Followers
Thursday, July 28, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST (chap 7)
Salamat sa readers...
Ito nga pala ang si Rex.
(Back to what happened)
Ayoko na sanang imulat mata ko sa sandaling yun dahil sa pinaghalong kaba at kahihiyang nararamdaman ko. At obviously sa pagka-OA kong ‘to we accidentally kissed dahil sa pagkakadulas ko at paghawak ko sa kanya para pigilan ang pagtumba ko.
Pero teka teka bakit naman ang tagal nyang umalis sa ibabaw ko?!
Sinubukang kong imulat na ang mata ko at nakita kong nakapikit rin sya. At pagkakatapos ng onting seconds namulat na rin ang kanyang mata. Halata sa parehong mata namin na may gulat. Umikot sya hanggang bumagsak sya sa gilid at sinubukan na nyang tumayo from that point. At tumayo na rin ako. Inayos namin ang aming mga gamit at nagyaya ako na “Tara kain muna tayo”.
(ahehehe parang ang takaw nung karakter ko noh?! Ahahaha parang based on last chapter few hours palang ang nakalipas pero kain mode ulit hehehe)
----------------
(Sa Mcdo)
“Well that was awkward hehehehe..” ang natatanging nasabi ko habang kumakain kami sa Mcdo.
“Sus kalimutan na yun ...” ang sagot ni Rex.
Sa totoo lang in the back of mind I’m screaming:
“Loko! Never na never kong malilimot ang aking second kiss! Lalo na’t ang kiss na ‘to pa ay fully aware ako, walang influence ng alak, maliwanag at in public”
But then again I really should just keep it in my mind.
“Hmmm bakit nga ba ikaw nagyaya na mag-mall?”naitanong ko na lang.
“Ahhh oo ng apala di ko pa nasabi sa ‘yo may family reunion kasi kami this weekend at kailangan ko ng bagong pamporma. Syempre kailangan medyo formal pero may kakaibang angas or kung anu man basta!” halatang medyo super pinag-iisipan nya kasi parang pressured sya or something.
Dahil nakapaglunch naman ako kaya choco fudge sundae lang ang kinakain ko at sya naman ay quarter pounder burger, large fries at naka-mcfloat pa.
In my mind: “saan ba talaga sa katawan nitong mokong na ‘to napupunta ang pagkaing kinakain nya. Ako kasi kung di ako magkaroon ng automatic taba sa tyan eh nagiging pimples eh. Haist ang inggetero ko. “
Since isip ako ng isip habang kumakain at di ko na naiintindihan ang ibang sinasabi nya sa akin. Nagulat na lang ako nung napagtanto kong kumakaway sya sa akin at ako naman ay nakikaway gamit ang teaspoon ng ice cream. Nagtataka pa rin talaga ako kung anung nangyayari. Maya maya sumenyas sya ng kung anu at tumuturo sya sa akin at sa lips nya.
Wah nagpanic ang utak ko!
Anu yun nagyayaya ba sya ng kiss?
Eh di naman kami ah?
So may feelings ba sya sa ‘kin?
So bi ba sya?
So pipiliin ko bang maging kami kung bi sya at may feelings sya sa akin?
Takte bakit andaming tanong na umandar sa utak ko?
Baliw na talaga ako!!!
“Sabi ko may kumalat na ice cream sa tabi ng labi mo!” pagkakasabi ni Rex na medyo natatawa pa.
“huh?! Saan?” ang pagtatangka kong alisin ang kung anuman ang meron sa mukha ko.
He picked up a tissue on the table binasa ng konting water at ipinunas nya sa baba ko. Honestly sobrang nababagabag na ang utak ko sa mga pangyayari. Tapos super kabado pa ako kaya para akong nilagyan ng sampung battery kaya super charged ako. Tipong onti na lang mage-emit na ako ng kuryente.
“ah salamat!” ang tangi kong nasabi sa kanya.
“uy ang galing oh ampula ng cheek mo!” parang tuwang tuwa nyang sinabi.
Hohemgeee so nabublush na naman pala ako takte talaga 'tong blushing na 'to. Pwedeng bang ipa-trade ang pisngi?!
“At yung lips mo oh ang galing pantay yung kulay ng taas at baba! Bat ganun yung sa akin hindi?!” pahabol nya pa. Sa isip isip ko tuloy baka napagtitripan lang ako nitong mokong na ‘to. At hello na-insecure pa ata 'to sa lips nya eh ang cute kaya ng lips nya. Hala what am I saying.
“weh di nga?! Tapusin mo na nga lang yang kinakain mo!” pabirong sagot ko sa kanya.
"Sus nabati lang eh. Tingnan mo kaya 'tong lips ko ang dark nung taas kaysa sa baba as in malayo ang kulay" complain ni Rex.
Sa totoo lang ito yung tuwang tuwa ako sa kanya eh. Yung tipong parang ang perfect na nya kung ibabase mo lang sa mayaman, pogi, mabaet at matalino checklist pero ang dami nya pa palang parang nae-insecure sya. Ang cute talaga. Hala ayan na naman ako sa ang cute. Kirk ano ka ba talaga?!
Tinuloy na lang namin ang pag-ubos ng pagkain dahil maghu-hunting pa sya ng susuotin nya for his family reunion.
------------------
“Bagay ba sa ‘kin?” tanong nya suot ang polo-shirt na sinukat nya.
“Hmmm mas bagay yung blue polo kanina.” Suggest ko sa kanya.
“Ah ganun ba… ok” bumalik ulit sya at nagpalit ng damit.
"Eh eto? ok ba 'to" tanong nya ulit sa akin this time naka-gray na long sleeves sya.
"basta pinaka-ok na para sa akin yung blue kanina!" ang medyo napataas ko nang boses na sagot sa kanya. I guess napagod na rin binti ko kakalibot sa mall.
Honestly nakakabadtrip kasi parang lahat ng sinukat nya eh bagay sa kanya. Tipong parang bawat shirt na sinukat nya eh nakasakto ang measurements sa shoulder, waist at chest nya. Yung blue nga lang kanina eh iba talaga ang dagdag sa looks nya.
After a few moments naka-bag na ang binili nyang damit.
“Oh anu treat ko sa ‘yo?” tanong nya sa akin.
“Sus never mind it. Wala lang yun.” Sagot ko sa kanya.
“Hmmm ganito na lang, gusto mo isama kita sa reunion?” nakakagulat na tanong nya sa akin.
“Eh di ba mas matagal mo nang katropa sina Jon, Mackie, Troy, at yung iba pa nating katropa not to mention yung iba pang nagshift na katropa mo at basta marami kang friends di ba!” medyo kabado kong sagot sa kanya.
“So ayaw mo?” ang maikli nyang sagot na patanong.
“Di naman sa ayaw ko kaya lang di ba parang dapat ang sinasama mong katropa eh yung kilala na ng parents mo?”
“Eh ganito kasi yun.. Ahhh basta… Kung ayaw mo eh di wag” sagot nyang medyo bwisit.
“Sige sasama na po! Kaya lang hindi ba dapat medyo formal wear dun?”
“Eh di ba marami ka namang medyo formal na porma”
Hmmm oo nga no, marami nga naman akong formal na porma. Ewan ko ba kung bakit. Yun talaga ata trip ko eh.
“Sabagay”
“Saturday after class at dota sama ka na sa akin. Magdala ka na rin ng extra damit para pwede kang makitulog na lang. Ok?”
“Yes boss!” ang tangi kong nasagot. Haist what did I got myself into.
-------------
8:45pm on the clock ng cityhall.
Saturday.
“Brrrmmmmm”
Paglingon ko sa parking ng mall nakita ko ang isang lalaking naka red and maroon na desing na jacket at helmet sakay ng isang red and black na motorcycle. Sumenyas sya na lumapit ako.
At yun nga anu pa nga ba eh di lumapit. Parang slowmo ang galaw ng paligid. Dahan-dahang tinananggal ni kuya nakamotor ang helmet nya at bumungad sa akin ang mukhang nagpaingay na naman ng drum sa dibdib ko.
“Wah! Marunong kang magmotor!” ang parang engot kong nasabi.
“Hindi, hindi trip trip lang ‘to di talaga ako marunong! Adik ka talaga! Sakay na, eto helmet mo.” Naka-happy mood face na sagot ni Rex.
Hala naalala ko na naman si Kian. Yung pagmomotor. Yung accident nya. Yung naging feelings ko sa kanya. Yung heartaches. Wah!!!
Baliw baliw talaga ako. Erase erase erase na ang past. Past is past.
“Hello balik ka muna sa earth Kirk mamaya na lakbay sa kawalan!” pagtawag sa atensyon ko ni Rex.
“Ha!? Ah eh sorry lang po!” naisagot ko kay Rex habang tinatanggap ko ang helmet.
“Dali sakay na”
“Yes boss!”
Agad agad akong sumakay sa likod nya sa motorcycle. Helmet, Check! Nakasuot ng maayos ang bag, Check! Soundtrip, Check!
Kinuha ko ang earphone ko. Isang tenga ko lang ang nilagyan ko para aware din naman ako ingay sa paligid ko.
“Humawak ka sa ‘kin ng mahigpit. Bibilisan ko na pagpapa-andar para makarating agad tayo sa amin. Tagaytay pa yun!”
Humawak ako sa balikat nya bilang pinaka-safety ko sa pagsakay.
“Sus nahiya pa!” sinabi nya at kinuha nya ang dalawang kamay ko at iniyakap ‘to sa kanya.
“Ganyan! All set na tayo huh. Wag mong subukang luwagan yang kapit mo at baka mahulog ka dyan!” ang warning nya sa akin.
“Sir, Yes Sir!” ang pagsagot ko sa kanya na parang ginagaya ang pagsagot sa military.
“Brrrrrmmmmmmm!!!” biglang pagharurot ng motorcycle ni Rex. Napakapit lalo ako ng mahigpit sa kanya. Mas domoble ata ang kaba ko dahil sa motor. Honestly 2nd time ko palang ‘to na nakakasakay sa motorcycle. Yung una eh nung hinatid ako ni Kian na di na naulit pa.
Habang umaandar ang motor mukha akong tanga na todo yakap sa likod ni Rex habang saradong sarado ang mata.
“Hoy di ako makahinga ng maayos! Wag masyadong makayakap, pwedeng pwede mo kong yakapin kahit wala na sa motor kaya onting luwag lang po.” ang sabi ni Rex habang tinatapik nya ang kamay ko.
“Hehehehe sorry lang pre, second time ko pa lang sumakay sa motor kaya medyo alam mo na. Kabado.” ang medyo napahiyang sagot ko sa kanya.
“Huy wag naman sobrang luwag! Baka naman mahulog ka nyan! Yung sakto lang…” pagbawi ni Rex sa nauna nyang sinabi.
“Hmmm ok”
----------------
----------------
Di ko maialis sa isip kong ikumpara ang konting similarities ni Kian at Rex sa ugali.
Kung sabagay pareho silang bunso ng pamilya nila. Parehong makulit. Ang big difference nga lang siguro nila eh sa looks. Koreano ang itsura nito ni Rex while pinoy na pinoy naman ang looks ni Kian.
“Bbrrrrrrr........”
Medyo lumalamig na pala. Di ko napansin agad medyo foggy na ang paligid at marami nang puno.
Pag naglalakbay talaga ang utak mo you tend to forget your surroundings. Akalain mo yun, manila to tagaytay di ko man lang napansin. Ahahahaha!
Siguro kumportable lang ang pakiramdam dahil sa lamig ng byahe at habang nakasandal at nakayakap ako ng onti kay Rex, I feel relaxed, calm, happy and peaceful. Kahit na marami akong iniisip parang ok lang kasi ‘tong byahe palang nakakaubos na nang stress. But then again medyo nangangalay na ako. Malayo pa ba kami or malapit na. Bakit kaya di ko na lang itanong di ba. heheheheh...
“Rex, malapit na?” ang tanong ko sa kanya.
“Yup! Onti na lang. Kala ko tulog ka na kaya di na kita inistorbo. Parang masarap ang sandal mo sa likod ko eh.” Biro ni Rex.
“Wew adik! Di naman. Medyo na-relax lang din ako. Ang lameeeeegggggg na eh!” medyo giniginaw na ako ko kaya medyo nginig na rin ang pagsagot ko.
After a few left turn, right turn at daan sa kung anu anong streets eh ‘to na.
“Ayun ang bahay namin!” proud na pagturo ni Rex sa magandang bahay na kulay beige.
As expected sa rich kid na ‘to malamansyon ang bahay. Di na ako nagulat.
“Manong pakibuksan yung gate.” Sigaw ni Rex habang nakatigil ang motor sa harap ng malaking gate.
“Opo master Rex.” Sagot ng tao sa kabilang side ng gate.
Wow panalo sya huh ‘master rex’talaga?!
“Yaman mo pala pre! Master talaga tawag sa ‘yo ng helper nyo.” Ang sabi ko sa kanya na may halong pangungulit.
“Hindi naman. Nasanay lang yan si manong sa pagtawag nya sa akin nyan. At sya ang nagpumilit na tawagin ako ng ganun.” Sagot ni Rex.
Pagkakapasok sa loob, diretso sa garahe tapos baba na kami ng motor. Lakad papuntang front door kami.
Gabi na kaya sabi ni Rex sa harap na lang kami dumaan kaysa sa likod pa. At least daw mai-tour nya daw ako sa munting bahay daw nya! Sarcastic much?!
Nilalagay pa lang ni Rex ang susi ng biglang bukas ang pinto.
May isang matangkad na lalaki ang nasa loob ng bahay.
“Hmmm Rex! Sino yang kasama mo? Parang di ko pa nakikita yan huh…” pag-uusisa ng lalaki na nakabantay sa pinto.
“Uncle boyfriend ko!” sagot ni Rex.
At ako naman ay muntikan nang mawalan ng malay. Di ko alam kung lilipad ang kilay ko patas ng bubong o babagsak ang panga ko papuntang basement sa narinig ko. Potek yan na naman si heartbeat kala mo abno. Haist nakakapraning lang talaga. Waaaaaahhhhhh anu ba talaga ‘tong pinasok ko?!
One More Chance - 09
Wednesday, July 27, 2011
Love Me Like I Am (Book 2 Part 6)
Sobrang Sorry po kung inabot ng 2 weeks ang sumunod na chapter.
Next part na lang po ang batian portion (grabe ha, sobrang delay na nito.. LOL XD!!!)
Anyway, I hope magustuhan niyo pa rin ang naging output ng Part 6 so eto na..
Happy Reading!!! ^_^
BLOG: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com/
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 2: Vengeance of a Broken Heart
Part 6: "A Day With Jared.."
“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh. Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas? Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi niya ulit.
“Hhhmmm.. Ok! Call.”
Kita ko naman na napangiti ang mokong sa sagot ko.
“So.. Sure na ito ha? Hindi ka busy?” ang tanong niya.
“No I’m not. Palagay mo ba papayag ako sa proposal mo kung busy ako?”
Isang matamis na ngiti nanaman ang ginawa niya. Sh*t! kita ko nanaman ang dimples niya.
“Give me 15 minutes, aayusin ko lang itong gamit ko. Then we’re ready to go.” Ang sabi ko.
Makalipas ang 15 minutes ay lumabas na ako at sabay kaming bumaba.
Kung iniisip ninyo na pumayag ako sa alok niya dahil sa nararamdaman ko, well nagkakamali kayo. Sabi ko nga, it’s part of my plan na pa-ibigin siya ng todo-todo at pagkatapos ay iiwan ko. Ang bad right? I Know Right! Bwahahaha!!
Sa labas ng company, akmang dudukutin ko na ang cellphone ko para tawagin ang limusin ay..
“Oooppss!!” ang sabi ni Jared.
“Why?”
“We won’t use your Limo.”
“Edi ano? Yung kotse mo?”
“No.”
“Ano nga?”
“Mamamasahe tayo.”ang sabi niya sabay killer smile.
“Ha!?!?!” ang gulat na gulat kong reaksyon.
Kita ko naman na natawa siya sa reaksyon ko.
“Nasisiraan ka na ba ng ulo?”
“Nope! Gusto ko lang gawin natin ulit yung mga ginagawa natin dati, yung namamasahe tayo kapag gumagala.” sabay ngiti.
“Ok.. Sige..” ang nasabi ko na lang.
“Dun tayo sa Mall na lagi nating pinupuntahan dati ha?”
“Bakit dun? Ang layo kaya! Diyan na lang tayo sa ****** para malapit lang dito sa opisina.” Ang giit ko.
“Ayoko nga!” ang sabi niya.
“Bakit ayaw mo? Dyan na lang para tipid sa pamasahe.” Ang sabi ko.
“Wag mo na isipin ang pamasahe, treat ko. At tsaka gusto ko malayo eh..”
“Bakit?” ang medyo mataray kong tanong.
“Para makasama kita ng matagal.” Sabay killer smile.
“Sh*t! Ang lakas ng topak nitong mokong na ito!“ ang sigaw ko sa isip ko.
“Hoy Mr. Cruz, tigil-tigilan mo ako ha!”
“Hahaha! O siya, tara na.”
Gaya ng gusto niya, sumakay kami ng jeep papunta dun sa Mall na dati naming pinupuntahan. Kung maingay ang makina at arangkada ng jeep ay kabaliktaran naman kami ni Jared. Sobra kaming tahimik, pero kahit ganoon ay kita ko pa rin ang saya sa kanyang mata.
“Masaya ka ngayon, pero iiyak ka din!” ang sabi ko sa sarili ko.
Aaminin ko na mahal ko siya, pero hindi ko din alam kung bakit masmatimbang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Aminin ko din na kinikilig-kilig ako minsan, at bumabalik paminsan-minsan ang dati kong pagkatao kapag kaharap ko siya, pero.. Ewan!
“Hay bahala na nga Gab! Just Stick to the plan!” ang sabi ko sa sarili ko.
Sa Mall..
“Gutom ka na?” ang tanong niya.
“Hindi pa, kaka-almusal ko lang.”
“Ok, gusto mo sa Arcade tayo?”
“Ayoko! Hindi ako marunong ng mga laro dun!” ang sabi ko.
“Halika na, tuturuan kita.” Ang sabi niya sabay hawak at hatak sa kamay ko.
Para akong nakuryente sa paghawak ng kamay niya sa kamay ko. Naalala ko nanaman ang nakaraan sa aming dalawa.
Anyway, ayun na nga, naglaro kami dun sa arcade at tinotoo nga niya ang sabi niya, tinuruan nga niya ako.
“Ayan Ganyan yan. Oh, eto pindutin mo.” Ang sabi niya habang nasa likuran ko siya at ang kamay niya ay nasa may screen. Ang posisyon namin ay para siyang nakayakap sa akin habang gina-guide niya ako sa paglalaro.
Imbis na mag-focus sa paglalaro ay napatingin naman ako sa kanyang mukha.
“Ang gwapo niya talaga Sh*t! Wait.. kalma Gab.. Kalma..” ang sabi ko sa sarili ko.
“Baka naman malusaw na ako niyan.” Ang biglang sabi niya.
Takte! Kahit ang mata niya ay nakatutok sa screen ay napansin pala niyang nakatitig ako sa kanya. Syempre, binawi ko ang tingin ko at nagfocus sa linalaro ko. Ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko.
Kita ko naman na ngiting-ngiti ang loko. Pansin ko din ang pagtingin sa amin ng mga tao sa paligid, hindi ko na lang pinansin pa iyon.
Sa totoo lang nag-enjoy ako sa mga linaro namin, meron nga dun isang game eh, nag-duel kami at ang nangyari, since alam naman niyang hindi ako ganun karunong ay nagpatalo ang loko.
“Nako!! Ang daya mo naman eh nagpapatalo ka.” Ang sabi ko.
“Hindi ah! Ang galing mo kaya.” Ang pambobola niya.
“Uttuutt!” sabay batok ko sa kanya.
Tawa lang naman siya.
“Madaya!”
“Hindi rin!”
“Hindi! Madaya ka talaga!”
Ganyan ang naging takbo ng paglalaro namin, kulitan, harutan, asaran. Nasa gitna kami ng paghaharutan ng..
“Mag-CR lang ako ha? Hintayin mo ako dito.” ang paalam niya.
“Sige.”
“Sama ka?” sabay ngiting nakakaloko.
“Baliw! Sige na! mamaya na ako.”
At umalis na nga si Loko. Habang naghihintay ako ay merong lalaking umakyat sa Stage. Yung Stage na merong karaoke, yun bang public karaoke ata tawag dun. Basta yung open area karaoke. LOL!
Pag-akyat ng lalaki ay tumugtog ang isang kanta at sinabayan niya ito.
Six Part Invention - Sana\'y Ako Na Lang
Mp3-Codes.com
“Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba
Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang..”
Infairness, maganda ang boses niya at mukhang damang-dama ang kanta. Nakaka-relate kuya? Hehehe.
“Sana’y Ako Na Lang.” ang sabi isang lalaki na umakbay sa akin.
Nang lingunin ko ito ay nakita kong si Jared ito.
“Ha? Ano sabi mo?” ang maang-maangan ko.
“Wala.. Sabi ko ang ganda nung Song.”
Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang ay naisip ko ang situasyon naming tatlo nila Ace.
Ilang sandali pa ay..
“Insan!!” ang sigaw ng isang lalaki sabay yakap kay Jared.
“Woi! Kamusta ka na?” ang sabi ni Jared.
“Eto ok naman.” Ang sabi nung “pinsan” ni Jared sabay kalas dito.
“Ahh.. Si Gab ngapala..” ang pakilala ni Jared sa akin.
“Jaybie tol!” ang sabi nung pinsan ni Jared sabay abot ng kamay sa akin.
At kinamayan ko naman siya. Pansin ko ang pagkakaparehas ng face shape nilang dalawa ni Jared, yun nga lang, cute itong si Jaybie, samantalang si Jared ay Gwapo. Naks! Isa pa ding factor ay maputi si Jared samantalang si Jaybie ay sakto lang ang puti at sakto lang din ang pagka-moreno.
“Ah Insan, si Ryzo ngapala..” ang pakilala ni Jaybie sa kasama niya.
“Teka!! Siya yung kumanta kanina ahh.” Ang sigaw ko sa isip ko.
“Jared tol..” sabay abot ng kamay.
At nakipag-kamay si Ryzo dito.
“Ryzo po!” sabay ngiti na parang inosente.
“Hhhmm.. Siguro mag-syota kayo ng insan ko nuh? Bwahahahaha!!” ang banat ni Jared sabay halakhak.
Kita ko naman na napatulala si Jaybie kay Jared, samantalang si Ryzo naman ay namula ang mukha. Hhhhmmm.. I smell something! Hehehe.
“Adik ka talaga insan! Eh kayo nitong si Gab? Mag-jowa kayo nuh? Hahahaha!” ang balik na pang-aasar ni Jaybie.
“Hindi!!” ang sigaw ko.
“Naman!” ang sigaw naman ni Jared.
At napalingon ako sa kanya, bakas sa mukha ang pagkainis.
“Hoy Mr. Cruz!” ang sita ko dito.
“Oo Joke lang, ito namang Gabby ko oh!” ang sabi niya sabay akbay sa akin.
“Aba!! Tawagin ba naman akong Gabby nito sa harap ng ibang tao!!” ang sabi ko sa isip ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko.
“Aaayyyiieeehhh!! Gabby daw ohh!!” ang biglang banat ni Ryzo.
Kita ko naman na natawa ang magpinsang Jared at Jaybie sa reaksyon ni Ryzo.
“Tara na nga ‘Kulit’ (tukoy kay Jaybie), iwan na natin sila, mukhang nasisira natin ang momentum ehh.” Ang sabi ni Ryzo na parang kinikilig-kilig pa.
“Hahahaha!! O siya insan, text-text na lang ha?” ang sabi Jaybie.
“Sige, yun pa rin ba number mo?”
“Yeah.”
“Sige Bye! Goodluck sa date ninyo ni Ryzo ha!” ang sigaw ni Jared.
“Blehh!! Goodluck sa inyo ni GABBY!! Ahahahaha!!” ang sigaw naman ni Jaybie.
(ABANGAN SI RYZO AT JAYBIE SA SUSUNOD KONG KWENTO!!! Click Here for the TEASER)
“Oh!! It sucks!! Nakakahiya ang daming tao sa paligid.” Ang sigaw ko sa isip ko.
“Gab tingnan mo, ang sweet nila oh.. Parang tayo lang dati..” ang sabi ni Jared sa akin habang tinitingnan palayo ang dalawa.
“Sweet!?!? Hindi kaya..” ang kontra ko dito.
“I mean, parang ganyang tayo noon oh nung mag-best friend pa lang tayo. Pustahan tayo magkaka-developan yang dalawang yan.” Ang sabi niya.
“Ewan ko sa iyo!” ang naiirita kong sabi sabay lakad palayo.
Hindi pa man ako nakakalayo ng mahawakan ni Jared nag braso ko.
“Tek Gab! Ano bang problema??”
“Itanong mo sa sarili mo kung anong problema!! Ang lakas ng loob mong tawaging akong Gabby sa harap ng ibang tao!! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan bwisit ka!” ang dire-diretso kong sigaw dito.
“Sorry..”
“You should be..”
Tahimik.. Siguro ay napansin niya ang pagtataray ko. Well it’s part of my plan di ba? Pero totoo lang kinilig ako dun sa pagtawag niya ng “Gabby ko!” Hihihihi!!
“Anyway, kumain na lang tayo! Nagugutom na ako! Hehehe.” Ang pagdivert ko ng mood.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Napagdesisyonan naming kumain sa food court. Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng sine then we went sa “Blue Magic” dahil may bibilhin daw siya.
“Gab, para sa iyo oh..” ang sabi niya sabay abot ng Teddy Bear na merong hawak-hawak na heart at nakalagay na “I Love You”.
“Sus..” ang nasabi ko na lang.
“Putcha!! Kinikilig naman ako!!! Gaaawwwddd!! Wait nga kalma, KUMALMA KA GABRIEL!! Ikaw si Erick ok?? Wag kang kilig potek!” ang sigaw ko sa sarili ko.
“Bakit mo naman ako binigyan nito ha?”
“Wala lang.. gusto ko.. wala namang masama di ba?”
“Eh saan ko naman ilalagay ito? At tsaka hindi mo man lang ba naisip ang magiging reaksyon ni Ace kapag nakita niya ito? Ikaw talaga gusto mo pa kaming mag-aaway eh.”
Kita ko naman ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Mula sa masaya ay nagign malungkot ito.
“Joke lang!” ang bawi ko.
“Gusto lang naman kita regaluhan eh.” Ang sabi niya.
“Bakit naman?”
“Wala.. Gusto ko lang..”
Napagdesisyonan ni Jared na umuwi kami through Bus para daw maiba naman hehehe. Syempre sinakyan ko na lang.
Habang nasa Bus..
“Thanks Gab ha.”
“Bakit?”
“Kasi pinagbigyan mo ako.” Sabay ngiti.
Hindi na lang ako kumibo, ang akala niya siguro ay unti-unti na niya ako nakukuha ulit. Well, nagkakamali siya. Bwahahahaha!!
Sinuot niya ang earphone niya at nag-play ng kanta. Ako naman ay tahimik na naka-upo at dumudungaw-dungaw sa bintana ng bus.
“Gab.” Ang tawag niya.
“Yes?” Ang sagot ko.
Inabot niya ang earphone senyales na meron siyang gustong ipadinig sa akin. Pag suot ko nun ay bumungad sa akin ang isang kanta. Ang kanta naming dalawa..
(Like I Am..)
Rascal Flatts - Like I Am
Powered by mp3skull.com
Nang matapos ang kanta ay tatanggalin ko na sana ang earphone kaso hinawakan niya ang kamay ko senyales na wag kong tanggalin ito. Naka-automatic repeat yung kanta so paulit-ulit na nadidinig ko yun sa aking tenga.
Muli, naalala ko ang mga masasayang oras naming dalawa. Sa pagkakataong ito, nagtatalo or should I say, naglalaban ang dalawang emosyon sa akin. Galit at Pagmamahal. Sa totoo lang gusto ko ng bumigay, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Pero hindi pupwede, dahil sa tuwing naiisip ko ito ay naaalala ko ang ginawa niya noon kay Ely na dumurog sa puso ko. Naisip ko din si Ace, papaano na si Ace?
“Anong tinitingin-tingin mo dyan??” ang bigla kong tanong sa kanya ng mapansin kong tumitingin-tingin siya.
“Wala.. Masaya lang ako.. kasi..” napatigil siya.
“Kasi ano?”
“Kasi alam ko, malapit ng bumalik sa akin ang Mahal ko.” Sabay ngiti.
Hindi ko na lang pinansin iyon imbes ay tinuon ko ang mga mata ko sa bintana. Hindi ko namanlayan nakatulog na pala ako.
…..
…..
…..
Pagmulat ng aking mga mata ay pansin ko na naka-hilig ang ulo ko sa kanyang balikat at ang kamay naman niya ay naka-akbay sa akin. Tiningnan ko siya, himbing na himbing ang tulog ng mokong. Hindi ko naiwasang titigan ang maamo’t gwapo niyang mukha. Napansin ko na mas gwapo siya ngayon kumpara noon.
“Shit!! Tumigil ka nga Gab! Ano ba?” ang sabi ko sa isip ko.
Akmang kakalas ako sa posisyon namin ay bigla siyang nagsalita (kahit tulog).
“I Love You Gab..” ang mahinang sabi niya.
Para akong natunaw sa salitang iyon. Simple, pero napaka-makapangyarihan.
Hindi ko napigilang hawakan ang kanyang kamay sabihing..
“I Love You Too Jared.. I Love You So Much...” sabay tulo ng luha ko.
Humilig ako sa kanyang balikat at muli ay naka-tulog ako habang nag-pplay pa rin ang kanta namin.
….
….
….
“Gab, wake up.. Bababa na tayo..” ang sabi niya habang yinuyugyog niya ako.
Tahimik kaming bumaba ng bus at pagkatapos ay pumara ng taxi.
“Manong sa ****** po.”
“Teka! Yun yung compound namin ahh.” Ang sabi ko.
“Oo nga..” ang sabi niya.
“Paano ka uuwi?”
“Uuuyyy nag-aalala siya.” Ang panunukso nito.
“Adik!! Tinatanong ko lang.”
“Hehehe. Don’t worry about me.”
“Eh papaano mo ngapala nalaman kung saan ako nakatira?”
“Ako pa!”
Pagdating sa May Gate ng compound namin ay tinext ko ang driver na nasa labas ako ng gate para sunduin niya ako.
“Sige na Jared..” ang paalam ko dito.
“Gab, alam mo ba kung ano meron ngayon?”
“Bakit? Ano ba meron ngayon?”
“Ngayon yung araw na pinagtanggol mo ako mula sa mga batang nagtangkang kumuha nung singsing ko. Eto yung araw na nagkakilala tayo.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Nagulat ako sa kanyang sinabi, hindi ko akalain na natatandaan niya rin pala ang eksaktong araw ng una naming pagkikita.
“So kaya mo ba ako binigyan ng regalo?” ang sabi ko dito.
“Oo..”
“Ahh.. Uumm.. Sige Jared, una na ako.”
“Sige ingat!”
At umalis na nga ang taxing sinasakyan niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang driver ko upang ihatid ako sa bahay. Habang nasa sasakyan ay nakatanggap ako ng text mula kay Jared.
“Alagaan mo yang binigay ko ha? Good Night! Sweet Dreams! Love You!”
“Si Sir Erick oh ngiting-ngiti.” Ang sabi ng driver.
“He!!! Tigil-tigilan mo nga ako manong! Bilisan mo na lang dyan at inaantok na ako.” Ang sabi ko.
Sa totoo lang ay kilig na kilig ako sa text nyang iyon, grabe ibang level na ito!! Aaaagghhh!!!
Pagkadating ko ng bahay ay nadatnan kong natutulog na si Ace. Dahan-dahan akogn tumabi sa kanya ngunit..
“San ka nanggaling?” ang tanong ni Ace.
“Shit!! Gising pa pala siya.” Ang sigaw ko sa utak ko.
“Ahh.. Ehh.. May appointment ako tapos medyo na-traffic pauwi.” Ang alibi ko.
“Appointment? Eh bakit hindi mo kasama yung driver?” ang sabi niya sabay tayo.
“Sasakyan nung kausap ko ang gamit ko.” Ang sabi ko sabay tayo na rin.
“Aaahh!! So Hinatid ka niya? How sweet!” ang sarcastic na sabi ni Ace.
“Pwede ba! Tigil-tigilan mo nga ako!” ang matigas kong sabi dito.
“Kailan pa nakisakay ng ibang sasakyan ang isang Erick Uriel Alvarez na may ari ng sandamukal na kumpanya sa loob at labas ng bansa?”
“Kailan pa Gab sige nga!” ang medyo malakas niyang sabi.
“Pwede ba Ace, pagod ako ok? Ayoko makipag-talo sa iyo.”
“Wow!! Pagod!! Bakit ano ba Ginawa mo at napagod ka!?!?”
“Bwisit na ito ahh!” ang sigaw ko sa isip ko.
“Gusto mo malaman kung bakit ako napagod?” ang tanong ko.
“Oo!”
“Nakipag-sex ako! Oh?? Ok ka na?? Masaya ka na??” ang pagsisinungaling ko sa kanya.
Para siyang naging bato pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon.
“Oh! Edi natahimik ka din!”
“Sinong YUNG KA-SEX MO?? SINO!!” ang sigaw niya sabay madiin na hawak sa braso ko.
“Ano ba Ace! Bitiwan mo ako nasasaktan ako!!” ang sigaw ko dito.
“Sino Gab!?!?”
“ANO BA!!” ang sigaw ko sabay tulak sa kanya.
“Eto ang patunay na wala kang tiwala sa akin!!” ang sigaw ko sa kanya.
“Lagi mo na lang akong pinaghihinalaan Ace! Lagi na lang!!”
“Eh kasi naman ehh, saan ka ba nagpunta talaga??”
“Dapat ba lahat ng pinupuntahan ko alam mo??”
“OO!! DAHIL BOYFRIEND MO AKO!!” ang sigaw niya.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Oo nga naman, nakalimutan ko na boyfriend ko siya at dapat ay nagpapaalam ako.
“Sana Gab naisip mo na merong Boyfriend na hindi makatulog sa pag-iisip sa iyo! Yung cellphone mo nakapatay, hindi namin ma-contact. Pinatawagan ko lahat ng possibleng puntahan mo pero wala!! Ano ba yan!!”
“Sorry.. N..n..na-lowbat ako Ace.. Sorry..” ang pagsisinungaling ko sabay yakap ko dito.
“Promise Ace di ko na uulitin.. I’m Sorry..” ang sabi ko.
“Sorry din mahal.. Sorry kung masyado ako naging Harsh.” Ang sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.
Natapos ang araw na iyon na nagkabati kami ni Ace. Ok naman ang lahat eh, pero eto si Jared, ginugulo ang nararamdaman ko. Oo, plano ko ang maging malapit sa kanya at sa huli ay saktan siya pero eto ako, unti-unting nahuhulog nanaman sa kanya. Ang hirap! Ang hirap-hirap palang pigilin ang totoong nraramdaman. Ang hirap palang magsinungaling, ang hirap magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao, pero ang katotohanan ay mahal na mahal mo ito.
Kinabukasan sa Opisina, nagpunta ako sa desk ni Jared para bigyan siya ng ilang assignments. Sa gitna ng aming pag-uusap..
“Sir Jared?” ang sabi ng isang babae.
“Yes?” ang sabi Jared.
“May nag-hahanap po sa inyo. Nasa Waiting Room po.”
“Sino daw?”
“Ayaw po magpakilala eh. Pero kilala mo daw siya.” Ang sabi ng babae.
“Ok sige bababa na ako.”
“Umm Gab, I mean Sir Erick, sandali lang po ha?” ang paalam nito.
“Sure..” ang sabi ko.
Pagka-alis ni Jared ng Room at nakita kong naiwan ang Cellphone niya. Kinuha ko ito dahil baka mawala at sinundan siya sa Waiting Room.
Pagkarating ko sa Waiting Room..
“Jared, Naiwan mo yung Phone mo.” Ang sabi ko.
Paglingon ni Jared ay nakita ko ang kausap niya, si Ely at may hawak-hawak na maliit na bata.
“Gab!?!?” ang gulat na gulat niyang sabi.
(itutuloy..)
FOLLOW US
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.