyang magiging Dean ko din sa aking papasukan na bagong eskwelahan.
“Uy! Don! Magandang umaga. Andiyan ba tatay mo?” bati at tanong sa akin ng aking ninong habang bumababa sa kotseng pinarada niya sa aming harap bahay.
“opo andun po sa loob nag aalmusal po. Sabayan ninyo na ninong.” Aking sagot pagkatapos mag mano sa kanya.
“sige pasok na ako at pag uusapan naming ang pag pasok mo mamaya. Nga pala galingan mo sa eskwela.”
“opo ninong!” naka ngiti kong sagot.
Bagong school nanaman.
Bagong mga mukha.
Bagong mga kaibigan????
Bagong mga kaaway????
Bago maka kalimot. Ako si Donnie Domingo 18 na taong gulang. nagiisang anak ni Sonny Domingo. Ulila na ako sa ina. Sabi sa akin ng aking ama ay namatay daw siya sa pagsilang sa akin. 5’11, maputi chinito at may hawig daw sa isang pusa hahahaha! Yan ang sabi ng mga kaibigan ko sa akin. (balik sa kwento.)
Nasa pagmumuni muni ako sa aking dadatnan sa school mamaya ng.
“Donnie, Anak pasok ka muna dito sa loob at may sabihin lang ako sa iyo.” Tawag sa akin ng aking ama.
Pagkapasok ko ay agad akong lumapit sa tabi ng aking ama at hinanda na ang tenga ko sa ano mang sasabihin niya sa akin.
“Donnie, alam ko maninibago ka nanaman. Pero pasensiya ka na ha. Dito ako sa maynila nadestino kasi at alam mo naman na ang trabaho ko ang bumubuhay sa atin. Pasensya ka na talaga anak.” Halos maluha na sabi sa akin ng aking ama.
“Dad, alam mo naman na naiintindihan kita eh. Para sa akin naman itong ginagawa mo eh. Saka don’t worry after I graduate. Ako na ang mag work.”
“Pare, Ang bait naman bata talaga nitong si Donnie. Wala talaga ako masasabi.” Biglang sabat sa amin ng ninong ko.
“Di naman po ninong!” natatawa kong sagot.
Agad naman din nag paalam si ninong at umalis din sa amin dahil sa madami pa daw siya aayusin sa school.
At ako naman ay nagpasya na ayusin ang mga gagamitin ko sa school sa aking kwarto.
Jhan Elspeth Lucena
Bulaga! Kala ninyo wala ako eksena dito?! Ako nga pala Si Jhan Elspeth Lucena ang magandang bestfriend ni Erwin.
Yes! Tama kayo bestfriend! I’ve been with him since grade 6 kami. Since then din a kami mapaghiwalay.
Saka kung tatanong ninyo sa akin kung alam ko kung ano si Erwin ay siyempre alam ko sa tagal ba naman naming mag kasama.
Sa nagtatanong at nagtataka kung ano itsura ko I stand 5’5, morena ang skin color, sexy body with curves on right parts. Parang beauty queen din at nag tsunami cat walk din! Sige tama na ito balik tayo sa kwento baka magalit si author.
1:30pm
Nasa school na ako. Syempre maganda at bursting with energy ang aura na makikita mo sa akin. Excited ako sa pag pasok sa unang araw na maging 3rd year kami.
Habang inaantay ko si Erwin ay naupo muna ako sa batibot sa loob ng school namin at nag retouch ng aking make up.
1:45pm
Naiinip na ako sa pagaantay…. Nagpasya ako na mag txt na sa kanya.
“Che, Ano ba asan ka na palugi na beauty ko dito. Baka akalain nila na bulaklak lang ako na naiwan dito sa flowerless garden ng school.” Text ko sa kanya na may halong inis na.
Agad naman siyang nag reply sa akin tapos ng isang minuto.
“Peth, eto na oh papasok na ako sa school nihahalukay lang maigi ni manong guard ang bag ko? Bulaklak? Sino ikaw? Oh come on! Hahahahaha!” sagot niya sa akin.
Tapos niyon ay nakita ko na siyang papalapit sa akin. Grabe sa halos ilang taon naming mag kaibigan ay di talaga kumukupas ang kagwapuhan ng aking kaibigan. Oo! Aaminin ako. Nagkagusto ako sa kanya. Kaso di kami talo dahil sa alam mo na! Hahahaha!
“May dumi ba sa mukha ko?” bungad niya sa akin na may halong pagtataka.
“Wala. Ang ganda mo ngayon kasi.” Sagot ko sa kaya na sabay pose na parang model sa isang men’s magazine.
“Amf! Thank you miss FHM model.” Inis naman niyang sagot sa akin.
“Ay talaga? Pang FHM beauty ko?” Tuwang sagot ko sa kanya.
“Oo. 100% FHM model look. Fantasy Horror Magazine! Hahahaha!” Bwelta niya sa akin.
“Ay! Shuta! Lika na nga! Lokohan na ito eh! Sa canteen na nga tayo.” Sagot ko sabay walkout.
Agad naman niya ako sinundan pero di pa din maalis ang pagtatawa niya sa huling bwelta niya sa akin.
Doon na din kami nagpalipas ng oras sa canteen habang nag merienda.
“Che, mamaya na natin makikita yung transferee.”
“Oo. Halata nga sa itsura mo.”
“Siyempre GWAPO daw eh!”
Di na lang siya sumagot sa aking sinabi sa haip ay nilantakan ang French fries na nasa harap na lang niya.
Erwin Joseph Fernandez
3:00pm
Saktong sakto sa oras at nasa loob na kami ng classroom.
Sa tutal walang seating arrangement umupo na lang kami sa gitna ng classroom.
Agad naman din dumating ang aming professor.
“Good Afternoon class! Alam ninyo na siguro na may bago tayong transferee. Kasi rumors here in our school spreads like wild fire.” Bungad niya sa amin.
“So di ko na patatagalin pa. Guys please welcome Mr. Donnie Domingo.” Pakilala niya sa transferee.
Agad pumasok ang isang lalaki na matangkad.
Nabighani ako sa kanyang itsura. Matangkad, maputi, chinito. “He looks good!” sabi ko sa aking sarili.
“Hi! I’m Donnie Domingo.”
Donnie Domingo
Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay agad ako nag pakilala sa aking mga bagong kamag aral.
“Hi! I’m Donnie Domingo.”
Iba iba ang mga nakita kong reaction mula sa kanila.
Pero one set of eyes caught my eye.
It belonged to someone…… Someone na hindi ko alam paano ko ma describe.
Yes. I know what are you thinking about.
It belonged to a boy. Those set of beautiful eyes that setted on me.
For the first time napahanga ako sa isang kapwa ko lalaki.
Di ko alam pero napatitig ako sa kanya.
Napaka bago sa akin ng pakiramdam na ganito.
“Ok. Donnie take your seat. There! Bakante pa sa tabi ni Mr. Fernandez” sabi sa akin n gaming prof.
“Ano daw? Sa tabi ng guy na iyon? Patay! Pero no choice alangan suyawin ko ang aking prof. agad?” sambit ko sa aking sarili.
Agad naman ako sumunod s autos ng aking prof. at naupo sa silya na tinuro niya.
“Hi! Ta-ta-tabi tayo ha?” putol putol na sabi ko.
“Sure! Go ahead.” Naka ngiti niyang sagot sa akin.
Sa di ko malamang dahilan ay pakiramdam ko ay dumaloy lahat ng dugo ko sa aking pisngi at pinagpawisan ako ng Makita ko siya ngumiti.
Nag pasimple na lang ako sa reaksyon ng aking traydor na katawan.
“Ang hirap pala nuh pag galling ka sa init tapos lalamig.” Palusot ko sa kanya na may konting pasipol sipol pa.
“Ah! Oo nga! Halata nga sayo namula ka oh.” Pag sangayon naman niya sa akin.
TAGUMPAY! Naka lusot!
“Uhhhmmm! Erwin Joseph Fernandez nga pala at yung katabi ko best friend ko. Elspeth Lucena.” Pakilala niya sa akin habang naka lahad ang kamay niya.
Nakipag kamay ako naman sa kanya.
“Wow ang lambot ng kamay niya. Mas malambot pa sa kamay ng ex gf ko.” Alingawngaw ng aking utak habang hawak ko kamay niya.
“Donnie Domingo. Nice to meet you.” Sagot ko sa kanya habang patuloy na hawak ko ang kamay niya.
Natitigan ko ang mukha niya ng malapitan. Mas gwapo siya pag nilapitan. Kulang na lang ay mahabang buhok at babae na ang kanyang itsura.
“Eheeeeeem! Andito pa po ako! Wag ninyo dedmahin ang world class beauty ko!” Sabi ni Elspeth na may halong pa beautiful eyes pa.
“Ano daw? Underworld class beauty? Hahahaha!” sabi ni Erwin sa kanyang bestfriend habang humahagikgik.
“Tsuweh! Hala magsisimula na si Sir ng class making na kayo.” Sagot na may irap ni Elspeth.
Jhan Elspeth Lucena
Hmmmmmmmmm…… I smell something fishy dito sa dalawang ito.
Hay naku mukhang sawi nanaman ako. Di pala bebenta beauty ko sa transferee na ito.
Mukhang trip niya bestfriend ko. Di ko naman siya masisi kasi aminado ako na mas maganda si bestfriend sa akin KUNG naging babae siya.
Anyway highway by the bay….
7:00pm Natapos ang aming 2 klase at may 1hr break kami para sa aming dinner.
Palabas kami ng aming classroom ng mapansin ko na ni hindi pa tumatayo si Donnie sa kanyang kinauupuan.
“Papa Donnie! Wanna join us for dinner?” Aya ko sa kanya.
“Talaga gusto ninyo ako sumama sa inyo?” Balik na tanong niya sa akin na naka ngiti.
“Ay gwapo pero slow…..” sabi ko sa aking sarili.
Aktong hinawakan ko ang bangko at sinabing…
“Ay hindi! Donnie din pangalan ng bangko na nasa harap ko.” Sabay hila sa bangko.
“Hush. Jhepeth! Ayan nanaman yang pagka bakla mo.” Saway sa akin ni Erwin
Ako naman ay natawa na lang sa aking sarili at nag peace sign kay Donnie.
“Dali lika na Papa Donnie anjujutom na si akez bochaw na tayiz!” maharot kong sabi sa kanya.
“Hahahahaha! Ano daw?!” natatawang nagtatakang sagot sa akin ni Donnie.
“Ang sabi niya ay halika na daw nagugutom na siya at kumain na tayo.” Naka ngisi na sagot sa akin ni Erwin.
Agad naman kami pumunta sa katabing mall n gaming school at dun na nag dinner.
Naging masaya ang mga kwentuhan namin sa pagitan ng pagkain namin.
Pero napapansin ko na madalas nakatingin si Donnie sa aking bestfriend.
Ramdam na ramdam ko…. It’s flowing thru my veins! (Gaga di dugo! Hahahahaha!) Mukhang may mabubuong something sa dalawang ito.
8:00pm ay nakabalik na kami sa school at nasa loob ng classroom namin.
Ganun pa din ang pagkakaupo namin at nakikinig na sa aming prof. na akala mo ay si kuya Cesar sa bagal at lalim ng boses...
Erwin Joseph Fernandez
9:00pm at natapos na ang aming klase.
Uwian na at ramdam ko na din ang antok. Papungay pungay na ang aking mata.
“Guys saan daan ninyo pauwi? Ako sa tondo ako uuwi. Kayo?” Tanong sa amin ni Donnie habang parepareho kami nag aayos ng bag.
“Oh! Talaga? Sa tondo din umuuwi si Erwin. Di ba Che?!” Sagot ni Elspeth habang naka ngisi sa akin.
“I know that smile! Ano binabalak sa akin ng babaeng ito kaya?” Sabi ko sa aking isipan.
“Talaga? Nice may kasabay pala ako pauwi? Sabay tayo pauwi Erwin ah!” sabi ni Donnie.
“Ah-Eh…. Sige sabay tayo pauwi.” Medyo may alangan ko na sagot sa kanya.
Nakalabas na kami ng school at naglalakad sa plaza sa harap n gaming school papunta sa mga sakayan.
“Elspeth, ikaw saan ka ba uuwi? Sabay ka din sa amin? Tanong ni Donnie sa aking bestfriend.
“No no no. Di ako sasabay NGAYON. Dadaan ako sa night sale sa divisoria may bibilhin ako. Saka Jhepeth na lang friends na tayo eh! Hihihihi.” Masayang sagot niya kay Donnie.
Hinatid muna namin ng sakayan si Jhepeth ng sakayan. At agad naman siyang nakasakay ng jeep.
Samantala kami ay nasa plaza muna. Naglalakad lakad dahil sa ayaw ko pa umuwi at sa tutal naman ay may susi ako ng bahay kung sakali gabi ako umuwi.
Gusto na din mag relax muna mula sa medyo nakakadrain na first day ng pagpasok naming.
Tahimik kaming naglalakad at nag stroll sa plaza na iyon. Tanging mahinang mga kumukutitap na Christmas lights na naka palibot sa mga puno doon ang liwanag.
“Uhm. Donnie baka may naghahanap na sayo? Baka hinahanap ka ng gf mo?” Pag basag ko sa katahimikan sa aming dalawa.
“Ako? Wala akong gf. Single na single ako ngayon.” Mabilis na sagot naman niya sa akin. Habang naka tingin sa mga ilaw na patay sindi.
“Ahhhh! Ok pwede pala. Yes!” mahinang natawang bulong ko.
“Ano? Ano sabi mo?” tanong niya sa akin.
“Patay narining ata!” ngiwi kong sabi sa akin
“Ah! Wala! Lika uwi na tayo” natatarantang sagot ko sa kanya.
Naglakad naman agad ako papunta sa sakayan ng jeep na malapit lang doon.
“Erwin wait lang. Sabay tayo!” pag habol niya sa akin.
Agad naman kami nakasakay ng jeep at magkatabi kami sa kanang dulo nito.
Halos walang sakay ang jeep na aming nasakyan. Tanging ang driver at isang pares ng babae na nasa tabi ng driver nakasakay.
Walang imikan pa din pag dating sa loob ng jeep.
Para di naman ako mainip sa byahe ay nilabas ko ang aking cellphone at kinabit ang headset nito at nagpatugtog.
“Uy Erwin sound trip ka? Pwede maki share?” sabi ni Donnie sa akin.
“Sige pero naka shuffle yan.” Sagot ko sabay abot ng isang ear piece sakanya.
At sa lahat naman ng pwede tumugtog sa aking playlist ay ang With you pa ni Chris Brown .
“Nice song! Can I sing along with it? Tutal halos walang tao naman dito.” Tanong ni Donnie.
“Sige… OK lang. Huwag mo lang lakasan baka mabulahaw si manong driver at mabangga pa tayo.” Pabiro kong sagot sa kanya pero poker face ako.
Agad naman niyang sinabayan ang kanta with matching actions pa.
Infairness ang ganda ng boses niya.
Isang simpleng ngiti an gang pinakita ko sa kanya habang pinapanood ko siya sa aking harap.
Pero sa loob loob ko ay cute na cute at kilig na kilig ako sa kanya.
Pakiramdam ko ay hinaharana niya ako. (assuming po! Hehehe!)
Tinuturo pa niya ako habang sinasabi ang linyang “With you! With you! With you!”
At ng matapos naman ang kanta ay tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Ayos ba?” tanong niya sa akin.
“Ang galing mo naman!” sagot ko sa kanya sa pigil na pigil na kilig na nararamdaman ko pa din.
“Bakit mo naman naisipan na gawin yun? Hehehe!” Biglang tanong ko sa kanya.
“Kasi bigla ka na lang naging seryoso. Kaya ayun konting pag aliw ko sayo. Ayan tignan mo naka smile ka na. cute mo oh!” sagot niya sa akin na tumataas baba pa ang kilay.
“potcha cute daw ako? Ano pa siya? X2 ko?” sambit ko sa aking sarili.
Napansin ko naman na malapit na kami sa babaan namin kaya agad na pumara ako.
“Salamat sa pag sabay sa akin ah. Sakay na ulit me jeep papasok sa lugar namin. Bukas ulit” paalam at pasalamat ko sa kanya.
“Wala yun. Sabay naman talaga tayo pauwi db? Sige good bye EJ! Kita kita ulit bukas!” paalam niya sa akin sabay sakay ng jeep papunta sa ibang direksyon.
Ako naman ay tumalikod na at naglakad na palayo ng konti ng.
“Huh! Ano EJ DAW? HUWAAAAT?????!!!!” Gulat ko ng na realize ko kung ano yung huling sinabi niya sa akin.
Itutuloy.
kinikilig ako ng sobra hehehe
ReplyDeleteInteresting..abangan ko next update mo!
ReplyDeleteOMG saya ung nasa panaginip niya pers palang ang gan dana ung next na ha......
ReplyDeleteHmmm...? Interesting and cute ang start and the characters. I hope this will be a feel good story.
ReplyDeleteAy salamat po sa Comments.
ReplyDeleteSige ginagawa ko na po ang 2nd chapter. ^_^
Next chapter po, pls. :) hihi ganda ng story. :) can't wiat :D
ReplyDeletepost mo na dali 2nd chapter weeeehhh... talagang eja h hehehe...
ReplyDeletenice...
wew nice
ReplyDeleteall of a sudden I'm being nostalgic about my college life. that song of chris brown reminds me of someone. :) nice!
ReplyDeleteHello po ganda po ng story
ReplyDeleteNaks EJ...i'm now a FAN...galing mo naman..so proud of you...
ReplyDelete